pssst july 17 2012 issue

11
Lasing na Jason Kidd, arestado HOLLYWOOD BITZ MADONNA IDEDEMANDA NG ISANG POLITICAL PARTY +MILEY CYRUS ARETHA FRANKLIN MARTES • HULYO 17, 2012 PULITIKA • SHOWBIZ • SPORTS • SCANDAL • TSISMIS www.pssst.com.ph Vol. I No. 138 P10 No.1 ISSN-2244-0593 Beteranong senador nahatak ni misis sa pagpapabatak 1$ = P42.071 KAPIT-BAHAY MO, I-BLIND ITEM MO! TSISMIS PAHINA 12 Pumatol sa dayo pero bigong makaeskapo ng ‘Pinas Lotto Results 6/55 GRANDLOTTO 48 19 46 27 20 40 6/45 MEGALOTTO 16 22 03 34 35 27 SPORTS PAHINA 10 TSISMIS PAHINA 12 FRUSTRATED MURDER VS ANNABELLE RAMA Tablado sa ASEAN, Pilipinas sa UN tatakbo NEWS PAHINA 4 TODAY’S WEATHER Scattered thunderstorm 32°C 2 Pinoy billiard players ‘in’ sa 2012 Guinness World Series of Pool SPORTS PAHINA 11 SHOWBIZ PAHINA 9 PULITIKA PAHINA 2 Nagmilagro para makapasa TSISMIS PAHINA 12 TUTOL SA PAGSASAPRIBADO Nagprotesta sa harapan ng Rizal Medical Center sa Pasig City ang mga heath workers at ilang non -government organizations (NGOs) bilang pagtu- tol sa napipintong pagsasapribado ng nasabing hospital. Jhay Chavez ZsaZsa Padilla mahirap makapag-move on Oras ng pagkamatay ni Dolphy, lumabas sa 3-Digit Lotto sa ‘Tate PIOLO PASCUAL ‘FINANCIAL FREEDOM FIGHTER’ Kasambahay ni Marquita Quizon panalo ... SHOWBIZ PAHINA 6 SHOWBIZ PAHINA 8 SHOWBIZ PAHINA 7 SHOWBIZ PAHINA 8 Annabelle Rama ‘Persona Non Grata’ Vilma Santos personal choice si Kim Chiu Kim Chiu SHOWBIZ PAHINA 6 KRISTOFFER MARTIN-BEA BINENE LOVETEAM BAGONG PUTAHE? SHOWBIZ PAHINA 8 Annabelle Rama

Upload: peter-allan-mariano

Post on 04-Dec-2014

1.549 views

Category:

News & Politics


13 download

DESCRIPTION

P.S.S.S.T. Politics Showbiz Sports Scandal Tsismis. TUESDAY July 17, 2012. Visit the website at: http://www.pssst.com.ph and join us at Facebook http://www.facebook.com/Politics.Showbiz.Sports.Scandal.Tsismis

TRANSCRIPT

Page 1: PSSST July 17 2012 issue

Lasing na Jason Kidd, arestado

HOLLYWOOD BITZ MADONNA IDEDEMANDA NG ISANG POLITICAL PARTY+MILEY CYRUS•ARETHA FRANKLIN

MARTES • HULYO 17, 2012

PULITIKA • SHOWBIZ • SPORTS • SCANDAL • TSISMIS

www.pssst.com.ph

Vol. I No. 138P10

No.1

ISSN-

2244

-059

3

Beteranong senador nahatak ni misis sa pagpapabatak

1$ = P42.071

KAPIT-BAHAY MO, I-BLIND ITEM MO! TSISMISPAHINA 12

Pumatol sa dayo pero bigong makaeskapo ng ‘Pinas

Lotto Results • 6/55 GRANDLOTTO 48 19 46 27 20 40 6/45 MEGALOTTO 16 22 03 34 35 27

SPORTSPAHINA 10

TSISMISPAHINA 12

FRUSTRATED MURDERVS ANNABELLE RAMATablado sa ASEAN, Pilipinas sa UN tatakbo NEWS

PAHINA 4

TODAY’S WEATHERScattered thunderstorm 32°C

2 Pinoy billiard players ‘in’ sa 2012 Guinness World Series of PoolSPORTS PAHINA 11

SHOWBIZ PAHINA 9

PULITIKAPAHINA 2

Nagmilagro para makapasa TSISMISPAHINA 12

TUTOL SA PAGSASAPRIBADONagprotesta sa harapan ng Rizal Medical Center sa Pasig City ang mga heath workers at ilang non -government organizations (NGOs) bilang pagtu-tol sa napipintong pagsasapribado ng nasabing hospital. Jhay Chavez

ZsaZsa Padilla mahirap makapag-move on

Oras ng pagkamatay ni Dolphy, lumabas sa 3-Digit Lotto sa ‘Tate

PIOLO PASCUAL ‘FINANCIAL FREEDOM FIGHTER’

Kasambahay ni Marquita Quizon panalo ...SHOWBIZPAHINA 6

SHOWBIZPAHINA 8

SHOWBIZPAHINA 7

SHOWBIZPAHINA 8

Annabelle Rama ‘Persona Non Grata’

Vilma Santos personal choice si Kim ChiuKim

ChiuSHOWBIZPAHINA 6

KRISTOFFER MARTIN-BEA BINENE LOVETEAM BAGONG PUTAHE?

SHOWBIZPAHINA 8

AnnabelleRama

Page 2: PSSST July 17 2012 issue

PULITIKA MARTES • HULYO 17, 20122www.pssst.com.ph

Frustrated murder vs Annabelle Rama

Ang kaso ay nagbunsod ng umano’y panunugod ni Rama kay Alcid sa burol ni comedy king Dolphy sa The Heritage Park sa Taguig City noong Biyernes.

Sinabi ni Alcid na nagngingitngit siya sa nangyaring panunugod umano ni Rama sa kanya.

“We went there para sa last respect kay Tito Dolphy. Hindi ako pwedeng utusan kahit ng isang Amalia Fuentes para gawin ‘yun,”depensa ni Alcid para pasinungalingan ang alegasyon ni

Rama na inudyukan ang entertainment columnist ng mga katunggali para bang-gain ito.

“Tumalikod ako, I did not say na “p” ang umpisa... Ang ginawa niya, hinampas niya ako tapos nagsisigaw siya. Tumakbo ako pero hinabol niya pa rin ako, kinuha niya ‘yung baston,” salaysay pa ni Alcid patungkol umano sa nangyaring kaguluhan sa burol ng hari ng komedya.

“’Wag kang magsinungaling An-

nabelle kasi recorded ‘yun ng video at maraming witnesses doon. Lumulusot ka lang na ako ang nag-provoke. Pano ko magpo-provoke, may dalawang body-guard, si Eddie Gutierrez nasa tabi mo,” dagdag pa nito.

Idinagdag pa ni Alcid na labis ang kahihiyang naramdaman niya matapos ang insidente kaya’t natulala sya at nag-iiyak matapos ang eksena sa pagitan ni Rama.

PSSSTnewswires

TUTULUYANG asuntuhin ng entertainment columnist na si Chito Alcid ng kasong frustrated murder ang kontroberysal na talent manager na si Annabelle Rama.

IBP may sariling criteria para sa

SC chief

PINAKAKASTIGO ng Palasyo ng Malakanyang sa Department of Interior and Local Government(DILG) sa pangu-nguna ni Sec. Jesse Robredo kaugnay sa umano’y pagpapakain ng papel ni Davao City Vice Mayor Rodrigo Duterte sa isang may kaso ng swindling.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, bumuo na ng fact finding body si Sec. Robrero kaugnay sa alegasyon laban kay Vice Mayor Duterte.

“I’m pretty confident that the DILG will be getting its hands on that and will include it in its fact-finding investigation,” pahayag ni Valte.

Nana dito ay nagpaliwanag si Duterte na binigyan lamang niya ng leksyon si Gabas, na taga-Bohol na dumayo sa Davao upang mangikil kaya pinanguya niya ito ng chewing gum.

Matatandaang dinalaw ni Duterte sa Talomo Police Station ang suspek at tinanong kung bakit ginamit nito ang selyo ng opisina ng vice mayor upang ipalabas na may pahintulot siya sa nasabing panlilinlang at pangingikil.

Galit na galit ang bise alkalde na hinarap ang sus-pek na ipinanguya umano ang pekeng dokumento.

Nagpakilala si Manolito Gabas na umano’y lider ng Veterans Legionaries of World War of the Walter Cushing Guerilla Unit, Incorporated at presidente raw ng Ambassador for Christ of Don Alejandro San Pedro Foundation.

Napaniwala nito ang mga residente na binaha noon sa Arroyo Compound, Brgy. 74-A, Matina Crossing na maaari nilang angkinin ang mga bakan-teng lupa sa Davao.

Kaugnay nito kinasuhan na rin si Gabas ng pandara-ya o falsification, estafa, committing trouble, alarm and scandal at marami pang mga kaso. Rogine Rogelio

Duterte pinakakastigo ng Palasyo

KINUMPIRMA kahapon ng Department of Energy (DOE) ang napipitong pagtataas na naman sa singil sa kuryente sa susunod na buwan ng Agosto.

Ang pagtataas sa kuryente ayon kay DOE Undersecretary Ina Asirit ay bunsod ng gagawing maintenance shutdown ng Malampaya Naturagl Gas Field, na nagsu-supply sa tatlong pangunahing powerplants sa Luzon.

Ang pagtaas ayon pa sa DOE ay hindi bababa sa P1.00 kada kilowatt hour.

Maliban sa nakaambang pagtaas sa enerhiya ay asahan na rin ayon s DOE ang pagtaas din sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayon namang linggo.

Mula P0.60 kada litro ng regular gasoline at P0.30 sa kada litro ng diesel ang ipatutupad na pagtataas.

Ang nakaambang pagtaas sa presyo ng langis ay dulot umano ng pag-taas sa presyo ng imported na krudo na dala na rin ng tensyon sa Iran at

Norway na pangunahing supplier ng langis ng bansa. Patricia Oamil

Piso kada kilowatt na taas sa kuryente sa Agosto

MAY sariling criteria na ipatutupad ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) kaugnay sa pagpili ng susunod na Supreme Court chief justice.

