qpl tinig ng kaunlaran - december 2014

8
Sinimulan noong Setyembre 2013 ng QPL at PBSP ang BMMI/K4C2 Livelihood Assistance Project at patuloy na ipinatutupad ng PBSP Luzon Regional Center sa tulong ng Rural Technology Devel- opment (PBSP-CRTD) upang matulungan ang higit sa limampung miyembro ng sambahayan ng dala- wang kooperatiba ng Mauban na makagawa ng pagkukunan ng kabuhayan at maiangat ang kanilang kinikita. Ang proyektong ito ay may dalawang bahagi. Ang BMMI Demo Farm and Trade Post Establishment at Buri Bag Handi- craft Making. Nitong Hunyo 2014, nabili na ang mga materyales para sa pagbuo ng BMMI Demo Farm. Sa ngayon ay patuloy pa rin ang pagta- tayo nito sa 250 sqm na lote sa Brgy. San Lorenzo. Sa demo farm na ito ay makikita ang bahay- manok, apat na lagay ng lupa na tatamnan ng gulay, maliit na bodega, at mga vermicomposting bin . Ang mga naaning pananim na makukuha mula sa demo farm ay pakikinabangan ng QPL Catering Concessionaire at ng lokal na pamilihan. Layunin ng proyektong ito na isama sa Trade Post ang mga maaani mula sa demo farm para sa mga posibleng market partnerships habang tinuturuan sila ng mga pamamaraan sa pagtatanim, pag-aalaga ng manok at vermicomposting . Sa kabilang banda, ang Buri Handicrafts Project naman ay may- roong humigit-kumulang isang daang mga buri bag na pagagan- dahin sa panahon ng kanilang Productivity Development Training. Noong Hulyo lang, nakatanggap ang grupo ng mga pangunahing instrumento at sewing machine upang mapabuti ang kalidad at disenyo ng kanilang mga produkto. Ang kooperatibang ito ay nakatak- dang makatanggap ng karagda- gang kapital para sa mga bag. Mga Balita Lubos na Pinagpala: QPL Donates Computers to Mauban eLearningVille Alam ba News Palaisipan Tagumpay sa Trabaho: Editorial: Health Corner -  Hepatitis A QPSAI's st School Supplies Giveaway Activity, isinagawa Mga Scholar ng QPL, May Sariling Scholar na Blessing ng Centro Pastoral De San Buenaventura Lifelong Learning at Quezon Power Philipiines by Pacholo Paulo B. Abejo 2 3 4 5 6 7 8 9 BMMI at K4C2 Livelihood Assistance Project ng QPL at PBSP TINIG NG KAUNLARAN HUNYO 2014 BLG. 78 Bilang 78 | Hunyo 2014 TINIG NG KAUNLARAN - BILANG 78 | HUNYO 2014 SIZE (FOLDED): 210 x 297 mm (wxh) / SIZE (SPREAD): 420 x 297 mm (wxh) 1st page (cover page)

Upload: quezonpowerph

Post on 08-Apr-2016

142 views

Category:

Documents


11 download

DESCRIPTION

QPL Tinig ng Kaunlaran - December 2014

TRANSCRIPT

Page 1: QPL Tinig ng Kaunlaran - December 2014

Sinimulan noong Setyembre 2013 ng QPL at PBSP ang BMMI/K4C2 Livelihood Assistance Project at patuloy na ipinatutupad ng PBSP Luzon Regional Center sa tulong ng Rural Technology Devel-opment (PBSP-CRTD) upang matulungan ang higit sa limampung miyembro ng sambahayan ng dala-wang kooperatiba ng Mauban na makagawa ng pagkukunan ng kabuhayan at maiangat ang kanilang kinikita. Ang proyektong ito ay may dalawang bahagi. Ang BMMI Demo Farm and Trade Post Establishment at Buri Bag Handi-craft Making.

Nitong Hunyo 2014, nabili na ang mga materyales para sa pagbuo ng BMMI Demo Farm. Sa ngayon ay patuloy pa rin ang pagta-tayo nito sa 250 sqm na lote sa

Brgy. San Lorenzo. Sa demo farm na ito ay makikita ang bahay-manok, apat na lagay ng lupa na tatamnan ng gulay, maliit na bodega, at mga vermicomposting bin. Ang mga naaning pananim na makukuha mula sa demo farm ay pakikinabangan ng QPL Catering Concessionaire at ng lokal na pamilihan. Layunin ng proyektong ito na isama sa Trade Post ang mga maaani mula sa demo farm para sa mga posibleng market partnerships habang tinuturuan sila ng mga pamamaraan sa pagtatanim, pag-aalaga ng manok at vermicomposting.

