ng makapangyarihang diyos. - maranathamrc.com ang patutunguhan ng mundo.pdf · digmaan sa iba’t...

16
FILIPINO: “WHAT’S THE WORLD COMING TO?” ANO ANG PATUTUNGUHAN NG MUNDO? Maaaring maraming beses na ninyong naitanong ang katanungang ito. Sa kasalukuyang panahon ang bawat isa’y nagtatanong. Hindi ito maiiwasan. Kunin mo ang iyong pahayagan - ang daigdig ay puno ng krises at kalituhan. Buksan mo ang radyo o telebisyon, at ganoon din - lubos na kaguluhan. At hindi lamang ang pangkaraniwang mga tao ang nakadarama ng pagkabahala sa mga pangyayari at sa kalagayan ng daigdig. Ang ilan sa higit na nakadarama ng matinding kabiguan ay ang mga pinuno ng pamahalaandahil sa hindi malutas na mga suliranin na patuloy pang dumarami. Nangangamba ang mga siyentipiko, nag-aalalang mga magsasaka sa mga nangyayari, ang mga ekonomista’t mga dalubhasa sa ekolohiya ay lagi nang nanghuhula na katapusan na ng daigdig. May suliranin tayo sa implasyon, suliranin sa pananalapi, suliranin dahil sa kakulangan ng pagkain, krises na dala ng maruming kapaligiran, krimen, pagkalulong sa bawal na gamot, pagdagsa ng mga sandatang pandigma, patuloy na labanan sa Gitnang Silangan, mga banta ng digmaan sa iba’t-ibang bahagi ng daigdig, at ang palagiang banta ng pandaigdig na sakunang nukleyar. Nandiyan ang salu-salungat na idolohiya, pagkasira ng kagandahang asal, at ang lantarang pagbibigay - katwiran sa kasamaan, malalaswang babasahin, at pagpatay sa tao. Oo, ito nga ang angkop na Katanungan; “Ano ang patutunguhan ng mundo?” Marami ang nagtatanong, at umiiling, hindi umaasa ng kasagutan. Ngunit mayroong kasagutan, ito’y hindi pala-palagay o hula-hula lamang ng mga tao bagkos ito ay kasagutan na ipinahayag ng Diyos sa Banal na Kasulatan. Maaaring marami ang magwalang bahala sa katotohanan tungkol sa patutunguhan ng daigdig kahit sakaling mapakinggan nila ito. Mukhang mabuti pa na hindi na lang malaman ang mga darating pang mga pangyayari. Ngunit mahalaga na malaman ang katotohanan at makapaghanda - dito nakasalalay ang buhay at kamatayan.

Upload: lybao

Post on 03-Feb-2018

296 views

Category:

Documents


1 download

TRANSCRIPT

Page 1: NG MAKAPANGYARIHANG DIYOS. - maranathamrc.com ANG PATUTUNGUHAN NG MUNDO.pdf · digmaan sa iba’t -ibang bahagi ng daigdig, ... Isinisigaw ng ating mga pahayagan na iniwan na natin

FILIPINO: “WHAT’S THE WORLD COMING TO?”

ANO ANG PATUTUNGUHAN NG MUNDO?

Maaaring maraming beses na ninyong naitanong ang katanungang ito. Sa kasalukuyang panahon ang bawat isa’y nagtatanong. Hindi ito maiiwasan. Kunin mo ang iyong pahayagan - ang daigdig ay puno ng krises at kalituhan. Buksan mo ang radyo o telebisyon, at ganoon din - lubos na kaguluhan. At hindi lamang ang pangkaraniwang mga tao ang nakadarama ng pagkabahala sa mga pangyayari at sa kalagayan ng daigdig. Ang ilan sa higit na nakadarama ng matinding kabiguan ay ang mga pinuno ng pamahalaandahil sa hindi malutas na mga suliranin na patuloy pang dumarami. Nangangamba ang mga siyentipiko, nag-aalalang mga magsasaka sa mga nangyayari, ang mga ekonomista’t mga dalubhasa sa ekolohiya ay lagi nang nanghuhula na katapusan na ng daigdig. May suliranin tayo sa implasyon, suliranin sa pananalapi, suliranin dahil sa kakulangan ng pagkain, krises na dala ng maruming kapaligiran, krimen, pagkalulong sa bawal na gamot, pagdagsa ng mga sandatang pandigma, patuloy na labanan sa Gitnang Silangan, mga banta ng digmaan sa iba’t-ibang bahagi ng daigdig, at ang palagiang banta ng pandaigdig na sakunang nukleyar. Nandiyan ang salu-salungat na idolohiya, pagkasira ng kagandahang asal, at ang lantarang pagbibigay - katwiran sa kasamaan, malalaswang babasahin, at pagpatay sa tao. Oo, ito nga ang angkop na Katanungan; “Ano ang patutunguhan ng mundo?” Marami ang nagtatanong, at umiiling, hindi umaasa ng kasagutan. Ngunit mayroong kasagutan, ito’y hindi pala-palagay o hula-hula lamang ng mga tao bagkos ito ay kasagutan na ipinahayag ng Diyos sa Banal na Kasulatan. Maaaring marami ang magwalang bahala sa katotohanan tungkol sa patutunguhan ng daigdig kahit sakaling mapakinggan nila ito. Mukhang mabuti pa na hindi na lang malaman ang mga darating pang mga pangyayari. Ngunit mahalaga na malaman ang katotohanan at makapaghanda - dito nakasalalay ang buhay at kamatayan.

Page 2: NG MAKAPANGYARIHANG DIYOS. - maranathamrc.com ANG PATUTUNGUHAN NG MUNDO.pdf · digmaan sa iba’t -ibang bahagi ng daigdig, ... Isinisigaw ng ating mga pahayagan na iniwan na natin

Ang katotohanan ay ang daigdig ay patungo sa paghuhukom. Hindi pinababayaan ng Diyos ang daigdig na ito. Hindi Niya tinatalikdan ang Kanyang tungkulin bilang Hari ng Sansinukob, at kahit ipinahintulot Niyang mangyari ang kagulat-gulat na kalagayan ng daigdig sa ngayon, hindi Niya pahihintulutan na manatili ang kasamaan sa daigdig sa habang panahon. Hindi matatagalan at Siya ay tuwirang kikilos upang hatulan ang mundo. Ito’y isang paksa na ayaw bigyang pansin ng mga tae sa kasalukuyan - ang paghuhukom! Pinagtatawanan ng iba ang posibilidad na hahatulan ng Diyos ang mundong ito. Ang iba’y nagwawalang-bahala at ang karamiha’y ayaw makinig ng anuman tungkol dito. “Haharapin namin ito” pangangatwiran nila, “Kung kailan at kung ito ay dumating na.”

