sabog-tanim - pinoyrice.com · ang pagtatanim ng palay ay maaaring gawin sa iba’t-ibang paraan....

2
Sabog-tanim Ang pagtatanim ng palay ay maaaring gawin sa iba’t-ibang paraan. Ang pagpili sa pamamaraang gagamitin ay depende sa layunin at kakayahan ng magsasakang mamamahala sa kanyang bukid. May dalawang karaniwang pamamaraan sa pagtatanim ng palay: sabog-tanim (direct-seeding) at lipat-tanim (transplanting). Hindi na kailangang patubuin, bunutin, at ilipat ang mga punla dahil diretso na itong itatanim sa lupa. Mas mabilis nang 7-10 na araw ang pagtubo ng palay kaysa sa paraang lipat-tanim. Nangangailangan ng masisigla at matitibay na barayti sa paggawa nito. Mahalaga rin na magkaroon ng dagdag na proteksyon ang mga tanim laban sa mga peste at damo. May tatlong paraan ng sabog-tanim: pagsasabog sa basa at tuyong lupa, at modified dry direct seeding. Series 3, No. 1

Upload: others

Post on 10-Oct-2019

106 views

Category:

Documents


4 download

TRANSCRIPT

Sabog-tanim

Ang pagtatanim ng palay ay maaaring gawin sa iba’t-ibang paraan. Ang pagpili sa pamamaraang gagamitin ay depende sa layunin at kakayahan ng magsasakang mamamahala sa kanyang bukid. May dalawang karaniwang pamamaraan sa pagtatanim ng palay: sabog-tanim (direct-seeding) at lipat-tanim (transplanting).

Hindi na kailangang patubuin, bunutin, at ilipat ang mga punla dahil diretso na itong itatanim sa lupa.

Mas mabilis nang 7-10 na araw ang pagtubo ng palay kaysa sa paraang lipat-tanim.

Nangangailangan ng masisigla at matitibay na barayti sa paggawa nito.

Mahalaga rin na magkaroon ng dagdag na proteksyon ang mga tanim laban sa mga peste at damo.

May tatlong paraan ng sabog-tanim: pagsasabog sa basa at tuyong lupa, at modified dry direct seeding.

Series 3, No. 1

Series 3, No. 1

Kinakailangang patubuin muna ang mga binhi sa punlaan bago ito itanim sa bukid.

Ginagawa ito upang maging maganda ang paglago ng mga punla at mapoprotektahan ang mga ito laban sa mga damo at peste.

Mas madaling panatilihin ang pantay-pantay at pare-parehong pagitan at dami ng mga punla kung itatanim ang mga ito nang nakahanay.

Sa paghahanda ng mga ililipat na punla, maaaring gumamit ng wetbed, drybed, modified dapog, at mat nursery.

Lipat-tanim

Mga Dapat Tandaan sa Pagpili ng Paraan ng Pagtatanim ng Palay

Nangangailangan ng ibayong proteksyon laban sa kuhol, ibon, daga, at iba pang peste at damo

Mahirap pangalagaan dahil nasa buong pinitak kaagad ang mga binhi

Mas maraming kailangan na binhi

Hindi na kailangang maghanda ng punlaan, magbunot ng punla, at maglipat-tanim

Maaaring gawin sa basa o tuyong lupa

Mas matibay sa kuhol, ibon, daga, at iba pang peste at damo

Madaling pangalagaan dahil sa kamang punlaan pa sisibol ang mga binhi

Kaunting binhi lamang ang kailangan

Dagdag gastos ang pagbubunot at pagtatanim ng punla

Ginagawa lamang sa basang lupa

Sabog-Tanim Lipat-tanim