panalangin sa umaga (sabado santo)

7
ST. JUDE THADDEUS CHAPEL San Sebastian Parish LITURHIYA NG MGA ORAS SABADO SANTO Panalangin sa Umaga Invitatorio Namumuno: Panginoon (+), bukasan mo ang aking mga labi. Bayan: At pupurihin ka ng aking bibig. Antipona: Halina’t sambahin si Kristo na nagpakasakit, at para sa ating kapakanan ay nagdanas ng kamatayan at inilibing. Salmo 95 Ang panawagan upang papurihan ang Diyos Tayo ay lumapit sa’ting Panginoon, siya ay aawitan, Ating papurihan ang batong kublihan nati’t kalakasan. Tayo ay lumapit sa kanyang harapan na may pasalamat, Siya ay purihin ng mga awiting may tuwa at galak. Antipona: Halina’t sambahin si Kristo na nagpakasakit, at para sa ating kapakanan ay nagdanas ng kamatayan at inilibing. Sapagkat ang Diyos ay ang Panginoong napakadakila, Ang dakilang Haring higit sa sinuman na binabathala. Nasa kanyang palad ang buong daigdig pati kalaliman, Ang lahat ay kanya maging ang mataas nating kabundukan. Kanya rin ang dagat at pati ang lupa na kanyang nilalang. Antipona: Halina’t sambahin si Kristo na nagpakasakit, at para sa ating kapakanan ay nagdanas ng kamatayan at inilibing. Tayo ay lumapit, sa kanya’y sumamba at magbigay- galang, Lumuhod sa harap nitong Panginoong sa ati’y lumalang. Siya an gating Diyos , tayo ay kalinga niyang mga hirang, Mga tupa tayong inaalagaan. Antipona: Halina’t sambahin si Kristo na nagpakasakit, at para sa ating kapakanan ay nagdanas ng kamatayan at inilibing. Ang kanyang salita ay ating pakinggan: “Iyang inyong puso’y huwag patigasin, Tulad ng ginawa ng inyong mga magulang Nang nasa Meriba, sa ilang ng Masa. Ako ay tinukso’t doon ay sinubok ng inyong magulang, Bagamat nakita ang aking ginawang sila’ng nakinabang. Antipona: Halina’t sambahin si Kristo na nagpakasakit, at para sa

Upload: john-kenneth-adajar-cosa

Post on 14-Sep-2015

431 views

Category:

Documents


61 download

DESCRIPTION

Morning Prayer (Holy Saturday)

TRANSCRIPT

ST. JUDE THADDEUS CHAPELSan Sebastian Parish

LITURHIYA NG MGA ORASSABADO SANTOPanalangin sa Umaga

InvitatorioNamumuno: Panginoon (+), bukasan mo ang aking mga labi.Bayan: At pupurihin ka ng aking bibig.

Antipona: Halinat sambahin si Kristo na nagpakasakit, at para sa ating kapakanan ay nagdanas ng kamatayan at inilibing.

Salmo 95Ang panawagan upang papurihan ang Diyos

Tayo ay lumapit sating Panginoon, siya ay aawitan,Ating papurihan ang batong kublihan natit kalakasan.Tayo ay lumapit sa kanyang harapan na may pasalamat,Siya ay purihin ng mga awiting may tuwa at galak.

Antipona: Halinat sambahin si Kristo na nagpakasakit, at para sa ating kapakanan ay nagdanas ng kamatayan at inilibing.

Sapagkat ang Diyos ay ang Panginoong napakadakila,Ang dakilang Haring higit sa sinuman na binabathala.Nasa kanyang palad ang buong daigdig pati kalaliman,Ang lahat ay kanya maging ang mataas nating kabundukan.Kanya rin ang dagat at pati ang lupa na kanyang nilalang.

Antipona: Halinat sambahin si Kristo na nagpakasakit, at para sa ating kapakanan ay nagdanas ng kamatayan at inilibing.

Tayo ay lumapit, sa kanyay sumamba at magbigay- galang,Lumuhod sa harap nitong Panginoong sa atiy lumalang.Siya an gating Diyos , tayo ay kalinga niyang mga hirang,Mga tupa tayong inaalagaan.

