presentasyon tungkol sa yamang tubig

10
Ang ating yamang tubig ay higit na malawak kaysa sa ating yamang lupa. Ito ay tinatantyang may 1,666,300 km ang lawak. Ang ating karagatn ,ilog at sapa ang pinagkukunan ng iba’t ibang pagkaing dagat. Humigit kumulang sa 70% ng produksyon ng isda ay buhat sa Gitnang Luzon, Kanlurang Visayas at Timog Luzon, kasama na rin ang baybayin ng Sulu, Zamboanga at Maynila. Ang Pilipinas ay kilala sa ngayon bilang World’s largest prodcer ng tilapia. Noong 1993, ang ating bansa ay nakakapagprodyus ng mahigit sa 96,000 metro tonelada(MT) ng tilapia na naging dahilan upang tayo ang manguna at lampasan ang produksyon ng China. YAMANG TUBIG

Upload: xlitx02

Post on 13-Apr-2015

538 views

Category:

Documents


0 download

DESCRIPTION

Ito ay isang presentasyon na nagpapaliwanag sa katayuan ng ating yamang tubig sa panahong ito.

TRANSCRIPT

Page 1: Presentasyon Tungkol sa Yamang Tubig

Ang ating yamang tubig ay higit na malawak kaysa sa ating yamang lupa. Ito ay tinatantyang may 1,666,300 km ang lawak. Ang ating karagatn ,ilog at sapa ang pinagkukunan ng iba’t ibang pagkaing dagat.

Humigit kumulang sa 70% ng produksyon ng isda ay buhat sa Gitnang Luzon, Kanlurang Visayas at Timog Luzon, kasama na rin ang baybayin ng Sulu, Zamboanga at Maynila.

Ang Pilipinas ay kilala sa ngayon bilang World’s largest prodcer ng tilapia. Noong 1993, ang ating bansa ay nakakapagprodyus ng mahigit sa 96,000 metro tonelada(MT) ng tilapia na naging dahilan upang tayo ang manguna at lampasan ang produksyon ng China.

YAMANG TUBIG

Page 2: Presentasyon Tungkol sa Yamang Tubig

POLUSYON

Ang kawalan ng disiplina sa pagtatapon

ng mga basura ay isa sa mg asanhi ng

polusyon ng yamang tubig. Ang

pagtatapon ng mga industrial waste ay

nagbubunga rin ng pagdumi ng mga ilog

at dagat. Ito ang sanhi ng pagkakaroon

ng red tide dulot ng baktirya na tinatawag

na dinoflagellates.

Page 3: Presentasyon Tungkol sa Yamang Tubig

PAGKAMATAY NG MALILIIT NA ISDA

Ang paggamit ng pinong lambat, dinamita,

kuryente at ang labis na pangngisda ay

nagbubunga ng pagkamatay n maliliit na

isda na hindi pakikinabangan. Ang mga

gawaing ito rin ang sanhi ng pagkaubos o

pagkawala ng mg coral reefs sa ating mga

karagatan.

Page 4: Presentasyon Tungkol sa Yamang Tubig

KAKULANGAN NG KAALAMAN NG

MGA MANGINGISDA

Ang karunungan sa teknolohiya,

pangangalakal at kasanayan ay hindi sapat

upang mapaunlad nang husto ang

industriya ng pangingisda.

Page 5: Presentasyon Tungkol sa Yamang Tubig

KAKULANGAN SA MGA BATAS NA

MANGANGALAG AT MAGBIBIGAY

PROTEKSYON

Dahil sa wala pang mamamayang

napaparusahan bunga ng paggamit ng

dinamita at pinong lambat, kaya patuloy

itong ginagawa ng mga mangingisda. Ang

pamahalaan ay may malaking

pananagutan upang proteksyunan ang

ating yamang tubig.

Page 6: Presentasyon Tungkol sa Yamang Tubig

PAG-UUGALI NG TAO

Ang kawalan ng malasakit ng tao upang

pangalagaan ang mga anyong tubig na

ginagamit sa pamumuhay at hanapbuhay

ang sanhi ng pagkakaroon ng maraming

problema ng yamang ito. Ang patuloy na

pagsasagawa ng mga maling gawain na

nakakaapekto sa kalikasan at kalusugan ng

mga yamang tubig ay isang pagpapatunay

na hindi alintana ng tao ang ibinubunga ng

hindi pagpapahalaga sa likas yamang ito.

Page 7: Presentasyon Tungkol sa Yamang Tubig

YAMANG TUBIG R.A. 3931

Batas na nagbabawal at nagpaparusa sa sinumang nagtatapon sa tubig na magdudulot ng polusyon sa nasabing likas na yaman.

Page 8: Presentasyon Tungkol sa Yamang Tubig

YAMANG TUBIG P.D. 948

Batas na sumusog sa R.A 3931 at nagbibigay-daan sa pagtatag ng Pollution Control Law na nagpapasagawa ng pagtitipon at pangongolekta ng mga solidong bagay na itiatapon sa ilog at ibang anyong tubig.

Page 9: Presentasyon Tungkol sa Yamang Tubig

YAMANG TUBIG R.A. 7160

Locale Code ng Pilipinas na magpapatupad ng batas sa sanitasyon at kalinisan sa kapaligiran.

Page 10: Presentasyon Tungkol sa Yamang Tubig

YAMANG TUBIG Executive Order 54

Ang nagtatag ng Pasig River Rehabilitation Commission na pangunahing layunin ay linisin, sagipin at buhayin mili ang Ilog Pasig na isang makasaysayang ilog sa ating bansa.