tinig hulyo 2015 ikalawang edisyon.pdf

8
HULYO 2015 IKALAWANG EDISYON Labanan at biguin ang tumitinding pampulitikang panunupil at terorismo ng rehimeng US-Aquino! Sa desperasyong mailigtas ang sarili sa pananagutan at upang patuloy na maipatupad ang mga makadayuhang patakaran sa kabila ng lumalawak na galit at pagkamuhi ng mamamayan, pinatitindi ngayon ng rehimeng US- Aquino ang pasistang panunupil sa progresibong kilusang masa. Isang koordinadong kampanya ng panunupil ang inilulunsad ngayon ng rehimen laban sa mga progresibo at makabayang mga organisasyon, indibidwal at lider. Kabi-kabila ang mga pagdakip, pagpaslang, pandarahas at pananakot na naglalayong paralisahin ang kilusang masa na pinakamatatag na lumalaban sa mga makadayuhang patakaran ng papet, pahirap at kurap na rehimen. Sinasabotahe rin ng rehimen ang usapang pangkapayapaan. Dinadakip at ikinukulong sa pamamagitan ng mga gawa-gawang kaso ang mga konsultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) para higit na pagtakpan ang mga bangkarote at kontra-mamamayang patakaran ng rehimen na malalantad sa pag-usad ng negosasyon. Aabot na sa 262 o 1 kada linggo ang biktima ng pagpaslang, habang 26 ang sapilitang pagkawala sa ilalim ng rehimen. Nasa 438 naman ang mga bilanggong pulitikal. Dumarami kamakailan ang kaso ng mga paniniktik at pananakot sa mga lider at mga kasapi ng organisasyon. Iniulat ng mga lider ng unyon ng mga kawani ng pamahalaan sa ilalim ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (Courage) ang paniniktik, pananakot at tangkang pagrerekluta ng mga nagpapakilalang militar sa mahigit dalawampu nitong lider. Matapos magsampa ng writ of amparo sa Korte Suprema, sinundan ng mga ahente ng militar ang isa sa mga lider nito na si Antonieta Setias-Dizon at pinalibutan ang gusali ng Integrated >>>Ituloy sa p2 3 4 4 5 5 6 7 8 Harassment at pananakot sa mga aktibista, tumitindi Tangkang pagdukot sa isang lider ng pampublikong unyon, kinundena Militarisasyon sa Iloilo City, paghahanda sa APEC Makiisa sa panawagan ng mga manggagawa ng LBC Express para sa dagdag sahod at benepisyo! Gobyerno ng US at Pilipinas, guilty sa paglabag ng mga karapatan – International People’s Tribunal Suportahan ang mamamayang Griyego laban sa bailout, austerity, at kataksilan ng gobyernong Tsipras Libu-libo dumagsa sa libing ni Kumander Parago sa Davao Mensahe ni Adelberto Silva at Sharon Cabusao sa Kasalukuyang Henerasyon ng Kilusang Kabataan at Estudyante

Upload: anakbayan-ph

Post on 07-Sep-2015

58 views

Category:

Documents


14 download

TRANSCRIPT

  • HULYO 2015IKALAWANG EDISYON

    Labanan at biguin ang tumitinding

    pampulitikang panunupil at terorismo ng

    rehimeng US-Aquino!Sa desperasyong mailigtas ang sarili sa pananagutan at upang patuloy na maipatupad ang mga makadayuhang patakaran sa kabila ng lumalawak na galit at pagkamuhi ng mamamayan, pinatitindi ngayon ng rehimeng US-Aquino ang pasistang panunupil sa progresibong kilusang masa.

    Isang koordinadong kampanya ng panunupil ang inilulunsad ngayon ng rehimen laban sa mga progresibo at makabayang mga organisasyon, indibidwal at lider. Kabi-kabila ang mga pagdakip, pagpaslang, pandarahas at pananakot na naglalayong paralisahin ang kilusang masa na pinakamatatag na lumalaban sa mga makadayuhang patakaran ng papet, pahirap at kurap na rehimen.

    Sinasabotahe rin ng rehimen ang usapang pangkapayapaan. Dinadakip at ikinukulong sa pamamagitan ng mga gawa-gawang kaso ang mga konsultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) para higit na pagtakpan ang mga bangkarote

    at kontra-mamamayang patakaran ng rehimen na malalantad sa pag-usad ng negosasyon.

    Aabot na sa 262 o 1 kada linggo ang biktima ng pagpaslang, habang 26 ang sapilitang pagkawala sa ilalim ng rehimen. Nasa 438 naman ang mga bilanggong pulitikal.

    Dumarami kamakailan ang kaso ng mga paniniktik at pananakot sa mga lider at mga kasapi ng organisasyon. Iniulat ng mga lider ng unyon ng mga kawani ng pamahalaan sa ilalim ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (Courage) ang paniniktik, pananakot at tangkang pagrerekluta ng mga nagpapakilalang militar sa mahigit dalawampu nitong lider.