Ito’y tiyak na hindi kasiya-siyang paksa - ngunit dahil ANG PANDAIGDIG N A PAGHUHUKOM ay hindi maiiwasan, dapat na hindi lamang natin harapin ito, ngunit dapat tayong M ALIGTAS mula rito. Maraming ulit ng hinatulan ng Diyos ang mga tao’t mga bansa ng nagdaang panahon - tulad ng wasakin Niya ang daigdig sa pamamagitan ng Malaking Baha; ang mga lunsod ng Sodoma at Gomorra sa pamamagitan ng apoy at asupre; ang mga sundalo ng Ehipto sa Dagat na Pula. Hinatulan Niya ang mga lunsod ng Herusalem ng wasakin ito ng Babilonia. Hinatulan Niya si Nabu-codonosor, Dario ng Medya, at si Alexander “the Great”. Sa makabagong panahon ay hinatulan Niya ang napakasamang si Adolf Hitler. Kaya’t ngayon ay bakit iisiping hindi magagawa ng Diyos na muling linisin ang daigdig - ang makabagong daigdig na ito, mahilig mangalunya, mapagsamba sa mga diyos-diyosan - ang daigdig na ito na hibang sa kasiyahan, pag-aabuso sa sarili, karahasan, at walang pagkilala sa Diyos na salinlahi? Isinisigaw ng ating mga pahayagan na iniwan na natin ang Diyos at ibig nating wala na tayong kinalaman sa kanya sa ating lipunan. Ayaw nating makialam ang Diyos sa ating mga buhay. Inalis natin ang Diyos sa ating mga gawain at itinabi natin siya sa isang tabi ng ating mga tahanan. Sinasabi nating, Hindi natin KAILANGAN ANG DIYOS sa mga araw na ito. Tayo ay isang marunong na bansa, isang bansang sanay o dalubhasa sa kamunduhan, tayo ay maunlad. Kahit alam natin na ang Diyos ang siyang may gawa sa PASIMULA ng daigdig, hindi natin mapaniwalaan na SIYA rin ay mayroong magagawa sa KATAPUSAN ng mundong ito. Masyado ng lumawak ang ating karunungan at kakaunti na lamang ang hindi pa natin nalalaman, o ang hindi pa natin natutuklasan. Halos kaya na nating kontrolin ang ating kapaligiran, ang magpasiya kung anong gagamitin nating pamantayan at ang mamahala ng ating mga gawain. Tiyak na hindi na nga natin kailangan ang Banal na Diyos upang sabihin pa sa atin ang ating mga gagawin. Hindi na rin natin kailangan ang impluwensiya ng Bibliya, kahit ito pa ay tinatawag na Salita ng Diyos. Kaya nga’t ginawa natin ang ating mundo na kung ano ito ngayon. Tumutuklas tayo ng higit na maraming paraan ng kalupitan. Sinasabi natin “sagutin ng bawat tao ang kanyang sarili,” at tinalikdan natin ang mga nangangailangan. Ang ating pilosopiya - Mahalin mo ang iyong sarili ng buo mong lakas, lahat ay kunin mo para sa iyo at magpakasiya ka sa mga bagay na ito hangga’t kaya mo, at hayaang ang kapwamo’y mapuntasa impiyerno.” Pakingganmo ang sinasabi ng Diyos sa Ezekiel 9:4,

Page 3: NG MAKAPANGYARIHANG DIYOS. - maranathamrc.com ANG PATUTUNGUHAN NG MUNDO.pdf · digmaan sa iba’t -ibang bahagi ng daigdig, ... Isinisigaw ng ating mga pahayagan na iniwan na natin

Sinabi Niya rito, “Libutin mo ang lunsod ng Herusalem at lagyan mo ng tanda sa noo ang lahat ng

nagdalamhati dahil sa mga kasuklam-suklam na ginawa roon.”

Ilan sa aking mga mambabasa ang nagdalamhati ng dahil sa mga kasamaan sa sarili nilang bayan? Maaari bang ilagay ng Diyos ang Kanyang tanda sa iyo? O ikaw ba’y nasanay na sa mga kasamaan sa iyong kapaligiran at ikaw ay hindi na nayayanig? Ilan sa atin ang nayayamot ang mga kaluluwa sa araw at gabi dahil sa mga karahasan, krimen, pangangalunya diborsiyo, aborsiyon, malalaswang babasahin at panoorin at mga pakikipagtalik sa hindi tama at likas na pamamaraan - ang alingasaw ng kasamaan ng mga bansa na umaabot na sa pang-amoy ng Diyos? Hanggang kailan pipigilin ng Diyos ang pag-huhukom? Oo, pinipigil Niya ito dahil Siya’y matiisin at maawaing Diyos, hindi Niya ibig na ang sinuman ay mapahamak. Ngunit hindi laging magpupumilit sa tao. Ang paghuhukom ay darating!

PAANO HAHATULAN NG DIYOS ANG SANLIBUTAN?

Ito’y hinulaan sa maraming bahagi ng Banal na Kasulatan ... ito ay tinawag na mahigpit na Pag-uusig. Ito ay tinutukoy na araw ng pusikit na kadiliman at kapanglawan. Sinabi ni Malakias na ito ang araw na ang sanlibutan ay masusunog. Ito ang araw ng Panginoon. Maraming bahagi ng Aklat ng Pahayag ang tumutukoy sa panahong ito at tinatawag itong ANG DAKILANG ARAW NG PAGBUBUHOS NG POOT NG MAKAPANGYARIHANG DIYOS. Ito ay paghuhukom na tatagal ng pitong (7) taon. Hindi ito katulad ng iniisip ng ilan na magkakaroon lamang ng kaunting kaguluhan o kahirapan. Ngunit katulad ng sinabi ng Panginoong Hesus, “ito’y MAHIGPITNA PAG-UUSIG nahindi panaganap mula pa ng magsimula ang mundo hanggang sa kasalukuyan, o sa darating pa mang panahon.” Higit pang masama kaysa alin mang nagdaang panahon dahil ang Pag-uusig na ito ay sasakmalin ang buong mundo. Walang makakatakas, ni isa mang bansa, kahit ang pinakamalayong isla. Bawat Bansa, bawat grupo, bawat tao ay hahatulan at ibabagsak ng matinding galit ng Diyos.

Page 4: NG MAKAPANGYARIHANG DIYOS. - maranathamrc.com ANG PATUTUNGUHAN NG MUNDO.pdf · digmaan sa iba’t -ibang bahagi ng daigdig, ... Isinisigaw ng ating mga pahayagan na iniwan na natin

Batay na rin sa Kanyang Salita, sinasabi ko sa inyo, na ang pitong taon ng Mahigpit na Pag-uusig na ito ay high pang kasindak-sindak kaysa sa kalupitan noong unang panahon; higit pang masama kaysa sa pang-aaliping ginawa ng matandang Ehipto; higit pang masama kaysa sa kalupitan noong panahon ng Asiria at ng mga Romano. Ito’y higit pang masama kaysa sa panahon ng paghahari ni Hitler, at ang maramihang pagpatay noong Pangalawang Digmaang Pandaigdig. Higit pa itong masama kaysa sa baha noong panahon ni Noe, ngunit ito’y may katulad na patutunguhan - ang paglilinis sa daigdig at sa masasamang naririto. Ang Pag-uusig na ito ay makikilala dahil sa mga likas na sakuna, ngunit napakatindi ng mga

sakunang ito kaya’t ito’y malalamang gawa ng Diyos - mga LINDOL, BAGYO, TAGTUYOT, SAKIT, mga PESTE. Ang mga uring ito ng sakuna ay kasalukuyan na nating dinaranas, ngunit ang makikita natih ngayon ay paunang tikim pa lang ng mga darating pa. Ang mga trahedyang ito ay magiging bahagi ng paghuhukom.

