pag-aralan ang larawan sa ibaba

11
1 Pag-aralan ang larawan sa ibaba. ALAMIN MO GRADE IV MATERYAL O DI MATERYAL NA KULTURA

Upload: others

Post on 21-Oct-2021

9 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Pag-aralan ang larawan sa ibaba

1

Pag-aralan ang larawan sa ibaba.

ALAMIN MO

GRADE IV

MATERYAL O DI – MATERYAL NA KULTURA

Page 2: Pag-aralan ang larawan sa ibaba

2

Anong ipinakikita ng mga larawan?

Makikita pa ba natin sa kasalukuyan ang mga gawaing tulad nito? Bakit kaya?

Ang gawaing ito ay bahagi ng pamumuhay ng mga Pilipino. Ipinakikita rito ang mga

paraan kung paano sila namumuhay, ang kanilang mga gawain, mga kagamitan,

kaugalian at mga paniniwala. Kultura ang tawag dito.

Sa pag-aaral ng modyul na ito, matututuhan mo ang tungkol sa –

Dalawang uri ng kultura ng mga Pilipino – ang materyal at di-materyal na kultura.

A. Tingnan mo ang mga larawan sa ibaba. May ganito rin ba sa bahay ninyo?

PAG-ARALAN MO

1.

2.

3. 4.

Page 3: Pag-aralan ang larawan sa ibaba

3

KILALALANIN ANG BAWAT ISA

Nahahawakan ba ang mga ito?

Bahagi rin ba ito ng ating kultura?

B. Ano ang ginagawa ng mga bata sa larawan?

Ang sayaw ba at laro ay nahahawakan.

Bahagi rin ba ito ng ating kultura.

May dalawang uri tayo ng kultura. Alam mo ba kung ano-ano ito?

Ito ay ang kulturang materyal at kulturang di-materyal. Kaya mo bang tukuyin kung

alin sa mga larawang nauna ang materyal na kultura at ang di-materyal na kultura?

Page 4: Pag-aralan ang larawan sa ibaba

4

Suriing mabuti ang paghahambing sa dalawa.

Kulturang Materyal Kulturang Di-Materyal

Ito ang mga bagay na nakikita, nahihipo

o nahahawakan gaya ng damit, kasangkapan,

pagkain, tirahan, palamuti sa bahay at sa

katawan at iba pa.

Ito ang mga bagay na di- nahahawakan o

di-nahihipo gaya ng awit, sayaw, sining at

panitikan, mga tradisyon, kaugalian,

paniniwala, saloobin, edukasyon,

pagpapahalaga, pamahalaan at iba pa.

Isulat sa kuwaderno ang sagot sa mga sumusunod na pagsasanay.

A. Isulat ang M kung materyal at DM naman kung di-materyal na kultura ang

sumusunod.

________________ 1. Katutubong awit

________________ 2. Katutubong sayaw

________________ 3. Kwintas, hikaw at palamuti

________________ 4. Prusisyon

________________ 5. Bahay-Kubo

________________ 6. Barangay

PAGSANAYAN MO

Maliwanag na ba sa iyo kung ano ang materyal at di-materyal na kultura?

Page 5: Pag-aralan ang larawan sa ibaba

5

________________ 7. Bugtong at Kasabihan

________________ 8. Simbahan sa Quiapo

________________ 9. Paghalik sa kamay ng nakatatanda

________________ 10. Banga at palayok

B. Magbigay ng 7 halimbawa ng materyal na kultura at 7 di-materyal.

Kulturang Materyal Kulturang Di-Materyal

Kung nagawa mo na nang mahusay ang mga pagsasanay, binabati kita!

Page 6: Pag-aralan ang larawan sa ibaba

6

Ang paraan ng pamumuhay ng mga tao na nagbibigay ng pagkakakilanlan sa kanila

ay tinatawag na kultura.

Ang kulturang materyal ay mga bagay na nakikita, nahahawakan o nahihipo at

nagagamit sa araw-araw na pamumuhay gaya ng pagkain, tirahan, damit at

kagamitan.

Ang mga kulturang di-materyal ay di-nahihipo o nahahawakan gaya ng paniniwala,

kaugalian, pagpapahalaga, edukasyon at iba pa.

Magbigay ng 3 kaugaliang Pilipino na nakikita mo pa ring ginagawa hanggang

ngayon. Isulat sa kuwaderno ang sagot.

A.

B.

C.

Nakabuti ba sa palagay mo ang pagsasagawa nito hanggang sa ngayon?

Pangatwiranan mo ang sagot.

Gumawa ng isang larawan na nagpapakita ng mga materyal at di-materyal na bahagi

ng kultura ng mga Pilipino.

TANDAAN MO

ISAPUSO MO

GAWIN MO

Page 7: Pag-aralan ang larawan sa ibaba

7

Isulat ang sagot ng mga sumusunod sa iyong kuwaderno.

A. Sabihin kung materyal o di-materyal na bahagi ng kultura ang ipinapakita sa mga

sumusunod na larawan.

1. 2.

SAGUTIN MO

Page 8: Pag-aralan ang larawan sa ibaba

8

3. 4. 5.

Page 9: Pag-aralan ang larawan sa ibaba

9

6. 7. 8.

Page 10: Pag-aralan ang larawan sa ibaba

10

9. 10.

B. Basahin at unawain ang bawat pangungusap.

Isulat ang √ kung ang pangungusap ay totoo, at X naman kung hindi totoo.

_____ 1. Ang larong sipa ay halimbawa ng kulturang di-materyal nating

mga Pilipino.

_____ 2. Ang kultura ng bansa ang nagbibigay ng pagkakakilanlan dito.

_____ 3. Bahagi ng ating kulturang materyal ang mga katutubong sayaw.

_____ 4. Ang sining at panitikan ay bahagi ng kulturang materyal ng

bansa.

_____ 5. Ang pangingisda ay halimbawa ng kulturang materyal ng mga

Pilipino.

Page 11: Pag-aralan ang larawan sa ibaba

11

_____ 6. Ang bahay-kubo ay halimbawa ng kulturang materyal.

_____ 7. Ang batas na ipinatutupad ng pamahalaan ay maituturing na

kulturang di-materyal.

_____ 8. Bahagi ng ating kulturang materyal ang mga katutubong awit.

_____ 9. Ang relihiyon ay bahagi ng ating kulturang di-materyal.

_____ 10. Ang baro’t saya ay halimbawa ng kulturang materyal.

Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na

modyul.