teoryang pampanitikan

53
Mga Teoryang Pampanitikan April M. Bagon-Faeldan

Upload: april-m-bagon-faeldan

Post on 14-Nov-2014

297 views

Category:

Documents


4 download

DESCRIPTION

teoryang pampanitikan:para sa mga mag-aaral sa haiskul at kolehiyo..sana ay matulungan kayo ng munti kong naipong datos tungkol sa mga teoryang pampanitikan-aprilmbagon-faeldanmindoro state college of agriculture ang [email protected]

TRANSCRIPT

Page 1: Teoryang Pampanitikan

Mga Teoryang Pampanitikan

April M. Bagon-Faeldan

Page 2: Teoryang Pampanitikan

Ang Teoryang pampanitikan ay ang sistematikong pag-aaral ng panitikan at ang mga paraan sa pagaaral ng panitikanin.Mayroong iba't ibang teorya para sa pag-aaral na ito.

Katotohanan kaysa kagandahan ang mababakas sa teoryang ito. Kahit sino, ano mang bagay at lipunan ay dapat makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad. Nagpapahayag din ito ng pagtanggap sa katotohanan o realidad. Tulad sa akda, totoong ang tao ay nasisilaw sa ginhawang maibibigayng kayamanan. Natanggap ng isang tauhan ang nangyari subalit tinakasan ng isang tauhan ang katotohanan at siya ay nawala sa sarili. Ang sobrang paghahangad ng materyal na bagay ay totoong makasisira rin sa tao.

Page 3: Teoryang Pampanitikan

• Humanismo May bunga ang panitikan sa tao. Sa humanismo

ang pananaw ay nakasentro sa tao. Kinikilala ang tao bilang panukatan ng maraming bagay at pangyayari. Inilalarawan kung paanong ang tao ay nakikibaka sa buhay at mga karanasan sa mundo. Itinatanghal ang kalagayan ng tao bilang isang indibidwal na may pananaw sa buhay at malayang ekspresyon ng kakayahang intelekwal ng tao ang higit na mahalaga.

Page 4: Teoryang Pampanitikan

Klasisismo Mahalaga ang panitikan sa lipunan. Sa klasisismo, ang isang akda ay may bisa sa pagpapayabong ng mga kaisipan ng tao. May mga klasikal na katotohanang ipinahahayag na nagsisilbing gabay sa paglikha ng mga moral at pilosopikal na ideya. Matatag ang paniniwala sa ideyalismo. Tumatalakay ito sa mga paksang pang alinmang panahon. Kinikilala ang katwiran, kadakilaan at kaganapan ng mga bagay. Ilan sa mga katangiang taglay ng akda ay payak ngunit masining, matimpi ngunit makahulugan, may kaayusang alinsunod sa itinakdang kumbensyong mahigpit at di nababago, dakila, marangal at matapat sa estilo na kagigiliwan ng mga mapagmahal sa katotohanan.

Page 5: Teoryang Pampanitikan

Pananalig pampanitikan na pinahihigitan ang kaisipan kaysa damdamin. Ang mga tauhan ay angat sa karaniwang buhay, ang anumang bagay tungkol sa kamunduhan ay iniiwasan pagkat ang mahalaga ay ang pagiging marangal sa kilos at pananalita.

Page 6: Teoryang Pampanitikan

• FormalismoMay sariling daigdig ang akda. Sa formalismong pananaw ay mahalaga ang katangiang sarili ng mga sangkap ng isang akda at ang organikong pagkakaugnay ng bawat bahagi. Walang lugar ang bayografikal o kontekstong historikal at panlipunan sa pagbibigay ng kahulugan sa akda sapagkat ito ay may taglay na sariling kabuluhan. Mismong ang akda ang sinusuri batay sa batas na sarili at objektiv na dulog. Ang akda ay may sariling kaanyuan ayon sa taglay na anyo, disenyo, imahen o simbolismo, motif, tono at punto de vista sa ilalim ng sistemang tekstwal. Sa formalistikong pananaw ang akda ay binibigyang-turing bilang isang likhang may sariling buhay at batas.

Page 7: Teoryang Pampanitikan

Natutukoy ang nilalaman, kaanyuan, o kayarian at pamamaraan ng pagkakasulat ng may-akda. Dito inilalabas ng manunulat ang pagiging masining sa paglikha ng akda.

