nalandangan at agyu

19
ANG NALANDANGAN AT AGYU Isang presentasyon para sa Filipino 4. Gawa ng Column 6. David. Dy. Gelle. Lee

Upload: bowsandarrows

Post on 17-Dec-2014

3.776 views

Category:

Documents


3 download

DESCRIPTION

 

TRANSCRIPT

Page 1: Nalandangan at agyu

ANG NALANDANGAN AT AGYU

Isang presentasyon para sa Filipino 4.

Gawa ng Column 6.

David. Dy. Gelle. Lee

Page 2: Nalandangan at agyu

Ang Nalandangan

MGA TAUHAN:

• Datu Agyo – hari ng Nalandangan

• Undayag – ina ni Agyo

• Matabagka – nakababatang kapatid na babae ni Datu Agyo; kilala rin sa mga pangalan na Pigsayo, Yumbukanon at Yambanganon

• Imbununga – ang sumasalakay sa Nalandangan

• Tomulin – hepe ng mga sundalo ni Datu Agyo

Page 3: Nalandangan at agyu

Ang Nalandangan

ANG GANAPAN:

• Naladangan

• Palasyo ni Imbununga

• Aplaya (masasabing nangyari ang epikong ito sa Mindanao)

Page 4: Nalandangan at agyu

Ang Nalandangan

ANO ANG MGA NANGYARI SA EPIKO?

• Malungkot si Datu Agyo dahil sasalakayin ang kanyang kaharian

• Inalo ni Matabagka si Datu Agyo

• Nagpasya si Matabagka na umaksyon

• Mga ikinatatakot ni Datu Agyo:

+ kapakanan ni Matabagka

+ dalawang sandata ni Imbununga

• Umalis pa rin si Matabagka

• Ipinadala si Tomulin para hanapin siya

Page 5: Nalandangan at agyu

Ang Nalandangan

ANO ANG MGA NANGYARI SA EPIKO?

• Dalawang sandata ni Imbinunga:Taklubu – naglalaman ng malakas na buhawi

Baklaw – laman ang pinakamatinding ipu-ipu

• Naglakbay si Matabagka gamit ang kanyang mahiwagang sulinday (salakot) at dala ang kanyang binulay (libulan, o maleta ng isang dalagang Bukidnon) .

• Nakita ni Imbununga si Matabagka at nabighani siya sa dalaga.

• Nagpakasal sila.

• Noong tulog si Imbununga, ninakaw ni Matabagka ang dalawang sandata at tumakbo palayo.

Page 6: Nalandangan at agyu

Ang Nalandangan

ANO ANG MGA NANGYARI SA EPIKO?

• Hinabol at naabutan si Matabagka ng mga kawal ni Imbununga.

• Naglaban sila---ngunit walang nanalo, wala ring natatalo• Kutsilyo – maliit na sandata ni Matabagka na gamit niya sa

paglaban sa mga kawal ni Imbunga. • Pinagsabihan ni Imbununga na huwag saktan ng kanyang

mga kawal si Matabagka.• Dahil sa tagal ng paglalaban ay nangitim ang kulay ng kutis

ni Matabagka.

• Nakita ni Tomulin ang laban at ipinadala ang kanyang hukbo.

Page 7: Nalandangan at agyu

Ang Nalandangan

ANO ANG NANGYARI SA EPIKO?

• Nakabalik si Matabagka

• Ikinwento ni Matabagka ang kanyang paglalakbay, at kung papaano ipinkaita ni Imbununga ang kanyang pag-aalala para kay Matabagka.

• Nagpasya si Datu Agyo na makipagkasundo kay Imbununga, at natapos ang digmaan.

• Pumayag si Imbununga, .

• Ngunit hindi marinig ng mga hukbo, kaya ipinadala ni Imbununga ang ipu-ipu at buhawi para paguirn ang mga hukbo.

Page 8: Nalandangan at agyu

Ang Nalandangan

ANO ANG NANGYARI SA EPIKO?

