tula written report.docx
TRANSCRIPT
Tula:
Tula sa Panahon ng Katutubo
Propesor: Prop. Angeles Ysmael
Mga Tagapag-ulat:
Acero, Rizza Mae
Akmad, Aiman
Akmad, Mosanip Ridski
Allaga, Loren
Aranan, Junaira
Taon at Kurso:
III – BSED Filipino
Iskedyul:
MTh/ 4:00-5:30
Tula
(Matandang Panahon/ Panahon ng Katutubo)
Ang kasaysayan ng tulang Pilipino ay nababahagi sa limang importanteng mga
panahon. Una, ang Matandang Panahon. Ang panahong ito ay nagsimula noong unang
pagdating ng mga Negrito o Aeta hanggang sa taong 1521. Pangalawa, ang Panahon
ng mga Kastila na nagmula noong taong 1521 hanggang sa taong 1876. Pangatlo, ang
Panahon ng Pambansang Pagkamulat. Ito ay panahon ng himagsikan. Pang-apat, ang
Panahon ng mga Amerikano na nag-umpisa noong taong 1898 hanggang sa
pagkatapos ng panahon ng digmaan. At ang huli'y ang Panahong Patungo sa
Pambansang Krisis.
Bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, mayroon nang sining at
panitikan ang mga sinaunang Pilipino.
Karamihan sa mga panitikan nila’y yaong mga pasalin-dila gaya ng mga bulong,
tugmang-bayan, bugtong, epiko, salawikain at awiting-bayan na anyong patula; mga
kwentong-bayan, alamat at mito na anyong tuluyan at ang mga katutubong sayaw at
ritwal ng babaylan bilang pinakaunang anyo ng dula sa bansa.
May mga panitikan ring nasulat sa mga piraso ng kawayan, matitibay na kahoy
at makikinis na bato. Ngunit iilan na lamang ang mga natagpuan ng mga arkeologo
(archeologists) sapagkat batay sa kasaysayan, pinasunog at pinasira ito ng mga prayle
nang dumating sila sa bansa sa paniniwalang ang mga ito ay gawa ng demonyo.
Ayon sa pananaliksik nina Tumangan, Alcomtiser ang matandang panulaan ng
Pilipinas ay masasabing karugtong ng mga unang kultura ng Timog Silangang Asya.
Karaniwan sa mga kantahin at berso ay tungkol sa mga gawaing makaDiyos, tahanan,
bukid, dagat, kaligayahan, kasaganaan at iba pa. Masasabing likas na mga makata ang
ating mga ninuno. May mga tula at awit sila sa lahat ng okasyon ng kanilang
buhay.Patula nila kung bigkasin ang mga bugtong, ang mga salawikain at maging mga
kasabihan.Ang mga bugtong, ayon kay Lope K. Santos ay siyang kauna-unahang
katutubong tula. Ito'y ang paghahanay ng mga piling salita na nagsasaad ng talinghaga
at masasagot sa pamamagitan ng panghuhula. Ang salawikain at mga kawikaan ay
mga patula rin. Naglalaman ito ng mga paniniwalang panlipunan, pilosopiya at mga
minanang kapaniwalaan.
Matandang Panahon/ Panahon ng Katutubo
Tulad ng maraming dayuhang kabihasnan, ang panitikan ng Pilipinas ay
nagmula sa mga magkakaibang lipon ng tao na may panahong pagkaka-agwat na
dumating. Ang mga unang tao na dumating sa Pilipinas ay ang mga Negrito o Aeta.
Sumunod naman ang grupong Indones at mga Malay. Dahil dito ang sinaunang
kabihasnan ay may sarili nang sistema ng pagsulat at pasalita. Ang unang ebidensiya
na mayroon nang sariling panitikang pagsulat ang mga pilipino bago pa dumating ang
mga dayuhang taga-kanluran ay ang Baybayin na binubuo ng tatlong patinig at 14 na
katinig. Ang mga simbolong ito ay nakasulat sa mga dahon at balat ng mga punong-
kahoy na ang gamit naman sa pag-ukit ay ang mga matutulis na bato at kahoy din.
