okra.indd 1 6/15/2020 1:27:19 am

5
1 Okra.indd 1 6/15/2020 1:27:19 AM

Upload: others

Post on 03-Nov-2021

2 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Okra.indd 1 6/15/2020 1:27:19 AM

11

Okra.indd 1 6/15/2020 1:27:19 AM

Page 2: Okra.indd 1 6/15/2020 1:27:19 AM

MGA GABAY SA WASTONG PRODUKSYON NG OKRA2 32 | MGA GABAY SA WASTONG PRODUKSYON NG OKRA 3

Ang okra ay maaaring mabuhay sa iba’t-ibang uri ng lupa, subalit para makakuha ng mataas na ani, itanim sa lupang silty o sandy na may maayos na organikong pataba sa lupa at may maayos na patubig o well-drained na lupa. Ang okra ay nabubuhay sa mainit na panahon.

Pumili ng barayti na tumutubo sa lokal na kondisyon, matibay sa peste at sakit, at mataas ang pangangailangan sa pamilihan para makuha ang mataas na kita.

Mahalaga ang paglalagay ng pataba sa halaman. Para masiguro kung tama ang uri at dami ng patabang ilalagay, mas mahalaga na ang lupa ay naipasuri o soil analysis. Subalit kung hindi naipasuri ang lupang taniman maaaring gamitin ang mga sumusunod na rekomendasyon:

Ang okra ay karaniwang itinatanim ng direkta sa bukid. Ito ay nangangailangan ng tatlong kilo ng buto sa bawat isang ektaryang taniman. Para makuha ang magandang pagtubo ng halaman, ibabad ng magdamag ang binhi bago itanim.

Itanim ang okra sa mamasa-masang lupa na ang dami ay dalawa hanggang tatlong buto sa bawat tundos ng may pagitan na 30 sentimetro at dalawa hanggang limang sentimetro na lalim. Magtanim ulit kung may mga tundos na hindi tumubo ang buto tatlong araw matapos tumubo ang naunang itinanim.

OKRAAng okra ay nabubuhay sa mainit na panahon at ito ay kabilang sa annual crop o maaaring itanim sa loob ng isang taon. Ito ay popular sa Pilipinas, at nakapagbibigay ng malaking kita. Ang bunga ay maaaring ilaga, salad, iprito kasama ng iba pang gulay at isda. Ito ay isa sa sangkap ng kilalang Ilokano pinakbet. Ang okra ay nagtataglay ng vitamin A, protein, calcium, fats, potassium, phosphorous, iron, at carbohydrates.

Maliban sa mga sustansyang taglay ng okra, ito ay maaaring panggamot sa stomach ulcer, inflammation of lungs, colitis, at sore throat.

Halos kalahati ng bunga ay soluble fiber (in the form of gums and pectins). Ang soluble fiber ay tumutulong para pababain ang serum cholesterol. Ang kalahating insoluble fiber ay nakakatulong sa pagiging malusog ng intestine at nakapagbabawas ng pagkakaroon ng cancer ng tao at ng colorectal cancer. Ang kalahating tasa ng lutong okra ay nagtataglay ng halos 10% na nirerekomendang Vitamin B6 at folic.

Karaniwan ang okra ay itinatanim para pagkain ng pamilya. Subalit ang pagtatanim nito ng maramihan ay maaaring makapagbibigay ng pang isang taong kita ng pamilya.

KINAKAILANGANG URING LUPA AT KLIMA

PAGPILI NG BARAYTI

PAGHAHANDA NG LUPA

• Maglagay ng 6-10 bag ng complete fertilizer (14-14-14) at 10 bag ng organikong pataba sa bawat ektarya. Maglagay ng pataba sa tudling at tabunan ng pinong lupa.

• Sidedress - maglagay ng urea 30 araw matapos itanim 10 gramo o isang kutsarita bawat tundos.

PAGTATANIM

Okra.indd 2-3 6/15/2020 1:27:19 AM

Page 3: Okra.indd 1 6/15/2020 1:27:19 AM

MGA GABAY SA WASTONG PRODUKSYON NG OKRA4 54 | MGA GABAY SA WASTONG PRODUKSYON NG OKRA 5

Ang tubig ay mahalaga sa pag-aalaga ng halaman. Magpatubig o diligan ang halaman sa panahon na ang lupa ay tuyo na at nalalanta na ang halaman. Gumamit ng patubig gamit ang furrow irrigation at kung maaari, 7-14 araw depende sa panahon at uri ng lupa. Magbawas ng dalawang halaman sa bawat tundos 15 araw matapos itanim. Tanggalin ang mga bansot at may sakit na halaman at iwan lamang ang malulusog.

