santi · f. v. omaÑa jr. santi

254
F. V. OMAÑA JR. Santi

Upload: others

Post on 17-Nov-2020

14 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

F. V. OMAÑA JR.

Santi

Page 2: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi
Page 3: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

F. V. OMAÑA JR.

Santi

Page 4: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi
Page 5: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

Para sa aking Lola,mananatili kang buhay sa aking puso.

Page 6: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi
Page 7: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

Ang mga sumusunod na kwento ay naganap sa Maka, isang bansa di kalayuan sa silangang bahagi ng Pilipinas.

Page 8: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi
Page 9: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

9

M adilim ang paligid. Malamig ang hangin na wari’y nagbabadya ng isang paparating na unos. Nakakubli siya sa tabi ng punong

adwas. Halos ilang oras din ang kanyang hinintay. Taimtim at wala siyang kaimik-imik sa kanyang pagmamatyag. Hindi siya dapat makita ninu man. Buo ang kanyang loob, punong-puno siya ng pag-asa subalit ang kabog ng kanyang dibdib ay palakas ng palakas. Hindi niya iniinda ang mga lamok na patuloy na umuubos sa kanyang dugo. Ingat na ingat siya sa kanyang mga kilos. Isang buwan na ang nakalilipas mula nang maghiwalay sila ng kanyang asawa. Naglagi siya sa bayan ng Delta sa lalawigan ng Catalina. Wala siyang nakuha kahit isa man lang sa lima nilang anak. Binalot siya ng matinding kalungkutan sa pamamalagi niya sa Delta. At dahil doon, naisip niyang bumalik sa San Jose at kunin ang pangalawa nilang anak – si Santi. Sa lima nilang anak, si Santi ang kanyang pinakapaborito. Maputi ang balat nito na gaya niya at kinakikitaan niya ng katalinuhan. Nang iluwal niya ito, nabigla kahit na ang kumadronang nagpaanak sa kanya. Wari raw ay labanos ang kulay ng balat ng sanggol na si Santi. Nais niya itong isama sa Delta at doon palakihin. Ayaw niyang may makaalam sa kanyang gagawin. Batid niyang hindi

Ang Pagtakas

Page 10: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

10

ito pahihintulutan ng ina ng kanyang asawa – si Aling Marta. Nagkataong wala roon si Fernan, ang kanyang kabiyak, nang gabing yaon. Pumunta ito sa bayan ng Anael upang doo’y tumugtog sa Pista ng Bayan. Siya ay gitarista ng kanilang grupo. Kilala si Fernan sa buong San Jose bilang manganganta at gitarista. Ayon kay Aling Marta, bata palang daw si Fernan ay kinakitaan na niya ito ng pagkahilig sa gitara. Iba’t ibang bayan ang umaarkila sa grupo nila upang magbigay aliw tuwing may pista, kaarawan o kahit na kasal. Kumikita rin siya sa trabahong ito kahit papaano ngunit ito’y hindi sapat upang buhayin ang lima nilang anak. Sa susunod na araw pa ang balik ni Fernan sa San Jose. Ang kinatatayuan niya sa tabi ng adwas ay may layong labinlimang hakbang mula sa kanilang barung-barong. Samantala ang barung-barong naman nila ay may layong limang hakbang lamang mula sa bahay nina Aling Marta. Ang munti nilang bahay ay gawa lamang sa kawayan. Mayroon itong pawid na dingding, siyam na haligi, isang bintana sa bandang likod sa mismong kusina, isang bintana sa mismong silid tulugan at may sahig na nakaangat sa lupa na may taas na tatlong talampakan. May hagdanan ito na may apat na baitang. Ang pintuan nito na nasa kaliwang dulo kapag nakaharap ka rito ay yari rin sa kawayan. Walang ingay na kailangang maganap sapagkat ito ang magsisilbing panggising sa mga kalapitan. Sinamahan niya ng dasal ang kanyang paghihintay. Taimtim niyang ipinagdasal na sana’y makuha niya si Santi ng tahimik at walang gulo. Nang sa palagay niya’y maaari ng isagawa ang kanyang binabalak, dahan-dahan siyang lumapit sa kanilang barung-barong. Ihinakbang niya ng tahimik ang kanyang mga paa sa baitang ng hagdan. Nang siya’y nakaharap na sa pinto, marahan niyang isinuot ang kanan niyang kamay sa isang butas na nasa kanang bahagi ng pinto at tinanggal ang pagkakakawit nito. Tahimik na tahimik niyang ibinukas ang pinto. Siya’y nagulat.

Ang Pagtakas

Page 11: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

11

“Ha! Bakit wala si Fernan?” Ang maliit na gasera na nakasabit malapit sa bintana ang nagsisilbing liwanag upang maaninagan niya ang loob ng kanilang barung-barong. Dahan-dahan siyang humakbang papalapit sa kanyang mga natutulog na anak. Nakadama siya ng matinding kasiyahan nang matanto niyang wala roon si Fernan. Mas madali na kasi niyang maisasagawa ang kanyang balak. Nang makalapit na siya sa kanyang mga anak, isa-isa niya silang pinaghahagkan at dinampi-dampi ang mga noo. Naluha siya nang si Parisa na ang kanyang hahagkan. Hindi niya namalayan, tumutulo na pala ang luha sa kanyang mga mata. Labis ang nadama niyang pagkaawa sa sanggol. Si Parisa ang pinakabunso nilang anak ni Fernan. Pitong buwang gulang lang ito noong ito’y iwan niya nang nakaraang buwan. Magkahalong lungkot at saya ang kanyang nadarama nang mga oras na iyon. Masaya dahil makukuha na niya si Santi ngunit malungkot din dahil mas marami at mas musmos ang mga maiiwan. Hindi niya kayang isama ang lahat ng kanyang mga anak sapagkat wala pa siyang magandang trabaho sa Delta. Halos ilang minuto rin niyang itinuon ang paningin sa mga natutulog na anak. Habang minamasdan niya sila ay patuloy rin sa pagdaloy ang kanyang luha. Pigil na pigil siya sa paghikbi habang sinasambit ang mga katagang, “Patawarin niyo ako mga anak ko. Mahal na mahal ko kayo.” Ayaw niyang magising ang mga ito kaya’t marahan na marahan at halos pabulong na ang kanyang pagsasalita. Nang matapos siya sa kanyang pagluha, hinawakan niya sa balikat si Santi at ito’y kanyang ginising. Agad naman itong nagising. Pupungas-pungas pa ang kanyang mga mata habang tinitingnan kung sino ang gumigising sa kanya. Siya’y nagulat. “Inay!” ang malakas na sambit nito. Mabilis niyang tinakpan ang bibig ng anak at sumenyas na huwag magsalita. Dali-dali niya itong pinatayo sa pagkakahiga at pinalakad pababa ng hagdanan. Ipinasuot niya

Ang Pagtakas

Page 12: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

12

kay Santi ang tsinelas nito. Humakbang siyang muli sa baitang ng hagdan at dahan-dahang hinila pasara ang pinto. Pagkatapos noo’y inakay na niya si Santi papalayo sa kanilang bahay. “Inay, saan po tayo pupunta?” “Bibili lang tayo ng pandesal.” “Bakit sina Theresa po hindi natin isinama?” “Hindi na anak. Mabilis lang naman tayo. Babalik din tayo agad.” Patuloy sa paglakad ang dalawa. Walang nabitbit na damit si Santi kahit na isa. Ang tanging dala lamang niya ay ang suot-suot niyang sando na pinatungan ng dyaket na butas-butas ang laylayan. Ang suot naman niyang pantalon ay masikip na masikip na sa kanya at bitin pa ang haba nito. Malayu-layo na rin ang nalalakad ng dalawa nang mapansin ng anak ang ina. “Inay, hindi po diyan ang papunta sa panaderya. Dito po,” sabay turo sa kabilang kalye. “Hindi anak. May dadaanan muna ang inay ha.” Ang daan na kanilang tinahak ay patungo sa istasyon ng bus na malapit sa palengke. Marahil ay nahihirapan siya sa pagsagot sa mga tanong ng kanyang anak ngunit para sa kanya ipaliliwanag din niya ang lahat kapag nakalayo na sila sa San Jose. Mabilis ang paghakbang niya na wari ay may hinahabol. Wala namang magawa si Santi kundi ang sabayan ang lakad ng ina. “Inay, bakit po tayo nagmamadali?” ang tanong ni Santi. “Baka kasi hindi ko na maabutan yung taong kakausapin ko,” ang sagot naman nito sabay bigkas muli, “Wag ka na ngang masyadong matanong basta sumunod ka lang sa akin ha.” “Opo.” Sa wakas! Nakarating din sila sa istasyon ng bus. Iisang bus pa lamang ang nakaparada roon na siyang pinakaunang aalis patungo sa San Mateo – karatig bayan ng Delta. Tatatlong pasahero pa lamang ang nakasakay rito na nakaupo sa unahang

Ang Pagtakas

Page 13: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

13

bahagi. Inaninag niya mula sa labas ng bus ang mga ito. Ay salamat! Di niya kilala ang mga ito. Dali-dali niyang pinataas si Santi sa bus. Subalit di mapigilan ng bata ang sarili na magtanong muli sa kanyang ina. “Ano po ang gagawin natin sa loob?” “Basta dumiretso ka lang.” Sa dulong bahagi ng bus umupo ang dalawa. Tahimik siyang nagdasal na sana ay wala silang makita na taong nakakikilala sa kanila. Si Santi ay isang mautitang bata. Lahat ng katanungang kanyang nasasaisip ay agad niyang itinatanong. Hindi niya pinalalampas ang mga katanungan sa mga bagay na para sa kanya ay nakalilito. “Inay, akala ko po ba bibili tayo ng pandesal? Bakit po tayo sumakay sa bus?” “Oh sandali,” ang sagot naman niya sabay dungaw sa bintana. Nang makita niya ang isang batang may sunong-sunong na kahon, siya’y sumigaw. “Pandesal!” Mabilis namang lumapit ang bata sa babang bahagi ng bus sa tapat ng bintana nilang mag-ina. “Magkano po?” “Bigyan mo ako ng lima.” Kumuha ang bata ng limang piraso. Kanya itong isinilid sa sisidlang papel at iniabot niya sa kanila. Pagkaabot, mabilis na kumuha ng isang piraso si Santi at kinain ito. Patuloy ang dalangin niya na sana ay walang makakita sa kanila. Ngunit hindi siya pinagbigyan ng pagkakataon. “Suman! Suman po kayo diyan!” Naaninag niya si Aling Curing na papataas sa sinasakyan nilang bus. Nagmamadali niyang tinanggal ang suot niyang dyaket at itinabing sa anak sabay bulong, “Kunwari tulog ka.” Huli na ang lahat. Natanaw na sila ni Aling Curing. Tila nabigla ang matanda sa kanyang nakita. Ngumiti ito at lumapit sa kanila.

Ang Pagtakas

Page 14: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

14

“Uy Magda! Kelan ka pa? Hindi nabanggit sakin ni Marta na narito ka pala.” Nabigla si Magda sa bilis ng mga pangyayari. Halos hindi niya masambit ang mga katagang nais niyang bigkasin kay Aling Curing. Hindi niya alam kung papaano sasabihin ang lahat sa matanda. Si Aling Curing ay isa sa kanilang mga kapitbahay. Matalik siyang kaibigan ni Aling Marta. “Oh, sino yang anak na isinama mo?” “Ah, eh si Santi po. Isasama ko na lang po siya sa Catalina. Tutal eh wala rin naman po ako kasama roon,” ang sagot ni Magda na halos nauutal sa pagsasalita dahil sa kabang nadarama. “Ah sa lalawigan ng Catalina ka na pala. Wala na ba talaga kayong balak na magsama muli?” ang tanong ng matanda. “Baka hindi na ho. Hahanap na lang po ako ng bagong oportunidad doon sa Catalina. Baka sakaling makatisod po ako ng magandang kapalaran dun,” sabay ngiti sa matanda. Habang nag-uusap ang dalawa, parami na ng parami ang sumasakay na pasahero. Biglang nagsalita ang kundoktor, “Kapag napuno po, aalis na rin tayo kaagad.” Nais pa rin sanang kausapin ni Aling Curing si Magda subalit naisip niyang baka hindi na mabili pa ang kanyang mga suman kapag nagtagal pa siya sa pakikipag-usap. “Pano, eh di ingat na lang kayong dalawa ha.” “Sige po Aling Curing, pasabi na lang po kay nanay na hindi ko na sila ginising pa kasi baka magising din yung mga bata at baka mag-iyakan.” “Oh sige.” Patuloy na naglako ng kanyang tinda si Aling Curing. Samantala, isang pasahero naman ang pumakyaw ng kanyang mga suman. Dahil doon, dali-daling umuwi si Aling Curing. “Kailangang malaman agad ito ni Marta.” Labis ang kabang naramdaman ni Magda noong mawala na si Aling Curing sa kanyang paningin. Sa kanyang pakiwari, maaaring pauwi na ito at sasabihin na nito kay Aling Marta ang tungkol sa kanya. Baka mahabol pa sila sa istasyon

Ang Pagtakas

Page 15: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

15

at makuha pa si Santi. “Manong, di pa ba tayo aalis?” ang tanong niya sa kundoktor na wari ay naiinis na sa paghihintay. “Isa na lang po.” Samantala, si Aling Curing naman ay patuloy sa paglakad at nagmamadaling makauwi upang sa gayon ay maiulat niya kay Aling Marta ang kanyang nakita. Halos magliliwanag na rin. Bumungad na si Aling Curing sa harap ng bahay nila Aling Marta. “Marta! Marta!” ang sigaw ng matanda Kagyat namang lumabas si Aling Marta na bitbit ang isang tasang kape. “Ay bakit Curing? At tanu’t ang aga mo namang tumawag?” “Ay halika,” sabay lapit kay Aling Marta na halos humihingal pa dahil sa pagod. “Nakita ko si Magda sa terminal ng bus! Kasama niya si Santi. Isasama na raw niya ito sa Catalina.”

“ANU?!”

Biglang tinalikuran ni Aling Marta si Aling Curing. Ibinaba nito ang hawak na tasa sa isang upuan at nagmadaling sumugod sa barung-barong nila Fernan. Mabilis niyang sinilip ang mga bata at nabigla nang malaman niyang wala nga roon si Santi. “Maaabutan pa kaya natin sila sa istasyon?” “Baka,” ang sagot ni Aling Curing na di pa nakararaos sa paghingal. “Kasi hindi pa naman masyadong puno yung bus nang umalis ako roon.” Nagmamadaling lumakad si Aling Marta papasok sa kanilang bahay. Halos hindi maipinta ang pagmumukha nito sa galit na nararamdaman noong mga oras na iyon. Agad silang naghanda upang tumungo sa istasyon ng bus. Nanginginig ang katawan ni Aling Marta. Kabang-kaba siya na baka tuluyan ng makuha ni Magda si Santi.

Ang Pagtakas

Page 16: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

16

Sana hindi siya magtagumpay. Ito ang kanyang dasal “Halika. Samahan mo ako sa istasyon baka naroon pa sila,” ang yaya ni Aling Marta sa kaibigan.

Page 17: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

17

H indi na naabutan nina Aling Marta ang mag-ina. Mga limang minuto naring nakaalis ang bus na sinasakyan nina Magda bago pa man nila

narating ni Curing ang terminal. Galit na galit si Aling Marta kay Magda. Halos murahin niya ito sa galit.

Wala na ring silbi. Hindi na maririnig pa ni Magda ang mga masasakit na salitang iyon.

Nag-aalala ang matanda kung paano niya iyon ipaliliwanag kay Fernan. Hindi niya inaasahan ang gayong pangyayari. Kahit minsan ay hindi niya naisip na isang araw ay babalik si Magda upang kumuha ng anak.

Batid ni Magda na hindi siya papayagan ng pamilya ni Fernan o mismong ni Fernan na kumuha siya ng anak kung kaya’t patagong pagkuha kay Santi ang naisip niya.

Hindi naging maganda ang umaga ni Aling Marta noong araw na yaon. Samantala, binabagtas na nina Magda at Santi ang kabundukan ng Sierra Duha sa lalawigan ng San Isidro. Nakahihilo ang daan, paliko-liko na tila wala ng katapusan. Hindi dinalaw ng pagkahilo si Magda dahil sa rami ng kanyang iniisip. Malayo ang kanyang tingin na abot hanggang sa kabilang dako ng kabundukan.

Datapwat alam niyang lubos ang magiging poot ng pamilya ni Fernan sa kanya, mas inisip niya ang pansariling kasiyahan kasama ang paboritong anak. Para sa kanya, maiibsan

Bagong Paligid

Page 18: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

18

ng kahit isa sa kanyang mga anak ang kalungkutang kanyang nadarama sa kanyang pag-iisa.

Labis ang galak na kaniyang nararamdaman nang mga oras na iyon sapagkat nailabas na niya ng San Jose si Santi. Yapus-yapos niya ito habang nagwiwika sa tulog na anak, “Huwag kang mag-alala anak. Palalakihin kita ng maayos. Hindi kita pababayaan kahit saan tayo mapadpad. Hahanap ako ng magandang oportunidad upang sa gayo’y makuha ko rin ang iba mo pang mga kapatid.”

Nakatulog na si Santi sa haba ng biyahe. Lubos na kasiyahan ang kanyang nadama nang umagang iyon dahil muli na naman niyang nakasama ang kanyang ina. Halos isang buwan din niya itong hinanap-hanap. Lagi niya itong itinatanong sa ama at sa kanyang lola. Si Santi ay isang maka-inang anak. Mas malapit ang kanyang loob sa ina kaysa sa ama. Marahil ay masyado pang musmos ang kanyang kaisipan upang unawain ang nangyayari subalit mas panatag siya sa piling ng ina.

Matinding pang-aalipusta sa ina ang kanyang nasaksihan mula sa kanilang mga kapit-bahay nang araw na lisanin sila nito. Nais niyang unawain ang lahat ng iyon ngunit hindi pa kaya ng mura niyang kaisipan.

Magdadapit hapon na nang marating nila ang bayan ng Delta sa lalawigan ng Catalina. Maalinsangan ang panahon nang araw na iyon at walang masyadong ulap sa kalangitan. Ang hangin nama’y di gaanong nagpaparamdam. Buhat-buhat ni Magda si Santi na noo’y medyo nahilo dahil sa haba ng biyahe. Si Santi ay di gaanong nakakain sa daan kaya’t hinang-hina siya.

Pumasok ang mag-ina sa bahay at ihiniga ni Magda si Santi sa kama. Binuksan niya ng bahagya ang bintana sa likurang bahagi ng bahay. Maya-maya pa’y isang malakas na tunog ang narinig nila na wari’y paparating. Ang tunog na iyon ay nakatutulig sa tainga. Agad tumayo si Santi na tila nawala ang pagkahilo nang marinig ang malakas na tunog na iyon. Tumakbo siya at ibinukas ang pintuan.

Nagwika si Magda, “Hindi diyan anak, doon mo

Bagong Paligid

Page 19: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

19

tingnan sa bintana,” sabay turo sa kabubukas na bintana sa likurang bahagi.

Tuwang-tuwa ang bata sa nakita. Isang tren pala ang dumaraan. Noon pa lang nakakita ng tren ang paslit na si Santi kaya’t abot ang kanyang pagkagalak.

Ang lupa na kinatitirikan ng bahay nila ay apat na metro lang ang layo sa riles ng tren. Nangungupahan dito si Magda. Maituturing na iskwater ang bahay nilang iyon sapagkat ang may-ari nito ay walang pinanghahawakan na kahit na anong papeles o titulo ng lupa.

Masasabing mapanganib ang bahay na iyon kay Santi sapagkat ito ay nasa tabi ng isang abalang lansangan. Ang mga sasakyang dumaraan doon ay sadyang matutulin at halos walang pakialam sa mga tumatawid. Ayon sa isa sa kanilang mga kapitbahay, maraming buhay na ang ibinuwis sa daang iyon.

Dahil sa mga panganib na nakapaligid sa kanila, ihinanda na ni Magda ang kanyang mga paalala sa anak: Iwasang tumawid papunta sa kabila ng lansangan at huwag maglaro sa riles ng tren.

Kinabukasan, isang kapitbahay ang dumalaw sa kanila.“Magda! Magda!” ang tawag ng matanda, “Nakabalik

ka na pala?”Lumabas ng bahay si Magda at kinausap ang matandang

kapitbahay. Ilang sandali pa’y dumungaw si Santi sa bintanang malapit sa pintuan upang masilayan ang bisita. Agad siyang nakita ng matanda.

“Ah. Siya ba si Santi?”“Halika anak,” ang yaya ng ina. “Magmano ka kay

Aling Ising.”Mabilis namang lumabas ang bata at nagmano sa

matanda. “Mano po Aling Ising.”“Kaawaan ka nawa ng Diyos,” ang sagot naman ni

Ising. “Ay kay inam naman ng iyong anak Magda.”Ang ugaling hindi maalis-alis ni Magda sa kanyang

sarili ay ang pangangapitbahay at ang pagiging malapit at bukas

Bagong Paligid

Page 20: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

20

sa mga ito. Iyon ang mga ugaling hindi gusto ni Aling Marta sa kanya. Umagang-umaga pa lang, siya’y pumupunta na sa mga kapitbahay at doo’y nakikipagkwentuhan. Kaya’t lagi siyang pinupulaan ng biyenan.

“Aba Magda, ay hanep ka naman. Di mo muna asikasuhin yung mga anak mo. Panay ang pangangapitbahay mo, di mo muna tingnan ang kalagayan nila.”

At ang lagi namang sagot ni Magda, “Si nanay naman eh. Napadaan lang naman.”

Halos isang buwan ng namamasukan si Magda sa isang pabrika bilang tagalinis ng bote. Walang makakasama si Santi sa kanilang bahay kaya’t ipinagpaalam ni Magda sa amo na isama si Santi sa trabaho. Sa edad na limang taon, nais na ni Magda na mamulat si Santi sa mga gawain o trabaho. Tinuruan na niya ito ng mga gawain tulad ng tamang pagwawalis sa loob at labas ng bahay, paghuhugas ng mga pinagkainan, pagluluto ng sinaing at paghuhugas ng bote sa kanyang pinapasukan. Napakahigpit ni Magda sa anak. Kapag ito’y nagkakamali ay agad niya itong pinapalo. Gusto niyang matuto si Santi sa buhay.

Sabik na sabik si Santi sa pakikipaglaro. Halos hindi na niya ito nagagawa dahil sa pagsama sa ina kaya’t napapatingin na lamang siya kapag may nakikitang mga batang naglalaro.

Minsan, sinubukan niyang makipaglaro sa mga batang nasa riles ng tren. Abala noon si Magda sa paglalaba ng kanilang mga damit kung kaya’t hindi na niya namalayan na lumabas na pala si Santi.

“Pwedeng sumali sa inyo?” ang tanong ni Santi sa mga batang naglalaro.

Tumingin sa kaniya ang mga ito. Agad bumulong ang isang batang lalaki sa kanyang kalaro. “Yan yung kapitbahay nating walang tatay.”

“Ah,” ang tugon naman ng pinagbulungan sabay wika, “di pwede rito ang walang tatay!”

“May tatay ako,” ang depensa ni Santi, “kaya lang wala rito nasa San Jose siya,” ang patuloy pa niya.

“Basta! Di ka pwede makipaglaro sa amin kasi wala ka

Bagong Paligid

Page 21: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

21

tatay.”Si Santi ay mabilis na napikon sa mga batang iyon

kaya’t di na niya napigilan ang sarili at mabilis na sinuntok sa mukha ang batang nagsasabi na wala siyang ama. Sa lakas ng suntok, napaupo ang bata sa lupa at mabilis na lumabas ang dugo sa ilong. Matapos iyon, agad tumakbo si Santi pabalik sa kanilang bahay.

Maya-maya pa’y,“Magda! Magda!” ang sigaw ni Aling Rosie, “Nasaan

yung basag-ulero mong anak? Tingnan mo, dugong-dugo yung ilong nitong apo ko. Sinapak daw nyang anak mo.” Buhat-buhat nito ang kanyang apo at galit na galit na nagsasalita.

Lumabas sa bahay si Magda. Nabigla siya sa kanyang nakita. Agad niyang tinawag ang anak at tinanong ang nangyari.

“Sabi po kasi niya wala raw po ako tatay. Kaya sinuntok ko po yung mukha niya,” ang salaysay ni Santi. “Ayaw rin po nila ako pasalihin sa kanilang laro.”

“Eh yun naman po pala Aling Rosie. Yang apo niyo naman po pala ang nauna.”

“Mas maganda diyan sa anak mo, wag mo nalang palabasin ng bahay upang di na makapanakit ng iba,” ang galit na galit na sambit ni Aling Rosie sabay talikod sa mag-ina habang karga-karga pa rin ang kanyang apo.

Pinapasok agad ni Magda si Santi sa loob ng bahay.Hindi niya alam kung ano ang gagawin sa anak. Di

niya alam kung ito ay papaluin dahil sa nangyari o kaya ay pagsasabihan.

Ngunit.“Galing ng anak ko ah. Tama yun ‘wag kang paaapi sa

kahit kanino,” sabay yapos kay Santi.Nagulat ang paslit sa reaksyon ng ina. Akala niya’y

papaluin siya nito dahil sa ginawang pagtakas at pagpasok sa gulo ngunit salungat ito sa nangyari. Pinuri pa siya nito at niyakap.

Si Magda ay isang babaeng may angking katapangan. Iyon ang ugaling nais niyang mamana ng kanyang mga anak sa

Bagong Paligid

Page 22: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

22

kanya. Ayaw niyang maapi ang mga ito. Sa pangyayaring iyon, nakita niya ang pagkakahalintulad ni Santi sa kanya.

Dumaan pa ang mga araw. Napansin ni Magda ang pagkalungkot ng anak. Alam niya ang pangangailangan ni Santi bilang isang musmos na bata. Ngunit wala siyang magawa. Hindi niya ito maiwan mag-isa sa bahay.

Isang araw, isinama niya ang anak sa palengke upang ipamili ng mga laruan. Sa paraang iyon, naisip nya na maiibsan ang pananabik nito sa mga kalaro.

“Oh, anak pili ka na ng laruan na gusto mo.”“Inay, pwede ko rin po ba ipili sina Theresa ng laruan?”

ang tanong niya sa ina.“Sige. Ikuha mo rin sila.”Pumili agad si Santi ng mga laruan para sa tatlo pa

niyang kapatid. Hindi na niya ipinili pa ang panganay na si Juan sapagkat alam niyang marami lang iyong laruan.

Napawi nga ng mga nabiling laruan ang pagkalungkot ng bata. Masaya na itong nakapaglalaro kahit na siya’y mag-isa lamang.

At nagpatuloy pa ang dalawa sa kanilang buhay.Isang araw, may nalaman siya na nagpasidhi sa kanyang

pagkabahala.“Aling Ising,” ang malakas na tawag nito habang

papasok sa bahay ng matanda.Nang mga oras na iyon, si Aling Ising ay nagkakape sa

kusina.“Oh, ano yun at kaaga-aga’y parang kaylaki ng iyong

problema?”Mabilis na lumapit si Magda kay Ising, kinuha ang

kanang kamay nito at inilagay sa babang bahagi ng kanyang lalamunan. Tahimik ang dalawa habang pinakikiramdaman ni Ising ang pintig nito.

“Naku po Magda,” ang dahan-dahang sambit ng matanda. “Buntis ka!”

“Sigurado po kayo?”“Dyaski ka, hindi ako maaaring magkamali.”

Bagong Paligid

Page 23: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

23

Si Magda pala ay nagdadalang-tao. Akala niya, ang nararamdaman niya ay normal

lamang. Dalaga palang kasi siya’y hindi na regular ang kanyang buwanang dalaw.

Namutla si Magda sa nalaman. Hindi niya inaasahan ang bagay na iyon. Noon niya napagtanto kung bakit ilang buwan na ay hindi pa rin siya nagkakaroon ng buwanang dalaw.

Hindi niya namalayan na tumutulo na pala ang kanyang luha.

“Paano n’yan Aling Ising, paano pa ako makapagtatrabaho nito?”

Niyakap siya ng matanda at nangusap sa kanya, “Huwag kang mag-alala kakayanin mo rin lahat. May awa ang Diyos.”

“Ang mahirap pa po nito baka sabihin ni Fernan anak ko ito sa ibang lalaki.”

“Di bale, huwag mo na munang isipin yun. Basta tandaan mo, maraming paraan sa lahat ng pagsubok at pakaisipin mo rin na ang buhay na iyan ay biyaya.”

Biglang napatahimik si Magda sa sinabing iyon ni Aling Ising. Pinagnilayan niya ang mga nasambit na salita ng kaibigan. Pagkatapos noon, malungkot siyang umuwi sa kanilang bahay. Dinatnan niyang kumakain si Santi sa lamesa. Lumapit siya sa anak at niyakap niya ito ng mahigpit. Tumulo na namang muli ang kanyang luha.

Pakiramdam niya ay punong-puno siya ng suliranin nang mga panahong iyon. Ang anak lang niyang si Santi ang tanging pinaghuhugutan niya ng lakas ng loob. Tama si Aling Ising, may paraan sa lahat ng mga pagsubok. Iyon ang isinasaisip ni Magda. Kailangan niyang kayanin ang lahat alang-alang kay Santi at sa iba pa niyang mga anak.

Ilang buwan pa ang dumaan. Hindi naging madali kay Magda ang kanyang kalagayan. Hirap siya sa pagtatrabaho. Nahihirapan siya sa pag-upo at pagkilos. Hirap din siya sa pagsakay sa dyip at sa pagbaba dito.

Sa isang banda, naisip niyang kausapin ang kaniyang amo. Nakiusap siyang bigyan siya ng trabahong magaan.

Bagong Paligid

Page 24: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

24

Dahil kitang-kita naman ang kanyang kalagayan, mabilis naman siyang pinagbigyan nito. Binigyan siya ng trabahong magaan at angkop lang sa kanyang sitwasyon. Naging tagapangasiwa siya sa kalidad ng mga boteng hinuhugasan. Hindi niya kailangang kumilos ng kumilos ngunit kailangang maging maingat siya lalo na sa pagtingin sa mga boteng nahugasan.

Nalalapit na ang kanyang panganganak. Kinausap ni Magda ang kanilang amo upang humingi ng bakasyon. Dagli rin naman siya nitong pinagbigyan dahil sa labis na awa sa kanya.

Sa kanilang tahanan, inayos na ni Magda ang lahat ng mga bagay na kakailanganin niya sa panganganak hanggang...

“Santi, anak! Takbo ka kay Aling Ising sabihin mo manganganak na ako,” ang pigil na pigil na salita ni Magda habang haplos-haplos niya ang kanyang tiyan.

Bagong Paligid

Page 25: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

25

Munting Anghel

“U ha! Uha! Uha!”Nagsilang si Magda ng isang sanggol

na lalaki. Naging maayos naman ang kanyang pagsilang dito. Ang kumadronang kinuha ni Aling Ising ay galak na galak sa sanggol sapagkat ito ay malusog at may matang tulad ng sa ina.

Samantala, nakatitig lamang si Santi sa sanggol at dahan-dahang hinahawakan ang mga kamay nito. Si Magda naman ay nakatulog na dahil sa pagod sa panganganak.

“Santi, di ka pa ba inaantok?” ang tanong ni Aling Ising sa bata.

Pangiti itong sumagot sa matanda, “Di pa po. Makikipaglaro po muna ako kay bunso.”

“Basta huwag mo masyadong pisilin ang mga balat niya ha kasi malambot pa ‘yan.”

“Eh Aling Ising kung kayo po ang magbibigay ng pangalan kay bunso, ano po ang gusto niyo pangalan niya saka bakit po iyon ang gusto niyo?”

Natawa ang matandang si Ising sa tanong na iyon ni Santi. Wari ay isang taong may edad na ang sa kanya’y nagtatanong.

Hinaplos ni Ising ang ulo ng bata at nagwika, “Ah, siguro maganda kung Peter para hango sa Bibliya.”

“Ano po yung Bibliya?

Page 26: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

26

“Banal na Aklat,” ang sagot ng matanda. “Naroon lahat ng kasagutan sa mga tanong sa buhay.”

“Kapag marunong na po ako magbasa, babasahin ko ang Bibliya.”

“Mabuti yun Santi”“Ako po wala pa naiisip na pangalan ni bunso. Pero

gusto ko po parang kapangalan ng anghel. Parang ganun po sa ikinukwento ni itay sa amin gabi-gabi.”

“Ah, kinukwentuhan ba kayo ng inyong tatay?”“Hindi po si tatay, si itay po,” ang sagot ng paslit. “Iba

po si tatay. Siya po ang tatay ni itay.”“Ah, tatay ang tawag niyo sa inyong lolo?”“Opo,” ang muling sagot ni Santi, “Si itay po ang

nagkukwento sa amin ng mga anghel, buwaya at ahas bago kami matulog.”

“Ha?!” Nagulat ang matanda sa tinuran ni Santi. Siya’y natawa. “Eh bakit naman buwaya at ahas?”

“Kasi po yung mga buwaya gustong kainin yung mga batang maliliit tapos po dumating din po yung mga ahas na may pakpak. Iniligtas po sila ng mga anghel. Sila po yung mga guardian angels nung mga bata.”

“Aba! Ay kay inam. Alam mo pala ang mga guardian angels ah. Ang bait naman pala ng inyong itay.”

“Opo. Mabait po yun. Kaya lang minsan po wala siya kasi nagko-kombo po sa ibang lugar.”

“Ano? Kombo? Ano yun?” ang tanong ni Aling Ising.“Naggigitara po siya at kumakanta. Inaarkila po sila ng

alkalde sa ibang lugar. Kaya lang, sabi po ng nanay ko malas daw po si itay kasi si inay ang napangasawa.”

“Ha ha ha!” ang pigil na pigil na tawa ng matanda. “Talaga? Sinabi sa inyo yun ng nanay niyo?”

“Di po sa amin, dun po sa kapitbahay namin. Narinig ko lang po.”

“Ah, ano ba yun? Grabe naman. Pero Santi alam mo, hindi ka dapat nakikialam sa usapan ng mga matatanda. Hayaan mo sila kasi problema nila yun.”

Munting Anghel

Page 27: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

27

Tahimik lang ang bata sa sinabing iyon ni Aling Ising. Samantala, patuloy niyang hinahaplos ang kamay ng bagong silang na kapatid.

“Oh s’ya! Matulog ka na at malalim na ang gabi,” ang wika ng matanda kay Santi.

Natulog na nga ang batang si Santi sa may banig na nakalatag malapit sa kama nila Magda at ng sanggol. Si Aling Ising naman ay umuwi na sa kanila.

Habang lumalakad si Ising palabas sa bahay nina Magda, iniisip niya ang kalagayan ng mag-iina. Naaawa siya sa mga ito.

“Diyos ko, kaawaan niyo po sana si Magda at ang kanyang mga anak,” ang dalangin niya habang lumalakad.

Kinaumagahan. Maagang pumaroon si Aling Ising sa bahay nina Magda. Gising na si Magda nang siya’y dumating doon. Samantala, mahimbing na mahimbing pa ang tulog ni Santi dahil sa lumipas na gabi. Nananatiling nakahiga si Magda sa kama katabi ang anak na sanggol dahil sa labis pang panghihina.

“Oh, Magda. Kumusta na pakiramdam mo?” ang tanong ng matanda.

“Maayos naman po, kaya lang parang nakatatamlay pa ho bumangon.”

“Oh, eh ‘wag mo munang pilitin kung di mo pa kaya baka mapasama sa kalagayan mo.”

Lumapit si Aling Ising sa kalan. Kinuha ang takuri sa ilalim nito, nagpaningas ng apoy at nagpainit ng tubig.

“Alam mo ba kagabi, nung tulog ka na, kausap ko si Santi. Tawa ako ng tawa sa mga ikinukwento niya. Sabi raw nung biyenan mo malas daw yung asawa mo kasi ikaw ang napangasawa.”

Di umimik si Magda sa sinabi ng matanda. Ngumiti lang siya at hinaplos ang ulo ng bagong silang niyang sanggol.

“Grabe nga pala talagang magsalita yung biyenan mong yun,” ang muling sambit ni Ising. “At ang masama pa dun, naririnig ng mga anak mo ang kanyang mga sinasabi laban

Munting Anghel

Page 28: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

28

sa iyo.” “Eh talagang ganun po yun. Sanay na ako dun,” ang

tugon naman ni Magda.“Ano na ngayon ang balak mo?” ang patuloy na tanong

ng matanda.“Di ko pa ho alam. Naguguluhan pa ako. Alam ko

mahirap na desisyon ang gagawin kong ito. Pero tiyak ko hong mas magiging mahirap ang buhay naming tatlo,” ang naluluhang sagot ni Magda.

“Ayoko na rin namang bumalik sa San Jose. Ngayon pa na nagkaroon ako ng anak. Baka isipin pa ng mga taga-roon anak ko ito sa ibang lalaki,” ang patuloy ni Magda.

“Basta kapag buo na ang loob mo, sabihin mo lang sa akin at kakausapin ko yung anak ko sa Oso,” ang pahayag naman ni Aling Ising.

Ilang araw pa ang lumipas, patuloy na nagpalakas si Magda upang sa gayo’y makabalik na siya sa pagtatrabaho. Nahihiya na rin siya kay Aling Ising. Ang matanda ang siyang naging mabait na kaibigan niya sa kanilang lugar. Lagi itong naghahatid ng pagkain sa mag-iina. Alam ng matanda na kapos sa pera si Magda dahil sa ilang linggong hindi nito pagtatrabaho. Itinuring na rin ni Ising na parang isang anak si Magda. Nagiging daingan siya nito ng mga problema. Ang matanda nama’y di nagkukulang sa pagbibigay ng payo at mga solusyon sa kaniyang mga suliranin.

Sa mga nagdaang araw, si Magda ay laging tahimik at malalim ang iniisip. Nahihirapan siya sa kung anong hakbang ang kanyang gagawin. Lagi niyang hinahaplos ang bagong silang niyang sanggol.

Samantala, si Santi naman ay mas lalong naging responsable sa mga gawaing bahay. Alam ng bata na kailangan ng ina ang kanyang tulong dahil sa kalagayan nito. Pagkagising sa umaga’y takuri na ang hawak nito upang magpainit ng tubig para sa kape ng ina. Pagkatapos noo’y magsasalang na siya ng sinaing at magpiprito ng itlog at tuyo. Ang paslit ay may matalas na memorya. Lahat ng turo, tagubilin at mga aral ng

Munting Anghel

Page 29: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

29

ina ay mabilis pumapasok sa kanyang isipan. Sa murang edad, maraming kapitbahay nila ang sa kanya’y humahanga dahil sa angking kabaitan. Sinubukan na niyang maglaba ng kanilang mga damit ngunit ang kanyang mga kamay ay dipa nagtataglay ng nararapat na lakas upang pumuti at luminis ang kanilang kasuotan. Masaya si Magda dahil nakikita niyang ang anak niya’y nagiging maayos, matalino at responsable. Masipag din si Santi sa pag-igib ng tubig sa may balon. Kinakailangan pang maglakad ni Santi ng mga limampung metro para lamang makakuha ng kanilang inuming tubig at panggamit sa bahay. Sa buong araw, kinakailangan niyang bumalik ng mga sampung beses upang mapuno ang kanilang mga sisidlan. Pumipila siya sa mga nakapilang kapitbahay nila para sa tubig sa balon. Ang balon lamang ang pinagkukunan ng tubig ng lahat ng mga tao sa kanilang lugar kung kaya’t si Santi ay mas lalong naging masigasig.

“Inay, totoo po ba yung sinasabi nila sa akin dun sa balon?”

“Na ano raw?” ang pahapyaw na tanong ni Magda.“Na hindi na raw po ako tatangkad dahil lagi ako

nagbubuhat ng balde ng tubig. Magiging bansot na raw po ako.”

“Sus!” ang bulalas ni Magda. “Wag mo silang pansinin. Inggit lang sila kasi masipag ang anak ko.” Sabay yapos at halik kay Santi.

“Eh kasi sila, yung mga anak nila walang alam gawin kundi manghingi ng pera sa kanila,” ang patuloy pa ni Magda. “Basta sigurado ako tatangkad ka kasi magmamana ka kay itay mo... matangkad. Bakit? Wala namang bansot sa lahi natin ah.”

“Si NANAY po!” ang mabilis na sagot ni Santi.Natawa si Magda sa sagot na iyon ni Santi. “Eh tiyak ko

namang di ka magmamana roon.”Si Aling Marta ay masasabing bansot kumpara sa

kanyang asawa’t mga anak. Ang lahat ng kanyang mga anak ay hinahangaan sa kanilang lugar dahil sa angking katangkaran. Kabilang na rito si Fernan.

Munting Anghel

Page 30: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

30

Isang araw, sa pagdalaw ni Ising sa mag-iina...“Nakapagpasya na po ako,” ang bungad ni Magda sa

matanda. “Ipaaampon ko na po itong anak ko sa inyong anak.”Hindi alam ni Aling Ising kung ano ang magiging

reaksyon niya sa sinabing iyon ni Magda. Siya ba’y malulungkot dahil mawawalay na ang musmos na sanggol sa kanyang ina o matutuwa dahil magkakaroon na ng sanggol ang kanyang anak na si Oliver?

“Sigurado ka na ba diyan sa desisyon mo?” ang tanong ni Ising.

“Oho. Baka kasi mahirapan lang ako. Papaano pa ako makapagtatrabaho kung merong sanggol na maiiwan dito sa bahay. Mabuti po itong si Santi at may isip na.”

“Eh ikaw, kung iyan ang pasya mo,” ang masayang tugon naman ni Ising. “Wag kang mag-alala, ituturing kong apo yang anak mo at sisikapin naming mabigyan siya ng magandang kinabukasan,” ang patuloy pang sambit ng matanda.

Naluluha si Magda habang nakikipag-usap kay Aling Ising ngunit pilit niyang nilalabanan ang pagpatak ng kanyang luha. Alam naman niyang mabubuting tao ang mapagbibigyan niya sa kanyang musmos na sanggol. Ngunit napapaisip din siya kung paano niya ipaliliwanag kay Santi ang bagay na iyon. Alam niyang mahal na mahal ni Santi ang kanyang sanggol na kapatid.

“Mga kailan ang balak mo?” ang muling tanong ni Aling Ising.”

“Pwede na ho bukas para makabalik na ako sa trabaho ko.”

“Oh sige..Naku!” ang masayang sambit ng matanda, “tiyak na matutuwa si Oliver nito. Matagal na nilang gustong magkaanak.”

Kinabukasan ng umaga, maagap na ginising ni Magda si Santi.

“Santi, gising na anak. May pupuntahan tayo.”

Munting Anghel

Page 31: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

31

Kahit na antok na antok pa ay mabilis itong bumangon.“Talaga po inay, may pupuntahan tayo?” ang sabik na

sabik na tanong nito sa ina.“Oo, isasama natin si bunso.”“Yehey!” ang sigaw ni Santi. “Malayo po ba pupuntahan

natin?”“Basta. Wala ng maraming tanong pa. Basta mag-ayos

ka na.”Maya-maya pa ay dumating na rin si Aling Ising.

Nakabihis na siya at handa na sa kanilang pag biyahe.At nagbiyahe na nga ang apat kabilang ang sanggol.Mahaba-habang oras din ang naging biyahe nila.Sa wakas narating na rin nila ang Oso!Masayang sinalubong ni Oliver at ng kanyang asawa

sina Aling Ising.“Oh nanay napadalaw po kayo?” ang mabilis na tanong

ni Oliver, sabay tingin sa mag-iina. “Sino po mga kasama niyo?” “Siya si Magda, yung kinukwento ko sa’yo noong

nakaraang buwang dumalaw ka sa ‘tin.”“Ah.”Niyaya ni Aling Ising si Oliver at ang kanyang asawa

sa loob ng kwarto upang sila’y makapag-usap. Maya-maya pa’y lumabas na silang tatlo.

“Ayos na Magda,” ang wika ni Aling Ising.Agad iniabot ni Magda ang sanggol kay Oliver.“Wow! Ang gwapo naman.”“Ha?” ang pagtatakang sambit ni Santi, “Inay bakit po

niya kinuha si bunso?” sabay yapos sa ina.“Kukunin na nila si bunso anak para sila na ang mag-

alaga sa kanya.”Agad umiyak ang paslit na si Santi at umupo sa sahig.

Napakalakas ng iyak niya. Halos pasigaw.“Ayaw ko...ayaw ko!” ang pagwawala ng bata. Naiyak na rin si Magda at si Aling Ising dahil sa pag-

iyak na iyon ni Santi. Agad naman siyang binuhat ng ina at niyakap.

Munting Anghel

Page 32: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

32

“Mabait naman sila anak saka mas marami silang pera kesa sa atin, mas magiging maganda ang buhay ng kapatid mo sa kanila,” paliwanag ng ina habang lumuluha.

“Basta! Basta! Ayokooo...” ang patuloy na sigaw ni Santi.

Pumasok sa kwarto ang asawa ni Oliver at paglabas ay may iniabot kay Magda.

“Oh, heto Magda. Pandagdag sa inyong pera.”“Naku. Maraming salamat ha,” ang sagot ni Magda

sabay saad, “Di na rin kami magtatagal kasi di na titigil itong si Santi sa kaiiyak hangga’t nakikita niya ‘yang kapatid niya.”

Agad ng umalis sina Magda at si Aling Ising. Samantala, si Santi naman ay palakas ng palakas ang pag-iyak at patuloy na nagwawala dahil sa labis na pagkadismaya. Habang papaalis ay nakatingin ito sa kapatid niya at pilit na iniaabot ang kamay sa wari’y kanya itong kinukuha. Si Magda ay patuloy rin sa pag-iyak habang buhat-buhat si Santi.

Habang nakasakay sa bus papauwi ng Delta, lungkot at pagkabagabag ang nadarama ni Magda.

Tama ba ang kanyang ginawa? Ano kaya ang sasabihin sa kanya ng anak niyang iyon sa sandaling siya’y lumaki na? Ano rin kaya ang maaaring sabihin ni Santi sa kanya kapag siya’y lumaki na at magkaisip? Ito ang mga bagay na pilit na sumasadsad sa kanyang isipan.

~Pagkauwi sa bahay, isang di kanais-nais na tao ang sa

kanila’y sumalubong.“Oh Magda. Asan na yung sinasabi mong bayad sa

renta nyo?” ang galit na bungad ni Aling Remy, ang may-ari ng kanilang inuupahan.

Ang matandang ito ay ilang beses na ring nagpabalik-balik sa kanya upang maningil ngunit di siya halos mabayaran ni Magda.

Ang inipon ni Magda na pera ay inilaan niya sa kanyang

Munting Anghel

Page 33: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

33

panganganak at sa kanilang gastusin ni Santi. Kahit anong pilit niya na pagkasyahin lahat ay talagang di kinaya ang para sa renta.

Dumukot si Magda sa bulsa at iniabot ang pera sa matanda. Ang perang kanyang iniabot ay ang perang ibinigay nina Oliver sa kanya.

Mabilis itong binilang ni Aling Remy.“Aba eh kulang pa ‘to!” ang bulalas ng matanda.

“Babalik ako sa isang araw. Kapag di mo pa napunuan ang lahat ng kulang, pasensyahan tayo ngunit kailangan n’yo ng magbalut-balot ng gamit nyo.”

“Aling Remy naman,” ang paliwanag ni Magda, “maayos naman ako magbayad sa inyo ah. Talagang may dumating lang na ganitong pangyayari kaya ako nagkaproblema sa pagbabayad.”

“Eh labas na ako sa problema MO!” ang malakas at halos pasigaw na sagot ni Remy. “At wala akong pakialam sa problema mo. Ang sa akin eh negosyo. Meron din akong mga pangangailangan.”

Si Ising ay tahimik lang at nakatingin sa dalawa. Subalit halatang kumukunot na ang noo nito dahil sa pagkainis sa ugali ni Aling Remy.

Pagkatapos noon, tumalikod na ang matandang si Remy at umalis. Ang tatlo nama’y pumasok na sa loob ng bahay.

“Hay! Nakakainis talaga yang si Aling Remy, napakamukhang pera,” ang galit na galit na pahayag ni Magda.

“Sinabi mo pa. Balita ko eh adik daw yan sa pagsusugal kaya siguro matindi ang pangangailangan sa pera,” ang sagot naman ni Ising.

“Tapos sa isang araw na ho niya kailangan yung pera. Paano kaya nyan? Saan naman ako kukuha ng ganong pera. Masyado naman ho ata akong ginigipit ng pagkakataon. Masyadong masakit sa ulo.”

“Huwag kang mag-alala. Hahanap ako ng paraan,” ang mahinahong tugon ni Ising.

“Aling Ising naman. Napakarami na ninyong ginawa

Munting Anghel

Page 34: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

34

para sa aming mag-iina. ‘Wag na po kayong mag-abala. Pupunta ho ako bukas dun sa pinapasukan ko. Titingnan ko kung maaari akong makabale.”

Kinabukasan, maagang naghanda si Magda para sa pagpunta niya sa pabrikang kanyang pinapasukan.

MAPAIT TALAGA ANG PAGKAKATAON!

“Manong, bakit po nakasara ang pabrika?” ang tanong nito sa taong nagbabantay sa bukana.

“Nagsara na tong pabrika, dalawang linggo na ang nakararaan. Balita ko eh nalugi raw yung may-ari,” ang sagot nito kay Magda.

Parang pinagsakluban si Magda ng langit at lupa dahil sa narinig. Tila tumigil ang kanyang isip at nawala ang kanyang presensya. Matinding kamalasan ang dumating sa kanya sa panahong iyon. Halos hindi niya mailakad ang kanyang paa papalayo sa kanyang kinatatayuan.

“Marahil ay ito na ang parusang iginagawad sa akin ng Diyos dahil sa pag-iwan ko sa iba ko pang mga anak.”

~Ang araw ng pagbabalik ni Aling Remy ay dumating

na.Hindi nakagawa ng paraan si Aling Ising sa

pagkakataong iyon. Wala rin siyang gaanong pera nang mga oras na iyon. Awang-awa siya sa mag-ina.

At napaalis na nga sina Magda at Santi sa kanilang tinitirhan...

Munting Anghel

Page 35: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

35

P ansamantala munang tumuloy sina Magda at Santi sa kapatid ni Aling Ising sa karatig-bayan ng Magdalena. Masamang-masama ang loob ni Magda kay Aling

Remy. Halos isumpa niya ito sa galit. Ayon sa kanya, ang pagpapalayas sa kanilang mag-ina ay hindi gawang makatao. Lalo na’t hindi pa gaanong bumabalik ang buo niyang lakas dahil sa panganganak.

Ngunit may karagdagan pa ring problema. Ang kapatid ni Aling Ising ay iba sa kanya. Ito’y isang maramot, matabil ang dila, prangka at mapag-isip sa kapwa. Ibang-iba ang pag-uugali ni Aling Ising sa kanya na kilalang mabait, maunawain at mapagbigay na tao.

Lubha ang pagkaawa ni Ising sa mag-ina nang araw na paalisin sila sa kanilang inuupahan kung kaya’t agad siyang gumawa ng paraan. Naisip niyang dalhin muna pansamantala ang mag-ina sa kanyang kapatid sa karatig-bayan. Lubhang mas malaki at malawak ang tahanan ng kanyang kapatid kumpara sa kanyang tahanan sa Delta.

“Mameng, dito mo muna patuluyin sina Magda at ang kanyang anak,” ani Ising sa kanyang kapatid. “Tutal eh marami pa namang bakanteng kwarto sa taas.”

“Hanggang kailan naman?” ang nakasimangot na tanong ni Mameng.

“Ano ka ba? Eh di hanggang sa makahanap na si Magda

Ang Malupit na si Mameng

Page 36: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

36

ng trabaho niya,” ang sagot ni Ising.“Eh papano ang pagkain nila?”“Wag kang mag-alala, may sarili silang pagkain at di sila

hihingi sa inyo.”“Mabuti at malinaw. Alam mo namang gipit din kami

rito.”Itinuro na ni Mameng ang magiging silid nilang mag-

ina sa ikalawang palapag. Pagkaturo, bumaba na siya kaagad. Sa taas, pinaliwanagan ni Ising si Magda ukol sa ugali

ng kanyang kapatid na babae. Pagkatapos, niyakap niya si Magda, inabutan ng kaunting pera at nagpaalam na.

“Naku, maraming salamat po Aling Ising. Ang laki na ho ng naitulong niyo sa aming mag-ina.”

“Ano ka ba, wala yun. Kulang pa nga yan sa ligayang ibinigay mo sa anak ko.”

“Sana naman ho umayos na buhay ko rito.”“Wag kang mag-alala may awa ang Diyos,” ang

nakangiting sambit ni Ising. “Basta kapag meron kang problema punta ka lang sa bahay ha.”

“Sige po.”Ihinatid na ni Magda si Ising palabas ng bahay. Si Santi

nama’y nakadungaw sa bintana sa taas at minamasdan si Aling Ising habang papaalis.

~Hindi nga naging maayos ang pakikitungo ni Mameng

sa mag-ina. Madalas itong nagpaparinig kay Magda. Parati ang kanyang pagsigaw at pagmumungot sa loob ng bahay. Para bang sunong niya ang bigat ng daigdig. Umagang-umaga palang ay panay na ang pagbubunganga nito sa kanyang asawa at mga anak. Lagi rin ang kanyang pagmumura at pagsasalita ng masasama. Si Santi ay halos di na makalabas ng silid dahil doon. Takot na takot siya sa matandang si Mameng. Pinalalampas lang ni Magda ang mga salita ni Mameng. Para sa kanya, mas mahalaga ang kanilang tirahan kaysa sa mga salitang

Ang Malupit na si Mameng

Page 37: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

37

kanyang naririnig.Ngunit sabi nga, may dulo ang lahat ng bagay. Kahit

na ang ating timpi ay may hangganan din.Isang araw, lumabas sa silid si Santi upang makipaglaro.

Wala si Magda nang araw na iyon, umalis siya upang humanap ng trabaho.

Sa labas, nakatagpo agad si Santi ng mga kalaro at nakipagkilala sa mga ito. Maputik ang lupa noong mga oras na iyon sapagkat katatapos pa lang bumagsak ng ulan. Ang mga bata ay masayang naghahabulan. Hindi nila iniinda ang mga putik na kanilang sinasagasa habang naglalaro.

Matapos maglaro, isinama ni Santi ang kanyang mga bagong kaibigan doon sa bahay nila Mameng upang hugasan ang kanilang mga paa. Pumasok ang mga ito at dumaan sa sala na ang sahig ay katatapos pa lang punasan at pakintabin ni Mameng. Dahil sa tuwang nadarama ni Santi kasama ang mga bagong kalaro, di na niya napansin ang mga bakas ng putik na kanilang naiwan sa makintab na sahig. Sila ay tumuloy sa loob ng banyo at doon naghugas ng paa. Ilang sandali pa’y bumaba si Aling Mameng galing sa taas. Nanlisik ang mga mata niya nang makita ang mga bakas ng putik sa sahig.

“Putris! Mga walang hiya! Sino ang nagputik dito sa sahig?” ang malakas at galit na galit na sigaw ng matanda.

Agad nitong tinunton ang direksyon ng mga bakas. Ito ay patungo sa banyo kaya’t doon siya nagmamadaling pumaroon. Naabutan niya ang apat na bata kabilang si Santi na kasalukuyang naghuhugas ng mga paa. Mabilis nitong nilapitan si Santi. Ang paslit na si Santi nama’y nanlaki ang mata nang makita si Mameng na papalapit sa kanya. Siya’y kabang-kaba dahil sa itsura ni Mameng na halatang galit na galit.

“Ikaw talagang bata ka!” ang sumbat ng matanda sabay sampal sa mukha ng bata. Hindi pa nakuntento si Mameng at piningot pa niya ang tainga ng paslit. Kagyat namang umiyak si Santi.

“Wag kang umiyak!” ang muling sigaw ni Mameng sabay duro sa mukha ng bata. “Nakita mo ba yung ginawa

Ang Malupit na si Mameng

Page 38: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

38

ninyo sa sahig?”Samantala, ang iba pang bata ay matuling lumabas

sa banyo at mabilis na umuwi. Takot na takot ang tatlong batang iyon. Awang-awa sila kay Santi dahil siya ang nasisi at napagbuntunan ng galit ni Mameng.

Matapos duruin at saktan, hinila ni Mameng si Santi papalabas ng banyo. Hinablot nito ang kuwelyo ng damit ng bata at hinila ang braso papunta sa sala. Sa tapat ng mga marka ng putik, isinaldak ni Mameng si Santi.

“Oh, tingnan mo yang ginawa ninyo!” ang galit na galit na sabi ng matandang si Mameng kay Santi na halos ngumudngod ang mukha sa sahig sa pagkakasaldak.

Si Santi ay patuloy pa rin sa pag-iyak. Matapos iyon, tumakbo siya paakyat sa taas at pumaroon sa kanilang silid. Dumiretso ang bata sa loob ng aparador at doon nagpatuloy sa pag-iyak.

Ang aparador ang madalas niyang puntahan lalo na kapag gusto niyang pagtaguan ang ina. Si Magda naman ay kunwaring hahanapin siya at dahan-dahang bubuksan ang aparador.

“Huli ka!” ang madalas na bungad ng ina sabay yapos sa anak.

Ilang minuto ring umiyak ng umiyak si Santi sa loob ng aparador. Maya-maya pa’y tumigil na siya, pahikbi-hikbi nalang. Sa huli’y nakatulog na siya sa mismong loob ng aparador.

Samantala, si Mameng nama’y patuloy ang pagbubunganga habang nililinis ang putik sa sahig.

“Ang lintik na bata, nakikitira na nga lang dito, ang lakas pa ng loob na magdumi,” ang singasing ng matanda.

Si Mameng ay kilala sa kanilang lugar bilang isang bungangerang babae. Ang lakas ng kanyang boses ay kayang umabot hanggang sa kabilang kanto mula sa kanilang bahay. Ayon sa isang bagong kaibigan ni Magda, hindi ganun ang dating ugali ni Mameng. Siya ay dating tahimik na maybahay, walang masyadong imik at panay lang ang ngiti kapag siya’y iyong kinausap. Madalang lang siya kung lumabas ng bahay

Ang Malupit na si Mameng

Page 39: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

39

sapagkat siya’y giliw na giliw sa kanyang unang anak. Maayos na atensyon din ang kanyang ibinibigay sa kanyang asawa. Hanggang...

“Renato bakit mo isinisilid sa bag ang mga damit mo?”“Pasensya na Mameng masyado kang mabait para sa

akin. Ayaw kitang lokohin.”“Bakit?” ang tanong niya habang naluluha, “Masama

bang maging mabait?” sabay yakap kay Renato.“Basta! Tapos na tayo,” ang saad ni Renato sabay bitbit

sa kanyang bag.Pilit na hinihila ni Mameng ang bag nito at

nagmamakaawang huwag siyang iwan. Ngunit di niya napigilan si Renato.

Ang asawa niya ay sumama sa ibang babae na nakilala niya sa isang bahay-aliwan. Si Renato ay nagtatrabaho bilang isang mandaragat kung kaya’t malaki at magandang bahay ang naipagawa nila ni Mameng. Marami rin siyang naiuuwing pera tuwing siya’y bababa ng barko. At sa pagbaba niya’y lagi siyang laman ng bahay-aliwan. Nalalaman iyon ni Mameng ngunit pinababayaan lamang niya sapagkat malaki ang tiwala niya sa asawa. Hanggang sa may makilala siyang babae na agad niyang inibig. Ayaw niyang lokohin si Mameng kaya’t nagdesisyon siya na iwan na lang ang asawa.

