pnt rehiyon

78

Upload: kristina-evora

Post on 26-Oct-2014

646 views

Category:

Documents


6 download

TRANSCRIPT

Page 1: PNT REHIYON
Page 2: PNT REHIYON
Page 3: PNT REHIYON

REHIYON IXREHIYON IX

Ang rehiyon na nasa katimugan ng Pilipinas ay ang Rehiyon IX. Ito ay napapaligiran ng mga dagat. Ang Dagat Sulu sa Hilaga, Dagat Celebes sa Timog at sa Silangan ay ang mga lalawigan ng Misamis Occidental at Lanao del Norte.

Ang Zamboanga del Norte, Zamboanga Del Sur, Zamboanga Sibugay at Basilan, ang bumubuo ng rehiyong ito. May apat itong lalawigan: Dapitan, Dipolog, Pagadian, at Zamboanga. Ang sukat ng buong rehiyon ay humigit kumulang sa 15,997.3 kilometrong parisukat.

Page 4: PNT REHIYON

• Ang rehiyon na ito ay mabundok. Sa Zamboanga del Norte matatagpuan ang pinakamataas na bundok Dabiah.

• Bihirang dalawin ng ulan ang rehiyon na ito lalo na ang bahaging Hilaga ng Zamboanga. Nagsisimula ang tag-ulan sa buwan ng Hunyo hanggang Nobyembre. Ang Zamboanga del Norte ay may mahalumigmig na klima.

Page 5: PNT REHIYON

Matataas ang kinikita sa pagsasaka dahil sa kalakhan ng rehiyon subalit mababa ang establisyementi. Pangunahing hanapbuhay ng mga tao rito ang pangingisda lalo na sa Basilan. Sa Zamboanga del Sur at Zamboanga del Norte naman ay pagsasaka, paghahayupan, at kaunting pangingisda. Hanapbuhay rin dito ang panghuhuli ng mga pawikan o pagong at ang pangongolekta ng mga itlog nito.

Page 6: PNT REHIYON

• Sa mga nakalipas sa panahon dahil sa maraming suplay ng pangkagubatan produkto, nakilala ang rehiyon bilang angkatan ng mga kahoy. Sa kasalukuyan, ang mga troso na mula pa noong unang panahon ay nanggagaling na sa matandang kagubatan ay unti-unti nang nawawala.

• Ang lungsod ng Zamboanga ang sentro ng kalakalan ng rehiyon.

• Ang Baisilan ang itinuturing na may pinakamaraming produksyon ng goma sa buong mundo ng Pilipinas at ang Zamboanga del Sur naman ay kinikilala sa pagtotroso.

Page 7: PNT REHIYON

Kung sining ang pag-uusapan , ang Rehiyon IX ay may mga natatanging sayaw tulad ng Sua-Sua, isang sayaw sa pag-iisang dibdib; ang Singkil sa sayaw ng isang Prinsesa na pinapayungan habang madamdaming humahakbang sa apat na kawayan. Halos katulad ito ng tinikling.

Ang Koprangkamanis naman ay sayaw panghukuman.

Page 8: PNT REHIYON

ZAMBOANGAZAMBOANGA

Ang Zamboanga na tinaguriang “Zambangan”, na lalong kilala sa tawag na “Lupain ng mga Bulaklak” ay matatagpuan sa katimugan bahagi ng Zamboanga Peninsula. Ang lupain may sukat na humigit kumulang sa 1,414.7 kilometrong parisukat at noong 1990 ay may populasyong 2,221,382 katao at itinanghal na primera klaseng

lungsod.

Page 9: PNT REHIYON

Noong ika-6 ng Hulyo, 1952, ang

lupain ng mga Bulaklak ay nahati sa dalawang probinsiya- Zamboanga del Norte at Zamboanga del Sur. Ang Zamboanga del Norte ay nas Hilagang-Kanluran ng Zamboanga Peninsula.

Ang nakapaligid dito ay ang Dagat Sulu sa Hilaga, Zamboanga del Sur sa Timog at Misamis Occidental sa Silangan.

Page 10: PNT REHIYON

ZAMBOANGA DEL NORTEZAMBOANGA DEL NORTE Ang Zamboanga del Norte ay may dalawang

siyudad, dalawampu’t apat na munisipalidad sa hinati sa limang daan at walumpu’t pitong barangay. Dipolog ang kabisera ng probinsiya. Ito ay may kabuuang sukat nag humigit kumulang sa 607,519 ektarya o 6,075.19 kilometrong parisukat. (Almanc 430).

Nagsimula ang tag-ulan sa lugar sa ito sa buwan ng Mayo hangang Disyembre. May katamtamang temperatura na 27.7celcius at ang walumpu’t tatlong bahagdan nito ay mahalumigmig.

.

Page 11: PNT REHIYON

Ang Zamboanga del Norte ay mayaman sa mga yamang mineral na kadalasang non-metalic. Ito ay ang mga durog na bato, asbestos, buhangin, graba at iba pa.

Apatnapung porsiyento ng kabuaang lupain ng Zamboanga ay pasyalan, tatlumpu’t walong porsyento at taniman ng iba’ibang pananim at ginagamit na pastulan.

