review of related literature - telle

9
INTRODUKSYON Di malilimid sa panahon ngayon ang laganap na pag gamit ng teknolohiya sa iba’t ibang aspeto ng lipunan. Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa inobatibong pag gamit ng teknolohiya sa paglinang sa sistema ng edukasyon. Ayon sa mga nakalap na datos na naitala sa ibaba, malaki ang maitutulong ito upang mas maging epektibo ang paraan ng pag-aaral. IV. Mga Katunayan o Halimbawa ng mga Guro/Paaralan na Nagpatupad nito. Southern Colorado High school John Mall High School at Walsenburg Marilyn Williams isang grade 6 na guro sa Eugene School District Kathy Shirley, Technology and Media Services Director of the Escondido Union School District Georgia College & State University A. Mga obhektibo ng mga paaralan ukol sa pagpapatupad nito. South Colorado High School at John Mall High School sa Walsenburg - Ayon kay Deb Striegel, isang guro sa paaralan na ito, “Ngayon ay isang global marketplace na. Ang mga estudyante natin ay dapat digitally fluent hindi lamang literate. Alam na ng mga estudyante gamitin ang mga gadgets para maglaro, pero pag-hindi natin sila tinuruan kung paano ito

Upload: jose-ian-pagarigan-bautista

Post on 18-Apr-2015

572 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Review of Related Literature - TELLE

INTRODUKSYON

Di malilimid sa panahon ngayon ang laganap na pag gamit ng teknolohiya sa iba’t ibang aspeto

ng lipunan. Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa inobatibong pag gamit ng teknolohiya sa paglinang sa

sistema ng edukasyon. Ayon sa mga nakalap na datos na naitala sa ibaba, malaki ang maitutulong ito

upang mas maging epektibo ang paraan ng pag-aaral.

IV. Mga Katunayan o Halimbawa ng mga Guro/Paaralan na Nagpatupad nito.

Southern Colorado High school John Mall High School at Walsenburg Marilyn Williams isang grade 6 na guro sa Eugene School District Kathy Shirley, Technology and Media Services Director of the Escondido Union

School District Georgia College & State University

A. Mga obhektibo ng mga paaralan ukol sa pagpapatupad nito.

South Colorado High School at John Mall High School sa Walsenburg

- Ayon kay Deb Striegel, isang guro sa paaralan na ito, “Ngayon ay isang global marketplace na. Ang mga estudyante natin ay dapat digitally fluent hindi lamang literate. Alam na ng mga estudyante gamitin ang mga gadgets para maglaro, pero pag-hindi natin sila tinuruan kung paano ito gamitin para sa pag-aaral, sino ang magtuturo sa kanila?”

- “Ito rin ay isang chansa para matututo ang mga estudyante na maging responsable” sabi ni School Principal Pamela Siders.

Marilyn Williams

- Ginagamit niya ang mga iPod Touch para makatulong sa pagbabasa ng mga estudyante at para sa retensyon ng mga impormasyon sa kanyang mga leksyon. Ayon sa kanya ginagamit rin niya ang mga iPod Touch dahil ito ay masmaliit kesa

Page 2: Review of Related Literature - TELLE

sa mga laptops, dahil ito ay maspersonalized o individualized at dahil ito “cool” at socially acceptable.

Kathy Shirley

- Gusto niya makita kung mahahasa ba ng mabilis ang reading comprehension ng mga estudyante pagpinagamit sila ng iPod touch.

- Ang resulta ng kanyang experimento ay positibo, masbumilis ang pagkatuto ng mga estudyante sa pagpapasa ng 6x kumpara sa normal na pagsasanay lamang.

Georgia College & State University

- Para maging efficient ang mga estudyante sa kolehiyo, at para masmaging interesting ang mga courses tulad ng: “War, Politics and Shakespeare”, at “Gothic Imagination course”.

B. Mga Polisiya ng mga Paaralan ukol sa pagpapatupad ng teknolohiya sa kanilang mga paaralan

Hindi maikakaila na ang teknolohiya ay may kakayahang makapagpahusay sa pag-aaral ng bawat estudyante. Kung kaya’t ang mga programa tulad ng BYOD o BYOT ay ipinasayaan. Kalakip ng mga programang ito ay mga polisiya o patakaran upang matiyak na ang teknolohiya ay makakapagdulot ng positibong epekto sa pag-aaral. Halimbawa:

- Ang mga mangagamit na may edad 18 pababa ay dapat na humingi muna ng pahintulot sa kanilang magulang (parental permission). Ang mga mag-aaral naman na 18 years old pataas ay dapat na sumunod sa mga tuntunin at kundisyon ng paaralan.

Mga Tuntunin at Kundisyon:

-Ito ang mga halimbawa ng mga hindi naaangkop na aktibidad. Gayunpaman, taglay ng paaralan ang karapatan na magsagawa ng agarang pagkilos tungkol sa gawain.