    Matapos magsampa ng writ of amparo sa Korte Suprema, sinundan ng mga ahente ng militar ang isa sa mga lider nito na si Antonieta Setias-Dizon at pinalibutan ang gusali ng Integrated

    >>>Ituloy sa p2

    3

    4

    4

    5

    5

    6

    7

    8

    Harassment at pananakot sa mga aktibista, tumitindi

    Tangkang pagdukot sa isang lider ng pampublikong unyon, kinundena

    Militarisasyon sa Iloilo City, paghahanda sa APEC

    Makiisa sa panawagan ng mga manggagawa ng LBC Express para sa dagdag sahod at benepisyo!

    Gobyerno ng US at Pilipinas, guilty sa paglabag ng mga karapatan International Peoples Tribunal

    Suportahan ang mamamayang Griyego laban sa bailout, austerity, at kataksilan ng gobyernong Tsipras

    Libu-libo dumagsa sa libing ni Kumander Parago sa Davao

    Mensahe ni Adelberto Silva at Sharon Cabusao sa Kasalukuyang Henerasyon ng Kilusang Kabataan at Estudyante

  • 2 HULYO 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYANBar of the Philippines (IBP) kung saan siya tumungo para humingi ng tulong. Hanggang ngayon, hindi makalabas si Dizon sa gusali dahil patuloy itong pinalilibutan ng mga sasakyan at ahente ng militar.

    Patuloy na tinitiktikan at tinatakot ang mga lider ng Kilusang Mayo Uno, Childrens Rehabilitation Center at Health Alliance for Democracy. Samantala, tinitiktikan ng mga sasakyan ng militar ang mga opisina ng mga organisasyon gaya ng Alliance of Concerned Teachers at Bayan.

    Sa hanay ng kabataan, kabi-kabila ang mga kaso ng pananakot, paniniktik at tangkang pagrerekluta. Kamakailan, tumungo sa opisina ng Kabataan Partylist ang mga nagpapakilalang sundalo at may hinahanap umano na rebelde. Ang opisina ng Anakbayan at League of Filipino Students ay tinitiktikan din ng mga ahente. Ilan sa mga organisador at mga aktibista ay nilalapitan para takutin, pahintuin at o pasukuin. Ang ilang mga lider ay tinatangka ding siraan o intrigahin.

    Lalong mas matindi ang panunupil sa kanayunan kung saan naghahari ang pasista at berdugong mga sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Kabi-kabila ang mga kaso ng pwersahang pagpapalayas sa mga magsasaka, pambubugbog, pang-aaresto, pagdakip at pagpatay.

    Sa Mindanao, ipinasara maging mga paaralan na itinayo ng mga Lumad at kinampuhan ang mga ito ng militar.

    Samantala, itinalaga ng rehimen ang mga kilalang berdugo na sina Gen. Hernando Iriberri bilang hepe ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Major General Eduardo Ao bilang hepe ng Philippine Army. Si Iriberri ay nanguna sa Philippine Army sa paglabag nito sa mga karapatang pantao, lalo na sa Mindanao habang si Ao naman ay bahagi ng sapilitang pagkawala kay Jonas Burgos at mga pasistang pagpaslang at operasyong militar sa Mindanao habang pinamumunuan ang 10th Infantry Division.

    Ang pagtindi ng panunupil ng rehimen ay naglalayong pilayin at idiskaril ang

    pambansa-demokratikong kilusang masa para sa nalalabing taon ng termino ni Aquino ay patuloy nitong maipatupad ang mga makadayuhang mga patakarang neoliberal at makatakas ito sa pananagutan sa mga krimen nito sa mamamayan.

    Inaakala ng rehimen na sa panunupil nito ay mapipigil ang ibayong paglaki at paglawak ng mga pakikibakang masa na magtitipon sa huling State of the Nation Address (SONA) ng rehimen.

    Nakatuon din ang rehimen sa paghahanda para sa Asia-Pacific Cooperation (APEC) Summit sa Nobyembre kung saan nakatakdang itulak ang mga makadayuhan at anti-mamamayang patakarang neoliberal.

    Patuloy ding itinutulak ng rehimen ang charter change para alisin ang limitasyon sa 100% dayuhang pag-aari sa lupa at negosyo sa bansa bilang rekisito sa pagsali sa mapanalasang Trans-Pacific Partnership Agreement ng Estados Unidos (US) sa Asya.

    Nais ding tiyakin ng rehimen ang todo-largang pagpapatupad ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) at pagpasok ng mas maraming tropang militar at pagtatayo ng mga base militar ng US sa bansa.

    Nais din ni Aquino na makapanatili ang mga kapartido nito sa kapangyarihan para matiyak na hindi ito mananagot sa

    mga pahirap, kurap at kriminal na mga patakaran nito sa mamamayan. Dahil lalong nahihiwalay sa mamamayan, walang ibang susulingan ang rehimeng ito sa panloloko, pandarahas at pandaraya sa halalan.

