pamamahala ngisa sa pinaka-malaking suliranin sa pagtatanim sa pilipinas ay ang pinsalang dulot ng...

20
Pamamahala ng dilaw at puting aksip Rice Technology Bulletin Philippine Rice Research Institute (PhilRice) ISSN 0117-9799 2011 No. 78

Upload: others

Post on 07-Jan-2020

24 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Pamamahala ng dilaw at puting aksip

Ric

e T

ech

no

log

y B

ull

eti

nPh

ilipp

ine

Ric

e R

esea

rch

Inst

itute

(Phi

lRic

e)

IS

SN 0

117-

9799

201

1 N

o. 7

8

1 Released Rice Varieties (1968-1994)2 Pagpaparami at Pagpupuro ng Binhi sa

Sariling Bukid3 Paggawa ng Maligaya Rice Hull Stove4 PhilRice Micromill5 PhilRice Flourmill6 PhilRice Drumseeder7 PhilRice Rototiller8 Rice Food Products9 PhilRice-UAF Batch Dryer10 Integrated Management of the Malayan

Black Bug11 SG800 Rice Stripper-Harvester12 Dry-Seeded Rice-Based Cropping

Technologies13 Maligaya Rice Hull Stove14 10 Steps in Compost Production15 Rice Tungro Virus Disease16 The Philippine Rice Seed Industry and The

National Rice Seed Production Network17 10 Hakbang sa Paggawa ng Kompost18 10 nga Addang ti Panagaramid iti Kompost19 Characteristics of Popular Philippine Rice

Varieties20 Rice Stem Borers in the Philippines21 Rice Food Products (revised edition)22 Leaf Color Chart (English)23 Leaf Color Chart (Ilocano)24 Leaf Color Chart (Filipino)25 Equipment for Rice Production and

Processing26 Use of 40kg Certified Seeds per Hectare27 Rice Wine28 Management of Field Rats29 Controlled Irrigation: Saving water while

having good yield30 Minus-one Element Technique: Soil Nutrition

Deficiency Test Made Easy31 Management of the Rice Black Bug32 Management of Zinc-deficient Soils33 Management Options for Golden Apple Snail34 Use of Evaporation Suppressant35 Pagpaparami ng Purong Binhi ng Palay36 Management of Sulfur- Deficient Lowland

Rice Soils34 Use of Evaporation Suppressant35 Pagpaparami ng Purong Binhi ng Palay36 Management of Sulfur- Deficient Lowland

Rice Soils37 Management of Planthoppers and

Leafhoppers38 Management Options for Ricefield Weeds39 Use of Indigo as Green Manure40 Management of Salt-affected Soils for Rice

Production

Rice Technology Bulletin SeriesNo.

41 Wet-Seeded Rice Production42 Matatag Lines43 Hybrid Rice Seed Production44 Metarhizium anisopliae: Microbial Control

Agent for Rice Black Bug45 Integrated Nutrient Management for Rice

Production46 Management of Armyworms/Cutworms47 Carbonized Rice Hull48 Rice-based Microbial Inoculant49 Integrated Farm and Household Waste

Management50 Rice Postproduction Practices51 Ecological Rice Farming52 Modified Dry Direct Seeding Technology53 Palayamanan: Making the Most out of Rice

Farms54 Practical Guidelines in Predicting Soil

Fertility Status of Lowland Rice Soils55 Bakanae: The Foolish Disease of Rice56 Management of Rice Blast Disease57 Root-knot Management in Rice-Onion

Cropping System58 Management of Yellow and White

Stemborers59 The PhilRice Dapog Technology60 Rice Straw-Based Nutrient Management in

Irrigated Lowland Rice61 Biofertilizer Production: Vesicular Arbuscular

Mycorrhizae (VAM)62 Trichoderma: Biofungicide for vegetables63 Barayti ng Palay handog ng PhilRice 2007-

200964 Management of Zinc-deficient Soils (revised

edition)65 Soil Series: Improving Agricultural

Productivity in Pampanga66 Soil Series: Improving Productivity in Tarlac67 Laboy tiller: Improving deep muddy and

swampy rice lands68 B&S Rice mini-combine harvester69 Rice Disease Diagnostic Kit70 Reducing Methane Emissions from Irrigated

Ricefields71 Rice Hull Gasifier Engine-Pump System72 Kontroladong Pagpapatubig73 Saclob: Airtight Storage for Rice Seeds74 No Tillage Technology in Irrigated Rice

Production75 Management of Yellow and White Stem Borer76 Management Options for Ricefield Weeds77 Management of Salt-Affected Soils

Paunang SalitaIsa sa pinaka-malaking suliranin sa pagtatanim sa Pilipinas ay ang pinsalang dulot ng dilaw at puting aksip. Maaaring mabawasan ng halos kalahati ang ani dahil sa pinsala ng mga aksip.

