para sa lahat na mga kawani, mga direktor at mga ... filepara sa lahat na mga kawani, ... ang...

23
May-bisa simula Oktubre 8, 2009 Para sa Lahat na mga Kawani, mga Direktor at Mga Pangunahing Supplier at Mga Tagapayo ng Dole Food Company, Inc. Ang tagumpay, reputasyon at tatak DOLE ® ng Dole Food Company, Inc. ay itinayo ng ating lubusang pananagutan sa nakatataas na kalidad: kalidad sa ating mga produkto; kalidad sa ating mga tauhan at mga kaugnayan sa negosyo; at kalidad sa ating mga kaugaliang pangnegosyo. Sa paghahatid ng pananagutang ito bawa’t araw, tayo ay patuloy sa pagtayo ng tatak DOLE ® at sa kahalagahan ng ating Kompanya. Ako ay naghahamon sa lahat ng mga kawani ng Dole, mga direktor, mga supplier at mga tagapayo na ihandog ang kanilang mga sarili sa sama-samang pagtatrabaho para sa ikabubuti ng ating nakatataas na kalidad sa lahat ng ating gawa. Bilang isang Kompanya, matagal na nating natamasa ang isang inaasam-asam na reputasyon sa kaugaliang etikal sa lahat ng ating pakikitungong pangnegosyo, sa paggalang sa ating kapaligiran, at sa mataas na pagtingin at pantay na asal sa ating mga tauhan. Tayo ay gumagalang at sumusunod sa mga batas at mga alituntunin ng bawa’t isa sa mga bansang mayroon tayong pinangangasiwaan, na siyang kinakailangan nating gawin. Tayo ay dapat ring magpatuloy na tangkaing gawin kung ano ang tama para sa ating mga mamimili, mga kawani, mga supplier at mga tagapayo, at sa mga punong abala na bansa. Ang mga prinsipyo ito ay saligan ng kultura ng ating Kompanya. Habang tayo ay nagpapatuloy sa pagpalawak ng ating mga pinangangasiwaan sa buong mundo at nagpapatuloy sa landas ng kultura ng inobasyon ng Dole, mahalaga na tayo ay manatiling nakakaalam sa lahat na mga patakaran ng Dole upang matiyak ang kanilang ganap at kumpletong implementasyon. Ang mga patakarang ito ay dinisenyo upang mapangalagaan ang mga ari-arian ng Dole, at makaiwas sa anumang gawi na makakasira o makakapagpababa sa kanilang halaga. Upang magiging mas handa sa pagkamit ng ating mga layunin, tayo ay babaguhin natin palagi ang Pamantayan ng Pag-uugali at sisiguraduhin nating mababasa ito sa iba’t-ibang wika at sa Internet. Ang Pamantayan ay nangangailangan ng masigasig na pakikilahok ng mga itinalagang kawani, mga pangunahing supplier at mga tagapayo sa taon-taong pagsusuri ayon sa inilarawan ng Pamantayan, at nangangailangan ng ating patuloy na pagsunod sa Pamantayan at sa iba pang mga patakaran ng Dole sa buong mundo. Muling akong nagpapasalamat sa inyong pangako at paglalaan ng sarili para sa patuloy na tagumpay ng Dole Food Company, Inc. David H. Murdock Pangulo ng Lupon Dole Food Company, Inc.

Upload: builien

Post on 05-Jun-2018

259 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Para sa Lahat na mga Kawani, mga Direktor at Mga ... filePara sa Lahat na mga Kawani, ... Ang tagumpay, reputasyon at tatak ... matagal na nating natamasa ang isang inaasam-asam na

May-bisa simula Oktubre 8, 2009

Para sa Lahat na mga Kawani, mga Direktor at Mga Pangunahing Supplier at Mga Tagapayo ng Dole Food Company, Inc. Ang tagumpay, reputasyon at tatak DOLE® ng Dole Food Company, Inc. ay itinayo ng ating lubusang pananagutan sa nakatataas na kalidad: kalidad sa ating mga produkto; kalidad sa ating mga tauhan at mga kaugnayan sa negosyo; at kalidad sa ating mga kaugaliang pangnegosyo. Sa paghahatid ng pananagutang ito bawa’t araw, tayo ay patuloy sa pagtayo ng tatak DOLE® at sa kahalagahan ng ating Kompanya. Ako ay naghahamon sa lahat ng mga kawani ng Dole, mga direktor, mga supplier at mga tagapayo na ihandog ang kanilang mga sarili sa sama-samang pagtatrabaho para sa ikabubuti ng ating nakatataas na kalidad sa lahat ng ating gawa.

Bilang isang Kompanya, matagal na nating natamasa ang isang inaasam-asam na reputasyon sa kaugaliang etikal sa lahat ng ating pakikitungong pangnegosyo, sa paggalang sa ating kapaligiran, at sa mataas na pagtingin at pantay na asal sa ating mga tauhan. Tayo ay gumagalang at sumusunod sa mga batas at mga alituntunin ng bawa’t isa sa mga bansang mayroon tayong pinangangasiwaan, na siyang kinakailangan nating gawin. Tayo ay dapat ring magpatuloy na tangkaing gawin kung ano ang tama para sa ating mga mamimili, mga kawani, mga supplier at mga tagapayo, at sa mga punong abala na bansa. Ang mga prinsipyo ito ay saligan ng kultura ng ating Kompanya.

Habang tayo ay nagpapatuloy sa pagpalawak ng ating mga pinangangasiwaan sa buong mundo at nagpapatuloy sa landas ng kultura ng inobasyon ng Dole, mahalaga na tayo ay manatiling nakakaalam sa lahat na mga patakaran ng Dole upang matiyak ang kanilang ganap at kumpletong implementasyon. Ang mga patakarang ito ay dinisenyo upang mapangalagaan ang mga ari-arian ng Dole, at makaiwas sa anumang gawi na makakasira o makakapagpababa sa kanilang halaga.

Upang magiging mas handa sa pagkamit ng ating mga layunin, tayo ay babaguhin natin palagi ang Pamantayan ng Pag-uugali at sisiguraduhin nating mababasa ito sa iba’t-ibang wika at sa Internet. Ang Pamantayan ay nangangailangan ng masigasig na pakikilahok ng mga itinalagang kawani, mga pangunahing supplier at mga tagapayo sa taon-taong pagsusuri ayon sa inilarawan ng Pamantayan, at nangangailangan ng ating patuloy na pagsunod sa Pamantayan at sa iba pang mga patakaran ng Dole sa buong mundo.

Muling akong nagpapasalamat sa inyong pangako at paglalaan ng sarili para sa patuloy na tagumpay ng Dole Food Company, Inc.

David H. Murdock Pangulo ng Lupon Dole Food Company, Inc.

Page 2: Para sa Lahat na mga Kawani, mga Direktor at Mga ... filePara sa Lahat na mga Kawani, ... Ang tagumpay, reputasyon at tatak ... matagal na nating natamasa ang isang inaasam-asam na

May-bisa simula Oktubre 8, 2009

Mga Nilalaman Pahina Impormasyon 3

Saklaw at Layunin ng Pamantayan ng Pag-Uugali 3

Mga Ugnayang Pandaigdig 3

Pagsunod sa Patakaran 3

Pagpapanatili ng Magandang Lugar ng Trabaho 4

Pagtupad sa Mga Batas 4

Kawastuhan at Integridad ng mga Aklat, Mga Rekord at Mga Pagbubunyag sa Publiko 5

Kompidensyal na Impormasyon 5

Paggamit ng mga Ari-arian ng Dole 6

Salungat na Interes 7

Pandaraya 8

Mga Regalo at Paglilibang 8

Mga Kontribusyong may Kinalaman sa Pulitika 9

Mga Bayad sa Pamahalaang Estados Unidos 9

Mga Bayad sa Ibang Pamahalaan sa Labas ng Estados Unidos 9

Anti-Boykot 10

Mga Batas sa Embargo at Batas Laban sa Terorista 10

Mga Batas Anti-trust 10

Mga Batas sa Kapaligiran 11

Insider Trading sa Securities 12

Mga Tadhana Tungkol sa Perishable Agricultural Commodities Act 12

Pagka-angkop sa Ugnayang Pangnegosyo ng Dole 13

Mga Responsibilidad sa ilalim ng Pamantayan sa Pag-uugali 13

Page 3: Para sa Lahat na mga Kawani, mga Direktor at Mga ... filePara sa Lahat na mga Kawani, ... Ang tagumpay, reputasyon at tatak ... matagal na nating natamasa ang isang inaasam-asam na

May-bisa simula Oktubre 8, 2009

Impormasyon May Bisa Mula: ika-8 ng Oktubre, 2009. Pinapalitan lahat ang mga naunang bersiyon.

Para Sa: Dole Food Company Inc. at sa lahat ng mga kasamang sangay nito. Ginagamit natin ang katagang “Dole” para tumukoy sa Dole Food Company Inc. at sa mga kasamang sangay nito.

Patakarang Inaprubahan ng: Lupon o Board ng mga Direktor/Tagapamahala ng Dole Food Company, Inc.

Saklaw at Layunin ng Pamantayan ng Pag-Uugali Ang Dole ay laging nagsusumikap na sundin ang pinakamataas na batayan ng etika sa pagpapatakbo ng negosyo nito sa buong daigdig at nagkamit ng pangdaigdigang reputasyon sa pangangasiwa ng negosyo ng may karangalan. Kailangang tuloy-tuloy nating bigyang-tuon ang ating pangako sa matatag na gawi, na may kinalaman sa negosyo, at sa ating pakikitungo sa labas man o sa loob ng Dole.

Ang pangakong ito ay nangangahulugan ng pagsunod sa kung ano ang nakasulat at kahulugan ng batas. Nangangahulugan din ito ng pagtrato sa mga kustomer, supplier, mga kakumpitensya at kasamahan sa Dole at mga direktor ng makatwiran at bukas sa loob, may katapatan at paggalang.

Ang Pamantayan ng Pag-uugali sa Dole ay isang pagpapahayag ng mga prinsipyo para sa pagsasagawa ng negosyo, sa paraang naaayon sa batas at etika. Kinakailangang basahing mabuti ng lahat ng empleyado at mga kasapi sa Lupon ng mga Direktor ang Pamantayan at sumunod sa mga prinsipyo nito sa pagsasagawa ng negosyo ng Dole.

Ang ibang mga patakaran ng Dole ay patuloy na pana-panahong pagtitibayin para magabayan ang pagsasakatuparan ng, at ang pagsunod sa, mga prinsipyo ng Pamantayan. Ang mga patakarang ito ay dapat ding sundin.

Ang dokumentong ito ay hindi isang kontrata ng pagtatrabaho sa pagitan ng Dole at alinman sa mga empleyado nito, mga direktor, supplier o mga tagapayo at hindi nito binabago ang kasalukuyang pag-eempleo ng Dole o iba pang kaugnayan sa ganoong mga partido.