• Napagod ang mga lalaki, pero pinakain sila ni Matabagka ng betel nut at sila ay nagkalakas muli.

• Nagkatuluyan sina Imbununga at Matabagka. Naging mas matatag ang kaharian ni Datu Agyu.

Page 9: Nalandangan at agyu

Ang Nalandangan

Ang mga Batas Panlipunan na ipinakita sa Nalandangan:

• Kasalang Pampulitika o Political Marriage

• Pagmamaliit sa mga babae

• Imperialismo sa pagitan ng dalawang kaharian

• Maayos na istraktura ng gobyerno (e.g. hepe)

• Paniniwala sa mga kagamitang mahikal

• Pagkakaisa ng isang kaharian

• Pagkakaisa ng dalawang kaharian

Page 10: Nalandangan at agyu

Ang Agyu

Sino ang mga Agyu?

• Mahahanap sila sa Mindanao (Bukidnon).

• Nagsimula sa away ng dalawang pinuno o pamilya ang kuwento ng mga Agyu.

• Lahi ng mga Manobo.

Page 11: Nalandangan at agyu

Ang Agyu

• Ang pinakakabuhayan ng mga Ilianon ay ang pangongolekta ng sera. Ipinagpapalit nila ito sa mga Moro para sa mga kailangan nilang bagay kagaya ng bigas, asin at asukal.

• Ngunit may isang matagal nang away si Agyu sa isang datu na Moro ukol sa utang ng isang daang tambak ng sera. Para iwasan ang digmaan, umalis si Agyu at ang kanyang mga kasama mula sa Ayuman at pumunta sa Ilian.

• Pero ayaw payagan ng mga Moro na mayapa sina Agyu at ang kanyang pamilya hanggang nabayaran ang utang, at sinundan-sundan nila si Agyu para patayin siya at ang kayang pamilya. Nanalo naman sina Agyu. Pagkatapos ng laban ay umalis sila patungo ng Mt. Pinamatun, at doon sila nanirahan.

Page 12: Nalandangan at agyu

Ang Agyu: Ang Paglalakbay

Ayuman

Ilian

Mount Pinamatun

Sandawa (Forest)

Page 13: Nalandangan at agyu

Ang Agyu

• Isang araw ay lumabas si Agyu at pumunta sa bundok ng Sandawa para mangaso ng isang baboy ramo.

• Umuwi siya na may dalang malaking huli baboy ramo ang kapatid niyang si Lono at ang mga babaeng kapatid nilang sina Yamabungan at Ikwanangan ay nakahanap ng isang beehive na may pulut-pukyutan. Ihinati nila ang mga nahanap nila sa gitna ng kanilang mga sarili at sa mga alipin nila.Itinanong ni Agyu kung bakit hindi kaya dalhan ni Banlak, na kanyang kapatid, ang asawa niyang si Munga na nasa Ayuman ng pagkain?

• Iniwan si Mungan sa Ayuman dahil siya ay may sakit (leprosy). Ayaw naman ni Banlak, pero binolunteriya ni Lono ang kanyang sarili na dalhan si Mungan ng pagkain.Biglang narinig ni Lono ang isang malakas na boses mula sa langit na inutusan si Munga na maging imortal sa pamamagitan ng pagkain ng pagkain para sa mga diyos.

Page 14: Nalandangan at agyu

Ang Agyu

• Pagbalik ni Lono sa Pinamutan, sinabi niya kaagad ang kanyang narining. Ninais ni Banlak na puntahan si Mungan, ngunit hindi pumayag si Agyu.

• Si Agyu na lamang ang umalis papunta Ayuman. Pagdating niya roon, wala na si Mungan at ang naiwan ay isang gintong bahay. Bumalik si Agyu ng Pinamutan, at umalis muli siya at ang kanyang pamilya para sa Tigyangdang. Subalit hindi pa rin sila mapayapa sa Tiyangdang, dahil marami silang mga kaaway na nais sila paalisin. Hindi rin nila kayang talunin ang kanilang mga kalaban.