Sa PhilRice, pinag-aralan ng aming mga mananaliksik ang paglitaw ng dilaw at puting aksip. Ito ay upang makagawa ng mga stratehiya sa pamamahala na maaaring gamitin ng mga magsasaka upang makontrol ang mga pesteng ito. Ang babasahing ito ay mayroong impormasyon tungkol sa distribusyon ng mga insekto, mga yugto ng buhay, pinsala, at mga stratehiya sa pamamahala.

Ang babasahing ito ay makadaragdag sa kaalaman ng mga extension worker at magsasaka ng palay sa mainam na paraan ng pamamahala sa dilaw at puting aksip.

2

Pamamahala sa Dilaw at Puting AksipAng aksip ay isa sa mga pangunahing peste ng halamang-palay na naninira sa lahat ng yugto ng paglago ng halaman. Ang aksip na dilaw (Scirpophaga incertulas, Walker) at aksip na puti (Scirpophaga innotata, Walker) ay mga uri ng aksip sa Pilipinas na malaki ang pinsalang naidudulot sa halamang-palay.

Umaabot sa 25 - 50 porsiyento, o maaaring higit pa, ang nawawalang ani ng palay sa panahon ng malubhang pananalasa ng dalawang uring ito ng aksip.

Sinisira ng aksip ang katawan ng palay na nagiging dahilan ng panluslos (deadheart) sa panahon ng paglago ng tanim na palay at pagkakaroon ng uban (whitehead) sa yugto ng reproduksyon ng palay. Ang “deadheart” ay ang pagkatuyo ng pinakagitnang kumpon ng dahon samantalang ang uban ay tumutukoy sa pagkawala ng karaniwang kulay ng uhay na nagtataglay ng pipis o bahagyang naglamang mga butil. Ang aksip na dilaw at aksip na puti ay nagkakaiba ng hitsura, gayunman, ang kanilang uod ay mahirap na makilala sa pagtingin lamang.

Distribusyon Laganap ang dilaw na aksip sa tropiko at mala-tropikong lugar na tulad ng Hilaga at Hilagang Silangang Asya samantalang ang aksip na puti naman ay sa ekwadoryal na tropiko sa Hilagang Silangang Asya at Oceana.

Karaniwang laganap ang dilaw na aksip sa Luzon, ang dilaw na aksip at puting aksip ay sa Visayas, at ang aksip na puti naman ay sa Mindanao (Pigura 1). Ang aksip na dilaw ay nagdudulot ng taunang impestasyon sa mga itinanim ng huli na mga halamang-palay. Ang paglitaw ng maraming uban ay inaasahan kapag ang halamang-palay ay itinanim ng huli kaysa karaniwang panahon ng pagtatanim.

3

Pigura 1. Ang distribusyon ng dilaw at puting aksip sa Pilipinas.

Lugar na kung saan kumakalat ang:

dilaw na aksip

(Berde) sabayang paglitaw, nguni’t mas marami ang dilaw na aksip(Dilaw) sabayang paglitaw, nguni’t mas marami ang puting aksip

4

Mga yugto ng buhay ng aksip na dilaw at aksip na puti

DILAW NA AKSIP PUTING AKSIP

Kumpol ng mga itlog

• Puti, hugis-itlog, at pantay• Nababalutan ng kulay-kapeng mga buhok mula sa hulihang bahagi ng

babaing aksip• Ang haba ay mula 2 - 8 milimetro• Ang pamimisa ay 7 - 9 na araw • Ang dami ng itlog sa isang kumpol ay 70 - 100

Uod ng Aksip

• Ang haba ng insekto sa pagitan ng paghuhunos ay 1.5 milimetro na ang kulay ng katawan ay naninilaw na berde. Ang husto na sa laki na uod ay mga 20 milimetro ang haba at may kulay-kape na ulo at pananggalang sa may dibdib.

