peer pressure

42
Papano haharapin ang negattibong epekto ng “peer pressure”?

Upload: jovelle-caraan

Post on 27-Oct-2014

2.162 views

Category:

Documents


7 download

TRANSCRIPT

Page 1: Peer Pressure

Papano haharapin ang negattibong epekto ng “peer pressure”?

Page 2: Peer Pressure

• Kakayahang mag-isip• Matatalinong kaibigan• Pakikinig sa mga magulang• Lakas ng loob• Pagpupunyagi• Kaalaman tungkol sa isyu

Page 3: Peer Pressure

1. Kilalanin mo ang iyong sarili. Nararapat na nalalaman mo kung bakit mo ginagawa ang isang bagay.

Page 4: Peer Pressure

Halimbawa, maraming kabataan ang nagsisigarilyo dahil lamang ginagawa rin ito ng kanilang mga kabarkada. Ngunit itanong mo sa iyong sarili, “ito ba ang gusto kong gawin?” Ang isang kabataang may sapat na pag-iisip ay hindi na kinakailangan pang kumunsulta sa tulad rin niyang kabataan na walang karanasan. Magingmapaninidigan ka.

Page 5: Peer Pressure

Huwag padala sa maling pambubuyo ng barkada. Mas mainam na ikaw ang manguna sa kanila sa kanilang ikabubuti.Itanong mo sa iyong sarili, saan ba ang tutunguhin ng mga kabataang ganito ang gawain? Sila ba ay tunay na nagmamalasakit o nais lamangnila ng kasama sa kanilang kasawian. Sila ba ay nag-aanyong malakas upang pagtakpan ang kanilang mga kahinaan?

Page 6: Peer Pressure

Piliin ang mga kaibigan. Hindi ka mahihirapan pa na humarap sa negatibong impluwensya ng barkada kung ang iyong mga malapit na kaibigan ay iyong mga tunay na may malasakit sa iyo. Malalaman mo ito kung inaakay ka nila sa mabuti at hindi sa ikasasama mo. Matutukoy ang iyong pagkatao sa uri ng mga taong sinasamahan mo. Kung ang nais mo ay maging masaya at mabuting kabataan, sumama ka sa ganitong uri ngmga kabataan.

Page 7: Peer Pressure

Makinig ka sa iyong mga magulang. Kung ikaw man ay pinagagalitan nila, iyon ay dahil sa mahal ka nila at ayaw ka nilang mapasama.Napagdaanan na ng iyong mga magulang ang lahat ng iyong pinagdaraanan. Sinisikap nilang maging mabuting tao ka. Naghihigpit sila sapagkat alam nila kung gaano kapusok ang karamihan ng kabataan. Naranasan na rin nila ang peer pressure. Sila ang mainam na kunsultahin para sa mga suliranin kaugnay ng peer pressure.

Page 8: Peer Pressure

Palaging piliin ang makabubuti sa sarili. Maging matatag lalo na sa pagtanggi sa mga bagay na alam mong makasasama sa iyong kalusugan.

Ipakita mo sa mga kaibigan na pinahahalagahan mo ang iyong kalusugan ng katawan at isipan. Ikaw ang nagdidikta ng iyong gagawin at hindi sila. Sa huli’y ang paniniwala sa sarili at paninindigan ang tanging pananggalang sa negatibong peer pressure.

Page 9: Peer Pressure

Peer PressureMinamasdan ni Ruby ang kanyang mukha sa salamin. Papasok na ito sa eskwelahan kung saan siya ay isang mag-aaral sa ikalawang taon. Pakiramdam niya’y nakatago sa makapal na pulbos at lipstick na ipinahid nya sa kanyang mukha ang kanyang tunay na pagkatao.

Page 10: Peer Pressure

Sinusuklay nito ang kanyang buhok na dati’y itim na itim ngunit ngayo’y may mga bahagyang kulay blonde na. Kapansin pansin din ang kulay itim na kuko nito. Iyon kasi ang uso. Naaalala pa ni Ruby noong siya ay nasa unang taon. Wari ba’y masamang panaginip ito na nais na sana niyang kalimutan.

Page 11: Peer Pressure

Pinagtatawanan sya noon dahil sa kanyang pananamit. Wala kasi sa uso ang kanyang mga kasuotan. Luma ang uniporme at sapatos niyang isinusuot dahil ang mga ito’y pinaglumaan na ng kanyang ate

Page 12: Peer Pressure

Kadalasang simpleng nakatali lamang ang itim nitong buhok. Marami rin ang nagtatawa sa

kanyang makapal na salamin sa mata. Walang sumasalo sa kanya sa pagkain ng recess at wala ring nais na pumili sa kanya bilang kagrupo sa mga gawain sa paaralan

Page 13: Peer Pressure

Dahil sa kanyang pagnanais na mabago ang pakikitungo ng mga kamag-aral, sinikap nitong baguhin ang kanyang sarili. Sinimulan niya ito sa kanyang pananamit. Pinilit nya ang kanyang ina na ibili sya ng bagong uniporme. Kahit nahihirapan sa pag-aaral ay hindi na nito muling isinuot ang kanyang makapal na salamin.