Mula noon si Mameng nalang ang bumuhay sa kanyang nag-iisang anak. Ginamit niya ang naitabing pera sa pagnenegosyo. Mabilis na nagbago ang ugali ni Mameng. Naging maiinitin ang ulo nito at naging bungangera.

Naging maayos naman ang kanyang pagnenegosyo. At matapos ang tatlong taon, bumalik si Renato sa piling niya. Tinanggap naman niya ang asawa ngunit di na bumalik pa ang dati niyang ugali - ang pagiging mabait at tahimik. Ayon sa kanya, tanging pighati lang at galit ang idudulot ng pagiging mabait na maybahay. Nasundan pa ng tatlong supling ang kanilang panganay. At dahil doon, lalo ng naging mainitin ang ulo nito dahil sa konsumisyon sa mga anak. Hanggang sa lumaki na ang kanyang mga anak ay di na naalis ni Mameng ang

Ang Malupit na si Mameng

Page 40: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

40

sama ng kanyang ugali.

~Makapananghali na nang makabalik si Magda mula sa

kanyang pinuntahan. Tuwang-tuwa siya dahil sa magandang balitang kanyang natanggap mula sa isang taong kanyang nakilala - si Angelo. Ayon kay Angelo, naghahanap ang kanyang tiyuhin ng isang mapagkakatiwalaang bantay sa bahay at sa malawak nitong sakahan. Hindi gaaanong malaki ang buwanang sahod aniya ngunit libre ang lahat mula sa tubig, kuryente at bigas. Dahil sa kanyang husay sa pakikipag-usap, agad nakumbinsi ni Magda si Angelo na siya na ang piliin sa trabahong iyon. May konting kalayuan nga lang ang lugar ng tiyuhin ni Angelo, sa San Mateo. Kailangan pang bumiyahe ng halos ilang oras para makarating doon.

Agad hinanap ni Magda si Santi. Nang pumasok siya sa silid, hindi niya ito nakita. Naisip niyang nagtatago na naman ang anak sa aparador. At dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng kanilang damitan.

“Huli ka!” ang bungad ni Magda.Nagising si Santi sa tinig na iyon ng ina. Dahan-dahan

itong tumayo, yumakap sa ina at umiyak.“Oh bakit diyan ka natulog sa loob ng aparador? Saka

bakit namumugto yang mata mo?” ang mabilis na tanong ng ina.

Ngunit patuloy lang sa pag-iyak ang bata. Upang mapatigil, binuhat siya ni Magda at nilambing-lambing. “Bakit na-miss mo ba si inay ha?... Oh sige, tigil na meron akong biniling tinapay para sa ‘yo.”

Nang tumigil na sa pag-iyak si Santi ay nagsimula na siyang magkwento sa ina kahit patuloy pa rin ang paghikbi niya.

“Kasi po sinampal ako ni Aling Mameng kanina saka... piningot saka po hinila-hila,” anang bata.

“ANO?” ang sambit ng nanay na parang nabingi dahil

Ang Malupit na si Mameng

Page 41: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

41

sa mga salitang narinig. “Eh bakit ka niya sinampal? Ano ang nangyari?” ang muli pang tanong nito.

“Nadumihan po kasi namin yung sahig sa baba... Naputikan po namin nung mga kalaro ko.”

“PUNYETANG SAHIG YAN!” ang malakas na sigaw ni Magda.

Mabilis na lumabas ng silid si Magda. Isinama niya ang anak papunta sa silid ni Aling Mameng. Nang hindi niya nakita roon ang matanda, sila’y bumaba. Ngunit wala rin doon si Mameng. Sa labas niya ito nasumpungan sa harap ng isang tindahang malapit lang din sa kanilang bahay.

Dali-dali siyang lumapit sa matanda.“HOY! Matandang pangit! Hindi porke pinatutuloy

mo kami sa iyong bahay ay pwede mo ng sampalin at kaladkarin ang anak ko!” ang malakas na bungad ni Magda kay Mameng.

Sa pagkakataong iyon, napatayo ang mga taong nakaupo sa harap ng tindahan. Nagulantang sila sa sinabing iyon ni Magda.

Matindi ang galit ni Magda. Iyon ang isang bagay na hindi niya mapalalampas. Ang mga masasamang salita laban sa kanya ay kaya niyang palampasin ngunit ang pananakit sa kanyang anak ay talagang ipaglalaban niya ng patayan.

“Ang kapal ng mukha mo Magda! Yang anak mo ang pagsabihan mo!” ang sagot ni Mameng na nakatindig lamang at hindi kumikilos sa kanyang kinatatayuan.

Ambang sasabunutan ni Magda si Aling Mameng, bigla siyang inawat at inilayo ng dalawang lalake. Si Aling Mameng naman ay palaban at pasugod din kay Magda ngunit hinila rin siya ng mga kalalakihan sa kanyang likuran.

“Lumayas kayo ngayon din sa pamamahay ko, mga walang utang na loob!”

“Oo ngayon din aalis kami, at yung sinasabi mong utang na loob, bayad na ‘yun sa ginawa mo sa anak ko!”

Biglang napuno ng tao ang harap ng tindahang iyon. Ang iba’y napahinto sa kanilang paglalakad at nanood sa nagaganap. Ang iba nama’y lumabas sa kani-kanilang mga

Ang Malupit na si Mameng

Page 42: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

42

tahanan. Isip mo ba’y isang artista ang dumating. Ang mga usisero ay kanya-kanya ring kumento.

“Ayan, nakahanap si Mameng ng katapat nya.”“Oo nga tama lang yan sa kanya. Eh panu ba naman

pati bata patulan. Sinampal daw nya yung anak ni Magda.”Habang nagaganap ang muntik ng sagupaan ng dalawa,

si Santi nama’y tinag na tinag sa pagkakahawak sa ina at patuloy ang kanyang pag-iyak, tila takot na takot kay Mameng.

Halos tumaas ang dugo ni Magda sa pangyayaring iyon. Hindi niya lubos maisip na pati anak niya’y madadamay sa kalapastanganan ni Mameng.

Bumalik na si Magda at si Santi sa bahay nila Mameng, dali-dali niyang iniayos ang lahat ng kailangang mga gamit. Isinimpan niya ang lahat ng kanilang mga damit at ibinalot ang ilang mga kagamitan. Isa-isa niya itong ibinaba at pansamantalang inilagak sa harapang bahagi ng isa nilang kapitbahay na napalapit na rin sa kaniya.

“Aling Nati, dito ko po muna ilalagay itong mga gamit ko ha kukuha lang po ako ng masasakyan.”

“Sige Magda, babantayan ko yan ‘wag kang mag-alala.”Bago naghiwalay sina Magda at Angelo nang umagang

magkausap sila ay ipinaalam na ni Angelo kung saan ang kanyang tirahan. Sa kanilang pag-uusap sinabi ni Magda na sa makalawa pa niya tatanggapin ang trabaho ngunit mapapaaga na ito dahil sa pangyayari.

Tinunton na nga ni Magda, kasama si Santi, ang tirahan ni Angelo. Habang nasa daan, di pa rin mawala-wala ang kanyang galit sa matanda. Awang-awa siya sa kanyang anak sa sinapit nitong kalupitan sa kamay ni Mameng. Para sa kanya, walang dapat mamalo sa kanyang anak kundi siya lamang. Ang ginawang iyon ng matanda kay Santi ay labag din sa karapatang-pantao ng bata. Aminado si Magda na minsa’y napapalo niya si Santi ngunit ni minsa’y di pa niya ito nasasampal at nakakaladkad.

Yapos-yapos ni Magda si Santi habang nakasakay sa dyip. Kalmado na ang bata na namumugto pa rin ang mata.

Ang Malupit na si Mameng

Page 43: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

43

Nahimasmasan na siya at wala ng takot na nadarama. Matinding trauma ang kanyang sinapit sa bahay na iyon. Halos di na siya makapagsalita. Sa tuwing kakausapin siya ni Magda tungkol sa nangyari’y iniyuyuko lang niya ang kanyang ulo. Ramdam ni Magda ang pananamlay ng anak kung kaya’t pilit niya itong kinakausap.

“Oh anak ‘wag ka nang mag-alala ha! Wala na yung pangit na matandang iyon. Lilipat na tayo ng bahay.”

Gustong iparamdam ni Magda na kakampi siya ng kanyang anak. Nais niyang ipaunawa kay Santi na mahal na mahal siya nito at ipaglalaban niya siya ng patayan.

Gusto rin sana ni Magda na gantihan si Mameng ngunit naisip niya na may edad na ito at hindi na rin makatuwiran na ito’y saktan niya.

Sa wakas natunton na rin nila ang tirahan ni Angelo. Hindi ito ang tunay na tahanan ng binata. Siya’y pansamantala lang dito habang hinihintay niya ang kanyang pag-alis patungong ibang bansa.

“Tao po. Tao po.”Agad dumungaw si Angelo sa bintana.“Oh Magda,” ang bungad niya na kitang-kita ang

pagkatuwa. “Buti di ka nahirapan na hanapin ‘tong bahay ko.”“Di naman. Madali nga lang matunton to eh.”“Oh anung atin?”“Kasi merong nangyari,” saad ni Magda.At isinalaysay na nga nito ang buong pangyayari.

Taimtim namang nakinig si Angelo sa kanya. Nadismaya rin ito sa matandang si Mameng.

“Kawawa naman pala si Santi,” ani Angelo sabay haplos sa ulo ng bata.

Habang nagsasalaysay si Magda, nagdadasal siya sa kanyang isip. Sana’y matulungan sila ni Angelo sa pagkakataong iyon.

Naging mahabagin naman ang Taas sa kanya.“Oh sige sandali lang ha, kakausapin ko lang yung may-

ari ng dyip sa kabilang kanto para makuha na natin yung mga

Ang Malupit na si Mameng

Page 44: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

44

gamit nyo.”“Naku, maraming maraming salamat talaga ha Angelo.”“Wala yun, ano ka ba...”At tumulak na nga ang tatlo upang balikan ang mga

gamit kala Aling Nati. Walang pagsidlan ang tuwang nadarama ni Magda habang nakasakay sa dyip. Abot ang pasasalamat niya sa Poong Maykapal sapagkat patuloy pa rin siyang ginagabayan Nito. Isang ugali ni Magda na nagustuhan ni Fernan noong sila’y nagsasama pa ay ang pagiging malapit nito sa Panginoon. Tuwing araw ng Linggo, maaga itong naghahanda at gigisingin si Fernan upang magsimba. Ito ang laging takbuhan ni Magda tuwing may problema - ang simbahan. Walang oras na siya’y nakalilimot kung meron siyang suliranin o kung may natanggap siyang biyaya galing sa Taas. Sa rami ng mga pagsubok na dumaan sa kanya nitong mga nakaraang buwan, talagang kumapit siyang mabuti sa Maykapal. Minsa’y di na siya nakadadalaw sa simbahan, ngunit patuloy pa rin naman ang pagdarasal niya.

Noong sila’y pumunta kay Angelo pagkaalis kala Aling Nati ay halos wala na siyang kapera-pera. At nang marating nila ang bahay ng binata ay sinalat nito ang kanyang bulsa.

Tatlong piraso ng barya!“Diyos ko, Diyos ko! Wag niyo po kaming pababayaang

mag-ina,” ang dasal ni Magda nang mapansing wala na halos siyang pera.

Ngunit si Angelo ang biyayang dumating nang araw na iyon.

Bitbit na rin ni Angelo ang isang bag na may lamang mga gamit niya. Ayon sa kanya, roon daw muna siya tutuloy sa San Mateo habang inaayos niya ang lagay ng mag-ina. Masayang masaya si Magda sa desisyong iyon ni Angelo. Sa pagkakataong ito wari’y kinahabagan na siya ng Diyos sa rami ng pagsubok na kanyang pinagdaanan nitong mga nakaraang buwan.

“Napakabait ni Angelo.” Ito ang mga salitang hindi naaalis sa isip ni Magda habang pabalik sila upang kunin ang

Ang Malupit na si Mameng

Page 45: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

45

kanilang mga gamit.At nakarating na nga sila sa tapat ng bahay ni Aling

Nati. Sa mga oras na iyon, nakaupo si Aling Nati sa isang bangkito at nagbabantay sa mga gamit nina Magda. Agad bumaba ang mag-ina at lumapit sa matanda.

“Pasensya na po ha Aling Nati. Medyo natagalan,” ang bungad ni Magda.

“Naku, wala yun,” ang sagot naman ng matanda na habag na habag pa rin sa mag-ina.

Pagkaparada ng dyip sa tapat ng bahay nina Nati ay isa-isa ng dumagsa ang mga kapitbahay nila. Ang iba ay upang magpaalam kay Magda ang iba naman ay upang mag-usyoso lang sa nangyayari.

“Oh eh saan na ang punta n’yo n’yan?” ang tanong ng matanda kay Magda.

“Sa San Mateo po, meron po kasi akong nahanap na trabaho roon,” sabay tingin kay Angelo. “Siya nga po pala si Angelo ang pamangkin ng bago kong amo.”

“Aba ay ka-gwapo Magda,” ang biro ng matanda. “Akala ko kanina kasintahan mo kaya tinitingnan ko.”

“Si Aling Nati naman,” ang pahapyaw ni Magda sabay ngiti.

Natawa si Angelo sa narinig na iyon ngunit bahagyang namula ang kanyang mukha.

Nang maisakay na ang lahat ng mga gamit nina Magda ay yumakap siya kay Aling Nati at nagpaalam. Naluha naman ang matanda.

“Basta ‘wag kang makalilimot tumawag sa Taas ha,” wika ng matanda sabay kuha sa kamay ni Magda. Binuksan niya ang palad nito at nilagyan ng mga nakatiklop na pera. Dagli rin niya itong isinara.

“Ano po ‘to Aling Nati?” ang tanong ni Magda sabay dahan-dahang bukas sa kanyang palad.

“Pabaon ko yan sa ‘yo. Alam kong kailangan mo ‘yan.”Hindi iyon inaasahan ni Magda kung kaya’t sa sobrang

tuwa ay niyakap niyang muli si Aling Nati. “Maraming salamat

Ang Malupit na si Mameng

Page 46: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

46

po talaga Aling Nati.”Niyakap din ng matanda si Santi at nangusap “Oh

Santi, alagaan mo yang inay mo ha.”Tumango lang ang bata at yumakap sa ina matapos

iyon. Halos magdadapit hapon na rin.“Panginoon ko gabayan N’yo po kaming mag-ina sa

bago naming pupuntahan.” Ito ang mga katagang namumutawi sa isipan ni Magda habang binabagtas ang daan patungo sa San Mateo.

Madilim na nang marating nila ang San Mateo.

Ang Malupit na si Mameng

Page 47: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

47

Sa San Mateo

“T ito, siya po si Magda at si Santi, ang kanyang anak,” ang bungad ni Angelo pagpasok sa sala.

Napamulagat ang mga mata ng matandang lalaki. Tila nagulat siya sa nakita. Mabilis siyang napaisip kung sino ang ipinakikilala ng kanyang pamangkin.

“Siya po yung nahanap kong magiging bantay rito at dun sa bukid,” ang dugsong ng binata.

“Ah.” Mabilis na nanumbalik ang natural na porma ng mukha ng tiyuhin ni Angelo. “Oh hali kayo upo..upo. Angelo, magtimpla ka muna ng maiinom. Nagluluto pa kasi ng hapunan ang tita mo.”

“Oh, ano gagawin mo anak?” ang tanong ni Magda kay Santi.

Dagling lumapit si Santi sa matandang lalaki at kinuha ang kanang kamay nito.

“Mano po.”“Kaawaan ka nawa ng Diyos,” ang saad ng matanda.

“Ang bait naman ng batang ito. Ilang taon ka na?”Listong sumagot si Santi. “Anim na po pero malapit na

rin po ako magpito.”“Aba ay bibo ang anak mo Magda ah.”Ngumiti lang si Magda sa sinabing iyon ng matanda.“Nasabi na ba sayo ni Angelo ang mga bagay-bagay?”“Oho. Nasabi na po niya lahat sakin.”

Page 48: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

48

“Paalis na kasi kami sa susunod na linggo ng asawa ko. Naroon na lahat ng mga anak namin sa ibang bansa. Pinasusunod na kami.”

Taimtim lang na nakikinig si Magda sa matanda habang ito’y nangungusap.

Ang bahay na kanyang babantayan at lilinisan ay may kaunting kalakihan. Pinakamalaki ang bahay na ito sa buong San Mateo. Ang kabuuang lawak ng lupang kinatitirikan ng bahay ay limang libong metro kwadrado o kalahating ektarya. Ang bahay ay may dalawang palapag at may sahig na ang lawak ay limandaang metro kwadrado. Malawak ang sala sa unang palapag at ang kusina, wari ay paglulutuan ng limang kusinero dahil sa laki at sa rami ng mga kasangkapang panluto. Ang ikalawang palapag ay may sala at may anim na malalawak na silid. Namangha si Magda nang libutin nila ng matanda ang kabuuang bahay. Halatang mamahalin ang mga kasangkapan. Ang iba sa mga iyon ay galing pa sa ibang bansa ayon sa may-aring matanda.

Ngunit hindi rito mananahan ang mag-ina. Sa likod na bahagi ng malaking bahay na iyon ay may maliit na kubo sa gitna ng taniman ng atis, mga tatlumpung metro ang layo. Ang kubong ito ang nagsisilbing pahingahan ng matandang lalaki tuwing ito’y nagtatanim sa likurang bahagi.

Hindi naman kailangang linisin ni Magda ang buong bahay araw-araw. Kailangan lamang niyang maglaan ng isang araw bawat linggo upang punasan ang mga alikabok na dumapo sa mga kagamitan. Ang mga nalalabing araw pa niya ay kailangan naman niyang ilaan sa palayan upang ito’y dalawin at bantayan.

Kailangan niyang maglakad ng may layong isang kilometro pasilangan mula sa bahay na iyon upang marating ang malawak na tubigan na sinasabing kanyang babantayan.

Ang tubigan ay may lawak na limang ektarya o limampung libong metro kwadrado. Walang karanasan si Magda sa ganitong uri ng trabaho ngunit nagawa niyang makumbinsi si Angelo upang siya ang piliin na maging katiwala. Sa gitna ng

Sa San Mateo

Page 49: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

49

palayang iyon ay may maliit na kubo. Sa tabi ng kubo ay may puno ng niyog, limang hakbang mula sa harapan nito at puno ng bayabas sa bandang likod.

Kung minsan, doon sa kubong iyon natutulog ang matandang tiyuhin ni Angelo lalo na kapag malapit na ang anihan o sa mismong araw ng anihan. Maliit lang ang kubo. May lawak lang itong labing anim na metro kwadrado at may sahig na nakaangat sa lupa sa taas na isang talampakan. Sa loob ay may mga kasangkapan gaya ng mga kasangkapang panluto, pinggan, kutsara’t tinidor, baso at pitsel. Ang lutuan ay nasa labas ng kubo sa bandang harapan. Malamig ang simoy ng hangin dito lalo na tuwing hapon. Marami ring mga ibon na halos di magkamayaw sa pagdapo sa puno ng bayabas.

Kinaumagahan, maagap na gumising si Magda. Nagsimula na siyang mag-ayos sa bago nilang tahanan. Samantala, nakahiga parin si Santi sa kanilang higaan. Malamang ay labis itong napagod sa biyahe ani Magda. Maya-maya pa ay ginising na ni Magda ang anak.

“Anak, bangon na at marami tayong gagawin ngayon.”Hindi kumibo ang bata. Itinuloy lang ni Magda ang

kanyang ginagawa nung hindi bumangon ang anak. Makalipas ang ilang minuto, sa pangalawang pagkakataon ay muli nitong pinabangon si Santi.

Nanibago si Magda. Alam niyang hindi ugali ni Santi ang bumangon ng tanghali lalo pa’t bago ang kanilang tahanan na ramdam niyang may pananabik ang anak na libutin ang bago nilang lugar. Lumapit si Magda sa anak. Hinawakan nito ang braso ng bata.

“Santi gis...” napatigil siya. Muli niyang hinawakan ang braso at iba pang parte ng katawan nito. Gayundin, sinalat niya ang noo ng paslit. “Naku anak ang taas ng lagnat mo!”

Dali-dali siyang tumungo sa sisidlan nila ng damit. Kumuha siya ng bimpo. Binasa niya ito sa gripo at ipinahid sa nuo ng bata. Labis ang kanyang pag-aalala. Matapos iyon, tumungo siya sa malaking bahay at nagtanong sa amo ng bilihan ng gamot. Ipinaalam niya sa mga ito ang kalagayan ng anak.

Sa San Mateo

Page 50: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

50

Malayo pa pala ang kailangan niyang lakarin upang makarating sa tindahan ng gamot. Subalit hindi niya ininda ang layo nito. Matulin si Magda sa kanyang paglalakad. At sa kanyang paroroon, nasalubong niya si Angelo na noo’y papunta sa malaking bahay sa kanyang tiyuhin. Kagagaling lang nito sa kanilang tahanan sa kabilang baranggay.

Matapos malaman ang nangyari, sinamahan ni Angelo si Magda papunta sa tindahan. Lubos ang pag-aalala ng ina sa kanyang anak kaya’t halos hindi na siya makahinga sa bilis ng kanyang lakad. Talagang lubos ang paghanga ni Angelo kay Magda bilang isang ina. Kay Magda niya nakita ang pag-aaruga at tapang upang mapangalagaan ang anak.

Pagkabalik sa kanilang bahay, agad siyang nagsalang ng lugaw para kay Santi. Maghapon niya itong binantayan. Nagalak ang mag-asawang matanda sa malaking bahay sa ugaling ipinakita ni Magda. Natuwa sila sa pagiging isang ulirang ina nito kay Santi. Ganun din ang naramdaman ni Angelo.

Hindi nawawala kay Magda ang pagiging malapit sa Mapagpalang Diyos. Kumuha siya ng dalawang rosaryo sa kanyang bag. Isinuot niya ang isa sa leeg ni Santi samantala ang isa naman ay iniikot niya sa kamay ng bata. Ang banal na rosaryo rin ang madalas na sandalan ni Magda kapag siya’y nahaharap sa lubhang pagsubok. Sa tuwing siya’y may pinagdaraanang mabigat na problema, siya’y lumalapit sa Taas at nagdarasal ng Santo Rosaryo.

Dahil sa pinagdaraanang iyon ni Santi muli na namang nainis si Magda kay Aling Mameng. Ang matanda ang kaniyang sinisisi dahil sa kalagayang iyon ng paslit. Malamang daw ay lubhang natakot ang bata kaya ito sinakit.

“Anak, may masakit ba sa’yo?” ang tanong ni Magda sa anak.

Hindi sumagot si Santi sa tanong na iyon ng kanyang ina bagkus ay panandalian siyang tumingin sa ina at pumikit. Abot ang kaba ni Magda sa kalagayang iyon ni Santi. Agad niyang kinausap si Angelo at nagtanong.

Sa San Mateo

Page 51: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

51

“Angelo, meron ba ritong manghihilot sa lugar niyo?”“Oo, si Ka Fedring. Marami na ‘yong napagaling dito

sa lugar namin.”Nakiusap si Magda na kung maaari ay puntahan nila

ang nasabing matanda upang maipatingin si Santi sapagkat hindi na siya mapalagay sa anak. Lagi siyang alumpihit sa kanyang pagkakaupo.

At tumungo na nga ang dalawa upang sunduin ang manghihilot. Malayo-layo rin ang nilakad nilang dalawa. Nang matagpuan ay agad nila itong isinama sa tahanan nila Magda.

Ang matandang si Fedring ay hindi lang basta manghihilot, isa rin siyang albularyo, isang bantog na albularyo sa kanilang bayan.

Nag-iisa na lang si Ka Fedring sa buhay. Ang asawa niya’y pumanaw na sa atake sa puso. At ang nag-iisa nilang anak na lalaki ay namatay naman sa bangungot. Usap-usapan sa kanilang bayan na marahil daw ay ang pamilya niya ang naging kabayaran dahil sa pakikipagkasundo nito sa demonyo upang bigyan siya ng galing sa panggagamot.

Habang nasa daan ay isinasalaysay ni Angelo sa matanda na dayo lang ang mag-ina sa kanilang lugar at sila ang magsisilbing mga bantay sa bahay at palayan ng kanyang tiyuhin.

Nang makarating na sila sa bahay nina Magda, luminga-linga si Fedring at iginala ang paningin sa paligid.

“Maayos naman dito sa tirahan niyo,” ang salaysay ng matanda. “Wala akong kakaibang nararamdaman,” dagdag pa niya.

Matapos iyo’y lumapit siya kay Santi. Hinawakan niya ang noo ng bata at pumikit. Nagsalita siya ng mahina. Halos walang tunog na lumalabas sa kanyang bibig. Patuloy siyang nangungusap ng nakapikit habang nakatitig sa kanya si Magda at si Angelo. Maya-maya pa’y nagsalita na siya.

“May pilay ang anak mo,” ang wika ng matanda.Nagulat si Magda sa sinabing iyon ng manghihilot.

Hindi siya makapaniwala na sa isang dampi ng matanda sa noo

Sa San Mateo

Page 52: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

52

ni Santi ay malalaman na nito ang kalagayan ng paslit.“HA! Saan po siya may pilay?”“Sa balikat,” ang mabilis na sagot ng matanda sabay

haplos sa balikat ni Santi.Inilabas ni Fedring ang langis na nakalagay sa maliit na

botelya. Hinubaran niya ang bata at sinimulan niyang hagurin ang balikat nito.

Nang hagurin ni Fedring, ay nagising at napamulat si Santi. Napasigaw at napaiyak siya sa sakit na kanyang naramdaman habang hinihilot siya ni Ka Fedring.

“ARAY!...Inay ko po!” ang sigaw ng paslit na si Santi.“Napwersang lubha ang kanyang balikat,” ang salaysay

ng matanda.“Opo,” ang mabilis na sagot ni Magda, “Napagbuhatan

po ng kamay ang anak ko kahapon nung matandang tinuluyan namin doon sa Magdalena.”

Naluha si Magda matapos niyang sabihin iyon. Tama ang kanyang mga hinagap. Si Aling Mameng ang dahilan ng pagkakasakit ng anak. Hindi niya lubos maisip na mag-iiwan pa ng pabaong pilay ang malupit na matanda sa batang si Santi.

Napahanga si Magda sa galing na ipinamalas ni Ka Fedring matapos iyon. Sa buong buhay niya’y noon lang siya nakasaksi ng manggagamot na sa isang hawak pa lang ay alam na nito kung ano ang sakit ng isang tao.

Kinabukasan, mas nauna pang gumising si Santi sa ina. Agad itong nagpainit ng tubig at nagsalang ng kanin. Pagkagising ni Magda, nabigla siya sa nakita. Lumapit siya kay Santi at niyakap ito.

“Anak, magaling ka na ba?” ang tanong ni Magda na tuwang-tuwa sa nakita.

“Ang sarap nga po ng tulog ko,” ang sagot naman ng bata.

Tila nagdahilan lamang si Santi sa sakit na naranasan dahil sa siglang ipinamalas nang umagang iyon. Hindi makapaniwala si Magda sa napakabilis na paggaling ng anak. Abot ang pasasalamat niya sa Poong Lumikha sa paggabay sa

Sa San Mateo

Page 53: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

53

anak at sa matandang si Ka Fedring sa paghilot sa pilay ng bata.Ilang araw pa ang lumipas at ginampanan na nga ni

Magda ang kanyang tungkulin sa malaking bahay at sa palayan. Noong una’y nahihirapan siya subalit pinilit niya ang kanyang sarili upang masanay sa gawaing iyon.

Makalipas ang ilang araw, umalis na nga ang mga amo ni Magda patungong ibang bansa. Bago sila umalis ay tinuruan nilang mabuti si Magda sa iba’t-ibang mga gawain, sa malaking bahay at sa palayan. Binigyan din nila si Magda ng mga tagubilin kung papaano mababantayang mabuti ang tubigan.

At siyempre, marami na namang bagong nakilala si Magda sa lugar na iyon.

Isang araw, isang bagong kaibigan ang dumating at bumisita sa kanilang mag-ina.

“Oy Magda, ipapasok mo na ba yang anak mo ngayong darating na pasukan?”

“Kaaanim pa lang nito, payagan kaya siya? Wala pa siyang pito.”

“Maaari raw, basta dapat makapasa siya sa pagsubok.”“Pagsubok? Anong pagsubok?”“Kailangan niyang mabasa ang limang pangungusap.”Natuwa si Magda sa narinig. Pakiwari niya’y iyon na

ang pinakahihintay niya - ang maipasok si Santi sa paaralan.Nang araw ring iyon, tumungo si Magda sa pamilihan

upang bumili ng mga maliliit na aklat para sa batang nagsisimula pa lang mag-aral.

Ang unang aklat na kanyang binili ay may titulong,

Ang isa naman ay,

At ang ikatlo ay,

Alpabeto

a-ba-ka-daating basahin

Sa San Mateo

Page 54: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

54

Sa Mababang Paaralan ng San Mateo ay maaaring pumasok ang pitong taong gulang na bata kahit hindi pa ito marunong bumasa at sumulat ngunit kung anim pa lang o papito pa lang, kailangan nitong makapasa sa pagsubok. Eksakto isang buwan na lang at magsisimula na ang pasukan. Ilang araw na lang ang nalalabi kung kaya’t ayaw itong sayangin ni Magda.

Sinimulan na nga niyang turuan si Santi.“Oh, anak sundan mo ako ha,” ang wika ni Magda sa

anak “A-E-I-O-U.”“A-E,” napahinto si Santi. “Di ko na po alam ang

kasunod inay,” sabi niya sa ina.“Uulitin ko ha...A-E-I-O-U.”“A-E,” tumingin ng bahagya si Santi sa ina.“Anak di pwedeng ganyan kabagal. Ilang araw na lang

at pasukan na. Kailangan mong malaman at maipasok sa isip mo lahat ng bagay na narito.” Humikab si Santi at nagwika, “Eh inay inaantok na po ako.”

Pinalampas ni Magda ang pagkakataong iyon. Siguro’y nabigla lang ang anak sa mga bagong araling dapat niyang pag-aralan pakiwari niya.

Kinabukasan, maagang ginising ni Magda ang anak. Sinimulan na naman niya itong turuan. Napupuno na ng galit si Magda ngunit ayaw niyang pagmalupitan ang bata. Tila wala itong interes na alamin ang bagay na itinuturo ng ina.

Sa kabila ng pagtitimpi at pagpipigil ay sumapit na rin ang araw na kailangan na niyang paluin ang bata.

“Kapag ito ay di mo pa nabasa ng maayos, tig-isang hampas sa dalawang palad mo,” ang galit na galit na sabi ng ina. “Ilatag mo ang mga palad mo.”

Subalit hindi pa rin nasundan ng bata ang turo ng ina. Halos paiyak ng binabasa ng bata ang mga pinababasa ng ina. At patuloy pa rin sa pagpalo ang ina. Masakit na masakit na ang

numbers

Sa San Mateo

Page 55: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

55

palad ng anak. Nang makita ni Magda na nahihirapan na ang anak ay itinigil na niya ito.

Kahit mahirap sa kalooba’y pinag-aralan ni Magda na maging malupit sa anak. Ito lang ang naiisip niyang paraan upang matutong bumasa ang anak.

~ Sa wakas natutunan ng lahat ni Santi ang alpabeto! Ngunit may bago na namang naisip si Magda.

“Lahat ng binasa mo anak, basahin mo ng pabalik,” aniya. “Simulan natin dito U-O-I-E-A.”

“U-O.....I.....E.....A,” ang basa ni Santi.“Masyadong mabagal anak, gusto ko mabilis.”Hindi kaya ni Santi ang nais ng ina. At nauwi na naman

sa paluan ang turuang iyon.“DA-DE-DI-DO-DU...DU-DO-DI-DE-DA,” ang

basa ni Magda “Ganun kabilis! Ulit!” Sabay hampas sa palad ni Santi.

Mahapding mahapdi na ang palad ng bata. Ngunit hindi pa rin tumitigil si Magda sa pagpalo.

Kinalauna’y natutuhan ding lahat iyon ni Santi. Sa kabila ng mga palo at parusa ni Magda sa anak ay

kitang-kita parin ang pagmamahal niya rito. Sa tuwing papaluin niya ang paslit, ibinibili niya ito ng tinapay matapos umiyak.

Ilang araw rin ang dumaan at isa-isa ng nakabisa ni Santi ang lahat ng aralin niya sa kanyang ina. Si Magda naman ay panay ang kwento sa mga kapitbahay kung paano niya tinuturuan ang anak at kung gaano siya kalupit tuwing di nito nababasa ang mga nais ipabasa.

~Isa rin sa mga ugali ni Magda ay ang paniniwala niya sa

mga sabi-sabi. Isang araw, “Alam mo Magda kung gusto mong tumalino yang anak mo eh pakainin mo ng sunog na papel na

Sa San Mateo

Page 56: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

56

may nakasulat na mga letra at numero.”Pagkarinig ni Magda ng pahayag na iyon ay agad siyang

umuwi upang isagawa ang bagay na nalaman.Kumuha si Magda ng isang malinis na papel. Sa

unang mukha ng papel ay isinulat niya ang mga letrang A, B, C hanggang X, Y, Z at sa likod naman ay sinulat niya ang mga numerong 1, 2, 3 hanggang 98, 99, 100. Matapos iyon, kanya na itong sinunog. Inipon niya ang mga abo at inihalo sa lugaw na kakainin ng anak.

“Santi, anak ito oh may lugaw,” ang tawag ni Magda sa anak.

“Yehey,” ang tuwang-tuwang tugon ni Santi sabay lapit sa lamesa.

Nang lumapit ang bata sa lamesa, agad siyang sumunggab sa mangkok na may lamang lugaw subalit biglang kumunot ang kanyang noo.

“Eh bakit po may itim-itim? Ayaw ko kainin ito,” paangal na sabi ng anak.

“Sangkap iyan anak...pampatalino...sige kainin mo na,” ang utos ng ina.

Ngunit hindi lang kumilos si Santi. Sa pagkakataong iyon, kumuha na ng pamalo si Magda. Iniamba niya ito kay Santi.

“Ano? Di mo ba kakainin yan?”Bigla ng umiyak si Santi.“Wag mo ko iyakan. Sige kainin mo na.”Walang nagawa si Santi. Dahil sa takot sa palo ay

kinain na rin niya ang lugaw. Umiiyak siya habang kinakain ang nasabing meryenda.

“Huh...huh...di naman masarap to oh,” ang atungal ni Santi sabay subo sa isang kutsarang lugaw na mayroong maliliit na itim.

Naubos din ni Santi ang kanyang kinakain ngunit masamang masama ang kanyang loob.

Isang tanghali, habang nakahiga ang ina sa higaan, lumapit si Santi sa kanya at tumabi.

Sa San Mateo

Page 57: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

57

“Inay,” ang sambit ng paslit. “Di nyo na po ba ako mahal?”

“Ha? Bakit mo naman natanong yan?”“Kasi lagi n’yo po ako pinapalo.”Niyakap ni Magda ang anak at hinalikan sa pisngi.“Alam mo, kapag ang anak pinapalo ng magulang ibig

sabihin mahal nila ang anak nilang iyon.”“Ganun po ba yun?” ang muling tanong ni Santi.“Oo naman. Kasi pag hindi nila pinapalo ang kanilang

anak, ibig sabihin wala silang pakialam dito.”Hindi iyon naunawaan ni Santi. Ang tingin niya’y

kapag pinapalo ng magulang ang anak ay hindi nila ito mahal.Unti-unti na ring natututo si Santi sa mabilis na

pagbabasa. Ngunit di pa rin kumbinsido si Magda. Ang nais niya’y makabasa si Santi ng mga mahahabang salita at ng buong pangungusap.

Isang araw, niyaya ni Magda ang anak upang doon muna maglagi sa palayan. Nais ni Magda na bantayang mabuti ang palayan sapagkat nalalapit na ang araw ng anihan.

Naglagi na nga ang mag-ina roon. Dinala nila ang ilang mga kagamitan nila.

“Anak gigising tayo ng madaling araw mamaya ha at magbabasa tayo.”

“Nay naman eh, nakakapagod na po magbasa.”Hindi sang-ayon si Santi sa nais na iyon ng ina ngunit

wala siyang magawa. Ginising nga siya ni Magda mga alas singko ng umaga. Madilim na madilim pa ang paligid. Isang gasera lamang sa gitna ng lamesa ang tanging liwanag nila. At nagsimula na silang mag-aral.

Sumulat ng sampung pangungusap si Magda at pinabasa sa anak. Binasa naman iyon ni Santi.

“Ang...ba...ta....ay.....na...sa,” bigla siyang napahinto at tumingin sa taas, “ba-be-bi-bo-bu...bu....ka-ke-ki...kid.”

Mabilis na nainis si Magda sa pagbasang iyon ni Santi. Hindi niya ito pinalo, ngunit mas matindi ang kanyang ipinarusa rito. Pinalabas niya ang anak sa kubo at pinadipa sa

Sa San Mateo

Page 58: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

58

gitna ng pilapil.Iyak ng iyak si Santi at takot na takot dahil madilim pa

sa paligid subalit hindi siya pinansin ng ina.“Diyan ka hanggang di ka natututong bumasa ng

mabilis,” sigaw ni Magda.“Inay...” ang malakas na sigaw ni Santi. “Magbabasa na

po ako ng mabilis.”At patuloy parin ang kanyang pag-iyak.Magliliwanag na nang pinapasok ni Magda si Santi sa

loob ng kanilang kubo. Iyak pa rin ng iyak ang paslit.“Oh ano? Magbabasa ka na ba ng mabilis?” ang tanong

ng ina kay Santi.“Opo,” ang sagot nito habang humihikbi.Isang linggong naglagi ang mag-ina sa bukid na iyon.

At sa panahong inilagi nila roon ay hindi nakalusot si Santi sa pagdipa sa gitna ng pilapil.

Matindi ang parusa ng ina kay Santi. Talagang nais kasi niyang gumaling ang paslit niyang anak. Iyon lang ang pamanang nais niyang baunin ng anak sa kanyang paglaki. Laging ipinaaalala ni Magda sa anak ang araw ng kanyang pagsubok kaya bawat araw na lumilipas ay lalong patindi ng patindi ang pagsasanay ni Magda kay Santi.

Lingid sa kaalaman ni Magda ay talagang nais ding gumaling ni Santi sa pagbabasa. Hindi alam ni Magda na sa tuwing aalis siya ng kanilang bahay ay patagong nagsasanay si Santi sa pagbabasa. Sinasanay niyang basahin ng mabilis ang bawat pangungusap na ibinibigay ng ina. Gusto niyang sorpresahin ang ina kapag siya’y gumaling na at naging mahusay na sa pagbabasa.

Sa San Mateo

Page 59: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

59

D umating na ang araw ng pagsubok. Maagang gumising ang mag-ina at naghanda upang pumaroon sa eskwelahan. Hindi tiyak ni

Magda kung gaano kahirap ang mga pangungusap na ibibigay sa kanyang anak upang ipabasa. Ngunit tiwala siya na mababasa iyon ni Santi kahit pa may kaunting kabagalan. Hindi gaanong kalakihan ang Mababang Paaralan ng San Mateo. Mayroon lamang itong labinlimang silid. Dalawang silid ang nakalaan para sa bawat baitang. Ang bawat silid ay para sa bawat pangkat na mayroong limampung mag-aaral. Nasa Pangkat A ang lahat ng mga magagaling na mag-aaral samantala sa Pangkat B naman yaong mga hindi pa marunong bumasa at sumulat. Sa araw ng pagsubok ay malalaman din kung saang pangkat mapupunta ang isang mag-aaral. Ang mga estudyanteng napupunta sa Pangkat A ay nagiging bantog sa buong bayan. At mas lalong nagiging kilala kung ang mga ito’y mapapasama sa Top 10. Ang Top 10 ang listahan ng sampung pinakamagagaling sa buong baitang. Ang mga batang wala pang pitong taong gulang ay kinakailangang patunayan na sila’y karapatdapat na maihanay sa Unang Baitang. Pumasok na si Santi sa silid. Naiwan naman si Magda sa labas. Limang bata pa ang katabi ni Santi na magdaraan din

Unang Klase

Page 60: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

60

sa pagsubok. Si Santi ang pinakahuli sa kanilang anim. Sunod-sunod na silang tinawag. Ang unang batang tinawag ay nagpakita ng kahusayan sa pagbasa. Agad siyang isinama sa listahan ng mga mag-aaral sa Pangkat A. Ang ikalawang tinawag ay hindi pinayagang magpatuloy sa Unang Baitang sapagkat hirap na hirap pa ito sa pagbabasa. Ang ikatlong batang tinawag ay nagpakita rin ng kahusayan sa pagsubok gayundin ang ikaapat. Isang bata na lang ang kinakailangan at kumpleto na ang listahan para sa Pangkat A. Tinawag na ang ikalima. Mahusay ang bata. Napakabilis nitong magbasa. Wari’y nakatungtong na ito sa Ikalawang Baitang dahil sa tulin nito sa pagbabasa. At siya na ang kumumpleto sa limampung mag-aaral na kailangan sa Pangkat A. Tinawag na si Santi. Lumakad siya ng mga sampung hakbang papalapit sa guro na nagbibigay ng pagsubok. Umupo siya sa tabi nito. “Kailangan mong basahin ang limang pangungusap na ito,” ang wika ng guro. “Gawin mo ito sa pinakamabilis na pamamaraan na kaya mo.” Kalmado lang si Santi nang oras na iyon. Tinitigan niyang mabuti ang unang pangungusap at nagsimula ng magbasa. “A-ko-ay-pa-pa-sok-na-sa-pa-a-ra-lan.” “Mag-a-a-ral-a-kong-ma-bu-ti.” “Hin-di-a-ko-li-li-ban-sa-kla-se.” “I-ga-ga-lang-ko-ang-a-king-gu-ro.” “Ka-ka-in-a-ko-ng-gu-lay-at-pru-tas.” Pagtapos niyang magbasa, siya’y tumitig sa guro. “Tapos na po,” ani Santi. Humanga ang guro kay Santi. Magsingbilis sa pagbasa ang unang batang pinabasa niya saka si Santi. Pinapunta na niya si Santi sa labas ng silid. Humingi siya ng mga ilang minuto sa mga magulang upang makagawa ng ulat sa ginawang pagsubok. Si Ginang De Castro ang gurong nagbigay ng pagsubok

Unang Klase

Page 61: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

61

sa anim na bata. Siya ang magiging gurong tagapayo ng Pangkat B. Hindi sana siya ang magbibigay ng pagsubok sa mga ito subalit nagkasakit si Ginang Perez, ang gurong tagapayo ng Pangkat A. Nag-isip ng mabuti si Ginang De Castro kung ano ang gagawin. Maya-maya pa’y tinawag na niya ang mga magulang. “Ang mga tatawagin ko po ay mapupunta sa Pangkat A,” ang wika ng guro sabay tingin sa listahan. “Joseph Generi, Luis Magpayo, Ana Casao at Henry Bayo.” Nanlumo si Magda nang hindi niya marinig ang pangalan ni Santi. Nalungkot siya at napakapit sa kamay ng batang anak. Napansin ni Santi ang pagkalungkot ng ina kaya’t tumungo na lang siya. “Hindi po nakapasa sa pagsubok si,” sabay tingin sa listahan si Ginang De Castro. Lumakas ang kaba ni Magda. Inisip niyang baka si Santi ang tawagin. “... Melvin Pagaso.” Parang natanggalan ng tinik sa dibdib si Magda nang hindi pangalan ni Santi ang narinig. Kitang-kita sa mukha ng ina ang pananabik sa sasabihin ng guro hinggil kay Santi. Tumingin si Ginang De Castro kay Magda at nagtanong, “Kayo po ba ang ina ni Santi?” “Opo. Pasado po ba siya?” “Sa pangkat ko po siya mapupunta, sa Pangkat B.” Napasigaw ng malakas si Magda sabay yakap kay Santi. Tuwang-tuwa siya sa narinig. Hindi na bale na wala si Santi sa Pangkat A ang mahalaga’y nakapasa ang kanyang anak. “Sa susunod na Lunes na po ang simula ng klase. Ipaghanda niyo po ng apat na kwaderno ang inyong mga anak, sulatang papel para sa Unang Baitang, lapis, pambura, krayola, pantasa at uniporme. Ang uniporme po ay puting polo at pambaba na kulay kayumanggi. Mabibili niyo po ang mga ito sa palengke.” Sinadya ni Ginang De Castro na kunin si Santi sa

Unang Klase

Page 62: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

62

kanyang pangkat. Nais niyang magkaroon ng panlaban ang kanyang pangkat. Lagi na lang kasing nasa Pangkat A ang pinakamagagaling. Naisip niyang hasain si Santi upang isa sa kanyang mga mag-aaral ang makapasok sa Top 10. Pinauwi na ni Ginang De Castro ang mga magulang ngunit pinaiwan niya si Magda upang ito’y kausapin. “Nais ko po sanang sanayin niyo pang mabuti ang inyong anak. Alam niyo po ba dapat nasa Pangkat A ang inyong anak,” ang wika ni Ginang De Castro. Nanlaki ang mata ni Magda sa narinig at wari ay nagulumihanan. “Sinadya ko pong ilagay siya sa pangkat ko upang siya ang manguna sa akin. Sa Pangkat A po marami siyang kalaban ngunit sa aking pangkat siya ang magiging pinakamahusay tiyak ko. Tulungan niyo po sana akong hasain siya,” ang salaysay ng guro kay Magda sabay ngiti kay Santi. Napakasaya ni Magda sa narinig na iyon. Galak na galak at hangang-hanga siya sa anak. Ang akala niya’y halos bumagsak na ito sa pagsubok ngunit taliwas pala ito sa pangyayari. Para sa kanya nagkaroon ng saysay ang pagdidisiplina niya sa anak. Pagkagaling sa paaralan ay agad na dumiretso ang mag-ina sa palengke upang bilhin ang mga sinambit ng guro. Ibinili niya si Santi ng tatlong polo at tatlong pambaba, walong kwaderno, limang lapis, dalawang pambura, pantasa at dalawang kahon ng krayola. Bumili rin siya ng maraming sulatang papel na pang-unang baitang. Pumili siya ng pinakamagandang bag para sa anak. Bumili rin siya ng bagong sapatos at medyas para sa paslit. Umuwing masayang-masaya ang mag-ina lalo na si Santi dahil sa mga bago niyang kasuotan at kagamitan. Pagdating sa bahay ay agad na isinimpan ni Santi ang mga bago niyang gamit. Ang iba’y inilagay niya malapit sa kanilang higaan. Nais niyang makatabi ang mga ito sa pagtulog. Samantala, naging abala na si Magda sa mga gawain sa bahay at sa tubigan. Tatlong araw na lang at anihan na. Hindi muna naglagi si Angelo sa Magdalena. Sinamahan muna niya si Magda sa pagbabantay sa palayan. Sa pagkakataong iyon, siya

Unang Klase

Page 63: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

63

muna ang mamamahala sa pag-aani ng palayan. Nang dumating ang araw ng pag-aani, ang mag-ina ay nanahang muli sa kubo sa gitna ng tubigan. Si Angelo nama’y pabisi-bisita lang, karaniwa’y dumarating sa umaga at umuuwi rin sa hapon. Masigasig si Magda sa palayan gayundin naman si Angelo. At nagbunga nga ang kanilang paghihirap. Lampas pa sa anim na daang kabang palay ang naani nila kumpara sa inaasahan. Tuwang-tuwa si Angelo rito. Pinasalamatan niya si Magda sa tapat at matiyaga nitong paninilbihan sa kaniyang tiyuhin. Habang inaani ang mga palay, naparusahan ni Magda si Santi. Nalimutan na kasi ni Santi na magbasa. Nakipaglaro na lang ito sa mga anak ng mga manggagapas. Dahil doon, pinarusahan siya ng isang matinding parusa. Kailangan niyang punuin ng mga nahulog na butil ng palay ang baldeng ibinigay ng ina. Hiyang-hiya si Santi sa mga kalaro dahil sa parusang iyon. Kitang-kita ng mga bata kung papaano niya pulutin ang mga nahulog na butil ng palay. Walang imik si Santi habang isinasagawa niya ang parusang iyon. Nagtatampo siya sa ina sapagkat hindi biro ang kanyang ipinataw na parusa sa paslit. Gayun pa man, masigla itong sinunod ni Santi. Isa-isa niyang pinulot ang mga butil sa lupa. Inabot si Santi ng siyam-siyam sa pamumulot.

SA WAKAS.

Saktong alas singko na ng hapon nang mapuno ni Santi ang balde. Walang imik na inilapit ni Santi ang inipong mga butil ng palay sa ina. “Ito na po inay. Napuno ko na po,” ang saad ni Santi na nakasimangot. “Anak galit ka ba?” ang tanong ni Magda sabay titig sa anak. Iniliko ni Santi ang kanyang paningin saka sumagot, “Di po.”

Unang Klase

Page 64: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

64

Agad niyakap ni Magda ang anak. Pinuri niya ito dahil sa tiyagang ipinakita. Ayon sa kanya, isang pagsubok ang bagay na iyon upang mapatunayan niya kung masunurin ang anak. Matapos iyon, nagluto ang ina ng paborito ni Santi na lugaw. Tuwang-tuwa ang bata habang kumakain. At muli, isinalaysay na naman ni Magda sa anak na kapag ang bata’y pinapalo ng magulang, ibig sabihin nito’y mahal siya ng kanyang magulang. Ilang araw pa ang lumipas at dumating na ang pagsisimula ng klase. Sabik na sabik si Santi sa pagpasok. Handang-handa na siya sa aralin sa klase. Hindi lang pagbabasa ang kanyang hinasa bagkus ay pati na ang malinis at magandang pagsusulat. Napakahigpit ni Magda kumpara sa ibang ina. Ngunit ang kanyang kahigpitan ay may halong pagmamahal. Sikat na sikat si Santi sa kanilang mga kapitbahay sapagkat daig niya ang kanilang mga anak. Ang mga anak ng kanilang mga kapitbahay ay hirap pang magbasa kahit pa nasa Ikatlong Baitang na ang mga ito. Ang mga magulang kasi nila’y walang oras na inilalaan sa kanilang mga anak upang sila’y turuan. Mahalaga ang edukasyon para kay Magda. Ito lang ang tanging maipamamana niya kay Santi at sa iba pa niyang mga anak. Si Magda ay nakatapos lamang ng ikaapat na antas sa mataas na paaralan. Gayundin din si Fernan. Kapwa sila hindi nakatungtong sa kolehiyo. At iyon ang ayaw mangyari ni Magda sa kanyang mga anak kung kaya’t gagawin niya ang lahat upang magsikap sa pag-aaral ang lahat ng kanyang mga anak. Nagkataong si Santi lamang ang kasa-kasama niya kaya’t si Santi lang ang nabigyan ng maraming oras. “Okey. Class gusto kong magpakilala ang bawat isa sa harapan. Sabihin niyo ang inyong pangalan at edad at ilang bagay sa inyong pamilya.” Agad tumayo ang bata na nakaupo sa unang linya ng upuan. “Ako po si Akihiro Reyes, pitong taong gulang. Sabi po ng nanay ko Hapon daw po ang tatay ko.” Agad nagtawanan ang mga bata sa sinabing iyon ni Akihiro.

Unang Klase

Page 65: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

65

“Magaling! Sinong susunod?” Matagal tumayo ang pangalawa. Siya’y nahihiya. Kinailangan pa siyang akayin ng guro papunta sa harapan para lamang makapagsalita. “A..ko...po...si...Bernard...Da..pul...pul.” Natawa ang mga estudyante sa apelyidong nasabi. Sa sobrang hiya, mabilis na umupo si Bernard at umiyak. Nagalit ang guro. “Class, hindi niyo dapat pinagtatawanan ang inyong mga kaklase.” Kanyang pinatahan si Bernard sa pag-iyak nito. At sunod-sunod na ngang tumayo ang iba pang mag-aaral. Matitipid sila sa bawat salita ngunit hindi si Santi. “At ang pinakahuling magsasalita ay...” wika ng guro Mabilis na tumayo si Santi. Siya ay nakaupo sa pinakahuling upuan kaya’t siya ang pinakahuling nagsalita. Marahan siyang lumakad papunta sa harapan. Tumayo siya ng tuwid sa harap ng kanyang mga kaklase, huminga ng malalim at nagsalita. “Ako po si Santi, anim na taong gulang. Ako po ay pangalawang anak nina Magda at Fernan Madriaga. Kami po ay limang magkakapatid. Naghiwalay na po ang inay at itay ko. Kami po ng inay ko ang magkasama rito sa San Mateo. Rito po kasi siya nakahanap ng trabaho.” Napahinto saglit si Santi at biglang pumula ang kanyang mata. Naiiyak na pala siya at halos di na masabi ang susunod niyang salaysay. “Matagal ko na nga po hindi nakikita ang aking mga kapatid. Pero mag-aaral po akong mabuti para sa kanila. Iyun lang po. Salamat po.” Nakaupo si Ginang De Castro bago pa man magsalita si Santi. Sinusuklay-suklay niya ang kanyang buhok at nakatitig sa mga estudyante. Nang marinig niyang magsalita si Santi, siya’y napahinto sa kanyang pagsusuklay. At pagkatapos magsalita ni Santi, siya’y napatayo at napapalakpak sa tuwa. Hangang-hanga siya kay Santi sa galing nitong magsalita. Hindi siya makapaniwala na si Santi ay ganun

Unang Klase

Page 66: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

66

katatas magsalita sa murang edad nito. Unang araw pa lang ay nakuha na agad ni Santi ang atensyon ng kanyang guro. Matapos iyon, ipinasulat ni Ginang De Castro ang pangalan ng bawat isa sa papel. Lima ang mabilis natapos kabilang na si Santi ngunit ang pinakamagandang pagkakasulat ay ang kay Santi. Masaya si Santi tuwing nasa paaralan siya sapagkat marami siyang mga kalaro roon. Kayrami na rin niyang mga bagong kaibigan. Hindi rito humahadlang si Magda, alam naman niyang sa paaralan lamang nakapaglalaro si Santi. Kapag nasa bahay, ang hawak lang niya ay aklat at kwaderno. Ilang linggo rin ang lumipas at talagang nagpursige si Santi sa kanyang pag-aaral. Araw ng Biyernes. Isang magandang balita ang ipinaabot sa kanya ng kanyang guro. Meron daw patimpalak sa pagmomonolog at siya ang nais ilaban ng guro. Ibinalita agad iyon ni Santi sa ina. Tuwang-tuwa ang ina sa masayang balitang kanyang narinig. Kinabukasan, nakipagpulong si Magda kay Ginang De Castro upang malaman ang buong detalye. “Nakikita ko po kasi ang potensyal ni Santi dahil sa galing at husay nito sa pagsasalita kaya’t siya ang napili kong ipanlaban. Bukas po ay ibibigay ko kay Santi ang isang pahinang dapat niyang pag-aralan at kabisahin. Sa susunod na Miyerkules na po ang laban. Tulungan niyo na lang po ako sa pagtuturo sa kanya,” ang salaysay ni Ginang De Castro kay Magda. Kinabukasan, ibinigay na nga ni Ginang De Castro ang kanyang ginawa. Ito ay isang pahinang monolog na kailangang kabisahin ni Santi. Ayon sa guro kailangan itong bigkasin ni Santi sa harap ng madla na may halong emosyon. Tinulungan ni Magda si Santi na kabisahin ang naturang monolog. Isinalaysay ni Magda sa kanyang anak na nung siya’y nag-aaral pa ay siya ang pinakamahusay sa kanilang paaralan pagdating sa monolog.

Unang Klase

Page 67: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

67

Inisa-isa ni Santi ang bawat pangungusap at kanya itong minemorya. Tuwing hapon pagkagaling sa paaralan, hindi pinapayagang maglaro si Santi bagkus ay kailangan niyang bigyan pansin ang pagkakabisa sa mga ito. Tuwing makakabisa ni Santi ang ilang pangungusap, isinasalaysay n’ya ang mga ito sa ina. Ang ina nama’y nakatingin sa papel upang makita kung tama ang pagkakasalaysay niya.

Araw ng Patimpalak.

Bihis na bihis si Santi sa kanyang uniporme. Matikas ang kanyang pagkakatindig. Hinihintay niya ang pagtawag sa kanyang pangalan. Si Magda nama’y matiyagang nagmamatyag sa ibaba ng entablado. Apat ang maglalaban-laban. Dalawang mag-aaral mula sa Unang Baitang galing sa Pangkat A at B, at dalawa mula sa Ikalawang Baitang galing din sa Pangkat A at B. Unang tinawag ang mga nasa Ikalawang Baitang. Binigyan ang bawat isa ng hanggang sampung minuto upang gawin ang deklamasyon sa entablado. Mayroong apat na hurado. Ang unang hurado ay ang prinsipal ng paaralan, ang ikalawa ay ang guro sa ikaanim na baitang, ang ikatlo ay konsehal ng San Mateo at ang ikaapat ay ang mayamang negosyante sa bayan na siyang maggagawad ng gantimpala. Ang unang kalahok na mula sa Ikalawang Baitang Pangkat A ay lubhang kinabahan kayat di maayos ang kanyang pagsasalaysay. Ang ikalawa’y mula sa Pangkat B. Maayos ang pagkakabigkas nito sa mga salita ngunit walang dating sa mga hurado. Pangatlong tinawag ang mula sa Unang Baitang Pangkat A. Maraming pumalakpak. Halos hinakot na kasi ng kanyang ina ang lahat ng kanilang kamag-anak upang manood sa patimpalak na iyon. Noong una’y maayos ang pagkakasalaysay nito at pagkakabigkas sa mga salita ngunit pagdating sa kalagitnaa’y napatigil ito. Nalimutan na pala niya ang susunod niyang sasabihin. At agad itong tumakbo pababa ng entablado papunta sa kanyang ina.

Unang Klase

Page 68: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

68

Matapos iyon, tinawag na si Santi, ang ikaapat na kalahok. Matikas itong lumakad papunta sa gitna ng entablado. Tinitigan ang lahat ng mga manonood mula kanan hanggang kaliwa. Ibinalik nito ang titig sa gitna, sa mga hurado at sinambit ang pamagat. “Nasaan Ka Na Mahal Kong Inay?” Matapos sabihin ang pamagat ay yumukod siya sa mga manonood at nagsimula na sa kanyang salaysay.

“Inay! Inay! Yan ang malakas kong sigaw nang lisanin ako ng aking Ina...Lumaki ako na tanging siya lang ang kapiling ko sa buhay. Isang araw, habang ako ay papauwi, nadatnan kong hirap na hirap siya sa paghinga. ‘Inay! Inay! Ano po ang nangyayari sa inyo?’ ang aking malakas na tanong sa kanya. ‘Anak tumakbo ka kay Tiya Ana mo, ihingi mo ako ng gamot.’ Mabilis kong sinunod ang nais niya. Tumungo ako sa kanyang kapatid, si Tiya Ana. ‘Tiya, maawa na po kayo. Bigyan niyo raw po ng gamot si Inay. Nahihirapan po siyang huminga.’ ‘Wala! Wala akong pera. Tama lang iyan sa ina mo sa rami ng kasalanan niya,’ ang sagot n’ya sa akin... Ayaw kong umuwi na wala akong dalang gamot. Naisip kong manlimos na lang sa daan. ‘Ale, palimos po, pahingi po kahit ilang piraso lang ng inyong barya. Maysakit po ngayon ang aking ina.’ At sumagot ang ale ‘Bata, matagal ko ng narinig yan. Lumayo ka sa akin.’ Patuloy akong nagmakaawa sa ale, lumuhod ako sa harap niya upang siya’y maawa ngunit hindi pa rin lumambot ang kanyang puso bagkus sinipa niya ako at isinuplong sa pulis. ‘Pulis...pulis...Hulihin niyo ang batang ito. Miyembro ito ng sindikato.’ Agad akong hinablot ng pulis at ipiniit sa kulungan. Ako’y umiyak at nagmakaawa sa kanila. ‘Mahal na pulis maniwala po kayo sa akin. Maysakit po ang aking inay. Kailangan lang po niya ng gamot, wala po kaming pera.’ Isang pulis ang sa aki’y naawa, pinalabas niya ako sa kulungan at binigyan ako ng pambili ng gamot. Dali-dali akong bumili ng gamot at umuwi. Sa malayo’y may natanaw akong maliwanag sa aming bahay. At habang papalapit, nakita ko ang isang kabaong. Iyon na pala ang aking ina. Kaya’t wala akong nagawa kundi sumigaw ng...Inay! Inay!”

