unang linggo ng adbiyento (k) • disyembre 2, 2018 … · pagninilay sa panahon ng adbiyento,...

4
I. ANG TATLONG PAGBASA UNANG PAGBASA (Jer 33:14-16) SINABI ng Panginoon, 14 “Dumarating na ang araw na tutuparin ko ang aking pangako sa Israel at sa Juda. 15 At sa panahong iyon, pasisibulin ko ang matuwid na sanga ni David. Paiiralin niya ang katarungan at ang katwiran sa buong lupain. 16 Sa mga araw ring iyon, maliligtas ang mga taga- Juda at mapayapang mamumuhay ang mga taga- Jerusalem. At sila’y tatawagin sa pangalang ito: ‘Ang Panginoon ang ating katwiran.’″ Tema: Ang Araw ng Kaligtasan PAGPAPALIWANAG • Nagpahayag si Propeta Jeremias sa Panahon ng Pagkatapon at Pagkaalipin sa Babilonya. • Paniniwala ng mga Israelita na ang Pagkatapon at Pagkaalipin ay isang parusa kahit sila ay naniniwala na hindi sila pababayaan ng Diyos laban sa kanilang mga kaaway. • Isinasaad sa b. 14 ang pangako na tutuparin ng Diyos. • Pinatotohanan sa b. 15 ang pangakong gawing butihing pinuno si David. • Sinasabi rin sa b. 16 ang pangakong magiging ligtas ang Juda at Jerusalem. PAGNINILAY Sa panahon ng Adbiyento, inaanyayahan (Pambungad na Panalangin) UNANG LINGGO NG ADBIYENTO (K) • DISYEMBRE 2, 2018 ‘Bagong’ Simula

Upload: others

Post on 03-Sep-2019

80 views

Category:

Documents


2 download

TRANSCRIPT

I. ANG TATLONG PAGBASA

UNANG PAGBASA (Jer 33:14-16)SINABI ng Panginoon, 14“Dumarating na ang

araw na tutuparin ko ang aking pangako sa Israel at sa Juda. 15At sa panahong iyon, pasisibulin ko ang matuwid na sanga ni David. Paiiralin niya ang katarungan at ang katwiran sa buong lupain. 16Sa mga araw ring iyon, maliligtas ang mga taga-Juda at mapayapang mamumuhay ang mga taga-Jerusalem. At sila’y tatawagin sa pangalang ito: ‘Ang Panginoon ang ating katwiran.’″

Tema: Ang Araw ng Kaligtasan

PAGPAPALIWANAG• Nagpahayag si Propeta Jeremias sa Panahon

ng Pagkatapon at Pagkaalipin sa Babilonya.

• Paniniwala ng mga Israelita na ang Pagkatapon at Pagkaalipin ay isang parusa kahit sila ay naniniwala na hindi sila pababayaan ng Diyos laban sa kanilang mga kaaway.

• Isinasaad sa b. 14 ang pangako na tutuparin ng Diyos.

• Pinatotohanan sa b. 15 ang pangakong gawing butihing pinuno si David.

• Sinasabi rin sa b. 16 ang pangakong magiging ligtas ang Juda at Jerusalem.

PAGNINILAYSa panahon ng Adbiyento, inaanyayahan

(Pambungad na Panalangin)

UNANG LINGGO NG ADBIYENTO (K) • DISYEMBRE 2, 2018

‘Bagong’ Simula

tayong maghanda para sa pagdating ng Panginoon sapagkat ang mga naniniwala ay pinangakuan niya ng mabubuting bagay–ang mga may karamdaman ay muling pagagalingin at ang mga mabababa ay muling itataas.

Kung gayon ay siguradong hindi tayo pababayaan ng Panginoong Diyos sa ano mang unos na ating mararanasan sapagkat sa kanyang pagdating tayo ay kanyang ililigtas.

.SALMONG TUGUNAN (Slm 24)

SA ’YO AKO’Y TUMATAWAG, POONG D’YOS NA NAGLILIGTAS.

IKALAWANG PAGBASA (1 Tes 3:12–4:2)MGA KAPATID: 12Palaguin nawa at pag-

alabin ng Panginoon ang inyong pag-ibig sa isa’t isa at sa lahat ng tao, tulad ng pag-ibig namin sa inyo. 13Kung ito ang mangyayari, palalakasin niya ang inyong loob. Sa gayun, kayo’y mananatiling banal at walang kapintasan sa harapan ng ating Diyos at Ama hanggang sa muling pagdating ng ating Panginoong Hesus, kasama ang mga hinirang niya.

