unang markahan modyul 4: pagkilala sa balanse...pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa...

19
Arts Unang Markahan – Modyul 4: Pagkilala sa Balanse 3

Upload: others

Post on 02-Jan-2021

26 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Unang Markahan Modyul 4: Pagkilala sa Balanse...pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay

Arts

Unang Markahan – Modyul 4:

Pagkilala sa Balanse

3

Page 2: Unang Markahan Modyul 4: Pagkilala sa Balanse...pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay

Arts – Ikatlong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Pagkilala sa Balanse Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anuman akda ang Pamahalaan ng Pilipinas”. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anuman gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anuman parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anuman paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – Region XI Office Address: F. Torres St., Davao City

Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147

E-mail Address: [email protected] * [email protected]

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Judith D. Abrigana

Editor : Marivic O. Arro, Armando Aguillon, Arcel W. Gacasan,

Lynneth Baptista, May H. Zarate, Lorinda G. Ponferrada

Tagasuri: Aidena L. Nuesca, Jennie T. Calamba, Jecson L. Oafallas

Tagaguhit: Loureven John L. Drilon

Tagalapat: Guillesar P. Villarente, Alexis K. Cayamba, Christopher U. Gonzales

Tagapamahala: Evelyn R. Fetalvero Reynante A. Solitario

Janette G. Veloso Janwario E. Yamota

Analiza C. Almazan Djhoane C. Aguilar

Ma. Cielo D. Estrada Maria Perpetua Angelita G. Suelto

Jeselyn B. dela Cuesta Reynaldo C. Deocampo

Page 3: Unang Markahan Modyul 4: Pagkilala sa Balanse...pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay

3

Arts Unang Markahan – Modyul 4:

Pagkilala sa Balanse

Page 4: Unang Markahan Modyul 4: Pagkilala sa Balanse...pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay

ii

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Arts sa Ikatlong

Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa

araling Pagkilala sa Balanse!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at

sinuri ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong

institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang

matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda

ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang

pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-

aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain

ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong

matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga

kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang

kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto,

makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang

kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na

ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila

habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling

pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang

hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang

mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o

estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Page 5: Unang Markahan Modyul 4: Pagkilala sa Balanse...pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay

iii

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Arts sa Ikatlong

Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa

Pagkilala sa Balanse!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong

pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-

aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong

mabigyan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat

mong maunawaan.

Alamin

Sa bahaging ito, malalaman mo

ang mga dapat mong matutuhan

sa modyul.

Subukin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin

kung ano na ang kaalaman mo sa

aralin ng modyul. Kung nakuha mo

ang lahat ng tamang sagot (100%),

maaari mong laktawan ang

bahaging ito ng modyul.

Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o balik-

aral upang matulungan kang

maiugnay ang kasalukuyang aralin

sa naunang leksyon.

Tuklasin

Sa bahaging ito, ang bagong

aralin ay ipakikilala sa iyo sa

maraming paraan tulad ng isang

kuwento, awitin, tula, pambukas

na suliranin, gawain o isang

sitwasyon.

Page 6: Unang Markahan Modyul 4: Pagkilala sa Balanse...pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay

iv

Suriin

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng

maikling pagtalakay sa aralin.

Layunin nitong matulungan kang

maunawaan ang bagong

konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin

Binubuo ito ng mga gawaing para

sa mapatnubay at malayang

pagsasanay upang mapagtibay

ang iyong pang-unawa at mga

kasanayan sa paksa. Maaari mong

iwasto ang mga sagot mo sa

pagsasanay gamit ang susi sa

pagwawasto sa huling bahagi ng

modyul.

Isaisip

Naglalaman ito ng mga

katanungan o pupunan ang

patlang ng pangungusap o talata

upang maproseso kung anong

natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa

Ito ay naglalaman ng gawaing

makatutulong sa iyo upang

maisalin ang bagong kaalaman o

kasanayan sa tunay na sitwasyon o

realidad ng buhay.

Tayahin

Ito ay gawain na naglalayong

matasa o masukat ang antas ng

pagkatuto sa pagkamit ng

natutuhang kompetensi.

Page 7: Unang Markahan Modyul 4: Pagkilala sa Balanse...pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay

v

Karagdagang Gawain

Sa bahaging ito, may ibibigay sa

iyong panibagong gawain upang

pagyamanin ang iyong kaalaman

o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto

Naglalaman ito ng mga tamang

sagot sa lahat ng mga gawain sa

modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng

modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan

ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng

modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga

pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba

pang gawaing napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat

pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa

ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba

pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa inyong guro o tagapagdaloy

kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng

pinagkuhanan sa paglikha o

paglinang ng modyul na ito.

