q3 epp agri v2

141
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4 Kagamitan ng Mag-aaral Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected]. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

Upload: jedith-evangelista

Post on 02-Aug-2015

979 views

Category:

Documents


29 download

TRANSCRIPT

Page 1: Q3 epp agri v2

Edukasyong Pantahananat

Pangkabuhayan

4

Kagamitan ng Mag-aaral

Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected].

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng EdukasyonRepublika ng Pilipinas

Deped
Typewritten Text
Unit 3
Page 2: Q3 epp agri v2

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Ikaapat na BaitangKagamitan ng Mag-aaralUnang Edisyon 2015 Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay ng isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society (FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kakatawan sa paghiling ng kaukulang pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Pinagsumikapang matunton upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Tanging mga institusyon at kompanyang nakipagkontrata sa FILCOLS at yaong nakasaad lamang sa kasunduan, ang maaaring kumopya mula dito sa Kagamitan ng Mag-aaral. Ang hindi nakipagkontrata sa FILCOLS ay dapat, kung ninanais makakopya, makipag-ugnay nang tuwiran sa mga tagapaglathala at sa mga may-akda. MaaaringtumawagsaFILCOLSsateleponoblg.(02)[email protected] ang mga may-akda at tagapaglathala.Inilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim: Br. Armin A. Luistro FSCPangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhDDirektor IV: Marilyn D. Dimaano, EdDDirektor III. Marilette R. Almayda, PhD

Inilimbag sa Pilipinas ng Vibal Group, Inc.Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)OfficeAddress: 5thFloorMabiniBldg.,DepEdComplex, Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600 Telefax: (02)634-1054or634-1072E-mail Address: [email protected]

Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaralMga Manunulat: Entrepreneur & ICT – Eden F. Samadan, Marlon L. Lalaguna, Virgilio L. Laggui, Marilou E. Marta R. Benisano; Home Economics – Dolores M. Lavilla, Imelda O. Garcia, Bernie C. Dispabiladera; Agriculture – Teresita B. Doblon, Ma. Shirley A. Macawile, Ernesto R. Abletes, Judy R. Rondina; Industrial Arts – Shiela Mae R. Roson, Roberto B. Torres, at Randy R. Emen

Mga Konsultant: Mona T. Sasing, Cherrypyn B. Barbacena, PhD, Anicia M. Lorica, at Werson R. De Asis, PhD

Mga Tagaguhit: Entrepreneur & ICT – Anife S. Angelo; Home Economics – Sharlyn P. Sanclaria; Agriculture – Mar G. Agustin; Industrial Arts – Jayson M. Gaduena, Fermin M. Fabella, at Eric C. De Guia Mga Tagatala: Erwin Karl I. Antido at Ron Ralph Kenneth L. Ocampo

Mga Naglayout: Phoebe Kay B. Doñes, Paola Joy B. Doñes, at John Ralph G. Sotto

Mga Tagapamahala: Glenda M. Granadozin, Rogelio O. Doñes EdD, Marilette R. Almayda PhD, at Marilyn D. Dimaano, EdD

Page 3: Q3 epp agri v2

iii

PAUNANG SALITA

Ang kagamitang ito ay naglalayon na matulungan ang mga guro at mag-aaral na mapagaan ang kanilang pagtuturo at pagkatuto gamit ang Patnubay sa Guro at Kagamitan ng Mag-aaral.

Ginamitan ng iba’t ibang estratihiya ang bawat aralin upang lubusang matutunan ng mga mag-aaral ang lahat ng aralin sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP). Ito ay kinapapalooban ng lecture ng guro at aktibong partisipasyon ng mga mag-aaral upang sila ay matuto. Ang aktuwal na paggawa ng mga mag-aaral sa mga piling aralin sa Home Economics, Industrial Arts at Elementary Agriculture ay masusing inihanda ng mga manunulat sa iba’t ibang component sa EPP. Ito ay upang maranasan ng mga mag-aaral ang aktuwal na paggawa upang maihanda sila sa mundong ito at matutunan nilang mahalin ang kanilang mga ginagawa.

Ang konsepto ng entrepreneurship ay itinuro ng hiwalay upang mabigyan ng panimulang kaalaman ang mga mag-aaral sa baitang apat. Isinanib din ito sa aralin sa Home Economics, Industrial Arts, at Elementary Agriculture.

Maliban sa ang ICT ay isang hiwalay na component ng EPP, may mga konsepto rin na isinanib sa aralin ng Home Economics, Industrial Arts, at Elem. Agriculture.

Ang kagamitang ito ay matiyagang sinulat ng mga piling guro, punong guro, at supervisor galing sa ibat ibang lugar dito sa ating bansa. Ito ay sinulat upang magkaroon ng gabay na gamit sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan ang lahat ng mag-aaral na nasa ikaapat ng baitang sa buong kapuluan. Inaasahang ito ay magiging magandang sanggunian sa pagkatuto.

Page 4: Q3 epp agri v2

vi

Yunit 3 Agriculture 319Aralin 1 Pakinabang sa Pagtatanim ng Halamang

Ornamental320

Aralin 2 Pagsasagawa ng Survey Gamit ang Teknolohiya

323

Aralin 3 Pagtukoy ng mga Halamang Ornamental Ayon sa Pangangailangan

326

Aralin 4 Intercropping ng Halamang Ornamental sa Halamang Gulay

329

Aralin5 Pagtukoy sa Disenyo o Plano ng Pagtatanim ng Pinagsamang Halamang Ornamental at Iba pang Mga Halamang Angkop Dito

333

Aralin 6 Pagtukoy sa Paraan ng Pagtatanim at Pagpapatubo ng Mga Halamang Ornamental

337

Aralin 7 Paggawa ng Disenyo ng Pagtatanim ng mga Halamang Ornamental

340

Aralin 8 Pagpili ng Itatanim na Halamang Ornamental 343Aralin 9 Wastong Pamamaraan sa Paghahanda ng

Taniman ng Halamang Ornamental347

Aralin 10 Wastong Paraan sa Paghahanda ng mga Itatanim o Patutubuin

350

Aralin 11 Pagpaparami ng Halamang Ornamental 353Aralin 12 Pagpaparami ng Halaman sa Paraang

Pagpuputol 362

Aralin 13 Paraan ng Pagbubungkal ng Lupa 364Aralin 14 Paggawa ng Organikong Pataba (Composting) 366Aralin15 Paglalagay ng Abono sa Halaman 374Aralin 16 Paraan ng Paggamit ng Kagamitang

Paghahalaman379

Aralin 17 Pag-aani at Pagsasapamilihan ng Halamang Ornamental

381

Aralin 18 Plano sa Pagbebenta ng Halamang Ornamental

383

Aralin 19 Mahusay na Pagbebenta ng Halamang Ornamental

387

Aralin 20 Talaan ng Puhunan at Ginastos 393

Page 5: Q3 epp agri v2

vii

Aralin 21 Plano sa Tuloy Tuloy na Pagpapatubo ng Halamang Ornamental

395

Aralin 22 Kabutihang Dulot sa Pag-aalaga ng Hayop 399Aralin 23 Mga Hayop na Maaaring Alagaan sa Bahay 404Aralin 24 Mga Salik sa Pag-aalaga ng Hayop 409Aralin25 Ligtas na Tirahan ng mga Alagang Hayop 411Aralin 26 Tamang Paraan sa Pag-aalaga ng Hayop 416Aralin 27 Paggawa ng Plano ng Pagpaparami ng

Alagang Hayop Upang Kumita422

Aralin 28 Pagpili ng Pararamihing Hayop 427Aralin 29 Paggawa ng Talatakdaan ng mga Gawain

Upang Makapagparami ng Hayop433

Aralin 30 Paggawa ng Iskedyul ng Pag-aalaga ng Hayop 438Aralin 31 Pag-iingat na Dapat Gawin Kung Mag-aalaga

ng Hayop442

Aralin 32 Mga Kautusan/Batas Tungkol sa Pangangalaga ng Pararamihing Hayop

446

Page 6: Q3 epp agri v2

319

Page 7: Q3 epp agri v2

320

PAKINABANG SA PAGTATANIM NG HALAMANG ORNAMENTAL

Agrikultura

Aralin 1

Nilalaman:Sa araling ito, matututunan ng mga mag-aaral ang

kahalagahang dulot ng paghahalamang ornamental sa kapaligiran at sa kabuhayang pamilya. Maaasahan mong malaki ang maibabahagi ng gawaing ito hindi lamang sa sarili, pamilya bagkus sa bayan.Layunin:

Natatalakay ang pakinabang sa pagtatanim ng halamang ornamental para sa pamilya at pamayanan

Bakit tayo nagtatanim ng mga halamang ornamental? May makukuha ba tayong kapakinabangan mula dito? Ano ang naitutulong ng pagtatanim ng mga halamang ornamental sa pamilya at pamayanan?

Kukuha ang bata ng isang binilot na papel mula sa tambiolo, babasahin nang malakas at saka ipaliliwanag sa klase ang nakasulat dito. Gayundin ang gagawin ng susunod na mag-aaral hanggang sa matapos magpaliwanag ang lahat.

Page 8: Q3 epp agri v2

321

Magpangkat kayo sa apat, at pumili ng lider. Kukuha ang mga lider ng binilot na papel mula sa loob ng

tambiolo. Hahanap ng lugar ang iba’t ibang pangkat sa loob ng silid aralan at pag-uusapan ang nakasulat sa binilot na papel. Isulat muna sa kuwaderno ang natatalakay. Kapag nabuo na ang kahulugan ng paksa, ito ay isusulat sa manila paper o sa kartolina at saka iuulat ng lider sa klase. Mayroon lamang sampung (10) minuto upang matapos ang pagsasanay.

Mga kapakinabangan sa pagtatanim ng mga halamang ornamental

1. Nakapipigil sa pagguho ng lupa at pagbaha – kumakapit ang mga ugat ng mga punong ornamental sa lupang taniman kaya nakakaiwas sa landslide o pagguho ng lupa. Ang mga punong ornamental ay nakatutulong din sa pag-ingat sa pagbaha dahil sa tulong ng mga ugat nito.

Page 9: Q3 epp agri v2

322

2. Naiiwasan ang polusyon – sa gamit ng mga halaman/punong ornamental, nakakaiwas sa polusyon ang pamayanan sa maruruming hangin na nagmumula sa mga usok ng sasakyan, sinigaang basura, masasamang amoy na kung saan nalilinis ang hangin na ating nilalanghap.

3. Nagbibigay lilim at sariwang hangin – may mga matataas at mayayabong na halamang ornamental gaya ng kalachuchi, ilang-ilang, pine tree, fire tree, at marami pang iba na maaaring itanim sa gilid ng kalsada, kanto ng isang lugar na puwedeng masilungan ng mga tao. Bukod pa rito sinasala pa ng mga punong ito ang maruruming hangin sanhi ng usok ng tambutso, pagsusunog at napapalitan ng malinis na oksiheno (oxygen) na siya nating nilalanghap.

4. Napagkakakitaan – maaaring maibenta ang mga halamang ornamental na hindi naitanim o magpunla o magtanim sa paso sa mga itim na plastik bag o lata ng mga halamang ornamental na puwedeng ibenta. Ito ay nagiging pera para panustos sa pang araw-araw na gastusin.

5. Nakapagpapaganda ng kapaligiran – sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga halamang ornamental sa paligid ng tahanan, parke, hotel, mall, at iba pang lugar, ito ay nakatatawag ng pansin sa mga dumadaan na tao lalo na kung ang mga ito ay namumulaklak at mahalimuyak.

Gumawa ng album, larawan man o sanaysay, na tumutugon sa pakinabang na dulot ng pagtatanim ng mga halamang ornamental sa pamilya at pamayanan.

Page 10: Q3 epp agri v2

323

Ang pagtatanim ng mga halamang/punong ornamental ay may malaking pakinabang na makakatulong sa mga pangangailangan ng pamilya at pamayanan.

Nilalaman: Sa makabagong pamamaraan ng pagtatanim ng mga halamang ornamental ay nangangailangan ng pagsa-survey upang ang mga bagay na dapat alamin, maaaring gumamit ng Internet upang makapagsaliksik ng mga kaalaman sa pagtatanim ng mga halaman/ punong ornamental. Kaya dapat ay unang gawin ang pagsa-survey upang makakalap ng mga impormasyon tungkol sa pagpapatubo ng halaman o punong ornamental. Sa pamamagitan ng survey ay makakatulong sa mga impormasyong nais malaman.Layunin:

Nagagamit ang teknolohiyang/internet sa pagsasagawa ng survey at iba pang pananaliksik nang wasto sa makabagong pamamaraan ng pagpapatubo ng halamang ornamental

Kahulugan –a. Teknolohiya – ay ang makabagong pamamaraan

na nakapagpapabilis ng isang gawain.b. Internet – ay isang kagamitang mekanikal na

ginagamit ng buong mundo upang madaling maipadala ang anumang impormasyon sa pamamagitan ng computer.

PAGSASAGAWA NG SURVEY GAMIT ANG TEKNOLOHIYA

Agrikultura

Aralin 2

Page 11: Q3 epp agri v2

324

c. Pananaliksik – ay ang pagtuklas upang malutas ang isang suliranin na nangangailangang bigyan kalutasan.

d. Survey – ay isang pamamaraan kung saan ginagamit ang sukat ng pangkaisipan, opinyon, at pandamdam.

Sa panahon ngayon, ang makabagong pamamaraan ng pagtatanim ng mga halaman at punong ornamental ay ginagamitan ng teknolohiya sa pamamagitan ng internet, ang pananaliksik ay di na gaanong problema dahil nariyan ang computer upang makakuha ng mga kinakailangang impormasyon.

Sa pagsisimula ng pagsu-survey, nararapat nakahanda na ang kakailanganing impormasyon upang mabilis matapos ang gawain. Makipag-ugnayan sa inyong guro sa Information and Communications Technology upang matulungan sa gawaing pang-internet. Mag surf ng mga halamang ornamental ayon sa pangalan ng halamang ornamental at uri ng halaman (halimbawa: kung naarawan, malilim, di dapat naaarawan, at paraan ng pagpapatubo/pagtatanim nararapat ang isang tanim).

Pangalan ng halamang

ornamental

Uri ng halamang

ornamentalLugar kung saan

dapat itanim

Paraan ng pagtatanim

/ pag-aalaga

Fortune Plant Shrub (mapalumpon) Maaraw-lupa/paso suwi/sanga

Cosmos Herb Maaraw –lupa/paso buto

Espada Herb Maaraw – lupa/paso

risoma/suwi/damo

Page 12: Q3 epp agri v2

325

Zinnia Herb Maaraw- lupa/paso buto

Adelfa Tree (puno) Maaraw –maluwang na lugar sanga

Sunflower Herb Maaraw – lupa/paso buto

Ilang – ilang Tree (puno) Maaraw – maluwang na lugar buto

Gumamela Shrub (mapalumpon)

Maaraw katamtamang

luwang ng lugarsanga

Bougainvillea Shrubby VineMaaraw – lupa na maybalag / pergola/paso

sanga

Tatalakayin dito ang mga nakalap ng mga mag-aaral tungkol sa makabagong pamamaraan ng pagpapatubo ng iba’t ibang halamang ornamental.

Dapat natin tandaan na napakaraming halamang ornamental ang magagandang patubuin, isaalang-alang ang paraan ng pagtatanim ng mga ito.

Page 13: Q3 epp agri v2

326

Upang maging madali at mabilis ang pagsu-survey ng kahit na anong halamang ornamental, ang computer ang siyang sagot sa mga ganitong pagkakataon.

Maghanap sa pamilihan ng isang halamang ornamental na malambot ang sanga at matigas na sanga, patutubuin natin ang mga ito sa paraan ng inyong pananaliksik.

PAGTUKOY NG MGA HALAMANG ORNAMENTAL AYON SA PANGANGAILANGAN

Agrikultura

Aralin 3

Nilalaman:

Sa araling ito, matututunan natin ang gumawa ng survey upang matukoy ang mga halamang ornamental upang malaman natin ang nararapat sa ating mga bakuran at ang mga karaniwang itinatanim ng mga tao sa pamayanan.

Layunin:

Makapagsasagawa ng survey upang matukoy ang mga halamang ornamental ayon sa ikagaganda ng tahanan, gusto ng mamimili, panahon, pangangailangan, at kita ng mga nagtatanim

Nakarating o nakapunta na ba kayo sa mga tindahan ng mga halamang ornamental (ornamental nursery)? Saang mga

Page 14: Q3 epp agri v2

327

lugar kayo nakarating? Nakapagtanong na ba kayo ng mga bagay tungkol sa pagtatanim ng mga ito?

Nais ng lahat ay magagandang tanawin sa tahanan at pamayanan. Ang pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halamang ornamental ay inaangkop sa lugar at sukat nito na maaaring taniman sa tahanan o pamayanan. Dapat din nating alamin ang gusto ng mga mamimili, ang panahon ng pagtatanim, ang mga pangangailangan sa pagsasagawa ng simpleng landscaping at magiging kita sa pagtatanim. Kung ang lahat na ito ay maisasakatuparan, nakakasiguro na tayo ay magiging masagana.

Kaya sa pamamagitan ng pagsu-survey, dapat nating alamin ang sumusunod na bagay:

a. magpapaganda ang ating bakuran, tahanan, at pamayanan.

b. ang mga gustong halaman/punong ornamental ng mga mamimili.

c. Kailan dapat itanim ang bawat halaman/punong ornamental.

d. Ang mga pangangailangan gaya ng mga kagamitan at kasangkapang gagamitin sa pagtatanim.

e. Ang magiging kita sa pagtitinda o pagsasagawa ng simpleng landscaping ng mga halaman/punong ornamental.

Isaalang-alang ang mga katanungan o (survey questions) na ihahanda upang maging makabuluhan ang gagawing pagsu-survey. Pipili ng mga bagong lider at ang mapipiling lider ay pipili naman ng kaniyang magiging mga kasapi.

Bumuo ngayon ng mga katanungan o survey questions para sa gagawing pagsu-survey.

Page 15: Q3 epp agri v2

328

a. Paano ba mapapaganda ang isang simpleng tahanan o pamayanan?

b. Ano-ano bang halaman/punong ornamental ang gusto ng mamimili?

c. Ang mga napili bang halaman/punong ornamental ay maaaring itanim ng tag-ulan o tag-araw?

d. Ano-anong pangangailangan ang dapat ihanda sa pagtatanim ng mga halaman/punong ornamental?

e. Paano mapagkakakitaan ang pagtatanim ng mga halaman/punong ornamental?