    Nagkakamali ang rehimen kung inaakala nitong aatras at mapapahina nito ang kilusang masa ng sambayanan sa pamamagitan ng karahasan at paniniil. Higit na nalalantad ng pasistang mga hakbangin nito ang pagiging anti-mamamayan ng rehimen. Lalong sumisidhi ang galit ng mamamayan at higit na lumalawak ang kilusang masa para ipanawagan na patalsikin at panagutin ang rehimeng US-Aquino.

    Dapat buklurin ang malawak na hanay ng mamamayan laban sa istilong Martial Law na panunupil ni Aquino. Dapat labanan ang kriminalisasyon ng mga aktibista at tumindig para sa karapatang pantao at kalayaang sibil.

    Dapat tapatan ng mas matindi at mas malawak na paglaban ang mga pasistang atake ng rehimen. Higit na palawakin ang mga pakikibaka ng mamamayan para sa kanilang mga batayang interes sa lupa, sahod, trabaho, edukasyon at para igiit ang demokratikong karapatan. Dapat paigtingin ang pakikibaka para patalsikin ang rehimeng US-Aquino at ibagsak ang estadong malakolonyal at malapyudal bilang sagot sa pasismo ng estado.

    PHOTO CREDITS: BULATLAT.COM

  • 3TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | HULYO 2015

    Harassment at pananakot sa mga aktibista, tumitindiKinukundena ng Anakbayan ang lumalalang harassment, pananakot at mga operasyong paniktik ng mga elemento ng militar laban sa mga kasapi ng mga progresibong organisasyon at aktibista nitong mga nakaraang linggo.

    Paniniktik sa mga opisina ng progresibong grupo

    Noong Hunyo 16, dalawang ahente na nagpakilalang mga sundalo ang pumunta sa headquarters ng Kabataan Partylist sa Teachers Village, Quezon City. Naghahanap diumano sila ng isang Ka Tonyo na nakatira daw doon. Nang itinanggi ng mga istap na mayroong Ka Tonyo sa opisina, nagpumilit ang mga sundalo na manatili sa lugar at nagpakita pa ng litrato ng taong sinasabi nilang si Ka Tonyo.

    Pagkatapos ng ilang minuto, umalis ang dalawang lalaki. Ngunit bago nito, nag-iwan sila ng isang piraso ng papel para daw ibigay kay Ka

    Tonyo sakaling pupunta siya sa headquarters. Nakasulat sa papel ang isang cellphone number at ang pangalang Alma.

    Matapos ang insidente, napansin ng mga kasapi ng Kabataan Partylist na may mga lalaking crewcut ang buhok na palagiang tumatambay sa harapan ng headquarters. Minsang nakikita silang may kausap sa kanilang mga cellphone.

    Isang kaparehong insidente ang iniulat naman ng mga kasapi ng League of Filipino Students. Ayon sa kanilang obserbasyon, may mga di kilalang lalaking bumibisita at nagmamasid sa kanilang opisina sa Maynila nitong mga nakaraang linggo.

    Intimidasyon at pananakot sa mga aktibista

    Iniulat naman ng ilang mga estudyanteng aktibista ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) ang pagbisita sa kanilang mga tahanan ng mga lalaking nagpakilalang mga tauhan ng militar. Binigyan ng babala ang mga aktibista at kanilang mga magulang laban sa pagsali sa mga kilos-protesta at iba pang mga aktibidad ng mga progresibong organisasyon. May mga lider-aktibista din na inaalukan ng trabaho, matapos ay tinatangkang rekrutin bilang ahenteng paniktik ng militar.

    Ayon sa Anakbayan, hindi mga hiwalay na kaso ang mga insidente kundi bahagi ng isang sistematikong kampanya ng pananakot at intimidasyon upang patahimikin ang mga kritiko ng rehimeng Aquino ngayong papalapit na ang huling State of the Nation Address ni Aquino.

    LUMAHOK ANG MGA MAG-AARAL NG KRUS NA LIGAS HIGH SCHOOL SA SABAY-SABAY NA KILOS-PROTESTA LA-BAN SA K-12 SA IBAT IBANG PAARALAN SA KAMAYNILAAN NOONG HULYO 16. NAGDAOS DIN NG MGA PROGRAMA SA KANI-KANILANG MGA KAMPUS ANG MGA MAG-AARAL NG RAMON MAGSAYSAY HIGH SCHOOL, BATASAN HIGH SCHOOL, MANILA HIGH SCHOOL, NATIONAL TEACHERS COLLEGE, AT POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIP-PINES. PHOTO CREDITS: MANILATODAY.NET

  • 4 HULYO 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

    Militarisasyon sa Iloilo City, paghahanda sa APECNagpahayag ng alarma ang Anakbayan-Panay at ibang mga progresibong grupo sa nagaganap na militarisasyon sa Iloilo City na ginagawa diumano bilang paghahanda para sa ibat ibang pulong ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) na gaganapin sa syudad ngayong taon.

