mtb-quarter 1-edited april 21 mtb

97
 3 Mother Tongue Kagamitan ng Mag-aaral Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected] . Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

Upload: krystllkyle

Post on 13-Oct-2015

471 views

Category:

Documents


6 download

DESCRIPTION

learners material on mtb 3

TRANSCRIPT

  • 3

    Mother Tongue

    Kagamitan ng

    Mag-aaral

    Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri

    ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o

    unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng

    edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng

    Edukasyon sa [email protected].

    Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

  • Mother Tongue- Based Multilingual Education Ikatlong Baitang Kagamitan ng Mag-aaral Unang Edisyon, 2014 ISBN: 978-971-9601-31-9

    Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng

    BatasPambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.

    Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng

    produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon.

    Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Br. Armin A. Luistro FSC Pangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, Ph.D. BEE Director: Marilyn D. Dimaano, Ed.D.

    Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS) Office Address: 2

    nd Floor Dorm G, PSC Complex, Meralco Avenue,

    Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (02) 634-1054 or 634-1072 E-mail Address: [email protected]

    Development Team of the Learners Material

    Consultant and Editor: Dr. Felicitas Pado

    Dr.Rosalina J. Villaneza Ms. Editha Macayaon

    Authors: Ms. Nelia D. Bamba Ms. Lilibeth A. Magtang

    Ms. Claire B. Barcelona Ms. Florita R. Matic Ms. Edelyn B. Briones Ms. Irene T. Pilapil Ms. Grethel Laura M. Cadiong Ms. Robina B. delos Reyes Ms. Franlyn R. Corporal Ms. Raquel C. Solis Ms. Florinda Dimansana Ms. Arabella May Z. Soniega

    Dr. Victoria D. Mangaser Ms. Dina F. Bazan

    Contextualizers: Ms.Agnes G. Rolle Lead Person Ms.Enelyn T. Badillo Ms. Fe V.Monzon Language Reviewers: Ms.Agnes M. Malihan Layout Artist: Mr. Ronnie G. Cordovez Graphic Artist: Mr. Reynaldo A. Simple

  • Mahal kong Mag-aaral,

    Ang aklat na ito ay makatutulong upang maipahayag ang

    iyong kaisipan, pananaw, at damdamin tungkol sa iyong sarili,

    pamilya, kaibigan, tahanan, paaralan, at pamayanan.

    Makatutulong din ito sa iyong pagbabasa nang may pang-

    unawa, may mapanuring pag-iisip, at matalinong pagpapasiya.

    Matututunan mo rin ang pagsulat ng iba-ibang uri ng sulatin.

    Masisiyahan ka na gawin at pag-usapan ang mga bagay-

    bagay tungkol sa tahanan, paaralan, at pamayanan gamit ang

    mga natutuhan mo mula sa aklat na ito.

    Pakiusap, huwag susulatan ang aklat na ito ng

    mag-aaral dahil gagamitin pa ito sa susunod na taon. Maaaring

    gumamit ng papel o kuwaderno sa pagsagot sa ibat ibang pagsasanay sa kagamitang ito.

    Maligayang pag-aaral!

    May Akda

  • Talaan ng Nilalaman

    Unang Kuwarter

    Aking Sarili at Aking Pamilya

    Aralin 1:

    Ako at Aking Pamilya

    Aralin 2:

    Kinawiwilihang Tao at Bagay.............

    Aralin 3:

    Mga Bagay na Gusto Ko............................................................

    Aralin 4:

    Ang Paborito Kong Hayop at Halaman....................................

    Aralin 5:

    Ako at Aking Kaibigan.................................................

    Aralin 6:

    Pag-iingat sa Kalikasan...............

    Aralin 7:

    Bawat Kasapi ng Pamilya: May Tungkulin..

    Aralin 8:

    Bawat Kasapi: Karangalan ng Pamilya...........

    Aralin 9:

    Bawat Kasapi: May Pananagutan.....

    Lagumang Pagsusulit................................

  • Ikalawang Kuwarter

    Tuklasin ang Pamayanan

    Aralin 10:

    Aking Pamayanan: Tahanan, Kapaligiran, at Pamilya......

    Aralin 11:

    Aking Pamayanan: Kalinisan at Kaayusan .......

    Aralin 12:

    Aking Pamayanan..............................

    Aralin 13:

    Kasaysayan ng Aking Pamayanan..................................

    Aralin 14:

    Ang Pamayanan Noon at Ngayon ......

    Aralin 15:

    Mga Tao sa Pamayanan: (Yaman at Bayani).......

    Aralin16:

    Mga Lugar sa Pamayanan: Paaralan.......................................

    Aralin 17:

    Mga Lugar sa Pamayanan: Pook Pasyalan........

    Aralin 18:

    Mga Pangyayari sa Pamayanan .........

    Lagumang Pagsusulit............

  • Ikatlong Kuwarter Sa Labas ng Aming Pamayanan

    Aralin 19:

    Musika ng Ating Kultura

    Aralin 20:

    Mga Sayaw ng Ating Kultura..

    Aralin 21:

    Mga Likha at Sining...................

    Aralin 22:

    Ang Aming Paboritong Pagkain............

    Aralin 23:

    Ako ay Mabuting Mamamayan....................

    Aralin 24:

    Mga Pagdiriwang sa Aking Pamayanan..................................

    Aralin 25:

    Ibat Ibang Pagdiriwang sa Aking Pamayanan......................

    Aralin 26:

    Transportasyon: Uri at Paraan.

    Aralin 27:

    Komunikasyon: Uri at Gamit.......................................

    Lagumang Pagsusulit........

  • Ikaapat na Kuwarter

    Pag-iingat sa Kapaligiran

    Aralin 28:

    Yaman ng Aking Pamayanan........

    Aralin 29:

    Gawaing Pang-Industrya, Hanapbuhay, at Iba Pa.................

    Aralin 30:

    Lakas ng Enerhiya..............................................

    Aralin 31:

    Wastong Paggamit ng Enerhiya............................

    Aralin 32:

    Matulunging Pamayanan........

    Aralin 33:

    Pamayanan: Pagbabago at Pag-unlad.....................................

    Aralin 34:

    Pamayanang Mapagmahal sa Kalikasan...............................

    Aralin 35:

    Gulayan sa Aming Pamayanan....................................

    Aralin 36:

    Pamayanan Ligtas at May Kahandaan...

    Lagumang Pagsusulit....

  • Unang Kuwarter

    Aking Sarili at ang Aking Pamilya

  • Unang Kuwarter

    Unang Linggo

    Aralin 1: Ako at Aking Pamilya

    Basahin ang diyalogo.

    Ano ang pinag-usapan ng dalawang mag-aaral?

    Kung ikaw ang isa sa dalawang bata, ano pang impormasyon

    ang iyong maaaring ibigay?

    Kumuha ng kapareha at kilalanin ang bawat isa sa pagbibigay

    ng impormasyon tungkol sa inyong sarili.

    Si Albert naman ako,

    walong taong gulang

    din. Tawagin mo naman

    akong Bert.

    Kumusta! Ako si Rosita,

    walong taong gulang.

    Tawagin mo na lang

    akong Rose.

    Sabihin at Alamin

  • Gawain 1

    Ang kuwento ay binubuo ng mga elemento.

    Buuin ang hinihinging detalye upang mabuo ang talaan tungkol

    sa kuwentong Aking Alaga.

    Talaan ng Tagpuan

    Talaan ng Tauhan

    Talaan ng mga Pangyayari

    Pamagat ng Kuwento

    ______________________

    Sino ang pangunahinh tauhan sa kuwento?

    Magbigay ng mga katangian ng tauhan sa

    kuwento.

    Sino ang pinakagusto mo sa tauhan? Bakit?

    Pamagat ng Kuwento

    _________________________

    Ano ano ang mahahalagang pangyayari sa kuwento?

    Ano ang naging suliranin ng pangunahingntauhan sa

    kuwento?

    Ano ang naging kalutasan ng suliranin sa kuwento?

    Pamagat ng Kuwento

    ______________________

    Saan nangyari ang kuwento?

    Kailan nangyari ang kuwento?

    Paano mo mailalarawan ang lugar na painagyarihan

    ng kuwento?

    Paano mo mailalarawan ang lugar

    na pinangyarihan ng kuwento?

    Sino ang pinakagusto mo sa mga tauhan? Bakit?

    Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?

  • Ang kuwento ay may tatlong elemento: ito ay ang

    tagpuan, tauhan, at mga pangyayari.

    Ang tagpuan ay nagsasaad kung saan at kailan

    nangyari ang kuwento.

    Ang tauhan ay ang mga tao na gumanap sa kuwento.

    Ang mga pangyayari naman ang nagpapakita ng mga

    naging suliranin at kalutasan sa kuwento.

    Gawain 2

    Basahin ang sumusunod na pangungusap mula sa kuwentong

    Halina sa Bukid.

    A. Nakakita ng kuting si Tatay sa damuhan.

    Sa pangungusap A, sino ang nakakita ng kuting? Ano ang nakita

    ng tatay? Nasaan ang kuting?

    Salungguhitan ang mga pangalan na inyong binanggit?

    B. Nasiyahan si Greg sa mga tutubi sa paligid.

    Sa pangungusap B, sino ang nasiyahang magmasid ng mga

    tutubi sa paligid? Ano ang kaniyang namasid? Nasaan ang mga

    tutubi? Salungguhitan ang mga pangalan na inyong binanggit?

    Ano ang tawag sa mga salitang may salungguhit?

    Ano ang pangngalan?

    Tandaan

    Sabihin at Alamin

  • Ang pangngalan ay ngalan ng tao, bagay, lugar, o

    pangyayari.

    Gawain 3

    Sipiin ang tsart sa inyong kuwaderno. Tukuyin ang uri ng

    sumusunod na pangngalan at isulat ito sa angkop na kahon.

    Pangngalan

    Tao Lugar Bagay

    Tandaan

    Subukin

    ate upuan walis pambura silid-aklatan

    aklat bag tatay Tiya Rose

  • Basahin ang mga salita sa kuwento nang wasto at may

    damdamin.

    Read and Learn!

    Ang Pag-uwi ni Sally

    ni: Nelia D. Bamba

    Uuwi si Sally ngayon! sabi ni Nanay. Pumunta na tayo sa terminal ng bus upang salubungin siya. Isasama ko si Tatay at Ben

    upang magbuhat ng mga bagahe ni Sally. Nagpaiwan na si Tiya

    Rosa upang maghanda ng masarap at paboritong pagkain ni

    Sally. Hindi na ako makapaghintay, Nanay! Pagkatapos ng dalawang buwang pagtatrabaho ay uuwi na siya, ang sabi ni Ben. Ano kaya ang pasalubong niya sa akin?

    Dumating at umalis na ang mga bus. Nasaan na kaya si Sally? tanong ni Tatay. Malapit nang lumubog ang araw, hintayin na lang natin ang susunod na bus, baka naman doon

    sakay si Sally, nag-aalalang sabi ni Nanay.

    Uminom ng tubig si Ben at itinago ang kaniyang luha.

    Nanay, huwag kang mag alala, sigurado akong nasa susunod na bus na si Sally.

    Heto na ang huling bus mula sa lungsod! wika ng Tatay. Umasa tayong diyan na nakasakay si Sally. Nang bumukas ang pinto, patakbo, at masayang bumaba si Sally at sabay sabing,

    Sa wakas! Nanay, Tatay nandito na ako! Nag-alala kaming lahat sa iyo, wika ni Tatay. Halika na, naghihintay na ang paborito mong pagkain sa bahay, sabi ni Nanay.

    Tinulungan ni Tatay at ni Ben si Sally upang buhatin ang

    kaniyang bag, nang mapansin ni Ben na may isa pang bag na

    dala si Sally. Ben, ibinili kita ng tatlong bagong t-shirts at back pack, wika ni Sally. Maraming salamat, pero ang mas importante ay magkakasama na ulit tayong lahat.

    Basahin at Alamin

  • Sagutin ang mga tanong.

    1. Sino ang uuwi?

    2. Sino ang susundo sa kaniya sa istasyon ng bus?

    3. Sa palagay mo, ano ang nararamdaman ng pamilya?

    4. Ganoon din kaya ang pakiramdam ni Sally?

    5. Bakit nagpaiwan sa bahay si Tiya Rosa?

    6. Bakit nag-aala si nanay?

    7. Ano ang naramdaman ng pamilya? Isadula.

    8. Ano ang naramdaman ni Ben? Isadula.

    Lingguhang Pagtataya

    Gawain 1

    Sipiin ang tsart sa inyong kuwaderno tao, lugar o bagay. Gamit

    ang mga salita mula sa kahon, punan ito ayon sa uri.