Page 12: PNT REHIYON

Ang industriya ng pagtitinda ang mga pinakamalaking dami ng establisimyento sa buong probinsiya. Sumunod dito ay ang transportasyon, komunikasyon at pag-iimbak.

May magaganda tanawin ang

Zamboanga del Norte –ang aplaya o tabing dagat tulad ng Sinipang Bay. May mga mahihiwagang kwebang matatagpuan sa Manuban, Katipunan, Roxas at Labason.

Page 13: PNT REHIYON

Isa sa mga mahalaga at makasaysayang lugar sa probinsiya ng Zamboanga del Norte ay ang Dapitan Shrine kung saan si Dr. Jose Rizal ay napatapon bago siya pinatay.

Mayroon ding dalawampu’t anim na hotel ang Zamboanga del Norte na maaring panuluyan ng mga nais na bumisita at magbakasyon dito.

Page 14: PNT REHIYON

ZAMBOANGA DEL SURZAMBOANGA DEL SUR

Ang Zamboanga del Sur at galing sa salitang Malay na ang ibig sabihin ay paso o lagayan ng bulaklak. Naitatag ito sa bisa ng RA Blg.711 noong Sept.17, 1952 Matatagpuan ito sa hilagang kanluran ng Mindanao. Nakapaligid dito ang Zamboanga de Norte sa Hilaga, Lanao del Norte sa Silangan, Dagat Mindanao sa Timog at sa Sulu sa Kanluran. Ang Hilagang parte ng probinsiyang ito ay matatarik na may kaunting patag habang ang mga babayin nito ay ay may bundok na nakapalibot sa buong isla.

Page 15: PNT REHIYON

Mayroon itong dalawang siyudad, apatnapung munisipalidad na nahati sa 1,107 na mga barangay.

Ang tag-ulan sa probinsiya ito ay nagsisimula sa buwan ng Hunyo hangang Nobyembre. Mula Disyembre hanggang Mayo nakararanas ang Zamboanga del Sur ng kaunting pag-ulan, pagkulog, at pagkidlat.

Umaabot ang temparatura sa 27 celcius at dalawampu’t dalawang porsyento nito ay mahalumigmig. Karaniwang pakanluran ang hangin sa bilis na pitong kilometro bawat oras.

Page 16: PNT REHIYON

Umaabot ang temparatura sa 27 celcius at dalawampu’t dalawang porsyento nito ay mahalumigmig. Karaniwang pakanluran ang hangin sa bilis na pitong kilometro bawat oras.

Sa kabuuang laki ang lupain ng Zamboanga del Sur, ang tatlumpu’t limang porsyento nito ay kagubatan na pinagkukunan ng troso at ang iba o tatlumpu’t dalawang prosyento naman ang ginagawang palaisdaan. Tatlumpu’t tatlong prosyento ang pinatataniman ng iba’t ibang panamin at anim na porsyento ang pastulan.

Page 17: PNT REHIYON

Mayroon ding produksyon ng mineral ang lugar na ito. Karamihan ay metallic tulad ng aluminum, ginto, tanso, tingga, nickel, chromite, pyrite, hematitie, at Zinc. Ang mga non-metallic naman ay uling, asin, lupa, buhanging, graba, asbestos, marmol, silica, at iba pa.

Ang Zamboanga del Sur, bilang lupain ng mga bulaklak ay may pinakamaraming uri ng bulaklak.

Page 18: PNT REHIYON

May magagandang tanawin dito tulad ng Pasonanca Park, ang tatlong daang taong Fort Pilar na kung saa naroon ang grotto ng Lady of Pilar; ang Sta. Cruz na isang islang may islang may magagandang baybay-dagat at makukulay na mga korales at ang Barter Trade Market na bilihan ng mga gamit na pang-Muslim.

Page 19: PNT REHIYON

Zamboanga SibugayZamboanga Sibugay• Matatagpuan sa rehiyon ng Tangway ng

Zamboanga sa Mindanao ang Zamboanga Sibugay.

• Ipil ang kabisera nito. Nasa hilaga ng Zamboanga Sibugay ang  Zamboanga del Norte, ang Zamboanga del Sur sa silangan, at ang Lungsod ng Zamboanga sa timog-kanluran.

• Ang Zamboanga Sibugay ay ganap na naging lalawigan sa bisa ng Batas Republika Bilang 8973 noong 22 Pebrero 2001.

• binubuo ng 16 munisipalidad ang Zamboanga Sibugay.

Page 20: PNT REHIYON

BASILANBASILAN Ang Basilan ay matatagpuan sa katimugang

bahagi ng Zamboanga del Sur. Dati itong bahagi ng Zamboanga del Sur subalit nagng lumaon ito’y inihiwalaysa pamamagitan ng Presidential Decree Blg.356 noong Disyembre 27, 1973.

Ito’y napaliligiran ng karagatan Basilan Straight sa Silangan, Golpo ng Moro sa kanlurang bahagi at ang Dagat ng Sulu sa Hilaga. Gaya ng mga naunang probinsiya, ito rin ay bulubundunkin.

