praymer hinggil sa sap sa industriya ng asukal

10
20 #56 K-9 St. West Kamias, Quezon City Tel/fax #: (02) 4269442/ Email: [email protected] PRAYMER Hinggil sa Social Amelio- ration Program Sa Indus- triya ng Asukal (2013) (Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura - UMA)

Upload: umapilipinas

Post on 12-Sep-2015

129 views

Category:

Documents


13 download

DESCRIPTION

Praymer Hinggil sa Social Amelioration Program sa Industriya ng Asukal.(Layout for Booklet Printing)2013

TRANSCRIPT

  • 20

    #56 K-9 St. West Kamias, Quezon City Tel/fax #: (02) 4269442/ Email:

    [email protected]

    PRAYMER

    Hinggil sa Social Amelio-ration Program Sa Indus-

    triya ng Asukal (2013) (Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura - UMA)

  • 2

    Ang Social Amelioration Program (SAP) ay ipinatupad ng pama-halaan mula pa noong 1952 sa mga manggagawang bukid sa tub-uhan (MBT) at mga manggagawa sa ilohan sa ilang lugar sa Ne-gros. Ipinalawak pa ito sa lahat ng mga lugar sa Pilipinas na nag-tatanim ng tubo para gawing asukal noong 1991. Lalo pa itong pi-nalawak noong 2006 nang isinama nila ang mga nagtratrabaho sa industriya ng asukal at niyog na ang produkto ay ginagawang bio-ethanol. May pondo ang naka-laan sa SAP na hi-nahati sa dalawang bahagi batay sa RA6982. Ang 80% nito ay mapupunta bilang cash bonus fund (CBF) sa mga MBT at man-gaggawa sa ilohan. Habang ang 20% ay para sa pagpapatupad ng socio-economic program related fund (SEPRF) kung saan hinahati ito sa socio-economic projects, death at maternity benefits at para sa pangan-gasiwa ng pondong ito. Umabot na nang P3.751 bilyon ang CBF at P1.074 bilyon ang SEPRF mula 1991 - 2010. At sa 2 milling dis-trict ng Negros na sakop ng RA809 umabot na nang P1.26 billion mula 1992 2008. Tantyang umabot na ang kabuuang pondo ng SAP lampas ngP6.5 bilyon sa 2012. Ayon sa pamahalaan, layunin daw ng SAP na dagdagan ang kita ng mga MBTat ng mga manggagawa sa ilohan; magpatupad ng mga socio-economic programs/projects para mabigyan ng dagdag na pagkakakitaan at oportunidad sa iba pang trabaho para sa mga MBT at kanilang pamilya; itaguyod ang kagalingan ng mga MBT at mabigyan ng social protection; at mabigyan ng pagkakataon para

    19

    Mga Kasaping Samahan ng UMA: 1. Negros National Federation of Sugar Workers (NFSW) 2. Batangas KAISAHAN (Kaisahan ng mga Manggagawang Bukid sa Batangas) /Pagkakaisa ng Manggagawang Bukid sa Tubuhan o PAMATU 3. Bukidnon OGYON (Organisasyon sa Yanong Obrero nga Nagkahiusa Bukidnon/Organization of United Poor Workers of Bukidnon) 4. Isabela - UMAMI (Unyon ng Maralitang Manggagawa sa Isa-bela/Union of Poor Workers of Isabela) 5. Tarlac Alyansa ng Manggagawang Bukid sa Asyenda Luisita (Ambala or Alliance of Farmworkers of Hacienda Luisita), and Unit-ed Luisita Workers' Union (ULWU) 6. PIGLAS MAPAPI organization of Oil Palm Workers in Agusan del Sur, and Filipinas Palm Oil Plantations Inc.

  • 18

    Magkaroon ng trust fund ang mga kinatawan ng asosasyon, samahan, union at organisasyon ng mga MBT at kina-tawan ng DOLE.

    Itulak ang DOLE na maglabas ng mga pondo mula sa un-

    claimed at undistributed ng CBF direkta na ipamahagi sa mga MBT.

    Itaas ang sahod ng mga manggagawang bukid sa tubuhan!

    Kunan ng aral ang ginawa sa OGYON kung saan napa-taas nila ang sahod sa MBT.