    Isulat kung ang mga ito ay tao, lugar, o bagay.

    1.

    Isipin

    pambura

    guro opisina lapis sabon entablado

    tiya silid-aklatan tsokolate ina

  • Gawain 2

    Basahin ang sumusunod na pangungusap. Tukuyin ang uri ng

    mga pangngalang may salungguhit at isulat ito sa tamang

    kahon.

    a. Nilibot ni Julie ang kulungan ng manok at nakita niya ang mga

    manok.

    b. Ang pusa ay kasabay na tumatakbo ng mga aso.

    c. Inutusan sila ng nanay na makipaglaro ng holen sa iyo.

    d. Makikita sa dalampasigan ang makukulay na mga payong.

    e. Hindi ko siya mapabangon sa kama.

    f. Bumili si Jim ng isang kahon na may lamang dalawang paso.

    Unang Kuwarter

    Ikalawang Linggo

    Aralin 2: Ako at Aking Pamilya: Kasanayang Pangkalusugan

    Gawain 1

    Basahin ang mga pangungusap mula sa kuwentong Lipad!

    Lipad!

    1. May bagong saranggola si tatay.

    May mga batang lalaki na nagpapalipad ng saranggola sa

    bukid.

    Pangngalan

    Isahan Maramihan

    Sabihin at Alamin

  • Ang pangngalang isahan ay nagbibigay ngalan sa

    iisang bagay.

    Ang maramihang pangngalan, ay nagbibigay ngalan

    sa dalawa o higit pang mga bagay.

    2. Iniabot ng Nanay kay Marlon ang isang plato na may isang

    nilagang itlog, tatlong pirasong keso, at dalawang piraso ng bilog

    na tinapay.

    Ano ang napansin ninyo sa mga salitang may salungguhit sa

    pangungusap? Paano sila nagkakaiba?

    Ano ang isahang pangngalan?

    Ano ang maramihang pangngalan?

    Gawain 2

    Sipiin ang tsart sa iyong sagutang papel at isulat wastong sagot.

    Pangngalan

    Isahan Maramihan

    Tandaan

    Subukin

  • Basahin ang kuwento nang wasto, may tamang diin at

    ekspresyon.

    Prutas na Makatas

    ni: Nelia D. Bamba

    Beep, beep, beep! Narito ang bus! Nagkagulo ang mga bata sa pagkuha ng kani-kanilang bag. Uuwi na tayo, Biyernes na rin sa wakas, ang sabi ng mga bata. Narito na ba ang lahat? tanong ni Mang Peping. Hintay! ang sabi ni Miguel. Naiwan ko ang aking lagayan ng tubig, uhaw na uhaw na ako, kailangan kong uminom, napagod

    ako sa aming praktis ng balibol.

    Wow! Tumingin kayong lahat sa labas! Nakikita ba ninyo ang mga tindahan ng prutas sa gilid ng kalsada? Maraming melon, suha, pinya, at bayabas, mukhang makatas at sariwa, ang wika ni Marie.

    Oo nga, wala ang mga iyan kahapon, ang sabi ni Miguel.

    Panahon ngayon ng anihan, ang sabi ni Mang Peping. Ang mga prutas na iyan ay kapipitas lamang ng mga magsasaka sa kanilang bukid.

    Sana ay nakita ni nanay ang mga prutas, sigurado ako, bibili siya, ang sabi ni Miguel. Mahilig akong kumain ng mga prutas, ang sabi niya mabuti ito sa kalusugan.

    Nais ko, nais ko, makatas na prutas. Oo nga, tayo na! Tayo nang uminom ng katas ng prutas, wika ng mga bata.

    Bahagyang sinimulan ng mga bata ang pagpalakpak

    hanggang nakalikha sila ng isang ritmo na naging rap.

    Read and Learn! Basahin at Alamin

  • Suha, suha, makatas na suha Kainin, katasin tayo ay palulusugin.

    Melon, melon, makatas na melon

    Masarap lalo na kung mainit ang panahon

    Pinya, pinya, makatas na pinya

    Maasim, matamis talagang masustansiya.

    Sagutin ang tanong.

    1. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?

    2. Ano ang kanilang ginagawa habang sila ay nasa loob ng bus?

    3. Bakit nila ginawa ito?

    Basahin ang pangungusap mula sa Lipad! Lipad!

    1. Binigyan ng nanay si Marlon ng isang plato na may kanin, itlog,

    at isang tasa ng sopas.

    2. Magdadala si nanay ng mga nasa latang juice at mga piraso

    ng tinapay.

    Alin ang mga pangngalan sa pangungusap?

    Alin ang mga pangngalan na maaaring bilangin?

    Alin ang mga pangngalan na hindi nabibilang?

    Alin ang pangngalang pamilang?

    Alin ang pangngalang di-pamilang?

    Ano ang ibig sabihin ng pangngalang pamilang?

    Ano ang ibig sabihin ng pangngalang di-pamilang?

    Ang pangngalang pamilang ay mga pangngalang

    nabibilang.

    Ang pangngalang di-pamilang ay ang mga pangngalang

    di-nabibilang.

    Isipin

    Tandaan

  • Gawain 1

    Sipiin ang tsart at isulat ang pangngalan sa angkop na pangkat.

    Gawain 2

    Tukuyin ang uri ng mga sumusunod na

    pangngalan. Isulat ang mga ito sa angkop na kahon.

    a. bote ng mantika

    b. bibingka

    c. isang mansanas

    d. isang tasang asukal

    e. sampung mangga

    f. mantekilya

    g. isang pirasong saging

    h. garapon ng asin

    i. isang basong juice

    j. tatlong kahel

    (Pangngalang Pamilang)

    (Pangngalang

    Di-Pamilang)

    P

    a

    n

    g

    n

    g

    a

    l

    a

    n

    Pangngalang

    pamilang

    Pangngalang

    di-pamilang

    ice cream carrot

    saging sopas

    bayabas asukal

    Sabihin at Alamin

  • Ang suliranin ay kaganapan na dapat lutasin ng mga

    tauhan sa kuwento.

    Ang kalutasan ay ang solusyon sa suliranin sa kuwento.

    Basahin ang pangyayari mula sa Makatas na Prutas.

    Nalimutan ni Miguel ang kaniyang tubig sa silid-aralan.

    Nakiusap siya sa drayber ng bus na hintayin siya sandali upang

    kunin ang tubigan at makainom.

    Alin sa palagay mo ang naging suliranin sa kuwento?

    Bakit nag-alala si Miguel?

    Ano ang naisip niyang kalutasan?

    Ano ang tawag sa bahagi ng kuwento na nagpapakita ng pag-

    aalala ng tauhan?

    Ano ang bahagi na nagpapakita ng solusyon?

    Gawain 3

    Pangkatang Gawain

    Pangkat 1

    Basahin at bigyan ng kalutasan ang suliranin.

    Oras na ng recess. Nalimutan ni Sonia ang kaniyang baon.

    Kalutasan: ____________________________

    Pangkat 2

    Suriin ang larawan. Magbigay ng isang suliranin at isang

    kalutasan.

    Tandaan

  • Ang pinangyarihan ng kuwento o setting ay:

    lugar kung saan nangyari ang kuwento at

    ang oras kung kailan nangyari ang kuwento

    Sinasagot nito ang mga tanong na saan at kailan.

    Suliranin: ___________________

    Kalutasan: _________________

    Pangkat 3

    Batay sa iyong karanasan, gumawa ng isang suliranin at bigyan

    ito ng solusyon.

    Basahin ang talata mula sa kuwentong Lipad! Lipad!

    Isang Sabado, magkasamang binaybay nina tatay at

    Marlon ang taniman ng palay at mabatong daan bago nila

    narating ang malawak na bahagi ng bukid. Masaya sa

    pangyayaring iyon si Marlon.

    Saan nangyari ang kuwento?

    Kailan ito nangyari?

    Anong bahagi ng kuwento ang nagsasaad kung saan at kailan

    nangyari ang kuwento?

    Gawain 4

    Piliin ang tamang lugar na pinangyarihan ng kuwento. Isulat ang

    titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

    1. Handaan para sa Pasasalamat saan ito nangyari? ____________

    a. sa bahay b. sa parke c. sa palengke

    Ang suliranin ay: ______________________________

    Ang kalutasan ay: ____________________________

    Tandaan!

  • Kailan ito nagaganap? ____________

    a. Araw ng Pasko b. Araw ng mga Kaluluwa

    c. swimming

    2. Kuwento tungkol sa mga diwata Saan ito nangyari? ___________

    a. Paaralan b. Palasyo c. Zoo

    Kailan ito naganap? ____________

    a. noong unang panahon b. Kasalukuyan

    c. sa darating na panahon

    3. Mga katatakutang kuwento saan ito nangyari? ____________

    a. sa handaan b. Nakakatakot na bahay

    c. palasyo

    Kailan ito nangyari? ____________

    a. gabi b. tanghali c. madaling araw

    Gawain 5

    Punan ng mga titik ang puzzle sa ibaba upang ito ay mabuo.

    Makinig sa ididiktang salita mula sa kuwentong narinig.

    Saranggola

    Bukid

    Prutas

    Sabado

    tatay

    Subukin

    s

    p

    d s

    T

    y

  • Gawain 6

    Isulat ang PP kung ang salita ay Pangngalang Pamilang PP at DP

    kung Di-Pamilang.

    a. isang kutsaritang toyo

    b. isang boteng suka

    c. isang labanos

    d. isang sibuyas

    e. mga kamatis

    f. isang bandehadong pansit

    g. pinya

    h. isang boteng patis

    i. mangga

    j. mantekilya

    k. isang boteng mantika

    Gawain 7

    Basahin ang kuwento at sagutin ang mga tanong sa ibaba.

    Bumisita sina Jenny at Joyce sa bukid ng kanilang lolo.

    Gustong-gusto ko ang lugar na ito, ang sabi ni Jenny. Kahanga-hanga ang mga puno. Halika na sa paborito kong puno, ang sabi ni Joyce. Hitik sa bunga! Gusto kong makakuha ng ilan pero hindi ko kayang abutin.

    Ito ang panungkit, gamitin natin, sabi ni Jenny. Isa, dalawa, hayan nakakuha na tayo ng dalawang mangga, sabi naman ni Joyce.

    Tingnan mo ang mga bibe sa sapa, nakahahalina sila, ang sabi ni Jenny. Lumapit siya, ngunit nahulog ang kaniyang isang

    tsinelas at naanod ito. Naku! ang tsinelas ko! sigaw ni Jenny.

    Hayaan mo na Jenny, mayroon akong isang pares na tsinelas sa aking bag, ang sabi ni Joyce.

    Read and Learn! Basahin at Alamin

  • Talata 1

    Ano ang suliranin? _______________________________________

    Ano ang kalutasan? _____________________________________

    Talata 2

    Ano ang suliranin? _______________________________________

    Ano ang kalutasan? ______________________________________

    Gawain 8

    Punan ng mga kinakailangang impormasyon ang talaan sa

    ibaba.

    Lingguhang Pagtataya

    Gawain 1

    Tukuyin ang uri ng

    sumusunod na

    pangngalan sa gawing

    kaliwa at isulat ang

    mga ito sa angkop na

    kahon.

    1. isang boteng catsup

    2. itlog

    3. isang kilong harina

    4. karne

    5. jelly

    6. pipino

    7. isang tasang suka

    8. mansanas

    9. carrot

    10. kahel

    Pangalan:______________________________________________

    Ama: __________________________________________________

    Trabaho: _______________________________________________

    Ina: ____________________________________________________

    Trabaho: _______________________________________________

    Tirahan: ________________________________________________

    ____________ ___________ _____________

    Barangay Bayan Probinsiya

    P

    a

    n

    g

    n

    g

    a

    l

    a

    n

    a

    n

    Pangngalang Pamilang

    Pangngalang Di-pamilang

  • Ang pangngalang pamilang ay mga pangngalang

    nabibilang.

    Ang pangngalang di-pamilang ay ang mga

    pangngalang di-nabibilang.

