tesis sa filipino
DESCRIPTION
isang Pamanahunang papel na iniharap sa guro ng kagawaran ng edukasyon bilang isa sa mga pangangailangan sa pagtatapos ng kursong Batsilyer ng Edukasyong Sekondarya Medyor ng Filipino sa Pamantasan ng Cabuyao :)TRANSCRIPT
1
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
Kabanata I
ANG SULIRANIN AT SANLIGAN NITO
Panimula
Ang pagbasa ang siyang gintong susi sa daigdig ng kaalaman at
kasiyahan.Ito ang tinaguriang pangunahing asignatura sa dahilang ito ang
batayan o saligan ng halos lahat ng pangkaisipang karunungan.Lubhang
mahalaga ang pagbabasa at pagsusuri para sa ikauunlad ng kaalaman ng mga
kabataan lalo na sa panahon ngayong mabilis ang pagbabagong nagaganap sa
kapaligiran.Higit na mauunawaan at maiaagpang ng mga ma-aaral ang kanyang
sarili sa kapaligiran kung marunong siyang magpalawak at magsuri ng kanyang
mga nabasang tula at maiikling kwento.
Ang pag-aaral ng panitikan ay may layuning makagising ng damdamin
ng mga mambabasa batay sa kanilang paniniwala at pananaw sa buhay at pati
rin para mapalawak ang kanilang kaalaman tungkol sa ibang tao at tuloy
maragdagan pa ang pagkaunawa at kawilihan sa pagbasa at pagsuri
nito.Mapapansin na ganoon na lamang ang pagsusuri sa mga batay na
manunulat sa Filipino na nagpapakita ng kahusayan sa kanilang panitik upang
maipamalas ang mga bagay-bagay na pampilipino tulad ng kanilang mga
katutubong ugali,paniniwala at kabuhayan.Sa pagsusuri ng tula at maikling
2
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
kwento matutunghayan ang lahat ng mga nangyayari sa buhay ng tao,sa
kanyang mga tuwa at dalamhati,pag-ibig at kabiguan,pangarap at pag-asa tulad
ng isinasaad sa winika ni Hen.Azarcas mula sa kanyang aklat na “Pilosopiya at
Literatura”.
“Ang panitikan ay nagpapahayag ng mga damdamin ng tao hinggil sa mga
bagay sa daigdig,sa pamumuhay,sa lipunan at pamahalaan at sa kaugnayan ng
kaluluwa sa Bathalang lumikha.Ang paraan ng pagpapahayag ay iniayos sa iba’t
iba niyang karanasan at lagay sa kalooban at kaluluwa,na nakabalot ng pag-ibig
o pagkapoot,ligaya o lungkot,pag-asa o pangamba”,(Jose V. Panganiban,et al
Panitikan ng Pilipinas,p.11).
Karagdagan pa rin ang may hawig. Katuturan ng panitikan sa Panitikang
Pilipino na “ ito’y pahayag na pasalita o pasulat ng mga Pilipino hinggil sa
pamumuhay, pag-uugaling panlipunan, paniniwalang pampulitika at
pananampalatayang niyakap ng mga Pilipino, “(Jose V. Panganiban, Panitikang
Pilipino, p.12). Sa mga nabanggit na Depinisyon ng Panitikan at Panitikang
Pilipino ay nagbuo ng maraming anyo ng Panitikan na tulad ng Maikling Kwento
at Tula na naging sandata sa pagpapahayag at pagpapadama ng kanilang
kaisipan at damdamin tungkol sa kapwa, sa lipunan at sa kapaligiran.
3
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
Ang Maikling Kwento ay may layuning magdulot ng aliw sa pamamagitan
ng isang makapangyarihang paglalahad ng mga pangyayari sa buhay ng
pangunahing tauhan at mag-iiwan ng iisang kakintalan sa isip ng mambabasa.
Ang manunulat ay hindi lamang manunulat. Isa rin siyang pintor, arkitekto,
iskultor, mandirigma, propeta at iba pa. Nakapag-aakay, nakapagmumulat,
nakapagpapakilos, nakapagpapayanig, nakapagbubuo, at minsan ay
nakapagwawasak din. Siya ang tinig ng kahapon at ngayon.
Sa maikling kwento at tula masasalamin ang buhay,damdamin,lunggati at
kaisipang Pilipino sa panahon ng pagkakasulat nito.Realistikong pagtalakay ng
mga paksang totoong nangyayari at nagaganap sa buhay ng tao.Ang pagsusuri
ng tula at maikling kuwento ay hindi lamang may layunin makagising ng
damdamin ng mga mambabasa batay sa kanilang paniniwala at pananaw sa
buhay kundi pati na rin mapalawak pa ang pagkaunawa at kawilihan sa
pagsusuri nito. Napili ng mga mananaliksiksik na patunayan ang mga suliranin
na nalilinang ang mga layunin ng maikling kwento sa mga piling mag-aaral ng
ikatlong antas ng sekondarya sa mataas na paaralan ng Gulod, Southville at
Cabuyao.
Sa pagsusuri, kinakailangan ang lubos na kaalaman sa kathang sinusuri
tulad ng buong nilalaman ng akda, paraan ng pagkakabuo nito at ang ginamit ng
4
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
awtor na pamamaraan o istilo. Kinakailangan ding ang manunuri ay may
opinyong bunga ng obhektibong pananaw laban man o katig sa katha, kaya
mahalagang siya ay maging matapat. Ang pagpapaliwanag o panunuligsa sa
isang akda upang ihatid ang kahalagahan nito ay pamumuna. Isa sa mga
aspektong lumilikha ng mga akdang pampanitikan kasama ang iba’t ibang
sangkap ng kalikasan at mga kaugnay ay kapaligiran. Dalawa ang layunin ng
panitikan: magbigay aliw at magbigay-aral kaya mahalaga din sa mga akda ang
magkaroon ng bias sa Kaasalan. Mula rito, maraming napupulot na pangyayari,
sitwasyon at banghay na maaaring gamiting paksa sapagkat batay ito sa sariling
pagmamasid o Karanasan. Ang kalipunan ng mga pinagyamang sinulat o
nilimbag sa isang tanging wika ng tao ay Panitikan. Ang pinakamahalagang salik
na nagturo sa atin kung paano lumikha ng mahuhusay na panitikan ay
Karanasan. Pinakamahalagang bisang taglay ng panitikan; hindi malikhain ang
akda kung walang bias sa Kaasalan. Nag-uudyok ito na umunlad at yumaman
ang diwa ng mga mambabasa kaya tinawag itong bisa sa Kaisipan.
5
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
Layunin ng Pag-aaral
1. Matukoy ang demograpikong profayl ng mga respondenteng mag-aaral.
2. Malinang ang antas ng kakayahansa pagsususri ng tula at maikling
kwento.
3. Mabatid ang kaugnayan ang profayl ng mga tagasagot sa kasanayan ng
mga mag-aaralsa pagsusuri ng maikling kwento at tula.
4. Mabigyang halaga ang persepsyon ng mga manunugon hinggil sa
metodong ginamit ng mga guro.
5. Malaman ang kaibahan ng persepsyon ng mga mag-aaral hinggil sa
metodong ginagamit ng mga guro sa pagtuturo ng pagsusuri ng maikling
kwento at tulakapag ipinangkat ayon sa kanilang profayl.
Batayang Teoretikal
Ang mga tao dito sa sandaigdigan ay may iba’t ibang antas ng
pamumuhay, pagkilala, o pananaw sa buhay. Habang umiinog ang ating
daigdigay kaalinsabay nito ang mga pagbabagong nagaganap sa bawat sandali.
Iba’t iba ang nagsusulputang pangangailangan ng mapagsandigan sa panahon
ng kawalan at ng pagkapagod sa mabilis na takbo at pag-inog ng gulong ng ating
palad. Ibang panahon, ibang yugto ng pakikibaka at pakikitunggali sa mga
pagsubok na dumarating sa atin.
6
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
Dahil dito nabuhayan ng pag-asa ang mga awtor ng tesis na ito na ang piliin
nila sa mga tula at kwentong susuriin. Ang teoryang ginamit sa pag-aaral na ito
ay ang teorya ni Edward Lee Thorndike ang “Law of Readiness” “ Law of Effect”
at ang tinatawag na “Law of Exercise.
Sa kahandaan o (Law of Readiness), isinaalang-alang sa bahaging ito ng
kahandaan ang kaisipan ng bawat mag-aaral na babasa ng katha na itaya ang
kanilang kahandaan at magsilbing tagapatnubay upang mapadali ang kanilang
paglinang sa kanilang kakayahan sa pagsusuri ng Tula at Maiklking Kwento .
Sa paglalahad ng pagsasanay (Law of Exercise), kinakailangan na ang mga
mag-aaral ay sanayin na malinang ang kanilang pag-unawa sa binasang katha
ukol sa Tula at Maikling Kwento upang masuri nila nang maayos ang nabasa.
Ang kinalabasan naman o (Law of Effect), sa bahagi namang ito
malalaman ng mga mananaliksik ang bunga ng bawat pag-aaral. Sa teoryang ito
nasusukat ang lawak ng kaalaman ng mga mag-aaral sa pagsusuri at kung ito ba
ay naiaangkop nila sa kanilang tunay na buhay.
Ang teoryang pampanitikan ay malaking bahagi na ng panitikan, may
tungkulin na itong ginagampanan sa pagbibigay ng kulay at ganda sa mundo.
Ang teorya ang nagpapatungkol sa kung anong lakas ang nangingibabaw at
sumisikdo sa bawat panitikan, isa ito sa gumigimbal sa isipan. Kung saan sa
7
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
mundo ng panitikan, ang mambabasa ang pinakasusi upang masabing ang
bawat akda ay produktibo at nakakatulong upang higit na umusbong ang
kamalayang etikal, moral, sosyal at ispiritwal ng tao o ng mga mambabasa.
Paradima ng Pananaliksik
Pinagtibayan ng Pag-
aaralPamamaraan Kinalabasan
Pangunahing
Suliranin sa
pagsusuri
Kilos o gawi ng
mga mag-aaral
sa pagsusuri.
Ang mga
epektibong
metodong
ginamit ng mga
guro sa
pagtuturo ng
pagsusuri.
Katanungan sa
mga mag-aaral.
Lawak ng gamit ng
mga kagamitang
panturo.
Pangangalap ng
datos
Sarbey
Malinang ang
kakayahan ng mga
mag-aaral sa
pagsusuri ng mga
akdang
pampanitikan
partikular na sa
Maikling Kwento at
Tula.
Pigura 1
8
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
Paradima ng pag-aaral
Ang paradima ng pag-aaral ay nauukol sakakayahan sa pagsusuri ng
Maikling Kwento at Tula sa ikatlong antas ng sekondarya. Sa unang bloke ng
paradima, ang pinagbatayan ng pag-aaral ay ang paglinang ngmga pangunahing
suliranin sa pag-aaral ng maikling kwento at tula, at ang kilos o gawi na
nakaiimpluwensya sa kanilang pag-aaral nito. At ang paggamit ng mga
epektibong metodo sa pagsusuri ng maikling kwento at tula. Ang pangalawang
bloke ay tinatawag na pamamaraan. Dito nakasalalay ang kalalabasan ng, na
nakapaloob dito ang mganaaangkop na pamamaraan sa pag-aaral ng maikling
kwento. Dito nakabatay ang paglinang ng pagtuturo ng maikling kwento at tula at
dito rin sa panghuling bloke maipipikita ang mapanuring pag-aaral at
pamamaraang ginamit upang lubos na pahalagahan ang pagsusuri ng mga
maikling kwento at tula. At dahil sa mga pamamaraan din ng guro, madali nilang
makuha ang mga “kagandahang asal” ng mga kwento at tulang sinuri.
Paglalahad ng Suliranin
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong mabigyang pansin ang pananaw ng
mga guro at mag-aaral sa paglinang at paggamit ng Wikang Filipino sa pagtuturo
ng maikling kwento attula sa antas ng sekondarya.