Unang Klase

Page 69: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

69

Nakaluhod si Santi sa entablado habang binibigkas ang mga huling kataga. Tumutulo rin ang kanyang luha. Damang-dama ng mga hurado ang kanyang emosyon kayat napatayo silang apat at sabay-sabay na pumalakpak. Sumabay na rin sa pagpalakpak ang mga manonood. Hangang-hanga si Ginang De Castro kay Santi gayundin si Magda. Lubos ang pagkagalak ni Magda sa ipinamalas na talento ng kanyang anak. Halos naiiyak pa siya sa tuwang nararamdaman niya. Naaalala kasi niya noong siya’y nag-aaral pa habang nasa gitna rin ng entablado Natapos na nga ang patimpalak at si Santi ang nagkamit ng Unang Gantimpala. Ang premyo niya ay nakasilid sa sobre. Hindi kalakihan ang kanyang premyo ngunit masayang-masaya ang bata. Samantala, lalo pa siyang sumikat sa kanilang mga kapitbahay. Labis ang pagpuri nila sa kanya. Ilang araw pa ang lumipas at lumabas na rin ang mga grado para sa Unang Markahan. Sa kauna-unahang pagkakataon, nadaig ng Pangkat B ang Pangkat A sa Unang Baitang. Hamak na mas mataas ang mga grado ni Santi kaysa sa pinakamahusay nila sa kabilang pangkat. Walang pagsidlan ang saya ni Magda sa mga nagyayari kay Santi. SUBALIT. Isang masamang balita ang nakarating kay Magda. Ayon kay Angelo, napagdesisyunan ng kanyang mga pinsan, tito at tita sa ibang bansa na ipagbili na ang malaking bahay pati na ang palayan. Nanlumo si Magda sa balitang iyon. Akala niya’y tuloy-tuloy na ang kanilang ginhawa. “Huwag kang mag-alala. Tutulungan kitang makahanap ng mapapasukang trabaho,” ang pangako ni Angelo kay Magda. Matapos ang ilang linggo, nakahanap na nga si Angelo ng mapapasukan ni Magda. May kalayuan nga lang. Sa Helena, Catalina ang nahanap niyang trabaho. Nagpaalam na si Magda sa lahat ng kanilang kapitbahay gayundin kay Ginang De Castro. Hinayang na hinayang ang guro kay Santi. Inasikaso na rin ni Magda ang paglipat ni Santi

Unang Klase

Page 70: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

70

Unang Klase

ng paaralan. Tinulungan ni Angelo ang mag-ina na makalipat. Hindi na hinintay pa ni Magda na maipagbili ang bahay at ang palayan. Nais niyang makalipat agad upang sa gayon ay hindi na sila magkumahog sa pag-aayos ng mga gamit. Panibagong paligid na naman ani Santi.

Page 71: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

71

Kalunos-lunos na Pangyayari

L ungkot na lungkot si Santi sa kanyang paglisan. Marami na kasi siyang nakapalagayang loob sa kanilang paaralan. Napalapit na rin ang kanyang

loob kay Ginang De Castro na talagang paboritong-paborito siya. Itinuturing pa naman na siya nitong parang apo na. Marahil ay dahil sa hindi nagkaroon ng apo si Ginang De Castro. Bibong-bibo ang tingin n’ya kay Santi.

Di gaanong masaya sa bago nilang tahanan sa Helena. Wala ni isa man na kapitbahay. Ang pinakamalapit na bahay sa kanila ay may layong dalawang daang metro. Luma na ang bahay na iyon na pag-aari ng matalik na kaibigan ni Angelo. Nasa ibang bansa na rin ang kaibigan niyang iyon kaya wala ng naninirahan doon.

Dalawang palapag ang lumang bahay na iyon. Sa pakiwari ni Magda at tila ilang anay na lang ang kailangan at magigiba na ito. Mayroong maliit na sapa sa likod na bahagi at tatlong matatandang puno ng mangga sa harapan. Nasa bandang kaliwa ang daan patungo sa bayan kung ikaw ay nakaharap sa bahay. At mula sa daan na iyon ay mayroong maliit na tulay na yari sa kahoy. Ang tubig sa sapa sa likod ng bahay nina Magda ang dumadaloy sa ilalim ng tulay na iyon. Hindi ito maaaring daanan ng malalaking mga sasakyan. Tanging traysikel lamang ang maaaring dumaan sa tulay na ito. Paglampas sa tulay ay makikita ang malalawak na palayan sa

Page 72: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

72

magkabilang gilid. May iilang puno rin ng niyog at talisay ang nasa gilid ng daan

Naipasok ni Angelo si Magda sa kanyang kaibigang may-ari ng isang restawrant. Magsisilbing tagahugas ng plato si Magda roon.

Matapos mag-ayos ng mga gamit, inasikaso na ni Magda ang paglipat ni Santi ng paaralan. Masyadong malayo ang nasabing paaralan. Hindi iyon kakayanin ni Santi na lakarin araw-araw. Kinausap ni Magda ang isang tsuper ng traysikel upang siya ang maghatid at sumundo kay Santi araw-araw.

Kapag walang pasok ang paslit, hindi siya maaaring sumama sa ina. Hindi kasi pumayag ang kanyang amo na isama ang kanyang anak.

Mahigpit ang bagong amo ni Magda, ni hindi nga nakahihingi ng mga tirang pagkain o ulam ang mga tauhan niya sa restawrant. Mas nanaisin pa niya itong ipakain sa mga alaga niyang aso sa bahay kaysa ibigay sa kanyang mga trabahador. Maramot na tao! Iyan ang bansag sa kanya ng lahat ng mga nagtatrabaho sa kanya.

Masinsinang kinausap ni Magda si Santi. Pinaliwanagan niya ang paslit sa bago nilang sitwasyon. Kailangan nilang magtipid sapagkat mababa lang ang sahod ni Magda sa restawrant. Mas malaki rin ang kanilang gastusin araw-araw dahil sumasakay si Santi sa traysikel papunta sa paaralan. Nauunawaan naman iyon ni Santi.

Ilang araw pa ang lumipas. Unti-unting namayat si Magda sa trabaho. Maghapon siyang nakatayo sa harap ng lababo at basa ang kamay. Pag-uwi sa bahay, wala na siyang oras upang tingnan ang mga aralin ni Santi. Labis ang kanyang pagkahapo sa trabaho. Takot siyang lumiban sapagkat ayaw na ayaw iyon ng kanyang amo – ang pagliban. Minsan, kailangan niyang mamalagi sa trabaho ng mas mahabang oras lalo na kung maraming kumakain doon. At kapag ganoon ay di na niya naaabutang gising si Santi. Hindi naman niya kinalilimutang mag-iwan ng pagkain sa hapag-kainan para sa anak.

Subalit hindi talaga maamo sa kanya ang lugar na iyon.

Kalunos-lunos na Pangyayari

Page 73: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

73

Dumating siya sa puntong halos wala na siyang ipinababaon sa anak.

“Anak, alam mo ba yung tindahan sa gilid ng paaralan niyo?” ang tanong ni Magda.

“Opo, yung may tinapayan sa gilid?”“Oo, yun na nga. Utang ka muna ng baon mo dun.

Kuha ka ng dalawang sandwich saka juice.”Napailing si Santi. Tila ayaw niya.“Wag kang mag-alala. Kinausap ko na yun si Aling

Maria. Pwede ka ng umutang ng baon mo dun. Babayaran ko nalang siya sa sahod ko.”

Labag man sa kalooban ni Santi, ginawa pa rin niya ang nais ng ina.

“Kayo po ba si Aling Maria?” ang tanong ni Santi sa matanda.

“Oo, bakit?” ang masungit na sagot nito.“Anak po ako ni Magda,” bahagya siyang tumigil,

“uutang ....daw po...muna ako ng baon ko,” ang wika ni Santi. Mabilis siyang tumalikod dahil sa sobrang hiya.

“Oh, sige pumili ka na.”Kinulang na kasi si Magda ng pera. Buti nalang,

naipakiusap niya sa tsuper na sinasakyan ni Santi na sa sahod nalang ang bayad sa kanyang paghatid sa paslit. Gayundin si Aling Maria, kinaibigan niya ang matanda upang sa gayo’y mapautang siya nito kapag walang baon si Santi.

Madalas, pagkauwi galing sa paaralan, habang wala pa ang ina ay pumupunta muna si Santi sa pinakamalapit nilang kapitbahay kala Mang Tasyo. Kinaibigan ni Santi ang anak nito – si Melvin. Hindi na nag-aaral si Melvin kaya’t laman lang ito ng kanilang bahay. Mas matanda siya ng tatlong taon kay Santi. Kapag dinadalaw siya ni Santi, pumupunta sila sa sinasakang palayan ng kanyang amang si Tasyo. At dahil galing si Santi sa bukiring lugar ng San Mateo, tuwang tuwa siya sa kanyang pagsama.

Minsan.“Meron ba kayong mantika,” ang tanong ni Melvin kay

Kalunos-lunos na Pangyayari

Page 74: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

74

Santi.“Oo meron, bakit?”“Tamang-tama, maraming palaka ngayon. Manghuli

tayo. Tapos i-prito natin.”“Ha? Kinakain ba yon?” ang gulat na gulat na tanong

ni Santi.“Oo naman! Ano ka ba? Ang sarap kaya ng pritong

palaka.”At nanghuli na nga ang dalawa. Habol-habol nila ang

mga palakang-bukid. Halos mapuno nila ang supot nilang sisidlan.

Tuwang-tuwa si Santi. Ngayon lang siya nakaranas manghabol ng palaka. Pagkauwi, agad siyang naligo at nagpalit ng damit. Ibinabad muna niya ang maputik niyang kasuotan sa banyera.

Ihinanda na ni Melvin ang mga palaka. Tinanggal muna niya ang mga ulo nito at mga paa. Tapos hiniwa niya sa gitna, tinanggal ang mga laman-loob at kanya na itong ipinirito sa mainit na mantika.

Titig na titig si Santi habang isinasagawa iyon ni Melvin. Pagkatapos, takam na takam nilang kinain ang mga napritong palaka. Sinamahan na rin ni Santi ng kanin at ketchup. Saktong walang naiwang pagkain si Magda sa anak nang araw na iyon.

Gabi na nang dumating si Magda sa bahay. Natutulog na si Santi. Ginising niya ang anak.

“Anak, gising, may dala akong pansit,” ang wika ng ina sa anak. Alam ni Magda na wala siyang iniwang pagkain sa anak kaya’t ginising niya ito upang kumain.

Bahagyang gumising si Santi at nagwika, “Kumain na po ako.”

“Ito oh may dala akong pansit...Anong kinain mo?”“Palaka po,” ang sagot ni Santi sabay pikit.“ANO?” ang malakas at gulat na gulat na tanong ng ina.

“Anong kinain mo?”Dahil sa reaksyon ni Magda, mabilis na nawala ang

antok ni Santi at dahan-dahan siyang bumangon na papikit

Kalunos-lunos na Pangyayari

Page 75: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

75

pikit pa ang mata.“Kanina po...naghabol kami ng palaka sa bukid ni

Melvin. Tapos nagprito po kami rito,” ang paliwanag ng anak.Maluha-luhang yinakap ni Magda ang anak. “Wawa

naman ang anak ko, palaka nalang ang kinakain,” ang lambing nito sa anak.

“Ang sarap po pala ng palaka. Ang dami ko nga po nakain. Isinawsaw ko po sa ketchup,” ang salaysay ni Santi.

Awang-awa si Magda sa kanyang anak. Dahil doon, pilit niyang ipinaubos ang dalang pansit kay Santi upang makabawi siya sa kanyang pagkukulang.

Hindi lang iyon ang gulat na mangyayari kay Magda. Kinabukasan, sumabay si Magda sa anak sa pagpasok sa

paaralan. Babayaran na kasi ni Magda ang mga utang ni Santi kay Aling Maria. Pagdating sa tindahan, iniwan na ni Santi ang ina. Pumasok na siya sa loob ng paaralan.

“Aling Maria, babayaran ko na po lahat ng nakuha ni Santi,” ang bungad ni Magda.

“Ay salamat,” ang sagot naman ng matanda, “sandali lang ha kukunin ko lang ang aking listahan.”

Pumasok ang matanda sa loob at kinuha ang listahan. Matapos iyon, kinuha niya ang talapindutan at isinuma ang lahat ng nakuha ni Santi.

“Oh, ito na lahat,” ang wika ni Aling Maria sabay bigay kay Magda ng suma. Nagulat si Magda sa nakita. Halos hindi siya makapaniwala. Tinanong niya ang matanda kung tama ang sumang ipinakita.

“Oo. Bale, tatlong beses lang kasi siya kumuha sakin ng sandwich. Noong nakaraang linggo dalawa, saka kahapon lang.”

“Talaga po,” ang saad ni Magda na lubhang nagulat sa nalaman. Matapos iyon, dumiretso na siya sa kanyang pinapasukang restawrant.

Kahit na plato na ang hawak ay si Santi pa rin ang iniisip ni Magda. Naaawa siya rito sapagkat nadadamay na siya sa kahirapan ng buhay.

Kalunos-lunos na Pangyayari

Page 76: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

76

Hindi pa gaanong nakakausap ni Magda ang guro ng anak. Hindi kasi niya maisingit sa kanyang oras sapagkat bawal lumiban at bawal mahuli sa kanyang pinapasukan. Tiwala naman siya sa anak na mabuti ang lagay nito sa paaralan. Hindi na kasi masyadong nagkukwento sa kanya ang anak. Tuwing Sabado at Linggo, laman si Santi at Melvin ng sapa sa may likod. Pinahiram ni Melvil si Santi ng kawil kaya’t sila ay nakapamimingwit. Mainam si Santi sa pamimingwit. Ika nga ni Melvin, “Takot sayo ang mga isda kaya’t nagpapahuli sila sa sayo.” Hindi maipaliwang ni Melvin ang pangyayari. Sa tuwing siya ang may hawak ng pamingwit ay wala silang nahuhuli ngunit kapag ito’y hinawakan na ni Santi ay sunod-sunod na ang nahuhuli nilang isda. Pagkatapos mamingwit, pinaghahatian nila ang nahuling isda.

Halos ilang araw na ring ulan ng ulan. Nang araw na iyon, maagang pumasok si Magda sa restawrant. Sinabihan na niya ang anak na huwag na itong pumasok sapagkat alam niyang bahain ang kanilang eskwelahan. Tiyak na baha na naman dun aniya. Hindi na lumabas ng bahay si Santi. Takot kasi siyang magkasakit. Pinaalalahanan na siya ng ina na huwag lalabas upang hindi maulanan. Mabilis kasing nagkakasakit si Santi tuwing siya’y nababasa ng ulan. Natuwa si Santi nang may kumatok sa kanilang bahay. “Sabi ko na nga ba, di ka pumasok ngayon,” ang masayang bungad ni Melvin. “Baka raw kasi baha na sa aming paaralan,” ang salaysay ni Santi. Labis ang kasiyahan ni Santi nang oras na iyon sapagkat meron na siyang kalaro kahit pa nasa loob lang siya ng kanilang bahay. Masayang naglaro ang dalawa. Hindi nila alintana ang lakas ng ulan na patuloy na naiipon sa likod na bahay. Hanggang, “Ay nabasa na yung pambaba ko,” ang sabi ni Melvin na nakasalampak sa malapit sa pinto kasama si Santi. Nagkatitigan

Kalunos-lunos na Pangyayari

Page 77: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

77

ang dalawa. Mabilis na tumayo si Santi at sumunod si Melvin. Sabay silang dumungaw sa bintana at sabay din silang napasigaw. “BAHA!” “Naku itaas natin sa taas ang mga gamit namin, tulungan mo ako,” ang pakiusap ni Santi sa kaibigan. At tulong silang dalawa sa pagtaas ng mga gamit. Nagulat silang dalawa sa bilis ng mga pangyayari. Maya-maya pa’y hanggang bewang na ni Santi ang tubig. Pinuntahan niya ang bawat sulok ng kanilang bahay kung mayroon pang kailangang itaas. “Tara na sa taas,” ang yaya ni Melvin, “baka lalo pang tumaas ang tubig.” Takot na takot si Melvin. Samantala, nilalabanan naman ni Santi ang kabang kanyang nararamdaman. “Wag kang mag-alala,” ang sabi ni Santi, “di na tataas pa ang tubig.” Pansin na pansin ng bata ang labis na kaba ng kaibigan kung kaya’t nililibang niya ito. Kinukwentuhan niya ito ng iba’t ibang istorya. “Alam mo ba sabi ng itay ko, kapag bumabaha lalong dumarami ang isda,” ang salaysay ni Santi sa kaibigan, “tiyak ko pagkalipas nito, punong-puno na ng isda yung sapa.” Naiibsan naman ang kaba ni Melvin dahil sa mga kwento ni Santi. SAMANTALA. Lumikas na pala ang karamihan ng mga tao sa kanilang lugar. Ang ibang bahay ay lubog na lubog na. Lumikas na rin ang ina at mga kapatid ni Melvin. Tanging ama na lang niya ang naiwan dahil hinahanap pa niya si Melvin. Halos hindi na makita ang bubungan ng kubo nila Melvin dahil sa lalim ng tubig. Biglang naisip ni Tasyo na baka na kina Santi ito. Agad niyang linangoy ang malaking baha papunta sa bahay nina Santi. Napakalakas ng agos ng tubig sinabayan pa ito ng malakas na ulan. Pahinto-hinto ang ama ni Melvin, masyado kasing malayo. Pakapit-kapit siya sa mga puno. Nagdarasal siya na sana’y walang masamang mangyari sa anak. Si Melvin pa

Kalunos-lunos na Pangyayari

Page 78: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

78

naman ang bunso sa kaniyang mga anak. Sa lakas ng ulan, halos hindi na makita ni Tasyo ang kanyang linalanguyan. Abot pa rin ang kanyang dasal. “Diyos ko, huwag po sanang mapahamak ang aking bunso.” Matibay niyang nilalabanan ang agos ng baha. Inilabas niya ang buo niyang puwersa alang-alang sa anak. Ipinagdasal din niya na sana’y naroon nga sa bahay nina Santi ang kaniyang anak. Sa wakas, natanaw na niya ang bahay nina Magda. Lumangoy siya ng lumangoy papalapit dito. At nang malapit na siya rito, agad siyang sumigaw. “MELVIN!.....ANAK!” Malakas ang kanyang sigaw ngunit mas malakas ang mga patak ng ulan. Lumangoy pa siya papalapit sa pinto. Limang talampakan na ang lalim ng tubig nang oras na iyon. Nang makalapit na sa pinto ay kanya itong binuksan subalit ito’y sarado. Nakita niya ang bintana na nakabukas, lumapit siya rito ng dahan-dahan habang kumakapit sa mga haligi ng bahay. Dumungaw siya at sumigaw.“MELVIN!.....ANAK!” Narinig iyon ng dalawang bata. Dali-dali silang pumunta sa hagdanan, bumaba ng bahagya at dumungaw. Nakita ni Melvin ang ama sa bintana. “Tatay!” ang masayang sigaw ni Melvin. Nang makita ni Tasyo ang dalawang bata’y halos maiyak siya sa sobrang tuwa. Ligtas ang kanyang bunso. Mabilis siyang sumuot sa bintana at pumunta sa kinalalagyan ng dalawa. Agad itong yumakap sa anak. “Wala bang nangyari sa inyo rito?” ang tanong niya sa dalawang bata. “Wala naman po, mabilis nga po naming naitaas yung aming mga gamit,” ang sagot ni Santi. Sa sobrang saya ni Santi, tumakbo siya papalapit sa bintana at nagtatalon. “Yehey, yehey....may kasama na kami!”

Kalunos-lunos na Pangyayari

Page 79: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

79

At sa muli niyang pagtalon ay nabali ang kahoy na kaniyang tinatapakan at siya’y nabulsot patungo sa baba. Mabilis siyang bumulusok pailalim sa tubig. Nang makita ito ni Melvin, siya’y napasigaw. “SANTI.........” Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Tasyo. Mabilis niyang sinisid ang malamig na tubig at lumangoy papalapit kay Santi. Nagkakaway at pumusag-pusag si Santi sa tubig. Hindi kasi siya marunong lumangoy. Nang makalapit kay Santi ay hinablot ni Tasyo ang bata at itinaas ng mas mataas sa lebel ng tubig. Nag-uubo si Santi. “Aray....” ang iyak niya. Sumabit pala ang kanyang binti sa matalas na bali ng kahoy. Kitang-kita ni Tasyo ang pagdurugo ng binti ni Santi. Naghanap ng bulak si Tasyo. Mabilis niyang nilinis ang sugat at tinapalan niya ito ng kapirasong tela. Hindi na niya niyayang lumikas ang dalawang bata. Palagay niya’y mas mapapahamak silang tatlo kapag sila’y lumabas pa ng bahay na iyon. Samantala, binaha na rin ang restawrant na pinapasukan ni Magda. Agad siyang umalis dito kahit wala ng paalam pa sa amo dahil sa labis na pag-aalala sa anak. Ngunit masyado ng malalim ang tubig. Wala ng sasakyang pumapasada pa. Lumubog na ang mga traysikel sa lalim ng baha. Kitang-kita ni Magda na nilalangoy nalang ng mga tao ang daan. “ANAK KO!” ang sigaw niya sabay iyak. Iyak siya ng iyak ngunit wala siyang magawa. Napakalayo ng bahay nila mula sa kanyang kinatatayuan. Nakiusap siya sa mga tao na kung maaari’y tulungan siyang puntahan ang kaniyang anak ngunit ang sagot nila’y ‘MASYADO IYONG MALAYO.’ Isang babae ang nagmagandang loob sa kanya at siya’y kinausap. “Tingnan mo sa simbahan, baka naroon ang anak mo. Kanina, marami ang nailikas galing dun sa lugar niyo. Idinala silang lahat sa simbahan.” Kahit pa luhang-luha ay agad siyang umalis at

Kalunos-lunos na Pangyayari

Page 80: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

80

pumaroon sa simbahan. Napakaraming tao. Punong-puno. Karamihan ay mga batang nag-iiyakan. Lumakad siya papasok habang pinagmamasdan ang mga mukha ng bawat isa. Hindi niya kilala ang mga ito. Lumakad siya ng lumakad hanggang, “Aling Celia,” agad siyang yumakap dito at nagtanong . “Nakita niyo po ba si Santi?” “Naku, Magda. Nawawala rin si Melvin. Di na sumama si Tasyo sa amin. Hinahanap niya si Melvin,” at biglang umiyak si Aling Celia. Nag-iyakan na lang ang dalawang ina. “Aling Celia, hindi ko po mapapatawad ang sarili ko kapag mayroong nangyaring masama kay Santi,” ang malungkot na saad ni Magda. “Narinig ko kanina sabi nila, hampos sa dalawang tao na raw ang lalim ng tubig doon sa lugar natin,” ang salaysay ni Celia na patuloy parin sa pag-iyak. Lalong naiyak si Magda sa narinig. Agad siyang tumalikod kay Celia at umalis. Humanap siya ng taong makatutulong sa kanya. Kailangan niya ng bangka. Hindi ininda ni Magda ang malalakas na patak ng ulan. Kahit basang-basa na’y patuloy siya sa paglakad. At dininig ng Diyos ang kanyang dalangin. Nakakita siya ng bangka. Kinausap niya ang nagsasagwan na siya ring may-ari nito. Kanya itong iniyakan. Awang-awa sa kanya ang may-ari ng bangka kaya’t naglakbay na ang dalawa. Habang patungo kala Santi ay patuloy ang kanyang pagluha. Talagang hindi maipaliwanag ang labis niyang pag-aalala sa anak. Samantala, pinakiusapan siya ng may-ari ng bangka na kung maaari’y salukin niya ng tabo ang mga naiipong tubig sa loob ng kanilang bangka. Sinunod naman siya ni Magda na patuloy pa rin sa pag-iyak. Awang-awa ang may-ari ng bangka kay Magda. Magulang din kasi siya, nauunawaan niya ang pakiramdam ni Magda bilang isang magulang. “Wag ka ng umiyak. Magdasal ka na lang,” ang wika ng manong. “Ipagdasal mo na sana ay walang mangyaring masama sa ‘yong anak. Lakasan mo ang iyong loob.”

Kalunos-lunos na Pangyayari

Page 81: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

81

Basang basa na ang dalawa sa ulan ngunit hindi iyon pinansin ni Magda. Ang kalagayan ng anak ang laman ng kanyang isip. Dahil sa lakas ng ulan, ang loob ng bangka ay mabilis na napupuno ng tubig. At dahil dito, doble kayod si Magda sa pagsalok ng tubig gamit ang tabo. Hindi na mapigilan ng manong ang mapahinto sa pagsagwan paminsan-minsan sapagkat hapong–hapo na siya sa layo ba naman ng kanilang nilakbay. Kahit halos hindi na matanaw ng manong ang daan ay determinado pa rin siyang tulungan si Magda. At kapag nakapahinga na siya ng mga ilang segundo ay tuloy na naman siya sa pagsagwan. May mga pagkakataong napapayuko si Magda dahil sa pagod niya. Di nagtagal, natanaw na rin ni Magda ang kanilang bahay. Tuwang-tuwa siya nang matanaw niya ito. “Naku manong iyon na yung bahay namin,” ang malakas na wika ni Magda sabay turo sa direksyon ng kanilang bahay. Pitong talampakan na ang lalim ng baha sa bahay nina Magda. Isang pulgada na lang at aabot na ito sa pangalawang palapag. Patuloy ang dalangin ni Magda na sana’y nakapanhik si Santi sa taas. Nang papalapit na ang bangka sa kanilang bahay, isang lalake ang dumungaw sa bintana. “MANG TASYO!” ang malakas na sigaw ni Magda. “SI SANTI PO?”

Luhang-luha si Magda dahil sa sinapit ng anak. Yakap-yakap niya ito. Lubos naman ang pagpapasalamat ng ina kay Tasyo at Melvin dahil hindi nila pinabayaan si Santi. Hindi nagtagal, sama-sama na rin silang umalis sa bahay na iyon. Dahan dahan nilang ibinaba ang dalawang bata sa bangka. Humanap si Magda ng malaking plastik upang ipangpandong sa mga ito. Malakas at tuloy-tuloy pa rin ang ulan. Basang-basa silang lahat nang makarating sa simbahan. Binigyan ni Magda ang manong ng pera bilang pasasalamat. Noong una’y ayaw pa nitong tanggapin ang pera ngunit dahil

Kalunos-lunos na Pangyayari

Page 82: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

82

sa pagpipilit ni Magda ay tinanggap na rin niya ito. Masayang masaya ang buong pamilya ni Tasyo nang sila’y magkita-kita sa simbahan. Halos nag-iyakan silang lahat at nag-akapan. Samantala, nanginginig na sa lamig si Santi dahil sa pagkakabasa niya sa ulan. Walang magawa si Magda kundi ang yakapin na lang ang anak. Madilim na noong narating nina Magda ang simbahan. Hindi siya mapalagay sa anak. Natatakot siya na baka magkasakit ang bata. Awang-awa siya dahil sa sugat na natamo nito. Nakiusap si Magda na pahigain ang kanyang anak sa mahabang upuan. Nang ito’y nakatulog na, nahimasmasan na rin ang ina. Pagod at gutom ang sumunod na nadama nina Magda at ng iba pang mga tao. Lumalim na ang gabi ngunit wala pa ring tulong na dumating sa kanila. Maraming bata na ang nag-iiyakan dahil sa nararamdamang gutom. Ang ibang mga magulang naman ay nagkukwentuhan ng kani-kanilang mga karanasan. Umaga na nang dumating ang tulong sa mga nasakuna. Doon pa lang nakakain sina Magda. Namigay rin ng ilang kasuotan para sa mga bata. Laking pasasalamat ni Magda at hindi nagkasakit si Santi. Alam niyang di biro ang pinagdaanan ni Santi, kasama pa roon ang sugat niya sa binti. Subalit nakisama ang katawan ni Santi. Nang makakain na ang paslit ay agad nanumbalik ang kanyang sigla. Sa di kalayuan, isang babae ang tumatanaw kay Magda. Palapit siya ng palapit sa kinatatayuan ni Magda. Gusto niyang makasiguro. “MAGDA!”ang malakas na bati ng babae. Lumingon si Magda sa tawag na iyon.

Kalunos-lunos na Pangyayari

Page 83: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

83

Kalunos-lunos na Pangyayari

Page 84: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

84

Kalunos-lunos na Pangyayari

Page 85: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

85

Maling Balita

I sang taga-San Jose ang nakakitang iyon kay Magda. Ayaw niyang siya’y mapahiya kaya’t tinitigan muna niya at siniguradong si Magda nga ang kaniyang nakita bago

niya ito tinawag. Nagulat si Magda. Hindi niya inaasahan na makatatagpo siya ng isang tao mula sa lugar na kanyang iniwan. “Oh, ikaw pala! Taga rito ka na ba?” ang masayang tanong ni Magda. “Nakapangasawa ako ng taga-rito. Maglilimang buwan pa lang ako rito sa Helena. Sa limang buwang iyon grabe...kalunos-lunos pa itong nangyari ngayon,” ang salaysay ng babae. At nagkuwentuhan na nga ang dalawa. Gusto sanang iwasan ni Magda ang babaeng iyon subalit huli na. Kilala pa namang madaldal ang angkan nito sa San Jose. “Tiyak,” ani Magda, “malalaman na sa San Jose kung saan kami nakatira ni Santi.” “Kapag humupa na itong baha, aayusin lang namin yung bahay tapos sasabihin ko sa asawa ko uuwi muna ako sa San Jose. Doon muna ako mamamalagi,” ang wika ng babae kay Magda. “Kung maaari sana ‘wag mo na lang iparating kina Fernan na nagkita tayo rito,” ang pakiusap ni Magda sa babae. “Oh, sige huwag kang mag-alala, hindi ko sasabihin.”

Page 86: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

86

Nang humupa na ang baha, isa-isa ng nagbalikan sa kani-kanilang bahay ang mga tao. Buti na lang, hindi na umabot pa sa pangalawang palapag ng bahay nina Magda ang tubig kaya’t lahat halos ng gamit nila ay hindi nabasa. Hangang-hanga si Magda sa ginawang pagsasagip nina Santi sa kanilang mga gamit. Dahil doon, maraming bagay ang hindi na nila kinailangang bilhing muli di gaya nina Mang Tasyo. Lahat ng kanilang mga kasuotan, unan, kumot at mga gamit sa bahay, ay inianod na lahat ng baha. Mangiyak-ngiyak ang mag-asawang Tasyo at Celia subalit malugod silang nagpapasalamat sapagkat walang buhay ang nalagas sa kanila. Mabilis kumalat ang balita tungkol sa pagbaha sa Helena at sa mga karatig bayan nito. Nang mabalitaan ito ni Angelo ay agad siyang sumugod sa bahay ng mag-ina. Nagbigay siya ng tulong sa dalawa. Awang-awa siya sa mga ito dahil sa sunod-sunod na problemang kinaharap. Tinulungan din niya ang mag-ina upang ayusin ang nasirang sahig at iba pang parte ng bahay. “Pasalamat talaga ako at may pangalawang sahig ito, kung wala tiyak wala na ang aking Santi,” ang salaysay ni Magda kay Angelo sabay halik at yakap sa anak. “Oo nga. At di lang yun. Tatlo silang sinagip nito,” ang dugsong pa ni Angelo. “Meron lang akong ikinakatakot ngayon,” ang wika ni Magda, “tiyak, isa sa mga araw na ito biglang susulpot si Fernan.” “Yung dati mong asawa?” ang tanong ni Angelo, “papaano at bakit naman?” “Nung nasa simbahan kasi kami, may nakakita sakin na isang taga-San Jose. Iyon, nakakwentuhan ko na. Nakapangasawa raw siya ng taga rito sa Helena. Nangako naman siya na hindi niya sasabihin kina Fernan ang tungkol sakin dito, kaya lang wala akong tiwala roon. Kilala kasing madadaldal ang buo nilang pamilya sa San Jose.” “Eh ano naman kung matunton kayo ng dati mong asawa?”

Maling Balita

Page 87: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

87

“Di pwede..” “Bakit naman?” “Tiyak kukunin niya sa akin si Santi at iuuwi ito sa San Jose.”

Tumpak ang mga agam-agam ni Magda! Makalipas ang ilang araw, umuwi na nga sa San Jose ang babaeng nakita ni Magda sa simbahan. Mabilis pa sa alas-kwatro noong ibalita niya sa kanyang ina ang nangyari sa Helena. “At ito pa nanay, nagkita kami ni Magda roon sa simbahan. Kasama niya yung anak niyang si Santi,” ang salaysay ng babae. “TALAGA!” ang saad naman ng kanyang ina na biglang napalaki ang mata sa nalaman. “May sugat nga sa binti si Santi, nahulog daw sa sahig. Sabi pa niya medyo nahihirapan daw siya sa buhay doon sa Helena.” At talaga naman, totoo ang kasabihang ‘May pakpak ang balita at may tainga ang lupa.’ Matapos ikuwento ng babae sa ina ang tungkol kay Magda, agad sumugod ang matanda kina Aling Marta. Wala na siyang pinalampas na pagkakataon. Sariwang-sariwa ang kanyang mga balita kay Aling Marta na tiyak na ikatatakot ng lola. “Marta. Marta!” ang malakas na tawag ng matanda. “Oh, bakit Lydia?” ang tanong ni Marta sabay lapit kay Aling Lydia. “Ay halika, may balita ako sa’yo,” ang bungad ni Lydia. “At ano naman iyon?” “Kararating lang ni Minda galing sa Helena. Grabe pala talaga yung bahang nangyari sa kanila dun.” “Talaga?” “At kilala mo ba kung sino ang nakita niya dun sa isa sa mga binaha?...Eh di si Magda at si Santi.” “Ha! Totoo ba ‘yan?” “Oo. At alam mo ba? Nakita niya si Santi na may bali

Maling Balita

Page 88: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

88

sa binti. Nahulog daw sa ikalawang palapag ng tinitirhan nila. Wala na rin daw kinakain ang mag-ina. Kutob nga ni Minda baka ipagbili na niya si Santi.” “Hesus Maria Santisima Trinidad Diyos por Santo Ina ng Awa!” ang bulalas ni Marta. “Punyeta talaga yang Magda na ‘yon. Kawawa naman yung apo ko. Ay teka sandali at pupuntahan ko lang si Fernan.” Mabilis na tumungo si Marta sa kubo nina Fernan upang ibalita ang nalaman. “Fernan. Fernan!” ang malakas na tawag nito sa anak. Natutulog si Fernan nang mga oras na iyon. Dahan-dahan itong tumayo sa pinagkakahigaan. “Ano iyon nanay?” ang tanong ni Fernan na pupungas-pungas pa ang mga mata. “Nakita raw ni Minda sina Magda at Santi. Hindi na raw kumakain ang mga ito at bali raw ang paa ni Santi. Nahulog daw ang anak mo sa ikalawang palapag ng bahay na tinitirhan nila. Ipagbibili na raw pati ni Magda si Santi.” “ANU?” ang gulat na gulat na wika ni Fernan. “Magmadali ka at puntahan mo si Minda. Tanungin mo ang eksaktong tirahan nina Magda. Baka di mo na muling makita si Santi.” “Kayo na lang ang magtanong,” ang utos naman ni Fernan. At si Marta na nga ang nagtanong. Matapos malaman ang tirahan nina Magda, di pa rin nakaluwas si Fernan. Kailangan pa kasi niyang mangutang ng pamasahe para sa kanya at sa kanila ni Santi sakaling kunin niya ang anak. Malayu-layo rin kasi ang Helena. Natural na sa mga taga San Jose ang mag-tsismisan sa buhay ng ibang tao. Hindi kasi nila kayang mabuhay na hindi pinakikialaman ang buhay ng kanilang mga kababayan. Nakagawian na kumbaga. Naging bahagi na iyon ng araw-araw nilang pamumuhay. Ang mas matindi pa rito ay yung nababago ang tunay na balita. Ang isang bulate na nakita sa daan kapag sumalin-

Maling Balita

Page 89: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

89

salin na sa iba’t ibang bibig ay maaaring maging sawa. May ugali kasi ang mga tao sa bayang iyon na mas nakagaganang pakinggan ang isang balita kung mas nakagugulat iyon kung kaya’t sinasadya ng ibang tao na baguhin o ikutin ang isang balita upang maging kaganyak-ganyak iyon sa mga taong makaririnig. At iyon din ang nagiging sanhi ng maraming sigalot at hiwalayang nangyayari sa mga mag-aasawa. Pinapalala ang isang simpleng balita. Kaawa-awa na lalo si Magda sa bayang iyon. Magiging masama na talaga ang tingin sa kanya ng mga tao roon. Hindi na malalaman pa ang pagmamahal at sakripisyong ipinamalas niya kay Santi. Tanging ang imahe ng pagiging masamang ina ang mananatili sa isip ng mga tao. At kailan man ay hindi na mababago ni Magda ang ganoong pagtingin sa kanya ng mga tao. Sino pa ang maaaring magpatunay sa pag-aaruga ni Magda kay Santi? Walang iba kundi si Santi. Ngunit masyado pa itong musmos upang paniwalaan ng mga tao. Subalit sabi nga, “Ang mga bata ay hindi marunong magsinungaling.” Sa kalunos-lunos na nangyari sa mag-ina sa Helena, walang kamalay-malay si Magda na may mas matindi pa palang problema na kailangan niyang harapin. Apat na araw pa ang lumipas bago nakaluwas si Fernan patungo sa Helena. Talagang humanap siya ng paraan upang makalikom ng pera. Samantala, kalat na kalat na sa buong bayan ng San Jose ang maling balita tungkol sa mag-inang Magda at Santi. Tahimik lang si Fernan habang nakasakay sa bus. Ihinabilin muna niya sa ina ang kanyang mga naiwang anak. Malalim ang iniisip niya habang nagbibyahe. Hindi niya alam ang dahilan kung bakit nagkaganoon ang kanyang asawa. Ano ang kanyang naging pagkukulang? Kilala ni Fernan si Magda sa pagiging malapit nito sa Diyos kaya’t hindi niya lubos maisip ang balitang kumalat na ipagbibili nito ang anak na si Santi. Sa kabilang dako, awang-awa siya sa kanyang mag-ina nang malaman niyang hindi na sila kumakain. Tiyak aniya na payat

Maling Balita

Page 90: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

90

na payat na ang anak na si Santi. Kahit papaano’y kilala pa rin naman ni Fernan ang asawa, tiyak niya na hindi naman magagawang ipagbili ni Magda ang anak. Kahit papaano’y nakakitaan niya si Magda ng pagiging mapagprotektang ina sa mga anak. Ilang oras din ang kanyang ginugol sa biyahe. At sa wakas, narating na niya ang bayan ng Helena sa Catalina. Una niyang pinuntahan ang asawa ni Minda na makatutulong daw sa kanya upang matunton ang eksaktong tirahan nina Magda. Habang nasa daan, kitang-kita ni Fernan ang sakunang dumating sa bayan. Nasaksihan niya ang kalunos-lunos at karima-rimarim na nangyari sa bayan. Dahil doon lalo siyang naawa sa kanyang anak. Tiyak na nahirapan din si Santi sa nangyari aniya. Kabisadong-kabisado ng asawa ni Minda ang buong Helena kaya’t madali nilang natunton ang mala-bukid na lugar nina Magda. Habang papalapit sa lugar nina Magda ang traysikel na sinasakyan nina Fernan, natanaw niya ang isang maputing bata na nakatayo sa tabing puno. May hawak itong patpat na kahoy. “Parang si Santi yun ah,” ang wika ni Fernan sa kanyang isip. Hindi niya matiyak sapagkat nakatalikod ang bata ngunit nang ito’y biglang humarap, “Manong, iyon po yung anak ko. Dun po tayo.” Pagkahinto ng traysikel sa harap ni Santi, agad bumaba si Fernan at tinawag ang anak. “Santi!” Tumitig muna si Santi sa matangkad na lalaking iyon. At nang matanto niya na iyon ay ang kanyang ama, “ITAY!” ang sigaw ni Santi sabay takbo papalapit sa ama at akap dito. Nagulat ang nagmamaneho ng traysikel sa nasaksihan. “Ah siya pala ang asawa ni Aling Magda,” ang wika niya sabay ngiti kay Fernan habang yakap yakap ng ama ang anak. Matapos iyon, umalis na rin agad ang asawa ni Minda. Labis ang pasasalamat ni Fernan sa kanya. Hindi na ito tumuloy pa sa bahay nina Magda.

Maling Balita

Page 91: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

91

“Oh, anak nasaan ang bahay niyo rito?” ang tanong ng ama. “Doon pa po itay,” ang masayang sagot ni Santi sa ama sabay turo sa direksyon ng kanilang bahay. Habang lumalakad papalapit sa bahay nina Magda, kitang-kita ni Fernan ang bakas ng delubyong dumating sa kanilang paligid. Halos wasak ang mga pananim. “Akala ko ba nabali ang binti mo?” “Nasugat lang po, ito po malapit na ring gumaling. Nabulsot po kasi ako dun sa sahig namin nung bumaha rito.” Nang makarating sila sa bahay, agad hinanap ni Fernan si Magda. “Asan yung inay mo?” “Nasa trabaho po, tagahugas po siya ng pinggan sa restawrant sa bayan.” “Kelan ang uwi niya?” “Mamaya pa po sa gabi.” Umikot-ikot muna si Fernan sa loob ng bahay gayundin sa buong bakuran. Pinagmasdan niyang mabuti ang kapaligiran ng kanyang mag-ina. “Kayo lang bang dalawa ang nakatira rito?” “Opo. Malayo nga po ang mga kapitbahay namin. Wala tuloy akong masyadong kalaro.”

Samantala, matapos ihatid ng tsuper ang asawa ni Minda, mabilis itong tumungo sa restawrant na pinapasukan ni Magda. “Aling Magda, dumating po ang asawa niyo ah. Ako po ang naghatid sa kanya sa inyo. Di niyo po nababanggit ha gandang lalaki pala ng asawa niyo.” “HA! Talaga?” ang tugon ni Magda na talagang nabigla sa sinabing iyon ng tsuper. Ang drayber na iyon ang araw-araw na naghahatid at sumusundo kay Santi sa paaralan kaya’t kilala na niya ang mag-ina. Dali-daling nagpaalam si Magda sa amo. Nakiusap siya rito upang payagan siyang umuwi ng maaga. Noong una’y

Maling Balita

Page 92: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

92

ayaw nitong pumayag subalit nang umiyak na si Magda ay pumayag na rin ang amo. Mabilis na tinahak ni Magda ang daan pauwi sa kanilang bahay. Sumakay siya sa traysikel. Natatakot kasi siyang baka itakas ni Fernan ang anak gaya ng kanyang ginawa.

Naabutan pa rin naman niya ang mag-ama. Nang siya’y dumating, nakaupo si Fernan sa kanilang sala sa upuang yari sa kawayan. “Oh, bakit ka napadpad dito?” ang bungad na tanong ni Magda sa asawa. “Ako ang dapat na magtanong n’yan sayo. Bakit napadpad si Santi rito?” ang tugon naman ni Fernan sabay tayo sa upuan. “Maayos lang kaming mag-ina rito. Wala kang dapat ikabahala.” “Anong wala, balitang-balita sa San Jose na hindi na raw kayo kumakain dito at nais mo pa raw na ibenta si Santi.” “HA?!” ang malakas na sagot ni Magda. “Hayop na Minda yon, siniraan pa pala ako. Napakawalanghiya talaga nung babaeng yun.” “Hindi ako aalis dito hangga’t hindi ko kasama si Santi,” ang galit na wika ni Fernan. “Hindi maaari,” ang matapang na sagot ni Magda sabay hawak sa kamay ni Santi. “Halika anak, punta ka muna roon sa taas.” Itinaas muna ni Magda si Santi tapos bumaba siyang muli upang makapag-usap sila ng masinsinan ni Fernan.

Maling Balita

Page 93: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

93

Ang Paglisan

“S ige na, kunin mo na siya.” Yan ang wika ni Magda sa asawa makaraan ang kanilang pag-uusap. Ilang minuto rin silang nag-usap at

nagpaliwanagan sa isa’t isa. Si Magda ay nagmamatigas noong una. Ayaw niyang mawalay sa anak. Si Fernan naman ay mapilit. Nais niyang makuha si Santi upang sa gayon ay makasama nitong muli ang kanyang mga kapatid. Napaghandaan na ni Magda ang pangyayaring iyon. Alam niyang isang araw ay darating si Fernan upang kunin ang anak. Ihinanda na niya ang sasabihin sa asawa. Ngunit mas matindi pala ang ihinanda ni Fernan. Sa mga isinalaysay ni Fernan, lubhang napaisip si Magda. May katuwiran ang kanyang asawa pakiwari niya. Ang kapakanan ni Santi bilang isang bata ang pinakamahalaga. Alam ni Magda na iyon ang malaking pagkukulang niya sa anak, ang palakihin ito na may masayang karanasan sa pagkabata. Hindi man sabihin ni Santi, nararamdaman ni Magda na gusto nitong makasama ang kanyang mga kapatid. Nais niyang makalaro ang mga ito. Sa buong pagsasama ng mag-ina mula nang kunin ni Magda si Santi sa San Jose, ni minsan ay hindi niya nakaringgan ng pagrereklamo ang anak. Maunawain kasing bata si Santi kaya’t mahal na mahal siya ng ina. Tumaas na si Magda at lumapit kay Santi. “Oh, maghanda ka na, sasama ka na sa itay mo,” ang

Page 94: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

94

utos ng ina habang tumutulo ang luha. Niyakap niya ang kanyang anak. “Ikumusta mo nalang ako sa mga kapatid mo ha,” ang wika niya, “saka magpapakabait ka dun.” Umiyak na rin si Santi habang yakap-yakap siya ng ina. Hindi niya alam kung ano ang kanyang sasabihin sa ina. Nais niyang makapiling muli ang kanyang mga kapatid ngunit nais din naman niyang makasama ang ina. Naiipit ang paslit na si Santi sa dalawang batong nag-uumpugan. Nananabik na siya sa kanyang mga kapatid. Matagal-tagal na rin niyang hindi nakapiling ang mga ito. Maraming araw ang dumaan na ang mga kapatid niya ang laman ng kanyang isip. Hindi lang niya ito binabanggit sa ina sapagkat wala rin namang mangyayari. Ano nga naman ang kanilang magagawa, sadyang malayo ang San Jose sa Helena. Ngunit tila naguguluhan si Santi. Naaawa siya sa ina at mag-iisa na lamang ito. Wala ng makakasama pang anak si Magda. Baka maging malungkot na ang kanyang ina aniya. Agad ng iniayos ni Magda ang mga gamit ng anak. Kumuha siya ng malaking bag at isinilid doon ang mga damit at laruan ng kanyang anak. Habang isinisilid, umiiyak si Magda. Di niya mapigilan ang kanyang damdamin. Labis siyang nalulungkot sa paghihiwalay nilang mag-ina. Si Santi pa naman ang nagsisilbing lakas niya sa araw-araw. Subalit naaawa rin siya rito sa rami ba naman ng mga di magagandang karanasan sa kanyang puder. Isama pa rito ang halos pagkalagay niya sa bingit ng kamatayan. Maaliwalas na ang panahon nang araw na iyon. Ang hangin ay matiwasay ng umiihip patungo sa mga dahon ng mangga sa kanilang harapan. Ang sapa rin sa gawing likuran na ilang araw ng kulay putik ay unti-unti na ring lumilinaw. Matingkad ang sikat ng araw. Maraming ibon ang masasayang nagliliparan sa mga sanga ng punong-kahoy. Ang mga putik na kumapit sa mga puno at dahon ay nangagtuyo na. Hindi na sinuyo pa ni Fernan si Magda sa tagpo nilang iyon. Tanggap na niyang tapos na sila. Desidido na rin si Magda

Ang Paglisan

Page 95: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

95

na lumayo at magsimula ng panibagong buhay. Mahirap na silang mabuong muli sapagkat para na silang kristal na nabiyak sa gitna na hindi na kayang pagdikiting muli. Bumaba na ang mag-ina. Iniabot ni Magda kay Fernan ang bag na puno ng gamit ni Santi. “Daan muna tayo sa kanilang paaralan. Kakausapin ko lang ang guro ni Santi,” ang wika ni Magda. “Sige,” ang tugon naman ni Fernan. Tumungo na nga ang tatlo sa paaralan ni Santi. Halos ilang araw na ring walang pasok ang naturang eskwelahan dahil sa baha. Lubhang nasira ang marami nilang kagamitan. Hindi na pinapunta pa ni Magda ang anak sa paaralan upang mapagaling ang sugat nito kahit pa ipinag-utos sa bawat mag-aaral na tumulong sa paglilinis at pag-aayos ng paaralan. Lumubog sa baha ang buong paaralan. Walang naisalbang kagamitan. Nabasa ang lahat ng mga aklat at panulat. At dahil sa tagal ng pagkakababad sa tubig, hindi na maaari pang masulatan ang pisara. Natuklap na rin ang mga pintura ng bawat silid. “Ginang Bartolome, tanda n’yo pa po ba ako?” ang bungad ni Magda sa guro ni Santi. “Oo naman,” ang nakangiting tugon ng guro. “Nais ko na po sanang ilipat ng paaralan si Santi. Ito po ang kanyang ama,” ang wika ni Magda sabay tingin kay Fernan. “Isasama na po kasi niya si Santi sa San Jose.” Nalungkot ang guro sa narinig. Tumitig ito kay Santi at ibinalik ang paningin kay Magda. “Sayang naman po,” ang wika ng guro kala Fernan. “Naroon po kasi ang lahat niyang mga kapatid. Mahirap naman pong lalaki siya na hindi kasama ang kanyang mga kapatid,” ang sagot ni Magda. “Oh, sige po sandali lang ha,”ang malungkot na wika ni Ginang Bartolome. “Akala ko pa naman po kung napaano na si Santi kasi halos di ko na siya nakikita rito sa aming paaralan.” “Nagkasugat po kasi siya noong bumaha kaya’t di ko na po muna siya pinatulong dito, baka po lumala pa ang kanyang

Ang Paglisan

Page 96: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

96

sugat dahil sa rumi ng putik.” “Ah ganun po pala. Oh sige po kausapin ko lang ang aming prinsipal hinggil dito kay Santi.” Ilang minuto rin ang hinintay ng tatlo. Walang imikan sina Magda at Fernan. Subalit si Santi ang nagsalita ng nagsalita. Nagkwento siya sa kanyang mga magulang hinggil sa paaralan niyang iyon. “Doon po itay,” ang salaysay niya, “doon po kami naglalaro ng patintero kasama ang mga kaklase ko. Doon naman po lagi kaming pinagbubunot ng damo ni ma’am.” Tango lang ng tango ang inay at itay niya hinggil sa kanyang mga istorya. Maraming tumatakbo sa isipan ni Magda at ni Fernan kaya hindi na nila naiisip pa ang mga kwento ng anak. Kunwari na lang naiintindihan nila ito sa pamamagitan ng pagtango. Maya- maya pa’y bumalik na si Ginang Bartolome. Bitbit niya ang isang maliit na sobre. Siya’y nangusap kay Magda at Fernan. “Alam niyo po ba,” ang salaysay ng guro, “si Santi po ang pinakamahusay sa pagbabasa sa lahat ng nasa unang baitang. Nalungkot nga po ang aming prinsipal sa ibinalita ko sa kanya.” Naiyak si Magda sa narinig. Hindi siya makapaniwala na sa kabila ng kawalan niya ng panahon kay Santi ay nanatili pa rin siyang mahusay sa klase. Labis din siyang nanghihinayang sa anak. “Talaga po?” ang tanong niya sa guro. “Wow,” ang wika niya sabay yakap kay Santi. “May kaunting kakulitan lang po siya. Nung minsan po nagpatawag ako ng pulong sa mga magulang kaso sabi ni Santi hindi raw po kayo pwede.” “Ah. Opo. Pasensya na kayo. Mahigpit kasi ang pinapasukan kong restawrant. Hindi po maaaring lumiban,” ang paliwanag ni Magda. Subalit siya’y napaisip. Wala naman siyang natatandaan na binanggit sa kanya ni Santi na mayroong ipinatatawag na pulong ang kanilang guro. Talagang may isip

Ang Paglisan

Page 97: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

97

na si Santi aniya sa kanyang sarili. Hindi na niya iyon ipinaalam sa kanyang ina sapagkay alam naman niya ang magiging kasagutan dito. “Ipakita niyo lang po ang kard niyang ito sa bagong paaralan na kanyang lilipatan para siya’y tanggapin,” ang bilin ni Ginang Bartolome kay Fernan sabay abot sa hawak niyang sobre. Natuwa si Fernan sa kanyang mga narinig mula sa guro ni Santi. Hindi niya inaasahan na magiging mahusay ang kanyang anak sa paaralan. Habang papaalis sa paaralan ay panay pa rin ang kwento ni Santi sa kanyang mga magulang hanggang sa mapadaan sila sa tindahan ni Aling Maria na noo’y nakasara. “Itay, yan po ang utangan ko ng pagkain ko kapag walang pera si inay,” ang salaysay ni Santi sa ama sabay turo sa tindahan ni Aling Maria. Natawang bigla si Fernan sa sinabing iyon ng anak. Si Magda naman ay wala lamang imik, di lang niya pinansin ang pahayag ni Santi. “Aba, marunong na pala umutang ang anak ko ah,” ang saad ni Fernan. Pagkarating ng tatlo sa istasyon ng bus, hindi na napigilan ni Magda ang kanyang luha. Napahagulgol siya at yumakap ng mahigpit kay Santi. “Wag mo kalilimutan ang inay ha,” ang bilin niya kay Santi habang umiiyak. Naiyak na rin si Santi sa tagpong iyon subalit pinipigilan naman ni Fernan ang kanyang emosyon. Ayaw niyang makita ni Magda na siya’y tumatangis din. “Opo inay,” ang sagot ni Santi. “Mag-aaral kang mabuti ha, tapos kukunin mo ako kapag mayaman ka na.” “Inay...” ang iyak ni Santi. “Mahal na mahal ko kayo ng mga kapatid mo.” Tumaas na si Fernan sa bus habang nagpapaalaman ang mag-ina sa isa’t isa. Ayaw niyang pati siya’y tumulo rin ang luha. Agad na siyang pumili ng mauupuan nila ni Santi.

Ang Paglisan

Page 98: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

98

Sa kanyang pag-upo, namula ang kanyang mga mata. Waring tutulo na ang kanyang luha subalit pinigilan niya ang pagpatak nito. Ilang sandali pa’y tumulo na lang ng kusa ang kanyang luha. Mabilis niya itong pinahiran. Hindi na tumaas pa ng bus si Magda. Si Santi na lang ang pumasok at hinanap ang pinag-upuan ng kanyang ama. Pagkataas ni Santi, tumalikod na si Magda at naglakad papalayo sa bus. Agad na siyang umalis sapagkat ayaw na niyang makita ang pag-alis ng bus. Lubhang napalapit na ang loob ng ina sa kanyang anak na si Santi. Hirap na hirap siya habang humahakbang papalayo. Ang luha niya’y tuloy-tuloy ang pagdaloy. Nakatingin si Fernan sa asawa habang ito’y papalayo. Hindi na siya nakapagpaalam dito. Hindi kasi niya alam kung anong mga salita ang kanyang sasambitin sa pagpapaalam. Nang araw na iyon, hindi na bumalik pa ng restawrant si Magda. Itinuloy na niya ang pagliban. Wala kasi siyang kagana-ganang kumilos. Pagkauwi, agad siyang umakyat sa taas at niyakap ang dalawang damit ni Santi na sinadya niyang iniwan. Pagkaakap ay umiyak siyang muli. “Anak...Santi...” Habang umiiyak ay iniisip niya ang mga ginawang kabaitan sa kanya ng paslit niyang anak. Inalala niya kung papano ito nakisama, nagpatawa, nagpahanga at sumunod sa kanyang mga utos. Tanggap na ni Magda na hindi mabubuhay ng maayos si Santi kung ito’y nasa kanyang pangangalaga. Tanggap na rin niya na mahirap magpalaki ng anak na nag-iisa. Ang muling pagkikitang iyon ni Magda at Fernan ay lalong nagpasidhi sa damdamin ni Magda. Nang muli niyang makita si Fernan ay nagbalik sa kanyang alaala ang mga masasama at malulungkot niyang karanasan sa San Jose. Sinadya niyang hindi pag-usapan ang mga bagay na iyon sapagkat sariwa pa rin ang sugat sa kanyang puso. Pinilit niyang si Santi lamang ang kanilang pag-usapan sapagkat natatakot siya na baka kung anong salita ang biglang lumabas sa kanyang bibig.

Ang Paglisan

Page 99: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

99

Naghari ang kalungkutan sa lumang bahay na pinananahanan ni Magda pagkaalis ni Santi. Biglang tumahimik ang kapaligiran. Pati nga ang mga ibon sa punong mangga ay tila nakiayon sa damdamin ni Magda. Tumigil ang kanilang paghuni. Huminto rin ang hangin sa kanyang pag-ihip. Samantala, binaybay na nina Fernan ang daan pabalik sa San Jose. Punong-puno ang bus na sinasakyan nila. Kahit pagod na pagod na’y hindi dinalaw ng antok ang ama. Iniisip pala niya si Magda. Naaawa siya sa kalagayan nito. Ngunit di kaila sa kanya na sadyang nagmamatigas ang dating kabiyak. Hindi na niya sinubukang kausapin si Magda hinggil sa kanilang pagbabalikan sapagkat alam na rin niya kung ano ang isasagot nito. Nagpapasalamat na rin si Fernan sapagkat napakaayos ng pag-aarugang ipinamalas ng ina sa kanilang anak na si Santi. Doon niya napagtantu na mali ang lahat ng balitang kanyang narinig hinggil sa kanyang mag-ina. Hindi totoong nais ipagbili ni Magda ang anak at hindi totoong nabali ang binti ni Santi. Iritang-irita si Fernan dahil sa mga maling balita na kumalat sa kanilang bayan. Napansin ni Magda ang paghanga ni Fernan sa anak dahil sa mga tinuran ni Ginang Bartolome ngunit mas hahanga pa sana siya kung malalaman niya papaano pinuri si Santi ng mga tao sa San Mateo. Nais sana niya itong ikwento kay Fernan subalit nawalan siya ng lakas ng loob. “Sapat ng nalaman niya na hindi ako nagpabaya kay Santi,” aniya. Si Santi ay di rin masyadong nakatulog sa biyahe. Nalulungkot siya sa naiwang ina. Naisin man niyang pasamahin ito, alam niyang di iyon maaari. Pangarap niyang mabuong muli ang kanilang pamilya. Ito ang kanyang winika sa kanyang guro. Subalit mukhang wala na talagang pag-asang mangyari pa iyon. Habang nasa daan, binubulay-bulay ni Santi ang kanyang mga karanasan kasama ang kanyang ina. Maraming biniling pasalubong ang mag-ama para sa iba pang mga kapatid ni Santi. Maghahating–gabi na nang

Ang Paglisan

Page 100: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

100

dumating sila sa San Jose. May araw na sisikat pagkatapos ng ulan. Gayundin, may bahaghari na magpapakita pagkatapos ng bagyo at unos. Sumisimbolo sila sa pag-asa na kailangang kapitan ng bawat tao upang magpatuloy sa buhay. Habang umiiyak na nakaupo sa sala, isang kamay ang dumampi sa balikat ni Magda...