• Ang husto na sa edad na uod ay malagatas ang kulay at 15 - 20 milimetro ang haba.

• Ang tagal ng pagiging uod ay mula sa 28 - 40 araw na may limang yugto ng pagbabago.

5

DILAW NA AKSIP PUTING AKSIP

Yugto bago maging ganap na kulisap

• Ang bagong kukun (bahay-uod) ay mapusyaw na kulay-kape at nagiging magulang na kulay-kape habang tumatagal. Ang kulisap ay mga 12 milimetro ang haba.

• Ang pagiging ganap na kulisap ay nakukumpleto sa loob ng 8 - 13 araw.

• Ang pupation ay natatapos sa loob ng 8-13 araw.

• Ang di-pa ganap na kulisap ay malambot ang katawan, putlain, at may habang 12 - 15 milimetro.

Kulisap na sapat na ang gulang

• Ang babaing gamu-gamo ng aksip na dilaw ay may katangi-tanging itim na mga paltik sa mga pangunang pakpak. Ang tiyan naman ay malapad na may manilaw-nilaw na mga buhok.

• Ang babaing gamu-gamo ng aksip na puti ay walang mga paltik na itim. Ang haba ng pakpak kapag ibinuka ay 26 - 30 milimetro.

• Ang mga may sapat ng gulang na babaing kulisap ay nabubuhay mula 2 - 7 araw samantalang ang mga lalaki nito ay 2 - 5 araw.

• Ang buhay ng kulisap mula sa pagiging itlog hanggang sa maging ganap na kulisap ay mula sa 43 - 62 araw.

6

Ang uod ng alinman sa dilaw at puting aksip ay pumapasok sa katawan at sa kaloob-loobang himaymay ng katawan ng halamang-palay na nagiging sanhi ng “deadheart” o panluluslos

Panluluslos (deadheart) • Nagaganap sa yugto ng paglago ng halaman• Ang kumpon ng dahon ay tumitiklop,

nagkukulay-kape, natutuyo at namamatay. (Ang kaganapang ito ay nagreresulta sa pagkakaroon ng panlululos o “deadheart”

• Ang nasirang o suwi ay madaling bunutin o hilain

• May pagkasira na dulot ng aksip kung ang mga suwi ay mayroong butas na maliliit at may mga ipot ng kulisap

• Kung ang paninira ay nagaganap sa maagang yugto ng pagsusuwi, napapalitan ito sa pagtubo ng karagdagang suwi at ang kabawasan ng ani ay karampot lamang

Uban sa halamang-palay (white head) • Nangyayari sa yugto ng paghuhubog ng uhay hanggang sa pamumulaklak

ng halamang-palay• Ang mga naapektuhang mga suwi ay

nagkakaroon ng mga uhay na namumuti at mga pispis na mga butil.(Ang kaganapang ito’y nagreresulta sa pagkakaroon ng tinatawag na “whiteheads” o uban.)

• Ang mga uban ng palay ay madaling bunutin o hilain.

• May nalikhang sira ang aksip kapag ang mga suwi ay mayrooong maliliit na butas at mayroong dumi ng aksip.

• Ang kulumpon ng itlog na lumitaw sa panahon ng paghuhubog ng uhay ay kritikal sa dahilang maaaring magkaroon ng mga uban at magiging sanhi ng malaking pagkabawas ng ani.

Paninira

7

PamamahalaAng magkakaugnay na hakbangin para sa pamamahala ng aksip na dilaw at aksip na puti (kumbinasyon ng mabuting pag-aalaga sa halamang-palay, kontrol na biolohikal, at paggamit ng kemikal na pang-kontrol) ay dapat na isagawa. Ang magkakaugnay na hakbangin ay maaaring makapagmentina ng populasyon ng peste sa lebel na walang malaking maidudulot na paninira sa halamang-palay.

1. Isagawa ang “synchronous planting” o pagtatanim na kasabay ng karamihan matapos na pagpahingahin ang lupang sinasaka

• Dapat isagawa ang pagtatanim sa bukid na sinasaka kasabay ng

karamihan sa lugar na kinaroroonan ng lupang sinasaka matapos na pagpahingahin ang lupa sa loob ng di-kukulangin sa 30 araw.