    Ipatupad ang lahat ng mga benepisyo para sa mga mang-

    gagawang bukid sa tubuhan! Mga Sanggunian: 1. PRAYMER SA INDUSTRIYA NG ASUKAL: Ang Tumitinding Pyudal at Malapyudal na Pagsasamantala sa mga Magsasaka at Mangga-gawang Bukid sa Tubuhan ng Batangas sa Ilalim ng Globalisasyon at Umiigting na Imperyalistang Pandarambong 2. Commission on Audit reports on Bureau of Rural Workers/BWSC Social Amelioration Program 3. http://ro6.dole.gov.ph/default.php?ret-samlakygee=227&resource=9ea7375b0755af7e5611cc80bfb9222c 4. Pakikipagpalitan ng Panayam sa mga Kasapi at Kaibigan ng UMA nung June 6, 2012 at February 9 -10, 2013

    3

    maging bahagi sa pagbibigay ng mga desisyon sa mga polisiya pa-ra sa pagpapaunlad ng MBT sa RA No. 6982. Subalit mula noong ipinatupad ito, iilan lang sa kanila ang nakina-bang dito, kung mayroon man ay sa napakababang halaga. Naging gatasan lamang ito ng mga plantador, miller at ng pamahalaan. Hindi napupunta ang kalakhan ng pondo ng SAP sa dapat na mga tunay na benepisyaryo ng mga ito. Ang Cash Bonus Fund (CBF) na dapat ipinapamahagi ng direkta sa kanila ay ipinagkakait pa o bin-abawasan pa ng mga Miller/Planter na itinakda ng batas na siyang mamamahagi sa kanila. Maliban dito, hirap silang makakuha ng Maternity at Death Bene-fits.Kalakhan ng pondo para sa mga socio-economic projects ay nakokopo lamang ng tatlong malalaking grupo na hawak ng mga planter at miller at malaking halaga ng Socio-Economic Program Related Fund (SEPRF) ay inilagak na lang sa mga investments ng Bureau of Workers with Special Concerns (BWSC) na nakapailalim sa Department of Labor and Employment (DOLE). Wala ring tunay na bo-ses ang mga MBT at mga manggagawa sa ilohan sa National Tri-partite Council (NTC) at District Tripartite Coun-cils (DTC) dahil minorya lang sila sa 2 nabang-git na konseho. Iba pang usapin kung tunay nga bang mga kinatawan nila ang mga nakaupo sa nilaan para sa mga MBT at mga manggagawa sa

  • 4

    ilohan. Marami ring anomalya ang nabunyag ng Commission on Audit (COA) kapwa sa CBF at SEPRF at wala ni isa sa gumawa ng mga ito ang naparusahan. Kabilang na ang pagkakait ng Cash Bonus Fund sa mga manggagawa at di pagreremit ng unclaimed/undistributed na pondo sa DOLE Regional Offices. Sa esensya, ang SAP ay isang palamuti lamang, dahil inaamin ng pamahalaan na ang pagkakaroon nito ay palatandaan ng kadusta-dustang kalagayan ng mga MBT at mga manggagawa sa ilohan at ng kanilang mga pamilya. Layunin ng praymer na ito na ipaliwanag sa mga MBT at mga manggagawa sa ilohan kung ano ang SAP, kung bakit di sila nakikinabang dito at kung bakit sinasabi natin na nagiging gatasan lang ito ng mga nabanggit sa ikalawang talata. Maliban dito, layunin din ng praymer na makatulong sa pagpapakilos sa mga MBT at manggagawa sa ilohan upang ma-kuha nila ang mga benepisyo ng SAP na dapat lang sa kanila pero ipinagkakait pa sa kanila. Isa pa, makatulong ito sa gawaing eduksayon para maabot pa ang malawak na hanay ng mga MBT.

    17

    Ano ang ating mga Tungkulin at Panawagan?

    Maglunsad ng malawakang propaganda - edukasyon sa

    lahat ng balangay, kasapi at kaibigan ng UMA tungkol sa SAP at gamitin ang praymer na ito bilang sangguni-an.