    Ayon sa ulat ng Anakbayan-Panay, kasalukuyang nakatalaga ang mga sundalo ng Philippine Army sa 22 barangay ng Iloilo City kung saan inokupahan ng mga sundalo ang baranggay hall at mga pribadong tahanan. Kabilang dito ang San Isidro, Bitoon, Democracia, Tabuc Suba, Tacas, Sambag, at Dungon A at B sa Jaro; Punong, Progreso, Sinikway, Lapuz Norte sa Lapuz; Bonifacio, Santo Nino Norte, Sooc at Calaparan sa Arevalo; San Pedro, North Baluarte, San

    Antonio, at Calumpang sa Molo; Ingore sa Lapaz; at Calahunan sa Mandurriao.

    Ayon kay Bryan Bosque, tagapagsalita ng Anakbayan-Panay, lahat ng mga barangay na ito ay kilalang may mga aktibong progresibong organisasyon ng maralitang tagalunsod, manggagawa, kabataan, kababaihan, at mangingisda. Tinatawag na Community Peace and Development Teams (CPDT) ang mga pangkat ng sundalong tumutuloy sa mga komunidad bilang bahagi ng Civil-Military Operations (CMO) ng militar. Tinatakot ng mga armadong sundalo ang mga tao upang tumigil na sila sa paglaban. Dapat palayasin ang mga tropang militar sa komunidad sa lalong madaling panahon, ani Bosque.

    Mariing kinundena ng Anakbayan-Panay ang diumanoy paggamit ng pwersang

    militar upang takutin at supilin ang karapatan na magpahayag at mag-organisa ng mga mamamayan upang hadlangan ang posibleng mga protesta laban sa APEC sa Iloilo Cty.

    Ayon kay Bosque, isang imperyalistang institusyon ang APEC na tumutulak sa pagbukas ng ekonomya ng mga kasaping bansa upang mapadali ang pandarambong ng mga dayuhan at multinasyunal na korporasyon sa likas na yaman at murang paggawa. Magaganap sa lungsod ang APEC Senior Ministerial Meeting on Infrastructure Development and Financing sa Hulyo 23-24. Dito rin gaganapin ang Ministerial Meeting on Small and Medium Enterprises sa Setyembre 21-25 at ang Ministerial Meeting on Food Security and Blue Economy mula Setyembre 28 hanggang Oktubre 6.

    Mariing kinukundena ng Anakbayan ang mala-Martial Law na tangkang pagdukot sa isang lider-aktibista ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (COURAGE) noong gabi ng Hulyo 14.

    Napilitan si Antonieta Dizon at kanyang mga kasamahan sa COURAGE na manatili sa opisina ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa Ortigas, Mandaluyong City mula Hulyo 14 hanggang sa kasalukuyan dahil sa panganib na sila ay dukutin o patayin ng mga ahente ng militar na nakapaligid sa gusali.

    Natatakot si Dizon para sa kanyang buhay at kaligtasan dahil sa walang tigil na pagbuntot ng mga sasakyan at ahente ng militar sa kanyang bawat kilos mula pa sa mga nagdaang mga linggo. Nagsampa si Dizon at ibang mga lider ng COURAGE ng petisyon para sa Writ of Amparo sa Korte Suprema noong Hulyo 14 upang ipagtanggol ang kanilang buhay, kalayaan, at seguridad laban sa pagbabanta ng estado.

    Matapos nilang magsampa ng petisyon sa Korte Suprema, napansin nila ang mga hinihinalang sasakyan at tauhan ng militar na nakamotorsiklo na sumusunod kay Dizon. Dahil dito, humingi sila ng tulong sa IBP na payagang gawing kanlungan ang kanilang opisina.

    Hindi nagpakita ng respeto ang mga hinihinalang ahente ng militar sa IBP.

    Pinaligiran nila ang gusali at hanggang sa ngayon ay kinukubkob pa rin nila sina Dizon at ang kanyaang mga kasamahan. Halos isang linggo nang nananatili sa IBP Center sina Dizon at hindi makauwi dahil sa pangambang dukutin o patayin.

    Maraming mga sasakyan at mga motorsiklo ang kung hindi man nakaparada sa labas ng gusali ay paulit-ulit na dumaraan na parang naghihintay para lumabas si Dizon. Isa sa mga sasakyan ang isang silver Toyota Innova na may plate number na AAM 3129.

    Ayon kay Dizon, makailang beses niyang napansin ang Innova na nagmamasid sa kanya sa nakaraang mga araw. Nakita rin ang sasakyang ito sa harap ng Korte Suprema sa kanilang filing at maging

    sa mga opisina ng mga progresibong organisasyon.

    Isa si Dizon sa mga council of advisers at dating Deputy Secretary General ng COURAGE. Presidente rin siya ng Majorem Consultancy and Services, at dating former Program and Plans Director ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). Kamakailan, isinulong ng COURAGE na bahagi si Dizon ang dagdag sahod at mga benepisyo para sa mga kawani ng pamahalaan at inilantad ang Disbursement Acceleration Program ng rehimeng Aquino.