PANGATLONG DIGMAANG PANDAIGDIG

Page 5: NG MAKAPANGYARIHANG DIYOS. - maranathamrc.com ANG PATUTUNGUHAN NG MUNDO.pdf · digmaan sa iba’t -ibang bahagi ng daigdig, ... Isinisigaw ng ating mga pahayagan na iniwan na natin

Ipahihintulot ng Diyos na ang masasamang tao ay maging kasangkapan din Niya sa paghuhukom. WAWASAKIN NG DIGMAAN ang daigdig. Ang digmaang pandaigdig ay ihinula na magaganap sa panahon ng mahigpit na Pag-uusig, at ipinahihiwatig sa ilang bahagi ng mga hula na ang sandatang nukleyar ay gagamitin sa digmaang ito. Ang ating mga ICBM at MIRV ay maaaring gamitin at ganon din ang nakasisindak na sandatang kimikal, na maaaring makalason sa malaking bahagi ng daigdig. Ngunit salamat sa mapagpigil na kamay ng Panginoon, hindi mapupuksa ang buong mundo. Si Y’shua ang Messiah, (Banal na Hesus), itinuro Niya na ang panahong ito ay paiiksiin - na kung hindi paiiksiin, ay walang matitirang buhay dito sa mundo. (Y’shua ay ang orihinal na Hebrew’ng Pangalan ni Hesus. Ang “Y” ay tumatayong para sa “Yah”, para sa maikling Pangalan ng Diyos - Yahwah. Kung kaya’t minsan ang Y’shua ay ibinabaybay na Yahshua; at kadalasan ay, Yeshua; sa karamihang lenguahe ng Indian ay Yesu or Yeshu). Kasunod ng digmaang pandaigdig ay ang taggutom at mga sakit, at wawasakin nito ang ika-apat na bahagi ng populasyon nangangahulugang hindi kukulangin sa isang bilyong mga tao. Magkakaroon ng malubhang kakapusan sa pagkain, na, ayon sa Isaias 9:20, kakainin ng tao ang laman ng sarili niyang braso. Lalabanan ng mababangis na hayop ang mga tao upang manatiling mabuhay lamang. Ang krimen, karahasan, panggagahasa at pagaabuso sa bawal na gamot ay higit pang magiging kagulatgulat sa panahong iyon kaysa sa ngayon.

ANG KAGULUHAN SA SANSINUKOB

Sinasabi sa mga hula na ang mga ilog at mga karagatan ng daigdig ay malalason, at ilan milyong mga tao ang mamamatay Ang KAGULUHAN SA SANSINUKOB ay pipinsala sa daigdig - ang mga bituin ay babagsak sa kalupaan - maaring tinutukoy nito ay mga bulalakaw - o kaya’y mga sandatang nukleyar na muling papasok sa daigdig. Ihinula ni Joel na magkakaroon ng mga kamangha-manghang bagay sa himpapawid at sa kalupaan, dugo, apoy at hanay ng usok -ang araw ay magdidilim, at ang buwan ay magiging parang dugo sa panahong iyon.

Sinasabi rin sa Pahayag na susunugin ng araw ang kalupaan sa pamamagitan ng matinding init at ang mga tao sa daigdig ay mababalot ng kasuklam-suklam at nakamamatay na mga sugat at mga pigsa. Ang mga bagay na ito ay magiging bahagi ng mga salot na ibubuhos ng Diyos sa daigdig. Lalapastanganin ng mga tao ang Diyos, ngunit hindi sila magsisisi. Marami ang magpapatiwakal. Pakinggan ang nakatatakot na siping ito mula sa hula sa Aklat ng Pahayag 6:12-17.

“At sinira ng Kordero ang pang-anim na tatak. Lumindol nang malakas, ang araw ay naging itim

tulad ng damit na panluksa, naging kasimpula ng dugo ang buwan. 13 Nalaglag mula sa langit ang

Page 6: NG MAKAPANGYARIHANG DIYOS. - maranathamrc.com ANG PATUTUNGUHAN NG MUNDO.pdf · digmaan sa iba’t -ibang bahagi ng daigdig, ... Isinisigaw ng ating mga pahayagan na iniwan na natin

mga bituin, parang mga bubot na bunga ng igos kung binabayo ng malakas na hangin. 14 Nawala

ang langit na gaya ng kasulatang biglang nalulon. at naalis sa kinalalagyan ang mga bundok at mga

pulo. 15 Nagtago sa mga yungib at sa pagitan ng mga bato sa bundok ang mga hari sa lupa, ang

mga maharlika, ang mga pinuno ng hukbo, ang mayayaman, ang makapangyarihan, lahat ng tao,

malaya man o alipin. 16 At sinabi nila sa mga bundok at mga bato, “Tabunan ninyo kami para hindi

namin makita ang mukha ng nakaluklok sa trono, at di madama ang poot ng Koidero! 17 Sapagkat

dumating na ang dakilang araw ng pagbubuhos ng kanilang poot, at sino ang makatatagal?”

ANG ANTI-KRISTO

Ang pitong taong Pag-uusig ay paghaharian ng isang tao na tinatawag nating Ang ANTI-KRISTO. Siya ay tatawagin ding Tao ng kasalanan, ang Anak ng Kapahamakan, at ang Halimaw. Siya ay magiging makapangyarihan at mapang-akit, ngunit siya ay tauhan ni Satanas - ang nagbigay sa kanya ng kapangyarihan ay ang diyablo mismo. Ang Anti-Kristong ito ang magiging kaaway ng Diyos, at siya ay pahihintulutang mamahala sa buong daigdig sa kabuuan ng pangalawang bahagi ng pitong taon. Ang kanyang diktadoryang paghahari ay siyang katakut-takot sa buong karanasan ng daigdig. Katulad ni Hitler, pahihirapan niya at ipapapatay ang milyun-milyong mga Hudyo-ngunit hindi lamang mga Hudyoipapapatay niya ang sinuman at ang bawat tao sa buong daigdig, na hindi magiging matapat sa kanya.