Antipona: Halinat sambahin si Kristo na nagpakasakit, at para sa ating kapakanan ay nagdanas ng kamatayan at inilibing. Ang kanyang salita ay ating pakinggan:Iyang inyong pusoy huwag patigasin,Tulad ng ginawa ng inyong mga magulangNang nasa Meriba, sa ilang ng Masa.Ako ay tinuksot doon ay sinubok ng inyong magulang,Bagamat nakita ang aking ginawang silang nakinabang.

Antipona: Halinat sambahin si Kristo na nagpakasakit, at para sa ating kapakanan ay nagdanas ng kamatayan at inilibing.

Apatnapung taong, sa inyong ninuno ako ay nagdamdam,Ang aking sinabi, Sila ay suwail, walang pakundanganAt ang mga utos ko ay sinusuway!Dahil sa galit ko, ako ay sumumpang,Di sila daratal, sa lupang pangakong aking inilaan.

Antipona: Halinat sambahin si Kristo na nagpakasakit, at para sa ating kapakanan ay nagdanas ng kamatayan at inilibing.

Papuri sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo;

Kapara noong una, ngayon at magpasawalang- hanggan. Amen.

Antipona: Halinat sambahin si Kristo na nagpakasakit, at para sa ating kapakanan ay nagdanas ng kamatayan at inilibing.

Awit (Pagkabighani- Panalangin ni San Francisco Javier)

Hindi sa langit Mong pangako sa akin Ako naaakit na Kita'y mahalin,At hindi sa apoy - kahit anong lagim -Ako mapipilit nginig Kang sambahin.

Naaakit ako na Ika'y mamalasNakapako sa krus, hinahamak-hamak.Naaakit ng 'Yong katawang may sugatAt ng tinanggap Mong kamataya't libak.

Naaakit ako sa 'Yong pag-ibigKaya't mahal Kita kahit walang langit,Kahit walang apoy, sa 'Yo'y manginginig.

Huwag nang mag-abala upang ibigin KaPagkat kung pag-asa'y bula lamang pala,Walang mababago, mahal pa rin Kita!

Psalmodia

Antipona 1: Kahit siyay walang kasalanan, ang Panginoon ay Ipinapatay. Dahil siyay nag-iisang Anak, ang sandaigdigay nasa matinding lumbay.

Salmo 64(MAGSIUPO)

Kaliwa: Akoy natatakot at naliligalig dahil sa kaaway,O Diyos, ang hibik ko, ang aking dalangin sana ay pakinggan;Ipagtanggol ako sa mga pakanat lihim na sabwatan,Niyong mga pangkat na ang binabalak pawang kasamaan.

Kanan: Ang kanilang dilay katulad ng tabak na pagkakatalas,Anakiy palasong inaasinta kung silay mangusap.Sa kublihan nila, silay nag-aabang sa taong magaling,Ang pagdaan niyo, ni takot ay wala nilang takot tutudlain.

Kaliwa: Sa gawang masama ay nagsasabwatan, nag-uusap sila,Kung saan dadalhin ang patibong nilang di dapat makita.Yaong sasabihin nila pagkatapos makapagbalangkasAyos na ayos na itong kasamaang ating binabalak.Damdamin ng tao at ang isip niyay mahiwagang ganap!

Kanan: Subalit ang Dyos na may palaso riy di magpapabaya,Walang abug-abog silay tutudlait susugatang bigla.Dahilan sa silay masamang nangungusap, kaya wawasakin,At ang makakita sa gayong sinapit silay sisisihin.

Kaliwa: Yaong nakakitay sisidlan ng takot, ipamamalitaAng gawa ng PANGINOON at isasaisip ang kanyang ginawa.Sa gawa ng PANGINOON, ang mga matuwid pawang magagalak,Magpupuri sila at sa piling niyay di mababagabag.

(MAGSITAYO)

Kanan: Papuri sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo;

Kaliwa: Kapara noong una, ngayon at magpasawalang- hanggan. Amen.

Antipona 1: Kahit siyay walang kasalanan, ang Panginoon ay Ipinapatay. Dahil siyay nag-iisang Anak, ang sandaigdigay nasa matinding lumbay.

