samahan sumali sa pamamagitan ng pagbabasa ng …...sumali sa pamamagitan ng pagbabasa ng aklat ni...
TRANSCRIPT
S e t y e m b r e 2 0 1 8 73
MG
A BATA
Gustung- gusto namin ang Aklat ni
Mormon dahil natututo kami tungkol sa ebang-helyo at lalo na kay Jesucristo. Lubos kaming nagpapasalamat sa Diyos para sa Aklat ni Mormon dahil nalalaman namin na si Jesucristo ang aming Tagapagligtas, at malaking tulong iyon sa buhay.Allfie at Anna B., edad 6 at 8, Maharashtra, India
Gustung- gusto ko ang Aklat ni Mormon dahil totoong aklat ito. Banal na kasulatan ito na nagmula sa Diyos, at naniniwala ako rito.Joel S. (kanan), edad 8, Maharashtra, India
Aklat ni Mormon ang paborito kong aklat. Gustung- gusto ko ang halimbawa ni Nephi. Siya ang superhero ko
sa Aklat ni Mormon. Napakamasunurin niya sa mga utos ng Diyos. Gusto kong maging katulad niya.Jhetro F., edad 10, Iloilo, Philippines
Gusto ko ang kuwento ng pangitain ni Lehi
dahil pinapasaya ako nito. Itinuturo nito sa akin na gumawa ng mabubuting pasiya para makara-ting ako sa punungkahoy ng buhay. Ang punungkahoy ng buhay ay isang simbolo ng buhay sa piling ng Ama sa Langit, ni Jesucristo, at ng lahat ng taong mahal ko.Sadie S., edad 9, Lusaka, Zambia
Natapos ko ang pamba-tang bersyon ng Aklat ni Mormon bago ako
nabinyagan. Sa dulo ng aklat, hiniling ng nanay ko na ipagdasal ko ang tungkol sa Aklat ni Mormon. Nadama ko na habang nagbabasa ako na totoo ang mga salita.Sean I., edad 7, Somerset, England
Sumali sa pamamagitan ng pagbabasa ng Aklat ni Mormon!
Samahan ng mga
Nagbabasa ng Aklat ni Mormon
Maaari kang magbasang mag- isa, kasama ang pamilya mo, o ang isang kai-bigan. Pagkatapos ay ipadala sa amin ang larawan mo na nagbabasa ng Aklat ni Mormon at ikuwento sa amin ang anumang natutuhan mo o ang paborito mong kuwento sa Aklat ni Mormon. Ipadala ito sa liahona .lds .org (i- klik ang “Submit an Article”).
Ang talata para sa buwang ito: Mosias 2:17
“Kung kayo ay nasa paglilingkod ng inyong kapwa- tao, kayo ay nasa
paglilingkod lamang ng inyong Diyos.”
Ang mga bata sa Primary sa ward na ito sa Ile- de- France, France, ay hinamon na basahin ang Aklat ni Mormon araw- araw. Nakakuha sila ng sertipiko sa pagkakamit ng kanilang layunin!