ANG DIGMAAN NG ARMAGEDON

Page 7: NG MAKAPANGYARIHANG DIYOS. - maranathamrc.com ANG PATUTUNGUHAN NG MUNDO.pdf · digmaan sa iba’t -ibang bahagi ng daigdig, ... Isinisigaw ng ating mga pahayagan na iniwan na natin

Ang malupit niyang pamumuno ay matatapos sa Digmaan ng Armagedon, na magaganap sa katapusan ng ika-pitong taon, kung kailan ang Panginoong’Hesu-Kristo ay bababa mula sa kalangitan kasama ang makapangyarihan Niyang mga anghel, na puno ng kapangyarihan at kaluwalhatian. Sa loob ng pitong taong ito ng apokalipsis, wawasakin ng Diyos ang mga tao sa daigdig. Ang lahat ay hahatulan -sapagkat ang Pag-uusig ay ang paghuhukom, at ang panahon ng paglilinis; isang panahong kakila-kilabot, at walang taong nasa matinong pag-iisip ang ibig dumanas nito. Ganoon pa man milyun-milyon, bilyun-bilyong mga tao sa ating kapanahunan ang magdaranas nito, sapagkat ang Pag-uusig ay hindi na matatagalan at magaganap na. Maaaring magsimula ito anumang araw – tunay na makikita na natin ang paghahanda para rito sa ating mga kapaligiran. Panahon na lamang ang hinihintay. Ito’y hindi kathang-isip o teolohiya na inisip ng mga Kristiyano.

Bagkos, ito’y hula ng Bibliya na makailang beses inulit at binigyang diin sa Banal na Kasulatan. Kinukutya ng ilang mga tao ang katotohanang ang Diyos ay makikialam sa mga bagay tungkol sa daigdig, kaya’t kanilang tinatanong, “Nasaan ang ipinangako Niyang pagbabalik?” Ang pangalawang pagbabalik ni Kristo ay ipinangako ng 300 na ulit sa Bibliya at binanggit sa hindi kukulangin sa 1,845 na beses. Ang unang propeta na naghula ng Kanyang pagbabalik ay si Enoc ang ninuno ni Noe. Ito’y ihinula ng maraming manunulat ng Lumang Tipan. At ang Panginoong Hesus mismo ang nangako na Siya’y babalik na muli, at ito’y mababasa natin sa Juan 14:2-3. “Sa bahay ng aking Ama ay maraming silid; kung hindigayon, sinabi ko na sana sa inyo. At

paroroon ako upang ipaghanda ko kayo ng matitirhan. kapag naroroon na ako at naipaghanda na

kayo ng matitirhan, babalik ako at isasama kayo sa kinaroroonan ko.”

Ngayo’y may katanungan, Bakit babalik ang Panginoon sa daigdig? Habang pinag-aaralan ninyo ang mga hula, mala-laman ninyo na may dalawang pangunahing dahilan ang kanyang pagbabalik. 1. Upang iligtas at ilisan ang Kanyang mga tagasunod mula sa daigdig, at 2. Upang linisin ang Kasamaan ng mundong ito. At ito ang katotohanan - Bawat isa sa atin na makabasa ng mensaheng ito, at nabubuhay pa sa panahon ng pagdating ng Panginoon ay may bahaging gagampanan, maaring ito’y sa paglilisan, o sa paglilinis.

ANG PAGPAPALAYA

Ang paglilisan - o ang tinatawag din nating malikmatang pagsalubong sa Panginoon, o ang pag-agaw sa atin ang una munang magaganap. Kukunin ng Panginoon ang kanyang mga tao mula sa daigdig na ito bago sumapit ang Mahigpit na Paguusig. Mababasa natin ito sa 1 Tesalonika 5:9 “Tinawag tayo ng Diyos hindi upang parusahan, kundi upang iligtas sa pamamagitan ng ating

Panginoong Hesu-Kristo.”

Page 8: NG MAKAPANGYARIHANG DIYOS. - maranathamrc.com ANG PATUTUNGUHAN NG MUNDO.pdf · digmaan sa iba’t -ibang bahagi ng daigdig, ... Isinisigaw ng ating mga pahayagan na iniwan na natin

Ang Panginoong Hesus ay nangako sa kanyang mga tagasunod: “Sapagkat tinupad mo ang aking utos ha magtiyaga, iingatan naman kita pagdating ng panahon ng

pagsubok sa lahat ng tao sa buong sanlibutan.” (Pahayag 3:10)

Papaano mangyayari ang paglilikas na ito? Si Apostol Pablo ay nagpaliwanag kung papaano ito magaganap: “Sa araw na yaon, kasabay ng malakas na utos ng tinig ng arkanghel, at ng tunog ng trompeta ng

Diyos, bababa ang Panginoon mula sa langit. Bubuhayin muna ang mga namatay na nananalig kay

Kristo. Pagkatapos, tayong mga nabubuhay pa ay titipunin niya sa ulap at isasama sa mga binuhay

upang salubungin sa papawirin ang Panginoon. Sa gayo’y makakapiling niya tayo

magpakailanman.” (1 Tesalonika 4:16-17)

ANG MULING PAGBABALIK NI HESUS

Ang kahima-himalang pagtitipon Niya sa mga tunay na ipinanganak na muling rnananampalataya upang salubungin si Y’shua (Hesus) ang Mesias sa mga ulap sa Kanyang pagbaba mula sa kalangitan. Maliwanag na ang pag-agaw na ito ay hindi tumutukoy sa kasiglahang espirituwal o kaya’y ang pag-agaw sa ating kaluluwa pagkatapos ng kamatayan. Pagdating ni Hesus, tayo’y aagawin niya at kakatagpuin niya tayo sa papawirin, sa kalawakan at kaagad tayo ay papasok sa kahariang espirituwal - ang tahanan ng Ama - sa maraming silid na ihinanda ng Panginoon para sa mga nananalig sa kanya. Ang paglilisan na ito ay para sa mga mananampalatayang ipinanganak na muli - lahat na mga tunay na tagasunod ng Panginoon - lahat na sinabihan ng Panginoon, “Siya ay aking alagad.” Maaaring itinatanong ninyo, “Papaano maaaring mangyari ito? Papaanong ang mga taong may katawang pisikal ay aagawin patungo sa kalawakan?” Ito ay magagawa tulad ng mababasa natin sa I Korinto 15:51-53; “Pakinggan ninyo ang hiwagang ito: hindi mamamatay ang lahat, ngunit lahat tayo’y babaguhin sa

isang sandali, sa isang kisap-mata kasabay ng huling tunog ng trompeta. Pagtunog ng trompeta, ang

Page 9: NG MAKAPANGYARIHANG DIYOS. - maranathamrc.com ANG PATUTUNGUHAN NG MUNDO.pdf · digmaan sa iba’t -ibang bahagi ng daigdig, ... Isinisigaw ng ating mga pahayagan na iniwan na natin

mga patay ay muling bubuhayin at di na mamamatay. Babaguhin tayong lahat sapagkat itong

katawang nabubulok ay dapat mapalitan ng hindi nabubulok at ang katawang namamatay ng di

namamatay.”

Kaya nga’t ang mga mananampalataya na aagawin tungo sa papawirin ay babaguhin - sila’y magkakaroon ng mga katawan na katulad ng sa Panginoon matapos na Siya’y mabuhay na muli. Bakit kukunin ng Panginoon ang kanyang mga tao? Bakit ililisan Niya ang lahat ng tunay Niyang mga alagad? Ang kasagutan ay ibinigay na - upang iiwas sila sa Mahigpit na Pag-uusig. Ang daigdig ay lilinisin. Ang lahat ng matitira sa daigdig ay huhusgahan. Magsisimula na ang mahigpit at kasindak-sindak na paghuhukom. (Hindi ito ang Dakilang Tronong Puti - ang huling paghuhukom - ito’y ang paghuhukom o paglilinis ng sanlibutan sa loob ng pitong taon - ang “Dakilang araw ng Pagbubuhos ng poot ng makapangyarihang Diyos.”)

