nlex harbor link segment 10, solusyon sa trapiko sa...

6
BALITANG NLEX-SCTEX VOLUME 15 ISSUE 1 2019 PAHINA 12 PAHINA 10 PAHINA 9 PAHINA 5 PAHINA 2 MGA BAGAY NA HINDI MAGAGAWA SA PANAGBENGA FESTIVAL HANDOG NG NLEX ROAD WARRIORS CISCO: PARTNER SA MAGINHAWANG BIYAHE NASA HULI ANG SISI GOLD ANVIL PARA SA NLEXPRESS NLEX HARBOR LINK SEGMENT 10, SOLUSYON SA TRAPIKO SA METRO MANILA S a pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency (JICA) noong nakaraang taon, ang Pilipinas ay nalulugi ng P3.5 bilyon kada araw dahil sa traffic congestion. Kaya naman isinusulong ng gobyerno ang “Build Build Build” program, katuwang ang mga pribadong sektor gaya ng NLEX Corporation, upang gumawa ng mga bagong imprastrakturang makapagpapaluwag sa daloy ng trapiko. sundan sa pahina 2 ni Micah Aquino 2 Isa sa mga tinitingnang solusyon sa lumalalang problema sa traffic ay ang NLEX Harbor Link Segment 10, ang 5.65 elevated expressway na bumabagtas sa MacArthur Highway sa Valenzuela City, Governor Pascual Avenue sa Malabon City, C3 Road sa Caloocan City at kalauna’y palalawigin ng 2.6-kilometro hanggang R10 sa Navotas City. Inaasahang magiging madali na ang pagpunta sa mga pangunahing lugar sa Metro Manila mula sa mga probinsya sa norte ngayong napapakinabangan na ng publiko ang proyektong ito. Kamakailan lamang ay pina- ngunahan ng mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at NLEX Corporation ang ceremonial drive-thru sa kahabaan ng NLEX Harbor Link Segment 10, bilang hudyat ng pagbubukas ng elevated expressway. Malaking kaluwagan sa EDSA at C5 ang dulot ng NLEX Harbor Link Segment 10 dahil ang mga pribadong sasakyan at trak ay direktang nakakabiyahe na mula sa Manila Port patungong North at Central Luzon. Mas magiging produktibo na rin ang bawat motorista at commuter dahil sa ligtas at maayos na biyaheng hatid ng NLEX Harbor Link Segment 10. Kasama rin sa benepisyo ng imprastrakturang tulad nito ang pagkakaroon ng savings sa travel time at maintenance cost ng mga sasakyan dahil sa mabilis na biyahe at smooth na kalsada. Bukod pa rito, nakikita rin na magiging daan ito upang umusbong ang mga bagong growth center at makatutulong din sa pagpapalakas o pagpapaunlad ng mga negosyo, sapagkat bibilis at magiging episyente ang paghahatid ng mga produktong galing sa probinsya na dinadala naman sa iba’t ibang lugar sa Maynila. NLEX HARBOR LINK SEGMENT 10, SOLUSYON SA TRAPIKO SA METRO MANILA (MULA SA PAHINA 1) P atuloy na umaani ng parangal ang NLEX Corporation para sa communication at corporate social responsibility programs ng kumpanya. Sa katunayan ay dalawang tropeo na naman ang nakamit nito sa katatapos lamang na 54th Anvil Awards. Iginagawad taun-taon ng Public Relations Society of the Philippines (PRSP), ang Anvil Awards ay ibinibigay sa mga outstanding public relations programs, campaigns, at tools ng mga pribado at pampublikong sektor. Ayon kay NLEX Corporation Senior Vice President for Communication and Stakeholder Management Romulo Quimbo Jr., “Isang malaking karangalan para sa amin ang mabigyan ng ganitong award. Ang parangal na ito ay nag- papatunay sa aming pag- sisikap na makapagbigay ng quality service sa aming mga customer sa pamamagitan ng relevant programs.” Nagkamit ang NLEX ng Gold Anvil para sa NLEXpress, ang diyaryong naglalayong maihatid ang safe at smart driving advocacy ng kumpanya sa mga motorista ng NLEX-SCTEX. Mula noong 2018 ay binigyan ng bagong bihis ang NLEXpress upang makasabay sa rebranding ng kumpanya at matugunan ang tumataas na expectation ng mga customer. Ang bago at pinahusay na GOLD ANVIL NLEX, MULING PINARANGALAN SA ANVIL AWARDS PARA SA NLEXPRESS Micah AQUINO NLEXpress ay puno ng mga istorya tungkol sa mga proyekto ng NLEX, road safety tips, travel ideas, at features sa mga public transport and truck drivers at kanilang mga kumpanya. Nanalo naman ng Silver Anvil ang CSR pogram na “NLEX- SCTEX Basketboys – Basketball Clinics and Tournament” dahil sa pagtataguyod ng wellness at basketball skills enhancement at pagtuturo ng road safety practices sa mga kabataan ng NLEX-SCTEX host communities. Ang programa ay naipatupad sa tulong ng mga coach at manlalaro ng NLEX Road Warriors (NRW) na pinamumunuan ni assistant coach Jojo Lastimosa. Ibinahagi ng NRW ang kanilang kaalaman sa basketball sa pamamagitan ng pagsa- sagawa ng basketball clinics sa mga kalahok mula sa iba't ibang mga komunidad ng NLEX-SCTEX. Para naman kay NLEX Corporation President and General Manager Luigi Bautista, "Ang mga parangal tulad nito ay nagsisilbing inspirasyon sa amin upang patuloy na unahin ang kapakanan ng aming mga customer at patuloy na lumikha ng makabuluhang programa para sa mga motorista ng NLEX-SCTEX at sa mga komunidad na aming pinagsisilbihan,” Sa kasalukuyan, ang NLEX Corporation ay mayroong 16 Anvil awards kasama ang Grand Anvil noong 2006 para sa Integrated Communication Program para sa New North Luzon Expressway.

