pang uri.powerpoint presentation

22

Upload: kezzy-gilo

Post on 14-Apr-2017

1.367 views

Category:

Education


69 download

TRANSCRIPT

Page 1: Pang uri.powerpoint presentation
Page 2: Pang uri.powerpoint presentation

Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe

(Banaue Rice Terraces)

Page 3: Pang uri.powerpoint presentation
Page 5: Pang uri.powerpoint presentation
Page 7: Pang uri.powerpoint presentation
Page 9: Pang uri.powerpoint presentation

Maganda Pa Rin ang Bayan Ko!

Maliit pa ako ay naririnig ko na ang mga kwento tungkol sa bayang iyon sa Kanluran, sa bayan ng mga puti. Napakayaman daw ng bansang iyon, makabago, napakalinis, magaganda at mababait ang mga tao. Kaakit-akit pa ang mga tanawin, nagtatayugan ang mga gusali, mura ang mga bilihin lalo na ang pagkain. Sa tahanan naman, naglalakihan ang mga ito,tig-iisa ng kotse ang bawat miyembro ng pamilya.

Madalas tuloy sa aking pag-iisa ay maraming katanungan ang pumapasok sa aking isipan. Higit kayang maganda ang baying iyon kaysa bayan ko? Mas mabait ba ang mga tao roon kaysa mga kababayan ko? Kasingganda kaya ng mga tanawin dito ang mga tanawin doon? Siinsarap kaya ng adobo, sinigang at kare-kare ang mga pagkain doon?

Page 10: Pang uri.powerpoint presentation

Tapos na ako ng kolehiyo nang magkaroon ng pagkakataong makapunta sa bayang iyon ng mga puti. Nakapagtrabaho ako at kumita ng dolyar. A, talaga! Mayaman, malinis, makabago. Pero bakit ang palagay ng mga puti ay mas mababa ang pagkatao ko kaysa kanila? Bakit kung may itataas ng tungkulin ay sila ang nauuna gayong sa sipag at pinag-aralan ay nakahihigit sa kanila ang pagkain ay napakasasarap pero iba naman ang lasa? Bakit naghahanap ako ng dalampasigan ng Boracay, ng Talon ng Pagsanjan, n gating mga kabundukan, kabukiran at katubigan, ay wala na akong nakita.

Ngayon ay narito na ako kung saan ako isinilang. Maganda pa rin ang bayan ko!

Page 11: Pang uri.powerpoint presentation

Pang-uri-Naglalarawan o nagbibigay-turing sa

pangngalan o panghalip. Ito ay may kaantasan o kasidhian.

Page 12: Pang uri.powerpoint presentation

Lantay-Naglalarawan lamang ng isa o payak na

pangngalan o panghalip.

Page 13: Pang uri.powerpoint presentation

A. Pahambing na Magkatulad-ang paghahambing kung patas sa katangian

ang pinagtutulad.- magka-, magsing-, magkasing-, sing-,ga-,

gangga-, kapwa

B. Pahambing na Di-magkatulad-ang paghahambing kung nagbibigay ito ng

diwa ng pagkakait, pagtanggi o pagsalungat.- lalo-kaysa, higit-kaysa, di-gasino-,tulad, di-

gaano-gaya

Page 14: Pang uri.powerpoint presentation

Pahambing-Pang-uring ginagamit sa pagtutulad ng

dalawang pangngalan o panghalip. Ito ay may dalawang uri.

Page 15: Pang uri.powerpoint presentation

1. Palamang-may higit na positibong katangian ang

inihahambing sa bagay na pinaghahambing.-gumagamit ng: lalo, higit, di-hamak, mas

2. Pasahol-may higit na negatibong katangian ang

pinaghahambingan-gumagamit ng: di-gaano, di-gasino, di-

masyado

Page 16: Pang uri.powerpoint presentation

Pasukdol-nasa pinakadulong digri ng kaantsan. Ito ay

maaring positibo o negatibo. Ang paglalarawan ay masidhi kung kaya maaaring gumamit ng mga katagang:

Sobra, ubod, tunay, talaga, saksakan, hari ng__,

At kung minsa’y pag-uulit ng pang-uri.

Page 17: Pang uri.powerpoint presentation

Panuto: Tukuyin ang uri ng pang-uring ginamit sa bawat pangungusap. Isulat ang Ly kung lantay; Pg kung pahambing; at Pl kung pasukdol.

1. Sinsungit niya ang kanyang kapatid. 2. Di-gaanong malawak ang bukid ni Mang Berto tulad ni Kapitan Carlos. 3. Pagkaganda-ganda ng dalagang nakilala ko. 4. Ubod ng tapang ang bayaning naghandog ng buhay sa inang bayan. 5. Di lubhang pihikan si Elizabeth, di tulad ni Dolores.

(Pg)

(Pg)

(PI)

(PI)

(Pg)

Page 18: Pang uri.powerpoint presentation

6. Damhin mo ang mahinhing dapyo ng amihan at malamyos na awit ng mga ibon. 7. Si Luisa ay lalong marunong kaysa kay Esther. 8. Balingkinitan ang katawan ng dalawang magkaibigan. 9. Kaluma-lumaan man ang damit ay isinusuot ni Pia. 10. Mahirap ang buhay ni Allan kumpara kay Dexter.

(Pg)

(Pg)

(PI)

(LY)

(LY)

Page 19: Pang uri.powerpoint presentation

PANGKATANG GAWAINApat na PangkatG-1 – paggawa ng dayalogoG-2 – paggawa ng tula na may isa

hanggang dalawang saknongG-3 – paggawa ng isang

patalastasG-4 – paggawa ng isang talata

Page 20: Pang uri.powerpoint presentation

Panuto: Isulat sa patlang ang titik LY kung ang pang-uri na may salungguhit ay nasa lantay na antas, PHM kung ito ay nasa pahambing na magkatulad, PHD kung ito ay pahambing na di- magkatulad na antas at PS kung ito ay nasa pasukdol na antas.

Halimbawa: Kabigha-bighani ang pook na ito. Sagot: LY

1. Tamad na tamad ang lalaking istambay diyan sa tindahan.2. Si Maricar at Marco ay magkasinggulang.3. Ang mga alagang hayop ni Mang Pedro ay malulusog.4. Kapangalan ni Anita ang lola ni Jose.5. Di-masyadong matao sa mall kanina.

Page 21: Pang uri.powerpoint presentation

6. Higit na malubak ang daan dito kaysa roon!7. Kaygwapo ng panganay ni Ginang Lopez.8. Napakasikip ng MRT tuwing uwian.9. Lalong kahali-halina ang mga bulaklak dito

kaysa sa nakita ko sa parke.10.Di-gaanong magaganda ang mga moske sa

Taguig kaysa sa mga makikita sa Zamboanga.

Page 22: Pang uri.powerpoint presentation

Takdang-Aralin

1. Basahin at unawain ang isang sanaysay ma pinamagatang “ Mahahanap Ba ang Pasko sa Kanlurang Asya?” Ito ay makikita sa pahina 390 hanggang 392 sa inyong aklat.

2.Sagutin ang mga kaanungan sa ibaba. a. Sa Pilipinas, ano-ano ang mga palatandaang malapit na ang pasko? b. Ano ang pagkakaiba ng paraan ng ibang bansa sa Kanlurang Asya sa kanilang pagdiriwang sa Pasko sa paraan ng pagdiriwang ng mga Pilipino?