GAANO KAIKSI ANG IPAGHIHINTAY NATIN SA PAGBABALIK Nl KR1STO?

Kailan magaganap ang mga bagay na ito? Hindi sinabi sa atin ang oras o taon, ngunit ang mga palatandaan ng kanyang pagdating at ng nalalapit na Mahigpit na Pag-uusig ay nasa inyong mga pahayagan araw-araw. Ang Panginoon ay nagbigay ng maraming tanda kung kailan. Sinabi Niya na ang panahon ng kanyang pagbabalik ay katulad ng kapanahunan ni Noe. Ang kapanahunan ni Noe ay makikilala dahil sa tatlong pangunahing kalagayan ng mga bagay: 1. Ang sanlibutan ay bulok, at ang kaisipan ng mga tao ay patuloy na masama. Sa ngayong panahon ay makikita natin ang pandaigdig na kabulukang politikal, kalikuan ng pag-uugali, at ang kabulukang espirituwal. Sa nakaraang huling sampung taon ay nakita natin ang pagkawasak ng mabuting mga pag-uugali, at ang isipan ng mga tao ay higit na nagiging marumi. Isang magasin ang kamakaiIan ay nagsabi “Kung sa iyong palagay ang Broadway sa kasalukuyan ay kasuklam-suklam, maghintay lang ng sandali, sapagkat ang Hollywood ay gumagawa at nangako ng bagay na higit pang sisindak sa atin.” Hindi! Ang pendulo ay hindi umindayog pabaliktungo sa kalinisan at kagandahang asal, bagkos ang mga tao ay naging biktima ng masama nilang isipan. 2. Noong kapanahunan ni Noe ang daigdig ay puno ng karahasan, katulad din ng sa kasalukuyan. Si Pangulong Ford ay pinayuhan ng kanyang mga punong tagapayo na huwag niyang ipahiwatig na ang krimen ay mapipigilandahil ito’y hindi magagawa. 3. Ang pangatlo, noong panahon ni Noe, ipinagwawalang-bahala ng mga tao ang Diyos; at namumuhay ang mga tao na para bang hindi kailanman darating ang paghuhukom. Nagpapakabusog sila, nag-iinuman, atnagsisipag-asawa. Gano’n din ngayon. Patuloy tayong nagtatayo ng mga lunsod, binabalangkas natin ang ating kinabukasan, at nagsasaya tayo sa kasalukuyan - hindi man lamang natin naiisip na ang mga ito ay maaaring wakasan ngayon ding araw na ito, maaari pang dumating si Hesus habang binabasa mo ang mensaheng ito.

HAHATULAN NG OIYOS ANG MGA MAKASALANAN Hindi magtatagal at ang Panginoong Hesus, ang hinirang na hukom ng Diyos ay makikita mula sa kalangitan na tulad ng nagliliyab na apoy, magbibigay ng mahigpit na parusa doon sa mga hindi nakakikilala sa Diyos at doon sa mga hindi sumusunod sa Ebanghelyo ni Kristo. Huhusgahan Niya ang imoral, at huhusgahan din Niya’yong mga kunwari’y matuwid. Hahatulan Niya yaong mga kasuklam-suklam at palalo. Hahatulan Niya ang mga mily unaryo

Page 10: NG MAKAPANGYARIHANG DIYOS. - maranathamrc.com ANG PATUTUNGUHAN NG MUNDO.pdf · digmaan sa iba’t -ibang bahagi ng daigdig, ... Isinisigaw ng ating mga pahayagan na iniwan na natin

at ganon din ang mga mahihirap. Hahatulan Niya ang mga manginginom, ang mga sugarol, ang mga lulong sa bawal na gamot, ganon din ang mga kagalang-galang, ang mga nasa mataas na antas ng lipunan at ang mga tanyag. Hahotolan Niya ang mga prudyuser ng pelikula at ang mga manonood; ang propesor at ganun din ang mga mag-aaral. Hahatulan din Niya ang mga relihiyoso at ang mga hindi naniniwala sa Diyos; ‘yong mga gumawa ng kabutihang ayon sa sarili nilang katwiran, at ang mga lubos na masasama. Oo, hindi magtatagal at lilinisin ni Hesus ang daigdig na ito -kasing tiyak ng baha ni Noe, at kasing tiyak ng apoy at asupre na nagwasak sa Sodoma at Gomora.

MGA PALATANDAAN NG DARATING NA PAGHUHUKOM Ang mga palatandaan ay nasa ating kapaligiran bilang babala ng darating na paghuhukom - * mgatag-gutom, * mgalindol, * malalakas na bagyo, * mga peste, * suliraning dulot ng karumihan, * suliranin sa bawal na gamot, * ang pagdami ng pangkukulam, * paggamit ng mga lihim na karunungan, * kusang loob na pagsamba kay satanas; * mga madadayang kulto, * mga bulaang propeta; * ang kaguluhan at kalituhan sa mga sentro ng kapangyarihan; * ang pagbabalik ng mga Hudyo sa kanilang lupain sa Israel; * ang patuloy na tunggalian sa Gitnang Silangan, * ang suliranin tungkol sa enerhiya, * ang laganap na kaguluhang pangkabuhayan; * ang pagsulong tungo sa Isang Pandaigdig na Iglesia, * ang Isang Pandaigdig na Pamahalaan; * ang pagkatuklas ng mga sandatang kimikal, * ang paglalagay ng mga sandatang nukleyar sa kalupaan, karagatan at kalawakan; * ang pagdagdag ng pundong gugulin para sa tanggulang bansa; * ang kahandaan ng mga bansa na lusubin ang Israel at maglunsad ng digmaang pandaigdig; * ang lumalawak na bilyun-bilyong dolyar na kalakalan ng mga sandata – ang lahat ng ito ay mga palatandaan ng nalalapit ng pagdating ng Panginoon at ang pagsapit ng mahigpit na Pag-uusig.