Upload: others

Post on 09-Sep-2019

6 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: NLEX HARBOR LINK SEGMENT 10, SOLUSYON SA TRAPIKO SA …nlex.com.ph/newsite2/wp-content/uploads/2019/04/NLEXpress-newsletter-V... · lugar sa Metro Manila mula sa mga probinsya sa

BALITANG NLEX-SCTEX

VOLUME 15 ISSUE 1 2019

PAHINA 12PAHINA 10PAHINA 9PAHINA 5PAHINA 2

MGA BAGAY NA HINDI MAGAGAWA SA PANAGBENGA FESTIVAL

HANDOG NG NLEX ROAD WARRIORS

CISCO: PARTNER SA MAGINHAWANG BIYAHE

NASA HULI ANG SISI

GOLD ANVIL PARA SA NLEXPRESS

NLEX HARBOR LINK SEGMENT 10, SOLUSYON SA TRAPIKO SA METRO MANILA

Sa pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency (JICA) noong

nakaraang taon, ang Pilipinas ay nalulugi ng P3.5 bilyon kada araw dahil sa traffic congestion. Kaya naman isinusulong ng gobyerno ang “Build Build Build” program, katuwang ang mga pribadong sektor gaya ng NLEX Corporation, upang gumawa ng mga bagong imprastrakturang makapagpapaluwag sa daloy ng trapiko.

sundan sa pahina 2

ni Micah Aquino

2Isa sa mga tinitingnang solusyon

sa lumalalang problema sa traffic ay ang NLEX Harbor Link Segment 10, ang 5.65 elevated expressway na bumabagtas sa MacArthur Highway sa Valenzuela City, Governor Pascual Avenue sa Malabon City, C3 Road sa Caloocan City at kalauna’y palalawigin ng 2.6-kilometro hanggang R10 sa Navotas City.

Inaasahang magiging madali na ang pagpunta sa mga pangunahing lugar sa Metro Manila mula sa mga probinsya sa norte ngayong napapakinabangan na ng publiko ang proyektong ito.

Kamakailan lamang ay pina-

ngunahan ng mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at NLEX Corporation ang ceremonial drive-thru sa kahabaan ng NLEX Harbor Link Segment 10, bilang hudyat ng pagbubukas ng elevated expressway.

Malaking kaluwagan sa EDSA at C5 ang dulot ng NLEX Harbor Link Segment 10 dahil ang mga pribadong sasakyan at trak ay direktang nakakabiyahe na mula sa Manila Port patungong North at Central Luzon.

Mas magiging produktibo na rin ang bawat motorista at commuter dahil sa ligtas at maayos na

biyaheng hatid ng NLEX Harbor Link Segment 10.

Kasama rin sa benepisyo ng imprastrakturang tulad nito ang pagkakaroon ng savings sa travel time at maintenance cost ng mga sasakyan dahil sa mabilis na biyahe at smooth na kalsada.

Bukod pa rito, nakikita rin na magiging daan ito upang umusbong ang mga bagong growth center at makatutulong din sa pagpapalakas o pagpapaunlad ng mga negosyo, sapagkat bibilis at magiging episyente ang paghahatid ng mga produktong galing sa probinsya na dinadala naman sa iba’t ibang lugar sa Maynila.

NLEX HARBOR LINK SEGMENT 10, S O L U S Y O N S A T R A P I K O S A M E T R O M A N I L A

(MULA SA PAHINA 1)

Patuloy na umaani ng parangal ang NLEX Corporation para

sa communication at corporate social responsibility programs ng kumpanya. Sa katunayan ay dalawang tropeo na naman ang nakamit nito sa katatapos lamang na 54th Anvil Awards.

Iginagawad taun-taon ng Public Relations Society of the Philippines (PRSP), ang Anvil Awards ay ibinibigay sa mga outstanding public relations programs, campaigns, at tools ng mga pribado at pampublikong sektor.

Ayon kay NLEX Corporation Senior Vice President for Communication and Stakeholder Management R o m u l o Q u i m b o Jr., “Isang m a l a k i n g k a r a n g a l a n para sa amin ang mabigyan ng ganitong award. Ang parangal na ito ay nag-papatunay sa aming pag-sisikap na makapagbigay ng quality service sa aming mga customer sa pamamagitan ng relevant programs.”

Nagkamit ang NLEX ng Gold Anvil para sa NLEXpress, ang diyaryong naglalayong maihatid ang safe at smart driving advocacy ng kumpanya sa mga motorista ng NLEX-SCTEX.

Mula noong 2018 ay binigyan ng bagong bihis ang NLEXpress upang makasabay sa rebranding ng kumpanya at matugunan ang tumataas na expectation ng mga customer.

Ang bago at pinahusay na

GOLD ANVILN L E X , M U L I N G P I N A R A N G A L A N S A A N V I L AWA R D S

PARA SA NLEXPRESSMicah

AQUINO

NLEXpress ay puno ng mga istorya tungkol sa mga proyekto ng NLEX, road safety tips, travel ideas, at features sa mga public transport and truck drivers at kanilang mga kumpanya.

Nanalo naman ng Silver Anvil ang CSR pogram na “NLEX-SCTEX Basketboys – Basketball Clinics and Tournament” dahil sa pagtataguyod ng wellness at basketball skills enhancement at pagtuturo ng road safety practices sa mga kabataan ng NLEX-SCTEX host communities.

Ang programa ay naipatupad sa tulong ng mga coach at manlalaro ng NLEX Road Warriors (NRW) na pinamumunuan ni assistant coach Jojo Lastimosa. Ibinahagi ng NRW ang kanilang kaalaman sa

basketball sa pamamagitan ng pagsa-sagawa ng b a s k e t b a l l clinics sa mga kalahok mula sa iba't ibang mga komunidad ng NLEX-SCTEX.

Para naman kay NLEX Corporation

President and General Manager Luigi Bautista, "Ang mga parangal tulad nito ay nagsisilbing inspirasyon sa amin upang patuloy na unahin ang kapakanan ng aming mga customer at patuloy na lumikha ng makabuluhang programa para sa mga motorista ng NLEX-SCTEX at sa mga komunidad na aming pinagsisilbihan,”

Sa kasalukuyan, ang NLEX Corporation ay mayroong 16 Anvil awards kasama ang Grand Anvil noong 2006 para sa Integrated Communication Program para sa New North Luzon Expressway.

Page 2: NLEX HARBOR LINK SEGMENT 10, SOLUSYON SA TRAPIKO SA …nlex.com.ph/newsite2/wp-content/uploads/2019/04/NLEXpress-newsletter-V... · lugar sa Metro Manila mula sa mga probinsya sa

STOPOVERBA

LITAN

G NLE

X-SC

TEX 3

B A L A N C E Mabilis na transaksyon sa

lane, walang mahabang pila, maginhawa at tuloy-tuloy na biyahe ay ilan sa mga dahilan kung bakit maraming motorista ang gumagamit ng Easytrip RFID sticker at tag.