1. Paglabag sa anumang estado o pederal na batas, tulad ng: access o pagpadala ng pornogropiya ng anumang uri, malaswang artikulo, mga mapanganib na materyales, mga

Page 3: Review of Related Literature - TELLE

materyales na hinihikayat ang ibang lumabag sa batas, kumpidensyal na impormasyon o mga copyrighted na materyales.

2. Kriminal na gawain na maaaring parusahan sa ilalim ng batas.

3. Pagkuha at/o paggamit ng mga anonymous email sites, spamming, pagkalat ng mga virus.

4. Pagiging sanhi ng pinsala sa iba o pinsala sa kanilang ari-arian.

5. Ang paggamit ng bastos, mapang-abuso, o bastos na wika; nagbabala, panliligalig, o paggawa ng mga mapinsala at maling pahayag tungkol sa iba o pag-access, pagpapadala, o pag-download ng mga nakakasakit, o nanghahamak na mga materyales.

6. Pagtanggal, pagkopya, pagbabago ng mga pangalan, email, mga file o datos ng iba.

7. Paggigiba ng kompyuter, mga files, datos sa anumang paraan, kabilang na ang pagpapadala o sadyang pag-download ng mga virus ng mga kompyuter o iba pang mapanganib na file o programa.

8. Ang paggamit ng kompyuter o mobile sa pag-hahack o ang pagsubok na i-access ang mga files na protektado ng mga privacy laws.

9. Ang mga gumagamit ay hindi dapat sadyang mag-access, lumikha, magtinda o magpadala ng material na maaaring nakakasakit o nakaka-harass o nakaka-insulto sa iba.

10. Ang mga manggagamit ay dapat na sumunod sa mga copyrighted laws.

11. Ang mga mag-aaral ay hindi pinahihintulutang gamitin ang network para sa mga di-akademikong gawain.

Guidelines sa Paggamit ng ‘School Web’:

1. Ang paggamit ng Docs, Moodle, blogs, podcasts o iba pa ay tinuturing na isang extension ng classroom. Samakatuwid, ang anumang pananalita na hindi angkop sa isang silid-aralan ay hindi rin angkop na gamitin sa blogs, podcasts, at iba pang web tools.

2. Hindi dapat ibigay ng isang estudyante ang kanyang username o password kahit kanino. Maliban na lang sa kanyang guro o magulang.

3. Ang mga estudyanteng hindi susunod sa mga tuntunin at kundisyon ay mawawalan ng opurtunidad sa mga proyekto o mabibigyan ng angkop na kaparusahan.

Page 4: Review of Related Literature - TELLE

Sa Paggamit ng ‘Mobile Device’:

1. Ang mga miyembro ng administrasyon ng paaralan o guro ay maaaring mag-inspect o maghalughug ng memory device ng isang estudyante kung sa tingin nila’y nilalabag ng estudyante ang mga polisiya ng paaralan.

2. Magagamit lamang ng mga estudyante ang kanilang mga mobile device kung sila’y pinapahintulutan ng kanilang guro.

Sources:

http://www.kktv.com/news/headlines/83306172.html

http://www.teleread.com/ebooks/oregon-schools-find-ipod-touch-improves-reading-math-skills-in-students/

http://www.apple.com/education/profiles/escondido/

http://ipod.gcsu.edu/GCSU%20iPod%20Story/index.html

http://www.corcoraunified.com /?s=Acceptable+Use+Policy

Central Elementary School, Escondido California

- Ayon kay Kathy Shirley, makakatulong ito sa reading comprehension ng mga bata sa ika-apat na baitang. Ito rin ay magagamit ng mga guro sa paghahanda ng kanilang mga lesson plans at masusubaybayan rin nila ang perpormans ng mga mag-aaral. Ayon din sa pag-aaral ni Kathy, nagiging motibasyon ng mga bata ang mga itouch na gamit nila.

Eugene School District

Canby School District

- Nakitang mas tumaas ang mga grado at naging maganda ang perpormans ng mga mag-

aaral sa mga silid-aralan na gumagamit ng mga gadgets (Morlock). Naging madali rin sa

kanila na tanggapin ang bagong set-up dahil sa natural na hilig ng mga bata sa gadgets.

John Mall High School, Walsenburg

- Wika ni Deb Striegel, isang guro, “Isa itong paraan ng paghahanda sa mga mag-aaral sa

pagharap sa mundong umiikot sa mga makabagong teknolohiya.” Dagdag pa niya,

Page 5: Review of Related Literature - TELLE

“Ngayon ang magandang pagkakataon para sila’y turuang gamitin ang mga gadgets ng

hindi lamang para gawing laruan kundi ng mapakinabangan sa pag-aaral.”