    Unang Kuwarter

    Ikatlong Linggo

    Aralin 3: Kinawiwilihang Tao at Bagay

    Basahin ang sumusunod na pangugusap na mula sa teksto.

    a. Sinimulan ni nanay ang paghuhugas ng plato, kawali at

    kaldero.

    b. Naglagay ng isang basong gatas si Louie sa mesa.

    Alin ang pangngalang pamilang at di-pamilang sa

    pangungusap?

    Aling pangngalang ang maaaring mabilang at hindi mabibilang?

    Gawain 1

    Isulat ang mga pangngalan sa angkop na pamagat sa ibaba

    batay sa uri nito.

    Read and Learn!

    Mantika harina kahel

    tsinelas mangga suka

    asin kamatis sibuyas

    kape

    coffee

    Tandaan

    Sabihin at Alamin

  • Pangngalang Pamilang Pangngalang Di-Pamilang

    Gawain 2

    Piliin ang angkop na tandang pamilang na ginagamit sa

    sumusunod na pangngalang di-pamilang. Ilagay ito sa patlang.

    1. ______________ bigas

    2. ______________ manok

    3. ______________ tubig

    4. ______________ kape

    5. ______________ pasas

    Gawain 3

    Ilagay sa tamang pagkakasunod-sunod ang mga gawain ni Gina

    pagkatapos niyang umuwi galing sa paaralan. Ilagay ang

    tamang bilang sa patlang.

    Subukin

    isang basong isang platong

    isang timbang isang tasang

    isang kahong isang kilong

  • Ang mga pangyayari sa isang kuwento ay may

    tamang pagkakasunod-sunod.

    Upang maisaayos ang mga pangyayari, makikita

    ang mga panandang bago, una, sumunod,

    pagtapos, sa wakas o iba pang salita na

    makapagsasabi ng pagkakasunod-sunod.

    Ikinuwento ni Gina kay Annie kuna ano-ano ang kaniyang

    ginagawa pagkagaling sa paaralan.

    ________Pagkatapos, pupunta siya sa kusina upang tulungan ang

    nanay sa paghuhugas ng mga kasangkapan.

    ________Kapag natapos na niya ang kaniyang mga gawaing-

    bahay, katabi niya ang kaniyang nanay sa panonood ng

    paborito nilang palabas sa telebisyon.

    ________Pagkatapos, kukuhanin niya ang kaniyang mga

    kuwaderno at gagawa na siya ng takdang-aralin.

    ________Sa huli, hahalik siya sa kaniyang nanay at matutulog na.

    ________Pagdating ni Gina sa kanilang bahay, tutuloy agad siya

    sa kusina upang kumain ng meryenda.

    Gawain 4

    Hanapin ang mga salitang galing sa tula. Bilugan ang mga ito.

    b t u n a y l s

    i A t e w a l o

    y T m a s a y a

    a A p a r k r d

    y y a y t p t y

    a i e s i d s t

    k a i b i g a n

    Tandaan

  • Gawain 5

    Piliin mula sa kahon ang angkop na tandang pamilang na

    ginagamit ng sumusunod na pangngalang di-pamilang at ilagay

    ito sa patlang.

    sopas pasas juice

    gamot jam kanin

    Gawain 6

    Pagsunud-sunurin ang ang mga hakbang sa pagkuha ng

    pagsusulit. Ilagay ang tamang bilang sa patlang.

    _______ Basahin at unawain ang panuto.

    _______ Isulat ang pangalan, baitang, at pangkat.

    _______ Tingnan kung gaano katagal ang pagsusulit.

    _______ Magbalik-aral sa iyong mga sagot.

    _______ Basahin at maingat na sagutan ang pagsusulit.

    isang tasa ng isang baso ng isang plato ng

    isang garapon ng isang bote ng isang dakot na

    isang patak ng isang sako ng

  • Gawain 7

    1. Punan ng mga pangngalan ang tsart sa ibaba. Piliin ang sagot

    mula sa bag sa ibaba.

    Pangngalang Nabibilang Pangngalang Di-nabibilang

    Gawain 8

    Piliin mula sa talaan ang tandang pangngalang pamilang na

    ginagamit ng pangngalang nasa larawan. Gamitin ito sa

    pangungusap at isulat sa sagutang papel.

    mangga asukal

    lapis cake

    mansanas bigas

    asin mantikilya

    mantika aklat

    Pangngalan

    Pangngalan

    garapon ng piraso ng isang basket na

    plato ng bote ng tasa ng

    isang patak na baso na puno ng

  • Pangungusap 1 ___________________________________

    Pangungusap 2 ___________________________________

    Pangungusap 3 ___________________________________

    Pangungusap 4 ___________________________________

    Pangungusap 5 ___________________________________

    _____ tubig

    ________ jelly

    ______ kanin

    ________ cake

    _____ cake

    _______prutas

    ________ fruits

    _____buhangin

    ________ raisins

  • Unang Kuwarter

    Ikaapat na Linggo

    Aralin 4: Ang Paborito Kong Hayop at Halaman

    Gawain 1

    Punan ang patlang ng salitang umaasa o gusto upang mabuo

    ang diwa ng pangungusap.

    1. _______ akong hindi uulan sa aking karawan.

    2. _______ nina Maria at Carla na maging diwata.

    3. _______ akong bibisita ang aking mga lolo at lola ngayon.

    4. _______ ng aking kapatid na makakita ng taga-ibang planeta.

    5. _______ si Norman na manalo siya sa paligsahan.

    Ang mga salitang umaasa at gusto ay ginagamit upang

    maipahayag ang iyong nais.

    Umaasa ang ginagamit kung ang nais ay maaaring

    mangyari o makatotohanan. Ang salitang gusto ay

    ginagamit kung ang kaisipang ipinahahayag ay hindi

    maaaring mangyari o hindi makatotohanan.

    Gawain 2

    Pag-aralan ang nga larawansa ibaba. Isulat kung alin sa mga

    salitang umaasa at gusto ang angkop na gamitin sa

    pagpapaphayag ng mga larawang ito.

    Sabihin at Alamin

    Tandaan

  • \

    umaasa gusto umaasa gusto

    umaasa gusto

    umaasa gusto umaasa gusto

    umaasa gusto

    Gawain 3

    Basahin ang mga pangngalang ginamit sa kuwentong

    Papasukin Po Ninyo Ako!

    pag-ibig hardin kaligayahan

    kagalakan kapatid kagandahan

    takot panlilinlang palumpong

    puno pagdaralita pagsuway

    Sabihin at Alamin

  • Alin sa mga pangngalan ang nakikita, naririnig, nahahawakan,

    nalalasahan, o naaamoy?

    Alin naman ang hindi?

    Anong uri ng pangngalan ang mga ito?

    Ang kongkretong pangngalan ay tumutukoy sa mga

    bagay na maaaring mahawakan o makita gamit ang

    ating limang pandama.

    Ang di-kongkretong pangngalan ay tumutukoy sa mga

    bagay na hindi maaaring mahawakan o makita katulad

    ng katangian o damdamin.

    Ano sa palagay mo ang maaaring maibigay ng kuting sa atin?

    Ano kaya ang nararamdaman ng kuting tuwing mayroon siyang

    bagong kalaro?

    Pakinggan ang guro habang binabasa niya ang tula.

    Pagkatapos, basahin ang tula nang may angkop na bilis, tono, at

    damdamin.

    Read and Learn! Basahin at Alamin

    Tandaan

  • Ang Kuting na si Pussy ni: Florita R. Matic

    Ako ay isang kuting

    Pussy kung akoy tawagin Nakatutuwa at napakalambing

    Sa iyo ay higit sa akin.

    Ang pagmamahal na dulot ko

    Nagdadala ng kagalakan sa inyo

    Ang kalituhan at kalungkutan

    Ay hindi ko nararamdaman.

    Pagkasabik at kagalakan

    Sa puso ko ay nananahan

    Sa tuwing akoy nakakikilala Ng bagong mga kasama.

    Sagutin ang mga tanong.

    1. Tungkol saan ang tula?

    2. Paano mo ilalarawan ang kuting ayon sa tula?

    3. Masayahin ba ang kuting? Basahin ang saknong sa tula na

    nagpapahayag nito.

    4. Aling saknong ang nagsasaad na palakaibigan ang kuting?

    Basahin ito.

    5. Ano sa palagay mo ang naidudulot ng kuting sa

    nag-aalaga sa kaniya? Ipaliwanag.

    Isipin

  • Kaya mo bang sabihin ang salitang ugat ng bawat salita?

    1. madaya

    2. kasama

    3. nasabi

    4. makulay

    5. malungkot

    Ano-anong panlapi ang idinagdag sa bawat salitang-ugat?

    Nagbago ba ang kahulugan ng salitang nilagyan ng panlapi?

    Ano ang panlapi?

    Ang panlapi ay mga kataga o pantig na ikinakabit sa

    unahan, sa gitna, o sa hulihan ng salitang-ugat upang

    makabuo ng bagong salita.

    Unlapi ang tawag sa pantig na idinadagdag sa unahan ng

    salitang- ugat tulad ng ma-, na-, pag-, at ka-.

    Gitlapi ay pantig na idinadagdag sa gitna tulad ng salitang

    ugat gaya ng um-, at in-.

    Hulapi naman ang tawag sa kataga o pantig na

    idinadagdag sa hulihan ng salitang-ugat tulad ng an-,

    at-, at han-.

    Sabihin at Alamin

    Tandaan

  • Gawain 1

    Basahin ang mga salitang ginamit sa tulang Ang Kuting na si Pussy. Salungguhitan ang mga panlaping ginamit.

    pagmamahal kalituhan

    kagalakan pagkasabik

    kalungkutan

    Basahin nang malakas ang mga salita.

    tauhan pinangyarihan pangyayari

    talata saknong taludtod

    tugma tula kuwento

    Paano natin pagbubukud-bukurin ang mga salita?

    Aling mga salita ang tumutukoy sa isang kuwento?

    Alin ang tumutukoy sa tula?

    Ang kuwento ay binubuo ng talata. Ito ay naglalaman ng

    tauhan, pinangyarihan, at pangyayari sa kuwento.

    Ang tula ay binubuo ng mga saknong. Ang bawat saknong

    ay binubuo ng mga taludtod na may salitang makakatugma.

    Subukin

    Sabihin at Alamin

    Tandaan

  • Gawain 2

    Pangkatin at isulat sa loob ng angkop ng ang mga salitang

    magpapakilala ng kaibahan ng kuwento sa tula.

    Gawain 3

    Sumulat ng tula na may isang saknong tungkol sa iyong alaga.

    Sagutin ang mga tanong bilang gabay sa pagsulat mo ng tula.

    1. Ano ang inaalagaan mo?

    2. Ano ang pangalan ng iyong alaga?

    3. Ano-ano ang katangian ng iyong alaga?

    4. Ano ang mga bagay na sabay ninyong ginagawa ng iyong

    alaga?

    5. Mahal mo ba ang iyong alaga?

    6. Paano mo ipinakikita ang iyong pagmamahal sa iyong alaga?

    saknong

    g

    pangyayari tugma tauhan

    pinangyarihan talata

    taludtod

    kuwento tula

  • Gawain 4

    Bilugan ang mga di-kongkretong pangngalang makikita sa loob

    ng kahon.

    pagdamay luha isipan

    bayani telebisyon kabayanihan

    kamalayan masaya kahirapan

    usapan pagmamahal pagmamalaki

    pagkilala sulat paniniwala

    Gawain 5

    Isulat ang wastong panlapi upang mabuo ang mga salita.

    Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

    ka- -an -han -ran

    1. ___seryoso___ 4. usap ______

    2. ___tapang___ 5. ____tupa___

    3. ____malay___

    Lingguhang Pagtataya

    Pagsasanay 1

    Piliin sa kahon at isulat sa kuwaderno ang di-kongretong

    pangngalan.

    kapakumbabaan kamalayan

    pamilihan kaunlaran

    pagpapaubaya silid-aklatan

    silid-dalanginan pinag-aralan

  • Pagsasanay 2

    Punan ng panlapi ang bawat patlang upang mabuo ang salita.

    Isulat sa sagutang papel.

    1. ___ganda___- loob

    2. ___api____

    3. ___mali____

    4. ___malay____

    5. ___siya____

    Pagsasanay 3

    Piliin ang kahulugan ng bawat salita sa ibaba.