Pinakamaliit ito sa mga kasamaang lalawigan bumubuo ng Rehiyon IX. Binubuo lamang ito ng tatlong munisipalidad : Isabela, na siyang kabisera, Lamitan at Maluso.(Almanac 4302).

Page 21: PNT REHIYON

Batay sa pinakahuling ulat, ito ay may populasyon 295,565. Pinaninirahan ito ng mga taong tinatawag na Cebuano at Chavacano na gumagamit ng mga wikang Cebuano ant Chavacano.

Pagsasaka at pangingisda ang pangungahing ikinabubuhay ng mga tao rito.

Ang klima rito ay katamtaman at hindi dalawin ng bagyo.

Page 22: PNT REHIYON

MGA ALAMATIn waktu kamaasan pa, in manga tau ha dunya nginuinu bang mainaguulan. Dum adlaw tiyali nila sa ‘way makabya’. Sara hambuk adlaw , nakabuti in suysuy pa Tauhan.

Laung sin tau,”Jabrail, kari kaw kunu”. Baytai in sanga manusya ‘ na hangkan magulan sabab namamagyu” in mga biraddali.”

Ni miyadu na in Jabarail ampa madtu biyaytaan in manga tau in kahalan sin pagulan ha awan atawn langit sabab in sanga biraddali sin tuhan namamagyu’ha surga’. Pagubugs sin pagbyata’minuwi na in Jabarail pa surga.

Page 23: PNT REHIYON

ANGHEL SA KALANGITANANGHEL SA KALANGITAN• Nooong unang panahon ang mga tao sa mundo

ay nagtataka kung bakit umuulan. Umaga hanggang gabi ay nag-iisip sila, subalit wala ni isa sa kanila ang makapagsabi. Ngunit isang araw, ang kanilang katanungan ay umabot sa Diyos.

• Sabin ng Bathala.” Gabriyel, magtungo k sa mundo at sabihin mo sa mga tao na umuulan dahil ang mga angel ay naliligo.

• Dahil dito pumunta si Gabriyel, sa mundo ng mga tao at sinabi sa mga tao na umuulan dahil naliligo ag mga angel. At pagkatapos noon ay bumalik na si Gabriel sa langit.

Page 24: PNT REHIYON

IN DUWA BUDIN DUWA BUD In waktu sin kamaasan, awn duwa

bagu ,matiyaun. Mabayan’ sila timibaw pa maas nila ha Sambuangan. Namaid na sila ha ina’ iba ama ‘ sin babai’ in tumulak sila , namus na sila sakayan sin ama’ sin babai’. Piyadayaw sin sakayan niya. Salta’ siyulayan niya kalampakan sin sakayan, liyuwan niya subay sila tumulak sin adlaw jumaat. Sin adlaw Jumaat subusub, timulak. Sin ha laud na sila, awn na hangin ampa sila naglataran tudju pa laud sin lupa sug, sampy sila nakaabut pa daig sin pu’lampiningan ha pu’ sin Basilan. Pagabut hangka pitu dimatung na sila pa Sambungan. Ampa sila nanaug, miyanaw na sila pa bay sin ama’ niya. In nakasakat sa sial pa taas bay, siyum nila in lima sin ina’ iban ama’ sin usug. Ampa nagbalik in usug pa sakayan. Kiyawa’niya in lutu nila, diya niya pa bay. Landu’ makug ina’ iban ama’ sin usug ina ka asawa in anak nila usg pa marayawa dagbus iban marayaw addat.

Page 25: PNT REHIYON

Pagga tahun na in makalabay, namaid daisad in babai’ ha manga ugangan nila, apmasila nasasaddiya in sila tumulak da ha adlaw Juamaat timulak na sila tudju pa Lupa’ sug Landu’ malanu’ in dagat Slai’ lana iban uway tuud kaalunalan. Tinatagad sila hangin. Bukun malugay timumbuk na in hangin utara’sa’ sadja’ nagpatuud tudju pa liyu sin pu’Basilan. Sin malaum dum na, napintad na ni hangin. Timigidlum na in hula’ ampa naghunus. Yaun sila ha gi’ tung tawid: di’ na sila makauntas atawa makatapuk pa taykud sin pu’ basilan.Bukun malugay dimatung na in hangin makusog inpagbabasahun na hunas na. Di’ nila na kaugpangan sa’ sadja’ nagpaanud sampay sila kiyugan sin dakula’ alun panjang. Magtuy sila iyanud. Namintaminta na sila, bang sila maabut na malunod ampa sila patay.

Page 26: PNT REHIYON

“Oh tuban ku’, laung sin usug,” duli tuud aky\ti bang maabut na matay bang mayan kami mahinang duwa bud.

• Pagga sila simanga na pa tauhan iban nabi; pagubus nila sadja’ namissaraampa sila naggulgul. Sukun malugay dimatung sa kanila in duwa alun dakula’ ampa nakalaruk sila pa laud. Suay na sila kaguwa’. Bukunan malugay gimuwa nain duwa bud a laud ha gi’ ting sin tawid, ampa di’ masagda sin manga tau sa laud bang kita tudju pa Sambuangan atawa pa Lupa’ sug. Tila silaun kita. Amu ini in katakata sin duwa Bud atawa siway Bullud.