Kapag nakapangalap na ng mga impormasyon mula sa mga taong tulad ng gumagawa ng landscape gardening, nagtitinda at mga nagtatanim ng mga halamang ornamental, maaari na ninyong maisagawa ang simpleng landscape gardening.

Ang halaman/punong ornamental ay itinatanim upang magbigay ng ganda sa mga tahanan, paaralan, hotel, restaurant, at parke lalo na kapag ang mga tanim na halaman/punong ornamental ay malulusog, malalago, makukulay, at maayos ang pagkakahanay.

May iba’t iba uri rin ang mga halamang ornamental. May namumulaklak, may hindi namumulaklak, may lumalaki na mataas, at may mababa lang. Mayroong mga katangian tulad ng madaling alagaan at may mahirap, may nabubuhay sa tubig at pangkaraniwan na sa lupa at may nangangailangan ng sikat ng araw (full sun), at may nabubuhay sa ilalim na hindi gaanong nasisikatan ng araw (partial shade). Ang mga bagay na ito ay dapat nating isaalang-alang kung magtatanim at magsasagawa ng landscape gardening.

Page 16: Q3 epp agri v2

329

Sumulat kayo ng isang journal tungkol sa naging karanasan sa pagsasagawa ng survey sa mga tindahan ng halamang ornamental.

Nilalaman:

Ang intercropping ng halamang ornamental at halamang gulay ay dapat isasaalang-alang sa pagtatanim para sa gagawing simpleng landscaping. Ang pagbabago sa kalakaran sa pagpapatubo nito ay may mga bagay na dapat bigyang pansin. Ang pagtatanim ng pinagsamang halamang ornamental at halamang gulay ay kasiya-siyang gawain dahil bukod sa nagbibigay ganda sa bakuran ay may makukuha ka pang sariwang gulay na makakain. Magiging maayos ang pagtatanim kung may nalalaman na angkop na halamang gulay para sa mga halamang ornamental. Hindi mahirap magsagawa ng ganitong gawain dahil kahit sa mga paso lamang na nakaayos ay hindi mapahuhuli sa kaakit-akit na kaayusan. Ang mga herbs ang kalimitang ginagamit na halamang itinanim gaya ng murang sibuyas na hindi naglalaman ngunit dahon lamang, petsay, letsugas, mani (maaaring nakakain at mayroon ding ornamental), kangkong, at kamote na makakasama ng mga ornamental na mint, cosmos, marigold, zinnia, portulaca, bermuda grass, at dahlia.

Layunin:

Nakapagsasagawa ng survey upang matukoy ang pagbabago sa kalakaran sa pagpapatubo ng halamang ornamental

“INTERCROPPING” NG HALAMANG ORNAMENTAL SA HALAMANG GULAY

Agrikultura Aralin 4

Page 17: Q3 epp agri v2

330

Ang nakikita sa larawan ay mga halamang ornamental na may kasamang halamang gulay. (Kung may computer at

internet sa loob ng silid-aralan/Information and Communications Technology class, ay buksan ito sa Google at i-type ang vegetable landscape o edible landscaping) Mas nakakasiyang makita na ang halamang ornamental ay may kasamang halamang gulay dahil bukod na may masisilayan kang magandang tanawin ay may makukuha ka pang mga sariwang gulay sa landscape garden na ginawa sa harap o likod ng inyong bahay. Sabagay sa pagkakaroon ng vegetable landscaping ay nangangailangan ng maingat na pangangalaga ngunit sulit naman dahil hindi naman mahirap magpatubo ng mga halamang gulay. Kailangan lamang ng sapat na lugar, sikat ng araw, at oras na dapat gugulin sa pag-aalaga dito. Maaari ring maglagay ng balag upang pagapangin ang mga ampalaya, sitaw, yellowbell o dama de noche kung ang lugar ay maliit lamang.

Page 18: Q3 epp agri v2

331

Muli kayong magsasagawa ng isang survey para matukoy ang pagbabago ng kalakaran sa pagpapatubo ng halamang ornamental.

Pupunta kayo sa lugar na may tanim na halamang ornamental, obserbahan ninyo kung maaari itong taniman na kasama ng halamang gulay at itatanong ang nakahandang mga survey questions.

Mga katanungan: (Survey questions)1. Ano-anong halamang gulay ang maaaring isama sa tanim

na halamang ornamental?2. Sa mga halamang ornamental na namumulaklak, maaari po

bang isama sa taniman ang halamang gulay na namumunga?3. Sa paanong paraan maaaring gawin kapag ang isasamang

halamang gulay ay madaling maani sa tamang panahon?

Sa nakalap na impormasyon tungkol sa isinagawang pagsu-survey ang naging kasagutan sa unang tanong ay mas mainam ipagsama ang mga halamang may iba’t ibang taas o laki halimbawa sa isang vegetable landscape yaong nasa pinaka-ibaba ay mga iba’t ibang kulay ng letsugas at mayana, sa bandang gitna ay mga okra o talong at camia o San Francisco at sa itaas ay malunggay at katuray, euphorbia, at ilang-ilang. Sa ikalawang kasagutan naman ay opo, maaaring isama ang mga namumulaklak sa mga namumungang halaman. At sa ikatlong kasagutan, yaong mga letsugas kahit madali ang kaniyang panahon ng pag-aani ay maaaring unti-untiin lamang sa pamamagitan ng pagkuha ng mga dahon na maaari nang anihin hanggang sa maging magulang na ito.

Page 19: Q3 epp agri v2

332

Ang pagbabago sa kalakaran sa pagpapatubo ng halamang gulay na kasama sa halamang ornamental ay isang kaaya-ayang gawain. Maraming makukuha kapag may tanim kang namumulaklak na halamang ornamental at mga madadahong gulay. Sa pagtatanim ng mga ganitong halaman ay mabibigyan ka ng kasiyahan at sariwang gulay. Karaniwan na itinatanim ay mga herbs taglay ang ganda ng tanim, ang sukat nito ay di gaanong matataas at ang lugar ay maaari kahit sa maliit na espasyo sa bakuran ng tahanan. Sa paggawa ng vegetable landscape ay payak at madaling maisasaayos, nakadaragdag pa ito sa gamit sa kusina na kung saan madali na ito makukuha.

Magdala ng punla ng gumamela, portulaca, sibuyas, at kamatis. Dalhin ang mga halamang nasabi sa paaralan.

Page 20: Q3 epp agri v2

333

Nilalaman:

Bago maisagawa ang simpleng landscaping, ang plano at disenyo ng pagtatanim ng pinagsamang halamang ornamental at iba pang mga halamang angkop dito ay kailangan ihanda. Sa pagkakaroon ng kaakit-akit na tanawin para sa tahanan o pamayanan, dapat ay pag-aralan ang mga bagay na kailangan gawin. Ang anumang gawain upang maisakatuparan ay nangangailangan ng masusing pagpaplano. Ang paghahanda ng plano ay isang paraan upang maisagawa nang maayos at mabilis ang isang gawain. Ang pagkakaroon ng plano ay makatutulong upang makatipid sa pera, kagamitan, oras, at lakas. Maraming nagnanais na magkaroon ng magandang tanawin sa bawat tahanan, lalo na ng landscape gardening. Kaya nasa pagpaplano ang ikaaayos sa pagsasagawa ng disenyo ng pagtatanim ng mga pinagsamang halamang ornamental at iba pang mga halamang angkop dito. Makakatipid sa oras, lakas, panahon, at salapi. Bukod dito, dapat alamin din ang sukat ng lugar na pagtataniman, pangangailangan ng mag-anak, at lugar na pagtataniman nito. Kaya kailangang maghanda ng listahan ng mga bagay na dapat isaalang-alang sa ikatatagumpay ng gawain.

Layunin: Makapagsasagawa ng survey upang matukoy ang

disenyo o plano ng pagtatanim ng pinagsamang halamang ornamental at iba pang mga halamang angkop dito.

Page 21: Q3 epp agri v2

334

Pag-aralan itong dalawang larawan.

Ang pangarap mo ay magkaroon ng magandang tanawin

sa inyong tahanan, kaya nais mong magkaroon ng landscape gardening at upang maisakatuparan ito ay kailangan muna ng pagpaplano.

Kaya nasa pagpaplano ninyo ang ikaaayos na pagsasagawa ng disenyo ng pagtatanim ng mga pinagsamang halamang ornamental at iba pang mga halamang angkop dito. Makatitipid kayo sa oras, lakas, panahon, at salapi. Bukod dito, dapat ninyong alamin din ang sukat ng lugar na pagtataniman, pangangailangan ng mag-anak, at lugar na pagtataniman nito. Kaya kailangang maghanda ng listahan ng mga bagay na dapat isaalang-alang sa ikatatagumpay ng inyong gawain.

Page 22: Q3 epp agri v2

335

Magsasagawa kayo ng survey upang matukoy ang plinanong disenyo ng pagtataniman ng pinagsamang halamang ornamental at iba pang halamang angkop para dito.

Narito ang mga katanungan para sa pagsu-survey upang matukoy ang disenyo o pagpaplano ng mga halamang ornamental at iba pang halaman/punong gulay o halaman/punong prutas. Pupunta kayo sa mga tahanan na may magandang landscape gardening at itanong ang sumusunod:1. Nasisikatan po ba ng matinding sikat ng araw ang

pinagtaniman ng iba’t-ibang halaman? Paano naitatanim ang mga halamang mayroong iba’t ibang uri ng kapaligiran?

2. May maayos po bang padaluyan ng tubig baha ang pinagtaniman, sakaling may malakas na bagyo?

3. Ligtas po ba sa mapinsalang insekto ang inyong taniman?Kapag nakapangalap na kayo ng mga impormasyon sa

mga katanungan ninyo, humanda sa gagawing pag-uulat dito sa klase at saka natin ito igagawa ng pansamantalang plano upang makita natin ang kalalabasang disenyo ng landscape gardening.

Kapag napag-aralan na ninyo ang mga pisikal na kaanyuan ng lugar ng isasagawang landscaping sa tahanan, alamin kung alin sa mga nakatanim na halaman o puno ang dapat na tatanggalin at yaong iiwan sa lugar o pananatilihin. Alamin din ang kalagayan ng kapaligiran, kung saang lugar sa pagtataniman ang may malakas na ihip ng hangin sa panahon ng tag-bagyo, ang lugar na may matinding sikat ng araw, ang padaluyan ng tubig baha, at kung saan may pumipinsalang insekto.

Page 23: Q3 epp agri v2

336

Pangkatang Gawain

Mag-uulat ang bawat pangkat tungkol sa pagtukoy ng disenyo sa gagawing landscaping sa taniman. Sa isinagawang pangangalap ng mga impormasyon ay makakabuo na kayo ng maayos na taniman sa pamamagitan ng paggawa ng disenyo ng mga pinagsamang halamang ornamental at iba pang halamang angkop dito. (Isasagawa ang pagguhit ng simpleng landscape gardening)

Humanap ng larawan ng mga halamang ornamental at iba pang mga halaman gaya ng halaman/punong gulay at halaman/punong prutas na angkop dito. Itala nang maayos ang mga halamang ornamental at sa kabilang bahagi ay ang mga halamang angkop na kasama nito.

Page 24: Q3 epp agri v2

337

PAGTUKOY SA PARAAN NG PAGTATANIM AT PAGPAPATUBO NG MGA HALAMANG ORNAMENTAL

Agrikultura

Aralin 6

Nilalaman:

Kalimitan ang mga halaman o punong ornamental ay sa sanga nagmumula, hindi katulad ng mga halamang gulay ay karamihan sa buto nagmumula. May mga halaman o punong ornamental ay sa buto rin nagmumula, gaya ng mga herbs at vines o halamang gumagapang. May dalawang paraan ng pagtatanim ng mga halamang ornamental, ang tuwirang pagtatanim na kung saan diretso na sa taniman ang pagtatanim, maaaring sanga o buto (malalaking buto) at di-tuwirang pagtatanim na kung saan gumagamit pa ng kahong punlaan upang makapagpasibol ng bagong halaman, maliliit na buto at murang sanga naman ang pinasisibol dito.

Layunin: Gumawa ng survey upang matukoy ang wastong paraan ng pagtatanim at pagpapatubo ng mga halamang ornamental

Ang wastong paraan ng pagtatanim ng mga halamang ornamental ay hindi iba sa pagtatanim ng mga iba’t ibang halaman, halos pareho lamang ang paraan ng pagpapatubo at pagtatanim nito. Sa anong paraan pangkaraniwan pinasisibol ang mga halaman? Ang mga halamang ornamental ba ay sa ganoon ding paraan pinasisibol at itinatanim?

Pagmasdan ang mga larawan. Ano ang nais ipakita ng larawan A at B?

Page 25: Q3 epp agri v2

338

A B

Ang larawan A ay gumagamit ng kahong punlaan upang makapagpasibol ng mga maliliit na butong pantanim. Ang larawan B naman ay diretso na sa taniman ang pagpapasibol sa mga butong pantanim ngunit kailangang malalaking buto ang ipupunla.

Bago mag-umpisa ang klase sa agrikultura, ang mga mag-aaral ay naatasan na mag-survey. Magtatanong ang mga ito sa mga nagtatanim ng mga halaman o sa mga nagla-landscape tungkol sa wastong paraan ng pagtatanim ng mga halamang ornamental, gulay, at prutas hinggil sa pagpapasibol at saka ilalahad sa klase ang mga nakuhang impormasyon. Sa tulong ng guro, ipaliliwanag ng mga mag-aaral ang pagpapasibol ng mga butong pantanim sa dalawang paraan, ang di-tuwirang pagtatanim at ang tuwirang pagtatanim. Bukod sa mga butong pantanim, maaari ring gumamit ng mga sanga sa pagpapasibol ng bagong punla. Tatalakayin din ang paraan ng pagpapasibol sa pamamagitan ng buto at sanga. Narito ang dalawang paraan ng pagtatanim sa paraang di-tuwiran at tuwirang pagpapatubo. Isa-isahin natin ang mga ito.

Page 26: Q3 epp agri v2

339

Wastong Paraan ng Pagtatanim sa Di-tuwirang Pagpapatubo1. Ihanda ang kahong punlaan.2. Ibabad ng magdamag ang mga butong pantanim o sangang pantanim sa tubig.3. Ipunla sa kahong punlaan at takpan habang di pa lumalabas ang unang sibol.4. Kapag nagsisimula nang sumibol ang mga buto, unti-

unting ilantad sa araw ang kahong punlaan.5. Kapag nakabuo na ng tatlo hanggang apat na totoong

dahon, maari na itong ilipat sa kamang taniman. 6. Piliin ang mga payat at dikit-dikit na punla. Itanim sila na

magkakahiwalay sa kahong punlaan upang lumaki ng malusog saka sila ilipat sa kamang taniman.

7. Iwasang mapinsala ang mga ugat ng punla kung ito ay ililipat tanim.

Wastong Paraan ng Pagtatanim sa Tuwirang Pagpapatubo1. Ihanda ang lupang taniman at diligan.2. Lagyan ng patpat at tali na may buhol upang maging gabay.3. Gumawa ng mga butas sa ilalim ng buhol.4. Maghulog ng 2-3 butong pantanim o sangang pantanim.5. Takpan ng manipis na lupa ang bawat butas na may

pantanim.6. Maingat na diligan ang paligid ng butas.

Kalimitan ang mga halamang ornamental ay nagmumula sa buto at sanga. Ang pagpapatubo ng mga ito ay dapat bigyang pansin dahil dito magmumula ang ikagaganda ng mga tanim. Tiyakin din na walang ligaw na halaman gaya ng mga damo na tutubo sa kamang taniman. Kapag malaki-laki na ang mga punla, bungkalin nang marahan ang paligid ng halaman upang makahinga ang mga ugat nito at lumaki kaagad.

Page 27: Q3 epp agri v2

340

Gumawa ng isang kahong punlaan na may sukat na 45 cm at haba, 30 cm at lapad, at 7.5 cm ang taas. Dalhin ito sa paaralan.

Nilalaman: Bago gumawa ng disenyo sa pagtatanim ng mga halamang ornamental sa mga tahanan at pamayanan, kailangan ang tulong ng basic sketching at teknolohiya. Mas mainam na gumawa muna ng balangkas na gagawing disenyo. Napag-aralan na ninyo ang tungkol sa basic sketching sa Industrial Arts class. Ito ay isang sining na sinasanay ang mga mag-aaral kung paano gumawa ng krokis at shading. Sa pagtatanim ng mga halamang ornamental ay pinagaganda sa paraang makapagbibigay ng kaayusan sa tahanan at pamayanan sa paghahanda ng disenyo sa tulong ng basic sketching.

Layunin: Makagawa ng disenyo ng halamang ornamental sa tulong ng teknolohiya sa basic sketching.

PAGGAWA NG DISENYO NG PAGTATANIM NG MGA HALAMANG ORNAMENTAL

Agrikultura Aralin 7

Page 28: Q3 epp agri v2

341

Ang mga larawan na ito ay ang iba’t ibang disenyo ng pagtatanim ng mga halamang ornamental sa tahanan at pamayanan. Ang mga ito ang magbibigay sa inyo ng ideya upang makapag-outline ng tanawin sa pagpapaganda ng inyong tahanan at pamayanan.

Mahalaga ang paghahanda ng outline sa disenyo sa pagtatanim ng mga halamang ornamental. Dito makikita ang ganda ng tanawin ng mga tanim para sa tahanan at pamayanan. Gamit ang computer, gumawa ng krokis ng disenyo ng landscaping sa pagtatanim ng mga halamang ornamental.

Page 29: Q3 epp agri v2

342

Sa inyong pangkat, pag-usapan ang gagawing outline ng disenyo sa mga itatanim na halamang ornamental. Kailangan maipakita ang mga katangian ng mga halamang ornamental gaya ng taas o laki ng halaman/puno, ang kulay at hugis, at namumulaklak o di-namumulaklak na mga halamang ornamental. Sa paggawa ng outline, alamin muna ang sukat ng lugar na inyong ilalarawan upang maging maayos ang gagawing outline sa computer na magpapakita ng liwanag sa gagawing landscaping. Ihanay ang mga halaman o punong ornamental sa tamang direksiyon nang sa gayon ay magkakaroon ng tamang sukat ng gagawing simpleng landscaping.

