panitikan sa panahon ng espanyol

34
ANG PANITIKAN SA PANAHON NG ESPANYOL

Upload: laz18

Post on 15-Aug-2015

2.564 views

Category:

Documents


60 download

TRANSCRIPT

Page 1: panitikan sa panahon ng espanyol

ANG PANITIKAN SA PANAHON NG

ESPANYOL

Page 2: panitikan sa panahon ng espanyol

Kaligirang Pangkasaysayan Ang mahigit na tatlong daang taong pananakop at

paniniil ng mga Espanyol sa ating bansa ang sanhi ng unti-unting pagkakabuo at paglaganap ng damdaming makabayan sa mga Pilipino. Nagkaroon ng mga bagong kilusan sa politika at panitikan sa Pilipinas. Ang dating diwang makarelihiyon ay napalitan ng damdaming mapanghimagsik. Ang naging paksa ng panitikan sa panahong ito ay pawang pagtuligsa sa pamahalaan at simbahan, at pag udyok sa mga Pilipino na magising at magkaisa upang matamo ang minimithing kalayaan.

Page 3: panitikan sa panahon ng espanyol

ANG PANITIKAN SA PANAHONG ITO AY…..

Karaniwang pasulatTumatalakay sa paksang panrelihiyonSalamin ng kulturang Kanluranin

(Western)Karaniwang nakasulat sa wikang

Espanyol

Page 4: panitikan sa panahon ng espanyol

URI NG PANITIKANPASYON- inaawit tuwing Kwaresma, hinggil sa

buhay, sakit at pagdurusa ni Kristo.KOMEDYA/MORO-MORO- isang matandang

dulang kastila na naglalarawan ng pakikipaglaban ng Espanya sa mga Muslim noong unang panahon.

DALIT- ang pag aalay ng bulaklak kasabay nang pag-aawit bilang handog sa Birheng Maria.

DUNG-AW – binibigkas ng paawit ng isang naulila sa piling ng mga kamag-anak.

TIBAG- isang pagtatanghal na ginaganap tuwing Mayo.

Page 5: panitikan sa panahon ng espanyol

KARAGATAN- isang larong may paligsahan sa tula ukol sa singsing ng isang dalagang nahulog sa gitna ng dagat at kung sinong binata ang makakuha rito ay siyang pagkakalooban ng pag- ibig ng dalaga.

DUPLO- larong paligsahan sa pagbigkas ng tula na isinasagawa bilang paglalamay sa patay.

SENAKULO- isang dulang nagsasalaysay ng buhay at kamatayan ng poong Hesukristo.

KARILYO- pagpapagalaw ng mga anino ng mga pira-pirasong kartong hugis tao sa likod ng isang kumot na puti na may ilaw.

Page 6: panitikan sa panahon ng espanyol

SARSUWELA- isang komedya o melodramang may kasamng awit at tugtog. Ito ay may tatlong yugto ay nauukol sa mga msisidhing damdamin tulad ng pag-ibig, paghihiganti, panibugho, pagkasuklam atbp.

KORIDO- galing sa salitang “corrido” na ang ibig sabihin ay kasalukuyang pangayari. Ito ay tulang pasalaysay na may sukat na walong pantig at pumapaksa sa katapangan, kabayanihan at kababalaghan.

AWIT- tulang pasalysay ay at may mga pangyayaring hango sa tunay na buhay.

SAYNETE-ito ay isang dula na naglalahad ng kaugalian ng isang lahi o katutubo.

Page 7: panitikan sa panahon ng espanyol

KANTAHING BAYAN- ito ay nagpapakilala ng iba’t-ibang pamumuhay at pag-uugali ng mga tao at ng mga kaisipan at damdamin ng bayan.

Halimbawa:

Leron- leron sinta Dandansoy

Pamulinawen Sarong banggi

Page 8: panitikan sa panahon ng espanyol

SINING: ANG KARAGATAN1. Ito ay isang larong may paligsahan sa tula.2. Ang kuwento nito ay batay sa alamat ng singsing

ng isang dalaga na nahulog sa gitna ng dagat.3. Pakakasalan ng dalaga ang binatang makakakuha

ng singsing.4. Sa larong ito, hindi kinakailangang ‘’sumisid’’ sa

dagat ang binatang nais magkapalad sa dalagang nawalan ng singsing.