Mayroon na ring panitikan na pasalita ang mga sinaunang tao. Ang panitikang
pasalita ay may anyong panulaan, tuluyan, at dula.
Ang panulaan ay binubuo ng mga bugtong, salawikain at kasabihan, tanaga,
tulang pambata, bulong, awiting bayan, at epiko. Ang mga ito'y nakasulat din ngunit ng
dumating ang mga Kastila marami ang sinunog na mga literatura at saka dahil marami
ang nakasulat sa mga kahoy at dahon ito ay natunaw pagkalipas ng maraming taon.
Bagamat magkakaiba ang lenggwaheng gamit ng mga sinaunang tao ang kanilang
panitikan ay may iisang mensahe at layunin.
Ang Tradisyong Patula
Nahahati sa dalawang kategorya ang tradisyong ito: hindi inaawit at inaawit. Ang
unang kategorya ay tinatawag na panugmaang-bayan at ang ikalawa, kantahing-bayan
A. Ang Panugmaang-bayan
Ang anyo nito ay daludturan o dadalawahing taludtod lamang, dili kaya’y
apaludturan o aapating taludtod lamang ang bumubuo sa isang saknong. Bawat
taludtod ay may sukat--- may bilang ang pantig na ang hulihan ay magkakasintunog---
tugma.
Nahahati sa tatlong uri ang kategoryang ito: Tugmaang Walang Diwa o
Tugmaang Pambata, Tugmaang Matatalinghaga, at Tugmaang Ganap na Tula.
1. Ang mga Tugmaang Walang Diwa o Tugmaang Pambata
Sinasabing ito ang pinagmulan o pinag-ugatan ng tula. Ang mga salita ay tila
larong-bibig na pangkasanayan ng mga bata sa pagsasalita. Maririkit ang pananalitang
ginagamit sa payak nitong kaanyuang sukat at tugma. Lamang tila ba gahol ito sa
kahulugan. Walang talinghaga. Basta bukambibig magpahanggang sa ngayon. Kung
hindi naman, nagtataglay ng kahulugan kaya lang mababaw. Maririninig natin ito kapag
ang isang ina ay naaaliw sa kanyang paslit at palagian sa mga batang naglalaro sa
bakuran o sa daan. Layunin marahil sa bagay na ito ang mga sumusunod: pampatuwid
ng dila nang ang bata ay di-mautal pag nagsasalita; panunudyo ng mga
nagkakapikunang bata sa laro; pang-alo sa nagmamaktol na paslit; at pansabi-sabi sa
mga nagmamasid sa kapaligiran.
Ang mga tugmang pambatang ito ay tinatawag ding kasabihan, sa Ingles,
Mother Goose Rhyme. Kaya huwag natin itong ipagkamali sa salawikain o sabi-sabi,
dahil iba naman ang ipinakakahulugan nito.
Halimbawa:
Tutubi…tutubi
Huwag kang magpapahuli
Sa batang mapanghi!
Bata…batuta
Daming muta
2. Ang mga Tugmaang Matatalinghaga
Sinasabi sa Landasin sa Panulaang Tagalog (Pamana ng Panitikang Filipino) na
ang panulaang Filipino ay nagsisimula sa anyo ng bugtong, salawikain, at iba pang
awiting bayan na sa kalikasan at sa buhay sa araw-araw humango ng mga paksain.
(Arrogante et. al, 1983) Maiikli lamang ang mga ito, madadalumat at matatalinghaga.