    Isulat ang letra ng tamang sagot sa isang papel.

    1. katapangan

    a. hindi matapang

    b. pagiging matapang

    c. walang tapang

    2. katuparan

    a. natamo ang nais

    b. hindi natamo ang nais

    c. hindi natupad ang nais

    3. kahirapan

    a. mayaman

    b. mahirap

    c. pagiging mahirap

    4. pagkayamot

    a. hindi naiinip

    b. pagpapakita ng inip

    c. naaaliw

    5. kalungkutan

    a. hindi nalulungkot

    b. walang nadaramang lungkot

    c. nakakaramdam ng lungkot

  • Unang Kuwarter

    Ikalimang Linggo

    Aralin 5: Mga Bagay na Gusto Ko

    Kaya mo ba magbigay ng mga kilalang tao, lugar, at

    pagdiriwang sa inyong pamayanan?

    Sino-sino ang kilalang tao sa inyong lugar?

    Saang lugar mo ipapasyal ang iyong mga kaibigang dadalaw sa

    iyo?

    Sa anong pagdiriwang kilala ang inyong lugar?

    Sabihin at Alamin

  • Ang ibat ibang pamayanan ay may kani-kaniyang kilalang tao, lugar, at pagdiriwang. Igalang natin ang mga ito.

    Gawain 1

    Gamitin ang graphic organizer upang ipakita ang mga kilalang

    tao, lugar, at pagdiriwang sa inyong lugar.

    Idikit ang larawang inihanda ayon sa tamang bahagi ng katawan

    ulo- sikat na tao

    kamay- kilalang pagdiriwang

    paa- kilalang lugar

    Tandaan

    Subukin

  • Basahin ang sumusunod na salitang ginamit sa kuwentong

    Isang Kahilingan. Paghambingin ang mga salita sa hanay A at B. Sagutin ang mga

    tanong kaugnay nito.

    A B

    kagalakan ngiti

    pagkagulat regalo

    kalungkutan luha

    kasigasigan handaan

    pagkasabik mag-anak

    Aling hanay ng mga salita ang ginagamitan ng limang

    pandama?

    Anong uri ng pangngalan ito?

    Alin namang hanay ang hindi nakikita, naririnig, nahahawakan,

    nalalasahan, o naamoy?

    Ano ang tawag sa uri ng pangngalang ito?

    Gawain 2

    Punan ang patlang ng kongkretong pangngalan na

    kakatawan sa nakasaad na di-kongretong pangngalan.

    Piliin ang mga sagot sa loob ng kahon.

    Halimbawa:

    pagmamahal bulaklak , tsokolate

    1. pananampalataya - ________ ________

    2. katarungan - ________ ________

    3. karunungan - ________ ________

    4. kalinangan - ________ ________

    5. kaunlaran - ________ ________

    Read and Learn! Basahin at Alamin

  • Ang kongkretong pangngalan ay tumutukoy sa salitang

    maaari nating madama samantalang ang di-kongkretong

    pangngalan ay tumutukoy sa bagay na hindi nakikita,

    naririnig, nahahawakan, nalalasahan, o naaamoy.

    May mga kaibigan ka ba?

    Paano mo ilalarawan ang iyong mga kaibigan?

    Maihahambing mo ba ang iyong mga kaibigan sa mga bagay sa

    iyong paligid?

    Basahin ang tula upang malaman kung paano inilarawan ang

    kaibigan.

    Bigkasin ang tula nang may wastong bilis, tono, at

    damdamin.

    Read and Learn!

    pamilihan silid-dalanginan

    pulis paaralan

    sayaw gawang-kamay

    aklat kulungan

    daan Bibliya

    Basahin at Alamin

    Tandaan

  • Ang Kaibigan ay Tulad ng Brilyante ni: Florita R. Matic

    Ikaw at akoy kailangan ng kaibigan Tunay na taong mapagkakatiwalaan

    Tulad ng bato, matatag at matibay

    May lakas at tibay na walang kapantay.

    Sa sandaling tayo ay naliligaw

    Mga kaibigay nakaagapay Tulad ng isang matuwid na daan

    Tunay na kaibigany di ka bibitawan

    Totoong kaibigay tulad ng kayaman Gaya ng gintong may kinang na taglay

    Walang katumbas, di kayang bayaran

    Kabutihan ng kaibigang panghabang-buhay.

    Kahalagahan ng kaibigay di kayang sukatin Ang halaga nitoy hindi sukat akalain

    Pagmamahal ng kaibigay brilyanteng maningning Magpakailanmay mananatili ang kinang na angkin.

    Sagutin ang sumusunod na tanong.

    1. Bakit inihalintulad ang isang kaibigan sa bato? Ano ang

    katangian na mayroon ang bato na tulad ng isang kaibigan?

    2. Bakit inihambing ang kaibigan sa isang daan? Paanong ang

    daan ay katulad ng isang kaibigan?

    3. Bakit sinabing ang kaibigan ay tulad ng kayamanan? Anong

    katangian ang magkatulad ang dalawa?

    4. Bakit inihambing ang kaibigan sa brilyante? Anong katangian

    ang magkapareho sa kanila?

    5. Aling paghahambing ang pinakagusto mo? Bakit?

    Isipin

  • Gawain 3

    Basahing muli ang tula.

    Ano ang ibig sabihin ng tula?

    Isulat ang sagot sa kuwaderno.

    Basahin at suriin ang sumusunod na pangungusap mula sa tula.

    1. Ang kaibigan ay tulad ng bato na may lakas at tibay na

    walang kapantay.

    2. Tulad ng isang matuwid na daan, tunay na kaibigany di ka bibitawan.

    3. Ang pagmamahal ng kaibigan ay brilyanteng maningning.

    4. Ang totoong kaibigan ay tulad ng kayamanan.

    5. Ang kaibigan ay gaya ng gintong may kinang na taglay.

    Ano-anong bagay ang ginamit sa tula upang ilarawan

    ang isang kaibigan?

    Puwede bang ihambing ang tao sa bagay?

    Magkapareho ba ang katangian ng tao at bagay?

    Ano ang tawag sa paraan ng paghahambing ng

    dalawang magkaibang bagay?

    Anong mga salita ang ginagamit sa paghahambing?

    Ang simile o pagtutulad ay anyo ng pananalita na

    nagpapahayag ng paghahambing ng dalawang magkaibang

    bagay. Ginagamitan ito ng katagang sing-, tulad ng-, at gaya

    ng-.

    Halimbawa:

    sintamis ng kendi tulad ng rosas

    Basahin at Alamin

    Tandaan

  • Gawain 4

    Salungguhitan ang simile o pagtutulad na ginamit sa bawat

    pangungusap.

    Halimbawa:

    Ang dalaga ay tulad ng isang bulaklak.

    1. Nagningning tulad ng araw ang kaniyang mga mata nang

    makita niya si Leah.

    2. Nagsasalita siyang simbanayad ng hangin.

    3. Singgaan ng balahibo ang papel.

    4. Ang hanging amihan ay tulad ng malambot na tela sa aking

    balat.

    5. Tulad ng bituin ang kislap ng kaniyang mga mata.

    6. Lumangoy siyang simbilis ng isda.

    Gawain 5

    Ayusin ang sumusunod na salita upang makabuo ng

    pangungusap na may simile o pagtutulad.

    Isulat ang sagot sa patlang.

    1. kahon, singgaan, ang, balahibo, ay, ng

    ____________________________________________

    2. ang, singsipag, manggagawa, ng, isang, bubuyog gumawa, ay

    ____________________________________________

    3. manggagawa, ang, nagtatrabaho, tulad ng, isang, ay,

    langgam

    ____________________________________________

    4. isip, ang, kaniyang, sinliwanag, ng, ay, araw

    ____________________________________________

    Subukin

  • 5. tinapay, ang, ay sintigas, bato, ng

    ____________________________________________

    6. ang, palagay, ay, umaagos, tulad, kaniyang, ng, ilog

    ____________________________________________

    Basahin ang liham.

    Tingnan kung paano ito isinusulat.

    18-B. Chico St. Marulas Valenzuela City Ika- 23 ng Hulyo, 2013 Mahal kong Ellaine, Ang aking lolay magdiriwang ng kaniyang ika-89 na kaarawan sa ika-10 ng Agosto. Gusto kong gumawa ng isang malaking chocolate cake bilang isang sorpresa. Maaari mo ba akong tulungang gumawa ng cake? Pakilakip sa sulat na ito ang paraan ng paggawa ng chocolate cake. Tiyak na matutuwa ang aking lola kung makadadalo ka sa kaniyang kaarawan. Maraming salamat at umaasa akong ikay darating. Ang iyong kaibigan, Eunice

    Read and Learn! Basahin at Alamin

  • A. Sagutin ang mga tanong.

    Sino ang sumulat ng liham?

    Saan nakatira si Eunice?

    Kailan niya isinulat ang liham?

    Kanino niya ipinadala ang liham?

    Tungkol saan ang liham?

    B. Paano isinulat ang katawan ng liham?

    Sagutin ang mga tanong ng opo o hindi po.

    1. Nakapasok ba ang unang salita sa bawat talata ng liham?

    2. Nagsisimula ba sa malaking letra ang unang salita sa bawat

    pangungusap?

    3. Mayroon bang tuldok, kudlit, kuwit, at iba pang bantas na

    ginamit?

    4. Tama ba ang pagbabaybay ng mga salita?

    5. May wastong palugit ba sa magkabilang panig ng papel?

    Gawain 6

    Sipiin nang patalata ang paraan ng paggawa ng

    chocolate cake.

    Sundin ang wastong paraan ng pagsulat ng talata.

    Paraan ng Paggawa ng Chocolate Cake:

    1. Painitin muna ang oven sa temperaturang 350 degrees F (175

    degrees C).

    2. Sa isang katamtamang laki ng lalagyan, paghaluin ang mga

    sangkap ng tatlong minuto gamit ang de-kuryenteng panghalo.

    3. Lagyan ng kumukulong tubig at haluin.

    4. Ihurno ng mula 30 hanggang 35 minuto gamit ang pinainitang

    oven.

    5. Palamigin ng 10 minuto bago tanggalin sa lalagyan.

    Isipin

  • 6. Sa paggawa ng icing, haluin ang mantikilya hanggang

    lumapot at ilagay ang cocoa, asukal, gatas, at vanilla nang salit-

    salit.

    7. Hati-hatiin ang bawat patong ng cake nang pahalang at

    lagyan ng icing ang bawat patong.

    Lingguhang Pagtataya

    Pagsasanay 1

    Tukuyin ang uri ng mga pangngalang nasa loob ng kahon. Isulat

    ang mga ito sa ilalim ng angkop na pamagat.

    Di-Kongkretong Pangngalan

    Kongkretong Pangngalan

  • tagumpay medalyang ginto pagmamahal

    pagtitiyaga kaalaman aklat computer

    paaralan kapayapaan watawat

    Pagsasanay 2

    Buuin ang simile o pagtutulad sa mga pangungusap sa ibaba.

    Gamitin at isulat sa patlang ang mga salitang nasa loob ng

    kahon.

    sindilim ng sintamis ng

    isang anghel isang araw

    isang ilog

    1. Ang kaniyang luha ay dumaloy tulad ng ______.

    2. Ang kaniyang buhok ay ______ gabi.

    3. Tulad ng ________kung siya ay magsalita.

    4. Ang aming pagkakaibigan ay _________ng jam.

    5. Ang kaniyang ngiti ay tulad ng ______ na nagbibigay liwanag.

    Pagsasanay 3

    Isulat nang patalata ang sumusunod na hakbang sa pagpiprito

    ng isda.

    Sundin ang wastong paraan ng pagsulat ng talata.

    a. Linisin ang isda.

    b. Ibalot ang isda sa harinang may asin at paminta.

    c. Ilagay ang isda sa kumukulong mantika.

    d. Iprito ang isda hanggang sa maluto.

    e. Hanguin ang isda at ilagay sa lalagyang may sapin upang

    tumulo ang mantika.

    f. Ilagay ang isda sa isang pinggan na may hiniwang kamatis.

  • Unang Kuwarter

    Ikaanim na Linggo

    Aralin 6: Pag-iingat Sa Kalikasan

    May hardin ba kayo sa bahay?

    Paano mapagkukunan ng pagkain ang hardin?

