unang markahan...mga elemento ng kabutihang panlahat 1. ang paggalang sa indibidwal na tao dahil ang...

9
1 | Page UNANG MARKAHAN Republic of the Philippines Department of Education Region III – Central Luzon Schools Division of Tarlac Province Tarlac, Tarlac ukasyon sa agpapakatao OMPENDIUM OF OTES 9 WEEK 1 & 2 UNANG MARKAHAN

Upload: others

Post on 14-Nov-2020

55 views

Category:

Documents


2 download

TRANSCRIPT

Page 1: UNANG MARKAHAN...Mga Elemento ng Kabutihang Panlahat 1. Ang Paggalang sa Indibidwal na Tao Dahil ang Kabutihang Panlahat ay nagpapahalaga sa kalikasan ng tao, hindi ito lubos na iiral

1 | P a g e

UNANG MARKAHAN

Republic of the Philippines

Department of Education Region III – Central Luzon

Schools Division of Tarlac Province

Tarlac, Tarlac

ukasyon sa agpapakatao

OMPENDIUM OF OTES 9

WEEK 1 & 2

UNANG MARKAHAN

Page 2: UNANG MARKAHAN...Mga Elemento ng Kabutihang Panlahat 1. Ang Paggalang sa Indibidwal na Tao Dahil ang Kabutihang Panlahat ay nagpapahalaga sa kalikasan ng tao, hindi ito lubos na iiral

2 | P a g e

COMPENDIUM OF NOTES IN EsP GRADE 9 (1st Quarter) WEEK: Week 1 DATE: MELC: 1.1 Natutukoy ang mga Elemento ng Kabutihang Panlahat. NILALAMAN: Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat

MAHALAGANG TANDAAN! Lipunan – mula sa salitang ugat na “lipon” na nangangahulugang pangkat. kinabibilangan ng

mga indibidwal na patungo sa iisang layunin o tunguhin. Kabutihang Panlahat – ito ay ang tunay na tunguhin ng lipunan, tumutukoy ito sa kabutihang

naaayon sa moralidad ng tao sa Likas na Batas Moral. Elemento – tumutukoy sa pangunahing bahagi ng isang bagay, nilalang o kaganapan

MAHALAGANG MALAMAN! MEETING 1 Ang Lipunan

1. “Walang sinumang tao ang maaaring mabuhay para sa kaniyang sarili lamang.” Kinakailangan ng taong makibahagi at mamuhay sa lipunan, isa ito sa itinalagang likas na katangian ng mga nilikha ayon sa Likas na Batas.

2. Ang ating pagiging kasama-ng-kapwa ay isang pagpapahalaga na nagbibigay ng tunay na kaganapan sa ating pagkatao.

3. Ano nga ba ang lipunan? Ang salitang Lipunan ay nagmula sa salitang ugat na “lipon” na

nangangahulugang pangkat. 4. Ang salitang komunidad ay galing sa Latin na communis na nangangahulugang common o pagkakapareho. 5. Ayon kay Jacques Maritain, ang manunulat ng aklat na “The Person and the Common Good” (1966), hahanapin talaga ng tao na mamuhay sa lipunan sa dalawang mahalagang kadahilanan.

Una, ito ay dahil sa katotohanang hindi siya nilikhang perpekto o ganap at dahil likas para sa kaniya ang magbahagi sa kaniyang kapwa ng kaalaman at pagmamahal. Pangalawa, ninanais o hinahangad ng taong mamuhay sa lipunan dahil sa kaniyang pangangailangan o kakulangan mula sa materyal na kalikasan.

Page 3: UNANG MARKAHAN...Mga Elemento ng Kabutihang Panlahat 1. Ang Paggalang sa Indibidwal na Tao Dahil ang Kabutihang Panlahat ay nagpapahalaga sa kalikasan ng tao, hindi ito lubos na iiral

3 | P a g e

Kabutihang Panlahat 1. Ano nga ba ang Kabutihang Panlahat? Sa simpleng salita, masasabing ito ay kabutihan

para sa bawat isang indibidwal na nasa lipunan. 2. Ayon naman kay John Rawls, ang Kabutihang Panlahat ay ang pangkalahatang

kondisyong pantay na ibinahagi para sa kapakinabangan ng lahat ng kasapi ng isang lipunan.