Antipona 2: Mula sa mga kuko ng impyerno, Panginoon, sagipinang kaluluwa ko.

Isaias 38: 10-14, 17-20(MAGSIUPO)

Kaliwa: Minsay nasabi kongSa katanghalian ng buhay, ako ay papanaw!Sa daigdig ng mga patay ako masasadlak,Upang manatili roong walang hanggan.

Kanan: At nasabi ko ring di na makikitaItong PANGINOON at sinumang nabubuhay.

Kaliwa: Katulad ng toldang tirahan ng pastol,Inalis sa akin ang aking tahanan.Ang abang buhay koyPinuputol mo na tulad ng tela sa habihan.

Kanan: Akoy lumuluha sa buong magdamag,Hindi makatulog, parang nilalansagNg leon ang aking buto sa katawanAng aking akalay wawakasan na ng Diyos ang aking buhay.

Kaliwa: Tumataghoy ako dahilan sa hirap,Animo ay kalapati na nakahahabag;Ang mga mata ko ay pagod na rinDahil sa pagtitig diyan sa itaas.PANGINOON, sa kahirapang ito akoy iligtas

Kanan: Ang buhay na ito, di mo binayaang mabulid sa hukay,Pinatawad mo ako, sa aking mga kasalanan.Ang patay ay hindi makapagpuri sa iyo, - Ni makaasa sa iyong katapatan.

Kaliwa: Mga buhay lamang makapagpupuri sa iyo,Tulad ng ginagawa ko ngayonTulad din ng ama na sa mga anakAng itinuturo ay ang katapatan.

Kanan:Ang tagapagligtas ko ay ang PANGINOON:Kaya ang saliw ng tugtog ay ating awitan,Sa banal na Templo,Tayo ay umawit habang nabubuhay.

(MAGSITAYO)

Kaliwa: Papuri sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo;

Kanan: Kapara noong una, ngayon at magpasawalang- hanggan. Amen.

Antipona 2: Mula sa mga kuko ng impyerno, Panginoon, sagipinang kaluluwa ko.

Antipona 3: Akoy namatay ngunit ngayoy mabubuhay akongwalang hanggan, at ang mga susi ng impyerno at ngkamatayan ay aking tangan.

Salmo 150(MAGSIUPO)

Kaliwa: Sa Banal na Templo, ang Diyos ay awitan,Purihin sa langit ang lakas na taglay,Siya ay purihin sa kanyang ginawa,Siya ay purihin, sapagkat dakila.

Kanan: Purihin sa tugtog ng mga trumpeta,Awitan sa saliw ng alpa at lira!Sa tugtog ng tambol, magsayaw, purihin,Mga alpat plauta, lahat ay tugtugin!

Kaliwa: Ang Diyos ay purihin sa tugtog ng pompiyang,Sa lakas ng tugtog, siyay papurihan;Purihin ang PANGINOON ng mga nilalang! Purihin ang PANGINOON!

(MAGSITAYO)

Kanan: Papuri sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo;

Kaliwa: Kapara noong una, ngayon at magpasawalang- hanggan. Amen.

Antipona 3: Akoy namatay ngunit ngayoy mabubuhay akongwalang hanggan, at ang mga susi ng impyerno at ngkamatayan ay aking tangan.

(MAGSIUPO)

Pagbasa ng Salita ng DiyosOseas 5:15b-16:2

Pagbasa mula sa aklat ni Propeta Oseas.

Sabin g Panginoon: Hanggang sa kilalanin nila ang kanilang kasalanan, akoy hahanapin, at sa pagkabagabag nila ay sabihin: Halikayo at manumbalik sa PAnginoon pagkat ang nanakita y siya ring magpapagaling. Siya ang nanugat, kaya siya rin ang gagamot. Sa loob ng dalawang araw ay mapapalakas niya tayo uli. At sa ikatlong araw, tayoy kanyang ibabangon, upang mamuhay sa kanyang pagtangkilik.

Ang Salita ng Diyos.

(SAGLIT NA KATAHIMIKAN)

Antipona (lahat)

Para sa ating kapakanan, si Kristo ay naging masunurin hanggang kamatayan, hanggang kamatayan sa krus. Kayat siyay tinampok ng Diyos sa kaitaasan at binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan.

