sing to jehovah 2009 tagalog

139
001 Ang mga Katangian ni Jehova (Apocalipsis 4:11) 1. Jehovang Diyos, may kalakasan, Buhay at kaliwanaga’y laan. Sangnilalang mo ay naghahayag. Sa ’yong Araw matatanyag. 2. Luklukan mo ay katarungan. Nahahayag ang iyong katwiran. ’Pag sa Salita mo ay bumaling, Dunong mo’y lalong maningning. 3. Pag-ibig mo’y lalong dakila. Kaloob mo ay walang kapara. Ang pangalan mo at katangian, Parangalan, papurihan. (Tingnan din ang Awit 36:9; 145:6-13; Sant. 1:17.)

Upload: lac118

Post on 18-Nov-2014

2.398 views

Category:

Documents


14 download

DESCRIPTION

The new song book of Jehovah's Witnesses (2009) in Tagalog language.

TRANSCRIPT

Page 1: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

001 Ang mga Katangian ni Jehova

(Apocalipsis 4:11)

1. Jehovang Diyos, may kalakasan, Buhay at kaliwanaga’y laan.

Sangnilalang mo ay naghahayag. Sa ’yong Araw matatanyag.

2. Luklukan mo ay katarungan. Nahahayag ang iyong katwiran. ’Pag sa Salita mo ay bumaling,

Dunong mo’y lalong maningning.

3. Pag-ibig mo’y lalong dakila. Kaloob mo ay walang kapara.

Ang pangalan mo at katangian, Parangalan, papurihan.

(Tingnan din ang Awit 36:9; 145:6-13; Sant. 1:17.)

Page 2: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

002 Salamat, Jehova

(1 Tesalonica 5:18)

1 Salamat, Jehova, sa araw-araw, Sa ami'y sumikat ang 'yong tanglaw.

Salamat sa kaloob na dalangin, Naidudulog bawat hinaing.

2 Salamat, Jehova, sa 'yong pag-ibig,

Anak mo, sanlibuta'y dinaig. Salamat sa tulong upang maganap,

Panata namin nang buong sikap.

3 Salamat, Jehova, sa karangalan Na ipangaral ang 'yong pangalan.

Salamat at pagdurusa'y lilipas, Kaharian mo'y 'di magwawakas.

(Tingnan din ang Awit 50:14; 95:2; 147:7; Col.3:15.)

Page 3: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

003 “Ang Diyos ay Pag-ibig”

(1 Juan 4:7,8)

1 Si Jehova ay pag-ibig, Tayo'y inanyayahan,

'Lumakad kasama ko at Ibigin aking daan.'

Kung ibigin Diyos at kapwa, Sa ati'y makikita.

Ang tulad-Kristong pag-ibig, Laging mananagana.

2 Udyok ng pag-ibig sa Diyos

At katotohanan din, Nagpapakilos sa atin

Na ang kapwa'y ibigin. Ang pag-ibig ay dalisay,

Lahat ay binabata. Kapatid ating ibigin Nang ibigin din nila.

3 Huwag sanang tampo sa kapwa'y

Manaig sa damdamin. 'Pag sa Diyos tayo'y umasa

Ituturo niya sa 'tin; Pag-ibig sa Diyos at kapwa,

Ang tunay na pag-ibig. Lagi nawang ipakita, Magiliw na pag-ibig.

(Tingnan din ang Mar. 12:30, 31; 1 Cor. 12:31-13:8; 1 Juan 3:23.)

Page 4: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

004 Gumawa ng Mabuting Pangalan sa Diyos

(Eclesiastes 7:1)

1 Sa buong buhay, Sikaping gumawa Kay Jehovang Diyos ng ngalang maganda.

Kung utos niya'y sundin, mat'wid ay gagawin, Tayo ay kanyang mamahalin.

2 Kung sa mundo ay nais maging tanyag

At magkaro'n ng pangalang marilag, Walang kabuluhan, kung dito'y pumisan,

Pabor ng Diyos 'di makakamtan.

3 Sa aklat ng Diyos ng alaala niya, Pangalan natin nawa'y mapatala.

Siya ay panaligan, mabuting pangalan Ingatan nating walang hanggan.

(Tingnan din ang Gen.11:4; Kaw.22:1; Mal.3:15; Apoc. 20:15.)

Page 5: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

005 Si Kristong Huwaran Natin

(Roma 5:8)

1 Ang pag-ibig ng Diyos, dakila at lubos, Nang ang anak niya'y ibigay sa atin. Si Kristo'y tinapay, sa tao'y 'binigay, Upang ang buhay makamtan natin.

2 'Tinuro ni Jesus, Panalangin sa Diyos;

'O ang pangalan mo'y pakabanalin. Kaharian mo nawa, Magpuno sa lupa,

Araw-araw ay bigyang pagkain.'

3 Ang katotohanang 'tinuro ni Jesus Nagdulot kaaliwan sa tupa niya.

Mangaral palagi, ihasik ang binhi, Upang umani ng pagpapala.

(Tingnan din ang Mat.6:9-11; Juan 3:16; 6:31-51; Efe. 5:2.)

Page 6: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

006 Ang Panalangin ng Lingkod ng Diyos

(Efeso 6:18)

1 Jehovang Diyos na Ama namin, Dakilang ngalan mo ay sambahin. Ang awa mo ay walang hanggan,

Tapat ka magkailanman. Tapat magpakailanman,

Awa mo'y walang hanggan.

2 Puso namin ay 'yong punuin Ng kaluguran sa 'yong gawain. Susundin namin ang utos mo,

Hanapi't pakanin tupa mo. Pakanin ang tupa mo, Susundin ang utos mo.

3 Karunungan ang hiling namin, At pag-ibig, puso ay puspusin.

Awa nawa'y maipakita, Lahat tulungang kilanlin ka.

Tulungang kilanlin ka, Awa ay ipakita.

(Tingnan din ang Awit 143:10; Juan 21:15-17; Sant. 1:5.)

Page 7: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

007 Kristiyanong Pag-aalay

(Hebreo 10:7,9)

1 Yamang likha ni Jehova Buong uniberso,

Sa kanya ang lupa't langit, Gawa nga niya ito.

Ang kaloob niya na buhay Isang katunayan

Na siya'y nararapat sambahin, At laging parangalan.

2 Si Jesus nagpabautismo,

Katwira'y nilubos. Nanalanging tutuparin,

Kalooban ng Diyos. Nang sa Jordan siya'y umahon

Bilang pinahiran, Sa Diyos siya ay itinalaga,

Tapat maglilingkuran.

3 Narito kami Jehova, Handa na ang buhay, Aming sarili'y 'tinakwil,

Sa iyo inialay. Tanging Anak mo'y sinugo,

Nagbayad ng buhay. Sa 'min ang may-ari ay ikaw,

Mabuhay ma't mamatay.

(Tingnan din ang Mat.16:24; Mar. 8:34; Luc. 9:23.)

Page 8: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

008 Ang Hapunan ng Panginoon

(Mateo 26:26-30)

1 Jehovah, Amang nasa langit, Ito ay gabing binanal!

Ikalabing-apat, buwan noon ng Nisan, Pag-ibig mo ay natanghal.

Kordero ng Paskuwa'y kinain, Ang Israel pinalaya.

Nang maglaon, buhay ni Kristo'y 'nihandog, Bilang katuparan ng hula.

2 Sa harap mo kami'y nagtipon,

Bilang tupa ng 'yong kawan, Upang purihin ka sa iyong pag-ibig,

At ngalan mo'y parangalan. Memoryal ay laging bulayin

Sa ting puso't isipan. Araw-araw lumakad sa d'an ni Jesus,

Nang mabuhay magpakailanman.

(Tingnan din ang Luc. 22:14-20; 1 Cor. 11:23-26.)

Page 9: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

009 Purihin si Jehova na Ating Diyos!

(Awit 145:12)

1. Purihin si Jehovang Diyos! Ang pangalan niya’y itanyag! Humiyaw! ’Pagkat araw niya ay malapit na, magbabala!

Itinalaga ng Diyos na ngayo’y Maghahari Panganay niya.

Ibalita sa madla na ang Diyos May dulot na pagpapala!

(KORO)

Purihin si Jehovang Diyos! Kadakilaan niya’y ihayag!

2. Purihin si Jehovang Diyos!

Ibunyi natin ngalan niya! Umawit Nang mataginting, ihayag kal’walhatian niya. Bagama’t dakila siyang

Maylalang, Mapagpakumbaba rin siya. Maibigin, mabait, may awa Dalangin ay diringgin niya.

(KORO)

Purihin si Jehovang Diyos! Kadakilaan niya’y ihayag!

(Tingnan din ang Awit 89:27; 105:1; Jer. 33:11.)

Page 10: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

010 “Narito Ako! Isugo Mo Ako”

(Isaias 6:8)

1. Mga tao’y nanlilibak, Ngalan ng Diyos hinahamak. Diyos daw ay may kalupitan.

“Walang Diyos!” sabi ng mangmang. Sino ang magpapabanal

Sa ngalang winalang-dangal? “Narito ako’y suguin.

Papuri ay aawitin.

(KORO) Wala nang higit pang gawain.

Diyos, ako ang suguin.”

2. Siya’y mabagal sabi nila; Takot sa Diyos ’di kilala.

Yaring bato ang diyos nila; Si Cesar ma’y sinasamba. Sinong magbibigay-alam

Sa pangwakas na digmaan? “Narito ako’y suguin.

Walang takot sasabihin.

(KORO) Wala nang higit pang gawain.

Diyos, ako ang suguin.”

3. Maaamo’y nahahapis, Kasamaa’y lumalabis.

Ibig nilang masumpungan, Tunay na kapayapaan.

Sinong hahayo’t maghatid Ng kaaliwan sa matwid?

“Narito ako’y suguin. Maaamo’y aakayin.

(KORO)

Wala nang higit pang gawain. Diyos, ako ang suguin.”

(Tingnan din ang Awit 10:4; Ezek. 9:4.)

Page 11: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

011 Pinasasaya ang Puso ni Jehova

(Kawikaan 27:11)

1. O Diyos, ikaw ay susundin; Gawain mo’y gaganapin. Magiging bahagi namin, Puso mo ay pasayahin.

2. Katiwala mo sa lupa, ’Nihahayag kang dakila, Naglalaan ng pagkain,

Nang may sigla sa gawain.

3. Kami’y bigyan mo ng lakas, Nang ’di kami madupilas, At nang mapapurihan ka, Puso mo ay mapasaya.

(Tingnan din ang Mat. 24:45-47; Luc. 11:13; 22:42.)

Page 12: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

012 Ang Buhay na Walang Hanggan ay Ipinangako

(Awit 37:29)

1. Ipinangako sa atin,

Buhay na walang hanggan. Maamo’y mananatili Sa lupa’y tatahan.

(KORO)

Walang-hanggang buhay, Pagsikapang tunay. Tapat ang pangako,

’Di mabibigo.

2. Matatamo kasakdalan; Lahat mapapalaya.

Sa patnubay ni Jehova, Lupa ay payapa.

(KORO)

Walang-hanggang buhay, Pagsikapang tunay. Tapat ang pangako,

’Di mabibigo.

3. Sa pagkabuhay-muli ang Lungkot ay papawiin. Sa pag-ibig ni Jehova,

Luha’y papahirin.

(KORO) Walang-hanggang buhay,

Pagsikapang tunay. Tapat ang pangako,

’Di mabibigo.

(Tingnan din ang Isa. 25:8; Luc. 23:43; Juan 11:25; Apoc. 21:4.)

Page 13: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

013 Isang Panalangin ng Pasasalamat

(Awit 95:2)

1. Mapagpalang Jehova purihin, Nawa, O Diyos, tinig nami’y dinggin.

Dinirinig mo aming dalangin, ’Nalig kami sa iyong pagtingin. Mahina kami’t nagkukulang din; Dalangin namin ay paumanhin. Tinubos ng dugo ng Anak mo. Hangad namin sa iyo paturo.

2. Maligaya ang inanyayahan

Sa ’yong looban upang turuan. Salita mo sa ami’y ilawan.

Nais namin templo mo’y tahanan. Dakila ang ’yong kapangyarihan, Pinatitibay mo ang ’yong bayan. Pumuri sa Diyos ng kaligtasan,

At ipangaral ang Kaharian.

3. Sa lingap mo ligaya’y sagana; Sa buong lupa pupurihin ka.

Kabutihan putong ng Kaharian, Wala nang luha at kamatayan. Mapaparam na ang kasamaan; Aawit ang buong sangnilalang. Sa tagumpay ay ating awitin:

“Purihin si Jehovang Diyos natin!”

(Tingnan din ang Awit 65:2, 4, 11; Fil. 4:6.)

Page 14: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

014 Lahat ng Bagay ay Ginagawang Bago

(Apocalipsis 21:1-5)

1. Nagbabadya ang tanda ng panahon, Nakaluklok na ang Panginoon. Sa langit natapos ang digmaan, Sa lupa katwiran ang tatahan.

(KORO)

Matuwa! Ang Diyos tumatahan Mismo sa sangkatauhan.

Wala nang luha’t kahirapan, Maaalis ang kamatayan;

Sabi ng Diyos: ‘Babaguhing lahat.’ Ang salita niya’y tapat.

2. Ang Bagong Jerusalem ay pagmasdan,

Si Kristo ang kanyang kasintahan. Nagagayakan, lubhang maganda,

Tanging si Jehova ang tanglaw niya.

(KORO) Matuwa! Ang Diyos tumatahan

Mismo sa sangkatauhan. Wala nang luha’t kahirapan,

Maaalis ang kamatayan; Sabi ng Diyos: ‘Babaguhing lahat.’

Ang salita niya’y tapat.

3. Lunsod na ito’y kagila-gilalas. Pinto niya ay laging nakabukas.

Bansa’y tatanggap ng liwanag niya; Ang sinag nito ay ipakita.

(KORO)

Matuwa! Ang Diyos tumatahan Mismo sa sangkatauhan.

Wala nang luha’t kahirapan, Maaalis ang kamatayan;

Sabi ng Diyos: ‘Babaguhing lahat.’ Ang salita niya’y tapat.

(Tingnan din ang Mat. 16:3; Apoc. 12:7-9; 21:23-25.)

Page 15: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

015 Sangnilalang—Lumuluwalhati kay Jehova

(Awit 19)

1. O Diyos, batid ng aking kalul’wa. L’walhati mo bituin nagbabadya. Gabi’t araw kahit walang tinig,

Kaalaman ay ’pinaririnig. Gabi’t araw kahit walang tinig,

Kaalaman ay ’pinaririnig.

2. Araw, buwan, at mga bituing likha, Karagatang may hangganang takda. Kapag langit mo’y aming namasdan,

Ano’t tao’y pinahalagahan? Kapag langit mo’y aming namasdan,

Ano’t tao’y pinahalagahan?

3. Batas mo’y sakdal; utos mo’y tunay. Paalaala mo’y ibinigay.

Higit pa sa gintong dinalisay, Nawa’y lagi naming maging gabay.

Higit pa sa gintong dinalisay, Nawa’y lagi naming maging gabay.

(Tingnan din ang Awit 12:6; 89:7; 144:3; Roma 1:20.)

Page 16: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

016 Tumakas Tungo sa Kaharian ng Diyos!

(Zefanias 2:3)

1. O maaamo, si Jah ay hanapin; Hanapi’y katwira’t kaamuan.

Baka sakaling d’on sa Armagedon Kayo ay kanyang ingatan.

(KORO)

Tumakas sa Kaharian ng Diyos; ’Yan ang ating panigan.

Naroo’y kanlungan at pagpapala; Utos niya ay gampanan.

2. Halikayong uhaw sa katarungan;

Bakit patuloy na malulumbay? Mang-aapi ay atin nang takasan,

At kay Kristo ka paakay.

(KORO) Tumakas sa Kaharian ng Diyos;

’Yan ang ating panigan. Naroo’y kanlungan at pagpapala;

Utos niya ay gampanan.

3. Itaas ang ulo sa kagalakan; Naririto na ang Kaharian!

Tanggapin sa Diyos ang kaliwanagan, Siya lamang ang katakutan!

(KORO)

Tumakas sa Kaharian ng Diyos; ’Yan ang ating panigan.

Naroo’y kanlungan at pagpapala; Utos niya ay gampanan.

(Tingnan din ang Awit 59:16; Kaw. 18:10; 1 Cor. 16:13.)

Page 17: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

017 Sulong, mga Saksi!

(Lucas 16:16)

1. Determinado ngayong kawakasan, Handang mga lingkod balita’y ingatan.

Ang Diyablo man ay lumalaban, Lakas ng Diyos ating inaasahan.

(KORO)

O sulong mga Saksing totoong tapat! Ang gawai’y ikagalak ninyong lahat! Sabihing ang paraiso’y malapit na,

Pagpapala nito’y darating na.

2. Kawal ni Jah ay laging nagsisikap; Ang sanlibutan ay hindi niyayakap.

Sila ay hindi nadungisan, Katapata’y laging iniingatan.

(KORO)

O sulong mga Saksing totoong tapat! Ang gawai’y ikagalak ninyong lahat! Sabihing ang paraiso’y malapit na,

Pagpapala nito’y darating na.

3. Hinamak pag-asa ng Kaharian; Dakilang ngalan ng Diyos sinisiraan.

Pakabanalin at ibunyi, Sa lahat ng bansa at mga lahi.

(KORO)

O sulong mga Saksing totoong tapat! Ang gawai’y ikagalak ninyong lahat! Sabihing ang paraiso’y malapit na,

Pagpapala nito’y darating na.

(Tingnan din ang Fil. 1:7; 2 Tim. 2:3, 4; Sant. 1:27.)

Page 18: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

018 Ang Matapat na Pag-ibig ng Diyos

(Isaias 55:1-3)

1. Ang Diyos ay pag-ibig. Sa atin ay umaantig.

Dahil sa kanyang pagsinta, Pantubos inilaan niya,

Upang matamo katwiran, At buhay na walang hanggan.

