research 101 chapter 1msep
DESCRIPTION
researchTRANSCRIPT
PAGE
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
GRADUATE SCHOOL
Kabanata I
ANG SULIRANIN AT ANG SANLIGAN NITO
PANIMULA
Halos lahat ng mga ginagawa ng bawat tao ay sinusukat, para sa ano
mang kadahilanan, kung ito ay kailangang busisiin, papurihan, sukatin at
siyasating mabuti. Ang pag-aaral ay hindi ligtas sa ganitong panunuri, lalo’t
higit ang ating kasalukuyang sistema ng edukasyon. Isinisisi sa kasalukuyang
sistema ng edukasyon na mahina ang kalidad ng kaalaman at karunungan
lalong- lalo na ang mga bagong nagtapos. Kaya’t napag-alaman nila na
kailangang sukatin ang kaalaman upang mapaunlad pa ang kasalukuyang
sistema at kurikulum ng pag-aaral.
Malaki ang papel na ginagampanan ng pag-aaral sa bawat buhay ng tao
mula pagkabata hanggang sa pagtanda. Mahalagang hubungin ang murang-
isipan ng bawat bata nang sa gayon ay makamit nila ang kanilang mga
mithiin sa buhay. Ang bawat magulang ay nagnanais na makapagtapos ang
kanilang mga anak ano man ang kanilang kalagayan sa buhay.
Nakasaad sa ating Saligang Batas, 1987, Seksyon 1 Artikulo 14 na ang
pag-aaral ay instrumento upang maiyos at maihanda ang isang tao sa mas
magandang kinabukasan. Mahirap ka man o mayaman ay kinakailangan
1
PAGE
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
GRADUATE SCHOOLmong mag-aral mula kinder hanggang kolehiyo upang magtagumpay sa
buhay. Ang kalidad ng karunungan ng mga batang Pilipino ang magdadala
ng pagbabago sa hinaharap. Ang mga paniniwala at pilosopiya sa pag-aaral
sa kabuuan ay susi sa tagumpay at karapatan ng bawa’t mamamayan sa
pagkakaroon ng sapat na edukasyong para sa lahat.
Ang pag-aaral na ito ay humahamon sa pambansang sistema ng
edukasyon upang maitaas ang kamalayan at kasanayan ng paraan at
pamamaraan ng pagtuturo upang maiangat at mapaganda ang kalidad ng
edukasyon nang sa gayon ay lalong maging akma sa lumalaking hamon sa
ating mundo. Isang daan upang maiangat ang kalidad ng edukasyon ay sa
pamamagitan ng pagtataya sa kalagayan at antas ng kaalaman ng mga bata.
Ang pagtataya ay walang katapusang pagtuklas sa pag-aaral,
pagtimbang ng pagbabago sa lahat ng aspeto sa programa ng edukasyon.
Ang pinakamainam na gawin ay maisakatuparan ng sama – sama ng mga
taong naniniwala sa paglago at pagbabago ng mga mag- aaral.
Ito ay isang sistematikong pagtuklas sa progreso ng dami ng kaalaman
sa pagtuturo ng nga mag- aaral upang maisakatuparan ang mithiin ng
edukasyon. Ito ay ang paghuhusga ng mga paraan ng pagkakatuto ng bata
sa lahat na aspeto ng pagkakatuto na base hindi lamang sa ano ang mga
natutunan kundi pati na rin sa paano at kalidad ng pagbabago ng kanyang
2
PAGE
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
GRADUATE SCHOOLpagkatao kabilang na ang pakikisama sa kapwa, mga hilig, pananaw,
paraan ng pag- iisip, mga paraan ng paggawa, at mga tamang pakikibagay
sa kapwa tao.
Ang pagbibigay kahalagahan sa kalagayan ng MSEP sa akademikong
performans ng mga bata sa kanyang pag-aaral ay upang mapaganda at
maiangat ang sistema at estilo ng pagtuturo at maiangat ang lebel ng interes
at pagkakatuto ng mga mag- aaral. Ang lahat na kasama sa akademya ay
nararapat na magkaroon ng malalim na pagkaunawa sa sukatan ng
pagtataya upang tamang mahusgahan at masukat ang kasalukuyang
sistema ng edukasyon.