Tulad na lamang ng sawiakin na mga parirala pero naglalarawan na at naglalahad ng
kahulugan. Ang mga bugtong, salawikain, at sai-sabi, at sabi-sabi pa kaya na mga
ganap na pangungusap at nagtataglay ng buong kaisipan ang hindi magtaglay ng higit
na mas malalim na kahulugan? Ang mga bugtong ay karaniwan nang daludturan,
magkaminsan ay apaludturan. Gayundin ang mga salawikain at sabi-sabi. At kapag
may paglalarawan, may imaheng nakikita. Madalumat ang tawag dito. At kapag sa
larawang ito ay may nahuhulong hunahuna at may nasasmbot na kahulugan at
kabuluhan, matatawag itong matalinhaga. Talinhaga na kung tawagin noon ng mga
mananaliksik na Kastila ay misterio at matafora. Sa mga panugmaang ito, nasasalamin
na tunay na mga saloobin at kaisipan ng mga ninunong Pilipino.
Bugtong
Lumalakad walang paa
Tumatakbo walang mata. ~BOLA
Salawikain
Mga patulang aral o paalaala, malimit ay may sukat at tugma at siyang
bukambibig ng mga tao lalo na ng matatanda. Ang mga ito’y matatalinghaga, makinis at
di-tiyak na pangaral at paalaala sa mga tao, lalo na sa mga kabataang nakalilimot sa
katu tubong magandang asal.
Pag hindi ukol, Hindi bubukol.
Kasabihan
Ito ay iba sa salawikain sa dahilang ito’y hindi gumagamit ng mga talinghaga.
Payak ang kahulugan. Ang kilos, ugali, at gawi ng isang tao ay masasalamin sa mga
kasabihan.
Tulak ng bibig
Kabig ng dibdib.
Kasama sa gayak
Di kasama sa lakad.
Utos na sa pusa
Utos pa sa daga
Ubos-ubos biyaya
Bukas nakatunganga
Bulong
Ito ay may iba’t ibang gamit. Sa pang-engkanto, sa pangkukulam, sa
panunumpa, sa paggalang sa mga anito at di- nakikitang ispiritu, sa pagpapagaling sa
maysakit.
Tabi! Makikiraan
Mga bulag kami.
Huwag po kayong lalapit
Baka naming kayo maipit.
3. Ang mga Tugmang Ganap na Tula
Sa uring ito nabibilang ang Tanaga ng Katagalugan at ang Ambahan ng mag
Hanunuo Mangyan ng Mindoro. Sa pagkakahulugan ni Juan de Noceda at Pedro San
Lucar sa Vocabulario de la Lengua Tagala, ang tanaga isang uri ng tulang nakapataas
sa wikang Tagalog, na binubuo ng pitong pantig ang bawat taludtod, may apat na
taludtod sa bawat saknong, at ito’y hitik sa talinghaga (Arrogante, et al., 1983)
Tanaga
Binubuo ng pitong pantig ang bawat taludtod, may apat na taludtod sa bawat
saknong, at ito’y hitik sa talinghaga.
Baging akong kalakat
Kaya ako mataas
Sa balite kumalat
Nakinabang ng taas.
B. Ang Kantahing-bayan
Ang mga popular na katutubong awiting naririnig nating inaawit sa mga nayon
tuwing may okasyong idnaraos, tulad ng kasalan, pagpapatanim, paglalamay sa patay,
atbp. Wala itong ipinagkaiba sa tula dahil kung ito’y susuriin, may sukat ito’t tugma,
lamang isinasatinig o isinatono,
May dalawang uri ng kantahing-bayan: kantahing bayang di-gaanong
nagsasalaysay at kantahing bayang nagsasalaysay. Sa unang uri, mapupunang ito’y
maiikli lamang, karaniwan ang mga ito’y naglalarawan lamang ng mga pang-araw-araw
na sitwasyon o okupasyon n gating mga ninuno.
Nabibilang sa hating ito ang mga sumusunod:
1) Oyayi o hele o duayya sa Ilokano - ito ang awit sa pagpapatulog ng bata.
Malambing ang himig nitong monotono at maulit ang lirik subalit makahuludan.
2) Kalusan - Ang awit sa paggawa. Maaaring awitin ito habang nagtatrabaho o kaya
pagkatapos ng trabaho. Sa pamamangka, ito’y tinatawag na talindaw at habang
nagsasagwan, ang awit ay tinatawag na soliranin.
