pssst july 18 2012 issue

11
Ginebra vs Talk ‘N Text, Win or go Home! Ex-solon, naadik sa botox HOLLYWOOD BITZ LADY GAGA NAGHUBAD SA KANYANG PERFUME AD+RIHANNA•UMA THURMAN+CHARLIE SHEEN KAPIT-BAHAY MO, I-BLIND ITEM MO! TSISMIS PAHINA 12 MIYERKULES • HULYO 18, 2012 PULITIKA • SHOWBIZ • SPORTS • SCANDAL • TSISMIS www.pssst.com.ph Vol. I No. 139 P10 No.1 ISSN-2244-0593 All-set na ang kasalan pero fiancee ng OFW nagpabuntis 1$ = P41.893 Lotto Results 6/49 SUPERLOTTO TSISMIS PAHINA 12 Hunk, may collection ng sariling sex video 38 36 33 35 06 43 TODAY’S WEATHER Scattered Thunderstorm 30°C Anong sey mo Isko Moreno? Cesar Montano ka-tandem ni Mayor Lim?! EV-71 Virus nasa ‘Pinas na SHOWBIZ PAHINA 9 6/42 LOTTO 22 19 07 08 23 28 TSISMIS PAHINA 12 SPORTS PAHINA 10 SHOWBIZ PAHINA 7 NEWS PAHINA 4 COUNTER AFFIDAVIT Ang comedian at Quezon City Councilor na si Roderick Paulate nang mag- hain ng pormal na paliwanag sa korte hinggil sa sinasabing pagkakaroon nito ng ghost employees. Si Paulate ay binabaan ng animnapung araw na suspensyon ng Ombudsman kaugnay ng naturang kaso. Jhay Chavez SHOWBIZ PAHINA 8 Puwesto ni Daniel Fernando target ni Philip Salvador Ynna Asistio KC Concepcion ayaw makasama sina Derek Ramsay at Anne Curtis?! SHOWBIZ PAHINA 7 P20-M libel case ni Annabelle kay Ynna ibinasura Kahit isang ‘Vilmanian’ ... AGA MUHLACH HUMINGI NG TULONG KAY NORA AUNOR SA 2013 ELECTIONS?! SHOWBIZ PAHINA 7 SHOWBIZ PAHINA 6 SHOWBIZ PAHINA 8 DOLPHY PINATUNAYANG ‘HARI’ NG TATLONG TV NETWORKS Tessie Tomas, tigilan na ang pagka-trying hard SHOWBIZ PAHINA 7 CONVOY NI PNOY HINARANG PULITIKA PAHINA 2 Parte ng P1-M ni Myrtle Sarrosa ise-share sa football players ng Iloilo KC Concepcion KC Concepcion SHOWBIZ PAHINA 6

Upload: peter-allan-mariano

Post on 20-Aug-2015

2.151 views

Category:

News & Politics


1 download

TRANSCRIPT

Page 1: PSSST July 18 2012 issue

Ginebra vs Talk ‘N Text, Win or go Home!Ex-solon, naadik sa botox

HOLLYWOOD BITZ LADY GAGA NAGHUBAD SA KANYANG PERFUME AD+RIHANNA•UMA THURMAN+CHARLIE SHEEN

KAPIT-BAHAY MO, I-BLIND ITEM MO! TSISMISPAHINA 12

MIYERKULES • HULYO 18, 2012

PULITIKA • SHOWBIZ • SPORTS • SCANDAL • TSISMIS

www.pssst.com.ph

Vol. I No. 139P10

No.1

ISSN-

2244

-059

3

All-set na ang kasalan pero fiancee ng OFW nagpabuntis

1$ = P41.893Lotto Results • 6/49 SUPERLOTTO

TSISMISPAHINA 12

Hunk, may collection ng sariling sex video

38 36 33 35 06 43

TODAY’S WEATHERScattered Thunderstorm 30°C

Anong sey mo Isko Moreno? Cesar Montano ka-tandem ni Mayor Lim?!

EV-71 Virus nasa ‘Pinas na

SHOWBIZPAHINA 9

6/42 LOTTO 22 19 07 08 23 28

TSISMIS PAHINA 12

SPORTS PAHINA 10

SHOWBIZPAHINA 7

NEWS PAHINA 4

COUNTER AFFIDAVITAng comedian at Quezon City Councilor na si Roderick Paulate nang mag-hain ng pormal na paliwanag sa korte hinggil sa sinasabing pagkakaroon nito ng ghost employees. Si Paulate ay binabaan ng animnapung araw na suspensyon ng Ombudsman kaugnay ng naturang kaso. Jhay Chavez

SHOWBIZPAHINA 8Puwesto ni Daniel Fernando target ni Philip Salvador

Ynna Asistio

KC Concepcion ayaw makasama sina Derek Ramsay at Anne Curtis?! SHOWBIZ

PAHINA 7

P20-M libel case ni Annabelle kay Ynna ibinasuraKahit isang ‘Vilmanian’ ...AGA MUHLACH HUMINGI NG TULONG KAY NORA AUNOR SA 2013 ELECTIONS?!

SHOWBIZ PAHINA 7

SHOWBIZ PAHINA 6

SHOWBIZPAHINA 8

DOLPHY PINATUNAYANG ‘HARI’ NG TATLONG TV NETWORKS

Tessie Tomas, tigilan na ang pagka-trying hardSHOWBIZ PAHINA 7

CONVOY NI PNOY HINARANG PULITIKA PAHINA 2

Parte ng P1-M ni Myrtle Sarrosa ise-share sa football players ng Iloilo

KC Concepcion

KC Concepcion

SHOWBIZ PAHINA 6

Page 2: PSSST July 18 2012 issue

PULITIKA MIYERKULES • HULYO 18, 20122www.pssst.com.ph

Convoy ni PNoy hinarang

TALIWAS sa posisyon ng gobyernong Aquino at nakararaming tagapagsalita ni Pangulong Beni PNoy pinagtsa-ChaCha ng mga kasama

INUUDYUKAN si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ng mga kaalyadong senador sa administrasyon upang maging bukas sa usapin ng pagbabago ng probisyon sa Saligang Batas.

Nauna nang nagmatigas si Pangulong Aquino na hindi niya prayoridad ang pag-amyenda sa Konstitusyon dahil maaari aniyang umunlad ang bansa kahit walang Charter Change o (Cha-Cha).

Pero ayon kay Sen. Edgardo Angara, dapat na maging open

minded ang Malacañang para pagdebatehan ang Cha-Cha sa halip na isara ang pintuan sa posibleng pagbabago sa Saligang Batas na ikauunlad ng bansa.

Iginiit ni Angara na maliban sa economic provisions, kaila-ngang silipin ang mahinang political structures ng 1987 Constitu-tion.

Dapat din umanong palakasin ang kapangyarihan ng mga local government units (LGUs) upang mapabilis ang pagpapatu-pad ng proyekto at ilang programa sa halip na halos nakatali ang kamay sa national government.

Binigyang- diin ng senador na napapanahon na para ituno ang

LESS than majority ang nakikita ng isang senador sa mga kasamahang pabor sa pagsasabatas ng Reproductive Heath Bill.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson sa kanyang pagtataya ay maraming senador ang ‘undecided’ pa rin sa kontrobersyal na RH.

Idinagdag pa ng senador na base sa kanyang pag-tantiya ay, maraming senador ang wala pang posisyon kung susuportahan o hindi ang RH bill.

Ani Lacson, wala pang 12 senador ang pabor sa pagpapatibay ng RH bill kaya’t krusyal magiging boto ng mga ‘undecided’ para makapasa ang panukala.

Dahil sa nasabing senaryo, sinabi ni Lacson na magiging ‘swing vote’ na naman ang grupo ni Senate President Juan Ponce Enrile tulad ng nangyari sa im-peachment trial ni dating chief justice Renato Corona kung saan ang Enrile bloc ang naging daan para ma-convict ang dating punong mahistrado.

Patricia Oamil

Kinilala ang pulis na si SPO2 Ricardo Pascua, nakatalaga sa QCPD-Station 4.

Batay sa ulat, pinatatabi ng Presidential Security Group (PSG) ang mga sasakyan sa daraanan ng convoy ng Pangulo na patungo sa La Mesa Dam pero hindi agad tumabi ang isang FX na minamaneho ni Pascua.

Ayon kay QCPD Director Mario dela Vega, agad na dinis-armahan at sinibak si Pascua at ipinadala na sa Kampo Karingal at agad na isinailalim sa floating status.

Nabatid na patungo sa isang speech engagement si Pangulong Aquino habang lulan ng kanyang presidential car kabuntot ang mga PSG nang mangyari ang insi-dente.

Pagsapit umano sa Batasan Road, big-lang bumagal ang takbo ng mga sasakyan dahil sa nakahambalang sa kalsada na ku-lay orange na Asian utility vehicle (AUV) na pag-aari at minamaneho ni Pascua.

Sinabi ni Dela Vega na inutusan ni Presidential Security Group head Brig. Gen. Ramon Mateo Dizon ang ilan sa mga PSG member para lapitan si Pascua at alamin kung ano ang problema nito.

Ayon pa sa ulat, hiningi ng mga mi-yembro ng PSG ang pangalan at lisensiya ni Pascua ngunit tumanggi ito at sa halip ay nagpakilala itong isang pulis.

“Pulis ako,” pagmamalaki umano ni Pascua.

Bukod pa rito, sinabi ni Dela Vega

na ang sasakyan ni Pascua ay mayroong “QCPD” license plate sa harapan ng kanyang sasakyan na isang bawal sa batas-trapiko.

Hindi naman naging malinaw kung sinadyang humarang ni Pascua sa convoy ni PNoy o kung hindi lamang ito nakatabi agad.

Kaugnay nito ay ipinaubaya ng Malacañang sa QCPD ang kaso ni Pascua.

Sinabi ni Presidential spokesman Edwin Lacierda na magbibigay ng report ang PSG kaugnay sa insidente.

Ayon pa kay Lacierda, bahala na ang QCPD sa kaso dahil sila ang may huris-diksyon sa nasabing pulis.

Rogine Rogelio

PAGKASIBAK sa puwesto ang maaring kaharapin ng isang tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) matapos harangin ang convoy ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kahapon.

Plunder case vs Gloria props lang sa SONA

Salawahan sa RH bill

PNoy pinagtsa-ChaCha ng mga kasama

ITINANGGI ng Malacañang ang alegasyon ng kampo ni dating Pangulong Gloria Arroyo na ‘props’ lamang sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aqui-no III ang plunder case sa PCSO fund misuse.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, matagal ng naisampa ang reklamo laban kay Arroyo kaya’t walang dahilan para ikawing ito sa SONA.

Ayon pa kay Lacierda, wala ding control ang ehekuti-bo sa Ombudsman kaya wala silang kinalaman sa timing ng kaso sa Sandiganbayan.

Ibang kaso rin umano ang electoral sabotage na kinakaharap ni Arroyo sa Pasay RTC at walang kinalaman sa plunder case sa Sandiganbayan.

Nauna dito ay inakusahan ng isa sa mga abogado ni GMA na si Atty. Christian Diaz na gagamitin lamang ng Pangulo ang kaso ng kanyang kliyente sa SONA .

Tinawag din ng kampo ni Gloria ang hakbang na ‘dark day’ ng rule of law ang desisyon ng Ombudsman.