Page 8: Teoryang Pampanitikan

ImahismoAng panitikan ay pagpipinta at eskultura. Sa imahismong pananaw, ang kalinawan ng isang akda ay naipahahayag sa pamamagitan ng mga toyak na imaheng biswal. Ang pahayag ay nagiging matulain sapagkat ginagamitan ng mga eksaktong paglalarawan at pagbibigay-anyo sa mga ideya. Ang akda ay nagtataglay ng mga salitang karaniwan ngunit mayaman sa matayog na kaisipan. Kadalasan ay higit na nakikita ang indibidwalidad ng makata sa kanyang malayang taludturan at malaya ang awtor sa pagpili ng paksa. May kulay at hugis, dugo at laman ang akda. Malinaw, tiyak at buhos ang pag-iisip upang makalikha sa imahiasyon ng kongkretong larawan na may malalim na impresyong guguhit sa damdamin at kamalayan. Taglay nito ang esensya ng sining ng panulaan.

Page 9: Teoryang Pampanitikan

Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-adka na higit na madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita. Sa halip na paglalarawan at tuwirang maglalahad ng mga imahen na layong ilantad ang totoong kaisipan ng pahayag sa loob ng panitikan.

Page 10: Teoryang Pampanitikan

Romantesismo Mayaman ang panitikan. Ang daigdig sa pananaw na romantesismo ay maganda at mabuti anuman ang bigat ng suliranin o higpit ng pagsubok na dumadating. Sa likod ng kasamaan at kaguluhan ay may bagay o pangyayaring magpapatingkad sa angking kabutihan ng tao at laging mangingibabaw ang pag-ibig. Ideyalistiko ang pananaw ngunit may pagtakas sa realidad at pagkawala sa katwiran sapagkat may pagkasetimentalismo. Gumagamit ng mabulaklak na pagpapahayag, sabjektiv o tuwirang nangangaral.

Page 11: Teoryang Pampanitikan

• Tumatalakay sa mga valyu at paksang tungkol sa pagkamakabayan, pagkamaginoo, pagkakristiyano ngunit may mga karakter na hayagang mapusok ang pagkatao, pinaiiral ang sarili at rebolusyonaryo. Ipinakikita ang kahalagahan ng tao anuman ang kalagayan sa lipunan at sa nasa lipunan nag-uugat ang kasamaan ng tao. Sinusuri ang tagumpay at kasawian ng tao na naghahatid sa kanya sa ganap na kaligayahan at kahungkagan ng lumbay.

Page 12: Teoryang Pampanitikan

Higit na pinahahalagahan ang damdamin, kung gaano ang higpit ng klasisismo ay gayon ang kalayaan ng romantisismo.

Page 13: Teoryang Pampanitikan

• Eksistensyalismo• Ang realidad ay ang nagaganap. Ang

pananaw ng eksisytensyalismo ay kumikilala sa esensya ng tao na walang iba kundi kung ano ang kanyang nililikha sa kanyang sarili depende sa lawak ng kanyang kakayahan at limistasyon o hangganan. Pananagutan ng tao ang kanyang sarili at walang kaugnayan ang kapaligiran at minanang katangian sa kanyang hangarin at pagkilos.

Page 14: Teoryang Pampanitikan

Naniniwala ang mga romantisist na ang tao ay may kapasidad na bumuo ng sarili nilang daigdig. Sa panahon ng mga suliranin makakalikha ang tao ng mga gawaing maaring makaaliw sa kanya upang sandaling lumipas ang dinadala na naghahari sa kabuuan ng akda. Ang mga ito ay maaring madama sa tulong ng mga salitang ginagamit sa akda. Sa pamamagitan nito, makikilala ng nangingibabaw na damdaming napulutan sa kabuuan ng akda. Ito'y namayagpag sa panahon ng Amerikano (mula 1990 - 1940).

Page 15: Teoryang Pampanitikan

• Siya ay malayang pumipili at magpasya sa sariling kahihinatnan o kapalaran. Bawat tao ay isang hiwalay na entidad na hindi nakakikilala sa mga katotohanan, pagpapahalaga at kahulugan ng tao. Inilalarawan ang nangyayaring ang buhay ay hungkag, malungkot at walang katuturan.

• Ipinahahayag ng manunulat ang kanyang kaisipan lalo na ang kanyang nadarama.

Page 16: Teoryang Pampanitikan

• Moralistiko• Ang panitikan ay may tungkulin sa lipunan.

