pang uri

11
PANG-URI

Upload: pretzel-red

Post on 28-Nov-2014

43.825 views

Category:

Documents


4 download

DESCRIPTION

 

TRANSCRIPT

Page 1: Pang uri

PANG-URI

Page 2: Pang uri

Ang pang-uri ay salitang nagsasaad ng katangian o uri ng tao, hayop, bagay, lunan, atb. na tinutukoy ng pangngalan o panghalip na kasama nito sa loob ng pangungusap.

Page 3: Pang uri

Gamit ng Pang-uri

1. Panuring Pangngalan

Mararangal na tao ang pinagpapala.

Panuring Panghalip

Kayong masigasig ay tiyak na magtatagumpay.

Page 4: Pang uri

2. Pang-uring Ginagamit Bilang Pangngalan

Ang mapagtimpi ay malayo sa gulo.

 

3. Pang-uring Kaganapang Pansimuno

Mga madasalin ang mga Pilipino.

Page 5: Pang uri

Kayarian ng Pang-uri

1. Payak : kung binubuo ng likas na salita lamang o salitang walang lapi.

Halimbawa : • Maiinit ang ulo ng taong gutom.• Huwag kang makipagtalo sa sinumang

galit.

Page 6: Pang uri

2. Maylapi : kung binubuo ng salitang-ugat na may panlapi.

Halimbawa :• kalahi kayganda• mataas makatao• malahininga

Page 7: Pang uri

3. Tambalan : kung binubuo ng dalawang salitang pinag-iisa.

Halimbawa :• Karaniwang Kahulugan• taus-puso biglang-yaman• bayad-utang hilis-kalamay

Patalinghagang Kahulugan• kalatog-pinggan ngising-buwaya• bulang-gugo kapit-tuko

 

Page 8: Pang uri

Kailanan ng Pang-uri

May tatlong kailanan ang mga pang-uri : isahan, dalawahan, at maramihan.

Halimbawa:• Kalahi ko siya. (Isahan)• Magkalahi kaming dalawa.(Dalawahan)• Magkakalahi tayong lahat. (Maramihan)

Page 9: Pang uri

Kaantasan ng Kasidhian ng Pang-uriIba’t ibang Antas ng Kasidhian ang

Pang-uri:

1.Lantay o Pangkaraniwan – karaniwang anyo ng pang-uri tulad ng mayaman, pang-araro, palabiro, atb.

Page 10: Pang uri

2. Katamtamang Antas – naipapaita ito sa paggamit ng medyo, nang bahagya, nang kaunti atb., o sa pag-uulit ng salitang-ugat o dalawang unang pantig nito.

Halimbawa :• Medyo hilaw ang sinaing.• Labis nang bahagya ang pagkain.• Mapurol nang kaunti ang kutsilyong ito.• Masarap-sarap na rin ang ulam na niluto ni

Aling Maria.

Page 11: Pang uri

3. Pinakamasidhi – naipapakita ito sa pamamagitan ng pag-uulit ng salita, paggamit ng mga panlaping napaka-, nag-, -an, pagka-, at kay- ; at sa paggamit ng salitang lubha, masyado, totoo, talaga, tunay, atb.

Halimbawa :• Mataas na mataas pala ang Bundok Apo.• Napakalamig pala sa Lalawigang

Bulubundukin.• Talaga naming napakalinis ngayon ng Rizal

Park.