Sa kabilang banda, ang Buri Handicrafts Project naman ay may-roong humigit-kumulang isang daang mga buri bag na pagagan-dahin sa panahon ng kanilang

Productivity Development Training. Noong Hulyo lang, nakatanggap ang grupo ng mga pangunahing instrumento at sewing machine upang mapabuti ang kalidad at disenyo ng kanilang mga produkto. Ang kooperatibang ito ay nakatak-dang makatanggap ng karagda-gang kapital para sa mga bag.

Mga BalitaLubos na Pinagpala: QPL Donates Computers to Mauban eLearningVille

Alam ba NewsPalaisipan

Tagumpay sa Trabaho:

Editorial:

Health Corner -  Hepatitis A

QPSAI's st School Supplies Giveaway Activity, isinagawaMga Scholar ng QPL, May Sariling Scholar na

Blessing ng Centro Pastoral De San Buenaventura

Lifelong Learning at Quezon Power Philipiines by Pacholo Paulo B. Abejo

2

3

456

7

8

9

BMMI at K4C2 Livelihood Assistance Project ng QPL at PBSP

TINIG NG KAUNLARAN HUNYO 2014 BLG. 78

Bilang 78 | Hunyo 2014

TINIG NG KAUNLARAN - BILANG 78 | HUNYO 2014SIZE (FOLDED): 210 x 297 mm (wxh) / SIZE (SPREAD): 420 x 297 mm (wxh)1st page (cover page)

Page 2: QPL Tinig ng Kaunlaran - December 2014

Sa ngayon, maging ang mga supplies, computer peripherals, mga bayarin sa training at iba pang pangangailangan ay kinukuha mula sa kinikita nito.

Nagkamit ng mga mahahalagang parangal tulad Community eCenter Excellence Award, Outstanding Community eCenter Manager, at Local Chief Executive of the Year ang Mauban eLearningVille sa 9th Knowl-edge Exchange Conference na naga-nap sa SMX Convention Center. Sila rin ang maswerteng naparangalan ng Microsoft’s Youth Spark Program: Empowering Women and Youth through Digital Literacy. Dahil sa kanilang grand slam na pagkapanalo, sila rin ay nakatanggap ng apat na yunit ng bagong kompyuter, isang Acer Iconia tablet, isang Acer Aspire Switch 10 Laptab, halagang isang daang libong project grant at cash prize na walong libong piso.

Lubos na pinagpala ang Mauban eLearningVille dahil bukod sa pagkapanalo at mga naiuwing premyo, sila rin ay hinandugan ng Quezon Power Ltd Co ng sampung bagong yunit ng kompyuter. Araw-araw tinatayang may animnapung tao ang pumupunta sa Mauban eLearn-ingVille, karamihan dito ay mga estudyanteng nangangailangan ng access sa internet para sa kanilang mga takdang aralin, mga proyekto at tesis. Sa pamamagitan ng naidagdag na sampung yunit ng kompyuter, mas marami pa ang makakagamit at makikinabang sa teknolohiyang ito.

Ang Mauban eLearningVille ay isang Community eCenter sa bayan ng Mauban na nakatuon sa Public-Private Partnership (PPP). Ito ay mag-katuwang na itinaguyod ng Lokal na Gobyerno, Quezon Power Ltd Co., PLDT, PhilCeCnet, UPOU, DOST at nang Tanggapan ni Congressman Enverga noong Setyembre 2011 upang maghandog ng libreng Digital Literacy, distance education (scholarship program), hardware servicing at access sa kompyuter at internet sa mababang halaga. Noong 2012, idinagdag ang iba pang programa sa Mauban eLearningVille tulad ng community billboard & AWS for disaster management at ang online counseling ng programang eHealth. Noong nakaraang taon naman, naging sustainability program

ng CeC ang printing at layouting para sa mga brochure, souvenir programs, stickers, ID at iba pa.

Ang kinikita ng Mauban eLearn-ingVille na ginagamit sa pang-araw-araw na operasyon nito ay idine-deklara sa Municipal Treasurer’s Office para sumailalim sa tamang accounting procedure ng Gobyerno.

2 TINIG NG KAUNLARAN HUNYO 2014 BLG. 78

LUBOS NA PINAGPALA:

Mauban eLearningVille, Pinagkalooban ng QPL ng mga Kompyuter

Malugod na tinaggap ng butihing punombayan, Dingdong Llamas at HR Head, Bal Mirabueno

kay G. Chuckie Rivera, QPL Comrel Head ang sampung yunit ng computer na ipinagkaloob

ng QPL para sa Mauban eLearningVille.