Una nang sinabi ni Atty. Diaz na nais lang ng Malaca-ñang na mapanatili si Arroyo sa kulungan dahil malakas ang kanilang petition for bail sa Pasay RTC at malapit ng ilabas ang desisyon ng korte. Rogine Rogelio

FASTINGNag-rally ang mga miyemro ng grupong Selda sa ikalawang araw ng fasting para hilingin na palayain ang mga political prisoner sa bansa.

Dingdong Riviera

ilang probisyon ng Konstitusyon dahil naiiwan na ang Pilipinas sa pag-unlad ng mga kalapit bansa sa South East Asia.

Inaasahan na sa pagbubukas third regular session ng 15th Congress sa Hulyo 23 ay tatalakayin ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang Cha-Cha lalo’t may inaayos nang pag-uusap sina Senate President Juan Ponce Enrile at House Speaker Feliciano Belmonte.Rogine Rogelio gno ‘PNoy’ Aquino III ang pananaw ni Presidential Adviser on Political Affairs Ronald Llamas sa Charter change.

Ito ay matapos na tahasang aminin ni Sec. Llamas na maari namang pag-usa-pan at suriin ang mga specific proposals ChaCcha.

Ayon kay Llamas, kung sang- ayon sa reform agenda ni Pangu-long Aquino ang nilalaman ng ChaCha ay maari itong ikonsidera.

Sinabi pa ng kalihim na bukas ang kanilang pintuan sa ChaCha at kailangan lamang dumaan sa masusing evalution o pagbusisi.

Samantala, naninindigan si Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na mismong ang Pa-ngulong Aquino ang nagsabi na hindi prayoridad at hindi pa kaila-ngan ang ChaCha. Julie Santiago

KUNG si House Majority Leader Neptali Gonzales II ang tatanungin, hindi na kailangan ng Liberal Party ang United Nationalist Alliance ni Vice President Jejomar Binay.

Sa isang panayam, ipinagtaka ni Gonzales kung bakit kailangan ng UNA na makipag-alyansa sa LP sa darating na eleksiyon gayong

naunang ipinahayag ng grupo ni Binay na kumpleto na ang kanilang senato-rial line-up.

Gayundin, sinabi ni Gonzales na matatag na ang coalition ng LP at Nationalist People’s Coalition at ng Nacionalista Party.

“Yung support ng UNA para sa adminis-trasyon ay kailangan ni President Noy pero politically I think, LP with NPC and NP okay na ‘yun,” ani Gonzales.

Naniniwala din ang mambabatas na marami sa mga kandidato ng administrasyon

ang may malaking chance na manalo sa dara-ting na eleksiyon.

Dagdag pa ng solon, isang matibay at malakas na grupo ang bubuuin ng LP-NP-NPC na kung saan mga kilalang pangalan sa politika ang kandidato nito gaya nina Sens. Sens. Loren Legarda, Chiz Escudero, Antonio Trillanes at Alan Peter Cayetano, Aurora Rep. Juan Edgardo Angara, TESDA Director Joel Villanueva, Deputy Speaker Erin Tanada and si dating Las Pinas Rep. Cynthia Villar.

TJ Marin

UNA ‘di na kailangan:Koalisyon ng LP-NPC at NP MATATAG NA

Page 3: PSSST July 18 2012 issue

NEWSMIYERKULES • HULYO 18, 2012 3 www.pssst.com.ph

BINATIKOS ng Simbahang Kato- liko ang ipinalabas na Administra-tive Order 2012-009 ng Department of Health (DOH) na nagla-layon umanong kontrolin ang populasyon

sa pamamagitan ng pagpapamudmod ng contraceptives o artipisyal na paraan.

Sinabi ni Sorsogon Bishop Arturo Bastes na napakaimoral ng naturang kautusan at maihahalintulad ito sa Reproductive Health (RH) Bill na mahigpit na tinu-

tutulan ng Simbahan at mga pro-life group dahil sa pagiging banta nito sa kasagraduhan ng buhay at pamilya.

Tiniyak rin ng obispo na idudulog nila kay Pangulong Benigno Aquino III ang hindi makataong administrative order sa nakatakdang pakikipag-usap ng pangulo sa mga obispo ng Simba-han ngayong linggong ito.

“My reaction with that is terrible! Very disappointing! All of us Bishops for sure will not agree with that! What is happening to us now? Talagang gumagawa sila ng iba’t ibang paraan para lamang maisulong nila ang RH bill. For sure idudulog namin ito kay Pangulong Aquino sa nakatakdang pakikipag usap niya sa amin, two days from now!” pahayag ni Bastes.

Sinabi naman ni Father Melvin

Castro, executive secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philip-pines (CBCP) –Episcopal Commission on Family and Life (ECFL) na ang kautusan ng DOH ay nangangahulu-gan lamang na hindi na kinakailangan pa ang RH bill dahil magkamukha lamang ang mga ito.

“May utos na ang secretary ng DOH. Ito na yun. Hindi ko alam kung ano pa yung gusto nilang isabatas e. Ito na ang gusto nilang gawin e,”sambit naman ni Castro.

Matatandaan na noong Hunyo, inanunsyo ni Health Secretary Enrique Ona na maglalaan umano sila ng P500 milyon para sa family planning com-modities at supply sa community health centers kabilang ang pamumudmod ng mga condom. Honey Rodriguez

TINATAYANG aabot sa 18,000 vacant national and local government positions ang nakatakdang punuan at paglabanan ng mga nag-aasam na kumandidato sa darating na 2013 midterm elections.

Batay sa Election Records and Statistics Department (ERSD) ng Commission on Elections (Comelec), kabilang sa national posi-tions ang slots para sa 12 senators at 57 party-list representatives.

Pasok naman sa local positions sa mga probinsya ang mga miyembro ng House of Representatives (229); Gobernador (80); Bise Gobernador (80); Miyembro ng Sangguniang Panlalawigan (766); City Mayor (138); City Vice Mayor (138); Miyembro ng Sangguniang Panglungsod (1,532); Municipal Mayor (1,496); Municipal Vice Mayor (1,496); at miyembro ng Sangguniang Bayan (11,972).

Bukod rito, para naman sa halalan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ay maghahalal ng isang Regional Governor; isang Regional Vice Governor at 24 na Regional As-semblymen.

Halaw sa Comelec Resolution 9385, ang election period para sa 2013 midterm elections ay itinakda mula Enero 13, 2013 hanggang Hunyo 12, 2013 samantalang Oktubre 1-5, 2012 naman ang filing ng Certificates of Candidacy para sa lahat ng elective positions.

Itinakda naman ang campaign period para sa mga kandidato para sa national positions mula Pebrero 12, 2013 hanggang Mayo 11, 2013 habang ang panahon ng pangangampanya para sa local posi-tions ay itinakda mula Marso 29, 2013 hanggang May 11, 2013.

Inaasahang magkakaroon ng pahinga sa pangangampanya ang mga kandidato sa pagka-senador at partylist representatives sa Marso 28 at 29 upang bigyang-daan ang paggunita ng Simbahang Katoliko sa Huwebes Santo at Biyernes Santo. Honey Rodriguez

18k vacant positions, paglalabanan sa 2013 elections

Ito ang ginawang pag-amin ni House Majority Leader Neptali Gonzalesnang tanungin kung maipa-pasa na ang panukala sa taong ito o bago matapos ang 15th Congress sa Pebrero.

“Sinasabi ko lang talagang medyo lumiliit na ang butas na pagdadaanan ng RH considering that realistically, hanggang December na lang kami. (In the) legislative mill, finished or not finished, pass your papers pagdating ng December,” sinabi ni Gonzales sa pulong balitaan.

Sa muling pagbubukas ng sesyon ay nakatuon naman ang pansin at panahon ng mga mambabatas sa national budget para sa 2013 at maisasantabi ang ilang panukalang batas gaya ng RH bill.

Ayon kay Gonzales, nais nilang tapusin ang budget deliberation bago ang Undas break sa katapusan ng Ok-tubre at mapirmahan ito ng Pangulo bago ang Christmas break.

Samantala, magiging lalong abala ang mga solon dahil sa simula sa Ok-tubre ay bukas na ang Commission on Elections sa pagtanggap ng certificate of candidacy ng mga nagnanais na tumakbong muli.

Dahil dito, sinabi ni Gonzales na mahihirapan silang magkaroon ng quorum upang talakayin ang ilang pa-nukalang batas isa na nga ang Rh bill.

Samantala, marami naman ang nagsasabi na takot ang mga kandidato sa posibleng kampanya ng Simbahang Katoliko na huwag iboto ang magsu-sulong ng RH bill.

Sa ilalim kasi ng panukala ay hi-nahayaan ang mag-asawa na gumamit ng contraceptive gaya ng condom, pills at IUD na bagay na tinututu-lan ng Simbahang Katoliko na ang tanggap lang ay ang natural family planning.

Ani Gonzales ipapakiusap niya kay House Speaker Feliciano Bel-monte Jr na magpatawag ng all-mem-ber caucus para pag-usapan ang pinal na desisyon hinggil sa RH bill.

“Kung walang quorum, that’s an indication na there’s no support...kaysa naman naglolokohan pa tayo,” sabi nito.

“Realistically, sinasabi ko lang lumiliit humihirap panahon para yan ma-approve sa House,” dagdag pa ni Gonzales. TJ Marin

Chance ng RH bill lumiliitLUMILIIT ang tsansang makapasa sa Kamara ang kontrobersyal na Reproductive Health (RH) bill dahil sa nalalapit na eleksiyon sa 2013.

Contraceptives ng DOH, binatikos ng Simbahan

TILA wala pa ring planong tumigil ang mga kongresista para sa Charter change o Chacha.

Ito ay matapos imungkahi ni House majority leader Neptali Gonzales na kausapin umano si Pangulong Noynoy Aquino para umusad ang panukalang isulong ang pagbabago sa probisyon ng Saligang Batas.

Ginawa ni Gonzales ang suhestiyon sa isang press conference kahapon kasabay ng paliwanag kina House Speaker Feliciano Belmonte at Senate President Juan Ponce Enrile na ilatag umano pangulo ang mga intensyon at mabuting dulot nito sa bansa upang gumalaw na ang Chacha.

“Sabi ko, kapag walang suporta ang presidente diyan, ang hakbang namin ay magiging mabagal. While strictly spea-king and constitutionally speaking, hindi naman talaga kailangan ang pag-ayuda ng pan-

gulo, hindi naman kasama ang pangulo sa proseso eh,”pahayag ni Gonzales.

Ayon kay Gonzales, dapat kumilos na sina En-rile at Belmonte upang ikasa ang pulong bago pa man ang nalalapit na State of the Nation Address (SONA) ng pangulo upang mabatid na ang mga nararapat na hakbang ng Kamara sa Chacha.

Gayunman, sinabi ng mambabatas na sa kabila ng hindi pag-ayon ng pangulo sa Chacha, kung teknikalidad umano ang pag-uusapan, ay hindi na-man kailangan ang go signal at pirma ng pangulo rito dahil purely legislative initiative ito.

“If only to relate personally to the President, their respective stand on the matter at kung despite iyong kanilang reasoning out with each other, and the president eh manindigan pa rin na ayaw niya talaga then that’s it, mahihirapan talaga iyan, kaya nga sabi ko without the president’s support it will be very slow at very little steps,” dagdag pa ni Gonzales. Honey Rodriguez

‘Kausapin si PNoy upang umusad ang ChaCha

TINAMAAN NG BALA. Sugatan sa tama ng kalibre .38 ang bik-timang si Jhonny Garces ng ISAP Security Agency na naka-off duty nang pagbabarilin umano ng kapwa security guard na si Delfin Lorenzo Jr. sa Courtzone badminton court sa Quirino Avenue Exten-sion, Paco, Maynila kahapon. Dingdong Riviera

NAGLAAN umano ng halagang mahi-git P2 milyon ang Korte Suprema para sa pagsasaayos ng mga hall of justice sa ilang bahagi ng bansa.