(KORO)

O kayong nauuhaw, Mayro’ng tubig ng buhay.

Halina’t inyong tikman, Pag-ibig niyang tunay.

2. Ang Diyos ay pag-ibig. Tayo ay may pananalig. Pag-ibig ay itinampok,

Nang si Kristo’y iniluklok. Tinupad ang kanyang tipan,

Narito na ang Kaharian.

(KORO) O kayong nauuhaw,

Mayro’ng tubig ng buhay. Halina’t inyong tikman, Pag-ibig niyang tunay.

3. Ang Diyos ay pag-ibig. Sa kanya tayo’y pumanig. Ang maaamo’y tulungang

Katwiran ay masumpungan. Sa lahat ng makikinig,

Kaaliwa’y ipabatid.

(KORO) O kayong nauuhaw,

Mayro’ng tubig ng buhay. Halina’t inyong tikman, Pag-ibig niyang tunay.

(Tingnan din ang Awit 33:5; 57:10; Efe. 1:7.)

Page 19: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

019 Paraisong Pangako ng Diyos

(Lucas 23:43)

1. Paraisong Diyos ang naglaan, Sa Milenyo ng Kaharian,

Wala na r’on ang kasalanan, Hapdi, luha’t kamatayan.

(KORO)

Buong lupa’y paraiso. Sa ’ting puso natatanto. Tutupdin ni Jesu-Kristo, Masunurin siyang totoo.

2. Sa lupa, Diyos ay mayro’ng layon,

Mga patay ay babangon. Ang pangako ni Jesu-Kristo,

‘Tayo na sa Paraiso.’

(KORO) Buong lupa’y paraiso.

Sa ’ting puso natatanto. Tutupdin ni Jesu-Kristo, Masunurin siyang totoo.

3. Ang nangako ng Paraiso Ngayo’y Hari na ng mundo.

Salamat sa Diyos na Jehova, Mag-awitan, purihin siya.

(KORO)

Buong lupa’y paraiso. Sa ’ting puso natatanto. Tutupdin ni Jesu-Kristo, Masunurin siyang totoo.

(Tingnan din ang Mat. 5:5; 6:10; Juan 5:28, 29.)

Page 20: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

020 Pagpalain ang Aming Pagtitipong Sama-sama

(Hebreo 10:24, 25)

1. Kami po ay pagpalain, Aming Diyos na Jehova.

Salamat sa pagtitipon; Basbasan mo po sana.

2. Sa banal mong Salita, Diyos, Pagsamba’y dalisayin. Sa pangangaral sanayin, Isip at puso namin.

3. Pagpalain aming pulong, Nang kami’y magkaisa.

Amin kang dadakilain, Soberanong Jehova.

(Tingnan din ang Awit 22:22; 34:3; Isa. 50:4.)

Page 21: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

021 Maligaya ang mga Maawain!

(Mateo 5:7)

1. Maawai’y maligaya! Sa Diyos sila ay maganda.

At kanilang sasabihin Sa matwid: ‘Diyos, may awa rin.’

Kay Jesus, Diyos ay naglaan, Ukol sa ’ting katubusan. Maamo’y kinahabagan,

Batid niyang alabok lamang.

2. Maawai’y binasbasan; Pinawi ang kasalanan. Nakikinabang sa awa,

Na sa Diyos ay nagmumula. Kaawaa’y itatanghal

Sa gawaing pangangaral. Lahat pinagsasabihan:

“Narito na ang Kaharian.”

3. Maawai’y huwag mangamba ’Pag naghukom si Jehova. Yamang sila’y maawain,

Habag ay makakamtan din. Tayo’y maging maawain,

Palagi nating linangin. Sa bawat pagkakataon, Tularan ang Panginoon.

(Tingnan din ang Luc. 6:36; Roma 12:8; Sant. 2:13.)

Page 22: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

022 “Si Jehova ang Aking Pastol”

(Awit 23)

1. Aking Pastol si Jehova; Bakit pa matatakot?

Siyang sa tupa ay kumukupkop Wala siyang nalilimot. Sa batis ako’y inakay, Kalul’wa ko’y binuhay.

Dahil sa kaniyang pangalan, Hakbang ko’y may patnubay. Dahil sa kaniyang pangalan, Hakbang ko’y may patnubay.

2. At sa libis ng karimlan,

Takot ’di alintana. Dakilang Pastol ay kapiling;

Wala akong pangamba. Ulo ko’y pinapahiran; Kopa ko’y sinisidlan.

Sa bahay niya ako’y tatahan, Magpakailan pa man.

Sa bahay niya ako’y tatahan, Magpakailan pa man.

3. Pastol ko ay maibigin!

Papuri’y aawitin. Pag-aalaga niyang magiliw

Sa tupa’y sasabihin. Utos niya’y aking tutupdin,

Daan niya ay susundin. Pribilehiyong siya’y paglingkuran,

Araw-araw gagawin. Pribilehiyong siya’y paglingkuran,

Araw-araw gagawin.

(Tingnan din ang Awit 28:9; 80:1.)

Page 23: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

023 Si Jehova, ang Ating Lakas

(Isaias 12:2)

1. O Diyos na Jehovang aming lakas. Ikaw ang aming Tagapagligtas.

Kami’y mga Saksing nagbabansag, Pakinggan o hindi paghahayag.

(KORO)

Jehova, ikaw ang aming moog, Ngalan mo’y aming ’binabantog. O Jehovang Makapangyarihan,

Ikaw ang kanlungan at Bantayan.

2. Nagagalak kami sa liwanag; Katotohanan ngayo’y suminag.

Sinisiyasat ang Kasulatan; Panig kami sa ’yong Kaharian.

(KORO)

Jehova, ikaw ang aming moog, Ngalan mo’y aming ’binabantog. O Jehovang Makapangyarihan,

Ikaw ang kanlungan at Bantayan.

3. Aming ginagawa ang nais mo, Kahit na manlibak pa ang Diyablo.

Buhay ma’y paslangin, tulungan mo, Ika’y maging aming Soberano.

(KORO)

Jehova, ikaw ang aming moog, Ngalan mo’y aming ’binabantog. O Jehovang Makapangyarihan,

Ikaw ang kanlungan at Bantayan.

(Tingnan din ang 2 Sam. 22:3; Awit 18:2; Isa. 43:12.)

Page 24: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

024 Tumitig sa Gantimpala!

(2 Corinto 4:18)

1. ’Pag ang bulag nakakita, Bingi’y nakaririnig na,

’Pag namulaklak ang ilang, Tubig aagos sa parang.

’Pag lumukso na ang pilay, Wala na ring mamamatay, Gayong buhay makikita, Tumitig sa gantimpala.

2. ’Pag ang pipi’y nagsalita, At matanda’y naging bata,

’Pag ang lupa’y namumunga, Kabutiha’y sasagana. Awitan ng mga bata,

Payapa ang buong lupa, At ang patay babangon nga,

Tumitig sa gantimpala.

3. ’Pag ang lobo’t mga tupa, Oso’t guya’y sama-sama, Ang aakay, isang bata,

Sa tawag niya’y tatalima. ’Pag ang luha ay napawi, Wala na ring kirot, hapdi,

Laan ito ng Maylikha, Tumitig sa gantimpala.

(Tingnan din ang Isa. 11:6-9; 35:5-7; Juan 11:24.)

Page 25: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

025 Katunayan ng Pagkaalagad

(Juan 13:34, 35)

1. May utos na dapat ngang sundin Bilang Kristiyanong taimtim. Iyan ay buhat sa kalangitan, Tulad-Kristong katangian. Dahil sa pag-ibig ni Kristo,

Nagdusa para sa tao. Kung tutularan halimbawa niya,

Tayo’y mga Kristiyano nga.

2. Pag-ibig na ’di nagmamaliw, Mahihina’y inaaliw.

Utang itong dapat bayaran; Maglingkod may kaluguran.

Dito lang nga masusumpungan Tunay na magkakaibigan.

Ito’y matibay na bigkis natin; Daan ng pag-ibig sundin.

(Tingnan din ang Roma 13:8; 1 Cor. 13:8; Sant. 2:8; 1 Juan 4:10, 11.)

Page 26: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

026 O Lumakad na Kasama ng Diyos!

(Mikas 6:8)

1. O lumakad na kasama Ng Diyos sa kahinhinan.

Maging tapat kasama niya; Siya’y ’yong kalakasan. Kumapit sa salita niya,

’Di ka masisinsay; Katulad ng munting bata,

Sa Diyos ka paakay.

2. O lumakad na kasama Ng Diyos sa kalinisan.

Huwag magbalik; sumulong ka, Upang sang-ayunan.

At kung alin ang dalisay At kaibig-ibig,

Isipin mo’t nang tumibay, Sa Diyos ka manalig.

3. O lumakad na kasama Ng Diyos sa katapatan. Kasiyaha’t pagpapala, Inyong makakamtan.

Sa Diyos makialinsabay, Siya ay papurihan.

Ang kagalakan na tunay, Dulot ng Kaharian.

(Tingnan din ang Gen. 5:24; 6:9; Fil. 4:8; 1 Tim. 6:6-8.)

Page 27: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

027 Pumanig kay Jehova! (Exodo 32:26)

1. Puso no’ng una’y may kaguluhan,

Pagsambang huwad ang kopang inuman; Ngunit ngayo’y may kaligayahan

Dahil sa Kaharian.

(KORO) Panig kay Jehova; Siya’ng kagalakan. ’Di ka niya iiwan;

Tanglaw niya’y sundan. Ating ibalitang Ang Kaharian

Ay laging susulong Nang walang hanggan.

2. Tayo’y maglingkuran sa ating Diyos,

Katotohanan niya’y ipatalos, Kagalingan niya’y sabihing lubos,

Papuri ay ihandog.

(KORO) Panig kay Jehova; Siya’ng kagalakan. ’Di ka niya iiwan;

Tanglaw niya’y sundan. Ating ibalitang Ang Kaharian

Ay laging susulong Nang walang hanggan.

3. Diyablo’y ’di natin katatakutan, ’Pagkat si Jehova ang kanlungan.

Sila’y marami’t tayo’y iilan, Diyos ating kalakasan.

(KORO)

Panig kay Jehova; Siya’ng kagalakan. ’Di ka niya iiwan;

Tanglaw niya’y sundan. Ating ibalitang Ang Kaharian

Ay laging susulong Nang walang hanggan.

(Tingnan din ang Awit 94:14; Kaw. 3:5, 6; Heb. 13:5.)

Page 28: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

028 Ang Bagong Awit

(Awit 98)

1. Tayo’y umawit Ng bagong awit sa ’ting Diyos Tungkol sa gawa niya Na dakilang lubos.

Papurihan din Tagumpay ng kanyang bisig. Ang matwid niyang hatol Ay ’di madaraig.

(KORO) Umawit!

Siya’y ating ibunyi! Umawit!

Si Jehova’y Hari.

2. Magalak kayo Kay Jehovang Diyos at Hari! Parangalan natin Ngalan niya’t magpuri. Ang Panginoon, Inyong purihin sa madla.

Tugtugin ang alpa, Tambuli’t trumpeta.

(KORO) Umawit!

Siya’y ating ibunyi! Umawit!

Si Jehova’y Hari.

3. Ang karagatan, Lahat doon ay magpuri. Mga nasa lupa, Lahat ay magbunyi. Magpakasaya Ang lupai’t mga agos,

Mga kabundukan, Umawit nang lubos.

(KORO) Umawit!

Siya’y ating ibunyi! Umawit!

Si Jehova’y Hari.

(Tingnan din ang Awit 96:1; 149:1; Isa. 42:10.)

Page 29: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

029 Lumalakad sa Katapatan

(Awit 26)

1. Jehovang Diyos, ako ay hatulan; Ako’y lumakad nang buong katapatan.

Siyasatin mo’t ako ay subukin; Isip at puso ko’y iyong dalisayin.

(KORO)

Kung sa akin, tiyak ang kapasiyahan. Ako’y lalakad na walang kapintasan.

2. Ang masama’y ’di ko kaibigan. Ako’y napopoot sa mga bulaan.

Sa balakyot ako’y huwag idamay; Sa makasalanan ako’y ihiwalay.

(KORO)

Kung sa akin, tiyak ang kapasiyahan. Ako’y lalakad na walang kapintasan.

3. Inibig ko sa iyo ay tumahan.

Sasambahin kita buong kaarawan. Sa ’yong altar ay maglilingkuran, Pasasalamat ko’y ipagsisigawan.

(KORO)

Kung sa akin, tiyak ang kapasiyahan. Ako’y lalakad na walang kapintasan.

(Tingnan din ang Awit 25:2.)

Page 30: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

030 Namamahala Na si Jehova

(Apocalipsis 11:15)

1. Dakilang araw ni Jah. Siya ay nagpupuno na. ’Tinatag sa Sion Batong Panulok.

Lahat ay mag-awitan. Awit ng kagalakan. Si Kristong Tagapagligtas ay ’niluklok.

(KORO)

Anong laan, O Kaharian? Tagumpay nga ng katwiran.

At ano pa, O Kaharian? Buhay at kaligayahan.

Purihin ang Diyos sa kanyang Pag-ibig, katapatan.

2. Kristo’y hari na ngayon; At do’n sa Armagedon,

Lumang sistema ay lilipas na. Mangaral tayo ngayon. Marami pang tutugon;

Panahon na upang pumanig sa Kanya.

(KORO) Anong laan, O Kaharian?

Tagumpay nga ng katwiran. At ano pa, O Kaharian? Buhay at kaligayahan.

Purihin ang Diyos sa kanyang Pag-ibig, katapatan.

3. Hari nati’y maringal. Atin siyang minamahal.

Sa ngalan ng Diyos dumarating siya. Sa templo ay dumulog; Dalangin ay ihandog.

Malapit nang mamahala si Jehova.

(KORO) Anong laan, O Kaharian?

Tagumpay nga ng katwiran. At ano pa, O Kaharian? Buhay at kaligayahan.

Purihin ang Diyos sa kanyang Pag-ibig, katapatan.

(Tingnan din ang 2 Sam. 7:22; Dan. 2:44; Apoc. 7:15.)

Page 31: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

031 Tayo’y mga Saksi ni Jehova! (Isaias 43:10-12)

1. Diyos nila’y kahoy, bato,

’Di tunay na diyos ito. Ang Kata’s-taasan,

Siya ang totoo. ’Di nila mahulaan

Ating kinabukasan. Mga saksi nila’y bulaan, Sila’y walang katibayan.

(KORO)

O Saksi ni Jehova, Laging magmagiting ka.

Ang Diyos natin ay hindi huwad; Hula niya’y natutupad.

2. Ngalan ng Diyos itanghal

Sa ating pangangaral. May taglay na tapang,

’Di nangangatal. Upang malaman nila

Nang sila’y mapalaya. ’Pag sumulong, sasama sila

Sa pagpuri kay Jehova.

(KORO) O Saksi ni Jehova,

Laging magmagiting ka. Ang Diyos natin ay hindi huwad;

Hula niya’y natutupad.

3. Ating Diyos natatanghal Kung tayo’y nangangaral.

Binababalaan Mga ’di banal.

Tao’y kahahabagan ’Pag Diyos ang binalingan.

Kung pangangaral ay pakinggan, May buhay na walang hanggan.

(KORO)

O Saksi ni Jehova, Laging magmagiting ka.

Ang Diyos natin ay hindi huwad; Hula niya’y natutupad.

(Tingnan din ang Isa. 37:19; 55:11; Ezek. 3:19.)

Page 32: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

032 Maging Matatag, Di-natitinag!

(1 Corinto 15:58)

1. Mga bansa ay naguguluhan. May pangamba sa kinabukasan. Magpakatibay tayo nang lubos,

At tapat sa ating Diyos.

(KORO) Laging may katatagan;

Sanlibuta’y layuan, At manatili kang

walang kapintasan.

2. Silo’t tukso’y laganap sa mundo. Sanggalang ay isip na matino.

Manghawakan sa Diyos na totoo, Iingatan niya tayo.

(KORO)

Laging may katatagan; Sanlibuta’y layuan,

At manatili kang walang kapintasan.

3. Sambahin ang Diyos mula sa puso.

Paglilingkuran, sumama tayo. Ipangaral mabuting balita, Kawakasa’y nariyan na.

(KORO)

Laging may katatagan; Sanlibuta’y layuan,

At manatili kang walang kapintasan.

(Tingnan din ang Luc. 21:9; 1 Ped. 4:7.)

Page 33: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

033 Huwag Matakot sa Kanila!

(Mateo 10:28)

1. Patuluyan, aking bayan, Kaharia’y ihayag. Huwag kayong mabagabag. Balita’y ipahayag

Na ang Haring Jesu-Kristo, Sa langit nagpalayas, At malapit nang gapusin Ang Diyablo at Satanas.

(KORO)

Mahal ko huwag kang matakot, Kahit magbanta sila.

Lingkod ko ay iingatan ’Pagkat siya’y mahalaga.

2. Kahit kaaway manlait, At sila ay marami,

Mapanlinlang mang ngiti, Ang gamiting panghuli. Huwag matakot aking kawal, Kahit sa pag-uusig

Iingatan ni Jehova Ang sa kanya’y sasandig.

(KORO) Mahal ko huwag kang matakot,

Kahit magbanta sila. Lingkod ko ay iingatan

’Pagkat siya’y mahalaga.

3. ’Di kita kalilimutan; Diyos ako at sanggalang. Kahit ka pa mapaslang, Kamataya’y ’di hadlang.

Katawan ma’y mapahamak Ngunit ’di ang kalul’wa. Magtapat ka lang sa akin; Handa ’kong tulungan ka!

(KORO)

Mahal ko huwag kang matakot, Kahit magbanta sila.

Lingkod ko ay iingatan ’Pagkat siya’y mahalaga.

(Tingnan din ang Deut. 32:10; Neh. 4:14; Awit 59:1; 83:2, 3.)

Page 34: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

034 Pagiging Marapat sa Aming Pangalan

(Isaias 43:10-12)

1. Diyos na Jehova Kataas-taasan, Sakdal pag-ibig, makatarungan.

Diyos ka ng katotohanan at dunong, Ang Soberano sa kalangitan.

