National Kidney Month Lecture

Download National Kidney Month Lecture

Post on 28-Nov-2014

48 views

Category:

Documents

2 download

TRANSCRIPT

MGA KAALAMAN UKOL SA PAGIWAS SA SAKIT SA BATO(module) In line with National Kidney Month CITY HEALTH OFFICE I. Introduction 1. Rapport building- Ask audience for those who have been affected with kidney stones or any kidney disease (either the audience or a family member) 2. Relate experience to survey that according to statistics, kidney stones rank as 10th cause of morbidity in the Philippines. 3. Bakit kelangan may kaalaman tayo ukol sa sakit sa bato? a. Dahil ito ay maaring walang makitang simptomas o palatandaan sa isang taong may sakit sa bato lalo na sa simula nito. Ito ay malalaman lamang kapag nagpaeksamin ng ihi o nagpasuri sa doctor. b. Ito ay maaring magddulot ng emosyonal at psychological na alalahanin di lamang sa pasyente kungdi pati sa kanyang pamilya. Ang mga normal na gawain ay din na rin nagagawa at nagdudulot ng epektong emosyonal sa sikolohiyal. c. Kapag hindi nalaman, ang sakit na to ay maaaring lumalala at mauwi sa estado na din a maibabalik sa normal na kundisyon ng mga bato. d. Magastos: Malaking halaga ang guguglin sa pagpapagamot, dialysis, transplantation, o pagtustos sa habang buhay na paginom ng anti-rejection drugs. Ito ay malaking pasanin sa pasyemte at pamilya.

II. Ano ang bato o kidney?

1. Parts a. Bato- Bawat tao ay mayroong isang pares ng baton a matatagpuan sa likurang bahagi ng tiyan, sa kaliwa at kanang tagliran ng vertebral column. May parte sa baton a sumasala sa dugo (nephrons) upang ihiwalay at itapon ang maruruming likido na sumasama sa ihi.

b. Ureters- Isang pares ng tubo na humigit-kumulang sa 14-18 dali(inches) and haba.Dito dumadaloy ang ihin nagbubuhat sa bato patungo sa pantog kung saan ito ay pansamantalang naiipon. c. Pantog It ay halintulad sa supot na yari sa himaymay ng laman at litid na matatagpuan sa bahagi ng pelvis kung saan ang ihi ay pansamantalang naiipon. d. Urethra Ito ay daluyan ng ihi na nagbubuhat ng pantog palabas ng katawan. Kapag napapaihi ang isang tao, ang parting ito ay bubukas at dadaloy ang ihi palabas.

III. Bakit mahalaga ang bato? a. Nagsasaayos ng tubig at electrolytes ng katawan. b. Inilalabas ng bato ang sobrang tubig sa katawan at iniiwan lamang ang mga sangkap na kelangan. c. Isinasala ng bato ang dugo upang ihiwalay at itapon and mga dumi sa katawan na nakalalason. Ang mga duming to ay inilalabas sa pamamagitan ng ihi. d. Nakakatulong sa paglikha ng pulang parte ng dugo. e.

Recommended

View more >