Itinuturing ang isang akdang pampanitikan bilang bukal ng mga kaisipang batayan ng wastong pamumuhay at pakikipagkapwa. Inilalarawan sa teksto ang mga paksang pagtatagumpay ng kabutihan sa kasamaan, pagwawagi ng katarungan laban sa pang-aapi, pangingibabaw ng kalinisan ng pagkatao at katatagan sa harap ng mga pagsubok at kahinaan. Ipinapakita ang pagtutunggali ng lakas ng katwiran at impluwensya ng mga elementong sumisira sa tao.

Page 17: Teoryang Pampanitikan

• Ang mga karakter ay sinusuri bilang pagtutol o pagkilala sa umiiral na pilosopiya sa buhay o sistemang moral sa lipunan. Ang akda ay kapupulutan ng mga aral at pagwawasto sa mga maling landasin sa buhay. May oryentasyong didaktiko at interes na magsilbing huwarang dapat sundin upang maitanghal ang kadakilaan ng tao at kapangyarihan ng Maylikha.

Page 18: Teoryang Pampanitikan

• May aral na taglay ang teksto. Sa pananaw na moralistiko, ang akda ay nagsisilbing batayan ng mga kaisipang magtuturo sa tamang pagpili at pagbuo ng mga desisyon sa buhay na ayon sa pamantayang itinakda ng moralidad. Ang mga ideya ay tumutulong sa pagkilala sa mga bagay na tinatanggap sa lipunan- kung ano ang tama at mali, ang mabuti at masama.

Page 19: Teoryang Pampanitikan

• Ang impluwensya ng akda ay ipinakikita sa naging pag-uugali o asal at panuntunan sa buhay na taglay ng mahahalagang tauhan sa akda. Ang akda ay salamin na mga kapintasan at kagandahang dapat taglayin ng pagkatao. Nagbibigay-diin sa gantimpalang nakalaan sa pagsunod sa batas ng kabutihan sa mundo.

Page 20: Teoryang Pampanitikan

• Ipinalalagay ng mga tagapagtaguyod nito na ang manunulat ay isang nilalang na balon ng maraming kaalaman. Ginagamit ng manunulat ang kanyang akda bilang instrumentong maaring paghanguan ng mga aral na gagabay sa pangaraw-araw na buhay at pagdedesisyon ng kanyang mambabasa. Kung gayon, maari niyang dalhin ang kanyang mambabasa sa mabuti o masamng landas. Namayagpag ito sa panahon ng kastila at makabagong panahon.

Page 21: Teoryang Pampanitikan

• Realismo• Makatotohanan ang panitikan. Ito ay gising,

mulat at matapat. Sa realismong pananaw, objektiv ang paglalarawan sa tao at lipunan at sa mga puwersang nakapangyayari sa buhay. Ang teksto ay tumatalakay sa mga suliranin sa mundo at ang kanilang pinag-ugatan. Inilalantad ang mga katotohanan sa pamamagitan ng mga paksa at salitang karaniwan ngunit gumagamit ng matapang kung hindi man mapangahas na paraan. Ang mga kaisipang inihahanay ay payak ngunit nakapagpapakilos.

Page 22: Teoryang Pampanitikan

• Binibigyang-buhay ang mga tauhang nakikisangkot, nanunuligsa o nanghihikayat upang mapabuti at maiangat ang kalagayan ng tao sa lipunan. Kadalasang paksain ang karanasan ng mga mahihirap, pagiging bulag ng katarungan, paglabag sa karapatan at ang tunggalian ng iba’t ibang uri ng tao sa lipunan. Ang awtor ay Malaya at walang kinikilingan sa paglalantad ng buong katotohanan.

Page 23: Teoryang Pampanitikan

• Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng may-akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaefektibo ng kanyang sinulat.

Page 24: Teoryang Pampanitikan

• Mambabasa-Pagtanggap (Reader-Reception)• May bisa ang panitika sa mambabasa. May

papel ang mambabasa sa panitikan. Ang pagbasa ay isang uri ng transaksyon sa pagitan ng mambabasa at ng akda. Ang kahulugan ay batay sa mambabasa. Walang unibersal, iisa at tiyak na kahulugan ang teksto. Maraming pakahulugang maibibigay sa akda. Ang mambabasa ay di pasibo sa pag-uugnay ng kanyang mga karanasan sa paniniwalang ang panitikan ay dapat na magkaroon ng kabuluhang personal at emosyonal na antas sa pag-unawa

Page 25: Teoryang Pampanitikan

• . Nasa antas na sabjektiv at may bisang ilantad ng mambabasa ang sariling karanasan sa pamamagitan ng mga pangyayaring hinabi at mga karanasan ng karakter na binigyang-buhay sa akda. Sariling tugon at sensibilidad ng mambabasa ang binibigyang-pansin. Ang pagproseso sa akda ay nasa kapangyarihan, kaalaman at karaasan ng aktibong mambabasa.

