unang markahan modyul 5: pagguhit ng mukha gamit ang ......iba- iba man ang hitsura ng ating mukha,...

23
Arts Unang Markahan – Modyul 5: Pagguhit ng Mukha Gamit ang Linya, Hugis at Tekstura. 2

Upload: others

Post on 28-Oct-2020

16 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Unang Markahan Modyul 5: Pagguhit ng Mukha Gamit ang ......Iba- iba man ang hitsura ng ating mukha, Ito ay dapat nating ipagmalaki, Bawat mukha ay mahalaga, Sapagkat ito’y biyaya

Arts

Unang Markahan – Modyul 5:

Pagguhit ng Mukha Gamit ang

Linya, Hugis at Tekstura.

2

Page 2: Unang Markahan Modyul 5: Pagguhit ng Mukha Gamit ang ......Iba- iba man ang hitsura ng ating mukha, Ito ay dapat nating ipagmalaki, Bawat mukha ay mahalaga, Sapagkat ito’y biyaya

Arts – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 5: Pagguhit ng Mukha Gamit ang Linya, Hugis at Tekstura Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon-Region III Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando Telefax: (045) 598-8580 to 89

E-mail Address: [email protected]

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Cristal A. Delos Reyes

Editor: Jose C. Tala Ed D

Nelson Oliva

Tagasuri: Saturnino Dumlao

Tagaguhit: Cristal A. Delos Reyes

Tagalapat: Melanie S. Berrame

Tagapamahala:

Nicolas T. Capulong Ph D

Librada M. Rubio Ph D

Ma. Editha R. Caparas Ed D

Nestor P. Nuesca Ed D

Engelbert Agunday Ph D

Felegina Bugay

Jose C. Tala EdD

Page 3: Unang Markahan Modyul 5: Pagguhit ng Mukha Gamit ang ......Iba- iba man ang hitsura ng ating mukha, Ito ay dapat nating ipagmalaki, Bawat mukha ay mahalaga, Sapagkat ito’y biyaya

2

Arts Unang Markahan – Modyul 5:

Pagguhit ng Mukha Gamit ang

Linya, Hugis at Tekstura.

Page 4: Unang Markahan Modyul 5: Pagguhit ng Mukha Gamit ang ......Iba- iba man ang hitsura ng ating mukha, Ito ay dapat nating ipagmalaki, Bawat mukha ay mahalaga, Sapagkat ito’y biyaya

ii

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Arts

Ikalawang Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM)

Modyul para sa araling Pagguhit ng mukha gamit ang

iba’t ibang linya, hugis at tekstura.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo,

nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at

pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang

gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng

mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K

to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,

panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay

ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto

na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at

oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral

upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo

habang isinasaalang-alang ang kanilang mga

pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing

teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan

ng modyul:

Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o

estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Page 5: Unang Markahan Modyul 5: Pagguhit ng Mukha Gamit ang ......Iba- iba man ang hitsura ng ating mukha, Ito ay dapat nating ipagmalaki, Bawat mukha ay mahalaga, Sapagkat ito’y biyaya

iii

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng

paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin

ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at

itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang

pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,

inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at

gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga

gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Arts- Ikalawang Baitang

ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa

Pagguhit ng mukha gamit ang iba’t ibang linya, hugis at

tekstura !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong

pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa

iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.

Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang

oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na

dapat mong maunawaan.

Alamin

Sa bahaging ito, malalaman

mo ang mga dapat mong

matutuhan sa modyul.

Page 6: Unang Markahan Modyul 5: Pagguhit ng Mukha Gamit ang ......Iba- iba man ang hitsura ng ating mukha, Ito ay dapat nating ipagmalaki, Bawat mukha ay mahalaga, Sapagkat ito’y biyaya

iv

Subukin

Sa pagsusulit na ito, makikita

natin kung ano na ang

kaalaman mo sa aralin ng

modyul. Kung nakuha mo ang

lahat ng tamang sagot (100%),

maaari mong laktawan ang

bahaging ito ng modyul.

Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o

balik-aral upang matulungan

kang maiugnay ang

kasalukuyang aralin sa

naunang leksyon.

Tuklasin

Sa bahaging ito, ang bagong

aralin ay ipakikilala sa iyo sa

maraming paraan tulad ng

isang kuwento, awitin, tula,

pambukas na suliranin, gawain

o isang sitwasyon.