1. Anu-ano ang profayl ng mga respondenteng mag-aaral?
9
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
1.1 Edad
1.2 Kasarian
1.3 Antas na natapos ng magulang
1.3.1 Ina
1.3.2 Ama
1.4 Buwanang kita
2. Ano ang antas ng kakayahansa pagsusuri ng maikling kwento at tula?
2.1 Maikling Kwento
2.2 Tula
3. Ano ang kaugnayan ng profayl ng mga tagasagot sa kasanayan ng mga
mag-aaral sa pagsusuri maikling kwento at tula?
4. Ano angpersepsyon ng mga respondente sa mga metodong ginamit ng
guro?
4.1 Maikling Kwento
4.2 Tula
5. Ano ang kaibahan ng persepsyon ng mga mag-aaral hinggil sa metdong
ginamit ng mga guro sa pagtuturo ng pagsusuri ng maikling kwento at tula
kapag ipinangkat ayon sa kanilang profayl.
6. Base sa kinalabasan ng pag-aaral, anong Aksyon Plan ang
maimumungkahi?
10
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
Saklaw at Delimitasyon sa Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa piniling mag-aaral mula sa tatlong
mataas na paaralan ng Lungsod ng Cabuyao. Ang mga piniling 340 na mag-
aaral mula sa mataas na paaralan ng Cabuyao, Gulod at Southville ang naging
respondente ng pag-aaral. Batay sa aming naobserbahan, ang tatlong paaralan
na ito ay may malaking populasyon at may magandang pamamaraan ng
pagtuturo dahil ilan sa mga mananaliksik ay dito nakapagtapos. Ang saklaw ng
aming pag-aaral ay ang profayl ng mga tagasagot at ilang metodong ginagamit
ng mga guro sa pagtuturo ng maikling kwento at tula. At nais ding malaman ng
mga mananaliksik kung gaano kalawak ang kakayahan ng mga mag-aaral sa
larangan ng pagsusuri ng maikling kwento at tula.
Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang tesis na ito na pinamagatang “Pagpapalawak ng Kakayahan sa
pagsusuri ng Maikling Kwento at Tula ng mga Piling Mag-aaral sa Ikatlong Antas
ng Mataas na Paaralan : Isang Pag-aaral”.Maaaring mabuo ang mga negatibong
palagay kung basta na lamang binasa ito at hindi pinag-ukulang unawain at
suriin ang mga nilalaman nito.
Sa ngayon ang nais ng mga Pilipino na sila’y maaliw kahit sa
panandaliang oras,kahit sa mababaw na pamamaraan tulad ng pagbabasa ng
11
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
ganitong uri ng bababasahin na palasak na matatagpuan sa bangketa.Ayon din
sa mananaliksik ang pagbababasa at pagsusuri ng anumang akdang
nakalilibang at nagsisilbing pamatay ng oras sa pagkakainip kung may hinihintay
o sa mahabang paglalakbay o di kaya’y pagkayamot na mararamdaman sa
mahabang trapiko,na nakakasagabal upang makarating sa dapat puntahan o
makauwi nang maaga sa bahay.
May matibay na paniniwala ng mga mananaliksik ng tesis na ito ayon sa
kanilang pag-aaral ay nakapagbibigay ng malaking ambag at kahalagahan sa
mga sumusunod:
Sa mga Pinuno ng mga Kolehiyo
Maaari nilang isama ang kurikulum o sa balangkas ng kurso (course
outline )ang pagtuturo ng ganitong akda ,ang nobela o maikling kwento ng Pag-
ibig”,sa asignaturang “Panitikang Pilipino”upang sa gayon ay magkaroon naman
ng pagbabago sa uri ng babasahing pampanitikan na mapabilang na
ito,bagamat hindi naman lubusang nawawala ang pagsusuri o pag-aaral ng mga
klasikal na akda ng mga bantog na nobelista o kwentista.
Sa mga Guro ng Panitikan
Magiging masigla ang pagtuturo ng ganitong panitikan ng pag-ibig dahil sa
paksang ito ay pamukaw sa damdamin na may kasamang pagbibigay kasiyahan
12
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
sa mga kabataang mag-aaral na nag-uumpisang tumibok ang puso sa ngalan ng
pag-ibig.Bagamat pag-ibig palagi ang pinakasentro ng pang-aliw na paksa ng
klase,kinakailangang masining ang isasagawang pagtalakay na may
pangganyak na matutuhan ang iba pang kariktang nakapaloob sa kwento tulad
ng mapupulot na mensahe o gintong aral,mabubuting kilos at ugali ng tao at ang
tunay na nangyari sa kapaligiran. At nasusuri nila nang maayos ang mga
nilalaman nito at naunawaan hindi yung basta basa lamang ang ginagawa.
Sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo
Hindi lamang makapagdudulot ng kasiyahan ang mga panitikang ito para
sa mga mag-aaral ng kolehiyo,kungdi ito’y maituturing na mamahaling uri ng
akda na nasasalin sa panitikan dahil sa mga sumusunod na katangian may
kariktan,kasiningan at sangkap para sa isang mahusay na pagsulat.
Ang mga babasahing ito nagpapahiwatig ng kapaki-pakinabang na
mensahe at aral sa buhay. Nakapagpapapragdag din ito sa mga kaalaman
tungkol sa mga tunay na karanasan sa buhay. Sa pagsusuri ng iba’t ibang uri ng
panitikan ay nagkakaroon ng kalakasan ng loob na makapagbigay ng reaksyon
o saloobin sa nabasa.
Mananaliksik sa Hinaharap
13
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
Maaaring hagdan ang pag-aaral upang malinang ang pagbabasa ng iba’t
ibang uri ng panitikan at pagsusuri sa mga ito at maiugnay din ito sa ibang
asignatura.
Katuturan ng mga Salitang Ginamit
Sa ikadadali ng pang-unawa sa pag-aaral na ito binibigyang kahulugan
ang mga sumusunod na katawaganayon sa pagkagamit ng mga ito sa pag-aaral
ng asignaturang pag-aaral:
Pagbasa Ito’y nangangahulugan sa mga kasanayan na kumikilala at umuunawa
ng simbolo ng talasalitaan ng mga mag-aaral sa apagsasalita.
Kagamitang panturo Ang mga ito ay anuman karanasan o bagay na ginagamit
ng guro bilang pantulong sa paghahatid ng mga
katotohanan ,kasanayan,saloobin,kaalaman,palagay,pang-unawa at
pagpapahalaga sa mga mag-aaral upang lalong maging konkreto,dynamic at
ganap na pagkatuto.Hindi sapat na may magagamit kagamitang pagpapaturo
ang isang guro kundi kailangang alam niya kung kalian gagamitin ang mga ito.
Guro ng Pilipino mga taong ginamit bilang respondente sa pananaliksik ng mga
datos ng tesis.
14
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
Kasanayang nalinang sa mga estudyante tumutukoy sa apat na component
ng wika:pagbasa,pagsulat,pagsasalita,pakikinig at pagsulat na naituturo sa loob
ng Grading coverage.
Maikling kwento isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang
pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o
impresyon lamang.Isa itong masining na anyo ng panitikan.
Tula ito ay isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng isang
tao. Ito ay binubuo ng mga saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga
taludtud.
Ito ay may sukat at tugma o malaya man ay nararapat magtaglay ng magandang
diwa at sining ng kariktan. Sinasabing may magandang diwa ang isang tula kung
may makukuhang magandang halimbawa ditto. May sining ng kariktan naman
kung ang mga pananalitang ginamit ay piling-pili at naaayon sa mabuting
panlasa. Ito ay maaaring batay sa emosyon at damdamin ng tao base sa
kanyang karanasan.
Suliranin sa pagtuturo ang mga kahirapang nararanasan ng mga guro sa
kanyang pagtuturo sa Filipino bilang isang wika o midyum ng komunikasyon sa
pagtuturo.Maaaring ang mga suliranin ay ukol sa kakulangan sa kagamitang
pangturo,mga saloobin ng mga guro at mga namamahala sa paaralan.
15
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
Pagsusuri o paglilitis ay ang proseso ng paghihimaymay ng isang masalimuot
na paksa o sustansiya upang maging mas maliliit na mga bahagi, upang
makatanggap ng isang mas mainam na pagkaunawa rito. Ang teknik ay ginamit
sa pag-aaral ng matematika at lohika bago pa man ang panahon ni Aristotle
(384–322 BK), bagaman ang analisis ay isang pormal na konsepto o diwa na
halos kamakailan lamang umunlad.
Pagpapalawak ng kasanayan
Ayon sa mananaliksik ang kakayahan at kasanayan sa ng guro sa
pagsusuri ng tula at maikling kuwento ay nakabatay rin sa
pagpapaliwanag ,disiplina,ekspiryensya at kagamitang pangturo. Napili ng mga
mananaliksiksik na patunayan ang mga suliranin na nalilinang ang mga layunin
ng maikling kwento sa mga piling mag-aaral ng ikatlong antas ng sekondarya sa
mataas na paaralan ng Gulod,Lungsod ng Cabuyao.
16
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
Kabanata II
MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
Inilahad sa kabanatang ito ang ilang sipi sa tesis, aklat, internet at iba
pang dyornal na may kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral. Natuklasan pa rin
ng mga mananaliksik na bahagi rin ng pag-aaral ng kahit anong akdang
pampanitikan, katalasan ng isip at diwa na may gintong aral sa buhay; subalit sa
pagdaraan ng mga panahon nagbabago ang panlasa ng mga mambabasa,
nararamdaman niyang paminsan-minsan nais niyang malibang o maaliw ang
sarili sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga lathalaing aantig sa kanyang
damdamin. At masubok ang sariling kakayahan sa pagsusuri ng mga akdang ito.
Banyagang Literatura
Ipinahayag ni Strong(2009),sa pagbabasa ng tula at maikling kwento na
may malinaw na pag-unawa at pagkilala sa mga salita,pagsusuri sa kanilang
kahulugan at ideya at panganib ng mga kaisipan sa iba’t ibang paraan tulad ng
paglutas ng praktikal na problema.
Pinaniniwalaan naman ni Gray(2008) ang ganitong tinuran tungkol sa
Panitikan.Ang pagbabasa ng isang maikling kwento ay isang gawaing may layon
na maaaring mapagpabago sa katauhan ninuman,magdagdag ng kanyang mga
karanasan,magpasigla ng kanilang isipan at pandamang kaunlaran,magpabago
17
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
sa kanyang pag-uugali at sa pamamagitan ng mga ito ay makakalikha ng isang
mahusay at matatag na katauhan .Ang pagbabasa nito ay isang masalimuot na
gawaing may mga aspektong mahalaga tulad ng pagkilala sa mga sagisag o
simbolo at pag-unawa. Ayon pa rin sa kanya,sa ibang pakahulugan ng mga
akda,pagtugon sa mga gamit ng ideyang nakuha sa pagbabasa batay sa
layunin at pagsama-samang mga ideya upang pakaisipan ang isang tiyak na
kaiisipan.
Binigyan diin ni Hossaine(2009)sa isang komperensiya ng mga
manunulat na Asyano sa PEN noong Disyembre 1997 ang ganitong palagay
tungkol sa iba’t ibang panitikan:
“Ang buhay at panitikan ay magkaugnay sa isa’t isa.Salamin ng buhay
ang panitikan,subalit ang buhay ang lumikha o batayan ng
salamin.Magkatuwang ang buhay at panitikan pagkat nauukol sa buhay ang
isinaisantitik sa anumang akdang pampanitikan”.
Ayon kay Blaire(2008)na ang pinakakaunting pangkat ng mga mag-aaral
ay mas mahusay at posibleng nakiisa sa mga Gawain. Inilathala rin niya ang
tatlumpung mga mag-aaral habang nagtatalakay ay binibigyan ng dalawang
minuto bawat mag-aaral para sa masiglang pagpapalitan ng kuro-kuro .Ayon
pa rin sa kanya,ang kondisyon sa loob ng klasrum na may dalawampung
18
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
(20)mag-aaral ay naiiba sa klaseng mayroong limampu hanggang animnapung
(50\60)mag-aaral. Nais ng mga bata ang Malaya at aktibong pagganap sa isang
pangkat kung sila ay nasa maliit na klase.