    Maglunsad ng mga pagkilos (protesta, petition, rally, daya-log, atbp.) para pwersahin ang mga planters at millers na ipamahagi ang CBF at mga benepisyo sa mga MBT kasama ang mga sacada.

    Makapaglunsad ng mga serye ng pagkilos at dayalogo sa

    DOLE-BWSC, STC at COA

    Sa mga organisasyon sa antas probinsya at rehiyon ay makapaglunsad din ng mga katulad na pagkilos.

    Magkaroon ng masusing auditing ng SAF mula 1991 hang-

    gang 2012 crop year

    Magsampa ng kaso tungkol sa mga anomaliya na nagaga-nap sa usaping SAF pwede sa Ombudsman o sa RTC o SC.

    Maitulak ang isang malawakang imbestigasyon sa hanay

    ng mga millers, planters at DOLE. Pangungunahan ito ng kinatawan natin sa kongreso ang Anakpawis.

    Direktang maipamahagi ang mga nakokolektang CBFsa

    lahat ng mga MBT kasama ang mga sacada.

  • 16

    mga dependent ng mga MBT. 42 o 66.67% ay nirekomenda ng mga pulitiko o ng mga NGOs/Charitable Institutions o upisyal/empleyado ng NFSP.

    Kahit nga ang COA ay nagtataka kung bakit di pinapansin ng mga DOLE ROs ang nakasaad sa batas hinggil sa pagmumulta kung may pagtatagal sa pag-reremit ng lien at UCBF. Ang problema na-man sa COA wala din naman siyang nirekomendang mga penalty/pagpaparusa sa mga anomalyang nabanggit. Ayon sa batas, sampung porsiento kada buwan ang multa sa mga ilohan at plantador na hindi ipinapamahagi ang CBF sa takdang panahon. Pwede ring makulong ng hindi bababa sa 6 na buwan pero di lalampas sa 1 taon o kayay mamumultahan ng hindi baba-ba sa P5,000.00at di tataas ng P20,000.00. Pwede ring mamulta-han at makulong ng sabay. Kapag ang lumabag ay 1 korporasyon, trust o firm, partnership, asosasyon o iba pang entidad ang pwedeng pagmultahin ay ang mga responsableng upisyal ng mga ito kabilang ang presi-dente, bise presidente, chief executive officer, general manager, managing director o partner.

    5

    Ano ang kalagayan ng mga mang-gagawang bukid sa tubuhan?

    Ka dusta-dusta ang kalagayan ng mga manggagawang bukid sa tubuhan (MBT). Regular man o mga dayo ang mga MBT ay mga walang sariling lupang sinasaka. Sila ay pangunahing biktima ng monopolyo sa lupa. Sila din ang mga anak ng mga maliliit na nakikisama at namumuwisan na kadalasan ay nagpapaupa ng lakas paggawa upang may mai-dagdag sa kanilang pangaraw-araw na gastos sa buhay. Ang mga MBT ay karaniwan lamang nakakapagtrabaho sa mga panahon ng taniman at ilohan. Kaya't sa mga panahon sa pagitan nito ay wala silang pinagkakakitaan.Tinatawag nila itong Tiempos Muertos (Death Season) Masusuma na ang kanilang tagal ng ipinagtatrabaho sa loob ng isang panahon ay 6 hanggang 9 buwan. Sa panahong ito ay hindi pa araw-araw silang nakakapag-hanapbuhay. Sa panahon namang walang trabaho sa tubuhan ang iba ay karani-wang nandarayuhan sa pamamagitan ng pagpapanday o sa kon-struksyon at panganganihan ng palay. Ang ilan naman ay kinukuhang mag-alaga ng mga aryendo sa lupa na inuupahan ng arawan, gayundin karaniwang binibigyan din ng PML ng aryendo ang taga-alaga ng parsela ng lupa upang kanyang trabahuhin sa ilalim ng sistemang partihan. Sa Negros Occidental 95% ng mga MBT ay nakakatanggap ng pakyaw rate. Sa esensya isa itong porma ng kontraktwalisasyon. Ang sahod ng mga MBT ay umaabot lamang ng P500 hanggang P1000 kada 15 araw o P1000 P2,000 sa isang buwan.