Ito ang kumpirmasyon ni IBP Pres. Roan Libaros kasabay ng pahayag na magsasagawa sila ng konsultasyon kasama ang ilang legal luminaries at retired justices sa kanilang IBP building sa lungsod ng Pasig hinggil sa ikakasang criteria o panuntunan.

Ang konsultasyon ay isasagawa para malaman ang saloobin ng mga stakeholders at masalang mabuti ang susunod na ma-mumuno sa kataas-taasahang hukuman.

Sa sandaling makapaglatag ng criteria ay isusumite nila ito ng IBP sa Judicial and Bar Council (JBC). Patricia Oamil

ISANG malaking fishing fleet ng China ang dumating sa pinag-aagawang Spratly Islands kasabay ng tensyon sa West Philippines Sea.

Sa kasalukuyan ayon sa state news agency ay nasa Yongshu Reef ang 30 fishing vessels ng China na nagmula sa Hainan province.

Kabilang sa 30 fishing vessel ang 3,000-tonne supply ship at patrol vessel na magbibigay daw proteksyon sa kanilang mga barko.

Ayon sa Beijing, mangingisda ang barko nila sa nasa-bing bahagi ng karagatan, sa loob ng lima hanggang 10 araw.

Ang pagdating ng mga barko ng China sa Spratly Is-lands ay halos kasabay ng pag-alis ng naval frigate nito na sumadsad malapit sa Palawan.

Julie Santiago

Spratly pinosisyunan ng 30 fishing vessels

ng China

NAGMISTULANG tourist spot nga-yon ang The Heritage Park sa Taguig City kasunod ng libing ng comedy king na si Dolphy.

Isang araw lamang matapos na maihatid sa huling hantungan ay nabatid na maraming fans at kilalang mga personalidad mula sa pulitika at showbiz ang nagsadya para dumalaw sa puntod ni Dolphy.

Marami rin ang nagpakuha ng larawan mula sa labas at loob ng Heritage Park na galing pa sa iba’t-ibang mga lugar sa Metro Manila at mga karatig na lalawigan.

Sa record ng Philippine National Police, umaabot sa higit 15,000 katao ang bumuhos sa Heritage Park sa loob lamang ng apat na araw na burol ni Pidol. Ira Corvera

Libingan ni Dolphy naging tourist spot

PALAYAIN!Nagpiket ang mga miyembro ng grupong Selda sa harapan ng De-partment of Justice (DOJ) sa Maynila upang igiit ang pagpapalaya sa mga political prisoners sa iba’t ibang detention centers sa bansa. Jhay Chavez

Page 3: PSSST July 17 2012 issue

NEWSMARTES • HULYO 17, 2012 3 www.pssst.com.ph

NAG-PANIC ang mga sumasakay sa LRT sa Cubao matapos matagpuan dito ang isang granada kahapon.

Inaalam na ng mga awtoridad kung ano ang motibo at kung sino ang responsable sa pag-iwan ng MK2 fragmentation grenade sa ilalim ng Light Rail Transit (LRT)-2 sa Araneta-Cubao terminal dakong alas 2 ng hapon.

Gayunman, hindi rin isinas-antabi ang kapal ng tao sa lugar kung saan ay maraming shopping malls, bus terminals at concert venue na dahilan upang iwan dito ang naturang granada.

Malaki naman ang pasalamat ng publiko dahil agad itong naialis ng bomb disposal team na posib-leng lumikha ng malaking pinsala. JM Castro

Commuters nagpanic sa granada sa LRT

HINDI totoo ang kumakalat ngayon sa iba’t ibang social networking sites na “Anti-Rama Bill” o pag-babawal sa tv personality na si Annabelle Rama na magpunta o bumisita sa lamay at libing ng kahit na sinong personalidad.

Ito ang kinumpirma ng kinumpirma ni House Secretary-General Marilyn Baura-Yap kahapon.

Ayon kay Yap, walang LAMAY Party-list o mambabatas na nagngangalang Danilo Pasion na nakarehistro at wala ring naghain ng naturang panukala sa Kongreso.

Gayunman, naaliw naman umano ang mga facebook at twitter users sa naturang alingasngas.

“There will be an “Anti-Rama Bill” wow!” ayon kay Twitter user Tobey Pace.

Matatandaang naalarma ang mga tao sa pagwawala ni Rama sa gitna ng burol ni Dolphy sa Heritage Memorial Chapel sa Taguig City noong Hulyo 13 ng gabi habang sinusugod ang showbiz columnist na si Chito Alcid na umano’y nagsusulat ng mga negatibo tungkol sa talent man-ager at sa anak na si Ruffa.

Una umanong lumabas ang balita tungkol sa Anti-Rama Bill sa news website na So What’s News na nagdedetalye ng panukala kabilang ang mga parusa sa mga lalabag sa nabanggit na bill. Honey Rodriguez

NAGTATAKA umano si Senador Panfilo Lacson kung paanong ang mga nahuhuling kolorum na sasakyan ay nakakabiyahe pa rin.

Ito ang naging saloobin ni Lacson sa isang pagtitipon sa Diamond Hotel, Maynila kahapon.

“Hindi ko maintindihan talaga kung bakit nakakabiyahe pa ang mga nahuhuling kolorum. Bakit inire-release? Hindi ko mahagilap talaga ang rason nito,” pahayag ni Lacson.

Nagpaliwanag naman si Metro Manila Development Au-thority (MMDA) Chairman Francis Tolentino na hindi nila saklaw ang mga nahuhuling kolorum na pumapasad pa rin.

“After 4 to 6 months ho kasi ay nakakatakbo na ang mga kolorum. Ang karamihan po ngayon sa mga kolorum ay mga AUV vans. Nagpa-file kasi sila ng mga applications. Tapos ginagamit nila ito para makalabas ang mga bus. Iniikot-ikot ito nila sa mga buses na naka-impound”, reakyon naman ni Tolentino.

Dagdag pa nito, dumadami umano ang mukha ng kolorum. Meron mga legit franchise na sobra sobra ang mga authorized number of buses. Meron ding mga kambal plaka, mga plakang binabalutan ng sari-saring mga advertisement.

Nag-imbita rin si Tolentino na bisitahin ang kanilang impounding area nang makita ang mga bagong units na wala namang mga linya. Mayroon din umano silang mga nahuhuling mga driver na may 60 kaso ng aksidente pero nakapagmamaneho pa rin.

Nagmungkahi ang senador na dapat ay kinakansela na ang mga prangkisa ng mga repeat-offender dahil paulit-ulit lamang ang mga ito sa mga paglabag na ginagawa.

“Napakarami silang paraang ginagamit. Nagpapalit ng makina. Nagpa-file ng applications para makabiyahe na. LTFRB regulations allow them to ply their applied for routes.Yung mga bilang ng franchise holders – isang tao, may limang prangkisa. Hindi ho namin alam kung papano pa nagiging economically viable ang negosyo nilang ito sa transport,” dagdag pa ni Tolentino.

Ayon pa kay Tolentino, nakikipagtulungan naman umano ang Philippine National Police (PNP) sa kanilang ahensya upang tugunan ang naturang problema. Honey Rodriguez

Lacson nahiwagaan sa kolorum

Ang Anti-Phishing o House Bill 6199 na inihain nina Representa-tives Mariano Michael Velarde, Jr. at BUHAY party-list Rep. Irwin Tieng ay naglalayong labanan ang pagkuha ng mga personal na impormasyon sa pamamagitan ng masquerading bilang isang mapagkakatiwalaang entity sa electronic communication.

Hangad ng naturang panukala na bantayan at ingatan ang mga personal na impormasyon tulad ng mga user-name, password, bank account number

at mga detalye ng credit card na gina-gamit sa panloloko o pakikilahok sa mga iligal na negosyo at paggamit sa katauhan ng ibang tao.

Ang sinumang mapatutunayang lalabag sa nasabing batas ay mapapa-tawan ng 12 taong pagkakabilanggo at multa ng P200,000.

Sa kasalukuyan ay may dalawang anti-cybercrime bills na nakabinbin sa Kamara. Una ay ang Senate Bill 2796 o “An Act Defining Cybercrime, Providing for Prevention, Investigation

and Imposition of Penalties Therefore and For Other Purposes,”. Pangalawa ay ang House Bill 5808 o “An Act Preventing Cybercrime, Providing for the Prevention, Suppression and the Imposition of Penalties Therefor and for Other Purposes”.

“Currently, these bills merely define and penalize cybercrimes in general. The intent of this measure is to specifically define and penalize Phishing in the Philippines,” pahayag ni Velarde. Honey Rodriguez

Anti-Phishing Bill pinapaapura na

PINAAAPURA na ng ilang mga mambabatas ang mabilis na pag-aamyenda sa “Anti-Phishing Bill of 2012” bunsod ng lumalalang mga iligal na gawain sa internet sa bansa.

Anti-Rama Bill, ‘kuryente’ lang

MALIBAN sa napipintong pagtaas ng singil sa kuryente ay magtataas din uma-no ng bayarin sa tubig ang Maynilad.

Ito ay matapos aprubahan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang dagdag sa singil sa tubig partikular ang foreign currency differential adjustments ng mga concessionaire nito na Manila Water Co. at Maynilad Water Services Inc.

Epektibo ang nasabing implementasyon sa darating na buwan ng Setyembre.

Sinabi pa ng Maynilad na ang paggalaw sa presyo ay dulot ng pagtanggal ng P1.00 diskwen-to kada cubic meter sa mga lifeline consumer o ang mga kumukonsumo ng mas mababa sa 10 cubic meters.

Partikular na tatamaan ng dagdag-singil ang Metro Manila at ilang karatig probinsya.

Sa bahaging silangan, itataas ng Manila Water ng P4.00 ang singil sa mga komokunsumo ng 20 cubic meters at P9.00 naman sa 30 cubic meters habang sa kanlurang bahagi na hawak ng Mayni-lad ay may dagdag na P0.89 kada cubic meter.

Dagdag na P19.00 sa mga 20 cubic meters kada buwan ang konsumo at P27.95 naman na dagdag sa umaabot ng 30 cubic meters ang kon-sumo. JM Castro

Singil sa tubig tataas din

KALABOSO. Nasakote ang mga hinihinalang drug pusher na sina Elisa Tinga Raquel alyas Ely, Andrea Escalante Roblon at Daniel Datinggaling Viray alyas Dan sa ginawang buy-bust operation sa kahabaan ng Kalayaan St., Ususan, Taguig City kahapon. Nakuha mula sa kanila ang perang umaabot sa halagang limangdaang libong piso. Jhay Chavez

Massacre suspects pwede pang bumotoPUWEDE pa rin umanong makapagparehistro para makaboto sa 2013 midterm elections ang mga suspek sa madugong Maguindanao massacre noong 2009.