Ang Paglisan

Page 101: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

101

Ang Paglisan

Page 102: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

102

Ang Paglisan

Page 103: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

103

Ang Pagbabalik sa San Jose

T ahimik na tahimik ang paligid. Ang simoy ng hangin ay lubhang malumanay subalit hindi ang kanyang isip. Parang alon ito na humahampas sa

mga batuhan. Malamig ang paligid. Nanunuot ito sa kanyang buto’t laman. Subalit hindi niya ito nararamdaman sapagkat ang isip niya’y nakatuon sa maraming katanungan na nagkakabuhol-buhol sa kanyang utak. Maliwanag ang buwan ngunit hindi ang kanyang pag-asa. Hindi niya makita ang daang tatahakin niya kasama ang kanyang mga anak. “Ano ang susunod na yugto ng buhay ko?” Ito ang isa sa mga katanungang sala-salabat sa kanyang isipan. Malayo ang kanyang tingin. Ito’y abot hanggang sa dulo ng kaparangan sa kanilang harapan. Wala na ang huni ng mga kulisap at palaka sapagkat ilang oras na lang, sisikat na ang Haring Araw. Hanggang sa sandaling iyon, hindi pa siya dinadalaw ng antok. Si Santi nama’y himbing na himbing na ang tulog. Hindi niya nararamdaman ang hapo ng katawan sa biyahe subalit pagod na pagod na ang kanyang isip sa maraming bagay. Tuwang-tuwa si Santi nang muli niyang makita ang mga kapatid datapwat hindi niya sila nakausap sapagkat natutulog pa ang mga ito nang oras na sila’y dumating. Tiyak niyang matutuwa rin ang mga ito kapag nalaman nilang siya’y nakabalik na aniya. Alumpihit si Fernan. Di nya alam kung saang parte

Page 104: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

104

ng bahay nila siya titindig. Minsan nasa harap minsan nama’y nakaupo siya na nakaharap sa bintana sa bandang likuran ng kanilang bahay-kubo. Malapit na ring mag-umaga. Maya-maya pa’y narinig na niya ang ina na maagang nagising at nagbukas ng pinto. Lumakad siya patungo sa bahay ng kanyang mga magulang. Nais niyang ipaalam sa ina na siya’y nagbalik na kasama si Santi. Siguradong matutuwa ang ina niya sa kanyang pagbabalik aniya. “Nay, nandito na kami,” ang wika niya sa ina.

“Oh, asan si Santi?” ang maagap na tanong ng ina.“Natutulog pa po. Napagod yun sa biyahe sa haba ba

naman ng nilakbay namin.”“Kumusta naman yung bali niya sa paa?” ang muling

tanong ni Aling Marta habang nagtitimpla siya ng kape nila ni Fernan.

“Kagaguhan lang yung mga pinagsasasabi nila, may galus pero di bali..papagaling na rin naman,” ang galit na sagot ni Fernan.

“Aba ay malay ko ba. Ano raw ba ang nangyari sa galos niya?”

“Nay, maayos si Magda at si Santi sa Helena. Di totoong pinababayaan ni Magda si Santi. Sa katunayan nga, nakausap pa namin yung guro ni Santi nung kinuha namin kahapon yung kanyang kard. Sabi, si Santi raw ang pinakamahusay magbasa sa lahat ng nasa Unang Baitang.”

“Ha! Talaga?”ang bulalas ng ina sa parang lumiwanag ang mukha at nagising ang natutulog pang diwa. “Tamang-tama, ipapasok ko na siya sa Lunes.”

At nagkuwento pa si Fernan sa kaniyang ina hinggil sa nakita sa Helena. Ngunit kahit pawang mabubuting bagay ang mga tinuran ni Fernan hinggil kay Magda ay hindi pa rin napawi ang poot ng matanda sa manugang. Nagising na rin ang ama ni Fernan na talagang galit na galit kay Magda. Inalam din niya ang lahat ng nangyari kay Fernan.

Kakaiba ang galit ni Mang Jaime kumpara sa galit ni Aling Marta. Ang poot ng matandang lalaki at nakatanim

Ang Pagbabalik sa San Jose

Page 105: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

105

na at malalim na ang pagkakaugat. Namunga na rin ito sa pamamagitan ng galit niya sa kanyang mga apo na anak ni Fernan maliban sa pinakapanganay na anak nila ni Magda - si Juan.

Maagang nagising ang dalawa pang kapatid ni Santi, sina Theresa at Joseph. Nagtaka si Theresa kung sino ang nasa tabi nila na natutulog. Matagal niya itong tinitigan at nang makilala niya, siya’y napangiti.

“Si Kuya Santi narito na. Ibig sabihin, narito na rin si itay,” ang masayang wika ni Theresa.

“Ate sino siya?” ang tanong ni Joseph sa ate sabay turo kay Santi.

“Siya ang ating Kuya Santi,” ang sagot naman nito, “wag ka munang maingay baka magising si kuya.”

Mabilis na bumaba si Theresa sa hagdan. Mabilis ding sumunod sa kanya si Joseph. Tumungo sila sa kabilang bahay. Tuwang-tuwa ang dalawa nang makita nila si Fernan. Agad silang yumakap sa ama.

“Itay, si Kuya Santi yung natutulog di ba?” ang tanong ni Theresa.

“Itay Kuya Santi yun,” ang sabad naman ni Joseph.“Oo, rito na uli siya,” ang sagot naman ng ama.“Oo at dagdag na naman sa sakit ng ulo. Napakawalang-

hiya kasi ng ina niyo...walang pakundangan,” ang galit na wika ni Mang Jaime.

“Da..tumigil ka nga. Pati mga bata idamay mo,” ang sumbat naman ni Aling Marta.

Tahimik lang si Fernan sa sinabing iyon ng ama. Hindi lang siya umimik. Ang dalawang bata naman ay nakakapit lang sa kanya dahil sa takot sa lolo. Laging inaambahan ng palo ni Mang Jaime ang mga anak ni Fernan tuwing siya’y naiinis sa mga ito. Tinititigan din niya sila at pinaglalakihan ng mga mata tuwing papasok sa kanilang bahay.

Ilang sandali pa’y gumising na rin si Santi. Iginala niya ang paningin sa paligid. Tulog pa sa tabi niya ang musmos na si Parisa.

Ang Pagbabalik sa San Jose

Page 106: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

106

“Ito na ba talaga si Parisa?” ang tanong niya sa sarili, “ang laki na niya.”

Tumayo siya. Hindi siya makapaniwala sa bilis ng panahon. Parang kailan lang noong nilisan niya ang lugar na iyon. Sa pakiwari niya’y parang wala namang nagbago sa paligid. Ganun parin aniya. Habang lumalakad sa loob ng kanilang bahay-kubo, biglang nagising si Parisa. Mabilis itong umiyak na palagian na niyang ginagawa tuwing kagigising. Nilapitan siya ni Santi upang patahanin. Ngunit dahil hindi siya kilala nito, lalong lumakas ang bungkalit ng bata. Ito’y mabilis namang narinig ni Fernan at nina Theresa. Dagling tumakbo si Theresa kasunod si Joseph upang tunguhin si Parisa.

“Kuya Santi,” ang masayang bati ni Theresa na naabutang pinatatahan si Parisa. Nagyakapan ang dalawang magkapatid. Nakiakap na rin si Joseph.

“Siya na ba si Joseph?” ang tanong niya kay Theresa. “Ang laki mo na ah,” sabay haplos sa ulo ng kapatid.

Nang makita ni Parisa si Theresa ay mabilis itong tumahan. Maya-maya pa’y dumating na rin si Fernan.

“Oh Santi nasaan na yung mga pasalubong mo sa kanila?” ang tanong ng ama.

“Ay. Oo nga po pala.”Kinuha ni Santi ang mga biniling prutas, kabilang

na ang mansanas na noon pa lang matitikman nina Theresa. Binigyan niya ang bawat isa. Sarap na sarap sina Theresa sa mansanas.

“Ganito po pala ang lasa ng mansanas,” ang salaysay ni Theresa sa ama sabay muling kagat sa mansanas.

“Tsarap!” ang wika naman ni Joseph.Nang mabalitaan ni Juan na dumating na ang kanyang

kapatid, dali-dali siyang tumungo sa bahay nila. Si Juan ay hindi na roon nakatira. Siya’y inampon na ng lolong si Mang Jaime. Sanggol pa lang ito nang kunin siya sa kanila ng matandang Jaime. Nadatnan kasi niyang walang nag-aasikaso sa sanggol, isang araw na dinalaw niya ito. Mula noon, inangkin na niya ang apo na parang anak niya. Hindi na ito nakuha pang muli nina

Ang Pagbabalik sa San Jose

Page 107: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

107

Fernan. Iniuwi na ito ni Mang Jaime at siya na ang nagpagatas dito. Hanggang sa lumaki na ang paslit. Si Mang Jaime na rin ang nagpaaral sa kanya. Nasa ikalawang baitang na si Juan.

Kumpara sa kanyang mga kapatid, talagang maalwan ang buhay ni Juan. Araw-araw siyang umiinom ng gatas. Hindi siya pumapasok sa paaralan na walang baon. Masasarap ang pagkain niya at napakaraming laruan, halos umapaw na sa lalagyang kahon. Ganyan siya kamahal ng kanyang Tatay Jaime.

Kumpleto ang limang anak ni Fernan nang mga oras na iyon. Lahat sila ay nagkaroon ng pasalubong. Tuwang-tuwa rin si Juan na muli niyang nakita ang kapatid na si Santi.

Pagkatapos noon, pumunta si Santi sa kabilang bahay. Pinuntahan niya ang kanyang nanay at tatay.

“Nanay, nandito na po ako,” ang bati niya sa lola sabay mano. Nakagawian na ng lahat ng apo nina Marta at Jaime na nanay at tatay ang itawag sa kanila.

“Ang laki mo na Santi,” ang wika naman ng lola sabay yakap kay Santi.

Nagmano rin siya sa kanyang Tatay Jaime ngunit di lang siya pinansin nito. Para lang siyang hanging dumaan sa paningin ng lolo. Mas mabigat ang loob ni Jaime kay Santi sapagkat alam nito na mas malapit ang bata sa kanyang inang si Magda kaysa kay Fernan. Sa panig naman ni Marta, ang galit niya kay Magda ay hanggang kay Magda lamang, hindi roon kabilang ang mga bata.

Pagkatapos noon, bumalik na si Santi sa kanilang bahay-kubo. Napansin naman ni Marta ang ginawang iyon ni Jaime.

“Grabe ka naman, pati bata idamay mo. Bakit ganyan ka?” ang galit na wika ni Marta kay Jaime.

“Eh bakit ba? Naiinip ako. Kapag nakikita ko yang batang yan naaalala ko ang kanyang masamang ina. Talipandas!”

“Oo naroon na tayo, pero hindi sila ang ina nila. Eh di dapat ganyan din ang tingin mo kay Juan. Anak din siya ni Magda, di ba?”

“Iba si Juan, ako na ang nagpalaki sa batang yan.”“Ikaw nga ang nagpalaki, eh si Magda pa rin ang

Ang Pagbabalik sa San Jose

Page 108: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

108

nagluwal dyan.”At humaba na ang diskusyon ng mag-asawa. Ayaw na

ayaw ni Marta na idinadamay ni Jaime sa galit ang mga bata lalo pa’t mga musmos pa lang ang mga ito.

Walang pasok ang lahat ng bata nang araw na iyon sapagkat Sabado. Sinamantala iyon ni Santi upang dalawing muli ang dating mga kalaro.

“Kilala pa kaya nila ako?” ang tanong ni Santi sa kanyang sarili.

Nagulat ang marami sa kanilang mga kapitbahay nang makita nila si Santi.

“Ang laki mo na Santi,” ang sabi ng ilan sa kanilang mga kapitbahay.

“Nasaan ang inay mo?” ang tanong naman ng iba.“Akala ko ba nabalian ka ng paa?” ang tanong pa ng

ilan.Walang inilabas na pahayag ang bata. Maayos ang

naging pagpapalaki sa kanya ni Magda. Mahal na mahal siya ng ina. Hindi ito gagawa ng ikapapahamak niya. Habang magkasama si Santi at Magda, palagian ang tagubilin ng ina na mas makabubuting huwag magsalita ukol sa iyong biyaya kung nais mong masundan pa ang biyayang iyon. Para kay Santi, ang ginawa ng ina sa kanya ay isang biyaya at nais niyang masundan pa ang biyayang iyon.

Mabilis na kumalat ang balita sa buong bayan hinggil sa pagbawi ni Fernan kay Santi mula kay Magda. Maraming haka-haka ang lumabas. Siguro raw ay talagang nahirapan na si Magda sa pagpapalaki sa anak na si Santi kaya ibinalik na niya ito. Mayroon ding nagsabi na siguro raw ay mag-aasawa na muli si Magda kaya ibinalik na ang anak kay Fernan. Subalit kahit anong balita pa ang kumalat, tanging si Santi lang ang susi sa katotohanan.

Lubhang napakasaya ni Santi noong araw na iyon. Bumalik ang dati niyang sigla dahil na rin sa raming kalaro. At hindi lang basta kalaro ang kanyang natagpuan bagkus ay mga

Ang Pagbabalik sa San Jose

Page 109: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

109

kalarong kapatid.Nang gabi ng araw na iyon, magkakatabi ang apat na

anak sa higaan at si Fernan ang nasa gitna nila. Nagsimula ng magkuwento si Fernan sa kanila. Noon na naman lang pala siya nakapagkwento sa mga ito. Simula nang mawala si Santi at kunin ng ina, hindi na muling nagkwento pa si Fernan sa kanila.

Napakasaya ni Santi sa mga kwento. Talagang nanabik siya sa mga ito. Hinintay talaga niyang matapos ang kwento ng ama. Samantala, nakatulog na ang tatlo niyang mga kapatid.

Ang pagkukwento ng ama tuwing gabi ang talagang kinasabikan ng paslit na si Santi. Ipinag-uulit niya sa kanyang mga kaklase sa San Mateo at sa Helena ang tungkol dito. Ito ang bagay na ikinaiinggit ng ilang mga kaklase niya sa kanya sapagkat hindi iyon nagagawa ng kanilang mga ama sa kanila.

Nang matapos na ang kwento ng ama ay biglang nagtanong si Santi.

“Itay, kumusta na po kaya si inay?”“Maayos lang iyun, huwag mo na siyang isipin, matulog

ka na,” ang sagot ng ama sa kanya.Sa tanong niyang iyon, si Santi ay kaagad na nalungkot.

Biglang pumasok sa isip niya ang ina. “Kumusta na kaya siya? Sino kaya ang kasama niya ngayon? Nalulungkot kaya siya?” Ito ang mga katanungan niya sa kanyang isip. Mas masaya sana ang buo niyang pamilya kung naroon ang kanilang inay aniya.

Kinabukasan, maagang gumising si Santi. Ang una niyang pinuntahan ay ang lutuan sa likurang bahagi. “Ay! Kahoy nga pala ang gamit nila rito.” Di-gaas ang lutuan nila ng kanyang ina. Ngunit naturuan din naman siya ni Magda kung papaano magpadingas ng apoy gamit ang kahoy.

Pagkatapos magpadingas, nagpainit siya ng tubig para sa kanyang ama.

Matapos iyon, nagsalang na siya ng sinaing at niligpitan ang mga maruruming pinggan at baso. Pagkaluto ng sinaing, luminga-linga siya sa paligid. Ano kayang ulam? Nakita niyang may nakasabit na supot na may lamang apat na pirasong isdang tuyo. Naghanap siya ng mantika. Nakahanap siya ngunit

Ang Pagbabalik sa San Jose

Page 110: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

110

kakaunti na lamang. Ipinirito na niya ang mga ito. Hinati niya ang bagong saing na kanin. Ang isang hati ay kanyang isinangag gamit ang mantikang pinagpirituhan. Nilagyan din niya ito ng hiniwa-hiwang bawang.

Nagulat si Santi nang may bumulaga sa kanyang likuran.

“Ano ang ginagawa mo?” ang tanong ng lola sa kanyang apo.

“Ay!” ang gulat na sagot ni Santi. “Nagsasangag po.”“Ha? Marunong ka na?”ang muling tanong ni Marta na

halos hindi makapaniwala.“Opo. Nakapagligpit na rin po ako saka nakapagprito

ng tuyo.”Patungo na rin pala si Fernan sa lutuan nang oras na

iyon at narinig niya ang sinambit ng anak. Nakita niyang handa na ang kanyang kape, ang piniritong tuyo, at ang sinangag na kanin.

“Ikaw ba lahat ang gumawa nito?” ang tanong ng ama. Ngumiti lang ang bata. “Galing naman ng anak ko,” ang puri niya kay Santi.

“Sino nagturo sayong magluto?” ang tanong ni Aling Marta.

“Si inay po. Marunong na rin po ako maglaba ng damit,” ang sagot ni Santi.

Halos hindi makapaniwala si Aling Marta sa sipag ng apong si Santi. Napakagaling aniya. Sa mura niyang edad, kaya na niya ang mga gawaing iyon.

Unti-unti ng nalalaman ng mga tao sa paligid ni Santi ang pagsasanay na pinagdaanan niya sa puder ng ina. Ang lola niya ay labis na natuwa roon. Agad niya itong ibinida sa kanyang mga kaututang-dila.

Sa halip na hangaan si Magda sa pagpapalaking ginawa niya kay Santi, may ilang nagbigay ng kumento. Baka raw tinatamad lang si Magda kaya tinuruan si Santi ng mga gawaing bahay at kay Santi na lahat iniasa matapos turuan. Talagang ayaw nilang tanggapin na may nagawa ring mabuti si Magda

Ang Pagbabalik sa San Jose

Page 111: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

111

sa pamilya. Ang tingin talaga ng iba ay napakasamang ina ni Magda.

Samantala, saksi si Fernan sa pagmamahal ng asawa kay Santi. Kumbinsido siya na mahusay ang mga turong ibinigay ni Magda kay Santi. Maraming bagay ang alam ni Santi na hindi alam ng kanyang kuyang si Juan. Responsableng bata, ito ang tingin ni Fernan kay Santi.

Pagkagising ni Theresa, sinimulan na siyang turuan ni Santi ng mga gawaing bahay. Ayon sa kuya, siya lang ang maaasahan niyang kahalili sa mga gawain. Malugod naman itong tinanggap ng anim na taong gulang na kapatid. Nagsimula na ring maglinis si Santi sa kanilang bahay. Inayos niya ang kanilang mga damit. Tiniklop niya ang mga malilinis at inilagay sa aparador. Tiniklop din niya ang mga maruruming damit at inilagay sa isang basket.

“Ganito ang pagtitiklop ng damit ha Theresa,” ang wika ni Santi sa kapatid sabay monstra ng tamang pagtitiklop. “Oh, sige ikaw naman.”

At tiniklop nga ni Theresa ang isa. “Hindi ganyan,” ang sabad ni Santi. “Ganito.” At muling tiniklop ni Theresa ang isang damit.

“Ayan, very good!” wika ni Santi sa kapatid.“Kuya ano ang very good?” ang tanong ni Theresa.“Very good...ibig sabihin noon maayos ang iyong gawa...

magaling.”“Ikaw rin kuya..very good ka,” saad ni Theresa sa kuya.

At natawa si Santi sa sinabing iyon ni Theresa.“Napakahusay na pala ni Santi. Biro mo, marunong

na pala siya magsaing, magsangag, magprito, magligpit ng pinggan at maglaba,” ang salaysay ni Marta kay Jaime.

“Ay mabuti naman pala kung ganun,” ang sagot naman ni Jaime sabay talikod kay Marta.

“Mabuti?...Eh si Juan ba naturuan mo ng ganun?” ang tanong ni Marta. Hindi na siya sinagot pa ni Jaime at tuluyan na itong umalis.

May ibang pakiramdam si Aling Marta sa pagtalikod

Ang Pagbabalik sa San Jose

Page 112: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

112

na iyon ni Mang Jaime sa kanya. Mukhang si Santi ang pagsisimulan ng sigalot nilang mag-asawa aniya.

Sadyang napahanga ang lolang si Marta sa ipinakitang gilas ng apong si Santi. Dahil doon, nakuha na nito ang loob ng lola.

Ang Pagbabalik sa San Jose

Page 113: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

113

Muling Pagpasok sa Klase

L unes. Umaga. “Santi, apo handa ka na ba?” ang tanong ni Aling Marta habang pumapanhik sa kanilang hagdan.

“Opo, Nanay. Handa na po ako” “Akin na ang kard ni Santi,” ang wika niya kay Fernan. Iniabot naman ni Fernan ang isang sobre. Tiningnan ni Aling Marta ang loob. “Aba, matataas ang grado mo apo ah.” Pupunta ang maglola sa eskwelahan nang umagang iyon upang ipasok na muli si Santi. Ang Mababang Paaralan ng San Jose ay iba kumpara sa mga paaralang pinasukan ni Santi. Ang paaralang ito ay hamak na mas malawak at mas marami ang mga mag-aaral. May pangkat ito hanggang E. Di tulad ng mga dating pinasukan ni Santi na hanggang Pangkat B lang. At dahil sa rami ng mga mag-aaral, di gaanong nabibigyang pansin ang mga mahihinang estudyante. “Oh Aling Marta, kumusta?” ang bati ng prinsipal na malayong kamag-anak ni Marta. “Ito ang isa ko pang apo. Kagagaling lang niya sa Helena sa Catalina. Eh kinuha na ni Fernan mula sa kanyang ina. Ipapasok ko sana sa Unang Baitang. “Oh, ay sige sige,” ang saad ng prinsipal, “meron ba siyang dalang kard?”

Page 114: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

114

“Heto.” At ibinigay ni Marta ang kard ni Santi. “Magaling...Matataas ang grado,” ang wika ng prinsipal. Marunong kana bang magbasa hijo?” “Opo. Marunong na po.” “Halika. Umupo ka rito nang makita natin saang pangkat ka ilalagay.” Umupo si Santi. Samantala, nakatayo lang si Aling Marta sa kabilang bahagi ng lamesa. Binigyan ng prinsipal si Santi ng babasahin. Binasa iyon ni Santi ng walang kahirap-hirap. Humanga ang kanyang lola. Totoo nga ang sinambit sa kanya ng kanyang anak na si Fernan gayundin ang prinsipal. “Mahusay ang apo mo Aling Marta ah...Mukhang hindi na mahihirapan ang kanyang guro sa kanya,” ang salaysay ng prinsipal. “Tingnan ko sa listahan kung saan ang maaari niyang pangkat.” Tiningnan ng prinsipal ang kanyang listahan. Napakunot siya ng noo. “Naku Aling Marta. Wala na po palang bakante. Tanging ang Pangkat E na lang ang maaari niyang puntahan.” “Walang problema iyon. Wala naman iyan sa pangkat-pangkat. Ang mahalaga ay makapasok itong apo ko ngayon.” Tinungo ng tatlo ang silid ng Pangkat E. Kinausap ng prinsipal ang guro. Maya-maya pa’y pinapasok na si Santi sa silid. Iyon na pala ang magiging unang araw niya sa klase. Hindi muna umuwi si Aling Marta. Hinintay na niyang magtanghali upang isabay si Santi pauwi. Naghintay siya sa ilalim ng malaking puno ng akasya. Doon siya matiyagang umupo. Samantala, ipinakilala ni Santi ang sarili sa gitna ng klase ayon na rin sa utos ng guro. Pagkatapos magpakilala ay sinubok siya ng bago niyang guro. “Santi, tayo,” ang utos ng guro. “Pakibasa nga ang mga pangungusap sa pisara.” Agad tumayo si Santi at mabilis na binasa ang mga pangungusap. Matapos iyon, tumingin siya sa guro at nagwika “Ma’am tapos na po.”

Muling Pagpasok sa Klase

Page 115: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

115

Parang natulala ang guro ngunit agad siyang napangiti sa pagbasang iyon ni Santi. “Salamat po Panginoon ko at may isa na akong mabilis bumasa,” aniya sa kanyang isip. “Nakita niyo class kung paano siya magbasa? Gusto ko ganun kayo lahat kabilis magbasa,” ang wika ng guro. “Oh sige upo na Santi.” Wari’y pinahanga agad ni Santi ang lahat ng nakakilala sa kanya sa paaralan sa unang araw ng kanyang klase. Halos ilang buwan na rin ang nakararaan simula nang mag-umpisa ang klase ngunit ang mag-aaral sa pangkat na iyon ay talagang hirap pa rin sa pagbabasa. Ang mabilis na pagbabasa at mabilis na pagsulat ang batayan upang makapasa ang isang mag-aaral sa Ikalawang Baitang. Matiyagang hinintay ni Aling Marta ang apo. Nang makita niya itong lumalabas na ng klase ay sinalubong niya ito. Panandalian muna niya itong isinama sa guro. Kinausap ni Aling Marta ang bagong guro ni Santi. “Kumusta po ang apo ko?” “Mahusay po. Mabilis siyang magbasa. Sana lang po di maging malikot,” ang sagot naman ng guro. Ang atensyon ng lolang si Aling Marta ay biglang nabaling sa apong si Santi. Lubos kasi niyang kinagigiliwan ang taong nagpapakita ng kahusayan gaya na lang ng bunsong anak na si Oleya. Inarugang mabuti ni Aling Marta ang bunsong anak nang magpakita ito ng kagalingan sa paaralan at ngayon naman kay Santi niya ito nakitang muli. Isa ng guro si Oleya ngayon. Siya lamang ang nakapagtapos sa kanilang anim na magkakapatid. Nais din ni Marta na makatapos si Santi. Pagkauwi, agad na ibinalita ni Aling Marta ang naganap sa paaralan. Masayang-masaya si Fernan sa kanyang narinig. Kinagabihan, sinubok ni Fernan ang dalawang anak. Naroon noon si Juan at nakikipaglaro sa mga kapatid. “Oh, Juan at Santi, kumuha kayo ng papel at lapis.” Kumuha nga ng lapis at papel ang dalawa at naghintay sa utos ng ama. “Unahan ha. Isulat nyo ang mga numerong 1 hanggang

Muling Pagpasok sa Klase

Page 116: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

116

100. Kumpleto dapat. Kung sino ang pinakaunang matapos, may premyo.” Masayang-masaya ang dalawang magkapatid. At sumenyas na ang ama para sa pagsisimula. Agad sumulat ang dalawa. Mabilis mag-isip si Santi. Mabilis din siyang magsulat. Habang sumusulat patingin-tingin ang nakatatandang kapatid kay Santi. Tinitingnan niya kung nasaan na si Santi. Si Santi nama’y dirediretso lang ang pagsulat, hindi niya pinapansin ang kanyang kuya. Umalis panandalian ang ama upang bumili sa labas ng premyo nila. Mabilis din itong nakabalik. Pagbalik niya saktong natapos na si Santi. Si Juan nama’y nasa 81 pa lang. Tiningnang mabuti ni Fernan ang gawa ni Santi. Si Santi ang nakakuha ng premyo. Sa paglipas ng mga araw lalong naging masipag si Santi sa pag-aaral. Gayun din, naging kapuna-puna rin ang kanyang pagiging makulit at pasaway. Lubos na nakaimpluwensya sa kanya ang ugali ng mga mag-aaral sa Pangkat E. Sa paaralang iyon, kapag ang isang bata ay napapunta sa ikahuling pangkat, ang Pangkat E, ibig sabihin mahina ang utak ng bata, hindi gaanong nakasusunod sa mga aralin at may kagaspangan ang pag-uugali. Kung dati sa San Mateo at Helena, hindi maingay sa klase si Santi, ngayon halos nakararating pa siya sa kabilang silid upang makipagkulitan lamang. May mga pagkakataong nakikipag-away na rin si Santi sa mga kaklase, lalo na sa mga kaklase niyang mayayabang. Ngunit may katapat ang kanilang kakulitan – si Ginang Ramos, ang kanilang guro. Dahil sa palagiang napupunta sa kanya ang mahihina at mga makukulit, natutunan na niyang maging marahas upang matakot sa kanya ang mga ito. Isang araw, mainit ang ulo ni Ginang Ramos. Lalong nadagdagan ang init ng ulo niya nang maabutan niyang nag-iingay ang kanyang klase. Agad siyang sumigaw. “Tumahimik kayong lahat!...Ilagay niyo ang inyong mga palad sa lamesa. Gusto ko nakalapat.” Kinuha niya ang kanyang mahabang patpat na kahoy at isa-isa niyang hinampas ang palad ng bawat mag-aaral.

Muling Pagpasok sa Klase

Page 117: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

117

Walang nakaligtas sa kanilang lahat. Babae at lalaki, lahat sila’y nakatikim ng palo. Si Santi ang siyang nakaupo sa pinakahuling upuan, malapit sa pinto. Siya rin ang pinakahuling hinampas. Hindi pa nararanasan ni Santi ang mapalo ng patpat sa palad sa loob ng paaralan. Kaya’t titig na titig siya sa reaksyon ng mga kaklase niyang napapalo. Pagkatapos paluin, agad inilalagay ng mga kaklase niya ang kanilang palad sa likod at hinihimas dahil sa hapdi. Kitang-kita niya sa mga mata ng kanyang mga kaklase kung paano masaktan. Kabang-kaba siya dahil malapit na sa kanya. Nang siya na ang hinampas, halos mapayuko siya sa hapdi. Galit na galit si Santi. Pumula ang mata niya, halos maiyak siya sa hapdi. Pagkatapos paluin, muli na namang lumabas si Ginang Ramos, ngunit siya’y may paala-ala. “Pagbalik ko at mahuli kong nag-iingay na naman kayo, tigtatatlong hampas sa bawat palad...Malinaw?” Walang saysay ang pananakot na iyon ni Gng Ramos. Pag alis niya’y para pa ring mga asong nakawala sa kulungan ang mga bata. Talagang matitigas ang ulo. Sa palong iyon, hindi na umimik pa si Santi. Namula ang kanyang maputing palad. Wala na siyang kinausap kahit isa man sa kanyang mga kaklase. Ngunit natatakot siya sa banta ng kanilang guro. Wala naman siyang magawa upang patahimikin ang kanyang mga kaklase. Nag-isip na lang siya ng paraan. Naisip niyang maging bantay sa pinto ng kanilang silid. Ayaw kasi niyang mapalong muli kaya’t ninais na lang niya na maging tagamasid sa paparating nilang guro upang mapaalalahanan niya ang mga ito sakaling nandiyan na si Ginang Ramos. Maya-maya pa’y natanaw na niya si Ginang Ramos. Agad siyang sumigaw. “Andiyan na si Ma’am!” Mabilis na nag-upuan sa kani-kanilang mga silya ang kanyang mga kaklase gayundin siya. Wala ni isa man ang nagsasalita. “Very good class, kung ganyan ba naman kayo lagi tiyak

Muling Pagpasok sa Klase

Page 118: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

118

na magkakasundo tayo,” ang wika ni Ginang Ramos sa kanyang mga mag-aaral. Samantala, bumulong kay Santi ang kanyang katabi. “Ang galing mo Santi, very good.” Simula noon, si Santi na ang naging tagabantay sa pinto. Hangang-hanga sa kanya ang kanyang mga kaklase. Hanggang... “ANDIYAN NA SI MA’AM!” ang sigaw ni Santi. Ngunit walang nakinig sa kanya patuloy pa rin sila sa pag-iingay. Muli siyang sumigaw. “ANDIYAN NA SI MA’AM! MALAPIT NA SIYA!” Sa pagkakataong iyon, mas malakas na ang kanyang sigaw. Mabilis na nag-upuan ang kanyang mga kaklase at tumahimik. “Sino yung narinig kong sumigaw mula sa silid na ito. Dinig na dinig ko ang sigaw nyang yun. Tumayo na...kung walang aamin lahat kayo mapapalo ko.” Nanginginig na si Santi. Takot na takot siya sa guro. Biglang tumayo ang kaklase niyang nakaupo sa unahan. “Si Santi po yung sumigaw,” ang wika ng bata. Agad bumaling kay Santi ang paningin ni Ginang Ramos. “Ikaw ba? “ ang galit na tanong nito. “Pinatatahimik ko lang po sila,” ang sagot naman ni Santi. “Malinaw ang narinig ko...ang sabi mo “Malapit na siya.” “Opo,” ang amin ni Santi “Dipa...Doon ka sa gitna!” ang utos ng guro. “Wag mong sabihin sakin na magaling ka. Walang maga-magaling sakin.” Pumunta na nga sa gitna si Santi at dumipa. Halos mapaiyak si Santi nang oras na iyon. Subali’t pinipigilan niya ang kanyang sarili. Sigurado kasing pagtatawanan siya ng kanyang mga kaklase kapag siya’y umiyak. Tatawagin siyang “Iyakin.” Lalo pa siyang nahirapan nang bahagyang pinabaluktot

Muling Pagpasok sa Klase

Page 119: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

119

ng guro ang kanyang tuhod. Noon lang niya naranasan ang ganoong parusa. Mula noon hindi na gaanong ginanahan si Santi sa pag-aaral. Hindi na niya ipinarating pa sa kanyang lola ang malupit na guro. Baka raw kasi siya pa ang mapalo nito kapag ipinaalam ni Ginang Ramos na maingay siya sa kanilang klase. Matapos ang ilang buwan, nakaraos din si Santi sa Unang Baitang. Siya ang may pinakamataas na grado sa kanilang silid subalit dahil sa siya ay nasa Pangkat E, hindi siya nabigyan ng karangalan. Hamak din kasi na mas matataas ang grado ng nasa Pangkat A kumpara sa kanya. “Pinakamatulungin sa Klase” iyan lang ang kanyang natamo. Sa pangalawang pagkakataon mula kay Oleya, muli na namang umakyat sa entablado si Aling Marta. Masayang-masaya siya sa natamong pagkilala sa kanyang apo. Ipinaalam sa kanya ni Ginang Ramos na si Santi ang may pinakamataas na grado sa kanyang mga mag-aaral. Galak na galak si Fernan sa anak.

~ Pasukan na naman. Nasa Ikalawang Baitang na si Santi. Dahil sadyang matataas ang grado ng mga mag-aaral sa Pangkat A, hindi niya nagawang makapasok sa pinakamahusay na pangkat. Siya’y napunta lamang sa Pangkat B. Mas mahuhusay ng kaunti ang mga mag-aaral sa pangkat na iyon kumpara sa C, D at E. Nagpasalamat na rin ang kaniyang lola. Naging guro niya rito si Bibinibing Gamboa, isang matandang dalaga. Gaya ni Ginang Ramos, galit din siya sa mga batang maiingay. Ngunit mas matindi siya kung magparusa. Si Santi pa rin ang lumabas na pinamahusay sa klase. Hanga sa kanya si Bibinibing Gamboa ngunit dismayado sa kanyang kakulitan. Paborito siya nitong pagbasahin sa harap ng klase. Malinaw raw magbasa si Santi at mabilis. Pinakamaganda ring sumulat ang paslit ayon pa sa guro. Matutuwa na sana si

Muling Pagpasok sa Klase

Page 120: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

120

Santi sa kanya kung hindi lamang mabigat ang kamay nito. Panahon ng tag-init. Umuso sa buong silid ang pagpapatuyo ng dahon sa pagitan ng mga pahina ng kanilang aklat. Talagang napaka-aktibo ni Santi. Lumibot siya sa kaparangan sa harap na bahagi ng kanilang bahay. Kumuha siya ng marami at iba’t ibang mga dahon. Ibinigay niya ang ilan sa kanyang mga kaibigan. At sinimulan na nila itong ipatuyo. Tuwing umaga, habang wala pa ang guro, nagpapakitaan ang bawat isa ng kanilang mga napatuyong dahon. At dahil sa kagustuhan ni Santi na lalong sumikat sa klase mas dinamihan pa niya ang dahon na nilagay niya sa bawat pahina ng kaniyang aklat. Isang araw, dumating sa klase si Bibinibing Gamboa. Nagkataong mainit ang ulo nito. Lahat ng kanyang mag-aaral ay pinabasa niya sa harapan. Dala-dala ang kanilang mga aklat, maingat nilang binubuklat ang pahinang nais ipabasa ng guro upang hindi malaglag ang mga pinatuyong dahon. Nang si Santi na ang magbabasa, naglaglagan sa sahig ang mga pinatutuyo niyang dahon Agad iyong napuna ni Bibinibing Gamboa. “Ano yan Santi?” ang tanong nito. Hindi lang kumibo si Santi. Lumapit sa kanya si Bibinibing Gamboa at kinuha ang kanyang aklat. Nang buklatin niya ito, bumungad sa kanya ang mga nangag-ipit na mga pinatuyong dahon. Agad nag-init ang ulo ni Bibinibing Gamboa. Malakas niyang ihinampas sa ulo ni Santi ang makapal na aklat ng bata. Sa sobrang lakas ay halos mahilo si Santi. Mangiyak-ngiyak si Santi nang oras na iyon. Malulupit ang mga guro sa paaralang iyon aniya. Parang mabibigat ang kamay. At siyempre, hindi na naman ito ipinaalam ni Santi sa kanyang lola. Nang matapos ang taong iyon, si Santi pa rin ang nagkaroon ng pinakamataas na marka sa buong silid. Muli na naman siyang nagkaroon ng parangal. “Pinakamagalang sa Klase,” iyon ang parangal ni Santi sa naturang taon. At muli na namang umakyat sa entablado si Aling Marta. Masayang-masaya

Muling Pagpasok sa Klase

Page 121: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

121

si Fernan sa ginagawa ni Santi. Lagi niyang ibinibida ang anak sa kanyang mga kaibigan. Gayundin naman si Aling Marta. Si Santi na lang ang laman ng bibig nito tuwing magbibida sa mga kapitbahay. Ayon sa kanya, si Santi ang magiging pag-asa ng kanilang pamilya. Patuloy pa si Santi sa pagiging masipag sa bahay. Sa katunayan, halos hindi na kumikilos si Fernan sa kanilang bahay. Uupo na lang siya upang kumain. Minsan, sinorpresa niya si Santi. Siya ay nag-uwi ng tuta. Tuwang-tuwa si Santi gayundin ang iba pa niyang mga kapatid. Agad itong pinangalanang Whity ni Santi kahit pa hindi naman purong puti. May kaunting baltik na itim ang tutang iyon. Magiliw itong inalagaan ni Santi. Halos katabi niya sa pagtulog ang alagang tuta at pinaghahanda pa niya ito ng sariling kumot. Kapag umiiyak, niyayakap niya ito at pinatatahan. Alagang-alaga ng paslit ang kanyang aso. Kapag naaamoy niyang mabaho na ang alaga ay agad niya itong pinaliliguan. Babae si Whity. Habang lumalaki ang naturang aso, si Santi nama’y nagkakaroon ng problema sa pagsupil dito. Lagi na itong gumagala sa labas ng kanilang bakuran at kung anu-ano ang dala-dalang mga basura tuwing uuwi. Minsan, napansin ni Santi na lumalaki ang tiyan ng aso. Agad niyang tinanong ang ama hinggil dito. Buntis na pala si Whity. Masayang-masaya ang mga paslit noong manganak si Whity ng limang malulusog na tuta. Ani Santi, ang mga tutang iyon ay tulad din nilang limang magkakapatid. Natuwa si Fernan sa ipinakitang pagkalinga ni Santi sa aso. At dahil dito, muli naman niyang sinorpresa ang anak. Sisiw naman ang sumunod niyang dinala. Ganun pa rin ang ginawa ni Santi. Inalagaan niya itong mabuti, pinakain at iginawa ng kulungan. Gaya ni Whity, pinangalanan din niya ito. Henny ang ibinigay na pangalan ni Santi. Inantabayanan niya ang paglaki ni Henny hanggang sa ito’y mangitlog. Napag-alaman ni Santi na masama raw na binibilang ang itlog ng manok habang hindi pa ito nalilimliman kaya’t lagi niyang

Muling Pagpasok sa Klase

Page 122: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

122

pinaaalalahanan ang kanyang mga kapatid na huwag bibilangin ang itlog. Mabubulok daw kasi. At di nagtagal, naparami rin ito ni Santi. Umaga’t hapon kung pakainin ni Santi ang mga alagang manok. Tinuruan niya ang mga ito na humapon o dumapo sa punong adwas kapag magdadapit hapon na bilang proteksyon sa mababangis na hayop tulad ng sawa.

Samantala, isang lalaki ang dumating sa kanila isang araw.

“Tao po. Tao po,” ang tawag ng lalaki.“Sino yan?” ang tanong ni Jaime. “Ay ikaw pala,” ang

wika ng matanda nang makita niya ito.“Sulat po para kay Fernan.”“Para kay Fernan? Kanino raw galing?”“Kay Magda po.”Nang marinig ni Mang Jaime ang pangalan ni Magda

ay mabilis niya itong kinuha. “Oh, sige ako na lang ang magbibigay kay Fernan.”

At umalis na ang lalaking iyon. Pumasok si Jaime sa loob ng kanilang bahay at tinawag niya si Marta.

“Tingnan mo, may sulat si Magda kay Fernan,” ang salaysay niya sa asawa.

“Oh bakit di mo ibigay kay Fernan,” ang saad naman ni Marta.

“Bakit ibibigay ko pa,” ang wika ni Jaime sabay bukas sa sulat. Nagulat si Marta.

“Bakit nakikialam ka sa hindi mo sulat,” ang sumbat ni Marta.

“Ipagtatanggol mo pa eh ang kapal ng mukha ng babaeng ito.”

Binasa ni Jaime ang laman ng sulat.

Dear Fernan,

Kumusta na kayo diyan? Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan, kayo ng ating mga anak. Nais ko lang iparating sayo na nakapag-asawa na ako rito.

Muling Pagpasok sa Klase

Page 123: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

123

Patawarin mo sana ako. Kung sakaling makahanap ka na rin ng babaeng karapat-dapat diyan, huwag ka ng magdalawang isip pa. Basta sana lang ay tanggap niya ang lima nating anak. Pakikumusta mo na lang ako kina Nanay at Tatay gayundin kay Juan, Santi, Theresa, Joseph at Parisa. Huwag mo sanang pabayaan ang ating nga anak. Sakaling mag-asawa kang muli, ‘wag mo sana silang iwan. P.S. Pakisabi kay Nanay at Tatay, sana patawarin nila ako sa aking ginawa.

Nagmamahal, Magda

Matapos iyon, kinuha ni Mang Jaime ang posporo. Pumunta siya sa gilid ng kanilang bahay. Pinilas-pilas niya roon ang sulat saka sinunog.

“Ang kapal ng mukha mo!” ang wika ni Mang Jaime.Nakita ni Aling Marta ang ginawa ng kanyang asawa at

biglang nagwika, “Ewan ko sayo.”Mabilis na umalis si Marta at tumungo sa bahay nina

Fernan.“Yung ama mo sinunog yung sulat na dumating para

sayo galing kay Magda.”“Para kanino po yun?” ang sabad ni Santi.“Para sa itay mo,” ang sagot naman ni Aling Marta.“Di po ba masama ang nakikialam sa hindi mo sulat?

Pinag-aaralan po namin sa eskwelahan yun,” ang saad ni Santi sa kanyang lola.

“Buti pa ang mga bata alam ang tama at mali,” wika ni Aling Marta.

“Tumigil ka na Santi. Hayaan mo na yun,” ang wika ng ama kay Santi.

Hindi na nagsalita pa si Fernan kay Aling Marta ukol sa sulat na iyon. Talagang galit na galit ang kanyang ama sa

Muling Pagpasok sa Klase

Page 124: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

124

kanyang asawa. Walang pagsidlan ang pagkapoot ng kanyang ama kay Magda kaya’t hindi na rin niya ito masisi bakit nagawa ang bagay na iyon.

“Nanay...saan po sinunog ni Tatay yung sulat?” ang tanong ni Santi.

“Dun sa gilid namin.”Mabilis na pumunta si Santi sa tinukoy na lugar ng

kanyang lola. Nagbakasakali siyang may maabutan pa kahit na kapirasong sulat ng kanyang ina. Ito ang kanyang tanging

Muling Pagpasok sa Klase

inabutan...

Page 125: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

125

Kaawa-awang mga Bata

N agpatuloy pa si Santi sa kanyang Ikatlong Baitang. Gaya ng dati, hindi pa rin siya nakapasok sa Pangkat A. Pakiwari ng

kanyang lola ay matatapos niya ang elementarya na hindi man lang nasusubukang makapasok sa pinakamahusay na pangkat. Sa Pangkat B pa rin naroroon si Santi. At sa pangkat na iyon, siya pa rin ang pinakamahusay. Ibang-iba na ang buhay ni Santi kumpara sa buhay niya kapiling ang ina. Sa piling ng kanyang ina, hindi siya pumapasok sa paaralan ng walang laman ang tiyan. Lagi siyang may baon at talagang halos ipinag-uutang pa ng ina kapag wala siyang pera. Samantala, sa San Jose madalas siyang pumapasok na kumakalam ang tiyan. Maaga siyang gumigising ngunit wala naman siyang mailuto. Walang bigas, walang ulam at walang kape man lang o gatas sa kanilang bahay. Wala kasing permanenteng trabaho si Fernan kaya’t madalas silang walang makain. Nagkakaroon lamang sila ng makakain kapag pinuntahan sila ng kanilang Nanay Marta. Laging sa kusina ang diretso ng lola tuwing pupunta sa kanila. Kapag wala siyang nakitang pagkain, kumukuha agad siya sa kanilang bahay. Nagagalit naman ang matandang Jaime sa ginagawang iyon ni Marta. “Panay ka tulong dyan sa kabila tapos tayo naman ang nawawalan dito. Pabayaan mo yang anak mong yan. Problema

Page 126: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

126

niya yan.” “Putris naman, ano gusto mong gawin ko pabayaan ko na lang na mamatay sila sa gutom. Napakawala mo namang konsiderasyon.” Laging nagtatalo ang mag-asawa sa pagtulong ni Marta sa kabilang bahay. Kay Magda lahat isinisisi ni Jaime ang lahat ng hirap ng mga bata. Ayon sa kanya, si Magda ang puno’t dulo ng lahat ng nangyayari. Hindi nararanasan ni Juan ang hirap na dinaranas nina Theresa at Santi. Inggit na inggit ang mga batang ito kapag nakikita nilang umiinom ng gatas ang kanilang kuya. Natatakam sila tuwing nakikita nila iyon. Maparaan si Santi. Sa kagustuhan niyang makatikim ng gatas, nag-isip siya ng paraan. Isang araw, walang tao sa sala nina Mang Jaime. Si Aling Marta lang ang tao sa buong kabahayan at nagkataong nananahi pa ito sa loob ng kanilang kwarto. Wala noon si Mang Jaime, may pinuntahan. Kinausap ni Santi si Theresa. “Gusto mong makatikim ng gatas?” “Oo kuya. Bakit meron ka ba?” “Dito ka sa pinto. Papasok ako sa loob. Magbantay ka ha. Tingnan mo kung paparating na si Tatay. Tawagin mo ako agad kapag nakita mo na siya.” “Oh, sige kuya. Bilisan mo lang ha.” Alam ni Santi kung saan nina Mang Jaime inilalagay ang kanilang gatas. Umakyat ang paslit na si Santi sa sementadong lababo nina Mang Jaime. Dahan-dahan niyang binuksan ang kabinet sa bandang itaas ng lababo. Kumuha muna siya ng kutsara. Binuksan ang garapong lalagyan ng gatas at kinutsara ang gatas. Inilagay niya ito sa kanyang maliit na palad. Agad niya itong isinara. Pagkatapos, siya’y bumaba at tumakbo papalabas. Humabol naman si Theresa sa kanya. Tumakbo si Santi papunta sa likod na bahagi ng kanilang bahay. “Akin na ang kamay mo,” ang utos ng kuya. Mabilis namang inilapat ni Theresa ang kanyang palad. Sinalinan iyon ni Santi.

Kaawa-awang mga Bata

Page 127: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

127

“Bakit konti lang?” ang mabilis na tanong ni Theresa. “Bibigyan ko pa sina Joseph at Parisa.” Dinilaan agad ni Theresa ang kanyang palad. “Ang sarap talaga ng gatas kuya.” Matapos iyon, umakyat si Santi sa kanilang bahay-kubo at binigyan din niya sina Joseph at Parisa. Sarap na sarap sa pagdila sa kanilang mga palad ang dalawang bata. “Kuya, kuha ka uli,” ang utos ni Theresa kay Santi. “Tama na! Masamang nagnanakaw. Kumuha lang ako para matikman n’yo,” ang tugon naman ni Santi.

Dahil sa inaasal ni Jaime sa kaniyang mga apo, naging ganoon na rin ang pakikitungo ni Juan sa kanyang mga kapatid. Isang araw, nanonood ng telebisyon si Juan. Tawa siya ng tawa sa panoorin. Narinig ni Santi, Theresa at Joseph ang tawang iyon ng kanilang kuya. Mabilis na tumungo ang tatlo sa kabilang bahay upang tingnan kung ano ang pinagtatawanan ng kanilang kuya. Maganda pala ang palabas at talagang nakakatawa. Nang makita ng tatlo ang palabas na iyon, walang anu-ano’y pumasok sila sa loob ng bahay upang makipanood. Nang mapansin sila ni Juan, sumigaw siya ng malakas, “Tatay, Tatay! Nagpasukan na sila sa bahay natin.” Nang marinig iyon ni Mang Jaime, agad siyang lumabas sa kanilang silid at tumungo sa sala. “Mga hinayupak! Lumabas kayong mga lintik kayo,” ang sigaw niya sa mga bata. Mabilis na nagtakbuhan ang tatlong bata labit-labit ang kani-kanilang mga tsinelas. Takot na takot silang mapalo ni Mang Jaime kaya’t napakabilis nilang lumabas. Nang sumunod na araw, narinig na naman nila ang kanilang kuya na tumatawa. Pumunta na naman sina Theresa at Santi sa kabilang bahay. Sa pagkakataong iyon, hindi na sila pumasok sa loob bagkus ay sumilip na lang sila sa bintana. Nagsisiksikan ang dalawang magkapatid sa kapirasong awang sa bintana nina Mang Jaime. “Ako naman kuya,” ang wika ni Theresa kay Santi.

Kaawa-awang mga Bata

Page 128: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

128

“Sandali lang,” ang tugon naman ni Santi. Maya-maya pa ay lumabas na si Mang Jaime sa silid. Nakita niyang nakadungaw ang dalawa niyang apo sa maliit na awang ng kanilang bintana. “Juan, pakisarado nga yung bintana,” ang utos ni Mang Jaime kay Juan. Mabilis naman iyong sinunod ni Juan at isinara nga nito ang kanilang bintana. “Ikaw kasi ang ingay mo ‘yan tuloy pinagsaraduhan tayo ng bintana,” ang sisi ni Santi kay Theresa. “Ang sama talaga ng ugali nung matandang hukluban na ‘yun. Di pa ma..” bigla niyang pinutol ang sasabihin. “Maano kuya?” ang sabad ni Theresa. “Basta. Bahala na si Papa Jesus sa kanya.” Sa murang edad na yun ni Santi talagang pinag-iisipan niyang mabuti kung bakit ganoon ang trato sa kanila ng kanilang lolo. Wala naman silang ginagawang masama ngunit parang hindi apo kung ituring sila ni Mang Jaime.

Minsan, sa paaralan nina Santi, naging aralin ang pagtatanim. Matapos ipaliwanag sa kanila ng guro ang araling iyon, namigay ito ng binhi. Itinuro sa kanila ng guro ang lugar na maaari nilang pagtaniman. At nagsimula na nga sa pagtatanim sina Santi at ang kanyang mga kamag-aaral. Sabik na sabik si Santi na makitang yumayabong ang kanyang mga pananim. Pumapasok siya ng maagang maaga upang diligan ang kanyang taniman. Binubungkal din niya ang mga lupa sa paligid ng kanyang pananim upang maging buhaghag ito ayon na rin sa turo ng kanilang guro. Sa hapon naman, bago siya umuwi, muli niyang dinidiligan ang mga ito. Nagbasa siya ng mga aklat ukol sa mga pataba sa halaman na maari lamang makita sa loob ng bahay. Isang impormasyon ang kanyang napag-alaman. Maaaring maging pataba ang kape. Humingi siya ng pera sa kanyang lola upang ipangbili ng kape. Matapos iyon, ito’y kanyang isinabog sa lupang kanyang pinagtaniman. Nangalap din siya ng balat ng itlog at ipinalibot sa kanyang mga pananim upang hindi ito lapitan ng mga peste.

Kaawa-awang mga Bata

Page 129: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

129

Dahil sa sigasig ni Santi, ang taniman niya ang naging pinakamaganda at pinakamayabong. Natuwa sa kanya ang kanilang guro. Siya ang binigyan ng pinakamataas na grado. Dahil sa tuwa ni Santi, humiling siya sa kanilang guro na kung maaari ay makahingi siya ng mga binhi. Magtatanim din daw siya sa kanilang likod. Pumayag naman ang guro at pinagbigyan ang kaniyang hiling. Binigyan siya ng binhi ng pechay, okra, kamatis at mustasa. Masayang umuwi ang paslit sa kanilang bahay. Tinungo niya ang likod na bahagi ng kanilang bahay at tinabasan ito. Binunot niya ang mga damo at binungkal ang lupa. Pagkatapos, binasa niya ang lupa ng tubig at saka isinabog ang mga binhi. Gumawa si Santi ng mga pitak para sa bawat klase ng gulay na kanyang itatanim. At gaya ng kanyang ginawa sa paaralan, inalagaan din niyang mabuti ang kanyang mga pananim. Tuwing umaga, bago siya pumasok sa paaralan, dinidiligan niya ang mga ito. Binubungkal din niya ang lupa sa paligid ng mga tanim upang maging buhaghag. At pag-uwi sa hapon ay muli na naman niya itong dinidiligan. Nilagyan din niya ito ng kape bilang pataba. Gusto sana niyang sorpresahin ang kaniyang ama at lola. Ngunit bago iyon, pinagsabihan muna niya sina Theresa at Joseph na huwag ipaalam kahit kanino ang tanimang iyon. Gusto muna kasi niyang lumaki at yumabong ang mga ito bago ipakita sa kanyang ama at lola. Sinunod naman siya ng dalawa niyang kapatid. Napansin ni Juan na laging nawawala ang kanyang kapatid tuwing sila ay umuuwi galing sa paaralan. Isang hapon, inalam niya kung saan ito pumupunta. At nalaman niya ang pinupuntahan ni Santi pagkagaling sa eskwelahan. Nakakubli siya sa isang puno habang minamasdan ang ginagawa ng kapatid. Matapos iyon, mabilis siyang tumakbo pauwi sa kanilang bahay at saka isinumbong sa lolo ang nadiskubre. Kinabukasan, masayang masaya si Santi sa kanilang paaralan. Ikinuwento niya sa kanyang mga kaklase ang mga malalago niyang pananim sa kanilang likuran. Malalapad na

Kaawa-awang mga Bata

Page 130: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

130

ang mga dahon ng kanyang pechay at mustasa. May sumisibol na rin na bunga sa pananim niyang okra at kamatis. “Ows... Hindi nga?” ang pag-aalangan ng kanyang kamag-aaral. “Oo nga. Gusto niyo sumama pa kayo mamaya sa akin sa uwian,” ang paanyaya naman ni Santi. At ganon nga ang nangyari. Pagkatapos ng klase, sumama ang tatlong kamag-aaral ni Santi sa kanya upang makita ang kanyang taniman. “Oh, sandali lang ha, hintayin niyo ako at itataas ko lang itong bag ko.” Pumanhik muna si Santi sa kanilang bahay-kubo at inilapag ang kaniyang gamit pang-eskwela. Mabilis din siyang bumaba. “Hali kayo, dito yung sinasabi ko,” sabay tungo sa likuran ng kanilang bahay.

WASAK.

Ito ang nangyari sa kanyang mga pananim. Nanlaki ang mga mata ni Santi sa nasaksihan. Hindi siya makapaniwala sa nakita. Nananaginip ba ako aniya sa kanyang isip. Bunot na lahat ang kanyang mga pananim. Bali-bali na rin ang mga puno ng okra at kamatis. Pahiyang-pahiya siya sa kanyang mga kaklase. Wala siyang imik, hindi niya alam kung ano ang kanyang sasabihin. Halos maluha-luha ang paslit sa kanyang nakita. Nahalata ng kanyang mga kaklase ang kanyang pagkagulat at pagkadismaya. Dahil doon, sila ay nagpaalam na kay Santi at umalis. Mabilis na pumunta si Santi sa bahay ng kanyang lolo at lola. Nakita niya si Juan. “Kilala mo ba kung sino ang nagsira ng mga pananim ko sa likod? Napakawalang hiya naman nun,” ang galit na wika ni Santi. Narinig iyon ni Mang Jaime kaya’t agad siyang lumapit sa bata saka hinampas niya ito ng hawak niyang patpat na kahoy.

Kaawa-awang mga Bata

Page 131: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

131

“Anong walang hiya ha,” ang bungad ni Mang Jaime. “Ako ang sumira. Bakit, may angal ka?” Biglang umiyak si Santi dahil sa hapdi ng pagkakahampas sa kanya ng kanyang lolo. Muling hinampas ni Jaime si Santi. “Oh, ano lalaban ka na?” Sa pagkakataong iyon, napaupo na si Santi sa sahig sa hapdi ng kasunod na palo. Nanlilisik ang mga mata ni Santi na nakatitig sa kanyang lolo. Lalong nairita si Mang Jaime sa mga titig na iyon ni Santi kaya’t lalo pa niya itong pinaghahampas. Sumigaw si Santi. “Walang hiya ka! Napakawalang hiya mo! Di ka pa mamatay!” “Anong sabi mo?” ang galit na galit na wika ni Jaime sabay sampal sa bibig ni Santi. Malakas ang pagkakasampal. Lalong pumalakat ng iyak si Santi. “Waaah... walang hiya, walang hiya. Wala kang kwentang matanda ka. Mamatay ka na!” Dahil sa sinabing iyon ni Santi lalo pa siyang hinampas ng hinampas ni Mang Jaime. Halos mapahiga na si Santi sa sahig dahil sa mga hapdi sa katawan bunga ng walang humpay na pagpalo sa kanya ni Mang Jaime. Samantala, paparating na noon si Aling Marta galing sa palengke. Bumilis ang kanyang lakad nang marinig niya ang malakas na iyak ni Santi. At nang malapit na siya sa kanilang bahay, nakita niyang pinapalo ni Mang Jaime si Santi. Mabilis siyang lumapit sa kanila at saka inawat ang kanyang asawa. “Bakit ba? Anong nangyari?” “Eh yang apo mo napakabastos, mamatay na raw sana ako.” “Bakit?” ang muling tanong ni Marta sabay akay kay Santi. Tumalikod na si Mang Jaime at umalis kasama si Juan. Inakay ni Aling Marta ang apo pauwi sa kanilang bahay. Napakarami nitong natamong latay mula sa patpat na ipinangpalo sa kanya ni Mang Jaime. Pahikbi-hikbi siyang sumagot, “Winasak po kasi niya yung taniman ko sa likod?”