Page 14: Peer Pressure

Ginagaya niya ang pananamit ng mga kamag-aral na sikat. Ginagawa niya na ang mga ginagawa nila. Maging ang pagtambay sa tindahan sa labas ng paaralan matapos ang klase. Minsan nga’y napilitan siyang uminom ng isang baso ng mapait na beer dahil lamang sa pakikisama. Minsan din ay nag cutting classes sya kasama ang mga bagong kaibigan. Masaya sya sa pakikitungo sa kanya ng kanyang mga bagong kaibigan. Sa wakas ay kabilang na rin sya.

Page 15: Peer Pressure

Masaya sya sa pakikitungo sa kanya ng mga kamag-aral. Ngunit, para bang hindi sya nasisiyahan sa Ruby na nakikita niya sa salamin. Wari ba’y hindi nya ito nakikilala. Napakarami nya nang pagkukulang sa kanyang pag-aaral at sa kanyang pamilya.

Page 16: Peer Pressure

Ang mga ganitong kwento ay hindi na bago sa ating pandinig. Nangyayari itong madalas lalo na sa mataas na paaralan. Sa bawa’t paaralan ay palaging mayroong isang grupo ng mga mag-aaral na “sikat” o tinatawag nilang “cool group”. Kadalasan, ang mga kabataang ito ay may dalawang uri. Yaong mga sikat dahil sa kanilang reputasyon sa paggawa ng mga bagay na hindi nila dapat na ginagawa.

Page 17: Peer Pressure

Ang kanilang kakayahan sa paglabag sa mga alituntunin nang walang pag-aalinlangan ay dahilan para sila katakutan ng karamihan sa kanilang mga kamag-aral. Mayroon din namang sikat dahil sila ay kilala sa pagiging higit na mahuhusay, matatalino, magaganda o mas nakaaangat sa buhay. Sila’y karaniwang hinahangaan.

Page 18: Peer Pressure

Ngunit hindi lahat ng ganitong pangkat ng kabataan ay may pantay na pakikisama sa lahat. Kadalasan sila’y namimili lamang ng kanilang tatanggapin sa kanilang grupo.

Natural lamang sa ibang mag-aaral na hangaring mapabilang o kilalanin man lamang nang alin man sa mga pangkat na ito.

Page 19: Peer Pressure

Ayon kay Esteban (1990), ang isang teenager na tulad mo ay tunay na madaling maapektuhan ng impluwensya ng iyong mga kaedad, tinatawag itong peer pressure. Sensitibo ang mga kabatang tulad mo sa peer pressure sapagkat sa yugtong ito ng emosyonal at sosyal na paglago, ay karaniwang nakakaramdam ka ng matinding pangangailangan upang mapabilang.

Page 20: Peer Pressure

Ninanais mong makilahok sa mga gawain, maanyayahan, maramdamang ikaw ay gusto ng iba, at ninanais mong makahalintulad nang mga nais mong makasama. Sa ganitong paraan, nagkakaroon ka ng kumpiyansa at pagpapahalaga sa sarili.

Page 21: Peer Pressure

Gayon pa man mayroong negatibo at positibong epekto ang peer pressure. Ang pagtukoy kung alin ang negatibo at positibong peer pressure ay nakasalalay sa pagsusuri sa mga maaaring kahinatnan nang pagbibigay dito.

Page 22: Peer Pressure

Ang bulag na pagsunod sa mga kaibigan ay maaring maging dahilan ng pagkasira ng iyong buhay. Subalit ang mapanuring pagharap dito at paggawa ng matalinong pagpapasya ay maaring ikabuti ng ating buhay.

Page 23: Peer Pressure

Mga Negatibong Epekto ng “Peer Pressure”

Page 24: Peer Pressure

Kung hindi mo ibig ang isang ideya, hindi ba’t hindi ka sasang-ayon dito? Kapag hindi mo hilig ang isang larangan, natural lamang na hindi ito ang larangang tatahakin mo. Kadalasan ang mga kaibigan o kabarkada ang nagtutulak sa isang kabataan na gumawa ng isang bagay na hindi nya nais.

Page 25: Peer Pressure

Kung nagkakagayon, malaki ang posibilidad na hindi sya maging matagumpay sa larangang ito. Mahirap magtagumpay sa isang gawaing hindi kanais-nais sa iyo.

Page 26: Peer Pressure

Hindi ba’t pagsupil sa iyong kaligayahan ang pagbibigay sa peer pressure sa paggawa ng mga mahahalagang desisyon sa iyong buhay.