Ayon kay Comelec Commis-sioner Rene Sarmiento, sa ilalim ng Resolution No. 9371, pinapaya-

gan umano ang mga detainees o mga taong kasalukuyang nakabi-langgo na magakapag-parehistro sa kanilang mga detention centers.

Bagama’t sangkot umano ang mga ito sa karumal-dumal na kaso, ipinaliwanag ni Sarmiento na nanatili pa rin silang mga akusado hangga’t wala pang pinal na res-olusyon ang korte. JM Castro

Page 4: PSSST July 17 2012 issue

NEWS MARTES • HULYO 17, 20124www.pssst.com.ph

Ang pagkabigong pagposisyon ng ASEAN para maglabas ng joint statement ay bunsod ng ginawang pagharang ng Cambodia.

Nauna dito ay nagpahayag ng kumpi-yansa ang gobyerno ng Pilipinas sa pama-magitan ni Foreign Affairs Spokesman Atty. Raul Hernandez na mareresolba ang problema sa pagitan ng China kapag nag-kaisa ang ASEAN pero hindi ito nangyari.

Dahil sa pagkabigo sa mga kasamahan sa ASEAN, umaasa ang opisyal ng DFA na sa pamamagitan ng UN ay makakakuha ang bansa ng kaukulang proteksyon ng teritoryo at soberenya.

Ang posisyon ng Cambodia sa China ay hindi na umano bago pero ito umano ang kauna-unahang pangyayari sa kasay-sayan ng ASEAN.

Samantala, sa kabila ng pagkabigo ng ASEAN na maglabas ng pahayag tungkol sa alitan sa West Philippine Sea ay hindi

umano nito mapipigilan ang Pilipinas sa pagsusulong na magkaroon ng Code of Conduct, ayon sa Malacañang.

Ayon kay deputy presidential spokes-person Abigail Valte, itutuloy pa rin ng Pilipinas, kasama ang mga kapwa miyem-bro nito sa ASEAN ang pagsasakatuparan ng Code of Conduct at maresobla na rin ang ilang isyu.

“The Philippines will continue to work with ASEAN member countries on the Code of Conduct. And hopefully we will be able to hammer out some of the contentious issues that were discussed in the past forum,” pahayag ni Valte sa isang panayam sa dzRB radio.

Idinagdag pa ni Valte na hindi pa rin mababago ang pakikitungo ng Pilipinas sa Cambodia, kasalakuyang pinuno ng ASEAN at ang umano’y pumigil sa pag-lalabas ng kasunduan.

Ira Corvera

Tablado sa ASEAN, Pilipinas sa UN tatakbo @GLOBAL PINOY

ni Rommel Valle

Na-trap na mga Pinoy sa Syriawala nang makain

NAGPAPASAKLOLO sa gobyerno ang isang ina ng na-trap na overseas Filipino worker (OFW) sa Syria dahil wala na umanong makain ang mga ito.

Ayon kay Edna Lapaza ng Buenavista, Agusan del Norte, isinalaysay umano sa kanya ng anak na si Juliet Lapaza, 38-anyos, nang makausap sa cellphone na wala na silang makain sa bahay ng kanyang amo sa Damascus.

Kaya maging ang pagkain umano ng kanilang alagang pusa ay pinapatos na nila malamnan lamang ang tiyan at huwag mamatay sa gutom.

Nabatid pa na maliban kay Juliet ay may isa pang Pinoy itong kasama na mula naman sa Davao.

Hindi rin umano sila makalabas ng bahay dahil sa dami ng guwardiyang nakapalibot sa

kanilang tirahan bukod pa sa sarado na ang karamihan sa mga tindahan dahil sa takot na madamay habang ang iba naman ay lumikas na.

Inabandona na rin umano sila ng kanilang mga amo na lumipad na pa-Amerika. Ang amo ng dalawang Pinoy worker ay napag-alamang first cousin ni President Bashar al-Assad.

Bunsod ng abang kalagayan ng anak ay umaapela ang ginang sa mga kinauukulan upang matulungan ang mga ito sa lalong madaling panahon.

Kung matatandaan, patuloy na umiigting ang kaguluhan sa Syria

at patuloy sa paglobo ang bilang ng mga namamatay dahil sa sagupaan ng mga rebelde at security forces ng Syrian government.

ISANG matandang Pinay domestic helper ang inaresto at ikinaboso dahilan sa pakikisangkot diumano sa iligal na pasugalan sa Kuala Belait, Brunei Darussalam.

Nabatid sa ulat na dinakma ang 54-anyos na Filipina maid na pinagsususpetsahang dawit sa illegal na pasugalan.

Kasunod ng pagkakaaresto ay binitbit ang Pinay maid sa Criminal Investigation Department (CID) ng Belait District.

Nang bulagain ang bahay na kinaroroonan ay

nakumpiska sa Pinay ang noo’y hawak pa nitong isang betting slip sa kanyang tinutuluyan sa Panaga Seria residential area nakaraang linggo.

Bukod sa betting slip ay nasabat din sa Pinay maid ang libro na may lottery numbers, panulat at mga calculator, gayundin ang koleksyon ng taya sa illegal gambling.

Dahil sa kinakaharap na asunto ay ikinalabo-so ang Pinay pero kagyat ding nakalaya matapos na maglagak ng piyansa sa korte.

Sumideline na Pinay maid kalaboso sa Brunei

Pinay DH kinasuhan sa pagpapabaya sa alagaIPINAGHARAP ng kasong kasong ill treatment/neglect of a child under her care ang isang Pinay domestic helper sa Hong Kong.

Nabatid na kinasuhan ng employer ang Pinay na kinilalang si Lilibeth D. Molina dahil sa pagpapakain nito ng sobrang init na lugaw sa inaalagaang sanggol.

Gayunman, mariin itong itinanggi ng 34-an-yos na Pinay kaya’t naghain ng not guilty plea sa nangyaring pagdinig sa kinakaharap na kaso.

Ipinaliwanag ng Pinay nang humarap ito sa husgado na hindi niya matantiya ang temperatura ng isusubong pagkain sa sanggol dahil hindi

naman siya pinapayagan na ito ay matikman at hindi rin pinahihipan.

Inakusahan ang Pinay DH na sinubuan diumano nito ng mainit na lugaw ang siyam na buwang gulang na sanggol na inaalagaan nito sa Chai Wan restaurant noong Hulyo 5.

Sa salaysay ng nagreklamong amo, mayroon umanong “temperature indicator” ang kutsara ng anak na nagpapakita kung gaano kainit ang isusubong pagkain kaya’t wala umanong dahilan para sabihing hindi nito alam na mainit ang isinubong pagkain.

NAKATAKDANG iakyat ng gobyerno ng Pilipinas sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) ang isyu sa territorial dispute sa Scarborough Shoal at West Philippine Sea matapos na mabi-go ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na makapag-palabas ng posisyon o joint communique kaugnay sa territorial dispute hinggil sa nasabing isyung kinasasangkutan ng Pilipinas at China.

INIHAYAG kahapon ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na kukum-pirmahin pa nito ang ulat na nangangailangan ang Taiwan ng 8,000 mangingisda.

Ayon kay POEA Administrator Hans Leo Cacdac, kailangang makita muna ng ahensya ang job order ukol sa pangangailangan sa libu-libong mga mangingisda ng Taiwan bago ilarga ang recruitment.

Paliwanag ng POEA administrator, karaniwan

aniyang nakapagpapadala ng mga mangingisdang Pinoy sa Taiwan pero kailangan munang tiyakin kung may job order ang kanilang papasukan bilang proteksyon sa mga kababayang gustong magtrabaho sa ibang bansa.

Matatandaang ibinalita ni Pilipino Manpower Agencies accredited to Taiwan o Pilmat President Jackson Gan na nangangailangan ang Taiwan ng nasa 8,000 mangingisda at plano nitong kumuha sa Pilipinas.

Wanted na 8,000 mangingisdasa Taiwan, kaklaruhin

UMABOT na sa 112 ang naiulat na nasawi nito pa lamang buwan ng Hunyo dahil sa hand, foot and mouth disease sa China.

Bunsod ng malaking bilang ng mga na-sawi ay umalerto ang Ministry of Health .

Nabatid pa na ang mahigit isandaang mga biktima ay mula lamang lalawigan ng Hunan.

Base sa tala ng Ministry of Health nasa 381,000 kaso ng HFMD ang kanilang naitala sa buong China, mas mataas sa

kaso ng HFMD na naitala noong Hunyo ng nakaraang taon.

Kasabay nito ay nagpalabas ng warning ang mga lalawigan ng Gansu, Fujian, Ji-angsu at Xinjiang kaugnay sa nasabing sakit.

Maging ang lokalidada ng Hunan ay nanawagan na rin sa mga residente ng na-sabing lalawigan upang agad na kumun-sulta kung nakakaramdam ng sintomas ng pagkakaroon ng HFMD upang maagapan.

Rommel Valle

HFMD sa China, 112 na ang patay

PROTESTAMaging ang mga dayu-hang kasapi ng grupong SELDA ay nakiisa sa demonstras-yon para hilingin ang pagpa-palaya sa mga politi-cal detainees sa bansa.

JhayChavez

Page 5: PSSST July 17 2012 issue

MARTES • HULYO 17, 2012 5 www.pssst.com.ph/beta OPINYONDOE, spokesman ng oil companies?

NOONG nakaraang linggo, napagtibay ang koalisyon sa pagitan ng Liberal Party ng administrasyon at Nacionalista Party ni Senator Manny Villar.

Aminado ang LP na nahihirapan sila na mabuo ang 12-man senatorial slate ng administrasyon.