Page 8: Unang Markahan Modyul 4: Pagkilala sa Balanse...pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay

vi

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain

sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang

inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay

nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa

iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging

itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,

makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka

ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.

Kaya mo ito!

Page 9: Unang Markahan Modyul 4: Pagkilala sa Balanse...pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay

1

Alamin

Sa modyul na ito, matutuhan ang pagkilala sa larawan

tungkol sa balanseng guhit na landscape. Maaaring makaguhit

ng magagandang tanawin na makikita sa iba’t ibang rehiyon ng

ating bansa at mabigyang halaga ang mga ito sa pamamagitan

ng pagguhit na naka-landscape ang disenyo. Mayroon kang

pagkakataong maipagmalaki ang magagandang tanawin na

nakatago sa inyong lugar. Ang modyul na ito ay makatutulong

upang madaling maunawaan ang larawan na landscape.

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:

1. nakakikilala ng foreground, middle ground, at background

ng landscape drawing;

2. nakaguguhit ng landscape na nagpapakita ng balanse; at

3. napapahalagahan ang kagandahan ng landscape sa

lalawigan o rehiyon sa pamamagitan ng malikhaing

pagguhit (A3PL-ld).

Page 10: Unang Markahan Modyul 4: Pagkilala sa Balanse...pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay

2

Subukin

Nakapasyal ka na ba sa mga magagandang tanawin ng

iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas? Kung wala pa, suriin ang mga

larawan at kilalanin ang mga ito.

Panuto: Tukuyin ang mga larawan sa pamamagitan ng

pagtatapat-tapat sa hanay A at B. Isulat ang letra ng tamang

sagot sa iyong sagutang papel.

Hanay A Hanay B

1. A. Bundok Mayon

2. B. Chocolate Hills

3. C. Bundok Apo

Page 11: Unang Markahan Modyul 4: Pagkilala sa Balanse...pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay

3

Aralin

1 Pagkilala sa Balanse

Ang foreground ay bahagi ng larawan na mukhang nasa

harap. Malaki ang pagkaguhit nito upang malapit ito sa mata ng

tumitingin.

background

middle ground

foreground

Kapag ang bahagi ng pagguhit na namamalagi sa pagitan

ng foreground at background ito ay tinatawag na middle

ground. Ang background naman ay bahagi ng larawan na lilitaw

at tila nasa likuran. Maliit ang pagkaguhit nito upang dumistansiya

sa tumitingin ng larawan.

Balikan

Panuto: Sabihin kung Tama o Mali ang sumusunod na konsepto

tungkol sa paglinang sa tekstura ng larawan. Gawin ito sa iyong

sagutang papel.

_____1. Ang visual texture ay tumutukoy sa pang-ibabaw na

kaanyuan ng larawan na nagpapamalas ng kapal o nipis

sa pamamagitan lamang ng pagtingin dito.

Page 12: Unang Markahan Modyul 4: Pagkilala sa Balanse...pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay

4

_____2. Ang tekstura ng larawan ay maaaring linangin sa

paggamit lamang ng mga kulay.

_____3. Masining na pinag-ekis-ekis ang patayo at pahalang na

mga linya sa paggayak ng crosshatching.

_____4. Sa paraang pointillism, ginagamitan ng iba’t ibang mga

hugis ang pagdidisenyo sa larawan.

_____5. Naipapamalas ang kahusayan sa pagguhit sa

pamamamgitan paghalo ng kulay o color blending.

Tuklasin

Ang isang artist na katulad mo ay maaaring maipakita ang

bagay na maging malaki o maliit sa paggguhit depende sa

paglalagay o posisyon ng foreground, middle ground, at

background.

Ang mga bagay sa foreground ay karaniwang malaki dahil

nagpapakita sila ng bahaging harap at pinakamalapit sa

tumitingin nito habang ang mga bagay sa background ay

lumilitaw na maliit para malayo sa tumitingin nito. Ang mga

bagay na nasa middle ground naman ay matatagpuan sa

pagitan ng background at foreground.

background

middle ground

foreground

Page 13: Unang Markahan Modyul 4: Pagkilala sa Balanse...pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay

5

1.

2.

3.