Bilang ’yong bayan kami’y nasisiyahan; Sa pangangaral ng Kaharian.

(KORO)

Maging Saksi’y dakilang pribilehiyo. Maging marapat sa aming ngalan!

2. Magkakasama sa paglilingkuran

Nabubuklod sa pagkakaisa. Sa pagtuturo ng katotohanan

Ang puso nami’y punô ng tuwa. Dahil kami’y kilala sa ’yong ngalan,

Paghahayag nito’y karangalan.

(KORO) Maging Saksi’y dakilang pribilehiyo. Maging marapat sa aming ngalan!

(Tingnan din ang Deut. 32:4; Awit 43:3; Dan. 2:20, 21.)

Page 35: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

035 Pasasalamat sa Pagkamatiisin ng Diyos

(2 Pedro 3:15)

1. Diyos na Jehova dakila ka, Katwiran mo ay sagana. Naghahari ang balakyot, Kirot sa puso mo’y dulot.

Dumarating na ang ’yong araw, Wakas sa masama’y ipataw.

Kami sa iyo’y may tiwala, Salamat at matiisin ka.

2. Libong taon sa pangmalas mo,

’Sang araw lang lilipas ’to. Dakilang araw nariyan na;

Hindi ’to maaantala. ’Di mo ibig ang kasalanan,

’Pag nagsisi’y kapatawaran. Tanaw namin ang pag-asa, Taglay ang pagpapahalaga.

(Tingnan din ang Luc. 15:7; 2 Ped. 3:8, 9.)

Page 36: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

036 “Ang Pinagtuwang ng Diyos”

(Mateo 19:5, 6)

1. Dangal, kagalakan, Ikid na tatluhan.

Saksi ang Diyos at tao, Sa mga sumpaan.

Ang nobyo ay nanata, Asawa’y mahalin.

(KORO)

“Ang pinagtuwang ng Diyos ay Huwag paghiwalayin.”

2. Ang Salita ng Diyos,

Gabay na susundin, Dalangi’y pagpapala; Pangako’y gagawin.

Ang nobya ay nanata, Asawa’y mahalin.

(KORO)

“Ang pinagtuwang ng Diyos ay Huwag paghiwalayin.”

(Tingnan din ang Gen. 2:24; Ecles. 4:12; Efe. 5:22-33.)

Page 37: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

037 Ang Kasulatan—Kinasihan ng Diyos

(2 Timoteo 3:16, 17)

1. Ang Salita mo’y ilaw, Patnubay na malinaw.

Kung lagi itong susundin, Magpapalaya sa atin.

2. Salita’y kinasihan,

Kami’y tinuturuan. Itinutuwid ang daan,

Diyos kami’y pinapayuhan.

3. Dahil sa Kasulatan, Pag-ibig ng Diyos alam.

Kung araw-araw basahin, Buhay ay ating kakamtin.

(Tingnan din ang Awit 119:105; Kaw. 4:13.)

Page 38: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

038 Ihagis ang Iyong Pasanin kay Jehova

(Awit 55)

1. Dalangin ko’y pakinggan mo, Huwag akong pagtaguan. Bigyan mo ng kasagutan Nang hindi maguluhan.

(KORO)

Kay Jehova ang pasanin; Tayo ay kanyang tutulungan. ’Di niya tayo ’babayaan ’Pagkat siya ang kanlungan.

2. Kung pakpak taglay ko lamang, Sa malayo’y lilipad, Ligtas sa mga balakyot, Proteksiyon mo ang hangad.

(KORO)

Kay Jehova ang pasanin; Tayo ay kanyang tutulungan. ’Di niya tayo ’babayaan ’Pagkat siya ang kanlungan.

3. Si Jehova’y tatawagan, Ngalan niya ay tanggulan. Dulot niya’y kapayapaan, Kahit may pagsalansang.

(KORO)

Kay Jehova ang pasanin; Tayo ay kanyang tutulungan. ’Di niya tayo ’babayaan ’Pagkat siya ang kanlungan.

(Tingnan din ang Awit 22:5; 31:1-24.)

Page 39: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

039 Ang Taglay Nating Kapayapaan

(Juan 14:27)

1. Si Jehova ay Diyos ng Pagkakaisa. Ang lahat ng digmaan, Papawiin niya.

Matwid, ipaglalaban Ni Jesu-Kristo; Kapayapaang sakdal Ang matatamo.

2. Galit ating iniwan At pagkainggit. Ang tabak ay ginawang Araro’t karit.

Upang maging payapa, Magpatawaran. At bilang tupa nawa Ay mag-ibigan.

3. Ang bunga ng katwiran, Dapat taglayin,

Tunay na karunungan Ay idalangin. Ang payapang landasin, Ating tahakin.

Hanggang sa takdang araw, Ligaya’y kamtin.

(Tingnan din ang Awit 46:9; Isa. 2:4; Sant. 3:17, 18.)

Page 40: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

040 Patuloy na Unahin ang Kaharian

(Mateo 6:33)

1. Natatangi kay Jehova, Paghahari ni Kristo.

Sa Kanya ay kagalakan, Lahat ay mababago.

(KORO)

Unahin ang Kaharian At sa Diyos na katwiran. Awitan siya ng papuri, Matapat paglingkuran.

2. Bakit ba mababalisa Kung ano ang kakanin?

’Pagkat Diyos maglalaan nga, Kung Kaharia’y unahin.

(KORO)

Unahin ang Kaharian At sa Diyos na katwiran. Awitan siya ng papuri, Matapat paglingkuran.

3. Ihayag ang Kaharian;

Tulungan mga tupa Magtiwala kay Jehova

At sa kanyang Teokrasya.

(KORO) Unahin ang Kaharian

At sa Diyos na katwiran. Awitan siya ng papuri, Matapat paglingkuran.

(Tingnan din ang Awit 27:14; Mat. 6:34; 10:11, 13; 1 Ped. 1:21.)

Page 41: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

041 Sambahin si Jehova sa Panahon ng Kabataan

(Eclesiastes 12:1)

1. Kabataan malapit ka sa Diyos;

Kayo’y minamahal niya nang lubos. Nais niyang kayo’y maalagaan

Ng magulang, pamilya’t kaibigan.

2. Parangalan ang inyong magulang, Pakikipagtalo ay iwasan.

Kung si Jehova’y ’yong paluguran, Buhay mo’y laging may kasiyahan.

3. Alalahanin ang ’yong Maylalang;

Sumulong ka sa katotohanan. Kung debosyon ay kay Jah ibigay, Puso niya’y magagalak na tunay.

(Tingnan din ang Awit 71:17; Panag. 3:27; Efe. 6:1-3.)

Page 42: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

042 “Tulungan Yaong Mahihina”

(Gawa 20:35)

1. Kayraming kahinaan Ang taglay natin. Ngunit si Jehovang Diyos, Maunawain.

Siya ay maawain, Laging maibigin. Tulad niya umibig din, Dukha’y kupkupin.

2. ‘Ako ma’y mahina rin,’ Sabi ni Pablo.

Tinubos tayo upang Buhay matamo. Sila’y kay Jehova, Alalayan sila.

Pagka may dumaraing, Dumamay tayo.

3. Mahina’y huwag hatulan, Ating tandaan Mapalalakas sila Ng kabaitan.

Ating sikapin din, Sila’y pasiglahin; Sila’y ating tulungan At alalayan.

(Tingnan din ang Isa. 35:3, 4; 2 Cor. 11:29; Gal. 6:2.)

Page 43: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

043 Manatiling Gising, Matatag, at Malakas

(1 Corinto 16:13)

1. Gising na, magpakatibay, Maging handang magbata. Magpakalalaking tunay, Tagumpay malapit na.

Kay Jesus tayo ay makinig, At sa kanya lamang pumanig.

(Koro)

Gising na, at magpakatibay! Huwag na huwag manlupaypay!

2. Gising na, handa ang isip, Laging tumatalima

Sa patnubay nga ni Kristo Pati ng katiwala. Sundin payo ng matatanda Na sa tupa’y kumakalinga.

(Koro)

Gising na, at magpakatibay! Huwag na huwag manlupaypay!

3. Gising na, magsama-sama, Magtanggol sa gawain. Humadlang man ang kaaway, Tayo’y mangaral pa rin.

Ilakas sigaw sa b’ong lupa, Hanggang sa araw ni Jehova!

(Koro)

Gising na, at magpakatibay! Huwag na huwag manlupaypay!

(Tingnan din ang Mat. 24:13; Heb. 13:7, 17; 1 Ped. 5:8.)

Page 44: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

044 May-Kagalakang Nakikibahagi sa Pag-aani

(Mateo 13:1-23)

1. Ngayo’y araw ng pag-aani, Dakila ang pribilehiyo. Anghel ang mga mang-aani, At may bahagi rin tayo.

Si Kristo ang ating huwaran, Sa larangan ay nanguna. Dakilang karangalan nga natin Sa pag-aani’y sumama.

2. Pag-ibig sa Diyos at sa kapwa, Nagpapasigla sa atin.

Ang pagtitipo’y apurahan, Kawakasa’y dumarating. Galak na walang kahulilip Ng kamanggagawa ng Diyos.

Magmatiyaga tayo sa gawain Nang pagpalain nang lubos.

(Tingnan din ang Mat. 24:13; 1 Cor. 3:9; 2 Tim. 4:2.)

Page 45: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

045 Sulong sa Unahan!

(Hebreo 6:1)

1. Sulong na tungo sa pagkamaygulang! Kalooban ng Diyos magtaglay kakayahan.

’Pag ministeryo mo’y nasa unahan, Pagpapala’y kakamtan.

Lahat tayo’y dapat maglingkod. Halina, kay Jesus sumunod.

Magtiwala sa Diyos, huwag manghimagod, Matatag sa katwiran.

2. Sulong sa unahan, magpatotoo!

Balitaan natin lahat ng mga tao. Ating Diyos, si Jehova’y purihin mo,

Gawin sa bahay-bahay. Masama ma’y manakot sa iyo, Huwag umurong, magpatotoo. Kaharian ng Diyos ay naririto,

Hayagan na isaysay.

3. Sulong sa unahan, laging magtiyaga! Sining pasulungin, gawai’y marami pa.

Tutulong sa iyo espiritu Niya. Dulot ay kagalakan.

Ibigin mga nasumpungan. Balikan, sila’y pagtiyagaan,

Sa pagsulong sila’y inyong tulungan, Sila’y maliwanagan.

(Tingnan din ang Fil. 1:27; 3:16; Heb. 10:39.)

Page 46: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

046 Si Jehova ang Ating Hari!

(Awit 97:1)

1. Luwalhatiin si Jehova, ’Nihayag ng langit ang katwiran niya.

Umawit sa ’ting Diyos, atin siyang purihin; Dakilang gawa’y bigyang pansin.

(KORO)

Ang langit, magsaya, Ang lupa, magalak, Si Jehova ay naging Hari!

Ang langit, magsaya, Ang lupa, magalak, Si Jehova ay naging Hari!

2. Kal’walhatia’y ibalita;

Pagliligtas niya’y sabihin sa madla. Si Jehova’y Hari; marapat purihin.

Yumukod at siya ay sambahin.

(KORO) Ang langit, magsaya, Ang lupa, magalak,

Si Jehova ay naging Hari! Ang langit, magsaya, Ang lupa, magalak,

Si Jehova ay naging Hari!

3. Pamamahala Niya’y tatag na. Sa trono ang Anak ay ’niluklok niya.

Mga diyos ng mundo ay mapapahiya, Papuri’y tanging kay Jehova.

(KORO)

Ang langit, magsaya, Ang lupa, magalak, Si Jehova ay naging Hari!

Ang langit, magsaya, Ang lupa, magalak, Si Jehova ay naging Hari!

(Tingnan din ang 1 Cro. 16:9; Awit 68:20; 97:6, 7.)

Page 47: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

047 Ihayag ang Mabuting Balita

(Apocalipsis 14:6, 7)

1. Lihim ng Kaharian malaong nakubli. Ngayo’y hayag na ang ’pinangakong Binhi.

Dahil sa awa’t pag-ibig ni Jehova, Makasalanang tao ay nilingap niya.

Nilayon niyang Anak niya ay magpupuno; Sa takdang panahon matutupad na ito.

Kanyang Anak ay bibigyan ng ’sang nobya; Munting kawan ang napiling kasama niya.

2. Mabuting balitang ito’y inihula,

Ngayo’y nais ng Diyos malaman ng madla. Mga anghel dito’y nakikibahagi,

Sa pangangaral ay gumagabay lagi. Tungkuli’t karangalan natin sa ngayon, Parangala’t purihin ating Panginoon.

Pangalan niya’y karangalan na taglayin; Mabuting balita ay ihayag natin!

(Tingnan din ang Mar. 4:11; Gawa 5:31; 1 Cor. 2:1, 7.)

Page 48: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

048 Lumakad Araw-araw Kasama si Jehova

(Mikas 6:8)

1. Lumakad sa araw-araw, Nakahawak sa ating Ama.

’Di na sana nararapat Kabaitang ’ginagawad niya! Naglaan ang Diyos sa atin

Nang kamay niya’y matangnan. At sa ating pag-aalay,

Kay Jehova manindigan.

2. Panahon ngayon ng hatol Sa sistema na magwawakas. Daranas ng pagsalansang, Ingat at baka madupilas. Ngunit nariyan si Jehova,

Proteksiyo’y ibibigay. Ibigin natin siyang tunay,

Paglingkuran habang buhay.

3. Naglaan ang Diyos ng tulong, Kanyang ’spiritu at Bibliya rin,

Ang Kristiyanong kongregasyon, Panalanging tiyak na diringgin.

Kasama siya sa paglakad, Tama ang siyang gagawin.

Kabaita’y tutularan At lalakad nang mahinhin.

(Tingnan din ang Gen. 5:24; 6:9; 1 Hari 2:3, 4.)

Page 49: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

049 Si Jehova ang Ating Kanlungan

(Awit 91)

1. Jehova, siyang kanlungan, Tinitiwalaan.

Anino niya’y kublihan; Dapat panirahan.

Ika’y ipagsasanggalang, Lakas Niya’y pagtiwalaan.

Si Jehova’y tanggulan, Sa matwid ay ’sang kanlungan.

2. Libo man sa harap mo

Ang nagsisibagsak, Tapat na lingkod ng Diyos,

’Di mapapahamak. Sa takot ’di manginginig, Pinsala’y ’di mananaig. Iyo lamang makikita,

Nakubli sa kanyang pakpak.

3. Ililigtas ka ng Diyos Sa daang may bitag, At ’di ka manghihina, Loob mo’y panatag.

Ang leon ’di katatakutan; Ang ulupong tatapakan.

Jehova, siyang kanlungan, Tayo ay ’di matitinag.

(Tingnan din ang Awit 97:10; 121:3, 5; Isa. 52:12.)

Page 50: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

050 Ang Banal na Huwaran ng Pag-ibig

( Juan 4:19)

1. Si Jehovang Diyos may katalinuhang Naglaan, Parisan,

Huwarang banal upang pumatnubay, Nang ’di mabuwal, Nang ’di mabuwal.

Sundan ang daan, gumaganyak sa ’tin; Sa wastong daan, at tamang gawain, Payapang daan, nagbubuklod sa ’tin.

Ang pag-ibig, Diyos ay pag-ibig.

2. Pag-ibig natin sa ’ting kapatiran

Ay tunay, Dalisay;

Handang tumulong sa nangangailangan Kahit saan, Kahit kailan;

Tutulong sa ’tin na magpatawaran, Tutulong sa ’tin tayo’y mag-ibigan,

Tutulong sa ’tin Diyos ay matularan, Sa pag-ibig,

Sa ’ting kapatid.

3. Pag-ibig sa Diyos, nag-uudyok sa ’tin Palagi, Palagi.

Na siya ay sundin nang ating b’ong puso, At purihin, At purihin.

Kaya’t ihayag ang kanyang pangalan; Upang makita ang katotohanan.

Nang lumago pa ang paglilingkuran, Siyang pag-ibig,

’Yan nga’y pag-ibig.

(Tingnan din ang Roma 12:10; Efe. 4:3; 2 Ped. 1:7.)

Page 51: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

051 Mangunyapit Tayo kay Jehova

(Josue 23:8)

1. Soberanong Jehova’y marapat purihin. Katarungan niya’y ’di maa’ring pilipitin. Lahat ng sabihin niya’y ’di mabibigo.

Kay Jehova dapat manatili tayo; Kumapit ka sa matwid niyang pagpupuno.

2. Sa katotohanan tatag ang kanyang trono.

Mal’walhati ang paligid ng kanyang dako. Sa kanyang ’anyaya maamo’y huhugos. Manatili sa ’ting Kata’s-taasang Diyos;

Siya lamang marapat sa pagsambang lubos.

3. Sa langit ng mga langit ’di siya magkasya. Walang kaaway makapipigil sa kanya. Lahat ng pangako’y kanyang tutuparin.

Pumanig sa Diyos kalooban niya’y gawin, Nawa’y sumidhi pa ang debosyon natin.

(Tingnan din ang Deut. 4:4; 30:20; 2 Hari 18:6; Awit 89:14.)

Page 52: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

052 Ingatan Mo ang Iyong Puso

(Kawikaan 4:23)

1. Puso mo ay ’yong ingatan Na huwag magkasala. Katauhan mo’y naroon, Diyos ang bumabasa.

Minsan ito’y nandaraya At nais lumihis.

Kaya’t labanan ng isip, At maging malinis.

2. Diyos ay hanapin ng puso

Sa pananalangin. Pumuri, magpasalamat;

Ibuhos hinaing. Mga turo ni Jehova

Dapat nating sundin. Puso na matapat sa Diyos,

Kailangang linangin.

3. Huwag mag-isip ng masama; Magpako sa matwid.

Hayaang Salita ng Diyos Sa puso’y magtuwid.

Iniibig ni Jehova Tapat na lingkod niya.