Kaya’t layunin ng mananaliksik na mapataas ang antas ng interes,
kamalayan at kahusayan upang lalo pang maganyak ang mga maag-aaral sa
ikaanim na baitang na maipakita ang kanilang mga talento at galing sa ibat-
ibang karangan tulad ng pampalakasan, pagguhit at pag-awit.
Batayang Teoretikal
Ang pag-aaral na ito ay kakawing sa pagtataya at teorya ni Piaget na
kilala na Constructivism. Ang Constructivism ay teorya ng pagkatoto ng
tao ay base sa mga maipong kaalaman at mga kahulugan mula sa mga ideya
at mga karanasan. Ayon sa teorya ni Piaget na “Constructivist Learning”
3
PAGE
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
GRADUATE SCHOOLay may malawak na epekto sa pamamaraan ng pagtuturo. Ayon sa teorya
ng Constructivism, ang kaanyuan o kalagayan ng mga mag-aaral ay dapat
bigyang pansin. Napapaloob dito ang responsabilidad at pagganyak sa
pagkatoto ng mga mag-aaral. Isa pang aspeto ng teoryang ito ay ang
kalagayan o kakanyahan ng mga mag-aaral.
Dahil dito, malaki ang papel na ginagampanan ng mga guro upang
makamit ang layon ng teoryang ito. Layunin ng guro na magkaroon ng
produktibo at kagamitgamit ang bawat mag-aaral sa pamamagitan ng
pagkakaroon ng kamalayan at pagpapahalaga sa pansariling kakayahan,
mapataas ang tiwala sa sarili sa pamamagitan ng pagganyak upang malinang
niya ang mas magandang resulta at marapat na bigyan ito ng papuri at
pagkilala at matuto sila sa pakikisalamuha sa iba, Guthrie ( 2004).
Gayung ang pagkatuto ay isang progresibong proseso, kinailangang
masukat ang epekto sa paglinang ng kaalaman ng mga mag-aaral. Ang
pagtatayang ito ang magpapatunay na nakakatulong ito sa mga guro at mag-
aaral. Isang paraan sa pagtataya ng pagkatuto ay sa pamamagitan ng
achievement tests. Ang achievement tests ang nagpapatunay tungkol sa
antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Sila ang nagbibigay karunungan na
may katotohanan, mga prinsipyo, at kakayahang magamit ito sa
4
PAGE
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
GRADUATE SCHOOLpangmatagalan. Layunin din nito na magbigay balita sa mga magulang at
mga mag-aaral.
Ang guro ang nangangasiwa at nagbibigay puna sa kakayahang at
pagkaunawa ng mga mag-aaral at pag-unlad nito. Sila rin ang gumagamit ng
mga makabagong istratehiya at mga pamamaraan at mga makabagong
kagamitan upang makita ang pagbabago sa kanilang pag-katoto, ( Primer on
Education , 2009 ).
At upang makapag-bigay balita sa mga magulang at mga mag-aaral,
kinakailangan dito ang pagtataya. Ang pagtataya ay isang proseso ng
pagbibigay hatol o puna sa perpormans ng bawat bata. Ang pag-sukat o
pagtataya ay mahalaga upang makita ang pagtaas ng antas ng pagkatuto.
Una, dapat malaman ng guro kung papano ginagamit ng bata ang kanyang
natutunan upang magsilbi itong gabay ng guro. Pangalawa, ay upang
malaman ang kahinaan at kakayahan upang maging basihan ito ng
karagdagang gawain o pantulong sa pag-aaral. Pangatlo, ay upang masukat
kung gaano ka epektibo ang mga estratihiya na siyang mahalaga at basihan
ng pagkatuto ng mga bata. Pang-apat, ay upang tingnan ang kakanyahan ng
kurikulum sa basihan ng resulta ng achievement test. Pang-lima, ay upang
masukat ang kakanyahan ng pagtuturo. Kaya’t , ang pantulong na programa
ay mahalaga upang mapataas ang antas ng pagtuturo sa tulong ng mga
5
PAGE
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
GRADUATE SCHOOLpunong-guro, tagamasid pam-purok, upang maiangat ang kaidad ng
edukasyon. Pang-anim, ay ang pakikipagtulungan ng mga magulang
sa pag-aaral ng kanilang mga anak nang sa ganon maiangat ng interes ng
mga bata sa pag-aaral. ( Garcia , 2005).