Mga Ugnayang Pandaigdig Naniniwala ang Dole na ang pagpapalaganap ng pag-unlad ng ekonomiya at komersyong pandaigdig na ayon sa etika at makatuwirang paraan, ay mayroong positibong kalalabasan sa ating ugnayan sa buong daigdig. Bilang isang negosyong pandaigdig, kinikilala at tinatanggap ng Dole ang kanyang responsibilidad sa interes ng mga bansa kung saan siya nangangasiwa, na pinananatili ang mga ugnayang walang kinalaman sa pulitika, at ang paggalang sa mga batas at alituntunin ng mga bansang mayroon nito.

Dapat na partikular na bigyang-pansin ng Dole ang mga prayoridad na may kinalaman sa pag-unlad ng ekonomiya at lipunan ng bawat bansa, kasama na ang pag-unlad ng industriya at rehiyon, kalidad ng kapaligiran, mga gawaing may kinalaman sa trabaho at pagsasanay, at ang paglipat at pagsulong ng teknolohiya at pagbabago.

Pagsunod sa Patakaran Ang mga empleyado, mga kasapi sa Lupon ng mga Direktor at pangunahing supplier at consultant ay kinakailangang sumunod sa lahat ng aspeto ng Pamantayan ng Pag-uugali. Anumang paglabag ng empleyado o ng direktor sa Pamantayan ay maaaring magbigay-daan sa pagdidisiplina, na maaaring umabot sa, at makabilang pa, ang pagkatanggal sa trabaho o serbisyo bilang direktor, alinman ang naaangkop. Anumang paglabag ng mga supplier at consultant sa Pamantayan ay maaaring magbigay-daan sa pagtatapos ng mga ugnayan nito.

3

Page 4: Para sa Lahat na mga Kawani, mga Direktor at Mga ... filePara sa Lahat na mga Kawani, ... Ang tagumpay, reputasyon at tatak ... matagal na nating natamasa ang isang inaasam-asam na

May-bisa simula Oktubre 8, 2009

Pagpapanatili ng Magandang Lugar ng Trabaho Kinikilala ng Dole na isa sa mga mahahalagang kayamanan nito ay ang kanyang mga tauhan. Naniniwala ang Dole sa paglalaan ng magandang kapaligiran sa trabaho kung saan ang pakiipag-ugnayan ay nakalantad at tapat.

Pilosopiya at gawi ng Dole ang magbigay ng mga pagkakataon para magkaroon ng trabaho, na walang kinikilingang lahi, kulay, relihiyon, kasarian, pinagmulang bansa o grupong etniko, edad, kapansanan o anumang dahilan na ipinagbabawal ng umiiral na batas o mga patakaran ng Human Resources, at panatilihing ligtas ang kapaligiran ng trabaho laban sa panliligalig. Ang mga desisiyon sa pagtanggap sa trabaho, pagtaas ng posisyon, aspeto ng ugnayan sa trabaho ay dapat na nakabatay sa kwalipikasyong may kaugnayan sa trabaho.

Paninindigan ng Dole ang maglaan ng ligtas at malinis na kapaligiran sa trabaho sa mga empleyado nito. Kabilang dito ang paglalalan ng angkop na mga hakbang at kagamitan para sa kaligtasan. Ang mga empleyado ay may mahalagang papel upang tiyaking ligtas ang kapaligiran na alinsunod sa umiiral na batas at alituntunin ukol sa kalusugan at kaligtasan ng kapaligiran.

Pinapanatili ng Dole ang iba’t-ibang patakaran tungkol sa paninindigan nito na panatilihin ang magandang lugar ng trabaho at ang mga responsibilidad ng mga empleyado at ng iba pa na may ganitong ginagampanan. Ang mga empleyado ay dapat na sumangguni sa kanilang lokal na kinatawan ng Human Resources para sa karagdagang impormasyon tungkol sa patakarang ito at sa pagpapairal nito.

Pagtupad sa Mga Batas Patakaran ng Dole na patakbuhin ang negosyo nito alinsunod sa lahat ng naaangkop na batas. Inaasahan ng Dole na gagamitin ng mga empleyado at direktor ang wastong paglilimi at sentido kumon sa pagsasakatuparan sa mga tungkulin sa ngalan ng Dole alinsunod sa batas at iwasan ang di-legal na pag-uugali.

Lalo na, ang mga empleyado, kabilang ang pinuno, ang punong opisyal na tagapagpatupad, ang punong opisyal sa pananalapi, at pangkalahatang abugado, tagakontrol/punong opisyal sa pagtutuos (controller/chief accounting officer), at mga direktor ay dapat sumunod sa at itaguyod ang sumusunod na mga prinsipyo:

a. kumpleto, patas, wasto, napapanahon at naiintindihang pagbubunyag sa mga ulat at dokumento na inihahain ng Dole sa, o isinusumite sa, U.S. Securities and Exchange Commission (ang “SEC”) at sa iba pang pampublikong sulat na ginawa ng Dole;

b. pagtupad sa kapwa katuturan at kahulugan ng lahat ng naaangkop na mga batas ng pamahalaan, mga patakaran at alituntunin;

c. pagtupad sa sistema ng Dole sa mga pagkontrol sa pagtutuos sa loob ng kompanya (internal accounting controls);

d. maagap na pag-uulat sa loob ng kompanya ng anumang hinihinala o lantad na paglabag sa Pamantayang ito alinsunod sa mga patakarang isinaad dito sa Pamantayan sa Pag-uugali; at

e. pag-intindi na ang pagkabigong tumupad sa Pamantayan sa Pag-uugaling ito ay magiging sanhi ng mga pangdisiplinang hakbang, kabilang ang pagkakatanggal sa trabaho.

Walang indibidwal ang inaasahang nakakaalam ng mga detalye ng lahat ng mga naaangkop na batas at mga partikular na patakaran at alituntunin na maaaring umiiral sa mga partikular na uri ng trabaho o sa mga indibidwal na nagtatrabaho sa mga partikular na larangan. Ang mga indibidwal na may mga katanungan tungkol sa kung ang mga partikular na pangyayari ay maaaring kasangkot ang di-legal na pag-uugali, o tungkol sa mga partikular na batas na maaaring umiiral sa kanilang mga gawain, ay dapat komunsulta sa naaangkop na empleyado, gaya ng tinalakay sa MGA RESPONSIBILIDAD SA ILALIM NG PAMANTAYAN SA PAG-UUGALI na bahagi nitong Pamantayan sa Pag-uugali.

Para sa karagdagang impormasyon sa mga partikular na batas, tingnan ang MGA BAYAD SA IBANG PAMAHALAAN SA LABAS NG ESTADOS UNIDOS, ANTI-BOYKOT, MGA BATAS SA EMBARGO AT BATAS LABAN SA TERORISTA, MGA BATAS ANTI-TRUST, MGA BATAS SA KAPALIGIRAN, INSIDER

4

Page 5: Para sa Lahat na mga Kawani, mga Direktor at Mga ... filePara sa Lahat na mga Kawani, ... Ang tagumpay, reputasyon at tatak ... matagal na nating natamasa ang isang inaasam-asam na

May-bisa simula Oktubre 8, 2009

TRADING SA SECURITIES, at MGA TADHANA TUNGKOL SA PERISHABLE AGRICULTURAL COMMODITIES ACT na bahagi nitong Pamantayan sa Pag-uugali.

Kawastuhan at Integridad ng mga Aklat, Mga Rekord at Mga Pagbubunyag sa Publiko Binibigyan ng Dole ng malaking pagpapahalaga ang isang tapat at tahasang paglalahad ng mga katotohanan. Inaasahang pananatiliin ng mga empleyado at direktor ang mga libro at rekord sa naaangkop na detalye upang ipakita nito ang mga transaksiyon ng Dole nang wasto, makatwiran at kumpleto. Ang patakaran ng Dole sa wasto, makatwiran at kumpletong pagtatago ng rekord ay umiiral sa lahat ng mga rekord.

Ang lahat ng mga pakikipagtalastasan at mga pagbubunyag, kabilang na ang mga pagbubunyag at paghahain sa SEC at iba pang ahensya ng pamahalaan, kabilang ang nilalaman nitong pinansyal na impormasyon, ay dapat na kumpleto, patas, tama, naiintindihan at napapanahon, at lubusang tumutupad sa angkop na batas.

Ang mga empleyado ay responsable sa tama at kumpletong pag-uulat ng pinansyal na impormasyon sa loob ng kanilang kaniya-kaniyang larangan ng responsibilidad at para sa napapanahong pag-aabiso sa mga nakatataas na tagapamahala ng pinansyal at di-pinansyal na impormasyon na maaaring makabuluhan para sa Dole. Lahat ng mga ari-arian at pananagutan ng Dole ay dapat maitala sa regular na mga talatuusan (books of account). Lahat ng mga aklat, talaan, at mga account ng Dole ay dapat na ilarawan nang wasto ang uri ng mga naitalang transaksyon.

Ang pinag-isang mga kasulatang pangpinansyal ng Dole ay dapat tumutupad sa kalahatang tinatanggap na mga prinsipyo sa pagtutuos (accounting) sa U.S. at mga patakaran ng Dole sa pagtutuos. Ang mga local o statutory books at mga kasulatang pinansyal ay dapat tumutupad sa mga lokal na batas sa pangangasiwa. Walang pondo o ari-arian na di pa nabubunyag o naitatala ang dapat na mapagtibay sa anumang halaga para sa anumang layunin. Walang huwad o gawa-gawa na mga tala ang dapat na likhain para sa anumang layunin. Walang pagbabayad na isasagawa, o halaga ng bibilhin na pagkakasunduan, na may intensyon o unawaan, na ang anumang bahagi ng naturang pagbabayad ay gagamitin sa anumang layunin maliban sa mga nailarawan na sa dokumentong sumusuporta sa kabayaran.

Lahat ng mga empleyado ng Dole na may responsibilidad na sumasaklaw sa anumang bagay na nabanggit sa bahaging ito, ay dapat na gumawa ng kinakailangang hakbang para matiyak na sinusunod ang lahat ng ito.

Kompidensyal na Impormasyon Kompidensyal na Impormasyon ng Dole

Saklaw ng "Kompidensyal na Impormasyon" ang lahat ng, pero hindi limitado sa, mga natuklasan, mga imbensiyon, mga pagpapaigi at mga pagbabago, mga pamamaraan, mga proseso, mga teknik, mga gawi sa pagawaan, mga pormula, software ng kompyuter, datos mula sa mga pananaliksik, klinikal na datos, impormasyon tungkol sa gawing may kaugnayan sa merkado at bentahan, datos ng mga tauhan, datos ng mga kustomer, datos ukol sa pagtatalaga ng presyo ng produkto at ng kaukulang ginastos dito, datos sa produksiyon at pamamahagi, pinansiyal na datos, impormasyon tungkol sa badyet, mga planong pang-estratehiya, at lahat ng iba pang kaalaman at lihim na may kaugnayan sa kalakalan na nasa kamay ng Dole, na hindi pa naiilathala or naiibunyag sa publiko.

Ang kompidensyal na impormasyon ng Dole ay isang mahalagang pag-aari na dapat maprotektahan. Inaasahang poprotektahan ng mga indibidwal ang pagiging kompidensyal ng impormasyong ng Dole, na gagamitin lamang ang kompidensyal na impormasyon para sa mga layunin ng negosyo, at na lilimitahan ang pagsisiwalat ng kompidensyal na impormasyon, kapwa sa loob at labas ng Dole, sa mga taong kinakailangang makaalam sa impormasyon para sa mga layunin ng negosyo.