Buong puso siyang sambahin Bilang kaibigan niya.

(Tingnan din ang Awit 34:1; Fil. 4:8; 1 Ped. 3:4.)

Page 53: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

053 Nagkakaisang Gumagawa

(Efeso 4:3)

1. Diyos ang nagtipon sa atin Nang biyaya’y tamasahin.

Nagkakaisa ang diwa, Dulot ay ligaya. Pagkakaisa ay Dapat mahalin.

Kayrami nating gawain. Diyos gumagabay sa atin. Naglilingkod na may kusa,

May pagkakaisa.

2. Pagkakaisa’y ’dalangin Kabaitan ay linangin.

Pag-ibig ay sasagana, Laging maligaya. Nakagiginhawa,

Kaysarap damhin. Pag-ibig sa kapatiran, Dulot ay kapayapaan.

Sa tulong niya’y nabubuklod, Laging naglilingkod.

(Tingnan din ang Mik. 2:12; Zef. 3:9; 1 Cor. 1:10.)

Page 54: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

054 Dapat Magkaroon ng Pananampalataya

(Hebreo 10:38, 39)

1. Diyos nagsalita noong una pa Ginamit mga propeta.

Ngayo’y sabi niya, ‘Magsisi lahat,’ Anak niya nagbalita.

(KORO)

Pananampalataya mo, Tiyak ba na tutulungan ka? May kalakip ba na gawa?

Ito’y magliligtas sa kalul’wa.

2. Utos ni Jesus ay sinusunod, Ipangaral ang Kaharian. May laya nating itinuturo

Itong katotohanan.

(KORO) Pananampalataya mo,

Tiyak ba na tutulungan ka? May kalakip ba na gawa?

Ito’y magliligtas sa kalul’wa.

3. Matibay palagi at matatag Sa pananampalataya.

Kaaway man ay biglang humadlang, Kaligtasa’y nariyan na.

(KORO)

Pananampalataya mo, Tiyak ba na tutulungan ka? May kalakip ba na gawa?

Ito’y magliligtas sa kalul’wa.

(Tingnan din ang Roma 10:10; Efe. 3:12; Heb. 11:6; 1 Juan 5:4.)

Page 55: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

055 Walang-Hanggang Buhay—Sa Wakas!

(Juan 3:16)

1. Inyo bang nakikita, Tao ay sama-sama?

Lungkot wala. Payapa! Walang kirot, luha.

(KORO)

Tayo’y mag-awitan Nang may kagalakan! Bumulalas, “Sa wakas,

Walang-hanggang buhay!”

2. Babata ang matanda, Ang lama’y sasariwa.

Bagabag man, naparam. Pagtangis, pangamba.

(KORO)

Tayo’y mag-awitan Nang may kagalakan! Bumulalas, “Sa wakas,

Walang-hanggang buhay!”

3. Lahat sa paraiso, Papuri’y aawitin.

Lagi nating sabihin Sa Diyos, “Salamat po!”

(KORO)

Tayo’y mag-awitan Nang may kagalakan! Bumulalas, “Sa wakas,

Walang-hanggang buhay!”

(Tingnan din ang Job 33:25; Awit 72:7; Apoc. 21:4.)

Page 56: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

056 Dalangin Ko, Pakisuyong Dinggin

(Awit 54)

1. Jehovang Diyos, dinggin awit ko. Ika’y Diyos ko; ako ay sa iyo. Natatangi ang pangalan mo.

(KORO)

Dalangin ko, Jah, pakinggan mo.

2. Salamat Diyos, sa araw na ’to, Sa buhay rin at pag-akay mo. Paglingap mo ay ligaya ko.

(KORO)

Dalangin ko, Jah, pakinggan mo.

3. Hangad ko ay gawin ang tama. Ang daan ko, it’wid mo sana.

At pasanin, kayanin ito.

(KORO) Dalangin ko, Jah, pakinggan mo.

(Tingnan din ang Ex. 22:27; Awit 106:4; Sant. 5:11.)

Page 57: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

057 Ang Pagbubulay-bulay ng Aking Puso

(Awit 19:14)

1. Ang binubulay ng puso At mga iniisip ko—

Sana’y makalugod sa iyo, Manatili sa daan mo. ’Pag nababahala ako,

Kapag hindi mapalagay, Mga bagay nga na matwid

At ikaw, ang binubulay.

2. Mga bagay na totoo, At anumang kagalingan,

Anumang mabuting ulat— Kapayapaan ang laan.

Kaisipan mo’y mahalaga! ’Di mabilang mga ito.

Laging laman ng isip ko, Salita mo ay yaman ko.

(Tingnan din ang Awit 49:3; 63:6; 139:17, 23; Fil. 4:7, 8; 1 Tim. 4:15.)

Page 58: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

058 Aking Panalangin ng Pag-aalay

(Mateo 22:37)

1. Puso ko’y alay sa iyo, Iibigin utos mo.

Isip ko’y para sa iyo, Maglilingkod b’ong puso.

2. Paa ko’t mga kamay

Maglilingkod b’ong buhay. Tinig ko ay aawit,

Papuri’y isasambit.

3. Buhay ko’y para sa iyo, Kaayon ng nais mo. Gagawin lahat ito,

Magbigay lugod sa iyo.

(Tingnan din ang Awit 40:8; Juan 8:29; 2 Cor. 10:5.)

Page 59: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

059 Sa Diyos Tayo Nakaalay!

(Mateo 16:24)

1. Tayo’y kay Jesus inakay ni Jehova Upang maging alagad na niya.

Buhat sa kalangitan, Katotohana’y laan.

Tiwala’y nadagdagan, At sarili’y tinalikdan.

(KORO)

Sa Diyos tayo nakaalay; Ating pasiya. Sa kanya’t kay Kristo maligaya.

2. Sa panalangin sinabi kay Jehova,

Maglilingkod lagi sa kanya. Kagalakang masidhi,

Ating ’binabahagi, Pangalan ni Jehova,

Balita ng Kaharian niya.

(KORO) Sa Diyos tayo nakaalay; Ating pasiya.

Sa kanya’t kay Kristo maligaya.

(Tingnan din ang Awit 43:3; 107:22; Juan 6:44.)

Page 60: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

060 Palalakasin Ka Niya

(1 Pedro 5:10)

1. Inakay ka ng Diyos sa kaliwanagan, Nalaman mo ang katotohanan.

Pananabik sa puso mo’y nakita niya, Gawin ang tama at hanapin siya.

Nangako kang nais niya’y susundin; Tulong niya’y asahang patuloy rin.

(KORO)

Dugo ni Jesu-Kristo ang tumubos sa iyo. Pag-aari ka na ng Diyos na Jehova. Gagabayan ka lagi at iingatan pa. Tutulungan ka niya, patitibayin ka.

2. Anak ng Diyos para sa iyo’y ibinigay,

Nang sa gayon ika’y magtagumpay. Ibibigay niya ang lakas na kailangan,

Mahal nga niyang Anak inilaan. ’Di Niya lilimutin pag-ibig mo; Lagi Siyang aalalay sa iyo.

(KORO)

Dugo ni Jesu-Kristo ang tumubos sa iyo. Pag-aari ka na ng Diyos na Jehova. Gagabayan ka lagi at iingatan pa. Tutulungan ka niya, patitibayin ka.

(Tingnan din ang Roma 8:32; 14:8, 9; Heb. 6:10; 1 Ped. 2:9.)

Page 61: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

061 Ang Uri ng Pagkatao na Nararapat sa Akin

(2 Pedro 3:11)

1. Anong kapalit at maibibigay? Salamat, Jehova, sa taglay kong buhay.

Aking sinuri puso ayon sa Bibliya; Nang sarili kong pagkatao’y makita.

Buhay ’pinangakong maglingkod sa iyo, ’Di napipilitan, ito’y buong puso.

Buong kalul’wang maglilingkod sa iyo; Nawa puso mo’y mapagalak ko.

2. Ako’y ’yong tulungang aking suriin, Pagkataong dapat na aking linangin.

Ang mga tapat, tunay nga na mahal mo; Sana’y mapaluguran ko ang ’yong puso.

(Tingnan din ang Awit 18:25; 116:12; 119:37; Kaw. 11:20.)

Page 62: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

062 Tayo ba’y Kanino?

(Roma 14:8)

1. Ikaw ba’y kanino? Sino nga ba ang diyos mo?

Kung sinong ’yong niyuyukuran, Siya ang pinaglilingkuran. Kung dalawa ang diyos,

Ikaw ay salawahan. Ang katapatan paghahatian;

Kapwa ’di masisiyahan.

2. Ikaw ba’y kanino? Sino ang ’yong susundin? Isa ay huwad, isa’y tunay,

Pumili ka’t huwag maghintay. Kay Cesar ba ukol

Ang iyong katapatan? O Diyos susundin at tutuparin

Ang kanyang kalooban?

3. Ako ba’y kanino? Jehova ay susundin.

Diyos na aking paglilingkuran; Panata’y ’di tatalikdan.

Ako ay binili; Kay Jah lang maglilingkod.

Hain ni Jesus sa ’ki’y tumubos; Ako’y ’di tatalikod.

(Tingnan din ang Jos. 24:15; Awit 116:14, 18; 2 Tim. 2:19.)

Page 63: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

063 Manatiling Matapat

(Awit 18:25)

1. Matapat kay Jehovang Diyos, Pag-ibig ipadama. Bilang bayang nakaalay, Alamin ang utos niya.

Payo niya ay makatwiran, Sundin ang kanyang gabay. Siya’y tapat, maaasahan. Sa kanya’y ’di wawalay.

2. Matapat at tumulong sa Nagdurusang kapatid.

May kalinga at tiwala, Mabait sa kapatid. Ang dangal ay ipakita, Igalang silang tunay.

Buklurin tayo ng Bibliya; Huwag tayong hihiwalay.

3. Matapat sa pagpatnubay Ng mga nangunguna. Ibigay ang puso’t isip Sa ating pagtalima.

Pagpapala ni Jehova, Ito ay sasaatin, Kung tayo ay matapat nga, Pagsang-ayo’y kakamtin.

(Tingnan din ang Awit 149:1; 1 Tim. 2:8; Heb. 13:17.)

Page 64: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

064 Dibdibin Mo ang Katotohanan

(Kawikaan 3:1, 2)

1. Katotohana’y daan ng pamumuhay, Ikaw lang magpapasiya rito.

Kaya’t ’yong sundin, payo nga ni Jehova; Manalig ito’y totoo.

(KORO)

Gawing dibdiban, Ating katotohanan.

At madarama Kaligayahan

Kung ito ay dibdiban.

2. Pagsisikap mo, panahong ginugugol, Paglilingkod sa Kaharian,

Magbubunga ng buhay na walang hanggan, Sapat na pangangailangan.

(KORO)

Gawing dibdiban, Ating katotohanan.

At madarama Kaligayahan

Kung ito ay dibdiban.

3. Para sa ’ting Diyos tayo’y batang paslit lang, Patnubay ay kailangan natin.

Kaya’t tayo ay paakay kay Jehova Upang pagpapala’y kamtin.

(KORO)

Gawing dibdiban, Ating katotohanan.

At madarama Kaligayahan

Kung ito ay dibdiban.

(Tingnan din ang Awit 26:3; Kaw. 8:35; 15:31; Juan 8:31, 32.)

Page 65: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

065 “Ito ang Daan” (Isaias 30:20, 21)

1. Mayro’ng isang daan

Ng kapayapaan. Daang natutuhan

Noong una pa man. ’Tinuro ni Jesus sa Kanya nagmula.

Ito ay nasa Salita ni Jehova.

(KORO)

Ito’ng daan; Oo, ito’ng Daan. Buhay ito; Huwag mong lilihisan! Diyos tumatawag: ‘Ito’ng Daan;

Huwag lumingon, Oo, ito’ng Daan.’

2. Mayro’ng isang daan, Pag-ibig na wagas.

Tinig ng Diyos ang siyang Nagturo ng landas.

Pag-ibig niya’y lubos, Mainit, at tunay.

Saklaw nito ay ang Buo nating buhay.

(KORO)

Ito’ng daan; Oo, ito’ng Daan. Buhay ito; Huwag mong lilihisan! Diyos tumatawag: ‘Ito’ng Daan;

Huwag lumingon, Oo, ito’ng Daan.’

3. Mayro’ng isang daan, Patungo sa buhay.

Ang pangako ni Jah: Mahusay na gabay,

At kapayapaan, Pag-ibig na taos.

Daan sa ’ting buhay, Salamat sa ’ting Diyos.

(KORO)

Ito’ng daan; Oo, ito’ng Daan. Buhay ito; Huwag mong lilihisan! Diyos tumatawag: ‘Ito’ng Daan;

Huwag lumingon, Oo, ito’ng Daan.’

(Tingnan din ang Awit 32:8; 139:24; Kaw. 6:23.)

Page 66: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

066 Buong-Kaluluwang Maglingkod kay Jehova

(Mateo 22:37)

1. O Jehova, Soberano, Ikaw lamang ang iibigin. Kalooba’y gagawin ko,

Tiwala mo’y ’di bibiguin. Mga utos mo’y susundin ko; Anumang maging sitwasyon.

(KORO)

O Jehova sa iyo lamang, Buo kong kalul’wang debosyon.

2. Lupa, buwan, bituin sa langit,

Kal’walhatia’y ’tinatanyag. Sa iyo buo kong buhay;

Ngalan mo’y aking ihahayag. Sarili ko ay inaalay

Sa iyo, walang kundisyon.

(KORO) O Jehova sa iyo lamang,

Buo kong kalul’wang debosyon.

(Tingnan din ang Deut. 6:15; Awit 40:8; 113:1-3; Ecles. 5:4; Juan 4:34.)

Page 67: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

067 Manalangin kay Jehova sa Tuwina

(1 Tesalonica 5:17)

1. Manalangin tayo kay Jehova. Iyo’y pribilehiyo natin talaga.

Lapitan siya gaya ng kaibigan; Siya’y ating laging maaasahan.

Manalangin sa tuwina.

2. Pasalamatan ang ating buhay; Pagpapatawad nawa’y ibigay. Siya’y ating mapagtitiwalaan

At batid niyang tayo’y alabok lang. Manalangin sa tuwina.

3. Ipanalangin ating problema, Malalapitan siyang tulad Ama.

Tulong, proteksiyon, ibibigay niya. Huwag kang matakot, magtiwala ka.

Manalangin sa tuwina.

(Tingnan din ang Mat. 6:9-13; 26:41; Luc. 18:1.)

Page 68: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

068 Panalangin ng Mapagpakumbaba

(Awit 4:1)

1. Jehova, pakisuyo, panalangin ko’y dinggin. Sugát ang puso ko, ’di ko na kayang tiisin. Nanghihina ako dahil sa ’king kalungkutan.

Tulungan mo ako, O Diyos, bigyang kaaliwan.

(KORO) Ibangon mo; tulungan mo. Pag-asa ko’y buhayin mo.

Bumabaling ako sa iyo. Jehovang Diyos, ang lakas ko.

2. Sa panghihina ko’y kanlungan ang ’yong Salita,

Inaaliw ang puso ko, aking nadarama. Tiwala ko’y patibayin, aking pakisuyo,

Mas dakila ang pag-ibig mo kaysa puso ko.

(KORO) Ibangon mo; tulungan mo. Pag-asa ko’y buhayin mo.

Bumabaling ako sa iyo. Jehovang Diyos, ang lakas ko.

(Tingnan din ang Awit 42:6; 119:28; 2 Cor. 4:16; 1 Juan 3:20.)

Page 69: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

069 Ipaalam Mo sa Akin ang Iyong mga Daan

(Awit 25:4)

1. Kami’y natitipon, O Jehovang Diyos, Tinanggap ang ’yong paanyaya.

Ang ’yong Salita sa ami’y liwanag, Bukal ng ’yong turong sagana.

(KORO)

Ituro mo ang ’yong mga daan; Dunong mo’y nais kong mapakinggan.

Lalakad sa landas ng katwiran, Nalulugod sa ’yong kautusan.

2. Ang ’yong karunungan ay ’di maarok;

Hatol mo’y tinitiwalaan. Ang ’yong Salita ay kahanga-hanga;

Mananatili kailanman.

(KORO) Ituro mo ang ’yong mga daan;

Dunong mo’y nais kong mapakinggan. Lalakad sa landas ng katwiran, Nalulugod sa ’yong kautusan.

(Tingnan din ang Ex. 33:13; Awit 1:2; 119:27, 35, 73, 105.)

Page 70: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

070 ‘Tiyakin ang mga Bagay na Higit na Mahalaga’

(Filipos 1:10)

1. Kaunawaan ay kailangan

Upang ating alamin, Ang bagay na mas mahalaga na

Marapat nating sundin! Kabutihan Ay ibigin.

Puso ng Diyos, Pagalakin natin at tandaan,

Manalangin. Bagay na mahalaga’y gawin.

2. Wala nang mas mahalaga kaysa

Balita ng Kaharian, Pag-akay sa nawawalang tupa

Piliin tamang daan. Iparinig, Ipaalam,

Ipadama, Pag-ibig sa kapwa; tumulong ka

Sa paglaya! Pangangaral ay mahalaga.

3. Kung gagawin ang mahalaga tiyak

Na tayo ay titibay. Isip nati’y magiging payapa,

Pag-asa’y ating gabay. Kaibigan, Makakamtan.

Pagpapala Dulot nito, at ’pag natutuhan,

At gampanan, Ang mga mahalagang bagay.

(Tingnan din ang Awit 97:10; Mat. 22:37; Juan 21:15-17; Gawa 10:42.)

Page 71: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

071 Banal na Espiritu—Kaloob ng Diyos

(Lucas 11:13)

1. Maawain ka Diyos na Jehova, Mas dakila ka sa ’ming puso. Paghihirap nami’y pagaanin,

Aliwin kami ng ’spiritu mo.

2. Ama, kaming lahat nagkukulang; Minsan kami ay naliligaw.

Dalangin namin: Bigyang patnubay Ng ’spiritu mo sa araw-araw.