Mahalaga sa gawain ang paghahanda ng outline para sa gagawing pagdidisenyo ng landscaping ng mga halamang ornamental lalo na kung ito ay naka-sketch gamit ang computer dahil nagiging maliwanag ang ideya ng pagtatanim para sa tahanan o pamayanan. Iayon ang pag-aayos sa katangian ng bawat uri ng halaman o punong ornamental.

Gamit ang manila paper o ikawalong bahagi ng buong illustration board, gumawa ng krokis ng disenyo para sa pagtatanim ng halamang ornamental mula sa computer (basic sketching) ayon sa katangian ng bawat halaman at puno gaya ng taas o laki ng mga halaman, kulay at hugis, kung namumulaklak o di-namumulaklak ang halamang ornamental.

Page 30: Q3 epp agri v2

343

Gumawa ng krokis at lagyan ng shading ang mga disenyo na nagpapakita ng magandang tanawin para sa itatanim na halaman/punong ornamental sa tahanan at pamayanan.

PAGPILI NG ITATANIM NA HALAMANG ORNAMENTAL

Agrikultura

Aralin 8

Nilalaman:

Ang mag-anak ay nais mag-landscape sa bakuran ng kanilang tahanan dahil nais nilang maging maganda o kaaya-ayang tingnan ang kanilang harapan. Kung kayo ay pipili ng mga itatanim na halamang ornamental para sa tahanan at pamayanan, may mga bagay kayong dapat isaalang-alang gaya ng lawak ng lugar, gamit ng halaman sa kapaligiran, ang kaangkupan sa panahon at anyo ng lupang taniman.

Ang mga halamang ornamental ay may iba’t ibang katangian, ito ay ang mga halaman/punong ornamental na may mataas at may mababa, may namumulaklak at di-namumulaklak, may madaling palaguin, at may mahirap palaguin, may nabubuhay sa lupa at may nabubuhay sa tubig. Kaya mahalagang piliin ang itatanim na halamang ornamental na angkop sa lugar na pagtataniman.

Layunin: Naipapakita ang wastong pamamaraan sa pagpili ng itatanim na halamang ornamental

Page 31: Q3 epp agri v2

344

Marami ang dapat isaalang – alang sa pagpili ng halamang punong ornamental upang ang magiging kapakinabangan nito ay makabuluhan. May mga bagay na maaaring gawin sa pagsasagawa ng landscape gardening. Alamin ang anyo ng lugar, ang gamit ng bawat halaman/punong ornamental sa kapaligiran, at ang kaangkupan ng lupa at panahon.

Sa mga napiling halaman/punong ornamental, iuulat ng bawat pangkat ang mga napiling larawan. Ipaliliwanag ng guro ang mga paalala sa magsasagawa ng pagtatanim ng mga halaman/punong ornamental sa bakuran ng tahanan gaya ng sumusunod.

• Ang mga punong ornamental na matataas ay itinatanim sa gilid, sa kanto, o sa gitna ng ibang mababang halaman.

• Ang mga halamang ornamental na mabababa ay itinatanim sa mga panabi o paligid ng tahanan, maaari sa bakod, sa gilid ng daanan o pathway.

• Ang mga namumulaklak na halaman/punong ornamental ay inihahalo o isinasama sa mga halamang di namumulaklak.

• Ang mga halaman/punong ornamental na madaling palaguin ay maaaring itanim kahit saan ngunit ang mahirap palaguin ay itinatanim sa lugar na maaalagaan nang mabuti.

• Ang mga halamang ornamental na lumalago sa lupa ay maaaring itanim sa tamang makakasama nito at ang mga halamang lumalago sa tubig ay maaari sa mga babasaging sisidlan sa loob ng tahanan o sa fish pond sa halamanan.

Page 32: Q3 epp agri v2

345

Balikan ang nagawang talaan ng mga halaman/punong ornamental. Kumuha ng bond paper at gumawa ng dalawang hanay, piliin kung anong halaman/punong ornamental ang maaaring ipagsama ayon sa naipaliwanag na pagsasagawa sa pagtatanim.

Halimbawa:

Mga punong ornamental na matataasPine tree, cypress, red palm tree, fire tree, fish tail, rubber plant, golden shower tree...

1. gumamela2. San Francisco3. santan4. birds of paradise5. rosas

Mga halamang ornamental na mabababa

1.2.3.4.5.

Mga halaman/punong ornamental na namumulaklak

1.2.3.4.5.

Mga halaman/punong ornamental na di-namumulaklak

1.2.3.4.5.

Mga halaman/punong ornamental na madaling palaguin

1.2.3.4.5.

Page 33: Q3 epp agri v2

346

Mga halaman/punong ornamental na mahirap palaguin

1.2.3.4.5.

Mga halamang ornamental na nabubuhay sa tubig

1.2.3.4.5.

Mga halaman/punong ornamental na nabubuhay sa lupa

1.2.3.4.5.

Sa pagpili ng mga halaman/punong ornamental na itatanim para sa paggawa ng landscape gardening ay dapat isaalang-alang ang lahat ng mga bagay na makatutulong sa ika-uunlad ng gagawing proyekto. Maging mapanuri sa lahat ng mga bagay na dapat suriin nang sa gayon ang kalalabasan nito ay tiyak na magiging makabuluhan.

Ang mga pipiliin halaman/puno na itatanim ay dapat iaayon sa kaayusan ng tahanan at kapaligiran, ang gamit o bentahe ng mga halaman sa bakuran na kung ang mga ito ay nakapagpapaganda sa halamanan, na maaaring makaani para gawing pagkain at nakapagbibigay ng sariwang hangin at higit sa lahat matibay sa anumang panahon, tag-init man o tag-ulan.

Page 34: Q3 epp agri v2

347

Pag-uusapan ang natapos na gawain at alamin kung ang mga napiling halaman/punong ornamental ay naaayon sa paalala na ibinigay ng guro.

Magtala ng tiglimang halamang ornamental na maaaring itanim na may kasamang ibang halaman.

Nilalaman:

Nais mong ayusin ang inyong bakuran upang makagawa ng simpleng landscape gardening. May dati nang mga tanim na mga halaman at puno sa bakuran ninyo. Nang may natutuhan ka na sa pagpapaganda ng bakuran mula sa iyong guro tungkol sa simpleng landscape gardening, nagkaroon ka ng ideya na gawan ng pagbabago ang pagkakaayos ng bakuran ninyo.

Sa pagbabago ng espasyo, naisip mong maraming bagay ang maaaring gawin. Isusulat mo sa iyong talaan ang mga kakailanganing bagay gaya ng lupang tataniman, kasangkapan, kagamitan, at mga halaman at punong ornamental na nababagay sa ng inyong bakuran. Ibilang na rin ang maliliit na bagay na gagamitin dito.

Layunin: Naipakita ang wastong pamamaraan sa paggawa at paghahanda ng taniman.

WASTONG PAMAMARAAN SA PAGHAHANDA NG TANIMAN NG HALAMANG ORNAMENTAL

Agrikultura Aralin 9

Page 35: Q3 epp agri v2

348

Kung ang inyong bakuran ay matagal nang may tanim na mga halaman at puno, maaari ba itong baguhin?

Mas magiging maayos at mapalamuti ang inyong bakuran kung may kaalaman ang gagawa ng simpleng landscape gardening. Alamin muna ang anyo ng lupang taniman, kung sakaling hindi maganda ang dating mga tanim, maaaring dagdagan ng lupang mataba o anumang organikong bagay na maaaring ihalo. Hindi lalago nang maayos ang mga pananim kapag tuyo, matigas, at bitak-bitak ang lupa. Ganito rin ang mangyayari kapag malagkit at sobrang basa ang lupa.

Matapos makita ang lugar na pagtataniman, pag-aralan muna kung anong uri ng lupang taniman ito. Kapag ang lupa ay tuyo, matigas, at bitak-bitak, nararapat na haluan ito ng mga organikong bagay gaya ng mga binulok (decomposed) na mga halaman tulad ng dayami, tinabas na damo, mga tuyong dahon, at mga dumi ng hayop upang maging mabuhaghag ang lupang tataniman. Kapag malagkit at sobrang basa, haluan din ito ng compost upang lumuwag ang lupa.

Kapag naayos na ang lupang tataniman, pwede na itong bungkalin gamit ang asarol at piko. Tanggalin ang mga bato, matitigas na ugat at mga di kailangang bagay ng halaman sa lupang tataniman habang nagbubungkal. Kapag nabungkal na ang lupang taniman, lagyan ito ng organikong pataba gaya ng kompos o humus at patagin ito gamit ang kalaykay (rake). Pagkatapos mabungkal at mapatag ang lupang taniman, maaari na itong taniman ng mga halaman o punong ornamental.

Page 36: Q3 epp agri v2

349

Kung nais mong maging kaakit-akit ang lugar ng inyong taniman, ang magandang disenyo ng lupa ay nakaangat nang bahagya at may mga iba’t ibang hugis ng bato sa mga gilid ng lugar na tataniman. Kung ang lugar na pagtataniman ng mga halamang ornamental ay malawak, lagyan ito ng mga accessories gaya ng pergola, maliit na fish pond, garden set at grotto. Kung ito naman ay di gaanong malawak, simpleng kaayusan lamang ang bagay na ilagay gaya ng mga palamuting banga o porselanang sisidlan.

Ang guro ay susubukang humanap ng lugar sa paaralan na maaaring pagandahin gamit ang mga kaalaman sa basic landscaping. Gamitin ang mga halamang ornamental na matatagpuan sa narseri.

Maghanda ng mga halaman/punong ornamental na gagamiting pantanim upang makagawa ng isang simpleng landscaping.

Page 37: Q3 epp agri v2

350

WASTONG PARAAN SA PAGHAHANDA NG MGA ITATANIM O PATUTUBUIN

Agrikultura Aralin 10

Nilalaman: Marami ang uri ng mga halamang ornamental. Ang herbs ay mga halamang may malambot na tangkay at karaniwang nabubuhay ng isa o dalawang taon. Ang shrub ay mga halaman na may ilang matitigas na sanga na pangkaraniwan ng hindi tumataas ng mahigit sa 7 metro. Ang vine o baging/gumagapang na halaman ay mga halamang hindi nakakatayo sa sarili kaya’t gumagapang sa lupa o kumakapit sa mga bagay. Ang tree o punong-kahoy ay may malalaking puno at maraming mga sanga na karaniwang tumataas ng higit sa 7 metro kapag magulang na. Ang air plant o aerial ay mga halamang nakakapit sa taas ng punong-kahoy o sa malalaking bato sa mga bundok tulad ng orchids at pako. Ang aquatic ay mga halamang tubig nabubuhay gaya ng water lily at lotus. Ang paghahanda ng layout ng gagawing lugar na pagtataniman ng mga halamang ornamental ay dapat bigyang pansin upang hindi masayang ang pagod, lakas, pera, at oras.

Layunin: Naipakikita ang wastong pamamaraan sa paghahanda ng mga itatanim o patutubuin

Natalakay na natin ang paghahanda ng tatanimang lugar, kailangan nating suriin naman kung anong mga uri ng halamang ornamental ang ating ihahanda at itatanim upang patubuin. Sa pamamagitan ng paggawa ng layout para sa gagawing simpleng landscape garden dapat ay alamin ang mga halamang ito. Ang mga uri ng halamang ornamental ay ang herbs, vines, shrubs, at trees. Alamin din kung saang parte ng bakuran itatanim ang mga halaman/punong ornamental na ito upang mapabilis at maging maayos ang pagkakaayos ng gagawing proyekto.

Page 38: Q3 epp agri v2

351

Sundin rin ang mga gabay sa paghahanda ng mga itatanim na halaman/punong ornamental tulad ng mga lumalaki at yumayabong na halaman, kulay, laki, lapad, at namumulaklak.

Sa pagsasaayos ng mga halamang ornamental sa lugar na pagtataniman, narito ang ilang gabay na dapat sundin:

a. Ang mga lumalaki at yumayabong na halamang ornamental ay di dapat itanim sa harapan o unahan ng mga halamang maliit kung tumubo.

Page 39: Q3 epp agri v2

352

b. Ang mga may kulay na halaman ay pinaplano kung paano at saan sila magandang patubuin.

c. Ang laki at lapad ng mga dahon ay iniuuri kung saan ito ilalagay ayon sa plano ng landscaping.

d. Ang namumulaklak na mga halaman ay kailangan ilagay sa naaarawan at kasiya-siyang tanawin. Makatutulong ang pagsasama-sama ng uri o kulay kung kinakailangan.

e. Ang mga halamang magiging malalaking puno ay dapat ilagay sa hindi makakasagabal sa darating na panahon.

Ang mga halamang ornamental ay inihahanda ayon sa makasining na pagtatanim, at maaaring pasibulin muna ang mga buto o sangang pantanim upang makatiyak at makasiguro na tatagal ang buhay ng bawat halamang itatanim.

Gumawa muna ng layout ng pagtatanim ng mga halaman o puno upang hindi masayang ang pagod, lakas, pera, at oras at makasisiguro pa na magiging maayos ang pagsasagawa ng simpleng landscaping sa tahanan o sa paaralan. Ang lupang tataniman ay dapat suriing mabuti sa ikagaganda ng pagsibol at paglaki ng mga halaman/punong ornamental.

Ang ikatatagal ng buhay ng mga halamang ornamental ay sa pamamaraan ng paghahanda ng lupang taniman, wastong paraan ng pagpapatubo ng mga buto at sangang pantanim at ang masinsin na pag-aalaga habang ang mga halamang ornamental ay sumibol at lumalaki.

Page 40: Q3 epp agri v2

353

Ipapakita sa guro ang nagawang layout para sa itatanim na mga halamang ornamental. Isasagawa ito sa loob ng paaralan na kung saan nai-assign na ng guro ang mga lugar na gagawan ng ila-landscape.

Magsasagawa ng simpleng landscape garden sa loob ng paaralan ang mga pangkat na na-assign ng guro.

PAGPAPARAMI NG HALAMANG ORNAMENTAL

Agrikultura Aralin 11

Nilalaman:

Isa sa mga gawain sa pagnanarseri ay ang pagpaparami ng halaman. Iba-iba ang paraan ng pagpaparami ng halaman. Ang mga halaman na mahirap patubuin at paugatin sa pamamagitan ng pagpuputol ay karaniwang pinauugat. Ang ilan sa mga paraang ito ay ating pag-aaralan, tulad ng pagpuputol, pagpupunla, at pagpapaugat.

Layunin:

1. Naiisa-isa ang mga uri ng halamang ornamental na maaaring itanim sa lata o paso

2. Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagpaparami ng halaman sa paraang air layering o marcotting at pag puputol

3. Naisasagawa ang wastong paraan nang pagpaparami ng halaman sa paraang layering/marcotting at pagpuputol

Page 41: Q3 epp agri v2

354

Ang pagpaparami ng pananim ay nagagawa hindi lamang sa pagtatanim. Nagagawa rin ito sa pamamagitan ng ibang paraan.

May dalawang uri ng pagpaparami ng pananim.

Ito ang sumusunod:1. Pagtatanim ng buto o butil

2. Paggamit ng ibang bahagi ng tanim tulad ng ugat, puno, sanga, at dahon. Ang mga ito ay ihinihiwalay at pinalalago upang maging bagong tanim. May dalawang uri ng ganitong pagtatanim. Ang natural at artipisyal.

Page 42: Q3 epp agri v2

355

a. NaturalIto ay ang normal na pagtubo ng mga usbong ng

halaman mula sa ugat o puno ng tanim. Nangyayari ito sa gabi, kawayan, luya, at saging.

b. ArtipisyalIto ay ginagawa na ang ginagamit ay sanga, dahon,

o usbong ng tanim1. Pasanga (cutting). Ito ang pinakamadaling paraan ng

artipisyal na pagpaparami ng tanim. Ang sanga ay pinuputol, pinauugat, at itinatanim. Ginagawa rin ito sa dahon at ugat.

2. Marcotting o air layering. Ginagawa ito sa sanga o katawan ng punongkahoy habang ito ay hindi pa nahihiwalay sa puno. Sa marcotting, sinusunod ang mga hakbang na ito:

Page 43: Q3 epp agri v2

356

• Pagtatanggal ng balat

• Pagkakaskas ng panlabas na hibla ng sanga

Page 44: Q3 epp agri v2

357

• Paglalagay ng lupa at lumot

• Pagbabalot nito ng bunot ng niyog/plastik

• Pagtatali

Ginagawa ang marcotting sa mga punong namumunga tulad ng chico at manga.

Page 45: Q3 epp agri v2

358

3. InarchingSa paraang ito, pinagsasama ang sanga ng isang puno

at sanga ng isa pang punong nakalagay sa paso. Kadalasang ginagawa ito sa kaimito.

Ang inarching ay binubuo ng sumusunod na hakbang:

• Gumawa ng pahabang hiwa sa puno o sangang pagsasamahin

• Pagharapin ang dalawang hiwa. Pagdikitin, at itali nang mahigpit

4. Grafting

Sa paraang ito pinagsasama ang dalawang sangang galing sa dalawang puno.

Page 46: Q3 epp agri v2

359

Ang sumusunod ay iba’t ibang uri ng halamang ornamental at punongkahoy na maaaring itanim:1. Halamang – dahon

Ito ay mga halamang hindi namumulaklak ngunit may magaganda at malalapad na dahon. Karaniwang itinatanim ito sa harapan ng bahay. Maaaring itanim din ito sa paso at gamiting palamuti sa loob ng bahay. Ang halimbawa nito ay San Francisco, pako, five fingers, at iba pa.

Page 47: Q3 epp agri v2

360

2. Halamang namumulaklak Kabilang dito ang mga halaman na itinatanim dahil sa makukulay nilang bulaklak at mababangong halimuyak. Ang halimbawa nito ay ang rosas, kamya, sitsirika, bougainvillea, dapo, mirasol, at iba pa.

3. Halamang – palumponIto ay mga halaman na mayroong matitigas na sanga

na maaaring gamiting pambakod. Ang ibang halamang-palumpon ay namumulaklak din.

Ang halimbawa nito ay gumamela, adelfa, rosal, santan, sampaguita, at iba pa.

4. Halamang – bagingIto ay mga halaman na gumagapang tulad ng

kampanilya, niyug–nyogan, kadena de amor, at iba pa.

Page 48: Q3 epp agri v2

361

Ang mga ito ay nagbibigay kulay sa bakod at pader ng bahay.

Iba-iba ang paraan ng pagpaparami ng halaman tulad ng pagpupunla, pagpuputol, at pagpapaugat.