Paradaym ng Pananaliksik
INPUT PROSESO KINALABASAN
Pigura 1
Paradaym ng Pag-aaral
Mga saklaw na layunin.Paksang araling tinatalakay.Pamamaraang ginagamit ng guro sa pagtuturo.Kagamitang pampagtuturo.Mga kasanayan o gawaing isinasagawa sa loob at labas ng silid aralan.
Data Analysis• Pagsasama-sama at
Pagiipon-ipon ng mga nakalap na datos.
Paghahambing na Analisis• Pagkakaiba ng Perpormans
ng Mag-aaral sa MSEP Analisis sa Korelasyon • Relasyon sa Pagitan ng
Kalagayan ng MSEP sa kanilang akademikong performans
Feedback
6
PAGE
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
GRADUATE SCHOOLMakikita sa unang bloke ang kalagayan ng MSEP at ang akademikong
perpormans ng mga mag-aaral sa ika-anim na baitang sa mga piling
pampublikong paaran sa distrito ng Cabuyao. Kasama rin dito ang
Perpormans ng mga mag-aaral sa Ika- anim na baitang sa asignaturang
MSEP sa taong panuruan 2012-2013.
Kasama sa proceso ang analisis ng datos na tumatalakay sa
pagsasama -sama at pagiipon-ipon ng ng nakalap na datos.
Paghahambing na Analisis na kung saan makikita ang Pagkakaiba ng
Perpormans ng bawat mag-aaral sa asignaturang MSEP sa nakalipas
Taong Panuruan 2012-2013.
Analisis sa Korelasyon na kung saan tinatalakay ang Relasyon sa
Pagitan ng Performans ng mga Mag-aaral sa Ikaanim na baitang sa
asignaturang MSEP at sa kanilang akademikong perpormans.
Paglalahad ng mga Suliranin
Ang layuning ng pag-aaral na ito ay matuklasan ang kalagayan ng
MSEP(Musika, Sining, Edukasyong Pampalakas ng Katawan) at ang
kaugnayan nito sa kanilang akademikong perpormans ng mga batang mag-
aaral sa Intermidyet mula sa mga piling paaralang pampublikong sa Distrito
ng Cabuyao.
7
PAGE
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
GRADUATE SCHOOL Pagsususmikapan ng mananaliksik na sagutin ang mga sumusunod
na mga katanungan:
Paglalahad ng mga Suliranin
1. Gaano kabisa ang pag-aaral ng MSEP ayon sa pagtataya ng mga
punongguro at mga guro batay sa sumusunod na mga aspeto;
1.1. Mga saklaw na layunin.
1.2. Paksang araling tinatalakay.
1.3. Pamamaraang ginagamit ng guro sa pagtuturo.
1.4. Kagamitang pampagtuturo.
1.5. Mga kasanayan o awtput ng mga mag-aaral.
2. Ano ang makabuluhang pagkakaiba sa pagtataya ng dalawang grupo
ng tagasagot hinggit sa kabisaan ng pag-aaral ng MSEP batay sa
mga nasabing aspeto?
3. Ano ang akademikong perpormans ng mga bata sa asignaturang
MSEP sa Taong Panuruan 2012-2013?
4. May malaki bang kaugnayan ang kabisaan ng pag-aaral ng MSEP sa
akademikong perpormans ng mga mag-aaral?
5. Anu-ano ang mga suliraning kinakaharap ng mga guro sa kanilang
pagtuturo ng MSEP?
8
PAGE
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
GRADUATE SCHOOL 6. Batay sa naging resulta ng pag-aaral na ito, ano ang maaaring
mabuong mungkahing gawain?
Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang bunga ng pagsasaliksik ay makakatulong sa mga sumusunod na
stakeholders ng Kagawaran ng Edukasyon.