TINIG NG KAUNLARAN - BILANG 78 | HUNYO 2014SIZE (FOLDED): 210 x 297 mm (wxh) / SIZE (SPREAD): 420 x 297 mm (wxh)1st page (cover page)

Page 3: QPL Tinig ng Kaunlaran - December 2014

1 2 3 4

7

5

6

15

16

1413

10

12

118 9

1817 19

20 21

23 24

32 33

35 36 37

3938

34

29

22

25

26 27 28

30 31

PalaisipaNBilang 63

PAHALANG2. Tawag sa ama3. Nota6. Di pantay na lakad8. Seksing Tsik10. Pamalit sa kape12. Tawag sa ina13. Makikita si Rizal 15. Sambit ng nasaktan16. Talu18. Aruga20. Ukitan22. Pantukoy23. Mall24. Salita hinggil sa mata26. Ibalot28. Laging tinitingnan 30. Tulad ng 3 pahalang31. Kumpuni33. Nota34. Uno36. Sambit ng naaduwa37. Gera38. Nota39. Ate pinaikli

PABABA1. Talab2. Tulad ng 2 pahalang4. Overtime5. Bala sa pular7. Kalahi ng alimango8. Pantukoy9. Pambunot11. Kalahi pa rin ng alimango13. Dating tawag sa Mauban South Elem. School14. Operation Linis 17. Sukat19. Aduwa21. K… , Kaparti25. Troso (English)26. Ligas27. Sagot ng tinawag29. Bang-aw32. Tahol ng aso35. Panggitna37. Sambit alangan

* Sa kadahilanan po na walang nakasagot ng tama sa nakaraang Palaisipan ay muli namin itong inilathala dito, SALAMAT PO.

Naghandog ng tulong pampamilya ang QPL sa lokal na pamunuan ng Mauban upang ipamahagi sa mga Maubanin

na nasalanta ng bagyong Glenda. Katulong ng QPL sa pagrerepack ng mga bigas at delata ang reservist ng Phil.

Army at ang Far East Hotel Management and Consultancy, Inc. Kaagapay naman ang lokal na pamahalaan ng

Mauban kasama ang punombayan Dingdong Llamas, mga konsehal at DSWD sa pamamahagi ng mga supot na

may lamang bigas at mga delata.

3 TINIG NG KAUNLARAN HUNYO 2014 BLG. 78

Ang Tinig ng Kaunlaran ay inilalathala ng QPL tuwing ikatlong buwan

PLANT SITE:Brgy. Cagsiay 1, Mauban, Quezon

Tel. No.: (042) 373-6660 / (02) 843-0251Fax No. (02) 843 - 1071

REGISTERED ADDRESS:62 Horacio Dela Costa St.,

Brgy. Daungan, Mauban, QuezonTel. No. (042) 7840-295Fax No. (042) 7840–290

MAILING ADDRESS:14/F Zuellig Bldg., Makati Ave. cor.

Paseo de Roxas, Makati City, Philippines 1225Telephone No. +63 (2) 6872180

Fax No. + 63 (2) 6621051

CHUCKIE RIVERAEditor-in-Chief

RONNIE TALISAYON Photographer/WriterDONDON BERNAL Writer

VANDEEH ALAD WriterMAE MOZO DECASA Production Coordinator

ARIEL MANINGAS Distributor

TINIG NG KAUNLARAN - BILANG 78 | HUNYO 2014SIZE (FOLDED): 210 x 297 mm (wxh) / SIZE (SPREAD): 420 x 297 mm (wxh)1st page (cover page)

TINIG NG KAUNLARAN - BILANG 78 | HUNYO 2014SIZE (FOLDED): 210 x 297 mm (wxh) / SIZE (SPREAD): 420 x 297 mm (wxh)1st page (cover page)

Page 4: QPL Tinig ng Kaunlaran - December 2014

EDITORIAL

Quezon Power at Edukasyon

5 TINIG NG KAUNLARAN HUNYO 2014 BLG. 78

Sa panahon ngayon na maraming naghihirap na Pilipino ay sinasabi na ang edukasyon ang tanging kayamanan ng bawat tao. Bawat magulang ang nais ay makapag tapos ng kolehiyo ang kanilang mga anak. Lagi nilang sinasabi na ang edukasyon ang susi ng tagumpay. Ito ang mag-aangat sa kanila sa kahirapan. Kaya kahit kapos sa pinansyal pinipilit nilang tustusan ang pag-aaral ng kanilang mga anak. Batid nila na kung makakapag tapos ng kolehiyo ang kanilang mga anak ay maraming oportunidad ang naghihintay sa kanila.

Katulad ng mga magulang, ang Quezon Power ay pinapahalagahan at pinapatnugot ang edukasyon. Bilang isang institusyon na binigyan ng pagkakataon na makatulong sa mamayan ng Mauban, adhikain ng QPL na magbigay ng libreng pag aaral sa mga kabataan na hirap sa buhay na may pangarap na matuto, makatulong sa pamilya at makapag-lingkod sa bayan. Marami na ang QPL scholars ngayon na naging matatagumpay. Karamihan sa mga naging QPL College scholars ay naging CPAs katulad nina Jhenhyren Orejola na kasalukuyang nagtratrabaho sa America at Jeanette Pasoot na nag tratrabaho na sa Australia, Engineers katulad ni Alma Amarillo, nurses, guro at marami pang iba. Ang QPL ay nagbibigay din ng libreng edukasyon sa mga kabataan na ang interest ay paunlarin ang kanilang angking kakayahan sa pagkukumpuni ng iba’t ibang makina sa tulong ng Don Bosco Technical Institute sa Makati. Sa kasalukuyan ay may mga trabaho na rin ang karamihang nagsipag tapos ng programang ito. Apat sa kanila ang sumasakay at patuloy na ipinakikita ang kanilang talento sa barko. Ang iba naman ay sa ibang bansa nakipagsasa-palaran.