Ang bawat toll plaza ay mayroong designated lane para sa mga Easytrip RFID sticker at tag user, malaking tulong ito upang makaiwas sa paghihintay sa pila para magbayad ng toll fee lalo na tuwing rush hour. Sa pagpasok sa Easytrip lane, makikita sa bandang kaliwa ng lane ang Toll Fare Indicator. Bago makita ang toll fee, ipapakita muna ang load balance, ito ang balanse ng inyong account nung huling nakaraang daan.

Green Light – ang iyong load ay higit pa sa minimum at maintaining balance na itinakda para sa iyong easytrip rfid sticker/tag. Mabilis at banayad na makakadaan.

Low Balance – maaaring may sapat pang load upang makadaan ngunit kinakailangan ng mag reload agad para sa susunod na transaksyon.

Red Light – Payment rejected o wala nang sapat na load para makadaan. Magiging sanhi ito ng abala sa inyo at pati na rin sa mga kasunod na motorista lalo na sa Easytrip lane.

Ugaliin na pagtuunan ng pansin ang mga nakalagay sa toll fare indicator upang malaman ang balanse ng inyong account.

Kung may sapat na load pa ang inyong account ngunit nagkakaroon pa rin ng concern sa inyong rfid o tag, mainam na bumisita o magpunta sa pinakamalapit na Customer Service Center upang ipa-check ito. Maaari ding tumawag sa Easytrip Hotline (02) 555-7575 for assistance.

Isang paalala na laging maging handa, ugaliing mag-check ng load balance para sa mas mabilis at payapang paglalakbay. Patuloy po kaming magsasagawa ng mga paraan upang mas lalo pa kayong mabigyan ng pang world class na serbisyo. Salamat po! Ingat po!

C H E C K Y O U RAyra

CAÑETE

ALWAYS CHECK YOUR BALANCEAND RELOAD SUFFICIENTLY

FEEDBACKNakapila sa toll plaza ng Mindanao

Avenue ang sasakyang lulan sina Mr. Serrano nang ma-flat ang gulong nito. Mabuti na lamang ay tinulungan sila ng isang NLEX security personnel na itabi ang sasakyan sa isang ligtas na lugar. Matapos nito, sinabihan sila ng security na may pupuntang patrol upang sila ay tulungan. Laking tuwa ng motorista nang sa loob lamang ng ilang minuto ay rumesponde na ang naturang patrol.

Magalang at malugod silang tinulungan ni Patrol Officer Rodel Mabunga. At matapos nga ang halos 30 minuto ay naayos din ang pagpapalit ng kanilang gulong. Sa tuwa at pasasalamat sa nangyari, ninais bigyan ni

DITO SA NLEX, ALAGA KA!ni Santa Mallari

Mr. Serrano ng kahit pangmeryenda ang ating patrol, subalit tinanggihan niya ito. Sa halip, magalang nitong sinabi,"trabaho po namin ang makatulong sa mga motoristang bumibiyahe dito sa NLEX-SCTEX."

Lubos ang pasasalamat ni Mr. Serrano sa ating kasamahang patrol pati na sa security personnel na umalalay sa kanya. “Hinahangaan ko silang dalawa sa kanilang pagiging magalang, propesyonal, at walang

pag-aatubiling pagtulong sa mga motorista.”

Sa ating security personnel at patrol officer Rodel Mabunga, ipagpatuloy n’yo po ang paggawa ng mabuti mga Sir! Malaking thumbs up para sa inyo!

MPTC President and CEO Rodrigo E. FrancoNLEX Corp. President and General Manager J. Luigi L. Bautista

Senior Vice President Romulo S. Quimbo Jr.Executive Editor Kit S. VenturaEditor-in-Chief Mary Ann B. Tolentino

Managing Editors Micah Aquino | Jenna AngelesCreative & Research Jenna Angeles

Contributors Belle Bugador | Donnah Gianan | Thomas Geronimo | Cranie Miranda | Angelito Flores | Emma Marie Crisostomo | Liezel Uy | Santa Mallari | Reggie Macapagal | Rodenie Sevilla | Cherry dela Rea | Bernadette Balitian | Michael Mallari | Warren Celestino | Romy Calventas | Jericho Mercado | Jose Sales | Leigh Randall Cruz | Ayra Cañete | Alan Cariño | Ma. Rhea Rose N. Santos | Jacklyn Danielle S. Eserjose | Airyn Gimeno | Guillermo de Guzman | Rodel Basco | Mike Torres | Rick Pagkalinawan | Daniel Tolentino | May Molina

TUMAWAG SA: NLEX-SCTEX Hotline (02) 3-5000SUMULAT SA: Editor, NLEXPRESS Operations & Management

Center, Km. 12, Balintawak, NLEX Caloocan City, 14007th Floor, Locsin Building, Dela Rosa corner Legazpi Sts.,

Legazpi Village, 0721 Makati Cityo mag-email sa [email protected]

4TUMINGIN NG DIRETSO. I-CHECK ANG KALIWA’T KANAN. LINAWAN ANG MGA MATA.

ni Romy Calventas

Hanapin ang mga sumusunod na festival sa

Northern Luzon.

WORD HUNT

NLEXPRESS IS A MONTHLY PUBLICATION OF NLEX CORPORATION

O PANAGBENGA O PISTAY DAYAT O BANGUS O GALICAYO O MANGO BAMBOO O DINENGDENG O PAMULINAWEN O ANI O DINAKLISAN O KANGAYEDAN

B P O N T K D C N K A O D R S I C E

S H A G A L I C A Y O H E K D O I P

E O T N O A E L C B T S B A D A F R

N Y S I A U B G M I P A V N L O F E

W A E V N G N A T Y M R L G W R A K

M N C P R E B D A I T I V A K A R R

H I W N X O W E A H G N K Y M N T V

N R S D G N E A N B H E C E A R G I

T T E N P V T T N G O K I D G B N F

H P A G I E S H N I A U P A A P I C

E M H G I L C I F F L R T N H I G A

V D I N A K L I S A N U G S F A R N

H E N R O A D N A R R U M S B N E R

E P T A Y A D Y A T S I P A L S M D

M H T A N O I T C E R I D N P N E R

L O L D I N E N G D E N G G R S M K

N T Y T E F A S R O F U V I R D D V

T D A E H A N O I T C E S R E T N I

Page 3: NLEX HARBOR LINK SEGMENT 10, SOLUSYON SA TRAPIKO SA …nlex.com.ph/newsite2/wp-content/uploads/2019/04/NLEXpress-newsletter-V... · lugar sa Metro Manila mula sa mga probinsya sa

USAPANG DRIVERBUHA

Y DRIV

ER5

Ang maging katangi-tangi sa larangan ng transportasyon

at makapagbigay ng tinatawag na “Cisco experience” sa bawat pasahero ang pangunahing layunin ng Luzon Cisco Transport Inc.