5. Ginaganap ang laro sa bakuran ng isang bahay.

Page 9: panitikan sa panahon ng espanyol

6. May dalawang papag sa magkabila ng isang mesang may sari-saring pagkaing-nayon.

7. Magkaharap ang pangkat ng binata at dalaga.8. Karaniwang isang matanda ang magpapasimula

ng laro.9. Maaaring magpalabunutan para mapili ang

binatang unang bibigyan ng dalaga ng talinghaga. 10. Maaari pa rin ang pagpili sa binata ay batay sa

matatapatan ng tabong may tandang puti.11. Bibigkas muna ng panimulang bahagi ang binata

bago tuluyang sagutin ang talinghaga.

Page 10: panitikan sa panahon ng espanyol

• ang tulang ito ay ginagamit sa laro. Kadalasan itong ginaganap sa namatayan o may lamay at may matandang tutula ukol sa paksa ng laro. Mayroon tabong papaikutin, at kung saan matatapat ang hawakan ng tabo ay syang sasagot sa tanong ng isang dalaga na may matalinhagang bugtong at matalinhagang sasagot ang binata. Ito ay nagmula sa isang alamat ng isang prinsesa na nahulugan ng singsing habang siya'y naglalakbay sa karagatan . Kung sino man ang makakita ng singsing ay siyang mapapakasalan ng prinsesa.

Page 11: panitikan sa panahon ng espanyol

SINING: ANG DUPLO• Ito ay isang laro patungkol sa patay.• Ang paraan ng pananalita ng manlalaro ay patula,

ngunit di kailangang may sukat at tugma.• Ang palmatorya ay isang tsinelas na ginagamit ng

hari sa pagpalo ng sinumang nahatulang parusahan.

• Ang parusa ay maaaring pagpapabigkas ng mahabang dasal para sa kaluluwa ng namatay.

• Tulad ng karagatan, ginaganap kapag may lamay o parangal sa isang namatay.

Page 12: panitikan sa panahon ng espanyol

Ang duplo ay isang pamamaraan na ipinasok o isinama sa mga selebrasyon upang mabawasan ang kalungkutan sa pagdadasal para sa mga namatay. Ito ay binubuo ng mga puns, biro at palaisipan sa bernakular.Kinalaunan, ang duplo ay naging isang madulaing debate sa pamamagitan ng berso.Ang nakasanayang gawi ay ang ibang manlalaro ay magbibintang sa iba ng mga kathang krimen, at ang mga akusado naman ay ipagtatanggol ang kanilang sarili. Ang usapan o dayalogo ay nagiging mas masigla gamit ang mga kotasyon mula sa mga awit at corrido na ginagamit sa debate. Kapag ang isang nakikipagtalo ay nagbigay ng maling sagot sa palaisipan na binigay sa kanya, siya ay kadalasang pinaparusahan sa pamamagitan ng pagpilit sa kanya na magsabi ng isang dalit para sa namatay.

Page 13: panitikan sa panahon ng espanyol

PAKSA• Walang iisang paksa sa duplo. Maaaring magpaulit-ulit

ang sitwasyong lunsaran ng mga pagtatalo subalit hindi tiyak ang hahantungan nito. Gayunpaman, sa isang pag-aaral na ginawa sa duplong nilalaro sa Nueva Ecija, may mga naitala na kategorya ng paksa sa duplo.

• Alo-divino -may kaugnayan sa Diyos at sa mga banal na bagay

• Historia-vino -kasaysayan ng Diyos at ng mga santo o anghel

• Alo-humano/alo-mano -may kaugnayan sa mga propeta, mitolohiya, bayani o ng relasyon ng tao sa Diyos

Page 14: panitikan sa panahon ng espanyol

• Historia-mano -kasaysayan ng mga tao o ng bansa

• Ley/Lai -tumatalakay sa mga batas tulad ng Kodigo Penal at Kodigo Sibil

• Talinghaga -nahahawig sa bugtungan• Binayabas -iba pang paksang hindi nasasakop ng

mga naihanap nang paksa; karaniwang ginagamit ng mga bago pa lamang na duplero.

• Hindi limitado ang mga duplero sa iisang uri paksa. Gayunman, ipinahihiwatig ng termino nilang tinigpas na may herarkiya ng paksa sa duplo at nasa tuktok nito ang mga paksang relihiyoso.

