together as oneneedsinc.ca/asset_library/page/communityproject/project1...kaming patakaran sa...

16
Together As One A Colouring Story Book

Upload: others

Post on 26-Dec-2019

5 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Together As Oneneedsinc.ca/asset_library/page/communityproject/project1...kaming patakaran sa paaralan na ito tungkol sa panglalait o pangaapi. Wag kang magalala at kakausapin ko ang

Together As One

A Colouring Story Book

Page 2: Together As Oneneedsinc.ca/asset_library/page/communityproject/project1...kaming patakaran sa paaralan na ito tungkol sa panglalait o pangaapi. Wag kang magalala at kakausapin ko ang
Page 3: Together As Oneneedsinc.ca/asset_library/page/communityproject/project1...kaming patakaran sa paaralan na ito tungkol sa panglalait o pangaapi. Wag kang magalala at kakausapin ko ang

Together As One

A Colouring Book A Colouring Story Book © 2019 Newcomers Employment and Education Development Services Inc.

Page 4: Together As Oneneedsinc.ca/asset_library/page/communityproject/project1...kaming patakaran sa paaralan na ito tungkol sa panglalait o pangaapi. Wag kang magalala at kakausapin ko ang

“Selam Aliekum! Ako si Amina, na galing sa Syria at dumating ako sa Winnipeg tat-

long buwan na ang nakakaraan. Ako ay labing limang taon gulang. Ako ay may isang

kapatid na babae at dalawang kapatid na lalaki; at ako naman ang panganay sa aming

magkakapatid. Mahilig akong maglaro sa mga paligsahan at mahilig din akong

sumayaw.” 1

Page 5: Together As Oneneedsinc.ca/asset_library/page/communityproject/project1...kaming patakaran sa paaralan na ito tungkol sa panglalait o pangaapi. Wag kang magalala at kakausapin ko ang

“Wala akong masyadong kaibigan sa paaralan dahil ako ay mahiyain at natututo

palang akong magsalita ng wikang English. At bilang isang Muslim, sinusuot ko

ang hijab, at dahil doon ako ay naaapi sa paaralan. Sa tingin ko, ako ay nakukutya

dahil sa aking wika, sa kulay ng aking balat, at sa aking pananamit,” sabi ni Ami-

na.

Si Amina ay nasa paaralan. Alamin natin ang pangyayare ngayong araw na

ito.

2

Page 6: Together As Oneneedsinc.ca/asset_library/page/communityproject/project1...kaming patakaran sa paaralan na ito tungkol sa panglalait o pangaapi. Wag kang magalala at kakausapin ko ang

Naglalakad si Amina kasama ang isa sa kanyang mga kaibig-

an ng madaanan nila ang ilang mga kababaihan sa pasilyo.

3

Page 7: Together As Oneneedsinc.ca/asset_library/page/communityproject/project1...kaming patakaran sa paaralan na ito tungkol sa panglalait o pangaapi. Wag kang magalala at kakausapin ko ang

Sabi ng kaibigan ni Amina, “Halah Diyos ko! Ang sama

niyo naman! Bakit niyo ginawa yan sa kaibigan naming?”

Nang biglang, hinatak nang isa sa mga babae ang hijab

ni Amina at nagsitawanan sila habang tinuturo si Amina.

4

Page 8: Together As Oneneedsinc.ca/asset_library/page/communityproject/project1...kaming patakaran sa paaralan na ito tungkol sa panglalait o pangaapi. Wag kang magalala at kakausapin ko ang

Ang sabi ng tatay niya, “Bakit ka umiiyak, anak?”

Ang sabi naman ng nanay niya, “Amina, bakit ka wala sa paaralan?”

Pinaliwanag ni Amina habang lumuluha, “Di ko alam kung bakit nila

ako pinagtatawanan. Nung dumadaan kami ng mga kaibigan ko, pa-

punta sa klase, may tatlong babae na biglang pinagtatawanan ako. Ta-

pos yung isa, bigla na lang hinatak ung hijab ko. Ako ay napahiya.”

Umuwing luhaan si Amina. Dumating ang kanyang nanay at tatay at di-

natnan siyang umiiyak.

5

Page 9: Together As Oneneedsinc.ca/asset_library/page/communityproject/project1...kaming patakaran sa paaralan na ito tungkol sa panglalait o pangaapi. Wag kang magalala at kakausapin ko ang

Ang sabi ng support worker, “Punong-gurong Muna, ang sabi ni Amina sa akin,

siya daw ay inapi kahapon ng tatlong kababaihan. Hinatak din nila ang hijab ni

Amina at pinagtawanan siya. Si Amina ay napahiya at sobrang nalungkot sa

pangyayaring ito. Kinausap din niya ang mga magulang niya at sinabing kausapin

kayo.”

Ang sabi ng punon-guro, “Amina, patawad at dahil nangyari sa iyo ito. Mayroon

kaming patakaran sa paaralan na ito tungkol sa panglalait o pangaapi. Wag kang

magalala at kakausapin ko ang mga nangapi sa iyo.”

Kinabukasan, si Amina ay nagpunta sa paaralan ng maaga para

makausap ang kanyang EAL support worker para samahan siya sa

punong-guro dahil kailangan niya ng tulong sa interpretasyon. Nang si-

la ay nasa opisina ng punong-guro, pinaliwanag ni Amina kung paano

siya kinutya-

kutya nila Jessi-

ca, Julia, at Am-

ber.