  • 6

    Ang pakyaw rate ay ligal para sa DOLE kahit na mayroon itong mini-mum wage para sa nagtratrabaho sa mga plantasyon at sa agrikul-tura na P245 at P235. Bagamat di ito kinikilala ng NFSW dahil dapat iisa lang ang minumum wage sa Pilipinas na ngayoy P446 sa National Capital Region (NCR). Halos pareho ang kalagayan sa Batangas kung saan malaganap din ang pakyaw rate at halos lahat ay kontraktwal. Mas mataas lang ang bayad sa pakyaw kumpara sa Negros na P1500 kada 15 araw. Maliban dito may sahuran din base sa ilang tonelada ang pwedeng tabasin sa isang araw. Para sa mga sacada ang sahod nila ay umaabot lamang sa P80-120 kada tonelada habang ang mg lokal ay sinasahuran naman ng P200-350. Sa isang pag-aaral ng PAMATU (Batangas), kakayanin ng mga MBT na magtabas ng 1.5 tonelada sa 1 araw habang ayon naman sa DOLE ay pwede itong umabot hanggang 1.7 tonelada. Kung kuku-nin natin ang mas mababang halaga aabot ng P120 -180 lang ang kita ng isang sacada sa isang araw habang ang lokal ay aabot ng P300 P525 kada araw. Lalampas naman ito ng 8 oras ng pagtratrabaho sa ganyang klase ng gawain. Sa Tarlac nga 1.3 tonelada lang ang kaya ng isang manggagawa sa 8 -10 oras na trabaho. At dahil mas mababa ang sahod ng mga sacada, sila ang inuuna ng mga miller (na may mga pananim din) na padalhan ng mga truck na hahakot ng tubo sa mill. Kaya mas maraming araw ang natratrabaho nila kaysa sa mga lokal. Sa Bukidnon naman ang karaniwang sahod ng MBT ay P150 kada araw habang ang minimum wage doon ay P274 kada araw.

    15

    Di pa tapos na SWLC sa Malaybalay, Bukidnon Negros Occidental at ang SWLC sa Malaybalay, Bukidnon ay naan-tala ng 6 na taon. C. Nung 2007 naman ang kabuuang SWLC sa Negros Occidental ay ginawang upisina ng DOLE-Negros Occidental Provincial Office (DOLE-NOPO).

    Sa 29 classroom na may average na halagang P200,000 kada isa

    A. 2 ay ginawang upisina ng mga Principal ng eskwelahan B. May ilang gusaling pangeskwelahan na isinagawa na

    hindi ayon sa structural design at specifications, at may ilang classroom na isinagawa sa mabababang klase ng mga materyales.

    C. 5 sa mga classroom ay nagkakahalaga ng P2M o P400,000 kada isa na doble sa presyo ng iba pa at ginawa ito sa mga lugar na wala sa listahan ng Depart-ment of Education na may kritikal na kakulangan ng mga classroom

    Sa 63 katao na nagtapos ng NFSP Sugar Workers FoundationTech-nical and Livelihood Skills Training Center, 21 o 33.33% lamang ay

  • 14

    Ano ang mga ibat-ibang anomalya sa SAP? Maraming anomalya ang natuklasan ng Commission on Audit (COA) sa SAP, kapwa sa Cash Bonus Fund (CBF) at Socio-Economic Project Related Fund (SEPRF). Problema ni isa ay walang napa-rusahan sa mga nasangkot sa mga anomalyang natuklasan. Ilan sa mga anomalyang nabanggit hinggil sa CBF ay ang sumusu-nod: a. Walang pagpapatunay sa pagbibigay ng CBF sa mga MBT at manggagawa sa ilohan. Maliban dito ang pagtaas ng halaga ng Unreleased/Unclaimed CBF at Undistributed CBF ay palatandaan ng pagtagal sa pamamahagi nito o kayay di talaga nakukuha ng mga manggagawa. b. Ang pangongolekta at pamamahagi naman ng pondo ng SAP sa ilalim ng RA 809 sa 16 na crop years mula 1992-1993 hang-gang 2007-2008 na nagkakahalaga ng P1.26 billion ay hindi naitatala sa libro ng BRW-SAP, kaya hindi ito tamang naitatala da-hil sa pagkukulang ng management ng BRW-SAP na i-pinal at ilabas ang Department Order on the General Guidelines for the Im-plementation of Section 9 of RA 809. c. Hindi pag remit ng forfeited unclaimed/undistributed CBF sa mga Department of Labor and Employment Regional Offices (DOLE-ROs). Umabot ito ng P28.753milyon noon 1992- 2004. Ang ilan naman sa mga anomalya sa SEPRF ay ang sumusunod: A. Ang 20% na buwis na nakalaan para sa Socio-Economic Project Related Fund (SEPRF) ay iniulat batay sa bank statement imbes sa Report ng Sugar Production, Withdrawals, Lien Collections at Re-mittances (RSPWLCR). Dahil dito, walang katiyakan sa kabuuang halaga na nairemit at naitala sa libro ng accounts ng BWSC-SAP. B. Ayon sa ulat ng COA ng 2008 ang pagtatayo ng Annex Building ng Sugar Workers Livelihood Center (SWLC) sa Bacolod City,