Suriin

Sa seksyong ito, bibigyan ka

ng maikling pagtalakay sa

aralin. Layunin nitong

matulungan kang

maunawaan ang bagong

konsepto at mga kasanayan.

Page 7: Unang Markahan Modyul 5: Pagguhit ng Mukha Gamit ang ......Iba- iba man ang hitsura ng ating mukha, Ito ay dapat nating ipagmalaki, Bawat mukha ay mahalaga, Sapagkat ito’y biyaya

v

Pagyamanin

Binubuo ito ng mga gawaing

para sa mapatnubay at

malayang pagsasanay upang

mapagtibay ang iyong pang-

unawa at mga kasanayan sa

paksa. Maaari mong iwasto

ang mga sagot mo sa

pagsasanay gamit ang susi sa

pagwawasto sa huling bahagi

ng modyul.

Isaisip

Naglalaman ito ng mga

katanungan o pupunan ang

patlang ng pangungusap o

talata upang maproseso kung

anong natutuhan mo mula sa

aralin.

Isagawa

Ito ay naglalaman ng

gawaing makatutulong sa iyo

upang maisalin ang bagong

kaalaman o kasanayan sa

tunay na sitwasyon o realidad

ng buhay.

Tayahin

Ito ay gawain na

naglalayong matasa o

masukat ang antas ng

pagkatuto sa pagkamit ng

natutuhang kompetensi.

Page 8: Unang Markahan Modyul 5: Pagguhit ng Mukha Gamit ang ......Iba- iba man ang hitsura ng ating mukha, Ito ay dapat nating ipagmalaki, Bawat mukha ay mahalaga, Sapagkat ito’y biyaya

vi

Karagdagang Gawain

Sa bahaging ito, may ibibigay

sa iyong panibagong gawain

upang pagyamanin ang iyong

kaalaman o kasanayan sa

natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto

Naglalaman ito ng mga

tamang sagot sa lahat ng

mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa

paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag

lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang

bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa

pagsagot sa mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago

lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa

modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang

bawat pagsasanay.

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat

ng pinagkuhanan sa

paglikha o paglinang ng

modyul na ito.

Page 9: Unang Markahan Modyul 5: Pagguhit ng Mukha Gamit ang ......Iba- iba man ang hitsura ng ating mukha, Ito ay dapat nating ipagmalaki, Bawat mukha ay mahalaga, Sapagkat ito’y biyaya

vii

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa

pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto

ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa

iba pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o

tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng

pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga

gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang

konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka

rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa

nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga

kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging

itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,

makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at

makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay

na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Page 10: Unang Markahan Modyul 5: Pagguhit ng Mukha Gamit ang ......Iba- iba man ang hitsura ng ating mukha, Ito ay dapat nating ipagmalaki, Bawat mukha ay mahalaga, Sapagkat ito’y biyaya

1

Alamin

Ang modyul na ito ay may mga gawain na susukat

at lilinang sa iyong kaalaman tungkol sa pagguhit ng

mukha ng tao, gamit at iba’t ibang hugis, linya at

tekstura.

Sa modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang

sumusunod na kasanayan:

• Natutukoy ang iba’t ibang linya, hugis at textura sa

pagguhit ng mukha ng tao.

• Nakagagamit ng iba’t ibang linya, hugis at textura

sa pagguhit ng mukha ng tao.

• Nakaguguhit ng isang larawan ng dalawa o higit

pang tao na nagpapakita ng mga pagkakaiba sa

parte at hugis ng kanilang mga mukha.

• Napapahalagahan ang taglay na katangian ng

mukha ng bawat indibidwal.

Page 11: Unang Markahan Modyul 5: Pagguhit ng Mukha Gamit ang ......Iba- iba man ang hitsura ng ating mukha, Ito ay dapat nating ipagmalaki, Bawat mukha ay mahalaga, Sapagkat ito’y biyaya

2

Subukin

Suriin ang larawan at magbigay ng limang (5) hugis,

linya o textura na iyong makikita sa baba.

1. ____________________ 4. ____________________

2. ____________________ 5. ____________________

3. ____________________

Mga Tala para sa Guro

Ang mga aktibidad sa modyul na ito ay nakaayos ayon sa

pinakamadali papahirap upang matulungan ang mag-aaral na unti-unting

matutunan ang mga kasanayang mag-aaral.

Bigyan ang mag-aaral ng kinakailangang suporta at gabay sa

pagsagot ng mga aktibidad ng matagumpay.