Ang pagbubunyag ng kompidensyal na impormasyon, sinadya man o aksidente lang, ay pwedeng makasama sa pinansyal na kalagayan, sa pangangasiwa o katatagan ng Dole, at sa siguridad sa trabaho ng mga empleyado nito. Bago isiwalat ang alinman sa kompidensyal na impormasyon ng Dole sa ibang partido, dapat malagdaan ang isang naaangkop na nakasulat na kasunduan sa di-pagbubunyag. Hindi dapat lagdaan ng mga indibidwal ang kasunduan sa di-pagbubunyag ng ikatlong partido o tanggapin ang mga pagbabago sa karaniwang mga kasunduan sa di-pagbubunyag ng Dole nang walang pag-aaral at pag-aproba ng Legal na Departamento ng Kompanya.

5

Page 6: Para sa Lahat na mga Kawani, mga Direktor at Mga ... filePara sa Lahat na mga Kawani, ... Ang tagumpay, reputasyon at tatak ... matagal na nating natamasa ang isang inaasam-asam na

May-bisa simula Oktubre 8, 2009

Dahilan sa panganib na makasama ito sa Dole, bawat empleyado at pangunahing supplier o consultant na pinapipirma sa Pagkakumpidensyal at Mga Lihim na May Kinalaman sa Mga Kasunduan sa Kalakalan ay dapat na sumunod sa mga tuntunin at kundisyon nito, sa lahat ng pagkakataon.

Sa pagsusumikap na mahadlangan ang mga paglabag, dapat na iulat kagad ng mga indibidwal sa mga may matataas na panunungkulan o sa kanilang senior management ang anumang pagtatangka ng mga taga-labas na maagaw ang kompidensyal na impormasyon, o ang anumang hindi pa awtorisadong paggamit o pagbubunyag ng naturang kompidensyal na impormasyon.

Kompidensyal na Impormasyon ng Ikatlong Partido

Inaasahang poprotektahan ng mga indibidwal ang pagiging kompidensyal ng impormasyon na nakakarating sa kanila, galing sa alinmang pinagmulan, habang ginagawa ng taong ito ang mga responsibilidad para sa Dole. Kabilang dito ang impormasyong natatanggap mula, o kaugnay sa, mga ikatlong partido kung kanino ang Dole ay mayroon, o pinag-iisipan nitong magkaroon, ng ugnayan. Dapat pagsikapan na gamitin nang maingat ang impormasyon ng ikatlong partido at alinsunod sa anumang mga kasunduan mayroon ang Dole sa mga ikatlong partidong ito. Ang impormasyon ng ikatlong partido ay dapat gamitin lamang para sa mga partikular na layunin na dahilan ng pagbubunyag dito, at ang pagsisiwalat sa impormasyon ng ikatlong partido ay dapat malimitahan sa mga nasa Dole na kinakailangang makaalam sa impormasyon.

Hindi dapat tangkain ng mga indibidwal na manguha ng kompidensyal na impormasyon ng ikatlong partido sa pamamagitan ng mga di-tamang paraan. Bagaman maaaring upahan ng Dole, paminsan-minsan, ang mga dating empleyado ng aming mga kakumpitensya, kinikilala namin at nirerespeto ang mga obligasyon ng mga empleyadong ito na hindi gamitin o ibunyag ang kompidensyal na impormasyon ng kanilang mga dating pinagtatrabahuhan.

Paggamit ng mga Ari-arian ng Dole Ang mga ari-arian ng Dole ay mahahalagang yaman na dapat gamitin lamang para sa mga layunin ng negosyo. Ang pagnanakaw, pagpapabaya at pag-aaksaya ay may tuwirang epekto sa pinansyal na katayuan ng Dole. Dapat maingat na itago at gamitin ng mga indibidwal ang mga ari-arian ng Dole at protektahan ito sa pagkakanakaw, maling paggamit at pagkasira.

Ang mga ari-arian ng Dole ay nakatalaga bilang gamit sa trabaho at hindi bilang pang-sariling gamit, at dapat na gamitin para sa mga gawain sa trabaho. Kabilang sa mga ari-arian ng Dole ang oras ng empleyado sa trabaho at produkto ng trabaho, kasama na ang mga kagamitan at sasakyan nito, kompyuter at software, impormasyon, at mga tatak at ngalan ng kalakal (trade names). Kabilang din sa ari-arian ng Dole ang teknolohiya sa impormasyon at pakikipag-ugnayan gaya ng serbisyo ng telepono, email, access sa Internet at ang lahat ng datos na sakop ng mga ari-ariang pang-teknolohiya ng Dole.

Kailangan ang lubhang pag-iingat at paghuhusga para sa paggamit, pagkalinga at pangangalaga ng mga ari-arian ng Dole. Ang mga ari-arian ng Dole na nasa pangangalaga ng mga empleyado at mga direktor ay kailangang gamitin ng may karapat-dapat na pag-iingat at kailangang ibalik sa Dole sa panahon na hilingin ito. Ang mga ari-ariang pang-teknolohiya ng Dole ay dapat na gamitin ayon sa Patakaran para sa Seguridad ng Impormasyon (Information Security Policy).

Kinikilala ng Dole ang pangangailangan ng mga empleyado na paminsan-minsang gamitin ang ilang mga ari-arian sa komunikasyon, gaya ng paminsan-minsang pagtawag sa telepono o pag-e-email. Gayun pa man, ang paggamit ng mga ari-arian sa komunikasyon para sa pansariling layunin ay may kaukulang hangganan, at hanggang sa kinakailangang pakikipagtalastasan lamang, at di kailanman dapat na gamitin sa pagpapadala ng di naaangkop na nilalaman sa lugar ng trabaho, gaya ng nilalamang sekswal, di magagandang katatawanan, atbp. Ang labis na paggamit ng ari-arian sa komunikasyon o ang walang awtorisasyon o ang labis na paggamit ng mga ari-ariang hindi pangkomunikasyon para sa pansariling kapakanan ay ituturing na pagmamalabis sa mga ari-arian ng Dole at, samakatwid, ay isang paglabag sa Pamantayan ng Pag-uugali. Ang mga ari-arian ng Dole ay di kailanman dapat na gamitin para sa mga gawaing labas sa negosyo o sa ilegal, hindi etikal o alinmang mga gawaing di naaangkop.

6

Page 7: Para sa Lahat na mga Kawani, mga Direktor at Mga ... filePara sa Lahat na mga Kawani, ... Ang tagumpay, reputasyon at tatak ... matagal na nating natamasa ang isang inaasam-asam na

May-bisa simula Oktubre 8, 2009

Salungat na Interes Ang mga sitwasyon sa negosyo at personal na buhay na maaaring magdulot ng salungatan ng interes ay dapat maiwasan. Maaaring magkaroon ng salungat na interes kung ang isang empleyado o direktor ay sangkot sa isang gawain o may pansariling interes na maaaring makakasagabal sa pagiging makatotohanan ng taong ito sa pagsasagawa ng kanyang tungkulin at responsibilidad sa Dole. Samakatuwid, alinman sa naturang gawain o pansariling interes, kabilang na ang sa malapit na kamag-anak ng isang empleyado, ay ipinagbabawal, maliban na lamang kung pormal na inaprubahan sa isang kasulatan ng pangdibisyong (pangkorporasyon o isa nga mga pangunahing dibisyon na nagpapatakbo ng Dole) nakatataas na tagapangasiwa (presidente, pangunahing pampinansiyal na opisyal, pangkalahatang abugado at pinuno ng human resources, na mula ngayon ay tatawaging "Pangdibisyong Nakatataas na Tagapangasiwa") ng empleyado. Kabilang sa mga naturang gawain ang pagiging empleyado sa labas o sa anumang kakumpitensiya ng Dole o sa alinmang supplier, kustomer, o ibang tao o kompanya na may negosyo sa Dole. Ang pagkakaroon ng pinansyal na interes sa isang bagay na may kinalaman sa negosyo ng supplier, kustomer, kasosyo, taga-labas na kontratista, o kakumpetensiya ng Dole ay ituturing na salungat na interes. Ang mga transaksiyon ng Dole sa ibang kompanya ay di dapat maimpluwensiyahan ng pansariling interes o gawain ng mga empleyado o mga direktor nito. Sa mga naturang salungat na interes, maaaring magmukhang parang may paborito, o di kaya nama'y makasira ang mga ito sa reputasyon ng Dole at sa mga kinatawan nito.

Hindi kinakailangang mayroong isang aktwal na salungat na interes para masabing may naganap na paglabag sa Pamantayang ito ng Pag-uugali. Ang mga gawaing lumilikha ng paglitaw ng salungat na interes ay dapat ring iwasan upang di ito makapagdulot ng masamang reputasyon sa Dole at sa mga kinatawan nito.

Maging ang paglitaw ng di wastong pag-uugali ay maaaring makasira sa ating reputasyon sa makatwirang pakikitungo sa iba. Kaya, dapat na iulat ng lahat ng mga partido ang lahat ng pansarili o pampamilyang interes kung saan kapansin-pansing lalabas na may pag-impluwensyang naganap sa mga gawain sa negosyo sa pangalan ng Dole, ayon sa Pamantayang ito ng Pag-uugali.

Sa partikular:

(1) Ang mga empleyado at mga direktor ay kailangang makitungo sa lahat ng mga supplier, kustomer, at lahat ng iba pang mga tao na may negosyo sa Dole sa makatarungang paraan na walang inuuna, na ini-ayon sa pansariling pagsasaalang-alang ng mga pinansyal na bagay.

(2) Hindi dapat na makipagnegosyo ang Dole sa kamag-anak ng empleyado o direktor, maliban na lamang kung ang transaksiyon ay abot-kamay at matagal nang pinagtibay sa isang kasulatan ng kanilang mga nakatataas na pinuno sa rehiyon (o ang Audit Committee sa kaso ng isang direktor).

(3) Hindi dapat samantalahin ng mga indibidwal ang maaaring pagkakataon sa negosyo kung saan maaasahan ng indibidwal na ito na maaaring magka-interes ang Dole o na madidiskubre sa paggamit ng ari-arian o impormasyon ng Dole o sa pamamagitan ng posisyon ng indibidwal na ito sa Dole.

(4) Ang mga indibidwal ay hindi dapat, direkta man o hindi direkta, na magmay-ari ng pinansyal na interes sa, o magkaroon ng anumang trabaho o ng posisyon ng pinuno o manager sa anumang kompanya or korporasyon ng kakumpitensya ng, o gustong magkaroon ng negosyo sa Dole, maliban na lamang sa pagmamay-ari ng kung tutuusin nama'y maliit lamang na porsiyento ng mga share sa kompanyang iyon, ngunit iyon ay kung ang mga share na iyon ay ikinakalakal sa publiko sa stock exchange at kung ang mga share ay pinanghahawakan lamang ng indibidwal sa mga layuning may kinalaman lamang sa pamumuhunan.