    7

    Ano naman ang kalagayan ng mga may-ari ng mga ilohan at mga plantador?

    Maraming ilohan ay pag-aari ng mga dambuhalang mga korpo-rasyon na may ibat-ibang kumpanya at mga subsidyaryo. Ayon sa mga kasamahan natin sa Batangas, maliban sa 35% na milling fee na pinapataw sa mga plantador may mga maanomalyang kwenta-han sa timbangan; konsentrasyon ng asukal sa tubo, molasses, pagkuha ng biyahe, pagtanggal sa home use at iba pa, na ayon sa mga planters ay ballpen ang nagtatakda. Mga halimbawa ng mga korporasyong nabangit sa itaas ay ang Roxas Holdings Inc. (RHI) na nagmamay-ari ng 2 ilohan sa Batan-gas at Negros Occidental. Pag-aari din niya ang 45.09% ng isa pang ilohan sa Negros Occidental. Maliban sa paglilikha ng asukal papasok na rin siya sa paglilikha ng bioethanol. Kumita ang RHI nang average na netong P296 million sa 7 taon mula 2004 -2010. Isa pa dito ay ang Filinvest Development Corp. (FDC). Maliban sa real estate, pag-aari nito nang buo ang Pacific Sugar Holdings Cor-poration (PSHC). Kabilang sa mga ilohan sa ilalim ng PSHC ay may isa sa Davao del Sur at isa rin sa North Cotabato. Maliban dito ay pag-aari din nila ang High Yield Sugar Farms Corporation (HYFSC) na nagpapaunlad ng mga pribado o inuupahang mga bukirin para

  • 8

    maging taniman ng tubo Ang Universal Robina Cor-poration and Subsidiaries (URC) na pag-aari ni John Gokongwei ay may ari na-man ng 2 ilohan sa Iloilo; CARSUMCO; 1 sa Negros Oriental at isa sa Negros Occidental. Ang Victorias Milling

    Company, Inc. naman nasa Victorias City, Negros Occidental at pinakamalaking ilohan sa Pilipinas ay malinis na kumita ng P343,857,000 nung pangatlong kuwatro ng 2012. Iba pang usapin kung paano kumikita ang mga plantador sa dugo at pawis ng mga magsasaka, MBT, at sa mga sacada. Ito ay sa pamamagitan ng monopolyo sa lupa, di pantay na sistema ng partihan, mababang pasahod sa manggagawang bukid, mataas na interes sa pautang, mataas na gastos sa produksyon at maba-bang presyo ng tubo. Dagdag dito wala din siyang kontrol sa pag-tatakda ng presyo nito at kalakalan ng produkto sa pamilihan. Matagal na itong suliranin ng mga magbubukid sa tubuhan. Ang lahat ng ito ay sumasalamin sa pyudal at malapyudal na sistema ng produksyon sa mga tubuhan sa Pilipinas.

    Saan nanggagaling ang pondo

    para sa SAP? Maliban sa 2 mill district sa Negros, nanggagaling ang pondo ng SAP sa buwis o lien na kinokolekta mula sa halagang itinakda sa bawat picul na hilaw na asukal na nagawa. Nag-umpisa ito sa Php 5.00 bawat picul nung 1991 at sa ngayoy nasa Php 10.00 bawat picul.

