pasyon for slides

3
Nang lumubog na ang araw ay itong Poong maalam niyakag ang tanang kawal, at pumasok kapagkuwan sa Herusalem na bayan. At sa bahay ng katoto agad silang napatungo, ang nasa nilang totoo doon sila magpapasko sampung tanang disipulo. Nang dumating na si Hesus doon sa bahay ni Markos, binati niyang tibobos, ng buong galang na puspos ang katoto niya’t irog. Ama ko, kung kalooban, mangyaring iyong iliban at huwag kong mainuman, ang kalis ng kapaitan na darating sa katawan. Datapuwa nga anakin, ito man ay aking hiling, ang loob ko’y di ko sundin, kundi ang iyong loob din siya kong tatalimahin. Yaring aking kaluluwa nahahanda sa lahat na anong gagawin ko, Ama, ang katawan ay balisa, siyang tantong nangangamba. Nang iharap na si Kristo doon sa taksil na lilo punong bayan ng hudyo. ay nangusap na totoo na ang wika ay ganito. Aba ito nga aniya mapangaral sa lahat na mapagsampalataya, mapagmalikmata tuwi na ang ugal’y iniiba. Kapagdaka’y nagtatakap kay Hesus yaong si Kaipas ang kamay ay ikinumpas sampung mata’y nandidilat kagalita’y dili hamak. Ano’y sa hindi mapigil ang loob ng mga taksil si Pilato’y humatol din na si Hesus ay hampasin budhi nila’y ng gumaling. Hayo na at inyong kuha at loob ko na aniya sa haligi’y itali na, at hampasin ninyo siya poot ninyo’y ng magbawa. Nang maipangusap ito nang hukom na si Pilato ay ang mga pariseo, ang kamukha’y mga aso ng pagsunggab sa Kordero. Oh Krus aniyang mahal kahoy na lalo sa tanan bukod pinilit hinirang, pag-wawagi kong tunay sa aki’y nagsisisuway! Ikaw rin at hindi iba totoong lunas sa sala ang lasap mo’t ibubunga, siyang makagiginhawa, sa tanang anak ni Eba. Kita’y pinagnanasaan yakapi’t tuloy hiligan mula niyong unang araw, na nagkasala’t sumuway yaong si Eba’t si Adan. Sa kabigatan ng Krus na pinapasan ni Hesus at agad napasubasob sa lupa’t mga alabok ang mukhang kalunus- lunos. Kung itindig niya naman nanginginig ang katawan at halos di makayanan, sa di kawasa’y napagal tumaha’t nagtanaw- tanaw. At saka siya nangusap sa loob ipinahayag oh disipulos kong lahat Apostoles ko’t alagad! ano’t kayo’y nagsilayas? Ang sa eskriturang saysay; may isang lalaki naman na taga Sireneng bayan, na kanilang inupahan pinahaliling pumasan. Ito nganing taong ito ay si Simeon Sireneo ay siyang amang totoo, ni Alejandro’t ni Rufo na disipulos ni Kristo. Ang kay Simong pagdadala

Upload: john-kenneth-adajar-cosa

Post on 16-Dec-2015

33 views

Category:

Documents


11 download

DESCRIPTION

pasyon

TRANSCRIPT

Nang lumubog na ang araw

ay itong Poong maalam

niyakag ang tanang kawal,

at pumasok kapagkuwan

sa Herusalem na bayan.

At sa bahay ng katoto

agad silang napatungo,

ang nasa nilang totoo

doon sila magpapasko

sampung tanang disipulo.

Nang dumating na si Hesus

doon sa bahay ni Markos,

binati niyang tibobos,

ng buong galang na puspos

ang katoto niyat irog.

Ama ko, kung kalooban,

mangyaring iyong iliban

at huwag kong mainuman,

ang kalis ng kapaitan

na darating sa katawan.

Datapuwa nga anakin,

ito man ay aking hiling,

ang loob koy di ko sundin,

kundi ang iyong loob din

siya kong tatalimahin.

Yaring aking kaluluwa

nahahanda sa lahat na

anong gagawin ko, Ama,

ang katawan ay balisa,

siyang tantong nangangamba.

Nang iharap na si Kristo

doon sa taksil na lilo

punong bayan ng hudyo.

ay nangusap na totoo

na ang wika ay ganito.

Aba ito nga aniya

mapangaral sa lahat na

mapagsampalataya,

mapagmalikmata tuwi na

ang ugaly iniiba.

Kapagdakay nagtatakap

kay Hesus yaong si Kaipas

ang kamay ay ikinumpas

sampung matay nandidilat kagalitay dili hamak.

Anoy sa hindi mapigil

ang loob ng mga taksil

si Pilatoy humatol din

na si Hesus ay hampasin

budhi nilay ng gumaling.

Hayo na at inyong kuha

at loob ko na aniya

sa haligiy itali na,

at hampasin ninyo siya

poot ninyoy ng magbawa.