Mga Elemento ng Kabutihang Panlahat 1. Ang Paggalang sa Indibidwal na Tao

Dahil ang Kabutihang Panlahat ay nagpapahalaga sa kalikasan ng tao, hindi ito lubos na iiral kung hindi kikilalanin at pahahalgahan ang kaniyang dignidad.

2. Ang tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng pangkat Ang pag-unlad ang kabuuang pokus ng panlipunang tungkuling maibigay sa mga tao. Karaniwang sinusukat ito halimbawa sa (a) mga pampublikong sistema ng pangangalaga ng kalusugan; (b) epektibong pampublikong pangkaligtasan at seguridad; (c) kapayapaang namamagitan sa bawat bansa sa mundo; (d) makatarungang sistemang legal at pampolitika; (e) malinis na kapaligiran at umuunlad na sistemang pang-ekonomiya.

3. Ang Kapayapaan Ang kapayapaan ay resulta ng pagkakaroon ng katahimikan, kapanatagan, at kawalan ng anu mang uri o mukha ng kaguluhan sa panlabas man o kalooban ng umiiral. Ito rin ay indikasyon ng pagkakaroon ng kabutihang panlahat, ang katatagan at seguridad ng makatarungang kaayusan.

Konseptong Dapat Malaman Pinapakahulugan ng mga elementong ito na ang kabutihang panlahat ay hindi lamang nangyayari nang kusa. Upang makamit at mapanatili ang kabutihang panlahat, nangangailangan ng sama-samang pagkilos ng mga tao, hindi ng iilan lamang kundi ng lahat.

MAHALAGANG MALIMI!

Dapat ay laging isinasaalang-alang ang mga elementong ito upang makita kung ang mga nangyayari sa ating lipunan ay patuloy na nagsusulong, kumikilala at kumikilos para sa kabutihang panlahat.

MAHALAGANG TUPDIN! Ang aking tugon mula sa konseptong natutunan ay ang mga sumusunod: 1. Bilang mag-aaral, ___________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 2. Bilang anak, _______________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________

3. Bilang mamamayan, ________________________________________________________

__________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________

Page 4: UNANG MARKAHAN...Mga Elemento ng Kabutihang Panlahat 1. Ang Paggalang sa Indibidwal na Tao Dahil ang Kabutihang Panlahat ay nagpapahalaga sa kalikasan ng tao, hindi ito lubos na iiral

4 | P a g e

COMPENDIUM OF NOTES IN EsP GRADE9 (1st Quarter) WEEK: Week 1 DATE: MELC: 1.2 Nakapagsusuri ng mga halimbawa ng pagsasaalang-alang sa kabutihang panlahat sa

pamilya, paaralan, pamayanan o lipunan. NILALAMAN: Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat

MAHALAGANG TANDAAN! Pamilya – pinakamaliit at pangunahing yunit ng lipunan. Paaralan – isang institusyon ng lipunan kung saan nag-aaral ang isang mag-aaral at dito

umuusbong at nag-uumpisa ang bata na makipag-kapwa sa ibang tao at makaalam ng mga bagay na makatutulong sa kaniyang pag-unlad tungo sa kinabukasan.

Pamayanan – pangkat ng mga nag-uugnayang mga tao, dito ay nakikisama, nakikipagkapwa, at nakikipag-isa ang bawat tao.

MAHALAGANG MALAMAN! MEETING 2 Mga Halimbawa sa Pagsasaalang-alang sa Kabutihang Panlahat sa Pamilya

1. Nagiging “Domestic Church” ang bawat tahanan sa panahon ng New Normal.

2. Pagbibigay tulong sa bawat pamilya na higit na nangangailangan. 3. Nagiging kaakibat ang bawat pamilya sa pagtuturo sa kanilang mga anak.