Ayon kay Beard at Hartley (2009),pinapanigan din ni Hornfield sa
panitikan ang maikling kwento bilang katotohanan at katibayan nito bilang
institusyon ng kalikasan o bilang isang anyo ng kaalaman at bilang pangmoral
na katwiran sa isipan.Ang maikling kwento ayon kay Aristotle, et al. ay higit na
mataas at pilosopikal kaysa sa nobela.
Ayon kay Darling-Hamond (2002),pinaniniwalaan ni Strong R. ang
paghahanap ng obhetibong koreleytib dahil sa pagwawalang bahala sa tao o
dehumanisasyon ang nilikha,na siyang kumakatawan lamang sa iba’t ibang
pagpapahayag ng damdamin ng tao ukol sa sining.
Ipinapahayag ni Leech E.(1999) sa kanyang pag-aaral,mula kay
Banduria(2001) sa estilo ng kanyang pag-aaral na isinagawa sa USA sa
pamamagitan ng pagkolekta ng mga datos natuto at nakasunod ng mga mag-
aaral,dahil dito nagugustuhan ng mga mag-aaral ang ginawang pag-aaral dahil
nabigyan sila ng pagkakataon na magsalita tungkol sa iba’t ibang literatura.
19
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
Banyagang Pag-aaral
Ayon kay Machtinger (2007) ,Layunin sa pag-aaral na ito na ilahad ang
edad at aspeto ng mga mag-aaral hinggil sa kanilang kognitibong kakayahan.
Ang edad ng mga mag-aaral ay maaring makaapekto sa kanilang kakayahan sa
kahit anong larangan.
Ayon kay Feingold (1988) Ang kasarian ng mga mag-aaral ay isang salik
upang malaman ang kanilang kayang ipakita.ang kasarian ay iba sa pag-uugali,
personalidad, inaasahan ng guro, at behabyor, pagkakaiba ng kursong kinukuha
at bayologikal na ibinibgay sa pagkakaiba ng kasarian sa kanilang nakukuha.
Lokal na Pag-aaral
Batay Julian Cruz Balmaceda,”Ang Tula ay isang kaisipang naglalarawan ng
kagandahan,ng kariktan na natitipon sa isang kaisipan upang maangkin ang
karapatang matawag na tula.”
Ayon naman ay kay Iñigo Ed.Regalado,”Ang tula ay
kagandahan,diwa,katas, larawan at kabuuang tonong kriktang makikita sa silong
ng alinmang langit.”
Binibigyan din ng katuturan ni Fernando Monleon mula kay Lord
Macaulay,”Ang pagtula’y panggagagad at ito’y lubhang kahawig ng sining ng
20
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
pagguhit, paglililok at pagtatanghal.Ang kasakawan ng pagtula ay higit na
malawak kaysa alinman sa ibang gagad na mga sining,pagsama-samahin man
ang mga iyon.”
Sa tula, minsan ay sinabi ni Iñigo Ed. Regalado ang ganito:
“Hindi maaaring magkaroon ng tunay na tulang Tagalog kung walang tugma,
sukat at taludturan.”
Kung susundin ang pahayag na ito ni Regalado, tahasang
masasabing sa pagsusuri ng tula ay kailangan itong suriin kung tradisyunal
omoderno.
Sang-ayon naman kay Clodualdo del Mundo, “Ang tunay na tula ay
kailangang matigib ang damdamin, kinakailangang magana sa kabuuan nito,
sapagkat kung hindi mapupuno sa damdamin, kailanma’y hindi maaaring
mabitag sa mga taludtod nito ang isang kagandahan.”
Ayon naman kay Villafuerte (2008), “sa pagsusuri ng maikling
kwento, naniniwala siya na dapat suriin ang mga elementong taglay nito :
tauhan, tagpuan, banghay, tunggalian, simbolo, pahiwatig magagandang
kaisipan o pahayag at maging ang paraan kung paano ito nagsimula at
nagwakas.”
21
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
Sintesis
Matapos mapag-aralan ang mga kaugnay na literatura at kaugnay na pag-
aaral, nakilala ang pagkakatulad at pagkakaiba ng kasalukuyang pag-aaral.
Masasabing makatutulong ito nang malaki sa mananaliksik upang maging gabay
at batayan ng pag-aaral.
Sa pag-aaral na nabanggit ay may pagkakatulad dahil binigyang pansin
dito ang pag-aaral ng mga lokal na literatura at banyagang literatura. Ayon kina
Strong, Gray, Hossain, Blain, Marquez, Flores at Gabriel, ang pagbabasa at pag-
aaral ng tula at maikling kweto ay nagkakaroon ng malinaw na pag-unawa at
pagkilala ng mga salita, pagsusuri sa kanilang mga kahulugan at pagkilala at
ideya sa ibang ideya at pagsanib ng mga kaisipan sa iba’t ibang paraan tulad ng
paglutas ng praktikal na problema. Ang pagbabasa ng tula at maikling kwento ay
isang gawaing may layon na maaaring magpabago ng katauhan ninuman,
magdagdag sa kanyang karanasan, magpasigla ng kanilang isipan at
pandamang kaunlaran, magpabago sa kanyang pag-uugali at sa pamamagitan
ng mga ito ay makalikha ng isang mahusay at matatag na katauhan.
22
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
Kabanata III
Metodolohiya sa Pananaliksik
Ang kabanatang ito ay nagsasaad ng disenyo, mga datos, mga kinalap na
pamamaraan, instrumento, talatanungan at istatistikal na data. Deskriptiv na
metodo ang ginamit sa pag-aaral na ito, inilalarawan nito kung ano ang antas at
lebel ng pagkatuto ng mga mag-aaral.
Disenyo ng Pag-aaral
Ang mga mananaliksik ay gumamit ng piling mag-aaral bilang respondente
upang mabatid ang mga suliranin ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng mga
panitikan. Pinasimulan ng mga mananaliksik ang pagbabasa at pangangalap ng
mga datos sa iba’t ibang aklat, peryodiko, tisis,at iba’t ibang magasin upang
magkaroon ng sapat na kaalaman sa bawat sinuring datos. Namahagi ang mga
mananaliksik ng talatanungan sa piling mag-aaral ng ikatlong antas ng mga
tatlong mataas na paaralan ng Lungsod ng Cabuyao.
Mga Instrumetong Ginamit
Makikita sa bahaging ito ang mga talatanungan na ginamit sa naganap na
pag-aaral.
23
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
Talatanungan
Ginamit ang talatanungan upang makalikom ng datos o impormasyong
kailangan. Ito ay binubuo ng mga tanong na sinasagot ng mga respondente
upang malaman ang kanilang pananaw tungkol sa panitikang maikling kwento at
tula. Sa pag-aaral ng mga mananaliksik ang paglikha ng talatanungang ito ay
binubuo ng tatlong bahagi; 1. Mga propayl ng mga respondenteng mag-aaral 2.
Mga pangunahing suliranin sa pag-aaral ng panitikang tula at maikling kwento. 3.
Mga metodong ginamit ng mga guro sa pagsusuri ng maikling kwento at tula.
Pamamahagi ng Paglilikom
Ang mga mananaliksik ay humingi ng pahintulot sa tagapatnubay,Dekano
ng Edukasyon, Vice President for Academic Affairs upang maipamigay ang mga
talatanungan. Personal na ibinigay ng mga mananaliksik ang pagsubok na
talatanungan at pagkatapos ay nilikom ito.
Ang Pagkakapili at Pagkakabahagi ng Populasyon
Ginamit ng mananaliksik ang piling tatlong-daan at
apatnapung(340)manunugon ng ikatlong antas ng sekondarya ng mataas na
paaralan ng Gulod, Southville at Cabuyao sapagkat sila ay ginamit na batayan
sa pagsusuri ng pag-aaral sa maikling kwento at tula.
24
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
Pagtataya ng Balidasyon ng Kagamitan
Ang mga instrumentong ginamit ay random sampling. Ang mga mag-aaral ng
ikatlong antas ng Pulo National High School ang ginamit sa isinagawang
paunang pagsusulit o pre-test bilang pagpapatunay sa balidasyon ng
isinagawang mga katanungan bago ibigay sa mga manunugon ng mga mag-
aaral ng Cabuyao, Southville 1 atGulod National High School. Ang kinalabasan
ay pinag-aralan at inuri ayon sa balidasyon ng bawat aytem bago ibigay sa mga
manunugon. Isinasagawa ito matapos kumunsulta sa mga guro ng Asignaturang
Filipino.
Pag-uulat ng mga Datos
Itinala ng mga mananaliksik ang mga nalikom na datos batay sa personalidad ng
respondente. Ang mga ito ay inihayag at binahagdan upang maipaliwanag ng
mga mananaliksik ang mga nalikom na datos. Ang datos ay ibinanghay batay sa
ibinigay na ulat ng mga respondente.
Pormulang Ginamit
P=B/N x 100
Kung saan ay:
P=Porsyento o Bahagdan
B=Kabuuang Bilang ng Tumugon
N=Kabuuang bilang ng mga Manunugon
25
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
Bilang Bahagdan
Cabuyao National High
School 153
45%
Gulod National High
School 97
28.53%
Southville 1National
High School 92
27.05%
Kabuuan: 340 100%
Ang mga natirang datos ay isinaayos at inihanay sa antas ng pagsusuring
pamilang at paglalarawan ng puntos.
Likert Scale. Ang ilan sa ginamit na pagsusuring ito. Narito ang mga sumusunod
na Scale:
Sa Suliranin Bilang 2
9-10 – Lubhang Mahusay
7-8 – Mahusay
5-6 – Mahina
3-4 – Mas Mahina
1-2 – Lubhang Mahina
26
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
Slovin’s Formula:
Ito ay ang pormulang ginamit sa pagpili ng mga respondent sa 3 Mataas
na paaralan ng Lungsod ng Cabuyao: Cabuyao National High School, Gulod
National High School, at Southville 1 National High School.
n = N / [ 1 + (N*e^2)]
Kung saan:
n = bilang ng samples
N = kabuuang populasyon.
e = margin of error
Kabanata IV
27
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
PAGLALAHAD, PAGPAPALIWANAG, AT PAGSUSURI NG MGA DATOS
Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng nagging resulta ng mga
pagsusuring isinagawa sa pagsusuri ng Tula at Maikling Kwento mula sa mga
respondente ng mga piling mataas na paaralan ng lungsod ng Cabuyao.
Suliranin 1: Profayl ng mga tagasagot batay sa kanilang edad, kasarian,
antas na tinapos ng magulang at buwanang kita.
Itinala ng mga mananaliksik ang mga nalikom na datos batay sa kanilang
edad, kasarian, antas na tinapos ng magulang at buwanang kita. Ang mga ito ay
inihayag at binahagdan upang maipaliwanag.
Talahanayan 1.1 Ang Prekwensi at Pagbabahagi ng Bahagdan ng mga
Tagasagot Batay sa Kanilang Edad
EDAD Prekwensi (f) Bahagdan(%)
14 – 16 309 90.88
17 – 19 31 9.11
Kabuuan 340 100
Ipinapakita sa talahanayan 1.1 ang prekwensi at pagbabahagi ng
bahagdan ng mga tagasagot batay sa kanilang edad.
28
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
Ang edad ng mga respondenteng mag-aaral ay naaangkop sa hangganan
na 14 – 19 na taon. Ang 14 – 16 taon ay nakalikom ng 309 o 90.88 na bahagdan
na siyang pinakamataas at 17 – 19 taon ay nakalikom ng 31 o 9.11 na
bahagdan.
Implikasyon:
Ipinapakita ng nakalap na datos na karamihan sa mga tagasagot mula sa
mga piling paaralan ay nasa gulang na 14 – 16 na siya namang karaniwang
inaasahan na edad ng mga mag-aaral ng ikatlong antas sa sekondarya. Mula
dito ay mahihinuha na relatibong mas nagkakalapit ang kanilang pangkabatirang
antas (cognitive level) kahit ito ay maging persepsyon, opinion at ideya.