Page 26: Teoryang Pampanitikan

• Sosyolohikal• Ang panitikan ay isang produkto. Ito ay

likha ng panahon ay kasaysayan, kultura at ideyolohiya, lipunan at kapaligiran. Sa pananaw na sosyolohikal, ang akda ay hindi nagmula sa kawalan. Ang mga pananaw at saloobin ng mga karakter ay hinubog ng mga pangyayari. Ang akda ay sinusuri sa konteksto ng iba’t ibang institusyon sa lipunan at ang kaugnayan nito sa indibidwal. Ipinapahayag ng akda ang mga saloobin, mithiin at pangarap na hango sa galaw ng panahon.

Page 27: Teoryang Pampanitikan

• May kaisipang inihahatid sa mambabasa na naglalarawan sa pilosopiyang taglay ng akda. Tumutugon sa tungkulin ng panitikan na imulat ang lipunan sa mga katotohanan at kagalingang panlipunan. Ang panitikan ay may mabuti at kapakinabangang dulit sa lipunan at ang lipunan ay kailangang tumugon sa mga sitwasyon o kalagayang inihihingi ng pagbabago upang maiangat ang tao.

Page 28: Teoryang Pampanitikan

• Salamin ng kaligiran ng isang tiyak na pook, kultura, tradisyon, kaugalian at paraan ng pamumuhay. Dito naniniwala ang kritiko na ang panitikan ay hindi humihiwalay sa lipunan.

• Naniniwala ang mga tagapagtaguyod nito na ang manunulat ay produkto ng kanyang panahon, lugar, mga kaganapan ,kultura,at institusyon sa kanyang kapaligiran kung saan itinuturing sila bilang boses ng kanyang panahon dahil dito, ipinalalagay na ang akdang kanilang nilikha ay repleksyon o salamin ng mga nagaganap sa lipunang kanyang kinalalagyan. Namayagpag ito sa panahin ng propaganda.

Page 29: Teoryang Pampanitikan

• Marxismo• May magagawa ang panitikan. Sa

Marxismong pananaw, ang panitikan ay tumutugon sa nagtataguyod ng pagbabago. Hinahamon nito ang mga istruktura ng kapangyarihan sa lipunan, nagtatangkang buwagin ang mga mapaniil na puwersa at inilalantad ang mga tunggaliang pang-uri na nag-ugat sa kalagayang pang-ekonomiya. Sa ganitong pananaw, nagsisilbing refleksyon ang panitikan ng mga nagkakasalungatang ideyolohiya na sinusuri sa paraang objektiv upang magising ang kamalayang panlipunan.

Page 30: Teoryang Pampanitikan

• Ang epekto ng kabuhayan ng tao sa kanyang pagtingin sa buhay, pakikitungo sa kapwa, mga hangarin at pangarap, pagtanggap sa mga karanasan ay mababasa sa mga karakter. Ang paksa ay mabigat, seryoso, at kadalasang tumatalakay sa buhay, kalagayan at kaugnayan ng mga uring manggagawa sa uring nakapangyayari sa lipunan. Mahalaga ang mga realidad sa lipunan at kasaysayan, sapagkat ang mga ito at nagtatakda ng kondisyon sa panitikan bilang likhang sining.

Page 31: Teoryang Pampanitikan

• Mahalagang mapagtuunan ng pansin ang mga bahaging tiyakang nagpapakita ng paglabanan ng malakas at mahina; mayaman at mahirap . Makabuluhan rin kung paano natalo ng mahina ang malakas ng mahiyap ang mayaman. Ginagamit ng mga oriyentasyon na ito upang mabuksan ang mga isipan at ang mga mata ng tao sa pang-aapi at pagsasamantalang nagaganap sa lipunan. Ito'y sumibol sa panahon ng kastila at hapon, at namayagpag naman sa makabagong panahon.