Kaawa-awang mga Bata

Page 132: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

132

“Ha?” ang saad ng lola, “Sinira ng tatay mo ang taniman mo sa likod?” “Opo. Tinatanong ko lang po si Kuya Juan kung sinong walang hiya ang sumira ng taniman ko, bigla na lang po siyang dumating saka hinampas hampas ako,” ang dagdag pa ng apo na patuloy parin sa paghikbi. Napuno na si Santi. Di na niya napigilan ang kanyang sarili kaya’t kung anu-anong mga masasamang salita na ang kanyang nasabi sa kanyang Tatay Jaime. Hindi niya maintindihan kung bakit sinira ng kanyang lolo ang kanyang taniman. Pinuntahan ni Aling Marta ang sinasabing taniman ni Santi. At doon nasaksihan niya ang kalunos-lunos na nangyari sa mga gulay ng kanyang apo. Naging sanhi ng awayan nina Marta at Jaime ang naturang pangyayari nung hapong iyon. Hindi kasi maipaliwanag ni Jaime ang dahilan kung bakit niya sinira ang taniman ng apo. Wala siyang maibigay na rason. Awang-awa si Marta sa sinapit ni Santi. Si Santi pa lang ang matinding napagbuhatan ng kamay ni Jaime sa lahat ng kanyang mga apo. Tinatanong ni Marta sa asawa ang dahilan kung bakit laging mainit ang dugo nito kay Santi. Wala namang maisagot si Jaime sa kanya. Dahil sa pangyayaring iyon, hindi na muling tumapak pa si Santi sa bahay ng kanyang lolo at lola. Kapag nakikita niya sina Theresa at Joseph na lumalapit sa bahay na iyon ay agad niya silang tinatawag at pinagsasabihan. Ayaw kasi niyang baka ang dalawa naman niyang kapatid na iyon ang pagbalingan ng galit ng lolo. Dahil dito, natutong mangapitbahay ang magkakapatid. Sabik na sabik kasi sila sa panonood ng telebisyon. Subalit ganun pa rin ang mga pangyayari. Sa kanilang mga kapitbahay, hindi sila maaaring pumasok sa loob kaya’t nangagdungaw lang sila sa bintana. Minsan dumarating pa ang pagkakataon na kung kailan maganda na ang nangyayari sa kanilang pinapanood ay bigla naman itong

Kaawa-awang mga Bata

Page 133: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

133

papatayin ng kanilang kapitbahay at isasara ang mga bintana. Walang magawa ang magkakapatid. Nakikipanood lang naman sila, hindi naman sila ang may-ari ng bahay. Hindi sila maaaring magreklamo. Ilang buwan pa ang lumipas. Nananabik na si Santi sapagkat malapit na ang Kapaskuhan. Tuwing sumasapit kasi ang panahong ito, dumarating ang kanilang mga pinsan kasama ang kanilang mga magulang. At sumapit na nga ang Pasko. Punong-puno ng tao ang bahay nina Marta at Jaime. Masayang-masaya ang lahat ng kanilang apo maliban kina Santi. Tuwang-tuwa si Mang Jaime sa lahat ng kaniyang mga apo maliban sa mga yagit. Malaya silang nakalalapit at nakayayakap sa kanilang lolo at lola maliban kina Santi. Hanggang tingin lamang ang magkakapatid na sina Santi, Theresa, Joseph at Parisa. Hindi nila maramdaman na sila’y kabilang sa kasiyahang iyon. Naaalala lamang ang pangalang Santi o Theresa kapag mayroong ipag-uutos sa kanila. “Santi, bumili ka nga ng isang boteng mantika.” “Theresa, tumakbo ka nga ng pinitpit na paminta sa tindahan.” Gustuhin mang umalis nina Santi at Theresa ay hindi maaari sapagkat sila’y kagagalitan kapag hindi maapuhap. “Saan ba kayo papunta-punta? Ang daming gawain dito!” Maaaring akalain ng iba na dahil sa kanilang kasipagan ay sila ang magtatamo ng pinakamaraming regalo sa Paskong iyon. Subalit hindi. Wala silang natatanggap na regalo kahit isa mula sa tito at tita nila. Kailangan sila sa okasyong iyon upang magtrabaho hindi upang makisaya. Magkakaroon sila ng damit ngunit hindi bago bagkus ay mga pinaglumaan ng kanilang mga pinsan. Ngunit para kay Santi, biyaya pa rin ang mga bagay na iyon kaya’t masaya pa rin niyang isinusuot ang naturang mga damit at nagpapasalamat pa rin siya. Ang inang si Magda ang pinakahuling nagpasuot kay

Kaawa-awang mga Bata

Page 134: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

134

Santi ng bagong sapatos. Mula noon ay hindi na muling nakatikim ang paa ni Santi ng bagong sapatos. Bisperas ng Bagong Taon. Maghapong abala ang lahat sa paghahanda. Pagod na pagod sina Santi at Theresa dahil sa rami ng trabaho at utos. Kinagabihan, maagang nakatulog ang magkakapatid sa kanilang bahay. Nagsabi si Santi sa isa sa kanyang mga tito na kung maaari ay gisingin sila sa oras ng putukan. Inasahan ng paslit na sila’y gigisingin upang masilayan ang mga makukulay na luses at iba’t ibang uri ng paputok. Subalit sumapit na ang oras ng pagsalubong ay walang nanggising sa kanila. Wala ni isa man ang nakaalala sa magkakapatid. Paggising sa umaga, hinayang na hinayang si Santi. Sana pala di na lang ako natulog aniya sa kaniyang sarili. Samantala, abot naman ang kwentuhan ng kanilang mga pinsan hinggil sa nasaksihan ng gabing yaon. Wala lang imik si Santi subalit talagang hinayang na hinayang siya. Sa mga karanasan ni Santi sa San Jose, minsan, naiisip niya ang pagsisisi. Masaya sana siya kung naroon siya sa piling ng ina. Masarap sana ang kaniyang mga kinakain kung kasama niya ang kanyang ina. At wala sana siyang kinatatakutan kung kasama niya ang kanyang inay na si Magda. Ito ang mga pagsisisi niyang naiisip. Nagsisisi siya kung bakit pa siya sumama sa kanyang itay. Humirap tuloy ang kanyang buhay. Hindi naman nakikialam si Fernan sa mga pamamalo at pag-uutos sa kanyang mga anak. Madalas ay tulog siya sa kanilang bahay o minsan nama’y wala siya roon. Hindi nararamdaman ni Santi na kakampi niya ang kanyang ama. Makalipas ang ilang buwan, natapos na muli ni Santi ang kanyang ikatlong baitang. Nagkamit na naman siya ng pagkilala mula sa kanilang paaralan. Natamo niya ang pagkilala bilang “Pinakamapagkakatiwalaan sa Klase” at “Pinakamagalang sa Klase.” Siya pa rin ang nagtamo ng pinakamataas na marka sa kanilang silid. Tuwang-tuwa naman si Aling Marta. Siya ang nagsabit ng laso sa apo. Hangang-hanga kay Santi ang mga kaututang-dila ng kanyang lola.

Kaawa-awang mga Bata

Page 135: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

135

Kaawa-awang mga Bata

Page 136: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

136

Kaawa-awang mga Bata

Page 137: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

137

Pinatatawad na Kita

N asa ikaapat na baitang na si Santi. Pangkat B. Iyan pa rin ang kanyang pangkat. Naiinis na si Aling Marta kung bakit hindi nakalulusot

si Santi sa unang pangkat gayong mataas naman ang kanyang mga marka. Tinanong niya ang bagong guro ni Santi hinggil dito. Ayon sa gurong iyon, mas marami pa raw ang mas mataas sa marka ni Santi kung kaya sila ang nakapapasok sa Pangkat A. Ipinangako na lang ng naturang guro na gagawin niya ang lahat upang makapasok si Santi sa Pangkat A sa susunod na taon. Si Bibinibing Chavez ang bagong gurong iyon ni Santi. Wala pa itong asawa. “Matandang dalaga,” ito ang wika ng ilang kasamahan niya sa pagtuturo. Mas matapang si Bibinibing Chavez kumpara sa guro ni Santi noong mga nakaraang taon. Ayon sa kuya ng isa sa mga kaklase ni Santi, dapat pangilagan si Bibinibing Chavez sapagkat matindi itong magparusa. Ganoon na nga ang ginawa ni Santi. Lubha siyang nagpakabait at nag-aral mabuti. Samantala, isa pala sa kanyang mga kaklase ay pamangkin ni Bibinibing Chavez. Mayabang ang kaklase niyang iyon at makulit. Lagi itong nakikipag-away sa kanilang mga kaklase. Takot sa kanya ang halos lahat sapagkat ang tita niya ang kanyang pananggalang. Isang hapon, inutusan ni Bibinibing Chavez ang kanyang estudyante na linisin ang buong silid. Nahati sa iba’t ibang grupo ang buong klase. Mayroong naglilinis ng upuan,

Page 138: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

138

sahig, bintana at kisame. Si Santi ay napunta sa grupong naglilinis ng sahig. Walis, basahan at floor wax ang mga kagamitang naiatang sa kanilang grupo. Sinimulan na nila ang paglilinis. Tulong-tulong ang grupo ni Santi upang pakintabin ang sahig. Kagrupo niya ang pamangkin ng kanilang guro. “Paul, doon ka magsimula, tapos dito naman ako,” ang wika ni Santi. Lumapit sa kanya si Paul at pinitik ang kanyang tainga. “Hoy, huwag kang mayabang. Akala mo kung sino kang makautos diyan ah.” “Paul di ako lalaban sayo ha,” ang pakiusap ni Santi. Sa salitang iyon ni Santi, bigla na lang siyang sinuntok nito sa mukha. Agad lumaban si Santi at nagkagulo na sa silid. Nagpaikutan ang dalawa sa sahig. Hindi sila maawat ng kanilang mga kaklase. Kapwa sila malalakas. Kahit pa may kaunting kalakihan si Paul ay hindi siya inurungan ni Santi. Ayaw kasi ni Santi na mamaliitin siya ng kahit sino kayat hindi niya napigilan ang sarili. Naabutan ni Bibinibing Chavez na nagpapambuno ang dalawa. Agad siyang lumapit sa mga ito. “Tumigil kayong dalawa!” ang sigaw ni Bibinibing Chavez sabay hampas sa ulo ni Santi ng basahang may floor wax. Sa lakas ng pagkakahampas, gumuhit sa mukha ni Santi ang basahan at lumipat sa mukha at mata niya ang floor wax na nakadikit sa basahan. Mabilis na tumayo ang dalawa. Napatigil sila. Pagkatayo, agad kinurot ni Bibinibing Chavez si Santi sa tagiliran. Hinihintay ni Santi na ganun din ang gawin kay Paul subalit hindi siya kinurot nito. “Ma’am, bakit ako lang po ang hinampas n’yo at kinurot?” ang mabilis na tanong ni Santi. “Palibhasa po ba pamangkin n’yo si Paul?” “Aba at magsasalita ka pa,” ang malakas na tugon ng guro sabay amba kay Santi. “Sige po. Sige po. Ipararating ko ito sa prinsipal at sa lola ko.” Mabilis na kinuha ni Santi ang kanyang bag at umuwi.

Pinatatawad na Kita

Page 139: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

139

Hindi na niya hinugasan ang kanyang mukha upang makita ng kanyang lola ang kanyang sinapit.

“Nanay..nanay,” ang bungad niya sa kanyang lola. Bigla siyang umiyak. “Tingnan n’yo po hinampas ako ng guro ko ng basahan sa mukha, may floor wax pa po. “Ha! Bakit? Anong nangyari?” Halos magpanting ang tainga ni Aling Marta nang marinig niya ang sumbong na iyon ng apo. Ikinuwento agad ni Santi kung ano ang nangyari. Galit na galit ang matanda. Parang gusto niyang sabunutan ang guro ni Santi. “Halika. Punta tayo sa prinsipal n’yo.” At lumakad na ang maglola. Tinungo nila ang opisina ng prinsipal. Halos tumaas ang dugo ni Aling Marta dahil sa pangyayaring iyon. Isinalaysay niya ang hinaing sa prinsipal. Nagulat din ang prinsipal sa inasal na iyon ng guro ni Santi. Kitang-kita pa ng prinsipal ang mga floor wax na nakamarka pa sa mukha ni Santi. Mabilis niyang ipinatawag si Bibinibing Chavez.

“Napakawalang-hiya mo. Gusto mo ipatanggal kita sa pagkaguro?” ang galit na galit na wika ni Aling Marta. “Bakit pati ganon, pinayagan n’yong turuan niya ang kanyang pamangkin, di ba bawal yun. Delicadeza na lang,” ang tanong niya sa kamag-anak niyang prinsipal. “Pag-usapan natin ito Marta,” ang saad naman ng prinsipal. “Pasensya na ho, di ko lang napigilan ang sarili ko,” ang pakiusap ni Bibinibing Chavez. “Pasensya! Eh kung ikaw kaya hampasin ko sa mukha ng basahang may floor wax? Sige...ano kaya ang mararamdaman mo?” Mahinahon lang ang prinsipal ng paaralan. Kinausap niya ng masinsinan si Bibinibing Chavez sa harap ni Aling Marta. Dahil sa pagmamakaawa ni Bibinibing Chavez, pinatawad din siya ni Aling Marta. Ngunit siya’y may paalala.

Pinatatawad na Kita

Page 140: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

140

“Matalino ang apo ko. Kapag nakita kong ibinaba mo ang kanyang grado, tandaan mo ‘to, lintik lang ang walang ganti!” “Marta naman,” ang sabad ng prinsipal , “wag kang mag-alala susubaybayan ko ang mga grado ni Santi.” Pagkauwi, ibinalita ni Marta ang mga nangyari sa anak niyang si Oleya. Galit na galit din si Oleya sa guro ni Santi. Talaga raw hindi maaaring palampasin ang pangyayaring iyon. Noon lang naramdaman ni Santi na may kakampi rin pala siya. Alam ni Santi ang posibleng mangyari sa kanyang mga grado kaya’t nag-aral siyang mabuti. Samantala, ipinalipat na ng ibang pangkat ang pamangkin ni Bibinibing Chavez, alinsunod na rin sa kautusan ng prinsipal. Dumaan ang mga araw at linggo. Mas lalo pang naging mabait si Bibinibing Chavez kay Santi. Ayaw magtiwala ni Santi sa kabaitang iyon sapagkat iniisip niyang baka bigla siyang ibagsak nito sa bandang huli. Sa kabilang dako, hindi na halos nakalalakad si Mang Jaime, ilang araw matapos ang pangyayaring iyon kay Santi. Matagal na niyang iniinda ang rayuma sa kanyang mga paa. Habang dumaraan ang mga araw ay mas lalo pa itong lumalala. Hindi na siya nakalalakad at mas tumitindi pa ang kirot nito. Sinubukan siyang dalhin ni Aling Marta sa pinakamahusay na doktor ng bayan, si Dr. Lim. Subalit ayon dito, malala na ang kanyang rayuma. Hindi na rin tumatalab ang mga gamot na kanyang iniinom. Marahil ay sinusubok lang siya ng panahon. Subalit hindi ito ang tingin ni Santi. Siguro raw ay pinarurusahan na siya ng Diyos kaya siya naghihirap sa kanyang sakit. Malupit daw kasi siya sa kanilang magkakapatid. Ang natitiklop na sopa ang naging higaan ni Mang Jaime sa sala. Doon muna siya pansamantalang iniratay upang sa gayon ay hindi siya gaanong mahirapan sa paglakad patungo sa palikuran. Akala ni Santi ay babait na ang kanyang Tatay Jaime dahil sa may dinaramdam ito ngunit salungat ito sa kanyang hinuha. Isang araw, pumasok si Santi sa kabilang bahay upang

Pinatatawad na Kita

Page 141: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

141

kausapin ang kanyang lola. “Oh, nag-aano ka rito? Labas!” ang malakas na sigaw ni Mang Jaime. “Pupunta lang po ako kay nanay,” ang sagot ni Santi sabay dirediretsong pasok sa loob. Malakas ang loob ni Santi sapagkat alam niyang hindi naman siya mahahabol nito dahil sa kanyang kalagayan. “Nay, bakit po ba ang tapang sa amin ni tatay? Samantalang sa iba n’yo pong apo ang bait niya,” ang tanong ni Santi sa kanyang lola. “Ewan ko ba diyan. Pagpasensyahan mo na lang apo,” ang sagot naman ni Marta. “Ito na po pala nanay yung pinasisingil niyo sa akin,” ang saad niya sabay abot ng pera sa kanyang lola. “Sabi nga po pala ni Ate Vilma, magpapatahi rin daw po siya. Pupunta na lang daw po siya rito.” Doble kayod si Aling Marta sa pananahi upang ibigay kina Santi. Matagal-tagal na rin kasing walang trabaho si Fernan kaya’t wala silang kapera-pera. Palihim na iniaabot ni Marta ang kanyang kita sa anak niyang si Fernan. Ayaw kasi niyang manibugho ang iba niyang mga anak kaya’t hindi niya ito ipinaaalam. “Nay, sabi nga po pala ni Ma’am kailangan daw po naming mag-ambagan para sa pagpapapintura ng aming kisame,” ang pabulong na wika ni Santi sa kanyang lola. “Anu? Bakit naman kayo ang gagastos sa pintura? Sabihin mo sa guro mo, gobyerno ang dapat na nagpapapintura niyan hindi kayo,” ang galit na wika ng lola. “Kahit magkano lang naman daw po okey na.” Galit si Aling Marta sa hiling na iyon ni Santi ngunit nagbigay pa rin siya sa apo. Inis na inis si Marta sa paaralan nila Santi sapagkat kung ano-anong mga koleksyon ang hinihingi nito sa bawat mag-aaral. Naturingang pampublikong paaralan ngunit kabi-kabila naman ang ambagan. Hindi nga pwersado ang mga mag-aaral sa pagbibigay ngunit tinatapatan naman ito ng mga guro ng matataas na grado kung kaya napipilitan pa

Pinatatawad na Kita

Page 142: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

142

ring magbigay ang mga magulang. May mga panahon na mayroong pera si Fernan, may panahon din namang wala. Marami na siyang nilapitan upang magkaroon ng permanenteng trabaho. Nagsasawa na kasi siya sa kanyang kalagayan. Subalit ni isa man sa kanila ay walang tumanggap sa kanya. Sekondarya lang kasi ang kanyang natapos. Di rin siya nakatungtong sa kolehiyo. Sa kanyang paghahanap, naging maiinitin ang kanyang ulo kaya’t ang kanyang mga anak ang napagbabalingan. Samantala, sina Santi at Theresa ay mas lalong nalibang sa paglalaro. Mas malayo na ang kanilang nararating. Kung dati-rati ay sa kapitbahay lang sila nakararating, ngayon ay sa kabilang barangay na. Dahil sa kanilang pagkalibang, nakaliligtaan na nila ang kanilang mga gawaing bahay. Isang magdadapit-hapon, pagod na umuwi si Fernan sa kanilang bahay. Dahil siya’y gutom na gutom, agad siyang dumiretso sa kusina . Laking gulat niya nang makita niyang walang kalaman-laman ang kaldero, wala ring lamang tubig ang pitsel. Galit na galit niyang hinanap ang magkapatid. “Santi!..Theresa!” ang malakas niyang sigaw. Pauwi pa lang sina Santi at Theresa nang mga oras na iyon. Nakipaglaro sila sa kabilang kalye. Bumaba ng hagdan si Fernan dala ang pitsel. Pupunta siya sa gripo na nasa kabilang gilid ng bahay nina Aling Marta. Mainit na mainit ang kaniyang ulo. Doon niya nasalubong ang dalawa niyang anak. “Ay bakit kung saan-saan kayo papunta-punta?” ang galit na galit na tanong ni Fernan sabay hambalos ng dalang pitsel sa ulo ni Theresa. Matapos sa ulo ni Theresa ay hinambalos din niya iyon sa ulo ni Santi. Sa ulo ni Santi, nabiyak ang plastik na pitsel. Agad umiyak ang dalawang magkapatid. Mabilis silang tumakbo pauwi sa kanilang bahay. Kitang-kita ni Aling Marta ang ginawang iyon ni Fernan. Kasunod lang pala siya nina Santi at Theresa . Siya ang nagpauwi sa mga ito nang makita niya sa kabilang kalye.

Pinatatawad na Kita

Page 143: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

143

“Sige, patayin mo na ang mga anak mo,” ang galit na wika ni Aling Marta kay Fernan. “Para kang yung ama mo, masyadong mabigat ang kamay.” Galit na galit si Aling Marta sa ginawang iyon ni Fernan. “Ako ba, ginawa ko ba sa inyo yan? Palo lang sa pigi pwede na hindi yung halos basagin mo na ang bungo ng mga anak mo,” ang saad ng matanda. Walang imik si Fernan. Agad siyang umuwi sa kanilang bahay. Samantala, nagkilusan na ang dalawang bata. Si Santi ang nag-asikaso ng pagsasaing, si Theresa naman ang sa paghuhugas ng pinggan. Matapos magsaing, nagluto naman si Santi ng ulam - piniritong tuyo. Tinawag ni Theresa ang ama upang maghapunan. Si Santi naman ay hindi humarap sa hapag-kainan. Sinabayan niya ng tulog ang hapunan ng kanyang ama at mga kapatid. Masamang masama kasi ang kanyang loob. “Tawagin mo si Santi,” ang utos ni Fernan kay Theresa. Pumunta naman si Theresa sa kanilang tulugan. “Kuya, tawag ka ni itay. Kakain na raw.” Hindi lang kumibo si Santi. “Itay! Tulog na si Kuya Santi,” ang sigaw ni Theresa. “Sige hayaan mo siyang magutom.” Tuluyan na ngang hindi naghapunan si Santi. At tuluyan na rin siyang nakatulog. Pagkasiging niya kinaumagahan, naramdaman niya ang kalam ng kaniyang tiyan. Mabilis siyang tumungo sa kanilang kusina at naghanap ng makakain. Ilang araw pa ang lumipas at lalo pang naging palalaro ang magkapatid na Theresa at Santi. Isang gabi, pagkatapos maghapunan, tumakas ang dalawang magkapatid upang makipanood ng telebisyon sa kapitbahay. Dahil Biyernes noon at walang pasok kinabukasan, nakipaglaro pa ang dalawang bata matapos manood. Malalim-lalim na rin ang gabi nang matapos makipaglaro ang dalawang bata. Sila’y umuwi na sa kanilang bahay. Marahang itinulak

Pinatatawad na Kita

Page 144: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

144

ni Santi ang pinto subalit hindi niya ito maibukas. Dinukot niya ang tarangkahan sa may butas ngunit laking gulat niya ng... “Naku patay...dinoble ni itay ang tarangka sa pinto,” ang pabulong na wika ni Santi kay Theresa. “Panu na niyan kuya?” ang tanong ni Theresa. Nag-isip ng paraan si Santi. Sinubukan niyang dumaan sa bintana. Subalit dinoble rin ni Fernan ang pansara rito. Malungkot na malungkot ang dalawang bata. Nakaupo sila sa kanilang hagdanan at nag-iisip kung saan sila matutulog. Lumalalim na ang gabi. “Halika Theresa,” ang yaya ni Santi sa kapatid, “ikaw ang tumawag kay itay ha.” Pumunta ang magkapatid sa gilid ng kanilang bahay-kubo malapit sa kanilang silid-tulugan. “Sige na tawagin mo na si itay,” ang pabulong na wika ni Santi. “Itay...itay...” ang mahinahon at dahan-dahang tawag ni Theresa sa kanyang itay. Naramdaman ni Fernan ang dalawang magkapatid sa gilid. Narinig niya ang tawag na iyon ni Theresa ngunit hindi niya sila pinagbuksan bagkus, “Wag na kayong pumasok, diyan na lang kayo matulog sa labas!” ang sagot ni Fernan sa tawag na iyon ni Theresa. Hindi na nga pumasok sa loob ang dalawang bata. Umupo na lang sila sa hagdan at doon magkatabi silang nag-isip ng matutulugan. “Alam ko na,” ang masayang wika ni Santi. Niyaya niya si Theresa. Pumunta sila sa kabilang gilid ng kanilang bahay kubo. Pinuntahan nila ang bahay ng alagang si Whity. Pinalabas ni Santi si Whity sa kanyang tulugan. “Pahiram muna Whity ha ng tulugan mo. Antok na antok na kami eh.” Sa kulungan ng aso nagpalipas ng gabi ang magkapatid. Kinaumagahan, maagang gumising si Aling Marta upang tapusin ang natitira pa niyang tahiin. May naramdaman siyang nagpupupusag sa gilid ng kanilang bahay. Siya’y lumabas

Pinatatawad na Kita

Page 145: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

145

upang makita kung ano iyon. Nagulat siya nang makita niya si Whity. “Oh bakit narito ka, wala ka sa kulungan mo,” ang tanong ni Aling Marta sa aso. Agad pinuntahan ni Aling Marta ang kulungan upang malaman kung bakit hindi roon humiga si Whity. Laking gulat nito... Nakita niya sina Santi at Theresa na magkatabing nakaupo at tiklop na tiklop ang mga katawan sa loob ng kulungan ng aso. Wari’y ginaw na ginaw ang dalawa dahil sa ayos nilang iyon. Baluktot na baluktot ang kanilang mga katawan. Hindi makapaniwala si Aling Marta kung paano nagkasya ang dalawang bata sa maliit na kulungang iyon. Galit na galit itong tumungo sa bahay ng anak. “Fernan...Fernan!” ang sigaw ng matanda sa labas ng pintuan. Pupungas-pungas pa ang mata ni Fernan nang buksan niya ang pinto. “Susmaryosep ka naman! Alam mo ba kung saan natulog sina Santi at Theresa.” “Eh tumakas kasi sila kagabi, nakipaglaro sa labas. Kaya yun, hindi ko sila pinapasok,” ang wika ni Fernan sabay balik sa pagkakahiga. “Puntahan mo, naroon sila sa kulungan ng aso!” ang galit na utos ng ina. “Hayaan mo sila, matitigas ang ulo eh.” Nang hindi kumilos ang anak, bumaba si Aling Marta at tinungo ang mga apo. Ginising niya ang dalawa. Siya’y may napansin nang hawakan niya sila. “Diyos ko po!” ang malakas na sigaw ni Aling Marta. “Fernan! Fernan!” Sa lakas ng sigaw ni Aling Marta napabalikwas sa pagkakahiga si Fernan. Nagmamadali siyang bumaba sa hagdan at pumunta sa kanyang ina. “Ano yun nanay?” ang tanong niya. “Susmaryosep! Ang taas ng lagnat nina Santi at Theresa.”

Pinatatawad na Kita

Page 146: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

146

Hindi magkamayaw ang mag-ina kung ano ang gagawin. Halos malito na rin si Fernan kung sino ang uunahin niyang ilabas sa hawla ng aso. Una niyang inilabas si Theresa na mainit na mainit ang katawan. Mabilis niya itong ipinasok sa kanilang bahay. Binalikan niya si Santi na mainit din ang katawan at ipinasok din niya sa kanilang bahay. Mabilis na naghanda si Aling Marta ng malamig na tubig at bimpo at pinunasan niya ang dalawang bata. Hinang-hina at halos hindi makapagsalita ang magkapatid. Tumagal ng apat na araw ang lagnat ng magkapatid. Hirap na hirap si Aling Marta sapagkat siya lang ang tanging nag-aasikaso sa mga ito. Tumutulong lamang si Fernan sa pagpapakain sa kanila ngunit ang kanyang ina ang nagpupunas at naglilinis ng mga idinuwal ng magkapatid. Ilang araw pa ang lumipas at tuluyan na ngang nagbalik ang lakas ng magkapatid. Pinagsabihan sila ng ama na huwag na uling gagawin ang bagay na iyon. Nagalit naman si Aling Marta kay Fernan. Ayon sa kanya’y si Fernan ang may sala kung bakit nagkasakit ang kanyang mga anak. Malupit daw kasi siyang magparusa. Sinabi ni Aling Marta kay Fernan na lumalaki na sina Santi at Theresa, hindi na sila dapat pinagbubuhatan ng kamay.

~ Makalipas ang isang buwan. Masayang umuwi si Santi galing sa paaralan. Mataas kasi ang kanyang nakuha sa pagsusulit. Ipakikita raw niya iyon sa kanyang nanay at sa kanyang itay. Nagtaka siya bakit maraming tao sa bahay ng kaniyang lolo at lola. Dali-dali siyang pumunta roon. At siya’y nagulat. Pumanaw na pala ang kanyang Tatay Jaime. Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin. Dahan-dahan siyang lumapit sa bangkay ng lolo. Nag-iiyakan sa paligid ni Jaime sina Aling Marta, Oleya at Juan. Wala siyang nadamang lungkot nang mga oras na iyon.

Pinatatawad na Kita

Page 147: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

147

Hindi rin naman siya masaya. Hinawakan na lang niya ang paa ng kanyang lolo at nagwika sa kanyang isip.

“Pinatatawad ko na po kayo tatay sa lahat ng ginawa niyo sa amin. Hindi ko po alam ang dahilan sa inyong pagiging malupit sa amin lalo na sa akin, pero kahit ano pa man po iyon, pinatatawad ko na kayo. Sana po’y tahimik na kayo sa inyong kinalalagyan ngayon.”

Namatay at namatay si Mang Jaime na hindi man lang niya nayayakap sina Santi, Theresa at Joseph. Minsan na niyang nabuhat si Parisa noong ito’y sanggol pa ngunit hindi rin naman niya ito kinagiliwan. Wala ni isa mang luha ang pumatak sa mata ni Santi nang siya’y lumapit sa bangkay nito sapagkat sa mga oras na iyon ay galit pa rin ang namumutawi sa kanyang puso. Subalit nang hawakan na niya ang paa ng kanyang lolo ay agad niyang iwinaksi ang poot na iyon. Sa pagpapatawad ng apo ay inalis na niya sa kanyang isipan ang mga hindi magagandang karanasan niya kay Mang Jaime. Nagdatingan ang lahat ng mga anak nina Aling Marta at Mang Jaime galing sa iba’t ibang lugar. Si Oleya ang naging punong abala sa pag-aasikaso sa burol ng ama. Siya lang kasi ang may malaking ipon nang mga panahong iyon. Matindi ang pagdaramdam ni Juan. Labis siyang nalungkot sa pagpanaw ng paborito niyang lolo. Walang humpay ang kanyang pag-iyak. Maraming kamag-anak nila ang awang-awa sa kanya. Halos magang-maga na ang mga mata ni Juan sa kaiiyak. Hihinto lang siya sa pag-iyak kapag siya’y hinang-hina na. At kapag siya’y wala ng lakas, siya’y nakakatulog. Paggising niya’y tuloy na naman siya sa pag-iyak. Mas lumalakas ang kanyang atungal kapag siya’y humaharap sa kabaong ng lolo. Ang isa sa mga anak na lalaki ni Aling Marta at Mang Jaime ay may matagal ng inis kay Juan dahil sa paninibugho nito sa bata. “Iyan...tingnan natin kung hanggang saan pa ang kayabangan mong bata ka,” ang wika ng isang anak nina Aling

Pinatatawad na Kita

Page 148: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

148

Marta sa kanyang sarili. “Saan ka kaya pupulutin ngayon? Wala na ang tagapagtanggol mo.” Totoo nga naman. Hindi maaaring salingin ninuman si Juan sapagkat si Mang Jaime ang kanilang makakalaban kapag binangga nila ang bata. Naninibugho ang ilan sa kanyang mga anak sapagkat parang anak na raw kung ituring ni Mang Jaime ang apo niyang si Juan. Lahat ng luho nito ay ibinibigay. Walang sinumang bata rin ang maaaring umaway kay Juan, mapakapatid man, pinsan o kalaro sapagkat siguradong yari kay Mang Jaime ang aaway sa kanya. Halos ilang araw na ring hindi kumakain si Juan. Panay lang ang iyak nito. Kahit pilitin siya ni Aling Marta ay ayaw niyang kumain. Nag-aalala na ang kanyang lola sa kanya. “Tatay, isama mo na ako!” ang malakas na wika ni Juan habang umiiyak sa harap ng kabaong ng lolo. Naisip ni Aling Marta na ipatawag ang pinakamatalik na kaibigan ni Juan upang kausapin nito si Juan na kumain na. At dumating nga ang kaibigang iyon ni Juan. Nang siya’y niyaya nitong kumain ay agad na pumayag si Juan. “Ay salamat po Diyos ko,” ang wari ni Aling Marta. Tumagal din ang burol ng limang araw. Maraming mga kamag-anak nila ang nakiramay. At inihatid na si Mang Jaime sa kanyang libingan. Labis ang pagdadalamhati ni Aling Marta at ni Juan. Si Juan ay halos hindi na makalakad nang araw ng libing. Siya’y hinang-hina na sa kaiiyak. Marami ang naawa kay Juan. “Kawawa naman si Juan. Pumanaw na ang kanyang tagapagtanggol,” ang wika ng ilan sa mga nakipaglibing.

Pinatatawad na Kita

Page 149: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

149

Pagiging Banal

N alagpasan ni Santi ang lahat ng pagsubok sa kanya ni Bibinibing Chavez. Siya pa rin ang nagkaroon ng pinakamataas na marka sa

buong klase. Binigyan siya ni Bibinibing Chavez ng parangal bilang “Pinakamasipag sa Klase.” Dahil sa takot niyang bumagsak bunga ng pagsugod ng kanyang lola sa paaralan, siya’y nag-aral na mabuti at nagpakasipag sa klase. Bihis na bihis si Aling Marta sa pagdalo niya sa Araw ng Pagkilala sa paaralan ni Santi. Labis ang kanyang paghanga sa apo. Kitang-kita niya ang pagsisikap nito sa pag-aaral.Inggit na inggit naman si Santi sa mga mag-aaral sa Pangkat A. Hindi laso ang isinasabit sa kanila bagkus ay mga medalya.

“Nay, ipinangangako ko po sa inyo sa susunod na taon, medalya na ang isasabit niyo sa akin,” ang pangako ni Santi sa kanyang lola.

“Talaga ha, siguraduhin mo yan sa akin,” ang sagot naman ni Marta sa apo.

Samantala, isang doktor ang umakyat ng ligaw kay Oleya. Mabait ang naturang lalaki. Maayos ang reputasyon ng buong pamilya nito sa kanilang bayan. Kumbaga ay lahi sila ng mga propesyunal. Naging magkasintahan na rin ang dalawa kapagdaka. Tuwing Sabado ay dumarating ang nasabing lalaki at nagdadala ng maraming pagkain, prutas at mga gulay. Tuwang-tuwa naman sina Santi dahil napapabilang sila sa mga

Page 150: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

150

nakatitikim ng mga nasabing pagkain.Mula nang pumanaw si Mang Jaime ay naging labas-

masok na sina Santi sa bahay ng kanilang lola. Wala na silang pinangingilagan. Hindi naman sila binabawal ng lola na pumunta roon. Madalas ding tinutulungan ni Santi ang kanyang lola sa paglilinis ng bahay.

Abril nang taong iyon, nakakilala ni Aling Marta ng isang albularyo. Ang manggagamot na ito ay may grupo ng mga mandarasal. Sumali si Marta sa grupong iyon. Siya ang ikalimang miyembro ng grupo nilang iyon.

Isang babae ang nasabing albularyo. Maliit lang siya at napakahaba ng buhok, abot hanggang binti kapag kanya itong inilugay. Mabait siya kay Aling Marta lalo pa’t alam ng albularyong ito na si Aling Marta na ang halos nagtataguyod sa kanyang mga apo.

Isang gabi, nagkaroon ng panaginip ang albularyong ito. Ipinarating niya sa kanyang grupo ang napanaginipan. Nagpakita raw sa kanya si Sta. Isabel. Nangusap ito sa kanya. Itinuro sa kanya nito ang isang yungib sa tuktok ng isang mababang bundok. Inutusan daw siya na tunguhin niya ang yungib na ito sapagkat naroon daw siya. Linisin daw nila iyon at pagandahin.

Pinaghandaan ng grupo ang gagawin hinggil sa panaginip na iyon. Matapos ang ilang araw ay tumungo na sila sa nasabing bundok. Ang bundok na iyon ay nasa tabi ng dagat. Hindi naman ito kataasan. Nasa mga apatnapung metro lang ang taas nito. Subalit madawag ang tuktok nito. Matataas ang mga dayami.

Tumpak!Natagpuan nga nila ang isang yungib sa tuktok nito.

Dahil sa takot, hindi muna nila pinasok ang yungib na iyon. Baka raw kasi punong-puno ng ahas. Pinakiusapan nila ang grupo ng mga sundalo upang pumasok sa nasabing kweba. Walang takot na pinasok ng mga sundalo ang nasabing yungib.

Tumpak na naman!Isang Imahe ni Sta. Isabel ang natagpuan ng mga

Pagiging Banal

Page 151: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

151

sundalo sa yungib na iyon. Pinagtulung-tulungan itong ilabas ng mga sundalo.

Hindi makapaniwala ang mga kasamahan ni Aling Marta. Pati nga siya ay namangha.

Magmula noon, sinimulan na nilang linisin ang tuktok ng bundok na iyon. Nagtayo na rin sila ng bahay na bato at doon nila inilagak ang imahe ni Sta. Isabel.

Maganda ang tanawin kapag nasa tuktok ka ng bundok na iyon. Kitang-kita mo ang buong bayan ng San Jose pati na rin ang mga karatig bayan. Kitang-kita mo rin ng buo ang Dagat ng San Jose.

Sabado. Maagang ginising ni Aling Marta ang kanyang mga apo upang sumama sa kanya sa paglilinis sa bundok na iyon. Naghanda na rin si Aling Marta ng pagkain dahil tiyak na roon na sila aabutan ng tanghalian. Masayang-masaya naman ang mga bata sapagkat hindi pa nila nararating ang lugar na iyon na sabi ng lola ay lubhang napakaganda. Nagkita-kita ang grupo sa may parola. Doon sila nagsimulang maglakad patungo sa nasabing bundok.

Nakapapagod ang paglalakad ngunit dahil sa kasiyahan ng mga bata ay hindi nila iyon nadarama.

“Wow!”Ito ang bukam-bibig ng mga bata nang sila ay

makarating sa tuktok. Napakaganda ng taas. Kitang-kita mo ang napakalawak na tanawin. Tuwang-tuwang itinuturo ng mga bata ang mga bangka sa bandang baba. Gayundin ang malawak at mahabang dalampasigan ng kanilang bayan. Kitang-kita rin ang malalaking ibon na lumilipad sa ibabaw ng Dagat ng San Jose. Walang pagsidlan ang tuwa ng nga bata.

Sa lugar na iyon unang nalaman ni Santi ang pagdarasal ng Santo Rosaryo. Pagkauwi sa kanilang bahay, maagap siyang nagpaturo sa lola ng pagdarasal nito. Binigyan siya ng lola ng isang babasahin ukol sa mga dasal.

Una niyang kinabisado ang Sumasampalataya. Sinundan niya ito ng Ama Namin, Aba Ginoong Maria, Luwalhati, O Hesus Ko, Aba Po at lahat ng mga Misteryo.

Pagiging Banal

Page 152: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

152

Sa loob ng dalawang araw ay nakabisado na niyang lahat ang laman ng babasahing ibinigay sa kanya ng kanyang lola.

Tuwang-tuwa si Aling Marta nang ipaalam sa kanya ni Santi na marunong na siya magdasal ng Santo Rosaryo.

Mula noon, tuwing alas sais ng hapon, sama-sama ng nagdarasal ng Santo Rosaryo ang maglolola. Nagprisinta si Santi na kung maaari ay siya ang mamuno sa dasal upang siya’y masanay at pinagbigyan naman siya agad ni Marta.

Ayaw nina Juan at Theresa na mamuno kayat tagasagot lang sila tuwing sila’y nagdarasal. Kasama rin nila si Joseph na noo’y pitong taong gulang na.

Nang sumunod na Sabado, habang sila’y nasa tuktok muli ng bundok, nagsabi si Aling Marta sa kanyang mga kasamahan na kung maaari ay ang apo niyang si Santi ang mamuno ng dasalan. Wala naman ditong tumutol.

At nagsimula ng magdasal si Santi.“Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Diyos Espiritu

Santo. Amen,” ang pambungad ni Santi. “Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa....”

Dirediretso si Santi sa pagdarasal. Sauladong-saulado niya lahat pati ang mga misteryo. Wala siyang kamali-mali sa lahat ng dasal subalit kabang-kaba siya.

“Ang galing po ng apo niyo Aling Marta,” ang wika ng manggagamot na si Chita matapos silang magdasal. “Ngayon lang po ako nakakita ng batang ganyan kahusay sa pagdarasal ng Santo Rosaryo.”

Hangang-hanga rin ang iba pang kasama ni Aling Marta kay Santi. Pambihira raw ang husay ng batang si Santi. Sa puntong iyon, ibinida na ni Marta ang apo. Ayon sa kanya, si Santi ang laging nangunguna sa kanilang klase. Taun-taon din daw siyang tumataas sa entablado upang sabitan ng laso ang apo. At lalo pang humanga kay Santi ang mga matatandang kasama ni Marta.

Bumalita agad si Santi sa iba pang mga mandarasal ng bayan. Dahil doon, lagi ng imbitado ang paslit tuwing mayroon

Pagiging Banal

Page 153: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

153

silang dadasalan. Lagi na rin silang magkasama ng kanyang lola. Tuwang-tuwa si Santi kapag may kainan sa kanilang pinupuntahan. Madalas silang nag-uuwi ni Aling Marta ng pagkain para sa iba pa niyang mga kapatid.

~Dumating na ang araw ng pasukan. At sa wakas si

Santi ay napabilang na rin sa Pangkat A, ang pangkat ng mga matatalino.

“Oh, nanay natupad na po yung pangarap niyo na mapapasok ako sa Pangkat A,” ang wika ni Santi sa kanyang lola.

“Hay salamat, mabuti naman,” ang saad ni Aling Marta. “Basta galingan mo pa lalo para medalya na ang isasabit ko sayo.”

“Opo nanay, ipinapangako ko po sa inyo, gagalingan ko pa ng husto.”

Lalo pa ngang nagsikap si Santi. At kahit walang baon, patuloy pa rin siya sa pagpasok sa klase. Kumakain na lang siya ng marami bago pumasok upang hindi siya magutom agad. Minsan kapag wala silang ulam ay humihingi siya sa kanyang Nanay Marta. Lagi rin niyang tinuturuan ang kanyang mga kapatid sa kanilang mga asignatura.

Di nagtagal ay nagpakasal na si Oleya at ang kanyang nobyo. Hindi na nagulat si Aling Marta, inaasahan na niya ang bagay na iyon. Ayon sa kanya, mabuti na rin iyon sapagkat tumatandang dalaga na si Oleya.

Naging maayos naman ang naturang kasal. Nag-ambagan ang dalawang magkasintahan sa kanilang gastos ngunit mas malaki pa rin ang ibinigay ng nobyong lalaki. Imbitado ang marami nilang kamag-anak. Ang ilan pa sa kanila’y gumanap na tagahawak ng singsing, bulaklak at iba pa.

Hangang-hanga si Santi sa kanilang mga kasuotan gayundin sa ilan niyang mga pinsan na kasama sa mga lalakad patungong altar.

Pagiging Banal

Page 154: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

154

“Kami kayang magkakapatid, kailan kaya kami makapagbibihis ng mga magagarang damit na tulad noon?” ang tanong ni Santi sa kanyang sarili. “Saka kailan kaya kami maiimbitahan sa isang kasal kung saan kasama kami sa mga lalakad patungong altar?”

Batid ni Santi ang mahirap nilang kalagayan kaya’t walang nagbibigay halaga sa kanila. Alam niyang dahil sa kwento ng kanilang buhay, mababa ang pagtingin sa kanila ng kanilang mga kamag-anak.

Gayun pa man, patuloy pa rin si Santi sa kanilang buhay.Silang magkakapatid ay masipag na tumulong sa kasal

na iyon. Takbo rito, takbo roon. Bili rito, bili roon. Hindi umaangal ang magkakapatid. Samantala ang kanilang mga pinsan ay ni hindi man lang mautusan kahit na isang gawain lamang. “Di man lang ata marunong maghugas ng pinggan,” ani Santi.

“Sana may matitino rin kaming magulang para hindi namin nararanasan ang ganitong hirap,” ang wika ni Santi sa kanyang sarili.

Nang humiwalay na si Oleya kay Aling Marta, unti-unti ng naramdaman ni Aling Marta ang hirap ng buhay. Wala na kasi siyang katuwang sa mga gastusin sa bahay.

Nagsabi si Juan sa kanyang lola kung maaari siyang magtinda ng pandesal sa madaling araw bago pumasok. Ayaw sana itong payagan ng lola ngunit ayon kay Juan yung kikitain niya ang gagawin niyang baon upang hindi na siya humingi sa lola. Pumayag na rin si Marta sa huli

At ganoon nga ang nangyari. Araw-araw ay maagang gumigising si Juan upang tumungo sa panaderya at kumuha ng mga ilalakong mga pandesal. Madilim pa’y binabaybay na niya ang dalampasigan na kilalang puntahan ng mga tao tuwing umaga. Pagkaubos ng tinda, agad na siyang umuuwi upang maghanda naman sa pagpasok sa paaralan. Maraming kinaperahan si Juan sa trabaho niyang iyon.

Nang mabalitaan ito ni Santi ay agad siyang nag-isip kung papaano rin magkakaroon ng pera upang sa gayon ay

Pagiging Banal

Page 155: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

155

magkaraoon din siya ng baon sa paaralan. Kinausap niya si Joseph na kung maaari ay magtulong sila sa paglalako ng ice drop at ice candy. Mahalaga ang kanyang pag-aaral kung kaya’t nagdesisyon si Santi na tuwing Sabado lang ng hapon at buong araw ng Linggo sila magtitinda ni Joseph.

Nagtulong na nga ang magkapatid. Tuwang-tuwa sila sa una nilang kita. Hinatian niya si Joseph sa kanilang kita. Matapos iyon, bumili si Santi ng pagkain nila. Tinawag niya ang kanyang lola at mga kapatid upang pagsaluhan ang biniling pagkain. Masayang nagsalu-salo ang maglolola.

Nag-isip na rin si Aling Marta ng kanyang pagkakakitaan. Nanghiram siya ng kapital sa isang kaibigan.

Ipinamili niya ng tela ang hiniram na pera. Tumungo sila ni Santi sa karatig lalawigan upang magtingin ng magagandang tela. Nang makakita, binili nila ang mga ito. Si Santi ang kanyang tagabitbit ng mga ipinamili. Pagkauwi sa San Jose, kagyat na sinimulan ni Aling Marta ang pagtahi sa mga ito.

Si Santi ang madalas na isinasama ni Aling Marta tuwing pumupunta sa karatig lalawigan sapagkat siya’y hindi mahihiluhin. Matibay ang paslit na si Santi sa biyahe kumpara kay Juan at Theresa. Alerto rin siya sa biyahe sapagkat baka madukutan ng pitaka ang kanyang lola. Listo rin siya kapag inuutusan ng matanda.

Matapos tahiin ang mga tela, inilalako ito ni Santi sa mga kaibigan ng kanyang lola gayundin sa kanilang mga kapitbahay. Ipinauutang ni Aling Marta ang mga ito. Ang isang damit ay maaaring bayaran sa loob ng tatlumpung araw o isang buwan.

Tuwing hapon pag-uwi galing sa klase, si Santi na rin ang tagasingil ni Aling Marta. Iniisa-isa ni Santi lahat ng may bayarin sa kanyang lola. Kapag naipon na ni Marta ang ilan sa kanyang mga singilin ay ipamimili muli nilang maglola ang pera. At paunti-unting binabayaran ng matanda ang hiniram na kapital.

Masayang-masaya si Santi sa takbo ng negosyo ng kanyang lola ngunit may mga araw na siya’y napaliliban sa

Pagiging Banal

Page 156: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

156

klase dahil sa pagsama niya sa pagbiyahe. Ngunit bumabawi rin naman ang bata pagbalik. Tinatanong niya ang kanyang mga kaklase hinggil sa bagong aralin at nakikikopya siya sa mga kwaderno nila.

Madiskarteng maituturing si Aling Marta. Napamahal na kasi siya ng lubos sa kanyang mga apo. At gagawin niya ang abot ng kanyang makakaya upang matulungan at mapakain lang ang mga ito. Ito’y bilang tulong na rin sa anak niya, si Fernan, na walang matinong trabaho.

Si Aling Marta ay aktibo rin sa iba pang mga gawain. Sa katunayan, nakianib siya sa isang organisasyon. Ito ay ang organisasyon ng mga matatandang ina. Isa sa mga aktibidad ng naturang samahan ay ang Buwanang Sayawan na karaniwang ginaganap sa Liwasang Bayan. Naglilikom ang samahang ito ng kaukulang salapi para sa kanilang pagkain tuwing may sayawan. Humihingi sila ng tulong sa mga pulitiko at mga mayayamang negosyante. Nagkakaroon din ng sayawan kapag kaarawan ng kanilang mga opisyales sa samahan.

Kapag may pasayawan, pinapupunta ni Aling Marta ang kanyang mga apo roon upang mabigyan niya ng pagkain. Tuwang-tuwa naman sina Santi sa pagkaing iyon.

Lingid sa kaalaman ni Marta, marami na pala sa kanyang mga kasamahan ang nakapapansin sa kanyang ginagawa. Hindi nila masabihan ang matanda dahil sa hiya. Subalit mas hindi kanais-nais ang kanilang ginawa.

Sinabi nila ito sa kanilang mga apo na kaklase ng mga apo ni Marta.

Isang araw, habang nasa klase, isang kamag-aaral ni Santi ang nagbiro sa kanya.

“Santi, mas masarap ba yung sandwich sa liwasan kesa sa sandwich sa kantina.”

“Bakit mo naman yan natanong kay Santi,” ang sabad ng isa nilang kamag-aaral.

“Eh kasi sabi ng lola ko, hinahakot daw ng lola ni Santi ang mga pagkain sa liwasan tuwing may sayawan.”

“Talaga?” ang tanong ng isa sabay tawa. Hagalpakan sa

Pagiging Banal

Page 157: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

157

tawa ang mga kaklase ni Santi.Mangiyak-ngiyak na si Santi sa birong iyon ng kanyang

kamag-aaral. Nais na sana niya itong sapakin sa mukha ngunit pinigil niya ang kanyang sarili. Baka kasi bigyan siya ng mababang marka ng kanilang guro kapag siya’y nakipag-away. Naisip din niya ang winika sa kanya ng manggagamot na kasamahan ng kanyang lola. Ayon sa manggagamot na iyon,

“Mas maswerte ang mga taong kinakawawa at inaapi. Maganda ang plano sa kanila ng Panginoon.”

Sa halip na makipag-away ay umiwas na lang si Santi. Umalis na lang siya sa kumpulan ng mga ito.

“Panginoon tulungan niyo po ako sa ganitong mga tao,” ang lagi niyang dasal sa isip.

Kumalat na rin ang usaping ito pati sa kanilang mga kalaro. Isang araw, umuwing umiiyak si Joseph. “Oh, bakit ka umiiyak? San ka galing?” ang tanong ni Santi sa kapatid. Biglang sumulpot si Theresa galing sa labas. “Nakipagsuntukan siya kay Ambo,” ang sabad ni Theresa. “Ano? Eh ang laki ni Ambo ah!” ang galit na wika ni Santi. “Niloloko kasi tayo ni Ambo na tagahakot daw ng pagkain sa liwasan,” ang muling wika ni Theresa. “Halika puntahan natin. Nasan yun?” ang yaya ni Santi kay Joseph. Kahit umiiyak ay sinamahan ni Joseph ang kuya. Kasunod nila si Theresa na galit na galit din kay Ambo. Si Ambo ay apo ng isa sa mga kasamahan ni Aling Marta. “Oy Ambo, bakit kaliit-liit ng kapatid ko eh pinatulan mo?” ang galit na tanong ni Santi. “Mayabang yang kapatid mo eh.” “Dapat ako ang inaaway mo di yung kapatid ko. Palibhasa malaki ka sa kanya.” “Gusto mo tayong dalawa eh.” “Yabang mo ah.”

Pagiging Banal

Page 158: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

158

At agad nag-ambahan ng suntok ang dalawang bata. Samantala biglang naglapitan at nagkalipumpungan ang ilan sa kanilang mga kalaro. Maya-maya pa’y nag-abot na nga ang dalawa. Magaling sa buno si Santi kaya’t agad siyang humawak sa katawan ni Ambo at inihiga niya ito. Kumapit din sa kanya si Ambo at nagpagulungan na nga sa lupa ang dalawang bata. Samantala, abot naman ang sigawan ng kanilang mga kalaro. Ang iba ay kampi kay Santi at ang iba nama’y kay Ambo. Nang makahanap ng pagkakataon si Santi nahawakan niya ang dalawang braso ni Ambo at di na ito nakagalaw. Doon na pinagsasapak ni Santi sa mukha si Ambo. Galit na galit si Santi. Naipon ang kaniyang enerhiya sa kaniyang kamao. Natapos lang ang pananapak ni Santi nang may umawat na sa kanilang isang matandang kapitbahay. Dugu-duguan na ang mukha ni Ambo. Pagkatapos noon umuwi na ang tatlong magkakapatid. Tuwang-tuwa si Theresa. “Ang galing mo talaga kuya Santi,” ang sabi ni Theresa sa kanyang kuya Santi. Nang malaman ng lola ni Ambo ang nangyari sa apo, mabilis itong sumugod sa bahay nina Aling Marta kasama ang duguang si Ambo. “Marta..Marta!” ang malakas na sigaw ni Aling Besi. Mabilis namang lumabas si Marta. “Bakit?” ang tanong nito. “Nasaan yang apo mong si Santi? Tingnan mo ang ginawa niya kay Ambo?” “Teka sandali,” ang wika ni Aling Marta. Tumungo siya sa bahay nina Santi at hinanap ang apo. Hila-hila si Santi, agad tinanong ni Marta ang apo, “Tingnan mo! Ano raw ginawa mo sa kanya?” Mabilis namang sumagot si Santi, “Sinuntok po kasi niya si Joseph eh kaliit-liit pinatulan nya kaya sinuntok ko rin po siya. Saka sabi niya nanay, hinahakot daw natin ang pagkain sa liwasan tuwing may sayawan.” Nagulat si Aling Besi sa sinabing iyon ni Santi. “Apo mo naman pala ang nauna. Saka ang sama naman

Pagiging Banal

Page 159: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

159

ng bibig niyang apo mo. May katibayan ka ba na hinahakot namin ang pagkain,” ang wika ni Marta habang nakatitig kay Ambo. “Sino ba ang nagsabi sayo nun?” Walang imik si Ambo. “Besi, away bata ‘to, wag na tayong makisawsaw. Kung nasaktan yang apo mo, siya rin ang may gawa. Mahilig kasing magbitaw ng salitang nakasasakit.” Matapos iyon, umuwi na ang maglolang Besi at Ambo. “Tama yan, huwag kayong paaapi,” ang wika ni Aling Marta sa kanyang mga apo. Masaya si Santi sa ginawang pagtatanggol sa kanya ng lolang si Marta. Naalala niya ang kanyang inay. Nadama niyang muli ang pagmamahal ng kanyang inay sa katauhan ng kanyang lola. Napalapit na sa puso ni Marta ang kanyang mga apo. Kitang-kita kasi niya ang pagsisikap ng mga ito. Lubos din niya silang naaasahan sa bahay at sa kanyang munting negosyo.

Pagiging Banal

Page 160: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

160

Pagiging Banal

Page 161: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

161

Ulilang Lubos

“N anay, ubos na po ang bigas namin.” Ito ang wika ni Santi kay Aking Marta. Tatlong araw ng hindi umuuwi si Fernan

sa kanilang bahay. Hindi siya nagsabi kung saan tutungo. Noon lang iyon ginawa ni Fernan. Dati-rati’y nagsasabi siya sa kanyang ina kung saan pupunta at kung ilang araw siya mawawala. Ngunit sa pagkakataong iyon walang nakakaalam kung nasaan siya. Si Aling Marta na ang bumibili ng pagkain ng mga apo. Siya na rin ang nag-aasikaso sa mga ito. Buti na lang masipag ang apong si Santi. Siya ang nakakaramay ni Aling Marta sa pangangalaga kina Theresa.

“Nanay, pahingi nga po ng sabong panlaba,” ang saad ni Santi sa lola.

Sabado noon, araw ng paglalaba ni Santi. Napakarami nilang maruming damit.

“Theresa tulungan mo ako ha. Ako ang magkukusot. Ikaw ang magbabanlaw,” ang wika ni Santi sa kapatid.

“Sige kuya,” ang masayang sagot ni Theresa.Nagtulong ang dalawang magkapatid sa paglalaba ng

damit nila. Si Parisa ang may pinakamaraming maruming damit, pangalawa si Joseph.

“Sabihan mo nga si Joseph mamaya, ang dumi ng kanyang mga kasuotan,” ang utos ni Santi kay Theresa.

Page 162: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

162

“Ikaw na kuya, mas takot sayo yun.”“Pati ikaw, tingnan mo itong damit mo, para kang

sumuot sa kweba,” ang muli pang wika ni Santi sabay pakita kay Theresa ng kanyang damit.

“Nadapa ako niyan eh, kaya marumi.”“Nadapa? Eh lahat ng damit mo ganito karumi. Ibig

sabihin sa lahat ng ito nadapa ka?”Tumawa lang si Theresa sa sinabing iyon ni Santi.Maya-maya pa’y dumating na si Aling Marta.“Wala pa ba yung magaling nyong ama?” ang tanong

nito sa dalawa. Tila mainit ang ulo ni Aling Marta nang umagang iyon.

“Wala pa nga po eh. Saan kaya pumunta si itay?” ang sagot naman ni Theresa.

“Balitang-balita sa kanto ngayon na may kinakasama na raw yang ama niyo,” ang galit na salaysay ni Aling Marta.

“Ha? Talaga po?” ang gulat na gulat na saad ni Santi. “Bago po umalis si itay, may tinanong po siya sa amin. Kung gusto raw po namin na guro ang kapalit ni inay.”

“Anong guro? Isang malanding babae raw ang ipinalit ni Fernan,” ang sambit muli ng kanilang lola. “Hay...Talaga naman. Malas na nga nung una, malas pa rin ngayong pangalawa. Di na siya natuto, hindi marunong humanap ng maayos na babae.”

Walang imik ang dalawang bata sa sinabing iyon ni Aling Marta. Subalit bahagyang napaisip si Santi. “Paano nga kaya kung totoong nag-asawa na muli si itay? Paano na kaya kami?”

Kitang-kita ni Santi at ni Theresa ang pagkadismaya ng kanilang lola sa nalamang balita. Halos hindi maipinta ang mukha ng matanda sa kanyang pagka-inis.

Pagkatapos labhan ang kanilang mga damit, mabilis na umalis ang dalawang magkapatid upang makipaglaro sa kabilang kanto. Ilang sandali lang, sumunod na rin si Joseph sa kanila. Naiwan lang mag-isa si Parisa sa kanilang bahay-kubo.

Malakas na iyak ng bata ang nagpabangon kay Aling

Ulilang Lubos

Page 163: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

163

Marta sa kanyang pagkakahiga. Halos malapit ng magdilim nang mga oras na iyon. Sumugod si Aling Marta sa kabilang bahay. Nakita niyang nag-iisa lang doon si Parisa.

Galit na galit si Marta sa kanyang nakita. Walang kailaw-ilaw ang kanilang bahay. Wala pang sinaing, wala ring tubig sa pitsel at walang nagbabantay sa maliit niyang apo na si Parisa.

Tinawag niya si Juan. “Nakita mo ba sina Santi?” ang tanong nya rito.

“Andun sila sa kabilang kanto. Nakita ko sila kanina, silang tatlo,” ang maagap na sagot ni Juan.

“Bantayan mo muna itong kapatid mo,” ang utos ng lola sa kanyang apo.

Tumungo si Marta sa kabilang kanto. Bitbit niya ang isang patpat na kahoy na pamalo kina Santi. Siya’y galit na galit sa mga apo.

Nang makita niya ang tatlo, mabilis siyang lumapit sa mga ito at pinaghahampas sa puwitan.