    13

    kopo lang ito ng iilang grupo na samahan ng mga miller at planter katulad ng Sugar Industry Foundation Inc. (SIFI); National Federa-tion of Sugarcane Planters (NFSP); at United Sugar Producers Fed-eration of the Philippines (UNIFED) at ilang asosasyon ng mga mil-ler at planter. Dagdag pa, malaking halaga ng SEPRF ay inilalagak sa mga invest-ments. Umabot na ito ngP293,600,424.39 nung 2011. Batay sa ulat ng Commission on Audit (COA) nung ika- 31 ng Disyembre 2011, nahahati ito sa P287,725,160.06 na nasa Treasury Bills at P5,875,264.33 sa iba pang mga investment at Marketable Secu-rities. Panghuli kahit may tig-2 representante ang mga mangaggawa sa ilohan at MBT sa National Tripartite Council (NTC) sa Industriya ng Asukal, minorya pa rin sila dito at ang magpapasiya kung tatangga-pin silang representante ay ang Kalihim ng DOLE. Ganun din ang kalagayan nila sa District Tripartite Councils (DTC) kung saan may 1 representante sa mga mangaggawa sa ilohan at 2 sa MBT. Sampu ang miyembro ng NTC at pito sa DTC. Ibang usapin pa kung tunay ngang representante ng mga manggagawa ang umuupo sa mga ito. Sa kabuuan kahit ang ulat ng BWSC sa kanyang nagawa sa SEPRF ng 20 taon ay di naman ganun kahusay. Pinagyayabang niya na 471,938 katao daw ang natulungan niya sa panahong ito. Pero kung hahatiin mo ito sa 20 taon ang natutulungan lang nila ay 23,597 tao kada taon. Kung may 500,000 MBT at manggagawa sa ilohan sa buong Pilipinas ay wala pa itong 5% kada taon. Sa proyekto nila sa Tiempos Muerto (Dead Season) lamang ay napa-kaliit ang bilang na 17,952 na natulungan nila sa 20 taon. Ito ay 898 lamang kada taon o maliit pa sa 0.2% ng kabuuang bilang ng mga manggagawa.

  • 12

    Kataka-taka din kung bakit mayron unclaimed/undistributed CBF at sa napakalaking halaga lalo na sa huli. Sino ba namang tao ang hindi kukuha ng kanyang pera kung nandiyan na. At bakit wala man lang pagiimbestiga kung bakit ito nagaganap. Batay sa ulat ng BRW-SAP Acting Chief Accountant, sa loob ng 17 crop years (1991-92 to 2007-08) umabot na sa P3.15 billion ang CBF kung saan P6.27 million ay unreleased at P128.72 ay unclaimed. Ayon naman sa DOLE Western Visayas, ang pamamahagi ng CBF sa BISCOM mill district ay 72 per cent noong crop year 2008-2009, 89 per cent sa CY 2009-2010 at 84 per cent noong 2010-2011.

    Sa SONEDCO mill district naman, ang naging pamamahagi ay 17 per cent lamang noong CY 2008-2009. Maliban dito, mahirap ding makakuha ang mga MBT ng maternity at death benefits. Ito ay sa kadahilanang mahirap tugunan ang mga pangangailangan nito. Nakasulat kasi dito na para makuha ang mga benepisyong ito kinakailangan na nakapagtrabaho ng 3 buwan na tuloy-tuloy o sa inipon na panahon sa kasalukuyang crop year o sa crop year bago siya namatay o nanganak. Hindi naman ganito kahigpit sa SSS at Philhealth habang sa SAP ay masyadong mahigpit. Mula 1992 2010, 55% lang ng death benefits ang nai-pamahagi habang ang maternity naman ay 80% lamang. Hinggil naman sa mga proyektong pang sosyo-ekonomiko nako-