3) Kundiman - ito ang awit ng pag-ibig. Noong araw uso ang harana, ang mga awit
na kinakanta ng binatang nanunuyo sa dalagang sinisinta. Kung minsan punung-puno
ang awit ng pangarap at minsan nama’y walang kasing lungkot dahil sa binatang di
agad natutugon ang pag-ibig ba idinudulog, o kaya’y kapag nasisisphayo. Maraming uri
ng pag-ibi ang maaaring paksain ng kundiman. Pag-ibig sa Diyos, sa bayan, sa mga
magulang, sa kapatid, sa kapwa maging sa kaaway, sa gawain, sa halaman at sa kung
saan pang iba. Sa Ilokano, kung tawagin ito ay Pamulinawen, sa Bisaya ay Balitaw, sa
Negrito ay Uso.
4) Diona – ito ang awit sa kasal.
5) Kumintang o Tikam o Hiliraw o Tagumpay – ito ang awit na pandigma. Inaawit
ito sa gabi sa saliw ng biyolin at gitara. (Cuasay, 1973) ibinibilang din itong isang uri ng
kundiman na nagpapahayag ng pag-ibig sa bayan.
6) Dalit o Himno – ito ang awit sa pagsamba sa mga anito. Ngayon kilala na ito
bilang mga awiting panrelihiyon.
7) Dung-aw – ang awit sa patay o pagdadalamhati. Habang nakaburol ang patay,
isa sa mga mahal nito sa buhay ang maaaring umawit para purihin ang namatay. Iniisa-
isa rito nag mga nagawa nitong kabutihan noong nabubuhay pa. karaniwang pagtawag
kung ito’y aawitin dahil parang buhay pa itong kinakausap. Ang himig nito’y nakalulunos
dahil sa sobrang panglaw ng panambitan. Ayon kay Jose Villa Panganiban, ito’y walang
tiyak ng lirik sapagkat ang awit ay iniaayon s kasalukuyang damdamin ng umaawit.
8) Umbay – ang awit ng pagkaulila. Ang himig at tema nito ay nagpapaawa sa
kawalan ng nagmamahala o kumukupkop na magulang.
9) Kutangkutang o Rawitdawit sa Kabikulan – ang awit ng mga lasing oi awit sa
lansangan na naglalayong magpatawa, magpasaring o manudyo. Ang tono ay luma
pero ang lirik ay panagu-bagoayon sa hinihingi ng pagkakataon. Marami sa awiting ito
ay may bahid- berde o patungkol sa seks namaaaring isipin ng konserbatibong
tagapakinig na malaswa.
Konklusyon:
Samakatwid, ang Panahon ng Katutubo ay ang panahon ng karunungan o
kaalamang-bayan. Ang ating mga ninuno, sa abot ng kanilang kaisipan at
mapaghulong kakayahan, at sa tulong na rin ng kanilang payak na karanasan sa mga
sinauna nilang pakikibakasa buhay, ay natutong bumalangkas ng matibay na
pundasyon para sa ikagaganyak, ikapapanatag, ikapapanatili, at ikapapakinabang ng
kalahatan. Ito ay pagbibigay-kahulugan, pag-iinterpreta, pagpapaliwanag at
pagpapakabuluhan sa lahat ng mga nangyayari o nararanasan sa pang-araw-araw
nilang pamumuhay, sa mga pangyayaring nagaganap sa makipot pa nilang daigdig, sa
mga bagay-bagay na abot-tanaw lamang nilang nasasaksihan sa kalawakan, sa mga
pagbabagong napupuna nila sa kanilang sarili at lipunan. Pinaunlad ng mga ito ang
kanilang pamumuhay. Pinalalim ng mga ito ang kanilang pag-iisip at pag-unawa.
Hinubog ng mga ito ang kanilang pagkatao. Pinalaganap ng mga ito ang kanilang
kultura.
Mga Halimbawa:
A. Panugmaang-bayan
1. Ang mga Tugmaang Walang Diwa o Tugmaang Pambata
Halimbawa:
Pen Pen di Sarapen, de kutsilyo de almasen.