• Sa pang-apat na araw ng digmaan, pinuntahan si Agyu ng matapang at matalino niyang anak na si Tanagyaw. Ayaw sana payagan ni Agyu na lumaban si Tanagyaw dahil bata pa raw siya, pero nagpilit si Tanagyaw, at nanalo naman din siya.Ang inis na datu ng mga kalaban ay ninais na kunin si Tanagyaw bilang mapapangasawa ng kanyang anak na babae na si Buy-anon, subalit umayaw ang binata dahil masyado pa raw siyang bata.

Page 15: Nalandangan at agyu

Ang Agyu

• Naglakbay si Tanagyaw papuntang bayan ng Baklayaon at isinagip ito mula sa mga kalaban nito. Napatay niya si Bagali, ang anak ng datu ng mga kalaban ng Baklayaon. Gusto rin sana ng datung iyon na pakasalan ni Tanagyaw ang kayang anak na si Paniguan, pero hindi pa handa si Tanagyaw para mag-asawa.

• Pagbalik ni Tanagyaw sa Tigyangdang, sumama sa kanya si Paniguan. Sinabi niya kay Agyu na nais niyang pakasalan si Tinagyaw, at naging mag-asawa ang dalawa.Hindi pa rin natapos ang digmaan laban sa pamilya ni Agyu. Subalit matanda na si Agyu at di na masyadong kayang lumaban.

• Para labanan ang mga umaaway sa kanila ay nagsuot si Tanagyaw ng isang panangga na gawa sa matigas na bakal na hindi magalaw kahit ng malakas na hangin. Kinalaban niya ang mga kalaban nila, at parati siyang panalo. Pero hindi pa rin nagpatalo ang mga kalaban nila. Kinalaban ng anak ng datu si Tanagyaw dala ang kanyang sandata na gawa sa gintong bakal, pero ginamit naman ni Tanagyaw ang kanyang gintong tungkod. Natalo niya rin ang datu, at tumakbo dahil sa takot ang mga hukbo nito.

Page 16: Nalandangan at agyu

Ang Agyu

• Namahinga si Agyu. Pwede na silang mamayapa dahil wala na ang mga kalaban nila. Isang araw pagkatapos ng digmaan ay tinawag niya si Tanagyaw. Ibinigay ni Agyu sa kanya ang bayan ng Sunglawon para alagaan at kupkupin.

• Pagdating ng sumunod na araw, umalis sina Tanagyaw at Paniguan kasama ang kanilang mga alipin papunta Sunglawon. Handa na silang magsimula ng pamilya.

Page 17: Nalandangan at agyu

Ang Agyu

Ang mga Batas Panlipunan na ipinakita sa epiko:

• Ang paglipat-lipat ng tirahan noon ay kung kinakailangan lamang (pagkain,alitan)

• Iniiwan ang maysakit (leprosy)

• Paniniwala sa Diyos at sa kanilang kakayahang magbigay ng walang hanggang buhay

• Importansya ng baboy ramo at pulot (delicacies)

• Paubaya galing sa ama na makipaglaban

• Maaring tumanggi ang lalaki na magpakasal habang may kapursigiduhan mula sa babae na magpakasal

Page 18: Nalandangan at agyu

Ang Agyu

Ang mga Batas Panlipunan na ipinakita sa Agyu:

• Pahintulot mula sa magulang ng pagpapakasal

• May malaking karangalan sa pakikipaglaban

• Kapangyarihan base sa lawak ng lupa na nasasakupan

• Pagpapamana ng ama ng kayamanan (lupa) sa anak

Page 19: Nalandangan at agyu

Mga Pinagkuhanan ng Litrato at Reperensiya

• Pangako ng Nalandangan –http://vibalpublishing.com/products.php?m=pv&pid=237

• Revel, N. (1999). Literature of Voice: Epics in the Philippines. Ateneo de Manila University Press.