Page 11: NG MAKAPANGYARIHANG DIYOS. - maranathamrc.com ANG PATUTUNGUHAN NG MUNDO.pdf · digmaan sa iba’t -ibang bahagi ng daigdig, ... Isinisigaw ng ating mga pahayagan na iniwan na natin

Sa ganang akin, hindi ko ipagtataka kung ang Panginoon ay dumating na bago mo matanggap ang babasahing ito. Maaari rin namang ilang taon pa bago Siya dumating - ngunit panahon na lang ang ating hinihintay. Kung kaya’t isaayos ninyo ang inyong sambahayan - maghanda sa malaking pag lilikas. Ngayo’y tatanungin ko kayo. Sa inyong palagay gaano katagal ng Diyos pipigilin ang paghuhukom? Sa palagay ba ninyo’y nagwawalang bahala ang Diyos sa mga bagay na kasuklamsuklam sa daigdig natin ngayon? Sa palagay ba ninyo’y hindi Niya pinapansin, at hindi Siya mapopoot, hindi lamang sa patuloy na pagdami ng mga Kagulatgulat na Krimen, ng ating karahasan, ng pangangalakal ng bawal na gamot, ng mga pangangalunya at aborsiyon, ng malalaswang babasahin, at ng kalikuan ng mga pag-uugali, kundi ganun din ang ating pagka-mapangsarili, ang lubos na pag-ibig natin sa salapi, ang ating pag kahilig sa kasiyahan, ang kalamigan ng ating kalooban, at ang ating pagwawalang bahala sa Kanya na Diyos? Sinasabi nating nagtitiwala tayo sa Diyos, ngunit aling Diyos ang ating pinaglilingkuran? Ang diyos ng salapi, ang diyos ng siyensiya, ang diyos ng ambisyon, ang diyos ng kasiyahan, o ang diyos ng pag-ibig sa laman? Kung sinasabi nating naglilingkod tayo sa Diyos na Buhay, kilalanin nating ang Anak ng Diyos na si Hesu-Kristo na Siyang babalik na muli anumang araw ngayon, at sa Kanya tayo magbibigay ulat ng ating mga buhay. Kung kaya’t lumapit tayo sa Kanya ng buo nating puso.

MAILILIGTAS NG DIYOS ANG SINUMAN

Dapat ninyong malaman na Hindi ibig ng Diyos na ang sinuman ay mapahamak. Ayaw Niya na ang sinumang tao ay dumanas ng Mahigpit na Pag-uusig. Mahal Niya tayong lahat at hangad Niya ang ating kaligtasan at kabutihan. At kaya Niyang iligtas ang lahat ng lalapit sa Kanya. Maaaring lulong ka sa alak, maaaring lulong ka sa bawal na gamot, maaaring mangangalunya ka, o bakla o tomboy ka, o magnanakaw, o mamamatay - tao sino ka man, ano pa man ang iyong nagawa, aakapin ka ng pag-ibig ng Diyos, kapag iiwan mo ang iyong kasalanan at lalapit ka kay Hesus. Ipinagkaloob na ng Diyos ang kamangha-manghang pagpapalaya at kaligtasan. Ngunit ang mahalagang katanungan ay, ako ba bilang tao, isang tao na minahal ng Panginoon at ibig Niyang iligtas, ay KAKATAGPUIN NIYA at maliligtas sa tiyak na kapahamakan ng

Page 12: NG MAKAPANGYARIHANG DIYOS. - maranathamrc.com ANG PATUTUNGUHAN NG MUNDO.pdf · digmaan sa iba’t -ibang bahagi ng daigdig, ... Isinisigaw ng ating mga pahayagan na iniwan na natin

mundong ito, o ako ba’y MAIIWAN upang magdanas ng matinding hirap sa panahon ng Mahigpit na Pag-uusig. Upang sagutin ang katanungang ito, ang mga tao’y karaniwang tumitingin sa kanilang mga sarili kung gaano sila kabuti o gaano sila kasama. Ngunit kaibigan, hindi sa kung gaano ka kabuti o kasama ang basihan ng iyong pagiging karapat dapat na maging bahagi ng dakilang pagpapalaya, sapagkat ang katotohanan ay kung naaayon sa ating kabutihan ang pagkakaligtas, wala ni isang tao ang maliligtas. Hindi! Ito’y depende sa kung ikaw ay nabibilang sa Panginoong Hesus. Ayaw ng Diyos na ang sinuman ay mapahamak - datapwa’t, milyon-milyon ang magdaranas ng Mahigpit na Pag-uusig dahil hindi nila tatalikdan ang kanilang mga gawi, at lalapit sa Panginoong Hesus. At marami pang iba ang madadaya sa pag-aakalang sila’y ayos lang - samantalang ang katotohanan ay walang espirituwal na buhay sa kanila. At hinahamon kita kagalang-galang, mabait, at palasimbang tao! Tiyak mo bang ikaw ay ipinanganak na muli, at ikaw ay may Espiritu ng Diyos na sumasaiyo? Mayroon bang mahimalang pagbabago sa iyong puso? Tunay bang si Hesus ang iyong Panginoon at Tagapagligtas, iyan ang bagay na mahalaga. Masasabi mo bang “Oo si Hesus ang nasa aking puso. Handa akong katagpuin Siya kung Siya’y dumating ngayon.” Huwag mong ilagay ang iyong tiwala sa pagiging miyembro mo ng iglesya o simbahan. Huwag kang magtiwala sa ginampanan mong seremonyang pang-relihiyon. Huwag mong ilagay ang iyong tiwala sa angkan mong pinagmulan, o kahit pa ang iyong ama ay pastor, o ang iyong lolo ay obispo, o ang iyong pinsan ay pari. At huwag mong ilagay ang iyong tiwala sa salaping ibinibigay mo sa Diyos, o sa mabubuti mong gawa, o sa mabuting paraan ng iyong pamumuhay. Bagkos ilagay mo ang iyong tiwala kay Hesus lam ang. Kung ang iyong buhay ay hindi naaayon sa Diyos, makabubuting isaayos mo ito. Kung ikaw ay nabubuhay para sa mga layaw ng mundo, makabubuting mag-isip kang muli. Kung ikaw ay may idolo sa iyong puso, makabubuting alisin mo ang mga ito. Kung ang iyong puso ay puno ng pagkamakasarili, at inggit, at kasakiman, o pagwawalang bahala sa Diyos, high na makabubuti na siyasatin mo kung tunay kang nabibilang kay Kristo. Kung hindi ka pa handa sa pagbabalik ng Panginoong Hesus, marapat na lumapit ka na sa Panginoong Hesus ngayon din, at makipag-ayos sa Kanya. Kung Hindi mo totohanang masasabi na ikaw ay tunay niyang tagasunod, na sumasaiyo ang Banal na Espiritu, ibig mo bang lumapit sa kanya ngayon din at ialay mo ang iyong buhay para sakanya? Siya’y kahanga-hangang Tagapagligtas. Gagawasiya ng mahimalang Pagbabago sa iyong buhay. Gawin mo lang ito ngayon; Kausapin mo si Hesus at hingin mong pumasok siya sa iyong puso, at siya ang maging Panginoon at Tagapagligtas mo mula sa oras na ito!

ANG IYONG DESISYON ANG MAGPAPASIYA NG IYONG KAHAHANTUNGAN!

At sinabi ng Panginoon, “Hindi ko ipahihintulot na

mabuhay ng matagal ang too...” (Genesis 6:3)

Habang nalalapittayo sa pagdating ng kasukdulan ng daigdig, at ang katapusan ng panahon, nakikita natin ang dalawang malalaking kapangy arihan na nagsusumikap makuha ang isipan at kaluluwa ng mga tao. Sa isang dako ay makikita natin ang mapang-aliping kapangyarihan ni Satanas - ang demonyo. Hindi siya kathang-isip lamang, siya’y tunay. Para bang ang pinakalayunin niya’y ang biguin ang Diyos na mailigtas ang sangkatauhan. Si satanas mismo ay hinatulan na para sa impiyerno. Tiyak na ang kanyang patutunguhan, at alam na alam niya ito. At sa galit niya sa Diyos ay sinisikap niyang ipahamak ang sinumang lalaki, babae, at mga kabataan habang may nalalabi pa siyang panahon.