Gayundin, mas higit nanagiging matibay ang kanilang basehan o batayan dahil
hindi nagkakalayo ang agwat ng kanilang mga edad. Ito ay sinususugan ng pag-
aaral ni Machtinger (2007) na nagsasabi na ang edad at aspeto ng mga mag-
aaral hinggil sa kanilang kognitibong kakayahan ay may pagkakaugnay. Ang
edad ng mga mag-aaral ay maaring makaapekto sa kanilang kakayahan sa kahit
na anong larangan.
Bagamat may mangilan ngilang mag-aaral na lumalampas sa karaniwang
inaasahanag edad, ito ay normal lamang sapagkat sa mga mag-aaral na
nabibilang sa mahihirap na pamilya, di naiiwasan ang magkaroon ng suliranin o
sagabal upang maging tuloy-tuloy ang kanilang pag-aaral. Ngunit, maari din
naman na ang dahilan ay pagkakasakit o alin pa mang kadahilan labas sa
29
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
kahirapan. Ayon kay Ipaye (2006), ang kita ng mga magulang, pagtugon sa mga
pangunahing pangangailangan at ang akademikong kasanayan ng mga mag-
aaral ay may ugnayan. Ipinapakita rin sa pag-aaral ni Ipaye (2006) na kapag ang
kita ng magulang ay hindi sapat para matugunan ang pansarili at pangunahing
pangangailangan, ang iba pang pangangailangan kaugnay ng edukasyon ay
naisasantabi. Ito ang nagiging dahilan kung kaya’t may mga mag-aaral na
napapahinto o di naman kaya ay tuluyan ng di nakapag-aaral. Dahil din sa
kakulangan ng kita, ang mga magulang ay di nakatutugon sa lahat ng mga
pangunahin, panlipunan, at pang-akademikong pangangailangan ng kanilang
mga anak sa paaralan. Dahil dito ang ibang mga mag-aaral ay humihinto para
maghanapbuhay para masuportahan ang sarli at makatulong sa pamilya (Ipaye,
2008).
Talahanayan 1.2 Ang Prekwensi at Pagbabahagi ng Bahagdan ng mga
Tagasagot Batay sa Kanilang Kasarian
KASARIAN Prekwensi (f) Bahagdan (%)
Lalaki 144 42.35
Babae 196 57.65
KABUUAN 340 100
Ang propayl naman ng kasarian ng mga respondenteng lalaki ay umabot
sa 144 o 42.35 na bahagdan at ang mga babae ay umabot sa 196 o 57.65 na
bahagdan.
30
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
Ipinapakita ng datos na ang karamihan sa bilang ng mga lumahok sa pag-
aaral na isinagawa ay relatibong mga kababaihan.
Implikasyon:
Ang kasarian ay isa sa mga pangunahing salik na nagpapakita ng
kaibahan ng kakayahan ng mga mag-aaral. Ayon kay Feingold (2008) Ang
kasarian ng mga mag-aaral ay isang salik upang malaman ang kanilang kayang
ipakita.Ang kasarian ay iba sa pag-uugali, personalidad, inaasahan ng guro, at
behabyor, pagkakaiba ng kursong kinukuha at bayologikal na ibinibgay sa
pagkakaiba ng kasarian sa kanilang nakukuha. Bilang karagdagan, ang pag-
aaral ni Johnson (2006) ay nagpapatibay na ang kasarian ay may kaugnayan.
Ayon sa isinagawa niyang pananaliksik, ang mga kababaihan ay higit na mataas
ang marka kumpara sa mga kalalakihan. Higit na mas mababa ang kakayahang
pang-akademiko ng mga lalaki kumpara sa mga babae.
Talahanayan 1.3 Ang Prekwensi at Pagbabahagi ng Bahagdan ng mga
Tagasagot Batay sa Antas na Natapos ng Magulang (Ina)
31
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
Antas na Natapos ng Magulang
(Ina) Prekwensi (f) Bahagdan (%)
Nakapagtapos ng Mababang
paaralan
37 10.88
Nakatungtong ngunit hindi
Nakapagtapos ng Mababang
Paaralan
14 4.12
Nakapagtapos ng Mataas na
Paaralan
107 31.47
Nakatungtong ngunit hindi
Nakapagtapos ng Mataas na
Paaralan
58 17.06
Nakapagtapos ng kolehiyo 58 17.06
Nakatungtong ngunit hindi
Nakapagtapos ng Kolehiyo 43 12.65
Teknikal / Bokasyonal 23 6.76
KABUUAN 340 100
Ang Talahanayan 1.3a ay nagpapahayag ng prekwensi at pagbabahagi ng
mga bahagdan ng respondente batay sa antas na natapos ng kanilng mga ina.
Mapapansin sa mga nakalap na datos na 107 o 31.47 na bahagdan ang
nakapagtapos ng mataas na paaralan na siyang pinakamataas sa lahat.
Sinusundan naman ng 58 o 17.06 na bahagdan ang nakapagtapos ng kolehiyo
atnakatungtong ngunit hindi nakapagtapos ng mataas na paarala. Pangatlo
32
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
naman ang nakatungtong ng kolehiyo ngunit hindi nakapag tapos na may 43 o
12.65 na bahagdan. Ikaapat naman ay may 37 o 10.88 na bahagdan na
nakapagtapos ng mababang paaralan. Ang ikalima naman ay may 23 0 6.76 na
bahagdan na kumuha ng teknikal o bokasyonal at ang ika-anim at panghuli ay
may 14 o 4.12 na bahagdan na nakatungtong ngunit hindi nakapagtapos ng
mababang paaralan.
Implikasyon:
Ipinapakita ng datos ng pag-aaral na karamihan sa mga ina (at ama,
tingnan ang talahanayan 1.3b) ay nakapagtapos ng sekondarya. Ayon kay
Sprinthall (2001), ang mga magulang ang panungahing nagtatakda ng
pamantayan para sa kanilang mga anak at mga kagamitan sa paaralan. Kung
ang mga magulang ay nakapagtapos lamang ng sekondarya o higit na
mababang antas ng edukasyon, karaniwan ay mababa ang antas ng pang-
akademikong kakayahan ng mga mag-aaral.
Talahanayan 1.3 Ang Prekwensi at Pagbabahagi ng Bahagdan ng mga
Tagasagot Batay sa Antas na Natapos ng Magulang (Ama)
Antas na Natapos ng
Magulang
(Ama)
Prekwensi (f) Bahagdan (%)
33
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
Nakapagtapos ng
Mababang paaralan
39 11.47
Nakatungtong ngunit
hindi Nakapagtapos ng
Mababang Paaralan
27 7.94
Nakapagtapos ng
Mataas na Paaralan
110 32.35
Nakatungtong ngunit
hindi Nakapagtapos ng
Mataas na Paaralan
42 12.35
Nakapagtapos ng
Kolehiyo
57 16.76
Nakatungtong ngunit
hindi Nakapagtapos ng
Kolehiyo
39 11.47
Teknikal / Bokasyonal 26 7.65
KABUUAN 340 100
Dito sa talahanayan 1.4, ipinapahayag ang prekwensi at pagbabahagi ng
bahagdan ng respondent batay sa antas na natapos ng kanilang mga ama.
Mapapansin sa mga nakalap na datos na 110 o 32.35 bahagdan ang
nakapagtapos ng mataas na paaralan na siyang pinakamataas sa lahat. Ikalawa
ay may 57 o 16.76 na bahagdan na nakapagtapos ng kolehiyo. Ikatlo ay may 42
o 12.35 na bahagdan na nakatungtong ngunit hindi nakapagtapos ng mataas na
34
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
paaralan. Ang ikaapat naman ay may 39 o 11.47 na bahagdan na nakapagtapos
ng mababang paaralan at nakatungtong ng kolehiyo ngunit hindi nakapagtapos.
Ang ikalima ay may 27 o 7.94 na bahagdan na nakatungtong sa mababang
paaralan ngunit hindi nakapagtapos. At ang ikaanim at pinaka huli ay may 26 o
7.65 na bahagdan na kumuha ng teknikal o bokasyonal.
Implikasyon:
Ipinakita sa resulta ng pangangalap na karamihan sa ama ng respondente
ay nakapag tapos ng mataas na paaralan at sinusundan din naman ng mga
nakapag tapos ng kolehiyo. Malaki ang epekto nito sa pagkahubog ng mga mag-
aaral sa kanilang pag-aaral sapagkat ang ama tulad din ng ina ay mas higit na
tinitingala sa bawat pamilya ng lipunang Pilipino lalo pa at patriyarkal ang
kinalakhang kultura ng mga Pilipino.
Talahanayan 1.4 Ang Prekwensi at Pagbabahagi ng Bahagdan ng mga
Tagasagot Batay sa Buwanang Kita ng Kanilang Pamilya
Buwanang Kita ng
Pamilya
Prekwensi (f) Bahagdan (%)
1000-8000 215 63.24
9000-16000 96 28.24
35
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
17000-24000 25 7.35
25000-32000 4 1.18
KABUUAN 340 100
Ipinapahayag ng talahanayan 1.5 ang prekwensi at pagbabahagi ng
bahagdan ng buwanang kita ng mga magulang ng mga respondente.
Gamit ang talahanayang ito, ang mga sumusunod na resulta ay inilahad:
(215) o 63.24% ng mga magulang ng mga respondente ay may buwanang kita
na 1000-8000 libong piso; (96) o 28.24% ay may 9000-16000 libong pisong
buwanang kita; (25) o 7.35% ay may buwanang kita na 17000-24000 libong piso
at (4) 0 1.18% ay may buwanang kita na 25000-32000 libong piso .
Implikasyon:
Ang datos sa itaas ay nagpapakita na mga mag-aaral na naging bahagi
ng isinagawang pag-aaral ay nabibilang sa mahihirap na pamilya.Ayon kay
Sprinthall (2008), ang mga magulang ang nagbibigay ng lahat ng
pangangailangan ng kanilang mga anak. Hindi lamang personal na
pangangailangan kundi maging sa paaralan. Kung hindi matugunan ng
magulang ang mga pangangailangan ng kanilang anak na nag-aaral, ito ay
maaaring magbunga ng mababang antas ng kakayahang pang-akademiko. Ang
mababang kita at kahirapan ay isa sa mga pangunahing sagka upang
magkaroon ng edukasyong may kalidad ang mga mag-aaral. Ayon kay Johnson
36
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
(2006), ang akademikong kakanyahan ay itinutulak ng mga salik ng sosyo-
ekonomiko (socio-economic).
Ang kahirapan at mababang antas ng sosyo-ekonomiko na pinalubha pa
ng kakapusan ng ama at ina ay nagreresulta sa mababang kakanyahan na pang-
akademiko dahil hindi nila natutugunan ang kanilang mga pangangailangan sa
batayang aklat at iba pang kagamitan ukol sa pagpapaunlad ng antas ng
kaalaman. Ang pangit na kalagayan na ito ng mga mag-aaral ang nagtutulak
upang dumami ang mga mag-aaral na bumagsak o huminto sa pag-aaral.
Bilang karagdagan, ang kahirapan na may kaangkop na kakapusan sa
mga sosyal (social) at pang-ekonomikong pangangailangan ng bata (mag-aaral)
ay karaniwang nagbubunga sa mahina o mababang akademikong kakayahan
(Shittu, 2004)
Suliranin 2: Ano ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral buhat sa
pagsusuri ng tula at maikling kwento?
Ang mga sumusunod na paglalahad ng mga nakalap na datos mula sa
mga respondente matapos makuha ang resulta ng istatistikal na paglalahad ng
pag-aaral.
37
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
Talahanayan 2.1 Ang Prekwensi at Pagbabahagi ng Bahagdan ng mga
Tagasagot Batay sa Nakuhang Marka (Maikling Kwento)
Marka Prekwensi (f) Bahagdan(%) Interpretasyon
9-10 60 17.65 Lubhang mahusay
7-8 74 21.76 Mahusay
5-6 103 30.29 Mahina
3-4 76 22.35 Mas mahina
1-2 27 7.94 Lubhang mahina
KABUUAN 340 100
Leyenda :
9-10 – lubhang mahusay
7-8 -- mahusay
5-6 -- mahina
3-4 – mas mahina
1-2 – lubhang mahina
Ipinapakita sa talahanayan 2.1 ang prekwensi at pagbabahagi ng
bahagdan batay sa resulta ng ng pagsusuri na nakuha ng mga respondente.