Page 27: PNT REHIYON

ANG DALAWANG BUNBOKANG DALAWANG BUNBOK

Noong unang panahon, may isang mag-asawang bagong kasal lamang. Gustong-gusto nilang bisitahin ang mga magulang sa Zamboanga. Isang araw, nagpaalam sila sa mga magulang ng babae na pupunta sila sa Zamboanga. Nang sila ay payagan, hiniram nila ang vinta at layag ng ama ng babae. Inayos ng lalaki ang vinta at layag. Sinibukan niya ang layag na ito at maayos naman..

Page 28: PNT REHIYON

Pagkatapos nila sa paghahanda ng vinta, pinuno nila ito ng pagkain at sila ay naglayag isang araw ng Biyernes. Umaga pa lamamg ng araw ay nagsimula na silang maglayag.Habang sila ay naglalayag naitulak ng malakas ng hangin ang kanilang vinta patungo sa karagatang ng Sulu hangang marating nila ang Lampinigan sa Basilan. Pagkatapos ng isang lingo ay narating din nila ang Zambaoanga, nagtungo sila sa bahay ng magulang ng lalaki . Masaya ang mga magulang ng lalaki at ang kanilang anak ay nakapangasawa ng mabait at magandang babae.

Page 29: PNT REHIYON

Isang araw, pagkalipas ng isang taon, nagpaalam ana nag babae sa kanyang biyenan. Araw din ng Biyernes ng sila ay umalis patungo sa Jolo. Ang dagat ay tahimik at walang makitang alon. Naghintay sila na umihip ang hangin. At nagsimula nga umihip ang hanging amihan. At nang hatinggabi na, ang ihip ng hangin ay nagbago at ang kapaligiran ay dumilim bigla, nagkaroon ng bagyo. Wala na silang masisilungan dahil sila nasa gitna ng karagatan. Hindi nila mapigil ang kanilang vinta sa lakas ng hagin.

Page 30: PNT REHIYON

Habang hinahampas ang kanilang bangka ng mga alon, sila ay nagdarasal na lamang sa Diyos. “O Diyos ko pagpalain mo po kami. At kung kami po ay mamamatay, sana po ang katawan namin ay maging dalawang kabundukan”, sabi ng lalaki.

Pagkatapos nilang magdasal sa Diyos at sa propeta nilang si Mohammed, nagyakapan silang dalawa. Pagkalipas ng isang sandali tinamaan sila ng malakas na alon at sila ay tumilapon sa dagat. Hindi na sila nakita. Pagkatapos ng bagyo ay lumitaw ang dalawang bundok sa gitna ng karagatan. Ito ang pinagmulan ng dalawang kabundukan na nakatayo sa karatagan sa pagitan ng Zamboanga at Jolo.

Page 31: PNT REHIYON

ANG MGA BUGTONG NG REHIYON ANG MGA BUGTONG NG REHIYON IXIX• Ang bugtong ayon kay Charles Francis

Potter ay isang mahalang metapora, at ito ay resulta ng pangunahing prosesong metal ng pagsasama sama, at ito ay pagkakahawig, at persepsiyong pakakapareho at pagkakaiba. Ang bugtong ay isang paligsahan ng kaalaman at isang paraan upang madebelop ang talas ng pag-iisip at obserbasyon. Para naman kay Allan Dendes at Robert Georges, ang bugtong ay isang tradisyonal na ekpresyon na naglalaman ng isa o mahigit pang elementong naglalarawan, pares na ang isa ay tutol na nangangailangan ng kasagutan na maaaring hulaan.

Page 32: PNT REHIYON

• Ang bugtong ay isa sa pinakaunang porma ng pag-iisip. Ang mga primitibong tao ang nagsimula ng bugtong. Subalit noon ito ay kinikilalang isang sagrado at pinaniniwalaang nagtataglay ng kapangyarihan.

• Ang bugtong ay isang berbal na laro o isang paligsahan sa talas ng kaisipan na naging popular na libangan. Ang pagbubugtungan sa Jolo ay ginagawa kung may kasalan, sa gabing Ramadan, sa pagdaraos ng mga kaarawan at araw ng kamatayan o kahit kaylan basta may pagsasalu-salo ang mga grupo ng mga tao o kabataan. Ginagawa rin ito upang turuan ng mga matatanda ang mga kabataan na magkaroon ng talas ng isip.

Page 33: PNT REHIYON

Ang tawag ng mga Tausug sa bugtong ay “ tigumtigum o tukodtukod”( mula sa salitang tukod na ang ibig sabihin ay hulaan). May dalawang uri ng bugtong ng Tausug: ang isa ay ang tinatanong sa isang kaswal na pag-uusap at ang ikalawa ay inaawit sa isang okasyon. Subalit sa parehong kaso, ang taong pinagtatanungan o taong kinakausap ay kinakailangang magbigay ng kasagutan. Subalit ang mang-aawit na siyang umaawit nang bugtong ang siyang magbibigay ng kasagutan pagkatapos manghula ng mga manonood.

