tinig ng nagdarahop

12
“Tinig ng Nagdarahop” ni Ronie M. Protacio

Upload: ronie-protacio

Post on 29-Nov-2014

1.850 views

Category:

Education


0 download

DESCRIPTION

 

TRANSCRIPT

Page 1: Tinig ng nagdarahop

“Tinig ng Nagdarahop”

niRonie M. Protacio

Page 2: Tinig ng nagdarahop

Mahal ko ang Filipino, pagdiriwa’y walang planoMalaking palaisipan pag-alala ng gobyernoSamantalang ‘di naisip prayoridad wala rito,Pagpapayaman sa Ingles hindi na magkandatuto.

Page 3: Tinig ng nagdarahop

Paggunita anong saysay, pagsasabuhay sa wikàMakakapagpamulat ba lalo na sa mag-aaral;Pagsambit sa mga ito maging sa mga parangal,Ito ba’y nakagugulat isang buwang itinakdà.

Page 4: Tinig ng nagdarahop

Totoo namang ginamit sa pakipagtalastasanFilipino’y instrumento sadyang hindi matumbasan;Kahit na karamihan pa napagkakamalang KanôPakikinig sa istasyong bumibilib na napunô.

Page 5: Tinig ng nagdarahop

Ang tanong sa puntong ito, napapayaman ba kayâ?Sa mga naging konteksto, ang masa ba’y nakukutyâ?Sa mga nakakarinig, nahalua’y kabaduyanMaging mga komentaryo, kalaswaa’y kinantsawan.

Page 6: Tinig ng nagdarahop

Kung bastos ang naging dating, anong magiging termino?Ang mga dapat ilimbag sa papel ng mga dyaryo;Sa pagbibigay ng aliw,ito’y pulos kababawanInisip ng mamamayan, may ganitong katangian.

Page 7: Tinig ng nagdarahop

Kapuri-puri ang iba, may mahahalgang paksàIto’y kinakikitaan na may seryosong diskurso;Sa kabilang banda pala, ito’y nawalan ng bisà,Tulog na ‘pag pinalabas, ito’y kadalasang kaso.

Page 8: Tinig ng nagdarahop

Paano papaunlarin kung iba’y pinagpilitanTunay na nakalulungkot ito’y naging panambitan;Sa halip pa ngang gamitin bilang makatwirang midyum,Sa mga usap-usapan, maging sa mga simposyum.

Page 9: Tinig ng nagdarahop

Ang pagpapaunlad nito ay hindi sa balarilaHanggang sa pag-uunawa pati ng ortograpiya;Kinailangang mawala ang mga maling pananaw,Ito’y nangangahulugang pagkilatis ‘di papanaw.

Page 10: Tinig ng nagdarahop

Ang natanging lingua franca nagbibigay identidadSambayanang sumasambit pagka- Pinoy lumalantad;Sa bansa’y nagbigay-linaw, paggamit ng isang wikà,Kaysa sa salitang- dayo, nagturan ng hakahakà.

Page 11: Tinig ng nagdarahop

Oo, Agosto na naman, dapat pa bang magkamayan?Wika nati’y maging ilaw siyang magsisilbing lakas,Juan, gumising ka naman, kamtan mo’y tuwid na landas;Kung hindi tayo kikilos, mayroong paglalamayan.

Page 12: Tinig ng nagdarahop

Ang Filipino ay wikang panlahat, ilaw at lakas sa tuwid na landas…