Gamit ang mga talahanayang ito, ang mga sumusunuod na resulta ay
inilahad; mayroong 60 o 17.65 na bahagdan ang nakakuha ng markang 90-100
ikalawa ay may 74 o 21.76 na bahagdan ang nakakuha 70-80, ikatlo ay may 103
o 30.29 na bahagdan ang nakakuha ng 50-60, ikaapat ay may 76 o 22.35 na
38
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
bahagdan na nakakuha ng30-40 ang ikalima at panghuli sa lahat ay may 27 o
7.94 na bahagdan na nakakuha ng 10-20 na puntos.
Implikasyon:
Hindi gaanong mataas ang antas ng karununganng mga manunugon
hinggil sa pagsusuri ng maikling kwento. Mapapansin sa talahanayang ito na
karamihan sa mga mag-aaral ay hindi nakaabot sa lebel ng pagkatuto at may
kahinaan sa pagsusuri, sapagkat makikita na mahina ang kinalabasan nito at
hindi sapat ang kanilang kaalaman upang makapagsuri ng Maikling Kwento.
Ang ilan lamang sa mga dahilan ay ang hindi wastong paggabay sa mga
mag-aaral habang sila ay nagsusuri ng itinakdang maikling kuwento. Gayundin
ang dulog(approach) o metodong(method) ginagamit ng guro ay mahina at hindi
nakakapukaw ng interes ng mga mag-aaral. Maaari ring maganda at efektivo ang
inihandang metodo o dulog ng guro subalit hindi mabatid ng mga mag-aaral ang
sustansiya o kahalagahan ng paksang araling inilahad. Ito ay maiuugnay sa
Prinsipyo ng Learning Pathology, binibigyang diin na ang pagkatuto ay wala sa
pagiging mabisa ng kagamitang pampagtuturo o metodo maging istratehiya ng
guro kung hindi sa intrinsikong pangangailangan ng bawat mag-aaral sa araling
ilalahad.
Talahanayan 2.1 Ang Prekwensi at Pagbabahagi ng Bahagdan ng mga
Tagasagot Batay sa Nakuhang Marka (Tula)
39
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
Marka Prekwensi (f) Bahagdan(%) interpretasyon
9-10 44 12.94 Lubhang mahusay
7-8 92 27.05 Mahusay
5-6 119 35.00 Mahina
3-4 64 18.82 Mas mahina
1-2 21 6.18 Lubhang mahina
KABUUAN 340 100
Leyenda :
9-10 – lubhang mahusay
7-8 -- mahusay
5-6 -- mahina
3-4 – mas mahina
1-2 – lubhang mahina
Ipinapakita sa talahanayan 2.1 ang prekwensi at pagbabahagi ng
bahagdan batay sa resulta ng pagsusuri ng tula na nakuha ng mga respondente.
Gamit ang mga talahanayang ito, ang mga sumusunuod na resulta ay
inilahad; mayroong 44 o 12.94 na bahagdan ang naakuha ng 90-100, ikalawa
mayroong 92 o 27.05 na bahagdan ang nakakuha ng 70-80, ikatlo mayroong 119
o 35.00 na bahagdan ang nakakuha ng50-60, ikaapat mayroong 64 o 18.82 na
bahagdan ang nakakuha ng 30-40, ikalima at ang panghuli sa lahat ay mayroong
21 o 6.18 na bahagdan ang nakakuha ng 10-20 na puntos.
40
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
Implikasyon:
Mapapansin sa talahanayang ito na karamihan sa mga mag-aaral ay hindi
nakaabot sa lebel ng pagkatuto at wala silang sapat na kakayahan sa pagsusuri
ng tula, ngunit isang-kapat sa buong populasyon ng mga respondente ang
naging mahusay o umabot sa tamang lebel ng pagkatuto
Hindi gaanong mataas ang antas ng karunungan ng mga manunugon
hinggil sa pagsusuri ng tula. Mapapansin sa talahanayang ito na karamihan sa
mga mag-aaral ay hindi nakaabot sa lebel ng pagkatuto at may kahinaan sa
pagsusuri, sapagkat makikita na mahina ang kinalabasan nito at hindi sapat ang
kanilang kaalaman upang makapagsuri ng tula.
Ang ilan lamang sa mga dahilan ay walang tamang paggabay sa mga
mag-aaral at hindi natutugunan ang kognitivong pangangailangan. Gayundin,
uhaw pa ang kanilang kaalaman sa paghihimay ng mga elemento nito, kaya
nararapat lamang na bigyang ng halaga ang nasabing pangunahing
suliranin.Bagamat hindipinatutunayan ng datos ng kasalukuyang pag-aaral,
mahihinuha na maari din na mayroon kontribusyon ang guro sa pagsusuri ng
tula, ngunit ang guro ay nangangailangan nang matagumpay na pagganyak
upang mapukaw ang atensyon ng mga mag-aaral. Ang mga salik na maaaring
nakakaapekto sa kanila ay:antas ng pamumuhay, natapos ng kanilang
magulang, at pamamaraan ng pagtuturo. Ito ay maaaring mayroong kaugnayan
sa pansarili nilang pang-kogtivong kakayahan. Nararapat lamang na malaman
41
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
natin kung ano ang kanilang demograpikong profayl nang sa gayon alam ng guro
kung ano ang mailalapat at angkop sa metodo sa pagtuturo.
Suliranin 3: Ano ang persepsyon ng tagasagot sa metodong ginamit ng
guro?
Talahanayan 3.1 Persepsyon ng Tagasagot sa Metodong Ginamit ng Guro
5
(L)
4
(M)
3
(PM)
2
(MD)
1
(H)
TW
M
WM D
1. Paggamit ng aming guro
ng pangganyak bago
simulan ang talakayan.
92
(460)
98
(392)
89
(267)
26
(52)
35
(35)
1206
340
3.55 M
2. Naiuugnay sa aming
buhay ang tinalakay na
tula at maikling kwento.
87
(435)
107
(428)
89
(267)
35
(70)
22
(22)
1222
340
3.59 M
3. Pagkakaroon ng palitan
ng ideya o opinion sa
paksang tinalakay.
139
(695)
93
(372)
64
(192)
30
(160)
14
(14)
1333
340
3.92 M
42
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
4. Gumagamit ng
konkretong halimbawa
ang aming guro sa
pagtalakay ng tula at
maikling kwento.
112
(560)
113
(452)
68
(204)
30
(60)
17
(17)
1293
340
3.80 M
Average Mean Value 3.72 M
Ang talahanayan bilang 3.1 ay nagpapakita ng persepsyon ng mga tagasagot
sa metodong ginagamit ng guro sa pagtuturo ng pagsusuri ng maikling kwento at
tula.
Batay sa ginawang pagtugon ng mga tagasagot, ang mean value na 3.55 ay
nagpapakita na ‘Minsan’ lamang kung gumamit ng pangganyak ang guro bago
magsimula ang pagtalakay sa leksyon. Ang mean value na 3.59 ay nagpapakita
rin ng ‘Minsan’ lamang kung iugnay ng guro ang tinatalakay na tula at maikling
kwento sa kanilang buhay. Gayundin ang mean value na 3.92 na nagpapakita na
‘minsan’ lang din magkaroon ng pagpapalitan ng ideya at opinion ang klase
tungkol sa tinatalakay na tula at maikling kwento. At bilang panghuli, ang mean
value na 3.80 ay nagpapahiwatig din na ‘Minsan’ lang gumagamit ng
kongkretong halimbawa ang guro upang matalakay ng wasto ang maikling
kwento at tula.
Implikasyon:
43
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
Ang naging kabuuang resulta ng talahanayan 3.1 ay nagpapahayag ng
minsan lang na paggamit ng metodo ng mga guro sa pagsusuri ng maikling
kwento at tula.
Base sa ipinapakita ng datos, hindi nagiging sapat ang ambag ng guro
paramatulungan ang mga mag-aaral na maunawaan nang lubos ang mga
pamamaraan sa pagsusuri ng maikling kwento at tula. Ang may pinakamahinang
marka sa nakatalang tabulasyon ay ang pag-uugnay ng nilalaman o konteksto ng
piling maikling kuwento at tula, isang indikasyon na mahina ang aspetong
pandamdamin o afektivo ng mga mag-aaral, malaki ang impluwensya ng mga
isinagawang metodo o dulog ng guro, maaaring ito ay pangkaisipan lamang o
saykomotor at hindi nabigyan ng mariing diin ang naturang aspeto. Sa ibang
pangangatwiran maaaring pagkakabisa lamang ang naging dulog ng guro kung
kaya’t walang nangyaring pagpapahalaga sa semantika o kahulugan ng mga
naturang genre ng panitikan.
Suliranin 4: Ano ang kaugnayan ng propayl ng mga tagasagot sa
kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsusuri ng Maikling kwento at Tula.
Ipinapahayag ng mga talahanayang ito ang kaugnayan ng profayl ng mga
tagasagot sa kakayahan nilang magsuri ng maikling kwento at tula.
44
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
Talahanayan 4.1 Kabuuan ng Pagsusulit ng Chi-Square(ʎ2) para sa
Kakayahan ng mga Mag-aaral sa pagsusuri ng Maikling Kwento
X Y
(Profayl)
- ʎ2 Values Interpretation Decision
Computed Tabular
Kakayahan
ng mga
Mag-aaral
sa
Pagsusuri
ng Maikling
EDAD 19.99 11.07 p > 0.05
(df = 5)
Significant
Rejected
Ho
KASARIAN 12.84 9.49 p > 0.05
(df = 4)
Not Significant
Rejected
Ho
BUWANANG
KITA
20.11 25.00 p ‹ 0.05
(df = 20)
Not
Significant
Accepted
Ho
45
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
kwento ANTAS NA
NATAPOS NG
MAGULANG
(INA)
17.41 43.77 p ‹ 0.05
(df = 24)
Not
Significant
Accepted
Ho
ANTAS NA
NATAPOS NG
MAGULANG
(AMA)
24.07 43.77 p ‹ 0.05
(df = 24)
Not Significant
Accepted
Ho
Ipinapakita sa talahanayang ito na ang edad at kasarian ay may
kinalaman sa pagsusuri ng maikling kwento, maaaring makaapekto ito dahil sa
kanilang mga karanasan at kaalaman samantala, ang buwanang kita ng pamilya
at antas na natapos ng kanilang magulang (ina at ama) ay walang kinalaman o
hindi nakakaapekto sa pagsusuri nila ng maikling kwento marahil ay
nakadepende parin talaga sa mag-aaral kung magpapaapekto sila dito hanggat
naroon parin ang kagustuhan nilang matuto.
Tekstwal na Interpretasyon
Ipikita sa talahanayan 4.1 ang ugnayan ng profayl at kakayahang pang-
akademiko ng mga mag-aaral. Ang computed value na 12.84 ay relatibong mas
mataas kaysa sa tabular value na 9.49 sa degrees of freedom na 4. Ito ay
46
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
nagpapakita na may ugnayan ang kasarian at ang kakayahang pang-akademiko
ng mga mag-aaral. Samakatuwid ang null hypothesis na nagsasabing walang
ugnayan ang dalawa ay hindi tinatanggap. (Reject: Ho)
Ikalawa, ang computed value na 19.99 ay relatibong mas mataas kaysa
sa tabular value na 11.07 sa degrees of freedom na 5. Ito ay nagpapakita na
may kaugnayan ang edad at kakayahan ng mga mag-aaral. Samakatuwid, ang
null hypothesis na nagsasabing walang ugnayan ang dalawa ay hindi
tinatanggap o rejected.
Buhat sa buwanang kita at antas na natapos ng magulang (ina at ama),
mapapansing mas mababa ang Kompyuted na halaga kaysa sa tabyular na
halaga. Ipinapakita na walang signifikong kaugnayan ang dalawang ito sa
kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsusuri ng maikling kuwento.
