si urashima at ang prinsesa draft(alvarez iii antimony)

19
Si Urashima at Ang Prinsesa Inihanda ni: Ganimid D. Alvarez, Jr. ng III- Antimony

Upload: ganimid-alvarez

Post on 24-May-2015

547 views

Category:

Documents


31 download

TRANSCRIPT

Page 1: Si urashima at ang prinsesa draft(alvarez iii antimony)

Si Urashima at Ang

Prinsesa

Inihanda ni: Ganimid D. Alvarez, Jr. ng III- Antimony

Page 2: Si urashima at ang prinsesa draft(alvarez iii antimony)

Sa Isang maliit na nayon sa Hapon ay may binatang ang ngala’y Urashima Taro. Siya ay mahilig mangisda araw-araw sa dagat. Kasama niya ang kanyang ama’t ina na naninirahan sa isang tahanang malapit sa dagat.

Isang araw, nang siya’y pauwi galing sa pangingisda....

Page 3: Si urashima at ang prinsesa draft(alvarez iii antimony)
Page 4: Si urashima at ang prinsesa draft(alvarez iii antimony)

Binigyan niya ng tig-sasampung sentimos ang mga bata para lubayan na ang kaawa-awang pagong at makabalik na ito sa dagat. Maraming araw na ang lumipas at nakalimutan niya na ito.

  Isang araw, habang siya’y

namamangka, nagpakita sa kanya ang pagong na kanyang nailigtas....

Page 5: Si urashima at ang prinsesa draft(alvarez iii antimony)

Urashima-san,

Urashima-san! Sama ka

sa kin!

Sure! Pero paano ako

makakahinga sa ilalim ng

dagat?

Page 6: Si urashima at ang prinsesa draft(alvarez iii antimony)

Upang pasalamatan si Urashima, inanyayahan ng pagong ang binata na bumisita sa prinsesang nakatira sa palasyo sa ilalim ng dagat. At dahil sa kabantugan ng palasyo at ang kagandahan ng prinsesa, siya’y pumayag na sumama.

Siya’y sumakay sa gulugod nito at pumailalim sa tubig-dagat....

Page 7: Si urashima at ang prinsesa draft(alvarez iii antimony)
Page 8: Si urashima at ang prinsesa draft(alvarez iii antimony)

Sa ilalim ng dagat, siya’y nakakahinga at di nababasa na parang panaginip lamang. Nakikita niya ng malapitan ang kagandahan ng kailalaliman ng dagat tulad ng mga iba’t ibang uri ng isda, halamang dagat at mga kabibi.

Nang sila’y dumating sa tarangkahan ng palasyo, ipinakilala ng pagong si Urashima Taro sa mga isda....

Page 10: Si urashima at ang prinsesa draft(alvarez iii antimony)

Nang sila ay nakarating sa bungad ng palasyo na higit na mas maganda, iniwan nga pagong si Taro upang ipagbigay-alam sa prinsesa ang pagdating ng binata. Manghang-mangha si Urashima sa kanyang nakikita.

Ilang sandali lang at bumalik na ang pagong upang ipresenta ang prinsesa....

Page 11: Si urashima at ang prinsesa draft(alvarez iii antimony)
Page 12: Si urashima at ang prinsesa draft(alvarez iii antimony)

Hindi maibuka ni Taro ang kanyang bibig upang mangusap. Sapat na ang siya’y tumitig sa prinsesa. Kasama ang kanyang mga dama sa harap ng palasyo, ang prinsesa ay nagniningning sa kanyang kasuotan at palamuti sa katawan.

Sila’y pumasok na sa palasyo, at sa hapag-kainan....

Page 13: Si urashima at ang prinsesa draft(alvarez iii antimony)
Page 14: Si urashima at ang prinsesa draft(alvarez iii antimony)

Pagkatapos ay ipinasyal siya sa buong palasyo. Napakita sa kanya ang mga uri panahon sa pamamagitan lamang ng mga silid. Dahil sa pagliliwaliw niya sa kaharian, nalimutan niya ang kanyang tahanan at naulilang nayon. Tatlong daang taon ang nakalipas ngunit parang tatlong araw lang para sa kanya. At sa wakas at nagpaalam na siya....

Page 15: Si urashima at ang prinsesa draft(alvarez iii antimony)

Sa kanyang paglisan, ibinigay sa kanya ang isang kahitang ginto na sabi’y wag bubuksan kung gusto pa niya makabalik sa piling ng prinsesa. Nagpalam na siya sa lahat ng kaibigan sa palasyo at kalaunan ay nakabalik na sa dalampasigan ng nayon na kanyang pinanggalingan. Nasasabik na siyang makitang muli ang mga magulang ngunit sa pagtungo niya papunta sa kanyang tahanan....

Page 16: Si urashima at ang prinsesa draft(alvarez iii antimony)

Ni isa ay wala siyang mamukhaan sa daan at pagtungo sa kinaroroonan, wala nang bahay at isang lote na lamang ito na puno ng damo. Nang nagtanong siya sa isang matanda, nalaman niya ang katotohanang siya’y inakalang patay na at tatlong daan na ang lumipas simula ng umalis siya. Sa sobrang lungkot at wala sa sarili, binuksan niya ang kahita na akala niya’y makapapawi sa kanyang lungkot. Ngunit ang nangyari ay....

Page 17: Si urashima at ang prinsesa draft(alvarez iii antimony)
Page 18: Si urashima at ang prinsesa draft(alvarez iii antimony)

Di na siya makababalik sa prinsesa sa palasyo sa ilalim ng dagat at ito’y nagdulot sa kanya ng pagiging matanda na tatlong daang taon ang gulang.

Page 19: Si urashima at ang prinsesa draft(alvarez iii antimony)

Maraming Salamat at Mabuhay... XD