Sa mga mag-aaral. Ang mga mag- aaral sa ika- anim na antas ay
magagabayan ng wasto sa pagkakadiskubre ng kanilang mga interes,
pangangailangan upang maliwanagan at maiayon ang kanilang mithiin at
prayoridad na unahin ang pinakamahusay sa kanilang pag- aaral.
Sa mga Guro. Na ang kinalabasan ng pagsasaliksik na ito ay
naglalayung makuha ang kaalaman sa mga natutunan at di-natutunan tungo
sa pag-abot ng de-kalidad na edukasyon. Ito rin ay maktutulong sa mga guro
upang malaman kung aling aspeto ng pagtuturo ang kailangan pa ng dagdag
na gabay sa lalo pang mapabuti ang pagtuturo upang maging epektibong
tagahatid ng pagbabago tungo sa pagkakaroon ng mga mahuhusay na mag-
aaral.
Sa Punong-guro. Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay sa
punong-guro sa kanyang pangunguna at pagpuna sa kanyang mga guro
9
PAGE
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
GRADUATE SCHOOLupang lalong malinang ang mga kakayanang dapat pang pagtuunan ng
pansin ang kanilang mga estratihiya sa kanilang pang-araw-araw na
pangtuturo. Kaakibat nito ang pagbigay ng ibayong kamalayan sa kahusayan
ng pagtuturo ng mga guro at matamo ng mga bata ang kanilang progreso.
Sa mga Magulang. Ang mga magulang ay hinihikayat na makiisa sa
layunin ng paaralan upang maging kabalikat sa pagbibigay ng
karagdagang tulong sa mga mahihinang mag-aaral sa Asignaturang MSEP.
Sa mga Gumagawa ng Pananaliksik. Makakatulong ang pag-aaral na
ito upang lalo pang makaambag ng tulong upang mas lalong mapadali at
mapabilis ang pagbibigay solusyon sa mga suliraning nararanasan ng mga
mag-aaral upang lalong maitaas ang antas ng kamalayan at kahusayan
ng mga mag-aaral ng asignaturang MSEP.
Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay patungkol sa perpormans sa asignaturang MSEP
ng mga mag-aaral sa ika-anim na baitang sa mga piling pampublikong
paaralan sa distrito ng Cabuyao sa Taong Panuruan 2012-2013. Ang
pagsasaliksik na ito ay patungkol din sa mga marka ng mga mag- aaral sa
ika- anim na baitang bilang katibayan sa kanilang perpormans sa
asignaturang MSEP. Ang pagtataya ay ayon din sa kakayanan ng mga
10
PAGE
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
GRADUATE SCHOOLmag- aaral sa ika- anim na baitang sa MSEP na pinalolooban ng apat na
makro na kasanayan kabilang na ang Pakikinig, Pagsasalita, Pagbasa , at
Pagsulat. Kung kaya ang tamang paraan at pamamaraan ng pagtuturo ay
maibigayupanglumabas ang nararapat na solusyon sa suliran.
Katuturan ng mga Katawagang Ginamit
Upang mas lalong mapalinaw ang pagkaunawa sa pag-aaral na ito ang
mga sumusunod na terminilohiyang ginamit ay binigyang pakahulugan.
Akademikong Perpormans. Ito ay tumutukoy sa mga markang nakuha
ng mga mag-aaral sa ikaanim na baitang sa asignaturang MSEP Form 18 or
Report on Promotions sa Taong Panuruan 2012-2013.
Asesment. Ang ibig sabihin nito ay ang paghuhusga sa kinalabasan ng
(Post Test) Dayagnostik Test upang malaman ang pinakamahusay na lebel
ng pagkakatuto ng mga mag- aaral.
Korelasyon. Ito ay ang tindi ng relasyon sa pagitan ng kalagayan ng
asignaturang MSEP sa akademik perpormans ng mga mag- aaral.
Ika-anim na Baitang. Ito ang mga mag-aaral na sangkot sa
pananaliksik, at kabilang sa taong- panuruan 2012-2013.