Dahil dito, may mga kandidato ang LP na magmumula sa NP at nakatakda ding makipag-koalisyon ang administration party sa Nacionalist People’s para mabuo

ATTY. TRIXIE CRUZ-ANGELESPublisherMANUEL TRIA AUNManaging Editor

Disclaimer: Ang mga opinyon o artikulo sa pahayagang ito ay personal na pananaw o ginawa ng mga may akda at hindi inaaako ng PSSST editorial team, publisher o managers. Hindi kinakatawan ng PSSST board ang mga nakasulat at hindi gumagarantiya sa pinagmulan ng mga balita at kawastuhan nito kabilang ang mga pahayag, balita, pitak, komentaryo, litrato, cartoons, payo, at iba pang impormasyon.

Tru-Brew Media, Inc. 259 15th Avenue, Cubao, Q.C.Tel: 7107416e-mail: [email protected]

VIC SOMINTAC

PAG-USAPAN

NATIN

Sana lang ...

MILKY B.RIGONAN

BYLINES

Sana sa susunod na magkaroon muli ng sunod-sunod na rollback sa presyo ng langis ay maging mabilis naman ang aksyon ng LT-FRB para direktang makinabang at makatikim din ng kaunting kaginhawahan ang mga mananakay mula sa masang Pilipino.

MISMONG ang Department of Energy (DOE) pa ang nauunang mag-anunsiyo ngayon sa publiko na magkakaroon na naman daw ng pagtataas sa presyo ng produktong petrolyo dahil sa paggalaw ng presyo nito sa world market.

Ayon kay Energy director Zeny Mon-sada, maaaring 60 sentimos ang itataas sa gasoline at 30 sentimos sa diesel batay sa kanilang computation.

Ang linyang ito ng DOE ay tila gusto na agad ikondisyon ang isipan ng publiko

na tataas ang presyo ng produktong petrolyo na mas maganda `di ba kung hintayin na lang ang aktuwal na pang-yayari.

Nagmumukhang tagapagsalita pa ang DOE ng mga oil company dahil inuunahan pa nito ang anunsiyo sa halip na pakalmahin ang taumbayan sa pama-magitan ng pagbibigat ng babala sa mga kumpanya ng langis na tiyaking maayos at hindi sobra ang oil price hike.

Tila mababalewala rin ang mga serye ng oil price rollback dahil babawiin din ito ng mga kumpanya ng langis.

Ang pinakamasaklap nito ay mala-mang na madidiskaril ang petisyon na naglalayong magpatupad ng rollback sa pasahe sa mga jeepney at bawas sa flag-down rate sa taxi dahil muli na namang

tumataas ang presyo ng produktong petrolyo.

Masyado kasing mabagal gumalaw ang LTFRB sa pag-aksiyon sa mga rollback sa pasahe na naabutan na naman ngayon ng oil price hike.

Kawawa naman ang mga mananakay dahil matagal nang hinihiling na bumaba naman ang singil sa pasahe para matik-man din nila ang pagbaba sa presyo ng produktong petrolyo.

Parang ang nakinabang lang dito ay ang mga mayayaman din na nagmamay-ari ng mga sports utility vehicle (SUV) na malakas magkonsumo ng gasoline at diesel dahil sa rollback ng presyo ng mga oil companies.

Walang naging pakinabang ang masang Pilipino dahil kahit bumaba ang

presyo ng gasoline at diesel ay hindi rin bumagsak ang presyo ng mga panguna-hing bilihin sa bansa.

Isa pang mabigat na pasanin ngayon ay ang pagdadagdag din sa singil sa kur-yente na ipatutupad ng Manila Electric Company na tiyempo pa naman sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangu-long Noynoy Aquino.

Sa inyong reaksiyon o impormasyon ay maaaring mag-email sa [email protected] at laging makinig sa radio station DZXL RMN 558 kHz sa ating programang TAUMBAYAN NAMAN 8:30-10:00 ng umaga Lunes hanggang Biyernes at manood sa TV station NET 25 sa newscast natin sa MATA NG AGILA 6:00-7:00 ng gabi Lunes hang-gang Biyernes.

ang 12-man senatorial slate.Marami kasi ang tumaas ang kilay

nang aminin ng Palasyo na mismong si Pangulong Noynoy Aquino ang nag-initiate ng meeting kay Villar, Presidente ng NP.

Matatandaang halos magbatuhan ng putik ang magkabilang partido noong kasagsagan ng presidential campaign noong 2010.

Batuhan ng mga alegasyon…at ang pinaka-negatibo at nakasisira sa kandi-dato ang pinapuputok sa media.

Sa mga bangayan ding ito na-concep-tualized ang bansag na “Villarroyo”, C-5 controversy, kalagayan ng mental health ng isang kandidato at kung anu-ano pa.

Pero `ika nga, it’s all water under the

bridge.Depensa ng Malacañang nang ku-

westiyunin ang pakikipag-alyansa ng LP sa NP, “we have to move on”.

Ayon kay Budget Secretary Butch Abad, isa sa mga stalwarts ng LP, “If there have been differences in the past, those are the past already. The fact that they have been allied will be tested in the future”.

Minsan pang napatunayan na pagda-ting talaga sa pulitika, there’s no perma-nent friends, only permanent interests”.

Sana lang, ang pagsasanib puwersa ng malalaking political parties ay hindi lang nagsisimula kapag nalalapit ang eleksi-yon at nagtatapos kapag naidaos na ang halalan.

Kung kayang magtulungan kahit mag-kakaiba ng partido, dapat suportahan ang gobyerno hindi lamang dahil nalalapit ang 2013 midterm elections.

Kung madali nilang kalimutan ang mga hidwaan noong panahon ng kam-panya, hindi pala mahirap na magkaisa para matulungan ang kapakanan ng mga mamamayan.

---Kunin ko lang ang pagkakataong

ito na magpasalamat sa maraming mga sumusubaybay sa himpilang DZRH. Salamat sa mga pagbati. Sa aming ika-73rd anniversary, patuloy kami sa paglilingkod sa pagbabalita.

Kung gagamitin ang koalisyon, huwag lang sanang isentro sa pulitika kundi upang maisu-long ang ekonomiya, maiangat ang kabuhayan ng mga mahihirap sa halip na puro bangayan,

maraming mamamayan ang magsasabi na hindi sayang ang taxpayers money.

Page 6: PSSST July 17 2012 issue

SHOWBIZMARTES • HULYO 17, 20126www.pssst.com.ph MARTES • HULYO 17, 2012 7 www.pssst.com.phEditor: Fernan De GuzmanAssociate Editor: Eric Borromeo

nag-provoke sa kanya. Kanya-kanya sila ng kuwento. Kanya-kanya silang depensa sa iskandalong nangyari.

Para malaman kung sino ang nagsasabi ng totoo, panahon na para magsalita ang mga witness sa pangyayari para matapos na ang lahat at para malaman na kung sino ang nagsisinungaling.

I just wonder kung bakit hanggang ngayon ay wala pa ring hinto si Tita Anabelle sa walang kata-pusang panlalait sa kanyang kalaban? Akala ko ba nakademanda na ang mga kalaban niya sa Cebu?

Siguro, tama na. Paulit-ulit na lang. Nagiging karnabal na ang buhay ni Tita Anabelle sa sunod-sunod na isyu sa kanya.

Akusasyon pa ni Anabelle kay Chito, “Bayaran ka. Hindi ka nga kinampihan ni Amalia ng matumba ka! Akala ko maka-Diyos ka. May ni-rape ka na 18 years old na janitor sa Dusit Hotel. Na nang mahuli ka, ginamit mo pa ang pangalan ko.”

Kung saan hahantong ang bangayang ito? Mukhang mahaba-haba pa ito.Ang tawag pa ni Tita Anabelle kay Amalia: “Laos ka na!” ‘Kaloka! Basta pangako ni Tita Anabelle, “Hindi na ako papatol sa mga walang pangalan!”

--------oOo-------MABUTI naman at nagkabati na sina Gretchen Barretto at Nadia Montenegro sa lamay ni Mang

Dolphy. After almost three years na dedmahan.Nagsimula ang gap ng dalawang magkaibigan nang ma-link ang pangalan

ni Greta kay Dody Puno na ang sabi ay si Nadia raw ang nagpasimula ng tsismis. Ang ikinaloka ni Greta, walang katotohanan ang tsismis dahil “sila” pa rin ni Tony Boy Conjuangco at ayaw niyang masira ang pagsasama nila.

Pero sa lamay ng Hari ng Komedya, ang dating magkaaway ay nagbati. Patunay lang na magandang vibes ang hatid ng pagyao ni Tito Dolphy

--------oOo-------PASINGIT: ‘Kaloka si Alfred Vargas, nakisawsaw sa pagkamatay ni Mang Dolphy. Sana noon pa niya binigyang halaga ang King of Comedy... Natuwa kami kay Batangas Gov. Vilma Santos. May alias siyang gamit sa kanyang Twitter account para hindi siya makilala ng mga fans niya. Halos everyday ay nagbabasa siya ng mga tweet ng mga sinusundan niyang mga celebrities. Si Ate Vi, tsismosa talaga. Hahaha!

MARAMI ang nagtaka ng pumasok ang mag-anak na Ogie Alcasid at Regine Velasquez kasama ang anak na si Nate as official Sunlife’s Financial Endorsers last year dahil parang nabura sa listahan at nawala sa ere ang mga TV ads ni Piolo Pascual. Dahil ba ito sa mga intrigang hinarap ng Most Wanted Bachelor in Town?

Pwes, it is time to dispel the rumors, for Piolo is back in Sunlife with a bigger role! Siya na ang bagong Financial Free-dom Fighter at mega endorser ng nasabing company.

Naku, super galing ni PP sa kanyang participation during the product lunch, ipinakilala niya ang 5 Sun Short na directed by five new directors acquired by the company to make five new short films na magpapakita ng iba’t ibang mukha ng panga-ngailangan. Watch out for this Sun shorts sa inyong mga TV screens in the next few weeks dahil matutuwa kayo.

I was personally tasked to brief (literal sense) and direct Piolo during his portion of the show, hence, I had the opportunity once again to come up close and personal with the PP, and sure enough, Papa P remained humble, professional, charming and super bango!

So, kung anuman ang mga tsismis sa kanya, keber ko ba, basta ang mahalaga, convinced ako na kapag si Piolo nag-handle ang aking financial crisis, magkakaroon ako ng Freedom! Hahaha!

CHUTZPAH!RONNIE CARRASCO III

INTRIGA TO!

ROMMEL PLACENTE

ISA sa mga anak ng Comedy King na si Dolphy who flew in from the US to join her father at his sickbed until he passed away ay si Marquita Quizon.