3. Kung kami ay pagod at mahina,

’Spiritu mo’y umaalalay. Tulad sa agila’y sasalimbay ’Pag ’spiritu sa ami’y ibigay.

(Tingnan din ang Awit 51:11; Juan 14:26; Gawa 9:31.)

Page 72: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

072 Linangin ang Katangian ng Pag-ibig

(1 Corinto 13:1-8)

1. Mga katangian nga ng Diyos, Nais nating tularang lubos.

Pinakamahalaga rito Pag-ibig naitampok nito.

Walang saysay ang talino mo, Kung pag-ibig ay salat sa iyo.

Kaya pag-ibig ay linangin Nang mapalugdan ang Diyos natin.

2. Hindi sapat ang kaisipan, Sa pag-aalaga sa kawan.

Ibigin sa salita’t gawa, Habang inaaral, Salita.

Natitiis ang upasala, Tinatakpan pagkakasala.

May hamon mang dumating sa iyo, Sa pag-ibig ’di mabibigo.

(Tingnan din ang Juan 21:17; 1 Cor. 13:13; Gal. 6:2.)

Page 73: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

073 Umibig Nang Masidhi Mula sa Puso

(1 Pedro 1:22)

1. Pag-ibig ay bumubukal Sa puso na nagmamahal;

Nagpapakita ng dangal Sa ating kapatid.

Ating ipinadarama, Pag-ibig nang buong laya,

Buhat sa Diyos ipakita, Pag-ibig itawid.

Ipamalas sa gawa, Magbigay ng tulong sa dukha,

Kabutiha’y manguna Bawat pagkakataon.

Karangala’y ipadama; Kahinaa’y huwag ibadya.

Tayo ay maging tapat Sa lahat ng panahon.

2. Kung pag-ibig ay masidhi, Ito’y naghuhunos-dili; Nagtitiwala nga lagi Sa ’ting kapatiran.

Mga kaibigang tapat, Pahalagahan nga dapat. Nagtitipon tayong lahat,

Nagpapatibayan. Tayo’y nagkakamali;

Nasasaktan ang iba lagi. Pag-ibig huwag ikubli

Sa iniibig ni Jah. Maging matapat sa iba, Ugnaya’y patibayin pa. Hayaang makilala ka

Sa tunay na pag-ibig, Pag-ibig ni Jehova.

(Tingnan din ang 1 Ped. 2:17; 3:8; 4:8; 1 Juan 3:11.)

Page 74: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

074 Ang Kagalakan kay Jehova

(Nehemias 8:10)

1. Natutupad tanda ng kawakasan At pagdating ng Kaharian.

Taas-noo, tingnan ang kaligtasan; Narito na’ng katubusan!

(KORO)

Moog natin ang Diyos na Jehova. Matuwa, masiglang umawit.

Pag-asa’y ipagpasalamat ninyo, Purihin Amang nasa langit.

Moog natin ang Diyos na Jehova. Ipakilala ngalan niya.

Kung may debosyon sa ’ting Diyos at Hari, Kagalakan ay makikita.

2. Pag-asa nati’y sa Diyos na Jehova. Siya’y malakas, huwag mangamba.

Purihin n’yo at siya’y luwalhatiin. Humiyaw, tayo’y magsaya!

(KORO)

Moog natin ang Diyos na Jehova. Matuwa, masiglang umawit.

Pag-asa’y ipagpasalamat ninyo, Purihin Amang nasa langit.

Moog natin ang Diyos na Jehova. Ipakilala ngalan niya.

Kung may debosyon sa ’ting Diyos at Hari, Kagalakan ay makikita.

(Tingnan din ang 1 Cro. 16:27; Awit 112:4; Luc. 21:28; Juan 8:32.)

Page 75: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

075 Mga Dahilan Natin Para Magalak

(Mateo 5:12)

1. Ang dahilan nati’y marami Upang tayo ay matuwa. Mga tupa ay sumasama,

Nanggaling sa buong lupa. Tunay ang ating kagalakan,

Sa Bibliya ay nakasalig. Araw-araw na pag-aralan;

Sa narinig ay manalig. Malalim ating kagalakan, Puso’y umaalab sa tuwa.

Dumanas man ng suliranin, Lakas nanggagaling kay Jah.

(KORO)

Kagalakan natin si Jah, Mga gawa niya’y dakila.

Dunong niya’t gawa ay nagbabadya, Kabutihan na sagana.

2. Likha mo’y kayganda’t kayhusay,

Ang langit, dagat, at lupa. Masdan aklat ng kalikasan, Pinupuri ang ’yong gawa.

Ngayon tayo ay nangangaral, Kaharian ng Diyos ang paksa.

Pagsilang nito’y ibalita At dulot na pagpapala.

Tulad ng pagsikat ng araw, Nariyan na ang kasiyahan.

Ang bagong langit, bagong lupa, Magdudulot kaluguran.

(KORO)

Kagalakan natin si Jah, Mga gawa niya’y dakila.

Dunong niya’t gawa ay nagbabadya, Kabutihan na sagana.

(Tingnan din ang Deut. 16:15; Isa. 12:6; Juan 15:11.)

Page 76: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

076 Si Jehova, Diyos ng Kapayapaan

(Filipos 4:9)

1. Diyos naming Jehova, Diyos ng kapayapaan.

’Pagkaloob mo nawa ang Payapang kalagayan. Alay naming buhay,

Anak mo ang tumubos. Kapayapaan mo sana’y Sumaamin nang lubos.

2. Pagsisikap nila

Kabiguan ang dala. Ngunit buhay ng ’yong bayan

Ay laging mapayapa. Ang aming panata

Mga utos mo’y sundin. Mga pagsisikap namin

Nawa’y ’yong pagpalain.

3. Salita mo’y tanglaw, Patnubay sa ’ming buhay.

Sa mundong may kadiliman, Ikaw ang aming gabay.

Kapayapaan mo Nawa’y aming matamo, Upang laging maingatan

Aming isip at puso.

(Tingnan din ang Awit 4:8; Fil. 4:6, 7; 1 Tes. 5:23.)

Page 77: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

077 Maging Mapagpatawad

(Awit 86:5)

1. Dahil sa pag-ibig Si Jehova’y naglaan Upang mapatawad tayo Sa ating kasalanan.

Kung may pagsisising tunay, Tayo’y mapatatawad. Salig sa handog ni Kristo, Tawad ay igagawad.

2. Awa’y matatanggap Kung ang Diyos tutularan.

Patawarin natin kapwa, Ibigin kapatiran. Lahat ating pagtiisan, Tampuhan ay iwasan. Pag-ibig mo’y ipakita, Kapatid parangalan.

3. Linangin ang awa, Isa ’tong kagalingan,

Pagdaramdam ay iwasan At pagkakapootan. Kung sa dakilang pag-ibig, Si Jehova’y tularan.

Magiging tulad Niya tayo, Handang magpatawaran.

(Tingnan din ang Mat. 6:12; Efe. 4:32; Col. 3:13.)

Page 78: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

078 Mahabang Pagtitiis

(Galacia 5:22)

1. Soberanong Jehova, Pangalan niya’y siniraan.

Nilayon niyang linisin Mula sa mga paratang.

Mahabang panahon siyang Nagtiis, nagpasensiya; Hindi siya nanlupaypay,

Laging nagbabata. Nais niyang kaligtasa’y

Ilaan sa mga tao. Pagtitiis ng Diyos ay

Tunay na ’di mabibigo.

2. Pagtitiis kailangan Sa makadiyos na landasin.

Puso’y pinapayapa, Poot ay napipigil din.

Nakikita sa tao, Kanilang kabutihan.

Katinuan ng isip Ay naiingatan.

Dahil sa katangian Na bunga ng espiritu, Diyos ay matutularan; Matiisin siyang totoo.

(Tingnan din ang Ex. 34:14; Isa. 40:28; 1 Cor. 13:4, 7; 1 Tim. 2:4.)

Page 79: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

079 Ang Kapangyarihan ng Kabaitan

(Efeso 4:32)

1. Salamat at nakilala si Jah Sa kanyang Salita.

Sagana man sa talino’t lakas, Maibigi’t kaybuti Niya.

2. Iwanan natin pasan ng puso,

Ang sabi ni Kristo. Pamatok niya’y mabait, magaan,

Nakagiginhawa ito.

3. Kabaitan ng Diyos at ni Jesus Ay ating tularan.

Ipamalas natin sa ’ting gawa, Empatiya nilang uliran.

(Tingnan din ang Mik. 6:8; Mat. 11:28-30; Col. 3:12; 1 Ped. 2:3.)

Page 80: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

080 Ang Katangian ng Kabutihan

(Awit 119:66)

1. Kabutihan ni Jehova Ay nagpapaligaya.

Siya’y Ama natin sa langit, Tunay na kaybuti niya.

Ang paglingap niya at awa, Labis-labis sa atin;

Dapat lamang sambahin siya At paglingkuran natin.

2. Sa larawan niya’y nilikha Upang tayo’y maglinang, Lahat ng katangian niya

At mga kabutihan. Sumulong sa makadiyos na

Kabutihan sa kapwa. Hilingin sa panalangin, Bunga ng ’spiritu niya.

3. Kapananampalataya—

Ang ating kapatiran— Sa kanila’y ipakita,

Kristiyanong kabaitan. Habang tayo’y nangangaral

Ng pag-asa’t Kaharian, Iwasan ang pagtatangi;

Lubusin kabutihan.

(Tingnan din ang Awit 103:10; Mar. 10:18; Gal. 5:22; Efe. 5:9.)

Page 81: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

081 ‘Bigyan Mo Kami ng Higit na Pananampalataya’

(Lucas 17:5)

1. Dahil kami ay ’di sakdal, Jehova,

Hilig ng puso nami’y masama. Nasisilo kami ng kasalanan— Kulang na pananampalataya.

(KORO)

Bigyang higit pananampalataya, Ayon sa aming pangangailangan. Ayon din sa iyong sakdal na awa, Upang ika’y aming parangalan.

2. Kung wala ang pananampalataya,

Hindi ka namin mapalulugdan. Dahil ito’y magsisilbing kanlungan,

Mahaharap ang kinabukasan.

(KORO) Bigyang higit pananampalataya,

Ayon sa aming pangangailangan. Ayon din sa iyong sakdal na awa, Upang ika’y aming parangalan.

(Tingnan din ang Gen. 8:21; Heb. 11:6; 12:1.)

Page 82: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

082 Tularan ang Kahinahunan ni Kristo

(Mateo 11:28-30)

1. Pinakadakilang tao si Kristo; Pagmamapuri’y hindi siya nasilo.

Gumaganap siya ng dakilang atas, Ngunit puso niya’y hindi nagmataas.

2. Lahat kayong mga nabibigatan,

Pamatok niya’y dalhin; ito’y magaan. Ginhawa ang dulot ng Kaharian.

Kay Kristo, mahinaho’y kinalugdan.

3. ‘Kayo’y magkakapatid,’ ang sabi niya. Huwag mong isiping nakatataas ka. Mahinaho’y kinalulugdan ng Diyos; Lupa’y kanilang mamanahing lubos.

(Tingnan din ang Mat. 5:5; 23:8; Kaw. 3:34; Roma 12:16.)

Page 83: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

083 Kailangan Nating Magpigil sa Sarili

(Roma 7:14-25)

1. Mahal natin ang Diyos na Jehova, Kaya nga pigilin ang magkasala. Kung ang laman dulot ay lumbay,

Espiritu dulot ay buhay.

2. Sa araw-araw nariyan ang tukso, Mag-ingat baka mailihis tayo. Katotohanan, tulong sa ’tin, Upang tayo ay palakasin.

3. Sa ’ting pagkilos pati salita,

Ngalan ni Jehova baka madusta. Nawa’y maging tunguhin lagi:

Dapat magpigil sa sarili.

(Tingnan din ang 1 Cor. 9:25; Gal. 5:23; 2 Ped. 1:6.)

Page 84: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

084 "Ibig Ko"

(Lucas 5:13)

1. Si Jesus ay nagpakita Ng pag-ibig na dakila

Nang sangkatauhan Ay maturuan, Katotohanan sa Ama.

Kaylaki ng kanyang habag, Pinagaling bingi’t bulag.

Atas ay kanyang inasikaso At sambit niya ay: “Ibig ko.”

2. Tulong, ang Diyos ay nagbigay

Ng alipin bilang gabay. Tayo’y natutuwa Sila’y kasama,

Nang maaamo’y mabuhay. Kanila ngang madarama Kung mahal natin talaga.

Kung patulong ang ulila’t balo, Sabihin agad: “Ibig ko.”

(Tingnan din ang Juan 18:37; Efe. 3:19; Fil. 2:7.)

Page 85: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

085 Isang Lubos na Gantimpala Mula kay Jehova

(Mateo 19:29)

1. Tapat si Jehova at kilala niya

Lahat ng naglilingkuran. Minsan dahil sa kanilang debosyon

Ang kapalit ay kawalan. Nag-iwan ng pamilya’t kaibigan,

Ang Diyos lahat nalalaman. Ang kapalit ay ating kapatiran At buhay na walang hanggan.

(KORO)

Diyos nawa’y maglaan kaaliwan At gantimpala para sa iyo.

Manganlong ka sa kanyang pakpak, Tapat si Jehova; siya ay totoo.

2. Pinili man o kalagayan nila,

Iba’y ’di na nag-asawa. Sa kanilang paglilingkod nang lubos,

Diyos, pinagpapala sila. Sa pananatiling walang asawa

Ay nalulungkot din sila. Bilang kapatid, magbigay nga tayo

Pagsang-ayon at suporta.

(KORO) Diyos nawa’y maglaan kaaliwan

At gantimpala para sa iyo. Manganlong ka sa kanyang pakpak,

Tapat si Jehova; siya ay totoo.

(Tingnan din ang Huk. 11:38-40; Ruth 2:12; Mat. 19:12.)

Page 86: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

086 Tapat na mga Kapatid na Babae

(Roma 16:2)

1. Sara at Esther, Maria, Ruth, iba pa— Matapat at may kakayahan sila.

Makadiyos na debosyon ’pinakita. Mahuhusay na babaing kilala. Iba pa’y mahal din ni Jehova,

’Di kilala ngunit matapat din sila.

2. Katapatan, pag-ibig, kabaitan, Mga katangian na taglay nila.

Katangiang ating naaalala. Mga halimbawang dapat na sundin. Ang tutulad sa ganyang hakbangin, Karapat-dapat nga at maligaya rin.

3. Mga ina, anak, asawa’t balo, Atas ginagawa nang maligaya.

Mahinhin at mapagpasakop sila; Nasa kanila pagsang-ayon ng Diyos.

Nawa ay lagi kayong ingatan, Magpakatatag, pagpapalaing lubos.

(Tingnan din ang Fil. 4:3; 1 Tim. 2:9, 10; 1 Ped. 3:4, 5.)

Page 87: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

087 Tayo’y Isa Na

(Genesis 2:23, 24)

1. ’Di na ako nag-iisa, Ngayo’y laging

May katuwang na. Diyos naglaan ng kasama,

Bilang kapareha. Tayo’y isa; Pinagsama

Upang tupdin ang layon ni Jah. Bilang lalaki’t babae, Tayo’y ’sang pamilya.

Sa t’wina maglilingkod sa Diyos. Daan niya’y sundan,

Pag-ibig ilalaan. Maging tapat sa ’ting sumpa

At nawa tayo’y lumigaya. Parangalan si Jehova,

Mahal kita , walang hangan.

(Tingnan din ang Gen. 29:18; Ecles. 4:9, 10; 1 Cor. 13:8.)

Page 88: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

088 Mga Anak—Ipinagkatiwala ng Diyos

(Awit 127:3-5)

1. ’Pag ama na ang lalaki At asawa niya’y isa nang ina,

Sila’y pinagkatiwalaan, Kaloob na mahalaga.

Buhat sa Diyos na si Jehova; Bukal ng buhay at ng pag-ibig. Patnubay para sa magulang,

Sa kanya lang dapat sumandig.

(KORO) Sagrado na pananagutan;

Buhay ang nasa ’yong kamay. Inyong anak dapat turuan;

Utos ng Diyos, gawing gabay.

2. Mga utos ni Jehova— Panatilihin sa puso ninyo.

At sa anak ay ituturo; Pananagutan n’yo ito.

Salitain sa ’yong paglakad, Sa pagbangon, sa pagpapahinga.

Nawa sila’y maging tapat nga At tumanggap ng pagpapala.

(KORO)

Sagrado na pananagutan; Buhay ang nasa ’yong kamay.

Inyong anak dapat turuan; Utos ng Diyos, gawing gabay.

(Tingnan din ang Deut. 6:6, 7; Efe. 6:4; 1 Tim. 4:16.)

Page 89: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

089 Sabi ni Jehova: “Magpakarunong Ka, Anak Ko”

(Kawikaan 27:11)

1. Mga kabataan ibigin n’yo ako

Nang manunuya ko ay makita ito. Ang inyong debosyon kusang ’binibigay;

Para sa akin kayo ay nabubuhay.

(KORO) Minamahal na kabataan, Magpakarunong palagi.

Pagalakin n’yo ang puso ko, Sa inyong kusang pagpuri.

2. Matuwa, masiyahan sa paglilingkod sa ’kin,

Madupilas man, Kayo’y ibabangon din. Pagtaksilan ma’t biguin nila kayo,

Ako’y narito na nagmamahal sa iyo.

(KORO) Minamahal na kabataan, Magpakarunong palagi.

Pagalakin n’yo ang puso ko, Sa inyong kusang pagpuri.

(Tingnan din ang Deut. 6:5; Ecles. 11:9; Isa. 41:13.)

Page 90: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

090 Kagandahan ng Ulong May Uban

(Kawikaan 16:31)

1. May-edad naming mahal Na nagbabata,

Naglilingkod sa ngayon Sa ating Ama.

Katawa’y humihina, Balo ang iba.

Jehova, huwag limutin Na tapat sila.

(KORO)

O Ama, ’yong dinggin, Aming dalangin.

