re hi yon 2

9
PROYEKTO SA ARALING PANLIPUNAN (Mga Natatanging Pook) IPINASA NI: Cuenca, Trina A. I-Agate IPINASA KAY: Gng. Cruz

Upload: elalusinyahoocom

Post on 03-Mar-2015

72 views

Category:

Documents


7 download

TRANSCRIPT

Page 1: Re Hi Yon 2

PROYEKTO

SA

ARALING PANLIPUNAN

(Mga Natatanging Pook)

IPINASA NI: Cuenca, Trina A.

I-Agate

IPINASA KAY: Gng. Cruz

Page 2: Re Hi Yon 2

Rehiyon I Rehiyon ng Ilocos

Fort Ilocandia

Ang Fort Ilocandia ay ang pinakasikat at nag-iisang 5-star hotel na matatagpuan sa hilagang

parte ng Pilipinas. Ito ay matatagpuan sa Calayab, Lungsod Laoag, Ilocos Norte.

Ito ay may kabuuang lawak na 77 ektarya. Ito ay binubuo rin ng kagubatan na nagtataglay ng

pine trees at 2 kilometrong haba ng baybayin na nakaharap sa South China Sea.

Ilan sa mga sikat na destinasyon ng Fort Ilocandia ay ang maipagmamalaki nitong golf course

at country club na dati'y eksklusibo lamang na ginagamit ni Presidente Ferdinand E. Marcos.

Mayroon ding mga pasilidad para sa mga samu't saring isports kagaya ng horseback riding,

jetskiing, fishing, beach strolling, billiards, scuba diving, snorkeling, and parasailing.

Lungsod Vigan

Ang makasaysayang Lungsod Vigan ay matatagpuan sa hilaga kanlurang bahagi ng baybaying

lalawigan ng Ilocos Sur, Rehiyon ng Ilocos, Luzon, Pilipinas. Isa ito sa dalawang lungsod ng

lalawigan. Kilala ang lungsod dahil sa makasaysayang mga bahay at gusaling pinagplanuhan,

idinisenyo at itinayo na may impluwensiyang Asyano, Europeo at Latino Amerikano na

matagumpay na naalagaan ng mga mamamayan nito mula pa noong ika-16 na siglo. Ang

Intramuros (Walled City) sa Maynila ang padron ng disenyo nito. Ang Vigan lamang ang pinaka-

iingatang halimbawa ng Spanish colonial town at European trading town sa Pilipinas at maging

sa buong Silangang Asya at Timog Silangang Asya kung kaya’t noong Disyembre 2, 1999 ay

napili itong mapasama sa UNESCO World Heritage List at naging component city noong Enero

21, 2001.

Page 3: Re Hi Yon 2

Rehiyon V Rehiyon ng Bikol

Bulkang Mayon

Matatagpuan sa lalawigan ng Albay sa bansang Pilipinas ang aktibong Bulkang Mayon.

Inihahambing ito sa Bundok Fuji ng bansang Hapon dahil sa tila perpekto nitong hugis.

Matatagpuan ang Lungsod ng Legazpi ilang kilometro sa timog nito.

Ayon sa mga volcanolohigo, isa itong stratovolcano o kompositong bulkan. Ang tila simetriko

niton kona ay nabuo sa pamamagitan ng pagkapatong-patong ng mga daloy ng lahar at lava.

Dahil umaabot ng halos 50 beses na ang mga pagsabog nito sa nakaraang 400 taon, itinuturing

itong pinakaaktibong bulkan sa buong bansa. Matatagpuan ito sa isang convergent plate

boundary sa gitna ng Platong Eurasian at ng Plato ng Plipinas.

Ang bulkang Mayon ay may 47 pagsabog sa kasaysayan; ang una ay sa taong 1616, ang

pinakahuli ay may katamtamang pagbuga ng lava nuong June 2001. Ang pinakamalakas na

pagsabog ng bulkang Mayon ay nuong Pebrero 1, 1814. Natabunan ng lava ang bayan ng

Cagsawa at may 1,200 taong namatay. Ang bell tower ng simabahan ng bayan ang nakikita na

lamang sa ibabao ng lupa. Pyroclastic flows, ang mainit na abo ang nakapatay sa 77 katao,

karamihan magsasaka, sa huling malakas na pagsabog ng Mayon nuong 1993.

Tiwi Hot Springs National Park

Matatagpuan 3 kilometro mula sa bayan ng Tiwi. Kinapapalooban ito ng Naglagbong Lake

(Brgy. Naga) at ng malalawak na hot springs na malapit sa mga resort.Ang lawa sa bulkan na

nagtataglay ng kumukulong tubig na may halong sulfur ay pumutok noong 1982. Ang malaking

plantang geothermal ay pinasinayaan noong January 11, 1979 at nakakapagprodyus ng

hanggang 100 MW ng kuryente.

