nutrition month script 2014

Upload: hercules-verdeflor-valenzuela

Post on 12-Oct-2015

635 views

Category:

Documents


25 download

DESCRIPTION

nutrition month 2014

TRANSCRIPT

Jocelyn: Kumain ng masustansya para lumakas ang resistensya sa panahon ng emerhensya, sakuna o kalamidad.Daniel: Tama ka dyan Jocelyn sa pagkain ng masustansyat sapat ano mang kalamidad walang binabat

Jocelyn: Higit sa lahat Daniel, ang pagkain ng masustansyag gulay at prutas ay dapat ugaliin araw araw.

Jocelyn at Daniel: Isang mapagpalang umaga sa inyong lahat! Maligayang panonood ng ating programa ng Nutrition Month 2014.Jocelyn: Tumayo po tayong lahat para sa panalangin na pangungunahan ni Rona Granadozin ng unang grupo.

Daniel: Manatiling nakatayo para ating awitin ang Pambansang Awit sa kumpas ni Jamaica Sabangan ng ikalawang grupo.

Jocelyn: Maraming Salamat Rhona at Jamaica ! Para magbigay ng pambungad na mensahe tawagin natin si Kimberly Ramos ang pangulo ng Grade Six mercury.Daniel: Salamat Kimberly! Tiyak na mangingibabaw ang mga palakpakan at hiyawan sa susunod na bahagi ng ating palatuntunan! Kayat wag nang patumpik tumpik pa at atin ng simulan ang programa.

Jocelyn: Sa puntong ito ay panoorin natin ang mga pinaghandaang pampasiglang bilang ng bawat grupo.

Daniel: Paano ba natin makikita na tayo ay masigla at maindak? Para handugan tayo ng isang maindak at masiglang bilang narito ang unang grupo.

Jocelyn: Ngayon naman magpapasikat ang ikalawang grupo sa kanilang pinaghandaang ikalawang bilang.Daniel: Sa puntong ito, panoorin natin ang pinaghandaang dula-dulaan ng mga piling mag-aaral ng ikalimang grupo.

Jocelyn: Hindi naman magpapahuli ang ika-aapat na grupo para magpamalas ng kanilang galing.

Daniel: Tunghayan naman natin ngayon ang mga natatanging mag-aaral ng ika-anim na grupo para sa sabayang bigkas ng tulang pinamagatang Buwan ng Nutrisyon.

Jocelyn: Maraming salamat. At ngayon para ianunsyo ang mga nanalong kalahok sa ibat ibang patimpalak at para ipaabot ang kanyang pasasalamat narito si G. HERCULES V. VALENZUELA, JR guro sa ikaanim na baitang at tagapayo ng six mercury. Bigyan natin siya ng masigabong palakpakan

Daniel: Binabati namin ang lahat ng nagsipagwagi! Ang pagpapahalaga natin sa kalusugan ay hindi lamang sa loob ng paaralan.

Jocelyn: Ipagpatuloy natin ang ating pagtangkilik sa wastong nutrisyon sa ating pang-araw-araw na buhay at sa loob at labas ng ating tahanan. Dito nagwawakas ang ating munting palatuntunan. Daniel: Ako po si Daniel Smith PeregrinoJocelyn: at Ako po si Jocelyn Serrano

Daniel at Jocelyn: Maraming salamat at mabuhay ang Nutrition Month