“Magsiuwi kayo! Mga lagalag! Kawawa naman yung kapatid niyo roon...Gabi na, laman pa kayo ng kalye!” ang bulalas ni Aling Marta sa mga apo.

Mabilis namang nagtakbuhan pauwi sina Santi, Theresa at Joseph. Habang tumatakbo biglang nagsalita si Theresa kay Santi, “Ikaw kasi kuya, sinabi ko na sayo kanina na umuwi na tayo, yan tuloy napalo tayo ni nanay.”

Noon lang iyon nagawa ni Aling Marta sa kanyang mga apo. Nagulat sina Santi sa ginawa sa kanila ng kanilang lola. Dala na siguro iyon ng pagkadismaya kay Fernan kaya kina Santi niya naibaling ang kanyang galit.

Tumago sina Santi, Theresa at Joseph sa loob na kanilang kwarto sa takot nila sa kanilang lola. Isinaklob nila sa kanila ang malaking kumot. Wala na roon sina Juan at Parisa. Idinala na niya ang bunsong kapatid sa kabilang bahay.

“Wag kayong maingay,” ang wika ni Santi sa dalawa niyang kapatid.

Nakakubli ang tatlong paslit sa isang malaking kumot.

Ulilang Lubos

Page 164: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

164

Tahimik na tahimik sila. Hinihintay nila ang pagdating ng kanilang lola.

Dumaan muna si Marta sa kanilang bahay. Nakita niya roon sina Juan at Parisa. Inutusan niya si Juan na idala si Parisa sa kabilang bahay. At pumunta na nga ang panganay na apo, buhat-buhat ang kanilang bunso. Ilang sandali pa, sumunod na rin si Aling Marta.

“Nasaan yung mga lintik na ‘yun?” ang tanong niya kay Juan.

“Nandun sa kwarto nanay, nakatago sa kumot,” ang sumbong ni Juan.

Sumigaw si Aling Marta, “Lumabas kayo diyan! Kung hindi, ako ang papasok diyan.”

Dahan-dahan at isa-isa na ngang lumabas ang tatlong bata mula sa kanilang silid.

Muli na naman silang pinalo sa puwitan ng kanilang lola.

“Kayo! Ang titigas ng mga ulo niyo. Iniwan na nga kayo ng itay niyo, ganyan pa ang mga ugali niyo.”

Malakas at sunod-sunod ang palo ng kanilang lola. Si Joseph ay mabilis na umiyak gayundin si Theresa subalit si Santi ay pigil na pigil ang sarili. Nang maramdaman ni Santi na unti-unti ng humahapdi ang kanyang puwit sa palo agad siyang nagsalita, “Tama na po nanay!” ang malakas niyang pakiusap sa lola.

Biglang tumigil si Aling Marta.“Sige magsaing na kayo!..Madali!”Mabilis na nagtakbuhan ang tatlo papasok ng kusina.

Mabilis na hinawakan ni Santi ang kaldero. Sinalinan niya ito ng bigas at pumunta sa labas upang ito’y hugasan sa gripo. Nagpaningas naman ng apoy si Theresa sa kalan. Samantala, sinalinan naman ni Joseph ng tubig ang pitsel.

Di makapaniwala ang tatlong paslit sa pag-uugaling ipinamalas sa kanila ng kanilang lola nang gabing iyon. Tahimik silang nagbubulungan habang nasa kusina.

“Bakit kaya kuya, galit na galit si nanay sa atin?” ang

Ulilang Lubos

Page 165: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

165

tanong ni Theresa kay Santi.“Gawa iyan ni itay, tagal na kasing hindi umuuwi,” ang

sagot ni Santi.Pagkatapos maghapunan, humiga na ang apat na

magkakapatid.“Oh, magdasal muna tayo bago matulog,” ang utos ni

Santi sa kanyang mga kapatid, “Theresa, ikaw ang manguna sa pagdarasal.”

“Ikaw na kuya, mas magaling kang magdasal sakin.”Walang nagawa si Santi. Siya na rin ang nanguna.

Taimtim namang nakinig ang kanyang mga kapatid.“Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Diyos Espiritu

Santo. Amen,” ang bungad ni Santi. “Panginoon, salamat po sa maghapon. Salamat po sa pagkain naming isdang tuyo. Nawa’y masarap na po sana ang ulam namin sa mga susunod na araw. Pagpasensyahan Niyo na po si nanay kanina. Mainit lang po ang ulo niya kasi hindi na po umuuwi si itay. Pagkalooban pa po sana Niyo si nanay ng mahaba pang buhay. Sana po hindi totoo ang tsismis na nag-asawa na ng iba si itay kasi kawawa naman po kami. Patawarin Niyo rin po kami sa aming mga kasalanan at sana po yumaman na kami. Salamat po Papa Jesus. Amen.”

“Amen,” ang wika rin nina Theresa at Joseph. Si Parisa nama’y nakatitig lang kay Santi habang siya’y nagdarasal.

“Kuya Santi, paano pag may asawa na ngang iba si itay?” ang mabilis na tanong ni Theresa sa kuya pagkatapos magdasal.

“Ewan. Di ko alam,” ang sagot naman ng kuya.Lingid sa kaalaman nina Santi, nakikinig lang pala si

Aling Marta sa gilid ng kanilang bahay. Pinakikiramdaman lang pala niya kung natutulog na ang mga ito. Narinig ng matanda ang buong panalangin ni Santi. Halos maiyak siya sa dasal na iyon ni Santi. Napakabait ng kaniyang apo aniya.

Dalawang araw pa ang lumipas. Hindi pa rin nagpakita si Fernan sa kanila. Lalo lang tumindi ang pagkainis ni Aling Marta sa kanya. Awang-awang na rin siya sa kanyang mga apo.

Ulilang Lubos

Page 166: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

166

Kinahapunan nang araw na iyon,“Nanay...nanay,” ang malakas na tawag ni Santi.“Bakit? Ano yun?” ang sagot ni Marta na medyo galit.“Dumating na po si itay.”Nagmamadaling pumaroon si Aling Marta sa kanilang

bahay.“Oh, ay bakit ngayon ka lang nagpakita?” ang bungad

ni Aling Marta.Humagulgol na siya ng iyak nang makita niyang

isinisilid na ni Fernan ang kanyang mga damit sa bag.“Bakit? San ka pupunta?...Totoo ba na nag-asawa ka na

muli?” ang tanong ng ina na patuloy sa pag-iyak.“Pasensya na po nanay,” ang sagot ni Fernan.Lalo pang lumakas ang iyak ng matanda. Samantala,

umiyak na rin sina Santi, Theresa at Joseph.“Oh, ay pano na itong mga anak mo?” ang pahikbi-

hikbing tanong ni Aling Marta. “Magbibigay naman po ako rito.”Hindi na kinaya ni Aling Marta ang sagot na iyon ni

Fernan. Agad na niyang tinalikuran ang anak at umalis patungo sa kanilang bahay.

Pagkatapos isilid ang kanyang mga damit, agad na ring umalis si Fernan. Wala siyang iniwang salita sa kanyang mga anak na nag-iiyak.

“Itay...Itay...Itay,” ang hagulgol ni Santi.Pagkaalis ni Fernan, binalikan ni Aling Marta ang

kanyang mga apo.“Balutin nyo lahat ng damit n’yo. Sundan ninyo yung

ama nyo. Dun daw sila nakatira sa may kanto ng Serapia malapit sa Soter.”

Mabilis namang ibinalot nina Santi, Theresa at Joseph ang kanilang mga damit sa kani-kanilang mga bag. Pinaiwan ni Aling Marta si Parisa. Maiiwan daw sa kanya si Juan at si Parisa.

Umiiyak na umalis ang tatlong bata. Tinungo nga nila ang lugar na sinambit ng kanilang lola. Malayo pa’y natanaw na nila ang kanilang ama sa lugar na iyon.

Ulilang Lubos

Page 167: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

167

“Kuya, ayun oh. Di ba si itay yun?” ang tanong ni Theresa.

“Oo. Siya na nga.”Nasa labas ng bahay si Fernan, may kausap na isang

tao. Dahan-dahang lumapit ang tatlong magkakapatid.“Itay...rito raw po kami tumira sa inyo sabi ni nanay,”

ang bungad na wika ni Santi.Nagulat si Fernan nang makita niya ang kanyang mga

anak.“Umuwi na kayo..di pwede..bilis uwi,” ang mahinang

sambit ni Fernan. Biglang may lumabas na babae sa pintuan ng bahay na iyon.

“Sino yan sila Fernan?” ang tanong ng babae.“Itay...sabi po ni nanay eh,” ang sabad naman ni Santi.“Itay??? Mga anak mo yan?” ang pagalit na tanong ng

babae.“Sige na alis na kayo, UWI!” ang sigaw ni Fernan kina

Santi.Agad tumalikod ang babae na halatang nadismaya at

nagulantang sa kanyang nasaksihan. Umiiyak namang umalis ang tatlong bata. Sinundan agad ni Fernan ang babaeng pumasok sa loob ng bahay.

BINATA.

Ito ang pakilala ni Fernan kay Alice. Nagulat ang babaeng ito nang malamang may mga anak na pala si Fernan. Limang buwan ng buntis si Alice kay Fernan. Matagal na pala ang kanilang relasyon ngunit nito-nito lang sila nagsama. Si Alice ay mula sa kabilang Bayan ng Maya. Isang taga-roon din kina Aling Marta ang naging tulay sa relasyon nina Fernan at Alice. Itinago ng taong ito ang katotohanan kay Alice. Ayon sa taong ito, totoong binata pa si Fernan.

Gabi na nang umuwi ang tatlo. Nilakad lang nila ang daan mula sa kanilang bahay hanggang sa bagong bahay ng kanilang ama at gayundin ang pabalik. Pagod na pagod ang

Ulilang Lubos

Page 168: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

168

mga bata at gutom na gutom.“Nanay, di po kami tinanggap ni itay,” ang malungkot

na wika ni Santi sa kanyang lola pag-uwi nila.“Napaka lintik talaga niyang ama nyo!” ang galit na

sagot ni Marta.“Nakita na po namin yung kabit ni itay, mukhang

mataray nga,” ang muli pang salaysay ni Santi.“Sige matulog na kayo at bukas na bukas ipamimigay

ko na kayo.”“Ha?” ang sagot ni Santi.“Eh, san pa ako kukuha ng ipakakain sa inyo, eto na

nga’t hirap na hirap na ako.”“Nanay dito na lang po kami sa inyo. Tutulungan ko po

kayo kahit saan. Wag nyo lang po kami ipamigay.”“Bahala na.”“Nay, pakain muna, gutom na gutom na po kami.”Pinakain nga ni Marta ang mga apo at maagang

pinatulog.Tatlong anak ni Aling Marta ang maagang dumating sa

kanilang bahay. Nabalitaan nila ang tungkol kay Fernan.Gulat na gulat sila sa ginawa ng kanilang kapatid.

Samantala, kinausap sila ni Aling Marta na kung maaari ay maghati-hati sila sa mga anak ni Fernan. Noong una’y ayaw nila. Sapat lang daw ang kanilang kinikita para sa kanilang mga anak. Subalit nagmakaawa ang ina sa kanila kayat pumayag na rin sila kinalaunan.

Tinawag ng lola ang tatlong magkakapatid. Malungkot na malungkot ang mga ito. Kitang-kita sa kanilang mga mata ang pagwawangis.

“Jude, kunin mo si Santi. Ikaw Ronald, kunin mo si Theresa. Tapos sa iyo si Joseph, Lucas,” ang utos ni Aling Marta sa kanyang mga anak.

Idinala ni Jude si Santi sa kabilang barangay, mga dalawang kilometro lang ang layo mula kina Aling Marta. Siya ay may tatlong anak na pawang maliliit pa.

Si Ronald naman ay idinala si Theresa sa kanilang bahay

Ulilang Lubos

Page 169: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

169

sa ibang barangay lang rin mga tatlong kilometro naman ang layo mula sa bahay ng kanilang ina. Si Ronald ay may dalawang anak.

Si Joseph ang pinakamalayo. Idinala siya ni Lucas sa karatig-bayan. Si Lucas ay may tatlo ring maliliit na anak.

Malungkot si Aling Marta sa ginawang desisyon ngunit ayaw rin naman niyang magutom ang kanyang mga apo kaya’t napilitan siyang gawin ang bagay na iyon.

Isang araw lang ang itinagal ni Theresa at ni Joseph sa mga kumuha sa kanila. Agad na rin silang ibinalik sapagkat iyak daw ng iyak ang dalawang bata. Hindi alam ni Santi na nakabalik na pala ang dalawa niyang kapatid.

Masipag si Santi sa bahay kayat nagustuhan naman siya ni Jude. Si Jude ang pinakapanganay sa lahat ng anak ni Aling Marta. Kapag umaalis ang kanyang tiyuhin at tiyahin, siya ang nag-aalaga sa kanyang mga pinsan. Nililinis din niyang mabuti ang bahay na kaniyang tinutuluyan. Tumagal siya roon ng dalawang linggo.

Isang araw, pagkagaling sa eskwelahan, siya’y dumalaw sa kanyang lola. Laking gulat niya nang makita niya roon sina Theresa at Joseph.

“Oh, bakit narito kayo?” ang tanong niya sa dalawa.“Narito lang naman kami talaga. Isang araw lang kami

roon, ibinalik na rin kami rito. Nag-iiyak kasi kami,” ang sagot ni Theresa.

“Ang daya...” ang wika ni Santi. Mabilis niyang tinungo ang kanyang lola.

“Nanay, mano po,” ang bungad niya kay Aling Marta, “Ang daya naman. Bakit po sina Theresa at Joseph narito lang pala noon pa? Ako lang po pala ang ipinamigay niyo.”

“Eh ibinalik sila rito. Anong magagawa ko?” ang sagot naman ni Marta.

“Dapat po pala umiyak-iyak din ako para ibinalik din ako rito.”

“Ayos lang yun apo, masarap naman mga pagkain mo dun.”

Ulilang Lubos

Page 170: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

170

Sa salitang iyon ni Marta, bigla na lang tumulo ang luha ni Santi.

“Nay...kahit na po di masarap pagkain natin dito...basta gusto ko po...kasama ko kayo. Sige na po nay...babalik na ako rito...”

Mabilis namang naawa si Marta sa apo.“Oh, sige kunin mo na yung mga damit mo dun.

Sabihin mo kay Jude pinababalik na kita rito,” ang utos ng lola.Masayang-masaya si Santi sa kanyang narinig. Gustong-

gusto na kasi niyang makasama ang kanyang lola at mga kapatid.Nagmamadali siyang tumungo sa kanyang tiyuhin at

agad na nagpaalam. Nagpasalamat din siya sa mga tulong nila.Ang limang magkakapatid ay sama-sama ng nakatira sa

bahay nina Aling Marta. Ipinawasak na ng matanda ang bahay nina Fernan sapagkat may kalumaan na rin ito.

Dahil sa pagkukwento ni Aling Marta ng kanilang buhay sa kanyang mga kasamahan, isang kaibigan niya ang naawa. Nagsabi ito na maaari niyang tanggapin si Santi bilang tagahugas ng pinggan sa kanyang maliit na kantina.

Natuwa naman si Marta sa balitang iyon.Tuwing Sabado at Linggo ang pagtatrabaho ni Santi sa

kantinang iyon. Noong una, hindi pa gaanong gamay ni Santi ang trabaho subalit nang tumagal ay bumilis na rin siya rito. Hindi kalakihan ang sahod ngunit nakatutulong na rin kahit papaano.

Nang mapansin ni Santi na parami na ng parami ang kaniyang ginagawa at wala na sa napag-usapan, nagsabi siya sa lola niya na kung maaari ay aalis na siya roon sapagkat siya’y nahihirapan na. Hindi naman tumutol ang lola.

Ulilang Lubos

Page 171: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

171

Malubhang Sakit

“N ay, mano po,” ang bungad ni Santi sa lola. “Meron po akong magandang balita saka masamang balita.”

“Oh, sige magandang balita muna,” ang wika ni Aling Marta.

“May pumunta po sa klase namin kanina. Nagtuturo raw po siya ng pagtatalumpati. Namili ng mga maaaring sumali,” saglit siyang huminto. “Napili po ako.”

“Alam ko na ang masamang balita,” ang saad ni Marta. “May bayad?”

“Opo.”Biglang lumuhod si Santi sa harap ng kanyang lola na

noo’y nananahi.“Nay, sige na po. Payagan niyo na ako. Maliit lang

naman ang bayad,” ang pagsusumamo ni Santi.“Taga saan ba yung nagtuturo? Kausapin ko muna.”“Malapit lang po rito. Duke po ang apelyido.”“Duke? Puntahan nga natin mamaya.”Kinahapunan, pinuntahan nga ng maglola ang taong

iyon na nagtuturo ng talumpati. Laking gulat ni Marta nang makaharap niya ang taong

iyon.“Ikaw pala yun!” ang wika ni Aling Marta.“Oh, bakit Ka Marta?”

Page 172: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

172

“Eh, itong apo natin, napili raw siya sa pag-aaral ng talumpati. Kinausap ako kanina.”

“Ah, apo ba natin yan?”“Oo, anak ito ni Fernan.”“Oo. Nasa klase nila ako kanina.”Nagulat si Santi sa tagpong iyon. Kamag-anak pala nila

si Ginoong Hilario Duke. Nagkakwentuhan na ang dalawang magpinsan

hanggang sa gumawi sila sa sitwasyon nina Santi. Awang-awa si Ginoong Duke sa apo. Nangako siya kay Aling Marta na gagawin niyang libre ang pag-aaral na iyon ni Santi sa kanya.

Hindi makapaniwala si Santi nang hapong iyon. Libre na siya sa pag-aaral ng pagtatalumpati.

“Oh, ayan ha. Wala ka ng problema,” ang wika ni Marta sa apo.

Umakap ni Santi sa kanyang lola, “Salamat po nanay..ng napakarami!”

Talagang mahal na mahal ni Aling Marta ang kanyang mga apo. Gagawa at gagawa siya ng paraan upang matulungan ang mga ito. Hindi na siya sinasang-ayunan ng kanyang mga anak sa kanyang mga ginagawa ngunit para sa kanya hindi iba ang mga batang ito sa kanya. Dugo rin niya ang nananalaytay sa kanila.

Matiyagang hinarap ni Aling Marta at ng kanyang mga apo ang hirap ng buhay. Doble kayod ang matanda sa pananahi. Halos wala na siyang oras magpahinga. Kailangang-kailangan niya ang pera para sa kanila.

Subalit mabilis naningil ang kanyang katawan.“Santi apo, ikuha mo nga ako ng dahon ng bakong,”

ang utos niya sa apo. Minsan na niyang itinuro kay Santi ang kinatataniman ng punong iyon, isang araw na napadaan sila roon. Ayon sa lola, maaari raw ipanggamot ang dahong iyon sa sakit ng tiyan.

Mabilis na umalis si Santi upang tunguhin ang halamang iyon. Isinama niya si Theresa. Malayo ang nilakad ng dalawang bata bago nila narating ang kinatataniman ng puno. Si Santi

Malubhang Sakit

Page 173: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

173

ang umakyat sa masangang puno ng bakong at si Theresa naman ang taga-salo ng mga inilalaglag niyang dahon.

Matapos iyon, umuwi na ang dalawa at ibinigay ang nakalap na dahon sa kanilang lola. Itinapal ni Aling Marta ang dahon sa kanyang tiyan matapos niya itong idangdang sa apoy. Damang-dama ng matanda ang init nito nang ito’y idikit niya sa kanyang tiyan. Mga isang oras ding gumanda ang kanyang pakiramdam. Subalit muling humilab ang kanyang tiyan.

Matapos ang ilang araw, mas tumindi pa ang mga nangyari.

“Santi, itapon mo nga apo itong laman ng arinola,” ang maluha-luhang utos ni Marta sa apo.

“Bakit nanay? Ano po nararamdaman niyo?” ang tanong ni Santi sabay kuha ng arinola. “Ha! Nanay...bakit ang dami po ng dugo?”

“Oo nga eh. Tumakbo ka. Puntahan mo ang Tito Jude mo. Papuntahin mo siya rito.”

Matapos itapon ni Santi ang laman ng arinola, dali-dali na siyang tumungo sa kabilang barangay sa bahay ng kanyang Tito Jude.

“Tito, pinatatawag po kayo ni nanay.”“Bakit daw?”“Dumumi po siya kanina ng dugo.”“ANO?” ang gulat na gulat na tanong ni Jude. “Sandali,

magbibihis lang ako.”Isinabay na ni Jude si Santi pabalik sa bahay ng ina.

Sumakay sila sa trak na minamaneho ni Jude.“Oh, nanay anong nagyari sa inyo?” ang bungad niyang

tanong sa ina. Labis ang kaniyang pag-aalala.“Hindi ko alam. Bigla na lang sumakit ang tiyan ko

tapos nang dumumi ako, ang daming kasamang dugo.”Ipinasundo na rin ni Jude ang iba pa niyang mga

kapatid bago pa sila tumungo roon ni Santi.Maya-maya pa’y nagsidating na rin sina Oleya at ang

kanyang asawa, si Ronald, Lucas at si Fernan na kasama ang kanyang bagong asawa.

Malubhang Sakit

Page 174: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

174

Kinausap nila ang inang nakahiga sa kama.“Ano ba ang nangyari nanay?” ang tanong ni Oleya.“Ewan ko ba. Basta na lang humilab ang tiyan ko.

Sinubukan kong tapalan ng dahon ng bakong nung nakaraang araw. Tapos kanina pag dumi ko, ang daming kasamang dugo.”

“Lumuwas ka na lang kaya kina ate. Doon ka magpatingin. Baka kung ano na yan,” ang wika ni Lucas.

“Masyado ka kasing nagpapakapagod diyan sa mga apo mo, yan tuloy,” ang sabad naman ni Ronald.

“Ano ba kayo? Baka talagang tumatanda na ako,” ang saad naman ni Aling Marta.

“Kunin mo na kasi yang mga anak mo Fernan. Dapat kay nanay nagpapahinga na lang,” ang wika ni Jude.

Wala lang imik si Fernan sa sinabing iyon ng kanyang kuya. Maya-maya pa, lumabas si Fernan at pinapasok sa loob ng kwarto ni Aling Marta ang bago niyang asawa.

“Nay, siya nga pala si Alice,” ang wika ni Fernan sa ina.Dagli lang tumingin si Aling Marta kay Alice tapos

lumingon na siya sa iba.“Alam mo bang maraming anak yang sinamahan mong

lalaki?” ang tanong ni Aling Marta kay Alice. May galit ang tono ng pagtatanong ng matanda.

“Binata po ang pakilala niya sa akin,” ang mahinahong sagot naman ni Alice.

“Eh ngayong alam mo na, ano na ang gagawin mo?” ang muling tanong ni Marta.

“Limang buwan na po akong nagdadalang tao. Hindi na po ako makakakalas kay Fernan.”

“ANO? Limang buwan?” ang pagtatakang tanong ni Marta.

“Matagal na po kaming may relasyon ni Fernan.”“Ay sus!...Lintik ka talagang Fernan ka. Hirap na hirap

ako sa pagtataguyod ng mga anak mo tapos ikaw, kung anu-ano lang pala ang pinag-gagagawa mo,” ang galit na saad ni Marta.

“Basta nanay, magbibigay na lang ako rito,” ang wika ni Fernan.

Malubhang Sakit

Page 175: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

175

Tahimik lang na nakatayo si Alice. Pinagmamasdan niya ang buong silid. Matapos ang ilang sandali, nagpaalam na sina Fernan at Alice. Samantala, napagkasunduan na ng mga anak ni Aling Marta na siya’y iluwas sa Horison.

Kinabukasan, naghanda na si Aling Marta, Juan at Berna, ang asawa ni Jude. Hindi si Santi ang isinama ng lola sapagkat nais ni Marta na ituon ni Santi ang oras sa pag-aaral. Mabilis pa sa alas kwatro ang pagkalat ng balita ukol sa pagkakasakit ni Aling Marta.

Tanghali nang araw na iyon, dumating ang mga kasamahan ni Aling Marta sa pagdarasal. Naroon din si Chita, ang manggagamot. Panandalian munang tiningnan ni Chita si Aling Marta.

“Kinukulam kayo Aling Marta. Taga-rito lang din sa lugar niyo,” ang pahayag ni Chita.

Nagulat si Aling Marta pati na ang iba nilang kasamahan.“Sino naman ang kukulam sakin?” ang tanong ng

matanda.“Sa ngayon po di ko pa makita ang kanyang mukha,

subalit nararamdaman ko na malapit lang dito ang kanyang tirahan,” ang muling salaysay ni Chita.

Dinasalan ni Chita si Aling Marta. Pinagsabihan siya nito na maging matapang at matatag upang matalo ang mangkukulam. Kailangan din daw niyang lakasan ang kanyang loob.

“Mamayang gabi na ang luwas namin. Gusto akong ipatingin ng mga anak ko sa Horison,” ang salaysay ni Aling Marta sa mga kasamahan. “Gusto ko ring marinig ang sasabihin ng doktor.”

“Wala pong problema dun. Basta Aling Marta, tandaan po ninyo, pinakamalakas na sandata ang panalangin,” ang paalala ni Chita sa kanya.

Bago umalis sina Aling Marta nang gabing iyon, kinausap niya ang apat pang apo na maiiwan doon.

“Ikaw ang pinakamatanda dito Santi ha. Tingnan mong mabuti ang mga kapatid mo,” ang paalala ng lola.

Malubhang Sakit

Page 176: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

176

“Opo nanay. Kelan po ba ang balik niyo?” ang tanong ni Santi.

“Di ko pa alam,” ang sagot naman ng lola.Nagsiakap ang apat na mga apo sa kanilang lola. “Isasama ko po kayo sa aking mga dasal,” ang wika ni

Santi.At tumulak na nga ang tatlo patungo sa Horison.Habang nasa daan, walang humpay ang pagdarasal ni

Aling Marta. Nagdarasal siya ng Santo Rosaryo. Ipinagdarasal niyang sana ay bigyan pa siya ng mahabang buhay upang sa gayon ay masubaybayan pa niya ang paglaki ng kanyang mga apo. Nais din niyang makita ang pagtatagumpay nila sa kanilang buhay.

Mahabang oras ang biyahe mula San Jose hanggang Horison. Hamak na mas magagaling ang mga doktor sa Horison kaysa sa San Jose. Mas makabago rin ang kanilang kagamitan at pamamaraan, di tulad sa San Jose na pinagtitiyagaan na lang gamitin ang mga lumang kagamitang pang-medisina.

Kampante si Aling Marta sapagkat sa Horison naninirahan ang anak niyang si Beth. Alam niyang aalagaan siyang mabuti ng kanyang anak.

At narating na nga nila ang Horison. Nagpahinga muna sila sa tahanan nina Beth bago tumungo sa Ospital ng Horison. Lungkot na lungkot si Beth sa sitwasyon ng kaniyang ina.

“Masyado mo kasing inaabuso yang katawan mo para lang sa mga batang yan,” ang sumbat ni Beth kay Aling Marta.

“Eh mas hindi ko naman kakayanin na makitang dumidilat ang kanilang mga mata sa gutom,” ang sagot naman ni Aling Marta.

“Di naman sa ganon nanay, ang gusto ko lang gawin niyo, pilitin niyo si Kuya Fernan na maging responsable sa kanyang mga anak.”

“Hay hay anak...Magtulungan na lang tayo. Hindi naman iba sa atin ang mga batang ito.”

Matapos magpahinga, tinungo na nila ang ospital.

Malubhang Sakit

Page 177: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

177

Nagkataong umatake na naman ang pananakit ng tiyan ni Aling Marta. Sa Emergency Room na siya idineretso.

Isang doktor ang kumausap kay Aling Marta hinggil sa kanyang mga nararamdaman. Matapos kausapin ang matanda, sina Beth naman ang kanyang kinausap. Lumabas sila sa silid. Doon niya sinabi kina Beth at Berna ang kanyang obserbasyon.

“Mga anak po ba kayo ni nanay?” ang tanong ni Dr. Tan.

“Opo,” ang sagot ni Beth, “Kumusta po? Ano pong lagay niya?”

“Base po sa kanyang mga inilahad sa akin, may posibilidad po na kanser ang sakit ni nanay.”

Agad napaiyak si Beth gayundin si Berna. Lalo silang nalungkot sa sinapit ng ina.

“Pero ‘wag po muna kayong malungkot. Iyon po ay sinabi ko lang base sa kanyang mga sintomas. Kailangan ko pa rin pong makasiguro.”

“Ano po ang inyong gagawin?” ang naluluhang tanong ni Beth.

“Ang una po ay stool testing. Pag-aaralan po muna namin ang kanyang dumi.”

At isinagawa na nga ang pag-aaral sa dumi ni Aling Marta. Sa pag-aaral ng doktor, lumakas ang ebidensyang may kanser nga siya. Muling kinausap ng doktor sina Beth.

“Base po sa aming pag-aaral, lumakas po ang ebidensyang may kanser nga po si nanay,” ang salaysay ni Dr. Tan.

“Sigurado na po ba yun?” ang tanong ni Beth.“Magsasagawa pa kami ng colonoscopy at colon biopsy. Dun

po masisiguro na namin. Kaya lang, may kaunting kamahalan po ang mga pagsusuring iyon. May sapat po ba kayong pera?” ang tanong ng doktor.

“Problema nga rin po namin iyon.”“Maaari naman po kayong lumapit sa ilang ahensya ng

ating pamahalaan upang kayo po ay matulungan.”

Malubhang Sakit

Page 178: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

178

“Ganun po ba. Sige po payag na kami sa susunod na pagsusuri,” ang saad ni Beth.

Lumapit nga sina Beth sa isang ahensyang tumutulong sa mga mahihirap at kapuspalad. At doon naisagawa na ang colonoscopy at colon biopsy. May isinuot na instrumento na tinatawag na colonoscope sa puwit ni Aling Marta upang makita ng maliit na kamera ang loob ng kaniyang malaking bituka. Kumuha rin ng maliit na laman o polyps sa loob nito. Ayon sa doktor, kailangan nilang maghintay ng mga ilang araw upang malaman ang resulta ng pag-aaral.

Sa pangatlong araw ni Aling Marta sa ospital, isang di inaasahang bisita ang dumating.

“Nanay!” ang sigaw ni Magda, sabay lapit at yakap sa kanyang biyenan. “Ano pong nangyari sa inyo?” ang wika niya na halos maluha-luha pa.

“At bakit narito ka?” ang galit na tanong ni Aling Marta.“Si nanay naman,” ang sagot niya, “nalaman ko pong

nakaratay kayo rito kaya pumunta ako.”“Oh, ay ano ng buhay mo? Yung mga anak mo, ayun...

mga namamatay na sa gutom,” ang galit na wika ni Marta.“Eh, nakapangasawa na po ako. Angelo po ang

pangalan niya,” ang salaysay ni Magda.“Si Fernan din may asawa na. Kaawa-awa na itong

mga anak niyo. Mga ulila ng lubos.”“Opo. Nabalitaan ko nga po yun.”“Wala na ba talaga kayong plano sa mga anak niyo.

Kapag ako’y nawala, mas lalong kaawa-awa ito sila.”Tahimik lang si Magda sa tinuran ni Aling Marta.

Siya’y nauumid. Nagulat sina Beth sa pagdating na iyon ni Magda. Si

Juan ay bumibili ng pagkain sa labas ng ospital nang mga oras na dumating ang ina. At nang magkita ang dalawa,

“Anak,” ang tawag ni Magda kay Juan sabay yakap sa bata.

Hindi lang nagsalita si Juan. Hindi rin niya alam kung ano ang kanyang sasabihin sa kanyang inay.

Malubhang Sakit

Page 179: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

179

“Pansamantala na muna siyang tumigil sa pag-aaral. Siya ang nagbabantay at nag-aalaga sa akin,” ang salaysay ni Marta kay Magda.

Dahil sa trabaho ni Beth, hindi siya gaanong nakapagbabantay sa ina. Si Magda ang nagprisintang pumalit sa kanya. Ilang araw ring binantayan at inalagaan ni Magda ang biyenan. Nakiusap muna siya kay Angelo na kung maaari ay payagan siyang magbantay sa kanyang biyenan. Pumayag naman ito. Dahil sa ipinamalas ni Magda kay Marta, kinalauna’y nawala na rin ang galit niya sa manugang.

At dumating na ang resulta ng pagsusuri.

Kinausap muna ng masinsinan ni Dr. Tan sina Beth, Magda at Berna sa labas ng silid upang hindi marinig ni Aling Marta.

“Malungkot po ang naging resulta ng pagsusuri,” ang bungad ng doktor. Tahimik na nakikinig ang tatlo. “Positibo nga po na may kanser si nanay.”

Agad nag-iyakan ang tatlong babae. Samantala, malungkot ang mukha ng doktor. Muli itong nagsalita.

“At nasa Stage 4 na po ang kanyang kanser. Baka anim na buwan na lang po ang itatagal niya. Malignant na po kasi ito. Kumalat na po sa iba pang parte ng katawan niya ang kanser.”

Lalong nag-iyakan sina Magda, Beth at Berna sa kanilang narinig. At umalis na ang doktor. Pinakiusapan ni Beth ang doktor na ‘wag na niyang sabihin sa kanyang ina ang resultang iyon. Siya na lang ang magsasabi aniya.

Nang sabihin nina Beth kay Aling Marta ang mga sinabi ng doktor, mabilis na humagulgol ang matanda. Agad niyang naisip ang mga apong kanyang maiiwan.

“Huwag niyo ng ipaalam sa mga bata. Ayokong maging malungkot sila,” ang utos ni Marta kina Beth.

“Nanay, magdasal po kayo may awa ang Diyos,” ang wika ni Magda sa biyenan.

“Iuwi niyo na ako. Mas gusto kong mamatay sa San

Malubhang Sakit

Page 180: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

180

Jose,” ang malungkot na pakiusap ni Marta.Nasunod nga si Aling Marta. Iniuwi na siya nina

Berna at Juan. Si Magda naman ay hindi na sumama sa kanila gayundin si Beth. Bago umuwi si Aling Marta kinausap siya ni Magda.

“Nay, patawarin nyo po ako ha. Mahal na mahal ko naman po ang aking mga anak. Talagang naghihintay lang po ako ng suwerte at babalikan ko rin sila,” ang wika ni Magda.

“Sige, basta huwag na huwag mo silang kalilimutan,” ang saad ni Aling Marta.

Bago sumakay si Aling Marta sa inarkilang sasakyan nina Beth pauwi sa San Jose, inayos niya ang kanyang sarili. Naglagay siya ng pulbos sa mukha, lipstik sa labi at kung anu-ano pa.

“Nanay, para po kayong pupunta sa isang pagdiriwang ah,” ang biro ni Juan sa kanyang lola.

“Para pag nakita ako ng mga tao sa atin, sabihin nila magaling na ako,” ang wika naman ni Marta.

Makalipas ang mahabang oras na biyahe, nakarating na rin ang tatlo sa San Jose. Isa-isang nagpuntahan ang mga kapitbahay nina Aling Marta upang alamin ang kanyang kalagayan at kumustahin na rin siya.

Tuwang-tuwa sina Santi at Theresa sa pagbabalik ng kanilang lola.

“Nanay, magaling na po ba kayo?” ang masayang tanong ni Santi.

“Oo. Magaling na ako,” ang sagot naman ng lola. “Kailangan ko lang magpahinga.”

Sa pagbabalik na iyon nina Marta, dumalaw ang anak niyang si Ronald kasama ang asawang si Enyang.

“Nanay, pwede ba akong magtayo rito ng kubo sa pinagtirhan ni Kuya Fernan? Tuluyan ko lamang pagkagaling ko sa trabaho para di na ako ginagabi pauwi ng bahay,” ang wika ng anak kay Marta.

“Ayos lang, tutal bakante naman na yang lupa,” ang sagot ni Marta.

Malubhang Sakit

Page 181: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

181

Pumayag si Marta sa hiling ng anak sapagkat kubong tuluyan lang naman ang sinabi nito.

Pagkaraan ng dalawang araw, nagulat ang lahat nang may dumating na trak sakay ang buhangin, semento, mga bakal at kahoy. Hindi na pala kubo ang ipagagawa nina Ronald kundi konkretong bahay na. Nagalit si Aling Marta, subalit wala na rin siyang nagawa. Pilit niyang ipinauunawa kay Ronald na kay Fernan ang loteng iyon ngunit ayon kay Ronald, wala naman doon ang kapatid niyang si Fernan.

Nalinlang nila si Aling Marta!Mabilis na naipagawa ang naturang bahay. Pinatambakan

iyon ni Enyang ng buhangin upang maging mas mataas ang kanilang bahay. Samantala, patuloy pa ring lumalaban si Aling Marta sa kanyang sakit.

Isang araw, naikwento ni Ronald ang tunay na kalagayan ng ina sa asawa niyang si Enyang. Sadyang may kadaldalan ang bibig ni Enyang. Ikinalat niya ito sa buong baranggay.

Minsan naglalaro si Santi sa labas ng kanilang bahay. Si Enyang naman ay may kakuwentuhang mga kapitbahay. Nakaratay noon si Aling Marta sa loob ng kanilang kwarto.

“Di na rin magtatagal, mamamatay na rin yang matandang iyan,” ang wika ni Enyang sa kanyang mga kakwentuhan.

Nagulat si Santi sa kanyang narinig. Agad niyang tinungo ang kanyang lola sa silid. Naluluha siya habang nagsasalita.

“Nanay, totoo po ba yung sabi ni Tita Enyang, na di magtatagal ay mamamatay na raw po kayo?” ang naluluhang wika ni Santi kay Marta.

Mabilis na napahagulgol si Marta sa tanong na iyon ng kanyang apo. Sa lakas ng kanyang iyak, mabilis itong narinig ni Berna na noo’y naglalaba ng mga damit ng matanda.

“Nanay, bakit kayo umiiyak?” ang tanong ni Berna.“Yang mga tao diyan sa labas, buhay pa lang ako ay

pinapatay na nila ako,” ang tugon ni Aling Marta.“Bakit? Anong sabi?” ang muli pang tanong ni Berna.

Malubhang Sakit

Page 182: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

182

“Narinig daw ni Santi, sabi raw ni Enyang di raw magtatagal at mamamatay na rin daw ako.”

Lumabas si Berna at tinungo si Enyang sa labas.“Enyang, ano raw yung sinabi mong mamamatay na

raw si nanay. Narinig daw ni Santi kaya isinumbong nya kay nanay.”

“Ano? Napakasinungaling niyang batang iyan,” ang malakas sa saad ni Enyang. “Santi!”

Lumabas ng bahay si Santi. Mabilis siyang sinugod ni Enyang at nilamutak ang kanyang mukha.

“Ay bakit napakasinungaling mong bata ka.”Napaiyak si Santi, “Talaga naman po. Narinig ko sabi

niyo di magtatagal at mamamatay na si nanay.” Pagkasabi ni Santi, tumakbo siya sa loob ng bahay patungo sa silid ni Aling Marta.

Isinumbong niya ang ginawa sa kanya ni Enyang. Lalo pang nagalit si Aling Marta.

~Hindi lang iyon ang ugaling ipinakita ni Enyang. Isang

araw, sinabihan ni Marta si Santi na bulungan ang kanyang Tito Ronald upang bumili ng bulalo. Natatakam daw kasi siya sa lasa ng bulalo. Agad namang umalis si Ronald upang bumili ng nais ng kanyang ina.

Nang dumating si Ronald, nakita siya ni Enyang na may hawak na isang supot na bulalo.

“Kanino yan?” ang tanong ni Enyang.“Kay nanay. Gusto raw niyang kumain ng bulalo,” ang

sagot naman ni Ronald.“Aba! Ang galing mo naman. Tayo, ang ulam daing na

isda, tapos yang nanay mo pakakainin mo ng bulalo. Ay sobra ka naman!”

“Tumigil ka nga diyan! Nakita mong may sakit yung tao!” ang malakas na sigaw ni Ronald.

Iniabot na ni Ronald ang bulalo kay Santi upang ibigay

Malubhang Sakit

Page 183: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

183

kay Aling Marta. Nang ipakakain na ito ni Santi sa kanyang lola, ayaw na

itong kainin ni Marta.“Ibalik mo na yan sa Tito Ronald mo. Sabihin mo

ipinababalik ko. Ayaw kong kumain ng pagkain na hindi bukal sa kalooban ang pagkakabigay,” ang wika ni Marta. Narinig pala niyang lahat ang naging pagtatalo nina Ronald at Enyang.Sa mga sumunod na araw, lalong lumala ang karamdaman ni Aling Marta.

Malubhang Sakit

Page 184: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

184

Malubhang Sakit

Page 185: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

185

Paalam!

M agdadapit hapon. Masayang nakikipaglaro sina Santi, Theresa at Joseph ng patintero sa

kasesementong daan, di kalayuan sa kanilang bahay. Ang daang iyon ay sampung araw palang na ipinatutuyo. May haba itong dalawampung metro at may lapad na anim na metro. Proyekto ito ng kaluluklok na alkalde ng kanilang bayan. Usap-usapan ng mga tao sa kanilang baranggay ang umano’y kurapsyon sa proyektong iyon. Dapat daw ay mas mahaba at mas makapal ang kalyeng iyon subalit tinipid daw iyon ng inhinyerong may hawak sa naturang proyekto. Nagpaalam si Santi sa kanyang lola na maglalaro lang sandali sa kagagawang kalye. Pumayag naman ang matanda. Sumama sa kanya sina Theresa at Joseph. Ang dalawa niyang kapatid na iyon ay laging nakabuntot sa kanya. Mas kasundo nila ang kuyang si Santi kaysa kay Juan kung kaya’t kahit saan maglaro si Santi ay naroon din sila. Takot ang ibang mga bata sa kanila kapag kasama nila ang kanilang kuya sapagkat kilalang matapang at palaban si Santi sa mga umaaway sa kanilang magkakapatid. Ilang sandali pa ang lumipas, isang traysikel ang humaharurot na dumaan sa kagagawang kalyeng iyon. Mabilis na nagtabihan ang mga batang naglalaro. Mabilis ang mga pangyayari, halos hindi nila naaninagan ang nakasakay sa loob

Page 186: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

186

ng traysikel. Madilim na kasi ang kapaligiran. Matapos ang ilang minuto, isang kapitbahay nina Santi ang nagmamadaling dumaan sa kalyeng iyon.

Nakita niya si Santi. “Hoy Santi, gabi na naglalaro pa kayo sa kalye. Hindi niyo ba alam yung lola niyo itinakbo sa ospital, mamamatay na,” ang sigaw ng kapitbahay nilang babae sa kanya.

Mabilis na lumapit si Santi sa babaeng iyon.“Ano po? Si nanay itinakbo sa ospital?” ang tanong ni

Santi.“Oo. Heto nga at pupunta ako doon. Titingnan

ko kung ano na ang kalagayan ng lola niyo. Isinakay siya sa traysikel ni Mang Estong,” ang sagot naman ng babae na nagmamadaling lumakad papunta sa Panlalawigang Ospital di kalayuan sa kanilang baranggay.

Noon lang napagtanto ni Santi na lola na pala nila ang sakay ng traysikel na humarurot sa kalyeng kanilang pinaglalaruan.

Mabilis niyang tinawag sina Theresa at Joseph. Niyaya niya sila na pumaroon sa ospital.

“Theresa, Joseph. Tumigil na kayo. Si nanay raw itinakbo sa ospital,” ang wika ni Santi sa dalawa niyang kapatid. Kitang-kita ang pagkabahala sa mukha ni Santi.

“Tara puntahan natin si nanay,” ang mabilis na yaya ni Theresa.

At pumaroon na nga ang tatlo sa ospital. Ang Panlalawigang Ospital ay malapit lang sa kanilang baranggay. Nasa isandaan at limampung metro lang ang layo nito mula sa kalyeng pinaglalaruan nina Santi. Tinagurian itong Ospital ng mga Patay sapagkat ang mga pasyente raw rito ay hindi nabubuhay bagkus ay nangamamatay. Kahit daw simple lang ang sakit ng isang tao ay biglang lumalala kapag ipinasok sa ospital na iyon.

Mayroon ngang isang pangyayari sa kanilang baranggay. Isang babaeng kapitbahay nina Aling Marta ang aksidenteng nakainom ng kemikal na pamatay sa insekto. Mabilis itong

Paalam!

Page 187: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

187

isinugod sa ospital na iyon. Noong una’y malakas pa ang babaeng iyon. Nakapagsasalita pa siya. Subalit wala ni isa mang doktor ang nasa ospital nang gabing iyon. Nagsasaya ang mga ito sa diskohan sa aplaya. Ipinatawag ang mga doktor. Subalit huli na nang sila’y dumating. Pumanaw na ang babae. Galit na galit ang mga tao sa kanilang baranggay hinggil sa pangyayaring iyon.

Isa lang iyon sa dahilan kung bakit tinawag na Ospital ng mga Patay ang ospital na yaon.

Ayaw man ni Aling Marta roon, wala na siyang nagawa. Nag-iisa lang ang ospital na iyon sa kanilang probinsya.

Nang makarating ang tatlo sa ospital, hindi sila nakapasok sa silid ng kanilang lola. Napakaraming kapitbahay nila ang naroroon at nakikiusyoso. Nagpuntahan din pala ang iba nilang kapitbahay noong mabalitaan nilang isinugod si Aling Marta sa ospital. May nagsabi kasi na halos hindi na raw humihinga si Aling Marta at malapit ng mamatay kaya’t nakikibalita ang iba kung pumanaw na nga ang matanda.

Sinilip ni Santi ang kalagayan ng lola. Sumiksik siya sa kumpulan ng mga tao. Nang makita niyang nagsasalita lang ang lola, agad siyang bumalik sa labas sa kinatatayuan nina Theresa at Joseph.

“Sus. Di pa naman pala patay. Nagsasalita pa nga si nanay,” ang wika ni Santi sa dalawa niyang kapatid. Nawala ang kaba ni Santi sa kanyang dibdib.

“Tara roon muna tayo sa palaisdaan,” ang yaya ng kuya sa dalawa niyang kapatid.

May maliit na palaisdaan sa harap ng ospital. Mga tilapya ang isdang naroroon. Tuwang-tuwa si Santi tuwing pinupuntahan niya ang palaisdaan na iyon. Nalilibang kasi siya sa malalaking isda na lumalangoy. Matagal na niyang nais pamingwitan ang isdaang iyon subalit hinahabol sila ng guwardiya ng ospital tuwing lumalapit sila dala ang pamingwit.

Madilim na kaya’t hindi na niya naaaninagan ang mga tilapia subalit kitang-kita niya at ramdam na ramdam niya ang mga pusag ng mga isda sa tubig.

Paalam!

Page 188: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

188

Panandalian munang tumambay ang tatlong magkakapatid sa lugar na iyon. Hinintay nilang magsiuwian ang kanilang mga kapitbahay upang sa gayon ay mas maayos nilang makausap ang kanilang lola.

Isa-isa na ngang naglabasan sa ospital ang kanilang mga kapitbahay. Samantala, taimtim pa ring naghihintay ang tatlo sa labas. Nang halos wala ng lumalabas sa bukana ng ospital, niyaya na ni Santi ang dalawa niyang kapatid na puntahan ang lola nilang si Marta.

Tamang-tama. Si Juan na lang ang naroroon at nagbabantay kay Aling Marta.

“Oh, nanay. Ano po ang nangyari sa inyo?” ang bungad na tanong ni Santi.

“San ba kayo galing? Bakit ngayon lang kayo?” ang balik na tanong ni Juan sa mga kadarating na kapatid.

“Kanina pa kami narito. Nandun lang kami sa harap, sa palaisdaan, kasi di kami makapasok. Ang daming tao rito kanina,” ang tugon naman ni Santi.

“Kayo muna ang magbantay kay nanay at kukunin ko lang yung gatas niya sa bahay,” ang utos ni Juan sa kanila.

Pagkaalis ni Juan, lumapit si Santi kay Aling Marta.“Nay, ano na po pakiramdam niyo?” ang tanong niya

sa lola.“Nahilo ako kanina. Bigla na lang akong nawalan ng

malay.” Bahagya niyang hinaplos ang kanyang noo. “Si Parisa pakainin niyo muna. Naiwan siya sa bahay.”

“Sige po uwi muna ako. Ikaw muna rito Theresa,” sabi ni Santi.

Naiwan nga si Theresa sa kanyang lola. Pinagmamasdan niya ito.

“Nay, ano po yang nasa ilong niyo?” ang tanong ng paslit na si Theresa.

“Oxygen,” ang wika ni Marta sabay hila sa tubong maliit na nakapasok sa kanyang ilong. “Mas lalo lang akong nahihirapang huminga rito.”

“Patingin nga nanay,” ang saad ni Theresa sabay suot ng

Paalam!

Page 189: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

189

maliit na tubo sa kanyang ilong. “Ah, ganito pala ang oxygen.”Natuwa si Theresa sa maliit na tubong iyon na kanyang

isinuot sa ilong. Natawa naman sa kanya si Aling Marta.“Huwag mong paglaruan baka tayo kagalitan nung

nars,” ang saway ng lola sa apo.“Pampa-anu ba iyan nanay?” ang muling tanong ng

paslit na si Theresa.“Eh di kapag nahihirapan kang huminga, ilalagay yan

sa ilong mo,” ang tugon ng lola.“Eh itong isa naman?” ang tanong na naman ni Theresa.“Dextrose. Para hindi ka maubusan ng tubig sa katawan.”“Ayoko pong magkasakit nanay, parang masakit ang

turok na yan.”Pagkaraan ng ilang sandali dumating na si Juan dala

ang gatas ng lola. Ipinagtimpla niya ito at ipinainom sa lola ang gatas.

Umuwi muna sandali si Theresa upang maghapunan. Nadatnan niyang nagluluto ang kuyang si Santi.

“Kuya, mamamatay na kaya si nanay?” ang malungkot na tanong ni Theresa kay Santi.

“Anung mamamatay, kita mo ngang ang lakas-lakas lang niya kanina.”

“Eh papano na tayo kuya sakaling mamatay nga si nanay?”

“Ang kulit mo. Hindi nga yun mamamatay. May awa ang Diyos sa atin, di pa niya kukunin si nanay.”

“Sana lumaki muna tayo bago siya mamatay.”“Ewan ko sayo. Kung anu-ano ang pinag-iiisip mo.”Pagkatapos magluto, pinakain ni Santi ang kanyang

mga kapatid at pinatulog. Nang makatulog na si Parisa at Joseph, umalis sila ni Theresa at pumaroong muli sa ospital.

Nakapalibot ang tatlong magkakapatid sa higaan ni Aling Marta. Kanya-kanya silang pwesto. Si Theresa ay nakaupo sa kaliwang bahagi ng higaan, si Juan naman ang nasa kanan. Si Santi ang nasa bandang paanan ng lola. Minamasahe niya ang mga daliri ng paa ng kanyang lola.

Paalam!

Page 190: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

190

Noong una, hindi pumayag ang mga nars na tatlo ang maging bantay ni Aling Marta subalit dahil sa pakiusap ng matanda pumayag na rin sila.

Gising lang si Aling Marta kahit halos mag-aalas dose na ng madaling-araw. Hindi rin makatulog ang tatlo dahil gising pa ang matanda.

Sa silid mayroon pang dalawang pasyente bukod kay Aling Marta. Galing ang mga ito sa kabilang bayan. Hindi sila kilala nina Aling Marta.

Dahil hindi makatulog, nagkwentuhan na lang ang mga maglolola. Si Santi ang pinaka madaldal sa kanilang magkakapatid kaya’t siya ang nanguna sa pagkukwento. Tawa ng tawa sina Aling Marta sa mga kwento ni Santi. Kapag napapalakas ang kanilang tawa, sumesenyas si Aling Marta sa mga apo na hinaan ang kanilang mga boses.

Mga alas dos na ng umaga nang makatulog ang tatlong bata. Samantala, gising pa rin si Aling Marta. Hindi siya dinadalaw ng antok. Sa kanilang pagkakaupo na nakatulog ang tatlong magkakapatid. Nakayuko sila at nakatuon ang mga ulo sa higaan ni Aling Marta.

Matapos ang dalawang oras, nakaramdam ng uhaw ang matanda. Nais niyang uminom ng gatas. Ginising niya si Theresa.

“Huy Theresa...Theresa,” ang mahinang tawag ni Aling Marta.

Hindi nagising si Theresa sa tawag na iyon. Siya ang pinakamalapit sa kanyang lola subalit hindi siya maabot nito. Hindi masyadong nakakikilos si Aling Marta. Tanging ang kanyang mga kamay lang ang nakagagalaw.

“Santi...Santi,” ang tawag naman niya kay Santi. “Juan..Juan,” ang tawag din niya sa isa pa.

Wala ni isa man sa kanilang tatlo ang nagising. Nakita ni Aling Marta ang alkohol sa kanyang ulunan. Binuksan niya ito at ipinusit sa mata ni Theresa. Naramdaman agad iyon ni Theresa at mabilis siyang nagising. Pagmulat ng kanyang mga mata, nakaramdam siya ng hapdi. Naiyak si Theresa.

Paalam!

Page 191: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

191

Samantala, tawa naman ng tawa si Aling Marta. “Aray... ang sakit,” ang iyak ni Theresa.Nagising sina Juan at Santi dahil sa iyak ni Theresa.“Bakit nanay, ano pong nangyari?” ang tanong ni Santi. Nagtatawang sumagot si Aling Marta, “Pinusitan ko

si Theresa ng alkohol sa mata,” ang tugon niya. “Ayaw niyo kasing gumising eh kanina pa ako tumatawag. Magpapatimpla sana ako ng gatas.”

Natawa na rin sina Santi at Juan dahil doon. Maya-maya pa’y nawala na ang hapdi ng mata ni Theresa at tumawa na rin siya.

Si Santi na ang nagtimpla ng gatas ng kanyang lola. Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin dinadalaw ng antok si Aling Marta. Hindi na rin bumalik pa sa pagkakatulog ang magkakapatid. Nagkwentuhan na lang muli sila.

“Eh nay, ano na po ang nararamdaman niyo?” ang tanong ni Juan matapos mainom ni Aling Marta ang kalahating basong gatas.

“Parang malapit na ako mawala,” ang tugon ng lola.Mabilis hinaplos ni Santi ang kanyang paa. “Nay, di

ka pa po pwedeng mawala kasi hindi pa ako nakakatanggap ng Unang Karangalan, saka sasabitan niyo pa ako ng medalya sa aking pagtatapos sa elementarya. Tapos papanuurin niyo pa kung papano ako magtalumpati.”

Nagulat ang tatlo sa sinabing iyon ni Aling Marta kaya’t mabilis siyang binara ni Santi sa kanyang mga tinuran.

“Para kasing pahina na ako ng pahina,” ang dagdag ng matanda.

“Gusto niyo po bang uminom ng gamot?” ang tanong ni Juan.

“Basta kapag ako’y nawala, magmahalan kayong magkakapatid ha,” ang wika ng matanda, “saka wag kayong mag-aaway at mag-aaral kayong mabuti. Magtulungan kayo. Wag niyo ng asahan ang ama niyo at may iba na siyang pamilya. Magsikap na lang kayo sa inyong mga sarili.”

Taimtim na taimtim lang na nakikinig ang tatlo habang

Paalam!

Page 192: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

192

nagwiwika ang kanilang lola sa mga bilin niya.“At wag na wag kayong makalilimot magdasal sa

Panginoon. Ikaw Santi,” ang saad ni Aling Marta sabay tingin kay Santi, “ipangako mo sa akin na magsisikap ka sa iyong pag-aaral at tutulungan mo ang lahat ng iyong mga kapatid ha.”

“Opo nanay, ipinapangako ko po,” ang sagot naman ni Santi.

“Nanay naman eh,” ang wika ni Juan. “Para namang mawawala na kayo kasi panay ang bilin niyo.”

Ayaw isipin ni Santi na mawawala na nga ang kanilang lola, gayundin ang nasa isipan ni Juan. Tanging ang matanda na lang kasi ang kumakalinga sa kanila. Hindi nila alam ang kanilang magiging buhay sakaling pumanaw ang kanilang lola.

Bahagyang lumungkot ang tatlong bata sa mga tinuran ng kanilang lola.

“Nanay, basta magdasal lang po kayo. Pagagalingin din kayo ng nasa Taas,” ang wika ni Santi.

“Oo nga nanay,” ang sang-ayon naman ni Juan. “Pag nawala kayo siguradong kakawawain lang kami ng mga tao.”

Hindi na umimik ang matanda sa mga pahayag ng kaniyang mga apo. Subalit bahagya siyang ngumiti sa mga ito. Lalo ng nawala ang antok ng tatlong magkakapatid. Ang mga isip nila’y tumuon na sa mga salitang binitawan ng kanilang lola.

Mag-aalas sais na ng umaga. Hindi pa rin natutulog ang tatlong bata at ang kanilang lola. Subalit si Juan at Theresa ay unti-unti ng napapapikit ang mga mata.

“Nay, uwi muna ako. Matutulog muna ako sa bahay,” ang wika ni Juan.

“Pasama. Ako rin,” ang saad ni Theresa.Umalis na nga ang dalawa. Naiwan naman si Santi.“Nay, gusto niyo po maggatas uli?” ang tanong ni

Santi. Umiling lang ang ulo ng lola. Hindi siya nagsalita.Ilang minuto pa ang lumipas at dinalaw na rin ng antok

ang paslit na si Santi. Maya-maya pa’y nakatulog na siya sa kanyang pagkakaupo malapit sa ulunan ng lola.

Paalam!

Page 193: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

193

Alas otso ng umaga.Naalimpungatan si Santi sa kanyang pagkakatulog

dahil sa malakas na iyak ng bantay ng katabi nilang pasyente sa kanilang silid. Yumao na ang kanyang binabantayan. Awang-awa si Santi sa taong iyon. Nakatitig siya sa pasyente habang sinusubukang ibalik ng doktor at nars ang hininga ng pasyente. Subalit hindi rin sila nagtagumpay. Tuluyan na ngang namaalam ang pasyenteng iyon.

Lungkot na lungkot si Santi sa sinapit ng katabing pasyente. Sana’y hindi magkaganon ang kanilang lola, ang dasal niya.

Matapos iyon, ibinaling niya ang kaniyang paningin sa kanyang lola.

“Nay, kawawa naman yung pasyente. Namatay na,” ang salaysay niya kay Aling Marta.

Si Marta ay nakatingin lamang sa kisame ng kanilang silid at dahan-dahang pabuka-buka ang mga labi. Wala ng boses na lumalabas sa kanyang bibig. Nagulat si Santi.

“Nanay...Nanay!” ang malakas na tawag niya sa kanyang lola, “Naaano na po kayo? Bakit di na po kayo makapagsalita?” Mabilis siyang lumabas ng silid at tinungo ang mga nars.

“Pakitingnan nga po yung lola ko roon sa silid na yon,” ang utos ni Santi sa isang nars sabay turo sa kanilang silid. Mabilis na tinungo ng nars ang silid at tiningnan ang kalagayan ng matanda. Pagkatapos, lumabas siya at tinawag ang kanilang doktor.

Tahimik ang doktor habang tinitingnan ang kalagayan ni Aling Marta. Bakas sa mukha nito ang hindi magandang balita.

“Apo ka ba niya?” ang tanong ng doktor kay Santi.“Opo.”“Tawagin mo na yung mga kaanak niyo.”Parang nabingi si Santi sa kanyang narinig. Alam niya

ang ibig sabihin ng doktor sa kanyang winika. Hirap na hirap siya sa kanyang paghakbang papalabas ng silid. Natatakot siya na baka di na niya maabutang humihinga ang kanyang

Paalam!

Page 194: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

194

lola pagbalik niya. Subalit pinilit niya ang kanyang sarili na humakbang papalayo sa silid. Bumilis lang ang kanyang lakad nang makalabas na siya sa ospital.

