on devotees

8
Tomo XXIX Bilang 3 38 STEVEN ENCARNACION On Devotees foreword by Janssen Dale Cunanan photo essay

Upload: steven-reyes-encarnacion

Post on 03-Sep-2015

235 views

Category:

Documents


0 download

DESCRIPTION

On Devotees

TRANSCRIPT

  • Tomo XXIX Bilang 3

    38

    STEVEN ENCARNACION

    On Devoteesforeword by Janssen Dale Cunanan

    photo essay

  • 39

    Malate Literary Folio

    Sa paghuhulma ng realidad ay nauuna ang paningin kaysa ang salita. Sa mga mata unang madadatnan ng isang indibidwal ang mundong kinabibilangan at ang kalayaang kasama nito. Ngunit tulad ng lumang alegorya, madalas ay nalilinlang tayo ng mga aninong lumililim sa atin sa liwanag. Bilang mga nilalang na nakagapos sa kakayahang umalam o umiiral lamang dahil sa kaalaman nito bibigyan natin ng kahulugan ang mundo ng anino, gamit ang salita. Marahil ay may katotohanan nga ang sinabi ng psychoanalyst na si Julia Kristeva na naka-angkla ang paniniwala sa salita at ang sarili sa paniniwala, kaya kahit na lumapit pa ang ibang liwanag sa atin ay di natin ito agarang nililingon. Dito pumapasok ang ambag ni Steven Encarnacion na seryeng On Devotees na binubuo ng mga retratong kinuha noong bumisita ang Santo Papa at noong Pista ng Itim na Nazareno. Nakahanap siya ng liwanag hindi sa umaakong tagapagbasbas nito kung di sa mismong mga taong naroon sa ngalan man ng relihiyon, panatismo, tungkulin o pagkakataon. Ang puwang sa gitna ng Santo Papa o itim na Nazareno at sa mga taong pangunahing paksa ng mga retrato ay nagsilbing constraint ni Encarnacion sa pagpapaliwanag ng sariling interpretasyon ng mga naganap. Sa pormang documentarian photography naman ay ihiniwalay niya ang serye sa politika at relihiyon upang mailagay sa sentro ang tao bilang naniniwalang nilalang. Paniniwala sa modang tulad nang binanggit ni Voltaire sa kanyang liham,my interest in believing in something is not a proof of this things existence. Tulad ng alegorya ay may tanikala ring nakapulupot sa ating katawan sa anyo ng trabaho, politika, pananampalataya at tradisyon. Inalalapit ng mga retrato ni Encarnacion ang mga natagpuan niyang liwanag sa panahon ng mga anino at dilim.

  • Tomo XXIX Bilang 3

    40

  • Malate Literary Folio

    41

  • Tomo XXIX Bilang 3

    42

  • Malate Literary Folio

    43

  • Tomo XXIX Bilang 3

    44

  • Malate Literary Folio

    45