• Ang pagtatanim na kasabay ng karamihan ay nakaiiwas sa pagsasanib-sanib ng populasyon ng mga mamaninsalang mga insekto at sakit sa halaman. Ang pagpapahinga sa paggamit ng lupang tinatamnan ng di-kukulangin sa isang buwan ay sumisira sa siklo ng buhay ng insekto at sumisira rin sa lugar-tirahan ng mga ito. Ang sistemang ito ay lubhang naapektuhan ng pagkakaroon ng tubig sa lokalidad.

8

Popu

lati

on2. Magtanim sa tamang panahon o tiyempo

• Alamin kung kailan higit na malaki ang populasyon ng aksip sa inyong lokalidad upang matiyak ang tamang panahon ng pagtatanim.

• Sa ginawang panghuhuli ng may-sapat ng gulang na dilaw at puting aksip sa Nueva Ecija at Agusan, lumitaw na ang populasyon ng peste ay karaniwang umiigting mula Abril hanggang Mayo, at Oktubre hanggang Nobyembre. (TIngnan ang Pigura 2). Base sa impormasyong ito, imimumungkahi na magtanim sa buwan ng Disyembre hanggang Enero sa tag-araw at Hunyo hanggang Hulyo naman sa tag-ulan upang maisagawa ang pag-aani bago umigting ang populasyon ng mga aksip.

Pigura 2. Disensyo na nagpapakita ng populasyon ng aksip

Bigay-pansin: Para sa binhi ng palay na pang-120 araw, mahalaga na ang kritikal na yugto mula sa paghuhubog ng uhay hanggang sa pamumulaklak (50 - 60 araw pagkalipat-tanim o 70 - 80 araw kapag sabog-tanim sa panahon ng panag-ulang pagsasakahan) ay hindi tumatama sa pag-igting ng populasyon ng may-sapat nang gulang na mga aksip base sa resulta ng panghuhuli ng aksip sa pamamagitan ng pang-akit na liwanag.

9

3. Pangalagaan ang mga natural na kalaban

• Pangalagaan ang mga natural na kalaban ng mga peste na tulad ng parasito, maninila, at mikrobiyo. Iwasan ang walang habas na paggamit ng pestisidyo sa dahilang makaliligalig ito sa natural na balanse ng mga mapaminsalang insekto at mga kaibigang kulisap at organismo.

• Ang mga parasitoid na umaatake sa mga itlog ng aksip ay malaki ang ginagampanang papel sa pagkontrol ng populasyon ng mga aksip. Kapag napangalagaan, ang mga parasitoid ay nakapagpapababa ito ng pag-atake ng peste at nakatutulong sa pagpapanatili ng natural na balanse ng sistema sa agrikultura. Ang mga parasito na marami sa bukid ay kinabibilangan ng Telenomus sp. (Scelionidae), Tetrastichus sp. (Eulophidae), at Trichogramma sp. (Trichogrammatidae). Sa mga ito, ang pinakamarami ay ang Telenomus sp.

Naririto ang mga natural na kaaway ng mga aksip sa kanilang mga yugto ng buhay

Itlog Putakti (Tetrastichus, Telenomus, Trichogramma)

Uod Water bug (Mesovilla), Assasin bug (Polytoxus), Earwig (Euborellia), at Lady beetle (Coccinelids)

Pupa (pagitan ng uod at may sapat nang gulang na insektoPutakti (Goniozus, Apanteles, Bracon, Rhaconatus, Stenobracon, Tropobracon, Amauromorpha, Eribonus, Isochnojoppas, Isotima, Temelucha, Pteromalus) at Pathogen (Beauveria)

May sapat nang gulang Gagamba (Pardosa, Oxyopes), tipaklong (Conocephalus), at tutubing karayon

Putakti

Earwig

Longhorned grasshopper

Pangalagaan ang mga natural na kaaway na ito ng mga aksip!

10

4. Gumamit ng mga binhing may tibay sa pesteng aksip.

• Magtanim ng mga binhing tulad ng PSB RC100 (Santiago), PSB Rc76H (Panay), PSB Rc50 (Bicol), PSB Rc44 (Gohang), NSIC Rc122 (Angelica), NSIC Rc106 (Sumilao) at NSIC Rc11 (Canlaon).

