tatlong tula sa hibik ng pilipinas fil presentation

34

Click here to load reader

Upload: ian-ilagan

Post on 16-Apr-2017

21.027 views

Category:

Documents


56 download

TRANSCRIPT

Page 1: Tatlong tula sa hibik ng pilipinas fil presentation

Tatlong Tula Sa Hibik ng

PilipinasBy:Ian IlaganKirby MijaresJonric Mirando

Page 2: Tatlong tula sa hibik ng pilipinas fil presentation

Hibik ng Pilipinas Hibik – daing, “appeal” Mga tulang nagpapahayag ng poot at

pagbabanta ng Pilipinas sa mananakop nitong Espanya

Nagpapahayag din ng madaming di-makatarungang mga pangyayari at pagtrato ng mga Espanyol sa mga Pilipino

Page 3: Tatlong tula sa hibik ng pilipinas fil presentation

Malaking tensyon ang namumuo sa mga Pilipino at mga Espanyol lalo na sa mga pari

Mga pangyayari tulad ng: paggarote kina Padre Gomez, Padre Burgos at Padre

Zamora Pag-aalsa ng iba’t-ibang lalawigan; isa na ang Cavite Mataas na buwis Opresyon sa mga Pilipino

Naging aktibo ang KKK at mga Ilustrado

Page 4: Tatlong tula sa hibik ng pilipinas fil presentation

Tatlong tulang tungkol sa “hibik” ng pilipinas sa mananakop nitong Espanya Hibik ng Inang Filipinas sa Inang Espanya

ni Hermenegildo Flores Sagot ng Espanya sa Hibik ng Filipinas ni

Marcelo H. del Pilar Katapusang Hibik ng Filipinas ni Andres

Bonifacio

Page 5: Tatlong tula sa hibik ng pilipinas fil presentation

Hibik ng Inang Pilipinas sa Inang Espanya ni Herminigildo Flores

Page 6: Tatlong tula sa hibik ng pilipinas fil presentation

Inang mapag-ampon, Espanyang marilag,nasaan ang iyong pagtingin sa anak?akong iyong bunsong abang Pilipinastingni't sa dalita’y di na makaiwas.

Ang mga anak kong sa iyo’y gumigiliw,sa pagmamalasakit ng dahil sa akin;ngayo’y inuusig at di pagitawinng mga prayleng kaaway mong lihim.

Page 7: Tatlong tula sa hibik ng pilipinas fil presentation

Sa bawat nasa mong kagaling-galingan,ayaw ng prayleng ako’y makinabang,sa mga anak ko’y ang ibig lamangisip ay bulagin, ang bibig ay takpan.

Nang di maisigaw ang santong matuwidna laban sa madla nilang ninanaispalibhasa'y wala silang iniisipkundi ang yumaman at magdaya ng dibdib.

Page 8: Tatlong tula sa hibik ng pilipinas fil presentation

Sa pagpapalago ng kanilang yamanbendita't bendisyon lamang ang puhunan,induluhensiya't iba't ibang bahayng mga sagrado naman ang kalakal.

Sapagkat anumang bilhin sa kanila,kaya namamahal, dahil sa bendita,kahit anong gawin pag may halong kantaay higit sa pagod ang hininging upa.

Page 9: Tatlong tula sa hibik ng pilipinas fil presentation

Ibig ng simbaha't kumbentong marikitorgano't kampana aranyang nagsabit;damasko't iba pa, datapwa't pawisng bayan kukunin, mahirap mang kahit.

Ani sa asyenda't kita sa simbahansa minsang mapasok sa mga sisidlanng mga kumbento'y di na malilitawkaya naghihirap, balang masakupan.

Page 10: Tatlong tula sa hibik ng pilipinas fil presentation

Ang dulo'y marami sa mga anak koang di makabayad sa mga impuwestosa gayong katataas ng mga rekargopagka't kailangan naman ng estado.

Sa bagay na iyan, ang mga mahirapna walang pagkunan ng dapat ibayad,sa takot sa Sibil, aalis ngang agad,iiwan ang baya't tutunguhi'y gubat.

Page 11: Tatlong tula sa hibik ng pilipinas fil presentation

Dito pipigain naman ang maiiwan,na di makalayo sa loob ng bayan,siyang pipiliting magbayad ng utangkahima't wala ng sukat na pagkunan.

Maghanapbuhay ma'y anong makikitawala nang salapi, ibayad ang ibapagkat naubos nang hititin ng kurasa pamamagitan ng piyesta't iba pa.

Page 12: Tatlong tula sa hibik ng pilipinas fil presentation

Sa limit ng mga piyesta't mga kasayahanay walang ginhawang napala ang bayankundi ang maubos ang pinagsikapangsa buhay ng tao'y lalong kailangan.