MSEP. Musika, Sining, Edukasyon sa Pagpapalakas ng Katawan. Ito
ang asignaturang napapaloob sa Makabayan sa Basic Education Curriculum
ng Kagawaran ng Edukasyon.
11
PAGE
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
GRADUATE SCHOOL Mag-aaral sa ika-anim na Baitang. Sila ang mga mag- aaral na
nakatapos sa ikalimang – baitang sa mga piling pampublikong paaralan sa
distrito ng cabuyao na tagatugon sa taong panuruan 2012-2013.
Performans ng Mag- aaral sa MSEP. Ito ay makikita sa resulta ng
iskor ng mga mag- aaral sa MSEP at matukoy ang kakayanan ng
pinakamahusay o walang kaalaman.
12
PAGE
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
GRADUATE SCHOOL
Kabanata 2
MGA AKDANG MAY KAUGNAYAN SA PAG-AARAL
Sa kabanatang ito ay Inilahad ang mga aklat, lathalain, babasahin at
tesis na may kaugnayan sa pag-aaral. Nakatutulong ng malaki sa
mananaliksik sa isinagawa niyang pagsususri at pananaliksik ang mga akda
na nakapagbigay ng malawak na kaalaman patungkol sa paksa.
A. Mga Kaugnay na Literatura
Banyagang Literatura
Ayon kay Miller (2001), ang mga guro ay may malaking impluwensya sa
pag-uugali ng mga ,mag-aaral. Ang mga kabataang may mabuting pag-uugali
ay nagpapakita ng pagiging matulungin, mapagbigay at mapagtanggol.
Idinagdag pa ni Miller na kapag ang kabataang ito ay nabigyan ng atensyon
ng guro. Sila naman ay nagpapakita rin ng maayos na pag-uugali, gayundin
naman kung sa pamamaraang ginagamit ng guro sa kanyang pagtuturo ay
13
PAGE
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
GRADUATE SCHOOLkinakikitaan ng medaling pagkatuto ng mga mag-aaral, nasasabing bahagi pa
rin ito ng epektibong disiplinang pinaiiral ng guro.
Ipinahayag naman ni Jones (2003), na ang mga guro ay maaaring
magkaroon ng madula at positibong alitan sa mga mag-aaral kapag ang pag-
uusapan ay ang pangangasiwa sa kasanayan at lamalayan upang
matulungan ang mga mag-aaral na matuto ng karapatang dapat na pag-
uugali. Idinagdag pa ni Jones na ang pagtugon ng maayos sa mga
akademiko at panlinang na pangangailangan sa pag-aaral ay siyang
makakaimpluwensya sa interes at pagkatuto ng mga mag-aaral.
Pinatunayan naman ni Hogan (2003), sa kanyang akda na ang mga
mag-aaral ay nangangailangan ng ibat-ibang paraan sa pag-aaral dahil sila
ay magkaiba ng interes, kakayahan at pangangailangan. Ang guro ay
nagsisilbing tagasubaybay sa mga pangkatang Gawain upang malinang ang
kanilang kalagayan. Kung kayat ang motibasyon ng guro ay mahalaga upang
ang mga estudyante ay maging interesado sa kanilang itinuturo.
Lokal na Literatura
Malinaw na ipinahayag ni Castillon-Boiser (2000), halos lahat ng
babasahin sa Ingles I Filipino man ay naglalaman ng mga punto na
repleksyon, pagsusuri, hanggang sa mga praktikal na pamamaran sa
14
PAGE
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
GRADUATE SCHOOLpagtuturo para sa mga gustong maging guro at gayun sa mga matagal na sa
pagtuturo. Idinagdag pa niya na “kung paanong nabibigyan solusyon ng
magagaling na guro ang ganitong problema ang hindi malinaw. Isa ring
palaisipan kung paanong nagiging mas mahusay ang isang guro kaysa sa
ibang guro sa kabila ng pagkakaroon nila ng parehong uri ng pagsasanay at
gumagamit ng parehong pamamaraan”.