Page 15: panitikan sa panahon ng espanyol

MGA KARAKTER• HARI nagpapasimula ng laro, nagpapanatili ng kaayusan

ng palabas.• BELYAKOmga lalaking kalahok.• BELYAKA mga babaeng kalahok.• BERDUGO nagsasagawa ng parusa sa pamamagitan ng

pamamalo sa kamay.

Page 16: panitikan sa panahon ng espanyol

• DUKE nagbibintang sa belyaka.• GATPAYO nagpapayo ng maaaring parusa.• PISKAL naghahatid ng parusa.• NANANAWAGANnaghahanap ng nawawalang gamit o bagay na pag-

aari ng hari.

Page 17: panitikan sa panahon ng espanyol

EUPEMISTIKONG PAGPAPAHAYAG

Page 18: panitikan sa panahon ng espanyol

 • Ang eupemismo o badyang pangpalubagloob ay

ang pagpapalit ng salitang mas magandang pakinggan kaysa sa salitang masyadong matalim, bulgar, o bastos na tuwirang nakapananakit ng damdamin o hindi maganda sa pandinig. Halimbawa nito ang paggamit ng "sumakabilang-buhay" sa halip na ang pabalbal na natigok, natepok, o natodas. Isang panggitnang o mahalagang aspeto ng pampublikong paggamit ng katumpakang pampolitika ang pagsasaad ng mga eupemismo.

Page 19: panitikan sa panahon ng espanyol

EUPEMISTIKONG PAGPAPAHAYAG• 1. Nauuri ang wika batay sa antas nito ayon sa: a. Paksa ng usapan b. Taong sangkot sa usapan c. Lugar• 2. Mataas ang pandama o sensitibo sa mga

pahayag na nagpapahiwatig lamang.• 3. Gumagamit ng talinghaga para ‘di tuwirang

tukuyin ang nais ipahayag na nakatutulong upang lalong mag-isip ang nagsasalita at kinakausap.

Page 20: panitikan sa panahon ng espanyol

Sa kalahatan, umiisip ng magagandang salita o pahayag na kilala sa tawag o eupemismo. Ang paggamit ng magagandang pahayag ay naglalayong pahalagahan ang damdamin ng iba.

Sa halip na sabihing: Gumagamit ng: 1. patay 1.sumakabilang buhay 2. nadudumi 2. tawag ng kalikasan 3. iniwan ng asawa 3. sumakabilang bahay 4. katulong 4. kasambahay

Page 21: panitikan sa panahon ng espanyol

TULA

Page 22: panitikan sa panahon ng espanyol

TRADISYUNAL NA TULA• Ang tradisyunal na tula ay mga pahayag ng

kadalasang nagtataglay ng sukat at tugma bawat taludtod, o ang mga salita at paraan ng pagbuo ng pahayag ay piling-pili, matayutay, at masining bukod sa pagiging madamdamin.

• Binubuo ito ng saknong at taludtod. Karaniwan itong wawaluhin, lalabindalawahin, lalabing-animin, at lalabing-waluhing pantig. Matalinghaga at ginagamitan din ng tayutay. May tugma at sukat. Kung minsan ay maiksi o kaya naman ay mahaba.

Page 23: panitikan sa panahon ng espanyol

• May aliw-iw at indayag kung bigkasin ang tulang Tagalog dahil sa tinataglay nitong katutubong tugma. Magkakasintunog ang huling salita ng taludturan

• Ito ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika sa iba't ibang anyo at estilo. Pinagyayaman ito sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay.

Page 24: panitikan sa panahon ng espanyol

MGA ELEMENTO NG TULA

• Sukat - Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong.

• Saknong - Ang isang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya o taludtod.

2 linya-couplet 6 linya- sestet 3 linya – tercet 7 linya- septet 4 linya- quatrain 8 linya- octave 5 linya- quintet

Page 25: panitikan sa panahon ng espanyol

• Kariktan - Kailangang magtaglay ang isang tula ng maririkit na salita upang masiyahan ang mambabasa gayon din mapukaw ang damdamin at kawilihan.

• Talinghaga - Isang sangkap ng tula na may kinalaman sa tinatagong kahulugan ng tula.

• Tugma - Sinasabing may tugma ang isang tula kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay magkasing-tunog.