Mayroon na ring sariling asosasyon ang mga QPL scholars na ang layunin ay makapagpa aral din ng kabataan na nais makapag tapos ng kolehiyo. Ang pundasyon na binuo ng QPL sa mga nauna nitong mga iskolars ay nagbunga ng matatag at maayos na namumuno hindi lamang sa bayan ng Mauban bagkus sa ibang lugar at ibang bansa din. Kitang kita na hindi nasayang ang pagod at tulong pinansyal ng Quezon Power. Dahil sa magandang resulta ng mga educational programs ng QPL, patuloy ang pagtulong nila para mabigyan ng magandang edukasyon hindi lang ang mga kabataan pati na rin ang mga guro. Isa ring programa ng QPL katuwang naman ang lokal na pamahalaan ng Mauban ay ang Teachers Development Program (TDP) na nagbibigay ng scholarship para sa mga guro ng Mauban. Layunin nito na tulungan ang mga guro na makapag tapos ng masteral sa UP Los Baños nang sa ganon ay maibahagi nila ito sa kanilang estudyante. May dalawampu at lima ng guro ang nagsipagtapos sa ilalim ng TDP.

Masayang masaya ang QPL sa bunga ng kanilang educational programs at patuloy na tutulong sa lipunan para makapagbigay ng magandang edukasyon para sa lahat. Batid ng QPL ang kahalagahan ng edukasyon. Ito ang mag-bibigay sa lahat ng magandang bukas. Laging tandaan na:

“Education is the best weapon to fight poverty”.

Boat DonationMatapos ang pananalasa ni

Typhoon Yolanda (Haiyan) noong Nobyembre 2013, ang probinsya ng Leyte ay maihahalintulad sa mala-alamat na ibong Phoenix, ngunit sa halip na mula sa abo, ito ay buma-bangon mula sa tubig.

Ang American Chamber of the Philippines foundation, sa tulong ng mga Local Government Unit (LGU), mga miyembro nito at ilang dedika-dong indibidwal, ay nagbigay ng tatlumpu’t limang bangka sa mga mangingisda ng Palo, Tanauan, at Tolosa, Leyte noong ika-22 ng Mayo 2014. Ang turnover ceremony ay dinaluhan nina Mayor Martin Petilla ng Palo, Mayor Pelagio Tecson Jr. ng Tanauan at Mayor Erwin Ocana ng Talosa, Leyte. Si Honorable Panfilo Lacson, Kalihim ng Office of the Presidential Assistant to the Rehabili-tation and Recovery (OPARR), ay inimbitahan bilang panauhing pandangal at upang ihatid ang

kanyang makabagbag-damdaming mensahe ukol sa pagsisikap ng buong bansa para sa rehabilitasyon ng Leyte at ang mga tulong na dumadating para sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

Dumalo rin sa seremonya ang Bise Gobernador ng Leyte na si Attorney Carlo Loreto upang katawa-nin si Gobernador Leopoldo Domi-nico Petilla. Sa closing remarks na inihatid ng Bise Gobernador, kinilala niya ang mga opisyal ng Gobyerno, mga isponsor at mga indibidwal na nagsama-sama upang maganap ang programa.

Si Mr. Mike Go ng BP Technolo-gies, ang siyang gumawa ng mga bangka, ay kinilala sa kanyang parti-sipasyon sa programa ng AmCham Foundation. Malaki rin ang naging kontribusyon ng Quezon Power (Philippines), Limited Co,. na pinangu-nahan ni Ginoong Chuckie Rivera, pagka’t nang dahil sa kanila ay naiha-tid papuntang Tolosa, Leyte ang mga fiberglass boat at pay-loader na ibinigay naman ng Monark.

Habang dinaraos ang seremonya, ipinamigay ni Quezon Power Assis-tant Managing Director Ms. Pantipa Moolasart, kasama ni Secretary Panfilo Lacson, ang mga Certificates of Ownership para sa mga makaka-tanggap ng bangka. Ang pinakama-halagang parte ng programa ay ang pasasalamat at mga ngiting ibinigay ng mga mangingisdang nakatang-gap ng bangka. Naging mas maka-hulugan ang programang ito dahil sa kasiguraduhang sila ay maaari nang mangarap muli at may pag-asang maibalik ang kanilang kabuhayan. Patuloy pa rin ang mga pagsisikap upang manumbalik ang dating Leyte. Isang malaking karangalan para sa Quezon Power (Philippines), Limited Co. na maging parte ng pagbangon ng probinsyang ito.