Page 13: NG MAKAPANGYARIHANG DIYOS. - maranathamrc.com ANG PATUTUNGUHAN NG MUNDO.pdf · digmaan sa iba’t -ibang bahagi ng daigdig, ... Isinisigaw ng ating mga pahayagan na iniwan na natin

Sa kabilang dako, nakikita natin ang mapagpalang gawa ng Diyos, na nagsisikap ilayo ang mga kalalakihan, kababaihan, at mga kabataan mula sa daan na tiyakang hahantong sa walang katapusang kahirapan at kawalang pag-asa. Ang labanan para sa kaluluwa ng sangkatauhan ay Hindi sa pamamagitan ng lakas. Ang Diyos ay makapangyarihan sa lahat at si satanas ay nilalang lamang. Ang pagtutunggaling ito ay nagaganap sa isipan at kaluluwa ng mga tao. Binigyan ng Diyos ang tao ng karapatang gumawa ng sariling kapasiyahan - kalayaang tumanggap ng kanyang alok na pag-ibig - ang Minamahal Niyang Anak. Hindi Niya pipilitin ang sinuman na tanggapin si Kristo bilang Panginoon, at mabuhay na kasama Niya. Ngunit kung talagang ayaw ng sinuman sa Diyos, o sa Kanyang Anak, ibibigay ng Diyos sa kanya ang kalayaang tanggihan ang Kanyang alok - kahit nangangahulugan ito ng pagkawasak ng sinumang tumanggi. Datapwat i pi nangangatwiran ng Diyos sa mga tao ngayon. “Sabihin mong ipinasasabo na Akong si Yahweh, ang buhay na Diyos, ay hindi natutuwa na ang

sinuman ay mamatay sa kanyang kasamaan; ibig kong siya’y magbagong-buhay. Sabihin mo ngang

magbagong buhay sila sapagkat hindi sila dapat mamatay sa kanilang kasamaan.” (Ezekiel 33:11)

Ang pinakadahilan kung bakit inihayag ng Diyos sa Bibliya ang mangyayari sa hinaharap ay upang maliwanag nating makita ang darating na pagbubuhos ng malaking galit ng Diyos, at humingi tayo ng kapatawaran sa Kanya at maliligtas ngayon! “Hanapin si Yahweh samantalang Siya’y iyong makikita. Siya ay tawagan habang malapit pa. Ang

mga gawain ng taong masama ay dapat ng talikdan, at ang mga liko ay dapat magbago na ng maling

isipan. Sila’y manumbalik, lumapit kay Yahweh upang kahabagan at mula sa Diyos matatamo

nila ang kapatawaran.” (Isaias 55:6-7)

Sobra na ang taning para sa paghuhukom sa mundo. At ito’y maliwanag na makikita kung mamalasin natin ang mga kasamaan, kabulukan, imoralidad, at mga kalupitan sa kasalukuyan nating daigdig. Hindi laging magpupumilit ang Diyos sa tao. Sa kasalukuyan ay pinipigil pa ng Diyos ang paghuhukom dahil sa isangdahilan: “Ang Panginoon ay hindi magpapabaya sa Kan-yang pangako tulad ng inaakala ng ilan. Hindi pa

Niya tinutupad ang pangakong iyon alang-alang sa inyo. Binihigyan Niya ng pagkakataon ang lahat

na makapagsisi at magbalik-loob sa Diyos, sapagkat hindi Niya nais na kayo’y mapahamak.

Ngunit ang araw ng Panginoon ay darating na tulad ng isang magnanakaw.” (2 Pedro 3:9-10)

Sa mga huling araw na ito’y tinitipon ng Diyos sa tunay na Iglesia - ang Katawan ni Kristo, ang mga huling karagdagan sa mga mananampalataya. Hindi magtatagal at maririnig nating sasabihin, “Puno na ang Tahanan.” Oo, ang Iglesia ay mabubuo, ang mga tunay na mananampalataya sa daigdig ay titipunin at kakatagpuin ng Panginoon sa Kalangitan, at ang panahon ng mahigpit na pag-uusig ay magsisimula na sa mundo. Minamahal kong mambabasa, ang iyong desisyon tungkol sa hinirang ng Diyos na Tagapagligtas, sa oras na ito, ang magpapasya kung ikaw ay mapapasama sa mga pinagpala at mapapalad na tao paakyat sa tahanan ng Ama sa langit, o kaya’y maiiwan sa planetang ito na hinatulan na. Kapag tinanggihan mo ngayon ang alok ng Diyos na kaawaan, sa panahong ito ng biyaya, malamang na hinding-hindi ka tatawag saPangalan ng Panginoon sa panahon ng mahigpit na Pag-uusig, kung kailan na ang kalagayan ay kakila-kilabot, at ang pananampalataya ay karaniwang pagbabayaran ng kamatayan. Sinisikap ng Diyos na ikaw ay maligtas ngayon!

“NGAYON ANG PANAHONG NARARAPAT;

NGAYON ANG ARAW NG PAGLILIGTAS.” (2 Corinto 6:2)

Nadarama mo bang nagsusumikap Siya para sa iyo? Alam mong hinihila ka ng iyong kasalanan tungo sa pagbagsak. Alam mong kailangan kang mapatawad sa iyong mga

Page 14: NG MAKAPANGYARIHANG DIYOS. - maranathamrc.com ANG PATUTUNGUHAN NG MUNDO.pdf · digmaan sa iba’t -ibang bahagi ng daigdig, ... Isinisigaw ng ating mga pahayagan na iniwan na natin

kasalanan, Alam mong hindi ka nakatitiyakng bukas, dahil maaaring bukas ay matagpuan mo ang iyong sarili sa impiyerno, o sa mahigpit na Pag-uusig. Alam mong kaululan na Hindi mo isaayos ang napakahalagang bagay na ito ng iyong buhay - ang walang hanggan mong hahantungan. Maaaring mayroon ka pa ring mga lihim na balak o pagaalinlangan. Maaaring mayroon ka pa ring mga kasalanan na ibig mo pa ring panatilihin - bagay na ibig mo pa ring panghawakan, kaysa makipag-ayos at magtamo ng kapayapaan mula sa Diyos. Ang bagay na iyan, ang kasalanang iyan, ang ambisyong iyan, ang taong iyan, ang diyus-diyosang iyan - anuman iyan, iyan ay magdadala sa iyo sa pagkawasak-Wawasakin ka nito kapag Hindi mo ito tinalikdan. Sinasabi iyan sa iyo ng kunsiyensiya mo. Kahit ngayon, iniisip mong ipagpaliban ang iyong desisyon. Mayroon ka pang tatapusin. Pakiramdam mo’y marami ka pang panahon. Ibig mong ipagpabukas pa. Ang pagpapaliban ay magnanakaw ng oras. Naglalaro ka ng apoy. Maglaro ka ng apoy at ikaw ay masusunog! Dapat mong malaman na ang iyong kasalanan ay huhukuman sa Dakilang Tronong Puti, o sa pamamagitan ng Mahigpit na Pag-uusig. Ngunit Hindi mo na kailangan pang humarap sa Tronong ito. Hindi mo na kailangan pang magdusa sa panahon ng Mahigpit na Pag-uusig. Maaari kang maligtas ngayon! Paano? Sa pamamagitan ng pagtanggap sa Tagapagligtas na itinalaga ng Diyos. Ito ang mga pangako ng Diyos sa iyo. Tatanggapin mo ba ang mga ito? 1. “Kung ipinahayag natin ang ating mga kasalanan, maaasahan nating ipatatawad sa atin

ng Diyos ang mga ito at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasamaan.” (I Juan 1:9)