Sa kasalukuyan, ang Luzon Cisco Transport Inc. ay bumibiyahe sa mga ruta ng Cabanatuan, Talugtog at Guimba Nueva Ecija, San Fabian, Manaoag at Alaminos, Pangasinan at Sta. Cruz, Zambales via Alaminos, Pangasinan.

Dahil mahalaga sa Cisco ang bawat pasahero, dalawa sa pinakamahahalangang serbisyong kaloob nila ang maging LIGTAS at MAGINHAWA ang biyahe mula sa pinanggalingan hanggang sa patutunguhan ng bawat pasahero.

Sa pagsisimula ng 2018 ay natapos ang pagpapatayo ng mga bagong terminal sa probinsiya na may maayos at malinis na pasilidad gaya ng Comfort Rooms at Waiting Area.

Isa rin ang patuloy na implementasyon ng programang “EDGE” o Enjoy a Delightful and Great Experience, na kung saan hinuhubog ang lahat ng empleyado lalo na ang mga drayber, konduktor at terminal officers ng Cisco sa maayos, masaya at mataas-na-antas ng pakikipag-ugnayan at pag-asikaso sa mga pasahero.

Nakatutok din ang pamunuan ng Cisco na siguruhing ligtas ang bawat biyahe ng bus. Ilan sa kanilang programa sa pagpapanatiling SAFE

ang kanilang biyahe ay ang kada buwan na pagsailalim sa training, seminar at orientation ang bawat drayber patungkol sa maayos at ligtas na pagmamaneho. Nilagyan din lahat ng kanilang mga bus ng speed monitoring or tracking device (GPS) at dashcam upang masigurong sinusunod ang wastong pagmamaneho.

May nakatakdang iskedyul naman ang bawat bus na sumailalim sa regular na Preventive Maintenance at ang pagsailim bago bumiyahe ng mga bus sa Pre-departure Inspection na ginagampanan ng mga magagaling na mekaniko.

Nagdaan man ang mga taon, hindi tumitigil ang kumpanya sa kanilang pananaliksik at pagpapaunlad ng serbisyo, sang-ayon na rin sa vision nitong na maging customer-driven transportation at magkaroon ng value-oriented innovation leaders.

Sa katunayan, ang Luzon Cisco Transport Inc. ay nakatanggap na ng Driver Professionalism NLEXcellence Award noong 2014 at Service Excellence Company NLEXcellence Award noong 2017 mula sa Manila North Tollways (MNTC) na ngayon ay NLEX Corporation na.

Ang patuloy na pagtangkilik ng mga pasahero ang siyang nagiging inspirayon ng pamunuan ng Luzon Cisco Transport upang makapagdulot ng maaasahan at kakaibang serbisyo at maging partner sa ligtas, maaasahan at maayos na paglalakbay.

CISCO:ANG INYONG PARTNER S A L I G T A S A T MAGINHAWANG BIYAHEni Jenna Angeles

6Isa sa pinakamatamis na selebrasyon na hinihintay

nating mga Pilipino ay ang Valentine’s day. Kung sa iba ay ibig ng mabura sa kalendaryo ang buwan ng Pebrero dahil sa kanilang heartbreak, ang iba naman ay abalang-abala sa paghahanda kung saan magdiriwang. Para sa dalawang pusong nagmamahalan, importante ang buwan na ito. Kaya naman nagtanong kami sa ating mga mahal na motorista kung saan nga bang lugar sa Norte nila gustong dalhin ang kanilang asawa/girlfriend/partner o kabiyak ng kanilang puso ngayong buwan ng mga puso upang makapagbonding o date?

“Mag swimming kami sa Tarlac ng Misis ko.”

– DENNIS, CLASS 3 DRIVER,HERCO TRADING

"Masarap kung sa Pagudpod kami pupunta etong February.”

– JEFFREY, CLASS 3 DRIVER,CDC COMPANY

“Gusto kong makipag-bonding sa asawa ko sa Tarlac ngayong buwan ng mga puso.”

– LANDO, CLASS 3 DRIVER,ZALDY MAR COMPANY

“Sa buwan ng mga puso, balak naming mag beach sa La Union.”

– ELMER, CLASS 3 DRIVER,CARPEL COMPANY

“Sa Nueva Ecija ko gustong dalhin ang asawa ko para makapag swimming.”

– JOHN REY, CLASS 2 DRIVER,RAP CONSTRUCTION AND SUPPLY

“Sa Baguio ko gustong dalhin ang asawa ko dahil tiyak na malamig dun pag February.”

– JOHN, CLASS 1 DRIVER,KRON ENTERPRISES

"Masarap ang simoy ng hangin sa mga beach sa Pangasinan.”

– ROMMEL, CLASS 3 DRIVER,FPJ PALISOC COMPANY

"Gusto kong dalhin ang misis ko sa La Union upang mag-celebrate sa buwan ng mga puso.”

– NOEL, CLASS 3 DRIVER,SMB COMPANY

"Gusto ko sana sa Subic para makaamoy ng fresh air sa beach.”

– PARIS, CLASS 3 DRIVER,STEEL COMPANY

“Sa Subic beach ko balak dalhin ang misis ko.”

– BINOY, CLASS 2 DRIVER, FCC TRUCKING

"Baguio, para malamig ang lugar ng date namin.”

– ALBERT, CLASS 3 DRIVER, GMPI COMPANY

"Saan pa ba kundi sa malamig na Baguio.”

– OLIVER, CLASS 2 DRIVER,HARBEST COMPANY

“Dahil mainit ang pagmamahalan namin ni misis, sa Baguio na malamig ko dadalhin.”

– ROLANDO, CLASS 2 DRIVER,HICOR COMPANY

“Hundred Islands ko pangarap dalhin ang asawa ko.”

– NOLI, CLASS 2 DRIVER,VICTORIA COMPANY

"Sa Subic masarap mag relax sa beach.”

– REYNALDO, CLASS 2 DRIVER,MEAT DEALER

BUWAN NG MGA PUSO GET-AWAY: TARA NA SA NORTE!!!Leigh Randall

KING-CRUZ

Page 4: NLEX HARBOR LINK SEGMENT 10, SOLUSYON SA TRAPIKO SA …nlex.com.ph/newsite2/wp-content/uploads/2019/04/NLEXpress-newsletter-V... · lugar sa Metro Manila mula sa mga probinsya sa

KALIGTASAN SA DAANBU

HAY D

RIVER

Wang, wang - hudyat na may daraang ambulansya na maghahatid sa mga pasyente patungong ospital.