Ang kapalaluang paggugol ng pilaknang dahil sa pyesta ay di nag-aakyatsa langit, kundi ang santong pagliyagng puso ang siya lamang hinahanap.

Page 13: Tatlong tula sa hibik ng pilipinas fil presentation

Niyong ang ating Amang hindi madadayasa inam ng pyesta at lagi ang ganda,sapagkat ang ating gawang masasamaay di mangyayaring bayaran ng tuwa.

Ibigin ang Diyos nang higit sa lahatat ito ang siyang lalong nararapatngunit ang prayle'y walang hinahangadkungdi magpalalo't ang baya'y maghirap.

Page 14: Tatlong tula sa hibik ng pilipinas fil presentation

Ang pangako nila sa mga anak koay magbigay lamang sa mga kumbentong kuwalta'y sa langit naman patutungoat ligtas sa madlang panganib sa mundo.

Saka sasabihing ang kanilang aralay utos ni Kristong dapat na igalangbago hindi'y gayo't kauna-unahanglumalabag sila sa Poong Maykapal.

Page 15: Tatlong tula sa hibik ng pilipinas fil presentation

Ang mga anak ko'y turuan nga lamangng bala-balaking dapat matutuhankahima't maubos ang lahat ng yamankikilanlin ko pang darakilang utang.

Dapwa'y sa akin daya at pag-apiang siyang nakayang pawang iginanti,kaya hanggang ngayon sa ikabubuting kalagayan ko'y wala pang masabi.

Page 16: Tatlong tula sa hibik ng pilipinas fil presentation

Gayunmay'y ako pa ang siyang masamakung aking idaing yaring pagkaaba,sarisaring dusa nama'y nagbabalasa balang dumamay sa aking pagluha.

Yamang may hustisyang hindi humihibikkung dili sa balang ayon sa matuwidsa di natutulog na awa ng langitipauubaya yaring pagkaamis.

Page 17: Tatlong tula sa hibik ng pilipinas fil presentation

Ngunit hindi kaya ngatngatin ng pulang ibang potensya sa balat ng lupaang kamahalan mo kung mapag-unawangsa anak ay inang tunay ang dumusta?

Hanggang dito ina't ang bahala'y ikawdangal mo'y tanghalin ng sansinukubanang pagkakasundo ng lahat mong kawalay lumagi nawa sa kapayapaan.

Page 18: Tatlong tula sa hibik ng pilipinas fil presentation

Analisis Sinasabi dito ang mga pag-api at pagsasawalang

bahala sa mga Pilipino Marami ding reklamo ukol sa mga prayle na

sinasabing nagpapapiyesta, naniningil sa para daw sa “simbahan”, etc.

Maraming pagmamalabis at pag-aabuso ng mga kura’t prayle at mga ibang namumuno sa mga tao

Tila ipinaaalam sa Espanya ang mga pag-abusong ginagawa ng mga ipinadalang tao sa Pilipinas

Page 19: Tatlong tula sa hibik ng pilipinas fil presentation

Herminigildo Flores Isang “local hero” ng mga Tagalog Kabilang sa KKK Isang matapang na katipunero at isa

ding magiting na manunulat

Page 20: Tatlong tula sa hibik ng pilipinas fil presentation

Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas ni Marcelo H. del Pilar

Page 21: Tatlong tula sa hibik ng pilipinas fil presentation

Analisis Paglalahad ng mga pangakong

binitawan o ang mga magagandang pangarap ng Espanya sa Pilipinas

Subalit ang mga Espanyol sa kolonya (Pilipinas) ay binibigo ang mga ito

Page 22: Tatlong tula sa hibik ng pilipinas fil presentation

Marcelo H. del Pilar Isa sa mga Ilustrado Patnugot ng pahayagang La Solidaridad Madami nang naisulat na madalas ay

kritisismo sa mga prayle at mga mapagmalabis na mga pinuno

Page 23: Tatlong tula sa hibik ng pilipinas fil presentation

Katapusang Hibik Ng Pilipinasni Andres Bonifacio

Page 24: Tatlong tula sa hibik ng pilipinas fil presentation

Sumikat na, Ina sa sinisilangan Ang araw ng poot ng Katagalugan, Tatlong daang taong aming iningatan sa dagat ng dusa ng karalitaan.

Walang isinuway kaming iyong anak sa bagyong masasal ng dalita't hirap, Iisa ang puso nitong Pilipinas at ikaw ay di na Ina naming lahat.