Dapat na ibunyag agad ng mga empleyado at direktor ang pagkakaroon ng anuman sa mga sitwasyong nabanggit sa itaas, ayon sa naaangkop, o alinmang iba pang sitwasyon na maaaring magdulot ng salungatan ng interes, gamit ang pamamaraan ng pag-uulat na inilalarawan sa Pamantayang ito ng Pag-uugali. Matapos mapagbigyang-alam ukol sa isang posibleng pagkasalungat ng interes, ang Pangdibisyong Nakatataas na Tagapangasiwa ng empleyado (o ang Audit Committee sa kaso ng isang direktor o opisyal na tagapagpatupad) ay dapat na mabilisang mag-imbestiga sa posibleng pagkasalungat ng interes, magpasiya kung ang pagkakaroon ba ng naturang interes o posisyon ay salungat sa Pamantayang ito ng Pag-uugali o di kaya nama'y makakasama sa pinakamabuting interes ng Dole, at makapagpasiya sa huling disposisyon ng sitwasyon. Lahat ng mga imbestigasyon, pagpapasiya at mga huling

7

Page 8: Para sa Lahat na mga Kawani, mga Direktor at Mga ... filePara sa Lahat na mga Kawani, ... Ang tagumpay, reputasyon at tatak ... matagal na nating natamasa ang isang inaasam-asam na

May-bisa simula Oktubre 8, 2009

desisyon sa sitwasyon ay dapat idokumento sa rekord ng kompanya o prinsipal na sangay sa pagpapatakbo ng Dole (kung anuman ang kaso), pati na sa rekord ng naturang empleyado o direktor. Kung may pagkakataon na hindi naaprubahan sa ganitong paraan, maaaring maitala ito bilang isang paglabag at dapat iulat ayon sa Pamantayang ito ng Pag-uugali.

Pandaraya Ang lahat ng anyo ng pandaraya ay higpit na ipinagbabawal sa mga empleyado at mga direktor ng Dole. Kasali dito, at walang limitasyon sa, lahat ng pandaraya laban sa Dole, laban sa mga empleyado ng Dole, at laban sa mga tao at mga nilalang kung saan nakikipagnegosyo ang Dole. Samakatuwid, ang pandaraya ay may mas malawak na kahulugan kaysa paglulustay ng mga ari-arian ng Dole. Ang lahat ng mga paratang ng pandaraya ng mga empleyado o mga direktor ng Dole ay iimbestigahan nang lubos ng Corporate Legal Department ng Dole at ng Departamento ng Internal Audit ng Dole. Ang mga empleyado o mga direktor ng Dole na nalamang nakagawa ng pandaraya ay isasalang sa aksiyong pagdidisiplina, hanggang sa at kasali ang pagkatanggal sa trabaho o serbisyo bilang isang direktor, kasama na ang posibleng pagsasakdal sa ilalim ng sibil at kriminal na batas.

Mga Regalo at Paglilibang

Ang mga hakbang sa ngalan ng Dole ay dapat malaya sa anumang pahiwatig na ang may pagkiling na pagtrato ay hiningi ng, natanggap mula o ibinigay sa mga indibidwal o organisasyon na nakikipagnegosyo o nagnanais makipagnegosyo sa Dole. Ang ating mga desisyong may kinalaman sa negosyo ay kailangang nakabatay sa kahusayan at sa mga pangmatagalang-panahong layunin ng Dole. Walang desisyon sa negosyo ang dapat na nakabatay sa pansariling benepisyong may kinalaman sa pananalapi, o iba pang benepisyo na makakamit, sa nakaraan, sa kasalukuyan, o inaasahan pa ng mga empleyado o mga direktor ng Dole. Samakatuwid, hindi natin pinapayagan ang mga empleyado o mga direktor na maghanap o tumanggap, o mag-alok o magbigay, ng anumang kabayaran, bayad, mga utang, mga serbisyo o katulad na mga bagay galing, o para sa kahit sinong tao, kompanya, pamahalaan o sangay ng pamahalaan kung saan ito'y isang kondisyon o bunga ng pakikipag-negosyo ng Dole. Hindi rin pinapayagan ang mga empleyado at mga direktor ng Dole na magbigay ng mga regalo na lampas sa nominal o mas mababang halaga, kung saan ang ginamit ay ang kanilang sariling pera.

Sa ilang mga pagkakataon, ang mga regalo ay maaaring naangkop, at, kung ganon, hindi ginagawang imposible bago pa man ito mangyari, na tumanggap ang mga empleyado o mga direktor ng mga regalong may nominal o mas mababang halaga basta’t ang mga ito ay hindi madalas at hindi masyadong marami.

Sa partikular:

(1) Ang mga empleyado at mga direktor ay maaaring tumanggap ng mga karaniwang pagmamagandang-loob (tulad ng paminsan-minsang pagkain at paglilibang sa mga pagdiriwang sa palakasan, musika at teatro), ngunit abot lamang sa hangganang karaniwan nang kaakibat ng mga tinatanggap nang gawi sa pagnenegosyo.

(2) Isang espesyal na mahigpit na batayan ang pinaiiral tungkol sa sa pagreregalo, serbisyo o mga pagsasaalang-alang ng anumang bagay mula sa mga supplier. Ang paglilibang na ginagastusan ng mga supplier na pinagnilay-nilayan sa talata (1) sa itaas ay di dapat na tanggapin.

(3) Hindi kailanman pinapayagan ang pagtanggap ng regalong pera o katumbas nito sa pera (e.g. ari-arian, shares ng stock o iba pang mga uri ng maaaring ibentang kagamitan o interes) sa kahit anumang halaga.

(4) Dagdag pa sa nasa itaas, walang regalo, pabor o paglilibang na natanggap ang dapat na may katangian o mapunta sa isang pangyayaring ang pagpapahayag nito sa publiko ay pwedeng magdulot ng kahihiyan sa Dole o sa mga taong nasa Dole.

Ang mga nominal o mas mababang paggastos sa mga regalo at paglilibang ng ating mga empleyado at mga direktor ay maaaring gawin kung ang gastusin ay angkop na nabigyan ng awtorisasyon ng empleyado ng Divisional Senior Management (o ang Audit Committee sa kaso ng isang direktor o opisyal na tagapagpatupad) at naitala nang wasto sa mga aklat ng mga nagbabayad na kompanya. Dagdag pa, walang regalo, mga pabor at paglilibang ang maaaring ibigay sa iba kung saan masisira ang Dole, maliban na lamang kung masusunod nila ang lahat ng mga sumusunod na kondisyon:

8

Page 9: Para sa Lahat na mga Kawani, mga Direktor at Mga ... filePara sa Lahat na mga Kawani, ... Ang tagumpay, reputasyon at tatak ... matagal na nating natamasa ang isang inaasam-asam na

May-bisa simula Oktubre 8, 2009

(1) Ang mga ito ay hindi kontra sa angkop na batas at mga batayan ng etikang tanggap ng karamihan.

(2) Ang mga ito ay sumusunod sa mga tanggap nang gawi sa pagnenegosyo.

(3) Ang mga ito ay nasa katamtaman at limitadong halaga at nasa isang anyo na hindi mapagkakamalang suhol o payoff.

Ang mga regalong pera at katumbas nito sa pera ay mahigpit na ipinagbabawal, pati na ang mga pagbabayad ng anumang uri sa sinumang opisyal ng pamahalaan o empleyado, maliban na lamang kung pinahihintulutan ng patakaran ng Dole tungkol sa mga kontribusyong may kinalaman sa pulitika at ng Manwal ng Foreign Corrupt Practices Act Compliance ng Dole.

Sa pagsasaalang-alang ng mga regalo para sa, at paglilibang ng mga opisyal o empleyado ng pamahalaan, sangguniin din ang bahaging MGA KONTRIBUSYONG MAY KINALAMAN SA PULITIKA, MGA BAYAD SA PAMAHALAANG ESTADOS UNIDOS at MGA BAYAD SA IBANG PAMAHALAAN ng Pamantayang ito ng Pag-uugali.

Mga Kontribusyong may Kinalaman sa Pulitika Ang mga kontribusyon sa mga kandidato sa pulitika ay mahigpit na pinamamahalaan. Sa pangkalahatan, ang Dole, bilang isang korporasyon, ay pinagbabawalang magbigay ng mga ganitong kontribusyon. Kung ganun, ang mga kontribusyong pampulitika ay di dapat na ibigay sa pamamagitan ng, o sa ngalan ng Dole, maliban na lamang kung ang kontribusyon ay una ng naaprubahan ng Corporate Legal Department, at ng nakatataas na pangasiwaan ng rehiyon, para sa naaangkop na business unit. Puwede ito sa mga di-perang kontribusyon (halimbawa, payagang gamitin ng isang kandidato ang mga pasilidad at yaman ng Dole) pati na rin ang mga perang kontribusyon. Ang mga indibidwal ay malayang makilahok sa prosesong pulitikal, ngunit hindi ito maaaring gawin ng mga indibidwal sa paraang makakasagabal sa mga responsibilidad ng taong ito sa Dole, lumilikha ng impresyon na ang taong ito ay nagsasalita o gumagawa ng hakbang para sa Dole o nagpapahiwatig na ini-endorso ng Dole ang mga gawain ng taong ito.

Mga Bayad sa Pamahalaang Estados Unidos Walang empleyado o direktor ang dapat na magbigay, mag-alok o mangako, direkta man o hindi direkta, ng anumang klase ng suhol, pabuya o kickback sa isang US federal, opisyal o empleyado ng estado o lokal na pamahalaan.

Mga Bayad sa Ibang Pamahalaan sa Labas ng Estados Unidos Ang pagbibigay ng regalo o paglalaan ng paglilibangan sa mga opisyal at empleyado ng mga banyagang pamahalaan ay mahigpit - at kadalasang ipinagbabawal. Ang mga parusa sa mga paglabag sa mga alintuntuning ito ay mabigat, sa kompanya man at maging sa tao. Sa dahilang ito, ang mga empleyado at mga direktor ng Dole ay di dapat na makilahok sa mga naturang pagbibigay ng regalo, maliban na lamang kung inaprubahan ito ng Corporate Legal Department at nakatataas na pangasiwaan ng rehiyon para sa naaangkop na business unit.

Sa partikular:

(1) Walang empleyado o direktor ang magbabayad ng direkta o hindi direkta, o magbibigay o maghahandog ng pera o anumang may halaga sa kahit sinong opisyal, empleyado o kinatawan o sa alinmang banyagang partidong pampulitika o kandidato o sa kasalukuyang nanunungkulan, sa alinmang banyagang katungkulan sa pulitika, upang tulungang makakuha ng permiso, o iba pang mga awtorisasyon sa pamahalaan at magpanatili o mangasiwa ng negosyo.

(2) Sa kabila ng mga pagbabawal sa talata (1), may mga limitadong kalagayan sa ilalim ng batas na nagpapahintulot na mapabilis ang pagbabayad kung ang layunin ay para mapadali o matiyak ang pagsasagawa ng karaniwang palakad ng pamahalaan.

9

Page 10: Para sa Lahat na mga Kawani, mga Direktor at Mga ... filePara sa Lahat na mga Kawani, ... Ang tagumpay, reputasyon at tatak ... matagal na nating natamasa ang isang inaasam-asam na

May-bisa simula Oktubre 8, 2009

Ang patakaran sa buong kompanya ng Dole ay ang pagbabawal sa ganitong uri ng mga kabayaran maliban na lamang kung matagal nang ipinagtibay ito ng mga nakatataas na pangasiwaan ng rehiyon para sa naaangkop na business unit at Corporate Legal Department.

