panunungkulan ni magsaysay

13
Ramon Magsaysay Pangatlong Pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas Disyembre 30, 1953 – Marso 17, 1957 “Kung ano ang makakabuti sa karaniwang tao ay makakabuti sa buong bansa”

Upload: jetsetter22

Post on 06-Feb-2015

794 views

Category:

Education


21 download

DESCRIPTION

Happy Teaching!

TRANSCRIPT

Page 1: Panunungkulan ni Magsaysay

Ramon Magsaysay Pangatlong Pangulo ng

Ikatlong Republika ng Pilipinas Disyembre 30, 1953 – Marso 17, 1957

“Kung ano ang makakabuti sa karaniwang tao ay makakabuti sa buong bansa”

Page 2: Panunungkulan ni Magsaysay

“Kampiyon ng Masang Pilipino at Kampiyon ng Demokrasya” ito ang mga tanyag na taguri kay Pang. Ramon Magsaysay sa kasaysayan ng pulitika ng Pilipinas. Kaya naman noong siya ay nanumpa bilang ikatlong pangulo ng Ikatlong Republika sa Luneta noong Dis. 30, 1953 ay dinaluhan ito ng napakaraming taong naniniwala at sumusuporta sa kanya

Page 3: Panunungkulan ni Magsaysay

Dahil sa kanyang karisma at pagiging makamasa ay naging idolo siya ng sambayanang Pilipino. Siya ang taning pangulong nagbukas ng pintuan ng Malacanang para sa lahat ng mga mamamayan. Ayon sa kanya, ito ay pag-aari ng bayan at ang tunay na kapangyarihan ay nasa taumbayan

Page 4: Panunungkulan ni Magsaysay

“Kaligayahan at katatagan ng Karaniwang tao” – ito ang kanyang palatuntunan bilang pangulo ng bansa. Upang maisakatuparan ito ay ipinahayag niyang paunlarin niya ang mga baryo***. Upang makamit ang kanyang mga adhikain ay isinagawa niya ang mga sumusunod:

Page 5: Panunungkulan ni Magsaysay

Mga Patakaran at Programa

*pinagtibay ang Land Tenure Reform Law kung saan sa pamaamgitan nito ay itinadhana ang paghahati-hati ng malalaking asyendang bibilhin ng pamahalaan upang maipamahagi nang hulugan sa mga kasama. ,

*pagpapatayo ng mga poso at patubig upang mapabilis ang pag-unlad ng mga baryo

Page 6: Panunungkulan ni Magsaysay

* pagpapagawa ng mga daan at tulay upang mailapit ang mga baryo sa poblasyon o kabayanan

* paglulunsad ng pananaliksik ukol sa makabagong sistema ng pagsasaka at bagong uri ng binhi tulad ng “Masagana”

Mga Patakaran at Programa

Page 7: Panunungkulan ni Magsaysay

* Pagpapatayo ng ACCFA ( Agricultural Credit and Cooperative Financing Administration, upang tulungan ang mga magsasaka sa pagbebenta ng kanilang ani.

* pagpapatayo ng Farmer’s Cooperative Marketing Association (FACOMA) kung saan ang mga kasapi ay maaaring makautang sa ACCFA upang makabili ng kanilang sariling kalabaw at iba pang kagamitan sa pagsasaka

Mga Programa at Patakaran

Page 8: Panunungkulan ni Magsaysay

Mga Programa at Patakaran

*pagpapaunlad ng sistema ng patubig o irigasyon sa buong bansa na kailangan sa pagsasaka,

*pagpapagawa ng mga lansangan upang mapabilis ang transportasyon partikular na ang mga farm-to-markets roads,

Page 9: Panunungkulan ni Magsaysay

* Bilang pangulo ng bansa, tunay ngang ang karaniwang tao at ang kanilang kalagayan ang una niyang binigyang-pansin. Personal niyang pinakinggan ang mga karaingan ng mga mamamayan. Upang makatiyak na ang mga karaingan ay makakaabot sa kanya ay itinatag niya ang Presidential Complaints and Action Committee (PCAC), lumakas ang loob ng karaniwang tao pagkat sa pamamagitan ng libreng telagrama ay naidudulong nila ang kanilang suliranin sa pangulo.

Page 10: Panunungkulan ni Magsaysay

* Dahil sa pagsusumikap ni Magsaysay na mapabuti ang kalagayan ng pangkaraniwang tao ay nahimok ang Kongreso na pagtibayin ang batas na kilala sa tawag na Social Security Act. Isinasaad ng batas na ito ang paghimok sa mga korporasyong gawing kasapi ng Social Security Office ang lahat ng kanilang kawani at mga manggagawa.

Page 11: Panunungkulan ni Magsaysay

Pinag-ibayo rin niya ang mga programang may kinalaman sa pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa iba’t- ibang bansa. Noong 1954 ay idinaos sa bansa ang Manila International Conference na dinaluhan ng mga bansang Australia, France, USA, New Zealand, Pakistan, Thailand, united Kingdom at Pilipinas.

Pinag-ibayo rin niya ang mga programang may kinalaman sa pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa iba’t- ibang bansa. Noong 1954 ay idinaos sa bansa ang Manila International Conference na dinaluhan ng mga bansang Australia, France, USA, New Zealand, Pakistan, Thailand, united Kingdom at Pilipinas.

Page 12: Panunungkulan ni Magsaysay

Dito nabuo ang isang kasunduang tinawag na Manila Pact na nagsasaad na ang bawat kasapi ay magtutulungan, pagsasamahin ang kanilang puwersa kung sakaling lusubin sila ng mga bansang komunista, kaugnay nito, noong ika-19 ng Pebrero, 1955 ay nabuo ang Southeast Asia treaty Organization (SEATO) kung saan ang walong kasapi ay ang walong orihinal na miyembro ng Manila Pact.

Dito nabuo ang isang kasunduang tinawag na Manila Pact na nagsasaad na ang bawat kasapi ay magtutulungan, pagsasamahin ang kanilang puwersa kung sakaling lusubin sila ng mga bansang komunista, kaugnay nito, noong ika-19 ng Pebrero, 1955 ay nabuo ang Southeast Asia treaty Organization (SEATO) kung saan ang walong kasapi ay ang walong orihinal na miyembro ng Manila Pact.

Page 13: Panunungkulan ni Magsaysay

Pagwawakas ng Panunungkula ni Magsaysay

Ang apat na taong itinkada ng Saligang-Batas na dapat ipaglingkod ng isang halal na pangulo ay hindi natapos ni Magsaysay. Ang kanyang mabuting simula ay hindi niya naipagpatuly dahil sa kanyang pagkamatay nang bumagsak ang kanyang sinasakyang eroplano sa Mount Manunggul sa Cebu habang siya ay patungong Manila noong ika-17 ng Marso 1957.