TINIG NG KAUNLARAN - BILANG 78 | HUNYO 2014SIZE (FOLDED): 210 x 297 mm (wxh) / SIZE (SPREAD): 420 x 297 mm (wxh)1st page (cover page)

Page 5: QPL Tinig ng Kaunlaran - December 2014

QPSAI's 1st School SuppliesGiveaway Activity,isinagawa

Noong Mayo 23, 2014 ay isinagawa ang kauna-unahang School Supplies Giveaway Activity ng Quezon Power Scholar’s Asso-ciation, Inc. (QPSAI). Idinaos ito sa San Miguel Elementary School. Sa pakikipagtulungan at pakikipag-koordinasyon ng mga miyembro ng asosasyon sa mga gurong sina Gng. Analet Blastique at Gng. Chona Espaldon ay matagumpay na naisagawa ang pamimigay ng libreng gamit pampaaralan sa mga estudyante. Dinaluhan ito ng dalawampu’t limang mga estudy-ante na nasa una hanggang ikatlong baitang. Naroon din ang mga magulangin upang saksihan ang naturang aktibidad.

Ang Quezon Power Scholar’s Association, Inc. (QPSAI) na binubuo ng mga datihan at kasalu-kuyang scholar ng Quezon Power Plant ay nagsulong ng programang magkaroon din sila ng sariling scholar na matutulungan nila sa pinansyal na aspeto. Sa tulong ng butihing dekano ng Pambayang Kolehiyo ng Mauban (PKM) Mrs. Josefina C. Lorca at ng kaniyang mga staff, humingi sila ng listahan ng pangalan ng mga incoming 2nd year student na nakakuha ng

matataas na marka sa kanilang mga subjects noong nakaraang semester. Ang nasabing mga estudyante ay nabibilang sa top 7 ng kanilang batch. Ang pagpili ng scholar ay dumaan sa prosesong pinangunahan ng mga opisyal at miyembro ng asosasyon. Ang mga prosesong ito ay kinabibilangan ng pagsasagawa ng background investigation, initial at final interview na isinagawa noong Mayo 23, 2014.

Pagkatapos maisagawa ang lahat ng proseso, ang napiling kauna unahang scholar ng asosasyon ay si Eloisa Mae Verzo-nilla na nakatira sa Stella Mariz Brgy. Bagong Bayan. Ang kanyang ama ay isang construction worker habang ang kanyang ina naman ay isang housewife. Pangalawa siya sa anim na magkakapatid. Nagtapos

siya ng elementarya sa Mauban North Elem. School 1 na consistent honor student. Hindi man siya naging honor student noong hayskul sa Dr. Maria D. Pastrana High School, ipinakita naman niya ang ibang talento niya sa pama-magitan ng pagiging consistent choir member at newspaper staffer. Sa kasalukuyan ay incoming 2nd year student na siya sa PKM at kumukuha ng kursong Bachelor of Secondary Education Major in English.

Bilang pagkilala, isinagawa ang awarding ceremony ng kanyang pagiging scholar at contract signing noong Hunyo 2, 2014 sa QPL Office. Bilang pagsuporta, dinalu-han ito ni G. Chuckie Rivera at Gng. Vandeeh Alad ng QPL Office, Dean Josefina Lorca ng PKM at Bb. Julie Anne Meliton at Bb. Jenalyn Aman bilang kinatawan ng asosayon. Kasama ring dumalo ang magulang at nagsisilbing guardian ni Eloisa Mae na si Gng. Alice Verzonilla.

Hinahangad ng asosasyon na patutunayan ni Eloisa Mae ang mga sinabi niya sa panayam na lalo niyang pagbubutihin ang kanyang pag-aaral upang makapagtapos at ng matulungan niya ang kanyang mga magulang at mga nakaba-batang kapatid sa aspetong pinan-syal. Inaasahan din ng asosasyon na marami pa silang matutulun-gang karapat dapat, kuwalipikado at financially challenged na kabataan ng Mauban.

Layunin ng QPSAI na magsil-bing inspirasyon sa pag-aaral ng mga bata ang isinagawang aktibi-dad kasama na ang pagkakaroon ng kompletong set ng kagamitan

nila sa eskuwelahan. Inaasahan din ng asosasyon na makakatulong sa mga magulangin sa maliit na paraan ang pagbibigay ng libreng school supplies sa kanilang mga anak.

Mga Scholar ng QPL, May Sariling Scholar na

Awarding and Signing of Scholarship Agreement:

L-R: Dean Josefina C. Lorca, Pambayang Kolehiyo ng Mauban, Jenalyn J. Aman,

PKM Professor, Julie Anne V. Meliton, QPL Scholar Batch

2009 Awarded the Certificate to Eloisa Mae Verzonilla

(1st scholar of QPL Scholar’s Association), mother of Eloisa, Vandeeh Alad of QPL

and Chuckie Rivera, QPL Community Relations Manager.