(Para sa karagdagang impormasyon sa paksang ito, mangyari lamang na tingnan ang Manwal ng Dole Tungkol sa Foreign Corrupt Practices Act Compliance).

Anti-Boykot Ang Dole ay hindi sasali sa anumang gawain, direkta man o hindi direkta, na maaaring ang epekto ay ang makapag-enganyo ng boykot o, magpasimula ng mga paghihigpit sa mga gawi sa kalakalan mula sa isang banyagang bansa, laban sa mga kustomer o supplier na nasa bansang kaibigan ng U.S., o laban sa isang tao, kumpanya o korporasyon na nasa U.S. Dahil hinihingi ng batas ng Estados Unidos na ang kahilingang sumali sa ganitong gawain ay dapat na iulat agad sa pamahalaan ng Estados Unidos, ang payo ng Corporate Legal Department ay dapat na hingin kaagad at bago pa man magsagawa ng anumang aksyon ukol sa naturang kahilingan.

Mga Batas sa Embargo at Batas Laban sa Terorista Ipinagbabawal ng batas ng Estados Unidos ang ilang mga transaksiyon (at pagpapadali ng mga transaksiyon) sa mga bansa, ibang kompanya (kasama pero hindi limitado sa mga bangko) at taong kinikilala ng Estados Unidos na mga isponsor ng terorismo o ibang kalabagan sa karapatang pantao. Tumukoy sa Patakaran ng Dole ukol sa mga Embargo para sa karagdagang impormasyon. Hindi gagawa ang Dole ng anumang ipinagbabawal na transaksiyon. Sumangguni sa Corporate Legal Departement ng Dole bago pumasok sa isang transaksiyon, o magpapadali ng transaksiyon, na maaaring ipinagbawal sa batas ng Estados Unidos o nangangailangan ng pagsang-ayon sa alinmang ahensya ng Pamahalaan ng Estados Unidos.

Ipinagbabawal din ng batas ng Estados Unidos ang malawak na uri ng mga aksiyon na pinaniwalaang tumutulong sa mga organisasyon na kinikilala bilang mga organisasyong terorista ng Estados Unidos. Sinumang tao o kompanya na gumagawa ng mga aksiyong sinasaad ay maituturing ring isang organisasyon ng terorista, at samakatuwid pinagbabawalan ang Dole na makipag-ugnay sa tao o kompanyang ito. Sa pinakamababa, ang pagbibigay ng anumang halaga sa isang organisasyong terorista ay ilegal at mahigpit na ipinagbabawal. Ipinagbabawal ng Pamantayan ng Pag-uugali ang anumang aksiyon o pakikipag-ugnay sa Dole at mga empleyado at direktor nito.

Para sa karagdagang impormasyon sa paksang ito, mangyari lamang na tingnan ang Patakaran ng Dole ukol sa Pakikipag-ugnayan sa mga Organisasyong Terorista.

Mga Batas Anti-trust Ang Dole ay mahigpit na nakikikumpitensya sa merkado, ngunit nangangakong gagawin niya ito sa paraan na patas, tapat, etikal at legal. Inaasahang gagawin ng mga empleyado at mga direktor ang kanilang mga tungkulin sa ngalan ng Dole sa paraang naaayon sa naaangkop na mga batas antitrust at batas sa kumpetisyon. Ang mga batas antitrust at batas sa kumpetisyon ay dinisenyo upang himukin at protektahan ang malaya at patas na kumpetisyon. Ang mga batas na ito ay umiiral sa Estados Unidos at sa iba pang mga bansa kung saan nagnenegosyo ang Dole at nauukol sa mga ugnayan ng Dole at ng kanyang mga kakumpitensya at mamimili. Sa kalahatan ipinagbabawal ng mga batas antitrust at batas sa kumpetisyon ang mga gawaing kinabibilangan ng:

(1) mga kasunduan o usapan sa pagitan ng mga magkakakumpitensya na nagtatanggal o naghihigpit sa kanilang kumpetisyon sa isa’t-isa, gaya ng pagtatakda ng presyo (price fixing), pagpapataas ng alok na presyo (bid rigging), mga hatian ng mga mamimili o mga teritoryo, o mga kasunduan na huwag makitungo sa mga ikatlong partido;

(2) iba pang mga gawi, gaya ng eksklusibong pakikitungo, pagkiling pagdating sa presyo (price discrimination), “tying” (pagkokondisyon sa pagbebenta ng isang produkto sa pagbili o pagbebenta ng isa pang produkto), o resale price maintenance (pagkokondisyon sa pagbebenta ng isang produkto sa pagsang-ayon ng bumibili na kunin ang pinakamababang presyo sa muling pagbebenta), sa mga pangyayari kung saan ang mga gawing ito ay may di-makatwirang epekto sa kumpetisyon; at

10

Page 11: Para sa Lahat na mga Kawani, mga Direktor at Mga ... filePara sa Lahat na mga Kawani, ... Ang tagumpay, reputasyon at tatak ... matagal na nating natamasa ang isang inaasam-asam na

May-bisa simula Oktubre 8, 2009

(3) paninira sa o maling paglalarawan sa produkto ng kakumpitensya, at pagnanakaw ng mga sikretong

pangkalakal.

Ang mga batas sa anti-trust, kasama ng iba pang mga aksiyon, ay nagbabawal ng pagpigil ng kalakalan, mga gawaing lumulupig sa ekonomiya at di makatwiran o walang etikang kaugaliang pangnegosyo. Upang maiwasan ang mga gawaing maaring magbunga ng haka-haka na may paglabag o ang maging resulta ay ang pagkakaroon ng isang bintang na may paglabag sa mga batas na antitrust, ang mga sumusunod na patakaran ang ipatutupad:

(1) Walang empleyado o direktor ang papasok sa anumang unawaan, kasunduan, plano o balak na ang empleyado ay may dahilang maniwala, o napayuhan ng abugado ng Dole, na ilegal sa ilalim ng alinman sa mga batas anti-trust.

(2) Walang empleyado o direktor ang makikipagpalitan o makikipagtalakayan sa kahit sinong kakumpetensiya, ng impormasyon tungkol sa mga presyo sa Dole o patakaran nito ukol sa presyo, mga patakaran sa distribusyon, mga pagbibigay ng klasipikasyon sa, o pagpili ng supplier o kustomer, patakaran sa utang, o anuman sa iba pang katulad na impormasyon tungkol sa kumpetisyon;

(3) Walang empleyado o direktor ang sasali sa anumang pormal o impormal na pagpupulong ng mga ikatlong partido, kung saan batid niya/nila na ang ginagawang kasunduan o unawaan ay ang uri na inilarawan sa talata (1), o kung saan may pagpapalitan o talakayan tungkol sa uri ng impormasyon na inilalarawan sa talata (2); at

(4) Kailangang liwanagin ng mga empleyado at mga direktor sa lahat ng mga supplier na umaasa ang Dole na sila ay makipagkompetensya nang patas at may kasiglahan para sa negosyo ng Dole, at pipiliin ng Dole ang mga supplier batay lamang sa kahusayan ng mga ito.

Mga Batas sa Kapaligiran Patakaran ng Dole na sumunod sa lahat ng mga umiiral na batas at alituntunin sa lahat ng oras at kahit saang lugar na mayroon tayong pinangangasiwaan, at magsaagawa ng lahat ng mga hakbang na magagamit para itaguyod ang kalusugan, kaligtasan at pangangalaga ng kapaligiran, at ang patuloy na pag-unlad tungo sa pagsasakatuparan ng mga hangarin ng Dole. Pinamamahalaan ng Dole ang mga gawain sa buong daigdig na kasama sa iba’t-ibang sektor ng ekonomiya – pagsasaka, food processing, manufacturing, pananaliksik, transportasyon (kabilang na ang trucking, shipping at pamamahala ng mga pasilidad ng pier, distribusyon at benta. Sa lahat ng mga pinangangasiwang ito, hangarin ng Dole na maiwasan ang taliwas na epekto sa kalusugan, kaligtasan at pangangalaga sa kapaligiran. Layunin din ng Dole maglaan ng maikukumparang antas ng kalusugan, kaligtasan at pangangalaga sa kapaligiran para sa lahat ng tumutulong sa paggawa ng mga produkto at lahat ng mga komunidad na naapektuhan ng -mga nangangasiwa. Nagsusumikap ang Dole na mapaunlad at magamit ang mga pamamaraang pinaka-angkop at mabisa ayon sa lokal na mga kalagayan upang magkaroon ng mahalagang pagsulong tungo sa ating mga hangarin. Sa mga pagpupunyaging ito, tayo ay pinapatnubayan ng siyentipikong pananaliksik at karunungan; mga prinsipyo ng pagsusuri ng panganib; mga alalahanin sa publiko, komunidad at sa mga manggagawa; at mga nagsasa-ayos na patakaran at batayan ng Estados Unidos, European Union, at mga samahang pangdaigdig tulad ng World Health Organization. Ang Dole ay may pananagutan sa kalidad, kaligtasan, pag-iwas sa polusyon at patuloy na pagbuti ng pangangalaga ng kapaligiran.

Pahayag ng Responsibilidad

Bawat empleyado at direktor ng Dole ay may responsibilidad na:

(1) Maglaan sa mga kliyente ng ligtas, nakabubuti at may mataas na kalidad na mga produktong pagkain;

(2) Sumunod sa lahat ng umiiral na batas at alituntunin saan man tayo may pinangangasiwaan;

(3) Pigilan ang taliwas na epekto sa -pangangasiwa sa kapaligiran, pangalaga ang mga yaman at pagbawas ng basura; at

(4) Pigilan ang mga aksidente at sakit at pangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng tao.

Patakaran sa Paggamit ng mga Produktong Nangangalaga sa mga Pananim – Sa pangangasiwa ng pagsasaka ng Dole, gumagamit and kumpanya ng mga maipagpapatuloy na nakagawian ng pamamaraan sa agrikultura at mga

11

Page 12: Para sa Lahat na mga Kawani, mga Direktor at Mga ... filePara sa Lahat na mga Kawani, ... Ang tagumpay, reputasyon at tatak ... matagal na nating natamasa ang isang inaasam-asam na

May-bisa simula Oktubre 8, 2009

kaakibat nitong pamamaraan sa pagpatay ng peste na gumagamit ng mga paraang bayolohika at ayon sa kultura, upang makontrol ang mga peste at mga sakit ng halaman. Gumagamit lamang ang Dole ng mga produkto na nangangalaga sa pananim kung kinakailangan at kung saan ito kailangan, at laging tama ang pangangalaga at alinsunod sa mga umiiral na batas. Hindi gagamit ang Dole, kahit saan, ng anumang produkto na ipinagbabawal ng Environmental Protection Agency ng Estados Unidos o ng European Union dahil sa panganib na naidudulot nito sa kalusugan at kapaligiran.