Ang tagumpay ng isang guro sa kanyang pagtuturo ay nakasalalay din
sa mahusay niyang pagpaplano at mga layuning nabuo mula sa mga aralin o
paksang tatalakayin. Ang tagumpay upang maabot ang layunin ay depende
sa kung paano ito ipinaliliwanag. Ang guro ay kailangang maging handa sa
kanyang aralin batay sa kanilang interes, depende sa kakayahan, taon, at
kaisipan ng mga mag-aaral. (Fortunato, 2006)
Sa pananaw naman ni Rodriquez (2001), diwa ang siyang
pinakamahalaga sa proseso ng pagkatuto dahil sa makapangyarihang
sentido, ng pakiramdam, ng isip. Sa kapangyarihang nakapaloob ang isipan
ng nakapangyari at ang diskurso ng control at disiplina. Ang kapangyarihan
ay di lamang nasaalang-alang sa material nitong basehan at pag-iral. Mariin
at higit itong masisimsimsa mas mataas nitong lebel sa walang pisikal na
anyo subalit nakapagbubuwal, walang limitasyon subalit maaring ikahon.
Makapangyarihan ang isip sapagkat ito’y nakapangyayari at nakalilikha.”
15
PAGE
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
GRADUATE SCHOOL
B. Mga Kaugnay na Pag-aaral
Banyagang Pag-aaral
Ayon sa pag-aaral ng UNESCO ( Giggling,2004), lumalabas na isa ang
Pilipinas sa mga bansang progresibo ang polisiya sa pagpapahusay ng
Information and Commucation Technology sa larangan ng edukasyon. Batay
sa resulta ng pananaliksik na ito, lumilitaw na ang ilan sa mahahalagang
isyung kailangang matugunan kaugnay ng pagpasok ng ICT sa edukasyon ay
ang kaangkupan o pag-aangkop ng teknolohiya sa local na kalagayan. Ang
pagsasanay sa mga guro at pagpupondo sa programa at pagbuo ng angkop
at mahusay na kurikulum.
Lokal na Pag-aaral
Sa pag-aaral naman ni Ato (2001), higit na maganda ang pagtingin ng
mga mag-aaral sa kanilang sarili at higit na mataas ang kanilang natamong
antas ng kanilang kakayahan kapag gumagamit ang guro ng
makapanghikayat at magandang pananalita. Ipinakita rin sa pag-aaral ng higit
na maraming guro ang gumagamit ng negatibong pananalita kaya’t negatibo
16
PAGE
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
GRADUATE SCHOOLrin ang resulta sa kanilang pag-aaral. Ilan sa mga tungkulin ay ang
pangunahing taglayin ng guro sa silid aralan ay ang mga sumusunod:
1.) tungkulin ng guro na pukawin ang inreres ng mga mag-aaral bago ilalahad
ang alarin. Sinasabi na kapag nagtagumpaw raw ang pagganyak ng guro,
ang iba pang suliranin sa pagtuturo ay halos nalutas na., 2.) ang
pagpapanatili ng interes at pagkuha ng atensyon ng mga mag-aaral.,
3.) pagtatanong at pahihikayat sa mga mag-aaral na magtanong, at
4.) pagbibigay halaga sa mga kasagutan ng mag-aaral.
Sa isinagawang pag-aaral ni Burgos (2001), tinalakay ng may-akda ang
suliraning kinakaharap ng mga guro sa pagtuturo sa wikang Filipino at
inilahad din niya kung ano ang magagandang paraan o motibasyon kung
paano magiging epektibo ang pagtuturo, gamit ang Filipino bilang wikang
panturo.
Mula naman sa disertasyong sinulat ni Mina (2003), pinatunayan na may
mahalagang kaugnayan ang pagtuturo ng isang guro sa antas ng pinag-
aralan sa major at minor, espesyalisasyon, mga karanasan sa pagtuturo,
pagpasa sa pagsusulit ng civil service, mga suliranin sa Filipino. Ang
suliraning ito at maiiwasan kung di man mabawasan ang bilang sa
pamamagitan ng paggamit ng ibat-ibang paraan, pagtingin sa signature,
17
PAGE
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
GRADUATE SCHOOLestratihiya at paglalaan ng pondo para sa mga kagamitang panturo at
kagamitang biswal at bunga ng mga natuklasan,iminungkahi niya na ang mga
punong-guro ay nararapat na magsagawa ng tinatawag na instructional
leadership sa pamamagitan ng matamang pamamahala at pagmamasid sa
klase. Ang kanilang palatuntunang pampanahala ay dapat nakatuon o
limitado sa kasanayan o paksang ituturo. Ang mga kasanayan ng guro sa
pagguhit, pagganyak upang mapilit ang mga mag-aaral na magsalita at
makilahok sa talakayan ang kailangang mabigyan ng ibayong pansin.