SONNY POLICARPIO:

7

Pangkaraniwan na ang sitwasyon gaya ng emergency, malubhang

kalagayan, checkup, o transfer ng pasyente para kay G. Sonny Policarpio. Ang ginoo ay may asawa’t tatlong anak na kasalukuyang residente ng Prenza, Marilao.

Mula sa pagiging garbage collector sa ilalim ng General Service Office (GSO) ng munisipyo ng Marilao, hindi nagtagal ay nailipat

siya sa clerical office work. At noong 2004 ay naging ganap na nga siyang driver ng ambulansya.

Ayon kay Sir Sonny, agaran umano silang rumeresponde sa tawag ng GSO para sa mga pasyente, lalo na sa mga residente ng Marilao na kinakailangang maihatid sa ospital. Malubha man o hindi, libre itong tinutugunan ng lokal na pamahalaan ng nasabing bayan.

Halos labing-apat na taon nang nasa serbisyo si G. Policarpio at masaya niyong ginagampanan ang kanyang tungkulin at pinaglilingkuran ang kaniyang mga kababayan. Hiling lamang niya sa publiko at kapwa motorista ay ang labis na pag-unawa at pabibigay-daan sa kanila sa tuwing tumutunog na ang wang-wang ng sirena dahil buhay ng tao ang lagi nilang dala-dala.

JoseSALES

SERBISYO PUBLIKO PARA SA KAPWA PILIPINO

8 Kung mapagmasid po tayo sa lahat

ng signages ng NLEX at SCTEX ay mapapansin natin itong partikular na sign na ito na ang sinasabi ay “Exit Speed 40 kph.” Madali lang itong unawain ngunit madalas naman itong hindi sinusunod.

Ang “Exit Speed 40 kph” na signage na ito ay napakahalaga sapagka’t ito ay regulasyon na dapat sundin kapag ikaw ay nasa deceleration lane na kabilang sa tinatawag nating Traffic Discipline Zone.

Paalala ito na dapat ka nang magbagal dahil paparating ka na sa isang plaza na may nakatigil na iba pang motoristang nagbabayad sa teller.

Marami tayong deceleration lanes, bawat exit at bawat gasolinahan sa loob ng NLEX at SCTEX ay mayroong deceleration lanes. Ang deceleration lane ay ang lane na dadaanan mo kapag gusto mo nang umexit sa isang particular na destinasyon. Sa

Alam mo ba ang mga dapat gawin kung ikaw ay na-involve

sa isang vehicular accident? Anu-ano ba mga dapat isaalang-alang kung nangyari sa iyo ito? Sino ang iyong mga tatawagan? Ano ang mga papeles o dokumento na kailangan mong ihanda? Ilan lamang ito sa mga katanungang ating sasagutin.

1. Huwag mataranta. I-check ang kalagayan ng iyong

sarili at ng iyong pasahero. Bilang driver ay tungkulin mong tiyakin ang kaligtasan ng iyong mga pasahero. Kung may mga nangangailangan ng pangunang lunas o mas higit pa ay agad na tumawag nang tulong. Huwag gagalawin ang pasaherong may injury. Ipaubaya ito sa mga ekperto. Sa NLEX at SCTEX ay maaaring tawagan ang Hotline (02) 3-5000.

2. Tingnan ang paligid. Pagdating sa ganitong aksidente,

karaniwan nang hindi agad ginagalaw o inaalis ang sasakyan hangga’t wala ang traffic enforcer na mag-iimbestiga. Ngunit kung delikado ang inyong lokasyon ay makabubuting lumipat sa ligtas na lugar o kaya ay maglagay agad ng mga early warning device para mabigyang babala ang mga parating na sasakyan. Kung minor lang naman ang damage ng inyong sasakyan at nakapagdudulot kayo

Mag-road trip, ‘yan ang isa sa mga paborito nating gawing

mga Pinoy. Kahit na anong panahon, basta’t naisipan at nagkasama-sama, ay nagbabalak magbiyahe kasama ang barkada, pamilya, o maging mga kasamahan sa trabaho.

Kadalasan tuwing Sabado o Linggo ng umaga ay pumupunta sa simbahan ng Manaoag o sa Monasterio de Tarlac upang magsimba at pumasyal na rin

TAMPOK NA SIGNAGE

ON LONG DRIVING

ni Warren E. Celestino

ni Alan Cariño

mga deceleration lanes din mismo maraming naaaksidente dahil sa hindi pagbagal ng takbo ng sasakyan sa loob nito. Kadalasan kasi, ang disenyo ng ating mga exits ay paliko, paikot o “loop” kung kaya’t nabibigla ang mga motorista at nawawalan ng control kapag sila ay umeexit nang hindi nagbabagal. Itong “Exit Speed 40KPH na ating tampok na signage ay nababagay na i-apply na disiplina sa mga Deceleration lanes. Dapat itong sundin upang makaiwas sa aksidente at damage to property.

Kaya tandaan, kapag nasa loob ng Deceleration lane, sundin lang ang sinasabi ng ating tampok na signage upang makatiyak na makaka-exit tayo ng safe at at walang aberya at gastos sanhi ng posibleng damage to property.

Salamat po sa mga susunod dito. Have a safe and enjoyable trip.

pagkatapos ng misa. May iba naman sa atin na malayo pa ay inaalam na ang long weekends upang makapag-road trip.

Para sa ating mga Pilipino, ang pagro-road trip ay isang form ng bonding time para makapagsama-sama at mag-enjoy. Ngunit bago tayo magbiyahe, narito ang ilang tips na dapat tandaan:1. Siguraduhin na ang sasakyang

gagamitin ay nasa kondisyon. Siguraduhing nasa tamang

kundisyon ang sasakyan na iyong gagamitin sa pagbiyahe dahil dito nakasalalay kung magiging maayos ang ating bakasyon o kung maiiwan tayo sa gilid ng kalsada dahil sa papunta pa lamang ay nasira na ang sasakyan.

Bago o lumang sasakyan man ang gagamitin sa malayuang biyahe, ‘wag kalimutan na i-check ang battery, lights, oil, water, brakes, air at gas (BLOWBAG) nito. Walang pinipiling estado sa buhay ang

paglo-long drive maging mayaman o mahirap, jeep o van man na nirentahan ang gamit. Bukod sa kondisyon ng sasakyan ay dapat din na kumportable ito sa malayong biyahe. Kung maramihan, mas maganda kung mga passenger van ang gagamitin.