Page 34: PNT REHIYON

Ang bugtungan ay kadalasang ginagawa ng dalawa o higit pang tao. Ang mga kalahok ay nagtatanong ng bugtong isa isa sa isang grupo na siya nilang kalaban. O kaya naman, ang bugtong ay pinasasagutan sa mga bata at ang lahat ay maghahamon na sagutin ang bugtong. Kung kanino mang bugtong ang hindi masagot na siyang tatanghaling panalo. Sa proseso ng panghuhula, ang kalaban ay binibigyang ng maraming pagkakaton na mahulaan ito. At kung ang lahat ng kanyang kasagutan ay mali, ang nagpapahula ay magtatanong kung siya ay suko na, ibibigay na ng nagpapahula ang kasagutan sa bugtong. Ang nagpapahula ay kadalasang nagtatanung ng: “magapu’ na ang buwaya?” o “sirit na?” at ang kalaban ay sasagot ng: “uno kunu’? o” Ano iyon?”. At ibibigay na nagbubugtong ang kasagutan.

Page 35: PNT REHIYON

Narito ang halimbawa ng mga bugtong na kung tawagin ng mga Narito ang halimbawa ng mga bugtong na kung tawagin ng mga taga-Rehiyon IX ay “taga-Rehiyon IX ay “tigumtigumtigumtigum” o “” o “tukodtokod”tukodtokod”

Kahuykahuy baubid Isang pirasong kahoy na maliitKahuy batang baibid Na halaman na mayroong

maliit na sanga Di’magtubu ha biid Hindi tumutubo sa burol Subya ha gi’tung tawid Subalit sa gitna ng dagat Karbahal Itim na koral

Tubig ha liyung-liyung Tubig sa loob ng butas, walang dahon ang Di’kapakpakan dahon Pwedeng mahulog ditoButung Niyog

Batu giyanteng ku Nagsabit ako g batoTubig in nakawa’ ku subalit nakakuha ako ng tubigButung Niyog

In diyaak yattu pa Ang taong pinapunta ay nandunIn kawaun yari na Pero nag bagay ay dumating na]Butung Niyog

Page 36: PNT REHIYON

• Tiyanum buya’ ipun Ito ay tinanim para ngipin, pero ito ay Nagbunga ng malaking Nagbunga biya’ buktun NiyogButung

Ista’ ista ha lupa’ Ito ay isang maliit na isda sa Walna’ gaddung iban pula mundo. Ito ay berde at pula. Sisik niya kakitaan Ang kaliskis nito ay makikita Langka sa loob ng katawan nito Langka

• Jambangan hi sinyura Ang halamanan ng ng Diringding senyora, Ang

dingding nito palda ay palda.

Page 37: PNT REHIYON

• Nagdahun nagkampilan Ang dahon nito ay Nagbunga iyukkian katulad ng kampilan Lara Namumunga ng kurbang

prutas Paminta

• Awn tau Mayroon tao na Taga mata, way u maraming mata Kungkung in siku Pero walang tao Katilibut si baran Nababaliko ang siko Taga mata ang katawan nito ay puno ng mata

Page 38: PNT REHIYON

Nagbunga manikmanik Namunga ito ng maliit na butoSid adlaw alban tuwing miyerkulesPisang Pinya

Tubig ha lahi’ lahi’ Tubig sa maliit na kawayang pwedeng isalin Pero ang tubig ay hindi tuwangun di matuwang pwedeng isalin lalagyangamay Halamang Dagat

Kahuy dangawdangaw Maliit na punong isang dipaKukuhan iban bukuhan Na mayroong maraming buholSumulig lahi hangpu’ Tutubo hangang sampung dipadangaw, iban at sa sanga nito ay puno ng jambuhan in tuku guhit guhitTubo Tubo

Page 39: PNT REHIYON

• Sumpingha taasa kahuy Bulaklak sa tuktok ng punoNahulog magtuy mabilis na mahulog

Duyan Durian

• Isakalang iklugon Matigas na tinapay na J in pamugaran maraming itlog

J ang pugad nito

• Ha lawn pa sin ina Habang sa sinapunpunan ng Asal na piyupusa ina, ito ay napisa na

• Ha lawn pa sin iklug Habang ang itlog ay nasa loobAsal na taga iklug Mayroon na itong buntot Bawang Bawang

Page 40: PNT REHIYON

KWENTO BAYAN mula sa ZamboangaKWENTO BAYAN mula sa Zamboanga MANIK BUANGSIMANIK BUANGSI

Noon ay may isang sultan na may pitong anak na dalaga. Ang bunso ang pinakamaganda sa lahat. Ang kanyang pangalan ay Tuan Putli. Nang magdalaga si Tuan Putli ay maraming dugong bughaw ang lumigaw sa kanya. Ngunit hindi niya pinansin ang mga ito, sapagkat sa kanyang panaginip ay nakita na niya ang lalaki na kanyang iniibig. Siya ay si Manik Buangsi. Datapwat si Manik Buangsi ay hindi isang pangkaranwang tao. Siya ang nilalang na walang kamatayan at nakatira sa pook ng mga bathala. Sa panaginip lang niya dinadalaw si Tuan Putli.

