modyul 5 ebolusyong kultural sa asya

30
MGA SINAUNANG TAO SA DAIGDIG

Upload: evalyn-llanera

Post on 11-Feb-2017

1.719 views

Category:

Education


71 download

TRANSCRIPT

MGA SINAUNANG TAO SA DAIGDIG

EBOLUSYONG KULTURAL Tumutukoy sa proseso ng pag-unlad sa

paraan ng pamumuhay ng mga unang tao dulot ng pakikiayon sa mga pagbabagong naganap sa kanilang paggawa ng kasangkapan, panirahan, at sa uri ng kanilang kabuhayan.

Karaniwang nahahati sa dalawang malalawak na kultura: Panahong Paleolitiko (Panahon ng Lumang Bato) Panahong Neolitiko (Pananhon ng Bagong Bato)

Samantala, may ilang bansa sa Asya, tulad ng Japan, na dumaan sa Panahong Mesolitiko o transisyonal na panahon sa pagitan ng Panahong Paleolitiko at Panahong Neolitiko.

PANAHONG PALEOLITIKO Nagsimula may 2.5 milyong taon na ang

nakakalipas at tumagal hanggang noong 8500 B.C.E.

Nagmula ang salitang “paleolitiko” sa pinagsamang salitang Greek na palaois na nangangahulugang “luma”, at lithos, na nangangahulugang “bato”.

PARAAN NG PAMUMUHAY Lubhang umaasa sa kanilang kapaligiran.

Nakukuha nila mula sa kalikasan ang mga pangngailangan nila.

Pangangaso at pangangalap ang mga pangunahing gawaing pangkabuhayan ng mga tao.

Ang pangkat ng mga kalalakihan ang karaniwang nangangaso samantalang ang kababaihan ang nangangalap ng pagkain at kumakalinga sa kanilang mga anak.

Bumuo ng tribo ang mga unang tao. Karaniwang may 50 hanggang 100 na kasapi ang bawat tribo.

Nagkaroon ng paghahati ng tungkulin ang mga kasapi nito. Lalaki ang kalimitang pinuno ng tribo. Ang

pinakamalakas mangaso ang itinuturing na pinuno.

Ang mga babae na nangangalap ng pagkain at sila rin ang nagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng tribo

Malaki ang bahaging ginagampanan ng pinuno sa tribo. Siya ang napasiya kung paano haharapin ng mga

tribo ang mga pagsubok mula sa ibang tribo at panganib mula sa kapaligiran tulad ng mga kalamidad.

Siya rin ang nagpapanatili ng kaayusan sa lipunan sa pamamagitan ng pangangasiwa ng distribusyon ng mga imbak na pagkain.

LAGALAG o NOMADIC, dahil walang permanenteng tirahan, ang mga sinaunang mga tao.

Malimit silang sumilong sa mga yungib tuwing sasapit ang gabi, tuwing umuulan, at sa panahon ng taglamig.

MGA KASANGKAPAN NOONG KULTURANG PALEOLITIKO Gumagamit ng kagamitang bato ang mga

sinaunang tao.

Inilarawan ito bilang “magaspang na bato” sapagkat hindi pulido o makinis ang pagkakagawa ng kagamitan.

Ginawa ang mga kagamitang ito sa pamamagitan ng pagtapyas ng bahagi ng malaking bato.

PAGTUKLAS NG APOY Itinuturing na isa sa pinakamahalagang

tuklas ng unang tao.

Ayon sa isang teorya, natuklasan ng unang tao ang apoy sa pagtama ng kidlat sa isang punong kahoy. Nagliyab ito at nabuwal sa isang mabangis na hayop. Nang matikman nila ang lasa ng lutong karne ay nagustuhan nila ito at nagsimulang gumawa ng apoy sa pamamagitan ng pagkiskis ng bato. Kinalaunan ay natutuhan na rin nilang gumawa ng apoy sa pamamagitan ng pagkiskis ng kahoy.