2. Tiyakin na may listahan ng emergency numbers.

Alamin ang mga emergency number na maaaring kailanganin sa ating mahabang pagbiyahe katulad ng Philippine National Police Hotline na 117. Mga numero ng mga kalsada at tollroads na ating daraanan katulad ng NLEX at SCTEX Hotline (02) 3-5000, MMDA number (02) 882-4151 at maging ang mga numero ng Automobile Association of the Philippines o AAP towing service (02) 705-3333 at (02) 723-0808.

3. Alamin ang daan at ang mga hintuan. Dapat ay may travel plan.

Bago umalis ay dapat na napag-

aralan na ang daraanang ruta. Dapat ay may travel plan kung saan hihinto upang magpahinga, kumain, bumili, umihi o magkarga ng gasolina. Ang travel plan na ito ay mas mainam kung ipapaalam sa lahat ng sakay para mapaghandaan.

Para sa mga first timer sa pupuntahang lugar, maaaring gumamit ng “Waze” mobile application upang malaman ang pinakamalapit o maging ang pinakamabilis na ruta patungo sa destinasyon at nang hindi maligaw o lumagpas sa pupuntahan.

4. Magload at i-full charge ang phone.

Mahalaga na siguraduhin na may load at full charge ang phone upang magamit ang mga mobile app na kakailanganin sa biyahe at makatawag sa emergency hotlines kung sakaling magkaroon ng problema sa kalsada. Magbaon din ng cell phone charger o power bank lalo na kung ilang araw magbabakasyon.

5. Magbaon ng snacks, gadgets, toiletries, water etc.

Magbaon ng snacks upang hindi magutom habang nagbibiyahe. Mahalaga ring magbaon ng toiletries katulad ng alcohol, wet wipes, tissue, liquid soap at iba pa upang handa kung sakaling ang mga restroom na mahihintuan ay wala nito. Magdala ng mga mapaglilibangan

lalo na kung may mga kasamang bata upang hindi mainip sa mahabang biyahe.

Ngunit mainam pa rin na samantalahin natin ang panahong ito upang makapag-kwentuhan at gawing memorable ang road trip.

As a famous quote goes,

“It’s about the journey, not the destination.”

“Nabangga ka na ba? O binangga ka na ba?”

AKSIDENTE BA KAMO?

ng abala sa ibang motorista ay mas magandang igilid o itabi na agad ang inyong sasakyan. Siguraduhin lamang na nakuhan ninyo ng picture ang lahat ng anggulo ng banggaan.

3. Ihanda ang mga dokumento.Kunin at ihanda ang OR/CR ng

inyong sasakyan gayundin ang inyong lisensya. Siguraduhing updated ang mga ito at hindi paso o expired.

4. Maging mahinahon. Kapag dumating ng ang mga

Patrol ng NLEX/ SCTEX ay ibigay agad ang inyong lisensya at OR/CR. Isalaysay ng buo at tapat kung paano nangyari ang aksidente. Pakinggang mabuti ang mga sasabihin ng Patrol o Imbestigador. Huwag daanin sa init ng ulo. Kalma lang. Lahat ng bagay ay nadadaan sa maayos na paraan.

Ang pagiging defensive driver ay malaking tulong upang makaiwas sa aksidente. Sundin ang mga batas trapiko. Panatilihing nasa takdang tulin ang inyong sasakyan. Maging mahinahon at huwag maging kaskasero. Iwasan ang paglipat-lipat nang linya at i-maintain ang safe distance sa kasunod na sasakyan. Higit sa lahat, isaalang-alang ang kaligtasan mo, ng iyong mga pasahero at ng ibang motoristang gumagamit ng kalsada.

ni Rodenie Sevilla

Page 5: NLEX HARBOR LINK SEGMENT 10, SOLUSYON SA TRAPIKO SA …nlex.com.ph/newsite2/wp-content/uploads/2019/04/NLEXpress-newsletter-V... · lugar sa Metro Manila mula sa mga probinsya sa

KOMUNIDADKA

LIGTA

SAN

SA DA

AN10

N atapos na ang kapaskuhan, panahong pinakahihintay

ng nakararami lalo na ng mga bata dahil ang selebrasyong ito ay isa sa pinakamasaya at pinakamahabang panahon na ipinagdiriwang nating mga Pilipino, nasaan mang parte ng mundo. Ito rin ang panahon ng pagbibigayan at pasasalamat dahil sa pagdiriwang ng kapanganakan ng ating Panginoong Hesu-Kristo. Sa panahong ito ay lalo nating damang-dama ang pagmamahalan at punung-puno ng kagalakan ang puso ng bawat isa.

Kaya naman, muling isinagawa ng NLEX Corporation noong nakaraang taon ang nakagawian at nakasanayang taunang tradisyon tuwing kapaskuhan, ang “Pamaskong Handog” para sa ilang mga residenteng nasasakupan ng NLEX at SCTEX. Taun-taon ay hinahandugan ng NLEX ang mga kapatid nito na Aeta community mula sa Sitio Pastolan, Hermosa at Villa Maria, Inararo, Porac. Nakilahok din ang ilang players

mula sa NLEX Road Warriors at ang Head Coach nito na si Yeng Guiao sa gift giving activity na ginanap naman sa Barangay Sapang Bato, Angeles, Pampanga. Nakiisa sila sa pagbibigay ng mga regalo at nakilaro rin sa mga fun games kasama ng mga bata. Kasama din ang mga volunteer employees mula sa NLEX na walang sawang nakikiisa sa taunang

programa na ito. Nagkaroon rin ng maikling programa at magic show na talaga namang kinalugdan ng bawat dumalo lalo na ng mga bata.

May kabuuang 850 na mga bata ang nabigyan ng pamaskong regalo gaya ng laruan at chocolates at 500 na pamilya ang nakatanggap ng basket ng grocery na pandagdag sa kanilang Noche Buena. Naghandog din ang NLEX ng kaunting meryenda para sa kanila. Malaki ang naging pasasalamat ng bawat isa sa NLEX Corporation dahil malaking bagay para sa kanila ang mabisita at mahandugan ng munting regalo tuwing kapaskuhan.

