sikolohiyang pilipino: repleksyon ukol sa catcalling

Upload: thea-santiago

Post on 06-Jul-2018

411 views

Category:

Documents


2 download

TRANSCRIPT

  • 8/18/2019 Sikolohiyang Pilipino: Repleksyon ukol sa Catcalling

    1/2

    Santiago, Thea Marie C.

    BS PSY 4 – 1

    Repleksyon (Pagtatanong-tanong)

    Catcalling 

     Ang sikolohiyang Pilipino ay mayroong iba’t-ibang uri ng metodo ng pananaliksik

    gaya ng pakikipagkwentuhan, pagtatanong-tanong, panunuluyan at iba pa !sa sa

    kadalasang ginagamit rito ay ang pagtatanong-tanong Sa metodong ito, ang

    mananaliksik ay dumadaan sa mga sesyon ng pagtatanong-tanong sa mga kalahok

    "ayunman, ang mga tanong na ilalahad ng mananaliksik ay dapat hindi patungo sa

    paksa mismo !to ay, sa halip, dapat na manggaling sa mga sagot ng mga kalahok Ang

    mga tanong dito ay unstructured  kung saan madalas masundan ng mga follow-up  na

    tanong ang mga isasagot ng kalahok

    Bilang isang mananaliksik na gumamit ng metodong ito, maraming benepisyo o

    advantages ang pagtatanong-tanong #na na rito ay ang pagbibigay ng maayos na

    resulta dahil sa mga tanong na nagpapatungkol sa paksa ng saliksik $alimbawa, sa

    aming paksa na catcalling , bumuo kaming mananaliksik ng mga tanong na inilahad na

    makakapagbigay ng impormasyon ukol ditto %agdag pa rito ay maiiwasan ang bias o

    pagkiling sa resulta %ahil ang mga kalahok na ang nagbibigay ng kanilang opinion,

    naiwasan ang pagiging subjective ng mananalikisk Sa madaling salita, kaming mga

    mananaliksik ay nadalian sa pagkuha at pag-ipon ng mga sagot mula sa kalahok dahil

    sa mga unstructured na tanong at hindi na kailangan pa ng paghuhusga sa mga

    kalahok

     Ang paksa na ginamitan namin ng metodong pagtatanong-tanong ay tungkol sa

    Catcalling o ang hindi angkop na pagsitsit o&at pagbati ng mga estranghero !to ay isang

    uri ng street harassment  at talaga namang talamak na at nararanasan ng karamihan

    'apili namin ang paksang ito gusto namin malaman ang opinyon ng mga estudyante

    ukol dito at kung bakit ba ito nangyayari  (atapos makuha lahat ng impormasyon mula

    sa mga estudyante sa loob ng !ntramuros, napagtanto ko na may iba-ibang

    interpretasyon ang bawat tao sa catcalling  Ayon sa aming nakalap na impormasyon

    mula sa mga kalahok, karamihan ng mga naka-)at)all ay ang mga kababaihan na may

  • 8/18/2019 Sikolohiyang Pilipino: Repleksyon ukol sa Catcalling

    2/2

    kaakit-akit na itsura o ayos (ay iba’t-ibang rason kung bakit sila ang kadalasang naka-

    )at)all ngunit ang kadalasang dahilan ay dahil sa kasuotan at kalaswaan ng mga

    nangka-)at)all Para sa iba, kasalanan ng mga naka-)at)all ang makatawag ng pansin

    sa mga ibang tao dahil sa revealing  o provocative na suot nila *abaligtaran naman nito

    ay ang opinyon ng iba na nangyayari ito dahil sa kakulangan sa moral at kalaswaan ng

    mga nangka-)at)all %ahil kahit na hindi re+ealing o simple lang ang suot, naka)at-)all

    pa rin ang mga kababaihan at kung magsusuot man sila ng revealing   na damit,

    karapatan nila ito at walang karapatan yung mga nangka-)at)all na magbigay ng

    komento o mambastos sa kanila Sa aking opinyon, ang kailangan ng mga nangka-

    )at)all ay ang matutong rumespeto at pigilan ang kanilang mga sarili *ung may

    komento man ay dapat na lamang niyang sarilihin ito kahit na sa tingin niya ay papuri

    ito

    umabas rin sa pananaliksik na ang tanging positibong epekto ng pag-)at)all ay

    nakakadagdag ito sa kanilang confidence kung saan karamihan ng mga sumagot nito

    ay mga lalaki Sa kabilang dako, puro negatibo naman ang mga isinagot ng mga babae

    kung saan nakakaramdam sila ng takot, asar at inis !to ay dahil sa mga ibinibigay na

    komento at pagbabansag ng endearment  ng mga taong hindi nila kilala *aragdagan pa

    rito, karamihan ng mga nangka-)at)all ay ginagawa ito dahil trip  lang nila, para sa

    katuwaan lang, at para mapansin $alos lahat ng mga nangka-)at ay alam nilang

    nakakabastos ito pero ginagawa pa rin nila Sa aking opinyon, yung mga nangka-

    )at)all, akala nila ito ay isang papuri o compliment  doon sa taong kinat)all nila, pero

    lingid sa kanilang kaalaman na iba ang dating nito sa mga na)at-)all Base sa aking

    karanasan, nagdudulot ng takot at galit ang pagka-)at)all at wala ka na lang magagawa

    kasi kapag nanlaban ka pa ay maaring saktan ka lang nung nang-)at)all

    Sa kabuuan, ang pananaw ng mga kababaihan at kalalakihan ukol sa )at)alling

    ay magkaiba ngunit batid ng parehong pangkat na ito ay nakakabastos Ang pag-aaral

    na ito ay makakatulong upang magbigay kaalaman sa mga ibang gumagawa ng

    )at)alling na hindi maganda ang naidudulot nito sa karamihan Sa pananaliksik na ito,

    maaring maintindihan ng karamihan, lalo na ng mga kabataan, kung ano ang )at)alling,

    at kung ano ang nagiging resulta kapag ginawa ito