Mga Halimbawa sa Pagsasaalang-alang sa Kabutihang Panlahat sa Paaralan

1. Pagpapatupad ng mga polisiya ng DepEd tulad ng “No child left behind”.

2. Pagpapatupad ng mga alternatibong paraan para maihatid ang edukasyon sa bawat tahanan.

3. Pagtugon sa mga polisiya ng kagawaran ukol sa kaligtasan ng bawat mag-aaral.

Page 5: UNANG MARKAHAN...Mga Elemento ng Kabutihang Panlahat 1. Ang Paggalang sa Indibidwal na Tao Dahil ang Kabutihang Panlahat ay nagpapahalaga sa kalikasan ng tao, hindi ito lubos na iiral

5 | P a g e

Mga Halimbawa sa Pagsasaalang-alang sa Kabutihang Panlahat sa Pamayanan 1. Paggawa at pagpapatupad sa mga Ordinansa para

sa kaligtasan ng lahat ng mamamayan. 2. Pag-bibigay ng libre at kinakailangang bakuna

para sa lahat hindi pa nababakunahan. 3. Paggawa ng mga alituntunin na dapat gawin ng

bawat mamamayan sa panahon ng New Normal para sa kaligtasan ng lahat.

Konseptong Dapat Malaman Ang kabutihang panlahat ay dapat isinasabuhay ng bawat tao. Hindi tama na isaalang-alang lamang ang ikabubuti ng iilan at itinutulak ang kaisipang makapanlamang ng iba. Sa panahon natin ngayon, lalo na sa pagharap natin sa mga hamon at krisis ng buhay na nakaaapekto sa lipunan at sa lahat, mainam na ang mga hangarin at kilos natin ay dapat na nagpapakita ng pagkakaisa at kabutihan upang makatugon sa pagsasabuhay ng kabutihang panlahat.

MAHALAGANG MALIMI! Sa kasalukuyan, mahirap pa itong isipin at ganap na yakapin ngunit lahat ng bagay, gaano man ito kahirap ay magagawa kung talagang nanaisin. Sabi nga ng kasabihan, “Kung gusto may paraan; kung ayaw may dahilan.”

MAHALAGANG TUPDIN! Ang aking tugon mula sa konseptong natutunan ay ang mga sumusunod:

1. Bilang mag-aaral, __________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ 2. Bilang anak, ______________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ 3. Bilang mamamayan, ________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________

Page 6: UNANG MARKAHAN...Mga Elemento ng Kabutihang Panlahat 1. Ang Paggalang sa Indibidwal na Tao Dahil ang Kabutihang Panlahat ay nagpapahalaga sa kalikasan ng tao, hindi ito lubos na iiral

6 | P a g e

COMPENDIUM OF NOTES IN EsP GRADE9 (1st Quarter) WEEK: Week 2 DATE: MELC: 1.3 Napangangatwiranan na ang pagsisikap ng bawat tao na makamit at mapanatili ang

kabutihang panlahat sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng moral na pagpapahalaga ay mga puwersang magpapatatag sa lipunan.

NILALAMAN: Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat

MAHALAGANG TANDAAN! Pagsisikap - ito ay ang pagpupursigi upang maabot ang inaasam. Moral – pagkilala sa mabuti at masama at pagpili na maging mabuti. Pagpapahalaga - tumutukoy sa pagbibigay ng importansya, kuwenta o kapakinabangan sa

isang bagay,tao, konsepto o pangyayari.

MAHALAGANG MALAMAN! MEETING 1 Pagsisikap na Makamit at Mapanatili ang Kabutihang Panlahat

A. Sa pahanon ng New Normal… 1. Palagiang pagsuot ng Face Mask bilang

proteksiyon sa sarili at upang hindi na rin makahawa.

2. Pagsunod sa itinakdang distansiya o Physical Distancing

3. Pagsunod sa itinakdang Curfew Hours.

B. Sa Pagpapatuloy sa nakasanayang panahon… 1. Pagpapatuloy sa pagbibigay ng mga karampatang kalayaan sa bawat tao katulad

ng Freedom of the Press, Freedom of Speech, Freedom of Information at iba pa. 2. Pagbuo at pagpapatupad ng mga panukalang hindi nakakasisira sa kabutihang

panlahat.