Tunay na napakasarap magbigay at tumulong sa ating kapwa. Nakakataba ng puso na makita silang punung-puno ng kagalakan at di maalis na ngiti sa kanilang mga labi. Sabi nga “Sharing is Caring”, kaya’t ipagpatuloy natin ang pagtulong at paggawa ng mabuti sa ating kapwa, hindi lamang tuwing kapaskuhan kundi sa bawat araw na dumaraan.

PAGBIBIGAYAN

9Ang Traffic Control Room (TCR)

ang nagsisilbing mata, tenga, at command center sa kahabaan ng NLEX at SCTEX. Ito ay manned 24 hours a day ng mga TCR Specialists at Supervisor. Sinisigurado ng mga taga-TCR na mapanatiling smooth and fast ang daloy ng trapiko sa ating mga expressway.

Kung sakaling mayroong ma-monitor at matanggap na report tungkol sa traffic build up, insidente, at mga motoristang nangangailangan ng tulong, ang mga taga-TCR ay handang mag-deploy ng assistance sa site katulad ng patrol, towing, recovery, ambulansya, fire truck at iba pa. Nakikipag-ugnayan din sila sa ating LGU partners kagaya ng PNP, BFP, at traffic enforcement agencies.

Upang masiguro ang safety at security sa kalsada, minomonitor sa TCR ang higit 100 CCTVs sa kahabaan ng NLEX at SCTEX at madadagdagan pa ang mga ito ngayong taon. Mayroon ding two-way radio communication,

Enjoy na enjoy si Kobe sa pagdungaw sa bintana ng likod

ng kotse habang bumabaybay sa kahabaan ng expressway. Mabilis kasi at maginhawa ang daloy ng trapiko sa NLEX. Di pansin ng drayber at may ari na nasa harapan na nakalundag na mula sa bintana si Kobe. Pagbagsak sa kalsada, gumulong at nakatakbo papunta sa kanal ng NLEX, eksakto namang nadaanan ng NLEX Roadway Security Patrol si Kobe at nailigtas.

Pagdating ng may-ari at drayber sa exit ng Tollgate, huli na nang malaman nila na nawawala si Kobe, ang alagang Labrador. Problemang malaki ito, isusumpa ako ng bunsong anak ko,” sabi ng may-ari ng aso. Humingi sila ng tulong sa guwardiya sa Toll Plaza at mabilis na naibalik ang alagang Labrador na isa sa mga pinaka-maharot at malambing na lahi ng mga aso.

Maraming beses na ang ganitong parehong pangyayari. May nakawala na alaga sa sasakyan habang ang mga taong lulan nito ay pumarada sa gasolinahan. Ang pamunuan ng NLEX at SCTEX, sa pamamagitan ng Traffic and Security patrol nito ay sadyang mga “animal lovers.” Kahit nandiyan ang peligrong makagat ay hindi nila magawang magbulag-bulagan at hindi mailigtas ang mga alagang hayop na nakawala. Ang Security Operations

Ang TCG hit ay isang insidente na karaniwang naitatala at

nagaganap sa mga toll plaza o lane. Ito ay ang hindi sinasadyang pagtama o pagbangga ng isang sasakyan sa boom gate ng isang toll lane.

Ang bakal na harang na ito ay tinatawag na Traffic Control Gate (TCG) na siyang nagbibigay babala at senyales na kailangang huminto ang isang sasakyan para kumuha ng tiket o para magbayad. Ito ay otomatikong nakababa kung ikaw ay kukuha ng tiket sa entry o magbabayad at kusang tataas kung ikaw ay nakakuha na ng tiket o kung ikaw ay nakabayad na ng toll fee.

Ano nga ba ang dahilan bakit nagkakaroon ng TCG hit? Base sa mga salaysay ng mga driver na nakaranas na nito, may nagsasabing hindi kumagat ang preno, meron ding nagsasabing hindi nila napansin ang harang at meron ding nagsasabing hindi nila alam na kailangang huminto. Ayon sa mga datos ng mga insidente/aksidente at kung susuriing mabuti ang mga camera(cctv) ng mga plaza, tailgating ang pangunahing dahilan kung bakit nagkakaroon ng TCG hit. Ang tailgating ay isang violation sa Repuplic Act 4136 (R.A. 4136) na ipinagbabawal ang sobrang lapit na distansya ng isang sasakyan sa sinusundang sasakyang sa unahan dahil maaaring mabangga ito kung sakaling ito ay biglang huminto.

Ganito rin ang nangyayari sa mga toll plaza kung saan dahil sa sobrang tutok nang isang sasakyan sa naunang sasakyan ay kaagad nila itong sinusundan at hindi muna nila hinahayaang bumaba ang boom gate kaya nababangga nila ito. Abala at maaari pang matiketan (TOP) ang driver kapag nangyari ito, maaari ding may bayaran kung sakaling may nasira sa TCG (damage to property).

Ugaliing mag-maintain ng sapat na distansya (one car apart) sa sinusundang sasakyan para iwas abala.

telephone lines at mobile phones para mas effective at mabilis ang komunikasyon sa loob at labas ng nasabing command center. Kasama rin sa ginagawa ng mga taga-TCR ang pag-monitor ng patrol vehicles na equipped naman ng GPS locators upang mas madaling ma-locate at agad na makaresponde sa anumang sitwasyon. Ang TCR personnel din ang naglalagay ng advisories na makikita sa ating mga Variable Message Sign (VMS) at maging sa Twitter account ng NLEX at SCTEX (@NLEXexpressways).

Bukod sa mga nasabing features at high tech na mga equipment na nakalagay sa TCR at mga expressway, ang lubos na maipagmamalaki namin sa NLEX at SCTEX ay ang TUNAY NA MALASAKIT. Malasakit sa lahat ng mga motoristang bumabaybay sa expressway at ang pagtulong na walang hinihintay na kapalit. Salamat at ingat po palagi sa byahe! Mahal po namin kayo!

TRAFFIC CONTROL ROOMni Liezel Uy

Section ng NLEX at SCTEX naman ay palaging may contact sa mga malalapit na animal shelters at maging sa Philippine Animal Welfare Society (PAWS), isang NGO na laging handa para sa kapakanan ng mga hayop.

Mahanap o makita man ang nakawalang alaga, may bitbit na itong trauma kung wala mang pisikal na sugat. Isang emosyonal na karamdaman na maaaring maka-apekto sa ating mahal na mahal na alaga. Ingatan natin lagi ang mga ito sa ating pagbiyahe. Mga anak na nga ang turing natin sa kanila.