Hau hau de kalabaw, de batuten!
Sayang pula, tatlong pera,
Sayang puti, tatlong salapi.
Sipit namimilipit, gintong pilak
Namumulaklak sa tabi ng dagat!
Pong...
pong...
pong....
Galapong!
Tutubi…tutubi
Huwag kang magpapahuli
Sa batang mapanghi!
Bata…batuta
Daming muta
Haba, haba,
Parang bangka!
Bilog, bilog,
Parang niyog!
2. Ang mga Tugmaang Matatalinghaga
Bugtong
1. Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.
Sagot: kandila
2. Baboy ko sa pulo, ang balahibo'y pako.
Sagot: langka
3. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.
Sagot: ampalaya
4. Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay.
Sagot: ilaw
5. Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.
Sagot: anino
6. Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon.
Sagot: banig
7. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.
Sagot: siper
8. Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas.
Sagot: gamu-gamo
9. Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo.
Sagot: gumamela
10. Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay.
Sagot: kubyertos
Salawikain
‘Pag ang tubig ay magalaw
Ang sakit ng kalingkingan
Ang ilog ay mababaw
Damdam ng buong katawan
Salawikain: Pagkahaba-haba man ng prosisyon sa simbahan din ang tuloy.
Kahulugan: Sa tinagal-tagal man ng samahan ng magkasintahan, sa bandang huli ay
humahantong din ito sa kasalan.
Salawikain: Pag maikli ang kumot, matutong mamaluktot.
Kahulugan: Kung nakakaranas ng kakulangan sa buhay ang isang tao ay dapat siyang
mamuhay ng naaayon sa kanyang kakayahan. Matutong magtipid at maging payak sa
pamumuhay.
Salawikain: Kung hindi ukol, hindi bubukol.
Kahulugan: Ang swerte sa buhay ay huwag asahang makakamtan kung hindi nakalaan
para sa iyo.
Salawikain: Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
Kahulugan: Hindi sapat na tayo ay humingi ng awa sa Diyos, kailangan din natin na
pag-ukulan ng sikap at gawa upang matamo ang mimithing biyaya.
Salawikain: Lahat ng gubat ay may ahas.
Kahulugan: Saan man sa ating lipunan ay may mga taong traydor na gumagawa ng
mga bagay na nakalalason o nakasisira sa samahan ng bawat isa.
Salawikain: Magkulang ka na sa asawa huwag lamang sa iyong anak..
Kahulugan: Kadalasang ipinapayo ito sa mga nagbabalak magpakasal o sa mga
bagong mag-asawa upang mapabuti ang kanilang pagsasama. Ang mga magulang
kase ay higit na mapagtatakpan o mapapatawag ang pagkukulang ng sariling anak
keysa sa pagkukulang ng ibang tao.
Salawikain: Kung ano ang puno, siya ang bunga.
Kahulugan: Ginagamit sa paghahambing ng anak sa kanyang mga magulang.
Sapagkat ang mga magulang ang humuhubog sa pagkatao at pag-uugali ng anak, ang
anak ang nagiging larawan ng pagkatao at pag-uugali ng kanyang mga magulang. Ang
mabuti (o masamang) anak, ay karaniwang ibinubunga ng mabuti (o masamang) mga
magulang.
Salawikain: Kung ano ang itinanim, ay siyang aanihin.
Kahulugan: Kung ano ang ginawa mo sa kapwa ay kadalasang ganun din ang gagawin
sa iyo. Halimbawa kung naging matulungin ka sa kapwa ay tutulungan ka rin ng mga
taong tinulungan mo.
Salawikain: Ang taong ginigipit sa patalim man ay kumakapit.
Kahulugan: Ang taong nagigipit kung minsan ay napipilitang gumawa ng mapangahas
na bagay na maaaring maging dahilan upang lalu lamang siyang magipit. Halimbawa,
ang taong may mabigat na pangangailangan ng pera ay nagagawang mangutang ng
patubuan, tulad ng five-six, na nagiging dahilan upang lalu pa siyang mangailangan ng
pera.