Page 25: Tatlong tula sa hibik ng pilipinas fil presentation

Sa kapuwa Ina'y wala kang kaparis Ang layaw ng anak: dalita't pasakit; pag nagpatirapang sa iyo'y humibik, lunas na gamot mo ay kasakit-sakit.

Gapusing mahigpit ang mga Tagalog; hinain sa sikad, kulata at suntok makinahi't ibiting parang isang hayop ito baga, Ina, ang iyong pag-irog?

Page 26: Tatlong tula sa hibik ng pilipinas fil presentation

Ipabilanggo mo't sa dagat itaponbarilin, lasunin, nang kami'y malipol. sa aming Tagalog, ito baga'y hatol Inang mahabagin, sa lahat ng kampon.

Aming tinitiis hanggang sa mamatay bangkay nang mistula'y ayaw pang tigilan, kaya kung ihulog sa mga libingan, linsad na ang buto't lumuray ang laman.

Page 27: Tatlong tula sa hibik ng pilipinas fil presentation

Wala nang namamana itong Pilipinas na layaw sa Ina kundi pawang hiraptiis ay pasulong, patente'y nagkalatrecargo't impuwesto'y nagsala-salabat.

Sari-saring silo sa ami'y inisipkasabay ng utos na tutuparing pilitmay sa alumbrado bayad kami'y tikis kahit isang ilaw ay walang masilip.

Page 28: Tatlong tula sa hibik ng pilipinas fil presentation

Ang lupa at buhay na tinatahanan bukid at tubigang kalawak-lawakan at gayon din pati ng mga halamanan sa paring Kastila ay binubuwisan.

Bukod pa sa rito'y ang iba't-iba pahuwag nang saysayin, O Inang Espanya sunod kaming lahat hanggang may hininga Tagalog di'y siyang minamasama pa.

Page 29: Tatlong tula sa hibik ng pilipinas fil presentation

Ikaw nga, O Inang pabaya't sukabankami'y di na iyo saan man humanggan ihanda mo, Ina, ang paglilibingan sa mawawakawak na maraming bangkay.

Sa sangmaliwanag ngayon ay sasabog ang barila't kanyong katulad ay kulog ang sigwang masasal sa dugong aagos ng kanilang bala na magpapamook.

Page 30: Tatlong tula sa hibik ng pilipinas fil presentation

Di na kailangan sa Espanya ang awa ng mga Tagalog, O Inang kuhila paraiso namin ang kami't mapuksa langit mo naman kung kami'y madusta.

Paalam na Ina, itong Pilipinas, paalam na Ina, itong nasa hirap, paalam, paalam, Inang walang habag, paalam na ngayon, katapusang tawag.

Page 31: Tatlong tula sa hibik ng pilipinas fil presentation

Analisis Pinapakita dito na pagkatapos ng 300 taon ay sa

wakas di na natiis ng Pilipinas ang mga pagpapahirap ng Inang Espanya

Naghuhudyat din ng galit at poot dahil sa lahat ng mga kapabayaan ng Inang Espanya

Ito’y magpapaalab ng damdamin ng mga Pilipino para sa kanilang bayan

Naghuhudyat ng pagsiklab ng isang rebolusyon

Page 32: Tatlong tula sa hibik ng pilipinas fil presentation

Di pa daw tapos ang tulang iyon ni Andres kaya’t sa Hibik ng Pilipinas (1932) ni Leandro A. Diazon kaya’t sa isang bersyon nito ay may idinagdag na pambungad:

Kung tawagin ako’y Perlas ng dagat ng Silanganan,ngunit ako’y parang ibong nakapiit sa kulungan;kung sabihin ay sagana sa lahat ng kailangannguni’t salat sa paglayang pangarap ko habang araw;ang lupain ko’y malawak, sagana sa kayamanan,nguni’t ako’y suno lamang sa sarili kong tahanan.

Page 33: Tatlong tula sa hibik ng pilipinas fil presentation

Andres Bonifacio Isa sa mga pinuno ng Katipunan Ilan sa sinulat “Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog” Ang kanyang “Katapusang Hibik ng

Pilipinas” ay epektibong nagpagising ng damdamin sa maraming Pilipino

Inisulat ito ni Andres nang tapat sa kanyang damdaming tulad ng damdamin ng mga karaniwang Pilipinong tulad niya

Page 34: Tatlong tula sa hibik ng pilipinas fil presentation

Kabuuan Hibik ng Pilipinas sa Espanya

pinahayag ang mga abuso sa loob ng bansa Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas

Inilahad ang mga dapat pangako ng Espanya

Katapusang Hibik ng Pilipinas Pinapakita naman dito ang pagkaubos ng

pasensya ng Pilipinas at ang pag-aalab ng damdamin nito para sa kalayaan