7 TINIG NG KAUNLARAN HUNYO 2014 BLG. 78

TINIG NG KAUNLARAN - BILANG 78 | HUNYO 2014SIZE (FOLDED): 210 x 297 mm (wxh) / SIZE (SPREAD): 420 x 297 mm (wxh)1st page (cover page)

Page 6: QPL Tinig ng Kaunlaran - December 2014

HEALTH CORNERHEALTH CORNER HEPATITIS AAng Hepatitis A, sanhi ng hepatitis

A virus na mula sa dumi ng tao o hayop, ay isang impeksyon sa atay na lubhang nakakahawa. Ang virus na ito ay isa sa mga uri ng mga hepatitis virus na nagdudulot ng pamamaga at hindi wastong pag-function ng atay.

Ang isang tao ay maaaring makuha ang Hepatitis A mula sa kontaminadong inumin o pagkain, o sa pakikisalamuha sa isang taong nalalinan na ng sakit na ito. Ang mild case ng Hepatitis A ay hindi na nangangailangan ng paggagamot at karaniwan, ang mga naimpeksyon nito ay gumagaling nang lubusan at hindi kinakitaan ng permanenteng pinsala sa atay.

Ang paggawa ng wastong paglili-nis at pangangalaga sa katawan, tulad na lang ng paghuhugas ng kamay, ay isa sa mga pinakamabi-sang paraan upang maproktektahan ang sarili laban sa Hepatitis A. May-roon ding bakuna para rito.

SINTOMAS• Pagkapagod• Pagkahilo at Pagsusuka• Pagsakit ng tiyan, lalo na sa gawing bahagi ng atay (kanan, sa ilalim ng ribs)• Kulay luwad na dumi• Pagkawala ng gana sa pagkain• Sinat• Hindi normal na kulay ng ihi (dark/maitim/madilim/pusikit?)• Pananakit ng kasukasuan• Paninilaw ng balat at mata (jaundice)

Kung ikaw ay may Hepatitis A, maaari itong tumagal ng ilang linggo kung hindi malala, at ilang buwan naman kung ito ay malubha. Hindi lahat ng may Hepatitis A ay kinakiki-taan ng sintomas.

KOMPLIKASYONHindi tulad ng ibang virus ng

Hepatitis, ang Hepatitis A ay hindi nagsasanhi ng pangmatagalang pinsala sa atay. May mga pagkakata-ong, biglang nawawala ang liver func-tion, ngunit ito ay bihira lamang at nangyayari lalo na sa mga matatanda at mga taong may sakit sa atay. Ang acute liver failure ay nangangailangan ng pagpapaospital para sa monitor-ing at paggagamot. Ang ilan naman na may acute liver failure ay maaaring mangailangan ng liver transplant.

PAG-IWAS• Ugaliin ang maayos na paghuhugas ng kamay• Pakuluan ang inuming tubig • Lutuin nang maayos ang pagkain• Iwasang kumain kung saan-saan• Proper waste disposal

LUNASWalang partikular na lunas para sa

Hepatitis A. Sadyang lilinisin ng ating katawan ang hepatitis A virus. Karani-wan, ang atay ay gumagaling sa loob ng anim na buwan nahindi kakikitaan ng permanenteng pinsala. Ang mga gamot na nirerekomenda sa pagga-mot ng Hepatitis A ay karaniwang para sa mga sintomas nito. Kinakailangan ng taong may Hepati-tis A na magpahinga at alagaan ang atay. Mainam din na ugaliing maghu-gas ng kamay matapos gumamit ng banyo, at bago at pagkatapos kumain. Kung ikaw ay may Hepatitis A, maaari itong tumagal ng ilang linggo kung hindi malala, at ilang buwan naman kung ito ay malubha. Hindi lahat ng may Hepatitis A ay kinakikitaan ng sintomas.

6 TINIG NG KAUNLARAN HUNYO 2014 BLG. 78

TINIG NG KAUNLARAN - BILANG 78 | HUNYO 2014SIZE (FOLDED): 210 x 297 mm (wxh) / SIZE (SPREAD): 420 x 297 mm (wxh)1st page (cover page)

Page 7: QPL Tinig ng Kaunlaran - December 2014

TAGUMPAY SA TRABAHO

MARY GRACE TOLEDANO ENEJOSA – CATARIN

4 TINIG NG KAUNLARAN HUNYO 2014 BLG. 78

Hindi man siya lumaki sa isang buong pamilya, naging masaya ang kabataan ni Grace. Wala siyang gaanong intidihin sa buhay dahil pinalaki siya nang puno ng pagmamahal ng kanyang Lola Memeng at Yaya Pelagia. Para sa kanya, silang dalawa ang nagsilbing ikalawang magulang niya.