4 1Isa pang bagay ang ipinapayo namin sa inyo sa pangalan ng Panginoong Hesus. Sana’y lalo pang pagbutihin ninyo ang pamumuhay ninyo ngayon—pamumuhay na ayon sa inyong natutu-han sa amin—upang kayo’y maging kalugud-lugod sa Diyos. 2Batid naman ninyo ang mga aral na ibinigay namin sa inyo buhat sa Panginoong Hesus.

Tema: Ang Pagdating ng Panginoon

PAGPAPALIWANAG• Pinili ng mga eksperto sa liturhiya ang pagbasang

ito sa panahon ng Adbiyento sapagkat isinasaad nito ang pagdating ng Panginoon.

• Sinisimulan sa b. 13 ang isang hiling na lahat ay lumago sa pag-ibig, at pinapatotohanan ng pag-ibig ni San Pablo at ng mga apostoles.

• Sinasabi sa b. 13 ang dahilan kung bakit dapat lumago ang Pag-ibig:

-Para mas tumagal ang bawat isa -Para maging banal

• Isinasaad naman ng b. 14 sa mga Kristiyanong mambabasa kung paano maghanda para sa pagdating ng Panginoon:

-Magkaroon ng mabuting asal at nang maging kalugdan ng Diyos.

• Hinahamon sila ni San Pablo na mas maging masipag pa. Pareho lamang ito nang sinabi ni San Pablo sa b. 12 na “higit na lumalago ang pag-ibig” at ang pagiging masipag. Pagnilayan ang sinasabi niyang: Higit!

PAGNINILAYHinihimok tayo ng Pangalawang Pagbasa na

mas patatagin ang ating mga sarili sapagkat ito ang ating paghahanda. Ngunit hindi lamang ito basta-basta na pagpapatatag, sapagkat, tinatawag tayong mahalin ang isa’t-isa. Walang pinipili. Kaya naman, inaanyayahan tayong maging matatag sa pag-ibig ng bawat isa.

Sa pagmamahalan tayo ay mas magiging mabuting Kristiyano. Sa pagmamahalan natin maipababatid ang mabuting asal, at ang pagiging masipag na kailangan natin sa pagdating ng Panginoon.

MABUTING BALITA (Lc 21:25-28,34-36)NOONG panahong iyon: Sinabi ni Hesus sa

kanyang mga alagad: “Magkakaroon ng mga tanda sa araw, sa buwan, at sa mga bituin. Sa lupa, ang mga bansa ay masisindak at malilito dahil sa ugong at mga daluyong ng dagat. Ang mga tao’y hihimatayin sa takot dahil sa pag-iisip sa mga sakunang darating sa sanlibutan; sapagka’t mayayanig at mawawala sa kanilang landas ang mga planeta at iba pang katulad nito na nasa kalawakan. Sa panahong iyon, ang Anak ng Tao’y makikita nilang dumarating na nasa alapaap, may dakilang kapangyarihan at malaking karangalan. Kapag nagsimula nang mangyari ang mga bagay na ito, magalak kayo sapagka’t malapit na ang pagliligtas sa inyo.”

“Mag-ingat kayo na huwag magumon sa katakawan at paglalasing at mabuhos ang inyong isip sa mga intindihin sa buhay na ito; baka abutan

UNANG LINGGO NG ADBIYENTO (K) • DISYEMBRE 2, 2018

kayo ng Araw na yaon na hindi handa. Sapagkat darating iyon nang di inaasahan ng tao sa buong daigdig. Kaya’t maging handa kayo sa lahat ng oras. Lagi ninyong idalangin na magkaroon kayo ng lakas upang makaligtas sa lahat ng mangyayaring ito at makaharap sa Anak ng Tao.”

Tema: Ang Pagdating ng Anak ng Tao

PAGPAPALIWANAG• Nagsasaad ang b. 25 tungkol sa mga senyales

sa langit (araw, buwan at bituin) at sa lupa (karagatan, alon, baha, tsunami).

• Sinasaad naman ng b. 26 ang takot ng mga tao.

• Tinatalakay ng b. 27 ang pagdating ng Anak ng Tao na makapangyarihan at dakila.

• Sinasabi ng b. 28 ang tungkol sa senyales sa lupa at sa langit, at sa Anak ng Tao.

• Paghihikayat: Huwag matakot dahil ang Kanyang pagdating ay kaligtasan para sa lahat.