“Kailangang masabi ko sa lahat ang kalagayan ni nanay para mapuntahan nila siya at maabutan pang humihinga,” ang wika niya sa kanyang sarili.

Kumaripas siya ng takbo. Nang makarating siya sa bahay nila, agad niyang sinabi sa tatlong anak ni Marta na naroon, ang kalagayan ng ina. Ginising na rin niya sina Juan at Theresa.

“Santi, puntahan mo si Mang Pedro. Sabihin mo mangongomunyon si nanay,” ang utos ng kaniyang tito.

Mabilis na sumugod ang tatlong anak ni Aling Marta pati ang kani-kanilang mga asawa sa ospital. Sumunod din sina Juan at Theresa.

Samantala, pinuntahan nga ni Santi ang bahay ni Mang Pedro. Kinausap niya ito at isinama sa ospital. Nang dumating si Santi at Mang Pedro, nakapaikot na ang lahat kay Aling Marta. Sinimulan na ni Mang Pedro ang komunyon para kay Aling Marta. Tahimik ang lahat na nakikinig kay Mang Pedro.

Nakatingin si Santi sa kanyang lola. Hindi na kumukurap ang mga mata nito. Agad niyang hinaplos ang mga kamay ng lola. Hindi na kumikilos ang matanda. Tanging ang bibig na lang nito ang gumagalaw. Dahan-dahang bukas-sara ng bukas-sara ang bibig ni Aling Marta.

Nang isusubo na ni Mang Pedro ang ostiya kay Aling Marta, nalagutan na ito ng hininga.

“Marta, Marta,” ang tawag ni Mang Pedro. Hindi na ito kumikilos.

Hindi na itinuloy pa ni Mang Pedro ang pagsubo. Ibinalik na lang niya sa lalagyan ang naturang ostiya. Agad na nag-iyakan ang mga anak at manugang ni Aling Marta. Mabilis namang dumating ang doktor at mga nars upang ibalik ang hininga ng matanda subalit wala na silang nagawa. Lalo ng lumakas ang iyak ng mga manugang ni Aling Marta.

Samantala, hindi umiiyak sina Juan, Theresa at Santi.

Paalam!

Page 195: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

195

Nangingilid na ang mga luha sa kanilang mga mata ngunit pinipigilan nila ito. Ayaw nilang sabayan ang kanilang mga tito at tita sa pag-iyak.

Lumabas sa silid si Santi. Lumakad siya papalabas ng ospital. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng kanyang mga paa. Pinababayaan lang niya ito kung saan siya nito aakayin. Blangko ang kanyang isip. Lakad lang siya ng lakad. Maya-maya pa’y ang daan patungo sa dalampasigan na pala ang kanyang tinatahak.

Malayu-layo na ang kanyang nalakad.Nang tumapak na siya sa buhanginan, doon bumagsak

ang kanyang mga luha. Hindi na niya napigilan ang kanyang damdamin na nagtatangis.

“NAY!” ang sigaw niya habang umiiyak. “Bakit mo kami iniwan? Pano na kami ngayon? Saan na kami pupulutin? Di ba sabi mo hihintayin mo pang makatapos ako? Nasan ka na?”

Naramdaman ng langit ang kanyang pighati. Nakiayon ito sa kanya. Bahagyang natakpan ng mga ulap ang tumitirik pa lang na sikat ng araw. Halos mapaluhod si Santi sa kanyang pag-iyak.

“Di ba sabi mo sasabitan mo pa ako ng medalya? Nasan ka na Nay?”

Labis na nagtatampo ang paslit sa kanyang lola dahil sa pag-iwan sa kanila nito. Nais niya itong kausapin at tanungin bakit bigla silang iniwan.

“Wala ng magtatanggol sa amin. Wala ng gagabay sa amin,” ang bulalas ng bata habang umiiyak. Lalo pang lumakas ang kanyang paghinagpis ng sambitin niyang, “At wala ng magpapakain sa amin ngayon. Wala na Nay..wala na!”

Sa kanyang pag-iyak, isang boteng may takip ang inilapit sa kanya ng mga alon ng dalampasigan. Bahagyang napahinto si Santi sa kanyang pag-iyak. Nilapitan niya ang bote at kinuha. Binuksan niya ito. Ihinarap niya ang kanyang bibig sa butas at saka sumigaw.

“NAY! Nasan ka man, sana makarating sa’yo to. Mahal

Paalam!

Page 196: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

196

na mahal na mahal kita!” At muli na namang tumulo ang kanyang luha. “Sana mabuti ka diyan. Sana kahit wala ka na rito, patuloy mo po kaming gabayan.”

Pagkatapos nyang magsalita, tinakpan niya ang bote saka inihagis niya ito ng buong lakas sa mga alon ng dalampasigan.

Napakalungkot ng mga pangyayari nang umagang iyon, puno ng luha, pighati at pagtatangis. Ipinagdarasal tuwina ni Santi sa Poong Maykapal na pagalingin ang kanyang lola ngunit hindi siya pinakinggan Nito.

Maaaring may ibang plano ang Panginoon.Kung ano man ang plano ng Diyos ay walang nakaaalam.

Kung sa bagay, ang pakikibaka sa buhay ay sadyang maraming paliku-liko, maraming problema at pagsubok na kailangang harapin. Tapang at pananampalataya – ito ang mga sangkap na kailangan upang malampasan ang lahat ng mga pagsubok at balakid sa buhay. Hindi naman ito ibibigay sa atin ng Dakilang Lumikha kung ito’y hindi natin kaya.

“Ay bakit san ka papunta-punta, alam mong patay ang lola niyo,” ang bungad ni Lucas kay Santi sabay sapuk sa ulo ng bata. Wala lang imik si Santi, tinitigan lang niya si Lucas saka siya tumalikod at pumasok sa bahay.

Sa sala ng bahay nina Marta, naroon ang kanyang labi. Hinihintay pa ang punerarya upang siya’y maembalsamo at mailagay sa kabaong. Lumapit si Santi sa kanyang lola. Sa bandang ulunan nito. Mabilis na tumulo ang kanyang luha at pumatak sa pisngi ng kanyang lola.

Isang tita ni Santi ang lumapit sa kanya sabay tapik sa kanyang balikat. “Hoy, wag kang umiyak diyan, masamang maluhaan ang bangkay.” Lalo lang sumama ang loob ni Santi dahil sa pangyayaring iyon. Bumungad na nga sa kanya ang isang sapuk tapos sinundan pa ito ng isang tapik.

Masaklap ang buhay ng mga batang paslit.Kinalauna’y ibinurol na nga si Aling Marta.

Ipinanawagan pa sa radyo ang kanyang pagkamatay upang malaman ng iba pa nilang kamag-anak mula sa ibang bayan.

Paalam!

Page 197: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

197

Dagsa ang tao sa burol. Isang tiyahin ni Marta ang dumating. Lubha na itong matanda at galing pa sa kabilang bayan. Siya ay isa rin sa kaututang dila ni Marta. Sumigaw ito ng malakas habang nakahawak sa kabaong ng pamangkin.

“Marta! Marta! Bakit nagkaganyan ka na? Paano na ang mga anak ni Fernan?”

Malakas ang tinig ng matandang iyon pati na rin ang kanyang iyak. Dahil sa kanyang iyak, naiyak na rin pati ang iba pang mga dumadalaw at mga kaanak ng yumao.

Matapos ang dalawang araw na burol, isang bisita ang nagpagulat sa lahat. Isang babae ang bumaba sa traysikel. May dala itong malaking itim na bag. Nang matanaw niya sa malayo ang liwanag sa loob ng bahay nina Aling Marta, agad niyang binitiwan ang dalang bag at tumakbo patungo sa kabaong ng matanda at saka humagulgol.

Si Magda pala.Nakaupo si Fernan at asawang si Alice sa bungad ng

pintuan noong dumating si Magda. Agad niyang iniiwas si Alice. Pinapasok niya ito sa kwarto. Kinuha naman ni Santi ang bag ng ina na iniwan niya sa daan.

Naging maayos naman ang mga sumunod na pangyayari. Hindi nagkagulo sina Fernan, Alice at Magda. Wala lang silang naging imikan sa isa’t isa.

Nag-ambagan ang magkakapatid para sa pagpapalibing sa kanilang ina. Ngunit hindi pa rin iyon sumapat. Walang gaanong pera noon si Oleya kaya’t pinakiusapan niya sina Ronald at ang asawa nito na sila muna ang magpaluwal. Nagkataong may pera sila noon.

Maraming tao ang nakipaglibing kay Aling Marta. Naroroon ang kanilang mga kapitbahay, kamag-anak, ka-organisasyon at kasamahan sa pagdarasal. Nasa palad ni Santi ang paboritong rosaryo ni Aling Marta habang naglalakad papuntang sementeryo. Muling binuksan ang ataul ng matanda nang makarating na sila sa sementeryo. Sa kahulu-hulihang sandali, sinilayan nilang muli ang labi ni Aling Marta. Humagulgol na naman ang mga anak, manugang at apo ni

Paalam!

Page 198: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

198

Marta. Ipinatong ni Santi ang rosaryo ng kanyang lola sa salamin ng ataul. Nakita iyon ni Magda. Agad niya itong kinuha at pinigtal saka itinapon. Nagulat si Santi. Isang matanda sa likod ang nagwika, “Tama yun para wala ng sumunod.”

Paalam!

Page 199: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

199

Pahingi po ng Pagkain

A ng lumbay ay hindi gaanong naramdaman ng magkakapatid noong ibinuburol pa si Aling Marta. Marami pa kasi ang mga taong nakakasama nila sa

bahay. Subalit nang mailibing na, roon nila naramdaman ang labis na kalungkutan.

Hindi na rin nagtagal pa si Magda. Nagpaalam na siya sa mga anak matapos mailibing ang biyenan. Ipinagtapat niya kina Santi na siya’y nakapag-asawa na rin. Ikinuwento niya kay Santi na si Angelo ang kanyang napangasawa. Mayroon na rin daw silang tatlong supling. Ang pahayag na iyon ni Magda ay lalong dumagdag sa paghihinagpis ng paslit na si Santi.

Lalo ng nawalan ng pag-asa si Santi sa kanyang pangarap na pagkasunduing muli ang kanyang inay at itay. Napakaimposible ng mabuo muli ang kanyang pamilya aniya.

Samantala, si Parisa ay isinama na ni Oleya sa kabilang bayan. Iyon daw kasi ang bilin sa kanya ng kanyang ina na kunin at palakihin si Parisa sakaling siya’y pumanaw. Nalungkot ng lalo sina Santi dahil nawalay sa kanila ang bunso nilang kapatid. Wala naman silang magawa sapagkat baka nga naman kung ano pa ang mangyari kay Parisa sa piling nila.

Juan, Santi, Theresa at Joseph. Sila na lang ang tanging natira. Ngunit hindi sila nanahan sa bahay ng kanilang mga yumaong lolo at lola. Ipinagpagawa sila ng isang maliit na silid na nakadugtong sa bahay na iyon. Doon nagsiksikan

Page 200: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

200

ang magkakapatid. Maliit lamang ang ginawang silid para sa kanila. May laki lamang ito na siyam na metro kwadrado, may isang higaan sa gitna para sa kanilang apat at maliit na hapag-kainan sa gilid. Ang lutuan ay nasa labas na nakadugtong rin sa kanilang silid. Pinag-uusapan pa kung kanino mapupunta ang iniwang bahay nina Marta at Jaime.

Matapos ang dalawang linggo pagkalibing ni Aling Marta, tumambad na kina Santi ang tunay nilang kalagayan.

“Kuya Santi,” ang tawag ni Theresa, “wala na tayong bigas.”

“Magpainit ka na lang ng tubig at magkape tayo,” ang utos ni Santi.

“Wala na ring posporo.”“Ano? Wala na lahat?” ang inis na inis na tanong ni

Santi. Hindi lang sumagot si Theresa. “Oh, sige sandali at hihingi ako kina Ate Indang ng dalawang palito. ‘Wag mong itapon yung kiskisan ha, magagamit pa natin yan.”

Nagtungo si Santi sa kanilang kapitbahay at humingi ng dalawang palito ng posporo.

“Pumunta ka sa parang Joseph at kumuha ka ng mga panggatong,” ang utos ni Santi sa kapatid.

Nagtiis muna ang magkakapatid sa kakapurit na kape at asukal na natira nang umagang iyon. Hati-hati sila sa isang basong kape.

“Ako naman kuya, painom,” ang wika ni Theresa.“Mamayang tanghali Joseph, pumunta ka kay itay.

Humingi ka ng bigas saka pambili ng sabon. Sabihin mo wala na tayong pagkain dito,” ang utos ni Santi sa kanyang kapatid na pitong taong gulang.

“Pano pag wala siya dun?” ang tanong ni Joseph.“Eh di hintayin mo. Sabihin mo mamamatay na tayo

rito sa gutom.”Kinatanghalian, tumungo na nga si Joseph sa bahay ng

kanilang itay.“Itay...Itay...” ang bungad na tawag ni Joseph.“Bakit? Sino ang hinahanap mo?” ang tanong ni Alice

Pahingi po ng Pagkain

Page 201: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

201

paglabas sa pinto.“Si itay po.”“Sinong itay mo?”“Si Fernan po. Hihingi lang po ako ng bigas. Wala na

po kasi kaming pagkain.”“ANO?” ang bulalas ni Alice. “Wala siya rito. Alis!

Uwi!” ang sigaw niya sa paslit sabay batok sa ulo nito. Ayaw ni Alice na marinig ng kanilang mga kapitbahay ang hinaing na iyon ni Joseph kaya’t pinauwi niya agad ang paslit.

Umuwi kaagad si Joseph upang magsumbong sa kanyang Kuya Santi. Malayu-layo rin ang kanyang binaybay.

“Kuya, wala raw si itay sabi nung babae dun,” ang bungad ni Joseph.

“Sino? Si Alice?” ang tanong ni Santi.“Oo. Yung asawa ni itay. Binatukan pa nga ako tapos

pinaalis.”“Ano?” ang galit na wika ni Santi. “Lintik yung kabit

na yun ah.”Uminit ang ulo ni Santi dahil sa isinumbong ng kanyang

kapatid. Hindi niya nagustuhan ang pagbubuhat ng kamay ni Alice sa musmos nilang kapatid.

“Hali kayo, sugurin natin yung kabit na yun,” ang yaya ni Santi sa kanyang mga kapatid. Sa labas, niyaya rin nina Theresa ang iba pa nilang mga kalaro.

At pumaroon na nga sina Santi, Theresa, Joseph at tatlo pa nilang mga kalaro. Naglakad lang sila patungo sa bahay ng ama. Pagdating sa bahay ng kanilang itay, sumigaw ng malakas si Santi.

“Hoy! Kabit! Lumabas ka diyan!” Nanlalaki ang mga mata ni Santi sa galit. Lumabas si Alice sa pintuan. Malakas ang boses na iyon ni Santi kaya’t pati ang mga kapitbahay nina Alice at napasilip sa kanilang mga bintana.

“Ay bakit?” ang wika ni Alice na nakataas ang kilay sa mga bata.

“Bakit mo binatukan ang kapatid ko? Ang kapal ng mukha mo eh kabit ka lang naman ni itay.”

Pahingi po ng Pagkain

Page 202: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

202

“Aba ang batang ito ah. Akala mo kung sinong makapagsalita,” ang galit na saad ni Alice. At dali-dali itong lumapit kay Santi upang sapukin ang paslit.

“Sige..Sige..Lumapit ka,” ang mabilis na wika ni Santi sabay dakot ng bato’t buhangin at inihagis kay Alice. Maagap iyong nakita ni Alice kaya’t mabilis din siyang napatalikod. Subalit natamaan ng ilang maliliit na bato ang kanyang likod. Tumakbo siya sa loob ng kanilang bahay at agad na isinara ang pintuan.

Nagmamadaling sumigaw si Santi papalayo sa bahay na iyon.

“Kabit! Kabit! Kabit!”Nagsilabasan ng bahay ang mga kapitbahay nina Alice

dahil sa pangyayaring iyon. Marami ang nakasaksi sa sagupaan nina Santi at ng kanyang madrasta. Hiyang-hiya si Alice sa kanyang mga kapitbahay. Walang pagsidlan ang galit niya kay Santi. Napakabastos na bata aniya.

Umuwing tuwang-tuwa sina Theresa. “Ang tapang mo talaga kuya,” ang puri ni Theresa kay Santi. “Isipin mo tumago siya sa kanilang bahay.”

Mabilis na kumalat sa buong baranggay ang ginawang iyon ni Santi. Ipinagsabi ito agad ng mga nakasaksing kalaro nina Santi. Tuwang-tuwa ang kanilang mga kapitbahay. “Tama lang iyon,” ang sabi nila, “upang di kayo basta pinagmamalupitan ng inyong madrasta.”

“Ngayong wala na si Aling Marta, tama iyan, ikaw na ang magtanggol sa iyong mga kapatid,” ang pahayag ng isa sa kanilang mga kapitbahay. “Di man lang niya inisip na anak pa rin kayo ni Fernan. Malandi talaga yung babaeng yun.”

Si Juan naman mula nang yumao si Aling Marta ay di na gaanong naaapuhap sa bahay. Lagi siyang nasa kanyang mga kabarkadang hindi na rin nag-aaral. Samantala, si Santi, Theresa at Joseph naman ay lagi lamang magkakasama.

Naging tanyag si Santi sa mga kalapitan dahil sa ipinakitang tapang upang ipagtanggol ang kapatid subalit ang kapalit noon ay pagkalam ng kanilang sikmura.

Pahingi po ng Pagkain

Page 203: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

203

Maghapong walang kinain ang magkakapatid nang araw na iyon.

Nang kinahapunan, dumating si Fernan sa bahay ng mga anak. Nagkataong wala roon si Santi. Siya’y nangangalap ng karagdagan nilang panggatong.

“Si Santi nasaan?” ang tanong ng ama.“Nasa parang po itay kumukuha ng panggatong,” ang

sagot ni Theresa.“Anong ginawa niyo kanina? Bakit binastos niyo si

Alice?” ang galit na tanong ni Fernan. Hindi sumagot sina Theresa at Joseph. Nauumid sila sa kabang nararamdaman.

“Simula ngayon pababayaan ko na kayo. Bahala na kayo sa mga sarili niyo,” ang galit na wika ni Fernan. Pagkatapos mangusap maagap na siyang umalis. Hindi siya nagbigay ng kahit na ano sa mga anak.

Ilang sandali pa, bumalik na si Santi mula sa pangangahoy.

“Galing dito si itay,” ang bungad ni Theresa. “Nagagalit siya sa atin dahil sa nangyari kanina. Pababayaan na raw niya tayo sa buhay natin.”

“Ano?” ang gulat na wika ni Santi. “Terible naman ni itay, mas kinampihan pa niya yung kabit niyang iyon.”

Nangingilid na ang luha sa kanyang mga mata. Ngunit agad siyang tumalikod. Ayaw niyang makita siya nina Theresa na umiiyak dahil doon. Isinalansan niya ang mga nakalap niyang panggatong tapos siya’y nagpaningas ng apoy.

“Punta ka kina Mang Teban,” ang utos ni Santi kay Theresa. “Umutang ka ng isang supot na noodles. Sabihin mo bukas ko babayaran.”

Mabilis na tumungo si Theresa sa tindahan ni Mang Teban upang umutang ng noodles.

“Mang Teban, pautang daw po si Kuya Santi ng isang supot na noodles, bukas daw po niya babayaran.”

“Siguraduhin niyo lang na mababayaran niyo ito bukas ha, kasi pag hindi, di na kayo makauulit,” ang paalaala ni Mang Teban kay Theresa sabay abot ng noodles.

Pahingi po ng Pagkain

Page 204: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

204

Pagbalik ni Theresa sa bahay, sinabi niya kay Santi ang sinabi ni Mang Teban.

“Sobra naman siya, para isang supot na noodles lang di na siya makatulog. Naturingang kamag-anak, napakasama naman ng ugali,” ang galit na wika ni Santi. “Kaya kayong dalawa ha, magsikap kayo sa pag-aaral niyo. Ngayong wala na si nanay, wala ng tutulong sa atin. Walang mag-aarte sa pagkain ha. Kung ano ang ihain ko sa lamesa, kainin niyo. Saka magtipid kayong pareho sa lahat ng bagay.”

Seryoso ang kuyang si Santi sa kanyang mga sinambit. Dama niya ang hirap na kanilang sinusuong kaya’t pinangaralan niya agad ang dalawa. May sarili ng mundo ang kanilang Kuya Juan kaya mas pinagtutuunan ng pansin ni Santi ang dalawa niyang kapatid, si Theresa at Joseph.

Nang gabing iyon, pinagsalu-saluhan ng tatlong magkakapatid ang biniling noodles. Wala silang kanin. Dinamihan na lang ni Santi ang sabaw na inilagay upang magkasya sa kanila kahit na matabang na ang lasa nito. Hinati-hati niya iyon sa kanila. Nagtira rin siya para kay Juan sakaling umuwi ito.

Kinabukasan, kahit madilim pa, tumayo na siya sa kanyang pagkakahiga. Nakaisip siya ng pagkakaperahan.

“Theresa, gising,” ang tawag niya sa kanyang kapatid.“Kuya,” ang tugon naman ni Theresa, “ang aga-aga pa

eh.”“Tumayo ka na diyan at may pupuntahan tayo.”“Saan tayo pupunta?” ang tanong ng kapatid sabay tayo

sa pagkakahiga. Pupungas-pungas pa ang kanyang mga mata.“Basta, wag ka ng magtanong.”Bitbit ang gasera, tumungo ang dalawa sa parang.

Tinungo nila ang puno ng sampalok. Noong nakaraang araw pa sinisipat-sipat ni Santi ang punong iyon.

Pag-aari ng isang mayamang negosyante ang malawak na kaparangang iyon di kalayuan sa kanilang bahay. May iilang puno roon ng mangga, katmon, ibobug, langka, duhat, bayabas, kaymito, aratelis at sampalok. Matapang ang bantay na si Aling

Pahingi po ng Pagkain

Page 205: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

205

Narda. Kinagagalitan niya at pinalalayas ang sinumang makita niyang kumukuha ng mga bunga ng naturang mga puno. Iyon ang dahilan kung kaya’t itinaon ni Santi na pumunta roon na madilim pa ang paligid upang hindi sila maabutan ni Aling Narda. Gumagala roon ang bantay tuwing alas siete ng umaga.

“Saluhin mo yung mga ilalaglag kong talbos ha,” ang utos ni Santi sa kapatid.

“Eh di ko pa nga makita eh, ang dilim-dilim pa,” ang tugon naman ni Theresa.

“Gamitin mo yang gasera.”“Kuya, baka tayo maabutan ni Aling Narda.”“Di yan, wag ka matakot. Nagpaalam na ako kay Papa

Jesus. Sabi ko wala tayo makain kaya kukuha muna ako rito ng talbos para magkapera tayo.”

At umakyat na nga si Santi at kumuha ng mga talbos ng sampalok. Maingat siya sa pag-akyat. Mamasa-masa pa ang puno dahil sa hamog subalit hindi iyon naging hadlang upang makakuha si Santi ng maraming talbos. Napuno ni Santi ang dala nilang supot. Pagkatapos noon, dumiretso ang magkapatid sa palengke. Ang palengke ay may layong dalawandaang metro mula sa kanilang bahay.

“Magkano po?” ang tanong ni Santi sa pinagbentahan niya. Tinimbang ng ale ang dala niya.

“Isa’t kalahating kilo,” ang sabi ng tindera sabay abot kay Santi ng perang bayad.

Tuwang-tuwa sina Santi at Theresa. Pagkaabot ng pera, ibinili nila ito ng bagoong, alamang at bigas. May natira pa rin sa bulsa ni Santi.

“Oh, ito ibayad mo kay Mang Teban mamaya, baka makabawas pa ito sa kanyang kayamanan,” ang utos ni Santi kay Theresa sabay bigay ng pera.

Pagkauwi sa bahay, nagluto na siya ng lugaw para sa kanyang mga kapatid. Kanya-kanya na rin silang pasok pagkakain maliban kay Juan. Sa daan, nangusap si Theresa kay Santi.

“Kuya, may natira ka pa bang pera?” ang tanong ni

Pahingi po ng Pagkain

Page 206: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

206

Theresa kay Santi.“Bakit?”“May ambagan kasi kami, nung nakaraang araw pa

iyon. Nahihiya kasi ako, ako na lang ang hindi nakababayad.”“Magkano?” ang kunwaring pagalit na sagot ni Santi.

At nang sabihin ni Theresa ay agad niyang iniabot ang pera sa kapatid. “Siguraduhin mong sa ambagan mapupunta yan ha.”

“Oo naman,” ang masayang-masayang tugon ni Theresa.

Nairaos nila ang halos tatlong linggong lugaw lang na pagkain. Mas matipid daw kasi sabi ni Santi kaysa sa isaing ang bigas. Kung minsan, hinahaluan niya ng dahon ng malunggay na hiningi pa sa kapitbahay, ang lugaw na kanyang niluluto. Sa ulam naman, kumukuha si Santi ng talbos ng gabi sa kanilang likuran, pinapakuluan ito at hinahalukan ng bagoong at kalamansing kinuha rin sa parang. Walang umaangal kahit isa sa mga kapatid ni Santi sa ganoong buhay nila.

“Tipirin ang sabon ha,” ang utos ni Santi sa kanyang mga kapatid. “Pabulahin sa palad tapos iyon ang ipahid sa katawan, di yung sabon ang ipinapahid. Mas maaksaya kapag ganon.”

Sabong panlaba ang ginagamit nila Santi na pampaligo. Mas mura raw kasi iyon ayon kay Santi.

Makaraan ang maraming araw na pagtatalbos ni Santi sa puno ng sampalok, tila nagtampo na ang puno. Hindi na muli itong tinubuan pa ng sungot. “Panginoon naman, ito lang po ang napagkakaperahan namin, wag niyo naman po itong kunin,” ang dalangin ni Santi.

Dahil doon, hindi na nagkapera pang muli sa Santi. Samantala, wala lang pakialam sa kanila ang kapatid ng kanilang ama sa kabilang bahay.

~Ang bahay ng kanilang lola ay hitik na hitik pa rin sa

mga gamit. Karamihan dito ay mga kagamitang yari sa narra

Pahingi po ng Pagkain

Page 207: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

207

na naipundar ni Oleya. Isang araw, napansin ni Enyang na nakatanghod sa bukana ng pintuan sina Juan. Siya’y lumapit sa kanila.

“Wala ba kayong pagkain?” ang tanong ni Enyang.“Wala nga po eh,” ang sagot naman ni Juan.“Hali kayo, kunin niyo sa bahay yung isang kalderong

kanin.”Hindi makapaniwala si Juan sa kanyang narinig. Tila

bago sa kanyang pandinig ang salitang pagtulong lalo pa’t kung ito ay magmumula sa tiyahin nilang si Enyang na nuknukan ng damot. Subalit hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Agad niyang kinuha ang sinasabing isang kalderong kanin. Nagkataong may natitira pa silang kakaunting alamang noon. Mabilis nilang pinagsalu-saluhan ang kaning iyon na sinahugan ng alamang.

“Di ba hawak niyo ang susi nito?” ang tanong ni Enyang kay Juan sabay turo sa bahay ng lola.

“Opo. Nasa akin po,” ang tugon naman ni Juan.“Buksan mo nga. May titingnan lang ako,” ang utos

ni Enyang.Mabilis itong binuksan ni Juan. Akala ng paslit ay kung

ano lang ang titingnan ng kanyang tita. Subalit,“Kukunin ko na itong sala set ha. Tutal di pa naman

bayad sakin si Oleya sa idinagdag ko sa kabaong ni nanay.”Nagulat si Santi sa narinig gayundin si Juan.“Ah..eh..” ang tanging tugon ni Juan.Wala ng nagawa ang magkakapatid. Tuluyan ng nakuha

ni Enyang ang buong sala set sa bahay nina Aling Marta.“Lagot tayo niyan kay Tita Oleya,” ang wika ni Santi

sa kanyang kuya. “Ganid talaga yang Enyang na ‘yan,” ang wika ni Juan.“Ano kaya yon? Isang kalderong kanin tapos ang kapalit

sala set,” ang galit na galit na wika ni Santi.Kinabukasan, wala na namang pagkain ang

magkakapatid. Dumating si Enyang.“Wala pa rin kayong pagkain?” ang bungad niya.

Pahingi po ng Pagkain

Page 208: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

208

“Meron kami doong daing na isda saka kanin pero kukunin ko yung aparador sa loob ha,” ang mas garapal at mas prangka na saad ni Enyang.

Hindi kumibo si Juan. Ngunit talagang gutom na gutom na silang magkakapatid.

“Kuya buksan mo na,” ang utos ni Santi.Wala ring nagawa ang magkakapatid. Dala ng kanilang

gutom ay hindi na nila inisip pa ang halaga ng mga gamit sa bahay ng kanilang lola. Nang ipabuhat na ni Enyang kay Ronald ang aparador, hindi na niya ipinatanggal ang mga gamit sa loob nito. Pati ang mga nakalagay sa loob ay napasama na. At hindi lang iyon, isinama na rin nila ang isang lamesang gawa rin sa narra at kung ano-ano pang mga kagamitan. Halos wala ng natira sa loob ng bahay. Pinabayaan lang ng magkakapatid ang nangyaring iyon. Ayon sa kanila, bahala na ang Tita Oleya nila na makipag-usap sa kanila.

Nang maubos na ang gamit sa loob ng bahay nina Aling Marta, hindi na muling nagbigay pa ng pagkain ang mag-asawang Ronald at Enyang.

Dumating ang araw na kahit sabong panlaba ay wala na ang magkakapatid. Isang linggo ng suot ni Santi ang kanyang nag-iisang uniporme. Talagang namaho na ng bahagya ang damit niyang iyon. Sa kanilang silid, hindi siya gaanong lumalapit sa kaniyang mga kamag-aaral upang hindi siya maamoy ng mga ito. Ngunit hindi siya nakalusot sa kanyang katabi sa upuan.

“Ano yung mabaho?” ang tanong ng kanyang katabi.“Aba ewan,” ang sagot naman ni Santi. “Wala naman

akong naaamoy ah.”Nang mapansin ng kanyang kaklase na si Santi ang

kanyang naaamoy ay hindi na siya nagsalita pang muli. Subalit agad niya itong ibinalita sa iba nilang kaklase.

“Lapitan niyo si Santi, grabe. Parang isang linggo ng hindi nagpapalit ng damit,” ang wika ng kaklase ni Santi sa iba pa nilang kamag-aaral.

At kumalat na sa kanilang silid ang balitang iyon ukol

Pahingi po ng Pagkain

Page 209: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

209

kay Santi. Naglayuan na lalo ang kaniyang mga kamag-aaral sa kanya. Pansin na pansin iyon ni Santi na siya’y nilalayuan at pinagtatawanan ng kanyang mga kamag-aaral.

Sa oras ng kainan, nagkikita-kita sina Santi, Theresa at Joseph sa silid-aklatan. Wala kasi silang mga baon kaya’t naisip na lang ng magkakapatid na magbasa sa silid-aklatan upang hindi mahalata ng kanilang mga kaklase na wala silang dalang pagkain. Pag-uwi sa bahay ay wala pa rin silang maaabutang pagkain. Si Juan ay madalang na lang na makita sa kanilang bahay. Dahil sa kanyang pagkakahinto sa pag-aaral, siya’y napabarkada na.

Subalit hindi natinag si Santi sa pag-aaral. Kahit walang laman ang tiyan ay patuloy pa rin siya sa pag-aaral ng kanilang mga leksyon. Lagi rin niyang tinuturuan ang kaniyang dalawang kapatid, sina Theresa at Joseph.

~Halos tatlong araw ng hindi kumakain ang

magkakapatid. Nakatanghod sila sa kanilang pintuan isang araw. Sila’y hinang-hina na.

Isang kapitbahay nila ang nakapansin sa kanilang mga matang tila wala ng sigla.

“Kumain na ba kayo?” ang tanong ni Ginang Esi.“Hindi pa po,” ang sagot ni Santi.Si Ginang Esi ay isang guro sa elementarya ngunit

hindi sa paaralan nina Santi. Siya ay guro sa kabilang bayan. Hindi lingid sa kaalaman niya ang sitwasyon nina Santi. Alam niyang naghihikahos ang buhay ng magkakapatid. Ang isang anak niya ay kaklase ni Santi kaya’t nasasabi nito sa kanyang ina ang mga pinagdaraanan ng kapitbahay na kaklase.

“Sandali lang ha, hintayin niyo may ibibigay ako sa inyo,” ang wika ni Ginang Esi.

Dahil sa labis na gutom, matamlay na ang magkakapatid. Maya-maya pa’y dumating na si Ginang Esi. Dala niya ang isang bandehadong kanin at apat na piraso ng piniritong

Pahingi po ng Pagkain

Page 210: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

210

hotdog. Nang iabot niya ito kay Santi ay nanlaki ang mga mata ng paslit. Tinanong niya ang kanyang sarili, “Ako ba’y nananaginip lang?”

“Naku, maraming salamat po,” ang wika ni Santi.“Wala yan. Hayaan niyo ‘pag nagluto ako ng pansit

dadalhan ko kayo rito,” ang saad ni Ginang Esi. “Bakit? Hindi ba kayo tinutulungan ng kapitbahay niyo?” ang tanong ni Ginang Esi sabay nguso sa bahay ng Tito Ronald nila.

“Hindi nga po eh,” ang mabilis na sagot ni Santi. “Minsan po nagbigay ng pagkain, kaso po ang ipinalit ay yung mga narrang kagamitan sa loob po ng bahay nina nanay,” ang salaysay ni Santi.

“Talaga?” ang gulat na gulat na wika ni Ginang Esi. “Napakawalang-hiya naman niyang kamag-anak niyong iyan.”

Habang naroon si Ginang Esi, hindi muna nagpahalata sina Santi na lubhang galak na galak sila sa biyayang iyon. Ngunit nang makaalis na ang guro at makalayo na, halos mapasigaw sina Theresa sa saya.

“Wow! Kuya Santi, HOTDOGGGGGG!” ang bulalas ni Theresa.

Abot din ang ngiti ni Juan at Joseph. Talagang takam na takam sila sa ibinigay na pagkain sa kanila.

“Sandali!” ang sigaw ni Santi. “Hahatiin natin yung kanin saka yung hotdog para may makain pa tayo mamayang gabi.”

Hinati ni Santi ang kanin at hinilis sa gitna ang bawat piraso ng hotdog. Agad niyang itinabi ang kalahati para sa kanilang hapunan. Samantala, hinati niya sa apat na bahagi ang kalahating bandehadong kanin at inabutan ng kalahating hotdog ang bawat isa.

“Oh, wala munang kakain. Magdasal muna,” ang mabilis na paalala ni Santi.

Pagkatapos magdasal, kinain na nila ang kanin at ang hotdog. Lubos ang pasasalamat ni Santi. Dininig daw ng Panginoon ang panalangin niya na sana’y may magbigay sa kanila ng pagkain. Hindi pa nakapag-uulam ng hotdog sina

Pahingi po ng Pagkain

Page 211: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

211

Theresa at Joseph sa tanang buhay nila sa San Jose. Si Juan ay huling nakatikim noong buhay pa si Mang Jaime. Si Santi naman ay nakatikim na ngunit sa piling ng inang si Magda. Habang kumakain, kitang-kita na ninanamnam ni Theresa at Joseph ang bawat piraso ng hotdog na kanilang pinira-piraso ng maliliit.

Kinahapunan, naisip ni Santi na palawigin pa ang natitirang pagkain hanggang kinabukasan. Naisip niyang gawing lugaw na lang nag itinabing kanin at isahog ang natitirang hotdog. Hiniwa-hiwa nga niya ng maliliit ang hotdog at isinahog sa lugaw. Muli na naman niyang hinati ang nalutong lugaw. Ang unang hati ang kanilang kakainin sa hapunan at ang pangalawang hati ay sa kinaumagahan.

Kinatanghalian nang sumunod na araw, naisip niyang puntahan ang tiyahin niyang si Oleya upang humingi ng tulong. Si Oleya ay nakatira sa kabilang bayan, dalawampung kilometro ang layo mula sa bahay nina Santi sa San Jose. Siya lang ang mag-isang lumakad kahit pa nagpupumilit si Theresa na sumama sa kanya. Baka raw kasi gabihin sila sa paglalakad kapag sumama si Theresa. Mabagal kasing maglakad ang nakababatang kapatid.

Sinimulan na niyang lakarin ang daan patungo kina Oleya. Humihinto siya kapag siya’y napapagod na sa paglakad. At matapos ang ilang minutong pagpapahinga, tuloy na naman siya sa kanyang paglakad.

Siya’y hingal na hingal pagdating niya sa bahay nina Oleya. Agad niyang ibinalita ang pangkasalukuyan nilang kalagayan. Isinalaysay niya kung paano inubos nina Enyang ang mga kagamitan sa bahay ng kanilang lolo at lola. Awang- awa ang tiyahin sa kanyang mga pamangkin.

“Eh saan ka sumakay papunta rito?” ang tanong ni Oleya.

“Naglakad lang po ako.”“ANO?” ang gulat na tanong ng tiyahin.“Wala po kasi akong pera, kaya naisip ko pong maglakad

na lang papunta rito?” ang salaysay ni Santi.

Pahingi po ng Pagkain

Page 212: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

212

Lalong naawa si Oleya sa kanyang pamangkin. Hindi niya lubos maisip paano nito nagawang lakarin ang napakalayong daan na iyon.

“Oh, sige eto na ang bigas at ang pamasahe mo pabalik at baka abutin ka na ng gabi kapag naglakad ka uli,” ang saad ni Oleya.

Nagbigay si Oleya ng dalawang kilong bigas sa kanyang pamangkin. Wala siyang gaanong naibigay sapagkat malaki ang kanilang naging gastusin nang iluwal niya ang panganay nilang anak. Ipinaliwanag niya iyon kay Santi.

Tuwang-tuwa si Santi sa kanyang dala. Lubos siyang nagpasalamat sapagkat malayo-layo na rin ang aabutin ng ibinigay na iyon ng kanyang tiyahin. Subalit nanghihinayang siya kung ipapamasahe niya ang iniabot na pera sa kanya ni Oleya.

Naisip niyang maglakad na lang muli upang magamit pa niya ang perang iyon. Magdadapit hapon na noon. Hindi na gaanong mainit, kaya’t mas mabilis niyang nabaybay ang pauwi.

Makalipas ang limang araw.“Kuya. . . kuya” ang bungad ni Theresa.“Nagyayaya si Eva.”“Saan?” ang tanong naman ni Santi.“Kumuha raw tayo ng kaymito sa parang, ang dami raw

bunga. Hitik na hitik daw ito ngayon. Tamang-tama nakita ko si Aling Narda, papunta sa palengke, tiyak mamaya pa ang balik noon.”

Matapos yayain, tumungo nga ang tatlong bata, si Santi, ang kapatid na si Theresa , at ang kaibigan nilang si Eva sa parang. Pagdating nila sa punong tinutukoy, tiningala ni Santi ang mga bunga.

“Naku, ang dami na ngang bunga. Bakit ngayon ko lang ito nakita?” ang wika ni Santi.

“Akyatin mo na Santi,” ang utos ni Eva. “Wag kang mag-alala kami ang bantay rito sa baba baka biglang dumating

Pahingi po ng Pagkain

Page 213: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

213

si Aling Narda.”At inakyat na nga ni Santi ang naturang puno. Isa si

Santi sa mga magagaling umakyat na paslit sa kanilang lugar. Kahit na basa pa ang puno ay kaya niya itong akyatin. Tuwang-tuwa ang paslit nang makarating siya sa pinakatuktok na bahagi ng puno. Naroroon kasi ang kumpol na mga bunga ng kaymito. Inabot niya ang isa.

“Oh, ito, sambutin niyo,” ang sigaw niya kina Theresa at Eva. At inihulog niya ang isang iyon. Maya-maya pa’y muli na naman siyang naghulog. Sunod-sunod at malalaki ang kanyang mga piniling kunin. Hindi pa siya nakuntento. Nais niyang makakuha ng pinakamalaki sa lahat. Luminga-linga siya at naghanap ng malaki. Sa kanyang pagmamasid, isang malaki at makintab na kaymito ang kanyang nakita.

Siya’y napangiti nang ito’y kanyang makita.“Tiyak matutuwa sila rito sa isang ito,” ang wika

niya sa sarili. Dahan-dahan siyang tumulay sa isang maliit na sanga upang maabot ang pinupuntiryang bunga. Habang papalapit sa bungang iyon, napatingin siya sa kabilang parte ng parang. Nakita niyang papalapit si Aling Narda sa kanilang kinaroroonan. Siya’y kinabahan at nawala sa balanse. Dahil doon, di sinasadyang naihakbang niya ang kanyang paa at napatapak sa mas maliit na sanga. Nabali ang sangang iyon at tuluyan na siyang nahulog sa puno sa taas na dalawampung talampakan.

Napakabilis ng pangyayari. Sa isang iglap, nang lumingon sina Eva at Theresa ay nakita na lang nila na nakabulagta na si Santi sa baba ng puno kasama ang mga nabaling sanga at mga dahon. Nagulat si Theresa.

“Kuya Santi,” ang kanyang bulalas. “Kuya, anong nangyari? Bakit ka nahulog?”

Hindi gumagalaw si Santi. Nakapikit siya na tila walang ulirat.

“Naku, patay na ata si Kuya Santi,” ang maluha-luhang saad ni Theresa.

“Theresa, kumubli muna tayo paparating na si Aling

Pahingi po ng Pagkain

Page 214: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

214

Narda,” ang mahinang sambit ni Eva nang makita niya ang tagapagbantay na paparating.

Mabilis na tumago ang dalawang paslit. Tinabunan muna nila si Santi ng mga dahon at sanga. Alalang-alala si Theresa sa kanyang Kuya Santi subalit kinatatakutan din naman niya si Aling Narda.

Nang mga sampung metro na lang ang layo ni Aling Narda sa puno ng kaymito, siya’y huminto dahil sa malakas na tawag na kanyang narinig.

Tinawag siya ng kanyang anak. Mabilis siyang tumalikod at pinuntahan ang anak na tumatawag sa kanya.

Nang makita nina Theresa na papabalik na si Aling Narda, muli nilang tinungo si Santi.

“Kuya, gising,” ang wika ni Theresa.Bakas sa mukha nina Eva at Theresa ang pag-aalala.

Hindi nila alam kung ano na ang kalagayan ni Santi. Hindi nila alam kung ito’y patay na o buhay pa. Makalipas ang ilang minuto,

“Ah, ang sakit ng ulo ko,” ang wika ni Santi. Siya’y napatingin kina Theresa at Eva. “Sino kayo? Bakit ako narito?”

Takang-taka ang dalawang paslit sa kanilang narinig mula kay Santi.

“Kuya, ako si Theresa, ang kapatid mo. Ano ba pinagsasabi mo diyan?” ang wika ni Theresa kay Santi. “Nahulog ka mula dun sa taas.”

Tawa ng tawa si Eva ng makitang buhay si Santi. “Grabe, kinabahan ako dun ah, akala ko patay na si Santi.”

Bitbit ang mga nakuhang kaymito, inakay na ng dalawang paslit si Santi na hindi parin bumabalik ang memorya. Pilit niyang inaalala ang lahat ngunit blangko ang kanyang isip. Pagdating nila sa kanilang bahay, roon bumalik ang kanyang mga alaala. Hindi siya makapaniwala sa nangyari.

“Ano ba yan? Dahil sa iilang piraso ng kaymito, muntikan pa akong mamatay,” ang wika niya kina Theresa at Eva sabay tawa.

Pahingi po ng Pagkain

Page 215: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

215

“At muntikan ka pang mahuli ni Aling Narda,” ang saad naman ni Eva.“Buti na lang may biglang tumawag sa kanya, kaya hindi na rin siya tumuloy. Swerte ka pa rin.”

~ Panahon ng Kapaskuhan.

Apat na araw na lang at Pasko na. Abalang-abala ang lahat ng mga kapitbahay nina Santi. Sa gabi kasi ng araw na iyon, isang kasiyahang pampasko ang magaganap. Hindi na sila pinuntahan ng kanilang kapitbahay upang hingian ng ambag. Alam na kasi ng mga ito na wala silang ibibigay. Lungkot na lungkot ang magkakapatid. Dati-rati’y marami ng tao sa kanila kapag papalapit na ang pasko. Isa-isa ng nagdadatingan ang mga anak at apo ni Aling Marta. Ngunit dahil wala na ang matanda ay hindi na nagtitipon-tipon pa ang kanyang mga anak.

Nang sumapit na ang gabi ng kasiyahan, umatungal na ang malakas na mga tugtugin mula roon. Gustuhin man nina Santi na pumunta sa kasiyahang iyon, siya’y nagdadalawang isip sapagkat baka hindi sila tanggapin sapagkat wala silang ambag na magkakapatid.

“Kuya, manood nalang tayo,” ang yaya nina Theresa at Joseph kay Santi.

“Oh, sige pero dun tayo sa hindi kita ha, kasi wala tayong ambag.”

Ang kasiyahang iyon ay ginanap sa gitna ng kagagawang kalye na laging pinaglalaruan nina Santi. Nakakubli ang tatlong magkakapatid sa tabi ng isang puno ng kamansi. Pinagmamasdan nila ang mga masasayang kapitbahay at mga kalaro nilang kasali sa kasiyahang iyon. Kapag mayroong nakatutuwang pangyayari ay sabay-sabay na nagtatawanan ang tatlong magkakapatid subalit pigil na pigil sila sa pagtawa sapagkat baka may makakita sa kanila. Maya-maya pa’y dumating na rin si Juan sa kanilang kinalalagyan. Nakipanood na rin siya sa kasiyahang nagaganap.

Sumapit ang Araw ng Pasko. Hindi lumabas ng bahay sina Juan, Theresa at Santi.

Samantala, si Joseph ay nagbihis at nagsapatos. Isinuot niya

Pahingi po ng Pagkain

Page 216: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

216

ang kanyang uniporme sa klase at pumunta sa kanyang mga ninong at ninang. Wala kasi siyang maisuot na damit. Lahat ng damit niya’y pawang mga pambahay, may mga sira at ang iba’y butas pa. Tanging ang uniporme lang niya ang matino sa mga ito. Pinagtatawanan siya ng ilang mga batang nakapupuna sa kanya. Natatawa sila sa suot niyang uniporme. Subalit hindi iyon pinansin ni Joseph. Tumuloy pa rin siya sa kanyang mga ninong at ninang. Nahabag ang ilan sa kaniyang mga pinuntahan. Naawa sila sa kalagayan ng kanilang inaanak kaya’t nilakihan nila ang bigay na pamasko kay Joseph.

Tuwang-tuwa si Joseph sa kanyang pag-uwi. Agad niyang ipinakita sa kanyang Kuya Santi ang mga nakalap na pamasko. Kumuha siya ng pambili niya ng kanyang bagong laruan tapos ibinigay niya sa kuya ang natira.

“Kuya, ito ang tira. Ipanghanda natin sa Bagong Taon,” ang wika niya.

Natuwa si Santi sa ibinigay ng kapatid. Sa wakas aniya, may makakain sila sa Bagong Taon. Hindi naman sila nagutom nang Paskong iyon. Bukod sa pera’y pinabaunan din si Joseph ng pagkain. Iyon ang kinain ng magkakapatid sa Araw ng Pasko.

Pahingi po ng Pagkain

Page 217: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

217

Ang Alay Ko

S a pagdaan ng mga araw, mas lalo pang pinag-isipan ni Santi kung paano niya mapabubuti ang kanilang buhay. Halos nagiging tambayan na niya ang silid-

aklatan. Kapag wala siyang guro, roon siya pumupunta at kung anu-anong uri ng aklat ang kanyang binabasa. Dahil doon, mas lalo pang lumago ang kanyang kaalaman.

Isang Sabado, maagang gumising si Santi. Kumuha siya ng maraming dahon ng malunggay. Hindi na siya humingi sa kapitbahay. Mabilis kasing tumubo at nagdahon ang hiningi niyang sanga ng malunggay na kanyang itinanim sa kanilang gilid.

Isa-isa niyang tinanggal ang maliliit nitong dahon sa tangkay. Ilang sandali lang, tumabi na sa kanya si Theresa. Kagigising lang nito.

“Ano yang ginagawa mo kuya?” ang bungad na tanong ni Theresa kay Santi.

“Maghilamos ka na at tulungan mo ako.”“Ano ba yan?”“Basta. Bilisan mo, wala ng tanung-tanong.”Pagkatapos maghilamos ni Theresa ay tumulong na nga

siya sa kanyang kuya. Siya ang nagpatuloy sa pagtatanggal ng dahon sa tangkay. Samantala dinikdik naman ni Santi sa almeres ang mga dahong natanggal na sa tangkay.

Matapos niyang dikdikin ang lahat ng dahon ng

Page 218: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

218

malunggay, kanya itong inilagay sa isang garapon at hinaluan ng kaunting tubig. Hinalo-halo niya ang dinikdik na malunggay kasama ang tubig. Naging kulay berde na ang likido. Matapos iyon, sinala siya ang likido gamit ang malinis na puting tela. Inilagay niya ang nakuhang katas sa isa pang garapon at itinapon ang sapal. Isinantabi niya ang katas sa loob ng ilang minuto.

Maya-maya pa’y lumutang na ang kulay berdeng katas ng malunggay sa ibabaw ng tubig. Dahan-dahang kinuha ni Santi ang umibabaw na katas at inilagay sa isang kaserola. Si Theresa ay matiyaga lamang na nagmamasid sa kanya. Pinagmamasdan ng paslit ang ginagawa ng kanyang kuya. Pinakuluan ni Santi ang katas na nasa kaserola at hinaluan ng dalawang kutsarang vanilla upang ito’y bumango at mawala ang kaunting pait. Matapos ang ilang minutong pagpapakulo, nilagyan niya ito ng asukal. Hinalo niya ito hanggang sa ito’y lumapot. Nang mapansin niyang ito’y malapot na, kanya na itong hinango sa lutuan. Hinati niya sa dalawa ang nasa kaserola. Ang unang hati ay inilagay niya sa isang malinis na garapon. Tinawag niya itong Malunggay Jam. Ayon kay Santi, iyon ang magiging palaman nila sa tinapay. Ang ikalawang hati ay nilagyan naman niya ng maraming asukal at hinalo. Tapos, ipinatuyo niya ito sa araw. Nang ito’y tuyo na, dinikdik niya sa almeres ang mga malalaking butil hanggang sa maging pino na ang butil nito. Inilagay niya ito sa isang garapon at tinawag na Malunggay Juice.

“Wow! Ang galing mo kuya,” ang wika ni Theresa. “Bago yang naisip mo. Walang ganyan kahit na sa palengke...Malunggay Jam at Malunggay Juice.” Sa kababasa ni Santi sa kanilang silid-aklatan, nabasa niya kung gaano kasustansiya ang dahon ng malunggay. Naisip niyang kahit man lang sa dahon na iyon ay bumawi ang mga payat nilang katawan. Tuwang-tuwa sina Theresa at Joseph sa imbensyon ng kanilang kuya. Walang panama ang orange juice o kahit na ang pineapple juice sa sustansiyang dala ng malunggay ani Santi. Ang nilikhang iyon ni Santi ay preparasyon na rin niya

Ang Alay Ko

Page 219: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

219

para sa nalalapit na kaarawan nina Theresa at Joseph. Wala kasi siyang pera kaya’t nag-isip siya ng paraan paano magkakaroon ng handa ang dalawa niyang kapatid. Magkasunod ang araw ng kanilang kapanganakan. Ang kaarawan ni Theresa ay sa unang araw ng Pebrero, samantala sa ikalawang araw naman ang kay Joseph. “Sabay na ang handaan natin ha...Isang araw na lang para sa kaarawan ninyong dalawa,” ang pahayag ni Santi. “Bakit kuya, may panghanda ka ba?” ang nakangiting tanong ni Theresa. “Basta. Kahit simple lang basta mayroon tayong kainin.” Isang araw bago sumapit ang kaarawan ni Theresa, nag-isip si Santi ng regalo sa dalawa niyang kapatid. Naisip niyang gumawa na lang ng tula bilang regalo sa kanila. Pinatulog muna niya sina Theresa at Joseph bago siya gumawa ng tula. Pagkagising ni Theresa at Joseph, nakita nila ang isang malaking papel na nakadikit sa harap ng kanilang tulugan. May nakasulat dito. Maligayang Kaarawan Theresa at Joseph! Napangiti ang dalawang bata sa kanilang nabasa. Nang mapalingon sila sa lamesa sa tabi ng kanilang kama, nakita nila ang walong pirasong tinapay. Pinalamanan iyon ni Santi ng Malunggay Jam. Naroon din ang isang pitsel na may nakatimplang Malunggay Juice. “Wow!” ang bulalas ni Joseph. Biglang pumasok si Santi sa loob ng kanilang silid, galing siya sa labas. “Oh, tumayo na kayo riyan at kumain na tayo,” ang wika ng kuya. Kinuha niya ang dalawang papel na may sulat at iniabot niya ang mga iyon kina Theresa at Joseph. “Iyan ang regalo ko sa inyong dalawa. Pagpasensyahan n’yo na wala akong pera.” Tula ang regalo ni Santi sa dalawa niyang kapatid. Sabay na binasa nina Theresa at Joseph ang mga tulang regalo sa kanila ng kanilang kuya.

Ang Alay Ko

Page 220: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

220

THERESA, Para Sa Iyo

Tagumpay sa buhay ang isipin‘Wag paglalaro ang atupagin

Gawaing bahay ang bigyang pansinUpang ang biyaya ating kamtin

“Halika” sabi ni Hesu-Kristo“Manalanging tungo ang ‘yong ulo

Hirap sa buhay saki’y ikwentoTutulungan kita hanggang dulo.”

Ehersisyo sa isip ay gawinMga bagay-bagay laging aralinGanda ng buhay ay pangarapinMasamang bagay iwaksi natin.

Rimarim sa’ting magkakapatidDulot ng problemang walang patidGayon pa man huwag mauumid‘Wag mahiya, tumayo ng tuwid.

Ewan ko sa malupit na mundoBasta alam ko’y tao rin tayo

May karapatang mabuhay ritoWala mang magulang na kasalo

Suyuin natin, ating tadhanaBigyan nawa tayo ng biyaya

Laging magdasal sa’ting LumikhaUpang sa atin Siya’y maawa

Ako at iba pa ay igalangSimangot na mukha ‘wag iharang

Ngiti laging isaalang-alangIpagdasal, ating mga magulang!

Ang Alay Ko

Page 221: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

221

JOSEPH, Para sa Iyo

Joseph, katiwa-tiwalang paslitIwasang maglaro at magkulitUpang ulo nami’y di sumakit

At ang palo’y hindi mo makamit

Orasan ang lagi mong titigan‘Pagkat huli ka saang bagay manBilisan ang kilos, ‘yong tandaan

Maging maagap ka kaylan pa man

Sa iyo’y bakas ang kamusmusanPumapayat na ang ‘yong katawan

‘Wag mag-alala tataba rin yan‘Yong ipagdasal tayo’y yumaman

Eh kung ang tanong mo ay kailanEwan ko, ni hindi ko rin alam

‘Pagkat S’ya lang ang nakakaalamSa ’ting bukas at sa ‘ting kapalaran

Pag-alis ni Nanay, ‘wag isipinPagtityaga ang pakalimiin

Panalangin n’ya lagi sa atinGabay nya’y ating kakamtin

Hesukristo – sa Kanya’y lumapitMasamang ugali ‘wag ipilitLagi tayo sa kanya’y kumapit

Upang tayo’y ilayo sa sakit

Tuwang-tuwa ang dalawang paslit sa regalong natanggap nila galing sa kanilang kuya. Natatawa sila sa ilang mga mensaheng sinambit dito ni Santi. Matapos basahin ay itinago na nila ang mga regalong iyon sa kanilang mga bag.

Ang Alay Ko

Page 222: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

222

Makalipas ang isang linggo, nainis si Santi kina Theresa at Joseph. “Kayong dalawa, dapat hindi ko na kayo ginigising pa. Dapat meron kayong kusa. Alam ninyong merong pasok tapos ang tagal ninyong gumising.” “Eh ang sarap matulog eh,” ang sagot ni Theresa. “Bukas bahala na kayo, di ko na kayo gigisingin.” Dahil sa kanyang inis sa dalawang kapatid, sumulat siya ng kanilang patakaran sa bahay ay idinikit niya ito sa likod ng kanilang pintuan. “Oh, basahin n’yo ito ha. Simula ngayon, ito na ang patakaran natin dito sa bahay. Maliwanag ba?” “Ayos lang kuya,” ang wika ni Theresa sabay tingin sa idinikit ni Santi.

PATAKARAN SA BAHAY

Gumising ng maaga. Maaari lamang tanghaliin sa higaan kung napuyat sa pag-aaral at walang pasok kinabukasan.

Maglinis ng buong bahay araw-araw.Magtipid at huwag magtapon ng pagkain,

baka magtampo sa atin ang biyaya.Huwag kumuha ng bagay na hindi sa iyo,

magpaalam muna.Huwag magtanim ng galit sa kapwa. Mag-aral ng mabuti.Laging magdasal.

~Si Ginang Aka ang pinakabatikan sa lahat ng guro nina

Santi nang taong iyon. Matematika ang kanyang itinuturo. Kumpara sa iba pang guro, siya ay mahigpit lalo na sa tamang pananamit at kalinisan. Pinag- iinitan niya ang mga estudyanteng

Ang Alay Ko

Page 223: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

223

dugyot at hindi maayos ang uniporme. Ipinahihiya niya ang mga estudyanteng nakikita niyang marumi at mabaho. Isang araw napansin niyang manilaw-nilaw ang pantaas na uniporme ni Santi. “Santi, TAYO!” ang utos ng guro kay Santi. Mabilis na tumayo ang paslit at hinintay ang mga susunod na sasabihin nito. “Wala bang marunong magbabad sa inyo ng damit?” “Ako po. Marunong po akong magbabad at magkula,” ang sagot ni Santi. “Eh ganun pala. Bakit napakadilaw ng uniporme mo?” “Nag-iisa lang po kasi itong uniporme ko. Hindi ko po ito naibababad sapagkat,” bahagya siyang huminto, “wala po kaming pambili ng pambabad.” Nagtawanan ang mga kaklase ni Santi nang marinig ang sinabi niya. Ang iba nama’y nagbulungan. “Tumahimik!” ang malakas na sigaw ni Ginang Aka, “hindi dahilan ang kahirapan sa taong masipag at maparaan. Hindi dahil mahirap ka ay habang buhay ka ng ganyan. Kailangan sa tao marunong siyang gumawa ng mga paraan. Nakuha mo ba ibig kong sabihin.” “Opo. Ma’am.” “Okey. Manatili kang nakatayo. Hindi ka maaaring umupo hangga’t hindi mo nasasagot ang lima kong katanungan.” Kinabahan si Santi, dagli siyang nanalangin sa kanyang isip. Sana ay alam niya ang mga kasagutan sa mga tanong aniya. “What is twenty percent of five hundred?” ang unang tanong ni Ginang Aka. Mabilis na sumagot si Santi, “One hundred, Ma’am.” “What is ½ of ½ ?” ang sumunod na tanong. “¼ po Ma’am,” ang maagap na naman niyang sagot. Nagulat ang ibang kaklase ni Santi. Hindi sila makapaniwala sa gilas na ipinamamalas ng pobreng kaklase.

“Ang dali naman kasi ng mga tanong,” ang wika ni Albert, ang pinakamatalino sa klase.

“Ten is what percent of twenty?” ang ikatlong tanong ni Ginang Aka.