Bulong
“Tabi! Makikiraan
Mga bulag kami.
Huwag po kayong lalapit
Baka naming kayo maipit.”
Bulong ng mga Bagobo ng Mindanao"Nagnakaw ka ng bigas ko,
Umulwa sana mata mo,
mamaga ang katawan mo patayin ka ng mga anito"
Bulong sa Ilocos"Huwag magalit, kaibigan,
aming pinuputol lamang
ang sa amiy napagutusan"
Bulong sa Bicol"Dagang malaki, dagang maliit,
ayto ang ngipin kong sira na't pangit.
sana ay bigyan mo ng kapalit"
3. Ang mga Tugmang Ganap na Tula
Tanaga
Anay
Reynang nakahilata,
Alipi'y nangaypapa,
Lumawit man ang dila,
Sundalo'y tatalima.
Isip-Kolonyal
Ang anyo mo ay sipi,
Nalimot na ang lahi.
Sa dayuha'y natali,
Sarili'y inaglahi.
Bulaklak sa Kasal
Makulay ang ramilyete,
Tangan-tangan ng babae.
Sa kasal ay importante,
Daig pa ang diyamante.
Kaibigan
Ang katoto kapag tunay
hindi ngiti ang pang-alay
kundi isang katapatan
ng mataus na pagdamay.
Kabibi
Kabibi, ano ka ba?
May perlas, maganda ka;
Kung idiit sa taynga,
Nagbubunitunghininga!
Pag-ibig
Wala iyan sa pabalat
at sa puso nakatatak,
nadarama’t nalalasap
ang pag-ibig na matapat.
Tunay Na Yaman
Ako ay Filipino
Kulay tanso ng mundo
Ngunit tunay kong ginto
Nasa aking sentido.
Pipi
Puso ko’y sumisigaw
May bulong na mababaw,
Hindi naman lumitaw
Tinig ko’t alingawngaw!
Filipino
Tagalog ang wika ko
Hindi sikat sa mundo
Ngunit lantay at wasto
At dakilang totoo.
Ikaw Lang
Dasal ko sa Bathala
Sana’y makapiling ka
Sa luha ko at dusa
B. Ang Kantahing-bayan
1. Awit-Pampatulog sa Bata (Hele o Oyayi o Duagya)
Tulog na nga, Nene’t
Hinehele kita
Ipikit mo na nga
Ang dal’wa mong mata
Kanina nga
Na ako’y wala pa
Hinanap mo ako’t
Magpapduyan ka
Meme na bunso ko
Ang tatay mo’y wala rito
Nagpunta sa ibayo
Bumili ng puto
Ipakakain sa iyo.
Matulog ka na bunso
Ama mo’y malayo
Hindi ka masundo
At may buwaya sa pulo
2. Awit sa Paggawa (Kalusan)
Nonoy upo ka sa bato
Nonoy upo ka sa bato
At hihiluran ko ang likod mo
Ang dumi mo, Nonoy ko
Nakakahiya sa mga tao, Ay!
3) Kundiman
Manang Biday ng ilokano
Manang Biday Lyrics
Manang Biday, ilukatmo man
'Ta bintana ikalumbabam
Ta kitaem 'toy kinayawan
Ay, matayakon no dinak kaasian
Siasinnoka nga aglabaslabas
Ditoy hardinko pagay-ayamak
Ammom ngarud a balasangak
Sabong ni lirio, di pay nagukrad
Denggem, ading, ta bilinenka
Ta inkanto 'diay sadi daya
Agalakanto't bunga't mangga
Ken lansones pay, adu a kita
No nababa, dimo gaw-aten
No nangato, dika sukdalen
No naregreg, dika piduten
Ngem labaslabasamto met laeng
Daytoy paniok no maregregko
Ti makapidut isublinanto
Ta nagmarka iti naganko
Nabordaan pay ti sinanpuso
Alaem dayta kutsilio
Ta abriem 'toy barukongko
Tapno maipapasmo ti guram
Kaniak ken sentimiento
4) Diona
Mayag aco sa masiguing
ang malubay na ang aquin
malayo ang madarating
Ang payong ko’y si inay
Kapote ko si itay
Sa maulan kong buhay
-Raymond Pambit
Aanhin ang yamang Saudi,
O yen ng Japayuki
Kung wala ka sa tabi
-Fernando Gonzales
Kung ang aso hinahanap
Pag nagtampo’t naglayas
Ikaw pa kaya anak.