6

Page 10: Together As Oneneedsinc.ca/asset_library/page/communityproject/project1...kaming patakaran sa paaralan na ito tungkol sa panglalait o pangaapi. Wag kang magalala at kakausapin ko ang

Pinatawag ng punong-guro ang tatlong babae sa kanyang opisina at sinabi na,

“May nakrating sa akin na balita na inapi niyo si Amina kahapon. Sinabi din sa

akin na hinatak niyo din daw ang kanyang hijab. Totoo ba ito?”

Isa sa mga babae ay nagsabing nagsisinungaling si Amina at hindi nila ito ginawa.

Sumagot ang kanilang punong-guro, “Kinausap ko ang mga nakakita sa

pangyayare at pinanood ko din ang video mula sa security camera. Parang awa ni-

yo na wag kayong magsinungaling sa akin.”

At sa huli, inamin din nila na ginawa nila iyon. Humingi sila nang patawad kahit

di nila ito gusto at sinabing di na nila ito gagawin muli.

7

Page 11: Together As Oneneedsinc.ca/asset_library/page/communityproject/project1...kaming patakaran sa paaralan na ito tungkol sa panglalait o pangaapi. Wag kang magalala at kakausapin ko ang

Nang nagpunta ang tatlong babae sa ibang bansa para sa

edukasyunal na paglalakbay, naramdaman nilang hindi sila naba-

bagay sa lugar na ito. Napansin nila na panay ang tingin nang mga

tao sakanila habang naglalakad sila at nagsasalita ng kanilang wika.

8

Page 12: Together As Oneneedsinc.ca/asset_library/page/communityproject/project1...kaming patakaran sa paaralan na ito tungkol sa panglalait o pangaapi. Wag kang magalala at kakausapin ko ang

Nagulat sila nang bigla kinausap sila ng isang babae at

sinabing, “Saan kayo galing, mga dalaga?”

At sabi naman ng mga babae, “Kami ay galing ng Canada.”

Sagot ng estranghero, “Kayong mga dayo panay ang punta

ninyo sa aming bansa. Magsi-uwi kayo kung saan man kayo

nanggaling.” 9

Page 13: Together As Oneneedsinc.ca/asset_library/page/communityproject/project1...kaming patakaran sa paaralan na ito tungkol sa panglalait o pangaapi. Wag kang magalala at kakausapin ko ang

Sabi ng isa sa kanila, “Punong-gurong Muna, nais naming humingi ng patawad sa gina-

wa namin kay Amina, naramdaman naming kung paano husgahan ng ibang tao at laitin,

dahil diyan ayaw naming mangyari ito sa ibang tao. At dahil sa pangyayaring ito, gusto

naming magtatag ng isang pagpupulong sa mga kamag-aral namin para tulungan ang

isa’t isa na ipakalat ang epekto ng panghuhusga at pang-aapi sa kapwa.”

Matapos ang karanasan nila sa ibang bansa, napagtanto ng mga babae

na hindi maganda ang ginawa nila kay Amina. Nagpunta sila sa kanil-

ang punong-guro at ikinuwento nila ang nangyari sa kanila habang sila

ay nasa ibang bansa. Humingi din sila ng pahintulot para magtatag ng

isang “Event” para sa kanilang kapwa mag-aaral. Layunin nilang

ipaalam sa lahat na masama ang manghusga at mang-aapi ng ibang tao.

10

Page 14: Together As Oneneedsinc.ca/asset_library/page/communityproject/project1...kaming patakaran sa paaralan na ito tungkol sa panglalait o pangaapi. Wag kang magalala at kakausapin ko ang

Si Amina at ang tatlong babae ay nagsagawa ng isang pagpu-

pulong para sa mga kamag-aral nila at di katagalan ay nagging

magkaibigan din silang apat. Nagumpisa sila ng isang proyekto na

tumutukoy sa epekto ng pang-aapi sa kapwa at panghuhusga. 11

Page 15: Together As Oneneedsinc.ca/asset_library/page/communityproject/project1...kaming patakaran sa paaralan na ito tungkol sa panglalait o pangaapi. Wag kang magalala at kakausapin ko ang

Story By:

Ahmed Mohamednour Salih

Amira Aceel

Cynthia Sion Minda

Dexter Tresquio

Hanaa Aceel

Mawata Soumahoro

Muna Yusuf Ali

Muno MohamedAhmed

Zubaida Al Lilo

Illustrations By:

Gabriel Akinrinmade

Page 16: Together As Oneneedsinc.ca/asset_library/page/communityproject/project1...kaming patakaran sa paaralan na ito tungkol sa panglalait o pangaapi. Wag kang magalala at kakausapin ko ang

Amina’s Tale is the result of a community project by youth

in the 2019 Newcomer Youth Civic Engagement Program.

Youth learned leaderships skills to become agents for

positive change in their communities. When they gathered

to share their stories, they discovered that the stereotypes

they have experienced can lead to bullying. Through

addressing this issue, they created the story of Amina.

With this book, we hope to inspire everyone to treat each

other with love and respect, and to empower everybody to

speak up about stereotypes and bullying.