si rizal sa hong kong at japan
TRANSCRIPT
Si Jose Rizal
Sa Hong Kong
at Japan
Pumunta si Rizal sa Hong Kong noong Pebrero 3, 1888, lulan ng barkong Zafiro
Tatlong kadahilanan kung bakit hindi bumaba si Rizal noong tumigil ang barko noong Pebrero 7:
1. Hindi mabuti ang kanyang pakiramdam2. Malakas ang ulan noong araw na iyon3. Narinig niyang marumi ang lungsod
(Amoy)*Dumating siya sa Hong Kong noong Pebrero 8
Ang Biyahe sa Hong Kong
Otel Victoria – ang pinagtuluyan ni Rizal sa Hong Kong
Nang dumating siya sa Hong Kong, sinalubong siya ng mga Pilipinong residente, kabilang na sina Jose Maria Basa, Balbino Mauricio, at Manuel Ynarte
Jose Sainz de Varanda – dating kalihim ni Gobernador Heneral Terrero na naniktik kay Rizal habang ito ay nasa Hong Kong
Ang Biyahe sa Hong Kong
“Ang Hong Kong” – titulo ng isinulat ni Rizal kay Ferdinand Blumentritt na nagsasaad nang iba’t ibang mga taong naninirahan doon at kanilang mga kalagayan
Ang Biyahe sa Hong Kong
Hong Kong
Pebrero 18 – Si Rizal ay tumungo sa Macao kasama ni Jose Maria Basa
Kiu-Kiang – barkong sinakyan ni Rizal patungong Macao
Sila ay nanirahan sa pamamahay ni Juan Francisco Lecaros, isang Pilipinong kasal sa Portuges.* Si Lecaros ay mayaman at inilalaan niya ang kanyang panahon sa pagtatanim ng iba’t ibang halaman maging mga bulaklak
Pagbisita sa Macao
Sa pagpunta ni Rizal sa Macao, binisita niya ang teatro, kasino, katedral, simbahan, pagoda, harding botanikal, at basar
Groto ni Camoens – nakita niya sa kanyang pagpunta sa Macao
*Camoens – pambansang makata ng Portugal
Noong Pebrero 20, bumalik si Rizal at Basa sa Hong Kong lulan ng Kiu Kiang
Pagbisita sa Macao
Macao
1. Maingay na selebrasyon ng Bagong Taon ng mga Tsino na nangyari mula ika-11 ng Pebrero (Sabado) hanggang ika-13 (Lunes)
2. Maingay na teatrong Tsino, na may maingay na manonood at maingay na musika
Mga Karanasan sa Hong Kong
* Sa sining pandrama ng mga Tsino natuklasan ni Rizal ang mga:
A. Lalaking nakasakay sa isang patpat – lalaking nangangabayo
B. Aktor na nagtataas ng binti – pumapasok sa bahay
C. Pulang damit – tanda ng kasalD. Babaing ikakasal ay nahihiyang
nagtatakip ng abanikoE. Lalaking may hawak ng panghagupit –
sasakay na ng kabayo
Mga Karanasan sa Hong Kong
3. Ang salu-salong lauriat*lauriat – iba’t ibang putahe ng pagkain
4. Ang Ordeng Dominiko ang pinakamayamang orden sa Hong Kong
5. Sa mga sementeryo sa Hong Kong na pagmamay-ari ng Protestante, Katoliko, at Muslim, ang sa mga Protestante ang pinakamaganda dahil maayos at inaalagaan ang mga halaman dito at malinis din ang mga daan
Mga Karanasan sa Hongkong
Lauriat
Lulan ng Oceanic, nilisan ni Rizal ang Hong Kong noong Pebrero 22,1888
*Oceanic – barko ng Estados Unidos
Paglisan sa Hongkong
Japan kilala bilang Land of Cherry Blossoms
Si Rizal ay bumisita sa Japan mula noong Pebrero 28 hanggang Abril 13, 1888
Umibig si Rizal kay O-Sei-San (Seiko Usui sa tunay na buhay) na siyang naghilom sa sugatang puso niya
*Hindi nagtagal ang pag-iibigan ng dalawa sapagkat kinailangang ipagpatuloy ni Rizal ang paglaban para sa karapatan ng mga kababayan
Romantikong Pagbisita sa Japan
JAPAN
Pebrero 28, 1888 – nakarating si Rizal sa Yokohama
Si Rizal ay nanatili sa Otel Grande
Dumating si Rizal sa Yokohama
Nang sumunod na araw na pagpuntang Yokohama, si Rizal ay pumuntang Tokyo at kumuha ng silid sa Otel Tokyo
*Siya ay nanatili dito mula Marso 2 hanggang Marso 7
Humanga si Rizal sa kagandahang mayroon ang lungsod ng Tokyo
Si Rizal sa Tokyo
TOKYO
Juan Perez Caballero – kalihim ng Legasyong Espanyol na inanyayahan si Rizal na doon tumuloy sa Legasyong Espanyol
Tinanggap ni Rizal ang imbitasyon sa dalawang dahilan:
1. Makapagtitipid siya sa gastusin2. Wala naman siyang dapat itago sa
mga mapang-usig na mata ng mga awtoridad
Si Rizal sa Tokyo
Juan Perez Caballero
Si Rizal ay nag-aral ng wikang Hapon sapagkat ang mga tao sa Tokyo ay hindi gaanong nakakaintindi ng Ingles at siya rin ay hindi gaanong marunong sa wikang ito
Pinag-aralan din niya ang dramang Hapon (kabuki), sining, musika at judo (sining ng pagtatanggol sa sarili)