PAGLALARAWAN SA PAGGAWA NG MGA UNANG TAO NG APOY Ginamit ito upang lutuin ang kanilang

pagkain

Nakatulong ito upang maibsan ang lamig ng kapaligiran

Nagsilbi itong proteksiyon laban sa mababangis na hayop

Nagbigay-liwanag ito sa madidilim na yungib

Pinatunayan ng mga nahukay na labi sa Indonesia at China ang pamumuhay ng mga sinaunang tao sa kontinente. Batay sa mga nahukay na buto at kasangkapan, masasabing ang Taong Java at Taong Peking ay mahusay na mangangaso at may kaalaman sa paggamit ng apoy. Bihasa rin sila sa paggawa ng kagamitang bato.

Sa Pilipinas naman ay may mga natagpuang buto ng malalaking hayop at mga kagamitang bato. Natagpuan ito sa Cagayan kung saan pinaniniwalaang nanirahan ang mga Taong Cagayan 500,000 hanggang 250,000 taon na ang nakakalipas.

May natagpuang buto sa yungib ng Tabon sa Palawan ay patunay ng paninirahan ng sinaunang tao sa Pilipinas. Tinatawag itong Taong Tabon na tinatayang nabuhay noong 23,000 B.C.E.

KULTURANG MESOLITIKO Naganap mula 10,000 hanggang 4500 B.C.E

Naganap ang isang malaking pagbabagong pangkapaligiran—ang pagkatunaw ng mga glacier o malalaking tipak ng yelo.

Ito ang nagbigay-daan sa paglago ng mga puno at halaman sa mga kagubatan.

Naging mahirap ang mangalap ng pagkain mula sa kapaligiran.

Natutunan nilang paamuhin ang mga aso na naging malaking tulong sa kanilang pangangaso ng mga mababangis na hayop.

Mas mahusay ang mga nabuong kagamitang bato bagama’t hindi rin gaanong pulido o maayos ang pagkakagawa.

Nagsimulang manirahan ang mga tao malapit sa pampang ng ilog at dagat.

Nadagdagan ng mga lamang-ilog at lamang-dagat ang uri ng kanilang pagkain.

Maituturing na pinakamahalagang ambag ng panahong ito ang sasakyang pandagat na tinatawag na dugout o canoe.

Ginagamit nila ito sa pangingisda sa ilog at sa mababaw na bahagi ng dagat.

PANAHONG NEOLITIKO Tinatayang nagsimula noong 7000 hanggang

3000 B.C.E.

Nagmula ang salitang “neolitiko” sa salitang Greek na naois na nangangahulugang “bago”, at lithos na nangangahulugang “bato”

Sa panahong ito higit na umasa ang mga sinaunang tao sa kanyang kakayahan kaysa sa kaniyang kapaligiran.

Naging sedentary o may permanenteng tirahan ang mga sinaunang tao.

MGA KASANGKAPAN NOONG PANAHON NG NEOLITIKO Napaghusay ng mga unang tao ang kanilang

kasangakapan.

Gumamit sila ng makikinis na kagamitang bato.

Gamit sa paggawa ng mga kasangkapang ito ang matigas na bato tulad ng jade.

Ginamitan na rin ng ibang materyales ang mga kasangkapan upang higit na mapaghusay ang paggamit ng mga ito.

PAGSISIMULA NG AGRIKULTURA Sa pag-init ng temperatura ng daigdig,

natunaw ang yelo na bumabalot sa daigdig, nalantad ang lupang dating nababalutan ng yelo, at nabuo ang mga ilog at batis.

Naging angkop din ang temperatura ng daigdig para sa pagtatanim.

Dahil sa pagdami ng tao, umigting ang kompetisyon para sa limitadong pagkain.

Kinailangan ng unang tao na humanap ng iba pang mapagkukunan ng pagkain.

NEOLITHIC REVOLUTION Isang rebolusyong agrikultural.

Mula sa pangangaso at pangangalap ng pagkain ay natuto ang mga unang tao na magtanim at magsaka.

Karaniwang nagsaka ang mga unang tao sa pamamagitan ng pagkakaingin.