Insider Trading sa Securities Ipinagbabawal ng mga pederal na batas ng U.S. sa securities ang insider trading—iyan ay, pagbili o pagbebenta ng securities ng kompanya sa panahon kung kailan ang isang tao ay may hawak na “mahalagang di-pampublikong impormasyon” tungkol sa kompanya o sa merkado para sa securities ng kompanya. Ang “mahalagang impormasyon” (“material information”) ay impormasyon na ituturing ng karaniwang namumuhunan na mahalaga sa paggawa ng desisyon sa pamumuhunan na pamimili, paghawak o pagbebenta ng stock o bonds ng Dole. Kabilang sa mga tiyak na halimbawa ng “mahalagang impormasyon” ang (ngunit hindi lamang) mga kinita at pinagtumbasang dibidendo sa kada taon o sa kada tatlong buwan, mga mahahalagang pag-aangkin o paglilipat, mga panukalang “tender offer” o “stock splits”, at mga pagbabago sa nakatataas na nangangasiwa. Maaari ring maisama sa kategoriya ng “mahalagang impormasyon” ang mga impormasyong may kinalaman sa mga pangunahing bagong produkto, planong pagpapalawak, o mahahalagang mga hakbang para sa pagsasakdal o pagsasaayos.

Lahat ng mga empleyado, mga direktor, at ikatlong partido ay hindi dapat makipagkalakalan o irekomenda ang pamimili o pagbebenta ng alinmang securities ng Dole habang hawak nila ang “mahalagang impormasyon” hinggil sa Dole na hindi pa naibubunyag sa publiko. Lahat ng ganitong mga tao ay hindi dapat lumahok sa pangangalakal, o pagrerekomenda sa pamimili o pagbebenta, ng securities ng alinmang iba pang korporasyon kung kanino ang hindi pa naisasapublikong “mahalagang impormasyon” ay tangan nila bilang resulta ng kanilang pagtatrabaho sa Dole.

Sa loob ng Dole, dapat lamang na talakayin ng mga empleyado at mga direktor ang mga di-pampublikong mahalagang impormasyon kapag ito ay talagang kinakailangan sa pagasasagawa ng kanilang mga tungkulin. Bilang dagdag, ang mga di-publikong mahalagang impormasyon tungkol sa Dole ay hindi dapat ipagsabi sa iba.

Kung ang mga empleyado o mga direktor ay hindi sigurado tungkol sa mga paghihigpit sa pamimili o pagbebenta ng alinmang securities ng Dole o securities ng alinmang iba pang kompanya na pamilyar ang isang empleyado o direktor ng Dole dulot ng kanyang kaugnayan sa Dole, ang naturang empleyado o direktor ay dapat komunsulta sa Pangkalahatang Abugado ng Kompanya, o itinalagang Katulong na Kalihim ng Kompanya. Para sa karagdagang impormasyon sa paksang ito, mangyari lamang na tingnan ang Patakaran ng Dole sa Insider Trading.

Mga Tadhana Tungkol sa Perishable Agricultural Commodities Act Isang aspeto ng Pamantayan ng Pag-uugali sa Dole ang tumutukoy sa pagsunod ng Dole at ng mga empleyado at mga direktor nito sa mga tadhana ng Perishable Agricultural Commodities Act (“PACA”) (Batas sa mga Nabubulok na Panindang Pang-agrikultura), isang batas pederal ng Estados Unidos na, kasama ang ilan pang mga maihahantulad na mga batas ng estado, ay nagbabawal sa di-makatwiran, madaya at walang etikang gawi sa negosyo na may kaugnayan sa importasyon, pagbili o pagbebenta ng mga nabubulok na panindang pang-agrikultura sa komersyo sa loob ng Estados Unidos o sa ibang bansa.

Upang maiwasan ang paglabag sa mga batas na ito, ang mga sumusunod na patakaran (kung pagsasama-samahin, “Patakaran ng PACA ng Dole”) ay paiiralin:

(1) Walang empleyado o direktor ang gagawa, na may madayang layunin, ng anumang huwad o nakakalinlang na pahayag na may kaugnayan sa anumang pagbili, pagbebenta, consignment o iba pang transaksyon na kasangkot ang mga nabubulok na panindang pang-agrikultura;

(2) Walang empleyado o direktor na, sa kaninumang ikatlong partido na mayroong ugnayan ang Dole sa pagbili, pagbebenta o consignment, magbibigay ng pagtutuos ng bentahan o ng anumang dokumento na hindi naipapakita ang makatotohanan at tamang mga detalye ng transaksyon;

12

Page 13: Para sa Lahat na mga Kawani, mga Direktor at Mga ... filePara sa Lahat na mga Kawani, ... Ang tagumpay, reputasyon at tatak ... matagal na nating natamasa ang isang inaasam-asam na

May-bisa simula Oktubre 8, 2009

(3) Walang empleyado o direktor ang magbabago, magpapalsilpika o maghuhuwad o buong loob na tumulong,

sumaklolo o kungdi, sumali sa pagbabago, papapalsipika o paghuhuwad ng anumang katibayan ng inspeksyon na inilathala sa ilalim ng awtoridad ng Kagawaran ng Agrikultura ng Estados Unidos ni walang sinuman empleyado o direktor ang maghaharap ng anumang binago, pinalsipika o huwad na katibayan para sa madayang layunin; at

(4) Lahat ng mga dokumento na kasangkot ang mga transaksyong napapasailalim sa PACA ay dapat na panatilihin sa loob ng panahonng hindi kukulangin sa dalawang taon.

Pagka-angkop sa Ugnayang Pangnegosyo ng Dole Ang paninindigan ng Dole sa ugaling may etika ay sumasaklaw hanggang sa mga ugnayang pangnegosyo nito sa mga kustomer at supplier pati na mga maaaring maging mamimili at supplier. Inaasahan ang mga empleyado at mga direktor na makitungo nang patas sa mga mamimili at supplier at upang kumilos sa paraang lumilikha ng saysay at tumutulong na bumuo ng ugnayang batay sa tiwala. Anumang kaugnayan o transaksiyon ng kustomer at supplier sa Dole na lumalabag sa anumang bahagi ng Pamantayang ito ng Pag-uugali ay dapat na iulat, kaparehas din na para bang ang paglabag ay nagmula sa gawi ng mga empleyado, mga direktor, at mga consultant. Inuutos ng Dole ang distribusyon ng Pamantayan sa mga pangunahing supplier at consultant, at hinihimok nito ang pagsasama ng mga batayan ng pagsunod sa Pamantayan, sa mga kasunduan sa mga kustomer at supplier.

Mga Responsibilidad sa Ilalim ng Pamantayan sa Pag-uugali Komunikasyon at Pagkilala Bago magsisimula ang pagtatrabaho, ang Departamento ng Corporate Human Resources ay may responsibilidad na tiyakin na ang lahat ng mga maaaring maging bagong empleyado ng Dole ay mabigyan ng Pamantayang ito ng Pag-uugali at makuha sa kanila ang napunan at nalagdaang Form ng Pagkilala sa Pamantayan ng Pag-uugali. Bago pa man maisakatuparan ang pagkuha ng mga bagong trabahador, ang lahat ng maaaring maging salungat na interes na nabanggit sa Form ng Pagkilala sa Pamantayan ng Pag-uugali ay dapat na maiulat ng kinatawan ng Human Resources at inaprubahan ng Nakatataas sa Kompanya o Rehiyon (pangulo, punong opisyal sa pananalapi, abugado at pinuno ng Human Resources) ng business unit ng Kompanya , depende sa kaso.

Bago ang pagtatalaga ng bagong kasapi sa Lupon ng mga Direktor, ang Pangkalahatang Abugado, o itinalagang Katulong na Kalihim ng Kompanya, ay responsable sa paniniyak na bawat bagong direktor ng Dole ay nabigyan ng kopya nitong Pamantayan sa Pag-uugali at sa pagkuha mula sa kanila ng kumpleto at nalagdaang Form ng Pagtanggap sa Pamantayan sa Pag-uugali. Bago maipatupad ang pagtatalaga, lahat ng mga maaaring maging salungatan ng interes na matutukoy sa Form ng Pagtanggap sa Pamantayan sa Pag-uugali ay dapat mapag-aralan at aprobahan ng Pangkalahatang Abugado ng Kompanya.

Ang Pamantayang ito ng Pag-uugali ay ipamamahagi rin sa, at ang pirmadong Form ng Pagkilala sa Pamantayan ng Pag-uugali ay dapat na kuhanin mula sa, lahat ng mga consultant kung kanino kumukuha ng serbisyo ang Dole sa anumang panahon na lumalagpas sa anim na buwan. Maaaring ipairal din ito sa mga pangunahing supplier ng Dole. Ang mga empleyado ng Dole na may awtoridad na kumuha ng mga pangunahing supplier, pati na rin ang mga nagbibigay ng serbisyo, ay may responsibilidad na tiyaking naiintindihan ng kanilang mga supplier ang Pamantayan at kukumpletuhin nila ang Taunang Pagrerepaso sa Pamantayan ng Pag-uugali, kapag hiniling.

Ang mga nangangasiwa (lokal) ay may responsibilidad na tiyakin na naiintindihan ng kanilang mga empleyado ang Pamantayang ito ng Pag-uugali at pinupunan ng kanilang mga empleyado at pangunahing supplier ang Taunang Pagrerepaso sa Pamantayan ng Pag-uugali, kapag hiniling. Taun-taon, hihilingin ng Dole sa lahat nitong exempted na empleyado, mga direktor, mga consultant na mayroon o inaasahang may anim na buwan pang magbibigay ng serbisyo, at mga tiyak na pangunahing supplier, na isagawa ang Taunang Pagrerepasong ito.

Mga Katanungan

Walang pamantayan o patakaran ang nakakaalam sa bawat sitwasyon o makapagbibigay ng tiyak na kasagutan sa lahat ng mga tanong na maaaring lumabas. Kung kaya, ang Pamantayan sa Pag-uugali na ito ay inilaan upang bigyang-diin ang mga larangan ng mga etikal na peligro, magbigay ng patnubay sa pagkilala at paglutas sa mga etikal na isyu at magtatag ng mga mekanismo upang iulat ang mga di-etikal na pag-uugali. Bawat isa sa atin ay

13

Page 14: Para sa Lahat na mga Kawani, mga Direktor at Mga ... filePara sa Lahat na mga Kawani, ... Ang tagumpay, reputasyon at tatak ... matagal na nating natamasa ang isang inaasam-asam na

May-bisa simula Oktubre 8, 2009

responsable sa pagsunod sa mga batayan sa Pamantayang ito, sa paglalabas ng mga tanong kung tayo ay nagdududa tungkol sa kung ano ang pinakamabuting hakbang at sa pag-uulat sa mga posibleng maling pag-uugali pagkatapos nating malaman ito.

Kung may mga katanungan ka ukol nitong Pamantayan ng Pag-uugali o nais mo na makatanggap ng paglillinaw sa tamang pag-ugali, maaaring ipaalam sa mga sumusunod:

(1) iyong tagapangasiwa o ibang empleyado na namamahala;

(2) kinatawan ng Human Resources o ibang kinatawan ng ugnayang may kinalaman sa empleyado;

(3) Hotline ng Pamantayan sa Pag-uugali ng Dole sa telepono at sa www.DoleIntegrity.com

(4) abugado ng Legal na Departamento; o

(5) kasapi ng Departamento ng Dole Internal Audit.