Binisita niya ang Meguro, Nikko, Hakone, Miyanoshita at ang mga kahali-halinang bayan ng Japan
Si Rizal sa Tokyo
Kabuki at Judo
Meguro, Nikko, Hakone & Miyanoshita
Nang naglalakad si Rizal sa isang kalye sa Tokyo, nakarinig siya ng bandang tinutugtog ang isang klasikal na musika ni Strauss. Namangha siya at napatigil. Sa kalaunay nalaman ni Rizal na ang bandang ito ay mga Pilipino
Si Rizal at ang mga Musikero ng Tokyo
1. Ang kagandahan ng bansa – mga bulaklak, kabundukan, batis, at magagandang tanawin nito
2. Ang kalinisan, pagiging magalang at kasipagan ng mga Hapon
3. Ang magagandang damit at simpleng halina ng mga Haponesa
Mga Impresyon ni Rizal sa Japan
4. Kakaunti ang magnanakaw sa Japan5. Bihira ang mga pulubi sa lungsod
*Ngunit may isang hindi nagustuhan si Rizal sa Japan, ito ang rickshaw, isang popular na paraan ng transportasyon sa Japan, na hinihila ng kalalakihan
Mga Impresyon ni Rizal sa Japan
rickshaw
Azabu ng Tokyo – kung saan nakita ni Rizal si O-Sei-San at dito rin ang lugar ng Legasyong Espanyol
Binisita nina Rizal at Seiko Usui ang mga interesanteng tanawin ng lungsod – ang Galerya ng Sining Imperyal, Aklatang Imperyal, mga unibersidad, ang Shokubutsuen (Harding Botanikal), mga parke sa lungsod at magagandang bantayog
Pakikipagromansa kay O-Sei-San
Shokubutsuen
27 taong gulang si Rizal ng umibig ito kay O-Sei-San (23 taong gulang)
Ang pagkakasundo nila sa mga interes sa sining ang naging daan para sa kanilang pag-iibigan
Naging gabay, tagasalin, at guro ni Rizal si O-Sei-San
Ang ganda at pag-ibig ni Seiko Usui ay muntik nang magpabago ng pasya ni Rizal
Pakikipagromansa kay O-Sei-San
Seiko Usui (O-Sei-San)
Noong Abril 13, 1888, sumakay si Rizal sa Belgic, barkong Ingles, patungong Estados Unidos
Ang 45 na araw na pagbisita niya sa Japan ay tunay na naging masayang bahagi ng kanyang buhay
Sayonara, Japan
Matagal na ipinagluksa ni O-Sei-San ang paglisan ni Rizal na siyang unang nagpatibok ng kanyang puso
1897 – Ikinasal si O-Sei-San kay G. Alfred Charlton, isang Ingles na guro ng kimika sa Peers’ School sa Tokyo
Yuriko – ang isang anak na babae nina Usui at Charlton
Si O-Sei-San Pagkaraang Pag-alis ni Rizal
Nang namatay si G. Charlton, si O-Sei-San ay nanirahan sa distrito ng Shinjuko sa Tokyo
Nalampasan niya ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ngunit nawasak ang kanyang bahay ng bombang pinasabog ng Estados Unidos noong 1944
Mayo 1, 1947 – namatay si O-Sei-San at inilibing siya sa puntod ng kanyang asawa sa Sementeryo ng Zoshigawa
Si O-Sei-San Pagkaraang Pag-alis ni Rizal
Sementeryo ng Zoshigawa
Tetcho Suehiro – isang palabang Hapon na mamamahayag, nobelista, at kampeon ng mga karapatang pantao, na pinalayas ng pamahalaang Hapon
Sina Rizal at Tetcho ay parehong makabayan, mahigpit na kaaway ng kawalan ng katarungan at tiraniya, at ginagamit ang kanilang panulat bilang armas sa pakikipaglaban para sa kapakanan at kaligayahan ng kanilang kababayan
Sina Rizal at Tetcho
Tetcho Suehiro
Abril 13–Disyembre 1, 1888 – naging magkaibigan si Rizal at Tetcho ng walong buwan
Naging taga-hanga ni Rizal si TetchoPagkaraan ng pagkakahiwalay ni Rizal
at Tetcho, tumungong London si Rizal upang isagawa ang pangkasaysayang pananaliksik na may kinalaman sa Mora sa Museo ng Britanya
Sina Rizal at Tetcho
Noong 1889, pagkabalik sa Japan, inilathala ni Tetcho ang kanyang talaarawan tungkol sa biyahe niya
Pagkaraan ng pagkalimbag ng kanyang talaarawan, nagretiro bilang patnugot ng Choya, at pumasok sa larangang ng politikal si Tetcho
Sina Rizal at Tetcho
1890 – nahalal si Tetcho bilang miyembro ng mababang kapulungan ng Unang Imperyal na Diet (parlamentong Hapon)
1891 – inilathala niya ang nobelang politikal na Nankai-no-Daiharan (Sigwa sa Katimugang Dagat) na nahahawig sa Noli Me Tangere
1894 – nailathala niya ang O-unabara (Malaking Dagat) na hawig din sa El Filibusterismo
Sina Rizal at Tetcho
Namatay si Tetcho sa edad na 49 (Pebrero 1896) sanhi ng atake sa puso
Sina Rizal at Tetcho