Dumating ang araw na hindi na matiis pa ni Manik Buangsi ang kanyang pag-ibig kay Tuan Putli. Kung kayat kinausap niya si Allah. Pumayag naman si Allah na bumaba isi Manik Buangsi sa lupa.

Page 41: PNT REHIYON

Si manik Buangsi ay nag-anyong isang ginuntuang bayabas. Napasakamay siya ng isang matandang babae na pulubi. Nag bigyan ni Tuan Putli ang pulubi ng limos ay ibinigay naman ng pulubi ang prutas sa kanya. “Itanim mo ito sa hardin,” ang bilin ng pulubi kay Tuan Putli.” “ Ang bungang nito ay siyang iyong kapalaran!”.

Itinanim ni Tuan Putli ang bunga. Tumubo agad ito at nagbunga ng marami. Pinitas nito ang pinakamalaki at pinakamgandang bunga at iyo ay dinala niya sa loob ng kanyang silid.

Sa loob ng bungang iyon ay naroon si Manik Buangsi. Sa gabi, nagmumula sa bungang iyon ang isang kakaibang liwanag. Pagkatapos, lalabas si Manik Buangsi at panonoorin ang mukha isang magandang dayang-dayang. Saka lamang siya bumabalik sa loob ng bunga kapag tumilaok na ang manok. Ngunit sa isang pagkakaton ay nakatulog si Manik Baungsi. Nang magising siya ay nakasikat na ang araw. Gayon na lamang ang pagtataka ng dalaga. “Kung gayon, isa kang katotohanan!” bulalas ni Tuan Putli.

Page 42: PNT REHIYON

Ngumiti si Manik Buangsi. “oo Wika niya. At narito ako upang pakasalan ka!.

Naganap ang kasalan ni Tuan Putli at Manik Buangsi at sa piging na iyon ay bumaba ang mga bathala mula sa kalangitan upang masaksihan ang pag-iisang dibdib ni Tuan Putli at Manik Buangsi.

Nanatili sina Manik Buangsi at Tuan Putli sa lupa. Sa kabilang dako, naninibugho ang mga kapatid ni Tuan Putli sa kanyang magandang kapalaran. Hanggang sa naisip ng tatlong dalaga na sirain ang magandang ugnayan ng dalawa.

“Hindi ka dapat magtiwala sa asawa mo,” sabi ng isa kay Tuan Putli.

“Maaring isa lamang siyang masamang espirito!” “Maganda siyang lalaki,” wika pa ng isa pa. “ sigurado

mo bang ikaw lang ang babaeng minamahal niya?” “Sa tingin ko ay isa ka lamang sa mga babaeng

dumaan sa buhay niya,” sabi sa kanya ng isa pa, “Paluluhain ka niya balang araw!”

Page 43: PNT REHIYON

Dahil sa patuloy sa paninira ng kanyang mga kapatid ay tuluyan nang nalason ang kanyang isipan. Naging selosa si Tuan Putli sa kalaunan. Palagi na niyang inaaway si Manik Buangsi. Hanggang sa dumating ang panahong napuno na si Manik Buangsi. Ipinasiya niyang bumalik na sa kanyang pinagmulan. Sa kapangyarihang taglay niya ay biglang isang lumabas ang isang mabikas na puting kabayo at isang kris. Nagsisi si Tuan Putli at nagmakaawang isama siya ni Manik Buangsi. Pumayag naman si Manik Buangsi. Sa kanilang paglalakbay ay biglang binalot sila ng makapal sa alikabok. Ang mga dahon ng mga damo sa paligid ay nagmistulang kris, ngunit buong tapang na sinagupa ni Manik Buangsi ang lahat. Hanggang sa dumating sila sa isang mahaba at makipot na tulay. Sa ilalim ng tulay ay isang ilog na kumukulo at mula roon ay maririnig ang daing ng mga nagdudurusa kaluluwa.

Page 44: PNT REHIYON

Mahigpit ang yakap ni Tuan Putli sa baywang ng asawa. “ hindi ako magdidilat ng mata,” pangako niya. “ pipikit ako!.”

Nagsimula silang tumawid sa makipot sa tulay, sakay ng kabayo. Ngunit hindi kaginsa-ginsa’y, biglang nakarinig ng tinig si Tuan Putli. Siya ang tinatawag nito. “Tuan Putli! Tuan Putli! Tuan Putli!” daing ng tinig. Ang tinig na iyon at tulad ng kanyang yumaong ina!

Bigla nitong iminulat ang mga mata at tumingin sa ibaba. Dahil sa takot sa nakita ay nakabitaw ito at nahulog sa kailaliman.Mula noon mag-isa na lang si Manik Buangsi na nakarating sa kaharian, ngunit malungkot ito sa pagkamatay ng asawang hindi nakinig sa kanya.

Page 45: PNT REHIYON

AWITING BAYAN AWITING BAYAN

INAKU DURINGDINGINAKU DURINGDING(Awiting Bayan mula sa Zamboanga)(Awiting Bayan mula sa Zamboanga)

Inaku duringding Umaga na yata Nagtitilaukan na

Ang manok sa lupa.Kayat ang sabi koSa matanda’t bataMatulog n ngayonBukas ay gawa.