• Palitan o pagsalitin ang mga binhi tuwing ikalawa o ikaapat na pagsasakahan upang maantala ang pag-aangkop ng peste at maiwasan ang pagdami ng kulisap.

5. Gumamit ng pamatay-kulisap kung kailangan lamang.

• Huwag gumamit ng pamatay-kulisap sa loob ng 40 araw pagkatapos ng pagtatanim. Sa panahong ito ng paglago ng halamang-palay, nakakaya nitong mapalitan ang paninira ng kulisap sa pamamagitan ng pagkakaroon ng karagdagang mga suwi.

• Kapag napansin ang pagkakaroon ng maraming kulumpon ng itlog ng aksip sa bukid sa panahon ng paghuhubog ng uhay, alisin ang mga ito at ilagay sa bote at takpan. Obserbahan ang mga parasito na lalabas mula sa mga itlog. Kung ang populasyon ng parasito na lumabas mula sa itlog ay higit na marami kaysa sa mga uod, huwag magwiwisik ng pamatay-kulisap. Sa yugtong ito, ang dami ng kulumpon ng itlog ay karaniwang kulang pa sa isa sa bawa’t metro kuwadrado.

• Kapag naobserbahan na mayroong 1 - 2 kulumpon ng itlog sa bawa’t metro kuwadrado sa bukid,maaaring maglagay ng pamatay-kulisap (insecticide) tandaan lang na mahirap na kontrolin ang stem borer kapag sila ay nakapasok na sa loob ng halaman. Mag-apply ng insecticide bago makapasok ang uod sa halaman.

• Kapag ang mga uban ay lumitaw, hindi na kailangang maglagay pa ng pamatay-kulisap.

• Gumamit ng panghuli ng insekto sa pamamagitan ng paggamit ng liwanag bilang pang-akit upang mapag-alaman ang buwanang pagsulpot at populasyon ng aksip.

Light trap

11

6. Isagawa ang tamang pag-aabono.

• Alamin at pangasiwaan nang tama ang may kinalaman sa pangangailangan sa nitroheno ng halamang-palay batay sa ibinabadya ng “Leaf Color Chart” (LCC) at tayahin ang iba pang kinakailangang sustansya batay sa pagsusuri sa pamamagitan ng “Minus One Element Technique” (MOET).

• Gumamit ng LCC upang mataya ang kailangang abonong N ng tanim na palay. Ang maraming N na inilagay ay magiging dahilan upang ang halamang-palay ay maging makatas at mas madaling tablan ng pamiminsala ng aksip at mas maberde at mas madali pang humapay.

• Magsagawa ng pagsusuri ng lupa sa pamamaraang MOET 30 araw bago isagawa ang paglilipat-tanim o pagsasabog-tanim upang malaman ang kakulangang sustansya ng lupa at maisagawa ang paglalagay ng kaukulang abono.

LCC

• Tayahin ang pangkasalukuyang pangangailangan ng halamang-palay sa abonong N sa pamamagitan ng LCC.

• Gamitin ang LCC tuwing ika-pitong araw mula sa ika-21 araw pagkatapos ng lipat-tanim o 28 araw pagkaraan ng pagsasabog-tanim.

MOET

• Ang MOET ay isang kit o instrumento upang mapag-alaman ang takdang sustansya na kailangan ng halamang-palay na tulad ng posporo, potasyo, zinc, at sulfur. Napag-aalaman nito ang kakulangan sa kaukulangang sustansya batay sa mga sintomang ipinakikita ng halaman.

Subukang gamitin ang LCC at MOET!

12

7. Bungkalin ang lupa pagkatapos ng pag-aani

• Bungkalin agad ang lupa pagkatapos ng pag-aani. Sa ganitong paraan, nahahantad ang mga uod at mga bagong pisang uod sa sikat ng araw. Nasisira din nito ang pinagpupugaran ng mga aksip.