Hindi ipinagwawalang - bahala ng Diyos ang iyong kasalanan, ngunit bilang Hari ng Sansinukob, mapapatawad Niya ang iyong mga kasalanan ng naaayon sa batas at makatarungang paraan, dahil sa isang katotohanan: SI KRISTO’Y NAMATAY PARA SA IYONG MGA KASALANAN. “Namatay Siya dahil sa kasalanan ng lahat - ang walang kasalanan para sa mga makasalanan -

upang iharap kayo sa Diyos. Siya’y namatay ayon sa laman at muling binuhay ayon sa Espiritu.” (I Pedro 3:18)

Dapat kang mamatay dahil sa iyong mga kasalanan, at talagang tama, ngunit ito ang kondisyon ng Diyos - Ibinigay Niya ang Kanyang Anak na si Hesus, upang Siya ang mamataysa halip na ikaw. “Itinakda sa mga tao na minsan lamang mamatay at pagkatapos ay ang paghuhukom. Gayon din

naman, si Kristo’y minsang inihandog bilang bain upang pawiin ng mga pagkakasala ng mga tao.

Siya’y muling darating, hindi upang ihandog na muli sa kasalanan kundi upang iligtas ang mga

naghihintay sa Kanya.” (Hebreo 9:27-28)

Page 15: NG MAKAPANGYARIHANG DIYOS. - maranathamrc.com ANG PATUTUNGUHAN NG MUNDO.pdf · digmaan sa iba’t -ibang bahagi ng daigdig, ... Isinisigaw ng ating mga pahayagan na iniwan na natin

2. “Ngunit ang lahat ng tumanggap at nanalig sa kanya ay pinagkalooban niya ng karapatang

maging anak ng Diyos.” (Juan 1:12)

Dito’y ipinangako ng Diyos na ikaw ay gagawing sarili niyang Anak, na ikaw ay ibibilang sa kanyang pamilya, at magtatamasa ka ng lahat ng prebilehiyo at kaligayahan bilang anak niya. 3. “Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong

na Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon

ng buhay na walang hanggan.” (Juan 3:16) 4. “Kapag ipapahayag ng iyong mga labi na si Hesus ay Panginoon at mananalig ka nang buong

puso na siya’y muling binuhay ng Diyos, maliligtas ka.” (Roma 10:9)

Napakaliwanag at tiyak ang Kasulatan tungkol sa bagay na ito. Ito’y napakadaling unawain at kahit isang bata ay kaya itong maunawaan, ngunit marami paring natitisod sa pag-aakalang sa pamamagitan ng sarili nilang pagsisikap ay makakamtan ang kanilang kaligtasan. “Tayo’y iniligtas Niya. Natamo natin ito hindi dahil sa ating mabubuting gawa, kundi sa kanyang

habag sa atin.” (Tito 3:5)

“Ang aming katulad, kahit anong gawin ay duming di harnak.” (Isaias 64:6)

“Dahil sa kagandahang loob ng Diyos ay naligtas kayo sa pamamagitan ng inyong pananalig kay

Kristo. At ang kaligtasang ito’y kaloob ng Diyos, hindi mula sa inyo. Hindi ito dahil sa inyong mga

gawa kaya’t walang dapat ipagmalaki ang sinuman.” (Efeso 2:8-9)

Inuulit ng Panginoong Hesus: “Lalapit sa akin ang lahat ng ibinigay sa Akin ng Ama. At hindi Ko itataboy ang sinumang

lumalapit sa akin ... Ang nananalig sa Akin ay may buhay na waiang hanggan.” (Juan 6:37, 47)

Ang nananalig sa Anak ay may buhay na walang hanggan; ngunit ang hindi tumatalima sa Anak, ay

hindi magkakaroon ng buhay - mananatili sa kanya ang poot ng Diyos.” (Juan 3:36)

Kung gayon upang ikaw ay maligtas, dapat na: 1. Ipahayag mo na ikaw ay makasalanan, at hingin mo sa Dios na ikaw ay patawarin sa iyong mga pagkakasala. 2. Manampalataya ka mula sa puso mo na si Hesus ang Anak ng Diyos, ay pumarito sa sanlibutan, namatay sa krus para sa iyo, at siya’y nabuhay na muli, at nabubuhay upang maging iyong Tagapaglistas. 3. Tanggapin mo si Hesu-Kristo ng tiyakan bilang iyong Tagapagligtas, Panginoon at Diyos, at isuko ang iyong buhay sa Kanya. Isasaayos mo ba ang bagay na ito ngayon din? Gagawin mo na ba ang iyong desisyon para kay Kristo, sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa Diyos - sa maiksing panalanging katulad nito:

ANG AKING DESISYON PARA KAY KRISTO HESUS

O Diyos, alam kong ako’y makasalanan, at lumalapit ako sa lyo ngayon, at humihingi na patawarin mo ako sa aking mga kasalanan katulad ng iyong i pinangako. (Dito’y sabihin ang anumang kasalanan na nasa isip ninyo). Nananampalataya ako na ang iyong Anak, ang Panginoong Hesus ay namatay sa Krus para sa aking mga kasalanan, at Siya’y nagdusa para sa akin. Ako’y nananampalataya na Siya’y

Page 16: NG MAKAPANGYARIHANG DIYOS. - maranathamrc.com ANG PATUTUNGUHAN NG MUNDO.pdf · digmaan sa iba’t -ibang bahagi ng daigdig, ... Isinisigaw ng ating mga pahayagan na iniwan na natin

nabuhay na muli upang maging buhay na Tagapagligtas ko, kaya ngayo’y tiyakan ko Siyang tinatanggap bilang aking Panginoon, at ako’y susunod sa Kanya sa lahat ng araw ng aking buhay. Panginoong Hesus, nalalaman mo ang aking mga iniisip at ang aking puso — pumasok ka sa aking buhay, kasama ng iyong Kapangyarihan at Kabanalan ngayon din, at gawin mo akong tunay mong tagasunod. Salamat Panginoon, Amen.

Lagda ............................................. Petsa …………….. Kung ginawa mo ang desisyong ito ngayon, maaari bang sumulat ka saamin... Kami’y makikipagdiwang sa iyo, at ipapanalangin ka namin.

MARANATHA REVIVAL CRUSADE (Ang Direksiyon sa loob ng Harapang Pabalat)