C.Sintesis
Nakatulong ng malaki sa mananaliksik ang halos lahat ng isinamang
lathalain, babasahin at tesis sa dahilang tumutukoy ang mga ito sa mga dapat
gawin ng guro sa paghubog ng kaisipan, diwa, pangangatawan at pananaw
ng mga mag-aaral tungo sa ikauunlad ng kanilang pagkatao upang maging
epektibo at mabuting mamamayan. Tinukoy din sa mga akda na isinama ang
mga katangian ng guro, kakayahang magturo at mga suliraning kanilang
nararanasan sa pagtuturo gayundin ang mahalagang papel na kanilang dapat
gampanan para sa kapakanan ng mga batang mag-aaral hindi lamang sa
kaalamang kanilang matutunan kungdi sa paghubog ng wastong disiplina sa
isip at gawa upang maging mabuting mamamayan bukod sa pagkakaroon ng
18
PAGE
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
GRADUATE SCHOOLinteres sa pag-aaral ng asignaturang MSEP. Tulad ng ipinalagay nina Miller,
Jones at Hogan, na pawing bumanggit ng mga magagandang katangian ng
isang guro gayun ang kahalagahan ng kanyang tungkulin upang ang mag-
aaral ay magkaroon ng interes sa pag-aaral at tuloy malinang ang mga
kaalamang dapat ikintal sa kanilang isipan kung kaya’t ang resulta nito ay ang
magandang performans sa kanilang pag-aaral lalu’t higit sa MSEP. Bahagi ng
tungkulin ng isang guro ay madebelop sa mga mgag-aaral Ang interes o
kawilihan maging ang magandang atityud sa pag-aaral lalu’t higit sa
asignaturang MSEP, kung kaya’t kinakailangan ng ibayong sikap at tiyaga ay
dapat isagawa ng guro sa kanyang pagtuturo lalu’t higit ang pagganyak para
sa kawilihan ng mga mag-aaral sa araling MSEP kaakibat parin ang
epektibong pamamaraan sa pagtuturo na kanyang gagamitin.
Ang iba pang lathalain at tumutukoy sa iba’t-ibang suliraning
nararanasan ng mga guro sa pagtuturo ng asignaturang MSEP at ito at
matatagpuan sa sinulat nina Salandan, Rodriquez at Ato.
19
PAGE
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
GRADUATE SCHOOL
Kabanata 3
PAMAMARANG GINAMIT SA PAG-AARAL
Inilahad at ipinaliwang sa kabanatang ito ang mga pamamaraang
ginamit upang malutas at matugunan ang pag-aaral na ito. Kasama pari na
bahaging ito ang instrumentong ginamit sa pananaliksik, mga tagasagot,
istatistika at iba pang mga datos.
A. Disenyo ng Pananaliksik
Ginamit ng mananaliksik ang diskriptib na paraan na kasama ang mga
dokumento sa pagkuha ng mga datos. Ito ay ginagamit kapag nais malaman
ay katayuan ng kondisyon at ang pagkakakilanlan ng mga grupo ng mag-
aaral. Ang kasalukuyang pananaliksik ay tumutukoy sa dokumento na
nakalap mula sa mga sagot ng mga bata at ang mga sagot ng mga batang
20
PAGE
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
GRADUATE SCHOOLmag-aaral sa ikaanim na baitang sa mga piling pampublikong paaralan sa
distrito ng Cabuyao tulad ng Report on Promotions ng mga mag- aaral sa
Taong Panuruan 2012-2013 . Ang kinalabasn ng pag-aaral na ito ay ginamit
upang maging batayan ng paggawa ng pantulong at panlinang na gawain.