Dumalaw at mamasyal sa isang narseri o halamanan. Magmasid at magtanong kung bakit may mga halaman tulad ng kalamansi na maliit pa pero may bunga na.

1. Bakit kailangan isagawa ang air layering o marcotting?2. Paano ito isinasagawa?3. Ano ang nararamdaman ninyo pag nakakakita kayo ng

isang halamang tulad ng kalamansi na maliliit palang pero may bunga na?

Page 49: Q3 epp agri v2

362

PAGPAPARAMI NG HALAMAN PARAANG PAGPUPUTOL

Agrikultura Aralin 12

Nilalaman:Sa araling ito, matututunan ng mga mag-aaral ang ibat ibang

paraan ng pagpaparami ng halamang ornamental. Magkakaroon din ng kaalaman ang bawat mag-aaral kung paano magtanim sa pamamagitan ng pagpuputol (cutting).

Layunin:

Naipapaliwanag ang ilang paraan ng pagpaparami ng halaman tulad ng pagpuputol (cutting)

Sa paraang pagpuputol maaaring paramihin ang mga halamanan sa pamamagitan ng ugat at lamang-ugat, dahon, sanga o tangkay. Sa tatlong paraan ng pagpuputol, ang sanga o tangkay ang karaniwang ginagamit.

Narito ang mga hakbang sa pagpaparami ng halaman na ginagamit ang sanga o tangkay.

1. Pumili ng sanga o tangkay na magulang at may usbong. Tanggalin ang may sukat na anim na pulgada. Putulin ito ng palihis. Sa bawat putol kung maaari ay mayroong dalawa hanggang tatlong usbong.

Page 50: Q3 epp agri v2

363

2. Gupitin ang mga dahon at maliliit na sanga.

3. Itanim ang mga putol na tangkay sa tamang punlaan nang 45° o pahilis, nakahanay at may agwat na sampung sentimetro bawat isa. Gawing mababaw lamang ang hukay at ibaon ang putol at dapat natatabunan ng lupa ang bahaging puno nito.

4. Diligin ang mga putol na tangkay nang regular. Hayaan tumubo ang tanim ng isang buwan o higit pa bago ilipat sa paso o plastik bag.

• Iba’t iba ang paraan ng pagpaparami ng halaman tulad ng pagpupunla, pagpuputol, at pagpapaugat.

• Ang pagsunod sa mga hakbang ng pagpaparami ng halaman ay nagdudulot ng kasaganahang ani.

Maghanap ng halaman tulad ng santan o gumamela at isagawa mo ang mga hakbang na nakasaad sa itaas.

Sagutin ang sumusunod:1. Sa inyong palagay, lahat ba ng uri ng halaman ay maaaring

paramihin sa paraang pagpuputol?2. Ano-ano ang alam mong halaman na maaaring isagawa sa

paraang pagpuputol? Paano isinasagawa ang pagpuputol?

Page 51: Q3 epp agri v2

364

PARAAN NG PAGBUBUNGKAL NG LUPA

Agrikultura Aralin 13

Nilalaman:

Ang wastong paghahanda ng lupang pagtataniman ay nagdudulot ng maayos na paglaki ng halaman. Ito ay dahil nakukuha nito ang mga mineral na taglay ng lupa na nagbubunga ng malagong halaman.

Layunin:

Naisasagawa ang masistemang pangangalaga ng halaman tulad ng pagdidilig at pagbubungkal ng lupa

Maaaring maghalaman na gumagamit ng ilang piraso ng kagamitan lamang ngunit lalong mainam at maginhawa ang gawain kung may angkop na paghahanda sa paghahalaman.

Kung may kakulangan sa kasangkapan, maaaring gumawa ng mga panghalili kung ikaw ay masipag at mapamaraan. Dapat alam din ang wastong paraan ng paggamit ng iba’t ibang kagamitan.

Ayusin ang mga titik upang matukoy ang inilalarawang kagamitan sa paghahalaman.

1. SOLUD – ginagamit sa pagbubungkal ng lupa sa paligid ng halaman. Mahusay rin itong gamitin sa paglilipat ng mga punla.

Page 52: Q3 epp agri v2

365

2. LROSAA – ginagamit sa pagbubungkal ng lupa.3. RAGEDRA – ginagamit sa pagdidilig ng halaman.4. YALKAKAY – ginagamit ito upang linisin ang kalat

sa bakuran tulad ng tuyong dahon at iba pang uri ng basura.

5. PAAL – ginagamit sa paglilipat ng lupa.

Ang wastong paggamit at pangangalaga sa mga kagamitan sa paghahalaman ay makapagpapatagal ng panahong magagamit ang mga ito.

Iguhit sa kahon ang mga kagamitan sa paghahalaman. Isulat din ang pangalan at angkop na gamit ng bawat isa.

Page 53: Q3 epp agri v2

366

Ano-ano ang mga kagamitan sa paghahalaman?Ano ang magiging epekto kung hindi angkop ang

kagamitan na gagamitin sa bawat gawain?Paano pinangangalagaan ito?

PAGGAWA NG ORGANIKONG PATABA (COMPOSTING)

Agrikultura Aralin 14

Nilalaman:Ang organikong pataba ay maganda sa lupa at halaman.

Ito ay nakapagdadagdag ng water holding capacity ng lupa at nakapagpapataba ng mga halaman. Kaya mainam na sa ating paghahalaman tayo ay mayroong kaalaman sa paggawa ng organikong pataba sa pamamagitan ng paggawa ng compost.

Layunin: Naisasagawa ang masistemang pangangalaga ng halaman tulad ng paggawa ng organikong pataba

Sa paghahalaman, kailangan ang abono upang maging mataba at malago ang mga pananim. Ito ay maaaring magmula sa likas na yaman. Sa pamamagitan ng composting, ang mga sariwa o mga nabubulok na mga basura tulad ng mga balat ng prutas/gulay, dahon ng halaman at mga dumi ng mga hayop ay pwedeng gawing abono. Tinatawag itong organikong abono. Ito ay nagpapaganda sa kalidad o uri ng lupang pagtataniman.

Page 54: Q3 epp agri v2

367

Pamamaraan sa paggawa ng compost pit:1. Humanap ng medyo mataas na lugar.

2. Hukayin ito ng 2 metro ang haba, luwang at lalim.

3. Ilagay sa loob ng hukay ang mga pinutol na damo, basurang nabubulok at mga pinagbalatan ng gulay at prutas.

Page 55: Q3 epp agri v2

368

4. Patungan ito ng dumi ng hayop tulad ng baboy, manok, at baka.

Page 56: Q3 epp agri v2

369

5. Sabugan ito ng abo at patungan ito ng lupa.

6. Ulitin ang ganitong pagkasunod-sunod ng damo, nabubulok na basura, dumi ng hayop, abo, at lupa hanggang sa mapuno ang hukay.

7. Patagalin ng 3 buwan o higit pa upang mabulok. Kunin ang mga compost sa pamamagitan ng pagsasalandra gamit ang metal screen na maliliit ang mga butas.

Page 57: Q3 epp agri v2

370

Ganito ring pamamaraan ang gagawin sa paggawa ng compost heap. Ang compost heap ay hindi nakabaon sa lupa.

Mga bata: Hay! Nakakapagod pala gumawa ng compost pit pero enjoy po naman. Maraming salamat po Mang Isko, Halimbawa wala kang sapat na lugar upang gumawa ng hukay, puwede pa rin ba kami makagawa ng sariling pataba?

Mang Isko: Oo naman, Ito’y sa pamamagitan ng basket composting. Isang paraan din ito ng pagpapabulok ng mga basura sa sisidlan naman at hindi sa hukay. Halina kayo, ipapakita ko sa inyo.

Ito ang mga paraan sa paggawa ng basket composting.1. Pumili ng lalagyan na yari sa kahoy o yero na

sapat ang laki at haba. May isang metro ang lalim.

2. Ikalat nang pantay ang mga pinagpatung-patong na tuyong dahon, dayami, pinagbalatan ng gulay at prutas, dumi ng mga hayop, at lupa tulad din ng compost pit hanggang mapuno ang lalagyan.

Page 58: Q3 epp agri v2

371

3. Diligan ang laman ng sisidlan at lagyan ng pasingawang kawayan upang mabulok kaagad ang basura.

Page 59: Q3 epp agri v2

372

4. Takpan ng dahon ng saging o lagyan ng bubong ang sisidlan upang hindi ito pamahayan ng langaw at iba pang peste.

Page 60: Q3 epp agri v2

373

5. Alisin ang mga pasingawang kawayan at haluin ang laman ng sisidlan para magsama ang lupa at ang nabubulok na mga bagay pagkalipas ng isang buwan.

Mga Bata: Ang galing mo po Mang Isko. Kailan naman po naming puwedeng gamitin ito?

Mang Isko: Maaari nang gamiting pataba ang laman ng sisidlan pagkalipas ng dalawang buwan o mahigit.

Mga Bata: Maraming salamat Mang Isko. Ang dami naming natutunan sa mga ginawa nating compost pit at basket composting.

Mang Isko: Walang anuman, mga bata.

Ang organikong abono ay nakapagpapaganda sa kalidad ng lupa. Ito ay makukuha sa paggawa ng compost.

Pag-aralan ang pamantayan sa paggawa.- Ihanda ang mga materyales na gagamitin.

Page 61: Q3 epp agri v2

374

- Mag-ingat sa paggamit ng materyales lalong lalo na sa matutulis na kagamitan upang hindi masugatan o makasugat.

- Iligpit ang mga kasangkapan pagkatapos.- Linisin ang lugar at katawan pagkatapos ng gawain.

Sagutin ang sumusunod:a. Bakit kailangang paghiwalayin ang mga nabubulok sa hindi

nabubulok na basura?b. Anong kabutihan ang naibibigay ng paggamit ng organikong

abono?c. Mahalaga bang sundin ang mga hakbang na ito sa paggawa

ng compost pit o compost heap? Bakit?

PAGLALAGAY NG ABONO SA HALAMAN

Agrikultura Aralin 15

Nilalaman: Ang abono ay mahalaga sa mga pananim. Pinagyayaman nito ang lupa upang maging sapat ang sustansiyang taglay ng lupa na kailangan ng mga halaman gamit ang mga ugat nito. Bagamat may mga di-organikong abono na madaling mabili sa mga tindahan, ang paggamit ng organikong abono ay higit na iminumungkahi dahil ito ay ligtas at mura. Ngunit hindi lamang basta maglagay ng abono upang lumaki ang mga halaman. Kailangan ang masusing kaalaman sa pagpili ng abono at ang wastong paggamit nito.

Page 62: Q3 epp agri v2

375

Layunin: Naisasagawa ang masistemang pangangalaga ng halaman tulad ng paglalagay ng abono sa lupa

Ang abono o pataba ay mahalaga sa mga pananim. Pinagyayaman nito ang lupa upang maging sapat ang sustansyang taglay ng lupa na kailangan ng mga ugat ng pananim. Bagamat may mga di-organikong abono na madaling mabili sa mga tindahan, ang paggamit ng organikong pataba ay higit na iminumungkahi dahil ligtas at mura. Ngunit hindi lamang basta maglalagay ng abono ang kailangan upang lumaki ng malulusog ang mga halaman. Kailangan din ang wastong kaalaman sa pagpili ng pataba at ang paggamit nito.

Paglalagay ng Pataba1. Paano?

Ang patabang galing sa mga bagay na may buhay ay inihahalo sa lupa. Ang paraan ng paglalagay ng patabang galing sa mga bagay na walang buhay ay nakasulat sa balot ng mga ito.

2. Kailan? Ang pataba ay maaaring ilagay bago magtanim, habang nagtatanim, o pagkatapos magtanim. Ngunit ang pinakamagandang panahon ng paglalagay ng pataba ay habang maliit pa ang tanim bago ito mamunga. Sa panahong ito, kailangang – kailangan ng tanim ang sustansya mula sa lupa.

Page 63: Q3 epp agri v2

376

May iba’t ibang paraan ng paglalagay ng abono o pataba sa lupa at halaman. Narito ang iba’t ibang pamamaraan ng paglalagay ng abono:

1. Broadcasting Method Ang pataba ay ikinakalat sa ibabaw ng lupa. Kadalasang ginagawa ito sa mga palayan at maisan.

2. Side-dressing Methoda. Ang pataba ay ilalagay sa lupa na hindi gaanong

malapit sa ugat ng halaman sa pamamagitan ng isang kagamitang nakalaan para rito.

b. Ito ay kadalasang ginagawa sa mga halaman na nakatanim na pahilera at hindi paisa-isa.

Page 64: Q3 epp agri v2

377

3. Foliar Application Method Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagdidilig o pag-iispray ng solusyong abono sa mga dahon ng halaman.

4. Ring Method (Paraang pabilog)a. Humukay nang pabilog sa paligid ng tanim na may

layong kalahati hanggang isang pulgada mula sa puno o tangkay.

b. Ilagay ang pataba sa lugar na hinukay.c. Takpan ng lupa ang pataba.

5. Basal Application Method Paglalagay ng abono sa pamamagitan ng paghahalo ng pataba sa lupa bago itanim ang halaman. Kapag ang halaman naman ay itatanim sa paso, ang pataba ay inihahalo muna sa lupa bago itanim ang halaman.

Page 65: Q3 epp agri v2

378

Ang organikong abono ay mga pataba na katulad ng compost na galing sa mga duming binulok na dahon ng mga halaman at iba pang mga bagay na maaring matunaw. Samantalang ang di-organikong pataba tulad ng urea (46-0-0) at complete fertilizer (l4-l4-l4) ay inihanda sa prosesong kemikal at mekanikal, subalit iminumungkahi na huwag masyadong gamitin sapagkat ito ay nakakasira at hindi ligtas para sa tao.

Iguhit ang mga sumusunod na paraan ng paglalagay ng abono o pataba:

a. Broadcasting methodb. Side dressing methodc. Ring methodd. Basal applicatione. Foliar applicationf. Basal application

1. Ano ang pagkakaiba ng organiko at di-organikong pataba?2. Bakit kailangan tama ang paglalagay nito sa halaman?

Page 66: Q3 epp agri v2

379

PARAAN NG PAGGAMIT NG KAGAMITANG PAGHAHALAMAN

ORNAMENTAL

Agrikultura Aralin 16

Nilalaman:Mahalagang malaman ng bawat mag-aaral ang iba’t ibang

kagamitan sa paghahalaman. Dapat din nilang matutunan at magamit ng maayos ang mga kagamitang ito. Nakasalalay ang magaang paggawa kung may higit na kaalaman sa mga kagamitan sa paghahalaman.

Layunin:1. Naiisa-isa ang mga kagamitan sa paghahalaman2. Naipakikita ang pamamaraan sa paggamit ng mga

kagamitan sa pagtatanim ng halamang ornamental

Dapat alam ang wastong paraan ng paggamit ng iba’t ibang uri ng kagamitan. Kailangan din pangalagaan ang mga ito upang matagal natin itong mapakinabangan.

Narito ang ilang kagamitan sa paghahalaman.1. Asarol – ito ay ginagamit sa pagbubungkal ng lupa

upang ito ay mabuhaghag.2. Kalaykay – ginagamit ito sa paglilinis ng bakuran.

Tinitipon nito ang mga kalat sa halaman tulad ng mga dahong tuyo, tuyong damo, at iba pang kalat. Maaari din itong gamitin sa pag-aalis ng malalaki at matitigas na tipak ng lupa at bato sa taniman.

Page 67: Q3 epp agri v2

380

3. Piko – ito ay ginagamit upang durugin at pinuhin ang mga malalaking tipak na bato.

4. Dulos – ay ginagamit sa pagbubungkal ng lupa sa paligid ng halaman. Mahusay rin itong gamitin sa paglilipat ng mga punla.

5. Regadera – ginagamit ito sa pagdidilig. Ito’y may mahabang lagusan ng tubig na may maliit na butas sa dulo.

6. Pala – ito’y ginagamit sa paglilipat ng lupa. Ginagamit din ito sa paghuhukay ng butas o kanal sa lupa at pagsasaayos ng lupa sa tamang taniman.

7. Itak – pamutol sa mga sanga at puno ng malalaking halaman.

8. Tulos at Pisi – ang mga ito ay ginagamit na gabay sa paggawa ng mga hanay sa tamang taniman sa pagbubungkal ng lupa. Tinutusok ang may tulos sa apat na sulok ng lupa at tinalian ng pisi upang sundin bilang gabay.

Ang wastong paggamit at pangangalaga sa mga kagamitan sa paghahalaman ay nagdudulot ng mahabang kapakinabangan at napapabilis ang gawaing paghahalaman.

Isulat at iguhit sa papel ang mga kagamitan at paraan ng paggamit nito, gayundin ang mga kagamitang mayroon kayo sa bahay.

_________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Page 68: Q3 epp agri v2

381

Sagutin ang sumusunod:

1. Ano-ano ang mga kagamitan sa paghahalaman?2. Paano matutugunan ang kakulangan sa kagamitan?3. Paano mapapangalagaan ang mga kagamitan sa

paghahalaman?

PAG-AANI AT PAGSASAPAMILIHAN NG HALAMANG ORNAMENTAL

Agrikultura Aralin 17

Nilalaman:

Ang pagsasapamilihan ng mga halamang ornamental ay isang gawaing dapat alam ng mga mag-aaral. Dapat malaman kung kailan maaari ng ipagbili ang halamang ornamental. Iba’t iba ang mga pagkakakilanlan sa mga halamang maaari ng ipagbili. Kaya sa araling ito, inaasahang magkakaroon ka ng magandang ideya sa pagsasapamilihan.

Layunin:

Naisasagawa ang wastong pag-aani/pagsasapamilihan ng mga halamang ornamental

Mahalagang malaman ang mga tamang paraan ng pag-aani at sa pagsasapamilihan sa mga halamang ornamental. Dapat ding alamin ang mga halamang madaling maipagbili.

Page 69: Q3 epp agri v2

382

Ang mga halamang ornamental lalo na yung mga namumulaklak ay maaaring ipagbili kung ang mga ito ay may bulaklak na. Maaaring mabili ang mga halamang may bulaklak sapagkat ito ay mapang-akit sa mga mata ng mga tao.

Sa inyong pangkat, pag-usapan at sagutan ang mga sumusunod na tanong. Itala ang napag-usapan at iulat sa klase.

a. Ano-ano ang mga palatandaan na ang mga halamang ornamental ay maaari nang anihin?

b. Ano ang wastong paraan ng pag-aani? Ipaliwanag.c. Bakit kailangang anihin?d. Ano-ano ang mga halamang ornamental na mabili sa

araw ng mga puso? Bakit?