    Kasalukuyang nagkakampo ang mga kasapi ng mga progresibong organisasyon sa labas ng gusali ng IBP upang bantayan si Dizon laban sa mga ahente ng militar.

    Tangkang pagdukot sa isang lider ng pampublikong unyon, kinundena

    PH

    OTO

    CR

    EDITS: P

    INO

    YWEEK

    LY.OR

    G

  • 5TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | HULYO 2015

    Nakikiisa ang Anakbayan sa mga manggagawa ng Luzon Brokerage Corporation Express-Davao (LBC Express-Davao) sa kanilang panawagan para sa dagdag sahod at benepisyo.

    Noong Marso 16, nagkaroon ng pag-uusap ang mga manggagawa sa ilalim ng LBC Davao Employees Union-ADLO-KMU (LBCDEU-ADLO-KMU) at ang management ng LBC. Inihain ng LBCDEU ang kanilang mga kahilingan para sa 7% dagdag pasahod, 6 na araw na vacation leave, 7 araw na sick leave, educational assistance, union leave, 14th month bonus, and signing bonus sa nasabing pag-uusap. Tinanggihan ng management ang mga inihain ng LBCDEU.

    Ang nasabing mga kahilingan ng mga manggagawa ay aabot lamang sa 4% pagbawas sa P57.8 milyong pangkabuuang kita ng LBC mula 2013 hanggang 2014 mula sa 27 sangay nito sa Southeastern Mindanao Region.

    Dahil sa pagtanggi ng management ng LBC sa mga inihahapag na mga pagbabago ng LBCDEU, nagpasya ang mga manggagawa sa ilalim ng LBCDEU na magbotohan para sa pagwewelga. Sa naganap na botohan ng mga manggagawa noong Hunyo 22, 92% sa kanila ang pabor sa pagkakasa ng welga. Nangamba ang management ng LBC sa mga ginagawa ng mga manggagawa. Namigay ng memo ang management na nagsasabing lahat ng sasali sa welga ay aalisin sa trabaho.

    Sa ngayon, nakapaghapag na ng notice to strike dahil sa Collective Bargaining

    Makiisa sa panawagan ng mga manggagawa ng LBC Express para sa dagdag sahod at benepisyo!

    Agreement (CBA) deadlock ang mga manggagawa. Kasalukuyang nagpapatuloy ang mga pagpipiket sa labas ng main office ng LBC sa Davao. Patuloy ang panawagan ng mga manggagawa para sa dagdag sahod at benepisyo, pagpapabalik sa trabaho ang mga manggagawang sinuspinde at tinanggal sa trabaho, at karapatan sa pagwewelga.

    Ang kalagayan ng mga manggagawa ng LBC ay nagpapakita sa kalagayan ng mga manggagawa sa Pilipinas, kung saan ang mga manggagawa ay patuloy na binabarat at pinagkakakitaan ng mga kapitalista, tinatanggalan ng karapatan sa pag-uunyon at pagwewelga, at hinaharass at tinatakot kapag umalma. Lahat ng panunupil na nararanasan ng mga manggagawa ay hinahayaan lang ng administrasyong Aquino. Ang gobyerno pa mismo ang gumagawa ng

    mga polisiya na sumusuporta sa ganitong klaseng kalagayan ng mga manggagawa.

    Nananawagan ang Anakbayan sa lahat na makiisa sa laban ng mga manggagawa ng LBC para sa dagdag sahod at benepisyo, pagpapabalik sa trabaho ang mga manggagawang sinuspinde at tinanggal sa trabaho, at karapatan sa pagwewelga. Ang laban ng mga manggagawa ng LBC Davao ay laban ng mamamayang Pilipino. Nananawagan din ang Anakbayan sa pagpapatalsik sa kontra-manggagawang rehimeng US-Aquino, dahil ang pagpapatalsik sa rehimeng ito ang magbibigay ng daan sa tunay na pagbabagong panlipunan, at tunay na hustisya para sa mga manggagawang inaalipin ng kasalukuyang bulok na sistemang panlipunan.

    Hinatulan ng International Peoples Tribunal (IPT) ang rehimeng Aquino na guilty sa paglabag ng mga karapatan ng mamamayang Pilipino. Hinatulan ding may sala ang gobyerno ng US, na napatunayang parehong may pananagutan sa mga malubhang paglabag ng karapatang pantao.

    Lumabas ang hatol na ito ilang araw bago ang huling State of the Nation Address (SONA) ni BS Aquino kung saan inaasahang pagtatakpan niya naman ang kanyang mga krimen laban sa mamamayang Pilipino sa mga kasinungalingan at hungkag na retorika.

    Ang IPT ay isang hukumang bayan na inorganisa ng International Coalition

    Gobyerno ng US at Pilipinas, guilty sa paglabag ng mga karapatan International Peoples Tribunal

    for Human Rights in the Philippines, International Association of Democratic Lawyers, National Lawyers Guild, at Ibon International sa Washington DC noong Hulyo 16-18.