Sa aming pagsasaliksik, Marquita nick-named Kit is the child of Tito Dolphy with his second partner. Naririnig na namin ang kanyang pangalan as we were schoolmates at the Saint Mary’s Academy in Pasay City. Sa Dian, Makati City umuuwi noon si Kit, but this much we knew about her.

To this day though, we are still in constant communication with her high school batchmates. Sa kanila ko nga ibinalita ang pag-uwi ni Kit mula sa Amerika noong medyo maselan na ang kalagayan ng kanyang ama sa ospital.

As Startalk TX writer assigned to the day-to-day stories about the revered icon, nakisuyo pa kami sa mga dating kaeskuwela ni Kit na kung puwede namin siyang mainterbyu. But of course, in deference to Eric Quizon, mula’t sapul ay tumayo na ang actor-director as the spokesperson of the family.

Nang yumao ang kanilang ama, it was then when Kit got herself more connected with her friends based here through Facebook, at the very least.

Isang magandang kuwento ang ibinahagi ni Kit tungkol sa kanyang kasambahay sa Amerika. Tumaya kasi ito sa lotto roon. Since we are not familiar with the numbers game in the US, parang sa mala-three-digit lottery nakipagsapalaran ang kasama ni Kit sa bahay.

Noong Martes, ganap na 8:34 ng gabi nalagutan ng hininga si Tito Dolphy sa ICU ng Makati Medical Center. Nirambol daw ng kasam-bahay ni Kit ang tatlong numerong ‘yon, tinayaan ang kumbinasyong 3-4-8.

Presto, nanalo ang kanyang taya! Sobrang ikinagalak ng housemate ni Kit ang kanyang pagkapanalo dahil hanggang sa kamatayan daw ng ama ng kanyang amo ay hindi nito ipinagkait ang biyayang maituturing niyang hulog ng langit, kung saan naroon na raw ngayon ang nag-iisang Hari ng Komedya.

BIRTHDAY ni Chito Alcid bukas. Mukhang ang aga ng regalong malas sa kanya sa nangyaring enkuwentro nila ni Anabelle Rama noong Biyernes sa lamay ni Mang Dolphy sa Heritage Park. In short, nasapol si Chito, and the rest is history.

Yesterday, ang agang gumising ni Chito para mag-guest sa Umagang Kay Ganda para magpaliwanag sa isyung nangyari. On the same day, live guest naman ni Korina Sanchez sa kanyang radio show sa DZMM si Tita Anabelle para magpaliwanag ng kanyang side tungkol sa pangyayari.

Sey ni Tita Anabelle, “Sabi ni Susan Roces at Kris Aquino, huwag nang patulan si Chito.”

Depensa pa niya, si Chito angt

HOY!RK VILLACORTA Dominic Roco hindi pa

rin kinakausap si Bembol

Vilma Santos personal choice si Kim Chiu

Gov. Vilma Santos may gamit na ‘alyas’ sa Twitter

‘Hindi na ako papatol sa mga walang pangalan!’

-Annabelle RamaCoRYTICoCORY CRISTE

Dalawang taon na ang nakalipas ...

Papa Chen

SABI ni Dominic Roco sa isang interview sa kanya, dalawang taon na raw silang hindi nag-uusap ng kanyang amang si Bembol Roco. Alam naman daw niya kung saan nakatira ang ama, kaya lang wala raw siyang plano na puntahan ito para kausapin.

Obvious na hanggang ngayon ay galit pa rin si Dominic sa ama dahil sa ginawa nitong pag-iwan sa kanila para sa ibang babae.

Samantala, may kasaling pelikula si Dominic sa 2012 8TH Cinemalaya, ang Ang Nawawala. Siya ang lead actor sa nasabing pelikula. Kasama niya rito ang kakambal na si Felix, na gumaganap bilang kanya ring kapatid at si Dawn Zulueta bi-lang kanilang ina. Ito ay ipapalabas sa CCP mula July 20-29.

-------oOo--------KUNG dati ay marami ang tumutuligsa kay Ejay Falcon na hindi raw marunong umarte, ngayon ay pinupuri na ang acting niya. Sa defunct series na Mundo Man Ay Magunaw ng ABS-CBN ay nagpakitang gilas sa pag-arte ang binata. At ang comment ni Ejay tungkol dito?

“Siyempre, masaya, kasi, may nakaka-appre-ciate na ng akting ko. And doon sa mga nagsabi noon na hindi ako marunong umarte, ‘yung mga tumuligsa sa akin dati, e ganoon po talaga sa umpisa. Pero ‘pag mahal mo naman ‘yung trabaho mo, matututo ka naman.

“And feeling ko dahil mahal ko ‘yung trabaho ko, unti-unti akong natuto. Kaya ngayon, kaya ko na,” sabi ni Ejay.

-------oOo--------NAKASAMA noon ni Nova Villa ang namaya-pang komedyante na si Dolphy sa sitcom na Home Along Da Riles ng ABS-CBN. Ayon sa kuwento ni Tita Nova, personal choice raw siya ni Tito Dolphy para sa role na Azon, ang kapitbahay ni Kevin (Dolphy) na may gusto sa kanya.

Touched nga raw si Tita Nova nang malaman niya ang tungkol dito. Kaya sobrang nagpapasal-amat daw siya kay Tito Dolphy.

Sa pagpanaw ng King of Comedy ay sobra itong dinamdam ni tita Nova. Naging close raw kasi talaga sila ni Tito Dolphy nung magkasama sila ng 15 years sa nasabing sitcom

-------oOo--------ISA rin si Alma Moreno sa nakarelasyon noon ni Tito Dolphy, kunsaan ay nagkaroon siya ng anak

Kasambahay ni Marquita Quizon panalo ...Oras ng pagkamatay ni Dolphy

lumabas sa 3-Digit Lotto sa ‘Tate!

LAST Sunday ay inihatid na sa kanyang huling hantungan ang nag-iisang Comedy King na si Dolphy at malungkot na idinaos ito ng kanyang pamilya at maging ng buong bansa.

Ang lahat ay nakatutok sa mga kaganapan mula sa Heritage Park sa Taguig kunsaan ginanap ang final rites to pay respect and commend a Filipino most-loved by a nation who believes in his laughter.

Sa pagitan ng mga oras na ito ay nagdaos ng sariling tribute ang ASAP ng Kapamilya para kay Tito Dolphy. All in white ay umawit ang lahat ng mga stars ng ASAP na talaga namang magpapatindig ng inyong balahibo dahil sa intensity ng emotion ng bawat singers na damang-dama ang respeto sa Hari ng Komedya.

Sa huli ay nag-alay ng dasal ang lahat sa pamumuno ni Gary Valenciano, which I personally feel, was the best part of the number dahil ibang klaseng magdasal at dumama ng bawat katagang papuri sa Panginoon si Gary V.

Ang aming personal na dalangin para sa Hari ang kanyang patuloy na kaginhawahan sa piling ng ating Lumikha at para sa kanyang pamilya ay ang mabilis na paghilom ng sakit na dulot ng kawalan.

Rest In Peace Tito DOLPHY!

--------oOo-------SA AMIN pong mga tagabasa, puwede rin po ninyong masundan ang aming mga kwentuhan at bali-taan tuwing Lunes hanggang Biyernes mula alas 11 hanggang alas 12 ng umaga sa DWIZ 882 kHz sa inyong mga radio dial. Bahagi na po ang inyong lingkod ng Wow! Ang Showbiz! na pinangungu-nahan ni Fernan de Guzman a.k.a. Ms. F at Chicha Laff.

Thank you rin po sa Renew Placenta na parating nagpapadala sa akin ng mga bleaching soaps and toners na talaga naman pong hiyang na hiyang ang aking balat.

Watch out din po sa nalalapit na PMPC Star Awards for Music on Sept. 9 and Star Awards for TV sa Nov. 18, 2012. Both star-studded events that will surely make your Sunday Night worth viewing!

‘White Tribute ng ASAP kay Mang Dolphy very emotional

Ejay Falcon marunong nang umarte?

KimChiu

Ejay Falcon

Vandolph Quizon

PIOLO PASCUAL ‘FINANCIAL FREEDOM

FIGHTER’

Rodolfo“Dolphy”

VeraQuizon

dito, si Vandolph Quizon. Ikinuwento ni Alma kung gaano katindi ang dinanas na hinagpis ng anak niyang si Vandolph nang mamatay ang ama. Sobrang close daw kasi ito kay Tito Dolphy.

“Sobrang close ‘yun. Mula nung baby si Van, nakita ko ‘yun, kung paano alagaan, kung papaano niya buhatin, kahit naka-Amerikana si Dolphy. Kasi ‘pag nagta-travel ‘yun palaging naka-suit. Kahit na nasa eroplano ‘yun, talagang kapag nagwawala si Van, hinehele niya.

“Hanggang ngayon na meron na kaming apo, lagi pa rin niyang kasama si Vandolph, mag-travel sa Hong Kong, kahit saan. So, puro ‘Papa’ siya, ‘Papa, Papa,’” kuwento ni Alma

Ang payo ni Alma kay Vandolph, kailangan nitong umiyak para matanggap ang pagkawala ng ama na siya namang ginawa ng anak.

Dominic Roco

Chito Alcid Annabelle Rama

Gov. Vilma Santos

ILANG taon ding inilambing ni Vilma Santos kay Direk Chito Roño na gawan naman siya ng isang suspense-horror film, a refreshing breather from all her movies na puro heavy drama ang tema.

Isang katuparan ng “hiling” na ‘yon ang The Healing, Ate Vi’s first legitimate suspense-horror film in his 50 years in the business.

A self-confessed Vilmanian, dalawang pelikula ang nagawa ni Ate Vi na may pagka-suspense, but not necessarily horror: ang Takbo, Vilma, Dali at Hatinggabi Na, Vilma. Sa sobrang mediocre nga ng mga pelikulang ‘yon, hindi namin maalala

kung sino ang mga nagdirek nun.Pero sabi nga, “magpinsan” ang variety at versatility. The more

an actor is able to take on and give justice to as many varied and various roles, the more versatile he becomes.

Finally, when Direk Chito had a ready script ay nakipag-ugnayan agad siya kay Ate Vi, who said “yes” to the project. As far as the Star Cinema staff was concerned, it made sure that Ate Vi would enjoy the free hand to choose whoever she wanted to appear in the film with, batay sa listahan ng mga young superstars sa bakuran ng ABS-CBN.