Ang halaga o presyo ng mga halamang ornamental ay ibinatay sa kanilang laki, uri, at haba ng pag-aalaga.

Ipinagbibili ang halamang ornamental nang nakapaso o nakaplastik at minsan sanga o tangkay.

Mahalaga ang kaalaman sa pagtutuos upang malaman kung kumikita o nalulugi ang paghahalaman.

Bumisita sa iba’t ibang halamanan. Magmasid at magtala ng mga pagkakaiba ng halaga o presyo ng ornamental na halaman. Magtanong sa naghahalaman kung bakit magkakaiba ang mga presyo ng halaman.

Page 70: Q3 epp agri v2

383

Mga Halamang Ornamental

Halaga / PresyoNaka-paso

1 dosena

1 bugkos / tali 1 tangkay

1.2.3.4.5.

Nilalaman: Kailangan ang masusing pagtatala ng mga layunin, gawain, kagamitan, gastos upang maging gabay sa paggawa kung ito’y masusunod nang wasto, nakatitiyak na magiging matagumpay ang proyekto / gawain kung nasusunod ito.

Layunin:1. Nakagagawa ng plano sa pagbebenta ng halamang

ornamental.2. Naisasagawa ang wastong paraan ng pagsasaayos ng

paninda.3. Naisasagawa kung papaano kumbinsihin ang mamimili.4. Nakagagawa ng talaan ng puhunan at ginastos.

Sa bawat gawain, kailangan ang masusing pagpaplano ng mga ito. Nararapat na nakatala ang mga layunin, kagamitan at tiyak na mga hakbang upang maging gabay sa paggawa kung ito’y masusunod nang wasto. Ito ay upang makatiyak na magiging matagumpay ang proyekto at gawain.

Page 71: Q3 epp agri v2

384

Tingnan ang bahagi ng payak na plano sa pagbebenta ng halamang ornamental

I. Mga Layunin:1. Nasusunod ang mga wastong paraan ng

pagbebenta.2. Naipapakita ang kasiyahan sa nagbebenta.3. Nakapagbebenta ng halamang ornamental.

II. Titulo ng Gawain – Pagbebenta ng halamang ornamentalMga kagamitan: Mga halaman Presyo ng mga halaman Lalagyan ng mga halaman Mga iba pang kagamitan

III. PamamaraanA. Paghahanda

1. Pagpili kung saang lugar magbebenta2. Paghahanda ng mga kagamitan3. Pagsasaayos ng mga paninda4. Pagbubukod-bukurin ang mga magkakauri

B. Paghahanda ng mga paninda1. Paglilinis ng paninda2. Pagtatala3. Iba pang gawain ayon sa pangangailangan

Ang plano ng gawain ay isang mabuting gabay sa paggawa upang makatiyak na magiging matagumpay ang gawain.

Page 72: Q3 epp agri v2

385

Gumawa ng isang payak na plano ng proyekto gamit ang nasa itaas na hakbang.

Mga Gawain sa Tindahan Ang pagtitinda ay maituturing na isang sining na nangangailangan ng sapat na talino, kasanayan, tiyaga, pang-unawa, at pagtitimpi sa mga mamimili, at higit sa lahat, ay sapat na kaalaman ng mga bilihin o produktong nais ipagbili. Isa itong pakikipagsapalaran na nangangailangan ng lakas ng loob dahil sa mga pagsubok at suliraning maaaring harapin.

Ang gawaing pagtitinda ay nangangailangan din ng kaaya-ayang pag-uugali at kawilihan. Ang anumang takot at pangamba ay dapat na isasantabi at sa halip ay ipanatag ang loob at maging maganda ang pananaw sa gawain.

Marami ang sumusubok, may mga nagtatagumpay at mayroon din nabibigo. Kadalasan, may mga nagsisimula pa lamang na nauuwi sa maagang pagsuko dahil sa hindi inaasahang pagkalugi o pagbagsak ng negosyo. Ang ganitong pangyayari ay maaaring maganap kung ang nagpapatakbo ng tindahan ay 1) kulang ang kaalaman tungkol sa wastong pagpapatakbo; 2) mahina ang loob; 3) sariling kapakanan lamang ang iniisip; 4) mainipin at ang nais ay mabilisang pag-unlad; at higit sa lahat ay walang pagpaplanong ginawa.

Narito ang ilang payak na gawaing pangtindahan na dapat gawin upang maging maayos at matagumpay ang pagtitinda.

1. Linising mabuti ang loob at labas ng tindahan. Walisan ang paligid nito upang makahikayat ng mas maraming mamimili. Maglaan ng basurahan kung saan itatapon ang mga kalat.

2. Panatilihing may sapat na liwanag at bentilasyon ang tindahan. Nakahihikayat ng maraming mamimili ang maaliwalas at maliwanag na tindahan.

3. Markahan ang mga paninda upang matiyak kaagad ang presyo ng mga ito.

Page 73: Q3 epp agri v2

386

4. Mag-ingat sa pagkukuwenta at pagbibigay ng sukli upang hindi ito lumabis o magkulang.

5. Makitungo nang mahusay, matapat, at pantay-pantay sa lahat ng mamimili.

6. Sikaping magdulot ng pinakamataas na uri ng paninda sa pinakamababang halaga.

Wastong Paraan ng Pagtitinda Ang tagumpay ng isang tingiang tindahan ay nakasalalay sa maayos at wastong paraan ng pagtitinda. Narito ang ilang paalala sa pagtitinda na dapat tandaan upang maging maunlad at kumita ang tindahan.

1. Panatilihing malusog ang pangangatawan at malinis na pananamit upang magampanan nang maayos ang mga tungkulin sa tindahan.

2. Salubungin nang maayos ang mga mamimili. Ang pagbati tulad ng “Magandang umaga po. Maaari ko ba kayong matulungan?” ay nakatutulong upang magkaroon ng mabuting pakikitungo ang tindera sa mga mamimili.

3. Ganyakin ang mamimili sa pamamagitan ng pagbibigay ng mahalagang impormasyon tungkol sa paninda. Kung kinakailangan, ipaliwanag kung paano ito pangangalagaan.

4. Maging magalang sa pakikipag-usap sa mga mamimili. Kausapin sila nang nakangiti at may masayang mukha. Laging pasalamatan ang mga mamimili upang bumalik silang muli.

5. Magpamalas ng karapatan sa pagtinda. Bilanging mabuti ang bayad ng mamimili upang maiwasan ang maling pagsusukli. Ilagay sa ayos ang pagpepresyo ng mga paninda upang maiwasan ang pagkalugi o ang labis na pagpapatubo. Maging matapat sa pagbibilang, paghahambing, at pagsusukat ng mga panindang ipinagbibili.

Page 74: Q3 epp agri v2

387

MAHUSAY NA PAGBEBENTA NG HALAMANG ORNAMENTAL

Agrikultura Aralin 19

Nilalaman:

May dalawang paraan ng pagbebenta ng mga halamang ornamental. Ito ay ang pakyawan kung saan ang halaman ay binibili ng maramihan. Ang isa naman ay tuwirang pagbibili sa tingiang paraan. Ang mga halaman ay binibili ng paisa-isa ng namimili. Ang tuwirang pagbibili ang karaniwang ginagamit ng mga maliliit na naghahalaman. Sa pagtitinda o pagbebenta ng mga halamang ornamental ay may mga gabay na dapat sundin maging malakihan o maliitan ang gagawing pagbebenta. Dapat magbayad ng kaukulang buwis at kumuha ng lisensiya o pahintulot sa pagtitinda. Kailangan ding panatilihin ang kalinisan sa lugar na pinagtitindahan.

Layunin:1. Natatalakay ang wastong paraan nang mahusay na

pagbebenta ng halaman2. Naisasagawa nang mahusay ang pagbebenta ng

halamang pinatubo

Sa mga nag-aalaga ng halamang ornamental na namumulaklak at di-namumulaklak, may mga palatandaan na titingnan kung ito ay maaari nang ipagbili. Kadalasan, ang mga ito ay matataas, malalago at magaganda ang mga dahon. Ang tamang pagkuha ng mga bulaklak ay kung ito ay malapit nang bumuka at bumukadkad. Tinatanggal ang ibang dahon at tinatali sa isang malilim na lugar. Ang paglalagay sa mga timba na may tubig na malinis ay nagpapatagal ng kanilang kasariwaan.

Page 75: Q3 epp agri v2

388

Ang mga orchids mula sa Davao ay inilalagay sa kahon upang mapanatiling sariwa at hindi malagas ang mga bulaklak. Ang mga halamang ornamental ay hinahanay sa narseri ayon sa pangangailangan ng sikat ng araw. May mga halamang ornamental na nangangailangan ng sikat ng araw kaya ito ay inilalagay sa lugar na nasisikatan ng araw. Samantalang ang mga halamang hindi nangangailangan ay inilalagay naman sa medyo malilim na lugar (partial shade).

Maayos na pagtitinda Malaki ang naitutulong ng mabuting tindera sa pag-unlad ng isang tindahan. May mga katangiang dapat taglayin ang isang mahusay na tindera. Narito ang ilan sa mga katangiang dapat taglayin ng isang mahusay na nagtitinda:Sikaping maging malinis at maayos upang maipakitang

maganda ang mga paninda.Maging mapagpasensya sa pakikitungo sa iba’t ibang uri

ng mamimili. Kung maraming hinahanap at tinatanong ang mga mamimili, dapat na maging matiyaga at mapamaraan ang nagtitinda sa pagtugon sa kanilang mga pangangailangan.

Maging magiliw at masayahin sa pakikipag-usap at paglilingkod sa mga mamimili sa lahat ng oras upang sila’y mawili sa pagtangkilik sa iyong tindahan. Ang magaling na nagtitinda ay marunong bumati at magpasalamat sa mamimili marami man o kaunti ang kaniyang binili.

Tiyakin na maayos ang pagkukuwenta at pagsusukli. Kapag nagbibigay ng resibo, ilagay ang tamang dami at halaga ng panindang binili.

Page 76: Q3 epp agri v2

389

Pagsasaayos ng mga PanindaPaghahalayhay ng Paninda

Madaling maakit ang mga mamimili kapag maayos at wasto ang pagkakalantad ng mga paninda. May mga gabay na dapat sundin sa pangkalahatang kaayusan ng mga panindang hinahanap ng mamimili. Madali rin ang pagtitinda kapag isasaayos nang pantay-pantay at madaling abutin ang mga paninda. Tiyakin na madaling basahin ang mga presyo ng mga paninda upang hindi mag-aksaya ng oras sa pagtatanong. Kailangan ding makasining, makulay, at makatawag-pansin ang pamamaraan ng pag-aayos nang sa ganoon ay maganyak ang mga mamimili sa inyong tindahan.

Pagmamarka ng Paninda Kapag tayo’y namimili sa tindahan, nais nating malaman kaagad ang presyo ng panindang nais natin, kaya mahalaga ang pagmamarka ng mga paninda. Ang dalawang paraan ng pagmamarka ay ang paglalagay ng tag at tuwiran. Sa tag na pagmamarka ay maaaring isulat sa kapirasong karton o papel ang presyo na ikinakabit sa paninda nang nakatali, nakabitin o nakadikit. Ang tuwirang pagmamarka ay ang pagsusulat ng presyo sa mismong paninda. Ang mga katangian ng wasto at maayos na pagmamarka ay malinaw, tama ang presyo, at malinis tingnan.

Pagkuwenta ng Paninda Upang malaman ang ilalagay na presyo sa bawat paninda, kailangan kuwentahing mabuti ang nararapat na halaga upang hindi malugi. Narito ang pormula sa pagkukuwenta ng halaga ng isang paninda na maaaring sundin.

Page 77: Q3 epp agri v2

390

A. Pesos……………… Puhunan r ……………... 15% idagdag sa puhunan Presyong pantinda

Halimbawa:Santan = 4.00 pesos puhunan X .15 2000 400 .6000 o .60

4.00 pesos +.60 4.60 pesos presyong pantinda

B. Kuwentahin ang halaga ng paninda na ginagamit ang sumusunod na pormula.

Pesos – Puhunan X – 15% idagdag sa puhunan Presyong pantinda = Puhunan + 15%Puhunan Presyong Pantinda1. 5.00 pesos _______________2. 10.50 pesos _______________3. 15.00 pesos _______________4. 18.50 pesos _______________5. 25.00 pesos _______________

C. Pormula sa Pagkuha Kabuuang Tubo Pinagbilhan – Puhunan = Kabuuang Tubo

Halimbawa: 1,203.40 …………. Halaga ng pinagbilhan- 1,041.50 …………. Puhunan 161.90 ………...... Kabuuang tubo

Page 78: Q3 epp agri v2

391

Pormula sa Netong Tubo Kabuuang tubo – Mga gastos = Netong Tubo

Halimbawa: 161.90 …………. Kabuuang Tubo - 5.00 …………. ( pasahe, pambalot ) 156.90 …………. Netong Tubo

D. Gamitin ang mga sumusunod na pormula sa pagkukuwenta ng kabuuang tubo at netong tubo.

Pinagbilhan – Puhunan = Kabuuang tubo Kabuuang tubo – Mga gastos = Netong tubo

Pinagbilhan (Php)

Puhunan (Php)

Kabuuang Tubo (Php)

Mga Gastos (Php)

Netong Tubo (Php)

1. 860.00 720.00 ______ 4.00 ______2. 550.00 415.00 ______ 8.00 ______3. 995.00 785.00 ______ 5.00 ______

4. 775.00 490.00 ______ 10.00 ______

5. 678.00 512.00 ______ 4.50 ______

Paninda Dami Puhunan ng isa

Kabuuang Puhunan

Halaga ng Paninda (bawat

isa)

Dami ng

naipagbili

Puhunan na

Naipagbibili

Kabuuang halaga ng Naipagbili

Dami ng

natira

Santan 10 paso Php10.25 Php102.50 Php11.80 8 82.00 Php94.40 2

Rose 20 paso Php5.75 Php115.00 Php6.60 15 86.25 Php99.00 5

Palmera 10 paso Php16.00 Php160.00 Php18.90 10 160.00 Php189.00 0

Fern 10 paso Php16.50 Php165.00 Php19.00 8 132.00 Php152.00 2

Sampaguita 15 paso Php38.75 Php581.25 Php44.60 15 581.25 Php669.00 0

Kabuuan Php1,123.75 Php1,041.50 Php1,203.40

Page 79: Q3 epp agri v2

392

Pag-iimbentaryo ng mga Paninda Ang isang mahalagang gawain ng isang may-ari ng tindahan ay ang pag-iimbentaryo. Ito ay ang pagtatala ng mga pinamili, naipagbili, at natirang paninda. Dito malalaman kung kumita o nalugi ang itinayong tingiang tindahan. Mahalaga ang pag-iimbentaryo sapagkat dito mababatid kung maayos ang pamamahala ng isang tindahan. Bukod sa malalaman ang tiyak na tinubo at natitira pang paninda, matutukoy rin kung ano-anong paninda ang mabilis maubos. Narito ang isang huwarang imbentaryo na iyong mapag-aaralan. Ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi nagiging maunlad ang ibang namamahala ng tingiang tindahan ay ang kakulangan sa kaalaman tungkol sa pag-iimbentaryo. Kung hindi nag-iimbentaryo ang isang may-ari ng tindahan, hindi niya malalaman kung siya ay nawawalan ng paninda at hindi niya masusukat o makukuwenta kung magkano ang kaniyang kinikita. Higit na kailangan ito lalong-lalo na ng mga may-ari ng tindahan na nangungupahan lamang ng mga tauhan. Mahalaga sa namamahala ng isang tingiang tindahan ang pag-iimbentaryo na maaaring gawin minsan sa isang buwan kung nais malaman ang kinita. Ito’y nakatutulong upang maging batayan kung nais palakasin o dagdagan pa ang mga paninda. Mayroong pormula sa pagkukuwenta ng kabuuang tubo. Gamitin ang pormulang ito sa pag-iimbentaryo.

• May mga alituntuning dapat sundin sa pagsasapamilihan ng mga produktong ornamental.

• Ang paglalagay ng presyo halaga ay batay sa lahat ng ginastos at bahagyang tinakda ng pamahalaan.

Bakit kailangan isa alang-alang ang lugar at panahon sa pagtitinda ng halamang ornamental?

Page 80: Q3 epp agri v2

393

TALAAN NG PUHUNAN AT GINASTOS

Agrikultura Aralin 20

Nilalaman: Sa talaan ng puhunan at ginastos, dito malalaman ng isang nagnenegosyo kung saan siya kumita o nalugi. Sa paghahalaman, kailangan marunong magkuwenta o magtuos. Nakikita sa araling ito ang payak na pagtutuos ng kita sa paghahalaman. Itala ang halaga ng pinagbilhan, ibawas ang pinagkagastusan sa halaga ng pinagbibilhan. Ang natirang halaga o pera ay tinatawag na kita.

Layunin:Natutuos ang puhunan, ginastos, kita, at maiimpok

Sa talaan ng puhunan at ginastos, dito malalaman ng isang nagnenegosyo kung saan siya kumita o nalulugi. Sa paghahalaman, kailangan marunong magkuwenta o magtuos. Ganito ang payak na pagtutuos ng kita sa paghahalaman. Itala ang halaga ng pinagbilhan. Ibawas ang mga pinagkagastusan. Ang natirang halaga ay kita. Narito ang halimbawa:

Narito ang payak na talaan ng puhunan, ginastos at kita / tubo• Talaan ng gastusin

Halaga ng pananim 1,000 Halaga ng pataba, pamatay kulisap at peste 500 Bayad sa serbisyo o paglilingkod 500 Iba pang gastusin 200 Php 2,200

Page 81: Q3 epp agri v2

394

• Halaga ng pinagbilhan 5 pasong Rosas 1,500 5 pasong Palmera 1,400 5 pasong Santan 500 5 pasong Golden Orlando 500 Php 3,900 Halaga ng pinagbilihan 3,900 Halaga ng gastusin 2,200 Kita o tubo Php 1,700

Mahalaga ang paggawa ng talaan ng puhunan at ginastos para makita mo kung ikaw ay nalulugi o kumikita.

Mamasyal sa iba’t ibang maghahalaman o may ari ng narseri at magtanong kung bakit magkakaiba ang presyo sa pare-parehong halaman.