Hinihikayat kayo na magtanong o humingi ng paliwanag ukol sa Pamantayan ng Pag-uugali o alin mang patakaran na nakasaad dito.

Dole Integrity Hotline

Ang Dole ay nakipagtambal sa EthicsPoint para mabigyang-daan ang mga taong nais mag-ulat ukol sa di wastong gawain, maghain ng mga idea, o simpleng magtanong sa pamamagitan ng Dole Integrity Hotline. Ang Hotline ay isang integrated na instrumento gamit ang telepono, web at database na maaaring magbigay sa mga tao ng pagkakataon na maipamahagi ang kanilang nga iniintindi sa Dole, na may katiyakan na lahat ng ulat ay kompidensiyal at maaring gawin ng palihim.

Pag-uulat

Bilang bahagi ng Pamantayan ng Pag-uugali, responsibilidad mo na ipaalam ang anumang paglabag sa Pamantayang ito. Ang Dole ay nakipagtambal sa EthicsPoint sa pamamagitan ng Dole Integrity Hotline. Lahat ng mga impormasyon na ibinigay sa Hotline ay kompidensiyal at maaaring gawin ng palihim. Ang web-based Hotline ay mababasa sa 11 wika at may mga tagasaling-wika na maaaring mapagtanungan sa karagdagang wika sa pamamagitan ng pagtawag sa telephone call center.

Para iulat ang anumang paglabag sa Dole Integrity Hotline na nakabase sa web, bumisita sa www.DoleIntegrity.com. Ang mga ulat sa telepono ay maaaring gawin sa nakalaang walang-toll na numero sa nakalakip sa talaan.

Maaari ring ipaalam ang anumang paglabag sa pamamagitan ng alinmang kasunod na paraan sa personal, ng pagtawag sa telepono, e-mail o sa pagsulat:

(1) iyong tagapangasiwa o ibang empleyado na namamahala;

(2) kinatawan ng Human Resources o ibang kinatawan ng ugnayang may kinalaman sa empleyado;

(3) Ang Hotline ng Pamantayan ng Pag-uulat (tingnan ang detalye sa itaas)

(4) abugado ng Legal na Departamento ng Dole; o

(5) kasapi ng Departamento ng Internal Audit ng Dole.

Lahat ng empleyado at direktor na may mabuting hangaring mag-ulat ng posibleng paggawa ng di-wastong gawain ay hindi maaaring gantihan at ang kompidensiyal na impormasyon ay itatago ng palihim ayon sa batas ng pagtatrabaho ng kanyang bansa kung saan nasasakop ang kanyang pagtatrabaho, ng Pamantayang ito ng Pag-uugali at lahat ng kakailanganin para sa masusing imbestigasyon.

Dapat makipag-ugnayan ang mga kasapi sa Lupon ng mga Direktor sa Punong Opisyal na Tagapagpatupad, Pangkalahatang Abugado o ang puno ng Komite sa Pagmumungkahi at Pamamahala sa Korporasyon (Nominating and Corporate Governance Committee) upang iulat ang mga paglabag o magtanong.

Imbestigasyon sa Mga Naiulat na Paglabag

14

Page 15: Para sa Lahat na mga Kawani, mga Direktor at Mga ... filePara sa Lahat na mga Kawani, ... Ang tagumpay, reputasyon at tatak ... matagal na nating natamasa ang isang inaasam-asam na

May-bisa simula Oktubre 8, 2009

Iimbestigahan kaagad ng Dole ang lahat ng mga naiulat na paglabag sa Pamantayang ito ng Pag-uugali. Ang lahat ng imbestigasyon ng Dole tungkol sa kamalian ay pamamahalaan ng naangkop na tauhan sa ilalim ng pamamahala ng Corporate Legal Department. Kung ang resulta ng imbestigasyon ay nagsasaad na kailangan ang pagwawasto, magpapasiya ang Dole kung anong hakbang ang kailangang gawin at para maiwasan ang maaaring pag-uulit nito.

Mga Proseso sa Pagtupad

Kung ang Legal na Departamento ng Kompanya o iba pang naaangkop na partido ay makatanggap ng impormasyon hinggil sa isang sinasabing paglabag dito sa Pamantayan sa Pag-uugali, ang Pangkalahatang Abugado ng Kompanya o ang naturang ibang partido (sa utos ng Pangkalahatang Abugado kung maipasiyang kinakailangan) ay, ayon sa naaangkop:

(1) pag-aralan ang ganoong impormasyon;

(2) kung ang sinasabing paglabag ay sangkot ang isang opisyal na tagapagpatupad o isang direktor, ipagbigay-alam sa Punong Opisyal na Tagapagpatupad, sa Pangkalahatang Abugado at sa Audit Committee ang tungkol sa sinasabing paglabag;

(3) ipasiya kung kinakailangang magsagawa ng di-pormal na pagsisiyasat o pormal na imbestigasyon at, kung ganoon nga, simulan ang ganoong pagsisiyasat o imbestigasyon; at

(4) kung ang sinasabing paglabag ay sangkot ang isang opisyal na tagapagpatupad o isang direktor, iulat ang mga resulta ng anumang ganoong pagsisiyasat o imbestigasyon, kasama ang rekomendasyon kung paano lulutasin ang problema, sa Audit Committee para sa aksiyon. Lahat ng mga partido ay inaasahang makikipagtulungan nang lubos sa anumang pagsisiyasat o imbestigasyon hinggil sa sinasabing paglabag dito sa Pamantayan sa Pag-uugali.

Disiplina sa mga Paglabag

Maaaring mabigyan ng aksyon na pagdidisiplina ang:

(1) Pagbibigay ng awtorisasyon o pagsali sa mga gawaing lumalabag sa Pamantayan;

(2) Hindi pag-ulat ng paglabag sa Pamantayang ito ng Pag-uugali;

(3) Pagtangging tumulong sa imbestigasyon ng isang posible o aktuwal na paglabag sa Pamantayan;

(4) Pag-uutos o pag-aaproba sa anumang pag-uugali na lumalabag sa Pamantayan sa Pag-uugali na ito;

(5) Hindi natuklasan at naiulat ng (mga) superbisor ng lumabag ang isang paglabag sa Pamantayan, at ang naturang pangyayari ay naglalarawan ng di-sapat na pangangasiwa o pagpapabaya; o

(6) Paghiganti sa isang tao sa pag-ulat ng paglalabag sa Pamantayang ito ng Pag-uugali.

Ang pagkabigong tumupad sa mga batayang binalangkas sa Pamantayan sa Pag-uugali na ito ay magreresulta sa aksyong pagdidisiplina na maaaring kinabibilangan ng mga pagkakastigo, mga babala, pag-iisantabi sa kaparusahan ng nagkasala habang sinusubukan (probation) o pagsususpinde nang walang suweldo, pagbababa ng ranggo, pagbababa ng sahod, pagtatanggal sa trabaho at/o ang naaangkop na ugnayan sa negosyo at bayad-pinsala. Sa ilang mga paglabag dito sa Pamantayan sa Pag-uugali maaaring kakailanganing idulog ng Dole ang problema sa naaangkop na awtoridad ng pamahalaan o nangangasiwa para sa imbestigasyon o paghahabla.

Waivers o Kusang Di-paggamit ng Karapatan

Ang mga waiver ng Pamantayan sa Pag-uugaling ito ay ibibigay lamang sa mga kakaibang pangyayari. Ang mga waiver sa isang probisyon sa Pamantayan para sa mga direktor at mga opisyal na tagapagpatupad ay dapat aprobahan sa pamamagitan ng sulat ng Lupon ng Mga Direktor at maagap na maibunyag alinsunod sa naaangkop na batas. Ang mga waiver para sa ibang indibidwal ay dapat maaprobahan sa pamamagitan ng sulat ng Pangkalahatang Abugado ng Kompanya.

15

Page 16: Para sa Lahat na mga Kawani, mga Direktor at Mga ... filePara sa Lahat na mga Kawani, ... Ang tagumpay, reputasyon at tatak ... matagal na nating natamasa ang isang inaasam-asam na

May-bisa simula Oktubre 8, 2009

16

Amyenda

Inirereserba ng Dole ang karapatang amyendahan, baguhin o tapusin itong Pamantayan sa Pag-uugali sa anumang oras sa anumang dahilan. Ang pinakabagong bersyon ay matatagpuan sa website ng Dole. Anumang mga amyenda, pagbabago o pagtatapos sa Pamantayang ito ay maagap na ibubunyag at ipapaalam sa publiko.

Page 17: Para sa Lahat na mga Kawani, mga Direktor at Mga ... filePara sa Lahat na mga Kawani, ... Ang tagumpay, reputasyon at tatak ... matagal na nating natamasa ang isang inaasam-asam na

Dole Food Company Mga Tagubilin Ng Libreng Toll na Pandaigdigang Pagdayal

Mga Tawag Sa Loob ng Bansa (Estados Unidos, Kanada & Guam):

1. Magdayal ng 888-236-7527 Mga tawag sa labas ng bansa:

1. Upang matawagan ang EthicsPoint, na provider ng Dole Integrity Hotline provider EthicsPoint mula sa: [Bansa]

2. Mula sa isang linyang nasa labas dumayal sa [AT&T Access Code – Tingnan ang talaan sa ibaba]

3. Sa udyok, dumayal sa 888-236-7527. Ito ay isang numerong libre ang toll. Hindi na kailangang magdayal ng "1" bago ang numerong ito.

4. Ang tawag ay sasagutin sa Ingles. Upang ipagpatuloy ang iyong tawag sa ibang wika, mangyaring sabihin ang iyong wika upang humiling ng isang tagasalin. Maaaring kailangan ng 1-3 minuto upang makakuha ng isang tagasalin. Sa panahong ito mangyaring huwag ibaba ang telepono.

5. Kung ang numero ng telepono na nakalista sa itaas ay hindi gumagana, mangyaring gawin ang iyong ulat onlayn sa website na ito. Mangyaring ipahayag sa ulat na ang numero ng telepono ay hindi gumana.