Nang maipangusap ito

nang hukom na si Pilato

ay ang mga pariseo,

ang kamukhay mga aso

ng pagsunggab sa Kordero.

Oh Krus aniyang mahal

kahoy na lalo sa tanan

bukod pinilit hinirang,

pag-wawagi kong tunay

sa akiy nagsisisuway!

Ikaw rin at hindi iba

totoong lunas sa sala

ang lasap mot ibubunga,

siyang makagiginhawa,

sa tanang anak ni Eba.

Kitay pinagnanasaan

yakapit tuloy hiligan

mula niyong unang araw,

na nagkasalat sumuway

yaong si Ebat si Adan.

Sa kabigatan ng Krus

na pinapasan ni Hesus

at agad napasubasob

sa lupat mga alabok

ang mukhang kalunus-lunos.

Kung itindig niya naman

nanginginig ang katawan

at halos di makayanan,

sa di kawasay napagal

tumahat nagtanaw-tanaw.

At saka siya nangusap

sa loob ipinahayag

oh disipulos kong lahat

Apostoles kot alagad! anot kayoy nagsilayas?

Ang sa eskriturang saysay;

may isang lalaki naman

na taga Sireneng bayan,

na kanilang inupahan

pinahaliling pumasan.

Ito nganing taong ito

ay si Simeon Sireneo

ay siyang amang totoo,

ni Alejandrot ni Rufo

na disipulos ni Kristo.

Ang kay Simong pagdadala

kahit hindi nalaon siya

munti ring igininhawa,

ni Hesus na Poong Ama

sa malaking hirap niya.

Doon naman sa lansangan

may nakita siyang ilan

babaing luha-luhaan,

na pawang nangalulumbay

siya ang tinatangisan.

Di nabatat nangusap din

si Hesus na poon natin

ay aniya mga giliw

sa puso ninyoy itanima

yaring hirap na narating.

Bagkus ang tangisan ninyo

anak sampung mga apo

ang hirap na tiniis ko,

may oras na paririto

sasabihin ko sa inyo.

Sa mabutasan na nila

ang pahalang at paripa

ibinabaw kapagdaka,

ang kaliwang kamay niya

siyang pinakuang una.

Nang kanilang isusunod

ang kanang kamay ni Hesus

ay di isa man umabot,

doon sa butas ng Krus

na pagpapakuat kapos.

Kapagdaka ay binatak

niyong mga taon uslak

hanggang pumantay sa butas

kasu-kasuany nalinsad

sa lakas ng pagkabatak.

Sa dalawang palamara

na kay Kristoy napasama

sa Krus nang pagkadipa,

ay hindi nga nagkaisa

ang loob nilang dalawa.

Yaong isang magnanakaw

na si Hestas ang pangalan

ay siyang nanampalasan,

na yumakag na magtanan

sa Poong nahihirapan.

Yamang ang iyong pabantog

ay Mesias kang tibobos

anitong hunghang na loob,

Salvum fac temetipsum et nos

magkalag tayo sa Krus.

Nang dumating sa Kalbario

itong Inang nanglulumo

ang Anak niyang si Kristo

napapako nang totoo

doon sa Sakromadero.

Dinulog at nilapitan

sa paay di humiwalay

ang pusoy halos matunaw,

at gayon din si San Huan

na pamangking minamahal.

Madla ang buntong hininga

tinangis-tangis tuwi na

ng Poong Birhen Maria

kung matingalat Makita

Anak niyang nagdurusa.

Pater ang wika ni Kristo

in manus tuas commendo

spiritum meum ito,

wikang sukat ipanglumo

kung isiping totoo.

Oh Diyos kot aking Ama

Diyos na mulang ginhawa

yaring aking kaluluwa,

ikaw po ang bahala na

magtanggol at magkalara.

Ay anoy ng mailagda

ni Hesus ang gayong wika

naghingalo alipala,

itinungo na ang mukha

pagkamatay na mistula.

Halos di ibig bitiwan

ng Inang may hapis lumbay,

ang sa Anak niyang bangkay

ninonoynoy nininilay

yaong madlang kahirapan.

Laking sakit hirap baga

nang Inang nangungulila

binunot-buntong hininga,

at gayon din ang dalawa

si Huan at si Magdalena!

Lumuhod na kapagkuwan

ang dalawang mga banal

iniabot nila ang bangkay,

saka naman pinagdalhan

sa kabaong inilagay.

Kalangkap ang kaluluwa

sa katawan ay tumira

lubos ang omnipotensia

buong pagka Diyos niya

at kabagsikang lahat na.

At bagamat naghiwalay

ang kaluluwat katawan

ay ang buong kadiyosan,

niya at kapangyarihan

na kapuwa nilangkapan.

Ibig nang ipakilala

sa tao at ipakita

buong pagka Diyos niya,

nang magsisampalataya

ang bulag na kaluluwa.