Implikasyon:
Ipinapakita sa naturang tabulasyon na ang edad at kasarian ng mga mag-
aaral ay may kinalaman sa pagsusuri ng maikling kwento. Kung ang edad ang
pagbabatayan, ayon kay Machtinger (2007) ito ay maaaring makaapekto sa
kanilang kakayahan sa kahit anong larangan. Ayon naman kay Feingold (1988)
Ang kasarian ng mga mag-aaral ay isang salik upang malaman ang kanilang
kayang ipakita. Ang kasarian ay iba sa pag-uugali, personalidad, inaasahan ng
47
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
guro, at behabyor, pagkakaiba ng kursong kinukuha at bayologikal na ibinibgay
sa pagkakaiba ng kasarian sa kanilang nakukuha.
Talahanayan 4.2 Kabuuan ng Pagsusulit ng Chi-Square(ʎ2) para sa
Kakayahan ng mga Mag-aaral sa pagsusuri ng Tula
X Y
(Profayl)
- ʎ2 Values Interpretation Decision
Computed Tabular
Kakayahan
ng mga
Mag-aaral
sa
Pagsusuri
ng Tula
EDAD 2.08 9.49 p ‹ 0.05
(df = 5)
Not
Significant
Accepted
Ho
KASARIAN 8.67 9.49 p ‹ 0.05
(df = 4)
Not Significant
Accepted
Ho
BUWANANG
KITA
14.10 21.03 p ‹ 0.05
(df = 20)
Not
Significant
Accepted
Ho
ANTAS NA
NATAPOS NG
MAGULANG
(INA)
21.48 36.42 p ‹ 0.05
(df = 24)
Not
Significant
Accepted
Ho
48
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
ANTAS NA
NATAPOS NG
MAGULANG
(AMA)
21.43 36.42 p ‹ 0.05
(df = 24)
Not Significant
Accepted
Ho
Ipinapahayag ng talahanayang ito na walang kinalaman ang kanilang profayl
(edad, kasarian, buwanang kita ng pamilya at antas na natapos ng ina at ama)
sa pagsusuri ng tula, marahil ay hindi sila nagpapaapekto sa naturang aspeto.
Implikasyon:
Hindi nakaapekto ang profayl ng mga tagasagot sa pagsusuri nila ng tula.
Ito ay marahil may pansarili o intrinsikong kagustuhan ang mga tagasagot na
magbasa at magsuri ng mga maikling kwentong Pilipino.Ang bawat mag-aaral ay
may pankognitivong kahandaan upang matukoy ang kahalagahan ng nilalaman
ng binasang akda.Majoriti ng mga mag-aaral ay may matinding pagkagiya sa
pagbasa ng mga klasikong akda.
Suliranin 5: Ano ang kaibahan ng persepsyon ng mga mag-aaral hinggil sa
metodong ginamit ng guro sa pagtuturo ng pagsusuri ng Maikling kwento
at Tula kapag pinangkat ayon sa kanilang profayl?
49
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
Talahanayan 5.1 Kabuuan ng Pagsusulit ng Chi-Square(ʎ2) para sa
Malaking Pagkakaiba ng Kaugnayan ng Profayl ng mga Mag-aaaral sa
Metodong Ginamit ng Guro
X Y
(Profile)
- ʎ2 Values Interpretation Decision
Computed Tabular
Kaugnayan
ng profayl
ng mga
mag-aaaral
sa
metodong
ginamit ng
guro
EDAD 10.68 11.07 p ‹ 0.05
(df = 5)
Not
Significant
Accepted
Ho
KASARIAN 18.40 31.41 p ‹ 0.05
(df = 19.90)
Not Significant
Accepted
Ho
BUWANANG
KITA
28.28 25.00 p > 0.05
(df = 15)
Significant
Rejected
Ho
ANTAS NA
NATAPOS NG
MAGULANG
(INA)
25.60 43.77 p ‹ 0.05
(df = 30)
Not
Significant
Accepted
Ho
ANTAS NA
NATAPOS NG
MAGULANG
(AMA)
37.95 43.77 p ‹ 0.05
(df = 30)
Not Significant
Accepted
Ho
50
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
Buhat sa tabulasyon, makikitang walang kinalaman o hindi nakakaapekto
ang edad, kasarian at antas na natapos ng magulang sa pagsusuri nila ng
maikling kwento na may kinalaman naman sa metodong ginamit ng guro
samantalang mayroon namang kinalaman ang buwanang kita ng pamilya ng
tagasagot sa kanilang pagpapalawak ng kaalaman sa pagsusuri ng maikling
kwento at tula, marahil ang mataas na buwanang kitang nalilinang ay isang
indikasyon ng kakayahang magkaroon ng mga klasikong aklat o antolohiya ng
maiikling katha kabaligtaran ng may mababang kita na walang kakayahang
makalinang ng mabubuting aklat sa halip ay ibang mapaglilibangan.
Implikasyon:
Ipinapahayag na mayroong signipikong pagkakaiba ang buwanang kita ng
mga magulang at ang pangangailangan ng mga mag-aaral sa akademikong
kasanayan. Ipinaparating din nito na hindi sapat ang kita ng magulang upang
matugunan ang pangagailangan ng pamilya hindi pa kabilang ang
pangangailangang pang-edukasyon ng kanilang mga anak.
51
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
Iminungkahing Aksyon Plan
A. Proyekto para sa mga Mag-aaral
Proyekto LayuninMga
Taong Kasangk
ot
Takdang Panahon
Pondo Inaasahang Bunga
Indikasyon ng Tagumpay
Paligsahan sa larangan ng pagsusuri ng Maikling Kwento at Tula
Napagbubuti pa ang kasanayan ng mga mag-aaral sa larangan ng pagsusuri ng maikling kwento at tula.Napapalawak ang kabatiran at kahusayan ng mga mag-aaral sa pagsusuri ng maikling kwento at tula.
Guro at mga mag-aaral
Agosto Sariling pondo
Makikilahok ang 75% ng mga mag-aaral at higit na mapaghuhusay ang kahusayan sa pagsusuri ng Maikling Kwento at Tula
Naisagawa ang programa at nagkaroon ang mga mag-aaral ng karagdagang impormasyon
Filipino Camp Naitataguyod ang larangan ng akademikong Filipino.Nabibigyang pansin ang larangan sa Filipino.Nalalaman ng mga mag-aaral ang tunay na sustansya ng Filipino.
Guro at mga mag-aaral
Agosto Sariling pondo
Makikilahok ang 65% ng mga mag-aaral o higit pa
Naisagawa ang programa at nadaragdagan ang kanilang interes sa pag-aaral ng akademikong Filipino
Pagbuo ng organisasyon sa
Napapanatili ang diwa ng akademiko
Guro at mga
Mula Agosto
Sariling pondo
Makikilahok ang 70% ng
Nagkaroon ng organisasyon
52
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
larangan ng Akademikong Filipino
sa bawat kasapi.Nagkakaroon ng mga taong mamumuno sa pagtaguyod ng akademiko.
mag-aaral
at mga makakalap na pondo
mga mag-aaral o higit pa
para sa akademikong Filipino
Iminungkahing Aksyon Plan
B. Pagpapaunlad ng Kaisipan ng mga Mag-aaral
Papaunlarin LayuninMga
Taong Kasangk
ot
Takdang
Panahon
Pondo Inaasahang
Bunga
Indikasyon ng
Tagumpay
Kakayahan ng mga mag-
aaral sa pagsusuri ng mga akdang pampanitikan
Nadadagdagan ang kanilang pundasyon sa pagsusuri ng mga akdang pampanitikan.Napapalawak ang kanilang kaalaman sa nasabing larangan.
Guro at mga mag-
aaral
Hunyo Hindi kailangan ng pondo
Makikilahok ang 80% ng mga
mag-aaral at higit na
napapayabong ang kanilang kaalaman at maging ang
kanilang kasanayan sa pagsusuri ng mga akdang
pampanitikan.
Nagkakaroon ng
pagpapaunlad ng
kaalaman sa larangan ng akademikon
g Filipino.
Paghikayat sa mga mag-
aaral na magbasa ng mga akdang pampanitikan
Napagbubuti ang kanilang kasanayan
sa pagbasa.Napapataas ang
kanilang kognitibong kakayahan.
Napapatalas ang kanilang isipan sa
pagsusuri ng akdang pampanitikan.
Magulang, guro at
mga mag-aaral.
Mula Hunyo
Hindi kailangan ng pondo
Makikilahok ang 60% na mga
mag-aaral at higit na
mapagyayaman ang bokabularyo
at kanilang talasalitaan.
Nagkarooon ng bagong
kaalaman na bubusog sa
kanilang mga isipan.
Pag-iwas ng mga mag-aaral sa
Nadaragdagan ang kanilang kaalaman.
Nagkakaroon ng
Magulang, guro at
mga mag-
Mula Hunyo
Hindi kailangan ng pondo
Makikilahok ang 85% na mga mag-aaral at
Nagkakaroon ang mga mag-aaral
53
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
pagliban sa klase.
interaksyon mula sa guro at sa mag-aaral.Napagyayabong ang kanilang kaalaman at
kasanayan sa pamamagitan ng
pagpasok o pakikilahok sa
talakayan.
aaral. magkakaroon sila ng interes sa
paksang tinatalakay.
ng interes sa pag-aaral at naiiwasan
ang pagkauhaw
sa kaalaman.
Kabanata V
Paglalagom, Konklusyon at Rekomendasyon
Naunang tinalakay sa kabanatang ito ang mga suliranin ng pagsusuri, ang
mga tagasagot at ang mga ginamit sa estadistika sa mga datos ng pag-aaral.
Kasunod nito, ay ang pagbaling ng pagtalakay sa lagom ng pag-aaral, mga
kongklusyon at mga rekomendasyon ng mga mananaliksik.
Mga Natuklasan:
1. Sa kabuuan, ang mga mag-aaral buhat sa Cabuyao National High
School, Southville 1 at Gulod National High School ay may gulang na
nasa pagitan ng 14-16 o ang inaasahang aktwal na gulang ng mag-aaral
sa ikatlong antas ng sekondarya.Karamihan sa kanila ay mga
kababaihan na nabibilang sa mahihirap na pamilya na may buwanang
kita na mula P1000 at hindi lalampas ng P16,000. May ilang bilang ng
mga magulang na nakapag-aral o nakatungtong ng kolehiyo subalit ang
54
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
karamihan sa kanila ay nakapagtapos lamang ng sekondarya o mas
mababa pa.
2. Hinggil sa antas ng kakayahan ng mga sa pagsusuri ng maikling kwento,
ang datos ay nagpapakita na ‘Mahina’ o nasa pagitan ng 50 hanggang 60
bahagdan lamang ang antas ng marka ng mga mag-aaral. Karamihan sa
mga mag-aaral ay hindi nakaabot sa lebel ng pagkatuto at may kahinaan
sa pagsusuri, sapagkat makikita na mahina ang kinalabasan nito at hindi
sapat ang kanilang kaalaman upang makapagsuri ng Maikling Kwento.
3. Hinggil sa antas ng kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsusuri ng Tula,
ang datos ay nagpapakita na ‘Mahina’ o nasa pagitan ng 50 hanggang 60
bahagdan lamang ang antas ng marka ng mga mag-aaral. Karamihan
sa mga mag-aaral ay hindi nakaabot sa lebel ng pagkatuto at wala silang
sapat na kakayahan sa pagsusuri ng tula, ngunit isang-kapat sa buong
populasyon ng mga respondente ang naging mahusay o umabot sa
tamang lebel ng pagkatuto
4. Mula sa datos na nakalap, naipapakita ng kasalukuyang pag-aaral na
‘minsan’ lang kung gumamit ang mga guro ng mga sumusunod na
metodo sa kanilang pagtuturo ng pagsusuri ng Maikling Kwento at tula:
paggamit ng pangganyak bago magsimula ang pagtalakay sa leksyon;
pag-uugnay ng guro sa tinatalakay na tula at maikling kwento sa kanilang
buhay; pagkakaroon ng pagpapalitan ng ideya at opinion ang klase
55
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
tungkol sa tinatalakay na tula at maikling kwento; paggamit ng
kongkretong halimbawa ang guro upang matalakay ng wasto ang
maikling kwento at tula.