– Ferdinand Bajado
Lolo, huwag malulungkot
Ngayong uugod-ugod
Ako po’y inyong tungkod
– Gregorio Rodillo
5) Kumintang o Tikam o Hiliraw o Tagumpay
6) Dalit o Himno
PATRON NAMIN, SAN FRANCISCO, KAMI’Y TURUAM MO
PAGKILALAG, PAGMAMAHAL, PAGLILINGKOD SA DIYOS.
1. Mahal na Patrron, sinilang ka
muting bayan ng Paola.
Mga dukhang magulang mo
gumabay sa iyo.
2. Isang kuwebang tiniman mo
Banal na ermitanyo
nag-franciscano ka at binuo
sangay ng Minimo.
3. Kaya lalo kang dinayo
lapit sama mga katoto
sa pagsaksi mo kay Kristo
sa simpleng buhay mo.
4. Naalaman ni Papa Sixto
tungkol lahat sa iyo
inatasan kang mangaral
sa bansa at bayan.
5. Api’t dukha kinalinga
lahat pinagpala
maharlika’t mayayaman
iyong tinuruan.
6. Kababang loob naman
tuntunin sa buhay
susi ng kabanalan
sarili’t tahanan.
7. Ang buhay ngayon naming
batbat tigib kagipitan
loob nami’y palakasin
tiwala at dasal
8. Amang Francisco, ituro po ninyo
ano ang tunay na ligaya
ang Mabini’y sumasamo
sa Diyos umaasa.
7) Dung-aw
Dung-aw
Ay ama nga nageb-ebba
Dinak man kaasian aya
A panawan a sisina
Tay uneg balay a kasa.
Ay ama nga nageb-ebba
Dinak man kaasian aya
A panawan a sisina
Tay uneg balay a kasa.
8.) Talindaw
Hal.
Sagwan, tayo'y sumagwan
Ang buong kaya'y ibigay.
Malakas ang hangin
Baka tayo'y tangayin,
Pagsagwa'y pagbutihin.
9) Umbay
10) Kutangkutang o Rawitdawit sa Kabikulan
Mga Kantahing-bayang Nagsasalaysay
1. Balada
Ano Kaya ‘Yong Nasa Kugon
Ano kaya ‘yong nasa kugon?
Parang ginto kung tingnan
Nang akin nang lapitan
Bulaklak ng baging pala
Nang sa akin nang kukunin
Isang boses ang tumanggi
Huwag ka niyang kukuha
Bulaklak ‘yan ng engkantada.
Mga Pinagkunan:
http://istoryapilipinas.blogspot.com/2011/10/bulong-pangkulam-at-panginkanto.html
http://crackedfiles.blogspot.com/2010/10/ang-matandang-panahon.html
http://www.scribd.com/doc/125858414/Kaligirang-Pangkasaysayan-Ng-Tula
http://politics.answers.wikia.com/wiki/Panitikan_sa_panahon_ng_katutubo
https://tl.wikipedia.org/wiki/Salawikain
http://teksbok.blogspot.com/2010/09/halimbawa-ng-tanaga.html
https://www.wattpad.com/9154232 9-piling-pili-pagbasa-sa-ilang-tulang-filipino-oyayi
http://tagaloglang.com/Tagalog-English-Dictionary/English-Translation-of-Tagalog-
Word/diona.html
https://burubudoy.wordpress.com/2008/07/15/pinoy-haiku-tanaga-dalit-at-diona/