Halimbawa:

Uri ng Halamang Ornamental

Maghahalamang A Maghahalaman B

Presyo (Php) Presyo (Php)1. Rosas2. Golden Orlando3. Palmera

200100150

25075150

Bakit mahalaga ang pagtatala ng puhunan at ang mga ginastos?

Page 82: Q3 epp agri v2

395

PLANO SA TULOY-TULOY NA PAGPAPATUBO NG HALAMANG

ORNAMENTAL

Agrikultura Aralin 21

Nilalaman:

Ang anumang gawain upang magtagumpay ay nangangailangan ng masusing pagpaplano. Ang pagpaplano ay isang paraan upang maisagawa ng maayos at mabilis ang isang gawain. Ang pagkakaroon ng plano ay nakatulong upang makatipid ng pera, oras, kagamitan, at lakas.

Layunin:

Nakagagawa ng plano para patuloy na pagpapatubo ng halamang ornamental bilang pagkakakitaang gawain

Sa pagtatayo ng taniman o narseri ng ornamental, kailangan isaalang-alang ang mga sumusunod:

1. Uri ng lupa na pagtataniman. Kailangan ang lupa ay loam soil upang tumubo at lumusog ang mga pananim.

2. Lugar na pagtataniman. Pumili ng isang lugar na angkop sa mga halamang ornamental.

3. Ang laki ng taniman. Ang katamtamang laki ng halaman upang mapamahalaan itong mabuti.

4. Mga kagamitan panustos. Dapat bigyan ng pansin din ang sapat na panustos ng abono, kemikal na pamatay peste tulad ng mga kulisap at mga gamot sa pagpuksa ng mga mikrobyo tulad ng bakterya at fungus na sanhi ng sakit ng mga halaman.

Paksa: Pagplaplano ng patuloy na Pagpapatubo ng Halamang Ornamental bilang Pagkakakitaan

Page 83: Q3 epp agri v2

396

Maraming mga bagay ang dapat isaalang-alang kapag pumili ng proyektong gagawin. Unang-una rito ang pakinabang na makukuha sa gagawing proyekto. Dapat tiyakin na madaling nakukuha o nabibili ang mga materyales na kakailanganin dito.

Page 84: Q3 epp agri v2

397

Plano ng Taniman

Talaan ng Pagtatanim at Pag-aani

Pangalan ng Halaman

Petsa ng Pagtatanim Petsa ng Pag-aani

Halamang Namumulaklak

RosasGumamela

Mirasol

January 6 - 8December 7 - 10November 14 - 16

February 11 - 12March

February 11 - 13Halamang Dahon

SantanSan Francisco

PakoFive-Fingers

October 20 - 24November 27 - 30November 20 - 24

JanuaryMarchMarch

Halamang Palumpong

PalmeraAdelfa

Sampaguita

December 23 - 26February

December

FebruaryJune

February

Page 85: Q3 epp agri v2

398

Magiging mabilis at maunlad ang mga halaman kung maayos ang pagkakatanim nito at nakatala kung kailan itinanim at kailan aanihin.

Mamasyal sa mga narseri /green houses at maghanap ng iba pang uri ng halaman na wala pa sa inyong halamanan at sikapin magkaroon para dumami ang uri ng halaman mo.

Bakit mahalaga ang plano ng patuloy na pagpapatubo ng mga halamang ornamental bilang pagkakakitaang gawain?

Page 86: Q3 epp agri v2

399

KABUTIHANG DULOT SA PAG-AALAGA NG HAYOP

Agrikultura Aralin 22

Nilalaman:Sa araling ito, lubos nating mauunawaan ang kahalagahan

ng pag-aalaga ng hayop sa tahanan na maaring libangan at mapagkakitaan. Ang kabutihang naidudulot nito sa tao at sa kabuhayan ng pamilya. Matatalakay din sa aralin ang maaaring dulot ng pag-aalaga ng hayop mabuti man o masama sa kalusugan. Tutukuyin din ang mga hayop na maaring alagaan at ang mga katangian nito.

Layunin:1. Natatalakay ang kabutihang dulot ng pag-aalaga ng hayop

sa tahanan2. Natutukoy ang mga hayop na maaaring alagaan sa tahanan

Page 87: Q3 epp agri v2

400

Ang pag-aalaga ng hayop sa bahay ay mayroong maraming dulot na kabutihan. Tulad ng pag-aalaga ng aso sa bahay, ito ay nakakatanggal ng stress at ayon sa mga pag-aaral ito rin ay nakapagpapababa ng dugo. Sila ay nakakasama sa pag-eehersisyo at ibang libangan. Ang aso ay tinatawag na pinakamatalik na kaibigan ng tao. Maraming pagkakataon nang napatunayan ang katapatan ng aso bilang kaibigan.

Mainam itong alagaan. Nakatutulong ito bilang gabay sa paglalakad at maging bantay ng tahanan. Ngunit nakakatakot kapag sinasaktan dahil ito ay lumalaban.

Ang pusa ay isa ring hayop na mainam alagaan. Maraming tao ang nagsasabi na ang pag-aalaga rin ng pusa ay nakakatanggal ng stress at nakapagpapababa ng dugo.

Ang pusa ay mahusay din alagaan dahil bukod sa ito’y taga-huli ng daga mabait din itong kalaro ng mga bata.

Page 88: Q3 epp agri v2

401

Ang mga ibon bilang alagang hayop sa bahay ay madaling maturuan. Maraming ibon ang natututong magsalita. Sila rin ay natututong gumawa ng iba’t ibang antics kaya maraming tao ang nahuhumaling mag-alaga ng ibon. Sila ay madaling alagaan. Maliban sa nakapagdudulot ng kasiyahan sa nag-aalaga, ito rin ay maaaring pagkakitaan.

Page 89: Q3 epp agri v2

402

Ang kuneho ay isa ring magandang alagaan sa bahay dahil sa sila ay eco-friendly animals. Isang hayop na mainam alagaan dahil mabait at nagbibigay ito ng masustansyang karne at hindi madaling dapuan ng sakit. Ang pagkain ng kuneho ay maaaring itanim sa ating mga bakuran dahil sila ay kumakain ng halamang dahon tulad ng letsugas, kangkong at repolyo. Hindi sila maselan sa pagkain, maaari mong bigyan ng butil ng mais o giniling na munggo.

Ang dumi ng kuneho ay maaring ipunin at gawing pataba sa ornamental na halaman dahil ito ay mayaman sa nitrogen at phosphorus. Ang mga patapong bagay tulad ng old towels, mga lumang kuwaderno at iba pa ang gustong laruan ng mga kuneho.

. 1. Ano-anong mabubuting bagay ang naidudulot sa pag-

aalaga ng hayop sa tahanan? a. Nakapagbibigay saya at nakakaalis ng inip.b. Nakapagpapabuti sa kalusugan. c. Nakakadagdag ng kita sa mag-anak.d. Nakapagbibigay ng pagkain tulad ng itlog at karne.e. Nakapagbibigay pagkakataong mag-ehersisyo.f. Nagiging mabuting kasama sa bahay.g. Nagkakaroon ng pagkakataon para sa pakikisalamuha

sa tao.h. Magandang kasanayan sa bata na magkaroon ng

responsibilidad sa pag-aalaga.2. Sa inyong pangkat, tumukoy ng isang hayop na maaaring

alagaan sa bahay at isa-isahin ang mga kabutihang maidudulot nito. Iulat ito sa klase.

Page 90: Q3 epp agri v2

403

Maraming kabutihan ang naidudulot ng pag-aalaga ng hayop sa tahanan. Ito ay nakabubuti sa ating kalusugan dahil naka-aalis ito ng stress at nakapagpapababa ng dugo. Ang alagang hayop sa tahanan ay maituturing na isang magandang kasama sa bahay. Kung ang mga alagang hayop ay pinararami, ito ay maaaring maipagbili upang makadagdag kita sa pamilya.

.

1. Iguhit ang paborito mong hayop na inaalagaan sa bahay at bigyang linaw ang sumusunod na mga tanong.

a. Ano ang pangalan ng alaga mong hayop?

_____________________________________

b. Gaano karami ang inaalagaan mo?

______________________________________

c. Ano-ano ang mga kapakinabangan nito sa iyo?

______________________________________

1. Bakit mo nagustuhan ang hayop na nasabi upang alagaan sa bahay ninyo?

2. Nakatutulong ba ito sa pangangailangan ng inyong pamilya? Sa paanong paraan?

Page 91: Q3 epp agri v2

404

MGA HAYOP NA MAAARING ALAGAAN SA BAHAY

Agrikultura Aralin 23

Nilalaman:

Ating pag-aaralan ngayon ang mga hayop na maaari nating alagaan sa tahanan. Tukuyin kung ano-ano ang mga ito. Ang kanilang katangian, at paraan ng pag-aalaga. Alamin din natin ang mga bagay na dapat pag-ingatan sa mga hayop na matutukoy.

Layunin:Matutukoy ang mga hayop na maaaring alagaan sa tahanan

1. May mga uri ng hayop na maaaring alagaan sa loob ng bahay na nagdudulot ng saya at kapakinabangan tulad ng:

a. aso

Page 92: Q3 epp agri v2

405

b. pusa

c. manok

d. kuneho

Page 93: Q3 epp agri v2

406

1. Mga hayop na mahusay alagaan sa bahay at may pakinabang.

1. Aso. Mainam itong alagaan – nakakatulong ito sa

paglalakad at maging bantay ng tahanan. Ngunit nakakatakot kapag sinasaktan dahil ito ay lumalaban.

Ang aso ay isa sa mga hayop na mainam alagaan. Sa katunayan, maraming mag-anak ang naggugugol ng panahon sa pag-aalaga nito.

2. Pusa.

Ang pusa ay mahusay din alagaan dahil bukod sa ito’y taga-huli ng daga, mabait din itong kalaro ng mga bata.

Page 94: Q3 epp agri v2

407

3. Manok.

Hindi gaanong mahirap alagaan ang manok dahil hindi ito nangangagat, sa halip ito ay nagbibigay ng karagdagang kita sa mag-anak dahil nagbibigay ito ng itlog at karne. Kinakailangan ang ibayong ingat sa pag-aalaga ng manok dahil may mga pagkakataon kung saan nagkakaroon ito ng sakit. Maaari itong mamatay dahil sa hindi inaasahang pagdapo ng sakit o peste.

4. Kuneho. Isa itong maliit na hayop ngunit mainam itong

alagaan dahil mabait at nagbibigay ito ng masustansyang karne at hindi madaling dapuan ng sakit.

Hindi ito maselan sa pagkain, maaari mo itong bigyan ng butil ng mais o giniling na munggo.

Mainam alagaan ang kuneho dahil hindi ito gaanong dinadapuan ng sakit. Ang mga berdeng damo at iba pang labis na gulay sa kusina at mga tumutubo sa ating halamanan ang nagsisilbing pagkain nila.

Page 95: Q3 epp agri v2

408

Magbigay ng mga hakbang kung nais mong mag-alaga ng hayop sa inyong tahanan at kung ang hangarin mo ay makapag-dulot ng karagdagang kita sa pamilya:1. 3.

2. 4.

Pumili ng mga aalagaang hayop at iguhit ito sa papel. Lagyan ng pangalan at sabihin kung bakit mo ito nagustuhan.1.

2.

3.

1. Magbigay ng dahilan kung bakit mo ito nagustuhan para alagaan:

a. d.

b. e.

c.

2. Paano ito makakatulong sa pangangailangan ng inyong pamilya?

a. d.

b. e.

c.

Page 96: Q3 epp agri v2

409

MGA SALIK SA PAG-AALAGA NG HAYOP Agrikultura Aralin 24

Nilalaman:Sa araling ito matutunghayan natin kung ano ang

mga sangkap na pamamaraan kung paano maisasagawa ang maayos na pag-aalaga ng mga hayop upang ito ay makapagbigay ng maraming kapakinabangan.

Layunin:Pagsasagawa ng maayos na pag-aalaga ng hayop

Ang pag-aalaga ng hayop ay seryosong usapin dahil kinakailangan maayos ang lahat kaya mayroon itong sinusunod na mga hakbang.

a. sapat at masustansiyang pagkain.b. malinis, nakaangat sa lupa, at maluwang na bahay na

kulungan.c. Malinis na tubigd. Matibay na bubonge. Malinis na kapaligiranf. nararapat na gamot, bitamina kung kinakailangan upang

lumaki na malulusog at makapagdulot o makapagbigay ng maayos na produkto.

Page 97: Q3 epp agri v2

410

• Sundin ang mga sumusunod na mga hakbang para sa maayos na pag-aalaga ng hayop.

1. Itayo ang kulungan sa isang bakanteng lote o sa likod bahay.

2. Linisin ang lugar at maglagay ng kanal sa paligid nito para daanan ng tubig.

3. Bigyan ang mga alaga ng nasa ayos na pagkain, malinis na tubig, at bitamina upang maging malusog ang mga ito.

• Maaaring maglahad ang mga bata ng kanilang nakita sa kapitbahay o ibang tao na may alagang hayop.

Magiging maunlad ang proyekto kung susundin ang tamang mga hakbang sa pag-aalaga ng hayop.

Magbigay ng limang hakbang para maging maayos at matagumpay ang proyekto.

1. 2. 3. 4. 5.

Page 98: Q3 epp agri v2

411

Sagutin ang sumusunod na tanong:1. Mabuti ba ang idinudulot ng alagang hayop kung malinis ang

kinalalagyan ng mga ito?2. Dapat bang sundin ang mga ibinigay na mga hakbang tungkol

sa maunlad na paghahayupan?

LIGTAS NA TIRAHAN NG MGA ALAGANG HAYOP

Agrikultura Aralin 25

Nilalaman: Tatalakayin dito kung paano mabibigyan ng maayos at ligtas na tirahan ang aalagaang hayop para matiyak ang kanilang kaligtasan at tuloy makapagbigay ng mataas na produksiyon.

Layunin: Pagbibigay nang maayos na lugar o tirahan para sa alagang hayop

Ang pag-aalaga ng hayop ay nangangailangan ng atensyon. Kailangan bigyan sila ng tirahan, pagkain, at nararapat na gamot para lumaki silang malulusog.

Page 99: Q3 epp agri v2

412

Ang sumusunod ay mga bagay na dapat ibigay sa aalagaang hayop.1. Tirahan / Kulungan

a. Nakaangat sa lupa

b. May sapat na malinis na tubig

Page 100: Q3 epp agri v2

413

c. nasisikatan ng araw

2. May maayos na daanan ng tubig/kanal

3. Tama ang layo sa bahay

Page 101: Q3 epp agri v2

414

4. May lilim na panangga sa sobrang init at ulan

5. May preskong simoy ng hangin

Page 102: Q3 epp agri v2

415

Sa pagpili ng angkop na lugar na tirahan ng aalagaang hayop, ang unang bibigyan pansin ay ang sumusunod:

a. Isang malinis at malawak na lugarb. May sapat na suplay ng malinis na tubigc. May lilim at hindi gaanong matinding init ng arawd. May maayos at malinis na kulungan na nakaangat sa

lupa

Iguhit ang isang ideal na lugar kung saan ilalagay ang aalagaang hayop o mga hayop.

1. Ano ang inaalagaan ninyong hayop sa bahay?a. b.c.d.e.

Larawan ng isang angkop na kulungan ng mga hayop na aalagaan. Halimbawa:

- may sapat na tubig

- nakaangat sa lupa

- nasisilayan ng araw

- may daluyan ng tubig

- may panangga sa sobrang sikat ng araw at ulan

Page 103: Q3 epp agri v2

416

2. Naibibigay ba ninyo ang kanilang pangangailangan (sagutin ng oo / hindi) tulad ng sumusunod:

a. Maayos na tirahan ----------------------------------------b. Sapat at masustansyang pagkain ---------------------c. Kaukulang bitamina, at gamot --------------------------d. Malinis na tubig ---------------------------------------------e. Maayos at matibay na kulungan -----------------------

TAMANG PARAAN SA PAG-AALAGA NG HAYOP

Agrikultura Aralin 26

Nilalaman:

Ang araling ito ay magbibigay sa atin ng kaalaman tungkol sa wastong pag-aalaga ng ating mga hayop upang sila ay lumaki ng maayos at hindi maging sakitin.

Tatalakayin dito ang wastong pamamaraan ng pag-aalaga ng hayop na tinukoy natin sa nakaraang aralin. Malalaman natin kung paano sila palalakihin sa pamamaraang wasto at maka-agham.

Malalaman natin dito ang mga dapat gawin at ibigay sa kanila (mga alagang hayop) upang sa gayon sila ay makakapagdulot ng kung ano ang maaasahan natin mula sa kanila.

Layunin:Naiisa-isa ang wastong pamamaraan sa pag-aalaga ng

hayop sa tahanan

- pagsasagawa nang maayos na pag-aalaga ng hayop.- pagbibigay ng wastong lugar o tirahan. - pagpapakain at pagbibigay ng bitamina.

Page 104: Q3 epp agri v2

417

Ang pag-aalaga ng hayop ay isang kapaki-pakinabang na gawain. Nakakatulong ito upang maalis ang ating stress at gumanda ang ating kalusugan. Madadagdagan din ang kita ng mag-anak kung ito ay mapaparami at maipagbibili. Kaya dapat nating malaman ang maayos na pamamaraan ng pag-aalaga upang lubos na mapakinabangan at masiyahan sa gawaing ito.

Basahin ang mga pamamaraan sa pag-aalaga ng hayop. Tandaan at isaalang-alang ang lahat ng ito dahil dito nakasalalay ang ikauunlad ng pag-aalaga sa mga hayop at ang kapakinabangan nito.

a. Wastong Pag-aalaga ng Aso

1. Panatilihing malinis ang kulungan ng aso.

Page 105: Q3 epp agri v2

418

5. Dalhin sa malapit na Beterinaryo upang maturukan ng anti-rabies.

2. Dapat magkaroon ng sapat na bentilas-yon ang kulungan ng aso.

3. Bigyan ang aso ng ga-mot na kontra bulate makalipas ang isa o dalawang linggo.

4. Bigyan ng sapat at malinis na tubig na maiinom ang alagang aso.

Page 106: Q3 epp agri v2

419

b. Wastong pag-aalaga ng Kalapati

3. Ang mga kalapati ay dapat pa-kainin ng palay, mais, mung-go, tinapay at buto ng mirasol. Kailangan din silang bigyan ng pinaghalu-halo at dinurog na kabibi at uling na tinimplahan ng asin.