Without much thought, kaagad sininggel-out ni Ate Vi si Kim Chiu who—according to the actress-poli-tician—is “raw and fresh”. Ani Ate Vi, it is also her responsibility as an established actress to motivate her co-actors, raw and fresh at that.

Natutunaw naman sa hiya cum respeto si Kim who, when told by her handler about her next film assignment with Ate Vi, did not bother to ask about the details of the project. “Yes!” daw agad ang isinagot niya.

Piolo Pascual

Page 7: PSSST July 17 2012 issue

MARTES • HULYO 17, 20128www.pssst.com.phSHOWBIZ

Sa pagkawala ni Mang Dolphy ...

ZsaZsa Padilla mahirap makapag-move on

Rufa Mae Quinto nambitin ng shooting?!Ang pobreng si Jacky Woo pinaghintay ...

WALANG nagawa ang mabait na Japanaese producer na may pusong Pinoy na si Jacky Woo kung hindi hintayin ang co-star para sa kan-yang produced na pelikula, ang Ride To Love, na si Rufa Mae Quinto nang sa kasagsagan ng shoo-ting ay biglang nagpaalam ito na sandali lang mawawala para sa isang promo.

At dahil mabait talaga ang producer/actor, pinayagan nito ang komedyana para mapun-tahan ang natanguang guesting, pero ang ending ay 9 PM na raw ay hindi pa nakakaba-lik ng location si Rufa Mae. Kaya ‘yung mga eksenang dapat makunan ng araw na ‘yun ay hindi natapos at kailangan pang magkaroon ng pangalawang araw.

Kaya tsika ng kapatid sa panulat na naka-alam ng nangyari, “Ang mga artista, hindi na natuto. Kapag wala namang project, panay ang emote. ‘Kaloka!”

Pero kahit ganoon daw ang nangyari ay cool pa rin ang mabait na Japanese producer/ac-tor at hinintay na lang ang pagbabalik ni Rufa Mae. Pero hindi na naikuwento sa amin kung nakabalik pa ba ang komedyana o hindi na. ‘Yun na!

-------oOo-------MASAYANG-MASAYA ang tweenstar na si Kristoffer Martin dahil sa pagiging part niya ng second generation ng GMA-7 soap na Luna Blanca. Gagampanan niya ang role ni Joaquin,

isang campus heartthrob na anak nina Gina Alajar at Allan Paule.

Magiging ka-loveteam niya si Bea Binene, si Luna, na magkakagusto sa kanya. Kaya bago itong putahe na ihahain ng GMA-7 sa mga manonood.

“Nakakapanibago po, kasi, this time ang role ko mayaman. Iba po talaga siya tapos cam-pus heartthrob pa. Sabi ko nga, ie-enjoy ko na lang ang role ko ngayon!” sabi pa ng binatang aktor.

Medyo may lungkot lang dahil nasanay na siyang ang original niyang ka-loveteam na si Joyce Ching ang kanyang kapareha. Sa simula pa lang ng kanyang career sa Siyete ay ito na ang kanyang kasama.

“Natural lang naman po ‘yon, kasi, ever since nag-start ang career ko sa GMA-7, si Joyce na ang nakatrabaho ko. Sa Stairway To Heaven pa lang, magkasama na kami. Kaya may nabuo na rin kaming rapport sa isa’t isa. Kaya nakakapanibago rin na hindi siya ang magiging kabatuhan ko ng mga linya.

“Pero natutuwa naman ako at the same time na si Bea naman ang makakasama ko. Okey kami ni Bea, kasi, sa tagal naming mag-kasama sa Tween Hearts. Sabi nga namin sa isa’t isa, we’ll make it work,” aniya.

Isa si Kristoffer sa bini-build up na maging bagong leading man sa bakuran ng Kapuso

network na kung tawagin ngayon ay batang version ni Coco Martin dahil sa hitsura at gal-ing umarte.

-------oOo-------HINDI naiwasang maluha ng Master Showman na si German Moreno sa pagyao ng kanyang kaibigan, ang Comedy King na si Dolphy. Isa raw kasi si Dolphy sa mabuting tao na kanyang nakilala na grabe rin ang pagmamahal sa show-biz. Kaya nagtataka raw ito si Kuya Germs sa pamunuan ng National Artist Committee kung bakit hindi magawaran ng National Artist Award ang namayapang Hari ng Komedya.

“’Yan nga ang hindi ko alam, kung ano ang panuntunan nila sa pagbibigay ng National Artist? Dahil kung tintingnan natin ang naging achievements ni Pareng Dolphy sa larangan ng sining, e sobra-sobra na ‘yun para tanghalin siyang National Artist.

“Pero sila lang ang nakakaalam kung bakit ‘di puwede. Kung ano man ‘yun, sila lang ang puwedeng mag sabi. Basta alam kong lahat ng taga-industriya ay mag-a-agree sa akin na dapat na talagang gawaran ng National Artist si Pareng Dolphy.

“Hanggang kaya pa ng katawan niya ay hindi siya huminto sa pagpapasaya ng tao through his movies at TV shows. ‘Yun lang, sapat na ‘yun para gawaran siya ng National Artist,” lahad ng nag-iisang ni Kuya Germs.

AKO PA?!LOLIT SOLIS

PASABOGJOHN FONTANILLA

Kristoffer Martin - Bea Binene loveteam bagong putahe?

Ruffa Mae Quinto

Kristoffer Martin & Bea Binene

Photo by Andrei Macatangay

ALAM naming mahirap ngayon ang pinag-dadaanan ni Zsa Zsa Padilla dahil simula na ito ng bagong buhay niya na hindi na niya kasama si Dolphy. Marami raw talaga siyang

mami-miss at hindi niya alam kung paano niya ito malalam-pasan.

Nandi-yan naman ang mga malalapit niyang kaibigan at kamag-anak na willing na samahan siya kung nalulungkot siya sa pag-

iisa niya. Nangako naman ang pinsan niyang sina Lorna Tolentino at Amy Perez na sasa-mahan siya kung talagang kailangan niya.

Kaya lang, buntis naman ngayon si Amy. Si LT naman na kahit abala sa Artista Aca-demy at Third Eye, alam kong magkakaroon ng panahon ‘yan para kay Zsazsa. Dumaan din si Lorna sa ganoon, kaya alam na alam na niya ‘yan kung paano malampasan.

Doon sa burol napapag-usapan nila kung paano makapag-move on si Zsa Zsa. Sabi naman nila, hindi ganoon kadali ang mag-move on.

Sabi ni Ricky Lo, hindi ka na talaga makapag-move on. Nandiyan pa rin ang pain nang pagkawala ng mahal mo sa buhay. Bumabalik-balik ‘yan sa isip mo at lagi mo pa rin itong iniiyakan. Pero bandang huli, mare-realize mo na lang na masasanay ka na sa sakit at nandiyan na lang sa ‘yo habambuhay.

Ito ang pinakamahirap na pagdadaanan ni Zsa Zsa lalo na’t may dalawa pa siyang anak na sobrang apektado rin sa pagkawala ng daddy nila. Ang dinig ko nga si Zia ang sobrang apektado dahil siya ang pinakabunso at talagang napaka-dependent kay Mang Dolphy.

Pero nandiyan lang ang mga malalapit na kaibigan nilang nakahandang umalalay sa singer/actress.

ANG latest na narinig ko, na-dismiss daw ang libel case na isinampa ni Annabelle Rama laban kay Ynna Asistio. Kinu-contact ng reporter namin si Bisaya, pero wala pa itong sagot.

Hindi ko rin sure kung pati si Janice Navida na editor ng isang diyaryo ay ganoon din ang desisyon ng piskalya.

At ang latest pang pangyayari, balak naman daw idemanda ni Chito Alcid si An-nabellle dahil sa gulong nangyari sa burol ni Mang Dolphy. Sumali na rin itong grupo ng mga reporters na pinangungunahan ni Jerry Yap na kinukondena ang ginawa ni Bisaya. Kaya meron silang deklarasyon na ‘persona non grata’ raw si Annabelle, na ibig sabihin i-boycott nila ito sa kanilang samahan.

Kung hindi raw itutuloy ni Chito ang pagdemanda niya, sila raw mismo ang magd-

edemanda kay Bisaya.Bongga, ‘di ba? Dumarami na ang mga

kumakalaban kay Annabelle.Hindi ko lang narinig ang bu-

ong interview ni Annabelle kay Korina Sanchez kahapon, pero sinabi raw nitong pipiliin na raw niya ang mga nakakaaway niya.

Hindi raw lahat ay papatulan niya. Kaya gusto na niyang magpakalma para hindi siya agad madaling magalit. Inom na lang daw siya nang pampakalma para hindi agad siya madala sa galit at hindi na papatulan ang mga nagpu-provoke sa kanya.

Siyempre, gusto nilang galitin ito nang husto para mag-iskan-dalo na naman si Bisaya, at nakakagawa ito nang ikapapa-hamak pa niya. Kaya relax na lang daw siya!

Hay, naku! Magpa-stem cell na lang kasi siya no!ZsaZsa Padilla

ANNABELLE RAMA ‘PERSONA NON GRATA’

Annabelle Rama

Page 8: PSSST July 17 2012 issue

MARTES • HULYO 17, 2012 9 www.pssst.com.ph SHOWBIZNina

MARA at CLARA

WALA talagang ligtas ang mga Holly-wood stars sa mga paparazzi kahit saan sila magpunta o ano man ang ginagawa nila dahil 24x7 itong nakasunod sa kanila. May mga artistang sanay na at deadma na lang. Yung iba naman ay pinapatulan talaga ang mga paparazzi dahil napipikon. Best example diyan ay si Alec Baldwin.

Ang 19-year-old singer na si Miley Cyrus ay isa na rin sa bwiset na bwiset sa mga paparazzi kaya sa Twitter niya dinadaan ang kanyang saloobin. Sa Gos-sip Cop report, ilang paparazzi umano ang nakaupo sa harapan ng bahay ni Cyrus sa Los Angeles at inaabangan siya lumabas ng pinto para sundan siya kahit saan.

“How is it legal for men I’ve never

seen before to sit in front of my house and then follow me around! So shady and scary,” ang tweet ng singer-actress.