Page 32: Teoryang Pampanitikan

• Naturalismo• Isang malaking ekspresyon ang panitikan. Ito ay

ekspresyon ng buhay at lipunang taglay ang mga pangit at madilim na realidad. Sa pananaw na naturalismo, karaniwang paksa ang kahirapan, krimen, kamangmangan, kawalang pag-asa, mahabang pagtingin sa buhay, mga taong tiwalag sa lipunan at may negatibong damdamin at pagkilala sa sarli. Ang daidig ay isang kalabisan at puno ng pagsasamantala. Ipinakikita kung ano ang ibubunga ng kapaligiran at mga namamanang katangian sa kapalaran ng tao. Ang pagkakaroon ng pagbabago ay may malaking ginagampanan sa buhay ng tauhan bagamat ang pananaw sa karakter ay tulad sa isang bagay na walang saysay at walang kinabukasan.

Page 33: Teoryang Pampanitikan

• Simbolismo• Makapangyarihan ang salita. Nagagawa

nitong pakilusin ang tao. Mayaman din ang salita sapagkat hatid nito ang mga walang katapusang ideya. Sa simbolismo, may nagaganap na ugnayang mistikal sa pagitan ng natural at ispiritwal na daigdig at ang salita ay nagiging isang daigdig ng mga kahulugan

Page 34: Teoryang Pampanitikan

Ito ay nangyayari sa pamamagitan ng pagtuklas sa kahulugan ng mga salita na taglay ng isang akda na siya namang naghahatid ng bisa sa isip ng mga mambabasa. Sa pamamagitan ng simbolismo ay may koneksyong lumilitaw sa pagitan ng akda at ng mambabasa. Sapagkat likas sa panitikan ang pagkakaroon ng mga sagisag, nakikita ng mambabasa ang mga bagay na hindi tuwirang nababasa sa akda.

Page 35: Teoryang Pampanitikan

Queer• Ang layunin ng panitikan ay iangat at

pagpantayin sa paningin ng lipunan sa mga homosexual. Kung ang mga babae ay may feminismo ang mga homosexual naman ay queer.

Page 36: Teoryang Pampanitikan

• Sikolohikal• May dahilan ang bawat kilos o gawi, may

pinagmulan ang bawat bagay o pangyayari. Sa pagsusuring sikolohikal, inaalam ang mga nagaganap sa mga antas ng kamalayan ng isang tao na batayan ng kanyang pag-iisip at pagkilos. Ang mga panlabas na katangian ng karakter ay sinusuri ayon sa mga panloob na sanhi. Ipinaliliwanag ang mga nangyayari sa tauhan na ipinakita sa kanyang paraan ng pagsasalita, daloy ng pag-iisip at kilos na may sinasagisag.

Page 37: Teoryang Pampanitikan

• Ang teksto ay maaring basahin bilang ekspresyon ng mga natatagong katotohanan na may kaugnayan sa buhay at karanasan ng awtor na binigyang-buhay ng mga karakter o kaya ay bilang instrumento ng pagpapahayag ng sariling obsesyon o interes ng mambabasa na nabigyan ng katuparan sa pamamagitan ng mga karakter bilang ekstensyon o manipestasyon ng sarili.

Page 38: Teoryang Pampanitikan

BayograpikalAng layunin ng panitikan ay ipamalas ang

karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-akda. Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng may-akda na siya niyang pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng mga “pinaka” na inaasahang magsilbing katuwang ng mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo.

Page 39: Teoryang Pampanitikan

• Naniniwala ang mga biyograpikalista na ang manunulat ay nagsusulat ng mga bagay na personal niyang nararanasan at nakikita sa kanyang paligid. Kung gayon, ang mga isinusulat niyang mga akda ay mga hibo o impluwensiya ng mga karanasan at nangyari sa buhay. Ito'y namayagpag sa kasalukuyan.

Page 40: Teoryang Pampanitikan

• Arketipal Ayon kay Carl Jung at krionaitalikong teksto,

naniniwala siya sa pananaw ni Freud na may di-malay na bahagi ang tao,subalit hindi ito personal na unconscious, bagkus ay kolektibong unconscious. Naniniwala rin siya na magkakatulad o iisa lamang ang karanasan ng nasa di-malay na bahagi ng isipan ng mga tao. Ito ay bunga ng iisang karanasan ng mga ninuno ng tao na naipapasa sa kasalukuyang henerasyon at dahil dito nakalilikha ang mga manunulat ng mga imahen at pangyayaring hango sa mga sinaunang teksto. Patuloy itong namamaygpag sa kasalukuyan.