Mga may-edad na, ’Yong patibayin.

2. Maganda ang may ubang

Nasa katwiran. Sinasang-ayunan ang

Paglilingkuran. Lagi nawang tandaan

No’ng sila’y bata, Lakas inialay sa

Diyos na Jehova.

(KORO) O Ama, ’yong dinggin,

Aming dalangin. Mga may-edad na,

’Yong patibayin.

(Tingnan din ang Mat. 25:21, 23; Awit 71:9, 18; Kaw. 20:29; Luc. 22:28; 1 Tim. 5:1.)

Page 91: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

091 Aking Ama, Diyos, at Kaibigan

(Hebreo 6:10)

1. Kayhirap nga ng buhay, Dulot hinagpis at pagluha.

Sasabihin ko pa rin, “Ako’y may halaga.”

(KORO)

’Pagkat kaybuti ng Diyos, Naaalala pag-ibig ko. Hindi siya nang-iiwan;

Si Jehova’y kapiling ko. Naglalaan siya sa ’kin at sanggalang ko, walang iba.

Si Jehova ay Kaibigan, Diyos, at Ama.

2. Ako’y hindi na bata;

Paghihirap ay narito na. Ngunit natitiyak ko, Ako’y may pag-asa.

(KORO)

’Pagkat kaybuti ng Diyos, Naaalala pag-ibig ko. Hindi siya nang-iiwan;

Si Jehova’y kapiling ko. Naglalaan siya sa ’kin at sanggalang ko, walang iba.

Si Jehova ay Kaibigan, Diyos, at Ama.

(Tingnan din ang Awit 71:17, 18.)

Page 92: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

092 “Ipangaral ang Salita” (2 Timoteo 4:2)

1. Diyos ay nag-utos sa atin;

Dapat na ngayon ay ating sundin. Laging handang ibahagi ’to,

Ang pag-asang nasa iyong puso

(KORO) Ipangaral,

Sa lahat ang Salita! Mangaral,

Ang wakas malapit na. Mangaral,

Tulungan maaamo. Mangaral,

Sa b'ong mundo!

2. Ligalig ay daranasin; Sasalansangin at hihiyain.

Pangangaral ma’y pagtawanan, Diyos lamang ating pagtiwalaan.

(KORO)

Ipangaral, Sa lahat ang Salita!

Mangaral, Ang wakas malapit na.

Mangaral, Tulungan maaamo.

Mangaral, Sa b'ong mundo!

3. May panahon ding maalwan Pagtuturo sa iba’y kailangan. Kaligtasa’y ’pinangangaral,

Pangalan ng Diyos ay binabanal.

(KORO) Ipangaral,

Sa lahat ang Salita! Mangaral,

Ang wakas malapit na. Mangaral,

Tulungan maaamo. Mangaral,

Sa b'ong mundo!

(Tingnan din ang Mat. 10:7; 24:14; Gawa 10:42; 1 Ped. 3:15.)

Page 93: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

093 “Pasikatin Ninyo ang Inyong Liwanag”

(Mateo 5:16)

1. Utos ni Jesus ay ‘Pasikatin n’yo Ang inyong liwanag Sa mga tao.’

Sa Banal na Bibliya, Dunong sisinag. Sa gawa’y pasikatin Kanyang liwanag.

2. Kaharian ng Diyos, Dulot ay galak,

Hapis papawiin, Pag-asa ay tiyak. Paggawi at asal, Bibliya ang giya;

Salitang tinimplahan, Anong inam nga!

3. Mabuting gawain, Nagliliwanag, Sa ’ting sinasabi, Nagpapakislap. Ang matwid na gawi Ay pasinagin,

Tiyak Diyos ay malulugod Sa ’ting gawain.

(Tingnan din ang Awit 119:130; Mat. 5:14, 15, 45; Col. 4:6.)

Page 94: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

094 Nasisiyahan sa Mabubuting Kaloob ng Diyos

(Santiago 1:17)

1. Bawat sakdal na regalo’t

Mabuting kaloob Ay nanggaling sa ating Diyos.

Siya ang nagkaloob. Ang Diyos hindi nagbabago,

’Di siya masisinsay. Siya’y Dakilang Tagapaglaan,

Liwanag at buhay.

2. ’Di ka dapat mabalisa Sa ’yong kailangan;

Ibon nga’y pinakakain, ’Di ka babayaan.

Walang kabuluhang bagay, Atin nang iwanan.

Sa simpleng buhay ay kontento, May kaligayahan.

3. Karangyaan sa ’ting mata,

Sa Diyos ’di ’to pansin. Sa mahahalagang bagay

Panaho’y gamitin. Kayamanang ukol sa Diyos

Hindi mawawala. Ang lihim ng kaligayahan

Nasa simpleng mata.

(Tingnan din ang Jer. 45:5; Mat. 6:25-34; 1 Tim. 6:8; Heb. 13:5.)

Page 95: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

095 ‘Tikman at Tingnan na si Jehova ay Mabuti’

(Awit 34:8)

1. Pribilehiyo para sa ’tin Ang maglingkod sa ating Diyos. Upang ang lahat mapangaralan,

Oras at lakas ibuhos.

(KORO) Bibliya ay mayr’ong paanyaya:

‘Tingnan kaybuti ni Jah.’ Debosyon sa Diyos ay may ganti,

Gawin nang buong kaya.

2. B’ong panahong mga lingkod, Saganang pagpapalain.

Nagtitiwalang Diyos maglalaan, Kasiyahan tataglayin.

(KORO)

Bibliya ay mayr’ong paanyaya: ‘Tingnan kaybuti ni Jah.’

Debosyon sa Diyos ay may ganti, Gawin nang buong kaya.

(Tingnan din ang Mar. 14:8; Luc. 21:2; 1 Tim. 1:12; 6:6.)

Page 96: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

096 Hanapin ang mga Karapat-dapat

(Mateo 10:11-15)

1. Itinuro ni Jesus ang paraan, Kung paano mangangaral:

‘Saanman kayo, sikaping hanapin Nagugutom sa espirituwal.

Lahat nga sila na karapat-dapat, Batiing may kapayapaan.

Kapag tumanggi at ayaw makinig, Pagpagin ang paa’t lumisan.’

2. Ang tumanggap sa iyo, tinanggap din siya.

Puso nila’y bubuksan Niya. Wastong nakaayon sa paraiso,

Maglilingkod na kasama ka. Huwag mabahala sa ’yong sasabihin,

Tulong ni Jehova’y kakamtin. Kapag ang sagot mo’y may timplang asin,

Maamo ay maaakit din.

(Tingnan din ang Gawa 13:48; 16:14; Col. 4:6.)

Page 97: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

097 Humayo, mga Ministro ng Kaharian!

(2 Timoteo 4:5)

1. Ipangaral ang Kaharian Sa bawat bansa’t bayan.

May pag-ibig sa inyong kapwa, Maaamo’y tulungan.

Paglilingkod ay pribilehiyo; Salita niya ay ihayag.

Hayo sa laranga’t mangaral; Pangalan ng Dios itanyag.

(KORO)

Sulong, hayo, ipangaral natin ang Kaharian. Sulong tayo, sa panig ni Jehova manindigan.

2. Mga ministro’y humahayo

Gantimpala ay buhay. Sinusundan yapak ni Kristo

Taglay pusong dalisay. Tungkol sa Kaharian ng Diyos,

Lahat ay dapat sabihan. Dahil sa lakas ni Jehova Walang dapat katakutan!

(KORO)

Sulong, hayo, ipangaral natin ang Kaharian. Sulong tayo, sa panig ni Jehova manindigan.

3. Sumulong na magkaagapay

Ibang tupa’t nalabi. Bata’t matanda, kahit sino

Nagkakabuklod lagi. Banal ang ating paglilingkod,

Pagsamba natin ay kusa. Patunayang tayo’y marapat Paggawing malinis t’wina.

(KORO)

Sulong, hayo, ipangaral natin ang Kaharian. Sulong tayo, sa panig ni Jehova manindigan.

(Tingnan din ang Awit 23:4; Gawa 4:29, 31; 1 Ped. 2:21.)

Page 98: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

098 Paghahasik ng Binhi ng Kaharian

(Mateo 13:4-8)

1. Mga alipin ni Jehova, Nag-alay puso’t kalul’wa. Halina kayo sa gawain,

Sundin ang halimbawa niya. Binhi’y ihasik nang may tapang sa

Mga pusong tumutugon. Bungang papuri sa gawang matapat

At sa gawaing pagtitipon.

2. Binhing ’nihasik ay kakalat Sa may pusong tulad bato.

Sa simula ma’y tumugon siya, Masisiwalat din puso.

Tinik at dawag ay sasakal sa Pumili sa sanlibutan.

Mabuting binhi’y tumubo, nagbunga Sa lupang dalisay, mainam.

3. Ang tagumpay ng ’yong gawain

Ay batay na rin sa iyo. Kung sa kapwa ay may pag-ibig,

Puso ay maaantig mo. Kung tutulong ka, ang pangamba ay

Kanilang maiiwasan. Pag-aani mo ay may kagalakan,

Tatlumpu o kaya’y sandaan.

(Tingnan din ang Mat. 13:19-23; 22:37.)

Page 99: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

099 Purihin ang Bagong Hari ng Lupa

(Apocalipsis 7:9)

1. Isang karamihan ang nagmula sa mga bansa, Ang tinipon ni Kristo at kanyang mga kasama.

Kaharia’y isinilang na; Magaganap na sa lupa

Ang ’sang kaloob na pag-asa, Dulot ay galak, ginhawa.

(KORO)

Purihin natin si Jah at Jesu-Kristo

Na tumubos at nagpalaya. Sa lupa’y tatahan, maglilingkod

Sa Diyos nang walang hanggan.

2. Nagbubunyi kay Kristong Hari nang may katuwaan. Ang Prinsipeng ito ng Diyos dala ay kaligtasan.

Magkakar’on kasiyahan; Wala nang katatakutan,

Patay babangon sa libingan. Panahon ng kagalakan!

(KORO)

Purihin natin si Jah at Jesu-Kristo

Na tumubos at nagpalaya. Sa lupa’y tatahan, maglilingkod

Sa Diyos nang walang hanggan.

(Tingnan din ang Awit 2:6; 45:1; Isa. 9:6; Juan 6:40.)

Page 100: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

100 Tayo’y Hukbo ni Jehova! (Joel 2:7)

1. Tayo ay hukbo ng Diyos,

Pinalaya na, Kaharian ng Diyos ay

Ibinabalita. Matiyagang sumusulong,

May pagkukusa, Mga walang takot

Kahit bahagya.

(KORO) Ang hukbo ni Jehova;

Kristo’y kaisa, Kanilang sigaw ay,

“Hari na si Jah.”

2. Tayo ay lingkod ng Diyos, Tupa’y hanapin, Mga nasisiphayo At nalulumbay rin.

Madalas na dalawin, Pinakakain;

Inaanyayahan Sa pulong natin.

(KORO)

Ang hukbo ni Jehova; Kristo’y kaisa,

Kanilang sigaw ay, “Hari na si Jah.”

3. Hukbo ni Jehovang Diyos

Ulo’y si Kristo, Kasangkapa’y handa na,

Walang sumusuko. Lagi ngang nag-iingat

Na maging tapat. Kahit sa panganib, Matwid sa lahat.

(KORO)

Ang hukbo ni Jehova; Kristo’y kaisa,

Kanilang sigaw ay, “Hari na si Jah.”

(Tingnan din ang Efe. 6:11, 14; Fil. 1:7; Flm. 2.)

Page 101: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

101 Ipinahahayag ang Katotohanan ng Kaharian

(Gawa 20:20, 21)

1. Noong una’y ’di pa alam Landas na dapat lakaran; Ngunit Diyos ay naghayag Ng turo niyang maliwanag.

Kalooban ni Jehova, Atin ngayong nakikita, Ihayag Kaharian niya

At pabanalin ang pangalan niya. Nangangaral kaninuman, Sa pintua’t sa lansangan.

Nagtuturo nang may tiyaga, Nang ang tao ay lumaya. Habang tayo’y nagsisikap

Na pagsamba’y lumaganap, Tayo ay magkaisa

Hanggang sa gawai’y matapos na.

(Tingnan din ang Jos. 9:9; Isa. 24:15; Juan 8:12, 32.)

Page 102: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

102 Makiawit ng Awit Tungkol sa Kaharian!

(Awit 98:1)

1. Ito’y awit ng masayang tagumpay; Nagtatanghal sa Kata’s-taasan.

Sa matapat ang dulot ay pag-asa. Makiawit paksa’y Kaharian:

(KORO)

‘Diyos sambahin sa trono niya. Kanyang Anak ay Hari na!

Halina’t umawit sa Kaharian At purihin banal niyang pangalan.’

2. Bagong awit, Kaharia’y ibalita.

Si Kristo ay sasakop sa lupa. Inihulang may bansang bagong silang,

Kay Kristo ay nagpapahalaga:

(KORO) ‘Diyos sambahin sa trono niya.

Kanyang Anak ay Hari na! Halina’t umawit sa Kaharian

At purihin banal niyang pangalan.’

3. Ang awit ’di mahirap pag-aralan. Ubod linaw mensahe’y kayganda. Natuto na ang lubhang karamihan

At sila rin ay nag-aanyaya:

(KORO) ‘Diyos sambahin sa trono niya.

Kanyang Anak ay Hari na! Halina’t umawit sa Kaharian

At purihin banal niyang pangalan.’

(Tingnan din ang Awit 95:6; 1 Ped. 2:9, 10; Apoc. 12:10.)

Page 103: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

103 “Sa Bahay-bahay”

(Gawa 20:20)

1. Sa bawat bahay at pinto, Mabuting balita,

Laging ipinangangaral Ng matanda’t bata.

Ang tupa’y pinakakain Saanman sa lupa.

’Pagkat Kaharian ng Diyos Ay namamahala.

2. Sa bawat bahay at pinto,

Ating ipangaral. Kaligtasa’y sa tatawag

Sa ngalan niyang banal. Paano nga ang pagtawag

Sa hindi kilala? Sa bahay-bahay itanyag,

Ngalan ni Jehova.

3. Kaya’t sa bawat pintuan, Kaharia’y ’balita.

Kung tanggapin man o hindi, Tao’y magpapasiya.

Basta’t ating ihahayag Ngalan ni Jehova.

Paglapit natin sa pinto, Naro’n kanyang tupa.

(Tingnan din ang Gawa 2:21; Roma 10:14.)

Page 104: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

104 Papurihan si Jehova

(Awit 146:2)

1. Papurihan si Jehova! Siyang nagbigay buhay at hininga.

Parangalan pangalan niya. Sakdal pag-ibig, kalakasan niya.

Araw-araw purihin natin siya.

2. Papurihan si Jehova! Dalangin nati’y dinirinig niya.

Mahina ay tutulungan; Espiritu sa maamo laan.

Lakas at ngalan niya’y papurihan.

3. Papurihan si Jehova! Katarungan at aliw laan niya.

Kamalia’y aayusin. Pagpapala ay ating kakamtin.

Halika’t may galak siyang purihin!

(Tingnan din ang Awit 94:18, 19; 145:21; 147:1; 150:2.)

Page 105: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

105 Kalangitan—Lumuluwalhati sa Diyos

(Awit 19)

1. Ang langit ay kay Jah lumul’walhati. Gawa ng kamay niya ating nakikita.

Bawat araw ay pinupuri siya. Mga bituin nagtatanghal Kadakilaan niya.

2. Batas ng Diyos nagbibigay ng buhay,

Paalaala niya sa atin ay gabay. Tuntunin niya’y totoo at matwid.

Salita niya, O kaytamis, Tapat at dalisay.

3. Walang hanggan ang takot kay Jehova. Kanyang mga utos lubhang mahalaga.

Nag-iingat ng matwid sa kanya. Purihin at itaguyod Banal na ngalan niya.

(Tingnan din ang Awit 111:9; 145:5; Apoc. 4:11.)

Page 106: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

106 Ang Pakikipagkaibigan kay Jehova

(Awit 15)

1. Sinong kaibigan mo, O Diyos na Jehova? Sinong pagtitiwalaan mo? Siya na kilala ka?

Siyang yumayakap ng Salita mong banal, Siyang matapat, makatarungan, Katwiran ay mahal.

2. Sinong kaibigan mo, O Diyos na Jehova?

Sinong lalapit sa trono mo? Siya na ’yong kilala? Siya na nagtatanghal Lagi ng ngalan mo.

Siya na may matapat na puso, Salita’y totoo.

3. Aming ’dinudulog, Hinaing ng puso. Nadarama ang ’yong pag-ibig, At ang kalinga mo.

Mithi namin O Diyos, Maging kaibigan ka. Wala nang hihigit sa iyo, Wala kang kapara.

(Tingnan din ang Awit 139:1; 1 Ped. 5:6, 7.)

Page 107: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

107 Halikayo sa Bundok ni Jehova

(Isaias 2:2-4)

1. Tingnan at pagmasdan, Lubhang napakataas.

Ang bundok ni Jehova, Lalo pang ’tinaas. Tao’y paroroon,

Galing sa bawat bansa, Lahat naglilingkod

At sa Diyos sumasamba. Panahon na ngayon,

Bansang maliit ay lálakí. Tayo’y sumusulong,

Patnubay ng Diyos ang siyang sanhi. Milyun-milyon ngayon

Pumapanig na kay Jah. Sila ay matapat,

’Di lalayo sa kanya.

2. Nag-utos si Jesus, Ipangaral salita.

Tungkol sa Kaharian, Ngayo’y laganap na.

Kristo ay hari na, Sa kanya ay pumanig.

Mga maaamo, Sa kanya ay makinig. Malaking pulutong,

Paglago nito ay kaysaya! Lahat may bahagi

Sa pagpapakilala kay Jah. Tinig ay ilakas,

Sumigaw nang matindi, ‘Sa bundok ni Jehova,

Tayo’y manatili.’

(Tingnan din ang Awit 43:3; 99:9; Isa. 60:22; Gawa 16:5.)