Limang araw lang ang nakakaraan nang magtweet din si Cyrus ng pagkabugnot niya sa mga paparazzi. “I hate paparazzi with a passion. disgusting pigs. (no offense to pigs).”

Dahil sa mga pangyayari na yan ay napag-iisipan ng ‘Party in the USA’ singer ang bumalik sa Nashville para makaiwas daw sa mga paparazzi.

BAD news para sa music icon na si Madonna, nakatakda siyang idemanda ng National Front, isang political party sa bansang France. Ayon sa Huffington Post report, kaugnay ito ng concert ng singer sa Paris kung saan may ipinakikitang video ni Marine Le Pen, ang political party leader at French presidential candidate na may swastika sa noo.

Ang nasabing video ay patuloy pa rin

pinapakita sa iba’t ibang bansa kung saan nagcoconcert ang singer. Last Saturday lang ay pinalabas ulit ito habang nagco-concert si Madonna sa Stade de France na hindi na nagustuhan ng National Front.

“Projecting such an image of Marine Le Pen with a swastika implies that she is a Nazi. This is just another provocation in Madonna’s world tour so that people will talk about her,” pahayag ng National Front

lawyer na si Wallerand de Saint.“Marine Le Pen will defend not only

her own honour but her supporters and the millions of National Front voters,” dugtong pa niya.

Hindi lang ang controversial videos na yan ang ginagawa ni Madonna sa kanyang world tour concert. Nagpakita din siya ng nipple sa concert niya sa Turkey last month.

Madonna idedemanda ng isang political party

Bruce Springsteen at Paul McCartney nabastos sa concert

Hollywood Bitz

SA kakatapos lamang na concert ng rockstar na si Bruce Spring-steen sa London’s Hyde Park ay pinutol umano ng concert

ILANG araw matapos ianunsyo nila Jennifer Lopez at Ste-ven Tyler ang pag exit nila bilang mga judge sa Fox show na American Idol, maraming bigating singers ang nasa listahan na pinagpipilian para pumalit sa pwesto ng dalawa.

Ayon sa report, nag-email ang ‘Queen of Soul’ sa producers ng ‘American Idol’ at sinabi kung gaano siya kainteresadong umupo bilang judge sa nasabing show ayon sa Huffington Post report.

Sa ngayon ay wala pang komento ang Fox at Freeman-tleMedia company tungkol sa nasabing email ng singer.

Ang 70-year-old legendary singer na si Franklin ay ang nasa likod ng mga sikat na kanta noong 1960s na “Res-pect,” “Chain of Fools” at “Baby I Love You.” Nanalo siya ng 18 Grammy Awards at noong 1987, siya ang kauna-unahang babaeng binigyan ng Rock and Roll Hall of Fame.

Samantala, lumabas ang balita na kaya umalis si Jen-nifer Lopez sa ‘American Idol’ ay dahil hindi napagbigyan ang kanyang gustong $2 million raise sa sweldo para sa 3rd season ng show. Noong 1st season ay $12 million ang kanyang salary at $15 million sa 2nd season. Ngayon ay $17 million daw ang hinihingi ni Lopez ngunit hindi nagka-sundo sa negosasyon.

Aretha Franklin gustong maging judge

sa ‘American Idol’

Madonna

Miley Cyrus

Miley Cyrus bad trip sa mga paparazziAretha Franklin

organizers ang show dahil nag overtime na ito sa 10:30 pm curfew.

Ayon sa report ng Access Hollywood, tinawag ni Spring-steen ang miembro ng Beatles na si Paul McCartney para maki-jamming sa kanya sa stage. Kinanta ng dalawa ang “I Saw Her Standing There” at “Twist and Shout.” Ngunit bago pa man kantahin ang susunod na duet ay pinatayan na sila ng microphone at inutusang umalis ng stage.

Paliwanag ng promoters ng concert, bukod sa nagover-time sila ay ayaw nilang mabulabog ang mga mayayamang nakatira malapit sa venue dahil sa ingay at kaguluhan sa concert. Dahil ilang beses na rin silang nakakatanggap ng reklamo.

Sa Twitter naman nilabas ng guitarista ng banda ni Springsteen ang kanyang saloobin. “English cops may be the only individuals left on earth that wouldn’t want to hear one more from Bruce Springsteen and Paul McCartney! On a Saturday night! Who were we disturbing? There’s no grudges to be held. Just feel bad for our great fans. … It’s some City Council stupid rule.”Bruce Springsteen at Paul McCartney

Page 9: PSSST July 17 2012 issue

SPORTS MARTES • HULYO 17, 201210www.pssst.com.ph/beta

UMENTRA na sa quarter-finals ng 2012 Guinness World Series of Pool: Speed Ball Challenge ang dalawang Filipino billiard players na sina Dennis Orcollo at Jef-frey De Luna.

Ito ay matapos na talunin ni Orcollo sa round-of-16 ang local bet na si Adolof Leunupun.

Ayon kay Orcollo, susi

patungo sa kampeonato ang pag-kakapasok nya sa quarterfinals sa kabila ng mahirapang labang sinuong.

“ I know it’s going to be tough but I believe I have a great chance to win,” ani Orcollo.

Inilampaso naman De Luna ang Indonesian veteran na si Ricky Yang na siyang dahilan para pumasok ito kasama ni Orcollo sa quarterfinals.

2 Pinoy billiard players ‘in’ sa 2012 Guinness World Series of Pool ni Ella Linde

MATINDING pahirap umano ang ipinalasap ni Pinoy boxer Fernando Lumacad (26-4-3, 11 KOs) kay WBA flyweight champion Hernan “Tyson” Marquez (34-2, 25 KOs) sa kanilang la-ban sa Palenque de la Feria sa Culiacan, Sinaloa, Mexico.

Bagama’t nanalo si Tyson sa laban sa iskor na 97-94, 97-94, 95-95 ay hindi umano naging madali ang laban nito sa

Pinoy boxer. Kaya matapos na mapabagsak si

Lumacad ay target ngayon ng kampo ng Mexicano ang September unification showdown sa Pinoy WBO champion na si Brian Viloria.

Bago ang laban kay Tyson ay hawak ni Luamcad ang WBC Asia Continental flyweight crown makaraang manalo kay Glenn Suminguit. Ella Linde

PINATATAPATAN ng mga fans ng New York Knicks ang alok ng Houston Rockets sa Taiwanese –Ameri-can point guard na si Jeremy Lin upang hindi ito umalis sa koponan kung saan ito nakilala.

Ang hirit ng mga tagahanga ng Knicks ay isina-gawa sa pamamagitan ng isang online petition na sinimulan nitong Hulyo 15 na pirmado na agad ng mahigit sa isanlibong supporters ng Knicks.

“Keep Jeremy Lin - Match the Houston Rockets’ Offer [sic]. Jeremy Lin is a transcendent player.”, bahagi ng statement ng Knicks fans.

Nabatid na inalok si Lin ng Rockets ng US$30 million para maglaro sa koponan hanggang 2015.

Rev HernandezMATAPOS na masungkit ang kampeonato sa katatapos na NBA season sunod na target ng

Miami Heat superstar na si LeBron James ang makapag-uwi ng pangalawang Olympic gold medal.

Si James ang mangunguna sa United States squad sa London Olympics. Ang United States squad ay ang koponang dati nang binitbit ni LeBron sa 2008 Olympics sa Beijing.

“We’ve gotten younger, we are more athletic and a lot of great guys are part of this team. It’s a great place where we are and we look forward to being the best,” pahayag ni James.

Si James ang maaring susunod na NBA player na mag-uwi ng gintong medalya sa Olympic games.

Una nang nakasungkit ng gintong medalya sa Olympic si Michael Jordan noong 1992 na nasa Chicago Team at Dream Team. Kasabay din ng pagkakapanalo ni Jordan bilang sa NBA at Most Valuable Player.

Ani James, pinipilit nyang hilahin ang mga kasamahan sa koponan sa tamang direksyon upang masiguro ang kampeonato at maiuwi ang gintong medalya.

Nabatid na dalawang linggo matapos na mauwi ang tropeo sa NBA ay agad na sumipot sa unang practice sa US Olympic training camp si James.

“I’ve got a love for the game and a great respect for representing my country,” pahayag pa ni James.

Rev Hernandez

Viloria next target ni Marquez Knicks fans ayawpakawalan si Jeremy Lin;

petisyon inilarga

Gold medal sa Olympic target ni

LeBron

Jeffrey De Luna Dennis Orcollo

TAGUMPAY ang Philippine Army Dragon Boat Team matapos nitong masungkit ang gintong medalya sa katatapos na International Dragon Boat Festival sa Padang, Indonesia.

Tinalo ng Pinoy team ang pitong katunggali sa 800-meter inter-mili-tary small boat competiton.

Bukod sa nasabing panalo ay ang Pilipinas din ang nagwagi bilang pinakamabilis na oras sa buong palaro na nilahukan ng Great Britain, China, Australia, at Indonesia.

Bago nagtagumpay sa Dragon Boat Festival sa Indonesia ay pito sa mga miyembro ng Philippine Army Dragon Boat Team na dating miyem-bro ng Pinoy Dragon Warriors ay nag-uwi ng limang gold medal mula sa Florida, USA nakaraang taon. Ella Linde

Ginto sinagwan ng PHL Army Dragon Boat Team

sa Indonesia

Hernan “Tyson” Marquez

MAPAPAAGA umano ang paglaya ni undefeated world champion Floyd Mayweather Jr., matapos mahatulan ng tatlong buwang pagkakakulong dahil sa pananakit sa dating kasintahan.

Ang maagang paglaya ni Mayweather ay bunsod ng magandang pag-uugali umanong ipinamalas ng American boxer sa Las Vegas Jail.

Inaasahang sa Agosto 3 ay lalaya na si May-

Mayweather maagang

mapapalaya!

weather na nag-simulang bunuin ang tatlong buwang hatol na kulong nakaraang noong nakaraang buwan sa Clark County Detention Center.

Ella Linde Floyd Mayweather Jr.Philippine Army Dragon Boat Team

Page 10: PSSST July 17 2012 issue

SPORTSMARTES • HULYO 17, 2012 11 www.pssst.com.ph

Nina: Mara

atClara

SPORTS

BITZ

TUMALON man si Ray Al-len sa Miami Heat, hindi ibig sabihin na hindi nagpapasala-mat ang dating Celtics star sa panahon niya sa Boston.