Habang siya ay lumalaki, nanatiling positibo sa buhay si Grace. Bukod sa pagsasayaw at panonood ng mga investi-gative international series, nakahiligan niya ang pagluluto at pagbe-bake. Sa katunayan, pinangarap niya, noong siya ay bata pa lamang, na magkaroon ng sariling karindirya, katu-lad ng kanyang ama.

Para kay Grace, inspirasyon na maituturing ang kanyang ama, na hindi man perpekto, ay nagsilbing gabay niya upang maging malakas at matatag sa mga hamon ng buhay. Ang kanyang ama rin daw ang siyang nagturo sa kanya ng karunungan kung paano mapagtatagumpayan ang mga problema.

Nang dahan-dahang mawala ang kabuhayan ng kanyang ama at nang nagkasakit ang kanyang ina noong dekada nobenta, inakala niyang hindi na siya makakatungtong sa kolehiyo. Ngunit hindi sumusuko si Grace. Puno siya ng pangarap at kahit naging mahirap ang simula ng kanyang buhay, naniwala siyang matu-tupad niya ang mga ito kung susubukan lamang niya.

Laking pasasalamat niya nang siya ay maging isa sa mga napiling iskolar ng Quezon Power (QPL). Bilang isa sa mga College Scholarship Grantees para sa batch 2004, sinagot na ng QPL ang lahat ng kanyang pangangailangan upang matapos sa kursong Bachelor of Science in Business Administration, Major in Management Accounting sa Manuel S. Enverga University Foundation.

Ang kanyang pagtatapos ay siyang naging susi para siya ay makapasok sa iba’t-ibang kumpanyang nakapagpaun-lad sa kanyang buhay. Sa ngayon, siya ay isang Corporate Staff Analyst sa Power Sector Assets and Liabilities Man-agement (PSALM) Corporation. Masaya siyang nagtatrabaho dito at malugod na ginagampanan ang kanyang mga tungkulin dahil na rin sa uri ng trabahong mayroon dito.

Masasabi man na malayo na ang narating ni Grace, marami pa siyang pinapangarap, tulad ng makapag-aral ng masteral at makapasok sa kumpanyang mas pagyayamanin pa ang kanyang kaalaman.

Sa ngayon ay mag-isa niyang itinataguyod ang kanyang anak na si Lex, at patuloy siyang nangangarap sa mas magaganda pang mga bagay na sa kanila ay darating.

QPL Scholar na Puno ng Pangarap

TINIG NG KAUNLARAN - BILANG 78 | HUNYO 2014SIZE (FOLDED): 210 x 297 mm (wxh) / SIZE (SPREAD): 420 x 297 mm (wxh)1st page (cover page)

Page 8: QPL Tinig ng Kaunlaran - December 2014

Panghabambuhay na Kaalaman sa Quezon Power PhilippinesNi Pacholo Paulo B. Abejo

8 TINIG NG KAUNLARAN HUNYO 2014 BLG. 78

Noon pa man ay pangarap ko nang mag-on-the-job training sa loob ng isang power plant. Gaya nga ng sinasabi ng aking mga propesor, ang mga mag-aaral na kumukuha ng mechanical engineering na kurso ay mas may matututunan tungkol sa shop floor application kapag nasa power plant. Kaya naman nang ako ay matanggap bilang isang student-trainee sa Quezon Power Philippines Ltd. Co. (QPL) sa Mauban, Quezon, lubos ang aking kasiya-han dahil sa wakas, ay mararanasan ko na rin ang matagal ko nang minithing pagsasanay. Sa pamamagitan nito, marami akong matututunan sa pag-monitor ng turbine work, transmission at mga mechanical work. Nang ako ay matanggap sa QPL, hinamon ko ang aking sarili na gawin ang lahat ng aking makakayanan sa pagganap ng mga tungkuling maaaring iaatas sa akin ng aking mga superbisor.

Ako ay natalaga sa Mechanical Maintenance Department na may apat na seksyon mechanical, planning, predictive at outage. Siyam kaming student-trainees na napunta sa sangay na ito. Unang itinuro sa amin ang kahalagahan