Maging sa may-ari, trauma at hinagpis din ang pagkawala ng kanilang mga alaga. Isa din itong paglabag sa pinaigting na “Animal Welfare Law o Republic Act 8485 as amended by RA 10631.” Huwag nating isantabi ang batas na ito, makapangyarihang batas na may kasamang multa na libu-libong piso at pagkakulong. Hindi lang taga Gobyerno ang maaaring magpatupad ng batas na ito, pwede din ang mga deputized agent gaya ng PAWS na may malasakit sa mga hayop.

Sulitin natin ang masarap at ligtas na biyahe sa NLEX-SCTEX, maging responsible at maingat sa mga binibiyaheng alagang hayop. Pansamantalang itali o ilagay sa “pet cage,” kay dali di ba?

NASA HULI ANG SISI

TCGHIT-TAIL GATING

SA LANEni Reggie G. Macapagal

ni Jeck Mercado

Page 6: NLEX HARBOR LINK SEGMENT 10, SOLUSYON SA TRAPIKO SA …nlex.com.ph/newsite2/wp-content/uploads/2019/04/NLEXpress-newsletter-V... · lugar sa Metro Manila mula sa mga probinsya sa

BIYAHENG NORTEKO

MUNI

DAD

Napapaisip ka na ba kung sasama ka sa mga barkada

mong nag-aayang manood ng Panagbenga Festival?

Maaari mo naman silang pagbigyan pero bago mo ibigay ang iyong "yes" vote, narito ang mga bagay na HINDI mo pwedeng gawin kapag sumama ka sa naturang festival:1. Magkulong sa kwarto o

magmukmok - Oo nga at malamig sa Baguio, sakto kung gusto mo mag-emote. Pero, ang Panangbenga ay isa sa pinakamakulay, magarbo at masayang festival sa Pilipinas. Kung may Rose Parade sa Disneyland, sa Panagbenga, hindi lang rose ang mayroon kundi iba't ibang klase at kulay ng mga bulaklak. Mayroong hinubog para maging higanteng paru-paro, bubuyog, karuwahe, at iba pang mga hugis. Sa sobrang ganda nilang lahat hindi mo maiisip mag-emote. Sino bang hindi napapasaya ng mga bulaklak?

2. Mag-hunger strike - Kung may masidhi kang ipinaglalaban at balak mong ipakita ito sa madla sa pamamagitan ng isang hunger strike, sorry,

Ang iconic na Ibon-Ebon Festival ay ginaganap

sa unang linggo ng Pebrero taun-taon sa pagdating ng libu-libong mga ibon mula sa mahaba nilang paglalakbay. Ang selebrasyong ito ay masasabing kamangha-mangha dahil sa maramihang pagbisita ng iba’t ibang uri ng migratory birds sa Candaba na mula pa sa Russia at ilang bahagi ng East Asia. Ang “Candaba Swamp” ang nagsisilbing tahanan ng mga ibong ito para sa panahon ng taglamig. Makukulay at maririkit, ang mga ibon ay kinaaaliwan ng mga Kapampangan at mga turistang dumarayo sa lugar upang masaksihan ang ‘di pangkaraniwang sanktuwaryo ng mga ibong ito na tila nagtatanghal sa kanilang sabay-sabay na paghuni at paglipad.

Bilang masiglang paanyaya sa lahat, ang mga taga-Candaba

12

mabibigo ka lang at hindi mo yan magagawa sa Baguio, lalo na sa Panagbenga Festival. Kabi-kabila ang mga kainan; may lutong Pinoy, Korean, Japanese, Italian, pang-Vegetarian, mamili ka. May lutong sosyal, mayroon din namang street foods. Mamili ka. Hindi mo kakayanin magpaka-gutom sa panahong ito.

3. Gumastos nang higit sa iyong budget - Hindi mo kailangang problemahin kung saang hotel o bahay ka tutuloy. Maraming transient houses sa Baguio na abot-kaya ng iyong bulsa. Mas masaya nga kung kasama mo ang barkada o ang buong pamilya para may kahati ka sa bayad. Marami ring tindahan sa Baguio at mas lalo pa silang dumadami tuwing Panagbenga. Tiyak kasing maraming turista ang mamimili ng mga pasalubong at souvenirs. Papahuli ka ba?

4. Magalit sa mundo - marami ka mang issue sa buhay o mga tinatagong galit sa kapit-bahay mong tsismosa, lahat ng ‘yan ay mabubura sa oras na mapanood mo

ang parada ng Panagbenga. Imposibleng hindi ka mapa-indak sa saya ng mga tugtugin ng mga floats na kasali sa parada. Mag-abang ka ring mabuti, baka nakasakay dun ang iniidolo mong artista o beauty queen. Ngiti ka naman at maki-kaway, ihanda na rin ang cellphone mong pang-picture.

5. Magsisi kung bakit ka nakiisa sa Panagbenga Festival - ito na ata ang hinding-hindi mo magagawa sa tanang buhay mo. Iba pa rin ang ganda ng mga bulaklak kung personal mo itong makikita, kaysa sa picture lang. Pansinin mo rin ang bawat detalye ng mga naggagandahang floats. Imposibleng hindi ka mamangha sa husay ng pagkakagawa. Kung may iniisip kang proyekto, maaring paghugutan mo iyon ng inspirasyon. Sulitin mo ang experience mo

sa Baguio. May nagsabi na ba sa’ yo na nagsisi sila matapos makisaya sa Panagbenga Festival? Di ba, wala.

MGA BAGAY NA HINDI MAGAGAWA SA PANAGBENGA FESTIVAL

ni Belle Bugador

ay bumuo ng iba’t ibang programa para mas mabigyang pansin ang kakaiba nilang pista. Ginaganap ang taunang streetdance competition tampok ang imitasyon ng mga migratory birds, pagpapalipad ng makukulay na saranggolang dinisenyuhang parang mga ibon, cooking competitions, trade fairs tampok ang mga produkto ng Candaba, at pagtatanghal ng iba’t ibang local artists.

Bukod sa pagpapamalas ng angking ganda ng Candaba, hatid ng Ibon-Ebon Festival ang makabuluhang mensahe ng pagpapalawig ng promosyon ng ecotourism, masaganang produksyon ng itlog mula sa mga bibi, proteksyon ng kalikasan sa kabila ng modernisasyon, at kahalagahan ng mayamang biodiversity para sa ikauunlad ng lahat.

IBON-EBON FIESTA PARA SA MATAYOG NA LIPAD NG CANDABA

Facebook.com/Jhigs Magpayo Alonzo

Blogspot.com/ Shelmar shelmar-amaze.blogspot.com

ni Airyn Gimeno