Naglabas ang all-time leader sa 3-point shots ng isang full-page advertisement sa Boston Sunday Globe para pasalamatan ang mga Celtic fans para sa kanilang suporta habang naglaro siya sa Boston.

“We have loved living in this city, being members of the Celtics family and being part of your community. These memories will be cherished forever,” sinulat ni Allen sa newspaper ad.

Carmelo Anthony, gusto manalo ng NBA

ChampionshipISA na lamang ang kulang sa basketball career ni New York Knicks player Carmelo Anthony: isang NBA championship.

Sa Facebook chat kasama ang “Got Chocolate Milk,” sinabi ni Anthony na desidido siyang dalhin ang Knicks sa NBA Finals sa tulong nina Jason Kidd, Jeremy Lin at iba pang Knicks players. Nasa training ngayon si Anthony kasama ang Team USA sa Las Vegas.

“I want to win an NBA championship. I have one in high school, I have one in college, I have a gold medal. The only thing left is an NBA

MAKUKUHA ni Jeremy Lin ang limpak-limpak na salapi ngunit hindi umano manggagaling sa New York Knicks.

Pumayag ang Knicks sa sign-and-trade sa Trail Bla-zers para makuha si dating Knicks point guard Raymond Felton. Dahil dito, hindi sigurado kung mananatili pa si Lin sa Knicks.

Ayon sa NBA source ng Fox Sports, hindi tatapatan ng Knicks ang mataas na $25 million offer sheet ni Lin mula sa Rockets. May tatlong araw pa ikunsidera ng Knicks ang proposal.

Samantala, sinabi ni Carmelo Anthony na bahala na ang Knicks kung tatapatan ang “ridiculous contract” na inalok ng Houston kay Lin.

Iginiit na dati ng Knicks na tatapatan nila ang offer kay Lin ngunit mukhang pinahihirapan sila ng Rockets. Inalok ng Houston si Lin ng $25 million deal para sa tatlong taon na serbisyo.

New York Knicks, suko na kayJeremy Lin?

Jason Kidd

Lasing na Jason Kidd, arestado

Ray Allen, nagpasalamatsa Celtics fans

championship,” sinabi ni Anthony.Naniniwala si Anthony na kailangan magpalakas pa ang mga players ng New York Knicks para sa

susunod na NBA season. Ayon kay Anthony, makakatulong din sina Kidd at Marcus Camby sa journey ng Knicks kahapon sa championship.

“We got to get guys back healthy. I believe in the team that we have with the additions of Jason Kidd, hopefully getting the Jeremy Lin thing done. Novak, Amare, Tyson… We have a very deep team, we just have to make it work,” sinabi ni Anthony.

Carmelo Anthony Jeremy Lin

INARESTO si bagong New York Knicks point guard Jason Kidd dahil sa pagmamaneho habang lasing sa Hamptons.

Bumangga ang SUV na minamane-ho ni Kidd sa isang telephone pole the Hamptons, ayon sa Southampton Town police. Pinakawalan din si Kidd ng pu-lis matapos sampahan ng misdemeanor driving-while-intoxicated charge. Dinala rin si Kidd sa Southampton Hospital para gamutin ang kanyang minor injuries matapos ang kanyang pag-aresto. Sinabi ng pulis na mag-isa lamang si Kidd sa kanyang Cadillac Escalade nang tumama sa poste noong Linggo.

Pumirma kamakailan si Kidd ng kontrata sa Knicks matapos maglaro sa Dallas Mavericks simula noong 2008.

Page 11: PSSST July 17 2012 issue

SA mga bumubuo ng PSSST at sa readers, good morning po sa inyong la-hat! Ako po si Dina, taga- Tipas, Taguig. Ang kuwento ko po ay tungkol sa kapit-bahay naming si Gie. Ang foreigner collector. Sa maniwala po kayo o hindi, ito na po ang pangatlong BF ni Gie na foreigner.

Yung unang BF ni Gie ay isang Ger-man na ipinakilala sa kanya ng Tita niya. Naging magkarelasyon sila kahit sa internet lang tapos umuwi dito ‘yung German at tumira kina Gie ng isang bu-wan. Mukhang hindi nagustuhan ng Ger-man si Gie o ang kultura ng Pinoy dahil pagbalik sa bansa niya ay hindi na daw nakipag-communicate na ulit kay Gie.

Tapos ang pangalawa ni Gie ay ‘yung Italyano na super gwapo. Lahat ata ng taga-dito sa amin ay may crush sa

Ital-yanong BF ni Gie.Tuwing nasa labas, lahat kami kinikilig. Pero ang malas din Gie dahil hindi rin nagtagal ‘yung relas-yon niya sa Italyano. Hindi rin natupad ‘yung pangarap niyang pumunta ng ibang ibansa. May balat ‘ata sa pwet tong si Gie!

Eto ngayong BF niyang Amerikano, sa internet din niya nakilala. Ito na ‘yung pinakamatagal niya. Halos 2 years na sila. Nagpakasal sila dito. Ang akala namin makakaalis na ng bansa ni Gie. Kung di ba naman talagang malas si Gie sa mga foreigners, itong si John e gusto palang manirahan ng permanente dito sa ‘Pinas! Nagbabayad pala buwan-buwan sa immigration para ma-extend ang stay dito. Nagtayo ng business na talyer at in-ternet shop dito sa lugar namin. At wala na daw balak bumalik ng America.

Hindi na natupad ang pangarap ni Gie na makapunta ng ibang bansa dahil minalas sa lahat ng syota niyang foreign-ers at di siya nadala sa Germany, Europe o sa America! Kaya parang ‘di masaya si Gie kay John e. Para ngang lagi niyang inaaway ito. Parang bad trip siya lagi. Ayaw pa daw siyang dalhin sa America kahit ipasyal lang dahil sayang daw ang gagastusin! Yun lang po ang kuwento ko, salamat po!

TSISMIS

KAPIT-BAHAY MO, I-BLIND ITEM MO!

Kung kayo ay may kakaiba, na-kakagulat at nakakaawang kwento ng inyong kapit-bahay i-share dito sa Kapit-bahay Mo, I-Blind Item Mo at i-email sa [email protected] at manalo ng mga sorpresang papremyo.

Pumatol sa dayo pero bigong makaeskapo ng ‘Pinas

HI sa mga readers ng PSSST! Ako po si Kathy, isang college student sa university belt. Sana mapublish po itong kuwento ko. Tungkol ito sa kaklase kong si Kathy. Siya po ‘yung kaklase kong hindi masyadong gusto ng mga taong nasa paligid niya. Kase naman si Kathy ay hindi kaganda-han, hindi rin katalinuhan pero siya pa itong masyadong magaspang ang ugali.

Kaasar yang si Kathy. Noong 2nd year kami, ang dalas mag-absent nyan. Pag may mga exams kami, kung ‘di mababa ang score, bagsak ‘yan. Wala kaseng nagpapakopya sa kanya dahil pikon sa ugali niyang tamad at mayabang at feeling. Pag may group projects kami, asahan na walang maitutulong ‘yan dahil bukod sa ‘di nakikipag-cooperate, lagi ngang absent.

Madalas pa ‘yan pag tinatanong ng prof, walang maisagot. Hahawiin lang niya buhok niya at ngingiti. Yung mga prof naman parang kiliting- kiliti pa

dahil malaki kase boobs ni Kathy at sexy.

Minsan takang- taka kami dahil naka-perfect sa exam sa isang subject namin!

Eh yun ngang top 1 namin sa klase hirap na

hirap, siya perfect!Alam na namin na kung bakit,

mukhang may ginawa na naman itong milagro kay Sir!

Tingnan nyo naman, kaklase ulit namin ngayong 3rd year. Ang sabi nung isang kaklase namin, inaareglo ni Kathy ang grades niya. Kaya lang ‘yan nakakapasa eh balitang may ginagawang kababalaghan sa mga professor naming lalaki. Alam nyo na ibig kong sabihin.

Dati may nabalita sa campus namin na may nahuling nagmimilagro sa CR, ang sabi si Kathy daw yun at si Mr. Sanchez, yung prof namin sa Econo-mics.

Hirap kase ng subject na yun,kaya mukhang gumawa na ng paraan si Kathy. Ewan ba namin kay Kathy. Pag naka graduate ‘yan ng 4th year gra-beng effort tiyak ang ginawa niya!

Nagmilagro para makapasa

Sa nakalap na tsismis ni Bugzie, mismong ang wife ng solon na ito ang nag-influence sa kanyang asawa na paki-nisin ang kanyang skin para naman daw bumata ang looks nito.

Suki daw kasi sa mga beauty clinic ang second wife ng solon kaya naman one time daw ay kinumbinsi niyang magpa-derma sa isang sikat na beauty expert.

Ayaw pa ng solon noong una pero sa madalas pangungulit ng kanyang wife, bumigay din ito at pumayag na magpali-

nis ng kanyang mukha.Napag-alaman ni Bugzie, na sa unang

salang nito sa beauty clinic ay umabot ng three hours ang clean up sa face ng solon, marami raw kasing dumi ang mukha nito. At para maging makinis ang face ng solon na ito, dalawang beses itong nag-karoon ng facial treatment sa naturang beauty clinic. And after five session, look-ing good na ang solon, malinis na malinis na ang mukha nito.

Wala na ang wrinkles at kung ano-anong aliens sa balat sa mukha. Nagulat

nga ang ilang co-lawmakers niya dahil looking good, looking fresh daw ito.

Ang sagot naman niya, siyempre iba raw mag-alaga ang kanyang misis kaya naman feeling young and feeling pogi ang senador na ito ngayon. Sino siya?

Clue: Ang solon na ito ay isa sa mga bigatin sa Upper Congress na may le-trang F sa pangalan as in facial treatment ang sikreto ng pagiging feeling pogi.

Para sa iba pang blind items bumisita sa aming website sa www.pssst.com.ph Candido C

Beteranong senadornahatak ni misis sa pagpapabatak

MARTES • HULYO 17, 2012

www.pssst.com.ph

KUNG ang ilang lady solon ay habit na magpakinis ng kanilang mukha, aba’y hindi nagpahuli ang isang veteran lawmaker na lalaki na mula sa Visayas region.