Page 41: Teoryang Pampanitikan

• Feminismo • Sa teoryang ito, maaring tignan ang imahen,

pagpapakalarawan, posisyon at gawain ng mga babae sa loob ng akda at maaring ilantad din ang mga de kahong mga imahen ng mga babae sa akda. Ito'y maaring komokompows ng mga panlipunan, kultural, pulitikang pamamalakad, teorya, at moral na pilosopiya na isyu na may kinalaman sa di pantay o pantay na kalagayan ng kasarian.

Page 42: Teoryang Pampanitikan

Dito nangingibabaw ang pamamaraan, kakayahan, karanasan at paniniwala at pananaw ng isa babae.

Page 43: Teoryang Pampanitikan

• Kultural• Ang layunin ng panitikan ay ipakilala ang

kultura ng may-akda sa mga hindi nakakaalam. Ibinabahagi ng may-akda ang mga kaugalian, paniniwala at tradisyon minana at ipasa sa mga sunod na salinlahi. Ipinakikita rin dito na bawat lipi ay natatangi.

Page 44: Teoryang Pampanitikan

• Feminismo-Markismo• Ang layunin ng panitikan ay ilantad ang iba’t

ibang paraan ng kababaihan sa pagtugon sa suliraning kanyang kinakaharap. Isang halimbawa nito ay ang pagkilala sa prostitusyon bilang tuwirang tugon sa suliraning dinaranas sa halip na ito’y kasamaan at suliranin ng lipunan.

Page 45: Teoryang Pampanitikan

• Dekonstraksyon• Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba’t

ibang aspekto na bumubuo sa tao at mundo. Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga pilosopo at manunulat na walang iisang pananaw ang nag-udyok sa may-akda na sumulat kundi ang pinaghalu-halong pananaw na ang nais iparating ay ang kabuuan ng pagtao at mundo.

Page 46: Teoryang Pampanitikan

• Ito ay hindi nagtataglay ng isang kahulugan lamang, masalimuot at maraming kontradiksyon na siyang nagpapakita ng mga “gaps, silences at omissions” ng teksto. Tago ang tunay na kahulugan dahil sa pinangangalagaang ideolohiya ng may-akda.

Page 47: Teoryang Pampanitikan

• Surrealismo Sinisikap na matamo sa pamamagitan ng

paggamit ng mga salita sa paraang salungat sa karaniwan at di karaniwan at di makatwiran

Page 48: Teoryang Pampanitikan

IdealismoIto ay mula sa salitang “idea” ng griyego na

nangangahulugan ng isang anyo o kabuuan ng isang bagay. Ito ay nagpapatunay na ang kaisipan ay nanggagaling sa isang bagay at babalik sa naturang bagay at ang isip ng isang tao ang pinakamahalaga sa buong daigdig.

Page 49: Teoryang Pampanitikan

Modernismo Ito ay tumutukoy sa isang paghihimagsik sa

tradisyon, relihiyon, kaugalian at paniniwala at nagsasaad o nagpapadama upang magkaroon ng puwang ang pagbabago. Pumapalit ang bago sa luma upang lumaya ang tao sa matanda at sumisikil na batas at tuntunin, upang makasunod ang isipan at damdamin sa nagbabagong takbo ng buhay. Ang pagbabago ng kamalayan ang binibigyang diin.

Page 50: Teoryang Pampanitikan

Impresyonismo Ang mga bagay na di dapat ilarawan ng masusi

kundi batay sa kakintalang naiwan sa isipan ng manunulat.

Ekspresyonismo Ipinahahayag ng manunulat ang kanyang

kaisipan lalo na ang kanyang nadarama.

Page 51: Teoryang Pampanitikan

• Historikal• Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang

karanasan ng isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa kasaysayan au bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.

Page 52: Teoryang Pampanitikan

Gawain:Pangkatin sa 5-7 ang mga mag-aaral. Pumili ng

isang senaryo sa mga akdang napag-aralan na, na nagpapakita ng alinman sa mga natalakay na teorya at isadula ito sa klase.

II. Ipaliwanag ang teoryang inilapat, gayon din ang pangyayari pati na ang pamagat ng akdang napili.

• Maglahad ng mga pangyayari sa kasalukuyan na may kaugnayan sa mga senaryong isinadula ng ilang pangkat.

Page 53: Teoryang Pampanitikan