    Ano pa ang maidudulot sa atin ng hardin?

    Bigkasin ang tula.

    Hardin KoPinggan Ko! ni: Florita R. Matic

    Isang araw, sa aking paggising

    Aking nasilayan pagsikat ng araw

    Ngiting kaytamis ang sa akiy bumati Tila isang dalagang mayumi.

    Agad akong tumayo, sa likod-bahay tumuloy

    At doon ang trabahoy agad na itinuloy Tulad ng isang kalabaw na walang kapaguran

    At hindi isang pagong na may kakuparan.

    Aking mga tanim ay agad nagsilaki

    Kawangis ng isang higanteng kaylaki

    Kay gandang tingnan halamang luntian

    Bituin sa paningin na kaysarap pagmasdan.

    Kung ikaw may nalulungkot Pakiramdam ang lahat sayoy hinakot Magpunta ka lamang sa aking hardin

    Tiyak ang kalungkutay papawiin.

    Ang hardin ko ay aking pinggan

    Na nagpapalusog sa aking katawan

    Dahil sa alaga kong anong inam

    Puno ng pagmamahal na iningatan.

    Read and Learn! Sabihin at Alamin

  • 1. Tungkol saan ang tula?

    2. Sino ang tagapagsalaysay sa tula?

    3. Saan iwinangis ang araw?

    4. Saan iwinangis ng tagapagsalaysay ang kaniyang sarili?

    5. Ano-ano pang pagwawangis ang ginamit sa tula?

    Gawain 1

    Pagkuha ng Pangunahing Diwa ng bawat saknong

    Ang pangunahing diwa o kaisipan ay nagpapahayag kung

    tungkol saan ang saknong.

    Basahin ang bawat saknong. Piliin ang pangungusap na

    nagsasaad ng pangunahing diwa nito. Isulat ang letra ng tamang

    sagot sa iyong papel.

    Isipin

    Subukin

    Agad akong tumayo, sa likod-bahay tumuloy

    At doon ang trabahoy agad na itinuloy Tulad ng isang kalabaw na walang kapaguran

    At hindi isang pagong na may kakuparan.

    Pangunahing Diwa:

    a. Inaalagaan ng tagapagsalita ang kalabaw.

    b. Nagtatrabaho nang mabuti ang

    tagapagsalita

    sa kaniyang hardin.

    c. Maraming pagong sa kaniyang hardin.

  • Aking mga tanim ay agad nagsilaki

    Kawangis ng isang higanteng kaylaki

    Kay gandang tingnan halamang luntian

    Bituin sa paningin na kaysarap pagmasdan.

    Pangunahing Diwa:

    a. Magandang pagmasdan ang mga tanim.

    b. May mga bituin sa halamanan.

    c. Higante ang mga halaman.

    Kung ikaw may nalulungkot

    Pakiramdam ang lahat sayoy hinakot

    Magpunta ka lamang sa aking hardin

    Tiyak ang kalungkutay papawiin.

    Pangunahing Diwa:

    a. Nagdudulot ng kalungkutan ang aking hardin.

    b. Nagbibigay saya ang aking hardin.

    c. Ang lahat ng bagay ay kinukuha ng aking hardin.

    Gawain 2

    Gumuhit ng hardin na gusto mo sa iyong kuwaderno.

  • Basahin ang sumusunod na pangungusap mula sa tula.

    1. Akoy isang kalabaw sa bukid. 2. Hindi ako isang pagong na may kakuparan.

    3. Mga higante ang halaman.

    4. Bituin sa paningin ang mga halaman na kaysarap pagmasdan.

    5. Ang hardin ko ay aking pinggan.

    Paano pinaghambing ang mga bagaysa bawat pangungusap?

    Anong anyo ng pananalita ang ginamit?

    Ang paghahambing na ginamit sa pangungusap ay tinatawag

    na metapora o pagwawangis.

    Ang metapora o pagwawangis ay anyo ng pananalita na ang

    tao o bagay ay inihahambing o iwinawangis sa ibang bagay

    na hindi ginagamitan ng sing- o tulad ng-.

    Read and Learn! Basahin at Alamin

    Tandaan

  • Gawain 3

    Gumuhit ng bituin ( ) sa linya kapag ang pangungusap ay

    gumamit ng metapora.

    ______1. Ang karagatan ay galit na toro kapag may bagyo.

    ______2. Singgaan ng balahibo ang papel.

    ______3. May pambihirang panlasa sa kasuotan ang mga

    modelo.

    ______4. Hindi nakatatapos ng anumang gawain si Mary sapagkat

    parang pagong kung siya ay kumilos.

    ______5. Siya ay bituin sa paningin ng kaniyang ama.

    Gawain 4

    Buuin ang pangungusap gamit ang metapora sa loob ng kahon.

    1. Madaling mawala ang galit ni Bing.

    Siya ay may _____________________________.

    2. Hindi marunong magpatawad si Rene.

    Mayroon siyang __________________________.

    3. May_____________________ang pamilya nila Mark. Mayaman at

    kilala ang pamilya nila sa kanilang lugar.

    4. Kung minsan, nagkakatotoo ang lahat ng sinasabi ni Susan. Siya

    ay may__________.

    dilang-anghel pusong mamon

    dugong-bughaw pusong bato

    isang kahig, isang tuka

    Subukin

  • 5. Wala halos makain ang pamilya nila Jose dahil walang trabaho

    ang magulang niya.

    Sila ay___________________________________.

    Mayroon ka bang talaarawan?

    Ano ang isinusulat mo sa iyong talaarawan?

    Basahin ang talaarawan ni Ronel at alamin natin ang ginagawa

    niya araw-araw.

    Read and Learn! Basahin at Alamin

    Ako po si Ronel, walong taong gulang.

    Paghahardin, pangongolekta ng halaman, at

    pagtatanim ng mga puno ang aking mga

    paboritong libangan. Mahal ko ang kalikasan.

    Lahat ng karanasan ko tungkol sa kalikasan ay

    isinusulat ko sa aking talaarawan tuwing gabi

    pagkatapos kong gawin ang aking takdang-aralin.

  • Lunes, Ika-22 ng Hulyo 2013, ika-7:00 ng gabi

    Dinala kami ng aming guro sa Science na

    si Bb. Santos sa hardin ng paaralan upang pagmasdan ang mga

    halaman. Namangha ako sa dami ng mga makukulay na

    halaman sa aming hardin.

    Kahanga-hanga ang galing ng aming hardinero sa pag-aalaga

    ng halaman.

    Martes, Ika-23 ng Hulyo, 2013, ika-7:30 ng gabi

    Nagkaroon ako ng pagkakataong makausap ang hardinero ng

    aming paaralan na si Mang Carding. Sinabi niya sa akin na

    kinakausap niya ang kaniyang mga tanim

    sa tuwing siya ay magdidilig. Marahil, ang hardin ay mansanas

    sa kaniyang paningin.

    Miyerkules, ika-24 ng Hulyo, 2013, ika-7:00 ng gabi

    Habang akoy pauwi galing sa paaralan, nakita kong muli si Mang Carding. Ikinagulat ko ang ibinigay niya sa aking mga

    punlang halaman. Sobra raw iyon sa hardin ng aming paaralan.

    Nagpasalamat ako sa kaniya. Alam niyang mahilig akong

    magtanim.

  • Huwebes, ika-25 ng Hulyo, 2013, ika-8:00 ng gabi

    Maaga akong gumising upang itanim ang mga punla sa aking

    hardin. Diniligan ko nang bahagya ang itinanim kong punla.

    Inilagay ko rin ang mga tanim malayo sa sinag ng araw upang

    hindi malanta. Gusto ko nang makitang lumaki ang aking mga

    tanim.

    Biyernes, ika-26 ng Hulyo, 2013, ika-7:15 ng gabi

    Umuwi ako nang maaga upang tingnan ang aking hardin.

    Binunot ko ang mga damo at pinulot ko ang mga tuyong dahon.

    Nakatutuwang pagmasdan ang mga buko ng aking mga

    halamang namumulaklak.

    Sabado, ika-27 ng Hulyo, 2013, ika-8:00 ng gabi

    Kahit walang pasok, maaga akong gumising upang tumulong

    sa mga gawain.Pagkatapos kong linisin ang aking silid-tulugan,

    agad akong pumunta sa aking hardin.

    Nagulat ako nang makita kong umuusbong na ang aking mga

    itinanim.

    Linggo, ika-28 ng Hulyo, 2013, ika-7:00 ng gabi

    Inimbitahan ko ang aking mga kamag-aral na tingnan ang aking

    hardin. Nakita nila roon ang ibat ibang namumulaklak na halaman na naging kanlungan ng makukulay na paruparo.

    Gusto rin ng aking mga kamag-aral na magkaroon ng kanilang

    sariling hardin!

    Gawain 5

    Aling bahagi ng talaarawan ni Ronel ang iyong labis na

    nagustuhan?

    Gumuhit ng kuwadro sa sagutang papel at sumulat ng 2-3

    pangungusap tungkol dito.

  • Gawain 6

    Isulat sa iyong talaarawan ang isang araw na karanasan mo

    tungkol sa pangangalaga ng kapaligiran.

    Gamitin ang mga tanong bilang iyong gabay sa pagsulat. Sundin

    ang wastong paraan sa paggawa ng talaarawan.

    1. Paano mo ilalarawan ang iyong sarili?

    2. Anong kapana-panabik na karanasan ang nais mong ibahagi?

    3. Kailan at saan ito nangyari?

    4. Ano ang nangyari noong araw na iyon?

    Mahilig ka bang magbasa?

    Alam mo ba ang ibat ibang bahagi ng aklat? Kaya mo bang tukuyin ng lima sa mga bahagi nito?

    Salunguhitan ang mga ito.

    Isipin

  • Ang aklat ay may ibat ibang bahagi. Ito ay ang pabalat ng aklat, pahinang pamagat, talaan ng pagpapalimbag ng aklat,

    paunang salita, talaan ng nilalaman, katawan ng aklat,

    talatuntunan o indise, glosari, at bibliyograpiya.

    Lingguhang Pagtataya

    Pagsasanay 1

    Pagtambalin ang metapora sa hanay A sa katumbas nito sa

    hanay B. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

    A B

    _____ 1. tinik sa lalamunan a. sobrang trabaho

    _____2. mabangis na hayop b. walang pakiramdam

    _____3. basang-sisiw c. masama ang ugali

    _____4. kayod-kabayo d. problema

    _____5. pusong bato e. inaapi

    pabalat ng aklat katawan ng aklat

    pahinang pang-isports pamagat

    pang-ulong tudling talaan ng nilalaman

    talaan ng pagpapalimbag glosari

    Tandaan

  • Pagsasanay 2

    Piliin mula sa talaan sa ibaba ang ibat ibang bahagi ng aklat. Isulat ang mga ito sa inyong kuwaderno.

    glosari bibliyograpiya

    pabalat ng aklat pahinang pang-isports

    indise o indeks pamagat pahinang

    pamagat talaan ng nilalaman

    paunang salita katawan ng aklat

    talaan ng pagpapalimbag ng aklat

    Pagsasanay 3

    Tukuyin ang pangunahing diwa na ipinapahayag ng bawat

    talata. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa sagutang

    papel.

    _____1. Ang mag-anak nina Rico ay nakatira sa lungsod.

    Wala silang bakuran upang pagtaniman ng mga puno

    ngunit mayroon silang gulayan. Tinuruan siya ng kaniyang

    mga magulang na magtanim ng gulay tulad ng petsay,

    kamatis, at talong sa mga lata at boteng lalagyan ng tubig.

    a. Ang mag-anak nina Rico ay nagtatanim ng mga gulay.

    b. Ang mag-anak nina Rico ay nangangarap magkaroon ng

    bakuran.

    c. Ang mag-anak nina Rico ay may gulayan kahit silay nakatira sa lungsod.

    _____2. Si Ana at ang iba pang girl scout ay sumali sa isang

    proyekto sa kanilang pamayanan na tinawag na Tayo nang Maglinis. Araw-araw pagtapos ng klase, nagwawalis sila ng kalsada. Nagtatanim din sila ng mga puno upang

    mapanatiling luntian ang paligid. Naniniwala silang ang

    pamayanang malinis ay ligtas sa sakit.

    a. Si Ana at ang iba pang girl scout ay naglilinis ng paligid

    araw-araw.

    b. Si Ana at ang iba pang girl scout ay sumali sa proyektong

    Tayo nang Maglinis upang maging ligtas sa sakit ang kanilang pamayanan.

    c. Nakatutuwang maging girl scout dahil maaari kang sumali

    sa proyekto ng pamayanan.