Page 46: PNT REHIYON

DORI-DORI SINGKILDORI-DORI SINGKIL

Dori-Dori Singkil Mang Manuel Dagil Mang Iskong Kolikoy

At mang Juan Bambo.

Page 47: PNT REHIYON

MGA MANUNULAT NG MGA MANUNULAT NG REHIYON IXREHIYON IX

Tulad ng ibangmga rehiyon, mayroon ding mga kilalang manunulat ang Rehiyon IX. Ilan sa kanilang ang mga sumusunod.

Descallar, Antonio

Isinilang si Antonio Descallar sa Sindangan Zambaoanga noong Hunyo 15, 1952. Nag-aral sa isang pampublikong paaralan at nagtapos ng kanyang pag-aaral sa Misamis Occidental Institute at sa College of Law sa AU. Nagwagi siya ng unang gamtimpala sa timpalak ng pagsulat ng tula na ginaganap noong 1949.Kauna-unahang niyang tula na napalimbag sa isang pambansang magasin ay ang “Now Before the Conqueror”.

Page 48: PNT REHIYON

Enrique, AntonioEnrique, Antonio Siya ay sumulat ng mga maikling kuwento tungkol sa mga Kristiyano at mga Muslim sa Timog na nakatagpo at nakasalamuha niya sa buhay, tungkol sa probinsiya, bayan at mga baryong kanyang tinitirhan at binibisita at tungkol sa mga obserbasyon at mga karanasan. Ang kanyang matingkad na pananaw sa mga tao at lugar sa simpleng salita, ang kanyang istilo na madaling maintindhan ng mga katangian kinagigiliwan ng kanyang mambabasa.

Page 49: PNT REHIYON

Lumabas sa mga pambansang limbagan ang kanyang tatlumpung maikling kuwento at ang isang akda na isinalin niya sa ibang wika ay lumabas sa Korean Magazine Playmate. Tumangap siya ng dalawang gamtimpala sa Palanca sa kanyang maikling kuwento sa Ingles, ikatlo noong 1969, una noong 1973. Pinalimbag ng Writers Association of Dumaguete City ang kanyang unang aklat ang “Spot On Their Wings”.

Page 50: PNT REHIYON

Enrique, Enrique, IgnacioIgnacio Alvarez Alvarez

Ipinanagnak sa Zamboanga City kung saan din niya tinapos ang kanyang pre-college education. Pumunta sa AU, kung saan niya natapos ang AB degree(1951)at matapos iyon ay nag-aral siya sa University of IOWA. Bilang iskolar narating niya ang University of Madrid. Pinagkalooban siya ng salapi ng pamilya Zobel de Ayala. Mula noong sinimulan niyang sulatin ang kanyang nobelang “The House Juan” na hindi naipalimbag.

Page 51: PNT REHIYON

• Noong 1956, sinimulan niyang sulatin ang kanyang kauna-unahang nobela, “ The Devil Flower”. Sa Yaddo Foundation, Saragota, Srings, New York ay ipinagpatuloy niya ang pagsusulat sa nobela sa isang Writers’ Workshop sa State University of IOWA. At natapos niya iyon sa isang six- month fellowship sa Huntington Hartfort Foundation. Dalawa sa kanyang maiikling kuwento ay nagwagwag sa Philippine Free Press Short Story Contest. “Death of a House”, ikalawang gantimpala, 1951 at “ The Doll”, ikatlong gantimpala. Noong Pebrero 20,1971 ay ipinalabas sa UE sa Auditurium ang dulang “ As Between Two Mirrors” na kanyang isinulat at hinango sa kanyang nobela. Ang ibang pang aklat niya na naipalimbag ay ang “Three Philippine Epic, Plays at House of Images” (1953), at ang The White House of Alia at Other Stories” (1985).

Page 52: PNT REHIYON

Acas, OliviaAcas, Olivia

Baguhan pa lamangsiya sa larangan ng pagsusulat ng tula ngunit ang kanyang mga naisulat ay naipalimbag na sa palimbagan.

Page 53: PNT REHIYON

Jubair, Ibrahim A.Jubair, Ibrahim A.

Siya ang kauna-unahang fictionist sa Zamboanga na ginamtimplaan ng Presidential Certificate of Merit in Literature for Teaching the Filipino- Muslim sa kanyang panahon. Bukod sa pagiging manunulat ng tula at mamahayag, si Jbair ay isag kolumnista sa isang pahayag sa Zamboanga City at editor ng Cresent Review. Ang aklat I Jubaira ay ipinalimbag hindi lang ng Free Press Pacific Quarterly (South Korea) at ng The Times of Ceylon.

Page 54: PNT REHIYON

Villa, GonzaloVilla, Gonzalo

Isang manunulat ng maikling kuwento at mananalaysay, ipinanganak sa Zamboanga City ng isang pamilyang may kaya sa buhay. Naging interesado sa pagsulat ng mga tula at maikling kuwento nang siya’y nasa high school pa lang. Naging news editor siya ng Atenean, isang pampaaralang pahayagan na siyang pinaglathaan ng ilang mga akda niya. Una niyang kuwento ang “ When Death Struck”.