2. Gumawa ng pugad sa bawat isang inahin sapagkat mabilis silang mangitlog. Ang pugad ay maaaring yari sa daya-mi, tuyong dahon ng kugon o pinagkataman. Ang kahon ay dapat magkaroon ng taas na 72 sentimetro at lapad na 90 sentimetro.

1. Ang bahay ng kalapati ay dapat nakaangat sa lupa upang hin-di mapasukan ng daga. Ito ay dapat maluwag, mahangin, tuyo, at nasisikatan ng araw. Kung maaari, itayo sa mga punong kahoy.

Page 107: Q3 epp agri v2

420

Dapat sundin at isaalang-alang ang mga wastong pamamaraan upang maramdaman ng alagang hayop na sila ay mahal ng nag-aalaga sa kanila.

Dapat ay: - binibigyan sila ng maayos at malinis na tirahan;- maayos ang pag-aalaga sa kanila tulad ng pag-

papaligo, pag-eehersisyo, at pagpapabakuna o pagpapainom ng gamot kung kinakailangan;

4. Pakainin sila sa pamamagitan ng pagsasaboy ng pagkain, pagpapatuka sa lupa, sa pal-ad, o paglalagay ng patuka sa isang lalagyang malanday. Ha-lu-halo at dinurog na kabibi at uling na tinimplahan ng asin.

5. Bigyan din ng sapat at malinis na tubig na inumin. Kailangang panatilihin ang kalinisan upang hindi mag-kasakit at dapuan ng mga peste ang mga ibon. Linisin ang kanilang bahay at pinag-kakainan araw-araw.

Page 108: Q3 epp agri v2

421

- pinapakain ng maayos at masustansiyang pagkain;- nililinis ang kanilang tirahan at- kinakausap tulad din ng isang tao.

.A.

1. Magmasid sa inyong pamayanan, alamin kung anu-anong uri ng hayop ang inaalagaan at pinagkakakitaan ng mga tao sa inyong lugar.

2. Magtala ng ilang pamamaraang kanilang isinasagawa para sa mahusay na pagpapalaki sa kanilang mga alaga.

3. Magsaliksik ng mga uri ng pesteng kalaban ng iba’t ibang uri ng hayop na inaalagaan, ang mga sintomas nito at angkop na gamot para sa mga ito.

B. Iguhit sa sulatang papel ang napiling lugar kung saan ilalagay ang mga napiling hayop o mga hayop na aalagaan.

1. Ano-anong kabutihan ang naibibigay ng inyong wastong pag-aalaga ng hayop o mga hayop?

a.

b.

c.

d.

e.

Page 109: Q3 epp agri v2

422

PAGGAWA NG PLANO NG PAGPAPARAMI NG ALAGANG HAYOP UPANG KUMITA

Agrikultura Aralin 27

Nilalaman:

Ang paggawa ng plano ng pagpaparami ng alagang hayop ay mabuting hakbang upang kumita at maiwasan ang pagkakamali sa binabalak na gawain. Ang plano ay ginagawa bago simulan ang gawain at ginagamit itong gabay sa paggawa.

Layunin:Nakagagawa ng plano ng pagpaparami ng alaga upang kumita

Pagpaplano ng pagpaparami ng alagang hayop ay makasisigurado tayo sa balak nating gawin. Ito ay makatitipid sa halaga at panahong iuukol. Mahalagang maitala natin ang dami ng bilang ng panganganak ng alagang hayop at ang kikitain natin.

Alamin muna natin ang mga gabay sa pagpaplano. Ang sumusunod ay gabay sa pagpaplano ng pararamihing alagang hayop:

1. Uri ng hayop sa tahanan na aalagaan - aso, kalapati, love birds, kuneho, at isda sa

aquarium

2. Kapaligiran - malapit sa tubig - malawak ang bakuran

Page 110: Q3 epp agri v2

423

3. Lugar na mapaglalagyan - may tubig - may sikat ng araw - may hangin - may matibay, maayos, at malinis na kulungan

4. Klase ng produkto na maaaring maibigay ng alagang hayop

5. Maaaring kitain sa pagpaparami ng alagang hayop

Ikaw ba ay maaari nang magplano? Halimbawa gusto mo magparami ng alagang kuneho upang ikaw ay kumita, pag-aaralan ang planong ito at sagutin ang nakasaad na mga tanong ng inyong guro.

Plano ng Pagpaparami ng Kuneho

I. Layunin: (naglalaman ng layunin sa gagawin mo)

Makapagpaparami ng kuneho upang pagkakitaan

II. Larawan: (iguhit ang pinaplanong alagang hayop)

Page 111: Q3 epp agri v2

424

III. Talaan: Punan kung anong meron ang alaga mo

1. Uri ng hayop na aalagaan

2. Bilang ng hayop na sisimulan

3. Lahi ng hayop

4. Lugar na mapaglalagyan

a. May tubig

b. Sikat ng araw

c. May hangin

5. Klase ng pagkain

a. Tirang pagkain

b. Komersyal

c. Kangkong, pechay, dahon ng ipil-ipil, talbos ng kamote

d. Mais, karots, palay

e. Giniling na niyog o munggo

f. Iba pang pagkain

6. Produkto na maibibigay

a. Karne

b. Itlog

c. Balat

d. Dumi

e. Iba pa

7. Bilang ng anak ng inahin

8. Kikitain kapag ipinagbili/ produkto

Kuneho

Babae / Bilugan

Kulungan

5

1,500.00 (sa pares)

Page 112: Q3 epp agri v2

425

Magplano tayo1. Magpangkat sa apatan at pumili ng lider.2. Pumili ng isang hayop sa tahanan at mag-isip kung

paano ito pararamihin.3. Gumawa ng plano ng pagpaparami ng alagang

hayop na napili ninyo.4. Ituos kung magkano ang kikitain sa alaga ninyo.5. Iulat sa klase ang ginawang plano at ang mga batayan

nito sa paggawa.

1. Paano ninyo nagawa ang plano ng pagpaparami ng alagang hayop upang kumita? (isulat sa loob ng kahon)

2. Ano-ano ang mga nakatala sa plano?

Mga nakatala sa plano ng pagpaparami ng alagang hayop

1.

2.

3.

4.

5.

6.

7.

8.

Page 113: Q3 epp agri v2

426

Punan ang hinihingi na datos sa plano ng pag-aalaga ng kalapati

1. Uri ng hayop na aalagaan –2. Bilang ng hayop na sisimulan –3. Lahi ng hayop – 4. Lugar na mapaglalagyan – 5. Klase ng pagkain – 6. Produkto na naibibigay – 7. Maaring bilang ng anak – 8. Kikitain kapag ipinagbili ang produkto –

1. Mag-isip ng gusto ninyong alagaan na hayop sa bahay

2. Gumawa ng plano kung paano ninyo mapaparami ang inyong alagang hayop upang kayo ay kumita.

3. Iulat sa klase ang inyong ginawa.

Page 114: Q3 epp agri v2

427

PAGPILI NG PARARAMIHING HAYOP Agrikultura Aralin 28

Nilalaman:

Maraming uri ng hayop ang mapagpipilian na tiyak din ang kapakinabangan kung nasa ayos ang paraan ng pangangalagang gagawin. Kailangan piliin ang alagang hayop lalo na kung balak natin paramihin ang mga ito upang makapag-bigay ng karagdagang pagkain at kita sa pamilya.

Basahin at pag usapan natin

Mga Alagang Hayop sa Tahanan

Kalapati

Ang pag-alaga ng kalapati ay madaling pagkakitaan bukod sa nakalilibang. Ang isang inahin ay nagsisimulang mangitlog sa gulang na tatlong buwan pa lamang. Ang itlog ay mabilis din mapisa kaya mabilis dumami at ito ay kasing-sustansya ng itlog ng pugo. Masarap din ang karne ng kalapati.

Page 115: Q3 epp agri v2

428

Kuneho

Ang kuneho ay isa ring hayop na madaling alagaan. Tulad ng ibang hayop, ito ay nagbibigay ng karne na kasing-sustansya ng karne galing sa manok. Maliban dito, ang kuneho ay madalas ginagamit sa mga eksperimento ng mga siyentipiko at sa paaralan. Ang balat nito ay ginagamit na palamuti ng damit, tsinelas, sombrero, at iba pang bagay.

Aso

Ang aso ay isa sa mga hayop na mainam alagaan. Maraming mag-anak ang naglalaan ng panahon sa pag-aalaga nito, maging mahirap o mayaman. May nag-aalaga ng aso upang magsilbing bantay ng bahay. Mayroon namang nais ay maging kasa-kasama sa mga gawain. May makikita ring mga tao na kadalasan ay matatanda o may mga kapansanang nag-aalaga upang magsilbi nilang gabay sa paglalakad at pamamasyal. Inaalagaan din sila upang makasama at maging isang tunay na kaibigan. Mahalaga naman na pipiliin ang asong aalagaan.

Page 116: Q3 epp agri v2

429

Higit na mainam mag-alaga ng tuta kaysa asong malaki na dahil iyong natuturuan ng mga kakaibang bagay na maaari nilang gawin gaya ng pag-upo, pagpulot o pag-abot ng nahulog o nakatagong bagay, pag-ihi, at pag dumi sa tamang lugar.

Pusa

Ang pusa ay isa ring mabuting alaga sa tahanan. Mahusay itong manghuli ng daga dahil sa matalas ang kaniyang paningin, pang-amoy at pandinig. Ito ay humuhuni (purr) o ngumingiyaw kapag masaya at may gustong ipaalam. Ang inang pusa ay gumagawa ng tunog kapag tinatawag niya ang kanyang mga kuting.

Mga isda sa aquarium

Sa kasalukuyan, maraming uri ng isda ang maaaring alagaan at palakihin sa aquarium. Ang aquarium ay isang lalagyang may tubig kung saan inaalagaan at pinalalaki ang mga isda. Ito ay ginagawang palamuti o atraksyon sa tahanan,

Page 117: Q3 epp agri v2

430

opisina o maging sa mga ospital. Isang katamtamang sukat ng aquarium 30 cm x 20 cm x 15 cm (12 in x 18 x 6 in). Madali itong pangalagaan.

Ayon sa bihasa at nakakaalam, ang goldfish ang pinakamadaling alagaan sa aquarium. Ito ay matibay ang katawan at malusog. May orange, golden-yellow, black and white at mga kumbinasyon ng kulay. Ang mga ito ay nabibili rin sa maraming tindahan ng mga alagang hayop (pet shops).

Maaari rin ipagbili ang mga isda sa aquarium katulad ng Goldfish, Janitor’s fish, at iba pa.

Dagang Costa

Mainam ding alagaan ang dagang costa at ito ay nagbibigay aliw sa nag-aalaga. Isa siyang uri ng daga na matuturuan sa ipapagawa sa kanya katulad sa mga carnival ito ay ginagamit sa laro sa ibabaw ng mesa na may mga kahon na kapag narinig nila ang signal ay tatakbo sila sa loob ng kahon na may numero. Kapag nakataya ka sa sinuutan ng dagang costa, panalo ka.

Naipagbibili din ang mga dagang costa sa mga tindahan ng alagang hayop (pet shop).

Ayon sa nabasa natin, dapat tandaan sa pagpili ng pararamihing hayop ay ang mga sumusunod: Nakapagbibigay ng karagdagang pagkain sa hapag-kainan.1. Mabilis lumaki at madaling dumami.2. Nakatutulong sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng mag-

anak.3. Nakapagbibigay aliw at mabuting kasama sa bahay.4. Madaling alagaan at pakainin ng karaniwang pagkain.5. Naipagbibili at karagdagang kita ng pamilya.

Page 118: Q3 epp agri v2

431

Matapos mong basahin ang kahalagahan ng pag-aalaga ng hayop sa tahanan, handa na ba kayo pumili sa aalagaan ninyo?

1. Magpangkat ng apatan at pumili ng inyong lider.2. Iguhit ang napili ninyong alagang hayop sa manila

paper.3. Ipaskil sa pisara ang ginuhit ninyong alagang hayop.4. Pag-usapan ng bawat pangkat ang napili ninyong

alagang hayop at ipaliwanag ang batayan ng pagpili ninyo.

5. Hikayatin ang kaklase ninyo na magparami din sa napili ninyong alagang hayop.

Mga Batayan sa Pagpili ng Pararamihing Alagang Hayop1. Nakapagbibigay ng karagdagang pagkain sa hapag-

kainan2. Mabilis lumaki at madaling dumami.3. Nakatutulong sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng

mag-anak.4. Nakapagbibigay aliw at mabuting kasama sa bahay.5. Madaling alagaan at pakainin ng karaniwang pagkain.6. Naipagbibili at nagbibigay karagdagang kita ng

pamilya.

Page 119: Q3 epp agri v2

432

1. Piliin ang limang hayop sa bilog A na maaaring paramihin at isulat sa loob ng bilog B

2. Isulat sa loob ng bilog C ang limang batayan sa pagpili ng pararamihing hayop

1. Maghanap ng taong may mga alagang hayop.2. Itanong mo kung alin sa mga alaga niya ang

pararamihin at bakit iyon ang napili niya?3. Ibahagi sa mga kaklase ang nagawang

pakikipanayam.

APalaka tipaklongManok itikPusa kabayoBaka ibonPugo dagaKambing asoParuparo gansa

C1.2.3.4.5.

B1.2.3.4.5.

Page 120: Q3 epp agri v2

433

PAGGAWA NG TALATAKDAAN/ ISKEDYUL NG MGA GAWAIN UPANG

MAKAPAGPARAMI NG HAYOP

Agrikultura Aralin 29

Nilalaman:

Ang paggawa ng talatakdaan ng mga gawain ay isang mabisang paraan upang magamit ng wasto ang panahon sa pag-aalaga ng hayop. Nagkakaroon ng gabay sa pagsasagawa ng mga gawain kung may nakahandang plano sa paggawa. Walang maaaksayang panahon sa pag-iisip kung ano ang dapat tapusin sa araw na iyon. Nakikita rin ang pagkakaugnay ng mga gawain kung mayroong talatakdaan/ iskedyul.

Layunin: Nakagagawa ng iskedyul ng mga gawain upang

makapagparami ng hayop

Ang iskedyul/ talatakdaan ay talaan ng mga gawaing dapat isakatuparan sa takdang oras at panahon. Ito ay maaaring gawin para sa isang araw, linggo o isang buwan. Nagsisilbi ito ng tagapagpaalala sa isang gumagawa ang kailangan nilang gawin sa takdang oras upang matapos sa takda o sa lalong madaling panahon. Ang pagsunod sa talatakdaan/ iskedyul ay magpapagaan ng mga gawain. Ito ay may dalawang uri: ang pansariling talatakdaan/ iskedyul at ang pangmag-anak na talatakdaan/ iskedyul. Pansariling talatakdaan/ iskedyul ay tumutukoy sa mga indibidwal na gawaing dapat gawin sa takdang oras. Samantalang ang pangmag-anak na talatakdaan ay pinaghati-hating gawain sa lahat ng mga kasapi ng mag-anak para gampanan sa takdang oras.

Page 121: Q3 epp agri v2

434

Ito ang halimbawa ng pansariling talatakdaan/ iskedyul.

A. Pansariling Talatakdaan/Iskedyul

Oras Minuto Gagawin

UMAGA6:00 – 6: 15 6:15 – 6:30 6:30 – 6:45 6:45 – 7:45

7:45 – 8:30

8:30 – 9:00

9:00 – 9:15

9:15 – 10:15

10:15 – 11:30

HAPON11:30 – 1:00 1:00 – 2:00 2:00 – 3:00

3:00 – 4:00 4:00 – 5:00 5:00 – 5:30 5:30 – 6:00 GABI6:00 – Pataas NG

15151560

45

30

15

60

75

1206060

606030

30

Pagliligpit ng silid-tuluganPag-aayos ng sariliPag-aalmusalPaghahanda ng pagkain ng alagang hayopPag-aayos ng kakainan ng alagang hayopPagpapakain sa alagang hayop

Pagbibigay ng karagdagang bitamina at mineralPagpapaligo ng alagang hayop (2 beses sa loob ng isang linggo)Paglilinis ng kulungan ng hayop

Tanghalian at PamamahingaPagtingin sa kalusugan ng hayopPagwawalis at pag-aalis ng mga dumiPaghahanda ng tubig at pagkainPagpapakain sa hayopPagliligpit ng mga gamit at pag-aayos ng mga ilaw sa kulunganPaghahanda ng hapunanPaghahapunan, pag-aaral ng leksiyon, pamamahinga

Page 122: Q3 epp agri v2

435

B. Pangmag – anakan na Talatakdaan/Iskedyul

Gawain Taong Gaganap Araw

Pagpaplano na sisimulan sa mga alagang hayop

Paggawa ng kulungan

Pamimili ng pagkain

Pamimili ng bitamina at mineral para sa hayop

Pagpapakain sa alagang hayop

Paglinis ng kulungan

Paglilinis ng mga kasangkapan na ginagamit

Pagtingin sa kalusugan ng hayop

Pagbubukod sa hayop na may sakit

Pagtingin sa babaeng hayop na manganganak

Mag-aalaga sa mga bagong anak na hayop

Nanay / Tatay

Tatay / Kuya

Nanay / Ate

Ate

Nanay / Kuya

Kuya

Ate / Nanay

Nanay / Ate

Tatay / Nanay

Mag - anak

Ate / Kuya

1 Linggo

1 Linggo

Lingguhan

Lingguhan

Araw-araw

Araw-araw

Araw-araw

Araw-araw

1 Araw

Araw-araw

Araw -araw

Pagmasdan mabuti ang dalawang Talatakdaan/Iskedyul.

- Ipaliwanag ang kahalagahan ng bawat isa.

Page 123: Q3 epp agri v2

436

Kaya na ninyong gawin? Tingnan natin kung makagagawa na kayo ng sarili ninyong talatakdaan/iskedyul sa pagpaparami ng alagang hayop.Pansariling talatakdaan/iskedyul

Oras Minuto Gawain

Pangmag – anak na Talatakdaan/Iskedyul

Gawain Taong Gaganap Araw

- Ipaliwanag ang kahalagahan ng dalawang talatakdaan/ iskedyul

- Bakit kailangang tulong-tulong sa paggawa ng anumang gawain?

Talatakdaan/Iskedyul ay talaan ng mga gawaing dapat gawin o isakatuparan sa takdang oras at panahon. Ito ay maaaring gawin para sa isang araw, isang linggo o isang buwan.