Sinabi ni Supreme Court acting PIO chief Atty. Gleoresty Guerra na kukunin ang pondo mula sa existing savings ng korte.

Halos 2-bilyong piso ang ilalaan para sa pagpapatayo ng Manila Hall of Justice na magsisilbing gusali ng 120 hukuman sa Maynila.

Karagdagang P266 milyon naman ang inilaan umano para sa renovation ng Cebu Court of Appeals na nauna nang nilaanan ng P40 milyon noong 2004.

Nagdagdag din ang Korte Suprema ng mahigit P251 milyon mula sa naunang P40 million para sa pagpapatayo ng Cagayan de Oro Court of Appeals building.

Sinasabing umuupa lamang ng mga tang-gapan ang CA ng Cebu at Cagayan de Oro sa kasalukuyan. JM Castro

P2-B sa construction at renovation ng justice halls

Page 4: PSSST July 18 2012 issue

NEWS MIYERKULES • HULYO 18, 20124www.pssst.com.ph

Kasabay ng kumpirmasyon ay kaagad na pinawi ng DoH ang pangamba ng publiko hinggil sa kaso ng mga nahawaan ng Enterovirus sa bansa.

Pero ayon kay Health Assistant Sec-retary Eric Tayag, hindi naman umano “fatal” o nakamamatay ang strain ng enterovirus na nakahawa sa dalawang batang pasyente.

Idinagdag pa ng opisyal na pitong specimen ang dinala sa Research Institute

for Tropical Medicine (RITM) sa Ala-bang, Muntinlupa City para sa agarang pagsusuri.

Nilinaw din ni Tayag na beni-verify pa rin nila kung kaparehong EV-71 virus na tumama sa Cambodia ang tumama sa hindi pa tinukoy na mga biktima.

Kasabay nito ay inihayag ni Tayag na walang travel restrictions na ipinalalabas sa mga pasaherong papunta at galing ng Cambodia. Patricia Oamil

EV-71 Virusnasa ‘Pinas naDALAWANG bata ang kinumpirma ng Department of Health (DOH) na nagpositibo sa enterovirus o EV-71 virus na unang naitalang tumama sa Cambodia at kumitil sa buhay ng mahigit sa isandaang katao.

@GLOBAL PINOYni Rommel Valle

Filipino Muslims sa Dubaimagkakawang-gawa sa mga kababayan

PARA maipamalas ang pagdamay sa mga kababayang sinawing-palad sa Dubai, magtiti-pun-tipon sa Filipino Workers Resource Centre (FWRC) ang mga Filipino Muslims tuwing araw ng Biyernes sa panahon ng Ramadan.

Ang Muslim Overseas Filipino Workers ay organisasyon na mayroong mahigit 1,000

miyembro mula sa 13 Muslim tribal groups sa Pilipinas.

Inihahanda ng grupo ang pagdiriwang at piging (iftar meal) sa piling ng mga inabang kababayan na kinakanlong sa Filipino Workers Resources Centre sa Al Ghusais na pinanga-ngasiwaan ng labor at welfare officials.

PINANGUNAHAN ng mga kababayang OFW sa Saudi sa pagboboluntaryo sa isang massive blood donation campaign sa Riyadh kamakailan para sa kapakanan ng Umrah pilgrims na bibisita sa banal na siyudad ng Makkah sa okasyon ng Ramadan.

Daan-daang volunteers ang nag-donate ng dugo sa King Fahd Medical City (KFMC) na nasa ilalim ng Ministry of Health ng Saudi .

Sa ulat, napag-alaman na ang donation

campaign ay parte ng contingency plan para mas marami ang blood stocks sakaling may mangailangang mga pilgrim na dadagsa para sa Umrah ngayong taon.

Bukod sa mga Pinoy ay nakiisa rin sa blood letting campaign ang mga Pakistani, Sri Lankan, Bangladeshi at Syrian.

Bawat donor ay sumailalim muna sa standard health screening procedure bago kinuhanan ng dugo.

6-Pinoys sa Saudi nag-donateng dugo para sa mga pilgrim

Iuwi na lang bangkay, kaysa buhayMATINDING pagkadismaya ang naramda-man ng isang Kuwaiti employer kaugnay sa diumano’y kagaspangan ng isang tauhan ng Philippine Embassy sa Kuwait.

Imbes na umayuda, kabulastugan diumano ang ipinayo ng isang opisyal ng embahada nang sabihan ang naturang employer na mas murang i-repatriate ang bangkay kaysa ang maysakit at bedridden na OFW.

“Let her die! A dead body is cheaper to be repatriated than a bedridden sick person,” ito umano ang tugon sa Kuwaiti employer ng isang ‘di na pinangalanang embassy official.

Nakipag-ugnayan sa PH embassy ang em-ployer ng Pinay na si Loida Lai Dang-aoen at humirit ng tulong para ma-repatriate sa Pilipinas ang tauhang bedridden, ayon ulat ng isang lokal na pahayagan sa Kuwait.

Sinabi umano ng isang officer mula sa Philip-pine Embassy na mas mababa ang gastos sa repa-triation ng bangkay na pumapalo lang ng mahigit KD 500 kumpara kung iuuwi ito ng buhay na

aabot sa KD 3,330 ang bayarin.Nabatid na si Loida ay nakaratay sa pagamutan

simula pa noong Enero 25, ng kasalukuyang taon matapos ma-stroke at sumailalim sa operasyon.

Sa ngayon ay nakarekober na umano ang Pinay bagama’t paralisado na ang kalahati ng katawan nito.

Nag-abiso rin ang Ibn Sina Hospital na maaari nang lumabas ang Pinay.

Pero dahil sa mataas na presyo ng gastusin ng repatriation sa PH ay lumapit ang Kuwaiti em-ployer sa embahada.

Samantala, mariin namang itinanggi ng PH embassy ang nasabing paratang.

Ayon kay Daligdig Tanandato, head ng As-sistant to the National Unit ng embahada, wala umano sa kanilang mga tauhan ang walang modo.

Nilinaw pa ng opisyal na ang request para sa assistance ay naiparating na sa Department of Foreign Affairs (DFA) at hinihintay na lamang ang magiging tugon ng kagawaran.

HUBOT-HUBAD na lumulutang nang makita ang bangkay ng isang 59-anyos na Filipino-American sa Potomac River sa Maryland, USA.

Nabatid na Hulyo 6 ng taong kasalukuyan ng marekober ang mga labi ng biktima na nakila-lang si Rodolfo “Rudy” Concepcion, miyembro ng Catholic charismatic group na El Shaddai at residente ng Kensington, Maryland.

Hindi na umano umuwi si Concepcion pagsa-pit ng Hulyo 4 kaya nangamba na ang mga kaanak nito at nagpakalat ng impormasyon hinggil sa na-wawalang kapamilya sa pamamagitan ng internet.

Ayon sa pulisya, nakita ang bangkay ng Pinoy sa Potomac River bandang alas-12:51 ng umaga

nitong Hulyo 6.Natagpuan din ng State Police ang abandona-

dong kotse ni Concepcion.Nagimbal naman ang mga kaanak at kaibigan

sa sinapit ng matanda dahil kilala itong masaya-hin.

Patuloy pa rin umanong inaalam ang tunay na sanhi ng kamatayan ng Pinoy.

Tatlong taon na umanong walang kayod ang matanda at ang misis naman nito ay domestic worker at paekstra-ekstra lamang ang raket kaya medyo kapos umano ang gastusin sa repatria-tion ng bangkay na tinatayang nagkakahalaga ng $10,000 hanggang $15,000.

4-bangkay ng matandang Fil-Amnabingwit sa ilog sa US

HINAMON ni Justice Secretary Leila De Lima sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) na ilabas na ang desisyon kaugnay sa disbar-ment case na inihain laban sa kaniya.

Ayon sa kalihim, walang merito ang nasabing kaso na may kaugnayan sa umano’y di niya pagsunod sa temporary restraining order (TRO) ng Korte Suprema laban sa watchlist order (WLO) ng Depart-ment of Justice (DOJ) laban kay dating pangulong Gloria Arroyo.

Nanindigan ang kalihim na wala siyang pagkakamali sa nabanggit na isyu dahil magkakaroon lang ng bisa ang TRO kapag

naisilbi na ito sa magkabilang kampo, base na rin sa Rules of Court.

Idinagdag pa ni De Lima na may ilang kondisyon ding hindi nasunod ng kampo ni GMA kaya marapat lang na hindi ito payagang makaalis ng bansa.

Kaugnay sa isa pang disbarment case laban kay De Lima ay nabigo naman si Atty. Agustina Sundiam na maglabas ng ebidensya kaugnay sa alegasyong hindi pagrespeto ng kalihim kay dating Chief Justice Renato Corona.

Giit ni De Lima, pawang espekulasyon ang mga ibinabato laban sa kanya at hindi sapat na ground para ma-disqualify siya bilang susunod na punong mahistrado.

Julie Santiago

Hamon ni De Lima sa IBPDesisyon sa disbarment case ilabas

PAGBOTOHAN NA!Sama-samang nagprotesta ang mga nagsusulong Reproductive Health bill sa Plaza Miranda sa lungsod ng Maynila kahapon upang iparating kay Pangulong Benigno ‘Noyno’ Aquino III ang kanilang hiling na ipasa ang RH bill kasabay ng nalalapit nitong State Of the Nation Address. Jhay Chavez

Page 5: PSSST July 18 2012 issue

MIYERKULES • HULYO 18, 2012 5 www.pssst.com.ph/beta OPINYONAlanganin para kina Erap

MARLO DALISAY

WALANG SABLAY

Siya ay napapakinggan din sa DZRB Radyo ng Bayan 738khz AM band alas 8-9 ng umaga Mar-tes at Huwebes sa programang 738 KALYE ESCALERA.

CELY BUENOISYU

Mga kawatan, umaarangkada na naman

ELY SALUDAR

STRAIGHTTO THE POINT

Tama na ang sisihan, dapat kasuhan na

MALAMANG na magalit at madismaya ang mga pulitikong unang sumabit este sumapi pala sa United Nationalists Alliance (UNA) na maagang binuo ng napatalsik na si dating Pangulong Joseph Estrada at early presiden-tial aspirant at kasalukuyang Bise Presidente ng bansa na si Jejomar Binay.

Kung matutuloy kasi ang napa-pabalitang pagsasanib puwersa ng

NAMAMA-YAGPAG na naman nga-yon ang mga magnanakaw

o mga kawatan sa ating lipunan kung saan sunud-sunod na naman ang ginagawang pag atake ng mga ito.

Tila wala na silang sinasanto at walang pinapatawad sa mga binibiktima dahil kabi-lang sa kanilang nilooban ay ang bahay ng TV reporter na si Jay Ruiz. Pagkatapos ay nilooban din kahit na ang tahanan ng Diyos na Adoration Chapel ng Saint Peter’s Parish na nasa Commonwealth Quezon City.

Ano ba ang mga dahilan kung bakit patu-loy ang mga kawatan sa kanilang walang habas na pagnanakaw, sa kaliwa’t kanang pangungulimbat na kung minsan ay nag-

bubunga pa ng pagpaslang sa kanilang mga binibiktima.

