pagsunod

12
PAGSUNOD (OBEDIENCE ) IUULAT NI: ANGELIQUE MAE B. ECHON II - ARISTOTLE

Upload: alyssa-vicera

Post on 11-May-2015

4.500 views

Category:

Documents


7 download

TRANSCRIPT

Page 1: Pagsunod

PAGSUNOD (OBEDIENCE)

IUULAT NI:ANGELIQUE MAE B. ECHONII - ARISTOTLE

Page 2: Pagsunod

* Ang isang maliit na bata ay maaaring sumunod dahil kinikilala niya ang awtoridad na likas na taglay ng kanyang mga magulang. Ito ang kanyang nakagisnan sa tahanan.

PAGSUNOD

* Mas madali sa bata ang sumunod sa mga magulang dahil sa direktang pagtanggap niya ng SEGURIDAD, PAGMAMAHAL AT PAGAARUGA para sa kanyang kaayusan at kagalingan (well-being).* Ito ang nagtuturo sa kanya upang sundin ang mga magulang.

* Lubos ang tiwala ng isang maliit na bata sa kanilang mga magulang.

Page 3: Pagsunod

EDAD NA TATLO HANGGANG APAT

* Nagsisimula nang humubog ang kilos-loob ng isang bata

* Bago sumunod ang isang bata ay kailangan muna siyang kumbisinin ng kanyang mga magulang na kailangan niyang sumunod.

* Nauunawaan na niya na gawin ang isang bagay na inaatas sa kanya.

* Nauunawaan niya na ang mga tuntunin na ito ang nakapagbibigay ng direksyon upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan at hindi pagkakasaundo.

Page 4: Pagsunod

EDAD NA LIMA* Ang kanyang motibasyon upang sumunod ay nagsisimula nang magbago.

* Sa una, sumusunod muna sa magulang dahil alam nila na ito’y pamamaraan para ituro ito sa kanila at gawing ganap na birtud.

* Habang lumalaon, naghahanap ang bata ng malinaw na utos (demands) sa magulang at magalatag ng mga dahilan sa mga utos na ito.

* Kahit hindi pa nawawala ang pagkakakilala ng bata sa awtoridad ng magulang, kailangang baguhin na ang paraan ng magulang upang sumunod pa rin ang anak.

Page 5: Pagsunod

EDAD NA LABINGTATLO* Makabubuti kung ang pagsunod ay bunga ng proseso ng maingat na pag-iisip.

* Mahalaga sa isang bata ang sumunod hindi dahil kailangan sumunod kundi alam niya ito’y makatutulong sa kanyang paglago.

* Magiging isang malinaw na patunay ito na ang kanyang motibasyon sa pagsunod ay nakaayon sa kanyang isinasabuhay na mga halaga.

* Dahil ang kahulugan o kabuluhan ng paggalang ay nakabatay sa halaga na tinatanggap ng isang tao sa kanyang buhay.

Page 6: Pagsunod

* Ngunit kailangan nang maunawaan ng isang bata sa yugto na ito na mahalaga ang pagsunod dahil sa mataas na layunin (high motives). Mahalagang matamo na nila ang birtud ng pagsunod bago umabot ang pagdadalaga/ pagbibinata.

PAGSUNOD

* Kritikal na yugto ang pagdadalaga/ pagbibinata kapag ang usapin ay ang paghubog sa kanila upang ganap na maisabuhay ay ang birtud na pagsunod. Habang lumalaki kasi ang isang bata at lumalawak ang kanyang kaisipan at pag-unawa, maraming mga maling interpretasyonna pumapasok sa kanilang isipan sa pagsunod.

Page 7: Pagsunod

Sa aklat ni Isaacs (2001) na Character Building, inisa-isa niya ang ilan sa mga pangkaraniwang pagkakamali sa pamamaraan ng pagsunod ng mga bata:

* Ang isang bata ay sumusunod dahil lamang sa ito ay kanya ng nakagawian, nagiging parang robot na nakaprograma na ang pagkilos, ngunit hindi nagsusumikap na gawin ito nang mahusay o nagbibigay ng pansin sa tunay na layunin ng taong nagbibigay ng utos.

* Ang isang bata ay sumusunod, para lamang masabing siya ay sumusunod. Hindi naman lang kakikitaan ng pagsisikap na gumawa ng lagpas sa hinihingi sa kanya. Walang dedikasyon, walng pagnanais na magsakripisyo.

Page 8: Pagsunod

* Ang isang bata na sumusunod ngunit maraming puna o pintas sa taong nagbibigay ng utos.

* Ang isang bata na umiiwas upang hindi na lamang mapilitang sumunod o kaya naman ay nandaraya, nagbibigay ng mga hindi totoong dahilan, o maaaring gumamit ng ibang tao na mas may awtoridad na nagbibigay ng utos.

* Ang isang bata na kinukumbinsi ang taong nagbibigay ng utos na gumawa na lamang ng ibang bagay o maaari namang kumbinsihin ito na hindi naman talaga kailangan na sundin ang kanilang ipinag-uutos.

* Ang isang bata na sumusunod dahil mayroon siyang inaasahang kapalit para sa pagsunod dito katulad ng karangalan o kaya ay gantimpala.

Page 9: Pagsunod

* Ang isang bata na sinasabing gagawin ito ngunit hindi naman.

* Ang isang bata na maghahanap ng mga kakampi upang makabuo ng pangkat na sasalungat dito.

Page 10: Pagsunod

Na sasalungat dito.Mayroong panganib sa hindi kusang pakikiisa/ pakikipagtulungan (collaboration) sa tuwing nagbibigay ng utos na hindi tunay na sumasaloob sa isang tao. Hindi ito tumatanim sa isip at puso ng isang bata.

Kailangan maging malinaw sa iyo kung ano talaga ang nais ipagawa sa iyo ng bukal sa kalooban. Kailangan mong masiguro na ganap ang iyong pagkaunawa bago sumusunod. At mahalagang hingin mo ang kanilang paggabay kung kailan at paano mo ito isasagawa.

Page 11: Pagsunod

Mahalaga ring mahasa ang isang kabataan na katulad mo upang kilalanin ang pagkakaiba ng mga sumusunod:

1. Mga taong mayroong awtoridad at ginagampanan ito.

2. Mga taong mayroong awtoridad ngunit hindi ginagampanan ito.

3. Mga taong hindi binigyan ng awtoridad ngunit mayroong kakayahan na makaimpluwensya ng ibang tao.

Page 12: Pagsunod

MARAMING SALAMAT SA INYONG PAKIKINIG!!!!