    Nagpresenta ang prosekusyon ng 34 kaso ng paglabag ng karapatan sa pamamagitan ng 32 testigo. May 29 pang mga kaso na isinumite para sa konsiderasyon ng mga hurado.

    Ayon sa IPT, naganap ang mga paglabag ng karapatang pantao bilang bahagi ng isang sistematikong kampanya ng panunupil sa konteksto ng pagpapatupad ng gobyernong Aquino ng Oplan Bayanihan sa tulong ng gobyerno ng US.

    Aabot sa 262 biktima ng pagpaslang, 27 biktima ng sapilitang pagkawala, 438 bilanggong pulitikal, at 723 iligal na inaresto at ibinilanggo sa ilalim ni Aquino.

    Kabilang sa mga hurado ng IPT ay sina Atty. Azadeh Shahshahani, isang prominenteng human rights lawyer sa US, former South African ambassador Rev. Dr. Molefe Tsele, Atty. Camilo Perez-Bustillo, Prof. Pao-Yu Ching, Rev. Malcolm Damon, Rev. Michael Yoshii, at Canadian development worker na si Mary Boyd.

    Ihahatid ang hatol sa gobyerno ng Pilipinas at US, at iba pang mga concerned na indibidwal at organisasyon katulad ng Prosecutors Office ng International Criminal Court (ICC).

    PH

    OTO

    CR

    EDITS: M

    ANILATO

    DAY.N

    ET

  • 6 HULYO 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

    Lubos na nakikiisa ang Anakbayan sa paglaban ng mamamayan ng Greece sa bailout program na ipinapataw ng European Central Bank (ECB), European Union (EU), at International Monetary Fund (IMF) sa Greece sa gitna ng matinding krisis nito.

    Mariing kinukundena ng Anakbayan ang tatlong institusyon, na mas kilala sa taguring Troika, sa pagtulak ng bailout program o pagpapautang sa mga bangko ng Greece kapalit ang mga hakbanging austerity o pagbabawas ng pondo sa badyet ng gobyerno sa mga serbisyo para sa mamamayan.

    Kinukundena rin ng Anakbayan ang gobyerno ni Punong Ministro Alexis Tsipras sa kataksilan at pagkainutil nito. Mahigit 61 porsyento ng mga Griyego ang bumoto laban sa bailout sa referendum na ipinatawag noong Hulyo 5. Subalit walang pasubaling sumuko si Tsipras sa mga imposisyon ng Troika.

    Tinanggap ng gobyernong Tspiras ang Memorandum ng Troika noong Hulyo 13 at ipinasa ito sa Parliamento ng Greece noong Hulyo 15. Ito ay sa kabila ng pangako ni Tsipras at ng kanyang partidong Syriza na ibabasura nito ang mga nakaraang bailout program.

    Ang kasunduang pinirmahan ni Tsipras ang ikatlong bailout program na ipapataw ng European Troika sa Greece sa loob ng limang taon.

    Di-makatarungang mga imposisyon

    Mariing tinututulan ang bailout dahil nangangahulugan ito ng pagtulak sa mamamayang Griyego sa mas matinding pagkabaon sa utang at kahirapan sa kabila ng pagtapon ng limpak-limpak na salapi para sa mga bangkong pag-aari ng mga kapitalista.

    Mahigit 13 bilyong euro ang kakaltasin galing sa serbisyong pampubliko sa panukala ng gobyernong Tspiras sa Troika. Mas malaki ito ng 4 bilyon euro kung ikukumpara sa panukalang tinanggihan ng mamamayang Griyego sa referendum noong Hulyo 5.

    Tataas ng 50 porsyento ang gastos para sa serbisyong pangkalusugan ng mga

    pensiyonado kahit na 40 porsyento sa kanila ay nabubuhay sa kasuklam-suklam na kahirapan. Mababawasan din nang husto ang sahod ng mga manggagawa sa pampublikong sektor. Tataas din ng 23 porsyento ang value added tax na mangangahulugan ng pag-umento ng presyo ng mga bilihin. Ihahain din sa pribatisasyon ang mga pampublikong pasilidad katulad ng mga daungan at paliparan.

    Direktanbg ipapasailalim sa kontrol ng Troika ang pinansya ng Greece sa susunod na tatlong taon upang mapaseguro na mababayaran ang utang nito.

    Maaalalang ang mga nagdaang bailout at austerity program noong 2010 at 2012 ay nagresulta sa higit na paglubha ng krisis sa Greece. Tinamaan ito ng pinakamasahol na depresyon sa lahat ng maunlad na bansa mula 1930s at matinding kawalan ng trabaho na aabot sa 25 porsyento ng buong pwersa ng lakas paggawa.

    Maaasahang magpapataw ng mas malupit na mga imposisyon ang Troika. Wala nang magiging pinagkaiba sa kolonya ang Greece katulad noong sa panahon ng Nazi Germany sa ilalim ni Hitler.

    Kataksilan ng gobyernong Tsipras

    Sa katunayan, tinutulak ngayon ng Troika ang Greece na tanggapin na lamang ang panukalang austerity ng EU o mag-Grexit at umalis na lamang sa eurozone.