Karaniwang rason ay dala raw ng kahira-pan at matinding pangangailangan pero bakit tila wala na silang kinatatakutan dahil wala na silang pinipili at sinasanto sa kanilang mga binibiktima.

Hindi ba indikasyon ito na hindi na takot sa mga awtoridad o sa mga tauhan ng pulisya ang mga kriminal? Karaniwan ding hindi na nagsusumbong ang mga nagiging biktima ng mga kawatan dahil sa kawalan ng tiwala sa ating mga alagad ng batas.

Ayon sa kuwento ni Jay Ruiz, matapos na sila ay pasukin ng mga magnanakaw sa kanilang bahay sa Mapayapa Subdivision sa Holy Spirit kung saan halos nilimas lahat ng maaring nakawin, kahit laman ng kanilang refrigerator ay di pinatawad, saka lang

nagsalita ang kanilang mga kapitbahay at iba pang residente sa kanilang subdivision na nabiktima na rin pala ng mga kawatan.

Nagtataka si Ruiz kung bakit hindi man lang nagsumbong ang mga ito sa mga pulis, `yun pala dahil sa kawalan ng tiwala sa mga awto-ridad kaya’t mas minabuti pa nilang manahimik na lang at magdagdag ng seguridad sa kanilang bahay tulad ng pagpapataas ng pader at gate at paglalagay pa ng karagdagang rehas na bakal para wala ng daanan ang mga magnanakaw.

Pero ngayong nadiskubre na ang serye ng pagnanakaw sa subdivision nina Ruiz, nagkaisa at nagtutulungan ngayon ang mga residente at mga barangay official para protektahan ang kanilang sarili laban sa mga kawatan. Inorganisa nila ang kanilang hanay para ipakita na nakaalerto sila.

Maging ang security sa kanilang subdivi-

sion ay naging alerto, dahilan kaya mabilis na nakapagresponde ang mga awtoridad nang may maobserbahang sasakyan na kahina-hinala ang ikinikilos ng mga lulan nito. Nagkaroon ng habulan at engkwentro sa pagitan ng mga suspek at mga awtoridad na nagresulta para mapatay ang dalawang katawan na lumilitaw na kabilang ang mga ito sa nanloob sa bahay ni Ruiz.

Sa panahong ito, hindi natin maaaring iasa lang sa mga pulis ang seguridad, dapat na maging aktibo rin ang mga lokal na opisyal, mga barangay official at mga resident mismo sa pagtiyak ng seguridad laban sa mga kawatan. Hindi na kailangang maging biktima pa rin tayo ng mga masasamang loob bago tayo magising at maging alerto laban sa mga kriminal.

UNA at ruling Liberal Party, sigura-dong sasama ang loob ng mga lehiti-mong miyembro ng parehong partido na wala namang kaplano-planong makipag-alyansa sa kabilang bakod.

Kung magkakatotoo ang mga naglalabasang tsismis, maraming mga maagang kumapit sa UNA ang hindi maisasakay sa dyip na minaneho ni Erap dahil ang magiging komposisyon ng mga kandidato sa pagkasenador ay llamado ang LP.

Sa mga usap-usapan kasi, dahil nga ang LP ang ruling party sa ilalim ng kasalukuyang gobyerno, pitong kandidato sa pagkasenador ang mang-gagaling sa kanila at lima naman ang magmumula sa kabilang bakod.

Ang matindi pa nito, lilima na nga lamang ang kailangang magmula sa UNA, sa dinami-rami na ng mga pulitikong maagang kumapit sa mga

estribo nito ay kabilang pa sa mga nasa inisyal na listahan ng senatoriables ng partido ay ang anak ni Binay na si Makati Mayor JunJun Binay.

Lumalabas na apat na puwesto na lamang ang mailalalaan sa ibang mga nangangarap na maging senador mula sa UNA kaya hindi malayong maghalo ang balat sa tinalupan at magdulot pa ito ng karagdagang sakit ng ulo kay Erap at sa Bise Presidente.

Kung mag-uumpisa na ang natu-rang pagsasanib puwersa sa halalan sa susunod na taon at magtutuloy tuloy hanggang sa 2016 presidential elec-tions, marami ring mga nasa puwesto ngayon, kagaya ng mga senador na gustong umangat ang pinanghaha-wakang posisyon ang hindi na matu-tuloy.

Isang halimbawa nito ay ang anak ni Erap na si Senate President Pro

Tempore Jinggoy Estrada na maaga ring napag-uusapan na tatakbo bilang bise presidente.

Pero kung ang titingnan dito ay ang bulto ng mga boto na maaaring ma-hakot kapag nagsanib ang puwersa ng LP, ang karisma ni Erap at ang “ganito kami sa Makati” factor ni Binay, siguradong kahit na ang pinakamaim-pluwensiyang sekta ay mag-iisip na rin kung maghahanap pa sila ng ibang susuportahan maliban sa pinagsanib na puwersa ng UNA at LP.

Kung pati sa mga lokal na pulitika ay magsasanib puwersa ang UNA at LP, ito ay nangangahulugan lamang na lumalabnaw na rin ang unang mga impormasyong sumingaw na si ERAP ay tatakbong alkalde ng Maynila para kalabanin si Mayor Alfredo Lim na magpahanggang ngayon ay hindi ko rin maisip kung bakit kailangan niyang

gawin gayung puwede naman siyang tumakbo sa San Juan na siguradong wala siyang masasaktan.

Sa naturang kasunduan, hindi puwedeng maglaban sina Erap at Lim dahil lalabagin nito ang magiging la-man ng pagsasanib puwersa, at hindi rin pupuwedeng si Lim ang magpa-paubaya kay Erap dahil gusto din na-man nitong patunayan sa mga bomoto sa kanya na tatapusin niya kung ano man ang naumpisahan sa mga unang termino.

Kailangan na lamang siguro ni Erap na bigyan na muna ng ibayong atensiyon ang pagsiksik sa kanyang anak na si San Juan Congressman JV Ejercito sa masikip na lugar ng UNA dahil kung hindi niya ito magagawa ay siguradong magtatampo ang nakaka-batang kapatid ni Senador Jinggoy.

ATTY. TRIXIE CRUZ-ANGELESPublisherMANUEL TRIA AUNManaging Editor

Disclaimer: Ang mga opinyon o artikulo sa pahayagang ito ay personal na pananaw o ginawa ng mga may akda at hindi inaaako ng PSSST editorial team, publisher o managers. Hindi kinakatawan ng PSSST board ang mga nakasulat at hindi gumagarantiya sa pinagmulan ng mga balita at kawastuhan nito kabilang ang mga pahayag, balita, pitak, komentaryo, litrato, cartoons, payo, at iba pang impormasyon.

Tru-Brew Media, Inc. 259 15th Avenue, Cubao, Q.C.Tel: 7107416e-mail: [email protected]

MAGING ang mga militanteng grupo at marahil ay ang mayoryang Pilipino ay naniniwalang tapos na ang panahon ng paninisi sa nakara-ang Arroyo administration hinggil sa mga ginawang kapalpakan ng nakaraang mga opisyal ng gobyerno.

Kung sabagay ay isasagawa na ni Pangulong Noynoy Aquino ang kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) sa Lunes, July 23 at marahil ay hindi na dapat pang muling isa-isahin ang mga kapalpa-kan ng Arroyo administration bagkus ay kung ano ang ginawang pagwa-wasto ng kasalukuyang administras-yon sa problema.

Tama na siguro ang paninisi, sa halip ay kasuhan at papanagutin

na agad ang mga nagsamantala di-umano sa kanilang panunungkulan.

Sana naman ay walang halong pulitika at bagkus ay talagang mayroong matibay na basehan ang isinampang kasong plunder laban kay dating pangulong Gloria Maca-pagal Arroyo at mga dating opisyal ng PCSO na sinasabing lumustay ng milyong piso sa ahensiya.

Napakarami pang sinasabing anomalya sa ilalim ng Arroyo admi-nistration pero bakit napakabagal na maisampa ang kaso.

Natiyempo pa sa nalalapit na SONA ni PNoy ang pagsasampa ng kaso kay Arroyo at iba pang dating opisyal nito.

Mahigit dalawang taon na sa panunungkulan ang Aquino adminis-tration at dapat ay nakasuhan na ang dapat makasuhan samantalang tanta-nan naman na ang mga inosente.

Nauna rito ay maraming sina-

sabing alingasngas sa nakaraang gobyerno tulad na lang ng sinasa-bing mga malalapit kay dating First Gentleman Mike Arroyo at madali naman itong matukoy kung sino ang mga nakinabang.

Isang tip sa mga owtoridad ay ang mga sumasakay sa helicopter ni FG na nakalista sa manifesto na umano’y ibinenta sa PNP na lumabas ang mga pangalan doon sa idinaos na hearing ng Senado.

Sana sa SONA ng pangulo ay ang banggitin na lang ay ang perfor-mance at mga nagawa gayundin ang mga gagawin pa ng kanyang admi-nistrasyon bago matapos ang kan-yang termino sa taong 2016.

Pero teka, mukhang mali ang timing ng sunod-sunod na pagtataas ng presyo ng produktong petrolyo at ang nakaambang pagtataas din ng singil sa kuryente at tubig.

Parang sinabotahe ang SONA ni

PNOY dahil tila binigyan ng bala o sandata ang mga militanteng grupo para batikusin ng todo ang pangulo at nataon na magpapatupad pa ng panibagong magpapahirap sa taum-bayan hinggil sa mataas na produk-tong petrolyo at singil sa kuryente at tubig.

Pero abangan natin kung ano ang laman ng talumpati sa SONA ng pangulo at dito ay malalaman natin ang direksyon ng kanyang adminis-

trasyon. Sa inyong reaksyon o impor-

masyon ay maaaring mag-email sa [email protected] at laging makinig sa radio station DZXL RMN 558 khz sa ating programang TAUMBAYAN NAMAN 8:30-10:00 ng umaga Lunes hanggang Biyernes at manood sa TV station NET 25 sa ating newscast na MATA NG AGILA 6:00-7:00 ng gabi Lunes hanggang Biyernes.

Page 6: PSSST July 18 2012 issue

SHOWBIZMIYERKULES • HULYO 18, 20126www.pssst.com.ph MIYERKULES • HULYO 18, 2012 7 www.pssst.com.phEditor: Fernan De GuzmanAssociate Editor: Eric Borromeo

INIINTRIGA agad ngayon ang Pinoy Explorer host na si Aga Muhlach sa balitang paghingi niya ng tulong sa Su-perstar na si Nora Aunor na ikampanya siya sa 2013 sa Camarines Sur. Planong kumandidato ng award-winning actor bilang Congressman sa nasabing lugar sa susunod na taon.

Alam naman daw kasi ng lahat na si Aga ay isang Vil-manian at malapit na malapit sa Star For All Seasons, kaya nagtataka ang ilang mga miron kung bakit ang Superstar ang gusto niyang sumaklolo sa kanya sa kanyang kandida-tura?

Dahil kaya naniniwala si Aga na iba pa rin ang karisma o impact ni Nora kapag ito ang nakikita ng mga tao saanmang lugar na puntahan nito? At positibo ang aktor na kapag ang Superstar ang

ma-ngampanya sa kanya’y sure win o amoy panalo na siya?

Dagdag pa ng mga nang-iintriga na gusto lang daw gamitin ni Aga si Nora?