Page 7: UNANG MARKAHAN...Mga Elemento ng Kabutihang Panlahat 1. Ang Paggalang sa Indibidwal na Tao Dahil ang Kabutihang Panlahat ay nagpapahalaga sa kalikasan ng tao, hindi ito lubos na iiral

7 | P a g e

Konseptong Dapat Malaman Kailangang pagsikapan ng bawat tao na makiisa sa mga alituntunin na nagbibigay kaligtasan at sa ikabubuti ng lahat. Hindi ito maaabot kung ito ay gagawin ng ilan lamang. Lalo na sa panahon na ang lahat ay humaharap sa banta ng COVID19. Kinakailangang mapanatili ang mga bagong alituntunin para sa ikabubuti ng lahat.

MAHALAGANG MALIMI! Ang tunay na tunguhin ng lipunan ay ang kabutihan ng komunidad na nararapat na

bumalik sa lahat ng indibidwal na kasapi nito. Dapat ay laging makiisa at pagsikapan ng bawat Pilipino na makasanayan ang mga bagong alituntunin sa New Normal.

MAHALAGANG TUPDIN! Ang aking tugon mula sa konseptong natutunan ay ang mga sumusunod:

Bilang mag-aaral, ___________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ Bilang anak , _______________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ Bilang mamamayan, _________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________

Page 8: UNANG MARKAHAN...Mga Elemento ng Kabutihang Panlahat 1. Ang Paggalang sa Indibidwal na Tao Dahil ang Kabutihang Panlahat ay nagpapahalaga sa kalikasan ng tao, hindi ito lubos na iiral

8 | P a g e

COMPENDIUM OF NOTES IN EsP GRADE9 (1st Quarter) WEEK: Week 2 DATE: MELC: 1.4 Naisasagawa ang isang proyekto na makatutulong sa isang pamayanan o sektor sa

pangangailangang pangkabuhayan, pangkultural, at pangkapayapaan. NILALAMAN: Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat

MAHALAGANG TANDAAN! Kabuhayan - ito ay tumutukoy gawain o trabaho o pinagkukunan ng ikabubuhay. Kultural - tumutukoy sa paraan ng pamumuhay na nakagawian ng tao Kapayapaan - ang kalagayan ng pagkakaroon ng katahimikan at katiwasayan sa kalooban at

kapaligiran.

MAHALAGANG MALAMAN! MEETING 2 Ang mga Proyekto

1. Pagbibigay ng ayuda ng DSWD

2. Pagbibigay ng tulong financial at mga grocery items sa mga nasasakupan sa loob ng barangay.

3. Pagbibigay ng tulong ng mga iba’t ibang pang pribadong kumpanya.

4. Pagbibigay ng mga iba’t ibang

kumpanya at mga ordinaryong tao sa mga frontliners, tulad ng pagbibigay ng pagkain at iba pang pangangailangan.

Page 9: UNANG MARKAHAN...Mga Elemento ng Kabutihang Panlahat 1. Ang Paggalang sa Indibidwal na Tao Dahil ang Kabutihang Panlahat ay nagpapahalaga sa kalikasan ng tao, hindi ito lubos na iiral

9 | P a g e

Konseptong Dapat Malaman Ang pagtulong sa kapwa ay isang mahalagang gampanin ng tao. Ang paggawa ng mabuti sa kapwa ay simula ng pagtataguyod ng kabutihang panlahat. Magandang isaalang-alang ang kasalukuyang sitwasyon sa paggawa ng mga proyekto na makatutulong sa kapwa tao at pagpapahalaga ng pag-iral nito at dignidad.

MAHALAGANG MALIMI! Hindi mo kailangan maging mayaman, sikat o may posisyon sa gobyerno upang makapagbigay ng tulong. Kahit tayo ay isang simpleng mamamayan ay maaari tayong makakapag-ambag ng tulong sa mga higit na nangangailangan. Walang pinipiling panahon at tao ang pagbibigay ng kabutihan sa kapwa, bagay ito na dapat isinasakatuparan ng tao bilang kasangkot sa lipunang kanyang ginagalawan.

MAHALAGANG TUPDIN! Ang aking tugon mula sa konseptong natutunan ay ang mga sumusunod:

Bilang mag-aaral, ____________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ Bilang anak, ________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ Bilang mamamayan, __________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________