    Ngunit imbes na labanan ang pananakot ng Troika, ipinalaganap ng pangkatin ni Tsipras ang ilusyong makapagkuha ng isang kompromiso sa Troika. Hindi rin ito gumawa ng seryosong preparasyon para sa posibilidad ng Grexit upang makapagbigay ng mas mabuting alternatibo upang malagpasan ang krisis.

    Hindi sineryoso ng gobyerno ni Tsipras ang pagtutulak ng isang debt default at moratorium o pagtigil sa pagbayad sa utang sa Troika upang mabigyan ng ginhawa ang mamamayang Griyego.

    Kahit ang mga kongretong mungkahi ng mga kapartido ni Tsipras sa loob ng Syriza para salungatin ang pagsara ng ECB sa mga bangko ng Greece ay hindi rin binigyang pansin. Kabilang dito ang pagkuha sa Bank of Greece galing sa kontrol ng ECB at ang paghingi ng tulong sa BRICS o Brazil, Russia, India, China at South Africa.

    Suportahan ang mamamayang Griyego laban sa bailout, austerity, at kataksilan ng gobyernong Tsipras

    PH

    OTO

    CR

    EDITS: C

    AMB

    RID

    GEG

    LOB

    ALIST.OR

    G

    >>>Ituloy sa p7

  • 7TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | HULYO 2015

    Libu-libong tagasuporta at tagabati ang dumagsa sa libing ni Leoncio Kumander Parago Pitao sa lungsod ng Davao noong Hulyo 10, 2015.

    Ito ang naging sagot ng mamamayan ng Mindanao sa paratang ng militar na ang pagkamatay ng tanyag na kumander ng New Peoples Army (NPA) ay magreresulta diumano ng paghina ng armadong rebolusyonaryong kilusan sa rehiyon.

    Tinatayang 12,000 katao, na karamihan ay mga magsasaka at lumad galing sa ibat ibang panig ng isla ng Mindanao, ang nakidalamhati at sumama sa prosesyon sa kahabaan ng mga kalye ng Davao upang ihatid ang labi ni Ka Parago sa Davao Memorial Park.

    Napuno rin ng libu-libong katao ang isang programang parangal na inihandog para kay Ka Parago sa Davao City Almendras Gymnasium gabi bago ang kanyang libing.

    Ayon kay Satur Ocampo, dating kinatawan ng Bayan Muna sa Kongreso, ang pagdagsa ng maraming tao sa libing ni Ka Parago ay sumasalamin sa lumalakas at lumalawak na baseng masa ng rebolusyonaryong kilusan sa Timog Mindanao.

    Pinabulaanan nito ang mga pahayag ng militar na humihina ang armadong pakikibaka sa lugar sa pagkapatay ni Pitao. Pinapakita nito kung paano handang magsakripisyo ang masa para sa rebolusyon sa kabila ng banta ng estado na balikan sila dahil sa pagpunta nila sa libing, ani Ocampo.

    Hindi natinag ang mga nagmamartsa sa harap ng maraming pulis, sundalo, at ahenteng paniktik na nagmamasid sa prosesyon ng libing ni Ka Parago. Ito ay kabilang sa sistematikong kampanya ng rehimeng Aquino upang supilin ang mga hinihinalang tagasuporta ng NPA.

    Pinaslang ng mga berdugong militar si Ka Parago at ang kanyang medic na si

    Vanessa Ka Kyle Limpag sa Paquibato District, Davao City noong Hunyo 28 habang nagpapagaling sa mga sakit na diabetes, hepatitis, at hyperthyroidism.Kinundena ng rebolusyonaryong kilusan ang paglabag ng militar sa International Humanitarian Law at karapatang pantao sa walang awang pagpatay kay Pitao at Limpag.

    Kilala si Ka Parago bilang tanyag na kumander ng NPA dahil sa kanyang pangunguna sa mga matagumpay na mga taktikal na opensiba sa nagdaang apat na dekada, kabilang na ang paghuli kay General Victor Obillo bilang bihag-ng-digma noong 1999 at ang reyd sa Davao Penal Colony noong 2007.

    Punong opisyal ng bantog na Pulang Bagani Battalion na aktibo sa Southern Mindanao sa panahon ng kanyang kamatayan, kilala si Ka Parago bilang Tatay ng mga masa sa kanayunan ng Mindanao na tinulungan niyang tumindig para ipaglaban ang kanilang mga karapatan.

    Sa halip na sumandig sa matinding pagtutol ng mamamayang Griyego sa austerity, nauwi ang taksil at inutil na liderato ni Tsipras sa pagpilit sa mamamayan na tanggapin na lamang ang mapaminsalang dominasyon ng Troika at imperyalistang Europa.

    Dahil sa pagtalikod ng partido sa mga masang sumuporta nito sa nagdaang panahon, inaasahang may magaganap na biyakan sa Syriza sa pagitan ng taksil na pangkatin ni Tsipras at mga organisasyong nakaugat sa uring manggagawa, masang anakpawis, kabataan, kababaihan at iba pang sektor.