    9

    Hinahati ang pondo ng SAP sa dalawang bahagi. Ang 80% nito ay mapupunta bilang cash bonus fund (CBF) sa mga MBT at mangag-gawa sa ilohan. Kokolektahin ito ng mga miller at ibibigay sa mga asosasyon ng mga planter, kung affiliated planter sila at direkta sa mga unaffiliated planter para ipamahagi sa kanya-kanyang MBT. Ang mga miller naman ang direktang mamamahagi nito sa kanil-ang mga mangagawa sa ilohan. Habang ang 20% ng buwis ay para sa pagpapatupad ng socio-economic program related fund (SEPRF) at napupunta direkta sa Bureau of Workers with Special Concerns (BWSC) ng Department of Labor and Employment (DOLE). Kokolektahin din ito ng mga miller, pagkatapos ay ireremit ito sa BWSC. Ang 20% SEPRF ay hahatiin pa sa mga sumusunod:

    9% para sa socio-economic projects; 5% para sa death benefit program; 3% para sa maternity benefit program; 3% para sa administrative expenses ng Sugar Tripartite Council (STC), District Tripartite Council(DTC) at Bureau of Rural Work

    Source: www.bwsc.dole.gov.ph

  • 10

    ers(BRW) na sa ngayon ang tawag ay Bureau of Workers with Special Concerns(BWSC).

    Para naman sa 2 mill district ng Negros na sakop ng BinalbaganIsabela Sugar Company, Inc. (BISCOM) at ng Southern Negros De-velopment Corporation (SONEDCO), 3% ng buong halaga ng asukal ang bahagi ng mga manggagawa sa produksyon ng asukal. Maliban sa industriya ng asukal ipapatupad na rin ang SAP sa mga tubuhan at niyogan na gumagawa ng bioethanol. Kailangan pa na-tin itong pag-aralan.

    Bakit nating sinasabi na di nakikinabang ang mga MBT at mga manggagawa sa ilohan sa SAP?

    Sa naganap na konsultasyon ng mga lider ng mga MBT nung ika 9-10 ng Pebero 2013, ito ang mga lumabas sa ibat-ibang bahagi ng Pilipinas na tinatamnan ng tubo. Sa Bukidnon ayon sa OGYON walang MBT ang nakatanggap ng CBF at maski na sa maternity at death benefits. Sa Quezon na isang bayan sa probinsya, sinabihan ng isang malaking plantador na ang SAP daw ay hindi para sa kanila. Maliban dito ang Sugar Workers Livelihood Center (SWLC) sa Malaybalay ay di pa tapos mula 2002 at ang unang palapag nito ay ginawang opisina ng Department of Labor and Employment - Re-gional Office (DOLE-BDO). Ayon naman sa NFSW, naipanalo na nila ang SAP mula dekada 80 pa. Hindi lang nila tiyak kung ang karaniwang natatanggap ng mga MBT na P300 na CBF ay tama dahil nung 2007-2008 ito ay nasa P395 dapat. Hindi rin nakakuha ang NFSW na kahit 1 proyektong sosyo-ekonomiko sa pondo ng SEPRF. Sa kasalukuyan ang kam-

    11

    panya nila sa SAP ay bahagi ng pangkabuuang kampanya para matamo ang mas mataas na sahod at mas maraming benepisyo. Maliban dito, binanggit din ng NFSW na sa 2 milling districts sa ilalim ng BinalbaganIsabela Sugar Company, Inc. (BISCOM) at Southern Negros Development Corporation (SONEDCO), nagpatu-pad sila ng 2 taong moratorium sa pamamahagi ng CBF na nagka-

    kahalaga ng P254 milyon. Sinang-ayunan ito ng DOLE RO. Ang rason na naibigay ay nagreklamo daw ang mga plantador na pinagbabayad sila ng 2 buwis sa SAP na nakasaad sa RA809 at RA6982. Tinututulan ito ng NFSW. Sa Batangas, ayon sa PAMATU kalakhan ng mga MBT ay di naku-kuha ang kanilang SAF dahil kahit mga lokal ay tinataguriang mga pana-panahong mga manggagawa. Sinang-ayunan ito ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz sa isang pakikipag-usap sa Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA) nung ika-11 ng Setyembre, 2012 nang binanggit niya na dahil daw sa maliit na halaga ng cash bonus may problema daw sa pamamahagi nito, lalo na sa mga lugar sa Batangas kung saan karamihan ng taniman sa mga tubo ay maliliit na lupain.