SA PAG-AARAL

Higit na makakatulong ang paggamit ng gadgets sa pag-aaral ng mga mag-aaral dahil sa hindi limitadong paghahanap ng mga impormasyon sa tulong ng internet (Bradley, 2011). Hindi narin sila inaabot ng matagal na panahon sa paghahanap ng mga impormasyon. Karagdagan, up-to-date din ang mga datos dito, hindi na kinakailangan na maghintay para mailimbag ang isang libro.

Mas magiging madali rin ang pagtatakda ng mga aralin habang nagtatalakay ang guro (Opinator, 2011). Madami ding mga aplikasyon o programa ang maaaring mailagay sa mga gadgets na labis na makakatulong sa mga mag-aaral. Magiging all-in-one ang mga gadgets na ito; calculator, diksunaryo at thesaurus, voice notes, podcasts atbp.

SA PAGTUTURO

Samantala, hindi lamang ang mga mag-aaral ang nakakatamasa sa mga benepisyo ng paggamit ng mga gadgets;

Para sa mga guro, mas nabibigyan sila ng mga makabagong paraan ng pagtuturo. Dahil dito, mas nagiging interesado ang mga bata na matuto. Hindi narin nahihirapan ang mga guro na kunin ang atensyon ng mga mag-aaral (Hu, 2011).

Ng dahil din sa iba’t ibang istilo ng pagtuturo, hindi nagiging “boring” ang pagtalakay. Mas magiging flexible din ang mga guro dahil sa iba’t ibang istilong ito na magagamit sa lahat ng klase ng estudyante (Roberson).

KENG

Sa panahon ngayon labis na ang paggamit ng kabataan sa mga makabagong gadgets. Mga gadgets na

naglalayong mapadali ang mga gawain ng nakararami. Ngunit hindi nila alam na may masama rin itong

naiidulot sa kanilang kalusugan. Dahil sa madalas na paggamit sa mga makabagong gadgets, maaari

itong magdulot ng labis na pagod o stress o di kaya ay kanser.

Page 6: Review of Related Literature - TELLE

Halimbawa nalang ay ang mga laptop, cellphone o kaya i-pad, ang mga gagets na ito ay

naglalabas ng mga radiation na nasabing carcinogenic ayon sa mga eksperto. Ang mga gadgets na ito ay

posibleng magdulot ng kanser sa tao. Isa ring epekto nga mga makabagong gadgets sa kalusugan ay ang

pagkapuyat na hindi nakakabuti sa ating kalusugan. Dahil sobrang kaadikan ng nakararami sa paggamit

ng mga gadgets minsan ay inaabot na sila ng hating gabi. Okay lang sa kanila ang matulog ng kahit anong

oras basta ba nasisiyahan sila sa paggamit ng mga i-pad, cellphone o kaya computer. Sa patuloy na pag-

unlad pa ng teknolohiya patuloy din ang paggamit dito. Lubos man ang ibinibigay nitong mabuting

epekto kapalit naman nito ay ang pagbaba ng ating kalusugan.

EPEKTO SA KOMUNIDAD

Marami sa mga kabataan ngayon ang nahuhumaling sa paggamit ng ibat-ibang mga gadgets.

At sa sobra nilang pagkawili sa mga gadgets na ito, minsan ay dito nalang umiikot ang kanilang

atensyon. Madalas itong mangyari sa mga estudyante, nakakakuha sila ng mabababang marka

hindi dahil sa hndi nila maintindihan ang mga itinuturo sa klase, ito ay dahil marami silang

pinagkakaabalahang iba bukod sa pag-aaral. Minsan ay nadudumihan din ang isip ng mga

estudyante dahil sa madali nilang pag access sa mga sex video at kung ano pa gamit ang

kanilang mga gadgets.

Ang iba naman ay hindi mabuhay ng walang cellphone na pinipindot o kaya ay magdamag na

nakadit sa kanilang tenga. Ngayon kahit saan ako tumingin lahat ay nakahawak ng cellphone

abalang abala magtext. Maraming tao ang naaadik sa pagtext,ngunit minsan ito ang

pinagmumulan ng mga di kanais nais na krimen. Maraming naloloko, dahil sa mga di kilalang

textmate. Karamihan sa mga biktima ay mga babae, na di lamang naloloko kundi minsan ay

nauuwi sa rape kapag nagkataong lumabas sila kasama ang di kilalang textmate

Ang mga makabagong kagamitang ito ay ang mga kinalolokohan ngayon ng mga mag-aaral

at pati mga matatanda. Imbes na bolpen at papel ang dala ng mga estudyante at pagtuunang

pansin nila ang kanilang pag-aaral at pagbutihin naman ng iba ang kanilang trabaho sa opisina,

and dala dala nila lagi ay laptop, PSP, tablet, I-pad at cellphone.

Page 7: Review of Related Literature - TELLE