(MAGSITAYO)

Papuring Awit ni Zacarias

Antipona: Iligtas kami, O Tagapagligtas ng mundo. Sa krus, iniligtas mo kami sa pamamagitan ng ibinuhos mong dugo. Ipinaabot namin ang aming paghingi ng tulong sa iyo, O Diyos.

Lucas 1: 68-79

Kaliwa: Purihin (+) ang Panginoong Diyos ng Israel!Sapagkat nilingap niya at pinalaya ang kanyang bayan.

Kanan: At nagpadala siya sa ati ng isang makapangyarihang Tagapagligtas,Mula sa lipi ni David na kanyang lingkod.Kaliwa: Ipinangako niya sa pamamagitan ng kanyang banal napropeta noong una,Na ililigtas niya tayo sa ating mga kaaway,Upang walang takot na makasamba sa kanya,At maging banal at matuwid sa kanyang paningin, habangtayoy nabubuhay.

Kanan: Ikaw naman, anak, ay tatawaging propeta ng Kataas-taasan;Sapagkat mauuna ka sa Panginoon upang ihanda ang kanyang mga daraanan,At ituro sa kanyang bayan ang landas ng kaligtasan,Ang kapatawaran ng kanilang mga kasalanan.

Kaliwa: Sapagkat lubhang mahabagin ang ating Diyos;Magbubukang-liwayway sa atin ang araw ng kaligtasan.Upang magbigay-liwanag sa mga nasa kadiliman at nasa ilalim ng kamatayan,At patnubayan tayo tungo sa daan ng kapayapaan.

Kanan: Papuri sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo;

Kaliwa: Kapara noong una, ngayon at magpasawalang- hanggan. Amen.

Antipona: Iligtas kami, O Tagapagligtas ng mundo. Sa krus, iniligtas mo kami sa pamamagitan ng ibinuhos mong dugo. Ipinaabot namin ang aming paghingi ng tulong sa iyo, O Diyos.

Panalanging Pangkalahatan

Ang ating Manunubos ay nagpakasakit at inilibing para sa atin upang muling buhayin. Taos-puso nating sambahin siya at hingin ang lahat ng ating kailangan:

PANGINOON, kaawaan mo kami.

Kristong Tagapagligtas, sa iyong pagkamatay at libing, hindi ka iniwan ng iyong nalulumbay na Ina, sa aming kalungkutan, makihati nawa kami sa iyong pagdurusa. (Tugon)

Kristong Panginoon, tulad ng butil na nahulog sa lupa, idinulot mo sa aminang aming biyaya, mabuhay nawa kami para sa Diyos at mamatay ang sala. (Tugon)

Kristong Mabuting Pastol, sa kamatayay naging lingid ka sa daigdig, turuan mo kaming mahalin ang isang tahimik na buhay na ikaw, kaisa ng Ama, ang kapanalig. (Tugon)

Kristo na Bagong Adan, pumasok ka sa daigdig ng mga patay upang palayain ang mga matuwid simula nang lalangin ang sanlibutan, dinggin nawa ng mga nalugmok sa kasalanan ang iyong tinig upang silay muling mabuhay. (Tugon)

Kristong Anak ng buhay na Diyos, sa pamamgitan ng binyag, kamiy nalibing na kasama mo, sa muling pagkabuhay sa binyag, tumahak nawa kami sa isang buhay na panibago. (Tugon)

AMA NAMIN

Pangwakas na Panalangin

Amang makapangyarihan,bumaba ang iyong bugtong na Anaksa piling ng mga namatayat muling nabhuhay sa kaluwalhatian.

Sa iyong kabutihan, ibangon ang iyong sambayananna nalibing kasama niya noong silay binyaganupang makapiling siyasa walang hanggang buhay sa kalangitan.hinihiling naming ito sa pamamagitan ni Hesukristokasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.Amen.

Paghayo

+ Pagpalain nawa tayo ng Panginoon, iligtas tayo mula sa lahat ng kasamaan at akayin tayo sa buhay na walang hanggan.

AMEN.