"superman" - maychelle inte

3
"SUPERMAN " Ni: Maychelle C. Inte Nanonood lamang si Cora ng telebisyon. Titig na titig ito sa pinapapanood. "Superman na naman?" ani ng kanyang ina. Simula't pagkabata superman na ang kinahihiligan ni Cora . Napangiti na lamang si Cora sa kanyang ina. "di ka ba nagsasawang tingnan iyan?". umiling na lamang si Cora sa pagsagot na "hindi po". Naalala niya tuloy nong bata pa sya. Palagi nyang kinukulit ang kanyang kuya del sa pagtatanong ." Kuya ba't may taglay'ng kapangyarihan si superman?ba't siya lumilipad? bakit ako wala?paglaki ko po ba magkakaro0n din ako ng kapangyarihan na tulad ni superman? totoo po ba si superman?' Napahinto ang kuya del nya sa pagbabasa . nakatingin lamang ito sa bunsong kapatid na si Cora na kanina pa kinukulit sa pagtatanong. "halika nga Cora lumapit ka nga sa kuya del mo' sabay upo sa dalawang paa nito. Alam mo Cora di totoong may superman itoy kathang isip lamang nang gumagawa nito.Ba't mo naman na tanong iyan? napangiti si Cora at. kasi kuya si superman sya yong tagapagtanggol sa mga tao na humihingi ng tulong sa kanya' ani ni Cora.. Gusto po kasing ipagtanggol nya aku sa kaklase ko na palagi lang akong inaaway at kinukutya. Gusto ko may superman ako sa buhay ko". dagdag nya ni to na may halong pag asa na magkakaroon ng isang superman. Napangiti na lamang ang kuya del niya sa sagot niya.at kitang kita sa mga mata nito ang luhang pumapatak sa mga pisngi nito. Naawa sya sa kapatid nito."Cora,bunso? ba't ka na naman maghahanap ng superman e nandito naman ang Kuya Del mo" ani nito na may halong ngiti sa mga labi. Napangiti si Cora na may halong pagtataka "sabi mo di totoo si superman?" Natawa ang kanyang kuya del sa sinabi nya at..." di totoo si superman pero si kuya Del mo ang magiging totoong superman sa buhay nang bunso kong makulit". Agad napayakap si Cora sa kanyang kuya del. Kitang kita sa mga mata nito ang saya at tuwa. "salamat kuya" Simula nong araw na iyon ang kanyang kuya del na niya ang naging Superman. Kapag inaaway o kinukutya si Cora agad naman magsusumbong ito sa kanyang Superman na si Kuya Del at agad namang dumadating ang kuya del niya. Lumaki sya't katabi ang kanyang kuya del."kuya pagtanda mo magiging superman pa rin po ba kayo sa akin? ani nito.

Upload: university-student-council-molave

Post on 13-Apr-2017

65 views

Category:

Education


3 download

TRANSCRIPT

Page 1: "Superman" - Maychelle Inte

"SUPERMAN "Ni: Maychelle C. Inte

Nanonood lamang si Cora ng telebisyon. Titig na titig ito sa pinapapanood. "Superman na naman?" ani ng kanyang ina.

Simula't pagkabata superman na ang kinahihiligan ni Cora .

Napangiti na lamang si Cora sa kanyang ina. "di ka ba nagsasawang tingnan iyan?". umiling na lamang si Cora sa pagsagot na "hindi po".

Naalala niya tuloy nong bata pa sya. Palagi nyang kinukulit ang kanyang kuya del sa pagtatanong

." Kuya ba't may taglay'ng kapangyarihan si superman?ba't siya lumilipad? bakit ako wala?paglaki ko po ba magkakaro0n din ako ng kapangyarihan na tulad ni superman? totoo po ba si superman?'

Napahinto ang kuya del nya sa pagbabasa . nakatingin lamang ito sa bunsong kapatid na si Cora na kanina pa kinukulit sa pagtatanong.

"halika nga Cora lumapit ka nga sa kuya del mo' sabay upo sa dalawang paa nito.

Alam mo Cora di totoong may superman itoy kathang isip lamang nang gumagawa nito.Ba't mo naman na tanong iyan? napangiti si Cora at.

kasi kuya si superman sya yong tagapagtanggol sa mga tao na humihingi ng tulong sa kanya' ani ni Cora..