Well, wala namang masama kung humingi ng tulong ang aktor sa Su-perstar. Pagpapatunay lang na iba pa rin talaga si Nora. ‘Yun lang ‘yon.

Anyway, masayang-masaya si Aga dahil okey na okey pa rin ang kanyang Pinoy Explorer sa mas pinalaki at pinabonggang TV5. Naman!

KER KO!OGHIE IGNACIO

CHUTZPAH!RONNIE CARRASCO III

INTRIGA TO!

ROMMEL PLACENTE

OF THE three existing major TV networks, it is a known fact na hindi kailanman naging identified si Dolphy sa GMA-7, yet nitong Sabado ay ipinakita ng nasabing net-work ang kanilang respeto at paggunita sa Comedy King sa pamamagitan ng idinaos nilang misa bandang alas onse ng umaga that segued to a lunch.

Let’s face it, during these times of grief ay hindi na masyadong binibigyan ng pansin ang anumang kumpetisyon that exists among these channels, as Tito Dolphy—for once—has unified a fragmented TV industry that seems to be more ratings-driven than ever.

Gayunpaman, hindi kami nani-niwala na sa pamamaalam ni Tito Dolphy ay bukas-palad ang inilaang free-for-all coverage ng ABS-CBN, thus allowing its rival networks to get their not-so-fair share of their actual reportage lalung-lalo na noong pansa-mantalang inilagak ang mga labi ng Comedy King sa Dolphy Theatre.

In death, there is no such thing as exclusivity.

Maging ang ordinaryong Juan dela Cruz who perishes in a raging fire, or gets sideswiped by a speeding vehicle, or jumps to his death from a multi-storey condo building, or never wakes up the next morning… all this is a hodgepodge of real-life events kung saan walang sinumang TV network—big or small, or in between—has exclusive access.

Iconic that he is, or he was ay mas lalong hindi dapat ipagkait ng iisang TV network ang isang Dolphy, a phenomenal, historic figure of national proportions na pag-aari na ng sambayanang Pilipino.

The nation owned Dolphy as much as he owned the nation.Kaya pasensiya na sa mga nagsasabing binuksan ng ABS-CBN ang kanilang pintuan

for the coverage by the other networks. Technically, hindi sa bakuran ng Kapamilya Net-work ang huling palabas ni Tito Dolphy noong nabubuhay pa siya.

Hindi rin sa film arm ng ABS-CBN na Star Cinema huling napanood ang Comedy King back in 2010, but via a movie production affiliate of TV5. While this entire hullaba-loo was taking place, on a spiritual level, let’s give it to the One who really signed him up for an eternal contract, with the vast expanse of a heavenly theatre named after him, with an immortal wonderland that will remind us of his fondest memories.

No particular entity had the “sole proprietorship” of a king.Sa lawak nga ng kaharian ni Tito Dolphy, he had reigned over “three existing major

kingdoms.”----------oOo----------

NOW THAT Tito Dolphy’s mortal remains have been interred, in our trying-hard poetic attempt ay iniaalay namin ang tulang ito:

LUNES, magandang balita ang hatid ni Nadia Montenegro sa mga kaibigan niya. Na-dismissed ang P20-M libel case na inihain ni Anabelle Rama sa Makati RTC laban sa anak niyang si Ynna Asistio at entertainment writer/editor na si Janice Navida ng Bulgar tabloid.

At ayon sa isang media group, ang Alab ng mga Mamahayag na pinamumunuan ni Jerry Yap na dating president ng NPC (National Press Club) at publisher din ng mga tabloids ay nagdeklara na sila na ‘persona non grata’ at enemy of press freedom si Annabelle,.

Sa pahayag ni Annabelle sa radio show ni Korina Sanchez sa DZMM noong Lunes, hindi raw niya alam kung saan nagsusulat si Chito Alcid na nakabangayan niya.

“Mga sikat na reporter lang at may name na dyaryo ang binabasa ko,” sey niya.

Ang alam naming, si Chito ay isa sa mga columnists ng tabloid na si Yap ang publisher.

Pero opinyon ng isang tagamasid sa sirkus na nagaganap, “Saan ang mga sinasabi niya (Anabelle) na mga sikat na reporters na kaibigan niya? Ipinagtatanggol ba siya? Nagbibigay ba sila ng matino at balanseng opi-nion sa away niya? Sikat nga, pero tameme naman. Walang mga balls para ipagtangol siya at magsabi na tama ang ginagawa niya!

--------oOo---------LOOKS like bumabata si Robin Padilla, huh! The last time we saw him for the first time after 20 years was almost two months ago when we visited the set of Toda Max. Isa kami sa mga naunang na-meet ni Binoe noong kabababa pa lang niya from Baguio City para mag-artista.

Nang makita kami, nagulat si Binoe at niyakap kami nang mahigpit.Kuwento niya sa mga executive ng Kapamilya Network na kasabay

naming dumalaw, ipinakilala niya kami as his “kasabayan”.Natuwa kami, kilala pa rin niya kami without any re-introduction sa

isa’t isa.I still remember those days sa Sct. Santiago sa bahay ng dating

manager niya na si Deo “Dikong” Fajardo, ang gusto lang niyang kainin nun ay fried chicken. Ang daming mga anektoda about Robin na naalala namin.

Sa mga hindi nakakalam, during his early years sa showbiz, nagpa-paint si Robin. Ang visual art medium niya is oil. Sa katunayan, may-roon kaming isang oil painting ni Binoe na nakatago hanggang ngayon.

Bumata si Robin?Looks like, pero hindi siya nagpa-stem cell, ‘no! “Papaanong hindi ako magmukhang bagets e, in love ako.

Ang ganda ng misis ko!” biro pa ni Binoe.Happy lang siya sa buhay may-asawa at sa buhay nila ni

Marielle Rodriguez.

HOY!RK VILLACORTA

Dolphy pinatunayang ‘hari’ ng tatlong TV networks

Puwesto ni Daniel Fernando target

ni Philip Salvador

Cesar Montano ka-tandem ni Mayor Lim?!

Papa Chen

HINDI na kasama si KC Concepcion sa pelikulang Nothing Compares To You mula sa Viva Films na pagsasamahan dapat nila nina Anne Curtis at Derek Ramsay. Pero hindi dahil tsinugi siya sa naturang pelikula, huh!

Si KC mismo ang nagdesisyon na hindi na lang ito tanggapin. Gusto raw kasi niyang mag-concen-trate sa singing talent search ng ABS-CB na X-Factor, siya ang host dito, at sa seryeng pagsasamahan nila nina Judy Ann Santos at Sam Milby, ang Against All Odds.

Natutuwa na-man daw si KC dahil naintindihan siya ng Viva sa ginawa niyang pag-back-out sa peli-kula.

-------oOo--------SA ISANG interview ni Manila Vice Mayor Isko Moreno ay nilinaw niya na walang katotohanan ang napapabalita na sa susunod na eleksyon ay sa mayoralty race na sa Manila ang tatakbuhin niya.

“Akala siguro ng mga kalaban ko sa pulitika, tatakbo na akong alkalde sa darating na eleksyon kaya kung ano-anong paninira na ang ginagawa nila sa akin. Pero hindi po ‘yun totoo. Si Pres. Erap (Estrada), siya po ang tatakbong alkalde sa Manila at ako po ang kanyang vice,” paglilinaw niya.

Kahit isang ‘Vilmanian’ ...

Handa ka na ba, Vice Isko Moreno?

Aga Muhlach humingi ng tulong kay Nora Aunor

sa 2013 elections?!

BALITANG si Cesar Montano ang mahigpit na makakalaban ni Vice Isko sa pagka-bise alkalde. Nagparehisto na raw sa Sta. Ana ang actor/TV host para maging ka-tandem ni Mayor Alfredo Lim.

Ang reaksyon ni Vice Isko dito: “Wala pa naman akong naririnig mula mismo kay Kuya Cesar. Kung sakali man, everybody is entitled to participate in an election, whether as a voter or isang gustong magsilbi bilang public servant.

“At the end of the day, alam mong taumbayan pa rin naman ang masusunod kung sino ang gusto nilang mamumuno sa kanila. But if you will run in a national office, you have to be a natural-born Filipino. Kumbaga, you must be a resident at importante ‘yun.”

HANGGANG ngayon, hindi pa raw nakikipagusap si Philip Salvador kay incumbent Bulacan Vice Gov. Daniel Fernando sa plano nitong pagtakbo sa darating na 2013 local election sa parehong position. Gusto naman ni Daniel na mare-elect come May next year.

Sa ganang akin, tama lang marahil na kumatok muna sana si Kuya Ipe. Magkaibigan ang dalawa. Matagal na nagsama sa showbiz. “Kuya” pa nga ang tawag ni Vice Gov. kay Philip bilang pagbibigay galang.

Parang off naman yata na ang magkaibigan ay mag-aagawan sa isang puwesto. Si Daniel ang incumbent vice governor ng Bulacan na siyang gusto namang makuha ni Kuya Ipe.

Tama rin lang na sa planong pagpasok ni Kuya Ipe sa Bulacan politics ay magpasintabi muna siya por res-peto. We just hope maayos nina Kuya Ipe at Vice Gov. Daniel ang hidwaang ito.

--------oOo--------KASAMA si John Prats sa Angelito, Ang Bagong Yugto na pinagbi-bidahan ni JM de Guzman.

Naku, siguradong lalamunin lang ng huli itong una sa pag-arte kapag may mga eksena na magkasama sila. Alam naman natin kung gaano kahusay umarte si JM, ‘di ba?

At eto namang si John, hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ga-noon kalalim umarte to think na ang tagal na niya sa showbiz. ‘Kita mo nga, wala pa rin siyang natatanggap na Best Actor trophy unlike JM na humakot na ng acting award.

Dancing lang ang talagang talent ni John, sa totoo lang, huh!--------oOo--------

UULAN ng mga lalaki! Sa isang gabing titighaw sa inyong pagnanasa, bubuhos ang kalalakihan sa inyong kandungan, makikitampisaw at makikipag-ulayaw, kasama ang isang sexy actor na former Seiko star, mga indie actors na sina Jeremy Ian, Jeff Luna, Virgo Montes, and more surprise indie hunks, kikiwal ang 30 nagkikisigang jumbo macho dancers ng Makisig Bar.

Isang gabi itong signal number 3, ang bagyong Makisig -- at uulan ng lalaki! Titled Gabi Kung Umu-lan Ng Lalaki, ang nakakikiliti at nakaaaliw na big presentation ay gaganapin sa Makisig Bar (Roosevelt Ave. cor. Quezon Ave.), sa July 28, 2012, Saturday, 10:00 PM.

This is sponsored by Cotton Club Underwear. For tickets & more details, call and text 09053267963.

Cesar Montano

Philip Salvador

Salamat sa mahigit anim na dekadaNg walang kawangis na pagpapatawaSa bawat Pinoy na inyong napasaya

Sa inyong namumukod-tanging komedya

Salamat sa ibinigay n’yong ngitiKahit sambayana’y namimighati

Dahil ang mga impit na hikbiNanganghulugan ng pagtangi

Salamat sa mga katatawanan

Na sa aming alaala’y ‘di malilimutanLalo’t ang aral na inyong iniwananAng tumawa para ang buhay, may

kabuluhan

Salamat sa pagpapayaman ng siningDahil dito’y kamalayan ay nagisingNa kung pagpapatawa’y nanaisin

Ang buhay walang kasingluningning

Salamat, Tito Dolphy, tunay kang HariBagama’t ang bansag, ayaw mong inaari

Taglay n’yo ang kakaibang uriWalang dudang kapuri-puri

Salamat, Tito Dolphy, sa halakhak

Na nagdulot sa amin ng saya’t galakNgayong payapa na kayong nakalagak“Cheers!” sa paborito n’yong alak na

Cognac

Dolphy

P20-M libel caseni Annabelle kayYnna ibinasura!