  • Unang Kuwarter

    Ikapitong Linggo

    Aralin 7: Bawat Kasapi ng Pamilya: May Tungkulin

    Paunang Pagtataya

    Lagyan ng tsek () ang wastong hanay kung ikaw ay sang-ayon o hindi sang-ayon sa isinasaad ng bawat

    pangungusap. Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot.

    Pangungusap Sang-

    ayon

    Hindi

    Sang-

    ayon

    1. Ang simile o pagtutulad ay anyo ng

    pananalita na nagpapahayag ng

    paghahambing ng dalawang magkaibang

    bagay. Ginagamitan ito ng katagang sing-,

    tulad ng-, at gaya ng-.

    2. Ang tatay koy kawangis ng toro kapag nagbubuhat siya ng mabigat na karga. Ito

    ay halimbawa ng metapora.

    3. Ang susing pangungusap ay nagsasaad

    ng pangunahing diwa ng talata.

    4. Gumamit ng wastong bantas tulad ng

    tuldok, tandang pananong o padamdam

    sa hulihan ng pangungusap.

    5. Ang payak na pangungusap ay

    nagpapahayag ng isang buong diwa.

    Basahin ang pangungusap tungkol sa bawat larawan.

    Ang bituin ay tulad ng brilyante sa langit.

    Read and Learn! Basahin at Alamin

  • Ang uling ay sing-itim ng hatinggabi.

    Ang sanggol ay anghel ng pamilya.

    Siya ay gutom na leon kung kumain.

    Ano-anong salita ang ginamit upang ilarawan ang litrato?

    Saan inihalintulad o iwinangis ang mga larawan?

    Ang ginamit bang mga salitang panlarawan ay angkop na

    gamitin sa paghahalintulad o pagwawangis?

    Anong mga salita ang ginamit upang ipakita ang

    pagkakapareho ng mga bagay?

    Alin ang halimbawa ng simile o pagtutulad? metapora o

    pagwawangis?

    Paanong nagkaiba ang simile at metapora?

    Simile at Metapora

    Ano ang simile?

    Ano ang metapora?

    Tandaan

  • Ilarawan ang mga litrato gamit ang simile o metapora.

    Isulat ang nabuong pangungusap sa patlang.

    1. ______________________________________

    2. ______________________________________

    3. ____________________________________

    4. ___________________________________

    Ang simile o pagtutulad ay anyo ng pananalita na

    nagpapahayag ng paghahambing ng dalawang

    magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng katagang sing-tulad

    ng- at gaya ng-.

    Ang metapora o pagwawangis ay anyo ng pananalita

    na ang tao o bagay ay inihahambing o iwinawangis sa

    ibang bagay na hindi ginagamitan ng sing-o tulad ng-.

    Isipin

  • 5. ___________________________________

    Basahin ang sumusunod na pangungusap hango sa kuwentong

    Tulad ng Langgam. a. Nagwawalis ng bakuran si Athena.

    b. Nagdidilig ng halaman si Brigette.

    c. Nagbubungkal ng lupa si Rose.

    d. Hinahakot ni Kuya Anton ang mga tuyong dahon sa hukay na

    gagawing abono.

    e. Nagbubunot ng damo ang bunsong si Mark.

    f. Nilalagyan ni Mang Jose ng abono ang mga tanim.

    Pag-aralan ang tsart na nagpapakita ng mga bahagi ng payak

    na pangungusap.

    Simuno Panaguri

    Athena nagwawalis ng bakuran

    Brigette nagdidilig ng halaman

    Rose nagbubungkal ng lupa

    Kuya Anton hinahakot ang mga tuyong dahon sa

    hukay na gagawing abono

    Mark nagbubunot ng damo

    Mang Jose nilalagyan ng abono ang mga tanim

    Ano ang mga bahagi ng pangungusap?

    Mayroon bang buong diwa ang bawat bahagi? Bakit?

    Anong uri ng pangungusap ang nagpapahayag ng isang buong

    diwa o kaisipan lamang?

    Anong bantas ang ginagamit sa hulihan ng pangungusap?

    Read and Learn! Basahin at Alamin

  • Ano ang payak na pangungusap?

    Simuno ang tawag sa bahaging pinag-uusapan sa

    pangungusap. Ito ang tagaganap ng kilos sa pangungusap.

    Panaguri naman ang bahaging nagsasabi tungkol sa

    ginawa o ikinilos ng simuno.

    Gumagamit tayo ng bantas tulad ng tuldok (.), tandang

    pananong (?), o padamdam (!) sa hulihan ng pangungusap.

    Gawain 1

    Sumulat ng payak na pangungusap tungkol sa bawat larawan.

    Isulat ang sagot sa kuwaderno.

    Ang payak na pangungusap ay nagpapahayag ng

    isang diwa o kaisipan lamang.

    Ito ay may dalawang bahagi: ang simuno at ang

    panaguri.

    Tandaan

    Subukin

  • Tulad ng Langgam ni: Claire B. Barcelona

    Tingnan mo ang mga langgam, Kuya Anton. Bakit kaya sila masyadong abala? tanong ni Brigette. Nagtutulungan silang humanap ng pagkain bilang paghahanda sa tag-ulan, sagot ng kaniyang kuya.

    Habang pinagmamasdan nilang dalawa ang mga langgam

    na nakapilang gumagapang, narinig nila ang tawag ng kanilang

    tatay.

    Athena, Brigette, at Rose, halika kayo rito. Tulungan ninyo akong linisin ang ating bakuran, pakiusap ni Mang Jose sa mga anak.

    Dali-daling lumapit ang mga bata sa kanilang tatay. Maya-

    mayay naging abala na ang lahat.

    Nagwawalis ng bakuran si Athena. Nagdidilig ng halaman si

    Brigette. Nagbubungkal ng lupa si Rose. Nagbubunot ng damo

    ang bunsong si Mark. Hinahakot ni Kuya Anton ang mga tuyong

    dahon sa hukay na gagawing abono. Naglalagay ng abono si

    Read and Learn! Basahin at Alamin

  • Mang Jose sa mga halaman. Bawat kasapi ng pamilya ay tulung-

    tulong sa paglilinis ng kanilang gulayan.

    Ang sama-samang pagtatrabaho ay nagpapabilis at

    nagpapadali ng gawaing bahay. Bawat kasapi ng pamilya ay

    may kani-kaniyang gawain. Ginagawa ng mga bata ang

    gawaing kaya na nilang gawin sa tulong at gabay ng kanilang

    tatay at nanay. Bawat maliit na tulong ay nakapagpapabilis ng

    gawain.

    Nakangiting pinagmamasdan ng nanay ang kaniyang mga

    anak. Para kayong mga langgam na abalang tinatapos ang gawaing bahay, sambit ng kanilang ina.

    Sagutin ang mga tanong.

    Ano-ano ang gawaing bahay ng mga kasapi ng pamilya?

    Ano ang kanilang natuklasan sa sama-samang pagtatrabaho?

    Sa anong insekto inihambing ng nanay ang kaniyang mga anak?

    Bakit kaya sa langgam inihambing ng nanay ang mga bata?

    Ano ang kahulugan ng sinabi ni Anton na nag-iipon ang mga

    langgam para sa tag-ulan?

    Anong katangian ng langgam mayroon ang mga bata?

    Anong ugali ng mga tauhan ang dapat na gayahin?

    Gawain 2

    Ano-ano ang mahalagang pangyayari na ginawa ninyo ng iyong

    pamilya sa mga espesyal na okasyon?

    Ibahagi ang iyong karanasan sa bawat pangyayaring nakasulat

    sa kahon, gamit ang payak na pangungusap. Isulat sa iyong

    sagutang papel.

    Gumamit ng ibang papel para sa iyong sagot.

    bakasyon

    kaarawan Pasko pista Araw ng mga Puso

  • Basahin ang mga talata tungkol sa pamilya ni Mang Jose.

    Nagwawalis ng bakuran si Athena. Nagdidilig ng halaman si

    Brigette. Nagbubungkal ng lupa si Rose. Nagbubunot ng damo

    ang bunsong si Mark. Hinahakot ni Kuya Anton ang mga tuyong

    dahon sa hukay na gagawing abono. Naglalagay ng abono si

    Mang Jose sa mga halaman. Bawat kasapi ng pamilya ay tulung-

    tulong sa paglilinis ng kanilang gulayan.

    Ang sama-samang pagtatrabaho ay nagpapabilis at

    nagpapadali ng gawaing bahay. Bawat kasapi ng pamilya ay

    may kani-kaniyang gawain. Ginagawa ng mga bata ang

    gawaing kaya na nilang gawin sa tulong at gabay ng kanilang

    tatay at nanay. Bawat maliit na tulong ay nakapagpapabilis ng

    gawain.

    Ano ang isinasaad sa bawat talata?

    Ano ang pangunahing diwa ng unang talata? Ikalawa?

    Ano-anong pangungusap sa talata ang sumusuporta sa

    pangunahing diwa?

    Ano ang tawag natin sa mga pangungusap na ito?

    Aling pangungusap ang nagsasaad ng buod ng bawat talata?

    Saan makikita sa talata ang susing pangungusap?

    Ano ang susing pangungusap?

    Ano ang pangunahing diwa?

    Sabihin at Alamin

  • Gawain 3

    Suriin ang tsart at buuin ang kaisipan.

    Isulat sa sagutang papel ang nawawalang impormasyon sa tsart.

    Ang susing pangungusap ay nagsasaad ng pangunahing

    diwa ng talata. Ito ay maaaring matagpuan sa unahan, sa

    gitna, o sa hulihan ng talata.

    Lahat ng pangungusap sa talata ay sumusuporta sa susing

    pangungusap.

    Ang pangunahing diwa ay naglalaman ng mahalagang

    impormasyon na nagsasaad ng kabuuang layunin ng bahagi

    ng teksto.

    Pamagat ng Kuwento

    Pagbabasa

    ng Diyaryo

    Pag-iipon

    ng mga

    Larawan

    liba-

    ngan

    pagbaba-

    sa ng

    aklat at

    diyaryo

    pagtata-

    nim ng

    halaman

    Tandaan

  • Basahin ang diyalogo hango sa isang paalala sa radyo.

    Tagapagsalita 1: Ang DCBB Balita Ngayon ay magbabalik

    pagkaraan ng paalalang ito.

    Joseph: Mark, saan ka galing?

    Mark : Pumunta ako sa silid-aklatan. Doon ako gumawa ng aking

    takdang aralin at humiran na rin ako ng aklat.

    Joseph: Bakit ka pa nagbabasa? Maglaro na lang tayo ng

    computer.

    Mark: Mabuti raw na libangan ang pagbabasa, sabi ni tatay.

    Halika at ipakikita ko sa iyo ang aking paboritong kuwento

    dito sa aklat na hiniram ko.

    Joseph: Uy, kay bilis mong nahanap ang pahina ng kuwento!

    Mark : Dahil alam kong lahat ang mga bahagi ng aklat, mabilis

    kong nakikita ang aking hinahanap.

    Joseph: Siguro, kailangan ko nang sumama sa iyong magbasa.

    Mark: Tama! Nakalilibang ang magbasa at marami kang

    matututuhan.

    Tagapagsalita 2: Ang paalalang ito ay hatid sa inyo ng AKLAT

    Foundation at ng istasyong ito.

    Tungkol saan ang paalala sa radyo?

    Paano nahikayat ni Mark si Joseph na makiisa sa kaniyang

    libangan?

    Bakit namangha si Joseph sa paraan ng paghahanap ni Mark ng

    kuwento sa aklat?

    Read and Learn! Basahin at Alamin

  • Gawain 4

    Pag-aralan ang mga impormasyon na nakasaad sa talahanayan

    na nagbibigay ng impormasyon ng ibat ibang bahagi ng aklat.

    Bahagi ng Aklat Kahulugan

    1. Pabalat ng aklat nagpapakita ng pamagat ng

    aklat, may-akda, at gumuhit

    ng mga larawan.