5. Ang edad at kasarian ng mga mag-aaral ay may signifikong kaugnayan
sa kanilang kakayanan sa pagsusuri ng Maikling Kwento; samantalang
ang buwanang kita at antas ng natapos ng mga maguang (ama at ina) ay
walang signifikong kaugnayan sa antas ng kanilang kakayanan sa
pagsusuri ng Maikling Kwento.
6. Ang edad, kasarian, buwanang kita at antas ng natapos ng mga
magulang (ama at ina) ng mga mag-aaral ay walang signifikong
kaugnayan sa kanilang kakayanan sa pagsusuri ng Tula.
7. Ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsusuri ng Maikling Kwento at
Tula ay walang signifikong pagkakaiba kapag sila ay pinangkat ayon sa
kanilang edad, kasarian,at antas ng natapos ng mga magulang (ama at
ina).
Mga Konklusyon:
1. Ipinapakita ng nakalap na datos na karamihan sa mga tagasagot mula
sa mga piling paaralan ay nasa gulang na 14 – 16 na siya namang
karaniwang inaasahan na edad ng mga mag-aaral ng ikatlong antas sa
sekondarya. Mula dito ay mahihinuha na relatibong mas nagkakalapit
56
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
ang kanilang pangkabatirang antas (cognitive level) kahit ito ay maging
persepsyon, opinion at ideya. Gayundin, mas higit na nagiging matibay
ang kanilang basehan o batayan dahil hindi nagkakalayo ang agwat ng
kanilang mga edad.
2. Ang kasarian ay isa sa mga pangunahing salik na nagpapakita ng
kaibahan ng kakayahan ng mga mag-aaral
3. Ipinapakita ng datos ng pag-aaral na karamihan sa mga ina ay
nakapagtapos ng sekondarya at karamihan sa ama ng respondente ay
nakapag tapos ng mataas na paaralan at sinusundan din naman ng
mga nakapag tapos ng kolehiyo. Malaki ang epekto nito sa
pagkahubog ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral sapagkat ang
ama tulad din ng ina ay mas higit na tinitingala sa bawat pamilya ng
lipunang Pilipino lalo pa at patriyarkal ang kinalakhang kultura ng mga
Pilipino.
4. Ang kalakhang bahagdan ng mga mag-aaral na naging bahagi ng
isinagawang pag-aaral ay nabibilang sa mahihirap na pamilya
5. Mula sa datos ng isinagawang pag-aaral ay mahihinuhang ‘mahina’
ang kakayahang pang-kognitibo ng mga mag-aaral buhat sa Cabuyao
National High School, Southville1, at Gulod National High School sa
larangan ng pagsusuri ng Maikling Kwento at Tula.
57
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
6. Ang pagiging ‘mahina’ ng mga mag-aaral sa pagsusuri ng Maikling
Kwento at Tula ay nagmumula sa limitado at hindi malikhaing
pamamaraan o metodo ng kanilang mga guro para higit na matutunan
ng mga mag-aaral ang tamang pamamaraan ng pag-susuri.
7. Ang edad at kasarian ay may ugnayan sa kakayahan ng mga mag-
aaral sa antas ng kanilang kognitibong kakayahan sa pagsusuri ng
maikling kwento.
8. Ang buwanang kita at antas ng natapos ng mga magulang ng mga
mag-aaral ay walang ugnayan sa kakayahan ng mag-aaral sa antas ng
kanilang kognitibong kakayahan sa pagsusuri ng maikling kwento.
9. Ang edad, kasarian, buwanang kita at antas ng natapos ng mga
magulang ay walang kaugnayan sa antas ng kanilang kognitibong
kakayahan sa pagsusuri ng tula.
10.Ang persepsyon ng mga mag-aaral hinggil sa metodong ginagamit ng
kanilang guro sa pagsusuri ng maikling kwento at tula ay walang
pagkakaiba kapag pinangkat ang mga mag-aaral ayon sa kanilang
edad, kasarian, buwanang kita at antas ng natapos ng mga mag-aaral.
58
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
Rekomendasyon:
1. Mahalagang isaalang-alang ng mga guro ang demograpikong profayl
ng mga mag-aaral sa alinmang gawaing may kaugnayan sa kanilang
pagkatuto ito man ay kognitibo, apektibo at saykomotor.
2. Ang mga guro ay dapat nagbibigay ng mga pagsasanay na naangkop
sa kanilang kakayahan. Ito ay makatutulong sa mga mag-aaral upang
maunawaan ng lubos ang antas ng leksyon.
3. Kailangang mas maging malikhain ang mga guro sa pagtuturo ng
pagsusuri lalo pa’t karamihan sa mga mag-aaral ay nabibilang sa
mahihirap na pamilya na may limitadong pagkukunan o resorses
upang matugunan at makasabay sa modernong pamamaraan ng
pagkatuto.
4. Mahalaga ring magkaroon ng patuloy na ugnayan at komunikasyon
ang mga guro sa magulang ng mga mag-aaral upang maiparating ang
kahalagahan ng kanilang suporta upang maging matagumpay ang
mga mag-aaral sa kanilang mga pagpupunyagi.
5. Mahalagang ituon ng mga guro ang kanilang oras sa pagpapabuti ng
mga gawaing pampaaralan lalo pa’t may kaugnayan ito sa
pagpapataas ng antas ng kanilang kaalaman.
59
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
6. Ang pamunuan ng paaralan ay dapat maging kaagapay ng guro at
magulang sa pagpapaunlad ng antas ng kaalaman ng mga mag-aaral.
7. Kailangang bigyang pansin ng mga guro ang kahinaan ng mga mag-
aaral sa pagsusuri ng Maikling Kwento at Tula.
8. Kailangan makabunsod ang mga guro ng mas epektibong
pamamaraan sa pagpapaunlad sa kakayahan ng mga mag-aaral sa
pagsusuri ng maikling kwento at tula.
60
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
Talasanggunian
A. Mga Aklat
Bandura, A (1977) “Self-Efficiency,Toward a Unifying Theory of Behavioral Change Psychological Review, 84 (2), p.191-215.
Jose V. Panganiban ,et al., Panitikan ng Pilipinas p.1-2 at 11.,Limbagan Pilipino San Juan Rizal,1990.
Panganiban,JV., Abadilla, AG., Ang Sining at Pamamaraan ng Pagsulat ng Paglalahad, Philippine Book Company, Manila 1972.
Panganiban, JV. “Panitikan ng Pilipinas, Maynila; Committee on Language Textbook Preparation.
Regalado, Iñigo Ed. 1968. “ Kritisismo: Mga Teorya at Antolohiya Para sa Epektibong Pagtuturo ng Panitikan”. Metro Manila: Anvil Publishig Inc., “Reyes Soledad, et.al.1992”
Villafuerte,Patrocinio.2000. Panitikang Panrehiyon sa Pilipinas, Valenzuela: Mutya Publishing House.
Villafuerte V., Panunuring Pampanitikan (Teorya at Pagsasanay), MEGA-JESTA PRINTS,INC. 9 Guyabano St., Antonio Subdivision, Dalandan Valenzuela City, p. 35.
B. Electronic References
Abadilla,A. “ Ang ating Panitikan, Manila Bookman, Inc.
Adu EO, Olatundun SO 2007. Teachers’ Perception ofTeaching as Correlates of Students’ AcademicPerformance in Oyo State Nigeria. Essays inEducation, 20: 57-63.
61
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
Beard, R.(2006). “Teaching and Learning in Higher Education”, London, Harper and Row 2006 Edition (LB 2331-B43)
Blair, “ Educational Psychology”, Fourth Edition: New York: Mac Millen Publishing Cooperation Inc. (2005)
Darling-Hamond.2002. “ The Attitudes of Teachers toward Teaching Filipino and Relationship to Selected Variables”.
Del Mundo, Clodualo., 1979, Maynila ,Merika ,Alyas Raha Matanda: Tatlong Dulang Pampelikula. Manila: DLSU Press.
E. T. da Silva, M. de Fátima Nunes, L. B. Santos, M. G. Queiroz, C. R. Leles
Article first published online: 29 DEC 2010 DOI: 10.1111/j.1600-
0579.2010.00669.x
Gray, HE. “Teaching as Performance: A Guide for Energizing your Public Presentations”, Englewood Cliffs, New Jersey Prentice Hall (2008).
Hen.Azarcas., Pilosopiya at Literatura.
Hossaine, R. “Mastering the Technique of Teaching 2009” San Francisco Jossey-Bass.
Monleon, Fernnado, Akda, Manila: Aleiva Publishing House Inc. 1970
C. Di-Nailathalang Tesis
Corcuera, Ma.Rica Sharmaine C. Iba’t ibang Teoryang Matatagpuan nsa Iba’t ibang Akdang Filipino. Los Baños Community National High School. March 2009.
Malabanan, Johan. Teyoryang PAmpanitikan sa mga Piling Akdang Pampanitikang Filipino. Los Baños Community National High School. March 2008.
Hatulan, Analiza. Mga Kakayahan ng mga Mag-aaral sa Ikaapat na Antas ng Sekondarya sa Paaralan ng Los Baños Community National High School sa Pagtukoy ng mga Teyorya sa Panitikang Filipino. March 2010.
62
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
Gutierrez, Librada, Quiatzon, Domingo, Tenorio. Pagtataya ng Lawak ng Paglinang ng Pang-unawa sa Binasang Maikling Kwento sa Panitikan ng mga Piling Mag-aaral sa Ikaapat na taon ng Paaralang Sekondarya ng Gulod National High School, Cabuyao Laguna. Setyembre 1996.
Galang, Ernel F. Mga salik sa Nakakaapekto sa Komprehensyon ng mga Mag-aaral sa Asignaturang Filipino Sa Antas Tersyarya. Mayo 2004.
63
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
Apendiks A
Pebrero 26, 2013
Francisca F. FabellaPunong guroSouthville1 National High SchoolSouthville1 Niugan Cabuyao Laguna
Isang magandang araw po!
Kami po ang mga mag-aaral ng Pamantasan ng Cabuyao na kumukuha ng kursong Bachelor in Secondary Education, Major in Filipino ay humihingi ng inyong pahintulot na makapagbigay ng ilang katanungan tungkol po sa aming pamanahunang papel (thesis) na may pamagat na “Kakayahan sa Pagsusuri ng Maikling Kwento at Tula ng mga Piling Mag-aaral sa Ikatlong Antas ng mga Mataas na Paaralan sa Lungsod ng Cabuyao”
Maraming salamat po sa inyong pagpapahintulot.
64
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
Pebrero 26, 2013
Juanito Y. De RamosPunong guroCabuyao National High SchoolPoblacion Tres Cabuyao Laguna
Isang magandang araw po!
Kami po ang mga mag-aaral ng Pamantasan ng Cabuyao na kumukuha ng kursong Bachelor in Secondary Education, Major in Filipino ay humihingi ng inyong pahintulot na makapagbigay ng ilang katanungan tungkol pos a aming pamanahunang papel (thesis) na may pamagat na “Kakayahan sa Pagsusuri ng Maikling Kwento at Tula ng mga Piling Mag-aaral sa Ikatlong Antas ng mga Mataas na Paaralan sa Lungsod ng Cabuyao”
Maraming salamat po sa inyong pagpapahintulot.
65
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
Pebrero 26, 2013
Mrs. Vilma SobisolPunong guroGulod National High SchoolGulod Cabuyao Laguna
Isang magandang araw po!
Kami po ang mga mag-aaral ng Pamantasan ng Cabuyao na kumukuha ng kursong Bachelor in Secondary Education, Major in Filipino ay humihingi ng inyong pahintulot na makapagbigay ng ilang katanungan tungkol pos a aming pamanahunang papel (thesis) na may pamagat na “Kakayahan sa Pagsusuri ng Maikling Kwento at Tula ng mga Piling Mag-aaral sa Ikatlong Antas ng mga Mataas na Paaralan sa Lungsod ng Cabuyao”.
Maraming salamat po sa inyong pagpapahintulot.