Mahirap sumaya Ang taong may sala

Page 26: panitikan sa panahon ng espanyol

Pag-ibig sa Tinubuang Lupani Andres Bonifacio

Aling pag-ibig pa ang hihigit kayaSa pagkadalisay at pagkadakila

Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupaAling pag-ibig pa? Wala na nga, wala

Pagpupuring lubos ang palaging hangadSa bayan ng taong may dangal na ingat,

Umawit, tumula, kumanta’t sumulat, Kalakhan din niya’y isinisiwalat

Walang mahalagang hindi inihandog

Ng may pusong mahal sa Bayang nagkupkop,Dugo, yaman, dunong katiisa’t pagod,Buhay ma’y abuting magkalagut-lagot

Page 27: panitikan sa panahon ng espanyol

Bakit? Alin ito na sakdal laki ,Na hinahandugan ng buong pagkasi,Na sa lalong mahal nakapangyayari

Ay! Ito’y ang Inang Bayang tinubuan:Siya’y ina’t tangi sa knamulatan

Ng kawili-wiling liwanag ng arawNa nagbigay-init sa buong katawan .

Kalakip din nito’y pag-ibig sa Bayan ,Ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal,Mula sa masaya’t gasong kasanggulan

Hanggang sa katawa’y mapasa-libingan

Page 28: panitikan sa panahon ng espanyol

Sa aba ng abang mawalay sa Bayan!Gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay,

Walang alaala’t inaasam Kundi ang makita’y lupang tinubuan

Pati ng magdusa’t sampung kamatayanWari ay masarap kung dahil sa bayan At lalong mahirap. Oh,himalang bagay!Lalong pag-irog pa ang sa kanya’y alay

Kung ang bayang ito’y masasa-panganib At siya ay dapat na ipagtangkilik

Ang anak,asawa, magulang,kapatid;Isang tawag niya’y tatalikdang pilit.

Page 29: panitikan sa panahon ng espanyol

Hayo na nga, hayo, kayong nangabuhaySa pag-asang lubos ng kaginhawaan

At walang tinamo kundi kapaitan,Hayo na’t ibangon ang naabang bayan!

Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak Ng kaho’y ng buhay na nilanta’t sukat,

Ng bala-balaki’t makapal na hirap,Muling manariwa’t sa baya’y lumiyag.

Ipahandug-handog ang buong pag-ibigAt hanggang may dugo’y ubusin itigis;

Kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid Ito’y kapalaran at tunay na langit!

Page 30: panitikan sa panahon ng espanyol

• Ang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ay isang tula na sinulat ni Andres Bonifacio noong 1896 bago pumutok ang rebolusyong 1896 na kanyang ginamit para himukin ang mga Pilipinong maging makabayan. Si Bonifacio ay mas magaling na madirigma kaysa sa isang manunulat ngunit pinatunayan niya na kaya niyang gumawa ng isang tula para sa kanyang minamahal na bayan.

Page 31: panitikan sa panahon ng espanyol

MGA PANDIWANG NAGPAPAHAYAG NG

EMOSYON O DAMDAMIN

Page 32: panitikan sa panahon ng espanyol

Mga Pandiwang nagpapahayag ng Emosyon o DamdaminAng paggamit ng padamdam na pangungusap na may

natatanging gamit. Sa pagsulat ng ganitong uri ng pangungusap, ginagamit ang bantas na pandamdam (!) bilang hudyat ng matinding damdamin.

Ang mga pandiwang nagpapahayag ng damdamin ay may aspekto o panahunan. Hindi lamang ginagamit ang pandiwa sa pagsasaad ng kilos o galaw. May mga pandiwa rin na magagamit sa pagpapahayag ng damdamin tulad ng:

Pagiging masaya at malungkot Galit at puot ng damdamin Kaba at pag aalala

Page 33: panitikan sa panahon ng espanyol

Mga Halimbawa:Paghanga: Wow! Naks, ha! Ang galing! Pagkagulat: Ay! Ngiii! Naku! Takot: Inay! Naku po! Ayyy! Tuwa: Yahooo! Yehey! Yipeee! • Nalulungkot ako kapag naaalala ko ang kaibigan

kong pumunta sa Canada.• Kinakabahan ako sa darating na pagsusulit.• Nagtatalon sa tuwa si Yuna nang makita ang

kanyang idolo.• Wow, ang ganda ng damit mo!• Naku po, nabasag ko yung plato!

Page 34: panitikan sa panahon ng espanyol

-LAZ