Tagatugon
Ang mga tagatugon sa pananaliksik na ito ay ang mga mag- aaral sa ika-
anim na baitang ng mga piling pampublikong paaralan sa Distrito ng
Cabuyao sa taong panuruan 2012-2013 na katapusang bilang na 1990 ng
mga mag-aaral at 30 guro mula sa mga piling paaralang pampubliko sa
distrito ng Cabuyao. Ang mananaliksik ay napag- isa - isa ang mga tagatugon
kung kaya’t gumamit ng sampling technique.
TALAHANAYAN NG TAGATUGON NG PAG-AARAL
A. Grupo ng
tagasagot Pupolasyon
Bahagdan ng
Pupolasyon Sampol ng dami
Mga Guro 30 7.5% 30
Mag-aaral 1990 92.5% 370
Kabuuan 2020 100% 400
21
PAGE
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
GRADUATE SCHOOLB. Grupo ng tagasagot
Mga Guro Pupolasyon
Bahagdan ng
Pupolasyon Sampol ng dami
Cabuyao Central E/S 4 100% 4
Mamatid E/S 6 100% 6
North Marinig E/S 5 100% 5
Southville E/S 15 100% 15
Kabuuan 30 100% 30
B. Grupo ng tagasagot
Mga Mag-aaral Pupolasyon
Bahagdan ng
Pupolasyon Sampol ng dami
Cabuyao Central E/S 323 16% 323
Mamatid E/S 510 26% 510
North Marinig E/S 392 23% 392
Southville E/S 765 35% 765
Kabuuan 1990 100% 1990
N= 1990 N= 2020
1+1990(e)2 1+2020(e)2
= 1990 N= 2020
1+ 1990(0.05)2 2021(0.05)
= 1990 N= 2020
1+1991(0.0025)2 5.052
22
PAGE
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
GRADUATE SCHOOL
= 1990 n= 400
4.9775
n= 400
Lokal ng Pananaliksik
Ang pananaliksik ay ibinigay sa mga mag- aaral sa ika- anim na baitang
mula sa mga piling pampublikong paaralan sa distrito ng Cabuyao Taong
Panuruan 2012-2013. Ang resulta ng Promotion (Form 18E) ay nagpakita ng
mababa at hindi magang perpormans ng mga bata sa asignaturang MSEP.
Ang mananaliksik ay naganyak na pag- aralan ang resulta ng MSEP upang
malaman ang mga kahinaang at kompetens ng mga mag- aaral upang
mapaganda at mapataas ang perpormans ng mga mag- aaral upang
makakuha ng mas mataas na Mean Percentage Score .
Paraan ng Pangangalap ng mga Datos
Matapos na maayunan ang pamagat ng pananaliksik na ito, ang
mananaliksik ay nagsimulang mangalap ng mga datos ng resulta ng Ang
23
PAGE
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
GRADUATE SCHOOLresulta ng Promotion (Form 18E) mula sa distrito ng Cabuyao. Isang liham-
pahintulot ang ibinigay kay Ms. Librada S. Salazar, tagamasid pampurok
upang makuha ang kopya ng Reports on Promotion mula sa mga piling
pampublikong paaran da distrito ng Cabuyao, Taong Panuruan 2012-2013.
24
PAGE
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
GRADUATE SCHOOL
Ang Kalalagayan ng MSEP at ang Kaugnayan nito sa Akademikong
Perpormans ng mga Batang Mag-aaral sa Intermidyet
mula sa mga Piling Pampublikong
Paaralan sa Distrito ng
Cabuyao
Tesis na Iniharap sa mga Kagawad ng Lupon
Laguna College of Business And Arts
Calamba City, Laguna
Bilang bahagi ng mga Gawaing Kailangan
Sa Pagtatamo ng Titulong Master of
Arts in Education Major
in Filipino
JUANITO O. CALAY
Disyembre 15, 2012
25
PAGE
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
GRADUATE SCHOOL
26
PAGE
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
GRADUATE SCHOOL
27
PAGE
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
GRADUATE SCHOOL
28