    Nabigyan din ng pagkakataon ang mga pasistang partido at kilusang maka-kanan na samantalahin ang sentimyento ng publiko laban sa EU upang kumuha ng suporta para sa kanilang reaksyunaryong pakana.

    Panawagan ng suporta

    Nananawagan ang Anakbayan sa lahat ng kabataang Pilipino na suportahan ang mamamayang Griyego sa kanilang buhay-at-kamatayang paglaban sa mga pinakabagong imperyalistang imposisyon ng Troika.

    Dapat suportahan ang magiting na pakikibaka ng mamamayang Griyego

    laban sa tumitinding kahirapan, kawalan ng trabaho, mas mataas na presyo ng mga bilihin at serbisyo, at mas mabigat na buwis.

    Hindi nalalayo na mangyari sa ibang mga bansa ang sinapit ng Greece sa harap ng papaputok na panibagong serye ng pinansyal at pang-ekonomikong krisis na mas masahol pa sa krisis ng 2008.

    Nakikiisa ang Anakbayan sa lahat ng mga progresibo at anti-imperyalistang grupo saan mang panig ng mundo na lumalaban sa panibagong mga atakeng neoliberal sa mamamayan ng buong daigdig.

    Libu-libo dumagsa sa libing ni Kumander Parago sa Davao

    PH

    OTO

    CR

    EDITS: M

    ANILATO

    DAY.N

    ET

    >>>Mula sa p6

  • 8 HULYO 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

    Patuloy na umunlad at lalakas ang mga balangay ng mga pambansa demokratikong organisasyong masa sa pamamagitan ng mahusay na pamumuno at malawak na ugnayan at pakikipagtulungan sa napakaraming tradisyunal na organisasyon hinggil sa ibat ibang suliranin at proyektong kabataan.

    Patuloy din ang pagsigla ng KKE sa pagsusulong ng wastong kumbinasyon ng mga sektoral at lokal na kampanyang masa, K-12 at tuition fee increases, at pagtuligsa sa ekspansyunismong Tsina at paglakas pa ng dominasyon at interbensyong US sa bansa. Palagiang tungkulin ang pagpukaw sa makabayang diwa ng kabataan habang mahusay na isusulong ang kanilang mga demokratikong karapatan at kahilingan.

    Nahawan na ng mga naunang henerasyon ang landas patungo sa pambansang paglaya at demokrasya. Nasa inyo, sa kasalukuyang henerasyon ng mga mabubuting anak ng bayan, ang hamon upang makamtan ang mas matatayog pang tagumpay, ang pagkakamit sa ganap na paglaya at demokrasya sa ating bansa!

    Adelberto Silva at Sharon CabusaoCamp CrameIka-29 ng Hunyo, 2015

    Hitik sa aral ang kasaysayan ng Kilusang Kabataan at Estudyante (KKE) sa mga pagkakataong naging makapangyarihan itong pwersa para sa panlipunang pagbabago.

    Tampok dito ang paghugos ng daanlibong kabataan sa kalsada noong Enero 1970, sa panahon ng rehimeng US-Marcos, at pagputok ng makasaysayang Unang Sigwa.

    Mga kabataang intelektwal, manggagawa at magsasaka rin ang kalakhang bumuo sa mga kilusang naitatag sa panahong ito, kapwa sa kanayunan at kalunsuran, na nagdala sa sambayanang Pilipino sa di na mapipihit na landas ng pakikibaka laban sa imperyalismo, pyudalismo, at burukrata-kapitalismo.

    Sa kasalukuyang panahon, maaring gumampan ang KKE ng susing papel sa paglawak at pagsigla ng buong kilusang masa sa kalunsuran, at sa pagbubuo ng mga rekisito para sa isang bagong pagdaluyong ng kilusang masa sa bansa.

    Ngayon pa lamang, dapat nang kilanlanin ang mga panimulang tagumpay sa pagbubuo ng mas malawak na pagkakaisa sa hanay ng kabataan. May mga bagong organisasyong masa sa mga bagong lugar at paaralan. May mga bagong lider at organisador na naghahasa sa araw-araw ng kakayahang mamuno, magpaliwanag at magpakilos sa kani-kanilang saklaw.

    Mensahe sa mga Lider, Propagandistat Organisador ng Kasalukuyang Henerasyon ng

    Kilusang Kabataan at Estudyante

    PUNONG PATNUGOTOrion Yoshida

    MGA KAWANIAlexia Fuentes, Andrea Lim, Bethany Pascua, Richard James Mendoza,

    Ina Nacario, Issa Baguisi, James Relativo, Jaque Eroles, Karlo Mongaya, Reeza Rosalada, Shelly Dalmacio, Vencer Crisostomo

    -PAGLALAPAT

    Edward Pastor

    Para sa mga suhestyon, komento at kontribusyon, makokontak kami sa mga sumusunod:

    [email protected]

    facebook | Anakbayan Philstwitter | @anakbayan_ph