ng kaligtasan, pati na rin ang iba’t-ibang mga kagamitan na ginagamit upang mapatakbo ang planta ng matiwasay. Nauna akong itinalaga ni Sir Nonilon Ercia sa Outage Section kung saan ko nakilala si Engr. Ed Navales at Engr. Dennis Songco na parehong lubos na tumulong sa akin upang aking maunawaan ang cycle at sistema sa planta. Natutunan ko na ang paggawa ng megawatts na kuryente ay isang komplikadong proseso. Nagsisimula ito sa pagsunog ng inangkat na coal fuel (ADARO at KPC mula Indonesia) upang pakuluin ang malinis na tubig-dagat upang maglabas ng singaw (steam) na siyang lilikha ng elektrisidad. Tuwing pangalawang linggo, dumadating ang mga barkong naglala-man ng 70,000 tons/ship na uling at dinidiskarga ng ship unloader sa loob ng limang araw. Sa pamamagitan ng horizontal screw surveyor, ang mga uling na ito ay dinadala sa discharge chute na patungo naman sa conveyor na magdadala sa mga uling sa Tower 3. Dito, ang mga uling ay ilalatag sa stock reclaimer. Sasalukin ng isang timba ang mga uling, itatambak ang mga ito sa conveyor na dumaan sa magnetic separator at ididiretso sa crasher. Ang mga nadurog na uling na may taglay na 75% ADARO at 25% KPC ay sa mitsero (burner) ang tuloy. Ang hanging nililikha ng primary fan at forced draft fan ay ang siyang nagtutulak sa uling papunta sa mitsero na nasa gitna ng boiler na siyang naglalabas ng init. Ang init na ito ang lumilingas sa boiler tubes na naglalaman ng tubig-dagat na tinanggalan nang asin (desalinated seawater) at naglalabas ng singaw na pumupunta sa steam drum at siyang dahilan kung bakit gumagana ang mga steam turbine. Ito ay didiretso sa generator na siya namang lumilikha ng power supply o pinagkukunan ng kuryente. Natutunan ko rin dito kung paano nila pinopretektahan ang kalikasan laban sa mapanganib na abong nilala-bas ng nasusunog na uling sa pamamagitan ng pagtatanggal ng mga ito sa atmospera. Matapos ang pagsusunog sa uling, ginagamit ang induce draft fan upang padaanin ang flue gas papunta sa air heater. Pagkatapos ay ginagamit naman ang spray dryer absorber upang basain ang mga fly ash upang ang mga ito’y manatili sa ibaba. Ang mga natiti-rang abo ay pinapanatili sa electrostatic precipitator, kung saan ang mga abo ay dumidikit sa plates at tumutungo sa fly ash paddle mixer. Ang mga ito ay kanilang sinasala at ang mga basong abo ay ginagamit bilang sangkap sa paggawa ng semento. Naisip kong ang pagnenegosyo ay hindi lamang tungkol sa maaari mong kitain, ang mas maayos na serbisyo ay may kaakibat na mga pananagutan sa kalikasan at sa komunidad.

Huli akong nadestino sa Predictive Section, kung saan ko nakilala ang aking mga naging matulunging guro (mentor) na sina Sir Arthur Abella, Sir Erwin at Sir Arjay. Sa seksyon na ito, ako ay naatasan na hulaan ang ano mang kada-hilanan kung bakit pumapalya ang mga makina gamit ang mga predictive tools at measuring equipments. Pinayagan kaming magkaroon ng hands-on trial sa mga kagamitang ito. Dito naman, nalaman ko ang gamit ng ultrasonic flow meter para sa pagsukat ng bilis ng daloy ng tubig sa mga tubo, vibration analyzer para sa pagsukat ng yanig ng mga kagamitan tulad ng motor at pumps, thermal gun camera para sa pangsukat ng temperatura ng mga kagamitan, boro-scope para makita ang mga makikipot na ispasyo sa mga materyales at kagamitan, at helium leak analyzer na para sa condenser at generator para tukuyin kung saan nagmumula ang mga tagas. Dito ko natutunan ang kahalagahan ng mga predictive tool sa maagang pagtukoy ng mga piyesa ng makina na may inklinasyong pumalya upang sila ay dagliang mapalitan at maiwasan ang pagkasira ng makina. Nakita ko ring nakakamangha ang mga modernong kagamitang ito dahil sa tulong na kanilang nagagawa.

Lahat ng kaalamang aking natutunan at bawat karanasang aking napulot mula sa aking pagsasanay, ay utang na loob ko sa QPL. Lahat ng mga dagdag na kaalaman at leksyon na itinuro ng aming mga tagapagsanay, pangako kong lagi silang gagamitin bilang gabay. Habambuhay akong magpapasalamat dahil ang lahat ng aking mga natamo ay hindi mabibili o makikita sa apat na sulok ng silid-aralan. Lahat ng aking mga inaasahan at layunin ay nangyari. Maram-ing salamat sa panghabambuhay na kaalaman na naibigay niyo sa akin. Alam kong isa ito sa mga pinaka-importanteng pundasyon para sa aking personal at propesyonal na pag-unlad. Makakatulong din ito sa aking magiging trabaho. Hindi ko makakalimutan ang paggabay na ibinigay niyo sa akin upang aking mapagbuti ang aking sarili bilang isang inhinyero sa hinaharap, Salamat po.

TINIG NG KAUNLARAN - BILANG 78 | HUNYO 2014SIZE (FOLDED): 210 x 297 mm (wxh) / SIZE (SPREAD): 420 x 297 mm (wxh)1st page (cover page)