Page 27: Peer Pressure

Madalas ang uri ng pamumuhay na tinatahak ng mga kabataang tulad mo ay bunga ng peer pressure. Maaring hindi mo ibig ang mga kasayahan at pagtitipon, ngunit dahil sa ito ang nais ng iyong mga kaibigan ay napipilitan kang dumalo sa mga ito.

Page 28: Peer Pressure

Maaring hindi mo naiibigan ang pag-inom ng alak at paninigarilyo, ngunit napipilitan ka dahil sa lahat ng iyong mga kaibigan ay gumagawa nito. Maraming pagkakataon na dahil sa matinding panggigipit ng mga kabarkada ay tumitikim ng droga ang ilan.

Page 29: Peer Pressure

Maraming kabataan ang nalilihis ng landas dahil sa pagbibigay sa buyo ng barkada. Karaniwang nawawala ang kakanyahan ng isang kabataan dahil sa peer-pressure. Kapansin-pansin na sa isang barkadahang nakapangyayari ang peer pressure, pare-pareho ang pananamit, pag-aayos ng sarili, pagkilos at pananalita ng mga kasapi nito.

Page 30: Peer Pressure

Sila’y para bang mga “clone” ng isa’t isa. Nakalulungkot ito, sapagkat ang tunay na pakikipagkaibigan ay ang pagtanggap sa kapwa ng walang paghuhusga.

Page 31: Peer Pressure

Ang uri ng ugnayang dapat na matutunan ng isang kabataan upang maging produktibo at mabunga ang pakikipagkapwa ay yaong magpapatingkad ng kanyang kakanyahan o pagiging isang indibidwal.

Page 32: Peer Pressure

Dahil sa peer pressure, hindi na nasusunod ang dikta ng ating konsensya sa kung ano ang tama at mali. Nagiging tama na ang ano mang sinang-ayunan ng buong barkada. Nawawala na ang mga sariling pagpapahalaga at mga katangian na nagpapabukod-tangi sa iyo.

Page 33: Peer Pressure

NAGAGAWA NG MGA KABATAAN DAHIL SA PEER

PRESSURE

Page 34: Peer Pressure

PaninigarilyoPag-iinom ng alakPang-aabuso sa bawal na gamot

Pre-marital sex

Page 35: Peer Pressure

Isa pang nakatatakot na epekto ng peer pressure ang pananakit sa sarili. Ayon kay Dr. Alec l. Miller, isang sikolohista sa Albert Einstein College of Medicine sa New York, isa na ngayong kakaibang pamamaraan ng ilang kabataan upang maibsan ang

Page 36: Peer Pressure

sakit ng mga mabibigat na emosyon tulad ng labis na kalungkutan o paghihinagpis, ang pagsugat sa sariling katawan. Karaniwang ito ay sa pamamagitan ng paghihiwa sa braso o iba pang paraan ng panankit sa sarili. Hinihikayat nila ang ilan nilang mga kaibigan o kabarkada na gawin din ito bilang pakikisama o pakikiramay.

Page 37: Peer Pressure

Mga Positibong Epekto ng

“Peer Pressure”

Page 38: Peer Pressure

Ang peer pressure ay hindi naman palaging nakasasama. Makatutulong ito sa iyo upang linangin ang iyong kakayahan sa mapanagutang pagpapasya. Magkakaroon ka ng pagkakataong mapagnilayan ang uri ng pamumuhay na mayroon ka. Mahalaga rin namang makita natin ang ibang mukha ng buhay.

Page 39: Peer Pressure

Maari rin namang makabuti ang impluwensya ng mga kabarkada. Ang pagtulad sa mga mabubuting gawain ng mga hinahangaang kabataan sa iyong paaralan ay maaring makapag-paunlad sa ating sariling pagkatao

Page 40: Peer Pressure

Kung tayo ay mapabilang sa isang mabuting barkadahan, magiging mabuti rin ang kahihinatnan ng ating buhay. Sa isang mabuting barkadahan ang bawat miyembro ay itinuturing na mahalaga. Binibigyang halaga ang kakayahan, interes, at kalakasan ng bawat isa.

Page 41: Peer Pressure

Tumutulong din ang barkada napalakasin ang kahinaan nito. Sa isang mabuting barkadahan lalong pinatitingkad ang kakanyahan o ang indibidwalidad ng bawat isa. Ang kalakasan ng grupo ay ang pagkakaroon nito ng mga kasaping may mataas na pagtingin at pagpapahalaga sa kanilang sarili.

Page 42: Peer Pressure

Gumawa ng plano ng pagkilos tulad ng halimbawang ito:Mga sitwasyon kung saan nahihirapang manindigan

Dahilan kung bakit hindi makapanindigan sa ganitong sttwasyon

Mga paraan kung paano magiging mapanindigan

Kapag nagyayayang mag cutting classes ang mga kamag-aral

Natatakot magalit ang mga kaibigan

Magpaliwanag na hindi ito makabubuti sa aking pag-aaral at gayon din sa kanila

Iiwas sa ganitong mga kaibigan