Ang Alay Ko

Page 224: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

224

“Fifty percent, Ma’am.”Napansin ni Ginang Aka na tila madali lang kay Santi

ang kanyang mga tanong kaya’t nag-isip siya ng mas mahirap pang tanong. Ayaw niyang siya ang mapahiya sa klase. Isinulat niya sa pisara ang ikaapat niyang tanong.

Nanlaki ang mata ng ilan sa mga kaklase ni Santi. Bago sa paningin nila ang naturang tanong, hindi pa nila ito napag-aaralan.

“Iyan, pinahirapan tuloy siya, sinagot pa kasi niya yung mga tanong. Dapat nanatili na lang siyang nakatayo. Tingnan natin ngayon kung masasagot pa niya yan,” ang bulong ng isa nilang kaklase. “So ngayon, Santi. Ano ang sagot mo?” ang tanong ng guro. “One po Ma’am,” ang tugon ni Santi. “Ha!” ang pagkagulat ng iba. “Tama po ba Ma’am ang kanyang sagot?” “Correct!” ang bulalas ni Ginang Aka. Nagulat ang lahat. Hindi sila makapaniwala kung paano nasagot ni Santi ang napakahirap na tanong na iyon. Pakiramdam ni Ginang Aka ay siya ang napapahiya sa klase sa kanyang ginagawa kaya’t nag-isip pa siya ng mas mahirap pang tanong. “Ito ang pinakahuling katanungan,” ang wika ni Ginang Aka. Isinulat niyang muli sa pisara ang tanong.

1 + 2 + 3 + . . .+ 50 + 51 + . . . + 98 + 99 + 100 = ?

“Kapag nasagot mo ‘yan, maari ka ng umupo,” ang dagdag ni Ginang Aka.

Muli na namang nagbulungan ang kaniyang mga kaklase. “Grabe naman, halata namang pinahihirapan na lang niya si Santi,” ang bulong ng isa. “Tiyak ko, hindi na niya iyan

= ?

Ang Alay Ko

Page 225: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

225

masasagot,” ang wika naman ni Albert na talagang hindi na rin alam ang kasagutan sa tanong na iyon. Nais patunayan ni Ginang Aka na wala ng gagaling pa sa kanya kaya’t sinigurado niyang hindi na masasagot ni Santi ang kaniyang huling tanong.

“Okey, Santi bibigyan kita ng sampung segundo upang sagutin ang tanong na yan. Kapag hindi mo nasagot mananatili kang nakatayo hanggang mamaya.”

“Grabe naman,” ang mahinang wika ng ilan sa mga kaklase ni Santi.

Tinitigang mabuti ni Santi ang tanong sa pisara. Siya’y nagbilang sa kanyang isip. Maya- maya pa’y,

“Five thousand fifty po Ma’am,” ang sagot ni Santi.“Ano raw?” ang tanong ng mga kaklase niyang hindi

naunawaan ang kanyang sinambit.“Paano kaya niya nasagot iyon?”“Sigurado ako mali yan.”

“Paano naman niya masasagot ang ganyang karaming numero? Ano siya calculator?”“Tama po ba Ma’am?” Ito ang mga ingay na namuo sa kanilang silid matapos sambitin ni Santi ang kanyang sagot.

“Tumahimik!” ang malakas na sigaw ni Ginang Aka. Mabilis na tumikom ang bibig ng mga kamag-aaral ni Santi. “Santi, maari mo bang ipaliwanag sa amin kung paano mo nakuha ang iyong sagot?”

Lumakad si Santi sa pisara upang isulat ang kanyang pamamaraan. Ito ang kanyang isinulat.

101

101

101

1 + 2 + 3 + 4 +…+ 50 + 51 + … + 97 + 98 + 99 + 100

101

101

101 x 50 pares = (100 + 1) x 50 = 5000 + 50 = 5050

Ang Alay Ko

Page 226: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

226

Pagkatapos isulat ang kanyang pamamaraan ay ipinaliwanag niya ito.

“Nang ipares ko po ang mga numero gaya ng nakasulat, napansin ko pong iisa lang ang kanilang suma. Iyon ay ang 101. Kapag ipinares-pares po natin lahat ng mga numero mula 1 hanggang 100, magkakaroon tayo ng 50 na pares na may sumang 101 bawat pares. Kaya kapag kinuha natin ang produkto ng 50 at 101, ang magiging kasagutan ay 5050.”

Tahimik ang lahat, inaantabayanan nila kung ano ang sasabihin ni Ginang Aka. Hindi maintindihan ni Ginang Aka ang kanyang sarili. Siya ba’y naiinis o natutuwa? Pakiramdam niya’y siya ang napahiya sa harap ng kanyang mga estudyante sapagkat nasagot lahat ni Santi ang kanyang mga mahihirap na katanungan. Subalit masaya rin siya sapagkat sa tanang buhay niya ng pagiging isang guro sa Matematika ay noon lamang siya nakasaksi ng isang napakahusay na bata.

“Bravo!” ang malakas niyang sigaw. “Makauupo ka na.”Napapalakpak ang halos lahat ng mga kamag-aaral

ni Santi sa kanya. Tila isang henyo ang kanilang nasaksihan. Samantala, sumimangot naman si Albert sapagkat siya’y nasapawan ni Santi.

Pagkatapos ng kanilang klase, agad siyang nilapitan ng ilan niyang kamag-aaral.

“Santi, ang galing mo kanina. Paano mo nasagot lahat ng iyon?’ ang usisa ng isa.

“Sus! Magtataka pa kayo eh laman ng silid-aklatan yan. Lagi ko siyang nakikitang pumupunta roon,” ang salaysay naman ng isa pa.

Samantala, pangiti-ngiti lang si Santi at walang imik. Sa kanyang isip, lubos siyang nagpapasalamat sa Poong Maykapal sa iginawad na karunungan sa kanya habang siya’y tinatanong ni Ginang Aka.

Sa kanyang pag-uwi, hindi maalis-alis sa isip niya ang pangungutya ni Ginang Aka sa kanyang manilaw-nilaw

Ang Alay Ko

Page 227: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

227

na damit kaya hindi muna siya umuwi pagkatapos ng klase. Dumaan siya sa silid-aklatan upang magsaliksik kung paano papuputiin ang kanyang uniporme. Sa kanyang pagbabasa, mayroon siyang nalaman. Matapos malaman ang kasagutan sa kanyang problema, siya’y nagpasya ng umuwi. Bago siya umuwi sa kanilang bahay, dumaan muna siya sa isang botika.

“Ale, magkano po ang isang botelya ng ammonia?” ang tanong ni Santi sa tindera.

Tumugon ang tindera sa kanya. Matapos marinig ang presyo. Tiningnan niya ang pera sa kanyang bag. Kanya itong binilang. “Ayun, aabot pa,” ang wika niya. “Pabili po ng isa.”

Matapos iyon, dumaan din sya sa isang tindahan upang bumili ng sabong panlaba.

Pagdating sa bahay, mabilis niyang ibinabad ang kanyang uniporme at ang mga uniporme nina Theresa at Joseph. Ihinalo niya sa tubig ang ammonia at isinalin niya sa batya. Batay iyon sa kanyang nasaliksik. Matapos ang isang oras, kinusot niya at binanlawan ang mga damit. Natuwa siya sa kanyang nakita. “Wow! Totoo nga. Bahagyang pumuti ang aming mga uniporme.” Mabilis niyang isinampay ang mga ito upang matuyo agad at magamit nila kinabukasan.

Pagpasok ni Santi kinaumagahan, maraming nakapuna sa kanyang uniporme.

“Aba. Medyo namuti na ang iyong uniporme ah,” ang bati ng isa niyang kaklase.

“Siguro, buong gabi mo yang ibinabad ano?” ang tanong naman ng isa pa.

Hindi sumagot si Santi. Ngumiti lang siya sa mga kaklase. Biglang sumulpot si Albert sa kanilang usapan. “Siguro, takot na si Santi na baka tanungin uli siya ni Ginang Aka kaya pinaputi na niya ang kanyang uniporme,” ang sabad ni Albert.

Nang araw na iyon, napansin ni Ginang Aka ang medyo pumuti ng uniporme ni Santi. Natuwa siya sa kanyang nakita. Alam niya ang abang kalagayan ni Santi subalit nais niyang magpursige ang batang ito sa kanyang buhay kaya’t naggawad

Ang Alay Ko

Page 228: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

228

siya ng parusa nang mapansin ang uniporme nito.“Iyan ang nais kong gawin niyo,” ang bulalas ni

Ginang Aka. “Hindi dahil sa kayo’y mahirap ay wala na kayong magagawa sa inyong buhay.” Tahimik ang lahat habang nagsasalita si Ginang Aka. “Alam niyo ba class, hindi ako gaanong nakatulog kagabi?” ang muling pahayag ni Ginang Aka. “Iniisip ko kasi si Santi. Alam niyo ba na sa buong buhay ko ng pagtuturo, ngayon lang ako namangha sa isang estudyante. Wala naman sa honor list si Santi, at isa pa siya ang maituturing na pinakamahirap dito sa klase ninyo. Subalit sa kanya ako labis na humahanga. Alam namin lahat na mga guro ninyo na walang nakikipagkaibigan sa kanya ni isa sapagkat siya’y bago niyo lang na kaklase at siguro dahil na rin sa siya’y mahirap. Pero alam din namin lahat ang kanyang pagtitiyaga sa buhay.”

Habang nagsasalita si Ginang Aka ay nakayuko lamang si Santi sa kanyang pagkakaupo. Nangingilid ang luha sa kanyang mga mata. Natutuwa siya sa mga pahayag ng guro. Sa lahat ng guro ni Santi, si Ginang Aka ang pinangingilagan niya dahil sa katapangan nito.

“Kaya class, huwag ninyong ipamukha kay Santi na siya’y mahirap lang at hindi nabibilang sa inyong pangkat. Malay niyo, isang araw, bigla kayong magising na siya na ang pinakamahusay sa inyong lahat. Hindi dapat kinatatakutan ang isang mayamang matalino. Mas katakutan ninyo ang isang matalinong mahirap. Ang isang mahirap, mas determinado sa buhay at mas maparaan. Di gaya ng mayaman na nakaasa na lang sa pera. Ang mga mahihirap ay laging humihingi ng gabay sa Diyos, na alam nating siyang pinakamahalaga sa lahat.”

Bahagyang huminto si Ginang Aka sa kanyang pagsasalaysay. Siya’y tumingin kay Santi at nagtanong.

“Ikaw Santi, nagdarasal ka ba?”“Walang araw po na hindi ko Siya kinakausap. Araw-

araw po akong nagdarasal na tulungan po Niya kaming magkakapatid sa mahirap naming buhay,” ang sagot ni Santi.

Ang Alay Ko

Page 229: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

229

“Very good!” ang puri ni Ginang Aka, “hayaan mo mula ngayon tutulungan na kita sa pakikibaka mo sa buhay.

Sa sinambit na iyon ni Ginang Aka, tuluyan ng tumulo ang luha ni Santi. Lubos niyang nadama ang sinseridad ni Ginang Aka.

“Oh, wag ka ng umiyak, ganyan talaga ang buhay. Diyan din ako nanggaling kaya’t di ka nag-iisa,” ang muling saad ng guro.

Napukaw ang loob ng maraming kamag-aaral ni Santi sa mga pahayag na iyon ni Ginang Aka. Bahagya silang nagsisi sa mga inasal nila kay Santi.

Ang pangyayaring iyon ang nagbigay daan upang lapitan na si Santi ng kanyang mga kaklase at siya’y kaibiganin na.

~ Tatlong araw na lang at gaganapin na ang patimpalak sa pagtatalumpati. Pinulong ni Ginoong Duke ang lahat ng kanyang mga tinuturuan. Binigyan niya sila ng kani-kanilang mga sasabihin na nakasulat sa papel. “Ilang araw na lang at atin ng malalaman ang pinakamahusay na mananalumpati. Sa tanghalan ng bayan natin idaraos ang patimpalak. Nais kong pag-aralan ninyong mabuti at kabisahin ang mga ibinigay ko. Tiyak panunuorin kayo ng maraming tao. Ang araw ring iyon ay ang inyong pagtatapos sa pag-aaral ninyong ito,” ang salaysay ni Ginoong Duke. Sa buong pag-aaral nina Santi ng pagtatalumpati, sa kanya labis na humahanga si Ginoong Duke. Ayon sa matanda, si Santi ang may pinakabuo at malakas na tinig. Sadyang mahusay rin daw ang paslit sa pagbibigay ng biglaang pahayag o impromtu. Umaasa ang matanda na siya ang makasusungkit ng ‘Best Orator’ na parangal. Nakahanda na ang mga medalyang igagawad sa lahat ng magtatapos. Nakausap na rin ni Ginoong Duke ang tatlong tao na magsisilbing mga hurado sa patimpalak. Hindi bibigyan ng grado ang laman

Ang Alay Ko

Page 230: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

230

ng talumpati sapagkat ang lahat ng iyon ay gawa ni Ginoong Duke, ang titingnan ng mga hurado ay ang husay sa pagbigkas at sa pagsasalita. Hindi rin nila dapat malimutan ang kanilang mga sasabihin. Pag-uwi sa bahay, isinulat muli ni Santi ang nakalagay sa papel. Para raw sakaling mawala ang kanyang orihinal na kopya ay mayroon pa siyang isang kopya. Matapos iyon, sinimulan na niyang kabisaduhin ang kanyang mga salaysay. “Theresa, tulungan mo nga ako rito,” ang utos ni Santi. “Ano ba yan kuya?” “Ito ang aming talumpati na bibigkasin sa Liwasang Bayan. Tingnan mo yung kopya tapos sabihin mo sa akin kung tama ang mga sasabihin ko.” Umupo si Theresa sa bangkito. Si Santi naman ay tumayo sa kanyang harapan. Nakatitig si Theresa sa papel na hawak at naghihintay sa mga sasabihin ng kuya. At nagsimula ng magsalita si Santi. “Mga kababayan ko,” “Mga kababayan lang, walang ko,” ang mabilis na sabad ni Theresa. “Ay oo nga,” ang wika ni Santi. “pasensya na tao lang.” Natawa si Theresa sa sinabing iyon ng kanyang kuya. At nagpatuloy pa ang dalawang magkapatid. Mabilis ang pagkabisa ni Santi. Sa unang gabi ay nasaulo niya ang lampas sa kalahati ng kanyang talumpati. Mahusay rin si Theresa sa pagtatama ng mga mali ng kanyang kuya. Bago humiga, paulit-ulit na binibigkas ni Santi ang bawat pangungusap sa kanyang talumpati. Nais kasi niyang siya ang mag-uwi ng titulo bilang ‘Best Orator.’ Nais niya itong ialay sa yumao niyang lola. Pinagbuti pa niyang lalo. Walang humpay ang kanyang pag-aaral sa kanyang mga sasabihin. Ayaw niyang magkamali dahil baka iyon ang maging dahilan ng kanyang pagkatalo. Madaling araw pa lang, kinabukasan, ay gumising na agad si Santi upang ipagpatuloy ang kanyang pagsasalaysay. Tahimik. Mas kaganyak-ganyak ayon sa kanya ang pagkakataon

Ang Alay Ko

Page 231: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

231

sapagkat mas mabilis siyang makamememorya.

Sabado. Araw ng Patimpalak at Pagtatapos sa Pananalumpati.

Pinuntahan ni Santi ang kanyang ama sa bago nitong pinagtatrabahuhan pagkagising kinaumagahan. Si Fernan ay natanggap bilang dyanitor sa isang ahensya ng pamahalaan. ‘Contractual’ kung tawagin ang klasipikasyon ni Fernan. Wala siyang mga benepisyo at natatanggal sa trabaho tuwing ikalimang buwan.

Dumadalaw-dalaw na rin si Fernan sa kanyang mga anak mula nang siya’y mapapasok doon. Nawala na ang galit niya sa mga ito dahil siguro naisip din niya ang mga pinagdaraanan nila. Patago kung siya’y dumalaw. Ayaw niyang ipakitang binibigyan niya ng pera ang mga anak sapagkat ayaw niya itong makarating kay Alice.

Kailangan niyang maabutan ang ama. Tuwing Sabado kasi, dalawang oras lang naglalagi si Fernan sa opisinang iyon upang maglinis. Saktong papalabas na si Fernan upang umuwi. Tapos na siya sa paglilinis.

“Itay!” ang malakas na tawag ni Santi. Mabilis siyang tumakbo papalapit sa kanyang ama. “Buti na lang po naabutan ko kayo.” Halos habulin ni Santi ang kanyang hininga.

“Oh, bakit?” ang tanong ng ama.“Mamaya na pong alas tres ang talumpati namin.

Iyon na rin po ang aming pagtatapos. Pwede po ba kayong pumunta?”

“Oh, sige titingnan ko.”Nalungkot si Santi sa isinagot ng kanyang ama. Tila

hindi ito sigurado kung siya’y makararating.“Kahit sumilip lang po kayo. Baka po kasi ako ang

manalo. Walang magsasabit sa akin ng medalya.”“Oh, sige basta titingnan ko.”Kinahapunan, mga alas tres, handang-handa na si Santi

sa patimpalak. Kabisadong- kabisado na niya ang kanyang

Ang Alay Ko

Page 232: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

232

talumpati. Limampung mag-aaral ang nagsanay kay Ginoong Duke sa pagtatalumpati. Nagmula sila sa iba’t ibang paaralan sa bayan ng San Jose. Pinakamarami ang nagmula sa paaralan ni Santi na sinasabing siyang pinakamagaling na paaralan sa buong bayan.

Hinihintay niyang dumating ang kanyang ama. Palinga- linga siya sa likurang bahagi ng kanilang pinag-uupuan. Doon kasi nakaupo ang mga magulang ng magtatapos.

Walo lamang ang pinili ni Ginoong Duke upang lumahok sa patimpalak. Ang apatnaput dalawa, magpapakilala lang sa entablado at makikinig na sa labanan ng walo.

Sigurado na ang medalya ng limampung nagsanay kay Ginoong Duke subalit isang medalya pa ang igagawad sa mananalo bilang ‘Best Orator’.

Nagsimula na ang programa. Hindi pa rin dumarating si Fernan. Isa-isa ng nagpakilala ang lahat ng nagsanay. Matapos magpakilala ay pinaakyat na ni Ginoong Duke ang walong kalahok sa entablado.

Kabadong-kabado si Santi. Natatakot siya na baka siya’y magkamali o mablangko ang kanyang isip. Pagkaakyat, agad siyang nagdasal sa kanyang isip.

Ipinakilala ni Ginoong Duke ang tatlong mga hurado. Pawang mga batikan sa kani-kanilang mga larangan ang mga pinili ni Ginoong Duke bilang tagahatol sa pinakamagaling na kalahok.

Maya-maya pa, isa-isang nagpakita ng gilas ang bawat kalahok. Si Santi ang inilagay ni Ginoong Duke sa pinakahuli.

Marami ang nagkamali. Marami rin ang napahinto dahil nalimutan nila ang kanilang mga sasabihin. Ang iba’y sobrang bilis ang pagsasalita na wari’y hinahabol ng tatlong kabayo. Ang iba nama’y tuloy-tuloy ngunit iisang tono lang ang boses. Tahimik lang na nakaupo si Santi sa kanyang bangko. Tinatanaw niya ang upuan ng mga magulang kung naroon na ang kanyang ama. Subalit hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin dumarating si Fernan.

Batay sa mga narinig ni Santi, malakas ang tyansang

Ang Alay Ko

Page 233: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

233

siya ang mananalo basta’t hindi lang siya magkakamali o dili kaya’y makalilimot sa kanyang mga sasabihin.

Si Santi na ang tinawag upang magsalita. Tumayo siya sa kanyang pagkakaupo at marahang lumakad sa gitna sa harap ng mikropono. Tumingin siya sa lahat ng mga nanonood mula sa kanang bahagi hanggang sa kaliwang bahagi. Sa pagtingin niya sa kaliwang bahagi siya’y napahinto. Tila mayroon siyang napansin.

Si Theresa at Joseph. Nanonood pala ang dalawa niyang kapatid. Nakapambahay lang ang dalawa. Ang suot ni Joseph ay ang paboritong niyang damit na kulay asul na may butas sa tagiliran. Suot din nilang dalawa ang kanilang tsinelas na manipis na manipis na. Natawa si Santi nang makita niya ang dalawa niyang kapatid subalit pinigilan niya ang kanyang sarili. Baka kasi bawasan ang kanyang puntos kapag siya’y napansin ng mga hurado na tumatawa.

Sinimulan na niyang magsalita. Matalas ang kanyang isip nang mga oras na iyon. Wala siyang nakaligtaan sa kanyang mga pangungusap. Buo rin ang kanyang tinig. Mabilis na tumahimik ang mga tao. Tumutok sila sa talumpati ni Santi. Nahalata iyon ni Ginoong Duke. Kahit na ang mga hurado ay napansin ang biglang pagtahimik ng mga nanonood nang si Santi na ang nagtatalumpati.

“. . . Kaya mga kababayan, panahon na upang bigyan pansin ang ating kalikasan. Wakasan na ang walang humpay na pag-ubos sa ating mga puno. Tigilan na ang walang pakundangang pagsira sa ating kagubatan. At putulin na ang kaisipan nating mas mahalaga ang kaunlaran kaysa sa kinabukasan ng ating likas yaman. Sapagkat ako‘y naniniwala na ang kaunlaran ay makakamtan kung ang kalikasan ay iingatan. Maraming salamat po!”

Nagpalakpakan ang maraming manonood sa talumpating iyon ni Santi. Si Theresa at Joseph ay tuwang-tuwa sapagkat hindi nagkamali ang kanilang kuya. Hawak ni Theresa ang isang kopya ng talumpati ng kuya habang siya’y nanonood. Sinusundan niya ang kopyang iyon at tinitingnan

Ang Alay Ko

Page 234: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

234

kung may makakaligtaan ba ang kanyang kapatid. “Magaling!” Ito ang tanging nasambit ni Theresa matapos magsalita ang kanyang kuya.

Kasunod nito, isa-isa ng tinawag ang lahat ng nagtapos upang parangalan ng medalya habang pinag-uusapan pa ng mga hurado kung sino ang magwawagi bilang ‘Best Orator.’

Masaya si Santi matapos siyang magsalita sapagkat wala siyang naging pagkakamali. Sa kabilang dako, siya’y malungkot sapagkat walang magsasabit sa kanya ng medalya.

“Sayang nanay, sana po narito kayo. Wala pong magsasabit sa akin ng medalya ngayon,” ang hinaing ni Santi sa kanyang isip.

Inggit na inggit ang paslit sa mga kasamahan niya. Lahat sila’y kasama ang kani-kanilang nanay ay tatay, ang iba pa’y kasama ang buong pamilya. Siya lang ang walang magulang na kasama.

“Di bale. Pagtaas ko sa entablado sasabihin ko na lang kay Ginoong Duke, siya ang magsabit sa akin.”

At tinawag na ang pangalan ni Santi. Nang siya’y tataas na sa entablado biglang may lumapit sa kanyang tabi. Isang lalaki. Hinawakan nito ang kanyang kamay. Nagulat si Santi. Tiningnan niya ang kamay patungo sa mukha ng taong iyon.

“Itay!” ang sigaw ni Santi sabay yapos sa kanyang ama. Ngumiti sa kanya ang kanyang ama.

Sabay na pumanaog si Santi at Fernan sa entablado. Masayang–masaya ang paslit sapagkat dumating ang kanyang ama. Akala niya’y si Ginoong Duke na ang magsasabit sa kanya ng medalya.

Noon pa lang din naranasan ni Fernan ang tumaas sa entablado kasama ang anak. Bahagya siyang kinabahan. Hindi kasi siya sanay na nagsasabit o nagbibigay parangal sa kanyang anak. Si Aling Marta kasi ang gumagawa ng mga bagay na iyon noong ito’y nabubuhay pa.

Matapos niyang sabitan ng medalya ang anak ay nakadama siya ng kakaibang saya. Noon lang niya napagtanto ang pakiramdam ng isang magulang habang pinararangalan

Ang Alay Ko

Page 235: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

235

ang kanyang anak.Nang makababa na ang mag-ama, itinuro ni Santi sa

kanyang itay ang kanyang upuan. Matapos tawagin ang lahat ng nagtapos ay nagsalita si Ginoong Duke.

“Ngayon, atin ng malalaman, kung sino ang nagwagi bilang Best Orator,” ang bungad ni Ginoong Duke. Mabilis na tumahimik ang lahat. Inaantabayanan nila kung sino ang mananalo. “ Heto na po ang sobre, galing sa mga hurado.”

Iniabot ng isang hurado ang sobre kay Ginoong Duke. Binuksan ito ng matanda. “At ang ating ‘Best Orator’ ay si...” bahagya siyang huminto at biglang sinambit ang pangalan ni Santi.

Napatalon sina Theresa at Joseph nang marinig ang pangalan ng kanilang kuya. Si Santi nama’y nanlaki ang mata sa narinig. Lumingon siya sa kaniyang ama at sumenyas na samahan siya sa pagtaas. Nagulat si Fernan. Hindi niya alam na meron din palang patimpalak na naganap. Pumalakpak ang maraming tao sa mag-ama habang sila’y tumataas sa entablado. Mas masaya si Fernan sa pagkakataong iyon sapagkat tanging ang anak lang niya ang napagkalooban ng ikalawang medalya.

~Lunes.Pagpasok sa kanilang paaralan, maraming guro ang

bumati sa kanya. Mabilis na kumalat ang balitang siya ang nanalo bilang ‘Best Orator.’

“Basta ituloy-tuloy mo lang Santi, makikita mo, gaganda rin ang buhay mo,” ang wika ni Ginang Aka sa kanya.

Natapos din sa wakas ni Santi ang taong-pampaaralang iyon. At isang sopresa ang kanyang nalaman mula kay Ginang Aka.

“Tapos na naming pagsama-samahin ang lahat ng mga grado nyo,” ang saad niya kay Santi.

“Kumusta po ang resulta?” ang tanong naman ni Santi.“Ikaw ang pangsampo sa honor list.”

Ang Alay Ko

Page 236: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

236

“Talaga po?” ang muli niyang tanong na halos hindi makapaniwala sa narinig.

Si Santi ang nakasungkit ng pangsampung pwesto sa listahan ng may karangalan sa lahat ng mag-aaral sa ikalimang baitang. Si Fernan ang muling nagsabit sa kanya ng medalya. Sa pagkakataong iyon, maaga ng dumating si Fernan at talagang mabilis siyang pumayag sa hiling ni Santi na siya ang magsabit sa kanya.

Pagkatapos ng Araw ng Pagkilala, umuwi na si Fernan sa kanilang bahay. Si Santi naman ay dumiretso sa sementeryo upang dalawin ang libingan ng kanyang lola.

“Nay, kumusta ka na po? Ako po heto, sa wakas nagkaroon na rin ng karangalan. Kahit pangsampo. Eto po, dala ko ang aking medalya. Sayang po at wala kayo rito. Pero alam ko po nakikita niyo pa rin naman kami. Wag po kayong mag- alala dyan, patuloy ko pa rin po kayong ipinagdarasal. Alay ko po sa inyo ang karangalan kong ito,” ang saad ni Santi habang umiiyak.

Ang Alay Ko

Page 237: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

237

H unyo, ang kauna-unahang buwan sa pinakahuling taon ni Santi sa elementarya. Buong bakasyon ay hindi lumabas sa bahay si Santi upang

makipaglaro. Nag-iba na ang hilig ng paslit simula nang yumao si Aling Marta. Siya na ngayon ang nagagalit kina Theresa at Joseph kapag napapansing laro na lang ng laro ang dalawa niyang kapatid.

Ganun pa rin ang kanilang buhay, mahirap at masalimuot. Tulad ng dati, hindi pa rin sila nakakakain ng tatlong beses sa isang araw. Swerte na kapag sila’y nakakain ng dalawang beses.

Naaalala pa ni Santi ang nangyari noong nakaraang Mahal na Araw. Halos ilang araw na silang hindi kumakaing magkakapatid. Umangal na si Theresa at si Joseph sa kanya. Idinaan na lang ni Santi sa kwento ang kanilang gutom.

“Alam niyo ba na dapat pala hindi talaga kumakain ang mga tao kapag Mahal na Araw. Araw kasi iyon ng paghihirap ni Kristo. Kailangan, damayan natin siya sa kanyang mga hinagpis at pagdurusa.”

“Totoo ba yon?” ang tanong ni Theresa.“Oo naman,” ang mabilis na sagot ni Santi, “Kapag

ang tao ay nagdasal na gutom at walang kalaman-laman ang kaniyang tiyan, mas pakikinggan ng Diyos ang kanyang mga dalangin.”

Merci Beaucoup!

Page 238: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

238

“Talaga Kuya?” ang tanong ni Joseph na tila naniwala sa sinabi ng kanyang kuya.

“Oo. Mas mahal ni Papa Jesus ang mga mahihirap kaysa sa mga mayayaman. Kaya kahit hindi tayo kumakain huwag niyong isipin yon. Mas mahal naman tayo ng Diyos. Kaya samahan niyo na lang ako makipag-prusisyon.”

“Eh kuya lalo lang tayo manghihina niyan,” ang reklamo ni Theresa.

“Sa isip mo lang yon. Tingnan mo na lang, si Papa Jesus nga maghapon ng walang kain pero nagawa pa niyang buhatin yung krus patungo sa Kalbaryo.”

“Oo nga ano,” ang sang-ayon ni Theresa matapos marinig ang salaysay ng kuya.

Malaking-malaki na ang ipinagbago ng kanilang mga katawan kumpara noong nabubuhay pa si Aling Marta. Noon, ang mga pisngi nila’y puno pa ng laman at matataba pa ang mga braso at binti. Ngayon, humpak na ang kanilang mga pisngi at litaw na ang mga buto sa kanilang mga braso at binti.

Subalit napansin ni Santi na mas tumalas ang kanilang isip. Dati’y hirap magbasa ang kapatid niyang si Joseph ngunit ngayo’y mabilis na ito pati na sa pagbibilang. Gayundin si Theresa, dati’y hindi niya nagagawa ang kaniyang mga gawaing bahay. Ngayon, siya na ang nagsasagot nito at ipinapakita na lang niya sa kanyang Kuya Santi kung tama ba ang kaniyang mga sagot.

Si Bibinibing Kulagu ang gurong-tagapayo nina Santi nang taong iyon. Sa Pangkat A pa rin kabilang ang paslit. Wala pang asawa ang guro nilang iyon. Maglilimampu na ang kanyang edad kaya’t matandang dalaga na ang tawag sa kanya ng mga kasamahan niya sa pagtuturo. Bukod sa Agham, itinuturo rin niya ang Musika.

Sa taong iyon, naisip ni Bibinibing Kulagu na bumuo ng isang grupo ng banda. Gabang ang magiging intrumento nila. Ang gabang ay instrumentong yari sa kawayan. Dahil manganganta ang ama ni Santi na si Fernan, naisip ni Bibinibing Kulagu na ibilang ang paslit sa grupo. Siya ang hahawak sa

Merci Beaucoup!

Page 239: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

239

tom-tom, isang uri ng dram.Pagkatapos ng klase – ito ang napili nilang oras upang

magsanay. Lima sila sa grupo, apat na babae at si Santi ang nag-iisang lalaki. Madaling nakasunod si Santi sa mga turo ni Bibinibing Kulagu. Mabilis niyang natutunan ang mga musikang nais ipatugtog ng guro.

Kung minsan, nagsasanay sila sa bahay ni Bibinibing Kulagu lalo na kung araw ng Sabado o kaya’y Linggo.

Ang kanilang mga instrumento ay karaniwan nilang itinatago sa silid-aralan ni Bibinibing Kulagu.

Isang araw, may nawalang mga kagamitan. Ipinatawag ni Bibinibing Kulagu ang limang miyembro ng kaniyang grupo. Isa-isa niya silang tinanong.

“Luciana, sino ang huling nanggaling dito sa silid?” ang tanong ni Bibinibing Kulagu.

“Di ko po alam, Ma’am. Ako po ang pinakaunang umuwi nung Biyernes.”

“Ikaw Bebang?” ang sumunod niyang tinanong.“Si Santi po ang alam kong pinakahuling umalis, siya

po ang nagsusi ng pinto.”“Ikaw nga ba Santi ang nagsara?”“Opo. Pagkatapos po nun umuwi na ako.”“Nawawala ang tatlong pampatok sa gabang,” ang

pagalit niyang saad, “eh san mapupunta yun kung walang kumuha.”

Tumitig ang guro kay Santi. Wari’y may nais itong ipakahulugan. Tinitigan din siya ni Santi.

“Wala akong pwedeng pagbintangan Santi kung hindi ikaw,” ang salaysay ni Bibinibing Kulagu.

“Naku, di po ako Ma’am. Kahit mahirap po kami di po ako mag-uumit ng hindi sa akin. Saka aanhin ko naman po yung pampatok na iyon.”

“Ikaw ang huling nagsara nitong silid, ikaw rin ang nagbigay sakin ng susi nung Biyernes nang dumaan ka sa bahay. Simula noon ngayon lang uli binuksan itong silid tapos pagbukas wala na ang mga pampatok. Wala ng ibang kukuha

Merci Beaucoup!

Page 240: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

240

nun kundi ikaw.”“Maniwala po kayo sa akin Ma’am. Di ko po yun

kinuha. Wala naman po akong panggagamitan nun.”“Malay ko ba kung ipinagbili mo,” ang muling wika

ng guro. “Pauuwiin kita ngayon. Huwag kang babalik dito hangga’t hindi mo dala ang mga kinuha mo.”

Maluha-luhang umalis si Santi sa kanilang silid. Iniisip niya kung paano nga nawala ang mga iyon. Bago umuwi, dumaan muna siya sa silid ni Ginang Aka.

“Ma’am, pinagbibintangan po ako ni Bibinibing Kulagu na ako raw po ang kumuha ng mga nawawalang pampatok sa gabang,” ang bungad niya.

“Ha?” ang gulat na saad ni Ginang Aka. Isinalaysay ni Santi sa dating guro ang buong pangyayari. Nagalit ang guro sa kanyang narinig. Kilala niya si Santi at tiwala siya sa paslit na hindi ito gagawa ng kung ano mang pagnanakaw.

“Halika, puntahan natin yang si Bibinibing Kulagu.”“Ma’am wag na po. Baka sabihin niya nagsumbong pa

ako sa inyo.”“Basta, ako ang bahala.”At tumungo na nga ang dalawa kay Bibinibing Kulagu.

Kabang-kaba si Santi. Baka raw kasi siya ang pagsimulan ng away ni Bibinibing Kulagu at ni Ginang Aka. Baka lalong magalit sa kanya ang kanyang gurong tagapayo. Nang makarating sila sa silid ni Bibinibing Kulagu, nagpaiwan si Santi sa labas ng silid. Si Ginang Aka lamang ang pumasok.

Mabilis nitong nilapitan si Bibinibing Kulagu.“Bibinibing Kulagu, lumapit sakin si Santi. Siya raw

ang pinagbibintangan mong kumuha ng mga nawawalang pampatok sa gabang?”

“Oo. Pinauwi ko nga siya. Sabi ko wag babalik hangga’t hindi dala ang mga iyon.”

“At papano mo naman natiyak na siya nga ang kumuha nun?”

“Eh alam mo Ginang Aka, siya lang ang maaari kong pagbintangan dahil siya lang ang huling nagsara nitong silid.”

Merci Beaucoup!

Page 241: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

241

“Sa aking pagkakilala kay Santi, mabait na bata yan at tapat. Ano yun, honor student tapos magnanakaw.”

Ang dalawang guro ay tila nagkakataasan na ng kani-kanilang mga boses. Naninindigan si Bibinibing Kulagu ukol sa paratang niya kay Santi. Si Ginang Aka naman ay buo rin ang loob upang ipagtanggol ang dating estudyante.

“Sandali. Nasubukan mo na bang ipahalughog itong silid mo. Baka naman kung saan lang nailagay.”

“Hindi na kailangan. Sa tuktok lang ng kabinet na yun nilalagay ang mga pampatok. Anim ang lahat ng pampatok namin. Ngayon, tatlo na lang.”

Tinawag ni Ginang Aka si Santi sa labas ng silid.“Magsabi ka ng totoo Santi. Ikaw ba ang kumuha ng

mga nawawalang pampatok?” ang tanong ni Ginang Aka sa paslit.

“Hindi po Ma’am,” ang sagot nito, “wala po talaga akong alam sa mga nawawalang pampatok na iyon.”

Sa pagsasalita ni Santi, may biglang pumasok sa isip ni Ginang Aka.

“Bibinibing Kulagu, maaari mo bang ipabuhat ang kabinet na yan. Gusto kong makita ang likod nito,” ang utos ni Ginang Aka.

Tumawag si Bibinibing Kulagu ng apat niyang estudyanteng lalaki ay ipinabuhat ang kabinet. Dahan-dahang inangat ng apat na mag-aaral ang kabinet. Nang mailayo na ng bahagya ang kabinet mula sa dati nitong kinalalagyan ay agad na tiningnan ni Ginang Aka ang likod nito.

Natuwa siya sa nakita. Nasilayan niya roon ang tatlong nawawalang pampatok. Sira-sira na ang mga ito na tila nginatngat ng daga. Kinuha niya ang mga ito.

“Ito ba ang mga hinahanap mo Bibinibing Kulagu,” ang wika niya sabay bigay kay Bibinibing Kulagu ng mga sira-sirang pampatok. Walang imik ang guro sa nakita, hindi siya makapagsalita, wari ay nauumid.

Mabilis na napangiti si Santi nang makita niya ang mga nawawalang pampatok. “Malinis na sa wakas ang pangalan ko.”

Merci Beaucoup!

Page 242: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

242

Yari sa goma ang dulo ng mga pamapatok na iyon sa gabang. Kitang-kita ang bakas ng ngipin ng daga na sumira sa mga ito.

“Alam mo Bibinibing Kulagu, mas mahaba ang pinagsamahan namin ni Santi kaya’t mas kilala ko siya kaysa sa pagkakilala mo sa kanya. Hindi porke mahirap siya’y siya na ang pagbibintangan mo. Mas may tiwala ako sa kanya kaysa sa kahit na sinong mga kaklase niya,” ang salaysay ni Ginang Aka sabay talikod kay Bibinibing Kulagu.

Napahiya si Bibinibing Kulagu sa tagpong iyon. Wala siyang kaimik-imik. Masyado niyang hinusgahan ang paslit na si Santi. Subalit ganun pa man, hindi siya humingi ng paumanhin sa kanyang estudyante. Samantala, si Santi nama’y umupo na sa kanyang upuan at nagbasa ng kanyang aklat.

Pagpunta ni Ginang Aka sa silid ng mga guro, agad niyang isinalaysay sa iba pa nilang kasamahan na mga guro ang nangyari sa kanila ni Bibinibing Kulagu. Maraming nainis sa inasal ni Bibinibing Kulagu lalo pa’t marami ang naaawa sa kalagayan ni Santi.

“Aba ay grabe naman, kawawa naman si Santi,” ang wika ng isa sa mga guro.

Matapos iyon, isang kaibigan ni Bibinibing Kulagu ang mabilis na tumungo sa silid ng kaibigan. Tinanong niya ang kaibigan kung totoo ang nangyari. Nagalit si Bibinibing Kulagu. Bakit daw kailangan pang ipagkalat ni Ginang Aka ang nangyari. Dahil doon, nabunton kay Santi ang kanyang galit.

“Santi, si Daniel na ang ipapalit ko sa tom-tom. Nakita ko kasi na mas mahusay siya sa paggamit nito,” ang wika niya kay Santi.

Nagulat si Santi sa narinig. Hindi niya iyon inaasahan. Subalit hindi siya nag-isip ng kung ano pa man hinggil sa dahilan ng kanyang pagkakatanggal.

“Ah ganun po ba. Ayos lang po.”

~

Merci Beaucoup!

Page 243: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

243

Nalalapit na ang Pambansang Pagsusulit para sa mga nasa Ikaanim na Baitang. Nagwika si Bibinibing Kulagu ukol dito. Ipinaliwanag niyang maaaring makaapekto ito sa mga gradong kanilang ibibigay. Ayon pa sa kanya, ang sinumang magkakaroon ng gradong mas mababa sa walumpu ay kaagad-agad na matatanggal as honor list kung sakaling nasa honor list man ang isang estudyante. Bahagyang kinabahan si Santi sa kanyang narinig. Sa lahat kasi ng nasa honor list, siya lamang ang walang tagapagturong-pribado. Natatakot siyang baka mahirap ang itanong at hindi niya masagot. “Class, sa Linggo ay magkakaroon tayo ng pag-aaral. Nais kong dumalo ang lahat upang paghandaan ang darating na pagsusulit,” ang pahayag ni Bibinibing Kulagu sa kanyang mga mag-aaral. Mabilis na isinulat ni Santi ang araw na iyon sa kanyang kwaderno upang hindi niya ito malimutan. Mamaya-maya pa’y inutusan siya ni Bibinibing Kulagu na dalhin ang isang sobre sa isang kasamahan niyang guro. Nang makaalis na si Santi ay muli siyang nangusap sa kanyang estudyante. “Class, sorry. Ano ba ulit yung nasabi kong araw sa inyo na pag-aaral natin.” “Ma’am, Linggo po,” ang sabay-sabay na bigkas ng mga estuyante niya. “Pakibago, di pala ako pwede ng Linggo. Sabado pala, bukas. Bukas na lang tayo mag-aral.” Mabilis na binago ng mga bata ang isinulat nila sa kanilang kwaderno. “Oh, sige class, maaari na kayong umuwi. Happy Weekend!” Nang bumalik si Santi sa kanilang silid ay wala na ang kanyang mga kamag-aral. Si Bibinibing Kulagu na lang ang naroon. “Oh, Santi umuwi ka na rin. Pinauwi ko na ang mga kaklase mo.” Umuwi si Santi na hindi nalalaman ang naging

Merci Beaucoup!

Page 244: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

244

pagbabago sa araw ng kanilang pag-aaral. Sinadya iyon ni Bibinibing Kulagu upang hindi siya mapasama sa gaganaping pag-aaral. Kinabukasan. “Lahat ba narito?” ang tanong ni Bibinibing Kulagu. “Wala po si Santi.” ang tugon ng isa. “Siya lang ba? “Opo.” “Huwag na huwag niyong ipaaalam sa wala rito ang ating pag-aaralan. Malinaw ba?” “Opo,” ang sagot ng lahat. Matapos ang kanilang pag-aaral, binigyan ni Bibinibing Kulagu ang lahat ng dumalo ng kani-kanilang kopya ng mga dapat pag-aralan. Nang dumating ang araw ng Linggo, maagang tumungo si Santi sa kanilang paaralan. Matiyaga niyang hinintay ang kanilang guro at ang kaniyang mga kamag-aaral. Halos tatlong oras na siyang naghihintay ay wala pa rin ang mga ito. Nagdesisyon na siyang umalis. Bago siya umuwi ng bahay ay dumaan muna siya sa bahay ng kaklase. Tinanong niya ito ukol sa pag-aaral nila. “Kahapon ang pag-aaral. Hindi ngayon,” ang wika ng kaklase. “Eh di ba Linggo ang sinabi ni Bibinibing Kulagu?” “Oo. Pero binago rin niya agad. Sabi niya Sabado na lang daw.” “Ganun! Sayang hindi ko narinig yun ah,” ang wika ni Santi. “Meron ba sa inyong ibinigay na mga dapat pag-aralan?” “Wala eh,” ang matipid nitong sagot. Malungkot na umalis si Santi. Siya’y nagsisisi dahil hindi agad siya nakabalik noong inutusan siya ni Bibinibing Kulagu. Hindi tuloy niya naabutan ang winika ng kanyang guro. Pagpasok kinabukasan, walang kumakausap kay Santi. Hindi siya pinapansin ng kanyang mga kaklase. Lumapit siya sa isa sa kanila. “Ano yang binabasa mo?” ang tanong niya sa kanyang

Merci Beaucoup!

Page 245: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

245

kamag-aaral. “Ah, wala lang ito,” ang wika naman nito sabay tago sa bag ng kanyang binabasa. Ang binabasang iyon ng kaniyang kaklase ay ang kopyang ipinamahagi ni Bibinibing Kulagu. Pinagsabihan kasi sila ni Bibinibing Kulagu na huwag itong ipaaalam sa hindi dumalo as pag-aaral kaya’t mabilis niya itong itinago. Nangamba si Santi. Tila nagdadamot sa kanya ang kanyang mga kaklase. Dahil doon, lalo pang nagsipag si Santi sa pagpunta sa silid-aralan. Humiram siya ng maraming aklat, iniuwi niya ang mga ito sa kanilang bahay at doon binasa. Sa harap ng isang pupungas-pungas na gasera, nag-aaral si Santi. Hindi niya ininda ang antok, mas mahalaga sa kanya ang mga bagay na kaniyang matututunan. Gumigising siya ng sobrang aga upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Pinuna ni Theresa ang pag-aaral na iyon ng kanyang kuya. “Kuya, anong meron? Bakit parang ipinagpalit mo na kami sa mga aklat na yan?” Tumawa si Santi sa tanong na iyon ng kanyang kapatid. “Ano ka ba? May pambansang pagsusulit kasi na magaganap kaya nag-aaral akong mabuti. Ayaw kong bumaba ang mga grado ko roon.” Matapos ang ilang linggong pag-aaral, dumating na sa wakas ang araw ng pagsusulit. Galing sa ibang paaralan ang naging tagapagbantay nina Santi. Dahil sa haba ng gagawing pagsusulit, pinayagan ang lahat ng mga mag-aaral na magbaon ng kani-kanilang mga pagkain. Dahil wala silang pagkain nang araw na iyon, pumasok si Santi na walang laman ang tiyan. Wala rin siyang pera kaya’t wala siyang baon. Habang nagsasagot, napapatingin siya sa mga kaklase niyang kumakain. Naiinggit siya sa mga ito. Gayun pa man pinagtuunan niyang mabuti ng pansin ang lahat ng mga katanungan. Pinag-isipan niyang maigi ang sagot sa mga ito. Habang siya’y nagsasagot ay sumasabay rin ang pagkalam ng kaniyang tiyan.

Merci Beaucoup!

Page 246: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

246

Matapos ang pagsusulit, nagsalita ang kanilang tagapagbantay. “Ang resulta ng pagsusulit na ito ay malalaman sa Pebrero.” Parang nabunutan ng tinik sa lalamunan si Santi matapos ang pagsusulit na iyon. “Ay salamat, makatutulog na rin ako ng matiwasay.”

~ Wala pa ring nagbago sa Pasko at Bagong Taon ng magkakapatid. Ganun pa rin. Sila-sila pa rin ang nagdiwang nito kahit pa ang handa lang nila ay pansit na mula sa kapitbahay. Wala pa ring pagbabago sa kasiyahan. Hindi pa rin sila kasama dahil wala pa rin silang pang-ambag. May bago pala. Palihim na dumalaw sa kanila ang ama nilang si Fernan at nagbigay sa kanila ng munting pera sa bawat isa. Masaya na rin sila kahit papaano sapagkat naalala sila ng kanilang ama sa mismong araw ng Pasko. Kumpara dati, mas masipag ng magbigay sa kanila ng pagkain ang kanilang ama nang mga panahong iyon. Iyun nga lang, patago siya kung pumunta at magbigay. Inaaway raw kasi siya ni Alice kapag nalalamang nagbibigay siya sa kanyang mga anak.

~ “Class, may darating tayong bisita sa susunod na linggo galing sa ibang bansa, sa Pransya. Nais kong maghanda ang lahat. Linisin nating mabuti ang ating silid. Nais kong ang ating silid ang kanyang purihin.” “Ma’am, sino po ang darating?” ang tanong ng isa. Isinulat ni Bibinibing Kulagu ang pangalan ng bisita sa pisara. Mr. Alexandre Moreaux

“Basahin niyong mabuti. Ang pangalan niya ay French

Merci Beaucoup!

Page 247: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

247

name. So, hindi n’yo dapat basahin ang ‘x’. Kaya ang basa diyan ay ‘mo-ru’. Malinaw ba?”

“Opo,” ang sagot naman ng mga bata.Nang sumapit ang oras ng kainan, tumungo si Santi sa

silid-aklatan. Nagkita-kita na naman sila roon nina Theresa at Joseph. Nagsaliksik si Santi ukol sa bansang Pransya. Isinulat niya sa kanyang kwaderno ang ilang mahahalagang bagay. Nagsaliksik din siya kung papaano tamang bigkasin ang mga pangalan ng mga Pranses.

Araw-araw sa kanilang bahay ay pinagsasanayan niyang bigkasin ang ilan sa mga salita ng bansang ito.

“Ano ba yang mga pinagsasasabi mo kuya. Di ko maintindihan,” ang puna ni Theresa sa kanya.

“Wala lang ito,” ang maagap naman niyang sagot.At dumating na ang araw ng pagdalaw ng bisita. Si

Alexandre Moreaux ay isang mayamang Pranses na lumilibot sa mga mahihirap na lugar upang maghanap ng mga matutulungan niyang estudyante. Kung mapipili, malilibre na ang pag-aaral ng estudyante sa apat na taon niya sa sekondarya sa isang pribadong paaralan. Pampublikong mga elementarya ang karaniwan niyang pinupuntahan. At sa taong iyon, ang Mababang Paaralan ng San Jose ang kanyang napili.

Si Albert ang ipiprisinta ng mga guro dahil siya ang may pinakamataas na grado sa lahat ng nasa ikaanim na baitang. Hindi nabigyang pansin si Santi sapagkat base sa pinakahuling suma ng mga grado, panglima lang siya sa pinakamataas.

Sinalubong si Mr. Moreaux ng masasayang tugtugin ng grupo ni Bibinibing Kulagu. Hinayang na hinayang si Santi sapagkat wala na siya sa grupong iyon. Tuwang-tuwa naman ang Pranses sa pagsalubong na iginawad sa kanya.

Ingles kung magsalita si Mr. Moreaux sa mga guro. Apat na lengwahe ang kaya niyang bigkasin. Ito ay ang Aleman, Pranses, Ingles at Español. Labis niyang kinahuhumalingan ang mga taong nagsisikap na pag-aralan ang iba pang mga wika.

Pagpasok niya sa silid ni Bibinibing Kulagu, agad siyang binati ng mga bata sa salitang Ingles. Matapos iyon,

Merci Beaucoup!

Page 248: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

248

umupo siya sa gilid ng pisara at sinabihan si Bibinibing Kulagu na ituloy ang kanyang pagtuturo. Pinagmasdan niya ang bawat mag-aaral. Sa pagtingin niya sa bandang hulihan, napansin niya ang isang payat na estudyante. Kumpara sa ibang mga bata, ang pangangatawan nito ay masasabing hindi malusog. Napansin niya na tila matamlay ang mga mata nito.

Habang nagtuturo si Bibinibing Kulagu, panay ang pakitang-gilas ni Albert. Panay ang pagsagot niya sa mga katanungan ng kanyang guro. Samantala, tahimik lang si Santi sa kanyang pinagkakaupuan at pinagmamasdan ang bisita.

Nang mga oras na iyon, kasama rin ni Mr. Moreaux ang ilang mga guro at ang prinsipal ng paaralan ngunit ang mga ito ay nasa pinto lang ng silid. Doon sila nakatayo at nagmamasid.

Nang mapagmasdan na ni Mr. Moreaux ang mga mag-aaral pati na ang pagtuturo ni Bibinibing Kulagu, siya’y nagpaalam na sa kanila. Kinamayan niya si Bibinibing Kulagu at yumuko sa harap ng mga estudyante tanda ng kanyang taos pusong pasasalamat.

Lumakad na siya papalabas. Pagtapat niya sa gilid ni Santi, biglang nagwika ang paslit.

“Merci beaucoup.”Napahinto si Mr. Moreaux sa kanyang paglakad nang

marinig iyon at tumingin siya kay Santi.“Parlez-vous Francais?” ang wika ni Mr. Moreaux.“Juste un petit peu,” ang saad naman ni Santi.“Quel est votre nom?” ang muling wika ni Mr. Moreaux.“Je m’appelle Santi,” ang tugon ng paslit.Napamulagat ang mata ni Mr. Moreaux at bigla siyang

ngumiti kay Santi. Matapos iyon, kinamayan niya ang paslit sabay wika, “Nice to meet you Santi.”

Sumagot si Santi, “Nice to meet you to Mr. Alexandre Moreaux.”

Muling natuwa si Mr. Moreaux. Sa lahat ng nakausap niya nang araw na iyon, tanging si Santi lang ang nakapagbigkas ng tama sa kanyang pangalan. Batay sa pag-aaral ni Santi, hindi na kailangan pang bigkasin ang ‘re’ sa pangalang Alexandre.

Merci Beaucoup!

Page 249: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

249

Hindi ito tulad ng Alexander bagkus ay Alexand.Nagulat ang lahat ng nakasaksi sa pangyayaring iyon.

Humanga ang lahat ng mga kaklase ni Santi sa kanya gayundin ang mga guro at prinsipal na nasa labas ng pinto. Samantala, tahimik lang si Bibinibing Kulagu sa kanyang pagkakatayo.

“Wow, ang galing naman ni Santi. Humanga sa kanya si Mr. Moreaux,” ang wika ng isang guro.

Tuwang-tuwa ang mga guro sa labas ng pinto kahit pa hindi naman nila naunawaan kung ano ang pinag-usapan ni Mr. Moreaux at ni Santi. Gayun pa man, isa lang ang tiyak nila, lubos na natuwa ang bisita kay Santi.

Pagkalabas ng silid, tumungo si Mr. Moreaux kasama ang mga guro sa opisina ng prinsipal. Doon nila pag-uusapan kung sino ang pipiliin ni Mr. Moreaux.

Agad sumunod si Bibinibing Kulagu sa kanila kasama si Albert subalit hindi sila pumasok sa opisina. Naghintay sila sa labas upang kung sakaling tawagin ay mabilis na silang makatutungo sa loob.

Maya-maya pa’y lumabas na si Ginang Delfin, ang isa sa mga kasama ni Mr. Moreaux sa opisina.

“Oh, ano? Papasok na ba si Albert?” ang tanong ni Bibinibing Kulagu. “Hindi. Si Santi ang tawagin mo,” ang tuwang-tuwang tugon ni Ginang Delfin.

“Ha? Paano nangyari yun?” ang pagtatakang tanong ni Bibinibing Kulagu.

Agad siyang hinila ni Ginang Delfin patungo sa kaniyang silid upang tawagin si Santi. Ipinaliwanag niya sa daan ang nangyari.

“Si Santi ang inusisa niya sa amin. Tuwang-tuwa siya kay Santi. Ipinaliwanag naman nila Ginang Aka kay Mr. Moreaux na si Santi raw talaga ang karapat-dapat na mabigyan ng iskolarsyip sapagkat siya ang pinakamahirap sa lahat ng mga mag-aaral.”

Nadismaya si Albert sa narinig. Akala niya’y siya na ang mapagkakalooban ng iskolarsyip para sa kanyang pag-aaral sa mataas na paaralan gayundin ang hinuha ni Bibinibing Kulagu.

Merci Beaucoup!

Page 250: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

250

Hindi kasi niya gusto si Santi.

~Pebrero. Dumating na sa opisina ng prinsipal ang resulta

sa Pambansang Pagsusulit. Masayang-masaya ang prinsipal nang tingnan niya ito sapagkat mataas ang pangkalahatang grado na nakuha ng Mababang Paaralan ng San Jose.

Pinatawag niya ang lahat ng guro.“Masaya ako sa naging resulta ng ating Pambansang

Pagsusulit para sa Ikaanim na Baitang,” ang bungad niya sa mga ito. “Hindi lang yon. May nakalakip pang papel dito na nagsasabing sa ating paaralan nagmula ang pinakamataas na grado sa buong probinsya.

“Si Albert po ba yun?” ang tanong ni Bibinibing Kulagu.

Umiling ang prinsipal. “Hindi sa lahat ng pagkakataon ay mangingibabaw ang isang taong tanyag. Minsa’y hinihintay lang na magising ang isang higanteng natutulog,” bahagya siyang huminto. “Si Santi ang may pinakamataas na grado sa lahat ng asignatura sa buong probinsya. Napakalayo ng agwat niya sa susunod sa kanya. Si Albert ang kasunod niya.”

Muling napahiya si Bibinibing Kulagu sa pagkakataong iyon. Akala niya’y si Albert na ang makakukuha ng pinakamataas na grado.

Dahil sa grado mula sa Pambansang Pagsusulit, maraming mga guro ni Santi ang humanga sa kanya. Dahil sa talinong ipinamalas ng paslit, binago ng mga guro ang una nilang desisyon na si Albert ang gawaran ng Unang Karangalan. Galit na galit si Bibinibing Kulagu. Si Albert ang kanyang ipinipilit subalit nag-iisa lang siya. Lahat ng mga guro ay sang-ayon na si Santi ang gawaran ng Unang Karangalan.

Araw ng Pagtatapos.

Merci Beaucoup!

Page 251: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

251

Hindi kay Santi nalaman ni Fernan ang mga balita tungkol sa kanyang anak. Isang kapitbahay nila ang nagkwento rito. Balitang-balita raw si Santi sa Pamilihang Bayan.

Mabilis na tumungo si Fernan sa bahay ng mga anak upang alamin ang katotohan.

At doon, nalaman niya ang lahat ng balita tungkol kay Santi.

Agad siyang umuwi upang magbihis at pagkatapos binalikan niya si Santi at sabay silang tumungo sa paaralan.

Punong-puno ang leeg ni Santi ng mga medalyang kanyang nakuha sa iba’t-ibang parangal. Hindi makapaniwala si Fernan sa kanyang nakikita.

“And this year’s First Honor is .... Santiago Fernando M. Madriaga, Jr. also known as Santi.”

Palakpakan ang lahat ng mga tao. Ang iba’y tumayo pa habang pumapalakpak. Galak na galak sila sa tagumpay ng paslit. Hindi na lingid sa kaalaman ng mga magulang ang kwento ng buhay ng paslit kaya tuwang-tuwa sila rito.

Halos mapaiyak naman si Santi sa kanyang pagtaas sa entablado kasama ang kanyang ama.

Napakaraming regalo ang kanyang natanggap mula sa mga guro at magulang nang araw na iyon. Halos hindi na niya mabitbit ang mga ito.

Dumalo rin sina Theresa, Joseph at Juan. Nakatago sila sa gilid ng isang puno. Abot din ang kanilang pagpalakpak nang tawagin ang pangalan ng kanilang kapatid. Pambahay lang kasi ang kanilang mga suot kaya sila’y nakakubli.

Sa pag-uwi ni Santi, sa sementeryo siya tumuloy. Rito, muli na naman niyang kinausap ang kanyang lola.

“Nay,” ang maluha-luha niyang bungad. “Heto na po. Nakamit ko na ang pinapangarap niyo sa akin. Tingnan niyo po, ang dami kong medalya. Dahil sa inyo ito Nanay. Kayo po ang

Merci Beaucoup!

Page 252: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

252

naging inspirasyon ko rito. Kahit na po halos hinang-hina na kami minsan sa gutom ay hindi kami sumusuko. Napakalupit po ng mundo sa amin subalit alam ko po, patuloy niyo kaming sinusubaybayan. Hayaan niyo po Nanay, simula pa lang po ito ng aking tagumpay. Ipinapangako ko po sa inyo, lalo pa akong magsisikap. Tutulungan ko rin po ang lahat ng aking mga kapatid. At gaya po ng inyong turo, patuloy pa rin po akong magdarasal sa Panginoon. Nay, maraming maraming salamat po. Mahal na mahal ko po kayo!”

WAKAS

Merci Beaucoup!

Page 253: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

253

Page 254: Santi · F. V. OMAÑA JR. Santi

254