Page 124: Q3 epp agri v2

437

Larawan ng bahay o kulungan ng kalapati

1. Kalapati2. Mga kalapati sa loob at labas ng bahay nito na ang iba ay

tumutuka ng pagkain3. Batang lalaki na nagpapakain ng mga kalapati

1. Pagmasdan ninyo ang larawan2. Si Berto ay nagpapakain sa kanyang mga alagang

kalapati3. Gumawa ng talatakdaan/iskedyul ng mga gawain ni

Berto sa kanyang mga alagang kalapati. (Pansarili o Pangmag-anak na talatakdaan/iskedyul.)

1. Pumili ng hayop na pararamihin.2. Mag-isip ng mga gawain na susundin upang

maparami ang inyong alaga.3. Gumawa ng talatakdaan ng mga gawain na susundin

mo sa pagpaparami ng inyong alaga.

Page 125: Q3 epp agri v2

438

PAGGAWA NG ISKEDYUL NG PAG – AALAGA NG HAYOP

Agrikultura Aralin 30

Nilalaman: Higit na mabisa ang pagtupad sa tungkulin ng bawat isa kung may nasusunod na iskedyul ng gawain ang mag-anak. Ito ang nagiging gabay nila sa pagsunod ng araw na dapat gagampanan ang nakaatang na gawain sa kanila. Ang iskedyul ay magpapaalala sa bawat isa na may tungkulin sila sa tahanan at ito’y magagawa ng may ngiti sa labi dahil naipapakita ang pagkakaisa ng bawat kasapi ng pamilya.

Layunin:

Nakagagawa ng iskedyul nang pag-aalaga ng hayop

Pag-aralan mabuti itong halimbawa ng lingguhang iskedyul ng mga gawain sa pag-aalaga ng magpares na kuneho. Ito ay ang Pansariling Iskedyul.

Pansariling Iskedyul

Lunes Martes Miyerkules HuwebesPagpapakain ng mga kuneho

Paghuhugas at paglinis ng mga kasangkapan

Pagpupunas ng mga kuneho

Pagpapakain ng mga kuneho

Paglilinis ng kulungan

Pagpapakain ng mga kuneho

Paglilinis ng kulungan

Paglilinis ng kulungan

Paglilinis ng kulungan

Pagpapakain ng mga kuneho

Paghuhugas at paglilinis ng mga kasangkapan

Paghuhugas at paglilinis ng mga kasangkapan

Pagpapainom ng mga bitamina at mineral

Page 126: Q3 epp agri v2

439

Biyernes Sabado LinggoPaglilinis ng kulungan

Pagpupunas ng mga kuneho

Pagpapakain ng mga kuneho

Pagpapakain ng mga kuneho Paglilinis ng kulungan

Paghuhugas at paglilinis ng mga kasangkapan

Paghuhugas at paglilinis ng mga kasangkapan

Pagpapakain ng mga kuneho Paglilinis ng kulungan

Pagtingin sa kalusugan ng mga kuneho

Paghuhugas at paglilinis ng mga kasangkapan

Pagpupunas ng mga kuneho

Paghanap ng pagkain ng mga kuneho

Pagpapainom ng mga bitamina at mineral

Paghanap ng pagkain ng mga kuneho

Isa pang uri ng iskedyul ay ang pagsasama-sama ng mag-anak sa pag-aalaga ng hayop. Ito ang pangmag-anak na iskedyul sa mga gawain upang masaya nilang magagampanan ang kanilang gagawin para sa alaga nilang hayop.

Halimbawa ng pangmag-anak na iskedyul sa pag-aalaga ng aso

Gawain Kasambahay na gaganap sa gawain

Araw

Paglilinis ng kulungan ng aso

Paghuhugas at paglilinis sa mga kasangkapan at gamit

Pagpapakain sa hayop

Pagpapaligo sa aso

Kuya Ron

Ate Annie

Bunsong Roger

Tatay Bong

Lunes

Martes

Miyerkules

Huwebes

Page 127: Q3 epp agri v2

440

Pagpapainom ng bitamina at mineral

Pagtingin sa kalusugan ng aso

Pagpapasuri sa beterinaryo kapag may sakit ang aso

Paghahanap / pagbibili ng pagkain ng aso

Pagliligpit ng mga gamit

Ate She

Ate Tess

Nanay Bernie

Tito Ernest

Kuya Judy

Biyernes

Sabado

Linggo

Sabado

Martes

Pag-aralan ang halimbawa ng iskedyul ng pag-aalaga ng hayop (aso) sa buong linggo.

Sa nakita ninyong pansariling iskedyul sa pagaalaga ng aso, isulat ang nakatala sa loob ng kahon. Kailan ginagawa ang mga nakatalang gawain sa pag-aalaga ng aso.

Sa mga bata: - Pagmasdan mabuti ang nilalaman ng iskedyul. - Bigyan ang mga bata ng metacards - Ipasulat kung anong araw ginagawa ang mga gawain sa pag-aalaga ng kuneho at ipaskil sa pisara ng paunahan.

1. Pagpapakain ng mga kuneho

2. Paglilinis ng kulungan

Page 128: Q3 epp agri v2

441

3. Paghahanap ng pagkain para sa mga kuneho

4. Pagpupunas sa mga kuneho

5. Pagpapainom ng bitamina at mineral

Tseklist Oo Hindi1. Naisagawa ng tama ang mga gawain sa

iskedyul2. Nasunod ang oras / araw sa pagsasagawa3. Natukoy ang mga tauhan na nakasaad sa

iskedyul4. Naipakita ang mga gawain sa masayang

paraan

1. Isulat sa maliit na metacard ang mga salitang tumutukoy kung paano ginawa ang iskedyul sa pag-aalaga ng hayop at ang mga batayan sa paggawa nito.

2. Sa malaking metacard, pagsama-samahin ang mga salita na nakasulat sa maliit na metacard kung paano ginawa ang iskedyul at ang mga batayan nito sa paggawa.

araw / panahon tagapag alagagawain

iskedyul ng ang ay

gabay ginampanan hayop nakasaad

sa paggawa

Page 129: Q3 epp agri v2

442

1. Gumawa ng iskedyul ng pag-aalaga ng aso (Pangmag-anakan na iskedyul )

2. Isulat sa ibaba ang mga batayan na sinusunod sa paggawa ng iskedyul

Gusto mong mag-alaga ng isda sa aquarium sa bahay? Gumawa ng iskedyul sa pag-aalaga nito at iulat sa klase.

PAG – IINGAT NA DAPAT GAWIN KUNG MAG – AALAGA NG HAYOP

Agriculture Aralin 31

Nilalaman:

Sa araling ito, malalaman natin ang mga pag-iingat na dapat nating sundin at isagawa kung tayo ay nag-aalaga ng hayop sa bahay. Dapat nating tandaan na maaring ang buhay ng ating inaalagaang hayop ang malagay sa alanganin o ang sariling nating buhay kung hindi tayo mag-iingat.

Layunin: Naitatala ang mga pag-iingat na dapat gawin kung mag-aalaga ng hayop

Page 130: Q3 epp agri v2

443

Pagmasdan mabuti ang larawan at sagutin ang mga tanong ng guro.

A

B

1. Magpangkat-pangkat kayo sa limahan. Pumili ng lider at humanap ng lugar sa kuwarto kung saan kayo ay komportable na sama-samang nakaupo.

Page 131: Q3 epp agri v2

444

1. Sa ibabaw ng mesa, may mga binilog na papel ang guro at kukuha ang bawat lider ng isang piraso.

2. Basahin ang tanong sa pangkat ninyo, suriin mabuti at pasulatin bawat kasapi na sasagot sa mga tanong.

3. Kolektahin ang mga sagot at pagsama-samahin ang ideya nito.

4. Isulat sa metacard ang sagot ng pangkat ninyo at ipaskil sa pisara.

5. Pumili ng isa sa kasapi ninyo na magpaliwanag sa inyong sagot.

Mga tanong sa bawat pangkat ng mga bata: (Isulat ang mga ito sa maliit na papel, bilugin ang papel at ilagay sa kahon.) Pakuhain ang bawat lider ng bilog na papel na may tanong.

1. Paano maiiwasan ang paggala-gala ng mga alagang hayop lalo na sa kalye?

2. Ano ang gagawin upang mapanatiling malinis at ligtas ang mga kulungan ng alagang hayop?

3. Paano masusuri ang kalagayan at kalusugan ng mga alagang hayop?

4. Ano ang gagawin kung may namatay na hayop sa loob ng kulungan?

5. Paano magiging maingat sa sarili upang maging ligtas sa pag-aalaga ng hayop?

Punan ang web ng limang gawain nang pag-iingat kung mag-alaga ng hayop.

Page 132: Q3 epp agri v2

445

A. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa papel.

1. Ang kulungan ng alagang hayop ay kailangan laging:a. maliit c. mataasb. malinis d. matigas

2. Upang mabigyan agad nang karampatang lunas ang alagang hayop, kumunsulta saa. doktor sa ospital. c. matandang kapitbahay.b. beterinaryo. d. may-ari ng hayop.

3. Saan dapat dadalhin ang namatay na hayop sanhi ng pagkakasakit?a. Ibabaon sa lupa.b. Ibinibigay sa kapitbahay.c. Itatapon sa dagat.d. Hayaan na lang sa loob ng kulungan.

4. Ano dapat ang gawin sa hayop upang hindi pagala-gala sa kalye?a. Ipamigay sa nais kumuha nito.b. Itali o igawa ng kulungan.c. Dalhin sa beterinaryo.d. Huwag pakainin.

5. Dapat rin bang maging maingat ang nag-aalaga ng hayop?a. Opo c. Minsanb. Hindi d. Huwag na

B. Itala ang mga gawain sa pag-iingat ng pag-aalaga ng isda sa aquarium.

Page 133: Q3 epp agri v2

446

Magsaliksik sa internet / aklatan o gumawa ng panayam sa isang nag-aalaga ng hayop at alamin kung ano pang karagdagang pag-iingat ang ginagawa nila sa pag-aalaga ng hayop.

MGA KAUTUSAN / BATAS TUNGKOL SA PANGANGALAGA NG PAPARAMIHING HAYOP

Agrikultura Aralin 32

Nilalaman: Ang mga alagang hayop ay itinuturing na natin na kasama sa pamilya dahil sa kapakinabangan na naibibigay nila sa atin. Kaya hindi dapat saktan o pinagmamalupitan ang mga alagang hayop. Ang sinuman na gumagawa nito ay mahaharap sa kaukulang parusa ayon sa itinakda ng mga batas na nangangalaga sa kapakanan ng mga hayop.

Mga batas na nangangalaga sa kapakanan ng mga hayop:1. Republic Act No. 8485

Ito ay mas kilala bilang Animal Welfare Act, ang unang batas na komprehensibong pagtakda sa tama at makataong pangangalaga ng mga mamamayan sa lahat ng hayop sa bansa. Binuo ang batas na ito ng Committee on Animal Welfare na siyang namumuno sa pagpapatupad ng batas.

2. Section 6 ng batas Ipinagbabawal ang pagmamalupit sa mga hayop.

Page 134: Q3 epp agri v2

447

Ipinasa rin sa bahaging ito ng batas na hindi maaaring pumatay ng hayop maliban sa mga hayop na kinakain.

Isang paglabag sa batas ang pagpatay sa mga hayop maliban na lamang kung ito ay dahil sa ritwal ng isang relihiyon. Malubhang sakit ng hayop at animal control kung saan nasa bingit ng panganib ang hayop o mga taong malapit dito.

Itinuturing na isang landmark law ang Animal Welfare Act dahil ito ang unang kumilala ng kalupitan sa hayop bilang paglabag sa batas.

3. Republic Act No. 10631 - An act Amending Certain Sections of Republic Act No. 8485, Otherwise known as “The Animal Welfare Act of 1998.” Taon ng Pagsasabatas: 2013, pirmado ni Pangulong Benigno S. Aquino III. Ilan sa mga amyenda o pagbabagong itinakda ng RA 10631 ay ang mas mataas na piyansa o parusa kapag napatunayan ang paglabag sa Animal Welfare Act. Itinaas ng RA 10631 ang multa sa paglabag sa batas, mula sa dating Php 1,000 hanggang Php 5,000, ginawa itong Php 50, 000.00 hanggang Php 100,000.00.

4. Panukalang Batas: House Bill 914Taon ng Panukala: 2013 Ang panukalang ito ang unang hayagang pagbabawal sa paggawa ng mga crush video at ang pamamahagi nito sa anumang medium na maaaring gamitin. Nakasaad sa panukala na ang magiging parusa sa paglabag nito ay ang pagkakulong tatlo hanggang pitong taon o kaya ay piyansang mula Php 100,000.00 hanggang Php 300,000.00.

- Tanong;

Paano magiging mabisa itong mga batas?

Page 135: Q3 epp agri v2

448

Gawin ang sumusunod:1. Magpangkat sa apatan. Pumili ng lider at taga-ulat.2. Kumuha ng isang metacard at tingnan ang batas na

nakasulat.3. Pag-aralan ng inyong pangkat ang batas at pag-usapan

ang ibig sabihin nito.4. Iulat sa klase ang nabuong ideya tungkol sa batas.5. Maaaring magtanong tungkol sa iniuulat na batas.

May mga bata na nangangalaga sa kapakanan ng mga hayop kaya tamang pag-aalaga ang kailangang gawin.

3

RA No. 10631

4

Panukalang Batas:

House Bill 914

1

RA No. 8485

2

Section 6 sa batas

Page 136: Q3 epp agri v2

449

A. Piliin ang titik ng tamang sagot.1. Sa anong section ng batas na ipinagbabawal ang

pagmamaltrato at pagto-torture sa mga hayop?a. Section 3b. Section 6c. Section 4d. Section 5

2. Ang RA 8485 ay mas kilala bilang:a. Dog Welfare Actb. Animal Welfare Actc. Batas sa mga Batad. Batas sa mga may Sakit

3. Ang Section 6 ng batas ay sinasabi na:a. Hindi maaaring pumatay ng hayopb. Taasan ang piyansa ng lalabag sa batasc. Hindi maaaring mag-alaga ng hayopd. Parusahan ang walang alagang hayop

4. Mga amyenda o pagbabagong itinakda ng RA 10631 ay ang:a. Mas mababa na piyansa o parusab. Mas mataas na piyansa o parusac. Walang parusad. Pagkakakulong lang ang parusa

5. Ang panukalang ito ang unang hayagang pagbabawal sa paggawa ng mga crush video.a. Panukalang Batas 914b. Panukalang Batas 900c. Panukalang Batas 814d. Panukalang Batas 800

B. Isulat ang halaga na maaaring bayaran ng sinuman na lalabag sa batas ng pangangalaga ng hayop at paggawa ng crush video sa pananakit ng alagang hayop.

Page 137: Q3 epp agri v2

450

Magsaliksik sa mga website tungkol sa mga batas sa ibang bansa na ipinapataw sa mga taong nahuhuling sinasaktan ang alagang hayop. Maaari ring magsaliksik sa mga aklat.

I. Karagdagang Sanggunian

Pamphletes sa Batas

Page 138: Q3 epp agri v2

547

GLOSSARYAudio conferencing A meeting held by people in two different

places via audio devicesBlog An informational site maintained with

regular entries of commentary, descriptions of events, or social issues. Also called personal journal because it captures the thoughts and experiences of user or group of users

Bookmark Serves as a marker for a website. In Internet Explorer they’re called “Favorites”. It is a feature within a browser that enables you to keep a record of web pages that you have visited and would like to browse again

Chat An exchange of information through text dialogue in real time, or a conversation on the internet

Download To transfer a copy of data, a computer pro-gram, a text file, an image file, a sound file, or video file from one computer to another computer. It is also a means of obtaining data and programs from the World Wide Web

Electronic mail A system for creating, sending, and receiv-ing messages via the internet

Electronic spread-sheets

The software that organizes data into rows and columns. Data can be analyzed, ma-nipulated, and updated

EPP (Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan)

A subject that introduces children from Grades 4 to 5 into the world of work

File sharing An exchange of files between computers over the internet. The term “file sharing” can also refer to disk or server sharing between computers on a closed network

Page 139: Q3 epp agri v2

548

GLOSSARYFile system A way of storing and organizing informa-

tion into a data storage deviceInformation and Communication Technology (ICT)

Consists of the hardware, software, networks, and media for collecting, storing, processing, transmitting, and presenting information

Instant messaging A type of online chat that offers real-time text transmission over the internet

Internet A global system of computer networks in which users can access and share information

Knowledge product A product that creatively and innovatively extracts information from previous knowledge and experience (knowledge basis), and transforms it into a tangible material in order to present, teach and communicate.

Malware A malicious software designed to damage or cause any other unwanted actions on a computer system

Media file Any file in a digital storage device such as an audio, video, or image file, which comes in different file formats such as mp3, aac, and wma, for audio file, and mkv, avi, and wma for video files

Multimedia The combination of multiple forms of me-dia such as text, graphics, audio, video, animation, etc. in a single system

Online survey tools Tools for delivering surveys, collecting and analyzing results through one central system

Productivity tools A computer program that help users work effectively and efficiently, i.e., word-processing, spreadsheet and presentation software, etc.

Page 140: Q3 epp agri v2

549

GLOSSARYSearch Engine An information retrieval system that en-

able users easy to locate, retrieve, or gen-erate information in the World Wide Web

Software An application or a set of instructions loaded into a computer that enable it to provide specific functions such as word processing, spreadsheets, presentations, databases, and image editing

TLE (Technology and Livelihood Edu-cation)

The nomenclature used in Grades 6 to mean EPP. (So used because the medium of instructions for EPP in Grade 6 is English)

Upload Sending a copy of a computer program, a text file, an image file, a sound file or a video file from one computer to another computer system; importing data into a system

Web browser A software used to search, retrieve, and capture all the information from the World Wide Web such as Netscape Navigator, Internet Explorer

Website A set of web pages that belong to each other as one group. Each web page is linked to the others in some way

Wikis A website that allows user to edit collaboratively, like Wikipedia. Once people have appropriate permissions set by the wiki owner, they can create pages and/or add to and alter existing pages

Word processing tools

A basic word processing programs used to create, edit, and print documents

Video conferencing A ‘meeting’ between two or more people who are in separate geographical locations using the video monitors, specialist software, fast broadband connections and/or satellite technology or Internet

Page 141: Q3 epp agri v2

550

GLOSSARYVirus A destructive program transferred covertly

to files and applications usually spread by a computer network, by e-mail, or remov-able media, like a floppy disk or memory stick