Page 12: Unang Markahan Modyul 5: Pagguhit ng Mukha Gamit ang ......Iba- iba man ang hitsura ng ating mukha, Ito ay dapat nating ipagmalaki, Bawat mukha ay mahalaga, Sapagkat ito’y biyaya

3

Naaalala mo pa ba ang mga linya at hugis na iyong

ginamit sa pagguhit ng Still Life?

Sa nakaraang aralin, natutunan mo ang mga dapat

na tandaan sa pagguhit ng Still Life tulad ng paggamit ng

tunay na kulay, paggamit ng mga hugis at linya ng tunay

na bagay at ayusin ang mga bagay: ang iba ay sa

harap; ang iba ay sa likod.

Sa susunod nating aralin ay tungkol sa pagguhit ng

mukha ng tao gamit ang iba’t ibang hugis, linya at

tekstura.

Tuklasin

Sa modyul na ito ay matutunan natin ang paggamit

ng iba’t ibang hugis, linya at tekstura sa paggugit ng

mukha ng tao.

Aralin

1

Pagguhit ng Mukha

Gamit ang Linya, Hugis at

Tekstura.

Balikan

Page 13: Unang Markahan Modyul 5: Pagguhit ng Mukha Gamit ang ......Iba- iba man ang hitsura ng ating mukha, Ito ay dapat nating ipagmalaki, Bawat mukha ay mahalaga, Sapagkat ito’y biyaya

4

Basahin at unawain ang tula. Sagutin ang mga

sumusunod na tanong.

May Katangian Ang Mukha Ng Bawat Tao

ni: Cristal A. Delos Reyes

Bawat tao ay may mukha,

Ito’y may iba’t ibang hitsura.

May mukhang hugis bilog, hugis puso

At sa iba naman ay hugis bilohaba.

May malaki at bilugan ang mata,

Maliit at singkit na mata naman ang sa iba.

May kulot at may tuwid na buhok,

May pango at patangos na ilong.

Iba- iba man ang hitsura ng ating mukha,

Ito ay dapat nating ipagmalaki,

Bawat mukha ay mahalaga,

Sapagkat ito’y biyaya ng Poong Maykapal.

1. Ano ang pamagat ng tula?

2. Tungkol saan ang tula?

3. Ano anong hugis ng mukha ang na banggit sa tula?

4. Magbigay na iba pang katangian ng mukha na

nabanggit sa tula?

5. Paano mo mapapahalagahan ang katangiang taglay

ng iyong mukha

Suriin

Page 14: Unang Markahan Modyul 5: Pagguhit ng Mukha Gamit ang ......Iba- iba man ang hitsura ng ating mukha, Ito ay dapat nating ipagmalaki, Bawat mukha ay mahalaga, Sapagkat ito’y biyaya

5

Ang mukha ng tao ay binubuo ng ibat ibang hugis,

linya at textura.

Sa pagguhit ng mukha ng tao maaari tayong

gumamit ng hugis tulad ng bilog, tatsulok, bilohaba at

parisukat.

Pangunahing hugis ng mukha

bilog tatsulok

bilohaba parisukat

Page 15: Unang Markahan Modyul 5: Pagguhit ng Mukha Gamit ang ......Iba- iba man ang hitsura ng ating mukha, Ito ay dapat nating ipagmalaki, Bawat mukha ay mahalaga, Sapagkat ito’y biyaya

6

Maaaring gumuhit ng ibat ibang hugis at linya para

makabuo ng mata, ilong, labi, tainga at buhok.

Maaari ring gumamit ng iba pang elemento para

mabigyan ng textura at pagkakakilanlan ang karakter.

tuwid pahalang Paalun-alon pasigsag

Para sa ilong

maaaring

gumamit ng

hugis tatsulok

Sa bibig

maaaring

gumamit ng

linyang paalon

Para sa mata

maaaring gumamit

ng bilohaba at

bilog na hugis

Page 16: Unang Markahan Modyul 5: Pagguhit ng Mukha Gamit ang ......Iba- iba man ang hitsura ng ating mukha, Ito ay dapat nating ipagmalaki, Bawat mukha ay mahalaga, Sapagkat ito’y biyaya

7

Pinatnubayang Pagsasanay

Magsanay sa pagguhit ng mukha sa pamamagitan

ng pagbakat ng mukha ng batang lalake at babae.