Gusto po kasing ipagtanggol nya aku sa kaklase ko na palagi lang akong inaaway at kinukutya. Gusto ko may superman ako sa buhay ko". dagdag nya ni to na may halong pag asa na magkakaroon ng isang superman.

Napangiti na lamang ang kuya del niya sa sagot niya.at kitang kita sa mga mata nito ang luhang pumapatak sa mga pisngi nito.

Naawa sya sa kapatid nito."Cora,bunso? ba't ka na naman maghahanap ng superman e nandito naman ang Kuya Del mo" ani nito na may halong ngiti sa mga labi.

Napangiti si Cora na may halong pagtataka "sabi mo di totoo si superman?" Natawa ang kanyang kuya del sa sinabi nya at..." di totoo si superman pero si kuya Del mo ang magiging totoong superman sa buhay nang bunso kong makulit".

Agad napayakap si Cora sa kanyang kuya del. Kitang kita sa mga mata nito ang saya at tuwa.

"salamat kuya"

Simula nong araw na iyon ang kanyang kuya del na niya ang naging Superman.

Kapag inaaway o kinukutya si Cora agad naman magsusumbong ito sa kanyang Superman na si Kuya Del at agad namang dumadating ang kuya del niya.

Lumaki sya't katabi ang kanyang kuya del."kuya pagtanda mo magiging superman pa rin po ba kayo sa akin? ani nito.

"oo naman kapatid kaya kita".

Pagtanda mo kuya aku naman ang tatanggol sayo" ani ni Cora.napangiti na lamang sang kanyang kuya del sa kanya.

Page 2: "Superman" - Maychelle Inte

Lumapit ito sa kanya at agad na pinisil ang dalawang pisngi nito at don naghahabulan ang dalawang magkakapatid hanggang sa napahinto na lamang ang kanyang kuya del nya na namumutla.

"kuya ba't ka huminto???

kuya? ba"t ka namumutla?

anong nangyari sayo??. Sunod sunod na pagtatanong ni Cora.

Di niya alam ang kanyang gagawin sa mga sandaling nahimatay ang kanyang kuya del.

Aalalang-alala sya nito. Agad namang dinala ito sa hospital pati magulang nila di alam ang gagawin sa nalamang pagkahimatay nang anak nila.

May tinatago palang sakit si Del na di alam nang lahat.

Tanging sya lamang ang nakakaalam dahil ayaw nyang mag alala ang lahat sa kanya lalong lalo na sa kanyang pinakamamahal na bunsong kapatid na si Cora.

Nasa Stage 4 na ang sakit nito

.Wala nang pag asang gagaling ang sakit niya.

Habang hinihintay na magising ang kanyang kuya del kinausap niya ito na may halong inis at alala sa kanya.

"kuya ang daya mo! ba't di mo sinabi sa akin na may sakit ka pala.?! Nainis ako sayo! ani nito na humihingos sa pag iyak.

Alalang-alaal ako sayo kuya.!Pano nalang kung wala kana? Sino ang magtatanggol sa akin?.Sana matulungan lang man din kita! Naipagtanggol sa sakit mo.

Panay patak ang luha ni Cora sa mga sandaling iyon hanggang syay nakatulog habang yakap nito ang mga braso nang kanyang kuya del.

Nagising ang kanyang Kuya del.

Agad nyang hinanap ang bunsong kapatid.

May namumuong luha sa kanyang mga mata.."pasensya na Cora kung ba't di ko sinabi sa inyo ang karamdaman ko. ayaw ko lang kasing mag alala kayo sa akin nang magulang natin lalong lalo na sayo.ani nito na hirap a pagsasalita at paghihinga.

"Huwag kang mag alala kahit wala na si Superman mo babantayan pa rin kita Cora.Sabay hagud sa mga buhok nito.Patuloy pa ring umaagos ang mga luhang ayaw mapigil.

Bago nalagutan nang hininga ang kanyang kuya del may bilin naman itong sulat

"HUWAG KANG MAG-ALALA CORA ,SUPERMAN MO PARIN ANG KUYA DEL MO". ito ang huling paalam nang kanyang kuya del na kahit sa huling paggising nalamang nya ay di nya naabutang buhay pa ito..

Sakit at poot ang naranasan ni Cora sa panahong iyon.. Ang kuya nya na syang tagapagtanggol sa kanya ay wala na. na syang naging SUPERMAN nya.Tanging alaala na lamang ng kanyang Kuya del ang natira sa kanya.

Name:Maychelle C. Inte BSED 3-BONIFACIO