• Nagbabala sa b. 34 laban sa mali ng asal tulad ng paglalasing, at pagkabalisa sapagkat ito ay pumipigil sa paglago ng pag-ibig. Sa b. 34 din ay tinuturuan ang mga mambabasa na ang araw na ito ay bigla lang darating.

• Kung sa gayon ay hinihikayat muli na maging magpagmatyag at magdasal upang magkaroon ng lakas na iwasan ang kasamaan, at hanapin ang Anak ng Tao.

PAGNINILAYMagdudulot din ng kabutihan ang mga

nakakatakot na karanasan, sapagkat kung ito’y malalampasan natin matututunan nating maging matapang. Ayon pa nga sa sikat na kasabihan, ang sakit na hindi nakamamatay ay nagpapatatag lamang. Ganito din dapat ang ating iniisip sa pagdating ng Panginoon. Sa ating paghihintay ay makararanas tayo ng

pagkabagot at panghihina sa pananampalataya. Ngunit sa dulo ng mga pagsubok na ito ay naghihintay ang hindi mapapantayang gantimpala – ang pagliligtas ng Diyos.

Sa panahon ng Adbiyento ay mas hinihikayat tayong patatagin ang ating pananampalataya at ibaling ang ating tuon sa pagdating ng Panginoon. Ang pagdarasal at panalangin ay makakatulong sa atin na makita kung ano ang totoong mahalaga ngayong Pasko.

II. PAG-UUGNAY

Ip inahahayag ng Unang Pagbasa ang pagdating ng Panginoon na siyang magpapalakas sa mga nawawalan ng pag-asa ng mga Israelita. Kung sa gayon ay dapat silang magalak. Hinihikayat naman ng Ikalawang Pagbasa ang Kristiyano na maghanda sa pagdating ng Panginoon sa pamamagitan ng pagmamahalan. Gayun naman ang paghihikayat ng Mabuting Balita sa atin na maging handa at magdasal upang iwasan ang kasamaan sapagkat hindi natin alam kung ano ang hinaharap.

III. SALAMIN NG BUHAY

1. Ngayon ay Catholic Handicapped Day.2. Ano ang aking hiling ngayong

kapanahunan ng Adbiyento?

- Pagpapaliwanag: Fr. Cielo Almazan, OFM-Isinalin ni Ian Lucky P. Sumbilla-Pagninilay ni Ian Lucky P. SumbillaI

UNANG LINGGO NG ADBIYENTO (K) • DISYEMBRE 2, 2018 UNANG LINGGO NG ADBIYENTO (K) • DISYEMBRE 2, 2018

(Pangwakas na Panalangin)

UNANG LINGGO NG ADBIYENTO (K) • DISYEMBRE 2, 2018

PANGWAKAS NA PANALANGIN

O Hesus na Dakilang Guro, ikaw ang Salita ng Buhay na walang hanggan. Sumasampalataya kami sa Iyo Panginoon at Katotohanan. Palaguin Mo nawa ang aming pananampalataya. Iniibig ka namin, Panginoon at Daan, nang buo naming lakas dahil iniutos mo sa aming sundin ang Iyong mga Kautusan nang walang pasubali. Nananalangin kami sa Iyo, O Panginoon at Buhay, sinasamba Ka namin, pinupuri Ka namin, at pinasasalamatan dahil sa kaloob mong Banal na Kasulatan. Kasama si Maria, maalala sana namin at mapangalagaan ang Iyong mga Salita sa aming kaisipan at mapagnilay-nilayan ang mga ito sa aming puso. Panginoong Hesus , ang Daan, ang Katotohanan, at ang Buhay, maawa Ka sa amin.Luwalhati... (mula sa Prayers of the Pauline Family)

PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Kristo, aming Panginoon, Ikaw ang Daan, ang Katotohanan at ang Buhay. Itulot mong makamit namin ang Iyong dakilang pag-ibig sa pamamagitan ng iyong Apostol na si San Pablo at ng Simbahang Katolika. Ipadala Mo sa amin ang Iyong Banal na Espiritu upang maalaala namin ang lahat na Iyong mga ipinangangaral. Luwalhati sa Ama, sa Anak at sa Espiritu Santo. Kapara nang sa una, ngayon at magpakailanman at magpasawalang hanggan. Amen.

Kung nais po ninyong makatulong sa ating Biblical Apostolate, maari pong magdonate ng legal size na bond paper sa:

ST PAULS Ads and Promo Office c/o Rizaldy Cruz7708 ST PAUL Road, San Antonio Village, Makati CityTels: 895-37-16; 890-7130

SEASONALS 2019 at mga Bagong Libro ng ST PAULS