Page 55: PNT REHIYON

Nagwagi siya sa Pambansang Paligsahan sa pagsulat ng sanaysay noong 1946, ito’y pinamagatan niyang “ The Role of America in the Rehabilitation of the Philippines”. Kabilang sa mga sinulat niyang nagwagi ng gantimpala ay ang Footnote of America at pinalitan niya ng “Death of Illusion”, “Barrio Miracle”, “A voice in Rama”. Itinigil niya ang pagsusulat upang tapusin ang kursong abogasiya subalit muling susulat kung hinihingi muli ng pagkakataon

Page 56: PNT REHIYON

• Ang Dagat Sulu ay isang malaking dagat sa timog-kanlurang bahagi ng Pilipinas. Maraming pulo ang matatagpuan sa Dagat Sulu. Ang Islang Cuyo at Cagayan Sulu ay mga bahagi ng lalawigan ng Palawan. Ang Cagayan de Tawi-Tawi at ang Turtle Islands ay bahagi ng lalawigan ng Tawi-Tawi. Nasa Dagat Sulu din ang Tubbataha Reef National Marine Park na isa sa mga World Heritage Sites.

Page 57: PNT REHIYON

• Ang Dagat ng Celebes o Dagat ng Sulawesi sa kanluran ng Dagat Pasipiko ay ginigilid sa hilaga ng Kapuluang Sulu, Dagat ng Sulu at Mindanao ng Pilipinas, sa silangan ng mga ulo ng Sangihe, sa timog ng Sulawesi, at sa kanluran ng Kalimantan sa Indonesia.  Itong dagat na ito ay kahawig ng isang malaking lunas, at kasing lalim ng 6,200 m. Ang kabuuang lawak nito ay 110,000 m sq. (280,000 km sq). Yung dagat ay bumubukas diretsyo Kipot ng Makassar patungong Dagat ng Java.

Page 58: PNT REHIYON

• Ang Misamis Occidental (Kanlurang Misamis) ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon sa Hilagang Mindanao. Ang Lungsod ng Oroquieta ang kapital nito. Nasa hangganan ng Zamboanga del Norte at Zamboanga del Sur sa kanluran at nakahiwalay mula sa Lanao del Norte ng look ng Iligan.

Page 59: PNT REHIYON

Maria Cristina Falls

Maria Cristina Falls • Ang Lanao del Norte (Hilagang Lanao) ay isang lalawigan sa Pilipinas na

matatagpuan sa rehiyon ng Hilagang Mindanao. Tubod ang kapital nito at napapaligiran ngLanao del Sur sa timog, Zamboanga del Sur sa kanluran, Misamis Oriental sat hilaga-silangan, Bukidnon sa silangan, at nahihiwalay sa Misamis Occidental sa pamamagitan ng Iligan Bay.

Page 60: PNT REHIYON
Page 61: PNT REHIYON
Page 62: PNT REHIYON
Page 63: PNT REHIYON

• Bulingan falls in lamitan, basilan

Page 64: PNT REHIYON

Philippines Dapitan City

The octagonal house built by Jose Rizal

Page 65: PNT REHIYON

• Dakak Park Beach

Dipolog City

Page 66: PNT REHIYON

Miss Pagadian 2002

Pagadian City

Page 67: PNT REHIYON

Zamboanga La Hermosa Festival • • Zamboanga

•   City Hall

Page 68: PNT REHIYON
Page 69: PNT REHIYON

Silid ni Rizal sa loob ng Rizal Shrine

Page 70: PNT REHIYON

Zamboanga

Pasonanca Park 

Page 71: PNT REHIYON
Page 72: PNT REHIYON

• Singkil

Page 73: PNT REHIYON

• Zamboanga Peninsula / Western Mindanao is a peninsula and anadministrative region in thePhilippines. Designated as Region IX, the region consists of threeprovinces, namely, Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, andZamboanga Sibugay, its component cities of Dipolog, Dapitan, Pagadian, and Isabela (Capital of BasilanProvince, which is a part of theARMM) and the Highly-urbanized city of Zamboanga.

Page 74: PNT REHIYON
Page 75: PNT REHIYON

• The beautiful view of the Basilan Straight water and Santa Cruz Islands

Page 76: PNT REHIYON

•  

• Ang Golpo ng Moro ay nasa timog ng Zamboanga del Sur.

Page 77: PNT REHIYON

Ang mga Tausug o Suluk ay isang pangkat-etniko sa Pilipinas at Malaysia. Ang katawagangTausug ay nagmula sa mga salitang Tau Sūg na nangangahulugang "mga tao ng agos" (Ingles: "people of the current"), na tumutukoy sa kanilang lupang tinubuan sa Kapuluan ng Sulu. Ang mga Tausug au tinatawag na Suluk sa Sabah, Malaysia. Ang mga Tausug ay bahagi ng mas malaking pangkat-etniko na Moro, ang ika-anim na pinalalaking pangkat-etniko sa Pilipinas.

Page 78: PNT REHIYON