Page 4: Re Hi Yon 2

Rehiyon VI Rehiyon ng Kanlurang Visayas

White Beach sa Boracay

Ang Boracay ay isang tropikal na pulo na tinatayang matatagpuan 315 km (200 milya) sa timog

ng Maynila at 2 km sa hilaga-kanlurang dulo ng pulo ng Panay sa Silangang Visayas sa

Pilipinas. Isa ito sa mga sikat na destinasyon ng mga turista sa bansa. Binubuo ang pulo ng

mga barangay ng Manoc-Manoc, Balabag, at Yapak (3 sa 17 barangay na binubuo ng bayan ng

Malay), at nasa ilalim ng pamamahala ng Philippine Tourism Authority (Autoridad ng Turismo sa

Pilipinas) na may ugnayan sa Pamahalaang Panlalawigan ng Aklan.

Bulkang Kanlaon

Ang bulkang Kanlaon ay matatagpuan sa Negros Occidental sa Visayas. Ito ang pinaka-

aktibong bulkan sa lahat ng bulkan sa Pilipinas. May magagandang gubat din dito na

matatagpuan.

Page 5: Re Hi Yon 2

Rehiyon VII Rehiyon ng Gitnang Visayas

Tsokolateng burol

Ang mga tsokolateng burol (Ingles: chocolate hills), o ang mga "karamelo", ay isang anyong

lupa sa Pilipinas na matatagpuan sa hangganan ng mga lalawigan ng Carmen, Bohol. Ito ay

isang tinatawag na "extinct volcano". Kapag dumaan ka sa national road ito ay malinaw na

nakikita. Ito ang isa sa magagandang tanawin sa bansa. Ayon sa isang alamat, sinasabing ang

mga maliliit na bulubunduking ito ang mga bakas ng mga tulo ng luha ng isang higanteng sawi

sa pag-ibig.

Magellan’s Cross

Ang Magellan’s Cross ay ang pinakatampok sa mga makasaysayang pook sa Lungsod Cebu na

Sugbu pa ang katawagan noong dumating ang grupo ng manunuklas at nabigador na Portuges

na si Fernao Magalhaes (Fernando Magallanes sa Kastila) o higit na kilala bilang si Ferdinand

Magellan. Isang maliit na nayon ng mga mangingisda lamang ang Cebu ng panahong iyon.

Noong Abril 21, 1521 ay nagpabinyag ang bagong kaibigan ni Magellan na si Rajah Humabon,

ang kanyang asawa at higit sa 300 na mandirigma ng Rajah kay Padre Pedro Valderama.

Page 6: Re Hi Yon 2

CAR - Cordillera Administrative Region

Wright Park

Wright Park ay matatagpuan sa silangang bahagi ng Lungsod Baguio, na nakaharap sa

pangunahing tarangkahan ng "Mansion". Pangunahing atraksiyon ng pasyalang ito ang

mahabang sanaw sa gitna nito, na kung tawagin ay "Pool of Pines". May nakahilerang pino sa

gilid ng sanaw at napalalamutian ng makukulay na bulaklak. May ilang Igorot na maaaring

upahan kung nais magpakuha ng retrato kasama sila. Sa ibaba naman ng pasyalang ito ay

makauupa rin ng kabayo kung nais maglibot.

Kuweba Sumaguing (Big Cave)

Hindi kumpleto ang pagdalaw sa Sagada kung hindi tutunguhin ang Kuweba Sumaguing (Big

Cave), ang marahil ay pinakapopular at pinakadinarayong pook sa Sagada. ito ang may

pinakamalaking chamber sa lahat ng mahigit sa 60 na magkakakonektang kuweba sa Sagada.

Kailangang bumaba sa isang madulas na landas upang masilayan ang nakamamanghang anyo

ng mga stalactite at stalagmite na hinulma ng libong taon. Pinangalanan ang mga anyong ito ng

mga kurtina ng hari at reyna, giant fudge, babaing buntis, mickey mouse, buwaya, dancing hall

at rice terraces. Sa loob ng kuweba ay may mga batis at likas na lawas na may temperaturang

malapit na sa freezing point. Mababasa at giginawin dahil kasama sa adventure ang pagtawid

sa hanggang baywang ang lalim na lawas.

Ang mga kuweba ay nasa pagbaba ng burol mula sa bulwagang pangmunisipyo. Dalawampu

hanggang tatlumpung minutong maglalakad sa kongkretong daan. Kung nais ay maaaring

tuntunin ang daan sa loob ng Lumiang patungong Sumaguing kasama ang gabay. Maaari rin

namang manatili na lamang sa Sumaguing at sumilip na lamang sa entrada ng Lumiang at sa

Sugong Coffins.

Page 7: Re Hi Yon 2

Rehiyon X Rehiyon ng Hilagang Mindanao

Mt. Malindang

Ang Mt. Malindang ay isa din sa aktibong bulkan. May makikita din dito na mga haribon at

mamag, ngunit kakaunti na lamang. Ito ay matatagpuan sa Misamis Occidental.

Tinago Falls

Ang Tinago falls ay isa sa mga pinaka magandang falls na makikita sa Mindanao. Ito ay sa

Lanao del Norte, at kilala ito sa City of Majestic Waterfalls. Napakalamig ng tubig dito.