Natutuhan din nilang magpaamo ng mga hayop tulad ng tupa, kambing kamelyo, baka, manok, at baboy

` Ang araro ang isa sa mga kontribusyon ng

mga unang Asyano sa agriklutura.

Bunsod sa pag-usbong at pag-unlad ng agrikultura, nagkaroon ng seguridad sa pagkain ang mga sinaunang tao.

Hindi na nila kailangang magpalipat-lipat ng tirahan upang mangaso at mangalap ng pagkain. Nadagdagan din ang mapagpipilian nila ng nakakain.

Dahil sa seguridad sa pagkain ay nalinang ng mga unang tao ang iba pang mga kabuhayan.

Halimbawa nito ang paggawa ng mga imabakan, tulad ng palayok, upang gawing sisidlan ngkanilang sobrang suplay ng pagkain.

URBAN REVOLUTION Dulot ng mga pagbabago sa kanilang

kabuhayan ay nagsimulang magtayo ng permanenteng tirahan ang mga unang tao.

KAUGNAYAN NG NEOLITHIC REVOLUTION AT URBAN REVOLUTION Sa pagkakatuto ng tao sa pagsasaka at

pagpapaamo ng hayop ay kinailangan niyang magtayo ng tirahan malapit sa kaniyang mga pananim. Ito ay upang mabantayan niya ang mga ito mula sa mababangis na hayop at mula sa iba pang tribo. Kalaunan ay naitatag ang mga pamayanan ng mga unang tao

KAHALAGAHAN NG NEOLITHIC REVOLUTION AT URBAN REVOLUTION Mahalagang yugto ng kasaysayan ang

Neolithic Revolution at Urban Revolution. Ang mga pagbabagong ito ang nagsilbing tulay mula sa panahong rehistoriko tungo sa panahong historiko. Gamit ang kanilang mga natutunan ay higit na napaunlad ng mga tao ang antas ng kanilang pamumuhay tungo sa pagbuo ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.

PANAHON NG METAL Nagsimula sa pagkakatuklas ng tanso o

copper.

Ito ang unang uri ng metal na ginagamit ng mga sinaunang tao.

Unang ginawa ang prosesong ito sa Kanlurang Asya.

Ginagamit sa paggawa ng mga palamuti at kagamitang pandigma

Sa patuloy na pagtuklas sa makapagpapahusay ng kanilang mga kasangkapan, sinubukan nilang paghaluin ang tanso at tin. Mula sa paghahalon ito nabuo ang bronse.

Naganap ang Panahon ng Bronse noong 5000 hanggang 1200 B.C.E.

Napabilis at napagaan ang pang-araw-araw na gawain ng mga sinaunang tao dahil sa mas matibay na kasangkapan dahil sa mas matatalim na kagamitang pambungkal sa lupa na gawa sa bronse.

ISIP, HAMUNIN Tukuyin ang konsepto o kaalaman na

inilalarawan sa bawat bilang1. Paraan ng pamumuhay ng mga unang tao

sa daigdig noong Panahong Paleolitiko.2. Nagsimula ang panahong ito noong 3000

B.C.E. sa pagkaimbento ng tao sa sistema ng pagsulat.

3. Tawag sa pagpapalipat-lipat ng tirahan ng mga unang tao.

4. Pagbabagong naganap noong Panahong Neolitiko kung kailan nagsimulang magtayo ng bahay ang mga unang tao.

5. Itinuturing itong isa sa pinakamahalagang tuklas ng tao noong Panahon ng Paleolitiko.

6. Panahon kung kailan gumamit ng “magaspang na bato” ang mga unang tao.

7. Tawag sa proseso kung saan ay natutong magtanim at magpaamo ng hayop ang mga unang tao

8. Salitang Greek na nangangahulugang “bato”9. Sa panahong ito gumawa ang mga unang

tao ng makinis na kagamitang bato.10. Sumasaklaw ang panahong ito mula 2.5

milyon hanggang 8000 B.C.E.