Robin Padilla

Ynna Asistio

Patutsada ng isang Komedyana…TESSIE TOMAS TIGILAN NA ANG

PAGKA-TRYING HARD!SINO kaya itong character actress/comedienne na nagsabing kahit ano raw ang gawin ni Tessie Tomas na napapanood sa Walang Hanggan ng ABS-CBN – magpatawa, mag-host o magdrama pa siya sa pelikula o alinmang TV programs na kasama siya – hindi epek-tibo, hindi natatawa, nakukumbinse o naiiyak ang naturang komedyana?

Buti pa raw ay sa radyo na lang umarte itong si Ms. Tessie at baka mas effective pa. Tutal naman daw ay kilala at mas sikat na artista sa radyo ang kanyang ina, kaya ‘yun na lang daw ang sundan niyang yapak. Huwag na raw siyang magpaka-trying hard na ma-ging Best Drama Actress, Best-Comedy Actress o kahit pa maging magaling na TV host.

Gano’n?!Ano kaya ang masi-sey mo diyan, Tessie Tomas? ‘Yun na!--------oOo--------

MARAMI ang kinikilig sa tambalan nina Elmo Magalona at Julie Anne San Jose pati na kina Janine Gutierrez at Benedict Campos sa mga nakaka-in love nilang mga eksena sa youth-oriented show na Together Forever ng GMA-7 tuwing Linggo ng hapon after Party Pilipinas.

Napapaniwala raw kasi nila ang teenagers nilang televiewers sa mga kakulitan at ka-sweet-an nilang apat sa telebisyon. Pero affected din daw ang mga ito sa pagkakaroon ng break-up nina Janine at Benedict maging sa selosan daw in real life nina Elmo at Julie Anne?

Well, ‘yan ang dapat nilang laging tutukan sa naturang programa. Lalo na’t lumalakas ang apat na magkaka-loveteam na nabanggit. At very promising talaga itong si Janine na namana ang ganda at pagiging malakas ang dating sa ina na si Lotlot de Leon at lola na si Nora Aunor. ‘Yun na!

Nora Aunor

AgaMuhlach

KC Concepcion, ayaw makasama sina Derek Ramsayat Anne Curtis?!

John Prats

Page 7: PSSST July 18 2012 issue

MIYERKULES • HULYO 18, 20128www.pssst.com.phSHOWBIZ

Mahusay umiyak at magdrama, pero...Arjo Atayde hirap magalit?!SWAKTO!

ERIC BORROMEO

WATCHLISTRUBEN MARASIGAN

SA ACTION genre sana gustong malinya ng newcomer na si Arjo Atayde, pero tila malilinya siya sa drama. Sa first project niya sa ABS-CBN na E-Boy, may mga eksena roon na kaila-ngan niyang mag-drama. At drama pa rin ang masasabing biggest break niya so far nang gampanan niya ang role ng isang estudyanteng kasama ang mga kapatid na kailangan pang mamangka para lang makapasok sa eskwelahan sa ‘Bangka’ episode ng Maalaala Mo Kaya a few weeks ago.

May pinagmanahan naman si Arjo dahil isang mahusay na aktres ang ina niya na si Sylvia Sanchez. Siyempre, masaya ang binatang aktor dahil marami ang nakakapansin at pumu-puri sa kakayahan niya. In a way, he is getting merits dahil sa talento niya at hindi lang dahil anak siya ni Sylvia.

Passion daw talaga ni Arjo ang pag-arte. Exposed na rin siya sa showbiz mula pa nung bata siya dahil madalas daw siyang isama ng ina sa mga tapings o shootings nito.

Arjo shared his technique kung paano niya hinuhugot ang emosyon ng karakter na natotoka sa kanya.

“Kapag nasa akin na ‘yung script, magkukulong na ako sa kuwarto. Paulit-ulit kong babasahin ‘yon. Hindi ako titigil hanggang ‘yung eksena na kinakailangan na umiyak ako o may matinding emosyon ay hindi ko nakukuha. I really must get into the character,” aniya.

After E-Boy ay may bagong project na raw si Arjo come August this year. “Maraming projects na dumarating, pero si Mr. M [Johny Manahan, head of Star Magic], gusto niya talaga na bagay sa akin ‘yung role na mapupunta sa akin,”

banggit pa ni Arjo.During our interview, na-mention din ng binatang aktor na

lalabas siya sa TV series na Maynila sa GMA-7. At paliwa-nag agad niya dahil sa Star Magic artist siya, “Wala namang problema sa Star Magic ‘yon. Okey lang naman ‘yon as long as walang conflict sa schedule ng talents nila.”

May mga offers din daw sa kanya to do indie films, pero tinatanggihan niya mga ito.

“Hindi sa ayokong gumawa ng indie, it’s just that I feel na hindi pa ako ready doon. I mean, marami pa akong gus-tong matutunan in terms of acting. Gusto ko munang mag-concentrate dito. Baka kasi mawala ako sa direksyon na gusto ko. Kapag handing-handa na ako, why not? Darating din tayo d’yan. Kumbaga, one at a time muna ako,” paliwanag niya.

Kung marami ang pumupuri sa husay ni Arjo sa pagda-drama, ang downfall daw ni Arjo ay ang magalit.

“Seriously, hindi ako marunong magalit. Sinisigawan na nga ako nun ni Direk na magalit, pero hirap talaga ako. ‘Yun siguro ang kahinaan ko,” nakangiti niyang pahayag.

“Pero, siyempre, nagagalit din ako. ‘Pag binastos ‘yung magulang ko o ‘yung kapatid ko, naku, nagpi-flip talaga ako. The last time na sobra ang galit ko, nag-blackout ako, parang ‘di ko na alam ang nangyari,” pahabol ni Arjo.

--------oOo--------NAKAKUWENTUHAN namin ang father ng PBB Teen Edition 4 Big Winner na si Myrtle Sarrosa na si Mr. Rodolfo Sarrosa bago nagsimula ang presscon ng Big Four nung

Miyerkules [July 11] sa 9501 Restaurant, sa ELJ Building ng ABS-CBN.

Sa lahat halos ng competition, hindi lahat ay ma-saya at sumasang-ayon sa idine-deklarang winner. Ano ba ang pakiramdam ng isang ama na ang anak ay inuulan ng negative reactions and comments sa social networking sites?

“Okey lang naman ‘yung ganyan, kasi, ‘pag may fans ka, talagang may maghe-hate sa ‘yo. Kung may magla-like sa ‘yo, talagang may maghe-hate din sa ‘yo. So, I think that’s part of life. Kahit pulitiko, may boboto sa ‘yo, may boboto sa kalaban mo.

“’Pag tinitingnan ko, minsan ‘yung mga haters gumaga-wa ng istorya.

“’Di ba may nagla-like? Tingnan mo kung bakit [sila] nagla-like, kung ano ang nakikita nila, ‘di ba? Pero kung hater ka parang gusto mong i-project na masama ‘yung isang person,” paliwanag ni Mr. Sarrosa.

Incidentally, isang konsehal ang tatay ni Myrtle sa Barotac Nuevo, sa Iloilo.

Parte ng P1-Mni Myrtle Sarrosa

ise-share safootball players

ng Iloilo

Erpat ni Myrtle Sarrosa tanggap ang ‘haters’ ng anak

Myrtle Sarrosa

SAGLIT na nag-isip at hindi kaagad nakasagot ang PBB Teen Edition 4 Big Winner na si Myrtle Sarrosa nang matanong na-min kung ano ang plano niyang gawin sa kanyang premyo?

“’Yung prize ko, one million pesos, tapos apat na trip to Singapore, tapos Sony (TV), and the Whirlpool appli-ance showcase. Ano nga ba ang gagawin ko do’n sa one million pesos?” nangiting tanong din niya sa kanyang sarili.

“I guess po, first thing that I would do is save the money talaga. Hindi ko po gustong mag-spend ng money. And at the same time, I would share it to people na nangangailangan. And if they need something from me, of course, iu-offer ko naman ‘yung help ko sa kanila. So, ‘yon po.

“I wont keep it to myself alone. But I would always share my blessings.

“Ang uunahin ko po talagang tulungan is ‘yung mu-nicipality ko po, ‘yung football capital ng Philippines,” pagtukoy niya sa bayan ng Barotac Nuevo sa Iloilo

kung saan siya nagmula.

“Like before pa nung pumasok ako (sa PBB house), it was already my dream for them na abutin mo ‘yon. And gusto ko po talagang tu-lungan ‘yung mga players do’n ng football. Kasi ang daming talented football players from our municipality na hindi nakakalaro nang maayos dahil wala silang proper uniform at sapatos.

“Kaya ‘yon po. ‘Yun ang first ko po talaga na gagawin po with the money.”

Papasukin din ba niya ang pag-aartista kagaya ng mga naunang Big Winners ng PBB?Robi Domingo

“If there are opportunities, of course, I’ll grab it. Pero at the same time, like what I said, hindi ko kakalimutan ang studies ko po. Kasi other than maging artista, panga-rap ko po talaga na maging lawyer. Dating pangarap ko lang po is to defend those who

cannot defend themselves.”Kung mag-aartista siya, okey

ba sa kanyang magkaroon ng ka-loveteam at sino kaya sa mga

Kapamilya young actors ang gugustuhin niyang

makatambal? “Loveteam?

Hindi pa po ‘yon nag-pop sa

mind ko,” sabay

bungingis na sabi ni

Myrtle. “Pero okey lang

po sa akin whatever opportunities come my way po. I would always grab it, kasi, once in a lifetime. Pero sa loveteam po, wala

pam po akong naiisip kung sino.”Meron ba siyang mga crush na young actors? Napaisip nang husto si

Myrtle bago nakapagbanggit ng pangalan. “First ko po talaga (na crush), si Robi Domingo,” sabay bungisngis niya.

“Si Robi… si Robi po!” tawa pa niya.Why Robi? Ano ang nakita niya rito na wala sa iba? “Dati po, sobrang sinusubaybayan ko siya sa PBB. Kaya parang na-inspire niya

rin po ako. Isa po siya sa mga inspiration ko kung bakit mas ginusto ko rin pong sumali. Dahil nakita ko rin po sa kanya na grabe siyang magpursige. Kaya gano’n po,” pagtatapos ni Myrtle.

Arjo Atayde

Page 8: PSSST July 18 2012 issue

MIYERKULES • HULYO 18, 2012 9 www.pssst.com.ph SHOWBIZ

MISMONG ang former “Two And A Half Men” star na si Charlie Sheen ang nagkumpirma na mag-dodonate siya ng halagang $1 million sa USO (United Service Organization) ayon sa Access Hollywood report.

Ibibigay ng 46-year-old actor ang 1% sa kanyang sweldo sa bagong niyang Fox tv series na “Anger Management.” At sinabi pa niya na madadagdagan pa ito kung papalo ang ratings ng nasabing tv series.