13

Pigu

ra 3

. Bu

od n

g m

ga is

trat

ehiy

a uk

ol s

a pa

mam

ahal

a sa

dila

w a

t pu

ting

aks

ip s

a ib

a’t

iban

g yu

gto

ng p

agla

go n

g ha

lam

ang-

pala

y

SA P

AG

TATA

NIM

SA P

AG

SU

SU

WI

(Till

erin

g)

SA P

AG

HU

HU

BO

G N

G U

HAY

H

AN

GG

AN

G P

AM

UM

ULA

KLA

K(E

arly

pan

icle

initi

atio

nto

flow

erin

g)

SA P

AG

PAPA

HIN

OG

SA P

AG

-AN

I AT

PA

GKA-

AN

I

• Is

abay

ang

pa

gtat

anim

sa

kar

amih

an

pagk

atap

os n

a pa

gpah

inga

hin

ang

lupa

. M

aaal

isan

ng

sup

lay

ng

pagk

ain

ang

aksi

p at

mai

iwas

an a

ng

kani

lang

pag

dam

i.•

Mag

tani

m s

a ta

man

g pa

naho

n up

ang

ang

pag-

aani

ay

mai

saga

wa

bago

sum

idhi

ang

po

pula

syon

ng

aksi

p.•

Gum

amit

ng

mat

itib

ay n

a bi

nhi

laba

n sa

aks

ip.

• Pa

ngal

agaa

n an

g m

ga n

atur

al n

a ka

away

dah

il na

susu

gpo

nito

an

g pa

gdam

i ng

aksi

p.•

Huw

ag

mag

wiw

isik

ng

pam

atay

-kul

isap

sa

loob

ng

40

araw

pag

kata

nim

. N

apap

alit

an a

ng

naap

ektu

hang

ta

nim

sa

pagt

ubo

ng b

agon

g m

ga

suw

i.

• M

agla

gay

ng w

asto

ng

abon

ong.

• G

umam

it n

g pa

mat

ay-

kulis

ap k

ung

kaila

n ka

ilang

an.

• H

uwag

mag

wis

ik n

g pa

mat

ay-k

ulis

ap k

ung

ang

popu

lasy

on n

g pa

rasi

to a

y m

as m

aram

i kay

sa s

a uo

d (b

ase

sa k

ulum

pon

ng it

log

na n

akol

ekta

at

binu

hay

para

pag

-ara

lan

sa lo

ob n

g bo

te).

Sa

yugt

ong

ito

ay

kaun

ti la

ng a

g po

pula

syon

ng

aks

ip (

kara

niw

ang

isan

g ku

lum

pon

ng it

log

sa

isan

g m

etro

kuw

adra

do s

a bu

kid)

.•

Mag

laga

y ng

pam

atay

-ku

lisap

kun

g m

aoob

serb

ahan

ang

I -

2 k

ulum

pon

ng it

log

sa

baw

at m

etro

kuw

adra

do

sa b

ukid

.

• Ku

ng lu

mit

aw

na a

ng u

ban,

di

na d

apat

m

ag-w

isik

ng

pam

atay

-ku

lisap

.

• Bu

ngka

lin a

ng

lupa

pag

kata

pos

ng p

ag-a

ani

upan

g m

amat

ay

ang

mga

uod

at

bat

a pa

ng

inse

kto.

14

SANGGUNIAN

ANGOON, L. 1981. A revision of the old world species of Scirpophaga (Lepidoptera:Pyralidea). Bulletin of the British Museum of Natural History (Entomology) 42: 185-298.

DUTT, N., and D.K. Kundu. 1984. Stemborer incidence in paddy and its effect on yield and yield components. Indian J. Ent. 46(2): 135-147.

GOMEZ, K. and R.C. Bernardo. 1974. Estimation of stem borer damage in rice fields. J. Econ. Entomol. 67(4):509-513.

HEINRICHS, E.A. 1986. Field evaluation of commercial insecticides for controlling yellow stemborer (YSB) in the Philippines. Int. Rice Res. Newsl. 112(2): 27-28.

HEINRICHS, E.A. (ed). 1994. Biology and management of rice insects. Wiley Eastern, New Delhi, 779 p.

KHAN, Z.R., J.A. Litsinger, A.T. Barrion, F.F.P. Villanueva, and N.J. Fernandez. World bibliography of rice stem borers. 1974-1990.IRRI and ICIPE. 415 p.

KIRITANI, K. 1979. Pest management in rice. Annu. Rev. Entomol. 24:279-312.