Page 108: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

108 Purihin si Jehova Dahil sa Kaniyang Kaharian

(Apocalipsis 21:2)

1. Jesu-Kristo’y pinahiran At ngayon siya’y hari na.

Katarungan niya’y magdudulot Ng pagpapala sa lupa.

(KORO)

Purihin ninyo si Jehova, Ninyong matapat na tupa.

Kay Kristo’y sumusunod palagi, tinutupad utos niya.

Dahil kay Kristong Pinahiran, si Jehova’y dakilain.

Itinaas, binigyan ng lakas Upang ang Diyos purihin.

2. Mga kapatid ni Kristo,

Diyos ang pumili rito. Sa paghahari ay kasama Nang matupad Paraiso.

(Koro)

Purihin ninyo si Jehova, Ninyong matapat na tupa.

Kay Kristo’y sumusunod palagi, tinutupad utos niya.

Dahil kay Kristong Pinahiran, si Jehova’y dakilain.

Itinaas, binigyan ng lakas Upang ang Diyos purihin.

(Tingnan din ang Kaw. 29:4; Isa. 66:7, 8; Juan 10:4; Apoc. 5:9, 10.)

Page 109: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

109 Ibunyi Panganay ni Jehova!

(Hebreo 1:6)

1. Ipagbunyi natin, Panganay ni Jehova. Hari ng katarungan; Dulot ay pagpapala. Taglay na karilagan At pag-ibig kay Jah, Ipagbabangong uri Kanyang soberanya.

(KORO)

Sa panganay ng Diyos, Iukol ang papuri!

Sa Bundok Sion ’niluklok, Nagsimulang maghari!

2. Ibunyi si Kristo,

Para sa ’tin namatay. Tayo ay tinubos niya

Upang tayo’y mabuhay. Ang kanyang kasintahan,

Gayak nito’y puti. Kasal nila’y patunay, Diyos dapat maghari.

(KORO)

Sa panganay ng Diyos, Iukol ang papuri!

Sa Bundok Sion ’niluklok, Nagsimulang maghari!

(Tingnan din ang Awit 2:6; 45:3, 4; Apoc. 19:8.)

Page 110: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

110 Mga Kamangha-manghang Gawa ng Diyos

(Awit 139)

1. O Diyos, lubos mo ’kong kilala, Sa paghiga at sa pagbangon ko. Sinuri mo aking kalo’b-looban,

Alam mo rin ang salita at lakad ko. Noong ako’y gawin sa lihim,

Mga buto ko’y ’di lingid sa iyo. Nakita mo, lahat ay nakasulat.

Pupurihin ko ang kapangyarihan mo. Kaalaman mo ay kahanga-hanga;

Batid ito ng aking kalul’wa. Mabalot man ako ng kadiliman,

Ako’y makikita mo Jehova. O sa’n ako makatatago?

Sa ’yong mukha, walang pagkublihan. ’Di sa ’taas ni kalaliman ng Sheol,

’Di sa dilim, sa dagat, kahit sa’n pa man.

(Tingnan din ang Awit 66:3; 94:19; Jer. 17:10.)

Page 111: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

111 Tatawag Siya

(Job 14:13-15)

1. Tulad singaw, ngayo’y nandirito, At bukas ay wala na.

Lahat ay kaydaling naglalaho, Dulot lumbay at luha.

Kung mamamatay, mabubuhay ba? Dinggin pangako ng Diyos:

(KORO)

Tatawag, Diyos na Jehova. Ang patay babangon nga.

’Pagkat nasasabik siya Sa kanyang mga gawa. Manampalataya tayo,

Tatayo mga patay. Nais niyang kamtin natin

Ang walang-hanggang buhay.

2. Mahal ng Diyos, pumanaw man sila, Hindi niya lilimutin.

Lahat ng nasa alaala niya, Sila ay gigisingin.

At makikita, tunay na buhay: Buhay sa Paraiso.

(KORO)

Tatawag, Diyos na Jehova. Ang patay babangon nga.

’Pagkat nasasabik siya Sa kanyang mga gawa. Manampalataya tayo,

Tatayo mga patay. Nais niyang kamtin natin

Ang walang-hanggang buhay.

(Tingnan din ang Juan 6:40; 11:11, 43; Sant. 4:14.)

Page 112: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

112 Dakilang Diyos, Jehova

(Exodo 34:6, 7)

1. Karapat-dapat ka, O Jehova, Papurihan nang lubos, Sa katwiran ay lipos.

Makatarungan, ’di nagtatangi, Aming walang-hanggang Diyos.

2. Nagpapatawad ng kasalanan,

Diyos ka na mahabagin, Hari ding maibigin.

Makatarungang pamamahala, Sa lahat maawain.

3. Tao’t anghel, ika’y pupurihin.

Ngalan mo’y pabanalin, Upasala’y alisin.

Ang Kaharian mo’y magpupuno, Kalooba’y ganapin.

(Tingnan din ang Deut. 32:4; Kaw. 16:12; Mat. 6:10; Apoc. 4:11.)

Page 113: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

113 Salamat sa Salita ng Diyos

(Filipos 2:16)

1. Diyos naming Jehova, salamat sa iyo. Taglay naming Salita mo’y totoo!

Kinasiha’y sumulat ng ’yong kaisipan. Kami’y turuan mo at ’yong gabayan.

2. Sa ’mi’y pampatibay mga propeta. Aming damdami’y kanilang nadama. Pananampalataya’t lakas-loob nila, Sa puso’y ginhawa at pampasigla.

3. Makapangyarihan ang ’yong salita, Tagós hanggang ’spiritu at kalul’wa. Motibo’y sinusuri at balak ng puso. Sa tamang landas ay inaakay mo.

(Tingnan din ang Awit 119:16, 162; 2 Tim. 3:16; Sant. 5:17; 2 Ped. 1:21.)

Page 114: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

114 Ang Sariling Aklat ng Diyos—Isang Kayamanan

(Kawikaan 2:1)

1. Mayro’ng aklat taglay ay kayamanan,

Dulot ay pag-asa’t kagalakan. Kahanga-hanga ang kapangyarihan;

Dulot ay buhay, kaliwanagan. Ang tawag ay Banal na Kasulatan.

’Sinulat ng mga kinasihan, Ng umiibig sa Diyos na Jehova;

’Spiritu niya sila’y ginabayan.

2. Ang paglalang ng Diyos ay iniulat, Ang paglitaw nitong sangnilikha.

Nag-ulat ding sakdal ang unang tao At bakit Paraiso’y nawala.

Sinabi rin na may anghel sa langit, Humamon kay Jehova’t sumuway. Ang dulot ay dusa at kasalanan,

Ngunit kay Jehova ang tagumpay.

3. Ngayon ay panahon ng kagalakan. Narito na’ng Kaharian ng Diyos. Ito na ang araw ng kaligtasan Sa nakikipagkaisang lubos.

Kanyang aklat may masayang balita; Piging na sagradong para sa ’tin. Dulot ay tunay na kapayapaan; Kayamanang dapat na basahin.

(Tingnan din ang 2 Tim. 3:16; 2 Ped. 1:21.)

Page 115: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

115 Gawin Nating Matagumpay ang Ating Lakad

(Josue 1:8)

1. Mahalin Salita ng Diyos At laging basahin.

Bigkasin nating pabulong; Pag-isipa’t sundin.

Gagabay sa ating hakbang At isipan natin.

(KORO)

Basahin at ating sundin. Pagpapala’y kamtin.

Araw-araw kasama’y Diyos. Tagumpay ay lubos.

2. Mga hari sa Israel, Tumanggap ng utos:

‘Isusulat niya ang mga Kautusan ng Diyos.

Upang ’di siya magkamali, Laging babasahin.’

(KORO)

Basahin at ating sundin. Pagpapala’y kamtin.

Araw-araw kasama’y Diyos. Tagumpay ay lubos.

3. Habang ating binabasa,

Tayo’y may pag-asa. Ang naguguluhang puso

Ay pumapayapa. Kung ito’y ating dibdibin,

Tayo’y susulong din.

KORO) Basahin at ating sundin.

Pagpapala’y kamtin. Araw-araw kasama’y Diyos.

Tagumpay ay lubos.

(Tingnan din ang Deut. 17:18; 1 Hari 2:3, 4; Awit 119:1; Jer. 7:23.)

Page 116: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

116 Ang Liwanag ay Lalong Nagniningning

(Kawikaan 4:18)

1. Kristo’y inalam ng mga propeta, Pag-asa ng sangkatauhan.

Espiritu’y ’siniwalat ang Mesiyas, Katubusan ay inilaan.

Narito ngayon, Mesiyas ay hari na, Tanda ng presensiya’y batid.

Pribilehiyo nating malaman ito; Maging mga anghel nagmasid!

(KORO)

Landas nati’y lumiliwanag; Higit pa siyang nagniningning. Masdan Diyos ay nagsisiwalat;

Patnubay sa landas natin.

2. Jesus nag-atas ng aliping tapat, Laan ay sapat na pagkain.

Katotohana’y sumisikat na rin Sa mga puso’t isip natin.

Landas nati’y lalong nagliliwanag, Hakbang natin ay mas tiyak.

Salamat Jehova, natuto kami, Sa daan mo kami’y tatahak.

(KORO)

Landas nati’y lumiliwanag; Higit pa siyang nagniningning. Masdan Diyos ay nagsisiwalat;

Patnubay sa landas natin.

(Tingnan din ang Roma 8:22; 1 Cor. 2:10; 1 Ped. 1:12.)

Page 117: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

117 Dapat Tayong Maturuan

(Isaias 50:4; 54:13)

1. Halina’t matuto tungkol kay Jehova. Tubig ng buhay ating inumin.

Turong kay-inam, Diyos ang naglaan. Ang nagugutom ay bubusugin.

2. Huwag pabayaan ang ating pagtitipon,

Dito’y matuturuan nang wasto. ’Spiritu ng Diyos, sa kapatiran,

Kalakasan ating matatamo.

3. Labing pumupuri ay nagpapatibay! Dilang sanay, kaytamis pakinggan!

Nawa ay lagi tayong magtipon. Nawa ay laging magpatibayan.

(Tingnan din ang Heb. 10:24, 25; Apoc. 22:17.)

Page 118: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

118 Tanggapin ang Isa’t Isa

(Roma 15:7)

1. Tinatanggap lahat ng narito Upang makinig at matuto.

Sa daan ng buhay inaakay; Taos usong pasasalamat ibigay.

2. Salamat Diyos sa kapatid namin,

May kasiyahang tumanggap sa ’min. Pahalagahan ang kapatiran,

Pati na rin mga bagong kaibigan.

3. Lahat ng tao’y inanyayahan, Nang katotohana’y malaman. Anak, inilapit tayo sa Diyos.

Kaya bawat isa tanggapin nang lubos.

(Tingnan din ang Juan 6:44; Fil. 2:29; Apoc. 22:17.)

Page 119: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

119 Halika at Guminhawa!

(Hebreo 10:24, 25)

1. Daigdig nati’y magulo at likô, Daan ng Diyos ay ’di alam.

Tamang patnubay ay ating kailangan; Puso’y huwag pagtiwalaan.

Dulot ng pulong ginhawa’t pag-asa; Lumalalim ang tiwala.

Pinakikilos sa gawang mainam, Pinalalakas magbata.

’Di lilimutin utos ni Jehova; Kalooban niya’y susundin.

’Tinuturo sa pulong, tama’y gawin; Katotohana’y ibigin.

2. Alam ni Jehova ating kailangan;

Payo niya sa ’ti’y pakinggan. Kung maglalaan panahon sa pulong,

Susulong sa karunungan. Sa mabuting turo ng nangunguna,

Tayo ay lalong sisigla. Pampatibay ng mga kapatiran,

Tayo’y ’di na mag-iisa. Galak, pag-asa’y ating pagsaluhan,

Kapiling ang kapatiran. Dito sa mga pulong nalalaman

Makadiyos na karunungan.

(Tingnan din ang Awit 37:18; 140:1; Kaw. 18:1; Efe. 5:16; Sant. 3:17.)

Page 120: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

120 Makinig at Sumunod Upang Pagpalain Ka

(Lucas 11:28)

1. Kung tayo ay makikinig kay Kristo, Ituturo ang tunay na daan. Pagpapalain, liligaya tayo

Kung landasin niya’y ating susundan.

(KORO) Makinig at sumunod

Sa Kanyang kalooban. Dulot nito ay kapayapaan;

Makinig at sumunod.

2. Ating buhay tulad sa isang bahay Kung ’tinayo sa batong matibay.

Aral ni Kristo ang gawing patnubay, Tiyak na tayo ay magtatagumpay.

(KORO)

Makinig at sumunod Sa Kanyang kalooban.

Dulot nito ay kapayapaan; Makinig at sumunod.

3. Katulad ng puno sa may tubigan,

Nagbubunga sa kapanahunan. Kung susundin ang kanyang kahilingan, Pag-asa’y buhay na walang hanggan.

(KORO)

Makinig at sumunod Sa Kanyang kalooban.

Dulot nito ay kapayapaan; Makinig at sumunod.

(Tingnan din ang Deut. 28:2; Awit 1:3; Kaw. 10:22; Mat. 7:24-27.)

Page 121: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

121 Patibayin ang Isa’t Isa

(Hebreo 10:24, 25)

1. Habang pinatitibay natin Na magtapat bawat isa,

Buklod ay lalong tumitibay; Kapayapaan ang bunga.

Ang pag-ibig sa bayan ng Diyos Tumutulong na magbata.

Ang kongregasyon ay kanlungan, Dakong ligtas at masaya.

2. Ang salitang angkop at tama,

O kaysarap na pakinggan! Nadarama ang kaaliwan

Sa tunay na kaibigan. Kapag may iisang pag-asa

O kaybuti ng samahan. Tayong lahat magpatibayan

Upang pasani’y gumaan.

3. Ngayon ay ating nakikita, Araw ni Jah malapit na.

Kailangang tayo’y sama-sama, Manatili sa daan Niya. Bawat isa ay patibayin

Nang kamtin natin pag-asa. Kasama bayan ni Jehova,

Maglilingkod walang hangga.

(Tingnan din ang Luc. 22:32; Gawa 14:21, 22; Gal. 6:2; 1 Tes. 5:14.)

Page 122: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

122 Laksa-laksang Kapatiran

(Apocalipsis 7:9, 10)

1. Laksa-laksang kapatiran Ang naninindigan, Bawat isa ay saksi Na may katapatan.

Milyun-milyon ang bilang, At dumarami pa.

Sa lahat ng bansa at wika, Pumupuri kay Jah.

2. Laksa-laksang kapatiran,

Tayo’y nangangaral Ng mabuting balita, Sa nais mag-aral.

Sa pangangaral minsan Ay nahihirapan,

Kay Jesus ang kaginhawahan; May kapahingahan.

3. Laksa-laksang kapatiran,

Diyos ay nakatanaw, Tayo’y iniingatan Sa gabi at araw.

Milyun-milyon ang bilang, Kaharia’y ’balita.

Kamanggagawa tayo ni Jah; Lingkod niya sa lupa.

(Tingnan din ang Isa. 52:7; Mat. 11:29; Apoc. 7:15.)

Page 123: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

123 Mga Pastol—Kaloob na mga Tao

(Efeso 4:8)

1. Naglaan si Jah ng patnubay, Pastol na aakay.

Halimbawa nila ay gabay Sa daan ng buhay.

(KORO)

Sila’y pinagkatiwalaan Sa kongregasyon natin.

Laging nagbabantay sa kawan; Atin silang mahalin.

2. Inuunawa ang damdamin;

Sa ’ti’y maibigin. ’Pag nasaktan ay gagamutin,

Malumanay sa ’tin.

(KORO) Sila’y pinagkatiwalaan

Sa kongregasyon natin. Laging nagbabantay sa kawan;

Atin silang mahalin.

3. Payo nila’y Diyos ang may bigay, ’Di tayo wawalay.

Patuloy tayong inaakay Sa landas ng buhay.

(KORO)

Sila’y pinagkatiwalaan Sa kongregasyon natin.

Laging nagbabantay sa kawan; Atin silang mahalin.

(Tingnan din ang Isa. 32:1, 2; Jer. 3:15; Juan 21:15-17; Gawa 20:28.)

Page 124: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

124 Maging Mapagpatuloy

(Gawa 17:7)

1. Mapagpatuloy ang Diyos na Jehova. Sa lahat ay nagmamalasakit siya.

Ulan at araw ay kanyang ’binibigay. Puso nati’y punô ng galak.

Kapag nililingap natin ang dukha, Bilang anak ay tinutularan siya.

Kanyang susuklian, ating kabutihan, Ang kabaitan na busilak.

2. Kagandahang-loob ay ipakita,

Sa nangangailangan, ’di man kilala. Maa’ring dumating, pagpapala sa ’tin,

Kung tayo ay mapagpatuloy. Tulad ni Lydia no’n ay sabihin mo Sa mga kapatid: ‘Tuloy po kayo.’ Alam ni Jehova, at nakikita niya,

Ating pagkamapagpatuloy.

(Tingnan din ang Gawa 16:14, 15; Roma 12:13; 1 Tim. 3:2; Heb. 13:2; 1 Ped. 4:9.)

Page 125: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

125 Magpasakop sa Teokratikong Kaayusan

(1 Corinto 14:33)

1. Habang bayan ng Diyos ay nangangaral Tungkol sa Kahariang totoong mahal. Teokratikong ayos dapat na sundin.

Pagkakaisa ay panatilihin.

(KORO) Pagpapasakop bilang paggalang,

Sa Diyos ay ilaan. Maibigin siya, may pagkalinga,

Atin siyang pagtapatan.

2. Katiwala ng Diyos at espiritu, Siyang patnubay sa landasing Kristiyano.

Paluguran ang Diyos, ’di natitinag. At matwid niyang utos ay ipahayag!

(KORO)

Pagpapasakop bilang paggalang, Sa Diyos ay ilaan.

Maibigin siya, may pagkalinga, Atin siyang pagtapatan.