Suriin

Panuto: Suriin ang larawan sa pahinang ito. Tukuyin ang balanse

ng landscape kung ito ay foreground, middle ground o

background nito. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Page 14: Unang Markahan Modyul 4: Pagkilala sa Balanse...pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay

6

Pagyamanin

Panuto: Iguhit at kulayan ang larawan. Gamiting gabay ang mga

kulay sa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Kayumanggi - foreground Dilaw - middle ground

Bughaw - background

Isaisip

Laging tandaan ang landscape drawing ay pahiga.

1. Magiging balanse ang guhit kapag may foreground, middle

ground at background.

2. Foreground ang pinakamalapit sa tumitingin nito.

3. Middle ground ay nasa pagitan ng foreground at background.

4. Background ang pinakamalayong tingnan sa larawan.

Page 15: Unang Markahan Modyul 4: Pagkilala sa Balanse...pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay

7

Isagawa

Panuto: Gumuhit ng isang landscape drawing sa iyong sagutang

papel at naisaalang-alang ang foreground, middle ground at

background.

Gamiting panukatan sa magbibigay ng marka ang mga

sumusunod:

5 – Pinakamahusay 2 – Katamtamang husay

4 – Napakahusay 1 – Kailaman paunlarin

3 – Mahusay

Pamantayan Puntos

Nakikita ang foreground,

middle ground at background.

Maayos ang pagkakulay.

Malinis ang gawa.

Kabuuang Puntos: 15

Page 16: Unang Markahan Modyul 4: Pagkilala sa Balanse...pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay

8

Tayahin

Panuto: Isulat ang tamang letra sa iyong sagutang papel.

1. Ano ang tawag sa guhit na binubuo ng foreground, middle

ground, at background?

a.Visual na Tekstura b. Landscape Drawing

c. Pinta d. Balanse

2. Ito ay malapit sa tumitingin na nakapaloob sa landscape

drawing.

a. foreground b. middle ground

c. background d. guhit

3. Ito ay tawag sa guhit na malayong tingnan at nakapaloob sa

landscape drawing.

a. foreground b. middle ground

c. background d. balanse

4. Ito ay nasa pagitan ng foreground at background ng larawang

landscape.

a. foreground b. middle ground

c. background d. balanse

5. Paano naging balanse ang landscape drawing?

a. Binubuo ito ng foreground at background.

b. Binubuo ito ng middle ground at landscape drawing.

c. Binubuo ito ng middle ground, drawing at landscape.

d. Binubuo ito ng background, foreground at middle ground.

Page 17: Unang Markahan Modyul 4: Pagkilala sa Balanse...pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay

9

Karagdagang Gawain

Gawain A

Sundin ang sumusunod na mga hakbang. Gamiting gabay

ang naunang rubrik. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Mga Hakbang:

1. Mag-isip ng magandang tanawin sa inyong lugar o probinsiya.

Tiyakin na makikita ang foreground, middle ground at

background sa inyong iguguhit na larawan.

2. Kulayan ang iginuhit na larawan.

3. Lagyan ng pamagat ang natapos na Landscape drawing.

Gawain B

Panuto: Suriin ang ginuhit na larawan ng Gawain A.

Iguhit ang masayang mukha( ) sa iyong sagutang papel kung

ang iyong sagot ay Oo at malungkot na mukha( )kung Hindi.

1. Naiguhit ko sa balanse ang landscape.

2. Nakukulayan ko nang maayos ang aking guhit.

3. Nabibigyan ko ng halaga ang magagandangtanawin.

4. Naaayon ang pamagat sa guhit.

5. Nasisiyahan sa gawaing ito.

Page 18: Unang Markahan Modyul 4: Pagkilala sa Balanse...pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay

10

Sanggunian

Music, Art, Physical Education and Health, Kagamitan ng mga

Mag-aaral, Sinugbuanong Binisaya, Grade 3 pp.156-158

Arts - Gabay ng Guro pp.140-141

Music, Art, Physical Education and Health Batayang

Pangkurikulum p.26

Susi sa Pagwawasto

Tayahin

1.b

2.a

3.c

4.b

5.d

Karagdagang Gawain

A.Nababatay ang

iskor sa

Rubriks.

B. Nababatay sa

nagawang

guhit sa Gawain A.

Subukin

1.B

2.C

3.A

Balikan

1. Tama

2. Mali

3. Tama

4. Mali

5. Tama

Suriin

1.Background

2.Middle ground

3.Foreground

Isagawa

Nababatay ang guhit sa

rubriks.

Pagyamanin

Page 19: Unang Markahan Modyul 4: Pagkilala sa Balanse...pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex

Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: [email protected] * [email protected]