Bansa Access Code ng AT&T Albanya 00-800-0010 Alemanya (Magagamit mula sa New World Telephones)

0-800-225-5288

American Samoa 1-800-225-5288 Anggola 808-000-011 Anguilla 1-800-225-5288 Antigua 1-800-225-5288 Arhentina (Opereytor na nagsasalita ng Espanyol)

0800-288-5288

Arhentina (Opereytor na nagsasalita ng Ingles)

0800-555-4288

Armenya 0-800-10-111 Australya (upang tumawag gamit ang Optus)

1-800-551-155

Australya (upang tumawag gamit ang Telstra)

1-800-881-011

Austriya 0-800-200-288 Bahamas 1-800-872-2881 Bahrain 800-00-001 o 800-000-00 Bahrain (Mga Base Militar ng Estados Unidos)

800-000-05

Bangladesh 157-0011

Page 18: Para sa Lahat na mga Kawani, mga Direktor at Mga ... filePara sa Lahat na mga Kawani, ... Ang tagumpay, reputasyon at tatak ... matagal na nating natamasa ang isang inaasam-asam na

Barbados 1-800-225-5288 Bélhiká 0-800-100-10 Belis (mga hotel) 555 Belis (upang tumawag mula sa mga telepono at mga teleponong binabayaran ng barya)

811

Belorusya (^ Nagpapahiwatig ng ikalawang tono ng pagdayal)

8^800-101

Beneswela 0-800-225-5288 Beneswela (Espanyol) 0-800-552-6288 Benin 102 Bermuda 1-800-225-5288 Bonaire 001-800-872-2881 Bosnia 00-800-0010 Brasil 0-800-890-0288 o 0-800-888-8288 Brunáy 800-1111 Bulgarya 00-800-0010 Bulibya 800-101-110 Byet-Nám 1-201-0288 Costa Rica 0-800-011-4114 Côte d’Ivoire 00-111-11 Côte d’Ivoire (Opereytor na nagsasalita ng Pranses)

00-111-12

Croatia 0-800-220-111 Dakilang Britanya 0-800-89-0011 Dakilang Britanya 0-500-89-0011 Diego Garcia 999-288 Dinamarka 800-100-10 Ecuador (Opereytor na nagsasalita ng Espanyol)

1-800-999-119

Ecuador (Opereytor na nagsasalita ng Ingles)

1-999-119 o 1-800-225-528

Ehipto (Kayro) 2510-0200 Ehipto (Labas ng Kayro) 02-2510-0200 Espanya 900-99-0011 Estonya 800-12001 French Antilles (Guadeloupe) 0-800-99-0011 French Antilles (St. Barthelemy) 0-800-99-0011 French Antilles (St. Martin) 0-800-99-0011 Gabon (Opereytor na nagsasalita ng Ingles, ^ Nagpapahiwatig ng ikalawang tono ng pagdayal)

**baligtad na pagsingil

Gabon (Opereytor na nagsasalita ng Pranses, ^ Nagpapahiwatig ng ikalawang tono ng pagdayal)

**baligtad na pagsingil

Page 19: Para sa Lahat na mga Kawani, mga Direktor at Mga ... filePara sa Lahat na mga Kawani, ... Ang tagumpay, reputasyon at tatak ... matagal na nating natamasa ang isang inaasam-asam na

Gambia 111 Gana 191 Gibraltar 8800 Grenada 1-800-225-5288 Gresya 00-800-1311 Guadeloupe 0-800-99-0011 Guatemala (Opereytor na nagsasalita ng Espanyol)

999-9190

Guatemala (Siyudad ng Guatemala) 138-126 Guyana 159 Haiti 183 Haiti (Opereytor na Nagsasalita ng French Creole)

181

Hamayka 1-800-872-2881 Hamayka (Mga Pampublikong Telepono) #1 Hamayka (MGA PILING HOTEL) 872 Hapon (KDDI) 00-539-111 Hapon (Softbank Telecom) 00-665-5111 Hapon (Softbank Telecom) 00-441-1111 Honduras (Espanyol) 800-0123 Hong Kong 800-96-1111 Hong Kong 800-93-2266 Hordan 1-880-0000 Hungarya 06-800-011-11 Indiya 000-117 Indonisya 001-801-10 Irlanda 1-800-550-000 Irlanda 00-800-222-52288 Irlanda (Ang Hilagang Irlanda ay gumagamit ng numero ng pag-access ng UK)

0-800-89-0011

Isla ng Easter (Opereytor na nagsasalita ng Espanyol)

800-800-312

Isla ng Easter (Opereytor na nagsasalita ng Ingles)

800-800-311

Isla ng Reunyon 0-800-99-0011 Israel 1-80-922-2222 Israel (Bezeq) 1-800-949-4949 Italya (Kasama ang Siyudad ng Vatican) 800-172-444 Kambodya 1-800-881-001 Kasakstán (^ Nagpapahiwatig ng ikalawang tono ng pagdayal)

8^800-121-4321

Kolombya (Opereytor na nagsasalita ng Espanyol)

01-800-911-0011

Kolombya (Opereytor na nagsasalita ng 01-800-911-0010

Page 20: Para sa Lahat na mga Kawani, mga Direktor at Mga ... filePara sa Lahat na mga Kawani, ... Ang tagumpay, reputasyon at tatak ... matagal na nating natamasa ang isang inaasam-asam na

Ingles) Korea (DACOM HUKBONG SANDATAHAN NG ESTADOS UNIDOS)

550-2872

Korea (DACOM) 00-309-11 Korea (Korea Telecom HUKBONG SANDATAHAN NG ESTADOS UNIDOS)

550-4663

Korea (Korea Telecom) 00-729-11 Kuba (Look ng Guantanamo) 2935 Kurakao 001-800-872-2881 Latbiya 800-2288 Liechtenstein 809-2288 Look ng Guantanamo 2935 Lupangyelo 00-800-222-552-88 Macau 0-800-111 Macedonia, F.Y.R. 00-800-4288 Malaysia 1-800-80-0011 Malta 800-901-10 Martinique 0-800-99-0011 Maruwekos 00-2-11-0011 Mauritius 01-120 Mehiko 01-800-288-2872 Mehiko (alternatibo) 001-800-462-4240 Mehiko (Opereytor na nagsasalita ng Espanyol)

01-800-112-2020

Mehiko (Opereytor na nagsasalita ng Espanyol)

001-800-658-5454

Mga Isla ng British Virgin 1-800-872-2881 Mga Isla ng Cape Verde **baligtad na pagsingil Mga Isla ng Cayman 1-800-225-5288 Mga Isla ng Cook 09-111 Mga Isla ng Marshall 1-800-225-5288 Mga Isla ng US Virgin 1-800 225-5288 Micronesia 288 Monako 800-90-288 Montserrat 1-800-225-5288 Nagkakaisang Emiratong Arabo 0-800-121 Nagkakaisang Emiratong Arabo (Hukbong Sandatahan)

0-800-161

Nepal 0800-77-001 Nicaragua (Opereytor na nagsasalita ng Espanyol)

1-800-0164

Norwega 800-190-11 Norwega (Hukbong Sandatahan) 800-199-11

Page 21: Para sa Lahat na mga Kawani, mga Direktor at Mga ... filePara sa Lahat na mga Kawani, ... Ang tagumpay, reputasyon at tatak ... matagal na nating natamasa ang isang inaasam-asam na

Nuweba Selanda 000-911 Olandiya 0800-022-9111 Olandiya Antilles 001-800-872-2881 Pakistán 00-800-01-001 Panama 800-0109 Panama (Espanyol) 800-2288 Panama (Opereytor na nagsasalita ng Espanyol)

800-2288

Papua New Guinea **baligtad na pagsingil Paraguay (Siyudad ng Asuncion) 00-811-800 Peru 0-800-70-088 Peru 0-800-50-288 Peru (Opereytor na nagsasalita ng Espanyol)

0-800-50-000

Pidyi 004-890-1001 Pilipinas 105-11 Pilipinas (Opereytor na nagsasalita ng Tagalog)

105-12

Pinlandya 0-800-11-0015 Polonya 00-800-111-1111 Portugal 800-800-128 Pransya 0-800-99-0011 Pransya Guiana 0-800-99-0011 Puerto Rico 1-800 225-5288 Repúbliká ng Dominikano 1-800-872-2881 Repúbliká ng Dominikano (Opereytor na nagsasalita ng Espanyol)

39408

Repúbliká ng Dominikanon Republic (Opereytor na nagsasalita ng Ingles)

1-800-872-2881

Repúbliká Sekya 00-800-222-55288 Rumanya 021-800-4288 Rumanya (Mga Base Militar ng Estados Unidos)

021-801-0151

Rusya (Ibang Mga Siyudad) 8^10-800-110-1011 Rusya (Moscow) 755-5042 Rusya (Moscow) 755-5555 Rusya (St. Petersburg) 325-5042 Saba 001-800-872-2881 Saipan 1-800-225-5288 Salbadór (Opereytor na nagsasalita ng Espanyol)

800-1785

Salbadór (Opereytor na nagsasalita ng Ingles)

800-1288

Sambiya 00-899 San Marino 800-172-444

Page 22: Para sa Lahat na mga Kawani, mga Direktor at Mga ... filePara sa Lahat na mga Kawani, ... Ang tagumpay, reputasyon at tatak ... matagal na nating natamasa ang isang inaasam-asam na

Saudi Arabia 1-800-10 Senegal 800-103-072 Sierra Leone 1100 Singgapúr 800-011-1111 Singgapúr 800-001-0001 Sipres 800-900-10 Sirya 0-801 Slobakya 0-800-000-101 Sri Lanka 2-430-430 Sri Lanka (Iba pa) 112-430-430 St. Barthelemy 0-800-99-0011 St. Eustatius 001-800-872-2881 St. Kitts and Nevis 1-800-225-5288 St. Lucia 1-800-225-5288 St. Maarten 001-800-872-2881 St. Martin 0-800-99-0011 St. Pierre and Miquelon 0-800-99-0011 St. Vincent 1-800-225-5288 Sudan **baligtad na pagsingil Suriname 156 Suwesya 020-799-111 Suwisa 0-800-89-0011 Taylánd 1-800-0001-33 Taylánd 001-999-111-11 Taywán 00-801-102-880 Timog Áprika 0-800-99-0123 Tonga 0-800-288 Trinidad & Tobago 1-800-872-2881 Tsile (Opereytor na nagsasalita ng Espanyol)

800-360-312

Tsile (Opereytor na nagsasalita ng Ingles) 800-225-288 o 800-360-311 Tsile (Upang tumawag mula sa mga selyular na telepono)

*288

Tsina - Hilagang rehiyon, Beijing at kalapit na pook

108-888

Tsina - Hilagang rehiyon, Beijing at kalapit na pook (Opereytor na nagsasalita ng Mandarin)

108-710

Tsina - Timog at Sentral Tsina, and mga rehiyon ng Shanghai at Guangzhou

108-11

Tsina - Timog at Sentral Tsina, and mga rehiyon ng Shanghai at Guangzhou (Opereytor na nagsasalita ng Mandarin)

108-10

Turkiya 0811-288-0001 Turks at Caicos 1-800-225-5288

Page 23: Para sa Lahat na mga Kawani, mga Direktor at Mga ... filePara sa Lahat na mga Kawani, ... Ang tagumpay, reputasyon at tatak ... matagal na nating natamasa ang isang inaasam-asam na

Ukraine (^ Nagpapahiwatig ng ikalawang tono ng pagdayal)

8^100-11

United Arab Emirates (Mga base militar) 0-800-151 Uruguay 000-410 Usbekya (Tashkent) (^ Nagpapahiwatig ng ikalawang tono ng pagdayal)

8^641-744-0010

Zimbabwe 110-989-90 **Mula sa ibang mga lokasyon:

1. Hilingin sa opereytor na tumawag ng kolek (baligtad na pagsingil) sa Estados Unidos sa 503-748-0531.

2. Kung ang opereytor ay magtatanong kung sino ang gumagawa ng tawag, ibigay ang pangalan na "Dole Food Company" sa halip na ang iyong sariling pangalan.

3. Ang opereytor ay dadayal sa numero ng hotline sa pag-uulat ng Dole Food Company upang ikumpirma kung tatanggapin ang mga singil.

Upang makapunta sa Dole Integrity Hotline sa pamamagitan ng Internet, pumunta sa www.DoleIntegrity.com