LITSINGER, J.A., E.L. Alviola, C.G. Dela Cruz, B.L. Canapi, E.H. Batayan, and A.T. Barrion, 2004. Biology and pest status of the white stem borer, Scirpophaga innotata (Walker) (Lepidoptera:Pyralidae) in Southern Mindanao. Philippine Entomologist 18:1-15.

LITSINGER, J.A., J.P. Bandong, B.L. Canapi, C.G. Dela Cruz, P.C. Pantua, A. L. Alviola, and E.H.Batay-an. 2005. Evaluation of action thresholds for chronic rice insect pests in the Philippines. I. Less frequently occurring pests and overall assessment, International Journal of Pest Management, 51:45-61.

LITSINGER, J.L., A.L. Alviola, C.G. Dela Cruz, B.L. Canapi, E.H. Batay-an, and A.T. Barrion. 2006. Rice white stem borer, Scirpophaga innotata (Walker) in southern Mindanao, Philippines. I. Supplantation of yellow stem borer, S. incertulas (Walker) and pest status. International Journal of PestManagement, 52:11-21.

LITSINGER, J.A., A.L. Alviola, C.G. Dela Cruz, B.L. Canapi, E.H. Batay-an, and A.T. Barrion, 2006. Rice white stem borer, Scirpophaga innotata (Walker) in Southern Mindanao, Philippines. II. Synchrony of planting and natural enemies. International Journal of Pest Management, 52:23-37.

15

PANDA, S.K., A.P. Samalo, N. Shi, and S.S. Mishra, 1986. Influence of variety, fertilizer dose and water management on stem borer incidence and yield of rice. Madras Agric. J. 73(6):334-339.

PATHAK, M.D. 1968. Ecology of common insect pests of rice. Annu. Rev. Entomol. 13:257-294.

PATHAK, M.D. and Dyck V.A. 1973. Developing an integrated method of rice insect pest control. PANS. 19(4):534-544. Philippine Rice Research Institute. 1999. Rice Stem borers in the Philippines. Rice Techno. Bull. DA- PhilRice #20, 12p. PhilRice-FAO Handbook. 2007. PalayCheck system for irrigated lowland rice. PhilRice, Nueva Ecija.

PhilRice Agusan Annual Reports for 2001, 2002, 2003, 2004 (Unpublished). Basilisa, RTR, Agusan del Norte.

REISSIG, W.H., E.A. Heinrichs, J.A. Litsinger, K. Moody, L. Fiedler, T.W. Mew, and A.T. Barrion. 1986. Illustrated guide to integrated pest management in rice in tropical Asia. Philippines. International Rice Research Institute. 411 pp.

RILLON, G.S. and H.D. Justo. 1998. Pest incidence and yield of direct seeded and transplanted rice. In Philippine Rice R and D Highlights for 1997. PhilRice Maligaya, Muñoz, Nueva Ecija Philippines.

RILLON, G.S. and H.D. Justo. 1997. Control of stem borer populations in late-planted rice through strategic application of insecticides. In Philippine Rice R and D Highlights for 1996.PhilRice Maligaya, Muñoz, Nueva Ecija Philippines.

SUBRAMANIAN, V., M. Mani, and V.D.G. Raja. 1977. Effect of graded levels of nitrogen on the incidence of rice stem borer, Tryporyza incertulas Walk. Science and Culture. 43(5). 222-223.

SOEJITNO, J. 1977. Relation between damage by rice stem borer Tryporyza incertulas and yield of rice variety Pelia I-1. Int. Rice Res. Newsl. 2(4).

16

TALA

17

Subject Matter Specialists Eliseo H. Batay-an Genaro S. Rillon* Alejandra B. Estoy, PhD Nerissa D. Santiago

Managing Editor/Layout Artist Alfred Franco T. Caballero

Editorial Advisers Ruben A. Miranda Karen Eloisa T. Barroga

Para sa dagdag impormasyon, sumulat, tumawag, o pumunta sa: The Crop Protection Division Philippine Rice Research Institute Maligaya, Science City of Munoz, Nueva Ecija 3119 Tel. No.; (044)456-0285; 0113; 0651 local 227

O magtext sa PhilRice Text Center (0920) 911-1398.

Ang mga mambabasa ay hinihikayat na gumawa ng mga kopya ng babasahing ito. Lagyan lamang ng pagkilala.

*Revised Edition