NinaMARA at CLARAHollywood Bitz

NANGANAK na ang “Kill Bill” actress na si Uma Thurman nito lamang Sunday sa New York City base sa report ng Us Maga-zine. Kinumpirma ito mismo ng manager ni Thurman na si Jason Weinberg. Ayon kay Weinberg maayos ang kalagayan ni Thur-man at ng baby girl.

Ito na ang pangatlong anak ng 42-year-old Oscar nominee. Matatandaang nagka-roon sila ng dalawang anak ng kanyang ex-husband na si Ethan Hawke, sina Maya (13) at Levon (10). Nagdivorce ang dalawa matapos ang pitong taong pagsasama dahil nagkaroon ng relasyon si Hawke sa nanny ni Thurman na si Ryan Shawhughes at nagpakasal ang dalawa noong 2008 at nagkaroon ng dalawang anak.

Ito naman ang unang baby ni Thurman at ng 49-year-old French financier-phi-lanthropist boyfriend na si Arpad Busson. Maaalalang hindi natuloy ang kanilang engagement noong 2009 at nagsplit ang

BUKOD sa music ay papasukin na rin ng “We Found Love” singer na si Rihanna ang pagiging fashion designer. Sa report ng Huffington Post, magdedesign na ang popstar ng kanyang sariling clothing line sa brand ng River Island sa London.

“I’ve been wanting to design my own collec-tion for some time. River Island is the perfect partner for me to collaborate with and working with a British, family run business also really appealed to me,” ang pahayag ng singer.

“I find London really inspiring and River Island loves to have fun with clothes. I’m looking forward to working with them and creating something really special,” dagdag pa niya.

Sinabi ng chief executive ng River Island na si Ben Lewis na ang mga designs ni Rihanna sa kanyang clothing line at accesso-ries ay pang ‘street to chic’ style.

“’We are thrilled to be collabo-

rat-ing with Rihanna and to

be the first fashion brand to work with her in this way. Rihanna will be designing the collection and we will be sharing our fashion experi-ence with her to develop a range her fans will love,” ang pahayag ni Ben Lewis.

Base sa website ng singer, ang River Island brand ay itinayo sa London noong 1948 ng magkapa-tid na Bernard at David Lewis. Sa ngayon ay may 300 stores ang River Island sa iba’t ibang lugar tulad ng U.K., Russia, Holland, Poland, Belgium, Middle Easr at Far East.

Rihanna magkakaroon ng clothing line

Lady Gaga naghubad sa kanyang perfume adLAHAT ay gagawin ng popstar na si Lady Gaga para sa kanyang fragrance line na ‘Fame’ na nakatakdang ilabas ngayong August. Sa kanyang brand new advertisement, walang saplot ang singer habang kinukunan ng pic-tures ng kanyang photographer na si Steven Klein ayon sa Just Jared.

Sa picture ay makikitang hawak ni Gaga ang kanyang pabango habang natatakpan naman ang maseselang bahagi ng katawan ng mga gumagapang na malilit na lalaki na parang mga laruan.

“I won’t lie I’m a bit nervous. its been a while since i’ve shared some work with you. But i’m so proud of Steven+I, we really did not sleep!” ang tweet ng singer kasama ang

picture niya sa photoshoot.Base sa report, ang “Fame” ay ang first

ever Black Eau de Parfum. “It contains dark, sensual and light accords; the dark mimics bel-ladonna but contains incense, the sensual in-cludes honey, saffron and apricot nectar hues, and the light is a heady mix of crushed tiger orchid and jasmine sambac,” ang paliwanag ni Steve Momoris, ang senior vice president of global marketing ng Coty Beauty.

Ayon naman sa industry sources, may po-sibilidad na umabot sa $100 million ang global sales sa unang taon ng fragrance line ng “Born This Way” singer. At posible rin daw magka-karoon ng $15 million worth ng royalties si Lady Gaga sa kanyang pabango.

Charlie Sheen magdodonateng $1M sa U.S. military

Rihanna

couple, ngunit nagka-balikan ang dalawa last year.

Kabilang si Thurman sa latest movie ni Robert Pattinson na “Bel Ami,” kung saan naikuwento niya ang mga steamy scenes nila ni Pattinson. Snabi rin niya na malaki ang paghanga niya sa Twilight star dahil magal-ing at seryosong actor ito. Kasama rin si Thurman sa peliku-lang “Playing the Field.” Isa itong romantic sports-com- e-dy kung saan co-stars niya sina Gerard Butler, Dennis Quaid at Jessice Biel. Nakatakdang ipalabas ang movie sa December.

Uma Thurman nanganak na

Uma Thurman

“It’s an honor for me to give back to these men and women of the military who have done so much for all of us. They put their lives on the line for us every day and I’m just happy that my work on ‘Anger Manage-ment’ can bring a little bit of relief to the troops and their families,” ang pahayag ng aktor.

Ang USO ay isang non-profit group na nan-gangalaga sa mga U.S. troops at kanilang pamilya. Mapupunta ang donation ni Sheen sa USO’s Operation Enduring Care, isang programang itinayo para sa mga sugatan at may sakit na mga sundalo.

Malaki naman ang pasasalamat ng spokesperson ng USO sa aktor at ayon sa report, ito ang pinakala-making donation na matatanggap ng USO.

Charlie Sheen

Page 9: PSSST July 18 2012 issue

SPORTS MIYERKULES • HULYO 18, 201210www.pssst.com.ph/beta

MAY team na magpapahinga at mayroon ding makikipagsapalaran pa para sa 2nd slot ng finals ng PBA Governors Cup.

Ito ang mangyayari ngayong gabi sa Barangay Ginebra Gin Kings at Talk ‘N Text TropangTexters sa kanilang do-or-die game sa Smart Araneta Coliseum.

Kung mananalo ang TNT sa Gin Kings, makukuha nila ang 4 out of 5 incentives sa semifinals at panibagong do-or-die naman ang kanilang haharapin sa Biternes sa matatatalo naman sa laban ng B-Meg Llamados at Rain or Shine, mamayang alas 5:15 ng hapon sa unang sultada.a

Pero kapag Ginebra ang nanalo bakas-yong engrande ang TNT at paghahandaan na lang ang susunod na PBA conference.

Galing sa panalo ang mga alipores ni TNT coach Chot Reyes noong Lunes ng gabi, makaraang ilampaso ang ROS, 98-90.

Ang panalong iyon ang nagbigay buhay sa Texters na may kartadang 8-5 sa team standing at may 3-1 sa semifinals kapareho ng Gin Kings.

Para kay Chot Reyes,hindi pa sila dapat magsaya dahil hindi basta-basta team ang Ginebra, lalo pa’t do-or-die ang laro.

Sa panig ng Ginebra, sariwa pa sa kanila ang pagkatalo noong Linggo sa B-Meg.

Tatlong puntos lamang ang iniskor ng kanilang superstar na si Mark Caguioa at ito ay pawang sa free throw line nakuha at ito ang sinisilip na dahilan ng kanilang

pagkatalo.Kung ganito ang ilalaro ng

“Mark the Sparks” tagilid ang never-say- die team na makapasok sa finals.

Sa unang sultada, kapwa hangad ng Llamados at E-Painters na magwagi upang porman na okupahin ang unang pintuan ng finals.

Ang mananalo ay pasok na sa finals habang ang matatalo sakanilang laro ay haharap naman sa win-ner ng TNT at Gin Kings sa Biyernes.

Ginebra vs TNT, Win or go Home! niElla Linde

KASABAY ng lipatan ng mga manlalaro sa National Bas-ketball Association (NBA)

Dala ng nalalapit na season ay isa na namang manlalaro ang nagkumpirmang lilipat ng team.

Kahapon sa pamamagitan ng twitter ay inanunso ni free agent guard OJ Mayo na nakatakda siyang pumirma ng kontrata sa Dallas Mavericks. Maliban sa nasabing impormasyon ay wala nang binanggit pa si Mayo partikular ang pinansyal na aspeto at haba ng kontratang pipirmahan sa Dallas.

Ginawa ni Mayo ang paglipat nang hindi ito pumirma ang Memphis Grizzlies sa qualifying offer sheet na nanga-ngahulugan umanong walang kapasidad ang Grizzlies na tapatan ang inalok ditong kontrata ng Dallas.

Si Mayo ay may posting averages na 12.6 points, 3.2 rebounds, 2.6 assists at 1.1 steals.

Rev Hernandez

MATAPOS sumikat sa New York Knicks si Asian-American Jeremy Lin, hindi na ito makikita pa sa nasa-bing koponan, makaraang pormal ng kunin ng Knicks si Raymond Felton.

Kahapon ay kinumpirma na ng Knicks na nasa kanilang line-up na si Felton mula sa Portland Trail Blazer.

Hindi na tinapatan ng Knicks ang alok na kontrata ng Rockets kay Lin at si Felton na lang ang kanilang kinuha bilang pointguard.

Natanggap na rin ng Knicks ang offer sheet ng Hous-ton at mayroon silang hanggang Miyerkules na tapatan ang nasabing multi-million dollar contract, subalit nagde-sisyon na ang nasabing team na pawalan si Lin.

Ayon sa ulat ng ESPN, labis na ikinagulat ni Lin ang nasabing sign-and-trade deal ng Knicks sa point guard ng Portland Trail Blazers.

Mula sa dating $788,000 na suweldo ni Lin noong nakaraang season sa Knicks, inalok siya ng Rockets ng $28.8 million sa loob ng apat na taon.

Nangangahulugan na sa unang taon ni Lin sa Rockets ay tatanggap siya ng $5 million, sa ikalawang taon ay $5.225 million at $14.8 million sa ikatlong taon, habang sa ika-apat na taon ay magiging team option.

Nagpahayag na rin ng saloobin ang dalawang Knicks players na sina Carmelo Anthony at Tyson Chandler.

Ayon kay Anthony, gusto pa niyang makasama si Lin sa kanilang line-up pero nasa kanilang organisasyon na umano kung ano ang gagawin kay Lin.

“It’s a tough call. Ultimately, they’ve got to do what’s best for the organization. So we’ll see how it goes,” paliwanag pa ni Chandler.

Bigo si Knicks head coach Mike Woodson na muling makuha ang serbisyo ni Lin, na nauna niyang sinabi na mananatili sa kanila ang nasabing manlalaro.

Kung maalala, naging instant world celebrity ang basketball career ni Lin makaraang noong nakaraang taon nang bitbitin ang Knicks sa pitong sunod na panalo kung saan may average siyang 14.6 points, 6.2 assists at 3.1 rebounds.

Ella C. Linde

HINDI lamang mga atletang kalahok sa London Olympics ang nagdatingan sa London kundi bumuhos rin ang mga media na magko-cover sa pinakamalaking sporting event sa mundo, sampung araw bago ang pagbubukas ng olympics.

Kabuuang 21,000 journa-lists, photographers, cameramen at technicians ang magbabantay sa London Games.

Ayon sa London Games organisers, kinailangan nilang magpagawa ng dalawang press centers sa mismong Olympic Park sa silangan ng London,

kung saan gagamitin nila ang state of the art I.T. facilities.

Gagamitin na rin ang mobile at online services para makuha ang resulta ng mga laro.

Kasabay ng nalalapit na event ay tiniyak ng mga orga-nisers na ligtas ang pinakama-laking sporting event sa mundo.

Aarangkada ang London Olympics sa Hulyo 27 at mag-tatapos sa Agosto 12 na lalahu-kan ng 16,000 mga manlalaro sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ella Linde

OJ Mayo ngMemphis pipirma

sa Dallas

Lin wala na sa line-up ng Knicks

Kahit sino haharapin ni PacquiaoGinebra Gin Kings vs Talk ‘N Text

KAHIT si eight- division world champion at Sarangani Repre-sentative Manny Pacquiao ay hindi pa rin alam kung sino ang kanyang makakalaban sa Novem-ber 10.

