san jose history

Upload: eloisa-lecaroz

Post on 13-Jul-2015

151 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

KASAYSAYANG NG PAROKYASIMBAHAN-CONVENTO-PAINTED CEILING NG SAN JOSE APOL: Magandang umaga po sa inyong lahat! Narito po ang Kasaysayan ng ating Parokya at Simbahan mula 17002010. Sisimulan po natin sa isang Video ng Kasaysayan mula 1700-1812.

*( Panoorin natin Video tungkol ditto 1700-1812) Click:http://www.youtube.com/watch?v=1y1xrj820tQ&feature=related

Putuling pagkatapos ng salita ni Doe Masilungan. Huwag nang ipakita ang mga Taong sumulat, nag-direct.. *(Ipakita ang pinakalumang litrato ng Simbahan pagkatapos ng Video 1812). APOL: Nagawa ang simbahan at convento ng St. Joseph, the Patriarch noong ika-1812 sa pagtutongtulong ng ating mga kababayanay sa gabay ng Cura Paroko noon na si Fr. MANUEL BLANCO, OSA, isang kinikilalang botanist at msionariong Agustino.

*(Ipakita ang litrato ni Fr. Manuel Blanco, OSA habang nagsasalita si Apol ). APOL: Bahagi ng Simbahan ay ang Convento at marami din magagandang alaala ang nais kong ibahagi sa inyo tungkol dito . Ang Convento na tinawag na Convento de San Jose ay ginamit ng mga sumusunod: Augustinian Missionaries bilang tahanan at opisina ng pagpapatakbo ng ating bayan, Capuchin Brothers, Dutch missionary, OSJ Missionaries bilang tahanan at seminary, Daughters of St. Paul Sisters, Medical Mission Sisters, classrooms ng St. Joseph Academy at San Jose

Institute o San Jose College o Dra. Concepcion A. Aguila Memorial College (CAMECO), St. Benedict XV School ng OSJ, Municipal Health Center, St. Francis of Sales Seminary, Cursillo Movement , tayo at ang ating mga ninuno. Narito ang litrato ng ilang mga gumamit ng Convento de San Jose. (Ipakita ang Mga litrato ng ilang sa mga gumamit ng Convento de San Jose ay ang mga sumusunod habang sinasabi ni Apol:) APOL: 1) Fr. GERARD VESTERS, Cura Paroko noong 1911 at isang Dutch Missionario ng Sacred Heart. 2)OBLATES OF ST. JOSEPH MISSIONARIES mula 1915 3) Mga katechista ng Archdiocese ng Lipa sa kanilang General Assembly noong 1938 4)ST. BENEDICT XV SCHOOL noong 1934 5) LEGION OF MARY noong 1946 6) CANTORA noong 1938 kasama si Conching Rosal 7) ADORADOR NOCTURNA noong 1937 8) SAN JOSE INSTITUTE o SAN JOSE COLLEGE o Dra. CONCEPCION A. AGUILA COLLEGE (CAMECO) ginamit ang Convento bilang Classroom noong 1952-1958 9) ST. JOSEPH ACADEMY ginamit ang Convento bilang Classroom noong 1947

APOL: APOL:

APOL: APOL: APOL: APOL: APOL:

APOL:

APOL: 1946 APOL: APOL:

10) ST. FRANCIS OF SALES JUNIOR SEMINARY noong

11) CURSILLO MOVEMENT noong 1964-1999

Noong ika-12 ng Enero, 1999, ipinahayag ni Arsobispo Gaudencio Rosales na ang pangangasiwa at paggamit ng Convento de San Jose ay ibinalik na sa parokya sa kahilingan ng Parish Pastoral Council sa pamumuno ni Rev. Fr. Rony Alkonga, OSJ. *(Ipakita ang litrato ni Fr. Rony Alkonga, OSJ habang nagsasalita si Apol ) APOL: Mula noon unti-unti nang ipinagawa ang Convento. Ang unang palapag ng convent ay isinaayos at inakupahan ng Healing Center, Mortuary, Youth Center, Parish Pastoral Center, Opisina ng Parokya at isang ecclesiastical museum. Nagkaroon ng mga exhibits ang pangalawang palapag at naging social hall na pinagdausan ng mga prayer assembly, weddings, Christmas parties, etc. Subalit ang bubong, kisame, mga pintuan, sahig, thrushes na nangangailangan ng agarang pagsasaayos ay hindi masimulan dahil sa napakalaking capital na kailangan nito. Sangayon kay Arch. Lily Andres Pio Roda, isang kinikilang architect na ating kababayan, ang gastos sa pagbabalik ng dating Convento ay mahigit kumulang sa P20M. Noong 2010, Mayo habang may Pang-Linggong Misa, bahagi ng Painted kisame ng ating simbahan ay biglang nahulog. Nagulat ang lahat na ang bahaging ito ng ating simbahan ay nangangailangan ng agarang pagsasaayos. Agarang kumilos ang ating Cura Paroko, Fr. Eduardo Carandang, OSJ, isang lehitimong taga

Lepote, San Jose, Batangas. Ginawaan niya ng paraan na di mahulog kaagad ang kisame at pinaayos ang bahaging nawala sa kisame. Narito ang mga litrato ng kasalukuyang estado ng ating Convento at Painted kisame ng ating simbahan. *(Ipakita ang mga litrato ng kasalukuyang estado ng ating Convento at Painted Ceiling ng ating simbahan.) APOL: Subalit ang ibang pagkilos tungkol sa Preservation at Restoration nito ay di pa maisagawa dahil sa malaking halagang magagastos dito. Sa nakitang situasyon, pinaplano ni Fr. Eduardo Carandang, OSJ na ibalik sa dati ang Convento. Plano niyang gawing tahanan muli nila ang ika-lawang palapag ng convento at isang malaking social hall para social functions at ang unang palapag ay magkaroon ng Chapel upang pagdausan ng misa at novena ng mga pilgrims at mga maliliit na grupo ng ating parokya, youth center, mortuary, museum, office ng Parokya, museum at isang malaking social hall. Plano din niyang bigyan ng masususing pagaaral at pagsanguni sa mga experto sa Preservation at Restoration Program para sa ating Painted Ceiling ng simbahan. Walang ng ibang alternatibo ang Cura Paoko, ang kanyang assistants at kanyang Parish Pastoral Council kundi kumilos NGAYON. MAGTULONGTULONG TAYONG LAHAT!

Ang Kasaysayan ng ating Simbahan at Convento ay mula sa mga isinulat nina Gng. Aurora G. Mercado, Amb. Juan A. Ona at Gng. Gracia Ona hango sa Historical Commission 99 Archieves.