(Tingnan din ang Luc. 12:42; Heb. 13:7, 17.)

Page 126: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

126 Aming Pagpapagal Dahil sa Pag-ibig

(Awit 127:1)

1. Jehova, sa ’ming puso; Ang dalangin namin sa iyo.

Pinarangalan mo, lingkod mo Sa pribilehiyo.

Sa gusaling ’tinayo, Pagpapala mo’y natamo.

Ito ay patunay na ika’y Mahal na tunay.

(KORO)

Jehova, aming pribilehiyo Ang magtayo para sa iyo.

Habang buhay paglingkuran at purihin ka Sa lahat ng aming gawa.

2. Lahat ay maligaya, Magkakaibigan talaga!

’Di malilimutan kailanman, Pagsasamahan.

Kami’y nagkakaisa, Espiritu mo’y sagana.

Isang karangalan, ’yong ngalan Ay papurihan!

KORO)

Jehova, aming pribilehiyo Ang magtayo para sa iyo.

Habang buhay paglingkuran at purihin ka Sa lahat ng aming gawa.

(Tingnan din ang Awit 116:1; 147:1; Roma 15:6.)

Page 127: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

127 Isang Dakong Nagtataglay ng Pangalan Mo

(1 Cronica 29:16)

1. O Jah, kaylaking karangalan Na magtayo sa ’yong ngalan!

Nalulugod na inaalay Para sa ’yong kapurihan.

Anuman ang ihandog namin, Lahat ay nanggaling sa iyo. Lahat ng aming tinataglay,

Inaalay buong puso.

(KORO) Handog namin dakong ito, Naghahayag ngalan mo.

Alay namin ito sa iyo, Tanggapin nawa ito.

2. Gusto ka naming parangalan,

Purihin sa dakong ito. Dumami nawa mga taong

Lumuluwalhati sa iyo. Dakong alay sa ’yong pagsamba,

Lubos na aalagaan. Sana’y magsilbing katibayan Sa mensahe ng Kaharian.

(KORO)

Handog namin dakong ito, Naghahayag ngalan mo.

Alay namin ito sa iyo, Tanggapin nawa ito.

(Tingnan din ang 1 Hari 8:18, 27; 1 Cro. 29:11-14; Gawa 20:24.)

Page 128: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

128 Ang Tanawin ng Sanlibutang Ito ay Nagbabago

(1 Corinto 7:31)

1. Tayo’y binigyang pag-asa

Sa kasalana’y lumaya. Laan ng Diyos ang Anak niya—

Kaloob na dakila.

(KORO) Kahit sanlibuta’y

nagbabago, Diyos may laang pagpapala

Sa langit at sa lupa.

2. Sanlibuta’y nagdurusa Sa balakyot na sistema. Kaharia’y ihayag nga; Ito’y nagpupuno na.

(KORO)

Kahit sanlibuta’y nagbabago,

Diyos may laang pagpapala Sa langit at sa lupa.

(Tingnan din ang Awit 115:15, 16; Roma 5:15-17; 7:25; Apoc. 12:5.)

Page 129: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

129 Manghawakang Mahigpit sa Ating Pag-asa

(Hebreo 6:18, 19)

1. Tao’y nag-aapuhap sa kadiliman. Sikap nila ay walang kabuluhan. Kabiguan ng tao ay hayag na: ’Di kayang magligtas ng iba.

(KORO)

O kaysaya, Kaharia’y heto na! Anak niya ang papawi sa pangamba.

At sa wakas, masama’y lilipas; Pag-asang ito’y hindi magwawakas.

2. Araw ng Diyos ating ipinangangaral,

Malapit na at ’di na magtatagal. Sangnilalang pawang palalayain.

Kata’s-taasan ay purihin.

(KORO) O kaysaya, Kaharia’y heto na!

Anak niya ang papawi sa pangamba. At sa wakas, masama’y lilipas;

Pag-asang ito’y hindi magwawakas.

(Tingnan din ang Hab. 1:2, 3; Awit 27:14; Joel 2:1; Roma 8:22.)

Page 130: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

130 Ang Himalang Buhay

(Awit 36:9)

1. Ang bawat sanggol, Buhos ng ulan, Bawat sinag ng araw, Bawat uhay—

Kaloob ng Diyos; Pasalamatan Mga himalang sa ati’y bumubuhay.

(KORO)

Ano ang gagawin sa regalong ’to? Ibigin si Jehova, ang Diyos na nagbigay. ’Di mo matatamo, Anumang gawin mo.

Ito ay kaloob—Ang himalang buhay.

2. Ang iba’y ayaw nang mabuhay pa, Sumpain na raw ang Diyos at mamatay.

Tayo’y ’di ganyan, Diyos pinupuri, Nagpapasalamat sa taglay na buhay.

(KORO)

Ano ang gagawin sa regalong ’to? Ibigin ang ating kapwa, at umalalay.

’Di mo matatamo, Anumang gawin mo. Ito ay kaloob—Ang himalang buhay.

(Tingnan din ang Job 2:9; Awit 34:12; Ecles. 8:15; Mat. 22:37-40; Roma

6:23.)

Page 131: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

131 Si Jehova, Tagapaglaan ng Pagtakas

(2 Samuel 22:1-8)

1. Ikaw lamang Jehova ang Diyos na buháy; Lalang mo ang lahat, wala kang kapantay.

Walang diyos ang tulad mo, walang iba—tunay ka. Kaaway ay puksa.

(KORO)

Laan ni Jah sa tapat ang pagtakas. Sa lingkod niya ay Moog siya na matibay. Magmagiting at manalig ka kay Jehova.

’Pakilala at papurihan pangalan niya.

2. Sa bingit ng Sheol tatawag ako sa iyo, ‘Jehova, bigyan mo’ng lakas ang lingkod mo.’

Mula ro’n sa ’yong templo ay pakinggan, ‘Ingatan, Iligtas mo ako.’

(KORO)

Laan ni Jah sa tapat ang pagtakas. Sa lingkod niya ay Moog siya na matibay. Magmagiting at manalig ka kay Jehova.

’Pakilala at papurihan pangalan niya.

3. Dadagundong sa langit ang iyong tinig. Sindak ang kaaway; sila’y manginginig.

’Pag natupad layunin, magsasaya lingkod niya, Laan niya’y pagtakas.

(KORO)

Laan ni Jah sa tapat ang pagtakas. Sa lingkod niya ay Moog siya na matibay. Magmagiting at manalig ka kay Jehova.

’Pakilala at papurihan pangalan niya.

(Tingnan din ang Awit 18:1, 2; 144:1, 2.)

Page 132: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

132 Isang Awit ng Tagumpay

(Exodo 15:1)

1. Kay Jah umawit. Pangalan niya ay dinakila. Ehipsyong kaaway, Sa dagat ’binulid niya.

Jah ay purihin, Wala nga siyang makakatulad. Ngalan niya’y Jehova; Siya ay nagtagumpay na.

(KORO)

Jehovang Diyos, Kata’s-taasan, Ikaw nga ay hindi nagbabago. Kaaway mong lahat ibabagsak

Pababanalin ngalan mo.

2. Mga bansa ay Sumasalansang kay Jehova. Makapangyarihan man Ay mapapahiya.

Kapuksaan lang Hinihintay sa Armagedon. Malalaman nila Ang Diyos ay si Jehova.

(KORO)

Jehovang Diyos, Kata’s-taasan, Ikaw nga ay hindi nagbabago. Kaaway mong lahat ibabagsak

Pababanalin ngalan mo.

(Tingnan din ang Awit 2:2, 9; 92:8; Mal. 3:6; Apoc. 16:16.)

Page 133: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

133 Hanapin ang Diyos Para Maligtas

(Zefanias 2:3)

1. Bansa’y nagkaisa Laban sa Anak ni Jah. Mga araw nila’y biláng,

Diyos hinatulan sila. Kaharian ng Diyos;

Tagumpay malulubos. Balakyot na mga kaaway

Si Kristo ang tatapos.

(KORO) Diyos hanapin nang maligtas,

Sa kanya huwag kang kakalas. Kanyang katwiran

At katapatan, Soberanya niya’y panigan.

Masdan pagliligtas ng Diyos Sa kanyang bayan.

2. Mabuting balita,

Tao ang magpapasiya. Kung makinig o tumanggi,

Buhay ang nakataya. Pagsubok harapin,

Diyos ’di ka bibiguin. Tapat kay Jah ay iingatan;

Tawag nila’y diringgin.

(KORO) Diyos hanapin nang maligtas,

Sa kanya huwag kang kakalas. Kanyang katwiran

At katapatan, Soberanya niya’y panigan.

Masdan pagliligtas ng Diyos Sa kanyang bayan.

(Tingnan din ang 1 Sam. 2:9; Awit 2:2, 3, 9; Kaw. 2:8; Mat. 6:33.)

Page 134: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

134 Kapag Naging Bago ang Lahat ng Bagay

(Apocalipsis 21:1-5)

1. Ikaw, ako, lahat tayo, Doon sa sanlibutang binago.

O kaysarap, isipin mo, Tumahan sa payapang mundo.

Kasamaan ay lilipas; Gabay ng Diyos ’di magwawakas. Sasapit na ang pagbabagong ito, Papuri’y aawitin ng aming puso:

(KORO)

“Jehova, O Diyos, lahat nagbago! Dahil sa pagpupuno ni Kristo.

Nag-uumapaw ang lahat naming puso, Karangalan at papuri ay sa iyo.”

2. Ikaw, ako, pagmasdan mo, Nar’on sa sanlibutang binago.

Walang ingay, walang gulo Ang tatakot sa mga tao.

Pangako niya, nangyari nga; Nakalukob sa ’tin tolda niya.

Gigisingin niya ang mga namatay; Ang kanilang tinig sa ati’y sasabay:

(KORO)

“Jehova, O Diyos, lahat nagbago! Dahil sa pagpupuno ni Kristo.

Nag-uumapaw ang lahat naming puso, Karangalan at papuri ay sa iyo.”

(Tingnan din ang Awit 37:10, 11; Isa. 65:17; Juan 5:28; 2 Ped. 3:13.)

Page 135: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

135 Magbata Hanggang sa Wakas

(Mateo 24:13)

1. Pangako’t Salita ng Diyos Mapananaligan.

Tutulungan kang magbata Ng mga natutuhan.

Katapata’y masusubok, Ika’y dadalisayin.

May pananampalatayang Araw ng Diyos isipin.

2. Taglay mong unang pag-ibig,

Sana’y huwag iwanan. Sa kabila ng pagsubok,

Lagi kang manghawakan. Alinlangan o takot man,

Huwag hayaang humadlang. Pagtakas ay ilalaan,

Ang Diyos ’di ka iiwan.

3. Ang magbata hanggang wakas Ay may kaligtasan.

Tiyak nasa aklat ng buhay Ang kanilang pangalan.

Kaya’t gawin mong tunguhin, Magbata nang lubusan.

Pagsang-ayon ni Jehova Dulot ay kagalakan.

(Tingnan din ang Heb. 6:19; Sant. 1:4; 2 Ped. 3:12; Apoc. 2:4.)

Page 136: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

TALAAN NG NILALAMAN

Aking Ama, Diyos, at Kaibigan 091

Aking Panalangin ng Pag-aalay 058

Aming Pagpapagal Dahil sa Pag-ibig 126

Ang Bagong Awit 028

Ang Banal na Huwaran ng Pag-ibig 050

Ang Buhay na Walang Hanggan ay Ipinangako 012

Ang Diyos ay Pag-ibig 003

Ang Hapunan ng Panginoon 008

Ang Himalang Buhay 130

Ang Kagalakan kay Jehova 074

Ang Kapangyarihan ng Kabaitan 079

Ang Kasulatan—Kinasihan ng Diyos 037

Ang Katangian ng Kabutihan 080

Ang Liwanag ay Lalong Nagniningning 116

Ang Matapat na Pag-ibig ng Diyos 018

Ang mga Katangian ni Jehova 001

Ang Pagbubulay-bulay ng Aking Puso 057

Ang Pakikipagkaibigan kay Jehova 106

Ang Panalangin ng Lingkod ng Diyos 006

Ang Pinagtuwang ng Diyos 036

Ang Sariling Aklat ng Diyos—Isang Kayamanan 114

Ang Taglay Nating Kapayapaan 039

Ang Tanawin ng Sanlibutang Ito ay Nagbabago 128

Ang Uri ng Pagkatao na Nararapat sa Akin 061

Banal na Espiritu—Kaloob ng Diyos 071

Bigyan Mo Kami ng Higit na Pananampalataya 081

Buong-Kaluluwang Maglingkod kay Jehova 066

Dakilang Diyos, Jehova 112

Dalangin Ko, Pakisuyong Dinggin 056

Dapat Magkaroon ng Pananampalataya 054

Dapat Tayong Maturuan 117

Dibdibin Mo ang Katotohanan 064

Gawin Nating Matagumpay ang Ating Lakad 115

Gumawa ng Mabuting Pangalan sa Diyos 004

Halika at Guminhawa! 119

Halikayo sa Bundok ni Jehova 107

Hanapin ang Diyos Para Maligtas 133

Hanapin ang mga Karapat-dapat 096

Page 137: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

Humayo, mga Ministro ng Kaharian! 097

Huwag Matakot sa Kanila! 033

Ibig Ko 084

Ibunyi Panganay ni Jehova! 109

Ihagis ang Iyong Pasanin kay Jehova 038

Ihayag ang Mabuting Balita 047

Ingatan Mo ang Iyong Puso 052

Ipaalam Mo sa Akin ang Iyong mga Daan 069

Ipangaral ang Salita 092

Ipinahahayag ang Katotohanan ng Kaharian 101

Isang Awit ng Tagumpay 132

Isang Dakong Nagtataglay ng Pangalan Mo 127

Isang Lubos na Gantimpala Mula kay Jehova 085

Isang Panalangin ng Pasasalamat 013

Ito ang Daan 065

Kagandahan ng Ulong May Uban 090

Kailangan Nating Magpigil sa Sarili 083

Kalangitan—Lumuluwalhati sa Diyos 105

Kapag Naging Bago ang Lahat ng Bagay 134

Katunayan ng Pagkaalagad 025

Kristiyanong Pag-aalay 007

Lahat ng Bagay ay Ginagawang Bago 014

Laksa-laksang Kapatiran 122

Linangin ang Katangian ng Pag-ibig 072

Lumakad Araw-araw Kasama si Jehova 048

Lumalakad sa Katapatan 029

Magbata Hanggang sa Wakas 135

Maging Mapagpatawad 077

Maging Mapagpatuloy 124

Maging Matatag, Di-natitinag! 032

Magpasakop sa Teokratikong Kaayusan 125

Mahabang Pagtitiis 078

Makiawit ng Awit Tungkol sa Kaharian! 102

Makinig at Sumunod Upang Pagpalain Ka 120

Maligaya ang mga Maawain! 021

Manalangin kay Jehova sa Tuwina 067

Manatiling Gising, Matatag, at Malakas 043

Manatiling Matapat 063

Manghawakang Mahigpit sa Ating Pag-asa 129

Mangunyapit Tayo kay Jehova 051

May-Kagalakang Nakikibahagi sa Pag-aani 044

Mga Anak—Ipinagkatiwala ng Diyos 088

Page 138: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

Mga Dahilan Natin Para Magalak 075

Mga Kamangha-manghang Gawa ng Diyos 110

Mga Pastol—Kaloob na mga Tao 123

Nagkakaisang Gumagawa 053

Namamahala Na si Jehova 030

Narito Ako! Isugo Mo Ako 010

Nasisiyahan sa Mabubuting Kaloob ng Diyos 094

O Lumakad na Kasama ng Diyos! 026

Paghahasik ng Binhi ng Kaharian 098

Pagiging Marapat sa Aming Pangalan 034

Pagpalain ang Aming Pagtitipong Sama-sama 020

Palalakasin Ka Niya 060

Panalangin ng Mapagpakumbaba 068

Papurihan si Jehova 104

Paraisong Pangako ng Diyos 019

Pasasalamat sa Pagkamatiisin ng Diyos 035

Pasikatin Ninyo ang Inyong Liwanag 093

Patibayin ang Isa’t Isa 121

Patuloy na Unahin ang Kaharian 040

Pinasasaya ang Puso ni Jehova 011

Pumanig kay Jehova! 027

Purihin ang Bagong Hari ng Lupa 099

Purihin si Jehova Dahil sa Kaniyang Kaharian 108

Purihin si Jehova na Ating Diyos! 009

Sa Bahay-bahay 103

Sa Diyos Tayo Nakaalay! 059

Sabi ni Jehova: “Magpakarunong Ka, Anak Ko” 089

Salamat sa Salita ng Diyos 113

Salamat, Jehova 002

Sambahin si Jehova sa Panahon ng Kabataan 041

Sangnilalang—Lumuluwalhati kay Jehova 015

Si Jehova ang Aking Pastol 022

Si Jehova ang Ating Hari! 046

Si Jehova ang Ating Kanlungan 049

Si Jehova, ang Ating Lakas 023

Si Jehova, Diyos ng Kapayapaan 076

Si Jehova, Tagapaglaan ng Pagtakas 131

Si Kristong Huwaran Natin 005

Sulong sa Unahan! 045

Sulong, mga Saksi! 017

Tanggapin ang Isa’t Isa 118

Tapat na mga Kapatid na Babae 086

Page 139: Sing to Jehovah 2009 Tagalog

Tatawag Siya 111

Tayo ba’y Kanino? 062

Tayo’y Hukbo ni Jehova! 100

Tayo’y Isa Na 087

Tayo’y mga Saksi ni Jehova! 031

Tikman at Tingnan na si Jehova ay Mabuti 095

Tiyakin ang mga Bagay na Higit na Mahalaga 070

Tularan ang Kahinahunan ni Kristo 082

Tulungan Yaong Mahihina 042

Tumakas Tungo sa Kaharian ng Diyos! 016

Tumitig sa Gantimpala! 024

Umibig Nang Masidhi Mula sa Puso 073

Walang-Hanggang Buhay—Sa Wakas! 055