Off-bar- Ito ay ginagawa 15 araw matapos itong tumubo at para mabawasan ang pagtubo ng damo.

Hill-up- Ito ay ginawa sa loob ng isang buwan matapos tumubo o 15 araw matapos mag off-baring para matabunan ang puno ng halaman. Bunutin ang mga damo sa pagitan ng mga halaman.

Ang okra ay karaniwang matibay sa peste at sakit. Subalit, mainam na madalas obserbahan ang mga tanim para makasiguro na ang halaman ay walang peste.

Ang ratooning ay ang pagbabawas ng matatandang puno para dumami ang sanga at magkaroon ng bagong suwi.

Ito ay ginagawa upang mabawasan ang gastos. Matapos ang anihan, putulin ang sanga at mag-iwan ng isang talampakan magmula sa lupa.

Ang okra ay nagsisimulang mamulaklak 40-75 araw matapos itanim. Ang murang bunga ay maaaring anihin apat hanggang anim na araw makalipas mamulaklak. Anihin lamang ang mga bunga na may sukat na tatlo hanggang apat na pulgada na may dalawa hanggang tatlong araw ang pagitan. Anihin sa umaga o sa hapon para mapanatili ang pagiging sariwa ang bunga.

PAGPAPATUBIG

PAGBUBUNGAKAL AT PAGDADAMO

PAMAMAHALAN SA SAKIT AT PESTE

RATOONING (Opsyonal)

PAG-AANI AT MAKATAPOS-ANING GAWAIN

Ang pinaka karaniwang peste ng okra ay cotton stainer at stink bug. Ang karaniwang sakit ay cercospora blight, powdery mildew, fruit rot at root knot nematode.

Panatilihin ang mga kalinisan para maiwasan ang pagkakaroon ng peste at sakit.

Pinagkunan ng larawan: https://www.freepik.com

Pinagkunan ng larawan: https://www.freepik.com

Okra.indd 4-5 6/15/2020 1:27:19 AM

Page 4: Okra.indd 1 6/15/2020 1:27:19 AM

MGA GABAY SA WASTONG PRODUKSYON NG OKRA6 76 | MGA GABAY SA WASTONG PRODUKSYON NG OKRA 7

Ang isang ektarya ay makapagbibigay ng ani na 18-25 toneladang bunga ng okra.

Ang magandang kalidad na ani ay magkakaroon ng magandang presyo. Ihiwalay ang bunga na may mga sira at sakit.

Ilagay ang bunga ng okra sa mga lalagyan tulad ng basket na kahoy, polyethylene bag, box o sa crates na may sapin na saha ng saging o diyaryo upang maiwasan na masira. Huwag masyadong punuuin ang lalagyan para maiwasan ang pagkasiksik na magdudulot ng pagkasira nito.

MGA BARAYTI NG OKRA

BARAYTIBUNGA PINAGMULAN/

BRAND

PAGKAHINOG(araw matapos

itanim)KATANGIAN

KULAY HUGIS

Diwata Creamy White Pentagonal but ridge are not so pronounced Pilpinas Kaneko 60 Maaaring itanim sa

lahat ng panahon

Smooth Green Dark Green Tapered round slender Pilipinas

Kaneko 55-60 Maaaring itanim sa lahat ng panahon

Holiday Dark Green Pentagonal Pilipinas Kaneko 45

Maaaring itanim sa lahat ng panahon; Lowland

Okra Green Light

Very Light Green Slender Pilipinas

Kaneko 45-50

Magandang itanim sa loob ng isang taon; makinis at walang balahibo ang bunga

Paraluman Light green to yellow green Relatively slender UPLB 55-60 Maaaring itanim sa

lahat ng panahon

Smooth Green EW

Bright Green Slender Round East-West Seed Company 50

Maaaring itanim sa lahat ng panahon; Lowland

Camiling Smooth

Bright Green Slender Allied Botanical 40-50 Pantay ang paglaki ng halaman

Okra.indd 6-7 6/15/2020 1:27:20 AM

Page 5: Okra.indd 1 6/15/2020 1:27:19 AM

MGA GABAY SA WASTONG PRODUKSYON NG OKRA8 8 | MGA GABAY SA WASTONG PRODUKSYON NG OKRA

Okra.indd 8 6/15/2020 1:27:21 AM