Sinabi ni Pacquiao na wala pa itong napipili kung sino talaga ang sunod na makakalaban matapos ang kontrobesrsiyal na pagkatalo kay Timothy Bradley.

Sa susunod na Linggo ay makikipagkita ang Pambansang Kamao kay Top Rank owner Bob Arum, upang pag-usapan kung sino ang makakabugbugan nito.

Sa ngayon ay nasa Sarangani province ang kongresista para pangunahan ang mga proyekto nito

sa lalawigan makaraang salantain ng kalamidad.

Ayon kay Manny, kahit sino ang itapat sa kanya ay handa niyang labanan, subalit may agam-agam na tila ayaw muna ni Arum na pagharapin sila ni Bradley.

Dahil sa pag-ayaw ng bilyu-naryong promoter, malamang na si Juan Manuel Marquez ang maka-laban nito sa November, bagay na hindi ganoong excited para sa mga Pinoy boxing fans.

Wika ng mga taga-suporta ni Pacman, wala ng dapat patunayan pa ang kanilang idolo para labanan pa si Marquez na dalawang ulit ng tinalo nito.

Ella C.Linde

21,000 journaliststututok sa

London Olympics

Rep. Manny Pacquiao

Page 10: PSSST July 18 2012 issue

SPORTSMIYERKULES • HULYO 18, 2012 11 www.pssst.com.ph

Miami Heat vs LA Clippers sa China

MAKAKA-LABAN ng NBA champion Miami Heat ang Los Angeles Clippers sa dalawang preseason games sa China.

Naka-takda ang basketball match-up sa October

11 sa MasterCard Center sa Beijing at sa October 14 sa Mercedes-Benz Arena sa Shanghai. Ito ang unang pagkakataon na maglalaro ang kasalukuyang NBA champions sa NBA China Games na nagdidiwang ng sixth edition.

Maglalaro ang walong NBA teams sa international games sa October bilang bahagi ng internationla preseason ng NBA. Magpapakita ng gilas ang Dallas Mavericks sa Barcelona at Berlin habang ang Boston Celtics makikita sa Istanbul at Milan kalaban ang mga top Euroleague teams. May basketball games din ang Toronto at New York Knicks sa Montreal at Minnesota habang ang Detroit mapapanood sa Winnipeg.

Nina: Mara

atClara

SPORTS

BITZ

KAHIT abala sa practice para sa London Olympics, nasingit pa ni Oklahoma City Thunder player Kevin Durant ang pakikipag-date.

Namataan si Durant kasama si LeToya Luckett, ang dating singer ng Destiny’s Child, sa Wynn Resorts sa Las Vegas. Nasa Nevada si Durant para sa training ng Team USA basketball bilang paghahanda sa darating na Olympics.

Matagal na umano hinahabol ni Durant si Luckett at ngayon na lamang mas-werteng naka-date ang dating singer. Dating ka-relasyon ni Luckett si Matt Kemp na nakipag-date umano kay Eva Longoria sa simula ng season.

Jason Kidd, binitbitpalabas ng bar

MAY pasa sa kanang pisngi si New York Knicks player Jason Kidd sa kanyang mug shot na kinuha ilang oras matapos bumangga ang kotse sa isang poste at arestuhin ng pulis da-hil sa drunk driving.

Ayon sa TMZ, kinumpirma ng ilang witnesses na lasing na lasing si Kidd sa club sa East Hampton. Binuhat pa ng ilang kaibigan si Kidd palabas ng bar dahil sa kalasingan nito.

Pinigilan pa umano ng mga kaibigan si Kidd na huwag maneho ngunit tumanggi ang basketball player. Umalis si Kidd sa club ng 1 am at bumangga ang white 2010 Cadillac Escalade ni Kidd matapos ang ilang minuto.

“Jason was involved in a single vehicle accident on his way back home from a charity function last night. He suffered minor injuries and was treated and released from a local hospital. Jason has pleaded not guilty to a DWI charge and awaits further court proceedings,” sinabi ng abogado ni Kidd na si Ed Burke Jr.

NASA Paris si Boston Celtics player Rajon Rondo para i-promote ang Nike Basketball sa Nike World Basketball Festival. Endorser si Rondo ng Nike simula noong 2009.

Binebenta ni Rondo ang bagong Nike Hyperdunk+ na may sensor para ma-monitor ang bawat basketball move at mailipat sa mobile device. Mayroon Lunarlon at Flywire technologies ang high tech shoes na nagbibigay ng exceptional cushioning at support.

Rajon Rondo, nagpo-promote ng Nike sa Paris

Kevin Durant, ka-date ang ex-Destiny’s Child singer

Rajon Rondo

Jason Kidd

Blake Griffin

Kevin Durant & LeToya Luckett

LeBron James

Page 11: PSSST July 18 2012 issue

GOOD morning sa lahat ng bumubuo ng PSSST! Ako po si Belle ng Paco Manila. Naa-aliw po talaga ako sa column na ito tuwing binabasa ko. Gusto ko rin pong mag-share ng kuwento tungkol sa kaibigan kong si Ferdie. Isa pong OFW si Ferdie. Ilang taon na rin po siyang pabalik balik sa Canada.

Halos three years na rin sila ng girlfriend niyang si Maricel. Ngayon nagpapadala ng pera si Ferdie kay Maricel para umpisahan na ang pag-aayos sa kasal nila nitong December.

Pero ito ang matindi sa kuwentong ito. Noong buong taong ng 2011 nawala si Ferdie at ‘di umuuwi, kumalat ‘yung tsismis sa grupo naming magkakaibigan na meron daw ibang lalaki si Maricel habang andun si Ferdie sa Canada.

Ang nasagap namin, kaopisina ito ni Maricel. Noong una syempre ayaw namin maniwala sa tsismis hanggang nakumpirma mismo ng bestfriend ni Ferdie. Siya pala ang sumubaybay sa mga pangyayari dahil may kaibigan siya na kaopisina ni Maricel pero ‘di alam ito ni Maricel. Kaya ‘yun ang naging mata.

Confirmed na karelasyon ni Maricel ang kaopisina niyang si Joshua. May mga pic-tures pang ipinakita. Hindi daw nagtatago ang dalawa sa ka-sweetan nila, dahil ang alam pala sa opisina nila ay break na sila Ferdie at Maricel. Kaya malaya silang laging magkasama.

Pero itong kaibigan naming si Ferdie ang buong akala eh inaasikaso ‘yung kasal nila ni Maricel. Ang sabi sa kanya meron ng simbahan at venue. Tuloy pa rin ang padala ng pera. Nung tanungin namin si Maricel

TSISMIS

KAPIT-BAHAY MO, I-BLIND ITEM MO!

Kung kayo ay may kakaiba, na-kakagulat at nakakaawang kwento ng inyong kapit-bahay i-share dito sa Kapit-bahay Mo, I-Blind Item Mo at i-email sa [email protected] at manalo ng mga sorpresang papremyo.

All-set na ang kasalan pero fiancee ng OFW nagpabuntis

MAGANDANG araw po sa inyong lahat. I’m Benjie, student. Meron lang po akong gusto i-tsismis about my cousin James na may kakaibang collec-tions ang sex videos po.

Playboy po kasi itong pinsan ko, guwapo kaya maraming naging mga babae. At lahat ng mga naging karelasyon niya ay nayari niya, naka-sex niya.

At karamihan sa mga naka-sex ay nakunan ng niya ng video. Parang Hayden Kho, na

mahilig i-video ang mga naka-sex niya. Siguro mga 6 na sex video ang naka-store sa cellphone at I-pad niya.

Kahapon nga lang ipi-nakita niya yung sex video nila ng kanyang latest

girlfriend na estudyante.Kwento niya, patay na patay

daw sa kanya ‘yung coed na yun, binola nga lang daw niya, ayun sinagot siya agad.

After few days, humirit siya kung pwedeng mag-motel, pumayag din agad.

Ang sabi ni James, habang nagsa-shower daw si Jazz, pin’westo niya ang video ng kanyang Ipad malapit sa bed.Binuksan daw niya lahat ang ilaw para clear ang video.

Noong ipakita nga niya sa akin ang video, very clear, at saka hayop yung dyowa nya, very aggressive, very wild. Biniro ko nga si James, ikaw na ang bagong porno king ng ‘Pinas. Tumawa lang siya. Marami siyang pinakitang sex video sa akin, ‘yun mga dati pa. Pati yung dati niyang dyowa na manager sa call center, si Carol.

‘Yun love na love niya ‘yun kaya lang ipinagpalit siya sa ibang lalake.

Balak nga gumanti ni James, ipo-pose daw niya sa web yung sex video nila ni Carol. Sabi ko naman, sige gawin nya para makasuhan ka. Napaisip din yung loko.

Thank you Pssst!Benjie of Marikina City

Hunk, may collectionng sariling sex video

Ito ang nadiskubre ni Bugzie matapos mapag-alamang panay daw ang bisita ng ex-lady solon sa isang sikat na beauty clinic para magpa-botox ng kanyang kumukulubot nang mukha.

Matagal na raw gustong magpa-botox ang so-lon subalit dahil sobrang busy noong isa pa itong mambabatas ay wala raw itong time para gawin iyon.

At ngayong wala na siyang masyadong pinag-

HINDI na yata maawat ang isang dating solon sa pagpapa-overhaul ng kanyang mukha.

MIYERKULES • HULYO 18, 2012

www.pssst.com.ph

sa botox kakaabalahan ay nagawa na rin niya ang matagal na niyang nais gawin sa katawan at ito ay magpa-botox sa isa beauty clinic na pag-aari ng isang sikat na beauty celeb-

rity doctor.Maraming beses daw sumailalim sa ‘botox

session’ ang dating solon kaya naman kung

dati-rati’y magaspang, dry at nangungu-lubot na ang mukha nito, ngayo’y magu-gulat daw kayo sa kinis ng mukha nito.

Minsan daw du malo sa isang birth-day ang solon kung saan nagulat ang nakakita sa kanya dahil sa kakaibang pagbabago sa kanyang mukha. Makinis na ito at hindi na kulubot.

“Super glow” na raw ang dating ng solon matapos magpa-botox sa kanyang paboritong beauty consultant.

Sino siya? Clue: Tatakbo ulit ang lady solon sa 2013 elections na may letrang R sa kanyang apelyido. Para sa iba pang blind items bumisita sa aming website sa www.pssst.com.ph Candido C.

ganundin ang kuwento sa amin, inaasikaso nila ng kapatid niya.

Ito na po ang masaklap, last week lang, nalaman namin sa bestfriend ni Ferdie na kinausap na siya ni Maricel at buntis ito at ‘di na matutuloy ang kasal nila ni Ferdie.

Hindi pa alam ng mga magulang ni Ferdie. At walang makapagsabi kay Ferdie. Syempre hahayaan na lang namin si Mari-cel ang makipag-usap.

Nag-aalala kaming lahat dahil baka kung anong mangyari sa kaibigan namin sa ibang bansa pag nalaman niya ang masamang balita. Naku lahat kami ay ‘di mapakali ngayon.

Sana umuwi na lang ng maaga si Ferdie at dito na lang niya sa Pi-nas malaman ang masamang balita para masuportahan namin siya!