    2. Talaan ng

    pagpapalimbag ng aklat

    nagsasaad kung kailan

    inilimbag ang aklat

    3. Talaan ng nilalaman nagpapakita ng paksa, aralin,

    at pahina kung saan ito

    mababasa

    4. Katawan ng aklat

    nilalaman ng aklat

    5. Glosari nagsasaad ng kahulugan ng

    mga salitang ginamit

    Ano-ano ang bahagi ng aklat?

    Anong impormasyon ang makikita sa bawat bahagi nito?

    Gawain 5

    Itambal ang nilalaman ng hanay A sa bahagi ng aklat na nasa

    hanay B kung saan ito makikita. Isulat ang letra ng sagot sa isang

    papel.

    A B

    1. Landas sa Pagbasa a. talaan ng pagpapalimbag

    ni Paz M. Belvez

    2. EduResources Publishing, Inc. b. pabalat ng aklat

    Visayas Avenue, Quezon City

  • 3. Aralin 1-Mga Tugmang-bayan c. glosari

    (Salaysay).2

    4. malumbay, 24

    5. Antonio Basilla, tagapagguhit d. talaan ng nilalaman

    Lingguhang Pagtataya

    Ito ay isang pagsusuri ng iyong kaalaman sa mga aralin ng

    Linggong ito. Sagutin nang wasto ang bawat aytem gamit ang

    inyong sagutang papel.

    A. Pakinggan ang kuwento at sagutin ang mga tanong.

    Nanay, nasaan po kayo? tawag ni Mark. Hinanap niya ang kaniyang ina sa loob ng bahay ngunit walang tao roon.

    Lumabas siya ng bahay at nakita niyang ang lahat ay abala.

    Nakita niyang naglilinis ng kanal ang kaniyang tatay.

    Inilalagay naman ng kaniyang Kuya Anton ang mga basyong

    boteng lalagyan ng tubig. Si Athena at ang kaniyang nanay ay

    nagwawalis. Dala ni Brigette ang plastik bag na lalagyan ng

    basura habang inihihiwalay ni Rose ang mga di nabubulok na

    basura. Lumapit si Mark sa mga kapatid at tumulong.

    Bukas na ang magarbong parada. Handa na halos ang lahat para sa ating pista, sambit ng kanilang Punong Baranggay na tuwang-tuwa.

    Matatag kung sama-sama, marupok kapag hiwa-hiwalay, puna ni Mark .

    1. Ano ang magandang pamagat para sa kuwento?

    a. Ang Pista

    b. Oras ng Maglinis

    c. Pagtutulungan ng Mag-anak

    d. Paghahanda sa Pista

  • 2. Aling pangungusap ang nagsasaad ng buod

    ng binasa?

    a. Ang lahat ay abala sa paglilinis ng daan.

    b. Hiniling ng Punong Baranggay ang bawat mag-anak na

    maglinis.

    c. Tumutulong ang mga bata sa pagpapanatili ng kalinisan sa

    pamayanan.

    d. Hinihimok ng mga magulang ang kanilang mga anak na

    maging responsable.

    3. Aling pangungusap sa ibaba ang tumutugon

    sa diwang Matatag kung sama-sama, marupok kapag hiwa-hiwalay?

    a. Hinihikayat ang mga batang maglinis ng daan.

    b. Ang matatanda lamang ang dapat na tumulong sa

    paghahanda para sa pista.

    c. Iniutos ng Punong Baranggay ang bawat mag-anak na

    maglinis ng daan.

    d. Bawat kasapi ng mag-anak ay sama-samang tumutulong sa

    paghahanda para sa pista.

    A. Salungguhitan ang anyo ng pananalitang ginamit sa bawat

    pangungusap. Isulat ang S kung simile ang ginamit at M kung

    metapora.

    _____1. Gutom na gutom ang mga biyahero kaya Nang kumain

    sila, gabundok na kanin ang naubos.

    _____2. Galit na leon si Gng. Tuazon nang makita niyang nabasag

    ang kaniyang paboritong plorera.

    _____3. Hindi mabango ang durian ngunit ang lasa ay tulad ng

    langit kapag iyong natikman.

    _____4. Ang nanaloy isang kabayong hindi patatalo sa karera.

    B. Basahin ang talata at piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ito

    sa sagutang papel.

    Sabado ng umaga, gumagayak ang magkakapatid para

    dalawin ang kanilang mga lolo at lola. Maagang gumising si

  • Athena at nagluto. Gumagawa ng biskuwit si Brigette para sa

    kanilang lolo. Pumipitas ng mga gumamela si Rose para sa

    kanilang lola. Nagsasanay umawit ang bunsong si Mark para sa

    kanilang lolo at lola. Nag-eensayo naman ng sayaw sina Anton at

    Joseph para sa kanilang paaralan. Lahat silay nananabik na makarating sa bukid ng kanilang lolo at lola.

    1. Alin ang susing pangungusap?

    a. Umaga ng Sabado.

    b. Lahat silay nananabik na makarating sa bukid ng kanilang lolo at lola.

    c. Nagsasanay umawit ang bunsong si Mark para sa kanilang lolo

    at lola.

    d. Gumagayak ang magkakapatid para dalawin ang kanilang

    mga lolo at lola.

    2. Aling pangungusap ang hindi sumusuporta sa pangunahing

    diwa?

    a. Gumagawa ng biskuwit si Brigette para sa kanilang lolo.

    b. Nag-eensayo naman ng sayaw sina Anton at Joseph para sa

    kanilang paaralan.

    c. Pumipitas ng mga gumamela si Rose para sa kanilang lola.

    d. Nagsasanay umawit ang bunsong si Mark para sa kanilang lolo

    at lola.

    3. Ano ang kaisipang diwa ng talata?

    a. Ang mga Batang Abala

    b. Katapusan ng Linggo sa Lolo at Lola

    c. Kapana-panabik na Araw sa Bukid

    d. Paghahanda sa Pagbisita sa Lolo at Lola

    4. Gustong malaman ni Rose ang sumulat, tagapagguhit, at

    naglimbag ng aklat, aling bahagi ng aklat ang kaniyang

    titingnan?

    a. indeks o indise

    b. glosari

    c. pabalat ng aklat

    d. talaan ng nilalaman

  • 5. Pag-aralan ang pangkat ng mga salita sa ibaba. Alin sa mga

    ito ang halimbawa ng payak na pangungusap?

    a. Tumutulong ang mga bata sa kanilang nanay na magluto ng

    tanghalian.

    b. Tatlong makukulay na paruparo sa isang magandang hardin

    c. Pumunta si Ramil sa Maynila at dinalaw niya ang kaniyang

    asawang si Joyce.

    d. Umiyak si Anjelie dahil nawala ang kaniyang computer sa

    paaralan.

    C. Sumulat ng tatlong (3) payak na pangungusap tungkol sa

    larawan. Gumamit ng anyo ng pananalita sa paglalarawan nito.

    Isulat ito sa papel. (13-15)

    Unang Kuwarter

    Ikawalong Linggo

    Aralin 8: Bawat Kasapi: Karangalan ng Pamilya

    Paunang Pagtataya

    Piliin at isulat sa sagutang papel ang hanay na kakatawan sa

    iyong pansariling karunungan sa nakaslulat na konsepto.

    Lagyan din ng sagot ang huling dalawang hanay kung alam mo

    ito.

    Konsepto

    Alam na

    alam ko

    Ito

    Narinig

    ko na

    Ito

    Wala

    palatandaan Hal Kahulugan

    tambalang

    pangungusap

    salitang may

    ibat ibang

  • Tara Na! ni: Florita R. Matic

    Ang lahat ng kasamay abala Ang pakiramdam ay masaya

    Dahil lahat ay tiyak na sasama

    Sa lakbay-aral na kay saya

    Tiyak na magdudulot ng ligaya.

    Tara na at maglakbay

    Ingat lang at alalay

    Sa paanan ng burol

    Hakbang moy ingatan Talampakan ay tatagan.

    Mga puno sa burol

    Puno ng sangang madahon

    Sa tabi naman nitoy May tubo na nakabaon.

    Doon sa di kalayuan

    Iyong masisilayan

    Mga tanim na tubo

    Tubo na ang ilan

    Kay sarap tikman.

    Paso at lapnos ang aming balat

    Sa init ng araw na matingkad.

    Dahil sa layo ng aming nilakad

    kahulugan

    nakapagbibigay-

    hinuha sa

    nararamdaman

    ng tauhan

    talaan ng

    nilalaman

    Read and Learn! Basahin at Alamin

  • Katawang pagod ay agad napaupo

    Sa tabi ng paso dahil sa hapo.

    Anong mga salita ang ginamit nang dalawa o higit pang beses sa

    rap na binasa?

    Ano-ano ang kahulugan ng salitang puno? tubo? paso?

    Magkakapareho ba ang kahulugan ng bawat salita?

    Paano natin malalaman ang angkop na kahulugan ng salitang

    magkapareho ang baybay?

    Mga Salitang may Ibat Ibang Kahulugan Pag-aralan ang mga kahulugan ng mga salita sa loob ng tsart.

    Salita Kahulugan

    puno tanim o punong-kahoy maraming laman

    tubo daluyan ng tubig isang uri ng

    pananim na

    ginagawang asukal usbong ng halaman na

    lalaki pa lamang

    paso lapnos sa balat dahil sa

    init

    lalagyan ng

    halaman

    Ano ang tawag sa mga salitang nasa loob ng tsart?

    Ano ang ibig sabihin ng salitang may ibat ibang kahulugan? Paano mo malalaman kung ano ang angkop na kahulugan ng

    salitang may magkaparehong baybay na ginamit sa

    pangungusap?

    Ang mga salita ay maaaring magkaroon ng isa o higit

    pang kahulugan.

    Ang kahulugan ng mga salita ay nakabatay sa kung

    paano ito ginamit sa pangungusap.

    Sabihin at Alamin

    Tandaan

  • Pag-aralan ang bawat larawan at itambal ito sa pangungusap

    nagpapahayag ng kahulugan nito. Ibigay ang letra ng tamang

    sagot.

    a. Bumili ng bagong saya si Ana.

    1.

    2. b. Makikita sa mukha ng mga bata ang

    saya na kanilang nararamdaman.

    3. c. Malakas ang tunog ng pito.

    4. d. Alam kong isulat ang simbolo ng

    bilang na pito.

    5. e. Magtanim tayo ng puno.

    f. Puno ng kape ang tatlong tasa.

    6.

    Isipin

  • Pagbibigay ng Hinuha sa Nararamdaman ng Tauhan

    Basahin ang usapan ng mga tauhan sa kuwento. Ibigay ang

    iyong hinuha sa kanilang nararamdaman.

    Sino sino ang tauhan sa usapan?

    Ano ang nararamdaman ni Athena?

    Ano ang iniisip ni Brigette?

    Ano ang sagot ni Anton?

    Ano ang naramdaman ni Mang Jose sa kaniyang mga anak?

    Ano kaya ang nararamdaman ni Athena? ni Brigette? ni Anton?

    ni Mang Jose?

    Basahin ang nilalaman ng tsart. Isulat ang iyong hinuha tungkol sa

    naramdaman ng mga tauhan batay sa kanilang usapan.

    Tauhan Nararamdaman Iniisip Ginawa Usapan Ugali

    Athena

    Brigette

    Anton

    Mang

    Jose

    Ano ang ating binibigyan ng pansin kapag tayo ay nagsasabi ng

    hinuha tungkol sa nararamdaman ng tauhan?

    Athena: Hindi ko makuha ang tamang sagot.

    Brigette: Patulong kaya tayo kay Kuya Anton.

    Anton: Madali lang yan. Tutulungan kita.

    Ano ang sinabi?

    Mang Jose: Ipinagmamalaki ka ng ating pamilya.

    Ano ang nararamdaman?

    Sabihin at Alamin

  • Sino-sino ang tauhan sa kuwento?

    Paano mo masasabi kung ano nararamdaman

    ng tauhan sa kuwento?

    Gawain 1

    Pakinggan ang talatang babasahin ng guro tungkol kay Dino.

    Isipin kung kailan naramdaman ni Dino ang sumusunod na

    damdamin.

    Paano mo ito nalaman?

    Damdamin Sitwasyon

    kinakabahan

    kawalan ng

    tiwala sa sarili

    maiyak-iyak

    matapang

    Ang tauhan ay maaaring tao o hayop na gumaganap sa

    kuwento. Masasabi natin kung ano ang nararamdaman ng

    tauhan batay sa kaniyang sinasabi, ginagawa, o iniisip.