66
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
Apendiks B
Ang bahaging ito ay naglalaman ng talatanungan na ginamit ng mga
mananaliksik upang masukat ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsusuri ng
maikling kwento at tula at ang persepsyon nila hinggil sa paggamit ng metodo ng
mga guro.
Bahagi I.
Pakisagutan ang mga sumusunod na batay sa hinihinging impormasyon.
(Mananatili pong pribado ang inyong mga kasagutan.)
Pangalan : _________________________
Edad : ________Kasarian : ____________
Buwanang Kita ng Mgulang: ____________
Antas ng Edukasyon na natapos ng Magulang :
(Lagyan ng tsek ang napiling kasagutan.)
Nanay Tatay
______ Elementary Graduate _______
______ Elementary Undergraduate _______
______ High School Graduate _______
______ High School undergraduate _______
______ College Graduate _______
______ College Undergraduate _______
______ Vocational _____
67
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
Talatanungan na ginamit sa mga manunugon:
Pangalan : _____________________________________
Seksyon / Paaralan : _____________________________
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang pangalan ng pangunahing tauhan na kilala bilang si “Layo”?a. Atty. Arellano Tolentinob. Atty. Jaime Cansicioc. Cong. Francisco De Pedrod. Atty. Pedro Enriquez
2. Ano ang dahilan kung bakit ayaw bumalik ni Layo sa sariling bayan?a. dagok ng buhayb. malupit na karanasanc. kabiguan sa pag-ibigd. masayang ala-ala
3. Pang ilang panauhan ang paningin ang kwento?a. unang panauhanb. pangalawang panauhanc. pangatlong panauhand. pag apat na panauha
4. Sino ang nag sasalaysay ng maikling kwento?a. Tiyo Juliob. Isingc. Layod. Ben
68
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
5. Paano sinimuln ang Kwento?a. Forshadowingb. Dayalogoc. Madulang pagpapahayagd. Paglalarawan sa tagpuan
6. Saan inilibing si Layo?a. San Isidrob. San Roquec. San Pedrod. Sta. Maria
7. Sino ng napangasawa ni Layo?a. Sedesb. Iskac. Carlotad. Ising
8. Ano sa buhay ni Layo si Mang Ben?a. Ama-amahanb. Kapatidc. Anakd. Bilas
9. Ano ang Teyoryang nakapaloob sa kwentong “Sa Lupa ng Sariling Bayan”?
a. Humanismob. Realismoc. Naturalismod. Eksistensyalismo
10.Ano ang mensahe na nais iparating ng kwento?a. walang hindi nagmamahal sa sariling bayanb. pagkapoot sa sariling bayanc. walang hindi uuwi sa sariling bayand. pagmamahal sa ating sariling bayan
69
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
11.Saan inihahalintulad ang tulang “Ang Guryon”?a. Sa mga laruanb. Sa mga halamanc. Sa buhay ng taod. Sa mga hayop
12.Ano ang teyoryang nakapaloob sa nabasang tula?a. Sosyolohikalb. Imahismoc. Klasismod. Romantisismo
13.Anu-ano ang mga katangian ng guryon na nabanggit sa tula?a. Marupok at mataasb. Masipag at mabaitc. Matulungin at matapatd. Mapagmahal at mahabagin
14. Ilang saknong ang bumubuo sa tula?a. Apatb. Limac. Animd. Pito
15.Anong uri ng tugma ang ginamit sa tulang “Ang Guryon”?a. A-b-c-db. Tugmaanc. Karaniwand. Ganap
16.Sino ang nagsasalita sa tula?a. Tatayb. Nanay
70
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
c. Anakd. Kuya
17.Ano ang mensaheng nais ipabatid ng ika-3 saknong ng tula?a. Pagsisikap sa buhayb. Tibayan ang loob sa anumang pagsubokc. Pagpapahalaga sa magulangd. Pakikibaka
18.Anong uri ng tula ang tulang “Ang Guryon”?a. Tulang lirikob. Tulang Narativc. Tulang pantanghaland. Tulang patnigan
19. Ilan ang sukat ng tula?a. Lalabindalawahinb. Lalabing-animinc. Lalabing-waluhind. Wawaluhin
20.Anong uri ng taludtod ang ginamit?a. Tradisyunalb. Berso blangkoc. Malayang taludturand. Balagtasan
“PAGPALAIN NAWA KAYO NG POONG MAY KAPAL”
71
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
Panuto: Lagyan ng tsek ang bawat kolum na naayon sa inyong persepsyon.
Leyenda:
L - Lagi
M – Minsan
PM- Paminsan-minsan
MD- Madalang-dalang
H – Hindi
Mga Persepsyon
(5)
L
(4)
M
(3)
PM
(2)
MD
(1)
H
1. Paggamit ng aming guro ng
pangganyak bago simulan ang
talakayan.
2. Naiuugnay sa aming buhay ang
tinalakay na tula at maikling kwento..
3. Pagkakaroon ng palitan ng ideya o
opinion sa paksang tinalakay.
4. Gumagamit ng konkretong
halimbawa ang aming guro sa
pagtalakay ng tula at maikling
kwento.
72
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
Apendiks C
Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga instrumentong ginamit upang
masuri ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsusuri ng maikling kwento at
tula.
Tulang ginamit :
Ni: Ildefonso Santos
Tanggapin mo, anak, itong munting guryon
na yari sa patpat at papel de Hapon;
magandang laruang pula, puti, asul,
na may pangalan mong sa gitna naroon.
Ang hiling ko lamang, bago paliparin
ang guryon mong ito ay pakatimbangin;
ang solo't paulo'y sukating magaling
nang hindi mag-ikit o kaya'y magkiling.
Saka pag sumimoy ang hangin , ilabas
at sa papawiri'y bayaang lumipad;
datapwa't ang pisi'y tibayan mo, anak,
73
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
at baka lagutin ng hanging malakas.
Ibigin mo't hindi, balang araw ikaw
ay mapapabuyong makipagdagitan;
makipaglaban ka, subali't tandaan
na ang nagwawagi'y ang pusong marangal.
At kung ang guryon mo'y sakaling madaig,
matangay ng iba o kaya'y mapatid;
kung saka-sakaling di na mapabalik,
maawaing kamay nawa ang magkamit!
Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,
dagiti't dumagit, saanman sumuot...
O, paliparin mo't ihalik sa Diyos,
bago pa tuluyang sa lupa'y sumubsob!
Maikling Kwentong ginamit:
74
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
Sa Lupa ng Sariling Bayan
Tagpuan:
San Roque, Quezon City, San Fernando,
Tauhan:
Layo - Atty. Pedro Enriquez
- Naulila ng Maaga sa magulang at inampon ng kanyang malupit at kuripot na
Amain na kapatid ng kanyang Ama.
- Nagsumikap at nagging isang tanyag na abugado sa Lungsod.
Tiyo Julio - Ang natitirang kamag-anak ni Layo
Ben - Ang Anak ni Tiyo Julio
Ising - Ang asawa ni Layo
Fe - Ang Anak ni Layo at Ising
Tata Indo - Kapatid ng Ama ni Layo. Ang malupit at kuripot na Amain na nag
ampon sa kanya.
Gallego - Pinaka mayaman sa San Roque at nagmamay -ari ng isang poultry.
Buod:
Bata pa lamang ay naulila na ito sa magulang. Kaya't Inampon ito ng kanyang
tiyuhin na si Tata Indo. Lahat ng pagmamalupit ay naranasan niya sa kamay ng kanyang
Amain. Kaya't siya'y nagsumikap na abutin ang kanyang pangarap. Naging manunulat
siya sa isang pahayagan sa kanilang bayan at sa gabi naman ay nag aaral siya.
75
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
Hanggang sa makatapos siya ng pag aaral at naging topnotcher. At naging isang
tanyang na abugado sa Maynila at nagkaroon ng isang malaking bahay sa quezon City.
At napangasawa niya si Ising na taga San Fernando at nagkaroon sila ng Anak. Sa
kabila nang kanyang katanyagan ay hindi nya pa rin malimutan ang sakit at sama ng
loob na dinanas nya sa san roque kahit na nangamatay na ang mga gumawa nito sa
kanya. At loob ng mahabang panahon ay hindi siya pumunta umuwi doon upang dalawin
ang puntod ng kanyang mga magulang. Hanggang sa isang araw ay lumapit sa kanya
ang Tiyo Julio niya upang magpatulong ukol sa lupa. Hindi naman ito nabigo sa paghingi
ng tulong kay Layo. Ikinagulat ng lahat nang malaman na mayroon siyang kanser. Labis
ang kalungkutang nadarama ng kanyang pamilya. Itinatago niya ang takot na
nararamdaman. Ipinipilit niya na huwag siyang ilibing sa san roque dahil sa galit at poot
na nararamdaman niya. Ngunit pinayuhan ito ni Tiyo Julio na sa kalaunan din ay
naintindihan niya at napatawad niya ang mga taong nagpahirap sa kanya noon. At Iniuwi
rin ang kanyang katawan sa San Roque at doon na rin inilibing.
Apendiks D
76
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
CURRICULUM VITAEPersonal Information
Name : Balbacal, Mary Hiezel JavelosaNickname: HiezelAddress : Blk.2 Lot 22 Katapatan Mutual Homes Banay-banay City of
Cabuyao LagunaContact Number: 0929-181-9894Email Address: [email protected]: June 10, 1994Age: 18yrs old Gender: FemaleCitizenship: PilipinoParents: Rocel Balbacal
Rhodora Balbacal
Educational Attainment
Tertiary:Pamantsan ng CabuyaoKatapatan Mutual HomesBanay-banay City of Cabuyao Laguna
Degree:Bachelor in Secondary EducationMajor in Filipino2010-Present
Secondary:Gov. Feliciano Leviste Memorial National High SchoolLemery Batangas2006-2010
Primary:Bangin Elementary SchoolBangin San Nicolas Batangas1999-2006
CURRICULUM VITAE
77
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
Personal Information
Name : Manangkil, Jay-Ar BarundiaNickname: R-JayAddress : Gulod Cabuyao LagunaContact Number: 0948-481-0370Email Address: [email protected]: July 23, 1994Age: 18yrs old Gender: MaleCitizenship: PilipinoParents: Gregorio E. Manangkil
Geminiana B. Manangkil
Educational Attainment
Tertiary:Pamantsan ng CabuyaoKatapatan Mutual HomesBanay-banay City of Cabuyao Laguna
Degree:Bachelor in Secondary EducationMajor in Filipino2010-Present
Secondary:Gulod National High SchoolGulod Cabuyao Laguna2006-2010
Primary:Gulod Elementary SchoolGulod Cabuyao Laguna1999-2006
CURRICULUM VITAE
Personal Information
78
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
Name : Peret, Nova TenorioNickname: JhieAddress : 218 Brgy. Sala Cabuyao LagunaContact Number: 0948-575-0622 , 0935-823-7810Email Address: [email protected]: July 12, 1994Age: 18yrs old Gender: FemaleCitizenship: PilipinoParents: Celia T. Peret
Educational Attainment
Tertiary:Pamantsan ng CabuyaoKatapatan Mutual HomesBanay-banay City of Cabuyao Laguna
Degree:Bachelor in Secondary EducationMajor in Filipino2010-Present
Secondary:Cabuyao National High SchoolPoblacion Tres Cabuyao Laguna2006-2010
Primary:Sala Elementary SchoolSala Cabuyao Laguna1999-2006
CURRICULUM VITAEPersonal Information
Name : Salmingo, Fatima Gulayan
79
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
Nickname: FatAddress : Blk.2 lot 12 Katapatan Mutual Homes Banay-banay City of
Cabuyao LagunaContact Number: 0949-465-9826Email Address: [email protected]: November 14, 1993Age: 19yrs old Gender: FemaleCitizenship: PilipinoParents: Generosa Gulayan
Gary Salmingo
Educational Attainment
Tertiary:Pamantsan ng CabuyaoKatapatan Mutual HomesBanay-banay City of Cabuyao Laguna
Degree:Bachelor in Secondary EducationMajor in Filipino2010-Present
Secondary:San Isidro High SchoolPoblacion San Isidro Bohol1999-2006
Primary:Libertad Elementary SchoolLibertad Tubigon Bohol1999-2006