Pagyamanin

Page 17: Unang Markahan Modyul 5: Pagguhit ng Mukha Gamit ang ......Iba- iba man ang hitsura ng ating mukha, Ito ay dapat nating ipagmalaki, Bawat mukha ay mahalaga, Sapagkat ito’y biyaya

8

Pinatnubayang Pagtatasa

Gamit ang pangunahing hugis ng mukha at mga

iba’t ibang linya. Gumuhit ng apat (4) na mukha sa

bawat kahon.

Isaisip

Punan ang patlang ng tamang sagot base sa iyong

napag-aralan.

Sa pagguhit ng mukha ng tao, gumagamit ng iba’t

ibang ______, ______, at __________ upang ito ay maging

makatotohanan.

Page 18: Unang Markahan Modyul 5: Pagguhit ng Mukha Gamit ang ......Iba- iba man ang hitsura ng ating mukha, Ito ay dapat nating ipagmalaki, Bawat mukha ay mahalaga, Sapagkat ito’y biyaya

9

Gawain

Gumuhit ng mukha ng miyembro ng iyong pamilya,

kamag-anak o kaibigan gamit ang mga hugis, linya at

textura na iyong napag-aralan.

Sino- sino ang iyong iginuhit?

________________________________________________________

Bakit mo sila iginuhit?

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

Page 19: Unang Markahan Modyul 5: Pagguhit ng Mukha Gamit ang ......Iba- iba man ang hitsura ng ating mukha, Ito ay dapat nating ipagmalaki, Bawat mukha ay mahalaga, Sapagkat ito’y biyaya

10

Magbigay ng lima (5) hugis o linya na maaaring

gamitin sa pagguhit ng mukha.

1. ____________________

2. ____________________

3. ____________________

4. ____________________

5. ____________________

Gumuhit ng sariling karakter na ginagamit ang iba’t

ibang hugis, linya at tektura.

Tayahin

Karagdagang Gawain

Page 20: Unang Markahan Modyul 5: Pagguhit ng Mukha Gamit ang ......Iba- iba man ang hitsura ng ating mukha, Ito ay dapat nating ipagmalaki, Bawat mukha ay mahalaga, Sapagkat ito’y biyaya

11

Iguhit ang frontliner na iyong hinahangan.

Sumulat ng maikling kuwento kung ano ang

kaniyang tungkulin sa komunidad at kung bakit mo sya

hinahangaan.

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

Page 21: Unang Markahan Modyul 5: Pagguhit ng Mukha Gamit ang ......Iba- iba man ang hitsura ng ating mukha, Ito ay dapat nating ipagmalaki, Bawat mukha ay mahalaga, Sapagkat ito’y biyaya

12

Susi sa Pagwawasto

Tayahin

1.bilog

2.tatsulok

3.bilohaba

4.parisukat

5.puso

Subukin

1.bilog

2.tatsulok

3.bilohaba

4.paalun alon

5.tuwid

Tuklasin

1.May katangian

ang mukha ng

bawat tao

2.Katangian ng

Mukha

3.Bilog, puso at

bilohaba

4.Kulot at tuwid

na buhok

May malaki at

bilugan ang

mata,

Maliit at singgit

na mata

5.Answer may

vary

Isaisip

1.hugis

2.linya

3.textura

Karagdagang Gawain

Iskala ng Pagmamarka

4 (napakahusay) 3 (mahusay) 2 (katamtaman) 1

(di-gaanong mahusay)

Pamantayan Pagmamarka ng Guro

1. Paglalarawan ng

Konsepto

2. Kalinisan

3. Paglamalikhain

4.Pagsunod sa panuto

5.Malinis at maayos ang

kabuuang presentasyon

Page 22: Unang Markahan Modyul 5: Pagguhit ng Mukha Gamit ang ......Iba- iba man ang hitsura ng ating mukha, Ito ay dapat nating ipagmalaki, Bawat mukha ay mahalaga, Sapagkat ito’y biyaya

13

Sanggunian

LRMDS “Learning Resource Portal” DepEd Learning Portal.

Last modified May 2016. http://lrmds.deped.gov.ph/

Ramilo, Rolando V., Pabilonia, Fe P., Igot, Kristel Iris E. and

Catacutan, Marco A. Music, Arts,

Physical Education and Health. 1st ed. Philippines:

Rex Book Store, INC, 2013, 168-171.

Page 23: Unang Markahan Modyul 5: Pagguhit ng Mukha Gamit ang ......Iba- iba man ang hitsura ng ating mukha, Ito ay dapat nating ipagmalaki, Bawat mukha ay mahalaga, Sapagkat ito’y biyaya

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: [email protected] * [email protected]