    Ako po si Dino.

    Tandaan

    Ito ang araw ng palatuntunan sa paararalan nina Dino.

    Masaya ang mga magulang, kapatid, at iba pang

    manonood dahil masasaksihan nila ang talento ng mga

    mag-aaral. Tinawag na si Dino at siya ay tumugtog. Ang

    lahat ay nagpalakpakan at nasiyahan sa kaniyang

    ipinakita. Binati at niyakap siya ng kaniyang kapatid

    pagkababa niya sa entablado. Nagustuhan ng kaniyang

    tatay ang napakaganda niyang ipinalamas.

  • Gawain 2

    Ibigay ang nararamdaman ng pangunahing tauhan.

    Sipiin sa inyong sagutang papel.

    Ugali Ginawa at Sinabi ng

    Tauhan

    Hindi ko halos narinig kung kailan ka

    nagkamali. Lahat ay

    pumalakpak pagkatapos

    mong tumugtog.

    Narinig kitang tumugtog. Ang husay

    mo! Niyakap niya ang kapatid.

    Bakit, Dino? bulong niya sa kapatid.

    Ako po si Angela.

    Ano po ang ugali ko?

    Pangalan ng tauhan

    iniisip

    ginagawa

    nararamdaman

    Ako po si _______

    ___________.

    sinasabi

  • Magandang Ideya ni: Claire B. Barcelona

    Tapos na halos ang aking takdang-aralin, Ate Athena, sambit ni Brigette sa kapatid.

    Talaga, paano mo ito nagawa? tanong ni Athena.

    Nahihirapan akong makuha ang sagot. Sinubukan kong sagutin nang maraming beses pero hindi ko talaga makuha, sagot ni Brigette sabay lapit sa kaniyang kapatid.

    Tiningnan niya ang sagot ni Brigette sa Math.

    Ano kaya ang mali sa sagot mo? nakakunot-noong tanong ni Athena.

    Mayroon akong magandang ideya. Patulong tayo kay Kuya Anton. Isa siyang Math wizard, giit ni Brigette sa kapatid.

    Nakangiting ipinaliwanag ni Anton sa kapatid kung ano ang

    gagawin. Humanga ang magkapatid sa husay ng kanilang Kuya

    Anton sa Math.

    Sa tuwing kakailanganin ninyo ng tulong sa Math, lagi akong nandito para tumulong. Huwag ninyong isiping mahirap

    ang Math. Kailangan lang na ilagay ninyo ito sa inyong

    puso,mababang-loob na paliwanag ng kanilang Kuya Anton.

    Tinapik ni Mang Jose sa balikat si Anton at sinabing

    Ipinagmamalaki ka ng ating pamilya.

    Niyakap ni Mang Jose ang mga anak at sabay-sabay silang

    tumungo sa hapag-kainan.

    Basahin at Alamin

  • Sagutin ang mga tanong.

    Paano ibinahagi ni Anton ang talino niya sa kaniyang mga

    kapatid?

    Bakit siya tinawag na Math wizard ng kaniyang mga

    kapatid?

    Ano ang ginagawa ni Anton upang mas mapaghusay pa

    niya ang kaniyang galing sa Math?

    Anong talento ang mayroon ka na kailangan mong

    ipagmalaki?

    Ibinabahagi mo ba sa iyong pamilya ang iyong talento?

    Paano?

    Anong ugali ni Anton ang dapat mong gayahin?

    Tambalang Pangungusap

    Basahin ang mga pangungusap tungkol sa kuwento.

    a. Nakangiting ipinaliwanag ni Anton sa kapatid kung ano ang

    gagawin at humanga sila sa kaniyang husay.

    b. Nangamba si Brigette at humingi siya ng tulong sa kapatid na si

    Athena.

    c. Tinapik ni Mang Jose sa balikat si Anton at binati niya si Anton.

    d. Niyakap nila ang isat isa at sama-sama silang tumungo sa hapag-kainan.

    Ano-anong kaisipan ang ipinahahayag sa bawat pangungusap?

    Pag-aralang mabuti ang unang pangungusap.

    Nakangiting ipinaliwanag ni Anton sa kapatid kung ano ang

    gagawin at humanga sila sa kaniyang husay.

    Ilang buong kaisipan ang ipinahahayag sa pangungusap?

    Ano-ano ang lipon o grupo ng mga salitang makatatayong mag-

    isa dahil may buong kaisipang ipinahahayag?

    Basahin at Alamin

  • Anong salita ang ginamit upang pag-ugnayin ang dalawang

    sugnay na nakapag-iisa?

    Ano ang tawag sa katagang ginamit sa pangungusap upang

    pag-ugnayin ang dalawang sugnay na nakapag-iisa?

    Tukuyin ang mga sugnay na nakapag-iisa sa ibang pangungusap

    na ginamit sa kuwento.

    Ano ang tambalang pangungusap?

    Ano ang tinatawag na sugnay na nakapag-iisa?

    Ano ang pang-ugnay?

    Ano-anong pang-ugnay ang ginagamit sa tambalang

    pangungusap?

    Anong bantas ang ginagamit sa tambalang pangungusap?

    Gawain 3

    A. Nasaan ang aking kaparis?

    Pagtambalin ang dalawang sugnay na nakapag-iisa upang

    makabuo ng tambalang pangungusap. Gumamit ng wastong

    pang-ugnay. Isulat ang sagot sa isang papel.

    A

    1. Pagpipinta ang gusto ni Mark.

    2. Tumutugtog ng gitara siJoseph.

    3. Lumalangoy si Erick na tulad ng isda.

    4. Mahusay sumayaw si Grace.

    5. Simbilis ng kabayo kung tumakbo si Ramil.

    Ang tambalang pangungusap ay binubuo ng dalawang

    sugnay na nakapag-iisa.

    Pinag-uugnay ito ng pang-ugnay na at-, o-, ngunit-, at saka-.

    Tandaan

  • B

    a. Araw-araw siyang nagsasanay.

    b. Siya ang lider ng cheering squad.

    c. Kumakanta ang banda nila sa handaan.

    d. Sumasali siya sa paligsahan ng pagguhit.

    e. Nakatatanggap siya ng gintong medalya sa paligsahan.

    Gawain 4

    Talaan ng Nilalaman ng Aklat

    Pag-aralan ang talaan ng nilalaman at sagutin ang sumusunod

    natanong. Isulat sa sagutang papel.

    Ilang aralin mayroon sa talaan?

    Ano ang pamagat ng huling aralin?

    Saang pahina mo makikita ang impormasyon tungkol sa

    pagtuklas ng iyong lakas?

    Anong impormasyon ang makikita sa pahina 98?

    Aling aralin ang nagbibigay ng pangkalahatang ideya ng

    libangan?

    Ibinabahagi ni Anton ang kaniyang talento sa kaniyang mga

    kapatid. Sa anong aralin maiuugnay ang karanasang ito?

    Anong aralin ang tumatalakay sa ugnayan ng libangan at

    priyoridad?

    Kung bago mo lamang natutuklasan ang iyong talento, aling

    aralin ang babasahin mo?

    Mga Libangan Mo

    Aralin 1 Pag-usapan ang mga Libangan 1-7 Aralin 2 Pagtuklas sa iyong Lakas... 8-39 Aralin 3 Pagyamanin ang Galing... 40-76 Aralin 4 Ibahagi sa Iba 77-99 Aralin 5 Pagpapaunlad sa Sarili..100-124 Aralin 6 Libangan laban sa Priyoridad...125-150

  • Ano-anong impormasyon ang makikita sa talaan ng nilalaman ng

    aklat?

    Paano mo magagamit ang talaan ng nilalaman ng aklat?

    Lingguhang Pagtataya

    Ito ay isang pagsusuri ng iyong kaalaman sa mga aralin ng

    Linggong ito.

    Subuking sagutin ang bawat aytem nang wasto.

    A. Pakinggan ang kuwento.

    Sagutin ang mga tanong. Piliin ang wastong letra.

    Kambal sina Myko at Myka. Nakatanggap sila ng regalo

    galing sa kanilang Tito Bobby. Iginiit ni Myko na sa kaniya ang

    bisikleta. Kahit basketbol ang kaniyang pinaglalaruan, ayaw

    niyang ipagamit ang bisikleta sa kaniyang kakambal ni si Myka.

    Hindi ko gagamitin ang iyong bisikleta. Maaari bang pahiramin mo ako ng iyong bola, pakiusap ni Myka.

    Ayoko, bola ko ito. Mayroon ka namang manika, galit na tugon ni Myko sa kakambal.

    Tinawag silang dalawa ng kanilang nanay.

    Ang talaan ng nilalaman ng aklat ay makikita sa

    unahang bahagi ng aklat.

    Nakasaad dito ang yunit, aralin, o kuwento at kung saan

    pahina ang mga ito matatagpuan.

    Tandaan

  • 1. Alin sa mga salita ang maaari mong masabi na ugali ni Myko?

    a. makasarili

    b. mapagtiwala

    c. palakaibigan

    d. matigas ang ulo

    2. Ano ang naramdaman ni Myka sa ugali ng kaniyang

    kakambal?

    a. natakot

    b. nalungkot

    c. nagalit

    d. humingi ng paumanhin

    3. Aling pangungusap ang nagsasaad na makasariling bata si

    Myko?

    a. Hindi mo puwedeng gamitin ang aking laruan.

    b. Mayroon kang sariling manika.

    c. Hindi ko gagamitin ang iyong bisikleta.

    d. Maaari bang mahiram ang iyong bola?

    B. Basahin at piliin ang letra ng tamang sagot.

    4. Alin ang tambalang pangungusap?

    a. Nakiusap si Myka kay Myko na pahiramin siya ng bola.

    b. Nakatanggap ng regalo sina Myko at Myka sa

    kanilang Tito Bobby.

    c. Nang hindi pinahiram ni Myko ng laruan si

    Myka, umalis siyang maluha-luha.

    d. Nagpasalamat ang kambal sa kanilang

    Tito Bobby at ikinatuwa nila ang regalo.

    5. Bumili ng tatlong kilong karne si Athena upang gawing hamon.

    Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?

    a. karneng manamis-namis ang luto

    b. paghingi ng tawad

    c. pag-aanyaya ng away

    d. pagkaing gawa sa isda

  • 6. Pagsamahin ang payak na pangungusap gamit ang wastong

    pang-ugnay.

    Tumula ang mga batang babae.

    Nagsayaw ang mga batang lalaki.

    Alin ang tama?

    a. Tumula ang mga batang babae kaya nagsayaw ang

    mga batang lalaki.

    b. Tumula ang mga batang babae ngunit nagsayaw ang

    mga batang lalaki.

    c. Tumula ang mga batang babae at nagsayaw ang mga

    batang lalaki.

    d. Tumula ang mga batang babae nang sumayaw ang

    mga batang lalaki.

    7. Pag-aralan ang larawan. Aling kahulugan ng salitang saya ang

    angkop na ginamit sa pangungusap batay sa larawan?

    a. Nakadamit ng saya ang mga bata.

    b. Saya ang dulot ng sanggol sa pamilya.

    c. Baro at saya ang kasuotan ng mga

    ninuno nating Pilipino.

    d. Ang saya ng mga bata ay makikita sa

    kanilang mga ngiti.

    Piliin sa loob ng kahon ang kahulugan ng salitang may

    salungguhit na ginamit sa pangungusap. Isulat sa sagutang

    papel.

    a. taniman ng halaman

    b. lapnos ang balat dahil sa init

    c. lagpas na sa itinakdang araw

    8. Nabasag ang paso dahil nabunggo ng pusa.

    9. Ginamot ng nanay ang mga paso ni Mark sa braso.

    10. Nagpagawa si Anton ng bagong I.D. dahil paso na ito.

  • C. Pag-aralan ang talaan ng nilalaman ng aklat.

    11. Aling aralin ang kailangan mong basahin kung gusto mong

    malaman ang ehersisyong bagay sa iyo?

    a. aralin 1 b. aralin 2 c. aralin 3 d. aralin 4

    12. Anong impormasyon ang nasa pahina 32?

    a. Tamang Ehersisyo

    b. Gabay sa Pagkain

    c. Mabuti sa Katawan

    d. Pag-iingat na Kailangan

    D. Pag-aralan ang larawan.